Issuu on Google+


V

Mga Estratehiya at mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino para sa Elementarya (Baitang 4-6)

PAUNANG SALITA Walang nananatiling pamalagian sa buhay ng tao, sa kapalaran ng isang institusyon, at sa kasaysayan ng isang bansa, kundi ang pagbabago. Isa sa larangan ng buhay at karanasang nagdaan sa iba’t ibang yugto ng pagbabago ay ang edukasyon at kultura. Ang pagbabago sa mga institusyon ng karunungan at kalinangan ay masasaksihan sa kanilang kurikulum. Alam naman natin na ang kurikulum ay pamatnubay sa pagtuturo sa isang paaralan. Ang pagbabago ng kurikulum ay nakabatay sa mga kondisyon at pangangailangang dinaranas sa panapanahon ng isang bansa. Ang huling pagbabago ng kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepED) ay binigyang-diin ang oryentasyong panggawain at pangkabutihang-asal.

ISBN 978-971-07-2458-1 Karapatang-ari © 2010 ng Vibal Publishing House, Inc. Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang pelikula, nang walang nakasulat na pahintulot ang tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-ari ang suring-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin. Lahat ng drowing na ginamit sa aklat na ito ay pag-aari ng Vibal Publishing House, Inc. at di-maaaring kopyahin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot ang tagapaglathala. Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng

Ayon kay Esponilla (1990), ang pagtuturo ay isang sining at maihahalintulad sa isang triyanggulo. May tatlong sulok at tatlong mukha. Ang mga ito’y kinakatawan ng guro; ng mga mag-aaral at ng paksa, paraan, at pamamaraan ng pagtuturo. Ang bawat isa ay mahalaga at kailangan sa ikatutupad ng mga layunin ng sining ng pagtuturo.

Vibal Publishing House, Inc. Punong Tanggapan:

1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City

Tanggapang Panrehiyon:

Unit 202 Cebu Holdings Center, Cebu Business Park, Cardinal Rosales Avenue, Cebu City, Philippines

Ang alinmang paraan at pamamaraan ay mabuti lamang kung sa paggamit nito ay natututo ang mga mag-aaral. Ang paksa ay di-dapat ibagay sa pamamaraan, kundi ang pamamaraan ang dapat na ibagay sa paksa, sa kakayahan at karanasan ng mga mag-aaral, at sa pakinabang na matatamo nila hindi lamang habang nag-aaral, kundi sa larangan man ng tunay na buhay sa labas ng paaralan.

Kalamansi St. cor. 1st Avenue, Juna Subdivision, Matina, Davao City, Philippines Unit 6, 144 M.H. del Pilar St., Molo, Iloilo City, Philippines Bldg. A, Unit 4, Pride Rock Business Park, Gusa, Cagayan de Oro City, Philippines

Ganito naman ang sinabi at obserbasyon ni Otanes (2000), “Sa anumang pagbubuo ng kurikulum pangwika, nararapat itong nakapokus sa mga mag-aaral na ang pangunahing layunin ay matutuhan ang wika upang sila’y makapaghanapbuhay,

Kasapi: Philippine Educational Publishers’ Association; Book Development Association; Association of South East Asian Publishers; Graphic Arts Technical Foundation

ii


makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.� Ayon naman kay Giron, (Paraluman, 2003), “Upang makalikha ng pamayanang may sapat na kaalaman at may suporta sa pamahalaang demokrasya, ang mga paaralan ay kailangang makabuo ng mga gradweyt na mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.� Binanggit din ni Giron na ang kalinangan ng ating sariling wika ang magsisilbing buklod ng ugnayan at daan upang ang bawat mag-aaral ay makapag-isip na nakatuon sa pandaigdigang kalagayan (think globally) at gumawa batay sa mga adhikaing pambansa (act locally). Ang aklat na ito, Mga Estratehiya at mga BanghayAralin sa Pagtuturo ng Filipino para sa Elementarya (Baitang 4-6) ay binuo upang matulungan, mabigyang-gabay, mapalawak at mapaunlad ang kaalaman ng guro sa pagtuturo ng wika, pagbasa, at pagsulat. Sa paaralang elementarya, ang araling Filipino ay tinatawag na Sining ng Komunikasyon sa Filipino mula Kinder hanggang sa Ikaanim na Baitang. Sa araling ito, magkakaugnay na itinuro ang mga makrong kasanayang nauukol sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat. Makikita sa Philippine Elementary Learning Competencies (PELC) o Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto na ipinamamahagi ng Kawanihan ng Edukasyong Elementarya ng DepED ang mga batayang kasanayan na dapat matamo ng mga mag-aaral sa bawat taon ng kanilang pag-aaral sa elementarya. Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at pag-iisip sa Filipino. Saklaw ng mga kasanayan sa pakikinig ang masusing pagkilatis at mabisang pag-unawa. Sa pagsasalita naman, nasasanay sa

wastong pagbigkas, paggamit ng mga pahayag, at istrukturang panggramatiko. Sa kasanayan sa pagbasa, nalilinang ang husay sa pagpapalawak ng talasalitaan o pagkilala sa mga salita, pag-unawa, at kasanayan sa pag-aaral at pananaliksik. At sa pagsulat, napagaganda ang ayos ng sulat-kamay, naiaangat ang kasiglahan sa antas ng pagkatha at kasiya-siyang kaayusang pansulatin. Ipinakita ni Villamin (1990), ang Palatuntunan sa buong wika sa pamamagitan ng concept map. Sinabi rin niya na sa anumang gawaing pangwika, kailangang maliwanag ang kaisipan upang magkaunawaan at walang komunikasyon kung walang pagkakaunawaan. Sinasabing kung nauunawaan ng bata ang kanyang binasa, maisusulat niya ito; kung nauunawan ang napakinggan, masasabi niya ito o kaya ay maisusulat din.

Pakikinig

Pagsulat

Pagbasa

Pag-iisip

iii

Pagsasalita


Ayon naman kay Liwanag (2003), dalawa ang pangunahing layunin ng pagtuturo ng Filipino bilang subject sa ating pambansang paaralan. Sa kanyang binasang papel sa Forum ng Komisyon ng Wikang Filipino, binanggit niya ang ganito: “Una, tulad ng itinatadhana ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal, itinuturo ito bilang isang subject pangwika. Ikalawa, upang magamit ang wikang ito bilang wika ng klase sa iba pang subject na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo. Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang layunin subalit magkatuwang sa kaganapan ng pagkatuto. Kailangang matutuhan ang Filipino bilang isang wikang may sariling kakayahan upang ito’y epektibong magamit sa pagkatuto ng iba pang subject na ginagamitan nito.”

6. Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang asignatura na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo. 7. Nanatiling napakababa ng iskor sa National Secondary Achievement Test (NSAT) 64% sa loob ng tatlong taon. Sa tulong ng mga obserbasyong nakalap mula sa mga isinagawang konsultasyon, nabuo ang kapasyahang nararapat na magkaroon ng pagre-refocus ang kurikulum ng Filipino sa batayang edukasyon. Narito ang mga naisagawang hakbangin tungo rito. 1. Naghanda ng isang batayang framework Sa nasabing framework, malinaw na ang pangunahing mithiin ng pagtuturo ng Filipino ay makalinang ng isang mag-aaral na maging mahusay sa pakikipagtalastasan sa Filipino. Kinakailangang taglay niya ang apat na kasanayang makro – pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Dapat ding taglayin niya ang mga kaalamang hinihingi tulad ng kaalamang gramatikal, discourse, strategic, at sosyolinggwistik. Sa proseso ng pagkatuto, ang mga aralin ay hahanguin sa mga asignaturang pangnilalaman.

Simula noong 1998, ang DepED ay nagsasagawa na ng mga pangunahing hakbang upang rebyuhin ang umiiral na kurikulum. Sa mga konsultasyong isinagawa sa iba’t ibang sektor, naririto ang karaniwang naging obserbasyon. 1. Paulit-ulit lamang ang estrukturang gramatikal na itinuro mula sa elementarya hanggang sa tersyarya. Hindi panlinggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa. 2. Hindi naihahanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang hinihingi sa kolehiyo. 3. Hindi lubusang nililinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang gramatikal, kaalamang diskors, kaalamang strategic, at kaalamang sosyolinggwistik). 4. Hindi wastong pagtalakay sa panitikan bilang isang disiplina.

2. Tiniyak na deskripsyon bilang isang asignatura Sa binagong kurikulum para sa batayang edukasyon, ang Filipino ay makikilala bilang isa sa mga pantulong na asignatura. Bilang pantulong na asignatura sa elementarya, binigyan ng pokus ang paglinang sa apat na makrong kasanayan at sa kaisipang Pilipino.

5. Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at kaalaman sa masining na pagbasa at malikhaing pagsulat.

Sa lebel 4-6, ang pantulong na asignatura na ito ay lilinang sa kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral na gamitin ang Filipino sa malikhain at kritikal na pagiv


estratehiya at paraan ng pagtuturo, sa mga paraan ng pagtataya, at aktwal na aplikasyon ng mga ito sa klase.

iisip at maging mahusay sa pakikipagtalastasan. At sa pagtatapos ng lebel 6, inaasahang ang mga mag-aaral ay nakapagbubuod ng binasa at pinakinggan, nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga sangkap ng iba’t ibang bahagi ng pananalita, nakagagamit ng diksyunaryo, thesaurus, at iba pang sanggunian sa paghanap ng impormasyon. Inaasahan ding nakapag-aayos ng napakinggang teksto at naililipat ang impormasyon tungo sa iba pang anyo ng pagpapahayag. Nagagamit ang iba’t ibang pangungusap sa pagpapaliwanag, nakapagbibigaysolusyon sa mga suliranin batay sa karanasan at mga natutuhang kaalaman sa anumang sitwasyon, at nakasusulat ng iskrip, paglalarawan, pictorial essay, o talumpati sa tulong ng mga ideya/tala na binuo ng klase.

Sinikap na mailahad sa aklat na ito ang mga napapanahong kaalaman at impormasyon hinggil sa mga praktikal at epektibong dulog sa pagtuturo ng Filipino sa Ikaapat hanggang sa Ikaanim na Baitang. Ibinatay ang aklat na ito sa mga teorya at simulaing magbigayhugis at buhay sa mga ito upang mabisang magamit ng mga guro sa paglinang ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral. Ang aklat na ito ay nahahati sa dalawang bahagi: Ang unang bahagi ay ang pagtalakay sa Metodo, Estratehiya, at Teknik sa Pagtuturo ng Filipino; ang ikalawang bahagi naman ay tungkol sa Iba’t Ibang Mungkahing Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino sa Apat na Makro: Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat sa Filipino. Makikita rito ang mga pamamaraang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching), ang Kooperatib at Kolaboratib na Pagkatuto (Cooperative and Collaborative Learning), ang Pagkatutong Interaktibo (Interactive Learning), ang Pagkatutong Integratib (Integrative Learning), at Pagsasanib ng Iba’t Ibang Katalinuhan (Multiple Intelligences) sa banghay-aralin.

Sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika, tayong mga guro ay nakaranas sa pagdating at paggamit ng maraming pamamaraan na unti-unting kumukupas o nawawala sa paglipas ng ilang panahon. Isa itong siklikal na proseso ng pagbabago at pag-unlad ng pagtuturo at pagkatuto ng wika kung kaya patuloy na naghahanap ang mga guro ng mga estratehiya/pamamaraan sa epektibong pagtuturo ng ugnayan ng mga makro ng komunikasyon tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Para sa mabisang pagtuturo, ang mga kasanayan ay malilinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon at iba’t ibang kagamitan, estratehiya, at teknik/dulog tungo sa lubusang pagkatuto.

Ang ganap na pagkatuto ng anumang aralin ay nasa masusing pagtuturo ng guro at ng aklat. Hangad naming maging instrumento ang aklat na ito upang ang pagtuturo at pagkatuto ng Filipino ay maging makabuluhan at epektibo.

Layunin ng aklat na ito na makatulong upang magkaroon ang mga guro (di lamang ang dati nang guro at bagong guro kundi ang mga magiging guro) ng kaalaman sa mga teorya, pananaw, at simulain sa pagtuturo ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa mga

Ang mga May-akda v


MGA NILALAMAN METODO, ESTRATEHIYA, AT TEKNIK SA PAGTUTURO NG WIKA Ang Pagtuturo ng Pakikinig...................................... g I. Panimula........................................................................ II. Dulog/Estratehiya at Teknik sa Pagtuturo ng Pakikinig................................................................... A. Mga Mungkahing Estratehiya at Teknik sa Pakikinig g .............................................................

2 2

3 4

B. Mga Mungkahing Pag-aangkop ng Pagtuturo ng Pakikinig sa Pangangailangan ng mga Mag-aaral ...................................................

5

Ang Pagtuturo ng Pagsasalita ...................................

8

I. Panimula........................................................................

8

E. Pagtuturong Nakapokus sa mga Mag-aaral (Learner-Centered Teaching) .................................

12

F. Pagkatuto na Tulung-tulong (Cooperative Learning)............................................

12

G. Pagkatutong Interaktibo (Interactive Learning) ...

13

H. Whole Language Education ...................................

13

I. Content-Centered Education ..................................

13

J. Pagkatutong Task-Based (Task-Based Learning) .

13

III. Iba Pang Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo ng Wika ...................................................

14

A. Awtentikong Kagamitan .........................................

14

B. Mga Biswal ..............................................................

14

C. Role Play ..................................................................

14

D. Mga Larong Pangwika ............................................

14

II. Mga Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo ng Wika ..........................................................................

11

A. Pamaraang Pagsasaling Pabalarila (Grammar Translation Method) ............................

E. Pagpaparinig ng Awit .............................................

16

11

F. Panayam o Interbyu ................................................

16

B. Tuwirang Pamaraan (Direct Method) ...................

11

C. Pamaraang Audiolingual (Audiolingual Method) .

11

G. Pagtuturong Nakabatay sa Nilalaman (Content-Based Instruction) ....................................

16

D. Pagdulog Komunikatibo..........................................

12

H. Pagdulog Kahusayang Komunikatibo....................

18

vi


F. Estratehiyang Pagsusuri ng Impormasyon [Fact Analyzer (FAN)] ............................................

27

19

Ang Pagpapalawak ng Talasalitaan.........................

28

L. List Group Label ......................................................

19

M. Dyad/Triad .............................................................

20

A. Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis)...............................................

28

B. Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay-kahulugan (Context Clues)..................

29

I. Pamaraang Cooperative and Collaborative Learning (CCL)........................................................

18

J. Information Chart (I-chart) ....................................

19

K. Informative Search (I-search) .................................

N. Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching) ..................................

20

O. Pagkatutong Integratibo .........................................

20

C. Pag-uugnayan ng mga Salita (Word Association) .

31

P. Literature-Based Teaching......................................

21

D. Paggamit ng Diksyunaryo ......................................

33

E. Pagsagot sa Crossword Puzzle................................

33

Balanseng Programa sa Pagbasa..............................

34

Ang Pagtuturo ng Pagsulat ........................................

35

I. Panimula ........................................................................

35

II. Mga Yugto sa Pagsulat ................................................

35

Ang Pagtuturo ng Pagbasa.........................................

21

I. Panimula........................................................................

21

II. Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa Ayon sa Interaktibong Pananaw .................................

24

A. Estratehiyang Dimensyonal (Dimensional Approach) ........................................

24

B. Pagsusuri sa Kayarian ng Kwento (Story Grammar) .....................................................

25

C. Ugnayang Tanong at Sagot (UTS) o [Question and Answer Relationship (QAR)]...........

26

D. Tugunang Pagtatanong (Reciprocal Questioning Request) ...................................................................

26

E. Alam Na, Gustong Malaman, Nalaman/Natutuhan (AGMN) [What I Know, What I Want to Find Out, What I Learned (KWL)]........................................... 27

Kahandaan sa Pagsulat ..........................................

35

Panimulang Pagsulat..............................................

35

Pinatnubayang Pagsulat.........................................

36

Malikhaing Pagsulat ...............................................

36

Balanseng Programa sa Pagsulat sa Elementarya .............................................................

37

vii


MGA BANGHAY-ARALIN Ikaapat na Baitang Aralin

1

...............................................................................

D. Pagsulat

A. Pakikinig •

Pagtukoy sa mga Salitang Nagbababala at Nagpapahiwatig.................................................. g

38 Aralin

Pagsusuri sa mga Pangungusap Ayon sa Gamit ...

• •

C. Pagbasa Pagbibigay-kahulugang Literal sa mga Tambalang Salita at Matatalinghagang Salita ......................... 44

Pagbibigay nang Malinaw ng Mahahalagang Detalye ng mga Katangian ng Tauhan ..................

45

Aralin

2

Paggamit ng Iba’t Ibang Bantas sa Pangungusap

46

...............................................................................

47

A. Pakikinig •

Pagtukoy sa Konteksto sa Isang Usapang Napakinggan ...........................................................

Pag-uuri ng Pangngalan kung Kongkreto o Di-kongkreto ........................................................

• Aralin

4

59

Pagtukoy sa mga Panlaping Ginamit sa Pagbuo ng Pandiwa ............................................

60

Pagtukoy sa mga Salitang Nagpapahiwatig ng Kahulugan .............................

62

Pagkilala ng Opinyon at Katotohanan...................

62

Pagsulat ng Liham na Nagbabalita .......................

63

...............................................................................

65

A. Pakikinig 50

Pagtukoy sa Kahalagahan ng mga Impormasyong Napakinggan .........................

68

B. Pagsasalita 51

C. Pagbasa •

Pagguhit ng mga Paglalarawang Narinig g .............

D. Pagsulat

B. Pagsasalita •

56

C. Pagbasa

D. Pagsulat •

...............................................................................

B. Pagsasalita

41

55

A. Pakikinig

38

B. Pagsasalita •

3

Pagsulat ng Pangunahing Detalye.........................

Pag-uuri ng Pang-abay na Pamanahon, Panlunan, at Pamaraan..........................................

69

C. Pagbasa

Paggamit ng Dating Kaalaman sa Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita/Parirala ...........................

54

Pagtukoy ng Pamaksang Pangungusap.................

54 viii

Pagbibigay ng Paglalahat sa Magkakaugnay na Pangyayari ..........................

72


Pagkilala ng Pagkakaiba ng Piksyon sa Di-piksyon ..........................................................

C. Pagbasa 73

D. Pagsulat • Aralin

5

Pagsulat ng Isang Pagsasalaysay Batay sa Ginawang Panayam ...........................................

75

...............................................................................

76

Pagbabahagi ng mga Kaalamang Napakinggan ...

• Aralin

77

Paggamit ng Pang-angkop na na, -ng, at --g...........

Pagkilala sa mga Salitang Hiram ..........................

83

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa mga Impormasyong nasa Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat .

84

92

Paggamit ng Angkop na Bantas sa mga Uri ng Pangungusap ..................................

95

...............................................................................

96

Paglalahad ng Ulat sa Balitang Napakinggan......

98

B. Pagsasalita •

Pagsasalaysay na Gamit ang Payak at Tambalang Pangungusap................................... 101

C. Pagbasa

D. Pagsulat Pagtatala ng mga Impormasyong Nakukuha sa mga Bahagi ng Aklat ..........................................

2 •

80

C. Pagbasa

Pagbibigay ng Mahahalagang Detalye sa Balita ..

A. Pakikinig

B. Pagsasalita •

92

D. Pagsulat

A. Pakikinig •

Pagbasa ng mga Salitang Kaugnay ng Iba’t Ibang Asignatura.......................................

85

Pagbuo ng Mahahabang Salita sa Tulong ng mga Panlapi ...................................... 103

Pagkilala ng Batayan ng Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari sa Kwento ............................... 103

D. Pagsulat

Ikalimang Baitang Aralin

1

...............................................................................

• 86 Aralin

A. Pakikinig •

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Detalye ng Balitang Napakinggan ....................................... Paggamit sa Pagsasalaysay ng mga Uri ng Pangungusap .................................

3

............................................................................... 106

A. Pakikinig 87

Pagsasagawa ng Tagubiling Napakinggan............

108

B. Pagsasalita

B. Pagsasalita •

Paggamit ng Panipi at Kuwit sa Tuwirang Sinabi ng Tauhan .............................. 105

• 90 ix

Pagtukoy sa Payak na Pangungusap/Sugnay na Makapag-iisa sa Hugnayang Pangungusap .....

110


C. Pagbasa • •

Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Kasingkahulugan Nito..........

B. Pagsasalita • 112

C. Pagbasa

Pagtukoy sa Talatang Tuwirang Nagsasaad ng Paksang Pangungusap....................................... 113

D. Pagsulat •

Aralin

4

Pag-uuri-uri ng Pangngalan ................................... 134

Paggamit ng Tuldok-kuwit sa Paghihiwalay ng Sugnay na Makapag-iisa sa Hugnayang Pangungusap .................................. 115

Pagbibigay ng Kahulugan ng mga Salita Batay sa Ginamit na Panlapi ................................. 136

Pagsasabi ng Pangyayaring may Ugnayang Sanhi at Bunga...................................... 137

D. Pagsulat •

............................................................................... 116

Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangngalan sa Pagsulat ng Balita .............................................. 138

A. Pakikinig •

Ikaanim na Baitang

Pagsagot sa mga Detalye ng Ulat .......................... 118

B. Pagsasalita •

Aralin

Pag-uuri-uri ng mga Pangngalan Ayon sa Tungkulin .................................................. 120 Pagkilala ng Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pahiwatig na Salita ..............

• 124

Pagpili ng mga Detalyeng Sumusuporta sa Pangunahing Diwa ............................................. 124

Pagbuo ng Balangkas na may Dalawa o Higit pang Bahagi ............................................... 125

Aralin

5

Pagsasabi ng Sariling Palagay sa Isyung Pinag-uusapan........................................ 144

C. Pagbasa

Pagsulat ng Patalastas o Anunsyo ......................... 127

Pagbibigay ng Kasalungat na Kahulugan ng Salita .......................................... 147

Paggamit ng mga Grapikong Pantulong sa Pag-unawa sa Teksto.......................................... 147

............................................................................... 129

D. Pagsulat

A. Pakikinig •

Pagbibigay ng Tamang Reaksyon sa mga Balita/Impormasyong Napakinggan ...................... 142

B. Pagsasalita

D. Pagsulat •

............................................................................... 140

A. Pakikinig

C. Pagbasa •

1

Pagbuo ng Balangkas Tungkol sa Napakinggang Teksto......................................... 131 x

Pagsasalin nang Pasulat ng mga Impormasyong Ipinahihiwatig ng mga Grapikong Pantulong....... g

148


Aralin

2

............................................................................... 150

Aralin

A. Pakikinig •

Pagsasalaysay Ayon sa Wastong Pagkakasunud-sunod ............................................. 152

Pagtukoy sa mga Salitang Magkasalungat ...........

157

Paggawa ng Balangkas ng Akdang Binasa ...........

157

Aralin

3

Pagsusunud-sunod ng mga Pangyayari sa Kwento at Pag-iisantabi ng Di-kailangang Detalye ....................................... 183

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa mga Detalye ng Seleksyon/Impormasyong Napakinggan........... 164

Aralin

Pagkilala ng mga Salitang Magkasingkahulugan ............................................. 170

Pagkilala ng Opinyon at Katotohanan sa mga Pahayag....................................................... g 170

183

5

Pagbuo ng Talatanungan Para sa Isang Panayam .................................................. 187 ............................................................................... 187

A. Pakikinig

Paggamit nang Wasto ng mga Panghalip Bilang Paksang Pangungusap at Pinaglalaanan sa mga Pangungusap .............................................. 167

Pagtukoy sa mga Pahayag na Napakinggan .........

190

B. Pagsasalita

C. Pagbasa

Paggamit ng Pang-abay na Ingklitik ..................... 192

C. Pagbasa

D. Pagsulat •

Pagbibigay ng Kasingkahulugan ng Salita ...........

D. Pagsulat

............................................................................... 162

B. Pagsasalita •

180

160

A. Pakikinig •

Paggamit ng mga Sugnay na Pang-abay na Pamanahon, Panlunan, at Pamaraan...............

C. Pagbasa

D. Pagsulat Pagsulat ng Salaysay sa Tulong ng Balangkas .....

Pagpapakahulugan sa Iba’t Ibang Huwarang Intonasyon ............................................ 177

B. Pagsasalita

Paggamit nang Wasto sa Pangungusap ng mga Panghalip Panao ........................................ 154

C. Pagbasa

............................................................................... 174

A. Pakikinig

B. Pagsasalita •

4

Pagbibigay ng Iba’t Ibang Kahulugan ng Salita .................................................................. 196

Pagbibigay-hinuha sa mga Pangyayari .................

196

D. Pagsulat

Pagbuo ng Isang Sulatin Tungkol sa Isang Reaksyon................................................... 173

• 1

Pagsulat ng Talumpati ........................................... 197


Metodo, Estratehiya, at Teknik sa Pagtuturo ng Wika ANG PAGTUTURO NG PAKIKINIG I.

Bago natin talakayin ang Estratehiya at Teknik sa Pagtuturo ng Pakikinig, alamin muna natin ang mga uri ng pakikinig na binanggit ni Papa (2000). Tunghayan ang sumusunod na T-chart. MGA URI NG PAKIKINIG

Panimula Nakikipagkomunikasyon o nakikipagtalastasan tayo sa pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Sinabi ni Wright (1973-74) ayon kay Tatlonghari (2006) na ang panahong ginugugol ng isang karaniwang tao sa bawat araw sa apat na kasanayan sa pakikipagtalastasan ay may kani-kanyang bahagdan tulad ng nasa kasunod na grap.

Ginagamit ang masusing pakikinig sa pagkilala at paglinang ng kamalayan sa komunikasyong di sinasalita. Masusing Pakikinig

Pakikinig sa mga naka-tape e na huni ng mga ibon, karaniwang tunog sa paligid, at ang pakikinig sa mga tunog, pantig, at salita.

Pagsulat – 9% Pagbasa – 16%

Ito ang pakikinig sa isang nagsasalita o nagbabasa nang pabigkas upang malibang at masiyahan.

Pagsasalita – 30%

Halimbawa:

Pakikinig – 45% 0

10 20 30 40 50 60 70 80 90 100

Makikita sa grap na ang pakikinig ang pinakagamitin sa Sining ng Komunikasyon. Gayon pa man, sinasabing ito ang sining pangwikang may pinakamaliit na bahagdang itinuturo sa elementarya. Noong hindi pa narerebisa ang Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (Philippine Elementary Learning Competencies ng BEC 2002), makikita na ilan lamang ang tiyak na kasanayan sa aspektong Pakikinig. Subalit sa binagong Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto, balanse na ang bahagdan ng kasanayang lilinangin sa apat na makrong kasanayan – Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat. Pinag-ukulan na ito ng pansin sa ating kurikulum na ituturo sa bawat antas ng edukasyon, lalo na sa elementarya. 2

Halimbawa:

Masining na Pakikinig

Masaklaw na Pakikinig

Pakikinig sa mga tugma, tula, o kwento habang binabasa o binibigkas ng guro. Nabibigyan nito ang mga mag-aaral ng pagkakataong mailarawan sa kanilang imahinasyon ang mga tauhan, tagpuan, at mga pangyayari habang nakikinig. Dito rin pumapasok ang pagpapakahulugan sa mata talinghagang pahayag at ang madamdaming pagbasa ng napakinggang seleksyon. Masaklaw ang pakikinig kung ang layunin ay unawain ang mga mensahe ng seleksyong pinakinggan. Ito rin ang uri ng pakikinig na kailangan sa mga gawaing pampagtuturo. Dito titiyakin ng mga mag-aaral ang layunin ng pagsasalita, ang mga


pangunahing kaisipan sa seleksyong pinakikinggan, at ang pagtatala ng mahahalagang impormasyon upang lubusang maisaisip at muling mailahad kung kailangan. Halimbawa nito ang pagkuha ng tala habang nakikinig.

Mapanuring Pakikinig

II.

Kailangan ang mapanuring pakikinig sa pagtataya at sa pagpapahalaga sa mensaheng napakinggan. Ito ang uring ginagamit sa pakikinig ng mga debate, patalastas, at mga kwentong-bayan. Maingat na sinusuri ng mga mag-aaral ang mga pangyayari at mga tauhan.

Dulog/Estratehiya at Teknik sa Pagtuturo ng Pakikinig Mahalagang mabigyang-kahulugan ang mga terminolohiyang estratehiya at teknik. Ayon kay Espiritu (2004), sa wika, estratehiya ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika. Samantalang, teknik ang tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Sa pakikinig sa anumang uri ng komunikasyong pasalita, dapat alam ng nakikinig ang tiyak na mga layunin sa pakikinig. Ang mga layunin/kasanayang lilinangin ay nakasaad sa Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP). Halos lahat ng mga aralin sa pakikinig ay naglalandas sa dalawang magkaugat na dulog sa pagtuturo ng pakikinig. Ang unang landas ay nakapokus sa paglinang ng maliliit na katangian ng tunog. Ang ikalawang landas ay nakatuon naman sa pakikinig nang may pag-unawa. Magkatulad halos ang mga kasanayan sa pag-unawa sa pakikinig at pagbasa.

