Red lipstick (mary josephine m manguera)

Page 1

“RED LIPSTICK” By: Mary Josephine M. Manguera


Gusto ko sana sumulat ng isang pormal na libro. Kaya lang na isip ko, ganun na ba ako kagaling para lumikha at maging akda ng isang libro? Pero, hindi naman talaga kailangan ng pormal o makatang pananalita para lang maka likha ng isang libro. Minsan, yung kuwentong balbal yun pa nga yung mas may kapupulutan ng aral at mas madaling intindihin. Kaya sa tulad ko na ngayon pa lang lilikha ng libro, mas gusto na may kapupulutan na aral ang makakabasa nito kesa mga mabulaklak na pananalita lamang ang kanilang makita. Ang librong ito ay para sa lahat ng gustong bumasa. Hindi namimilit, hindi ng oobliga ď Š Pero may halaga.

-May Akda-


Ako: Sir, para sa inyo ano po ba ang sinisimbolo ng isang red lipstick? Sir Ricky: Red Lipstick? Para kasi sa akin it’s a sign of love. Pagmamahal, sa mga intsik naman ito ay lucky daw. Ako: Pagmamahal? Sir nagmahal na po ba kayo?

“Awkward moment” Bakit ba ito naitanong ko sa subject ko? Pakiramdam ko maiinis siya at hindi na niya ako sasagutin pa. Pero malayo sa inaasahan ko, sinagot niya ang naging tanong ko. At oo! Nagmahal na siya, nagmahal na siya ng kapwa niya lalake. Siguro naman hindi ko na kailangan pang itanong sa kanya kung straight ba siya o hindi diba? Pero sino nga ba si Enrique R. Vergara? Sa halos lahat ng aking napag tanungan iisa lang ang naging sagot nila, “Siya yung gumagawa at nagpaparent ng gown dito sa bayan ng Boac”. Ewan ko, pero sa tuwing dumadaan ako sa kanyang shop, napapatingin ako sa kanyang mga likhang disenyo. Napapahangga ako! Madaming nagiging kritiko ang mga third sex, pero sa panahon ngayon mas masasabi ko na mas may kabuluhan pa sila. May nakita na ba kayong tambay na tulad nila? Siguro meron, pero iilan lang. Kasi ang totoo, mas nagsisikap sa buhay ang mga tulad nila. Minsan nga mas mga tunay na lalaki pa sila pag dating sa mga obligasyon at responsibilidad. Panganay sa limang magkakapatid si “Ricky”, anak siya nina Juanito Vergara at Lita Vergara. Bata pa lang siya, alam na niya sa sarili niya na pink ang favourite color niya. Family business nila ang pagtatahi, hindi na nakakapagtaka kung kanino niya namana ang passion sa pagtatahi ng mga damit. Pinilit niyang makapag tapos ng pag-aaral sa kabila ng kakulangang pinansyal ng kanilang pamilya. Nagtapos si Ricky ng BS Architecture Sa Mapua Institute Technology. Architecture? Diba parang malayo sa trabaho niya ngayon? Hindi ko akalain na Architect pala si Sir Ricky. Akala ko fashion designing ang course nya. Ako: Sir Ricky, ehh, bakit hindi niyo tinuloy ang pagiging architect nyo? Diba mas mayaman yung ganong trabaho? Sir Ricky: Simple lang, Masaya ako sa ginagawa ko ngayon. Dahil sa kakulangang pinansyal ng kanilang pamilya ng mga panahong iyon, kinalimutan muna niya ang kanyang sariling ambisyon sa buhay. Nagfocus siya na maitaguyod ang kanyang mga kapatid. Pinilit niyang pag-


aralin ang apat nyang mga kapatid. Nagtinda siya ng mga damit sa Manila, sa crossing tiangge. Halos lahat ng kapatid niya ay nakapagtapos sa Centro Escolar University. Naigapang niya ang mga kapatid niya at nakapag-aral pa sa magandang unibersidad. Kasabay ng pagtratrabaho ay pinilit niyang makapagaral ulet ang mag-aral ng fashion designing, upang madagdagan ang kanyang ka alaman pag dating sa mga damit. Dahil sa kanyang mahusay na kamay, hindi nagtagal ay siya na mismo ang lumikha ng kanyang mga obra.


