Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 496)

Page 5

ANG DIARYO NATIN

Scholars...

setyembre 23 - setyembre 29, 2013

...mula sa pahina 1

Suarez na patuloy ang pagdaragdag nila ng bilang ng mga scholar ng lalawigan – pero kinakailangan aniya ay susunod ang mga ito sa mga patakaran o hinihinging requirements ng scholarship program ng Quezon. Kabilang na rito ang pagbibigay ng tamang

kurso sa mga magiging scholar upang matiyak na may papasakung trabaho ang mga ito kapag sila ay nagsipagtapos. Samantala, tiniyak naman ni Parcarey na inaayos na rin ng kanilang tanggapan ang refund ng iba pang scholar na nag aaral sa ibat-ibang kolehiyo sa lalawigan. Contributed by Quezon PIO

‘Price Act’

Upang pangalagaan ang mga mamimili sa mga mapagsamantalang nagtataas ng halaga ng mga bilihin sa panahon ng kalamidad at kagipitan, nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang panukalang batas na nagsususog sa Price Act noong Setyembre 6. Ang nilagdaan ng Pangulo ay ang Batas Republika 10623 na nagsususog sa ilang tadhana ng Batas Republika Blg. 7581 na pinamagatang “Batas na Nangangalaga sa mga Mamimili sa pamamagitan ng Pagtatakda ng Halaga ng mga Pangunahing Pangangailangan at Mahalagang Bilihin at Pagtatakda ng Mga Dapat Gawin Laban sa Hindi Marapat na Pagtataas ng Halaga ng Bilihin sa Panahon ng Kagipitan at Kahalintulad na Pagkakataon, at Ukol Pa Rin sa Iba Pang mga Layunin.” Sa batas na ito ay dinagdagan ang mga pangunahing kailangan upang matiyak na higit na maraming bilihin ang hindi karakarakang maitataas ang halaga sa panahon ng mga kalamidad, kagipitan at katulad na mga pagkakataon. Kasama na sa ilalim ng bagong Batas ang mga yari sa bansa na noodles at nakaboteng tubig sa mga listahan ng mga pangunahing kailangan para pangalagaan ang mamimili sa biglaang pagtaas ng presyo kung may kalamidad, pangkagipitang pangyayari at mga kauring kalagayan. Dahil sa dami ng bumibili ng instant noodles at nakaboteng inumin kaya isinama na ito sa listahan ng mga pangunahing pangangailangan na tulad ng bigas, mais, tinapay, kamote at kauring pananim, sariwa, tuyo o nakalatang isda at iba pang marine products, sariwang bagoy, baka at manok, itlog, sariwa at processed milk, gulay at prutas, kape, asukal, asin, sabong panlaba, kahoy, uling, cooking oil, household liquefied petroleum gas (LPG), kandila, gaas, mga gamot na ayon sa Kagawaran ng Kalusugan ay mahalaga. Bagaman hindi pangunahing kailangan, nguni’t itinuturing na mahalaga sa mamimili sa panahon ng kalamidad at kagipitan na dapat ding hindi biglaang itaas ang halaga na tulad ng arina, patis, suka,

mula sa pia

Edisyon Ni Lito Giron

bawang, sibuyas, nakalatang baboy, baka at manok, toyo, sabong pampaligo, gayundin ang pataba sa lupa, pestisidyo, pagkain ng manok, baboy at isda at veterinary products, herbicides, hollow blocks, plyboard, plywood, electrical supplies, steel wires, gamit sa paaralan, bombilya, lahat ng gamot na hindi klasipiko ng Kagawaran ng Kalusugan bilang essential drugs, at iba pang panindang maaaring isama sa ilalim ng Batas na ito.” Nilikha sa ilalim ng Batas na ito ang Price Coordinating Council na ang tagapangulo ay ang Kalihim ng Kalakal at Industriya at mga kagawad ang mga Kalihim ng Pagsasaka, Kalusugan, Kapaligiran at Likas na Kayamanan, Lokal na Pamahalaan, Trasportasyon at Komunikasyon, Katarungan, Enerhiya, Direktor Heneral ng National Economic and Development Authority, at tig-isang kinatawan ng sektor ng consumers, pagsasaka, kalakalan at manufacturers bilang mga kagawad. Maliban kung alisin na ng Pangulo, ang pananatili ng presyo ng mga pangunahing kailangan ay mananatili hanggang mapawi na ang kalagayang naging dahilan ng pagpapahayag nito, subali’t hindi naman lalampas sa 60 araw. Para sa mga LPG na gamit sa tahanan at gaas, na inaangkat at deregulated sa ilalim ng mga umiiral na batas, mananatili ang control sa presyo nang hindi hihigit sa 15 araw nang isasaalang-alang ang kasalukuyang imbentaryo o supply levels,. Ang Kagawaran ng Kalakal at Industriya, sa pagsangguni sa mga kasapi ng PCC at stakeholders, ang babalangkas ng mga tuntunin para sa mabisang

5

Paglabag sa karapatan...