Halimbawa: Ang nakalahad na halimbawa sa T-chart sa ibaba ay nagpapakita ng mga kasanayan sa Ikaapat na Baitang ng Pagkilala at Pagtatangi-tangi sa Pamamagitan ng Pakikinig (Auditory Discrimination) (nasa unang kolum) at Mga Kasanayan sa Pag-unawa (nasa ikalawang kolum). Pagkilala at Pagtatangi-tangi sa Pamamagitan ng Pakikinig (Auditory Discrimination) • Naisasalaysay ang sariling karanasan kaugnay ng mga tunog na napakinggan • Natutukoy ang mga salitang napakinggan na nagpapahiwatig at nagbababala • Nauulit nang wasto ang parirala/pangungusap na napakinggan

Mga Kasanayan sa Pag-unawa • Naibibigay nang malinaw ang mahahalagang detalye ng mga katangian ng tauhan • Natutukoy ang paksa at ideya sa balitang napakinggan • Natutukoy ang ideyang sumasang-ayon at sumasalungat sa usapang napakinggan

Ang nakalahad na halimbawa sa T-chart sa ibaba ay nagpapakita ng mga kasanayang nililinang sa Pakikinig at Pagbasa. Pakikinig

Pagbasa

• Naigagawa ng dayagram ang ugnayang sanhi at bunga tungkol sa seleksyong napakinggan • Nasasabi ang angkop na reaksyon sa napakinggang editoryal • Naibibigay ang pagbabago sa pangwakas na bahagi ng kwentong napakinggan

• Naibibigay ang angkop na bunga sa inilahad na sanhi • Naibibigay ang paglalahat sa magkakaugnay na pangyayari sa binasang kwento/balita • Nakapaglalagom ng binasa

3


Ang mga kasanayang inilahad sa T-chart ay nagpapatunay na may mga kasanayang magkatulad sa pag-unawa ng pakikinig at pagbasa. A. Mga Mungkahing Estratehiya at Teknik sa Pakikinig Gumagamit ang mga mag-aaral ng iba’t ibang estratehiya at teknik sa kanilang pakikinig. Narito ang ilan. 1. Pagbubuo ng mga Ideya Sa pagbubuo ng mga ideya, kadalasa’y sinusunod ang kayarian ng isang paglalahad ng mga impormasyong napakinggan tulad ng paglalarawan, pagsusunud-sunod, paghahambing, sanhi at bunga, at paglutas ng problema. Maaaring makatulong ang mga graphic organizer. Mahalagang bago makinig ang mga magaaral ay mailahad ng guro ang mga gawain ng mga mag-aaral habang nakikinig. Halimbawa, ang lilinangin ay ang kasanayang, “Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga tungkol sa seleksyong napakinggan.” Panuto: Punan ng impormasyon ang bawat kolum. Suliranin

Sanhi

Bunga

Solusyon

2. Paglalahat Maraming pangunahing kaisipan at mga detalye ang maaaring marinig sa isang tagapagsalita kaya dapat na matuto ang mga mag-aaral na makilala at matandaan ang mga pangunahing ideya lamang. Sa ilalim ng pangunahing ideya, 4

maaaring pangkatin ng mga mag-aaral ang mga detalye. Ang ganitong paraan ng paglalahat ang pinakamadaling daan tungo sa pag-unawa at pagpapanatili ng mga impormasyong dapat matutuhan. Halimbawa: Kasanayan: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa detalye ng ulat/balitang napakinggan Maaaring gumamit ng flow chart. Mahahalagang Pangyayari

Ano?

Sino?

Saan?

Kailan?

3. Pagkuha ng mga Tala Malaking tulong ang pagkuha ng mga tala upang maging aktibong tagapakinig ang mga mag-aaral. Kailangang matanim sa kanilang kamalayan na ang pagkuha ng mga tala ay isang paraan upang matandaan ang mga impormasyong kanilang napakinggan. Ipakikita muna ng guro sa pisara ang wastong paraan ng pagkuha ng mga tala at saka ipagawa ito sa papel habang nakikinig. Dapat ay alam ng mga mag-aaral kung ano ang kailangan nilang itala — mga pangunahing kaisipan, pagkakasunud-sunod ng mga ito, sanhi o bunga, paghahambing. Halimbawa: Kasanayan: Naiaayos ang mga pangyayari sa kwentong napakinggan


Maaaring gamitin ang Sequence Organizers o Caravan at ang cue word o mga parirala. Unang Pangyayari

Ikalawang Pangyayari

Ikatlong Pangyayari

Caravan Ikatlong Pangyayari

Ikalawang Pangyayari

Unang Pangyayari

Paksa

4. Pagkuha ng mga Pahiwatig Mula sa Tagapagsalita Gumagamit ang nagsasalita lalo na ang mga guro ng mga pahiwatig upang mailahad ang kanilang mensahe at maganyak ang atensyon ng mga nakikinig. Maaaring biswal ang mga pahiwatig tulad ng kumpas ng kamay, ekspresyon ng mukha, mga tsart, pisara, larawan, at iba pa. Maaaring pasalitang pahiwatig gaya ng paghina at paglakas ng tinig, pagbagal ng pagsasalita, at pag-uulit ng mahahalagang impormasyon o ideya. Dapat ay alam ng mga mag-aaral ang mga pahiwatig na ito upang madali nilang maunawaan ang mensahe. B. Mga Mungkahing Pag-aangkop ng Pagtuturo ng Pakikinig sa Pangangailangan ng mga Mag-aaral 1. Tiyakin ang Layunin sa Pakikinig Kailangang alam ng mga mag-aaral ang layunin nila sa pakikinig sa anumang sasabihin ng guro upang mabatid ang mga dapat gawin bago, habang, at matapos makinig.

2. Maaaring gamitin ang Pinatnubayang PakikinigPag-iisip o Directed Listening-Thinking Approach (DL-TA) Ito ay ang pamaraang pakikinig sa nagbabasa nang pabigkas ng yugtu-yugto o baha-bahagi. Pagkatapos maiparinig ang mga bahagi, maaaring itanong kung ano ang kanilang palagay na mangyayari sa susunod na bahagi. Halimbawa: Unang pagbasa ng guro o ng isang mag-aaral na magmomodelo. Halimbawa ng paglalapat ng (DL-TA) sa bahaging Habang Nakikinig. Ang bawat mag-aaral na magkakapangkat ay magsasama-sama upang magtulung-tulong sa pagbibigay ng palagay. Pagbasa ng Unang Bahagi Tanong: “Bakit gustong makilala ni Yawyawen ang matapang na lalaki?� Walang anak na hindi gagawa ng paraan kapag nakita niyang inaapi ang kanyang magulang. Kilala niya sa pangalan ang lalaking iyon. Matagal na niyang naririnig ang pangalan nito. Nabalitaan na rin niya ang maraming labanan na pinagwagian nito. Noon pa’y pinangarap na niyang makilala at makausap ang lalaking iyon. Lubos ang kanyang paghanga sa angkin nitong lakas at tapang. At sa sandaling magkita sila ng kanyang idolo, inihanda na niya ang kanyang sasabihin...

Talakayan: _______________________________ 5


Pagbasa ng Ikalawang Bahagi Tanong: “Ano kaya ang ibig tuklasin ni Yawyawen?” “Ako si Yawyawen… sampung taon. Mula sa Tribu ng Balong... Kilala kita… Hinahangaan… Ngunit, saan ka ba kumukuha ng lakas?” May ibig siyang tuklasin. Ibig niyang malaman ang lahat-lahat dahil ibig niyang matulad sa lalaking iyon… malakas, magiting, at matapang. Ipinagtanong niya kung saan matatagpuan ang lalaking iyon. Ibig niyang makita kung paano ito makipaglaban. Nais niyang pag-aralan ang bawat galaw at kilos nito; ang kanyang paglakad at pagtakbo, ang kanyang pag-akyat at pagbaba sa bundok, pati na rin ang paggamit ng mga sandata.

Talakayan: _______________________________ Pagbasa ng Ikatlong Bahagi Tanong: “Bakit kaya paulit-ulit na inihihiyaw ni Yawyawen ang pangalan ni Lam-ang?” Nasa kabundukan ang kanyang daigdig. Nasa pagitan ng nagtatayugang punungkahoy. Nasa nangaglalambiting mga baging. Nasa alon ng bughaw na dagat. Nasa matatamis na katas ng mga sariwang bungangkahoy, nasa himig-musikang huni ng mga ibon. At ang malamig na simoy ng hangin at ang matamis na tubig-ilog ay nakapagbibigay sa kanya ng kaginhawahan at kapayapaan. At bago lumubog ang araw, paulit-ulit niyang inihihiyaw ang pangalan ng lalaking iyon... “Lam-ang... Lam-ang... Lam-ang!”

6

Sa pangunguna ng lalaking iyon, nagkaroon ng isang di-inaasahang pangyayari sa kanilang tribu. At sa pangyayaring iyon, ang pananabik niya ay napalitan ng pagkabahala habang nakikiusap siya sa lalaking iyon na huwag nang ituloy pa ang gagawin sa kanyang mga katribu.

Talakayan: _______________________________ Pagbasa ng Ikaapat na Bahagi Tanong: “Ano kaya ang nangyari sa mga katribu ni Yawyawen?” Nasaksihan niya ang katapangan ng lalaking iyon. Daan-daang sibat ang itinudla ng kanyang mga katribu sa katawan nito. Ngunit laki ng kanyang pagkamangha! Sinasalag lahat ng lalaki ang mga sibat na itinudla sa kanya. Napapikit siya sa susunod na pangyayari. Ayaw niyang makita pa ang magaganap. Pagdilat ng kanyang mga mata ay tahimik na ang buong paligid. Nakahiga na sa lupa ang ilan sa kanyang mga katribu. Wala nang buhay. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Nagdikit ang kanyang mga ngipin. “Masama pala siyang tao. Sayang... Sayang...”

Talakayan: _______________________________ Pagbasa ng Ikalimang Bahagi Tanong: “May kasalanan kaya si Lam-ang sa pagpatay sa kanyang mga katribu?” Umiiyak siya kay Apo Lakay, ang pinakamatanda sa kanilang tribu.


May apat na bahagi ang pagbubuo ng habing semantika. Ito ay ang sumusunod:

“Walang kasalanan ang magiting na lalaki. Ipinaghiganti lamang ni Lam-ang ang kamatayan ng kanyang ama sa kamay ng ating mga katribu. Walang anak na hindi magiging mapusok kapag nakita niyang inaapi ang kanyang ama. Lalo’t wala siyang kasalanan,” ang sabi ni Apo Lakay.

1. Pangunahing tanong (core question) – Ito ang pinakapokus ng web. 2. Mga tanong, impormasyon, o ideya na may kaugnayan sa pangunahing tanong – Binubuo ito ng mga hiblang hinabi o web strand. 3. Mga pangyayari, kongklusyon, o paglalahat na nakuha ng mga mag-aaral sa binasa upang magbigay-linaw sa hibla. Tinatawag itong hiblang pansuporta o strand support. 4. Ang pag-uugnayan ng mga hibla na ipinakikita ng mga tali o linyang nag-uugnay sa mga ito ay tinatawag na hiblang panahi o strand ties.

Talakayan: _______________________________ Pagpapatuloy hanggang matapos ang seleksyon. Tulad ng nabanggit na sa pahina 3, na ang ikalawang landas ng pakikinig ay nakatuon sa pakikinig nang may pag-unawa kaya habang nakikinig, maaari ring gamitin ang sumusunod na estratehiya na ginagamit sa pagbasa nang may pag-unawa habang nakikinig. 3. Habing Semantika (Semantic Webbing) Isa itong makabagong pamaraan ng paglinang ng kasanayan sa pag-unawa. Sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral ay nakapagbibigay ng malinaw na pag-uugnay sa mga kaisipan o pangyayari mula sa binasa. Nakatutulong ito sa paglinang ng mga kasanayan tulad ng: 1. Paglalarawan ng tauhan 2. Pagbibigay ng detalye 3. Pag-uugnayan ng sanhi at bunga 4. Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari 5. Paglalagom o pagbibigay ng buod 6. Pagbabalangkas Ayon kina Freeman at Reynolds (1982), ang pamaraang semantika ay isang pagbubuo o pagsasamasama. Inilalarawan din nito ang pagkakaugnay ng mga kaisipan mula sa binasa.

1

Pangunahing Tanong o Core Question

Bakit natutong tumula si Jose Corazon de Jesus at ang paksa’y kalikasan?

2

Hiblang panahi o Strand ties

3

Hiblang hinabi o Strand support

Noong kanyang kabataan

Ang mga taguri o bansag sa kanya

4

Hiblang pansuporta o Strand support

A. Bago Makinig * Pagbibigay ng layunin Sabihin sa mga mag-aaral na igagawa nila ng balangkas ang seleksyong babasahin sa anyong pangungusap. Sabihing gagamitin nila ang habing semantika sa pagtatala ng sunud-sunod na mga pangyayari. 7


B. Habang Nakikinig * Pagsagot sa mga tanong habang nakikinig Tanong A 1. Kailan at saan ipinanganak si Jose Corazon de Jesus? 2. Sino ang kanyang mga magulang? 3. Saan siya nag-aral at anong kurso ang natapos? 4. Ano ang naiibang katangian ni Jose Corazon de Jesus noong kanyang kabataan? 5. Ano ang karaniwang paksa ng kanyang mga tula? Tanong B 1. Sa anong sagisag kilalang-kilala si Jose Corazon de Jesus? Bakit ito ang naging tawag sa kanya? 2. Ilang taon si Jose Corazon de Jesus nang magsimula siyang sumulat ng tula? Bakit maaga siyang nagsimulang sumulat ng tula? 3. Bakit karaniwang tungkol sa kalikasan at sa kapaligiran ang paksa ng kanyang tula? 4. Bakit mahusay tumula si Jose Corazon de Jesus? C. Pagkatapos Makinig * Pagbuo ng habing semantika sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. 4. A. 1. Sta. Cruz, Maynila Nobyembre 22, 1894 2.

3.

8

Mga Pangyayari noong kabataan ni Jose Corazon de Jesus

5.

6.

B.

1.

2.

4.

Mahahalagang Pangyayari

3.

5.

6.

ANG PAGTUTURO NG PAGSASALITA I.

Panimula Matagal ding panahong pinagtuunang-pansin sa pagtuturo ang kayarian o estruktura ng wika. Napapailalim ang mga layunin at mga gawain sa mga kabatiran at tuntuning pambalarila. Subalit sa kasalukuyan, ang binigyang-diin ay ang paglinang ng kahusayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o komunikatibo. Ang kasanayang komunikatibo ang magkasamang kaalaman sa kayariang pangwika at kasanayan sa paggamit ng wika ayon sa hinihingi ng sitwasyon, pagkakataon, at kaangkupan nito sa pagtanggap ng lipunan. Sa mga nakalipas na dekada, ang labis na pagbibigay-diin sa gramatika at pagpapaliwanag ng mga tuntunin tungkol sa wika ay waring hindi gaanong naging mabisa. Hindi pa rin magamit ng mga mag-aaral sa mabisang pakikipagtalastasan ang wikang kanilang pinag-aaralan. Ang reyalisasyong ito ay nagbigay-daan sa makabagong pananaw at pagdulog sa pagtuturo ng wika o pagsasalita. Nagbago ang pananaw hinggil sa kung ano ang dapat na ituro o dapat na maging nilalaman ng kurso at kung anong mga pamaraan at estratehiya ang angkop sa paglinang ng mga kasanayang pangwika.


Ayon kay Espiritu sa kanyang Majorship: Paraan ng Pagtuturo (2004), mahalagang mabigyang-kahulugan ang mga terminolohiyang ito: 1. Metodo. Ito ang tawag sa panlahat na pagpaplano para sa isang sistematiko at epektibong pagtuturo ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod ang bawat metodo o pamaraan. 2. Estratehiya. Sa wika, estratehiya ang tawag sa kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika. 3. Teknik. Ang tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. •

Dalawang Metodo o Pamaraan ng Pagtuturo ng Wika Sinabi ni Finnochiaro (1974), isang espesyalista sa pagtuturo ng wika, na hindi nagbabago ang metodo ng pagtuturo ng wika – ito ang pabuod o pasaklaw. 1. Pabuod na Pamaraan (Inductive Method) May limang hakbang na sinusunod ang metodo o pamaraang ito: 1. Paghahanda (Preparation) Sa bahaging ito, inihahanda ng guro ang kaisipan ng mga mag-aaral para sa araling tatalakayin. Sinasariwa rito ang dating aralin na may kaugnayan sa bagong pag-aaralan. Ginigising din sa bahaging ito ang kawilihan ng mga mag-aaral hinggil sa bagong aralin. Ang Balik-aral at ang Pangganyak ay nasa ilalim ng hakbang na ito. 2. Paglalahad (Presentation) Sa bahaging ito, inilalahad ang bagong aralin (anumang lunsaran).

3. Paghahambing at Paghahalaw (Comparison and Abstraction) Sa bahaging ito, nagtatalakayan ang guro at mga mag-aaral (nagtatanungan tungkol sa paksa). 4. Paglalahat (Generalization) Matapos magtalakayan sa bahaging ito ay pinagbubuo ang mga mag-aaral ng tuntunin o paglalahat. Tandaan na ang mga mag-aaral ang dapat bumuo ng tuntunin. 5. Paglalapat (Application) Sa bahaging ito, susubukin ng guro kung nalalaman na ngang talaga ng mga mag-aaral ang paksang aralin sa pamaraang pasalita o pasulat man. Sa kabuuan, ang Pabuod na Pamaraan ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahad ng mga tuntunin. 2. Pasaklaw na Pamaraan (Deductive Method) Ang pasaklaw na pamaraan ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng halimbawa bilang paglalapat ng tuntunin. 1. Panimula (Introduction) Ang panimula sa Pasaklaw na Pamaraan ay katulad din ng paghahanda sa Pabuod na Pamaraan. 2. Paglalahad ng Tuntunin (Giving Rules/ Generalization) Ipinababasa ng guro sa mga mag-aaral ang tuntuning nakasulat sa pisara o tsart. 9


3. Pagpapaliwanag ng Tuntunin (Interpretation of the Rule) Ipasusuri sa mga mag-aaral ang tuntunin at pabibigyang-paliwanag. Kung mahaba ang tuntunin, maaaring hati-hatiin sa maliliit na bahagi. Hayaang ang mga mag-aaral ang magsuri at tumalakay sa tuntunin. Kung ano ang maging kakulangan sa pagpapaliwanag, ay saka lamang magdaragdag ang guro. 4. Pagbibigay ng Halimbawa (Giving of Examples) Pagbibigay ng mga halimbawa ng mga mag-aaral. 5. Pagsubok Ang pagsubok sa Pasaklaw na Pamaraan ay katulad din ng paglalapat ng Pabuod na Pamaraan. Sa pananaw na komunikatibo, maaaring gamitin ang Pabuod o Pasaklaw na Pamaraan depende sa edad at istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ipinakikita ng mga mag-aaral na angkop ang Pabuod na Pamaraan sa mga batang mag-aaral ng wika samantalang ang Pasaklaw na Pamaraan naman ay para sa mga may edad na. Mas debelop na kasi ang kanilang kakayahang magsuri ng mga kayariang panggramatika at higit silang reflective kaysa mga batang mag-aaral. •

10

Pagsasanib ng Wika at Nilalaman Isa sa mga pananaw na isinulong ng muling isinaayos na kurikulum sa batayang edukasyon ay ang pagsa-

sanib ng wika at nilalaman. Sa pagtuturo ng Filipino, hinihikayat ang pagsasanib ng mga nilalaman mula sa mga lawak ng aralin/agham at panlipunan, panitikan, humanidades, agham at teknolohiya, at iba pa. Sa ganitong paraan, tinatayang uunlad ang partisipasyon ng mga mag-aaral at tataas ang antas ng kanilang kritikal na pag-iisip. Ang pinagsanib na pananaw ay naniniwalang mas mabilis na natututuhan ang wika kung nakapaloob ito sa tatlong simulain na aaplay sa guro ng wika at ng nilalaman (Cal 1991) Training Manual on “How to Integrate Language and Content Instruction,”” ayon kay Espiritu (2004). 1. Gamit ng guro ang multimedia. 2. Paglinang ng kasanayang pampag-iisip ng mga mag-aaral. 3. Organisasyon ng pagtuturo na nakapokus sa mga mag-aaral. Sa pananaw na ito, facilitator ng pagkatuto ang guro. Sa pagsasanib ng wika at nilalaman, nadedebelop ang sensitivity ng guro sa nilalaman ng mga suliraning pangwika na matatagpuan sa mga aklat, mga materyales, at maging sa kanyang pananalita na maaaring makapagpahirap sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Ayon pa rin kay Espiritu, may mga pangunahing katangian ang pinagsanib na pananaw. Ang mga ito ay: 1. Nalilinang ang mga kasanayang kognitib at pangwika. 2. Higit na natututuhan ang wika kung hindi tungkol dito ang pokus kundi ginagamit itong instrumento sa pagkatuto. 3. Naipauunawa ang input sa iba’t ibang kaparaanan tulad ng demonstrasyon, biswal, aktwal na


4. 5.

6. 7. 8. 9.

II.

pagsasagawa, at manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng guro sa mga aralin. Inaalam ang iskema o dating kaalaman at iniuugnay ito sa bagong paksa. Ipinakikita ang mga kasanayang komunikatibo sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto. Hinihikayat ang kooperatibong pagtuturo. Nililinang/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto. Nahahamon ang katalinuhan ng mga mag-aaral. Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng mga awtentikong kagamitan para maituro nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat.

Pag-aaral ng mga talasalitaan na inilalahad sa isang listahang bilingguwal. • Pagbabasa ng seleksyon na kinapapalooban ng target na aytem na panggramatika at bokabularyong inilahad. • Pagbibigay ng pagsasanay sa gramatika at mga aralin sa talasalitaan. Ang ibang puna sa naturang pamaraan ay napasasabing ang pagsasalin ay di mabisa sa pagtuturo ng pasalitang wika sapagkat nakapokus ito sa pasulat na anyo ng wika.

Ang pagpili ng estratehiya sa pagtuturo ay dapat isaalangalang sa sumusunod na mga salik: edad, interes, kakayahan, at karanasan ng mga mag-aaral; ang pisikal na kalagayan ng silid-aralan; at ang halaga ng kagamitan. Dapat ding isaalang-alang ang kasanayang nililinang at ang kaangkupan ng gagamiting pantulong. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pamaraang ginamit at ginagamit pa rin sa ngayon:

B. Tuwirang Pamaraan (Direct Method) Layunin: • Matukoy ng mga mag-aaral ang tuntunin ng wika Paraan ng Paggamit: • Binibigyang-diin ang mga kasanayan sa pakikinig at pagsasalita. • Binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na matutuhan ang gamit ng target na wika sa iba’t ibang sitwasyon. Napansin ng mga kritiko na ang pamaraang ito ay labis na nakapokus sa gramatika at kakulangan sa pagkakataon para sa makatotohanang komunikasyon.

A. Pamaraang Pagsasaling Pabalarila (Grammar Translation Method) Layunin: • Magamit ang unang wika ng mga mag-aaral at mabigyang-diin ang gramatika at talasalitaan Paraan ng Paggamit: • Pagpapaliwanag ng mga tuntuning panggramatika sa tulong ng mga halimbawang pangungusap.

C. Pamaraang Audiolingual ((Audiolingual Method) Layunin: • Matutuhan nang lubusan ng mga mag-aaral ang mga hulwarang pangwika upang kusang magamit nang wasto Paraan ng Paggamit: • Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin. (Ang katutubong wika ay hindi ginagamit.)

Mga Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo ng Wika

11


Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay. Napansin ng mga kritiko na labis ang tuon sa mekanikal na pag-uulit at pagmememorya ng mga hulwaran. Nakaligtaan ang mga mensahe at makatotohanang paggamit ng wika. Binanggit ni Arceo (2006). D. Pagdulog Komunikatibo Layunin: • Maganyak ang mga mag-aaral na makilahok sa usapan Kailangang isagawa ang isang bagay upang matutuhan ito, ayon kay Johnson at Morrow (1980). Paraan ng Paggamit: • Ang guro ang tagapatnubay at tagaganyak upang makibahagi ang mga mag-aaral sa usapan. Iniiwasan ng guro ang pagpuna sa kaliit-liitang kamalian ng mga mag-aaral. Iniwawasto ang kamaliang global o iyong nakasasagabal sa daloy ng komunikasyon. (na kay Espiritu (1986) Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika.) Nagkaisa ang mga dalubwika na hindi sapat ang kaalamang panggramatika upang magamit nang mabisa ang wika. Kailangan din ang kaalaman sa mga tuntuning sosyokultural upang mapili ang angkop na sasabihin sa mga tiyak na sitwasyon. Sinabi ni Espiritu (1986) na ayon kay Hymes (1967), “Walang kabuluhan ang kaalamang pambalarila kung hindi naman ito magagamit sa mabisang pakikipagtalastasan.” Naniniwala rin ang mga dalubwika na sa pamaraang komunikatibo, hindi kailangang talikuran ang pananaw na estruktural sa pagtuturo ng wika upang maihanda ang

12

mga mag-aaral sa gawaing pangkomunikatibo na kanilang kahaharapin sa loob at labas ng silid-aralan. Binanggit ni Espiritu (2004) na sa paglinang ng kakayahang komunikatibo, tinatayang makatutulong ang sumusunod na mga estratehiya: awtentikong kagamitan, mga biswal, role play, at mga larong pangwika. Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t iba at kawili-wiling mga gawaing pansilid-aralan gaya ng laro, utos, maikling dula-dulaan, at pangkatang gawain. E. P a g t u t u r o n g N a k a p o k u s s a m g a M a g - a a r a l (Learner-Centered Teaching) Ang katawagang ito’y gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa pagtuturo. Ang pagtuturong nakapokus sa mga mag-aaral ay gumagamit ng teknik na: 1. nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sa pag-aaral; 2. nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral. Halimbawa nito ay pangkatang gawain o pagsasanay; 3. nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili; at 4. kurikulum na may konsultasyon at isinasaalangalang ang input ng mga mag-aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin. F. Pagkatuto na Tulung-tulong (Cooperative Learning) Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa ng mga mag-aaral na magbahaginan ng mga impormasyon na laging naroon ang pagtutulungan sa isa’t isa.


Dagdag na konotasyon ng cooperative ay ang pagbibigay-diin nito sa sama-samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mga mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin. G. Pagkatutong Interaktibo (Interactive Learning) Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin sa ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon na laging may nauunawaan sa isang konteksto. Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktibo ang sumusunod: 1. Madalas ang mga gawaing pandalawahan o pangkatan. 2. Paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito. 3. Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang interaksyon. 4. Pagsasagawa ng mga gawaing pansilid-aralan bilang paghahanda para sa aktwal na paggamit ng wika sa labas. 5. Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens. H. Whole Language Education Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyang-diin ang sumusunod: 1. Ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi ng wika sa maliit nitong elemento gaya ng ponema, morpema, at sintaks; 2. Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat (pagbasa at pagsulat); at

3. Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas at umuunlad na katulad din ng alituntuning pasalita. Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon. Ang whole language ay isang pagdulog na ginagamit upang mailarawan ang: 1. 2. 3. 4. 5.

Pagkatuto na tulung-tulong; Pagkatutong partisipatori; Pagkatutong nakapokus sa mga mag-aaral; Integrasyon ng apat na kasanayan; at Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika.