“Proud Kuya ako! Dahil sa trabaho ko napag tapos ko ng pag-aaral ang mga kapatid ko at natulungan ko ang pamilya ko!� -Ricky


Ako: Sir Ricky, Aside po sa paggawa ng gowns, ano pa po ang hilig nyo? Sir Ricky: Ako? boys!HAHAHAHAHA…

Mangolekta

ng

Ako: Po? Sir Ricky: Hilig ko mangolekta ng boys, mga laruang lalake!Action Figures!

Akala ko boys talaga ang collection nya, HEHEHEHE… pero aside pala sa gowns hilig niya din ang mag collect ng mga action figures. Mahilig din daw siya sa sombrero at mga Air Jordan na sapatos. Kung iisipin mo yung mga collection niya eh diba parang mga hilig din na collection ng isang straight? Ako: Sir Ricky, magkapamilya?

gusto

mo

po

ba

Sir Ricky: Gusto ko, pero hindi siguro yung pakakasalan ko yung babae. Kasi alam ko naman talaga kung ano ako at kung ano ang gusto ko. Masasaktan ko lang siya at dadayain ko lang ang sarili ko.Hindi lang yon, kung mag karoon kami ng anak ayaw ko na may masasabi sa kanila ang ibang tao. Marami sa mga third sex ngayon ang tinatawag nilang “paminta” uso ata ito eh. Kasi kahit ako na nalilito na din kung sino ang beki at sino ang straight. Macho image pero deep inside pusong babae. Kung sino pa ngang beki sila pa yung mas may face! Hot! Tapos kung sino pang straight na hindi naman ka gwapuhan, sila pa yung mahilig mag playtime. “Natatakot akong magmahal”, si Ricky Vergara natatakot magmahal? Paano? Bakit? Nang sinabi niya sa akin na natatakot siyang magmahal, nagtaka at napaisip ako. Pero naintindihan ko rin ang lahat ng sinabi niya sa akin ang dahilan. Tama siya, sa tulad nilang beki mahirap na mahanap ang true love. Madalas perahan daw ang nangyayari. Masakit daw pero yun ang reality.


Sir Ricky: “Ayaw kong magmahal ng kababayan natin,” Mas gusto kong ma involve sa isang dayuhan! Ayaw ko ng kababayan natin, kasi pakiramdam ko isa lang ang habol nila sa akin. Medyo nalungkot ako sa sagot niya, pero mapagsamantala at yun ang mas nakakalungkot. Ang naghahanap din ng pag-ibig na maipagmamalaki kanila.Kilala si Ricky, nakakatakot na malamang ang kanyang kahinaan. Kung dayo nga naman ang ideya sa kanyang pagkatao at yaman mayroon siya. Marami siyang naging kaibigang foreigner. Madalas umuuwi sila ng Pilipinas.Eto na yung pagkakataong umaasa siya na isa sa kanila ay magiging true love na niya. Ngunit ng ibang kuwento, lahat panandalian Ako: Sir, ano po bang pangarap nyo buhay? Mayroon pa po ba kayong gustong gawin? Sir Ricky: Gusto kong pumunta sa Amerika! Bata pa lang ako yan na pangarap ko!

