Mag YP 3rd Issue: Island Life

Page 1

ANG YABANG PINOY MAGAZINE

ISLAND

LIFE JUL 2010 VOL 2 ISSUE 3

A YABANG PINOY PUBLICATION



PAUNANG SALITA / 3 PORTFOLIO / 4 LINEUP Tampok ang mga Pinoy surfers na may Yabang

RETO / 12

Anti-BV, Pro-Beach Vibe products

PAGKAIN / 13

Patikim sa kakaibang kilawin ng La Union

TAMBAYAN / 14

Music, Arts, and Culture— The Outpost sa Cebu

PINASPORT / 15

Pagbisita sa alon ng Baler at La Union

LITERATURA / 26 TULA / 26

In Context: Her Sunday Afternoon ni Gian Lao Rant ni Cheeno Borden

DAGLI / 28

17 ni Rachel Valencerina Marra

LIBRO / 29

Th you ewS u mme r e re m in e

Pagbuklat sa mga aklat na: Kapitan Sino ni Bob Ong Ilustrado ni Miguel Syjuco Alamat ng Panget & Many Other ni Apol Sta. Maria

RETRATO / 30

Iba’t ibang pagtingin sa salitang Lilim

MUSIKA / 36 SONGHITS / 36

Soundtrip kasama ang Coffee Break Island, Lyrically Deranged Poets, at Surfy Kinda Love

FEATURE / 39

The Bad People of Liquidpost ni Gang Badoy

EVENTS / 40 ALAM NIYO BA?

Pinoy Trivia Night handog ng GeekFight! at Yabang Pinoy

CLASSIFIEDS / 41 Mga ibang klaseng local brands


PAUNANG SALITA

TANCHAtravellers Mula sa “Double-check ko sched ko, a” na susundan ng “Sino-sino ba’ng pupunta?,” hanggang sa “Short na pala ako sa budget,” na umaabot pa minsan sa “Sorry, allergic ako sa buhangin.” Kapag hindi ka makasama sa mga yayaang beach trip, mapapagamit ka talaga ng creativity sa pagdadalihan o pagpapalusot, hindi lang magmukhang patalo sa barkada. (Bakit ba hindi kasing dali ng “Shopping? Lezgooo!!” o “Ano DOTA?”)

Kung tutuusin, marami nga naman talagang dahilan na pumipigil sa’ting hindi sumama sa mga ganitong labas. Kadalasan, hirap tayong iwan ang mga responsibilidad sa kanya-kanya nating mga bokasyon. Ano nga naman ba’ng meron sa mga ganitong paglakbay? Ilan sa agarang maiisip: Road Trip~Sound Trip~Food Trip~Simoy ng hangin~Buhangin~Beach babes~Epic waves~Water sports~Paglubog at pagsikat ng araw~Tambay~Inom~Kain~Kwentuhan~Tulog.


Hay, kung pwede lang na ganyan araw-araw! Subalit, alam naman natin ang realidad— hindi lahat ay mapalad na makaikot sa lahat ng mga natatanging destinasyon sa bansa. Ngunit ganoon pa man, iisa ang ipinangangako ng paglalakbay sa bawat isa: ang maipamalas at maisambulat ang mga hiyas na biyayang ibinigay ng Diyos sa Pilipinas. Na tunay ngang May Yabang ang ating mga pulo at karagatan. Sino pa nga ba’ng dapat magtamasa at magpahalaga sa mga ito kundi tayo ring mga Pilipino?

Kaya, isa ka man sa mga sumisipsip sa Ninong para makakakuha ng Aguinaldo sa pasko o kaarawan, isa ka man sa mga nag-aamoy opisina’ng kumikita ng maliit na sahod buwan-buwan, o sa mga dumidighay o umuutot lang ng pera, ang masasabi lang ng Yabang Pinoy: hindi suntok sa buwan ang makalibot sa mga isla ng Pilipinas: naka-kotse ka man, naka-bus, o naka-tricycle— ‘wag mo nang tanchahin dahil aabot at aabot ‘yan sa tubig at buhangin.