I. Content-Centered Education Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1988) na ginamit ni Calamlam et. al (2006), ang Content-Centered Education ay ang integrasyon ng pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika. Ito’y ang mga magkasabay na pag-aaral ng wika at paksang aralin na ang anyo at pagkakasunud-sunod ng paglalahad ng wika ay idinidikta ng nilalaman o ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggagamitan nito. J. Pagkatutong Task-Based (Task-Based Learning) Ayon kay Michael Breen (1987) na na kay Calamlam (2006), ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, pamaraan, at mga inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task. Ang task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit mas “malaki” ang saklaw nito kaysa teknik. Ang pagkatutong task-based ay hindi bagong pamaraan. Binibigyang-pokus lamang nito ang task sa pagtuturo. 13


Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang communicative task na tuwirang nakaugnay sa mga layuning pangkagawian at ang mga hangarin nito’y lagpas sa nakagawiang pagsasanay ng wika. III. Iba Pang Estratehiyang Ginagamit sa Pagtuturo ng Wika A. Awtentikong Kagamitan Ayon kay Wilkins (1976-1978) na binanggit ni Espiritu (2004), ang mga awtentikong kagamitan ay iyong mga isinulat ng mga katutubong tagapagsalita at hindi tangi para sa mga mag-aaral na di-katutubong tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan. Ilan sa mga awtentikong kagamitan na magagamit sa pagtuturo ng wika ay ang sumusunod: 1. 2. 3. 4. 5. 6.

mapa resipi balita, ulat, horoscope patalastas/komersyal programa sa radyo at telebisyon maibibilang din sa mga awtentikong kagamitan ang tape recorded na mga usapan na nagpapakita ng mga gamit ng Filipino sa iba’t ibang domain 7. classified ads 8. nilathalang impormasyon sa paggawa ng mga bagay 9. mga propaganda sa eleksyon at iba pa B. Mga Biswal Kabilang sa pangkat na ito ang mga larawan, mga tunay na bagay, pelikula, slides, at iba pa. Maaaring magtipon ang guro ng mga biswal na napapangkat sa ganitong kategorya: mga tao, hanapbuhay, 14

pang-araw-araw na gawain, tahanan, pagkain, inumin, isport, libangan, mga hayop, mga tanawin, at iba pang bagay. Sa pagpili ng larawan, dapat na isaisip ng guro ang sumusunod: 1. kayariang panggramatika na mailulunsad o malilinang sa tulong ng mga larawan; 2. aytem ng talasalitaan na maituturo sa pamamagitan ng mga larawan; at 3. laki, kaliwanagan, at interes na makukuha nito sa mga mag-aaral. C. Role Play Ang role play sa pamamagitan ng dayalog ay isang mahalagang estratehiya sa paglinang ng kakayahang komunikatibo. Sa estratehiyang ito, inilalagay ang mga mag-aaral sa isang sitwasyon na maaaring mangyari sa tunay na buhay. Halimbawa, ang pagpapahayag ng paghanga o papuri, paghingi ng pahintulot, pakikipagtalo, pakikipanayam, pakikidalamhati, at iba pa. Mga uri ng role play na magagamit ng guro: 1. Role play na kontrolado sa pamamagitan ng dayalog na may cues 2. Role play na kontrolado sa pamamagitan ng cues at impormasyon. Ito’y pagbibigay ng detalyadong cues sa isang mag-aaral lamang. Ang isa ay binibigyan ng impormasyon na makatutulong sa kanyang angkop na pagsagot. D. Mga Larong Pangwika Ang mga larong pangwika ay mahalaga ring kasangkapan sa paglinang ng mga kasanayang pangwika. Nagiging kawili-wili ang pag-aaral kung ginagamitan ito ng mga laro.


Ilang halimbawa ng mga kasanayan/gawaing maaaring gamitan ng laro: • •

Pagsunod sa Panuto Telebalita Kumuha ng kapareha. Isa ang magbabalita at ang kapareha ang maglalahad ng tanong sa klase. Paramihan ng puntos sa bawat tamang sagot ng pangkat. Maaaring magpalitan ng gawain ang magkapareha.

Dugtungang Pagsasalaysay Magpangkatan. Magsasalaysay ang mga mag-aaral sa pamaraang dugtungan sa ibinigay na paksa.

Sabihin Mo Magpasulat ng tatlong pangalan ng tao, hayop, bagay, at pook batay sa ipakikitang pang-uri sa plaskard. Ang unang makasulat ay itataas ang kamay at siyang panalo.

Palaisipan o Isipin Mo Isulat sa patlang ang mabubuong panghalip panaong maramihan. 1. otya =

2. oiynn =

Unahan sa pagbuo. Ang mauna ang siyang panalo. Paano ito? Maaaring ilahad sa mga mag-aaral kung paano isasagawa ang mga laro sa susunod na pahina. Maaaring iangkop ang mga larong pangwika sa mga bahagi ng pananalita na pandiwa at pang-abay. 1. Tug of War. Ang larong ito ay binubuo ng dalawang pangkat na magkaharap, kapwa nakahawak sa

malaking lubid. Guguhitan ang lupa sa pagitan nila. Kapwa hahatakin ng dalawang pangkat ang lubid. Kung sino ang makahahatak sa gawi nila, ang siyang panalo. 2. Ball Relay. Ang larong ito’y unahan sa pagpapasa ng bola. Dalawang pangkat din ang maglalaro at ipapasa ang bola sa kasama sa laro na ang pagpapasahan naman ay tatakbo sa hangganan at iikot dito upang iabot ang bola sa kasunod. Ang pangkat na maunang makarating sa hangganan ang siyang panalo. 3. Sipa. Ang sipa ay nilalaro sa pamamagitan ng paa at iniingatang hindi ito malaglag. May mga sanay na sa larong ito at ang pagsipa ay umaabot sa maraming bilang. Maraming nasisiyahan sa larong ito kahit saang pagtitipon. Ang makasipa nang higit ang bilang ang siyang panalo. Ang mga larong inilahad ay magagamit din sa paglinang ng kasanayan sa pagsunod sa panuto. Para naman malinang ang kasanayan sa pagbuo ng mga tanong at pagbibigay ng panuto, maaaring magbigay ng ganitong laro: Ipagpalagay na mag-iisponsor ang inyong pangkat ng paligsahan sa paggawa ng islogang kaugnay ng Buwan ng Wika o anumang pagdiriwang. Gumawa ng patalastas upang ipaalam ang mga tuntunin para sa paglahok sa paligsahan. Para ipaalam kung tungkol saan ito, sino ang maaaring lumahok, ano ang paksa, paano lalahok, at iba pa. Ang pangkat na may pinakamalinaw at maayos na patalastas ang siyang magwawagi. Sa ebalwasyon ng mga isinulat ng mga mag-aaral, maaaring piliin ang 15


pinakamabuting pagpapahayag ng tuntunin sa iba’t ibang pangkat upang makabuo ng isang malinaw na patalastas para sa paligsahan. E. Pagpaparinig ng Awit Magagamit ito bilang isang awtentikong kagamitan sa pagtuturo ng wika. Magagamit ito sa pagsusuri sa pagbabago ng wika, talasalitaan, at ng midyum sa pagpapahayag ng isang tao at pag-aaral ng values o halagang pangkatauhan. F. Panayam o Interbyu Pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa isang tao/mga taong may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan. Ito ay isang mabisang kasangkapan sa paglinang ng epektibong komunikasyon, interpersonal, at paghahatirang-diwa. G. Pagtuturong Nakabatay sa Nilalaman (Content-Based Instruction) A. Mga Paksa o Kasanayang Mapapagsanib 1. Makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat) 2. Mga seleksyong pangwika at pang-Makabayan (Sibika at Kultura, Pagbasa, at Pagsulat) 3. Mga required reading text at awtentikong babasahin (dyaryo, magasin, computer text, at iba pa) B. Mga Pamaraan ng Pagtuturo 1. Pamaraang Facilitative • demokratikong pamumuno ng guro sa silidaralan para matuto rin ang guro sa mga mag-aaral • partisipatibo at aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral 16

konsultatibong pagtuturo o pagsangguni sa mga mag-aaral sa paggawa ng mga desisyon • pagpapadaloy lamang ng guro sa pagkatuto, hindi pagiging “bida” kundi pagiging direktor, scriptwriter, o tagakumpas ng pag-aaral • paniniwala sa iba’t ibang kakayahan/talino (multiple intelligences) at katangian ng mga mag-aaral, pagbibigay ng pagkakataon upang magamit at lubusang madebelop ang talino • pagiging bukas ng guro sa pagbabago sa iba’t ibang pananaw; kahandaang mag-angkop ng sarili sa inobasyong edukasyonal; pagiging lohikal, mapanuri, malikhain, at handa pang magturo 2. Paggamit ng interaktibong gawain upang aktibong matuto sa isa’t isa, maakit at mapanatili ang atensyon; madebelop ang mapanuri at malikhaing pagiisip; mabigyang-daan ang multiple intelligences; makaangkop sa lenggwahe, edad, at baitang; maiaplay sa buhay ang konseptong pinag-aralan. Mga halimbawang estratehiya: • Cooperative Learning (think-pair-share, jigsaw) • I-chart, I-search, List Group Label, at iba pang pangkatang gawain 3. Paggamit ng mga visual organizer na makatutulong sa pag-uugnay o pagkakategorya ng mga konsepto o pangyayari. Halimbawa: Venn Diagram Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba


Pagtatalunan: Discussion Web

Pagbubuod: Mapa ng Konsepto

Paksa: Dapat bang maghanda ang lahat kung pista?

Kaysarap Maging Pilipino Mga Kulturang Ipinagmamalaki

Magagandang Kaugalian

Mga Bayaning Pilipinong Ipinagmamalaki

Fact Storming Web Mga Pagdiriwang

Bagong Taon

Pasko

Waray

Mahal na Araw

Pasko, Bagong Taon, Ati-atihan, Moriones Pagtanggap ng bisita

Pista

Sining, Awit, Teatrong Pilipino

English Kaugalian

Wika

Ilocano Filipino

Kasal

Paghahanap ng mga pangungusap na nagpapakita ng pagsang-ayon at pagsalungat.

Pagbibinyag

Sequence Organizer

Kulturang Pilipino

Pagsang-ayon Talata 1

Protestante

Musika

T2

T3

T4

T3

T4

Katoliko

Sayaw

Pagsalungat Relihiyon

Sining

Islam

Pagguhit Iglesia ni Kristo

Panitikan Kasuotan

barong

kimona saya

pantalon

Talata 1

T2

4. Paggamit ng mga awtentikong kagamitan at gawain: dyaryo at magasin (editoryal, kolum, balita, lathalain, at iba pa), lakbay-aral, nature trek, field work, pagsulat ng dyornal, pagmamasid, interbyu, sarbey, eksperimento, at iba pa. 17


H. Pagdulog Kahusayang Komunikatibo Mga Kahusayang Komunikatibo na La yong Madedebelop 1. Kahusayang Gramatika • Kahusayan sa talasalitaan • Tamang pagbigkas • Pagbaybay • Pagbabantas • Pagbuo ng mga salita • Pagbuo ng mga pangungusap at talata Mahalaga ang kahusayang ito upang makapagpahayag nang tumpak. 2. Kahusayang Sosyo-Linggwistika • Kahusayan sa paggamit ng wasto at angkop na anyo ng wika sa iba’t ibang sitwasyon batay kung: 1. Sino ang mga nag-uusap at ano ang relasyon nila sa isa’t isa? 2. Ano ang paksa ng usapan – pormal ba o impormal?; at 3. Saan at kailan naganap ang komunikasyon? • Nakikita ang kahusayang ito kapag napagiiba-iba ng mga nag-uusap ang mga anyo ng wikang kanilang ginagamit batay sa hinihingi ng pagkakataon. 3. Kahusayan sa Discourse • Kahusayang mapagsama-sama ang mga ideyang magkakaugnay upang malinaw at madaling maunawaan ang mensahe.

18

Dapat makita ang kaisahan (unity coherence) at pagkakaugnay (cohesion) ng mga pangungusap at kabuuang teksto/discourse sa tulong ng iba’t ibang pang-ugnay o transitional devices. 4. Kahusayan sa Paggamit ng mga Estratehiyang Pangkomunikasyon • Kahusayan sa paggamit ng mga berbal (pasalita) at di-berbal ((paralinguistics) na pamaraan upang maipampuno sa pagpapaunawa ng mga mensaheng inihahayag. Kasama sa mga berbal na estratehiya ang paggamit ng intonasyon, hinto, at diin; • Di-berbal naman ang paggamit ng mga galaw ( (gestures ) ng iba’t ibang bahagi ng katawan. I. Pamaraang Cooperative and Collaborative Learning (CCL) Ang mga gawain sa loob ng silid-aralan ay nakatuon sa sama-sama at tulung-tulong na pagsisikap ng guro at mga mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain. Layunin ng CCL na mabawasan ang kompetisyon at maragdagan ang kooperasyon ng mga mag-aaral. Napatunayan sa pag-aaral nina Kagan, Slavins, at Allport (1985) ang magagandang bunga ng kooperatibong pag-aaral sa mga mag-aaral gaya ng sumusunod: 1. Malaki ang maitutulong ng kooperatibong pagaaral sa paghubog ng magandang pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga mag-aaral. 2. Napatataas din ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang sariling kakayahan. 3. Mataas na pagsulong sa pagkatuto. 4. Nalilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip.


5. Nagkakaroon ng positibong pag-uugali at pananaw sa pag-aaral, mataas na motibasyon. 6. Mas mabuting relasyon ng guro at mag-aaral; magaaral sa kapwa mag-aaral. Mga Halimbawa: 1. Think-Pair-Share – Nakikinig muna ang magaaral sa isang tanong, nag-iisip sa isasagot, nakikipares upang makipagdiskusyon sa isa o higit pang kamag-aral at nagbabahagi ng kanyang sagot sa buong klase. 2. Jigsaw – Hinahati ang klase sa pangkat na may 5-6 na myembro. Ibinibigay sa pangkat ang akademikong tekstong karaniwang nagbibigay-kabatiran o nakapagtuturo. Bawat myembro ay inaasahang magiging eksperto sa isang bahagi ng teksto. Nagkikita-kita ang mga myembro ng bawat pangkat na eksperto sa magkakatulad na paksa at nagtutulungang matutuhan ito. Pagkatapos ay bumabalik sila sa kanilang home team para maituro sa mga kapangkat ang kanilang natutuhan. 3. Student Teams Achievement Division (STAD) – Nagbibigay ang guro ng bagong akademikong impormasyong pag-aaralan sa buong linggo. Hinahati ang klase sa mga pangkat na may 4-6 na myembro. Pinag-aaralan ng bawat pangkat ang kagamitang bigay ng guro at nagtutulungan sa pamamagitan ng peer tutoring, team discussion, at team quizzing. Isa-isang kumukuha ng quiz tungkol sa akademikong kagamitan ang mga myembro at kinikilala ang pangkat na may pinakamataas na iskor.

4. CO-OP CO-OP – Magpapangkat ang mga mag-aaral upang makagawa ng produkto o output na maibabahagi sa buong klase. May tiyak na kontribusyon sa pangkat ang bawat myembro. J. Information Chart (I-chart) Isang uri ng organizer na may layuning mapaunlad ang mapanuring pag-iisip. Tatlo hanggang apat na tanong na inihanda ng guro ang nakalista sa itaas ng grid chart. Isusulat ng magaaral ang impormasyong alam niya tungkol sa bawat tanong. Ililista at tatalakayin ng klase ang mga posibleng pinagkunan upang mahanap ang impormasyon. Kapag nahanap ang sagot sa bawat tanong, isusulat ito sa angkop na kolum pati ang pinagkunan. Makapagdaragdag ng bagong kolum para sa “iba pang interesanteng kaalaman” o “mga bagong tanong.” K. Informative Search (I-search) Mula sa isang nabasang tekstong nagsasalaysay/ naglalahad, pipili ang mga mag-aaral ng tanong o paksang gusto pa nilang mapag-aralan. Isasagawa ang imbestigasyon/pag-aaral sa labas ng klase at isusulat ang mga resulta o mga kongklusyon sa I-search paper. L. List Group Label Pagpapalawak ng talasalitaan sa content subjects. Magbibigay ang guro ng isang stimulus topic na hinango sa karanasan ng mga mag-aaral sa pinag-aaralang kagamitan. Magbibigay naman ang mga mag-aaral ng iba’t ibang salitang inuugnay nila sa paksa. Kapag umabot sa 25-30 salita ang nasa listahan, ikakategorya, at bibigyan ng label ang mga salita. 19


Mag-aaral na Concrete

1. Mga laro 2. Mga larawan 3. VCR Tapes 4. Pair Work 5. Pagsasanay ng wika sa labas ng silid-aralan

Mag-aaral na Analitikal

1. Pag-aaral ng balarila 2. Pag-aaral ng maraming aklat sa wika 3. Pagbabasa ng mga pahayagan 4. Pag-aaral nang mag-isa 5. Pag-alam sa mga pagsusuri ng mga kamalian sa wika 6. Pagtuklas sa mga solusyon sa mga suliraning inilahad ng guro

20

Mag-aaral na Authority Oriented

N. Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching) Sinabi ni Willing (1988) at Nunan (1991) na na kay Badayos (1999); at Pagkalinawan (2004), ang isang gurong sensitibo at isinasaalang-alang ang istilo sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay makatutulong upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto. Sa pag-aaral ni Willing, pinangkat niya ang mga mag-aaral sa apat at nagmungkahi siya ng mga naaangkop na estratehiya sa bawat uri.

1. Kagustuhang magpaliwanag ng lahat tungkol sa wika 2. Pagkakaroon ng sariling batayang aklat 3. Pagsusulat sa notbuk ng lahat ng impormasyon 4. Pag-aaral ng balarila 5. Pagbabasa para matuto 6. Pagkatuto ng mga bagong salita kung makikita ang mga ito

Mag-aaral na Communicative

M. Dyad/Triad Dalawahan/Tatluhang gumagawa ang mga mag-aaral para makalikha ng proyekto o matutuhang mabuti ang isang araling pangnilalaman. Ibabahagi nila ang produkto o bagong kaalaman sa ibang “partner pair/triad.� May kasanayang nadedebelop ang presentasyon at masteri ng mga bagong kagamitan, debelopment ng mga konsepto, at mga kasanayan sa komunikasyon.

1. Pagmamasid at pakikinig sa mga katutubong nagsasalita ng wika 2. Pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang pinag-aaralan 3. Panonood ng programa sa telebisyon sa wikang pinag-aaralan 4. Pag-aaral ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pakikinig at paggamit ng mga ito sa aktwal na pakikipag-usap

O. Pagkatutong Integratibo Binibigyang-diin dito ang integrasyon ng paksang aralin sa pag-aaral ng wika. Ang paglalahad ng wika ay hinahango sa nilalaman ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggagamitan nito. Nakapaloob din dito ang pagkatutong nakapokus sa mga mag-aaral at ang integrasyon ng apat na kasanayan. Ang mga estratehiyang participative, facilitative, at consultative ay mga katangian ng pag-aaral na integratibo. Dito, ang guro ay tagagawa lamang ng iskrip ng pagkatuto, konsultant, tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng isang aralin, ang mga mag-aaral ang sentro o bida. Siya ay aktibong nagsasalita, nakikinig, bumabasa, at sumusulat kung kinakailangan. Ginagamit


ng mga mag-aaral ang wika sa matalino, mapanuri, at malikhaing paraan. Nagiging makabuluhan at kawili-wili ang pag-aaral at pagkatuto sapagkat aktibong gumagana ang kanilang pandama at pag-iisip.

panitikan. Sa pagtuturong integratibo, nagkakaroon ng pag-uugnayan sa layunin at sa paksang pinag-uusapan ang wika at panitikan. Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng mga kaisipan at sariling damdamin o pananaw na iniuugnay sa akdang binasa.

P. Literature-Based Teaching Ayon naman kina Cox at Zorillo (1993) na na kay Liwanag (2004), itinuturing ang Literature-Based Teaching na mabisang lapit sa pagtuturo ng wika, sa paglinang ng literasi ng mga mag-aaral, at sa pag-uugnay ng mga aralin sa kurikulum sa pamamagitan ng awtentikong babasahin tulad ng mga pambatang panitikan na makikita sa mga bookstore at aklatan.

Makikita sa mga halimbawa ang mga kasanayan na magkakaugnay na tinalakay sa isang aralin. Paksa: Kasanayang Pangwika:

Narito ang ilan sa mga kahalagahan ng panitikan sa pagtuturo ng wika ayon kay Collie (1987) na binanggit ni Liwanag (2003). 1. Tumutulong ito sa paglinang ng kaalaman at kasanayang pangwika ng mga mag-aaral. 2. Nagsisilbi itong konteksto o nilalaman sa paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikatibo. 3. Nagagawa nitong maging makahulugan ang proseso sa pagkatuto ng wika dahil sa personal na pakikisangkot na naidudulot nito sa mambabasa. 4. Nalilinang nito ang malalim at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Sa mga gawain sa klase maipakikita ang iba’t ibang pamaraan o estratehiyang makatutulong sa paglinang ng mga kasanayan at kaalaman sa wika at panitikan. Dito ipinakikita kung paano malilinang ang mga kasanayan sa wika, sa konteksto ng panitikan. Matutulungan din nito ang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng higit na malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa iba’t ibang uri ng

• •

Kaalaman: Kasanayang Pampanitikan:

Maikling kwento Nakapagsusunud-sunod ng mga pangyayari (pandiwa) Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari (mga uri ng pangungusap) Naibibigay ang mahahalagang kaisipan na inihahatid ng binasa Naisasalaysay ang mahahalagang pangyayari sa kwento

ANG PAGTUTURO NG PAGBASA I.

Panimula Ang pagbasa ay isang malawak na gawain at gawi. Ang kasanayan sa pagbasa ay hindi lamang kasanayan sa pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan ng mga nakalimbag na sagisag at bibigkasin ito nang pasalita. Sapagkat sa kasanayan sa pagbasa ay kabilang ang komprehensyon, pagsusuri, at paghihinuha. Sa elementarya, itinuturo ang Pagbasa bilang isang asignaturang nakapaloob sa Sining ng Komunikasyon kasama ng wika. Bawat baitang ay may takdang talaan ng mga 21


kasanayan sa pagbasa na dapat na matamo sa isang takdang panahon ng pagkatuto. Sa mga nakalipas na taon, malaki ang iniunlad ng mga pamaraang ginagamit sa pagtuturo ng pagbasa ayon kay Liwanag (2002). Narito ang ilang pananaw na isinasaalangalang sa pagtuturo ng pagbasa. 1. Ang pagbasa ay isang proseso ng interaksyon ng mambabasa at ng may-akda sa pamamagitan ng teksto. 2. Sa tulong ng dating kaalaman (prior knowledge) at ng mga ideya o konsepto (scheme) ng mambabasa tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid at sa paksa na binasa, nauunawaan ng mga mag-aaral ang binasa. 3. Ang uri ng teksto o anumang babasahin at ang layunin ng bumabasa ang nagdidikta sa estratehiyang gagamitin ng mambabasa sa pagbasa. Ang isang magaaral habang nagbabasa ay gumagawa ng sariling pagmomonitor sa kanyang pag-unawa (comprehension monitoring). Alam ng isang magaling na mambabasa kung nauunawaan niya ang binabasa at kung hindi ay gumagawa siya ng paraan na maunawaan ito (strategically competent readers, metacognitive readers). 4. Gawing bahagi ng pag-unawa ng mga mag-aaral ang pagtuturo ng talasalitaan. Sa pamamagitan ng konsepto ng mga talasalitaan sa mga karanasan at dating kaalaman ng mga mag-aaral, nagiging makahulugan ang mga salitang ito. 5. Ang pag-unawa sa pagbasa ay matatamo kung bibigyang-diin ang proseso ng pag-unawa bago bumasa, habang bumabasa, at pagkatapos bumasa. 6. May mga pag-uugnayan ang pagbasa at pagsulat (reading-writing connection). Magagamit ang pagbasa sa pag-unawa, pagsulat, at gayundin, magagamit ang pagsulat sa pag-unawa sa pagbasa. 22

Interaktibong Teorya sa Pagbasa Sina Carrell at Eisterhold (1983) na na kay Liwanag (2004) ay nagsabi na ang isang magaling na mambabasa ay gumagamit ng dalawang uri ng paraan ng pagpoproseso ng kaalaman mula sa teksto. Alamin natin ang pagkakaiba ng dalawang paraan ng pagpoproseso ng kaalaman mula sa teksto sa pamamagitan ng T-chart. Bottom-up (Text Based)

Top-down (Concept Based)

Ang bottom-up ay pag-unawa sa teksto batay sa mga nakikita rito tulad ng mga salita, pangungusap, larawan, dayagram, o iba pang simbolo. Tinawag ito ni Smith (1983) na outside-in n o data driven n sa dahilang ang impormasyon ay hindi nagmula sa mambabasa kundi sa teksto.

Ang top-down o pag-unawang batay sa kabuuang kahulugan o impormasyon ay nagmula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari kung ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga konsepto o kaalaman (scheme) na nabuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Nakabubuo siya ng palagay at hinuha at ito’y naiuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.

Sa kabuuan, ang prosesong interaktibo ay pinaniniwalaang proseso ng komprehensyon na may dalawang direksyon: Bottom-up at Top-down. Kung saan ang pagbasa ay palaging may interaksyon ang teksto na kumakatawan sa may-akda at mambabasa. Ang anumang kakulangan ng teksto ay pinupunan ng kaisipan ng mambabasa at ang anumang kakulangan ng mambabasa ay pinupunan ng teksto.


Sinasabing sa paggamit ng dalawang paraan, nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng mambabasa at teksto. Nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa talasalitaan kasabay ang paggamit ng dating kaalaman at mga pananaw. Tinatayang kaibahan ng pagtuturo ng pagbasa noon at ngayon. Bottom-up (Text Based)

Top-down (Concept Based)

1. Pagsagot sa tanong – produkto. 2. N a k a d e p e n d e s a teksto – Bottom-up. 3. Walang alam sa teksto ang nagbabasa. 4. Walang paghahanda bago bumasa. 5. Wala sa konteksto ang pagtuturo ng talasalitaan.

1. P a g - u n a w a s a b i n a s a – proseso. 2. Nakadepende sa dating kaalaman at konsepto ng babasa – Top-down. 3. Mayroon nang dating kaalaman o konsepto sa teksto ang nagbabasa. 4. May mga gawain na bago bumasa. 5. Iniuugnay ang talasalitaan sa konteksto o babasahin.

Ang mga gawain sa pagbasa ay naaayon sa interaktibong pananaw na nagbibigay ng pangunahing diin sa paggamit ng dating kaalaman at konsepto ng mga mag-aaral. Narito ang mga gawain na nagpapakita ng interaktibong pananaw sa pagbasa. Bago Bumasa Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay binibigyan na ng mga gawain bilang paghahanda sa pagbasa.

Mga maaaring gawain: 1. Pagtalakay sa mahihirap na salita (kung mayroon) na matatagpuan sa teksto at pag-uugnay nito sa dating kaalaman ng mga mag-aaral. 2. Paggamit ng dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa bagong paksa. 3. Paggamit ng mga larawan, pamagat, mga bahagi ng teksto upang magkaroon ng pangunahing ideya ang mga mag-aaral sa babasahing teksto. Dito nagbibigay ng mga hula ang mga mag-aaral tungkol sa babasahin. 4. Pagbibigay ng mga pangunahing pagsasanay na kailangan sa pagtuturo ng bagong kasanayan. 5. Pagbibigay ng mga mag-aaral ng layunin sa pagbasa kung ano ang pag-uukulan nila ng pansin sa pagbasa. Habang Bumabasa Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay nagsasagawa ng mga gawain na ipinakikita ang kanilang interaksyon sa teksto. 1. Pagsagot sa mga tanong na nakasulat sa blackboard o teksto habang nagbabasa. 2. Pagbuo ng mapa o direksyon ayon sa binabasa. 3. Pagpupuno ng balangkas, table, o grap. 4. Pagsusuri sa organisasyon ng teksto at pagbuo ng dayagram ng mga kaisipan (semantic map, outline, graphic organizer). 5. Paglalagay ng guhit (underlining) sa mahahalagang kaisipan o impormasyon na makikita habang nagbabasa. 6. Pagtatala ng mahahalagang impormasyon at pansuportang detalye. 23


Pagkatapos Bumasa Dito tatalakayin ang kabuuang pag-unawa na natamo ng mga mag-aaral habang nagbabasa. 1. Pagbubuo ng mga tsart na ipinakikilala ang binasa tulad ng: • pag-uugnayan ng mga pangyayari (plot ( relationship chart); t • sanhi at bunga (cause and effect chart); at • pagkakatulad at pagkakaiba (comparison and contrast chart). t 2. Paggawa ng balangkas ng mga bahagi ng kwento (story frame). 3. Pagpupuno ng tsart (What I Know, What I Want to Know, What I Learned). 4. Pagbubuod ng binasa. 5. Pagbibigay ng reaksyon, paghusga, o saloobin tungkol sa binasa. 6. At marami pang iba. II.

A. Estratehiyang Dimensyonal (Dimensional Approach) Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang antas ng mga tanong sa pag-unawa. Unang Dimensyon – Pangunawang literal na tumutukoy sa mga detalyeng makikita sa binasang akda.

Unang Dimensyon n – Literal na mga tanong

Ikalawang Dimensyon – Mga tanong na nanga ngailangan ng pagpapakahulugan o pangangatwiran.

Ikalawang Dimensyon – Interpretatibo na mga tanong

Ikatlong Dimensyon n – Pagpapahalagang kritikal. Dito hinihingi ang personal na reaksyon ng mambabasa. Ang mga tauhan, paksa, mga pangyayari, at istilo ng may-akda ang binibigyang-diin.

Ikatlong Dimensyon – Kritikal na mga tanong

Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa Ayon sa Interaktibong Pananaw Bawat pagdaan ng panahon, maraming paraan ng pagtuturo ang sumulpot habang ang iba naman ay unti-unti nang nawala. Isang katotohanan na ang malawak na karanasan ay nagpapatibay at nagkakaroon tayo ng patuloy na paghahanap at pagtanggap ng mga pagbabago at pagpapaunlad sa pagtuturo. Ang “Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa Ayon sa Interaktibong Pananaw” ay mga pananaw ng iba’t ibang dalubhasa sa larangan ng pagbasa na ginamit ni Liwanag (2006).

24

Narito ang ilang mga mungkahing estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa.

Bukod sa direktor ng Krus na Pula, ano pa ang proyekto ni Rosa Rosal? (Makikita sa akda ang sagot.)

