MondoManila

Page 3

3 Baguio 1999

Anuman ang sabihin nila, wala akong pakialam. Alam ng Diyos o ng kung sino mang nakatataas sa atin na masyado nang mahaba ang nilakbay ko. Putang ina, kailangan kong magpahinga. Kailangan kong tumigil, humimpil. Ilang buwan na „ko dito sa Baguio. Hindi ko na siguro pagsasawaan ang lugar na „to. Malamig, maraming puno, mura ang mga pagkain. O malamang, paglipas ng ilang buwan pa uli, biglang mangati ang mga talampakan ko at maghanap ng ibang lugar. Doon sa kung saan walang makikialam sa „kin. Doon sa kung saan hindi ako susundan at uusigin ng mga bangungot at ng sarili kong anino. Pero sa ngayon, kuntento ako rito sa buhay ko. May maliit na loteng kinatitirikan ng maliit na bahay, may mga tanim na gulay at marijuana, may buhay, may pera. Itong huli ang pinahahalagahan ko sa lahat. Puta, nabuhay ako ng puro paghihirap ang dinaanan ko. Ni pambili ng bagong brief, pinoproblema ko dati. Natatandaan ko noong elementary pa lang ako, kung wala siguro akong pantalon, nahubo na ang brief ko. Si ermat kasi dati, ni hindi ako maibili ng bago. Ang ginagamit ko noong nasa grade six ako, iyon pa ring brief ko noong grade one. Kaya tuloy sa sobrang lawlaw na‟t wala na talagang garter, kapag tumatakbo ko, lumililis. Nahuhubo ang magkabilang tagiliran. Kaya lang hindi talaga nahuhubo, sumasabit sa pundya ng suot kong pantalon. Ngayon, buwan-buwan bumababa ako ng Maynila para kumuha ng tseke at ideposito sa bangko, sa pangalan ko. Di hamak na masarap ang buhay ko


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.