Panulat ni Ali Sangalang


PORTFOLIO

Panulat ni Ali Sangalang


Bilang isang bansang pinalilibutan ng mga karagatan, masasabing pugad ang Pilipinas para sa mga water sport na tulad ng surfing. Subalit, unti-unti man ang pagkilala rito sa kasalukuyan, hindi pa rin masasabing ganoon ito ka-laganap sa Pilipinas. Ang terminong lineup, sa surfing, ay pag-aabang at paghahanda sa paparating na alon. Sa mga susunod na pahina, tampok ang ilan sa mga matiyagang nag-aabang at naghahanda sa isang nagbabadyang pag-usbong–mga Yabang Pinoy advocates na isinasabuhay, itinataguyod, at ipinagyayabang ang surfing sa Pilipinas.


LUKE Surfing champion. Surf shop owner. Heartthrob. Naturingang mukha ng Philippine surfing, isinasakatawan ni Luke Richard Thomas Mercado Landrigan ang extreme sport na ito. Siya ang kasalukuyang Kapitan ng Philippine Surfing Team, at may-ari ng San Juan Surf Surf Shop sa La Union. Retrato ni Ea delos Santos


NEIL Grommet Champion. Grade School Student. Balladeer. Pinakikinis ng Baler Boy Wonder na si Neil Sanchez ang gasgas nang kasabihang “Small but Terrible.� Kilala sa kanyang maagang pagsabak sa surfing at sa kanyang gilas sa tubig, itinuturing siyang future ng Philippine Surfing. Retrato ni Mica Ferrer


SURFARI Surf trip organizers. Nagsimula sa trip-trip lang, ngayo’y kilalang grupo na ang Surfari Philippines sa pag-oorganisa ng pinadali at pinabilis na surf trips sa Pilipinas. Dala ng purong passion nina Ron, Jasper, at Ben, nakaaambag sila sa pagkalat at paghikayat sa mga Pilipino na subukin ang surfing. Retrato ni Eric Siy


DAISY & ANTHONY Multi-awarded surfers. Surf gurus. Mag-utol. Nasa dugo na ng magkapatid na Valdez ang surfing—si Daisy na kilalang pinakamahusay na Pinay surfer sa kasalukuyan at si Anthony bilang isa sa mga pinakamatinik na local surf instructors. Sabay nilang ibinabahagi ang kanilang galing at kaalaman sa surfing sa bagong henerasyon. Retrato ni Mica Ferrer



JOMAR IAN Multi-awarded Surfers. High school students. DOTA boys. Self-proclaimed tourist guides ang mag-tropang surfers na sina Jomar at Ian. Bagamat madalas matatagpuan sa pampang ng Baler, hindi pinababayaan ng dalawa ang kanilang mga babasahin, takdang-aralin, mga responsibilidad sa bahay, at mga pananim sa Farmville. Retrato ni Mica Ferrer


JEFF Champion surfer. Breakdancer. Father of two. Mistulang dancefloor ang dagat sa pag-indayog ni Jeff kasabay ng mga alon. Bukod sa pagiging surf instructor at premyadong surfer, butihing ama rin si Jeff sa dalawang anak sa kabiyak niyang si Daisy Valdez. Retrato ni Mica Ferrer


AGOS Ea delos Santos at Mica Ferrer

Pinoy Tropical Lifestyle Brand. Ipinagyayabang ng Agos Pilipinas ang buhay tropiko sa bansa sa kanilang mga natatangi at orihinal na produkto. Para sa mga steady-pero-aktibong sina Ea at Mica, hindi kailangang maging professional surfer upang makasabay sa daloy ng ganitong lifestyle. Ang kanilang pilosopiya: Sabak lang. Paddle lang. Agos lang. Retrato ni Crissy Joson



SURFY KINDA Nikki de la Paz, Joncy Sumulong, Alf Molo, Buji Libarnes, Luke Landrigan, Gab Jover, at Poks Esquivel (not in picture)

Pinoy Surf Ambassadors. Gamit ang multimedia at social networking, ipinapakita ng Surfy Kinda Love ang kanilang pagmamahal sa surfing sa pamamagitan ng mga home-made independently-produced music, videos, photos, at art. Sa ganitong mga paraan, layon ng grupong maligawan ang bawat Pilipino na subukin at tangkilikin ang surfing sa Pilipinas. Retrato ni Mica Ferrer