totoo. Maraming tao ang mga beking tulad nila ay nila at masasabing sa pagsamantalahan lang din iibigin niya, wala itong na

gaya lang. sa

ang

Amerika? Sa dami ng bansang napuntahan daw niya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napupuntahan ang Amerika. Nanggaling na siyang Malaysia, Thailand, Hongkong at European countries. Pero yung ultimate dream niya na Amerika hindi pa niya napupuntahan Kaya hanggang ngayon, pangarap pa rin niya ang Amerika. Yung pangarap niya kakaiba, kasi madalas pag tinatanong ko ang ibang tao sa kung anong pangarap nila ang sagot nila ay, “magkaroon ng masayang pamilya, bahay, trabaho, makapag tapos ng pag-aaral”. Sir Ricky: Wala na kasi akong mahiling pa. Kontento na ako sa pamilya ko, sa trabaho ko at sa buhay ko! Ako: Kung bibigyan po ba kayo ng pagkakataon, pipiliin niyo rin po ba ang buhay niyo ngayon? At bakit po? Sir Ricky: Abah, OO! Siyempre! Masaya ako at kontento ako sa buhay ko ngayon. Kaya kahit ilang chance pa ang ibigay sa akin, pipiliin at pipiliin ko pa din ang Ricky na kaharap mo ngayon!


Ohhh… diba? Pang Ms. Earth ang question ko!At wapak din ang sagot ni Sir Ricky! Malamang yung ibang beki ang sagot diyan eh pipiliin kong maging babae. Pero si Ricky? Tanggap niya kung ano siya, tanggap niya yung mga bagay na alam niyang hindi puwede. Hindi niya pinipilit mag cross dress, maglagay ng make-up at rumampa sa kalsada bilang babae. “Gusto ko ng respeto sa sarili” eto ang sabi niya sa akin. “Hindi kailangan magbihis babae para lang sabihin na beki ako. Hindi kailangan ng makapal na lipstick para sabihin na beki ako. Hindi ko kailangan kumendeng sa kalsada para sabihin na beki ako”. Nakita ko yung matapang na side ni Sir Ricky! Ayaw niya ng may taong babastos sa kanya dahil lang sa beki siya. Well kahit ako na straight, ayaw ko rin naman na mababastos ako. Kaya tama lang din na respetuhin muna natin ang sarili natin bago tayo respetuhin ng iba.


Sa tingin ko naman tanggap na ng ating society ang mga third sex. Yun nga lang andon pa din yung takot na may mga taong titingnan ka mula ulo hanggang paa or should I say paa hanggang ulo? Dalawang beses ka kasi nila titingnan at bubulong sa kanilang mga katabi.Sadyang maraming kritiko sa ating lipunan. Kritiko na hindi magawang tingnan ang sarili bago punahin ang ibang tao. Kung puwede lang magsuot ng salamin habang naglalakad siguro bago magsalita ang ibang tao sa kapwa nila atleast makikita muna nila ang sarili nila bago sila magbitiw ng mga masasakit at mapanghusgang mga pananalita. Sadyang kulang lang sa pananalamin yung iba. Ooppsss, huwag mo ng itry, later na lang. Tapusin mo na muna ang binabasa mo. Hindi naman sakit o kondisyon ang pagiging beki. Pinipili lang ng iba na maging masaya at totoo sa kung ano at sino talaga sila ng walang halong pagpapanggap. Hindi naman masama kung LGBT ka. Basta wala kang tinatapakan na ibang tao.Maraming nagsasabing salot sila sa lipunan. Pero kung titingnan mo naman karamihan sa kanila ay may trabaho at may nasasabi sa ating lipunan.Minsan mas nakakahigit pa nga sila sa mga tunay na babae at lalake.


“Mahilig akong lumabas kasama ang mga kaibigan ko, nag uunwine” -Ricky

“Pag gusto ko mapag-isa nagkukulong lang ako sa kuwarto, you may see me always smiling, pero tao pa din ako! Umiyak na kaya ako dahil sa boys.” -Ricky


“ Kontento na ako sa buhay

ko!” -Ricky


“Pagdating

sa pamilya ko at mga kaibigan ko, hindi ako madamot, I always share what

I have�. Masyado na akong blessed para ipagdamot pa ang lahat ng ito sa kanila. -Ricky-

