Elder Justice Guide - LA County - Tagalog Version

Page 1


GABAY SA PAGKILOS

HUSTISYA PARA SA MATATANDA

Binuo ng Wise & Healthy Aging at bahagyang pinondohan ng Area Agencies on Aging ng Lungsod at County ng Los Angeles.

Pagkilala sa mga Palatandaan...

PISIKAL NA PANG-AABUSO

• Mga hindi maipaliwanag na palatandaan ng pinsala tulad ng mga pasa, latay, peklat, baling buto o pilay

• Labis o kulang na gamot

• Sirang salamin sa mata

• Mga palatandaan ng paggapos, tulad ng mga marka ng lubid sa mga pulso

• Ang pagtanggi ng tagapagalaga na payagan kang makita ang tao nang mag-isa

• Labis na dosis ng gamot o droga o hindi regular na pag-inom ng gamot

• Mga pisikal o kemikal na pagpigil para sa kaginhawahan ng tagapag-alaga

EMOSYONAL NA PANG-AABUSO

• Nasaksihan mong pagbabanta, pagmamaliit, o pagkontrol na pag-uugaling ginagawa ng tagapag-alaga

• Binubukod ng isang tao ang matanda; pagtanggi na payagan ang pakikipagugnayan sa mga bisita, sulat, telepono, atbp.

• Hindi karaniwang pag-uugali tulad kawalan ng gana sa paggawa ng mga bagay na dati naming gusto o pagbabago sa pagiging alerto

SEKSWAL NA PANG-AABUSO

• Mga pasa sa paligid ng mga suso o ari

tubig, sirang kable ng kuryente, mga panganib sa sunog)

• Pag-iwan ng matanda sa isang pampublikong lugar

PINANSYAL NA PANANAMANTALA

• Malaki o hindi awtorisadong pag-wiwithdraw mula sa mga account ng matanda

• Biglang pagbabago sa pinansyal na kalagayan ng matanda

• Mga nawawalang gamit o pera sa sambahayan

• Mga kahina-hinalang pagbabago sa mga habilin, power of attorney, mga titulo, at mga policy

• Hindi maipaliwanag na mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik o hindi maipaliwanag na pagdurugo sa ari o puwit (anal)

• Napunit, may mantsa, o duguan na damit na panloob

PAGPAPABAYA NG MGA

TAGAPAG-ALAGA O

PAGPAPABAYA SA SARILI

• Hindi pangkaraniwang pagbaba ng timbang, malnutrisyon, pagkadehydrate

• Mga problemang pisikal na hindi ginagamot, tulad ng mga sugat na sanhi ng matagal na pagkakahiga sa kama (bed sore)

• Hindi malinis na mga kondisyon ng pamumuhay: madumi, may mga surot, maduming kumot

• Kakulangan sa kalinisan, kawalan ng malinis o angkop na damit

• Hindi ligtas na mga kondisyon ng pamumuhay (walang mainit o umaagos na

• Pagdaragdag ng mga pangalan sa signature card sa bangko ng matanda

• Napabayaang mga bayarin o kawalan ng pangangalagang medical, bagaman may kakayanan ang matanda na bayaran ang mga ito

• Pinansyal na aktibidad na walang pisikal na kakayanan ang matanda na gawin ito (halimbawa ang pag-withdraw sa ATM ng isang may-ari ng account na nakaratay sa kama)

• Mga hindi kinakailangang serbisyo, kalakal, o subscription

• Hindi pangkaraniwang pagbabago sa mga gawi sa paggastos

MGA SCAM

• Walang tigil na pagtawag mula sa iba’t ibang mga numero ng telepono

• Biglaang pagpapadala ng pera sa elektronikong paraan ng matanda/nasa hustong gulang

• Biglaang pagtanggap ng mga sulat ukol sa Lotto

• Pagiging masikreto ng matanda/nasa hustong gulang tungkol sa pakikipagrelasyon sa isang taong hindi pa niya nakikilala ng personal

Paano

Mag-ulat ng Pang-aabuso o Pagpapabaya

• I-dial ang 911 para mag-ulat ng pang-aabuso o pagpapabaya sa nakatatanda sa Pulisya NGAYON kung nakakabahala at nagbabanta sa buhay ang pang-aabuso.

• Hotline ng Pang-aabuso sa Nakatatanda Tumawag sa (877) 477-3646 para mag-ulat ng mga alegasyon ng pang-aabuso kapag hindi ka sigurado kung saan ka dapat tumawag.

• Mga Serbisyong Pamprotekta sa Nasa Hustong Gulang, County ng Los Angeles Tumawag sa (888) 202-4248 kung may pinaghihinalaan kang pang-aabuso sa nakatatanda sa komunidad. Tumawag sa (213) 351-5401 kung nasa labas ka ng County ng Los Angeles.