BROWN Noelle Hilario at Kage Gozun

Lounge wear. Inirarampa ng Brown Belly ang natural na kagandahan at kulay ng mga Pinay sa kanilang natatanging linya ng beach and lounge wears. Mula sa surf chick tandem nina Noelle at Kage, saklaw sa kanilang mga produkto ang dalawa sa kanilang mga passion—surfing at fashion. Retrato ni Crissy Joson


KAGE Surfer-Photographer. Writer-Blogger. Lakwatsera. Kilalang surf photographer at blogger, naipakikita’t naibabahagi ni Kage ang mga tanawin ng Pilipinas gamit ang kanyang mga retrato’t sulatin. Kasalukuyan niyang ipinagpapatuloy ang kanyang paglalakbay at pagkilala sa mga destinasyon ng bansa tangan ang kanyang surf board, camera, at panulat. Retrato ni Mica Ferrer


RONNIE “POKS� Champion surfer. One-legged wonder. Loverboy. Sinasalamin ni Poks ang tunay na tibay at puso ng Pilipino. Hindi nagpapatinag sa kanyang kapansanan, ipinamamalas niya ang kanyang disiplina at angking-galing sa surfing, hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging sa ibang bansa. Nakatindig niyang ibinabandera ang yabang ng Pinoy sa kanyang iisang binti. Retrato ni Mica Ferrer



RETO

BEACHPIECES and

Kapag sasabak sa isang tropical getaway, magandang maghanda. Gawing Beach Vibe ang BV sa mga astig, anti-hassle, pro-active, proudly-Pinoy made products na ito na inirereto ng Yabang Pinoy.

Cloud Nine Backpack, TRIBU P1,995

Customized Bikini, TWINKLE FERRAREN Price range P1,500 to P3,000+


Clear Spray Sunblock, BEACH HUT P549 Dry Bag, RUBBERDUCKY, P550

Bohol sandals, TRIBU P595

Rashguard FLUIDSURF, Long-sleeved P890 Short-sleeved P850


For inquiries email us at bazaar.globalpinoy@gmail.com or contact us at 0927-8263926 (Crissy).

W W W . YA B A N G P I N O Y. C O M


KILAWIN

PAGKAIN

FTW! Panulat ni JM Jose

Kinilaw. Kilawin. Kilawen. Iba-iba man ang tawag, iisa lang ang ibig sabihin—pagkaing dagat. Ayon kay Doreen Fernandez, isa sa may akda ng “Kinilaw: A Philippine Cuisine of Freshness”, ang kinilaw ay orihinal na lutong Pinoy kung saan pampaasim lang ang ginagamit na panluto sa pagkain. Kaiba ito sa karaniwang putahe na inihahanda gamit ang apoy. Ngunit kung noon, lamang-dagat lang ang ibinababad at ikinikilaw, ngayo’y ginagamit na rin ang mga karneng tulad ng baboy, baka, o kambing. Sa kamakailang pagbisita ng Yabang Pinoy team sa San Fernando, La Union, nakahanap ang grupo ng kilalang kilawin na talaga namang dinadayo ng mga tao. Ang tawag ng mga taga-San Fernando rito— “Jumping Salad.” Oo, Jumping Salad ang naging tawag sa pagkaing ito sapagkat literal na tumatalon ang sangkap na buhay na hipon kapag

pinatakan ng kalamansi. Budburan ka ba naman ng sandamakmak na kalamansi sa mata at sa buong katawan, ewan ko lang kung ‘di ka pa magwala. Sa pagkain nito, at sa tamang timing, pwede mo na talagang ihirit ang “Hala, buhay pa!” Kung tutuusin, simpleng simple lang naman ang putaheng ito. Ang sangkap: Buhay na hipon na nilinis sa tubig at asin. Kalamansi. Tapos! Pero kung ano naman ang simple ng rekado nito, ganoon naman kahirap ipaliwanag ang kakaiba nitong lasa. Iba siya sa karaniwang hipon na niluto sa apoy. Kahit hindi tinusta, malutong, at hindi malansa. Kaya naman pagkatapos nang maghapong pagbibilad sa ilalim ng araw, tamang-tama talaga itong pampulutan at kainin. Kakaiba. Sariwa. Sumisipa. Panalo talaga ang kilawin!