Bakit mahalaga kay Rosa Rosal ang pagtulong sa mga sanggol? (Makikita pa rin sa akda ang sagot.)

Ipaliwanag ang kasabihang: “Pagpapalain ang taong marunong magandukha sa mga walang malay.” (Wala na sa akda ang sagot.)


Ikaapat na Dimensyon – Nag-uugnay ng binasa sa sariling karanasan. Tinatawag itong paguugnay. Sa bahaging ito, naipapakita rin ang pagiging malikhain ng isang mambabasa sa pamamagitan ng paghahanap ng mga solusyon sa mga suliraning inilahad sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling akda na nahahawig sa binasa.

Ikaapat na Dimensyon – Mga tanong na paglikha 1. Kung ikaw si Rosa Rosal, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang pagtulong sa kapwa? Bakit? 2. Sinu-sino pang artista ang alam mong tumutulong sa kapwa?

Maaaring ganito ang maging balangkas. Pamagat

Tagpuan

Banghay

Lugar

Panimula

Panahon

Wakas

Suliranin Reaksyon

Pangunahing tauhan

Layunin Ginawa

B. Pagsusuri sa Kayarian ng Kwento (Story Grammar) Ang story grammar ayon kina Stein N. at Glen C. (1979) ay hindi lamang nagpapaliwanag ng kwento. Ito rin ay nagbibigay ng pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi ng kwento. Ito rin ang nagsisilbing daan sa pagsusuri ng kwento. Ang porma ng kwento ay panimulang hakbang upang matutuhan ng mga mag-aaral ang proseso ng kwento sa pamamagitan ng wastong pagkakasunudsunod ng mga pangyayari, tauhan, suliranin, at kalutasan ng kwento. Nakatutulong din ito upang mahaka ng bumabasa ang proseso kung paano ilalahad ng may-akda ang isang kwento. Ang dating kaalamang karanasan ng mag-aaral ay sangkap at salik ng kanyang pananaw sa iskema na tumutulong sa kanya upang mahulaan, matandaan, at makilala ang mga pangyayari sa binasang teksto.

Kinalabasan

Upang magkaroon ng lubusang kaalaman sa kayarian ng kwento, dapat malaman ng guro at mga magaaral ang sumusunod na mga katangian ng kwento. Ang kwento ay: 1. binubuo ng isang tema at banghay; 2. ang banghay ay serye ng mga pangyayari; 3. ang pangyayari ay may tagpuan at serye ng mga pangyayari; 4. inilalarawan sa tagpuan ang panahon, lugar, at pangunahing tauhan; 5. ang serye ng mga pangyayari ay binubuo ng sumusunod: a. panimulang pangyayari b. pagtatangka upang malutas ang pangyayari 25


c. paglutas sa suliranin d. reaksyon ng mga tauhan sa pangyayari C. Ugnayang Tanong at Sagot (UTS) o [Question and Answer Relationship (QAR)] Ang ugnayang tanong-sagot ay binuo ni Raphael (1982-1986) upang mapataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ng isang sistematikong pagsusuri ng mga tanong. Ipinakikita rito ang paguugnayan ng mga tanong at sagot at ang paraan ng pagpapangkat-pangkat ng tanong ayon sa paraan ng pagsagot. Ang mga tanong na sasagutin batay sa babasahing teksto ay napapangkat sa tatlong kategorya: 1. Mga tanong na nakikita – ang mga sagot ay tuwirang nakalahad sa teksto. 2. Ang sagot sa mga tanong ay hindi tuwirang isinasaad sa teksto. Ang mga tanong na ito ay itinatanong sa Pag-isipan. 3. Ang pangatlong tanong ay wala sa teksto ang sagot kundi nasa isipan ng bumabasa o maaaring mga kritikal na tanong. (Ito ay tatawaging Sariling Sikap.) Halimbawa: Maaaring ganito ang maging tanong: A. Nakikita 1. Kanino nakasentro ang kwento? 2. _______________________________ B. Pag-isipan 1. Ano ang naging bunga ng _______ ? 2. Bakit __________________________ ? 26

C. Sariling Sikap 1. Kung ikaw ay isang _____ ? Bakit? 2. Sa iyong palagay, _______________? D. Tugunang Pagtatanong (Reciprocal Questioning Request) Ang Reciprocal Questioning Request ay idinisenyo ni Manzo (1969) upang maiangat ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng reciprocal na pagtatanong ng guro at mga mag-aaral. Ito ay mula sa dalawang paniniwala tungkol sa pagbubuo ng kahulugan sa teksto. Una, ang tamang pagtatanong; ikalawa, ang guro ang nagsisilbing matibay na modelo sa pag-uugali ng mga mag-aaral. Isinasaalang-alang din sa estratehiyang ito ang pagmomonitor sa sarili hinggil sa prosesong isinasagawa sa pag-unawa sa teksto. Ito ang estratehiyang gumagamit ng tugunang pagtatanong na naghahalinhinan ang guro at mga mag-aaral sa pagganap ng tungkuling tagapagtanong. Maaaring sabihin ng guro sa mga mag-aaral na bago bumasa ang ganito: “Ang layunin ng araling ito ay tulungan kayong mapaunlad ang inyong pag-unawa sa pagbasa. Babasahin muna ninyo nang tahimik ang unang talata. Kayo ang unang magtatanong at pagkatapos ako naman ang magtatanong. Makapagtatanong kayo ng kahit ilang tanong. Kapag ako ang tatanungin ninyo, isasara ko ang aking aklat at isasara rin ninyo ang inyong aklat kung ako naman ang magtatanong.� Habang Bumabasa 1. Panimulang Pagbasa at Pagtatanong ng mga Mag-aaral a. _____________________________ b. _____________________________


2. Pagtatanong ng Guro a. _____________________________ b. _____________________________ 3. Patuloy na Tugunang Pagtatanong a. _____________________________ b. _____________________________ 4. Pagtatakda ng Layunin sa Patuloy na Pagbasa Ano sa palagay ninyo ang maaaring mangyari sa kwento? 5. Tahimik na Pagbasa sa Kabuuan ng Kwento E. Alam Na, Gustong Malaman, Nalaman/Natutuhan ( (AGMN ) [What I Know, What I Want to Find Out, What I Learned (KWL)] Ang KWL ayon kina Allyn at Bacon (1977) ay idinisenyo upang matulungan ang mga mag-aaral bago, habang, at pagkatapos bumasa ng teksto. Ito ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na gamitin ang dating kaalaman sa paksa, manghula, at magsaliksik/magsuri ng mga impormasyong nasa loob ng teksto. Ganito ang maaaring kalabasan ng proseso: Paksa: Ang Sampagita A. Bago Bumasa 1. Pagtatanong ng mga pangalan ng bulaklak na alam nila. 2. Pagpapakita ng bulaklak ng sampagita at pagtatanong ng mga katangian nito. Alam Na a. Kulay puti na bulaklak b. Maliit at mabango c. Pambansang bulaklak

Gustong Malaman 1. Saan-saan ito maaaring tumubo? 2. Anu-ano ang maaaring itulong nito sa atin? 3. Bakit naging pambansang bulaklak ang sampagita?

Pagtatanong ng guro sa mga nais pa nilang malaman hinggil sa bulaklak na sampagita. Isusulat sa pisara ang mga tanong.

1. 2. 3. 4. 5.

Natutuhan (Itatala rito ang nalaman.) ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________

B. Habang Bumabasa 1. Pagbasa nang tahimik. 2. Pagtatala ng mga impormasyong nakuha sa babasahin at mga sagot sa tanong. C. Pagkatapos Bumasa 1. Pagsagot sa mga tanong ng mga magaaral. 2. Pagtatala ng mga nalaman nila. F. Estratehiyang Pagsusuri ng Impormasyon [Fact Analyzer (FAN)] Sa paraang ito, tinutulungan ang mga mag-aaral na unawain at suriin ang mahahalagang impormasyon sa isang babasahin at iugnay ito sa sariling kalagayan o karanasan. Mabisang gamitin ang paraang ito sa mga babasahing naglalahad ng impormasyon tulad 27


ng sanaysay, talambuhay, talumpati, editoryal, balita, at tala na makukuha sa Agham, Araling Panlipunan, at iba pa. Sa paglalahad ng estratehiyang ito, mahalagang maipakita sa kanila ang palarawang pagsusuri ng isang babasahin ayon sa impormasyong hinihingi. Ipakita ang sunud-sunod na pagbuo ng mga bahagi ng pagsusuri na pinatnubayan ng mga tanong. Pagkatapos bumasa o basahin ang teksto, ipasabi sa mga mag-aaral ang pamagat nito at ang mahahalagang impormasyon na makukuha sa babasahin. Ilagay ito sa dayagram. Pagbuo ng pamaypay ayon sa sagot ng bawat pangkat.

ANG PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN Sinasabing sa panahon ng malawakang pagbasa, ang mga mag-aaral ay nagsasagawa na ng isahang pagbabasa sa sariling pagkatuto at para sa sariling kasiyahan. Sa panahong ito, nararapat na malinang nila ang mga kasanayan sa pagpapalawak ng talasalitaan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga pamaraan o estratehiya sa gawaing ito. Batay sa Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP), narito ang ilang kasanayang lilinangin sa pagpapalawak ng talasalitaan. A. Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis) Nauunawaan ng isang mag-aaral ang isang salita sa pamamagitan ng mga bahagi nito: salitang-ugat, mga panlapi, paraan ng pagkakabuo ng salita tulad ng paguulit ng pantig, salita, at pagtatambal. Halimbawa: Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis)

Natutukoy ang salitang-ugat at panlaping ginamit sa salita

Nakabubuo ng iba’t ibang mahahabang salita sa tulong ng panlapi

Naibibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa ginamit na panlapi

28

Natutukoy ang salitang-ugat at kahulugan ng tambalang salita

Nakatutukoy ng maiikling salita mula sa mahahabang salita


Halimbawa: Buhay nabuhay nabubuhay

kabuhayan binuhay

buhay-buhay

buhay-alamang

Pagbuo ng salita – kung maraming alam na panlapi, marami rin ang mabubuong mga salita. gumawa gawain

nagawa

gawa

paggawa

ginawa gagawin

manggagawa

iginawa panggawa

Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay-kahulugan (Context Clues) • Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasingkahulugan • Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasalungat

gagawa

tagagawa

1. Pangit tingnan ang lugar na may naglipanang basura na nakakalat dito at doon. 2. Patuloy ang pagkakalat ng ilan sa mga kababayan natin sa kapaligiran kaya laganap na ang polusyon.

ipinagawa

B. Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay-kahulugan (Context Clues) Ang mga palatandaan o pahiwatig ay nakikita sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-uugnay ng mga salitang sinusundan o sumusunod sa di-kilalang salita. Iba’t ibang paraan ang ginagamit sa pagbibigay-pahiwatig sa kahulugan ng salita. 1. Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita na nakapaloob din sa pangungusap Halimbawa: Kasanayan: Naibibigay ang mga salita na nagbibigay-paliwanag sa kahulugan ng tanging salita sa pangungusap

• Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng katuturan • Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay-kahulugan sa ibang salita at parirala • Natutukoy ang mga palarawang pananalita sa binasa • Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita • Napag-uuri ang mga salitang kaugnay ng damdamin

2. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita Halimbawa: Kasanayan: Naibibigay ang kahulugan ng salita sa tulong ng kasalungat na kahulugan Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang kasalungat na kahulugan ng nakatalang mga salita. 1. sumasang-ayon = (umaayon, tumututol, walang masabi) 29


2. mapipinsala = (maiingatan, maililigtas, madidisgrasya) • Sa pamaraang ito ng pagpapakahulugan sa talasalitaan, malaki ang magagawa ng kasalungat na kahulugan upang malinang ang kahulugan ng salita. Ito ang tinatawag na kabaligtaran. 3. Sa pamamagitan ng katuturan o kahulugan ng salita Halimbawa: Kasanayan: Naibibigay ang kahulugan ng salita sa tulong ng katuturan Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. 1. Pananagutan g nating mahalin at pangalagaan ang ating bansa. 2. Matutupad ang mga layunin y natin kung tayo ay magtutulungan at magkakaisa. • Isang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita ay sa pamamagitan ng katuturan na maaaring bahagi ng pangungusap. May mga kaagapay na hudyat o signal ang malalalim na salita na nakapaloob sa pangungusap. 4. Pag-uugnay sa sariling karanasan Nakikilala ang bago o mahirap na salita sa pamamagitan ng pag-aalaala sa kanilang mga naging karanasan. Halimbawa: Kasanayan: Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng dating kaalaman Panuto: Kapag binasa ninyo ang salitang puso p , anu-anong salita o ideya ang naiisip ninyo? 30

Sagot:

pagmamahal pag-unawa damdamin kapwa pag-irog pagsinta

pagsamba pagtulong pagliyag Panginoon tibok pula

Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa pagpapahayag sa pamamagitan ng dating kaalaman. Sa pamaraang ito, lalong pinayayaman pa ang kahulugan ng isang salita. Lahat ng mga salita at ideya na maaaring iugnay sa salita ay naibibigay. Maaari rin itong ihalintulad sa paraang collocation. 5. Sa pamamagitan ng buod o lagom ng binasa Isang uri ng pagpapahayag na paglalahad ang pagbibigay ng buod. Sa tulong ng mga pahiwatig o palatandaan (salita) at sa pagsusuri ng mga salita, makikilala ang paksa nito. Halimbawa: Kasanayan: Naibibigay ang paksa sa pamamagitan ng binasang lagom o buod Naranasan niya ang kaginhawaan noong siya’y bata pa. Saganang-sagana silang mag-anak sa pagkain, damit, at maganda ang kanilang tirahan. Mula siya sa nakaririwasang pamilya. 6. Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita Lumalawak ang talasalitaan sa pamamagitan ng pormal na depinisyon. Halimbawa: Kasanayan: Nakikilala ang bagong salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon


Mahilig siyang sumulat ng sanaysay. Ito ay isang kathang tuluyan na naglalahad ng kaalaman, kuru-kuro, at damdamin ng sumulat. Panuto: Tukuyin ang salitang binigyan ng pormal na depinisyon. Mahilig siyang magbasa ng _________. Ito ay likha lamang ng guniguni ng isang manunulat. Karaniwa’y mga hayop ang gumaganap dito.

Sa pagsasanay sa mga mag-aaral, hayaan silang bumuo ng magkakaugnay na salita na magagamit nila sa pagpapahayag.

C. Pag-uugnayan ng mga Salita (Word Association) tingnan pusong bato

masdan

bato

yamot

inis

2. Clustering

1. Collocation

galit

3. Clining

puso

poot suklam

Pag-uugnayan ng mga Salita/

matamis

Word Association

maalat

kasama

Halimbawa: puso – bahagi ng katawan ng tao bato – matigas na bagay pusong bato – matigas ang puso o taong hindi marunong maawa 2. Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng pangunang salita (clustering) Halimbawa: Anu-ano ang maaaring ipalit sa salitang tingnan g ? bantayan

Neutral

mapait

silipin

panoorin

lassification 5. C

mabilis

1. Pagsasama ng salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation) Nabibilang dito ang matatalinghagang salita na binubuo ng mahigit sa isang salita o parirala. Sa pag-unawa ng salitang ito, kailangang malaman muna ng mga mag-aaral ang payak na kahulugan ng mga salitang pinagsama pagkatapos ay ang iba pang kahulugan na ipinahihiwatig nito.

tanawin

kaibigan 6. Association o Word Network

4. Level of Formality

wastuin

kapanalig

mabagal

Pormal

Di-pormal

utol

pansinin alamin

maliksi

kabagang

tingnan

kaanib abay

katoto

masdan

3. Pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan na ipinahahayag (clining o klino) o Pag-iiba-iba ng kahulugan ng mga salitang magkakaugnay batay sa intensidad ng mga kahulugan. 31


Ipaliwanag sa mga mag-aaral na may mga salita silang ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na ipinahahayag. Maaaring ang pag-unawa ay ayon sa paraan ng pagpapahayag. Halimbawa, ang pahayag na nagpapasalamat. Mula sa impormal na pahayag tungo sa pormal na pahayag. Halimbawa: Pansinin ang pag-aayos ng mga salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag. Walang hanggan ang pasasalamat ko. Hindi ko maipahayag ang pasasalamat ko. Lubos akong nagpapasalamat. Maraming salamat. TY.

4. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng gamit nito (level of formality). May mga salitang ginagamit sa mga pormal, di-pormal, at neutral na kalagayan. Pormal katoto kaanib kapanalig

Di-pormal kabagang kakasa utol

Neutral kaibigan kasama

5. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa punong salita o paksa (classification) Halimbawa: Punungkahoy nara kamagong mahogany

32

Bungangkahoy mangga santol bayabas

Halamang-ugat gabi ube balinghoy

6. Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o ideya (association o word network). Ang mga salitang nauugnay sa isang paksa o bagay ay naaayon sa karanasan o nakaraang kaalaman ng mga mag-aaral. Halimbawa: Magbigay ng mga salitang ina kaugnay ng ina. 7. Paglinang ng salita sa tulong ng analohiya (analogy) Ang pagkuha ng konsepto ng kahulugan ng salita ay maaaring sa pamamagitan ng analohiya o paghahambing ng dalawang magkatulad na pag-uugnayan. Halimbawa: buto : aso : : bulaklak : paruparo Dapat tandaan na ang tutuldok(:) ay kumakatawan sa katagang sa at ang dalawang tutuldok (::) ay kumakatawan sa pariralang tulad o katulad ng o kaya ganito kung babasahin ang halimbawa. “Ang buto ay sa aso katulad ng bulaklak ay sa paruparo.� Halimbawa: Kasanayan: Nalilinang ang kahulugan ng salita sa tulong ng analohiya Panuto: Basahin ang bawat paghahambing. Lagyan ng wastong salita ang patlang na kasama sa analohiya. 1. guro : paaralan : : doktor : _________________ 2. inhinyero : daan : : arkitekto : ______________ 3. reporter : balita : : editor : __________________ 8. Denotasyon (aktwal o kahulugang pandiksyunaryo) at konotasyon (kahulugang ipinahihiwatig depende sa konteksto ng pangungusap; maaari ring kultural na kahulugan)


Halimbawa: Kasanayan: Naibibigay/Nakikilala ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng salita Panuto: Piliin ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng salita. 1. Napakalikot ng batang g iyan. (paslit) 2. Bata ka pa kaya di ka pa dapat manligaw. (di pa matanda) 3. Totoo bang bata a siya ng Tsino? (kasintahan) 9. Pamaraang Cloze Pagkuha ng kahulugan sa pamamagitan ng pagpupuno ng isang discourse sa tulong ng mga pahiwatig o clues na maaaring sintaktik (batay sa anyo o kayarian/estruktura ng mga salita o pangungusap) o kaya’y semantik (ayon sa kahulugan). Sa paggamit nito, hindi binabago ang unang pangungusap upang magkaroon ng kumpletong teksto. Sa susunod na mga pangungusap, nilalagyan ng patlang para sa panlima o pampitong salita. Pupunuin ang bawat patlang na ito ng salitang aangkop sa pangungusap, depende sa estruktural o semantik na pahiwatig. Kadalasang nangangailangan ito ng kahusayan sa gramatika. Halimbawa: Panuto: Punuan ng angkop na salita ang patlang. Kinikilala ang Filipino bilang mabisang wika ng pagtuturo at pagkatuto. Bilang opisyal na wikang panturo, ginagamit 1. __________ Filipino sa pagtuturo at pag-aaral. 2. __________ ibang disiplina ng kaalaman at sa 3. __________ antas ng edukasyon. Layunin nito na 4. __________ pagkatuto ng mga mag-aaral, maiangat 5. __________ antas ng literasi ng taong bayan. 6. ___________ malinang na rin ang mga pagpapahalagang 7. ___________ .

D. Paggamit ng Diksyunaryo Ang isang mag-aaral na nakagagamit ng diksyunaryo sa pag-alam ng kahulugan ng isang salita ay malamang na mapauunlad din ang sariling imbakan ng mga talasalitaan. Magagamit din niya ang diksyunaryo sa paglilinaw ng ilang kaalaman tungkol sa isang salita gaya ng bahagi ng pananalita, wastong bigkas, wastong baybay, o di kaya’y ang pinagmulan ng salita. Halimbawa: Kasanayan: Nagagamit ang diksyunaryo para sa wastong kahulugan Panuto: Hanapin sa diksyunaryo ang kahulugan ng sumusunod na mga salita. 1. kalihim = __________________________ 2. moralidad = ______________________ E. Pagsagot sa Crossword Puzzle Ang pagsagot sa crossword puzzle ay nakatutulong sa pagpapalawak ng talasalitaan. Halimbawa: Panuto: Hanapin sa puzzle ang kasingkahulugan ng sumusunod na mga salita. 1. matulin 4. papunta 7. kapos 2. marahan 5. mabisa 8. problema 3. usyoso 6. aliw a m m p g a l w

s a b a m n i e

u b a t a x b p

l a g u b x a e

i g o n i x n k

r a y g l g g t

a l o o i a a i

n u s i s a n b

i e e w e n i o

n p v s l g n g

k u l a n g n o

33


BALANSENG PROGRAMA SA PAGBASA Debelopmental na Pagbasa (Developmental Reading)

Kahandaan sa Pagbasa (Reading Readiness)

Panimulang Pagpapalawak Malawakang Agham, Pagbasa ng Kakayahan Pagbabasa at Pang(Beginning at Mabilis na Pagpapapino kalusugan Reading) Pag-unlad sa (Refinement (Science, Pagbasa of Wide Health) (Period of Reading) Rapid Growth) Bokabularyo

Komprehensyon o Pag-unawa

• • • • • • •

Paggamit ng Kasingkahulugan Paggamit ng Kasalungat na Kahulugan Pagbibigay ng Katuturan Pagbibigay ng Matatalinghagang Salita Paglinang ng Salita sa Tulong ng Analohiya Denotasyon/Konotasyon Pagsusuring Pangkayarian – salitang-ugat – paglalapi – tambalang salita • Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay-kahulugan (Context Clues)

Pagkilala sa mga bahagi ng aklat

34

Pangksyunal na Pagbasa (Functional Reading)

Paggamit ng talaan ng nilalaman, glosari, at indeks

Paggamit ng diksyunaryo

Pagbabasang Pang-aliwan at Pangkasiyahan (Recreatory Reading)

Matematika Araling (MathePanlipunan matics) (Social Studies)

Kasanayan sa Pag-aaral

• Pagkakaroon ng malawak na talasalitaan • Pagkuha ng mahalaga at pangunahing kaisipan • Pag-aalaala ng mga mumunting detalye • Pagsunod sa nakalimbag na panuto • Pagsasaayos sa wastong pagkakasunudsunod ng mga pangyayari • Pagsagot sa mga tiyak na tanong • Paghinuha ng katuturan at pagpapakahulugan • Pagkuha ng pangkalahatang impresyon • Paghinuha at paghula sa maaaring kalabasan • Pagbubuod

Paggamit ng Dewey Decimal

Panlunas na Pagbabasa (Corrective or Remedial Reading)

Sining, Literatura, Industriya, at Musika, Sining, Teknolohiya Edukasyong (T.H.E.) Pagpapahalaga, Pagkukwento, Sabayang Bigkas

Ito ay laan sa mababagal bumasa, hindi makabasa, o may mga depekto sa pagbabasa.

Pagpapahalagang Literari

Pagkukwento Sabayang Bigkas Chamber Theater Readers Theater Tone Mood Rhyme Rhythm

Jazz Chant/ Rapping, Finger Play

Pagpapahalaga sa tula, awiting-bayan, kwentong-bayan, epiko, maikling kwento, anekdota, bugtong, mga biro, at iba pa

Paggamit ng Paggamit ng Paggamit Interpretasyon Paggamit silid-aklatan, kard katang mga ng mga mapa, ng mapang ensaylog, kard ng magasin at talaan, grap, konsepto, klopedia, pamagat, dyaryo tsart, dayahabing semanalmanac kard ng gram tika, story map paksa, kard ng may-akda

Role Play Pantomime

Creating rhymes, poems, parodies

Pagkuha ng tala, pagbabalangkas, pag-oorganisa, pagbubuod

* Halaw sa DepED Chart


ANG PAGTUTURO NG PAGSULAT I.

Panimula Ang pagsulat, katulad ng pagbasa, ayon kay Lalunio (1996), ay isang masalimuot na prosesong pangwika na may konstruksyon, analisis, interpretasyong komunikasyon ng mga ideya. Sa gawaing pagsulat, kailangan ang dating kaalaman, karanasan, paniniwala, at saloobin sapagkat sa daigdig at maging sa kapaligiran ng paaralan, sumusulat tayo sa iba’t ibang konteksto na may iba’t ibang layunin. Ang proseso at produktong nabuo ay nagpapakita ng tiyak na lugar, layunin, at mambabasa. Isang mahalagang bahagi ng pagkatutong sumulat at pagkatuto sa pamamagitan ng pagsulat ang paggawa nito na may iba’t ibang layunin at pagpili ng prosesong angkop sa layunin. Dahil dito, ang mag-aaral ay dapat mabigyan ng maraming pagkakataong makapagsulat para sa kanyang sarili, para sa mga guro, at iba pang mambabasa sa labas ng silid-aralan.

II.

Mga Yugto sa Pagsulat •

Kahandaan sa Pagsulat Ang kahandaan sa pagsulat ay karaniwang isinasagawa bago ang pormal na gawaing pagsulat ng mga mag-aaral o bago mag-aral. Sa dahilang ito, mahalagang tungkulin ng bawat magulang at mga guro ng preschool o kindergarten na isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mag-aaral. Panimulang Pagsulat Sa yugtong ito ng pagsulat, nagkakaroon ng panimulang kasanayan sa maayos na pagsulat nang palimbag at sa paggamit ng mga sangkap sa pagsulat. Sa yugtong ito ng pagsulat, karamihan sa gawain ay nakapokus sa mga gawaing pre-komunikatibo kung saan ang mga natutuhan ng mga mag-aaral ay mga mekaniks

at kondisyong mahalaga para sa epektibong pagsulat, pagbaybay, pagbabantas, at pagtatalataan. Binibigyang-diin din sa yugtong ito ang mga kaalaman sa iba’t ibang aspekto ng wika tulad ng balarila, talasalitaan, at pagbuo ng pangungusap na karaniwang napauunlad sa tulong ng mga input sa pakikinig at pagbasa. Ang sumusunod na mga hakbang ay kailangan sa pagtuturo ng pagsulat: 1. 2. 3. 4. 5. 6.

