Katitikan - June 2012

Page 3

Hamon ng Nagdaang Taon

M

ga magigiliw na Carolinians! Sa pamilyang tinatawag nating The Carolinian, laging hangad namin ang inyong kaligayahan at kapakanan bilang aming mga mambabasa. Patunay dito ang walang pakundangang pagsasapubliko namin ng libu-libong magasin at peryodiko sa nakalipas na taon na malugod ninyong tinangkilik. Hindi biro ang naging isang taon nating pagsasama. Marami ang naging balakid. Ngunit sa kabila ng lahat, nagawa nating lampasan ang pinakamalaking dagok sa kasaysayan ng ating pahayagang pangkampus—ang magsimulang muli matapos ang isang madilim at masalimuot na nakaraan. Sa aming mga damdamin, walang katagang perpektong magsasalarawan sa papel na inyong ginampanan para madaig natin ang hamong ito at iyon ay ang inyong patuloy na pagbibigay ng pagpapahalaga sa aming mga ginagawa. Ang isang taon na lumipas ay isang taon na dapat nating ipagbunyi. Nagpapatunay lamang ito na muli nang nanunumbalik sa ating kamalayan ang pag-ibig para kalayaan natin sa pamamahayag. At kasabay ng paglabas nitong Katitikan ay ang aming dalangin na patuloy ninyong ipaglaban ang adhikain ng The Carolinian tungo sa pamamahayag na balanse, responsable at walang bahid-politika. Muli’t muli naming sasabihin at hindi kami mapapagod na sambitin na mula sa kaibuturan ng aming mga puso, ang aming tauspusong pasasalamat! Ang lupon ng mga editor ng

Taong Panunuruan 2011—2012

KttK


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.