• Ombudsman ng Pangmatagalang Pangangalaga sa Wise & Healthy Aging Tumawag sa (800) 334-9473 kung may pinaghihinalaang pang-aabusong nangyayari sa isang pasilidad para sa may kasanayang pagkalinga, may tulong sa pamumuhay, o pananatili at pangangalaga. wiseombudsman.org

Linya para sa krisis pagkatapos ng mga oras ng trabaho ng Ombudsman sa Buong Estado (800) 231-4024.

• Pambansang Hotline para sa Panloloko sa Nakatatanda Tulong sa pag-uulat sa pederal, pang-estado, at lokal na mga antas at referral sa mga sanggunian para sa panloloko (833) 721-8311.

MGA SANGGUNIAN

PANGKALAHATANG

IMPORMASYON

• Departamento para sa Pagtanda ng Lungsod ng Los Angeles aging.lacity.org (213) 482-7252

• Impomasyon at Tulong ng Departamento para sa Pagtanda at Mga Kapansanan ng County ng Los Angeles ad.lacounty.gov (800) 510-2020

• Impormasyon at Referral ng County ng Los Angeles: 211la.org o I-dial ang 211

• Impormasyon at Referral ng County ng Los Angeles lacity.gov/myla311 (213) 473-3231

LEGAL NA TULONG

• Mga Legal na Serbisyo ng Bet Tzedek www.bettzedek.org (323) 939-0506

• Pangunahing Abogado ng Estado ng California ag.ca.gov (800) 952-5225

• Foundation ng Legal na Tulong ng Los Angeles lafla.org (800) 399-4529

• Hotline para sa Pangaabuso sa Nakatatanda ng Tanggapan ng Abogado ng Lungsod ng Los Angeles (877) 477-3646

• Referral ng Abogado ng Bar Association at Impormasyon sa Smart Law ng County ng Los Angeles smartlaw.org (213) 243-1525

• Seksyon sa Pang-aabuso sa Nakatatanda ng Abogado ng Distrito ng County ng Los Angeles (213) 257-2290

• Pampublikong Tagapangasiwa/ Pampublikong Tagapangalaga ng County ng Los Angeles (213) 974-0515

• Serbisyo ng Referral sa Sertipikadong Abogado ng State Bar ng CANHR (800) 474-1116

KARAHASAN SA TAHANAN

Pambansang Hotline para sa Karahasan sa Tahanan: (800) 799-7233

Hotline para sa Karahasan sa Tahanan ng Southern California (800) 978-3600

Maaaring makatanggap ng tulong ang mga tumatawag sa 13 wika

VINE – Impormasyon at Pang-araw-araw na Abiso para sa Biktima (Victim Information and Notification Everyday) (Isang serbisyo ng Departamento ng Sheriff ng County ng Los Angeles para ipaalam sa iyo kapag nagbago ang katayuan ng isang bilanggo.) (877) 846-3452

KAGALINGAN NG PAG-IISIP

• ACCESS Center ng Mga Serbisyo para sa Nakatatandang Nasa Hustong Gulang ng Departamento ng Kalusugan sa Pag-iisip ng County ng Los Angeles (Tulong tungkol sa hindi pagbubunyag at iba pang isyu sa kalusugan ng pag-iisip) (800) 854-7771

• Pambansang Lifeline para sa Pag-iwas sa Pagpapakamatay (800) 273-8255 o I-dial ang 988

• 24 na Oras na Linya ng Pagkakaibigan (Para sa mga nalulungkot at kailangan ng kausap) (800) 971-0016

• Tulong mula sa LA Found kapag nawawala ang isang mahal sa buhay dahil sa paggala dahil sa dementia lafound.lacounty.gov (883) 569-7651

• Mga Grupo ng Suporta sa Pang-aabuso ng Nakatatanda ng Wise & Healthy Aging wiseandhealthyaging.org (310) 394-9871

• Tulong para sa Biktima mula sa Abogado ng Distrito ng County ng Los Angeles (800) 380-3811 o (626) 927-2500 da.lacounty.gov/victims

PANLOLOKO SA MEDICARE O MEDI-CAL

• Panloloko sa Medi-Cal at Pang-aabuso sa Nakatatanda ng Kawanihan ng Pangunahing Abogado ng California (800) 722-0432

Online na form ng reklamo reklamo oag.ca.gov/dmfea

• Sentro ng Mga Karapatan sa Pangangalagang Pangkalusugan/Mga Tagapagtaguyod ng Kalusugan sa California cahealthadvocates.org

• Programa sa Pagpapayo at Pagtataguyod ng Insurance sa Kalusugan (Health Insurance Counseling and Advocacy Program, HICAP) Pagpapayo sa Medicare at pangangalagang pangkalusugan (800) 434-0222

• Departamento ng Mga Serbisyong Pangkalusugan para sa panloloko sa Medi-Cal (800) 822-6222

• TIPS Hotline ng Mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao ng U.S. para mag-ulat ng panloloko sa Medicare (800) 447-8477

PANGASIWAAN NG SOCIAL SECURITY

• Hotline para sa Panloloko (800) 269-0271 SSA.gov

PANLOLOKO SA CREDIT CARD

• Kung biktima ka ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan, o gusto mong umiwas na maging biktima, tawagan ang mga ahensyang ito para i-freeze ang mga bagong account na binubuksan sa iyong pangalan. Gayundin, para sa mga pagtutol na may kinalaman sa iyong rekord sa credit.