TAMBAYAN

Panulat ni Dexter Sy

Hardwood

Somewhere by the foot of the most prominent hills within the Cebu City limits, there’s a place where people – both wellmeaning and bad-intentioned, informed and ill-advised – gather to celebrate music, the arts, culture, and everything that still remains fine in the world. Here, it doesn’t really matter who you are (well, in some cases, it does, but elitism isn’t something so easily avoided in the “artsy” world). Even carpark boys can sing along near-perfectly to Cattski Espina songs, both originals and covers. Yes, there are no boundaries to music’s reach when you’re at The Outpost.

A brief backgrounder on the place – I don’t know when exactly it started, but for as long as I’ve been making rounds in the scene, I’ll remember the Outpost as one of those places where you’re almost sure to hear a band playing on any given night. The music is diverse – from blues and jazz to alternative to island music. Regardless of the music or the event, the place has a loyal customer base. If you ever get that funny feeling of wanting your picture taken with big names in Cebu music, you just might find yourself with that chance at an Outpost event.


Cynthia Alexander

Drip

Powerspoonz

Kadangyan

The Outpost, on a regular basis, hosts some of the biggest events for Cebu bands – including (but definitely not limited to) the Cebu Guitar Festival, the Midweek Sessions, and Songwriters’ Nights. It doesn’t stop at the local scene though. The place has also hosted some big names from Manila, including Cynthia Alexander, Dead Pop Stars, and the Camerawalls. Even international stars have joined the action – most recently, Ken Stringfellow, touring guitarist of R.E.M. and one of the primary songwriters of the alternative band The Posies, came down to serenade the crowd with his folk music.

Even if you’re not big on the music, it’s always nice to drop by for a round of drinks with friends and foes alike. The huge al fresco area at The Outpost provides an ambience of cabin living, a perfect setting, if I do say so myself, for a set of your favorite beer and some onion rings on the side. The longevity of The Outpost is a feat, with most music bars around this small city folding after only a few months in operation. So, what’s the secret? No one has figured it out, as far as I know. Someone should seriously look into this. Mga retrato mula sa The Outpost


SURF

PINASPORT

ed


dition

Para sa Yabang Pinoy, lahat ay may passport sa mga isla ng Pilipinas. Sa paglibot sa iba’t ibang lokal na destinasyon, layon ng Pinasport na maipakita’t maibahagi ang mga natatanging lugar ng bansa. Sa edisyong ito, sumama sa paglusong sa mga alon ng La Union at Baler.


LA

UNION 1

2

1. eyelight. 2. checkers. 3. youngster’s paradise. 4. pating!pating! 3


4



poks strut.

standout.


sir anthony.

running water.


pushing daisy.



kite runner.

luke skywater.

3 bitbit by bit.



2

3

1

1. it’s training, men. 2. pogi pros. 3. LU syndrome. 4. dibdiban.

4


BALER 2


1

3

1. wavelength. 2. crowd nine. 3. pointers.


1

2

1. surf bords. 2. water lilim. 3. audience intact.

3




2

1

1. paddle lang. 2. isdapride! 3. boarderline. 4. coco cola.

3

4


1


2

3

4

5

1. cycle. 2. donut bike! 3. sideboard. 4. micamicami wave! 5. dila ng dagat.


ea sports.

ben’s mark.


huling-huli.

Panulat ni Ali Sangalang Mga retrato ni Ea delos Santos, Mica Ferrer, at Crissy Joson


LITERATURA tula



LITERATURA tula


Marami pang ibang island sa Pilipinas.


