Ang Pahayagang Plaridel - June Issue

Page 6

BayaN

PlarideL Ang PahayaganG

6

HUNYO 22, 2010

Kalayaan nang kahapon, pinapahalagahan hanggang sa ngayon Jeremiah Adriano at Ma. Ericka Felichie Valeriano Dibuho ni juan Kristopier Angeles

“ MAMAMATAY akong hindi ko man lamang nasisilayan ang maningning na pagsikat ng araw sa aking bayan.” – Gat. Jose Rizal Isang siglo’t isang dekada na ang nakakaraan matapos magbunga ang pagbubuwis ng buhay ng maraming Pilipino upang maibigay sa ating bansa ang kalayaang matagal na nitong inaasam. Ngayon, matapos ang mahabang panahon, makabuluhan pa bang maituturing ang lahat ng sakripisyo ng ating mga bayani para sa ating bayan? Pagkilos laban sa unos Sa pamumuno ng ilang magigiting na bayani, nagliyab sa puso ng bawat Pilipino ang adhikaing maipamana sa mga susunod na henerasyon ang kalayaang ipinagkait sa kanila. Isang magiting na ilustrado ang naghangad na imulat ang mata ng mga Pilipino mula sa pang-aapi ng mga Kastila sa pamamagitan ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Pinarusahan at hinatulan man ng kamatayan ang pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal dahil sa kanyang mga nobela, hindi nasayang ang kanyang pagpanaw sapagkat nagbigaydaan ito upang magkabuklod-buklod ang mga Pilipino laban sa mananakop. Isa sa mga matatapang na nakipaglaban para sa bayan si Andres Bonifacio. Kasama ang

Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, kanyang pinamunuan ang isang rebolusyon tungo sa kasarinlan mula sa Espanya.

“Ang ipinaglaban ng ating bayaning si Bonifacio at lahat ng kasapi ng Katipunan ang siyang nagbuklod sa atin upang maging isang bansang nagkakaisa.” -Atty.GregorioBonifacio Lalaki man ang karamihan sa mga miyembro ng Katipunang itinatag ni Bonifacio, hindi ito naging hadlang para sa ilang mga kababaihan upang tumulong sa himagsikan laban sa mga mananakop na Kastila. Isa sa mga babaeng ito si Melchora “Tandang Sora” Aquino na tinaguriang “Ina ng Katipunan.” Sa kabila ng kanyang katandaan at kasarian, ininda niya ang hirap at pasakit ng pag-aalaga ng mga Katipunerong sugatan na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong at pagpapatapon sa Marianas Islands. Kasunod ng pagkalupig sa mga mananakop na Kastila ang pagpapatibay sa Unang Republika ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Hindi naging balakid para sa Utak ng Himagsikang si Apolinario Mabini ang pagkakaroon ng kapansanan upang ipagpatuloy ang paglilingkod sa bayan. Bilang tagapayo ng unang pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo, kanyang nilabanan ang korapsyon at kinondena ang pakikipag-alyansa sa mga Amerikano upang pangalagaan ang kalayaan ng bansa. Kamatayan para sa bayan, nasayang lang ba? Marami nang nagbago matapos ang makasaysayang pagwagayway ng bandila ng bansa sa Cavite. Mayroon nang sariling pamahalaan ang Pilipinas na pinapatakbo ng diwa ng

demokrasya at malayo sa pakikialam ng mga dayuhan. Sa kabila nitong mga magagandang pamana sa atin, hindi maikakailang hindi pa rin ganap na malaya ang bansa mula sa mga dayuhan. Mula sa pagkain hanggang sa mga kagamitan, kitang-kita ang pangingibabaw ng dayuhang kulturang malayo sa pinaglaban ng ating mga bayani. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Atty. Gregorio Bonifacio, 36, apo ni Bonifacio, sinabi niyang sa kabila ng lahat ng nangyayari sa kasalukyan, naniniwala siyang hindi kailanman nasayang ang mga ipinaglaban ng mga bayani. Aniya, “Ang ipinaglaban ng ating bayaning si Bonifacio at lahat ng kasapi ng Katipunan ang

kumpiyansa si Panlaque na mananatiling isang magandang ehemplo sa bawat Pilipino ang mga ipinakita ng kanyang lolang si Tandang Sora.