Pagpapakita ng modelo Pagsusuri ng modelo Pagpapagawa o pagpapasipi ng modelo sa papel Pagsasanay Pagsulat ng sariling likha o malayang pagsulat Paglalathala/Paglalahad/Pagdidispley ng natapos na likha 7. Panlinang na Pagsulat Ang panlinang na pagsulat ay kinapapalooban ng pagsulat ng isang salaysay at pagsulat sa iba’t ibang disiplina. Ang mga pagsasanay ay gagamitan ng sumusunod na mga paraan o estratehiya: 1. Kontroladong Pagsulat 2. Pinatnubayang Pagsulat 3. Malikhaing Pagsulat Mga kasanayan: 1. Nakasusulat ng mga pangungusap/talata tungkol sa karanasan kaugnay ng tunog na napakinggan 2. Nagagamit ang malaking titik sa pantanging ngalan, magagalang na katawagan, pagdiriwang, at simula ng pangungusap 3. Nakasusulat ng maikling balita o kwento 4. Nakasusulat ng isang talata tungkol sa isang paksa kaugnay ng pagpaparangal sa isang Pilipino 35


5. Nakasusulat ng maikling komposisyon na may 10-15 pangungusap 6. Nakasusulat ng balita tungkol sa mga pangyayaring pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan ng bansa 7. Nakasusulat ng pamaksang pangungusap 8. Nakasusulat ng sariling reaksyon sa binasang kwento 9. Naisusulat nang may wastong baybay ang mga salitang napakinggan 10. Nagagamit ang angkop na bantas sa pagsulat ng idinidiktang talata 11. Nagagamit nang wasto ang malalaking titik sa pagsulat ng idinidiktang talata 12. Natutukoy ang iba’t ibang liham pangkaibigan 13. Nakagagamit ng angkop na bantas sa mga liham 14. Nakasusulat ng sagot sa isang liham pangkaibigan 15. Nakasusulat ng isang reaksyon 16. N a k a s u s u l a t n g u s a p a n / d a y a l o g t u n g k o l sa isang paksa 17. Nakasusulat ng reaksyon o kolum o pitak na binasa •

36

Pinatnubayang Pagsulat Ang mga gawain sa pinatnubayang pagsulat ay tumatayong tulay sa pagitan ng kontrolado at malayang pagsulat. Higit ang input ng mga mag-aaral kaysa sa guro sa pinatnubayang pagsulat. Ang komposisyon ay batay sa tala o impormasyong inilahad sa talakayang pangklase. Ang mga hakbang sa pagsulat ng pinatnubayang komposisyon ay: 1. pagsulat mula sa mga patnubay na binuo ng klase; 2. pagsulat mula sa maikling tala; at

3. dikto-komposisyon mula sa mga liham, ulat, salaysay, artikulo, at mga talumpati. •

Malikhaing Pagsulat Ang malikhaing pagsulat ay nagsisimula sa pinatnubayan patungo sa malayang komposisyon at tumutugon sa ating mithiin/pangarap at maging sa sariling karanasan sa araw-araw na pangunahing hakbang sa pagkamalikhain. Halimbawa nito ay ang pagpapakahulugan sa isang bagay, pagsusuri, pagiging malikhain, at pagiging praktikal sa mga pangyayari sa ating buhay. Halimbawa: 1. Pagsulat ng Pansariling Impormasyon o Biodata 2. Pagsulat ng Dyornal o Talaarawan 3. Pagbuo/Paglikha ng Isang Tula 4. Pagbuo ng Tugma 5. Pagsulat ng Isang Dayalog 6. Pagsulat ng Liham 7. Pagsulat ng Interbyu o Panayam 8. Paggamit/Pagbuo ng Isang Kartun na Nagpapahayag ng Usapin o Mahalagang Isyu ng Bansa 9. Pagsulat ng Balangkas sa Paraang Plot Diagram ng Isang Kwento 10. Pagkuha ng Iba’t Ibang Tala Mula sa Panayam o Interbyu 11. Pagkuha ng Tala o Impormasyon 12. Wastong Sangkap ng Liham Pangangalakal 13. Paghahanda ng Ulat Pananaliksik 14. Pagsulat ng Talasanggunian (mga aklat)


III. Balanseng Programa sa Pagsulat sa Elementarya Handbuk sa Pagtuturo ng Pagsulat sa Filipino, Bookwise Publishing (2003) Pag-uri ng Manunulat Di-pormal • Pagkukwento • Komposisyong Pasalita • Pang-arawaraw na Palitang Kuro • Album ng Klase • Sanayang Aklat • Talaan Kaunlaran sa Pagbabaybay • Profile e sa Pagsulat • Dyornal/ Talaarawan

Pormal • Pagsulat ng Portfolio • Nakasusulat ng Komposisyon (Tahimik na Pagsulat) • Pagsusulit na Cloze • Nakalathalang mga Kwento at Lathalain • Sulatang papel ng mga Magaaral

Pagsulat sa Ibang Disiplina/Pagsulat na may Tiyak na Layunin

Panlinang na Pagsulat Dagliang Pagsulat

Kahandaan sa Pagsulat

• Pagsulat ng liham • Kamalayan sa • Kamalayan mga lathalain sa pagguhit • Pagguhit • Walang nang walang kamalayan pormat sa tunog • Pagguhit • Pagsulat na may ng sariling direksyon pangalan • Pagkukwento • Pagbakat ng • Pagkukwento titik at hugis ng ibang • Pag-uugnay kwento ng tuldok • Pagdikta ng pangungusap para iguhit • Isahan/ Pangkatang Pangwikang Nag-aaral Kwento Sumulat Nag-aaral Bumasa

Nagbabasa Upang Matuto

Higit na Mataas na Antas ng Pagsulat

Panimulang Pagsulat

• Pagsulat ng salita • Pagsulat • Pagsulat ng talatang ng bagong nagsasasalita at laysay at parirala • Pagsulat ng nagpapaliwanag payak na talata • Payak na kwento

Lubusang Kasanayan sa Pagsulat • Book Reports • Talambuhay • Talasanggunian • Pananaliksik • Sanaysay • Personal • Suring Basa • Suring Pelikula • Diary • Dyornal • Talumpati

Pagsulat na Teknikal

Pagsulat ng Liham

• Pagsulat ng • Pagsusuri mga Ulat ng Liham Pang• Pananaliksik kaibigan • Proposal • Panga• Kuresponngalakal densya • Feasibility Study • Experiment • Kasanayan sa Paggamit ng Kompyuter • Pagsulat ng Akda

Malikhaing Pagsulat • Sanaysay • Dula • Tula/Berso • Dayalog • Pamamahayag • Pagsulat ng Balita • Lathalain • Pangulong Tudling • Kartun • Pabula • Maikling Kwento

Pagtataya • Pagsusulit na Formative • Pagsusulit na Summative • Taunang Pagsusulit • Pagdidikta • Bahabahaging Pagtataya • Pagsulat ng Portfolio • Pagsusulit na Cloze • Pagsulat ng Komposisyon

Panlunas o Pangwastong Pagsulat • Pagsusuri • Interbensyon • Pagtataya

Dulog Proseso sa Pagsulat Sumusulat Upang Matuto

Huwarang Pagsulat (Guro) • Proseso • Uri ng Pagsulat • Paraan ng Pagpapahayag • Pagsasalaysay – Nagpapaliwanag – Naglalarawan • Argumentatib

Palatandaang Graphophonic Sintaktik Semantik Modelo/ Huwarang Pagsulat

Sama-samang Pagsulat (Guro at Mag-aaral) • Karanasang Pangwika

Pinatnubayang Pagsulat Pag-iisip

Malayang Pagsulat Pagkilala sa Istilo ng Pagsulat

Pagpapaunlad ng Sining ng Pagsulat

Pagbubuo ng Mithiin

Pagwawasto at Paglalathala

• Pagpili ng Paksa

• Pagpapakinis

• Pagkilala sa Tagapakinig

• Pakikipanayam

• Pagkilala, Pagpili, at Pagkuha ng Impormasyon

• Paglalathala

• Angkop na mga Dokumento

Inaasahang Bunga

37


• MGA BANGHAY-ARALIN IKAAPAT NA BAITANG ARALIN

1

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan

I.

Pakikinig

Pagsasalita

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng: * Dating Kaalaman * Puzzle * Ugnayang Tanong at Sagot

Paggamit ng: * Cued Dialogue * Data Information Chart

Paggamit ng: * Dating Kaalaman * Ugnayang Tanong at Sagot * Graphic Organizer (Cue Card) * Information Retrieval Chart

Paggamit ng: * Biswal/ Larawan * Modelo * Scoring Rubric

LAYUNIN A. Pakikinig • Natutukoy sa mga salitang napakinggan ang nagbababala at nagpapahiwatig B. Pagsasalita • Nauuri-uri ang mga pangungusap ayon sa gamit: pasalaysay, patanong, pautos, padamdam, at ayon sa kayarian: payak, tambalan, at hugnayan

38

C. Pagbasa • Nabibigyang-kahulugang literal ang mga tambalan at matatalinghagang salita • Naibibigay ang mga katangian ng tauhan sa tulong ng mga detalye D. Pagsulat • Nagagamit ang iba’t ibang bantas sa pangungusap: tuldok (.), tandang pananong (?), at tandang panamdam (!) II. PAKSANG ARALIN A. Pagtukoy sa mga Salitang Nagbababala at Nagpapahiwatig B. Pagsusuri sa mga Pangungusap Ayon sa Gamit C. Ang Pusa: Isang Alamat • Pagbibigay-kahulugang Literal sa mga Tambalang Salita at Matatalinghagang Salita • Pagbibigay nang Malinaw ng Mahahalagang Detalye ng mga Katangian ng Tauhan D. Paggamit ng Iba’t Ibang Bantas sa Pangungusap Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga panitikan/ babasahing Filipino


Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikaapat na Baitang; sipi ng alamat; plaskard ng mga tambalan at matatalinghagang salita III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig Lunsaran sa Pakikinig at Pagbasa Ang Pusa: Isang Alamat May nakita na ba kayong pusang nagsasalita? Noong unang panahon ay may isang napakagandang prinsesa. Marami siyang manliligaw o naniningalang pugad mula sa iba’t ibang kaharian. Hirap na hirap na ang mga manliligaw niya. Hindi nila malaman ang gagawin upang maging marapat sa pagtatangi ng dalaga. “Prinsesa Alindog, sa ayaw at sa gusto mo’y babagsak ka sa mga kamay ko. Ibig kong malaman mo na wala akong nagustuhan na hindi ko nakuha,” nagbabantang sabi ni Prinsipe Baldo. “Hindi magtatagal at magiging akin ka. Magiging akin ka!” Kinabukasan, sa pamamasyal ng prinsesa sa hardin ay may nakita siyang isang pusa. “Magandang umaga po, mahal na Prinsesa Alindog.” “Pusa na nagsasalita! At alam mo’ng pangalan ko!” nagtatakang sabi ng prinsesa. “Sa harap po ng isang kagandahang tulad ninyo, maging bato ay makapagsasalita,” tugon ng pusa. “At kaysarap mo pang mangusap!” “Kung magiging marapat po’y may hihilingin sana ako sa iyo, Prinsesa Alindog.”

“Ano ang hiling mo, kaibigang pusa?” “Sana po’y pahintulutan ninyo akong makasunud-sunod sa inyong mga paglakad-lakad. Ang intensyon ko po’y mapangalagaan kayo, kamahalan. “Oo, kaibigang pusa, at salamat sa iyong pagmamalasakit.” Ngunit ibig matawa ng prinsesa pagkat naisip niya na maipagtatanggol ba siya ng isang pusa? Isang dapithapon, pauwi na ang prinsesa at ang dalawang alalay niyang babae, nang bigla silang harangin ng dalawang tulisan. Pinagsasampal ng dalawang tulisan ang dalawang alalay ng prinsesa. Nawalan ng malay ang mga iyon at kapwa napahandusay. At noong susunggaban ng dalawang tulisan si Prinsesa Alindog ay biglang sumulpot ang pusa. Pinagkakakalmot at pinagkakakagat ng pusa ang mukha at mata ng dalawang tulisan, hanggang sa ang mga iyon ay nagtakbuhan. Noon, lumantad si Prinsipe Baldo mula sa pinagkukublihang malaking punungkahoy. “Prinsesa Alindog, natatandaan mo ba ang sinabi ko noon sa iyo, na ikaw ay magiging akin?” tanong ni Prinsipe Baldo. “Ako ang sasagot! Si Prinsesa Alindog ay hindi magiging iyo!” ang sabi ng pusa. “Isang pusa na nagsasalita!” Ano ang magagawa ng isang maliit na pusa sa harap ng isang magilas at matapang na prinsipeng tulad ko!” wika ni Prinsipe Baldo. “Baldo, kilala kita,” ang sabi ng pusa. “Ikaw ay di-tunay na prinsipe. Doon sa lugar ninyo, ikaw ay isang kilabot na tulisan, magnanakaw, at mamamatay tao. Ang dalawang kasamahan mong nagsitakbo ay mga tulisan ding tulad mo.” “Bumunot ng espada si Baldo at inulos ng taga ang pusa. Ngunit higit na mabilis ang pusa. Nalundag agad

39


niyon si Baldo at nakalmot sa dalawang mata. Lumuwa ang dalawang mata ni Baldo, umagos ang dugo. Nagsisisigaw na tumakbo nang walang direksyon, kaya nahulog sa bangin si Baldo. Nagpasalamat ang prinsesa sa pusa. Tuwang-tuwa siya at sa laki ng kagalakan ay niyakap niya at hinagkan ang pusa. Aba! Himala ang naganap! Ang pusa ay untiunting naging tao! Naging isang makisig na prinsipe at magandang lalaki! “Salamat, Prinsesa Alindog. Ang tamis ng iyong halik ang nagpalaya sa akin sa sumpa ng engkanto,” nakangiting sambit ng napakakisig na binata. “Pag-utusan po ninyong muli... ako po si Prinsipe Magiting.”

Ito ang alamat o kwentong-bayan na ang paglalapat ng wakas ay ipinauubaya na namin sa inyo. A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman * Pagsagot sa Puzzle Mga tanong na sasagutin: 1.

2.

2.

Pahalang 1. babaing kabilang sa maharlikang angkan o anak ng isang hari 2. tuwa Pababa 1. hayop na karaniwang inaalagaan sa tahanan na namumuksa ng mga daga 2. handog

40

Pagpapayaman ng Talasalitaan Pagbibigay ng salitang tinutukoy ng katuturan. Piliin ang salitang tinutukoy ng mga pahayag: huwad

umaatungal

engkanto

1. hindi totoo; hindi orihinal 2. malakas na iyak na parang hayop •

Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Pagbibigay sa mga mag-aaral ng pamantayan sa pakikinig.

Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig * Paggamit ng Ugnayang Tanong at Sagot Sasabihin sa mga mag-aaral na may mga tanong silang sasagutin pagkatapos makinig. Ang mga tanong ay makikita sa mga kwadro. K1 — Tagpuan

K2 — Tauhan

1. Saan naganap ang kwento?

1. Sinu-sino ang tauhan?

2. Kailan naganap ang kwento?

2. Anu-ano ang katangian ng mga tauhan?

K3 — Banghay

K4 — Wakas

Anu-ano ang pangyayari sa kwento?

Paano nagwakas ang kwento?


B. Habang Nakikinig Pagtatala ng mahahalagang impormasyong narinig sa kwentong pinakinggan. C. Pagkatapos Makinig Paglalahad ng bawat pangkat ng kasagutan sa mga tanong na nasa bawat kahon. Pagtukoy sa mga salitang napakinggan na nagbababala at nagpapahiwatig. Tukuyin kung nagbababala o nagpapahiwatig ang napakinggang salita/parirala/pangungusap. 1. Sa ayaw at sa gusto mo’y susundin mo ang aming mga payo. 2. Ibig kong malaman mo na wala akong nagustuhan kung hindi ang kabutihan ninyo. 3. Magiging akin ang pusang iyan! 4. Sana po’y pahintulutan ninyo akong makasunudsunod sa inyong mga paglakad-lakad. 5. M a p a p a s a i y o a n g p u s a k u n g m a g - a a r a l kang mabuti. (Dagdagan ang mga pagsasanay.) IV. PAGTATAYA Panuto: Suriin kung ang sumusunod na iparirinig ng guro ay nagbababala o nagpapahiwatig. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 1. 2. 3. 4. 5.

Bawal Kumaliwa Dito Tumawid Para sa mga may Kapansanan Panatilihing Malinis ang Kapaligiran Lumayo sa mga Gumagawa

V. TAKDANG-ARALIN Gumawa ng patalastas na nag-aanyaya sa mga mag-aaral na mag-alaga ng mga halaman. Gawain B — Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Cued Dialogue Ipasuri ang mga sinabi ng tauhan na nasa istrip ng kartolina. 1. “Prinsesa Alindog, sa ayaw at sa gusto mo’y babagsak ka sa mga kamay ko.” 2. “Ibig kong malaman mo na wala akong nagustuhan na hindi ko nakuha.” 3. “Pusa na nagsasalita! At alam mo ang pangalan ko!” 4. “Sa harap po ng isang kagandahang tulad ninyo, maging bato ay makapagsasalita.” 5. “Ano ang hiling mo, kaibigang pusa?” Pagtatanong kung ano ang mensahe ng bawat pahayag. B. Paglalahad May iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit: 1. Pasalaysay – Pangungusap na karaniwa’y nagkukwento o nagsasalaysay. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.). 2. Patanong – Pangungusap na nagtatanong. Nagtatapos ito sa bantas na tandang pananong (?). 3. Pautos – Pangungusap na nag-uutos o nakikiusap. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.) o kaya naman ay bantas na tandang pananong (?). 41


4. Padamdam – Pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin gaya ng pagkatakot, pagkabigla, tuwa, o matinding galit. Nagtatapos ito sa bantas na tandang panamdam (!). May iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa kayarian: 1. Payak – Binubuo ng isang kaisipan lamang. 2. Tambalan – Binubuo ng dalawa o higit pang payak na pangungusap. Pinag-uugnay ito ng mga pangatnig na at, o, ni, habang, samantala, ngunit, subalit, at iba pang kauri nito. 3. Hugnayan – Binubuo ng isang sugnay na makapagiisa at di-makapag-iisa. Ang sugnay na di-makapagiisa ay ginagamitan ng mga pangatnig na upang, dahil sa, sapagkat, kung, pag, kapag, at iba pang kauri nito. C. Paghahalaw Pagtatalakayan kung anu-ano ang ipinahahayag ng apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit. Pagpapasuri kung ang pangungusap ay payak, tambalan, o hugnayan. D. Paglalahat * Paggamit ng Data Information Chart Pagbubuod ng mga mag-aaral sa apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit. Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit Pasalaysay

42

Patanong

Pautos

Padamdam

E. Paglalapat Basahin nang may damdamin ang mga dayalog o pangungusap sa seleksyong “Ang Pusa: Isang Alamat.” F. Pagsasanay A. Uriin ang sumusunod na mga pangungusap ayon sa gamit. 1. Ang tumulong sa kapwa ay isang dakilang gawain. 2. Huwag ipagkait ang tulong sa kapwa. 3. Nahilo ba ang matandang lalaki dahil sa gutom? 4. Yeheey! Nanalo ako sa paligsahan! 5. Ano ang ginawa mo? B. Suriin kung ang sumusunod na mga pangungusap ay payak, tambalan, o hugnayan. Kumuha ng kapareha at maghalinhinan sa pagsagot. 1. Mapagtiis ang mga ninuno natin. 2. Nagsikap sila at nalagpasan ang kahirapan noong panahon ng giyera. 3. Nakahanda silang ipaglaban ang ating bayan kung lulusubin ng mga dayuhan. (Dagdagan pa ang pagsasanay.) IV. PAGTATAYA A. Lagyan ng wastong bantas ang sumusunod na mga pangungusap. Uriin ang mga ito ayon sa gamit. 1. Yeheey _____ Mamamasyal kami _____ 2. Gusto mo bang sumama _____ 3. Magsisimba muna tayo bago mamasyal _____ 4. Maghanda tayo ng mga babaunin sa parke _____ 5. Dalhin mo ang malaking bag _____


B. Isulat ang P sa patlang kung ang pangungusap ay payak, T kung tambalan, at H kung hugnayan.

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Ilahad ang plaskard ng mga salitang pusa p , tulisan, at p prinsesa . “Sila ang mga tauhan sa inyong pakikinggang kwento. Ano ang ibig ninyong malaman o itanong sa babasahing kwento?” Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangganyak na mga tanong.

Pagpapalawak ng Talasalitaan * Paggamit ng Graphic Organizer (Cue Cards) Ipabigay ang kahulugan ng mga sinalungguhitang salita sa pangungusap sa tulong ng pagsasaayos ng mga pantig na nasa plaskard.

_____ 1. Kung sasama ka, mag-ayos ka na. _____ 2. Kailangan mong magpaalam sa iyong mga magulang. _____ 3. Gumising ka nang maaga at tawagan mo kami sa telepono. _____ 4. Sabay-sabay na tayong aalis. _____ 5. Maaga tayong aalis upang maaga tayong makarating sa Antipolo City. V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng tigalawang halimbawa ng mga pangungusap ayon sa gamit at kayarian. Gawain C — Pagbasa A. Bago Bumasa •

Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman Iugnay ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbibigay-katuturan sa salawikaing, “Walang malaking nakapupuwing.” Papagbigayin ang mga mag-aaral ng paliwanag sa salawikaing ito. Itanong: “Ibig ba ninyong mapatunayan ang salawikaing tinalakay? Babasa tayo ng kwento kaugnay nito.”

1. “Baldo, kilala kita,” ang sabi ng pusa. “Ikaw ay di-tunay y na prinsipe.” wad

hu

2. Sa laki ng kagalakan g ng prinsesa, hinagkan niya ang pusa. si

han

ka

ya

3. Doon sa lugar ninyo, ikaw ay isang kilabot na tulisan. di

ban

do

4-5. Noon lumantad si Prinsipe Baldo mula sa p g pinagkukublihang g malaking punungkahoy. pa

ta

ki

nag

ta

pi

gu an

nag

ta

43


*

Paggamit ng Ugnayang Tanong at Sagot Sabihin sa mga mag-aaral na may mga tanong silang sasagutin tungkol sa kwento. Ang mga tanong ay makikita sa kwadro. K1 — Tagpuan

K2 — Mga Tauhan

Saan at kailan nangyari ang kwento?

Sinu-sino ang tauhan sa kwento? Anu-ano ang katayuan ng bawat isa?

K3 — Mahahalagang Pangyayari Ano ang mahahalagang pangyayari? 1. Unang Pangyayari 2. Ikalawang Pangyayari 3. Ikatlong Pangyayari

4. Ikaapat na Pangyayari 5. Huling Pangyayari

Pagtatakda ng Pamantayan Pagpapabigay ng pamantayan sa pagbasa nang pabigkas. B. Habang Bumabasa Pagbasa ng kwento at pagsagot sa mga tanong. K1 — Tagpuan

K2 — Mga Tauhan

________________________

Ang mga tauhan ng kwento at ang kanilang mga katangian ay ang sumusunod:

________________________

1. __________________

________________________

2. __________________

Ang kwento ay nangyari sa ________________________

3. __________________

44

C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa 1. Paglalahad ng mga mag-aaral tungkol sa balangkas ng kwento. 2. Pagsagot sa pangganyak na mga tanong. Pagbibigay ng literal na kahulugan ng mga tambalang salita at matatalinghagang salita. May mga tambalang salita na taglay ang kahulugan ng dalawang salita. Gitling ang ipinapalit sa mga kataga o nawawala sa dalawang salita. May mga tambalang salita na nananatili ang literal na kahulugan ng bawat salita. Hindi na ito ginagamitan ng gitling. Halimbawa: luksong-tinik (isang laro na parang lumulukso sa tinik) Mayroon namang tambalang salita na may matalinghagang kahulugan. Halimbawa:

taingang-kawali (nagbibingi-bingihan)

Basahin ang salita sa hanay A. Hanapin ang maaaring itambal dito sa hanay B upang makabuo ng tambalang salita. Ibigay ang kahulugan ng bawat isa at gamitin sa pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel. 1. 2. 3. 4. 5.

A kwentong naniningalang kapit dapit tubong

a. b. c. d. e.

B hapon bisig bayan lugaw pugad


Pag-unawa Pagtukoy ng mga detalye ng katangian ng tauhan sa kwento. Nasusukat ang lubos na pagkaunawa sa anumang binasa kapag natutugunan ang mga batayang katanungan. Sa tulong ng mga pananong na Sino, Kailan, Saan, Ano, Alin, at Bakit, natutukoy ang mga detalye sa binasang akda. Sa tulong ng pagsusuri sa sinabi o ginawa ng tauhan, natutukoy ang kanilang katangian. Basahing muli ang kwento. Punan ang tsart ng katangian ng tauhang binanggit sa kwento. Gawin sa sagutang papel. Mga Tauhan

Katangian

1. Prinsesa Alindog 2. Prinsipe Baldo 3. Prinsipe Makisig

Pagpapahalaga Itanong: 1. Bakit dapat pahalagahan ang sariling panitikan? 2. Paano mo ito pahahalagahan?

Ang Alamat ng Lawa ng Sampalok Noong unang panahon, sa bayan ng Sampalok na ngayon ay San Pablo ay may malawak na bakuran ang mag-asawang Mang Pedro at Aling Maria. May puno ng sampalok na napakatamis ang bunga sa looban nina Mang Pedro. Isang araw, may matandang lalaki ang nagmamakaawang humingi ng bunga ng sampalok. “Ipanggagamot ko po ang bunga ng sampalok sa apo kong may sakit,” wika ng matanda. “Mahirap po kami at wala akong pambili ng gamot.” Galit na galit si Mang Pedro sa matanda at sinabi ang ganito, “Layas hampaslupa! Hindi ko ipinamimigay ang bunga ng aming sampalok.” “Ito’y aming ipinagbibili,” bulyaw ng masungit na si Aling Maria. Kinagabihan, bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ang malakas na hangin at kulog. Magdamag ang pag-ulan. Kinaumagahan, ang malawak na bakuran nina Mang Pedro ay lumubog at naging lawa. Ang lawa ay hugis buto ng sampalok. Mula noon, tinawag itong Lawa ng Sampalok.

Mga Tauhan ng Kwento

Mga Katangian

IV. PAGTATAYA *

Paggamit ng Information Retrieval Chart Basahin ang kasunod na alamat at ibigay ang katangian ng tauhan. Isulat ang inyong sagot sa angkop na kolum ng tsart.

45


V. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng mga kwentong-bayan. Kilalanin at suriin ang katangian ng bawat tauhan nito. Itala ito sa tsart. Mga Tauhan ng Kwento

Mga Katangian

Gawain D — Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda * Paggamit ng Biswal/Larawan Pagpapakita ng larawan ng mga taong namamasyal sa parke o zoo. Papagbigayin ang mga mag-aaral ng mga pangungusap tungkol sa larawan. Ipasulat ang mga ito sa pisara. 2. Paglalahad * Paggamit ng Modelo Pagsusuri sa mga pangungusap na nakasulat sa pisara. Itanong: “Paano sinisimulan ang pangungusap? Paano nagtatapos o anong bantas ang ginagamit sa pangungusap na pasalaysay, patanong, pautos, at padamdam?”

46

(A) Pangungusap ayon sa gamit: 1. Kayganda ng umaga! 2. Bakit maganda ang umaga? 3. Ipaliwanag mo kung bakit maganda ang umaga. 4. Maganda ang umaga kapag sumisikat ang araw. (B) Pangungusap ayon sa kayarian: 1. Maganda ang talakayan ng mga mag-aaral. 2. Pinag-usapan ng mga mag-aaral na lalaki ang tungkol sa dalawang uri ng panahon samantalang tinalakay ng mga mag-aaral na babae ang tungkol sa mga produktong inaani sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. 3. Natutuwa si Bb. Cruz sa kanyang matatalinong mag-aaral dahil sa kakayahan nilang magsaliksik ng kanilang aralin. Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagsusuri ng bawat pangungusap ayon sa gamit (A) at ayon sa kayarian (B). 1. Saan nagsimula ang mga pangungusap? 2. Sa anong bantas nagtapos ang bawat uri ng pangungusap? 3. Ano ang bumubuo sa pangungusap na payak? tambalan? hugnayan? B. Habang Sumusulat Pagpapaalala sa mga tuntunin sa pagsulat ng mga uri ng pangungusap ayon sa gamit at ayon sa kayarian. Pagsulat ng sariling pangungusap (likha).


C. Pagkatapos Sumulat Paglalathala ng isinulat na mga pangungusap. *

Paggamit ng Scoring Rubric Pagsusuri sa pamamagitan ng scoring rubric.

ARALIN

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan

Mga tanong: 1. Sinimulan ba ang mga pangungusap sa malaking titik? 2. Ginamit ba ang bantas na tuldok (.) sa pangungusap na pasalaysay at pautos, bantas na tandang pananong (?) sa pagtatanong, at bantas na tandang panamdam (!) sa matinding damdamin? 3. Wasto ba ang pagkakabuo ng bawat uri ng pangungusap ayon sa kayarian?

Sumulat ng dayalog na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng pangungusap. Pumili ng paksa sa ibaba. 1. Pagtanggap sa Panauhin 2. Pagsama sa Educational Trip

Pagsasalita

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Cooperative Learning

* Pagsagot sa Puzzle

* Dating Kaalaman

* Clusterr Chart

* Venn Diagram

* Tsart ng Impresyon sa Kwento

* Modelong Talata

* Pinatnubayang Pakikinig at Kritikal na Pag-iisip

Isulat na muli ang pangungusap sa bawat bilang. Lagyan ito ng wastong bantas sa hulihan. Gawin sa sagutang papel.

V. TAKDANG-ARALIN

Pakikinig

* Cue Cards

IV. PAGTATAYA

1. May maitutulong ba tayo sa kanila 2. Sino ang gustong sumama sa akin 3. K a i l a n g a n g m a g - i s i p t a y o n g p a r a a n u p a n g matulungan sila 4. Ipadama natin ang pagmamahal sa iba 5. Naku, natutuwa ako na makapagtatrabaho na silang muli

2

* Biswal – Lathalain sa Magasin * Graphic Organizer

* Cooperative Learning

I.