LITERATURA dagli 17

ni Rachel Valencerina Marra Maingat na inilapag ni Mila ang mga damit sa kama. Pinagmasdan niya kung gaano kaselan ang pagkakatiklop niya sa mga kamiseta at jersey ng sikat na basketbolistang si Chris Tiu. Ngumiti siya, waring kuntento sa maayos na pagkakapatong-patong ng mga damit – karamiha’y asul o hindi kaya’y puti. Isa-isa niya itong isinilid sa kamagong na aparador. Pagkatapos ay sinulyapan niya ang wall clock. Alas-kuwatro pa lang. Kinapa ni Mila sa loob ng kaniyang bra ang dalawandaang piso na inutang niya sa isang katrabaho sa tahanan ng mga Tiu. Mahabang pakiusapan ang dinanas niya bago mapapayag ang kapuwa katulong na pahiramin siya ng pera. Sige na naman o, birthday kasi ng dalaga ko. Maski pang-ispageti lang, Maski pang-ispageti lang, pagmamakaawa ni Mila rito. Nang masiguradong ligtas at hindi nawawala ang pang-handa sa kaarawan ng kaniyang nag-iisang anak ay hinagod niya ng tingin ang buong kuwarto, naghahanap ng mga maaari pang gawin. Ibang-iba talaga kapag naroon ang binatang amo sa bahay. Ngayon kasi ay nasa ibang bansa ito at nag-eensayo para sa kaniyang paglahok sa 2012 London Olympics. Dahan-dahan niyang nilapitan ang bookshelves ng binata. Punong-puno ang mga ito ng mga iba’t ibang medalya at tropeo. Isa-isa niyang pinunasan ang mga ito ng basahang laging nakapamulsa sa apron ng kaniyang uniporme. Sinunod naman niya ang mga libro. Sari-saring mga libro ang naroon. May mga pangeskuwela, mga nobela, at may Bibliya rin. Dahil sa dami ng mga inuuwing parangal ni Chris Tiu at sa dami rin ng mga libro nito, hindi nauubusan ng trabaho si Aling Mila. Limang taon na rin niyang naging libangan ang maghapong pagpapanatili ng kintab ng mga sari-saring medalya at tropeo at tanggalin ang mga tupi sa bawat dulo ng mga pahina ng bawat libro kung wala nang ibang gawaing bahay. Limang taon na rin siyang kinukulit ng anak na mag-uwi ng isang brip ni Chris Tiu. Maski isa lang daw, para maipagyabang sa mga kaibigan. Kung ano’ng kulit ng anak ay ganoon din katigas ang pagtanggi ni Aling Mila. “Masama ang


pagnanakaw,” lagi niyang sasabihin. Ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong pagbigyan ang anak. Wala ang binatang amo, abala ang mga tao sa bahay. Mabait naman ang anak kong ‘yun kahit na malandi, kaarawan pa niya ngayon. At sino nga naman ang makakapansin na nawawalan ng isang brip si Chris Tiu? Binuksan niya ang aparador ng binata at kinuha ang isang puting brip. Ngunit sandali siyang natigilan. Naaninagan niya ang Bibliya na kanina’y pinunasan. Ibinalik niya ang brip sa cabinet at nagmadaling lumisan sa kuwarto. Maya-maya’y bumalik ito at kinuha muli ang brip, pati na rin ang pinakalumang asul na jersey ng binata. Isiniksik niya ang mga damit kasama ng basahan sa apron ng kaniyang uniporme.


LITERATURA libro

KAPITAN SINO

ni Bob Ong Sa ikapitong libro ni Bob Ong, at sa kanyang muling paglihis sa genre kung saan siya nakilala, tinatalakay ng libro ang dalawang buhay ni Rogelio Manglicmot, bilang isang magaling na electrician sa bayan ng Pelaez, at bilang natatanging superherong si Kapitan Sino. Tulad siya ni Superman, na may kakaibang lakas, at kayang tumalon nang mataas at malayo. Pero tulad din siya ni Spiderman, na puno ng pagdududa sa kanyang kakayahan at sa kung ano ang kaya niyang gawin. Mabusising kinukuwento ni Bob ang mabubuti at masasama sa pagiging super-bayani: ang pagnanais na tumulong sa lahat ng nangangailan, gaano man ito ka-imposible. Lahat nang ito ay nangyayari sa Pelaez, na marahil ay ang social commentary ni Bob sa Pilipinong pamilya at lipunan. Tulad ng mga pamilyang sinasakop na ang buong kalsada kung magtumpukan buong maghapon, nakatutuwa at nostalgic ang kanyang paglalahad. Ngunit sa huli, hindi maiiwasang ang tao ay maging tao, at hindi ito maitatanggi ni Kapitan Sino.