...mula sa pahina 1

ang mga nakatira dito ay nananatili naman sa bahay nayon ng brgy. Takot at trauma sa naganap at sa nanatiling pursuit operation ng militar ang ilan sa mga bumabagabag sa mga sibilyang nadamay sa lugar bukod pa ang pagkaparalisa ng kanilang paghahanap buhay. Sa ganitong kalagayan batid na batid ng mga sibilyang biktima ng aramadong tunggalian ang kanilang pangangailangan ng tulong mula sa kinauukulan. Hamon ito sa ating mga lokal at pamprobinsyang mga lider upang magpaabot ng ayuda sa mga biktima sa Catanauan, hindi sila dapat nanantiling tikom at walang kibo sapagkat mismong mga mamamayan ng lalawigan ang apektado, malaki ang magagawa ng ating mga lider upang maialis sa sadlak na kalagayan ang ating mga kababayan. Malakas na ang panawagan ng mga biktima at mga kaanak nito kasama ang mamamayan ng Quezon sa ating Gobernador Jayjay Suarez, Bise-Gobernador Sam Nantes at kay Mayor Ramon Orfanel ng Catanauan upang ihinto na ang matinding militarisasyon sa lalawigan at sa Catanuan at upang matulungan ang mga sibilyang biktima ng armadong tunggalian. Contributed by Karapatan-Quezon News Team

NCMF bagged 10M...

...from page 1

Meanwhile, Adel Arande, president of farmer’s coalition or Nagkakaisang Ugnayan ng mga Magsasaka at Mangagawa sa Niyugan in Quezon province and assigned to the said district said on a phone interview that they did not heard about or ever recall such livelihood program in their area from the office of Cong.Tañada when he was still a congressman. Arande reiterated it’s a big budget that should be given directly for the sake of Quezon farmers not for livelihood that doesn’t allegedly exist. Group of farmers belonging to fourth district of Quezon needs much more support rather than ghostly fund hair cutting and beauty program. The Star was trying to contact Atty. Sadain, Chief Executive Officer National Commission on Muslim Filipinos for the veracity of reports but failed before the deadline

Nur Misuari, dapat kasuhan ng rebelyon Dapat lang kasuhan ng rebelyon iyang si Misuari. Yan ang pasimuno ng kaguluhan sa Mindanao at gustong angkinin ang Zamboanga. Ano sa palagay n’yo mga suki kung tagasubaybay; may nagsabing may kasabwat na pulitiko para maghasik ng kaguluhan diyan sa Mindanao? Posible nga ay saan manggagaling ang kanilang mga armas at mga bala, tiyak may pulitikong sumusuporta d’yan kay Nur Misuari. Ang isa pa hindi siya nahihiya kay PNoy. Noong panahong pangulo si Cory pinalaya siya at ang lahat ng mga political detainees ay pinalaya ni Cory dahil ang mga iyan kontra sa pamamalakad ng rehimeng Marcos. O, ngayong malaya na siya ay muli siyang naghahasik ng lagim at kaguluhan sa Mindanao? Ano ka, sinusuwerte! Tingnan natin kung saan kayo tatagal pag wala na siguro kayong makain at wala ng bala ang inyong mga baril ang inyong mga armas ay seguradong susuko rin kayo sa mga sundalong militar. Tingnan natin kung saan ang tigas nyo! Mga kasong pandarambong, bakit kaya nagkakasakit? Hindi ba ninyo nahahalata mga suki? Bakit ang mga kasong pandarambong ay nagkakasakit? Una ay Mag asawang Gloria at Mike Arroyo. si Mike, puso ang idinadaing si Gloria ay leeg si Enrile tumaas daw ang blood pressure. Si Napoles, tumaas ang blood sugar , si Jun Lozada ay nagkasakit din, si dating COMOLEC (ESTE) COMELEC Chairman Abalos ay nagkasakit din, si Corona ay nagkasakit din ang hindi lang nagkakasakit ay ang dating chief

tirador

Ni Raffy Sarnate Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com

ni Erap na si Angelo Reyes na nakonsyensya sa dami ring nakurakot ay nagbaril sa sarili. Kaysa mapunta pa sa Gobyerno ang kanyang nakurakot ay di sa Pamilya na niya dapat mapunta. Tamunga naman ang isyu..Hindi na naungkat ang tanging yaman ni Reyes. Bakit ‘yang mga mandarambong ay hindi gayahin ang ginawa ni Reyes nang mabawas-bawasan naman ang mga magnanakaw ng gobyerno. Aba’y patuloy kayong nangungurakot at lalong marami ang nagdarahop ng mga kababayan natin. Ano na kayang kapal ng mga mukha n’yo?! Ang gawang masama ay hindi pinagpala. Ang mabuti ang ginawa malapit ang biyaya. Kaya tama na ang pangungurakot nyo! matakot kayo sa Karma. Ang pera ay hindi ninyo madadala sa kamatayan, kaya dapat ibigay na ninyo ang kinurakot nyo sa taumbayan. O! Ano ang masasabi n’yo Enrile, Jinggoy, Revilla at Napoles na Napulis. Ang pera ay may katapat na kalungkutan! Pa’no mo magagastos ang pera kung ikaw ay nasa rehas na bakal? Kawawang mga Juan Dela Cruz, magpapasan ng Krus.

GENERATION NEXT. Masayang nagtanim ng malulusog na mga puno ang mga estudyante at kaguruan ng Lucena North 1 Elementary School bilang pakikiisa sa National Tree Planting Day. Larawan kuha sa Purok Riverside, Brgy. 1 sa Lungsod ng Lucena. Contributed photo

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.