LAYUNIN A. Pakikinig • Natutukoy ang konteksto sa isang usapang napakinggan – Sino ang nag-uusap? – Papel na ginagampanan – Kailan at saan nag-uusap? – Layunin at paksa ng usapan 47


B. Pagsasalita • Napag-uuri-uri ang pangngalan kung kongkreto o di-kongkreto C. Pagbasa • Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigaykahulugan ng salita at parirala • Natutukoy ang mga pamaksang pangungusap D. Pagsulat • Nakasusulat ng mga pangunahing detalyeng sumusuporta sa pangunahing paksa II. PAKSANG ARALIN A. Pagtukoy sa Konteksto sa Isang Usapang Napakinggan B. Pag-uuri ng Pangngalan kung Kongkreto o Di-kongkreto C. Dagohoy – Tagapagpalaya ng Bohol •

Paggamit ng Dating Kaalaman sa Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita/Parirala

Pagtukoy ng Pamaksang Pangungusap

D. Pagsulat ng Pangunahing Detalye Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kabayanihang ginawa ng mga Pilipino

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikaapat na Baitang; plaskard ng mga pangngalang kongkreto at di-kongkreto 48

III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig Lunsaran sa Pakikinig

Ang Katipunan

Ipinasyal ni Barangay Chairman Jose Salud ang kanyang mga apo sa bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong unang araw ng Mayo. “Lolo, bakit po naging isa sa makasaysayang pook ang bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo?” ang tanong ni Julius. “May kwento tungkol diyan, Apo. Ganito iyon,” pagsisimula ni Lolo Jose. “ 1 Ang pagkabigo ng Kilusang Propaganda ang nagpaalab sa damdamin ng mga Pilipino na tuluyang ipaglaban ang kanilang mithiin. Ito rin ang nagbigay-daan sa pagkatatag ng katipunan.” Ang katipunang itinatag ni Andres Bonifacio ay isang lihim na samahang panghimagsikan. Layunin nitong pagisahin ang mga Pilipino at sama-samang labanan ang mga Español upang tapusin na ang kalupitan ng mga ito. Tinawag ang samahan na Katipunan.” 2

“Sinu-sino po ang kasapi ng Katipunan?” ang tanong ni Juvy. “3Maraming makabayang Pilipino ang sumapi sa samahan. Ilan sa mga naunang kasapi’y sina Emilio Jacinto, Pio Valenzuela, at Ladislao Diwa.” Unang naglaban ang mga sundalong Español at mga katipunero sa pamumuno ni Bonifacio sa San Juan, (na bahagi ngayon ng kalakhang Maynila) noong 4


ika-30 ng Agosto, 1896. Sumunod dito ang unang walong lalawigang naghimagsik laban sa mga Español – ang Maynila, Bulacan, Batangas, Cavite, Tarlac, Pampanga, Laguna, at Nueva Ecija.

Upang sugpuin ang himagsikan, gumamit ng dahas ang mga Español. Lahat ng pinaghihinalaang kalaban ay dinakip, ikinulong, at pinatay. Ang Cavite ang naging sentro ng himagsikan sa pamumuno ni Hen. Emilio Aguinaldo. Naging matagumpay ang mga labanang pinamumunuan niya. At noong Hunyo 12, 1898, ipinahayag ni Hen. Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa balkonahe ng kanyang bahay. Dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas.” 5

“Salamat po, Lolo Jose sa salaysay ninyo. Salamat din po at ipinasyal ninyo kami sa makasaysayang pook na ito,” ang sabi ni Julius. A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Cluster Chart Itanong: “Anu-ano ang alam ninyong mga salitang kaugnay ng salitang Katipunan p ? Isulat ito sa bawat maliliit na bilog.” Katipunan

Sabihin: “Isang sanaysay tungkol sa magkakaugnay na salita sa cluster chart ang iparirinig ko sa inyo.”

Pagpapayaman ng Talasalitaan * Paggamit ng Cue Cards Sabihin: “Gamitin ang inyong dating kaalaman sa pagbibigay ng kasingkahulugan ng sumusunod na mga salita. Gawin ito sa tulong ng pagsasaayos ng mga pantig. 1. nagpainit –

a

nag

raw

pa

2. samahan –

pi ka nan sa

3. kaanib –

sa ma ka

4. adhikain –

yu nin

5. pinangungunahan –

na pi nu mu an mu m

la

Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Sabihin: “Makinig nang mabuti at unawain ang pakikinggang teksto.”

Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig * Paggamit ng Pinatnubayang Pakikinig at Kritikal na Pag-iisip Pagtatalakayan/Pagsagot sa mga tanong pagkatapos maiparinig ang baha-bahagi ng teksto. Pagsasabi na may mga tanong silang sasagutin sa bawat bahaging pakikinggan.

B. Habang Nakikinig * Paggamit ng Cooperative Learning Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay sasagot sa itatakdang tanong. Unang Bahagi: Ano ang nagpaalab sa damdamin ng mga Pilipino upang tuluyang ipaglaban ang minimithing kalayaan?

49


Ikalawang Bahagi: Anong kapisanan ang lumaban sa mga Español? Ikatlong Bahagi: Sinu-sino ang naging kasapi ng samahan? Ikaapat na Bahagi: Saan at kailan unang naglaban ang mga katipunero at ang mga sundalong Español? Ikalimang Bahagi: Kailan at saan ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas? Sinong bayani ang namuno rito? C. Pagkatapos Makinig Pagtukoy ng konteksto ng usapang pinakinggan. Ipabasa ang tanong sa bawat bahaging pinakinggan ng mga mag-aaral. Ipasagot sa pangkat na nakatakdang sumagot ng tanong. 1. Sinu-sino ang nag-uusap? 2. Ano ang papel na ginagampanan ni Lolo Jose? 3. Saan at kailan nag-usap si Lolo Jose at ang kanyang mga apo? 4. Ano ang paksa ng usapan? 5. Ano ang layunin ng pagsasalaysay ni Lolo Jose? IV. PAGTATAYA Panuto: Pakinggang mabuti ang usapan. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. 2. 3. 4. 5. 50

Sinu-sino ang nag-uusap? Ano ang papel na ginagampanan ng nag-uusap? Saan at kailan nag-usap? Ano ang paksa ng usapan? Ano ang layunin ng pagsasalaysay?

Sa silid-aralan ng Ikaapat na Baitang, Pangkat Sampagita. MAG-AARAL: Ano po ba ang ibig sabihin ng pamahalaang demokratiko? GURO:

Ang pamahalaang demokratiko ay ang pamahalaang may kalayaan sa pamumuhay.

MAG - AARAL :

Ano po ba ang demokratikong pamu-

muhay? GURO: Sa isang demokratikong pamumuhay, kinikilala

ang kadakilaan ng isang tao at maaari siyang magpahayag ng kanyang pananaw na kaugnay ng kanyang kuru-kuro. MAG-AARAL:

Mapalad po pala ang Pilipinas dahil may demokrasya tayo.

V. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng mga tekstong may usapan. Suriin o tukuyin kung — Sinu-sino ang nag-uusap?; Ano ang papel na ginagampanan ng nag-uusap?; Saan at kailan nag-usap?; at Ano ang layunin ng usapan? Gawain B — Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Cooperative Learning Pagbabalik-aral sa pangngalang pambalana at pantangi. Pagpapangkat-pangkat ng mga mag-aaral nang limahan. Pagbibigay ng sipi ng talata ng akdang pinakinggan sa bawat pangkat. Halimbawa: Tatanggap ng sipi ng Talata I – ang Pangkat I; Talata II ang Pangkat II.


Pagpapangkat ng mga pangngalang nakikita, nahahawakan at nabibilang, at mga pangngalang di-nakikita. Pagpapasulat sa tsart ng mga pangngalan. Pangkat

Pangngalang Nakikita

Pangngalang Di-nakikita

I II

Di-kongkreto – Ang pangngalang tumutukoy sa kalagayan, mga kaisipan, o damdamin. Halimbawa: kaligayahan, pag-ibig C. Paghahalaw 1. Pangatwiranan kung bakit ang sumusunod na mga pangngalan ay kongkreto: Pilipino p , Andres Bonifacio 2. Pangatwiranan kung bakit ang sumusunod na mga pangngalan ay di-kongkreto: pagkabigo p g g , kalupitan p D. Paglalahat

III

Pagtatanong ng pagkakaiba ng pangngalang kongkreto at di-kongkreto.

IV V

B. Paglalahad * Paggamit ng Venn Diagram Pagpapakilala ng pangngalang kongkreto at di-kongkreto.

Kongkreto

Dalawang Uri ng Pangngalan

Di-kongkreto

Dalawang Uri ng Pangngalan Kongkreto – Ang pangngalang nahahawakan, nabibilang, at nailalarawan. Halimbawa: tao, lapis, puno

E. Paglalapat Pagsusuri kung kongkreto o di-kongkreto ang sumusunod na mga pangngalan. 1. kapayapaan 4. Hapones 2. digmaan 5. gerilya 3. pagawaan 6. komunikasyon F. Pagsasanay * Paggamit ng Biswal (Lathalain sa Magasin) Basahin ang seleksyon. Pumili ng limang pangngalang kongkreto at limang pangngalang di-kongkreto. Itala ito sa inyong sulatang papel. Pagkamaginoo Isang ipinagmamalaking katangian ng mga Pilipino ang pagkamaginoo. Malawak ang nasasaklaw nito, tulad ng paggalang, pakikipagkapwa-tao, pagiging mapagbigay, at iba pa. Noon pa mang unang panahon, taglay na natin ang

51


V. TAKDANG-ARALIN katangiang ito, lalo na ng mga kalalakihan. Nagpasalin-salin ang pagkamaginoo sa bawat henerasyon ng lahing Pilipino. Kabilang sa pagkamaginoo ang paggalang sa matatandang babae at lalaki. Kung paano pinag-uukulan ng paggalang at pinagbibigyan ang kababaihan, gayundin ang dapat gawin sa matatanda saanman at kailanman dito sa ating bansa. Isa itong katangiang ikinaiba ng mga Pilipino sa ibang lahi na dapat nating ipagmalaki at ipagkapuri.

IV. PAGTATAYA

*

Paggamit ng Graphic Organizer Bumuo ng pangngalang di-kongkreto sa pamamagitan ng paglalapi ng salitang-ugat. Salitang-ugat 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

Isulat sa patlang kung kongkreto o di-kongkreto ang g pangngalang may salungguhit sa bawat pangungusap. _____ 1. _____ 2.

Ang mga mamamayan y ay nasiyahan sa nakamit nilang kalayaan.

_____ 4.

Dumalaw sa pasyente p y ang kanyang mga kaibigan.

_____ 5.

Gumaan ang pakiramdam ng maysakit y .

_____ 6.

Nangatuwa ang mga kamag-anak g sa kasiglahan niya. Ang pamahalaan p ay maraming programang laan para sa mahihirap.

_____ 8.

Ang paggalang sa magulang g g ay isang magandang g kaugalian.

ka-/-an ka-/-an -in ka-/-an pagka-/-han pag-

Pangngalang Di-kongkreto 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa

Ang katapangan p g ay di lamang sa digmaan naipapakita.

_____ 3.

_____ 7.

52

Ang mga dayuhan y ay namangha sa magagandang tanawin ng Pilipinas.

bait tapat gawa dilim ibig ganda sama

Panlapi

Dagohoy: Tagapagpalaya ng Bohol Francisco Sendrijas ang tunay niyang pangalan ngunit nakilala siya bilang “Dagohoy.” Isinilang siya sa Inabanga, Bohol noong ikalabingwalong siglo. Tapat siyang katoliko sapagkat maliit pa lamang siya’y iminulat na siya ng kanyang mga magulang sa pagsamba sa Dakilang Lumikha. Isang pangyayari ang naganap na nagpasilakbo ng kanyang galit sa kalapastanganang dinanas ng kanyang kapatid sa kamay ng mga Español ay nag-aklas siya laban sa España noong 1744. Ito ang pagtanggi ng paring si Padre Gaspar Morales na bendisyunan ang kanyang kapatid na namatay sa pagtupad sa tungkulin. 2 Alagad ng batas ang kanyang kapatid na si Sagarino. Dahil sa tungkuling ito, siya ay naatasan ni Padre Gaspar 1


Morales, ang kura paroko ng Inabanga, na hulihin ang taong nangunguna sa kilusan laban sa mga prayle. 3 Namundok ang kanyang kapatid upang tupdin ang tungkulin nito. Ngunit hindi niya napasuko ang rebelde, sa halip, lumaban ito hanggang sa napatay ang kapatid ni Dagohoy. Nabalitaan niya ito, sumunod siya sa bundok at hinanap ang bangkay ng kapatid. Binuhat niya ang bangkay at ibinaba ng bundok upang mailibing man lang nang maayos. Subalit, tumanggi si Padre Morales na siya’y mabendisyunan sapagkat namatay raw ito sa duwelo. Sa tulong ng kanilang mga kababayan, nailibing ang bangkay kahit hindi ito nabasbasan. 4 Naghimagsik si Francisco laban sa mga Español. Sumiklab ang labanan. Naisipan nilang mamundok ng kanyang mga kababayan. Ang kweba ng Caylagon sa bayan ng Danao ang naging kuta nina Dagohoy. Doon nila pinag-aralan ang gagawing paglaban sa mga Español. Nang bumaba sila ng bundok, nilusob nila ang mga kaaway. Sa tagumpay nilang nakamit, naipaghiganti nila ang kamatayan ng kanyang kapatid. Simula noon, hinangad na nilang maging lupain ng malalayang tao ang Bohol.

Sagot: D A G O H O Y – (Ang kahulugan ng Dagohoy ay anting-anting.) •

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Bakit itinuring na pambansang bayani si Dagohoy?

Pagpapalawak ng Talasalitaan Pagpili sa loob ng kahon ng kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa bawat pangungusap. pi

suma

itinuro

Sino siya? Siya ang nanguna sa pinakamahaba at pinakamatagal na paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español na umabot nang 85 taon. Nagsimula ang nasabing paghihimagsik noong 1744 at natapos noong 1829.

pari ng p

arokya

1. Namatay siya sa pakikipagduwelo p p g .

Halaw: http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Dagohoy_Rebellion

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagpapatukoy ng sagot sa tulong ng puzzle.

ban

pagla

i pakik

2. Tumanggi ang kura p paroko na basbasan ang bangkay ng kapatid ni Dagohoy. 3. Iminulat ako ng aking mga magulang sa pagsamba sa Panginoon. •

Pagtatakda ng Pamantayan Pagpapabigay ng pamantayan sa pagbasa nang pabigkas. *

Paggamit ng Tsart ng Impresyon sa Kwento Sabihing magbubuod sila ng kwento sa tulong ng susing salita/parirala. (Ipakita ang Tsart ng Impresyon sa Kwento.) 53


Sumulat ng buod ng kwento na ginagamit ang lahat ng susing salita o parirala na isinulat ng isang pangkat. Susing Salita/Parirala

Pag-unawa Pagtukoy ng pamaksang pangungusap. Alinmang sanaysay o kwento ay binubuo ng mga talatang may paksang magkakaugnay. Bawat talata ay may pangungusap na naglalahad ng pangunahing paksa. Ito ay tinatawag na pamaksang pangungusap.

Buod ng Kwento

1. 2. 3. 4. 5.

Basahing muli ang unang talata ng seleksyon. 1. 2. 3. 4.

B. Habang Bumabasa Pagtatala ng mga susing salita/parirala. C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Pagsagot sa pangganyak na tanong. Pagbubuod ng kwento sa tulong ng mga susing salita o parirala. Susing Salita/Parirala

Buod ng Kwento

1. Tapat siyang Katoliko. 2. Subalit dahil sa kalapastanganan… (Ipagpatuloy)

Paggamit ng dating kaalaman sa pagbibigay ng kahulugan sa ibang salita o parirala. 1. namatay sa duwelo 2. naghimagsik laban sa Español 54

Ilang pangungusap ang bumubuo sa talata? Alin sa mga ito ang pamaksang pangungusap? Saang bahagi ng talata ito matatagpuan? Ibigay ang pamaksang pangungusap ng sumusunod na mga talata: a. Talata 2 – ____________________________ b. Talata 3 – ____________________________ c. Talata 4 – ____________________________

Pagpapahalaga: Itanong: “Paano mo pahahalagahan ang mga kabayanihang ipinakita ng mga Pilipino?”

IV. PAGTATAYA Ibigay ang pamaksang pangungusap ng kasunod na talata. Isulat sa sagutang papel. Walang gaanong nagawa ang mga tao dahil sa digmaan. Isinara ang malaking pagawaan. Marami sa mga Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay. Hawak ng mga Hapones ang industriya, gayundin ang transportasyon at komunikasyon sa Pilipinas. Isinara rin ang mga paaralan at ang mga mag-aaral ay napilitang manatili na lamang sa kanilang mga tahanan.


V. TAKDANG-ARALIN Ibigay ang pamaksang pangungusap ng kasunod na talata. Bata pa’y ipinamalas na niya ang kanyang pagiging lider. Hindi siya nasisiyahang maging isang tagasunod lamang. Sa pagtitipon ng mga batang kasinggulang niya, siya ang nagiging lider ng pangkat na kanilang binubuo.

Gawain D — Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagtatanong kung paano nakikilala ang pamaksang pangungusap. 2. Paglalahad Pagsulat ng mga pangunahing detalyeng sumusuporta sa pangunahing paksa o pamaksang pangungusap. Ilahad sa pisara ang modelong talata. Francisco Sendrijas Si Francisco Sendrijas ay mas lalong kilala sa tawag na Francisco Dagohoy. Pinaniniwalaang nagtataglay siya ng kakaibang “anting-anting” o “dagon.” Ito raw ang dahilan kung bakit hindi siya napapahamak. May kakayahan daw siyang tumalon mula sa isang bundok papunta sa kabila at tumalon sa ilog dahil taglay niya ang

“hoyohoy.” Siya ang nanguna sa pinakamahabang himagsikan ng mga Pilipino laban sa mga Español na umabot ng 85 taon.

Ang pangunahing paksa o pamaksang pangungusap ay ang huling pangungusap. Anu-ano naman ang pangungusap na nagsasabi ng mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing paksa? B. Habang Sumusulat Pagpapaliwanag ng mga tuntunin sa pagsulat ng detalyeng sumusuporta sa pangunahing paksa. 1. Isulat muna ang pangunahin o pamaksang pangungusap. 2. Pagsunud-sunurin ang mga detalye o mahahalagang pangyayari. Pamaksang Pangungusap: _____________________________ Ibang Detalye: _________________________________________ 1. _____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ 3. _____________________________________________________ Ilahad sa pisara ang isang talata tungkol sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr. Simbahan, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Eid’l Fitr Nakiisa ang Simbahang Katoliko sa pagbati sa mga kapatid nating Muslim sa pagtatapos ng Ramadan at pagdiriwang ng Eid’l Fitr. Sa pinalabas na mensahe

55


ARALIN ni Archbishop Angel Lagdameo, tagapangulo ng g Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sinabi niya na ang Ramadan ay panahon ng panalangin at pag-aayuno bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa tradisyon ng pagkakaisa at pagpapatawad.

3

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan

Isulat sa inyong sulatang papel ang pamaksang pangungusap at ang mga pangunahing detalye na sumusuporta sa pangunahing paksa.

Pakikinig

Pagsasalita

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaala- * Dating Kaala- * Dating Kaala- * Modelong man man man Liham * Puzzle/Cue Cards

C. Pagkatapos Sumulat Pagwawasto ng isinulat.

* Tri-Question Approach (TQA)

IV. PAGTATAYA Isulat ang pamaksang pangungusap at ang mga pangunahing detalye ng kasunod na talataan.

* Pangkatang Gawain

Narito ang ilan sa mga aklat na matatagpuan sa aklatan: ensayklopidya, diksyunaryo, mga magasin, at pahayagan o dyaryo.

V. TAKDANG-ARALIN Kumopya ng balita sa dyaryo. Isulat ang pamaksang pangungusap at iba pang detalye nito. 56

* Graphic Organizer (Fact Storming Web)

* Scoring Rubric/ Cooperative Checking

* Ugnayang Tanong at Sagot * Pangkatang Gawain

Sa iyong pag-aaral, nangangailangan ka ng iba-ibang aklat. Dapat mong malaman ang mga uri ng aklat na nagbibigay ng mga kinakailangang kaalaman. Ang bawat uri ng aklat ay nagbibigay sa iyo ng kaalaman at impormasyong tanging sa partikular na aklat lamang na iyon.

* Concept Map

I.

LAYUNIN A. Pakikinig • Naiguguhit ang mga paglalarawang narinig B. Pagsasalita • Natutukoy ang mga panlaping ginagamit sa pagbuo ng pandiwa; panlaping um-/-um-; i-; -in/-hin; ka-/-an/ -han; ka-; ma-; mag-; maka-; makapag-; magpa-; mang•

Nakapagsasalaysay ng karanasan na ginagamit nang wasto ang mga pandiwa sa iba’t ibang aspekto


C. Pagbasa • Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pahiwatig • Natutukoy ang mga pahayag na opinyon o katotohanan sa seleksyong binasa

III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig Lunsaran sa Pakikinig

D. Pagsulat • Nakasusulat ng liham pangkaibigan na nagbabalita • Nagagamit ang angkop na bantas sa pagsulat ng liham

91 Barangay San Gregorio Lungsod ng San Pablo Pebrero 5, 2010

II. PAKSANG ARALIN A. Pagguhit ng mga Paglalarawang Narinig B. Pagtukoy sa mga Panlaping Ginamit sa Pagbuo ng Pandiwa C. Ang Pasko sa Pilipinas •

Pagtukoy sa mga Salitang Nagpapahiwatig ng Kahulugan

Pagkilala ng Opinyon at Katotohanan

D. Pagsulat ng Liham Pangkaibigan na Nagbabalita Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga kulturang Pilipino

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikaapat na Baitang; pahayagang Pilipino; liham pangkaibigan na nagbabalita; graphic organizers; plaskard ng mga pantig/titik

Mahal kong Myrna, Malapit na ang pista sa amin. At dahil niyog ang pangunahing produkto rito, napagkasunduan ng komiti ng Fiesta de Pestejos o ng mga nangangasiwa sa pagdiriwang ng kapistahan na magkaroon ng Mardigra dalawang araw bago sumapit ang kapistahan. Ito ay ang pagsasayaw sa kalsada na ang kasuotan ay napapalamutian ng mga materyales mula sa niyog. Ang ilan sa mga ito ay tistis ng niyog na kapag ikinabit sa telang katsa ay maaaring gawing palda ng babae o shorts ng lalaki; ang mga bao ng niyog ay nagagawang butones at marami pang ibang bahagi ng niyog na ginagawang palamuti ng kasuotan at ng head dress. Ang sumasali sa Mardigra ay mga mag-aaral ng iba’t ibang paaralan, maging pribado o publiko mula elementarya hanggang kolehiyo. Ang mga establisamento tulad ng mga bangko ay sumasali rin. Gumagawa sila ng karosa na yari sa iba’t ibang bahagi ng niyog. At dahil maraming media ang nakasaksi sa ilang taon nang isinasagawang Coco Festival, isinali na ito sa programa ng Tourism.

57


Siyam na araw pa lang bago sumapit ang kapistahan ay may palabas na sa plasa tuwing gabi. Isinasagawa ito pagkatapos ng prusisyon. Ang nagpapalabas ay mga mag-aaral ng iba’t ibang paaralan. Ginagawa ito bilang parangal sa kaarawan ni San Pablo, ika-15 ng Enero ang kanyang kaarawan. Hanggang dito na lang. Sana’y makadalaw kayo rito sa amin. Ang iyong pinsan, Jojo • A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Puzzle/Cue Cards Pagpapatukoy ng salita sa mga pahayag sa tulong ng g cue cards. A

T

S

I

P

Tumawag ng dalawang pangkat na binubuo ng limang myembro. Bigyan ng set ng mga titik na A

T

S

I

P ang bawat myembro.

Hayaang mag-unahan sa pagbuo ng salitang PISTA batay sa ibibigay na pahiwatig. Iparirinig: Araw ng pangilin na karaniwang ipinamamahinga ng mga manggagawa. Taunang pagdiriwang ng bayan sa kaarawan ng patrong kinikilala roon.

Pagpapayaman ng Talasalitaan * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagbibigay-kahulugan sa tulong ng dating kaalaman. Pagsasabi ng salitang naglalagom sa pangungusap. 1. Ang tistis ng niyog kapag ikinabit sa telang katsa ay maaaring gawing palda ng babae o shorts ng lalaki. 2. Makikita ang sunud-sunod na karosa na yari sa iba’t ibang bahagi ng niyog. Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Pagtatanong sa mga mag-aaral ng mga pamantayan sa pakikinig. Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig * Paggamit ng Tri-Question Approach (TQA) Sabihin na may tatlong tanong silang sasagutin matapos nilang marinig o mapakinggan ang seleksyon. Mga Tanong: 1. Paano ipinagdiriwang ang pistang-bayan ng Lungsod ng San Pablo? 2. Anu-ano ang paghahandang ginawa para sa pagdiriwang na ito?

B. Habang Nakikinig Maaaring magtala ng mahahalagang detalye o datos. C. Pagkatapos Makinig Paglalahad ng kasagutan sa mga tanong. Pagtalakay sa nilinang na kasanayan. Pagdrowing ng mga paglalarawang narinig.

58


*

Paggamit ng Pangkatang Gawain Maaaring pangkatin sa apat ang mga mag-aaral. Hayaang idrowing nila sa 1/4 na bahagi ng manila paper ang paglalarawang narinig.

IV. PAGTATAYA Pakikinig sa tape ng seleksyon. Pagguhit ng inilalarawan sa seleksyon.

*

Paggamit ng Concept Map Pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng pandiwa batay sa aspektong naganap na, nagaganap, magaganap, at kagaganap ang kilos. Panuto: Isulat sa kolum ang mga pandiwa ayon sa aspekto nito: Naganap Na, Nagaganap, Magaganap, at Kagaganap. inilakip

la

Ang Ulat ni Matet Nagbakasyon ako noon sa Bislig, Butuan. Doon na naninirahan ang panganay kong kapatid mula nang siya’y mag-asawa. Ang bus ay dumaraan sa Bukidnon patungong Butuan. Ang daan ay napaliligiran ng kabundukan. May mga bundok na makapal pa ang kakahuyan. May bahaging zigzag ang daan. Malalim ang bangin sa magkabilang tabi na iniwasan kong tingnang mabuti. Nadaanan namin ang malawak na taniman ng pinya. Kaaya-ayang pagmasdan ang mga halaman at maging mga bunga ng pinya. Tiyak na kaytaba ng lupain dito. Pinagpala ito ng Panginoon. Kayganda rin ng mga tanawin. May mga burol at kapatagan. May lambak at matataas na bundok.

ipinada

ginaga

itinata

wa

ula asisim

li isina

k

mapapanoo

d

kadar

ating

sali

suma

nta

pumu

sumali

nong

law

dada

bili

kabi

B. Paglalahad Pagbasa sa mga isinagot ng mga mag-aaral sa Concept Map. Pagpapabilog sa mga panlaping ginamit sa pagbuo ng pandiwa. Aspekto ng Pandiwa

V. TAKDANG-ARALIN Idrowing sa coupon bond ang magagandang tanawin sa inyong lugar.

Naganap Na

Nagaganap

Magaganap

Kagaganap

i p in adala

i t in atanong

ma papanood

ka darating

p um unta

s um a asali

dadalaw

ka sisimula

Gawain B — Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman

59


Ipakilala ang mga panlaping makadiwa na ginagamit sa pagbuo ng pandiwa sa iba’t ibang aspekto. Mga Panlaping Makadiwa

um-/-um-

ma-

mag-

maka-

E. Paglalapat Pagtukoy sa mga panlaping ginagamit sa pagbuo ng pandiwa. Panuto: Buuin ang tsart. Isulat ang salitang-ugat, panlaping ginamit sa pandiwa, at aspekto nito.

-in/-hin

Pandiwa

ka-

Salitang-ugat

Panlapi

Aspekto

1. makapaglibang i-

ka-/-an/ -han

makapag-

magpa-

mang-

2. kaluluto 3. isinama

Ipakilala sa mga mag-aaral ang anyong pawatas ng pandiwa.

5. kababalik

C. Paghahalaw Paano nabubuo ang pandiwa? Anu-ano ang pandiwang karaniwang ginagamit sa pagbuo ng pandiwa? D. Paglalahat * Paggamit ng Data Information Chart Pagbubuod ng mga mag-aaral sa mga aspekto ng pandiwa. Aspekto ng Pandiwa Pawatas

Naganap Na

Nagaganap

Magaganap

4. tinatanong

Kagaganap

F. Pagsasanay Bilugan ang pandiwang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang aspekto nito. __________ 1. Isasali ako sa Quiz Bee ng ating guro. __________ 2. Masayang bumati ang mga tao sa panauhin. __________ 3. Kahahanda lamang ng mga pagkain sa mesa. (Dagdagan pa ang pagsasanay.) IV. PAGTATAYA Bilugan ang panlaping makadiwa na ginamit sa pagbuo ng mga pandiwang sinalungguhitan sa bawat pangungusap. 1. Maraming turista ang pumupunta p p sa Davao. 2. Makita lang ang Lupang Pangako ay masaya na ako. 3. Dapat mahalin ang kalikasan dahil bigay ito sa atin. (Dagdagan pa ang pagsasanay.)

60


V. TAKDANG-ARALIN

ay nagpapadala na rin ng mga kard na pamasko para sa mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar.

Kabitan ng angkop na panlaping makadiwa ang salitangugat sa loob ng panaklong. Isulat ang pandiwa sa patlang. ___________ ___________ ___________

Bawat Pilipino ay nagpapahalaga sa Pasko. Mas higit kasing naipakikita ang pagbibigayan, pagpapatawaran, pagkakaisa, pag-uunawaan, at pagmamahalan sa panahong ito. Mayaman o mahirap, kinapapanabikan ang pagsapit ng Pasko.

1. Halina kayo sa tabing-dagat para (pasyal) ang dalampasigan. 2. Ating (sulyap) ang kagandahan nito. 3. (Tingnan) ng mga bata ang bagong teknolohiya sa museo kahapon.