ILUSTRADO

ni Miguel Syjuco Ang unang nobelang ito ni Miguel Syjuco ay nanalo ng grand prize sa Man Asian Literary Prize noong 2008. Nagsimula ang lahat sa misteryosong pagkamatay ni Crispin Salvador, isang kontrobersyal na manunulat at Filipino expat sa Amerika. Ang kanyang hindi natapos na nobela ay inaasahang maglalahad ng mga lihim ng mahahalagang tao sa Philippine society, at nang mawala ito kasabay ng pagkamatay, sinubukan itong hanapin ni Miguel Syjuco, ang protégé ni Crispin. Dito umiikot ang kwento, sa mga ideyang tulad ng: “If you know where to look, this [Manila] is the most exciting city in the world,” sabi ng punto-de-bista ni Miguel Syjuco. Kumikilos ang nobela sa iba’t ibang pananaw ng iba’t ibang tao, sa iba’t ibang panahon at iba’t ibang lugar. Sa ganitong paraan mahusay na nailalarawan ni Miguel ang kasaysayan at ang relasyon nito sa kasalukuyan.


ALAMAT NG PANGET & MANY OTHER

ni Apol Sta. Maria Ang koleksiyong ito ni Apol Sta. Maria na naglalaman ng mga kakaiba at nakatutuwang kwento ay ipinahahayag sa pamamagitan ng isang simpleng pamamaraan—black and white comic strips. Mula sa alamat kung bakit “panget” ang tawag sa mga taong “panget,” hanggang kay LOLBOT (“LOL OUT LOUD BOT” na hindi lang basta “LAUGH OUT LOUD”), hanggang sa tanong na “Sino ang Unang Gumawa ng Banana Q?,” na aabot pa sa “JOLOG NG LANGIT,” malayang naiguguhit at naisusulat ni Apol ang mga bagay na tila absurdo o kakatuwa. Sa paglilimbag ng Alamat ng Panget, pinatutunayan ng may akda na ang mga pinakahanap-hanap na ideya ay posibleng nasa singit-singit lamang ng kukote. Ituring mang isang obra o isang malaking kalokohan, hindi nakagugulat kung ang “panget” na librong ito, balang araw, ay tunay ngang maging isang alamat. Panulat ni Mark Tan


RETRATO


LILIM

png : lambong na dulot ng anumang bagay o estrukturang humahadlang sa sinag mula sa itaas *

Dan Napa



Joseph Abello


Jeffrey San Juan



Jacob Matias




Wesley Rasines



Bong Sta. Maria


MUSIKA songhits

COFFEE BREAK

No other band by name proclaims the love-peace-chill vibe of sand and sun better than Coffee Break Island. Groove to rastafied rhythms and jive with seductively smooth sounds like “Sweet Lovin’” and “Party Song.” With a self-titled album under their belts, a sophomore album in the works, and international bragging rights to boot (the band recently completed a 2-month stint playing Xiamen, China), these boys have yet to hit it bigger than ever. Catch them at 70’s Bistro, Kaboom Griller Garden, For the Road, & Capone’s. Ya mon! LISTEN TO: “Tubig Ay Buhay,” “Pakikinggan,” “Sweet Lovin’” CHECK OUT: http://www.myspace.com/coffeebreakisland Panulat ni Tanya Diaz Retrato mula sa Coffee Break Island

IS


SLAND

A F#m Nalasap mo na ba ang sariwang indayog D E Narinig mo na ba ang rumaragasang tugtog Chorus: D E A F#m Tubig ay buhay likas na malaya D E A F#m Sa iilang kamay binihag ng ganansya D E D E Ang tubig ay buhay dapat nasa ating mga

Tubig Ay Buhay Coffee Break Island A F#m Bayaran nanaman sa katapusan D E Naku wala pa akong mauutangan A F#m Darating sa bahay na uhaw at pawisan D E Maiinom ko ba itong sinalok sa ulan A F#m Sa boteng may presyo tubig umaalog alog D E Ginapos sa damm ang malayang ilog

