Return of Karapatana - Tagalog

Page 1

Isang araw sa buhay ng kasalukuyang Karapatana

Hmmm... narito ka pala, kaibigan. Ilang araw na din akong may kutob na bibisita ka.

Naglingkod ka ng mabuti, tulad ng mga nauna sa ' yo. Ako'y nagpapasalamat, pati na rin ang lahat ng natulungan mo, alam man nila o hindi. Ngunit

panahon na...

Oo, matanda na ako, kaibigan. Panahon na para sa bagong Karapatana.

May binabantayan akong kambal. Sila Tala at Diwa Herrera, mga anak ng mag-asawang social worker.

Diwa
Tala

Isang mapagmahal at matulungin sa kapwa.

Isang maganda at paborito
lahat
ng

Matapang

Matalino

At higit sa lahat, may malalim na pag-unawa sa pakikipag-kapwa tao

Game!

Tara Diwa, secret spot?

Balita: Nakikipagmiting na raw si Mercedes Corazon, ang CEO ng Corazon Developers kay Mayor Bermudez ng Pule, Quezon Province upang ipatayo ang Pule Dam...

Grabe, umabot na sa Pule ang kasakiman ng mga malalaking korporasyon! Sila ang makikinabang tapos tayo ang masasalanta!

Naku, sabi ni Doc Santos sa ganyan nagsisimula ang mga epidemya. Nawawalan ng tahanan ang mga hayop kaya lumalaki ang chance na pumunta sila kung saan nakatira ang mga tao, kaya mas exposed tayo sa virus nila.

Di bale, mahal, mag-oorganisa raw ang komunidad ng protesta sa barangay hall bukas.

Isang araw...

Paano na yung secret spot, Diwa?

Parang may hindi tama...

Ayan na ata yung nasa news!

Tara Diwa, kausapin natin...

'Wag, Tala, delikado. Dito ka lang!

Sino pong nag-utos nito? Itigil nyo 'to! Hindi n ' yo ito pagma-may ari!

Tulad ng mga naunang Karapatana sa kanya, handa nyang i-alay ang lahat para sa kapakanan ng iba.

Sir, hindi naman po ata tama 'to!

Sisirain nyo ang tahanan namin.

Magpapatayo kayo ng kung ano-ano!

Huh?! S-sir... parang awa mo na... s-sagrado ang lugar na ito para sa amin!

Wag poooo! Talaaaaaa!

Hrmmm... Hrmmm...

Hrmmm...

Huh?! Sino yon?

May nakakita yata...

May aberya tayo dito sa Pule, sir...

Sabi ni Mayor, hindi nya kailangan ng ganitong problema. Gawan natin

ng paraan.

AaRgGGhhhhhh!!!! AAA

Wrong timing talaga itong mga kabataang aktibista na ' to. Imbes na tuloy-tuloy ang trabaho natin. Walang ginawa kundi magreklamo at mag-protesta! Nasasaktan lang sila. Hassle pa sa atin...

At katulad nga ng mga nauna sa kanya, si Diwa ay may tanging lakas upang kalabanin ang kadilimang bumabalot sa sangkatauhan. Kahit gaano kapursigido and kadiliman, naniniwala akong sa huli ay magwawagi pa rin ang liwanag.

MABUHAY ANG BAG
ONG KARAPATANA!!!

TUNGKOL SA CREATIVE TEAM NG KARAPATANA

Si Nico Pablo ay isang communications manager para sa isang non-profit na organisasyon at isang makata na nakabase sa Rizal, Philippines Ang kanilang obra ay lumabas sa iba't ibang publikasyon mula sa Pilipinas, USA, Australia, Singapore, Hong Kong, at Germany Sila ay kinilala ng Normal Awards for Gender-Inclusive Literature at ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Basahin ang kanilang gawa sa joseluisbpablo wordpress com

Si Audrey Orallo ay isang creative director sa isang ahensiya ng advertising at isang manunulat na nakabase sa Quezon City. Naniniwala siya sa paghahanap ng interseksyon sa pagitan ng pasyon at layunin, pagtatrabaho sa mga kilalang proyekto tulad ng mga brand page ng DKT sex positivity, DOH I Choose na kampanya para sa kalusugan ng kabataan at ang kamakailang pagkakakilanlan ng tatak ng Pasig City.

Si Ayi Mondragon ay isang biswal na artist na nagsusuri sa ilustrasyon at potograpiya

Unang lumabas ang Karapatana sa pandaigdigang kampanya ng Amnesty International na “My Body, My Rights,” na humihimok sa pagwawakas ng kontrol at kriminalisasyon ng mga gobyerno at iba pa sa sekswalidad at pag-aanak sa pamamagitan ng pagsisikap na maalis ang kahihiyan na nakapalibot sa mga isyung ito Nilalayon din ng kampanya na paalalahanan ang mga pinuno ng mundo na itaguyod ang mga karapatang sekswal at reproduktibo sa mga negosasyon mula 2015

Bilang suporta sa kampanyang ito, lumabas ang karakter ni Karapatana sa mga infographic tungkol sa mga karapatan sa kalusugang sekswal at reproduktibo Ipinakilala siya bilang isang "tagapagtanggol na nag-alay ng kanyang buhay sa pagtatanggol ng karapatang pantao. "

Inilunsad ng Amnesty Philippines ang Adventures of Karapatana Project, kung saan lumabas ang bida sa isang komiks na may parehong pangalan. Partikular na sinabi sa paglulunsad na ito na si Karapatana ay isang bida sa Sexual and Reproductive Health and Rights (SRHR)

Ang karakter ni Karapatana ay mas higit na ipinaliwanag, bilang isang malakas na dalaga na nagtatanggol sa mga karapatang pantao, ngunit natatablan rin sa mahihirap na kalagayan tulad ng sinumang

ordinaryong tao

Sa pinakahuling edisyong ito, iniba ang konsepto ni Karapatana upang palakasin ang kanyang abot ukol sa mga paksa ng karapatang pantao na higit pa sa SRHR Ang muling pagsasalarawan ni Karapatana ay nagpapakita na higit pa sa isang natatanging kabayanihan, si Karapatana ay isang pamana na napapatuloy sa paglipas ng panahon

Pinanindigan ng matatapang at makapangyarihang mga bayani sa kasaysayan ng Pilipinas ang titulo, kabilang sina Tandang Sora, Gabriela Silang, Kumander Liwayway, at marami pang iba. Ang kapa ay ipinapasa mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng isang mahiwagang anting-anting.

Sa “Ang Pagbabalik ni Karapatana” noong 2022, ibinunyag ang pinakabagong Karapatana Manatiling nakatutok sa serye para tingnan ang kanyang paglalakbay sa kanyang pakipaglaban para sa karapatang pantao www.amnesty.org.ph/karapatana-returns

INILATHALA NG AMNESTY INTERNATIONAL PHILIPPINES 2022 Para sa karagdagang impormasyon, sumulat sa: publications@amnesty.org.ph
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.