(Dagdagan pa ang pagsasanay.) Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa

Ang Pasko sa Pilipinas Oktubre na. Malamig na rin ang simoy ng hangin. May mangilan-ngilan na ring nagtitinda ng puto bumbong at bibingka. Sa mga Kristiyano, ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre. Simula ng Disyembre 16 and simbang-gabi. Siyam na gabing pagsisimba ito. Ang nakagawiang simbang-gabi ay ginagawa sa madalingaraw. Marami na rin ang nakasabit na christmas light; nakasindi ito sa naggagandahang christmas tree. Mayroon ding belen at parol. Ang Niño Hesus ang pinakasentro ng Kapaskuhan. Ito ang araw ng Kanyang kapanganakan sa paniniwalang Kristiyano. Malaki ang kaibahan ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas. Sa Pilipinas kasi ang may pinakamahabang buwan ng pagdiriwang ng Pasko. Simula pa lamang ng Setyembre, maririnig na ang mga awiting pamasko, abala na rin sa pamimili ang ilan para sa mga regalo, ang iba

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Graphic Organizer (Fact Storming Web) Pagbigayin ng mga salitang kaugnay ng salitang Pasko. Ipagamit ang mga ito sa Pasko pangungusap. •

Pangganyak na Tanong/ Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Bakit ipinagdiriwang ang Pasko?

Pagpapalawak ng Talasalitaan Pagbibigay ng kasalungat na kahulugan ng salita. Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga sinalungguhitang salita sa pangungusap. 1. Marami nang taong namimili ng pandekorasyon para sa Pasko. 2. Anong regalo ang hiling g mo sa ninong mo? 3. Sama-sama sa pagsimba ang mag-anak. 61


Pagtatakda ng Pamantayan Pagpapabigay ng pamantayan sa pagbasa ng dayalog. *

Paggamit ng Ugnayang Tanong at Sagot Sabihin sa mga mag-aaral na may mga tanong silang sasagutin batay sa babasahing teksto na napapangkat sa tatlong kategorya:

Pangkat IIII — C. Sariling Sikap 1. Para sa iyo, ano ang tunay na diwa ng Pasko? 2. Anu-ano ang paniniwala ng inyong mag-anak sa paghahanda ng pagkain sa Pasko? C. Pagkatapos Bumasa •

1. Mga Tanong na Nakikita – kung ang mga sagot ay tuwirang nakalahad sa teksto. 2. Hanapin – kung ang sagot ay di-tuwirang isinasaad sa teksto. 3. Sariling Sikap – wala sa teksto ang sagot kundi nasa isipan ng bumabasa.

Piliin ang mga salitang nagpapahiwatig ng kahulugan ng salitang may salungguhit.

B. Habang Bumabasa *

Paggamit ng Pangkatang Gawain 1. Pagbasa ng seleksyon. 2. Pagsagot sa mga tanong sa tatlong kategorya. (Pangkatan) Pangkat I — A. Nakikita 1. Kailan ipinagdiriwang ang Pasko sa Pilipinas? 2. Anu-anong paghahanda ang ginagawa ng mga Pilipino para sa Pasko? 3. Sino ang sentro ng pagdiriwang ng Pasko? Pangkat III — B. Hanapin 1. Ano ang kaibahan ng Pasko sa Pilipinas sa Pasko sa ibang bansa? 2. Bakit pinaghahandaan ang Pasko? 3. Patunayan na ang Kapaskuhan ay pinaghahandaan ng mga Pilipino nang mahabang panahon.

62

Pagtalakay sa Binasa 1. Paglalahad ng mga mag-aaral ng kanilang sagot sa mga tanong. 2. Pagsagot sa pangganyak na tanong. 3. Pagtalakay sa nilinang na kasanayan. Pagtukoy sa mga salitang nagpapahiwatig ng kahulugan.

1. Ang Pasko ay araw ng kapanganakan ni Hesukristo na ipinagdiriwang ng mga Kristiyano taun-taon, tuwing ika-25 ng Disyembre. 2. Maraming tradisyon y , paniniwala, at kaugalian ang mga Pilipino na isinasagawa tuwing Pasko. •

Pag-unawa Pagpili ng opinyon at katotohanan sa seleksyong binasa. Panuto: Piliin sa sumusunod na mga pangungusap ang opinyon at katotohanan. Salungguhitan ito. 1. Ang Pilipinas ang may pinakamahabang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa lahat ng Kristiyanong bansa.


2. Ang Kapaskuhan ay pinaghahandaan ng mga Pilipino nang mahabang panahon. 3. Sa palagay ko, mayaman man o mahirap ay umaasam ng isang masayang Pasko. 4. Para sa akin, ang diwa ng Pasko ay pagmamahalan. 5. Ang Araw ng Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre. •

Pagpapahalaga Itanong: “Dapat bang pahalagahan ang kulturang Pilipino?”

IV. PAGTATAYA Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Tukuyin dito ang katotohanan at opinyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang mag-anak na Pilipino ay sama-samang nagsisimba sa Araw ng Pasko.

Gawain D — Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda Pagpapasuri ng mga bahagi ng liham na ginamit na lunsaran sa pakikinig. Itanong: 1. Tagasaan si Jojo? 2. Kailan isinulat ni Jojo ang kanyang liham? 3. Ano ang kanyang ginamit na bating panimula? bating pangwakas? 4. Ano ang mga ibinalita ni Jojo? 2. Paglalahad * Paggamit ng Modelong Liham Paglalahad ng modelong liham na nagbabalita.

Barangay Javalera General Trias, Cavite Nobyembre 22, 2010

2. Ang adobo ang pambansang pagkain sa Pilipinas. 3. Ipinagdiriwang ang Ramadan ng mga Muslim. 4. Ang Pasko at Ramadan ay mga pagdiriwang na panrelihiyon.

Mahal kong Ate Francing,

5. Naipakikita ang mga kaugaliang Pilipino sa mga pagdiriwang sa bansa.

Natanggap namin ang padala ninyong kard na Pamasko. Maraming salamat. Siyanga pala, Ate, ibang-iba na ang pamumuhay namin dito. Lahat ng ating kapitbahay sa looban ay sa tabi na ng kalsada nakatira. Ang looban o hasyenda na sinasaka ay ipinagbili na ng may-ari. Ginawa na itong golf course. Kaya ang itinatanong mong manggahan, bayabasan, at sagingan ay wala nang lahat.

V. TAKDANG-ARALIN Gumawa ng pananaliksik tungkol sa pagdiriwang ng Bagong Taon sa Pilipinas. Itala sa inyong notbuk ang opinyon at katotohanan na inyong nasaliksik. Ibahagi ito sa klase.

63


Wala na ring mga sakahan dito sa may kalsada. Tinayuan na ito ng malalaking pabrika. Ang mga anak ni Kuya Selmo ay nagtatrabaho sa pabrika. Hindi na nagsasaka si Kuya Selmo. Nagtayo na lamang sila ng maliit na tindahan sa harapan ng kanilang bahay. Ako naman ay nagtuturo sa Paaralang Elementarya ng Baclaran. May Paaralang Sekundarya na rin dito. Si Kuya Bert ang punungguro dito. Natupad na rin ang pangarap niyang ito. O sige. Hanggang dito na lamang. Kailan ba kayo magbabalikbayan? Sulatan mo uli ako, ha? Ang nagmamahal mong pinsan, Fely

Talakayin: 1. Anu-ano ang makikita sa pamuhatan ng liham? 2. Ano ang nilalaman ng liham? 3. Anong uri ito ng liham? Pagtalakay sa mga tuntunin sa pagsulat ng liham na nagbabalita. 1. Isaisip ang layunin sa pagsulat ng liham.

4. Tiyaking wasto ang pagkakasulat ng iba’t ibang bahagi ng liham. 5. Tiyaking wasto ang gamit ng mga bantas. Pagpapangkat-pangkat ng klase sa lima. Bigyan sila ng limang minuto upang pag-usapan ang mga halimbawang nakasulat sa ibaba. Pagpapasulat sa pinakalider ng liham sa pisara. Mahal kong Joy,

Nagmamahal, Yoly

Blk.2 Lot 4, Golden City Subdivision Sta.Rosa, Laguna Hulyo 24, 2010

Na-promote sa tungkulin si Tatay sa kompanyang kanyang pinapasukan. Subalit napalipat siya sa ibang sangay o branch ng kanilang kompanya sa Sta.Rosa, Laguna. Kasama na rin kami ni Tatay dito sa Sta. Rosa.

Balitaan mo rin ako tungkol sa iyong pag-aaral.

2. Gawing maikli at malinaw ang pananalita. Ilahad ang nais sabihin na parang nakikipag-usap upang maging kawili-wili. 3. Ipadama mo na ang liham ay para sa sinulatan mo lamang at hindi para sa iba. 64

B. Habang Sumusulat Pagsulat ng liham na nagbabalita. Pagbibigay-pansin kung nasunod ang mga tuntunin sa pagsulat ng liham na nagbabalita.


C. Pagkatapos Sumulat * Paggamit ng Scoring Rubric/ Group Checking Pagpapalitan ng magkatabing mag-aaral ng isinulat na liham.

ARALIN

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan

Pagpapawasto gamit ang scoring rubric.

Mga Tanong

4

Napakahusay Mahusay Magsasanay Pa (1) (5) (3)

1. Nasunod ba ang layunin ng liham? 2. Kawili-wili ba ang liham? 3. Wasto ba ang pagkakasulat ng bahagi ng liham?

Pakikinig

Pagsasalita

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Sentence Relay

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Graphic Organizer (Memory Bubble Chart) t

* Modelong Sanaysay

* Pahulaan

* Graphic Organizer/ Time Line

* Cue Cards

* Graphic Organizer (Data Retrieval Chart)

* Flow Chart

4. Wasto ba ang pagkakagamit ng mga bantas?

I. IV. PAGTATAYA Sumulat ng liham na nagbabalita sa gagawing Palarong Pambayan. Isa ka sa mga kinatawan sa paligsahan sa inyong paaralan. V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng liham na nagbabalita sa pagkapanalo ng inyong koponan sa larong sinalihan.

* Cooperative Learning

* Circle Graph * Tri-Question Approach * Time Line

* Scoring Rubric/Group Checking

* Venn Diagram (Circle Graph)

LAYUNIN A. Pakikinig •

Natutukoy ang kahalagahan ng mga impormasyon/ kaalamang narinig sa radyo, napanood sa telebisyon, nabasa sa dyaryo

B. Pagsasalita •

Nauuri ang pang-abay na pamanahon, panlunan, at pamaraan 65


C. Pagbasa • Nakapagbibigay ng paglalahat sa magkakaugnay na pangyayaring binasa sa kwento •

Nakikilala ang pagkakaiba ng piksyon sa di-piksyon

D. Pagsulat • Nakasusulat ng isang pagsasalaysay (narrative text) batay sa ginawang panayam o interbyu II. PAKSANG ARALIN A. Pagtukoy sa Kahalagahan ng mga Impormasyong Napakinggan B. Pag-uuri ng Pang-abay na Pamanahon, Panlunan, at Pamaraan C. Ang Kasaysayan ng Lupang Hinirang •

Pagbibigay ng Paglalahat sa Magkakaugnay na Pangyayari

Pagkilala ng Pagkakaiba ng Piksyon sa Di-piksyon

Gawain A — Pakikinig Lunsaran sa Pakikinig May mga batang mahilig magbasa at magsaliksik. Isa na rito si Franchezca. Ito ang nasaliksik niya sa isang babasahing Student’s Digest Vol. 19, taong 1998-1999. Ang Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas Sa himagsikang naganap sa pagitan ng mga Pilipino at Español, umabot ito sa panahon na ang mga Pilipino ang nagwagi sa laban. Sa harap ng kalagayang ito, nagkalakas-loob si Hen. Emilio Aguinaldo na magtatag ng isang pamahalaang Pilipino. Sa mungkahi ng isa sa kanyang mga tagapayo na si Ambrosio Rianzares Bautista, isang pamahalaang diktatoryal ang itinatag ni Hen. Emilio Aguinaldo. Pansamantala lamang ang pamahalaang ito at kung dumating na ang kapayapaan at makamtan na ang minimithing kalayaang walang hangganan, papalitan din ito ng isang pamahalaang demokratiko.

Pagpapahalaga: Pagpapakita ng pagmamahal sa bansa

Nang maganap ang pagbuo ng pamahalaang diktatoryal, inakala ni Aguinaldo na panahon na upang ipahayag ang kalayaan. Sa kanyang palagay, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalayaan, higit na magiging masikap, matapang, at mabilis ang pagkilala ng ibang mga bansa sa kasarinlan ng Pilipinas. Tinutulan ni Apolinario Mabini ang balak na ito ni Aguinaldo ngunit hindi napaayon ni Mabini ang heneral.

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikaapat na Baitang; pahayagang Pilipino; plaskard ng mga salita (gagamitin sa pagbuo ng pangungusap)

Noong ika-5 ng Hunyo, 1898, ipinag-utos ni Aguinaldo na ang ika-12 ng Hunyo ang magiging araw ng pagpapahayag ng kalayaan. Bilang paghahanda nito, iniutos niya kay Julian Felipe, isang kompositor, na sumulat ng isang musikang tugtugin para sa ika-12 ng Hunyo. Ang musikang nalikha ni Felipe ay ang Marcha Filipina Magdalo na naging pambansang awit ng Pilipinas. Si Rianzares Bautista ang bumasa sa proklamasyon ng kalayaan

D. Pagsulat ng Isang Pagsasalaysay Batay sa Ginawang Panayam

66

III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO


Papagbuuin ang mga mag-aaral ng mga pahayag o katuturan sa pagsusunud-sunod ng mga salita.

sa pagitan ng ika-4 at ika-5 ng hapon noong ika-12 ng Hunyo sa balkonahe ng bahay ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Kasabay ng pagtugtog ng Marcha Magdalo ang pagwagayway naman ng bandilang Pilipino na tinahi sa Hong Kong ni Marcela Agoncillo, katulong sina Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa de Natividad na pamangkin ni Jose Rizal. Nilagdaan ng siyamnapu’t walong (98) tao ang dokumento sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas. Pangunahing Pilipinong lumagda rito sina Ambrosio Rianzares Bautista, Baldomero Aguinaldo, Artemio Ricarte, at marami pang iba. Ginawa ang pormal na pagpapatibay ng proklamasyon ng kalayaan noong unang araw ng Agosto, 1898.

A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Graphic Organizer (Memory Bubble Chart) Papagbigayin ang mga mag-aaral ng mga salitang may kaugnayan sa salitang kalayaan y ng Pilipinas batay sa kanilang dating kaalaman. Ipasulat ito sa Memory Bubble Chart. K A L A Y A A N

Pagpapayaman ng Talasalitaan * Paggamit ng Cue Cards Pagbuo ng pahayag o katuturan.

dapat

di

labagin

bawat

isang

ng

utos

namumuno

rito

ay

Sagot: Bawat utos ng isang namumuno rito ay di dapat labagin – Pamahalaang Diktatoryal karapatan may

at sa

pribilehiyo lipunan

pagkakapantay-pantay

bawat

mamamayan ay

ng

ang

Sagot: Ang bawat mamamayan sa lipunan ay may pagkakapantay-pantay ng karapatan at pribilehiyo – Pamahalaang Demokratiko •

Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Ipaisa-isa sa mga mag-aaral ang mga pamantayan sa pakikinig.

Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig Sabihin: Magtala ng mga susing salita sa flow chart para maging gabay sa pagsusunud-sunod ng mga pangyayari sa bawat talataan. Paksa: Proklamasyon ng Kalayaan Talata 1

Talata 2

Talata 3

67


B. Habang Nakikinig Pagbuo ng flow chart ng mga susing salita. C. Pagkatapos Makinig Paglalahad ng mga balita ng mga pangyayari sa pinakinggang seleksyon sa tulong ng mga susing salita na nasa flow chart. Pagtukoy sa kahalagahan ng mga impormasyong narinig. 1. Ano ang paksa ng seleksyong narinig? 2. Ano ang kahalagahan ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas?

Halaw: Pilipino Ngayon, Agosto 27, 2006 Bantay Kapwa ni Cielito del Mundo

V. TAKDANG-ARALIN Makinig sa napapanahong balita sa telebisyon o radyo. Itala ang kahalagahan ng impormasyong hatid nito. Gawain B — Pagsasalita

IV. PAGTATAYA Pakikinig sa tape ng seleksyon at pagtukoy sa kahalagahan ng impormasyong napakinggan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Araw ng Kagitingan Marami na akong naisulat tungkol kina Rizal, Bonifacio, Mabini, at iba pang magigiting na bayani ng lahi. Ngayong Araw ng Kagitingan, ang ilalahad ko naman ay ang ilan pang tala tungkol sa ilang magigiting na Pilipino. Si Gabriela Silang ang tinaguriang Joan of Arc ng Ilocandia. Siya ang kauna-unahang Pilipina na nagrebelde laban sa mga Kastila nang patraydor na patayin ang asawa niyang si Diego Silang ng kaibigan nitong si Miguel Vicos noong 1763. Ipinagpatuloy ni Gabriela ang pakikipaglaban subalit nadakip siya at ibinitin hanggang mamatay sa plasa ng Vigan noong Setyembre 29, 1763. Si Francisco Dagohoy ang cabeza de barangay ng Bohol, ang namuno sa pinakamatagal at pinakamahabang rebelyon sa Pilipinas (1744-1829) laban sa mga Kastila.

68

Nagrebelde si Dagohoy at ang mga kasamahan niya nang hindi bendisyunan ng prayleng si Gaspar Morales ang libing ng kanyang kapatid na pulis na napatay sa pakikipagduwelo sa kabundukan.

A. Paghahanda * Paggamit ng Sentence Relay Pagbuo ng guro ng dalawang pangkat na may tiglimang mag-aaral. Ipababasa ang pangungusap sa unang mag-aaral na hindi nakikita ng kasamahan niya. Ipabubulong sa iba pang kapangkat ang binasang pangungusap hanggang sa huli. Pagkatapos, isusulat sa pisara ang buong pangungusap. Ipasuri ito at iugnay sa paksa. Halimbawa ng pangungusap: Sino si Julian Felipe?

Pagtatanong ng guro sa mga mag-aaral kung kaninong pangkat ang naunang nakatapos sa pagsulat sa pisara. Inaasahang sagot: Dahil nakasunod sila nang mabilis sa panuto, ang nanalo ay _____________________________.


B. Paglalahad * Paggamit ng Modelong Sanaysay Ilahad ang modelong sanaysay. Tumawag ng isang mag-aaral at ipabasa ang sanaysay. Julian Felipe: Isang Dakilang Kompositor Noong Hunyo 5, 1898, ipinatawag ni Hen. Aguinaldo si Maestro Julian Felipe na isang pyanista at kompositor na tubong Cavite. Inatasan niya ang maestro na lumikha ng isang martsa na magbibigaysigla sa mga manghihimagsik. Dala ng maalab na pagmamahal sa Inang Bayan, kaagad tinugon ni Julian Felipe ang atas ng heneral. At noong Hunyo 11, 1898, tinugtog na ng maestro ang martsa sa pyano sa sala ng tahanan ng heneral sa Kawit, Cavite. Mataimtim na nakinig sa martsa ang heneral, ilang pinuno, at mga rebolusyonaryo ng himagsikan. Halaw: Student’s Digest, 1997

C. Paghahalaw 1. Sino si Julian Felipe? 2. Kailan ipinatawag ni Hen. Aguinaldo si Maestro Julian Felipe? 3. Paano tinugon ni Maestro Julian Felipe ang atas ni Hen. Aguinaldo? 4. Kailan natapos at tinugtog ni Maestro Julian Felipe ang martsa? 5. Saan niya ito tinugtog?

3. Hulyo 11, 1898 – pamanahon 4. mataimtim na pinakinggan — pamaraan Ang mga pariralang inilahad ng guro ay naglalarawan kung kailan, kung saan, at kung paano ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos. Tinatawag itong pang-abay. D. Paglalahat Pagbubuod ng mga mag-aaral kung paano nakikilala ang pang-abay na pamanahon, panlunan, at pamaraan. E. Paglalapat * Paggamit ng Cooperative Learning Pagsusuri at pagpapangkat ng mga mag-aaral ng pariralang pang-abay. Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral. Ang unang pangkat ang sasagot sa pamanahon; ang ikalawang pangkat — panlunan; ikatlong pangkat — pamaraan. 1. Taong 1950, nang ako’y nasa unang baitang sa Paaralang Elementarya ng Julian Felipe sa Lungsod ng Cavite. 2. Inaawit namin ang Pambansang Awit noon nang pa-Ingles. (Dagdagan pa ang pagsasanay.) Pariralang Pang-abay Pamanahon

Panlunan

Pamaraan

Pagpapaliwanag ng guro. 1. Hunyo 5, 1898 – pamanahon 2. sa sala ng tahanan – panlunan 69


F. Pagsasanay Bilugan ang pang-abay sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang uri nito. _____ 1. Mataimtim na nanalangin ang butihing ina. _____ 2. M a m a m a s y a l s a S a b a d o a n g b u o n g mag-anak. _____ 3. Naglibot sa buong bansa si Don Julian. _____ 4. A n g p r o g r a m a a y g a g a n a p i n s a awditoryum. _____ 5. Pinasalamatan niya nang buong puso ang lahat ng tumulong. IV. PAGTATAYA * Paggamit ng Graphic Organizer (Data Retrieval Chart) Piliin ang mga pang-abay sa pangungusap. Itala ito sa tamang kolum ng tsart ayon sa uri. 1. Maraming gumagamit ng cellphone maging sa paaralan. 2. May gumagamit nito nang mabilis at mayroon din namang mabagal. 3. Wala silang pinipiling oras sa paggamit ng cellphone maging ito’y sa umaga o sa hapon. 4. Mahirap matutong mag-text ang matatanda kasi ayaw nila itong pag-aralan. 5. Magagaling mag-text ang mga kabataan. Panlunan

70

Pamanahon

Pamaraan

V. TAKDANG-ARALIN Sumipi ng maikling balita sa pahayagan. Bilugan ang mga pang-abay na pamanahon. Kahunan ang mga pang-abay na panlunan. Salungguhitan ang mga pang-abay na pamaraan. Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa Ang Kasaysayan ng Lupang Hinirang May takdang-aralin si Guada sa pagsulat ng isang pagsasalaysay batay sa ginawang panayam o interbyu. Mag-aaral si Guada sa Paaralang Elementarya ng Julian Felipe. Kinapanayam niya si Lolo Simeon, 65 taong gulang. Ipinanganak si Lolo Simeon sa San Roque, Lungsod ng Cavite, at isang retirado at iginagalang na guro. GUADA: Bago ko po simulan ang pakikipanayam sa inyo, nais ko

po munang batiin kayo bilang huwarang guro at ama. Salamat. GUADA: Alam po ninyo, karangalan po kayo ng aming paaralan dahil doon po kayo nagtapos ng elementarya. Naaalala po ba ninyo ang Paaralang Elementaryang Julian Felipe? LOLO SIMEON: Ano bang hindi? Syempre, naaalala. Doon ako galing, e. GUADA: Anong taon po noong nasa unang baitang pa kayo? LOLO SIMEON: 1950, noong ako’y nasa unang baitang. GUADA: Paano po inaawit noon ang pambansang awit na nilikha ni Julian Felipe? LOLO SIMEON: Inaawit namin ito nang pa-Ingles. GUADA: Natatandaan pa po ba ninyo ang liriko nito? LOLO SIMEON: Oo naman. Natatandaan ko pa. GUADA: Maaari po bang awitin ninyo? LOLO SIMEON:


* http://en.wikisource.org/wiki/The_Philippine_Hymn

Masiglang inawit ni Lolo Simeon ang Philippine Hymn. * Land of the morning, Child of the sun returning, With fervor burning, Thee do our souls adore. Land dear and holy, Cradle of noble heroes, Ne’er shall invaders Trample thy sacred shore. Ever within thy skies and through thy clouds And o’er thy hills and sea, Do we behold the radiance, feel and throb, Of glorious liberty. Thy banner, dear to all our hearts, Its sun and stars alight, O never shall its shining fields Be dimmed by tyrant’s might! Beautiful land of love, O land of light, In thine embrace ’tis rapture to lie, But it is glory ever, when thou art wronged, For us, thy sons to suffer and die. GUADA:

Ang husay po ninyo! Bakit po sa Ingles inaawit ang pambansang awit noon? LOLO SIMEON: Noong di pa dumarating ang mga Amerikano dito sa ating bansa, ang bersyon ng pambansang awit ay Español at may pamagat itong Filipinas. Sa unang panahon ng pamamahala ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, ipinagbawal ang pag-awit nito. Subalit matapos na mapawalang-bisa ang Flag Law noong 1920, ipinakomisyon ng mga Amerikano ang pagsasalin ng liriko ng

Filipinas na nasa bersyong Español sa wikang Ingles. At pinamagatan itong Philippine Hymn. GUADA: Bakit po kaya ipinasalin sa Ingles? LOLO SIMEON: Bunga ito ng kanilang pakikipagkaibigan at mapagkawanggawang kolonisasyon (benevolent colonization) para mapalapit ang kalooban ng mga Pilipino sa Amerikano. GUADA: E, sino po ang nagsalin ng lirikong Español sa wikang Ingles ng Philippine Hymn? LOLO SIMEON: Sina Senador Camilo Osias at Mary A. Lane na isang Amerikana. GUADA: E, sino naman po ang nagsalin sa Filipino ng Lupang Hinirang? LOLO SIMEON: Lumitaw ang bersyong Filipino na O Sintang Lupa na inakda nina Francisco Caballo, Ildefonso Santos, at Julian Cruz Balmaceda noong 1940. Ito ang bersyon ng ating pambansang awit noong 1948. Nagbuo naman ng komisyon si Gregorio Hernandez, Kalihim ng Edukasyon na baguhin ito noong panahon ng panunungkulan ni Pang. Ramon Magsaysay. At ito ay ipinahayag na opisyal ni Pang. Ramon Magsaysay noong Mayo 26, 1956. Pinamagatan itong Lupang Hinirang ng Instituto ng Wikang Pambansa. GUADA: Kung ganoon po, noon po palang unang iwagayway ang watawat sa balkonahe ni Hen. Emilio Aguinaldo ay martsa o himig po lamang ang tugtog. E, sino po ang naglapat ng liriko? LOLO SIMEON: Tama ka. Hindi mapakikinggan ng mga maghihimagsik ang martsa, kung hindi tutugtugin ang instrumentong musikal. Hindi nagtagal, may isang kawal at makata sa panahon ng himagsikan — si Jose Palma. Ang kanyang tula na pinagamatang Filipinas ang inilapat sa tugtugin ng Marcha Nacional Filipina.

71


Marami pong salamat, Lolo Simeon sa pagpapaunlak ninyo na makapanayam kayo. Nalaman ko na po ngayon ang kasaysayan ng ating pambansang awit – ang sagisag ng ating bansa at simbolo ng ating pagka-Pilipino. Maaari po bang makahiram ng sipi ng dalawang bersyon ng ating Pambansang Awit? LOLO SIMEON: Nasa akin ang karangalan. Gusto mo bang iparinig ko ito sa iyo, sa bersyong Español? GUADA: Sige po. Lalo pong mabuti!

1. akdang nilapatan ng tugtog

3. pagbigkas ng anumang akdang may himig

2. kanta

4. kundiman, himno

* Filipinas Por Jose Palma

En tu azul cielo, en tus auras, En tus montes y en tu mar Esplende y late el poema De tu amada libertad.

Tierra de dichas, de sol y de amores, En tu regazo dulce es vivir. Es una gloria para tus hijos, Cuando te ofenden, por ti morir.

Pagpapasulat sa katapat na puwang sa loob ng bilog ng kahulugan ng mga salita. Piliin ang sagot sa Circle Graph B. no him

Tu pabellón, que enlas lides La victoria iluminó, No verá nunca apagados Sus estrellas y su sol.

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Ano ang unang bersyon ng Lupang Hinirang? Pagpapalawak ng Talasalitaan * Paggamit ng Circle Graph Paglalahad sa pisara ng Circle Graph.

lirika

rtsa

ma

n

Patria de amores! Del heroismo cuna, Los invadores, No te hallarán jamás.

syo

Tierra adorada Hija del sol de Oriente, Su fuego ardiente, En ti latiendo está.

ber

* www.philippinecountry.com/national/anthem/html

GUADA:

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Pahulaan Pahulaan kung ano ang ipinahihiwatig ng sumusunod na mga pahayag.

A

72

• tugtuging may tyempong pamartsa • salin • tula ng damdamin • awit ng pagdakila B


Pagtatakda ng Pamantayan Ipabigay ang pamantayan sa pagbasa ng isang panayam. * Paggamit ng Tri-Question Approach Sabihing habang binabasa nila ang panayam ay may tatlong tanong silang sasagutin. 1. Ano ang itinugtog noong unang itinaas ang watawat sa balkonahe ni Hen. Emilio Aguinaldo? 2. Bakit ipinasalin sa bersyong Ingles ang Filipinas? 3. Kailan ipinahayag na opisyal ang pambansang awit na Lupang Hinirang?