A7-D7 4x kamay II A F#m Sa ating mahihirap tubig gapatak D E Pero sa mayayaman ito’y bumubulwak bulwak A F#m Kay mahal ng singil sa serbisyong palpak D E Pinangdidilig lang sa golfcourse ng wak-wak A F#m Mahalaga itong likas na yaman D E Isang batayang pangangailangan A F#m Inaangkin ng mga dayuhan at ilan D E Mamamayan laging nawawalan Repeat Chorus/Adlib:Verse Chords / Repeat Verse II and Chorus


MUSIKA songhits

LYRICALLY DERANGED

POETS

Effed up beats rip in sync with the heat of a poolside ghetto party — Lyrically Deranged Poets gives you a dose of solid rhythms and doped-up rhymes that will have you trippin’ and shakin’ down a conga line in no time. RJay, Abra, & Alex show you the Flipside of Bone Thugs, 2Pac, MosDef & Eminem with Pinoy pride and cool - homegrown rap talent right here on our own shores! LISTEN TO: “Simple,” “Three Years in the Making,” “God Forgive Me” CHECK OUT: http://www.myspace.com/lyricallyderangedpoets Panulat ni Tanya Diaz Retrato mula sa Lyrically Deranged Poets


Simple Lyrically Deranged Poets DM7 - C#m7 - DM7 - C#m7 - DM7 - C#m7 - F#m7 Verse 1: (Abra) Halika na mga pare tara magsaya inuman na di na baleng may maaksaya dapat basagan hanggang umaga cheers atsaka magambagan kapag wala ng beer kapag ganto ang buhay at simple lang ito’y nagpapatunay na di imposible ang mabuhay ng nakangiti kahit wala ng pera para bang kapayapaan sa gitna ng giyera limutin ang problema sa tunog ng gitara wag intindihin kapag walang laman ang pitaka hindi naman kailangan ng magarang damit basta maayos ang itsura kahit parang gamit na ulit, kahit sabihin nilang peke yan walang problema sa telepono na second hand huwag kang magalala talaga, tara na just keep it simple everyday para lang iyon malaman na Chorus: Ang buhay simple lang, huwag mo nang isipin ang di mo maintindihan (Hey just keep it simple everyday!) Tumawa sige lang, masaya na sine ang buhay mo pag simple lang (Hey!) Verse 2: (Alex) Relaxing is enticing so stop the stressing perplexing the microphone testing addressing a message to the masses dress and suits, corsage and posies life is a video game on easy mode if it gets hard use a cheat code

open your ears, your heart, mind and soul cause simple fun just never gets old so let’s get together get a beer or two free your mind from dilemmas like work in school take a break from the drama, just keep it cool say a prayer to the master, yeah, you know who just like a jewel puts a smile on my face and if we all did it this will be a better place don’t worry be happy don’t put it to waste so let me see that dimple you know, just keep it simple (Chorus) Verse 3: (Rjay) Let’s kill the complexity release the stress and believe we have the power living here is a blessing on this earth that is beautiful and full of life let’s lay back chill and kick it, keep it cool alright cause aint nothing better than this atmosphere where everybody’s all good relaxed with no fear what you hear is good conversations all night plus music equals good vibes, am I right? kaya itigil mo na yang pagiisip-isip at imulat ang mga mata na pipikit-pikit kinabukasa’y di tiyak, kahit may butas o biyak may solusyon parin lahat kaya ang ulo’y i-angat at itapat kung saan bumabangon ang araw kahit may kabigatan, lahat ng problema’y mababaw tumayo ka ng diretso at tibayan ang loob kahit gaano pa yan kalalim ‘ding hindi ka lulubog sapagkat (Chorus)


MUSIKA songhits

SURFYKINDA

Space out and mellow to the psychedelically chillax tunes of Surfy Kinda Love. From photography, videography, and sweet jams this side of the tide, ride the wave and get stoked with this experimental group of surfers and their unique advocacy: to prove that surfing is not just an extreme sport, but an art; a way of life. Spacey, abstract, and vague on one end; but interestingly chill in its contrived musical quality, expect that doobie high with all the hits and without the joint! LISTEN / WATCH ONLINE: “The Summer You Were Mine” Panulat ni Tanya Diaz Retrato mula sa Surfy Kinda Love


LOVE Summer You Were Mine Juan Drama Jr. Intro: G – C - D G C D Every now and then I think about that summer G C D In the air was something I’ve never felt before G C D And everything just felt so right G C When you held my hand as we walked along D the shore G C D And if I could, I’d hold the hands of time G-C-D-Dsus-D To the summer you were mine