• Experian.com (888) 397-3742

• Equifax.com (800) 525-6285

• TransUnion.com (800) 680-7289

• Libreng Taunang Ulat sa Kredito annualcreditreport.com (877) 322-8228

PANLOLOKO GAMIT ANG MAIL

• Ulat ng Serbisyo sa Pag-inspeksyon ng Mail para sa Panloloko Gamit ang Mail ng U.S. uspis.gov (877) 876-2455

• Mag-opt out sa hindi hinihinging mail, credit card na may paunang pag-apruba at mga alok ng insurance (888) 567-8688

• Direct Marketing Association Inc.

Pagtanggal ng pangalan mula sa listahan sa pagpapada ng mail at pag-e-email dmachoice.org

PANLOLOKO GAMIT ANG TELEPONO

• Komisyon sa Pederal na Kalakalan (Federal Trade Commission, FTC)

Panloloko sa telemarketing at pagnanakaw ng pagkakakilanlan (877) 382-4357

Talaan ng Ayaw Matawagan (Do Not Call Registry) Paghinto sa pagtawag sa iyo ng mga telemarketer. donotcall.gov (888) 382-1222

KRIMEN SA INTERNET/SPAM

• Sentro ng Reklamo ng Krimen sa Internet Magreklamo online. IC3.gov

PANLOLOKO NG BROKER/SA PAMUMUHUNAN

• Mga Nakatatanda Laban sa Panloloko sa Pamumuhunan (Seniors Against Investment Fraud, SAIF) ng Departamento ng Proteksyon at Inobasyon sa Pananalapi dfpi.ca.gov (866) 275-2677

• BrokerCheck ng Panregulasyong Awtoridad sa Industriya ng Pananalapi (Financial Industry Regulatory Authority, FINRA)

Suriin ang background ng isang broker o brokerage. brokercheck.finra.org (800) 289-9999

MGA ISYU NG MAMIMILI

• Departamento para sa Mga Ugnayan sa Mamimili ng California

Suriin ang mga lisensya ng mga doktor, nars at iba pang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan dca.ca.gov (800) 952-5210

• Departamento ng Insurance ng California

Mga alalahanin sa insurance insurance.ca.gov (800) 927-4357

• Departamento ng Real Estate ng California Mga alalahanin sa real estate dre.ca.gov (213) 620-2072

• Komisyon ng Mga Pampublikong Utilidad ng California Mga reklamo sa utilidad cpuc.ca.gov (800) 649-7570

• Lupon ng Paglilisensya ng Mga Kontratista ng Estado Mga alalahanin tungkol sa mga lisensyado at hindi lisensyadong kontratista cslb.ca.gov (800) 321-2752

• Departamento para sa Ugnayan sa Mamimili at Mga Negosyo ng County ng Los Angeles Mga isyu sa landlord/tenant, pandidiskrimina sa pabahay, reklamo ng mamimili dcba.lacounty.gov (800) 593-8222

Gawin:

Pagprotekta sa iyong sarili

• Manatiling aktibo sa iyong lokal na sentro para sa matatanda. Maaari itong maging isang mahalagang mapagkukunan ng impormasyon.

• Magplano para sa iyong pangangalaga habang tumatanda ka. Tukuyin ang mga mapagkakatiwalaang tao na maaaring magbigay ng tulong kung kinakailangan.

• Suriin nang regular ang iyong pananalapi. Maging labis na maingat kapag pumipili ng mga “mapagkakatiwalaan” na indibidwal para tumulong na pamahalaan ang iyong mga gawain kapag kinakailangan.

• Makilahok sa mga aktibidad sa komunidad. Ang pagboboluntaryo ay isang magandang paraan para makipag-ugnayan sa iba at makipagkaibigan.

• Gamitin ang mga mapagkukunan sa gabay na ito para makakuha ng suporta.

Huwag gawin:

• Huwag ipagpaliban ang paghahanda ng iyong pisikal at pinansyal na mga pangangailangan sa hinaharap.

• Huwag tumanggap ng personal na pangangalaga mula sa sinuman kapalit ng ari-arian o mga asset nang walang abogado o pinagkakatiwalaang tagapagtaguyod para saksihan ang transaksyon.

• Huwag payagan ang iba na panatilihin ang mga detalye ng iyong pananalapi mula sa iyo.

• Huwag magbigay ng personal o pinansyal na impormasyon sa mga taong hindi mo kilala, lalo na sa telepono.

• Huwag lagdaan ang mga legal na dokumento na hindi mo nauunawaan.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.