Isa lang si Ricky sa mga LGBT na naging matagumpay sa kanilang larangan ng buhay. Nakakahangga, madalas kasi ang tingin sa mga beki na tulad nila ay pang parlor lang at pag papaganda ang alam. Puro lipstick lang ang hawak. Pero pinatunayan niya na may patutunguhan ang buhay niya. Higit pa sa tunay na lalaki ang naging sakripisyo at obligasyon niya sa kanyang pamilya. Walang pinipiling kasarian pag dating sa responsibilidad at ambisyon sa buhay. Kahit sino puwedeng mangarap at lahat nagsisimula sa mga maliliit na bagay. Hindi dahil kritiko ang ating lipunan ay hahayaan na lang nating manatiling ganon ang kanilang pananaw at tingin sa atin. Mapa straight man o hindi, may sarili tayong choice at pagpapasya sa ating buhay. Saludo ako sa lahat ng beki na naging model at ispirasyon sa nakakarami. Bagay na hindi naman talaga nagagawa ng lahat. May mga bagay din talaga na sadyang dapat tinatanggap na lang natin at hindi pinipilit.


Ako: Sir Ricky, ano po ba yung bagay na hindi niyo ginagamet na ginagamet ng ibang beki? Sir Ricky: Lipstick! Red Lipstick, hindi ko naman kasi kailangan maglagay noon para lang masabi na beki ako! Yung Red Lipstick? Yan yung naging title ko para isulat ang naging conversation namin. Sa totoo lang marami pa siyang na ibahagi sa akin pero pinili na lang naming gawing private ang lahat. Lalo na about sa lovelife niya. Na intriga kayo ano? Akala ko noong una formal si Sir Ricky kaya hirap akong iapproach Natatakot akong magtanong, mga tanong ko noong una, pangalan niya, saan kayo nakatira, ilan kayong magkakapatid? HAHAHAHA‌ formal diba? Pero hindi, siyang kausap, very forward. What you see is get.

very hirap na siya. kaya ang anong

very Masaya straight what you

Meron din siyang other shop, sa Sta. Cruz, don kasi talaga sila nakatira. Nagkataon lang na mas sumikat siya sa bayan ng Boac.


“Ilan sa kanyang mga disenyo ng gowns�


“Nasa mga gowns na ito ang buhay ko, kaya hindi ako magsasawang gumawa ng gumawa ng disenyo, Makita ko lang na Masaya ang mga cliente ko, Masaya na rin ako�-Ricky


Acknowledgement Maraming salamat sa aking subject na si Mr. Enrique “Ricky” Vergara. Salamat sa paglalaan ng oras, sa mahigit isang buwan kong pangungulet. Maraming salamat sa mga kuwentong kinapulutan ko ng aral, bagay na naging ispirasyon ko para isulat ang ilang kabanata ng inyong buhay. Salamat sa kaklase ko na sina Jerome Lingon at Jane Caitlin Basilia. Mahirap ang laging nanghihiram ng camera kahit alam ko na lagi nyo rin itong ginagamet.HEHEHEHE. Kay Karol Manguera na nag naging kasama ko sa pangungulet kay Mr. Ricky. Maraming salamat din sa aking subject professor na si Mr. Randy Nobleza. Minsan naiinip ako sa pag iintay sa kung kailan available si Mr. Ricky, pero dahil sa words of wisdom nyo na mag tiyaga lang ako, eto at naka likha na ako ng libro kahit papaano. HEHEHE… Maraming salamat sa Mama at Papa ko na laging umuunawa sa schedule ko kahit minsan para na daw akong nagcacamping dahil sa laging gabundok ang gamet na dala ko kasama na ang camera with matching tripod pa. Kay Yohan at Xian, ang makukulet ko chikitings na laging binubura ang files ko sa laptop ko makapag laro lang sila ng feeding frenzy. Sa autorun virus na kumaen ng system ko, salamat kasi dahil kahit na corrupt ang ready to print files ko mas nag push pa ako na gawen at tapusin ang libro ko. HEHEHE… may Smad Antivirus na ako! Kay Kuya Joshua, maraming salamat sa pag ayos ng pc ko!Nagawa ko din ang libro ko! 



Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.