CHORUS G C D-Dsus-D And I hear a love song in the air tonight G C I’m seeing lovers in each other’s arms till the D Dsus-D night is gone and I feel alright G C D-Dus-D I feel alright, and I feel alright G C D-Dsus-D And I hear a love song in the air tonight G C And it takes me back to another place, another D love, another time G – C – D-Dsus-D To the summer you were mine G C It must have been the sun trying to burn my D head G C It must have been the wind blowing through D your hair G C It could’ve been the way you smiled when you D caught my stare G C It could’ve been any of these things and all the D things I imagined Back to Chorus


MUSIKA feature


Ilabas ang Yabang.


EVENTS

1

Kung hindi pa, heto na: Noong Hunyo 25, 2010, sa ganap na alas-sais ng gabi sa Quantum Cafe, Makati, nagkaroon ng isang malaking pagtatagisan ng galing at kaalaman. Higit pa sa pagpapataasan ng ihi at pagalingan ng lolo, nagkasubukan ang ilan sa kanilang kaalaman sa mga paksaing Pilipino.

4

Isang pakana ng GeekFight! Trivia Night at Yabang Pinoy bilang bahagi ng pagdiriwang sa araw ng kalayaan.

8

7


2

3

1. Nagkakaalaman na; 2. Hardcore YP volunteers; 3. Quizmaster Paolo Jose Cruz; 4. Panimula ni Landa Bautista; 5. Two-Man team Ali & Dan; 6. 3rd Place Mela’s B*tches; 7. 2nd Place We Filipi Know!!!; 8. Champion Flips Flipping Pages

6

5


CLASSIFIEDS

www.agospilipinas.com

Click the links to check out the brands!

www.tribuoutdoors.com

www.pillfootwear.multiply.co m roselene888@yahoo.com

products now available at

an Vis it Ka pe ni Ju ing , at the BM G Bu ild ti Cit y Ma ga lla ne s, Ma ka .co m ww w.k ap en iju an

www.punchdrunkpanda.com

Eunice www.dashe

http://dodon glovesbebang. multiply.

beansprout.inc@gmail.com www.iloveBEANSPROUT.com

MYCX FLATS MAGIC BAG INC. ilovemycx@yahoo.com

magictherapypack@gmail.com

www.shopmycx.multiply.com

www.magictherapypack.multiply.com


h ww w.t het shi rtp roje ct.p

sig aw sam bit. mu ltip

ly.c om

suelas@ymail.co m www.suelasonlin e.com

www.fab man ila.m ultip ly.c

m ego_no2@yahoo.co m ecosmetics.multiply.co

om

Eunicego_no2@yahoo.com www.chillimargarita.multiply.com

LAURA’S VERSATILE FABRICS COLLECTION

.com

sv_lala@yahoo.com.ph

COLE VINTAGE lorainegotao@gmail.com

www.colevintage.multiply.com

BALAI MATTEO HOME FURNISHINGS esbelardo@gmail.com www.balaimatteo.multiply.com

For inquiries email us at bazaar.globalpinoy@gmail.com or contact us at 0927-8263926 (Crissy).

PWEDENG MAGYABANG DITO. To advertise your brand, email us at ypmagazine@gmail.com.


MGA PAUSO

CONCEPT &

Ali Sanga

Mica Ferr

COPY

lang

CONCEPT & er

DESIGN

MARKETING

Maricris S

arino

MGA NAKI-R

CONTRIBUTO RS EDITORIAL

IDE

Mark Tan JM Jose Tanya Dia z Dexter Sy Gang Bad oy

PHOTOGRAPH

Y

Crissy Joso n Ea delos S antos Eric Siy

REFERENCES

*RETRATO Depinisiyon ng Lilim m ula sa UP Diksiyo naryong Fi lipino

Karapatang-ari Š 2010 ng Yabang Pinoy. Reserbado ang lahat ng karapatan sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot sa mga may hawak ng karapatang-ari. Inilathala sa Pilipinas ng Yabang Pinoy.

W W W . YA B A N G P I N O Y. C O M


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.