“Nakadepende sa atin kung mabibigyang hustisya ang bawat patak ng dugo’t pawis na inalay ng mga bayani” siyang nagbuklod sa atin upang maging isang bansang nagkakaisa.” Naniniwala ang apo ni Bonifacio na ang mga nagawa ng kanyang lolo ang siyang nagbigay-daan upang mamulat ang sambayanan at magkaisa ang mga Pilipino. Sa pananaw naman ni Al Mabini, 17, magaaral sa Unibersidad ng Pilipinas - Los Baños at apo ni Mabini, utang na loob natin ang kalayaang ating tinatamasa sa mga bayani. Aniya, “Because of people like [Apolinario Mabini] who fought for us, we get to do what we thought we couldn’t do.” Dagdag pa niya, taas noo niyang ipinagmamalaking kadugo niya ang isa sa mga bayaning nakatulong sa bayan. Sumasangayon naman si Charmaine Panlaque, 21, magaaral ng Master of Law sa Unibersidad ng Santo Tomas at apo ni Aquino, na hindi kailanman nasayang ang ginawa ng mga bayani para sa bayan. Dagdag pa niya, “Over the years, a lot of new heroes emerged who seemed to emulate the very core of what she fought for.” Buong

Ilan lamang sina Aquino, Bonifacio at Mabini sa mga bayaning nagsakripisyo upang mapalaya ang ating bayan mula sa kamay ng mga dayuhan. Kung titignan, naging makabuluhan ang sakripisyo ng ating mga bayani dahil tuluyang nakalaya ang ating bayan mula sa kamay ng mga dayuhan. Sa kabila nito, hindi rito natatapos ang laban para tunay na kalayaan dahil bilang mga mamamayang malaya sa pang-aalipin at pang-aalipusta, nakadepende sa atin kung mabibigyang hustisya ang bawat patak ng dugo’t pawis na inalay ng mga bayani upang makamtan ng Pilipinas ang kasarinlan tungo sa ikauunlad ng buong bayan. Sanggunian: http://www.famouspeoplebiography411. com/Politician/Biography-Melchora-Aquino. html http://www.bookrags.com/biography/ apolinario-mabini/

Tobacco Regulation Act: Reporma tungo sa makabagong lipunan Natasha Juan

HITHIT-BUGA. Sa bawat paghithit ng sigarilyo, humigit-kumulang 20 libong mga Pilipino ang namamatay sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Sa bawat usok na nagmumula sa sigarilyo, 200 libong mga Pilipino ang nagkakaroon ng iba’t ibang sakit. Bakit nga ba sa kabila ng mga paalalang “Cigarette smoking is dangerous to your

health,” patuloy pa rin ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa produktong ito? Isinibatas noong 2003 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Tobacco Regulation Act o Republic Act 9211 upang matugunan ang problema ng paninigarilyo sa bansa. Nilalayon ng naturang batas na itaguyod ang isang malinis na kapaligiran, ipakita sa ang masasamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan, bigyang restriksyon ang mga palatastas tungkol sa pagtangkilik sa sigarilyo, at ilayo sa kapahamakang dulot ng paninigarilyo ang kabataan. Ayon sa Tobacco Regulation Act, kinakailangang 100 metro ang layo ng mga tindero ng sigarilyo sa mga paaralan o sa mga pasilidad na tinatangkilik ng kabataan. May probisyon din ang Tobacco Regulation Act tungkol sa limitasyon ng pag-aanunsyo ng sigarilyo at tabako sa telebisyon, dyaryo, o radyo kagaya ng paglalagay ng mga katagang nagpapaalala sa mga mamimili ng masasamang epekto ng naturang produkto sa bawat pakete nito. Nakasaad din sa naturang batas ang ilang mga lugar kung saan hindi maaring manigarilyo tulad ng mga paaralan, ospital, gasolinahan, at

Dibuho ni Douglas Ng

kantina. Sa bisa rin ng nasabing batas, itinayo ang Inter-Agency Committee on Tobacco upang ipatupad ang lahat ng probisyon ng RA 9211. Gayunpaman, sa kabila ng mga probisyong ito, 99.8 porsyento pa rin ng mga Pilipinong naninigarilyo ang nagsabi sa isang sarbey ng World Health Organization noong Mayo 2003 na ang mga patalastas ang isa sa mga pangunahing dahilang nagbubunsod sa kanila upang manigarilyo. Anu-ano nga ba ang pagkukulang ng Tobacco Regulation Act at ang mga probisyon nitong dapat baguhin upang maging mas epektibong batas?

sigarilyo sa mga kalsada. Dagdag pa rito, hindi muna inaalam ng mga tindera ng mga maliliit na establisyamento kung nasa tamang edad ba ang mga bumibili ng mga tinda nilang sigarilyo. Ani Sanchez, maaaring ang kakulangan sa paghihigpit ng mga awtoridad sa mga nagbebenta ng tabako at mga produktong gawa rito kagaya ng sigarilyo ang isa sa

TOBACCO/sundan sa pAHINA 7

Batas para sa Pilipino, may epektibo nga bang probisyon? Ayon kay Audrey Sanchez, pakultad ng Political Science Department, maraming probisyon sa Tobacco Regulation Act ang dapat baguhin alinsunod sa mga problemang nararanasan kaugnay nito. Isa na rito ang probisyon tungkol sa paglalako ng sigarilyo o tabako ng mga menor de edad. Aniya, kitang-kita ang pagiging inepektibo ng probisyong ito dahil mismong mga batang 12 taong gulang pababa ang naglalako ng Kuha ni Johanne Negre


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.