B. Habang Bumabasa Pagsagot sa mga tanong. C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Paglalahad ng mga mag-aaral ng kanilang sagot sa mga tanong. Pagsagot sa pangganyak na tanong. * Paggamit ng Time Line Pagbibigay ng paglalahat sa magkakaugnay na pangyayari sa binasa sa tulong ng time line. 1898 – Emilio Aguinaldo

1898 – Julian Felipe

1920 – Camilo Osias at Mary A. Lane

1899 – Jose Palma

1940 – Francisco Caballo, Ildefonso Santos, at Julian Cruz Balmaceda

1956 – Instituto ng Wikang Pambansa

Pag-unawa * Paggamit ng Venn Diagram (Circle Graph) Pagbibigay ng pagkakatulad at pagkakaiba ng piksyon sa di-piksyon sa tulong ng Venn Diagram. Piksyon • kathang-isip • di-maaaring mangyari

Di-piksyon • tunay na pangyayari •

talambuhay

kasaysayan

makasaysayang pangyayari

• epiko

mga karanasan

• pabula

• kwento ng tagumpay

• alamat • kwentongbayan

may tagpuan, tauhan, balangkas ng mga pangyayari

Pagpapahalaga: Itanong: “Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bansa?” IV. PAGTATAYA Isulat ang pagkakaiba ng piksyon sa di-piksyon sa inyong sulatang papel. Magbigay ng pamagat o halimbawa sa bawat isa. V. TAKDANG-ARALIN Buksan ang aklat sa pagbasa. Suriin at tukuyin ang mga kwentong piksyon at di-piksyon. Sundin ang talaan o tsart sa kabilang pahina. Ipaliwanag kung bakit piksyon at di-piksyon ang mga pangyayari sa kwento. 73


Piksyon

Pagsulat ng isang pagsasalaysay batay sa ginawang time line.

Di-piksyon

1.

1.

2.

2.

3.

3.

Kasaysayan ng Pambansang Awit _________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________

Gawain D — Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Graphic Organizer (Time Line) Pagtatanong kung paano ang pagsulat ng pagsasalaysay. Hayaang magpangkatan nang limahan ang mga mag-aaral. Sa tulong ng kasunod na time line, hayaang bumuo ng pagsasalaysay ang mga magaaral tungkol sa kasaysayan ng pambansang awit. Ipasulat sa ilalim ng mga kahon ang mahahalagang pangyayari. * Kasaysayan ng Pambansang Awit 1898

1898

1899

1920

Emilio Aguinaldo

Julian Felipe

Jose Palma

Camilo Osias Mary A. Lane

74

1940 Ildefonso Santos Julian Cruz Balmaceda Francisco Caballo

1956 Instituto ng Wikang Pambansa

* http://tl.wikipedia.org/wiki/Lupang_Hinirang http://filipino.biz.ph/history/hymn.html

2. Paglalahad Pagtalakay sa pamantayan sa pagsulat ng salaysay. 1. Nagtataglay ng mga elemento ng tauhan, tagpuan, at banghay. 2. Nagtataglay ng tiyak na panimula, katawan, at kongklusyon. 3. Gumagamit ng wastong pagkakasunud-sunod. 4. Gumagamit ng mga angkop na salita at mga parirala upang mapanatili ang kalinawan at maayos na pagkakasunud-sunod. 5. Gumagamit ng mga paglalarawan o pakikipagusap upang maging kaaya-aya ang pagsasalaysay kung kinakailangan. B. Habang Sumusulat Pagsulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa inyong hindi malilimutang karanasan. Pagpapaalala sa mga pamantayan sa pagsulat ng salaysay. C. Pagkatapos Sumulat * Paggamit ng Scoring Rubric/ Group Checking Pagpapalitan ng magkatabi sa pagwawasto gamit ang scoring rubric batay sa tinalakay na pamantayan sa pagsulat ng salaysay.


Mga Tanong

Nagtataglay 5

Hindi Gaano 3

Hindi Sapat 1

1. Nagtataglay ng mga elemento ng tauhan, tagpuan, at banghay. 2. Isinaayos ang mga elemento nang may angkop na detalye. 3. Nagtataglay ng tiyak na panimula, katawan, at kongklusyon. 4. Gumagamit ng mga angkop na salita at mga parirala upang mapanatili ang kalinawan at maayos na pagkakasunud-sunod. 5. Gumagamit ng mga paglalarawan upang maging kaaya-aya ang pagsasalaysay.

IV. PAGTATAYA Sumulat ng isang pagsasalaysay batay sa kasunod na panayam. Sa Pilipinas Lamang Matatagpuan Nagtungo ang pangkat ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang na kinabibilangan nina Mary Joy at Arnold sa Kagawaran ng Turismo. Nakatakda nilang kapanayamin sa araw na ito si G. Ruel De Vera, isang tourist guide. Ang panayam ay tungkol sa masasarap na kakanin na matatagpuan dito lamang sa Pilipinas. Gagamitin ng mga mag-aaral ang mga detalye ng kanilang makukuha mula rito sa kanilang pag-uulat na kanilang gagawin sa asignaturang Hekasi.

MGA MAG-AARAL:

Magandang araw po sa inyo, G. De Vera! Magandang araw din sa inyo. Ano ba ang nais ninyong malaman tungkol sa ating bansa? MARY JOY: Anu-ano pong lugar o tanawin ang paboritong puntahan ng mga lokal at banyagang turista dito sa Pilipinas? G. DE VERA: Naku, napakaraming magagandang tourist spot dito sa ating bansa. Ilan sa mga ito ay ang Luneta at Intramuros sa Maynila; Rice Terraces sa Banawe; Mayon Volcano sa Albay; Pagsanjan Falls sa Laguna; People’s Park sa Lungsod ng Tagaytay; Boracay sa Aklan; El Nido Beach sa Palawan; at marami pang iba. ARNOLD: Tayo pong mga Pilipino ay napakahilig bumili at maguwi ng pasalubong lalo na kung tayo po ay galing sa malalayong lugar. Mayroon po bang pagkain na kilala sa bawat lalawigan? G. DE VERA: Aba, mayroon! Nariyan ang durian ng Davao; dried mango, otap, at danggit ng Cebu; mangga ng Zambales; bagoong ng Pangasinan; buko pie ng Laguna; kasuy ng Antipolo; longganisa ng Quezon; peanut brittle at strawberry jam ng Baguio; pili nuts ng Bicol; at iba pang masasarap na pagkain. MARISSA: Marami pong salamat, G. De Vera, sa karagdagang kaalaman na inyong ibinahagi sa amin. Sa atin pong pag-uusap ngayon ay para na rin po kaming nakapaglakbay sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. G. DE VERA: Walang anuman. Sana naman, magkaroon tayong lahat ng pagkakataon na makita ang magagandang lugar at matikman ang masasarap na pagkain na dito lamang sa Pilipinas matatagpuan. Huwag sana tayong maging dayuhan sa sarili nating bayan. Paalam na sa inyo. G. DE VERA:

V. TAKDANG-ARALIN Gumawa ng panayam tungkol sa masasayang pagdiriwang sa bawat lalawigan ng ating bansa. Sumulat ng salaysay tungkol sa ginawang panayam. 75


ARALIN

5

II. PAKSANG ARALIN

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan Pakikinig

Pagsasalita

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Jigsaw Reading

* Dating Kaalaman

* Puzzle

* Biswal

* Concept Mapping

* Pahulaan

* Pamaraang AGMN (Alam Na, Gustong Malaman, Natutuhan)

* Cloze Test

* Guide-oRama

* Ugnayang Tanong at Sagot

* Discussion Web

I.

MGA LAYUNIN A. Pakikinig • Naibabahagi ang mga kaalamang napakinggan B. Pagsasalita • Nagagamit ang mga pang-angkop na na, -ng, at -g C. Pagbasa • •

Pagpapahalaga: Pagiging magalang sa pakikipag-usap sa telepono

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikaapat na Baitang; aklat; tape recorder; tape ng lunsarang aralin; istrip ng kartolina na kinasusulatan ng mga pahayag sa pagpapalawak ng talasalitaan III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig Lunsaran sa Pakikinig

Nakikilala ang mga salitang hiram

Nakasasagot ng mga tanong tungkol sa mga impormasyong nasa iba’t ibang bahagi ng aklat D. Pagsulat • Naitatala ang mga impormasyong nakukuha sa iba’t ibang bahagi ng aklat: talaan ng nilalaman, paunang salita, pahina ng karapatang-ari, glosari, indeks 76

A. Pagbabahagi ng mga Kaalamang Napakinggan B. Paggamit ng Pang-angkop na na, -ng, at -g C. Ang Unang Aklat • Pagkilala sa mga Salitang Hiram • Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa mga Impormasyong nasa Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat D. Pagtatala ng mga Impormasyong Nakukuha sa mga Bahagi ng Aklat

Cellphone: Pambansang Kagamitang Pangkomunikasyon Isang umaga ng Sabado, naglalaba si Joan gamit ang washing machine. Nang walang anu-ano ay nagsalita si Joan nang walang kausap. Narinig ito ni Lola Iska.


“Hoy, Joan, akala ko’y nababaliw ka na riyan! Salita ka nang salita, wala ka namang kasama riyan!” ang naiinis na sigaw ng matanda. “Lola, tingnan po ninyo itong nasa tainga ko, o, handsfree headset,” ang paliwanag ni Joan. Dumating naman ang ina ni Joan at tinulungan pa siyang magpaliwanag sa Lola Iska nito.

A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagpapabasa ng kasunod na mensahe na nasa pisara. “Me fon k b? Bsahn mbuti ang txto s ibb.”

Pagtatanong kung saan nababasa ang ganitong uri o paraan ng pagsulat.

Isa na ang cellphone sa pinakapopular na kagamitan sa kasalukuyan. Halos lahat ng masalubong mo sa daan ay may cellphone. Marami ang naeengganyo rito dahil sa mga kapakinabangan nito. Ang cellphone ay hindi lamang ginagamit na pantawag ngayon. May cellphone na may video camera. May cellphone na may radio. May cellphone na may kulay ang screen at mayroon ding may handsfree headset, isang maliit na communication device na inilalagay sa tainga, malayang magagamit ang cellphone kahit hindi ito hawak. Pinagkakaguluhan din ngayon ang cellphone na may camera. Dumating na rin sa Pilipinas ang cellphone na may telebisyon! Nauna rito ang cellphone na may radyo at emergency light. Sa Japan, inilabas na ang cellphone na may kakayahang kumuha ng mga larawan habang nakikipag-usap ang gumagamit nito. Iba- iba na ang modelo ng cellphone. Walang nakakaalam kung anu-ano pang modelo ang lalabas sa susunod na mga araw. Kaybilis lamang magbago ng modelo ang mga cellphone companies. Ang cellphone ay hindi lamang isang produkto ng teknolohiya kundi kagamitang pangkomunikasyon na dapat mag-ugnay sa mga tao. Hindi masama ang paggamit ng cellphone lalo na kung ipaaalam sa pamilya kung nasaan ka. Ang masama ay gamitin ito sa simbahan, sa silid-aralan, at kung saan pa na pwedeng makagambala sa ibang tao.

Paghihinuha kung tungkol saan ang paksa ng araling pakikinggan. Pagsulat ng pamagat ng paksang aralin sa pisara. •

Pagpapalawak ng Talasalitaan * Paggamit ng Biswal Pagpapapili ng mga bagay na nakasulat sa istrip ng kartolina na inilalarawan ng nakasulat sa pisara. Idikit ang tamang sagot. cellphone

video camera

headset

text message

teknolohiya

1. Isang maliit na device na inilalagay sa tainga upang makatawag sa cellphone nang hindi ito hinahawakan. 2. Aplikadong agham. 3. Elektronikong aparato na nagrerekord ng video clips. 4. Isang produkto ng teknolohiya na popular na ginagamit bilang pangkomunikasyon. 5. Ang popular na paraan ng pakikipagkomunikasyon ng mga tao. 77


Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Pagpapabigay sa mga mag-aaral ng pamantayan sa pakikinig.

C. Pagkatapos Makinig * Paggamit ng Discussion Web Pagpapasagot sa mga tanong na ibibigay ng guro.

Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig

1. Ano ang paksa ng sanaysay?

Paglalahad ng tsart na Alam Na, Gustong Malaman, Natutuhan sa pisara.

2. Sino ang nagsasalita sa sanaysay?

B. Habang Nakikinig * Paggamit ng Pamaraang AGMN (Alam Na, Gustong Malaman, Natutuhan) Sa pamamagitan ng tsart ng AGMN, ipasulat sa mga mag-aaral sa kolum na Alam Na ang nalalaman na nila tungkol sa iparirinig na seleksyon, “Cellphone: Pambansang Kagamitang Pangkomunikasyon.” Ipasulat sa kolum na Gustong Malaman ang mga tanong na gusto nilang malaman. Alam Na

Gustong Malaman

Ang cellphone ay isang produkto ng teknolohiya na popular na ginagamit na pangkomunikasyon.

1. Anu-ano ang kapakinabangang dulot ng cellphone?

Natutuhan

2. Kailan dapat gamitin ang cellphone?

3. Anong uri ng telepono ang pinakamadaling gamitin sa kasalukuyan? 4. Sa paanong paraan nakasasama ang paggamit ng cellphone? 5. Kailan angkop na gamitin ang cellphone? 6. Anu-ano ang kapakinabangang dulot ng cellphone? 7. Kung ikaw ay isang imbentor, anong uri ng cellphone ang iyong lilikhain? 8. Ang mga nabanggit ba na pinakabagong modelo ng cellphone sa sanaysay ay ang pinakabago na ngayon? 9. Dapat bang magkaroon ng cellphone ang mga batang kasing-edad ninyo? Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng Discussion Web. Kung ang sagot ay oo, isulat ang suporta sa sagot sa ilalim ng Oo. Kung ang sagot ay hindi, isulat ang suporta sa sagot sa ilalim ng Hindi. Oo

Pagpaparinig ng teksto sa pamamagitan ng tape recorder. 78

Dapat bang magkaroon ng cellphone ang mga batang kasing-edad ninyo?

Hindi


Balikan ang tsart ng AGMN. Ipasulat sa kolum na Natutuhan ang mga natutuhan sa araling tinalakay. Ipagawa ang sumusunod: Isulat ang inyong repleksyon kung ano ang kahalagahan ng impormasyong natutuhan at ang magagawa ng impormasyong ito sa pag-alam/pagtuklas ng karagdagang kaalaman. Mahalagang malaman ang ________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _________________________. Sa pamamagitan ng impormasyong natutuhan, magiging _____________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ ___________________.

Pagtatanong kung bakit mahalaga ang pagbabahagi ng kaalamang napakinggan. IV. PAGTATAYA Batay sa mga natutuhan mong impormasyon tungkol sa cellphone, paano mo ito ibabahagi sa iba? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. V. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik tungkol sa kabutihan at di-kabutihan ng paggamit ng Internet. Ibahagi ang impormasyong matututuhan.

Gawain B — Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Jigsaw Reading Pagpapangkat-pangkat ng mga mag-aaral nang limahan. Pagbibigay ng guro ng mga pariralang bubuuin ng mga mag-aaral sa pangungusap. (Maaaring nasa loob ng sobre ang mga pariralang bubuuin.) Maaaring ganito ang mga pangungusap na mabubuo ng bawat pangkat. Pangkat I

– Gusto mo ba magkaroon ng cellphone?

Pangkat III

– Ang mga moderno cellphone ay gustung-gusto ng mga kabataan.

Pangkat IIII

– May mga kabataan nagpupumilit magkaroon nito.

Pangkat IV V

– Gusto ng aking kapatid bunso na ibili ko siya ng cellphone.

Pagpapasuri ng mga pangungusap. Ipatukoy ang mga pagkakamali sa mga ito. Inaasahang Sagot: 1. bang magkaroon 2. modernong cellphone 79


3. kabataang nagpupumilit 4. kapatid na bunso Paghihinuha ng mga mag-aaral kung ano ang bagong aralin. B. Paglalahad Pagtalakay sa mga pang-angkop. Mga Pang-angkop Ang mga katagang na, -ng g, at -g g ay mga pangangkop. Ginagamit ang mga katagang ito bilang pangugnay sa mga salita. •

Ang na ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.

Ang -ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa patinig.

Ang -g ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa n.

D. Paglalahat *

Paggamit ng Concept Mapping Sa pamamagitan ng Concept Mapping, bubuo ang bawat pangkat ng paglalahat. Tanong: “Kailan ginagamit ang mga pang-angkop na na, -ng, at -g - bilang pang-ugnay sa mga salita?” P A N G -

A N G K O P

na

-ng

-g

E. Paglalapat Pagpapakita ng guro ng plaskard ng mga parirala na lalagyan ng mga pang-angkop na na, -ng, at -g. Halimbawa:

C. Paghahalaw Ipasuri sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga pangungusap. Ipatukoy ang mga pagkakamali sa mga ito. 1. Ang telepono maliit ay mas madaling itago. 2. Ang mga makukulay disenyo ng mga cellphone ay nakakaakit sa mga kabataan. 3. May mga tao mahilig sa simpleng cellphone. 4. May ilan din naman ayaw pahuhuli sa uso ng bago cellphone. 80

kapatid ______ lalaki

sapatos ______ bago

bisita ______ magalang

uniporme ______ plantsado

kulot ______ buhok

sinturon ______ balat

(Dagdagan pa ang pagsasanay.)


IV. PAGTATAYA *

Paggamit ng Cloze Test Buuin ang mga pangungusap. Punan ng wastong pangangkop ang mga patlang. Sa kasalukuyan, itinuturing ___ mahalaga ___ gamit ang cellphone. Sinuman ay maaaring magkaroon ng telepono. Ang mga kabataan ___ makikita mo sa daan ay may hawak ___ cellphone. Abalang-abala sila sa pagpindot ng mga titik sa keypad. Tuwa ___-tuwa sila sa mga larawan ____ ipinadadala sa kanila. Subalit minsan, may mga tao ___ di marunong gumamit ng telepono. Malakas ___ boses ang maririnig mong nag-uusap. Ganoon din, habang nanonood ka ng sine ay may bigla ___ tutunog ___ ringing o message alert tone. Sana maging matalino ___ may-ari ng cellphone ang mga Pilipino.

V. TAKDANG-ARALIN Kapanayamin ang kamag-aral na may cellphone tungkol sa kanilang karanasan sa unang paggamit nito. Humandang ibahagi ito sa klase. Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa

Ang Unang Aklat Nag-aaral ng kanyang aralin si Arnold, isang gabi. “Inay, paano po ba nabuo ang unang aklat?” ang tanong ni Arnold.

“Ang pagkakaalam ko ay maraming pinagdaanang pagbabago bago ito naging isang aklat na katulad ng ginagamit mo ngayon,” ang sabi ng ina ni Arnold. “Hanapin mo doon sa mga sinipi kong lathalain sa aking scrapbook.” Ito ang natunghayan ni Arnold. 1 Noong una ang aklat ay gawa lamang mula sa clay tablets sa Sumeria, Babylonia, at Mesopotamia. Ang clay ang pangunahing sangkap. Pinatutuyo at niluluto ng mga manggagawa upang ito ay tumagal. Ang ilang clay tablets ay binalutan ng clay envelopes. Natuklasan ang paggamit nito bago pa man isilang si Kristo. Ang paraang ginamit sa pagsulat ay sa pamamagitan ng cuneiform; ang paggamit ng mga larawan ((pictograph) at mga simbolo. 2 Sa kanlurang Asia, noong taong 2500 BC, ang aklat ay gawa naman mula sa mga balat ng hayop. 3 Ilang taon ang lumipas ay naibang muli ang hugis nito. Isa itong mahabang papyrus sa nakabilot o naka-scroll sa kahoy. Ang natagpuan na pinakalumang papyrus scroll na may sulat ay mula pa sa 2400 BC. Ang papyrus ay mula sa isang uri ng halamang tubig na may matingkad at luntiang tangkay at may malambot na bulaklak. Bagamat ang papyrus ay madaling gamitin, mura, at magandang sulatan, malutong ito kaya madaling madurog. 4 Ginawa naman ang aklat mula sa balat ng hayop o parchment noong taong 950 BC. Walang tumutubo na papyrus sa gawi ng mga Persyano, Hebreo, at iba pa na nakatira sa Gitnang Silangan kaya gumamit sila ng parchment na higit na matibay kaysa sa papyrus. 5 Noong ikaapat na siglo (4th century BC), napalitan uli ang anyo ng aklat. Mula sa scroll, ito ay ginawa sa mahabang kahoy na tinawag na codex. Ang codex ay mula sa salitang Latin na nangangahulugang aklat. Ngunit

81


dahil mahirap at matagal ang paraan ng paggawa ng codex, mga mayayamang Griyego at Romano lamang ang nakagagamit ng aklat. Ito ang isa sa mga dahilan upang muli na namang gamitin ang anyo ng papyrus at parchment. 6 Paglipas ng mga taon, noong 100 AD, natuklasan naman ng mga Tsino ang paggawa ng papel. Sinasabing sa China unang nalimbag ang aklat. Ang Jingangjing (Diamond Sutra) na nilimbag noong 868 AD ay itinuturing na kauna-unahang aklat. 7 Noong ika-15 siglo, natuklasan ni Johannes Gutenberg, isang Aleman, ang paggamit ng imprenta. Nailimbag sa imprenta ang Gutenberg Bible noong 1455. Taliwas sa mga nabasang una itong nalimbag, isa itong pangunahing gawain na nagpasimula ng “Gutenberg Revolution” at “Age of the Printed Book.” 8 Ang Gutenberg Bible ay inilimbag sa vellum. Ang vellum ay isang mataas na kalidad ng pergamino o balat ng tupa, kambing, at iba pa na inihanda upang sulatan o pintahan. At dahil higit na madali ang paggawa ng aklat sa pamamagitan ng imprenta, mas maraming tao ang nakapagbasa at natuto mula rito. 9 Sa pagdaan ng maraming taon, ang aklat ay sumailalim sa maraming pagbabago at pag-unlad na natuklasan sa paggawa ng aklat. Maliban sa papel, natuklasan na rin ng tao ang paggamit ng mga makabagong bersyon ng aklat tulad ng audiobooks at electronic books o e-books. Mga makabagong paraan ito na nagdudulot ng mas malawak na karunungan, gamit ang agham at teknolohiya. 10 Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagpapaunlad ng paggawa ng aklat. Pinauunlad pa ito nang lubos upang magtaguyod ng dagdag na kaalaman sa lahat ng tao sa mundo. http://en.wikipedia.org/wiki/Gutenberg_Bible

82

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Pahulaan Pagkakaroon ng pahulaan tungkol sa aklat. (Nakasulat sa istrip ng kartolina.) • •

Kalipunan ng nalimbag nang mga akda Kalipunan ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay na nais ibahagi sa mambabasa

Inaasahang Sagot: Aklat Itanong: “Anu-anong impormasyon ang nakukuha sa aklat?” Ipaliwanag na ang sagot sa tanong ang aalamin sa babasahing seleksyon. •

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Paano nabuo ang unang aklat?

Pagpapalawak ng Talasalitaan Paghanap ng kahulugan o katuturan ng mga salitang sinalungguhitan sa pangungusap sa paliwanag na nasa ibaba. A. Isang mataas na kalidad na pergamino o balat ng tupa, kambing, at iba pa na inihanda upang pintahan o sulatan B. Mula sa salitang Latin na ang kahulugan ay aklat C. Mula sa isang halamang tubig na may matingkad at luntiang tangkay at may malambot na bulaklak D. Paggamit ng mga larawan (pictograph) at mga simbolo


1. Ang paraan na ginamit sa pagsulat ay sa pamamagitan ng cuneiform.

3. Dahil mahirap at matagal ang paraan ng paggawa ng codex, muli na namang ginamit ang anyo kong papyrus.

Ikatlong Pangkat: 4. Anong pagbabago ang naganap sa anyo ng aklat noong ikaapat na siglo? 5. Saang bansa inilimbag ang kauna-unahang aklat? Ikaapat na Pangkat: 6. Ipaliwanag kung anu-ano ang makabagong bersyon ng aklat.

4. Ang Gutenberg Bible ay inimprenta sa vellum.

Pagtatalakayan sa mga sagot sa mga tanong.

2. Ilang taon ang lumipas ay naiba muli ang hugis ko. Isa akong mahabang papyrus p py na nakasulat o naka-scroll sa kahoy.

•

Pagtatakda ng Pamantayan Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa nang tahimik.

B. Habang Bumabasa * Paggamit ng Ugnayang Tanong at Sagot Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Pagsasabi na may mga tanong silang sasagutin pagkatapos ng bawat pahina. Magkakaroon muna ng talakayan bago basahin ang kasunod na pahina.

Pagsagot sa pangganyak na tanong. C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Pagkilala sa mga salitang hiram na nasa lunsaran. Maraming banyagang salita ang hiniram na natin sa mga wika ng ibang bansa ngunit naging bahagi na ng ating wika. Magtala sa tsart ng salitang hiram na: Hiniram na Buo

Mga tanong na sasagutin ng bawat pangkat:

Hiniram na Binago ang Baybay

Unang Pangkat:

1. Bible

1. simbolo

1. Ilarawan ang anyo ng aklat noong bago pa man isilang si Kristo.

2.

2.

3.

3.

4.

4.

5.

5.

2. Ano ang anyo ng aklat noong 2500 BC? Ikalawang Pangkat: 3. Anong pagbabago ang naganap sa anyo ng aklat noong 2400 BC? Ipagpatuloy ang pagbasa ng teksto.

83


Pag-unawa Pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga impormasyong nasa iba’t ibang bahagi ng aklat. Panuto: Sabihin kung saang bahagi ng aklat matatagpuan ang sumusunod na mga impormasyon.

Pagpapahalaga: Itanong: “Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa iyong mga aklat?”

IV. PAGTATAYA Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1.

Yunit IV V Aralin1

— Agham at Teknolohiya — Pambansang Kagamitang Pangkomunikasyon – 283

Aralin 2

— Ako, Ang Aklat – 290

2.

Tanging tagapamahagi ang RIL Learning Systems, Inc. 432 J. Luna St. Rosario, Cavite

3.

labuyo ((png.) — manok-gubat na mailap na hindi lumalaki tulad ng karaniwang manok liblib (png. ( ) — tagpo; kubli lider ((png.) — tagapanguna; pasimuno sa isang gawain

4.

84

Latitud, 25-27 Longhitud, 40-41 Luzon, 88 Mactan, 127 Maguey, 95-96, 98 Maguindanao, 66 Malaysia, 87-89

Anu-anong impormasyon ang ibinibigay o makikita sa ____________________? 1. Indeks 2. Bibliograpi/Talahuluganan

3. Talaan ng Nilalaman 4. Karapatang-ari

V. TAKDANG-ARALIN Kunin ang inyong aklat sa Hekasi. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Ano ang pamagat ng aklat? ________________________________________________ 2. Ano ang pamagat ng unang yunit? ________________________________________________ 3. Sino at kailan inilimbag ang aklat? ________________________________________________ 4. Ano ang pamagat ng Aralin 5? ________________________________________________ 5. Saang bahagi ng aklat makikita ang kahulugan ng mga salita? ________________________________________________ 6. Ilang yunit ang bumubuo sa aklat? ________________________________________________ 7. Sa anong pahina makikita ang Aralin 1? ________________________________________________


3. Makikita rito ang mga yunit at mga aralin ng aklat. Talaan ng ________________________. 2. Paglalahad Kunin ang inyong aklat sa Filipino. Pag-aralan ang mga bahagi nito at ang mga impormasyong makukuha sa bawat bahagi.

Gawain D — Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda * Paggamit ng Puzzle Pagsagot sa puzzle sa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng maliliit na kahon. 1 2

P A B A L A T

A

U

N

3

N

A

I

I N D E K S

L

G

A

S

L

A

A

L

M

I

A

3

T A L A H U L U G A N A N

A

Pababa 1. Ito ang talaan ng mahahalagang paksa o salita at ang pahina na katatagpuan nito. 2. Makikita rito ang pamagat ng aklat at mga may-akda 3. Dito matatagpuan ang ilang mga salitang ginamit sa aklat na binigyan ng kahulugan. Pahalang 2. Nagtataglay ito ng dedikasyon ng mga may-akda sa paggawa ng aklat.

B. Habang Sumusulat * Paggamit ng Guide-o-Rama Pagtatala ng mga impormasyong nakukuha sa mga bahagi ng aklat. Mga Bahagi ng Aklat 1. 2. 3. 4. 5. 6.

Mga Impormasyon

Pabalat Paunang Salita Karapatang-ari Talaan ng Nilalaman Glosari Indeks

C. Pagkatapos Sumulat Pagsusuri ng mga sagot. IV. PAGTATAYA Itala ang mga impormasyong nakukuha sa: 1. Pahina ng Pamagat 2. Pahina ng Karapatan sa Paglimbag 3. Talaan ng Nilalaman V. TAKDANG-ARALIN Itala ang mga impormasyong nasa Yunit IV ng iyong aklat sa Filipino. 85


• MGA BANGHAY-ARALIN IKALIMANG BAITANG ARALIN

1

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan Pakikinig

Pagsasalita

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* T-chart

* Monolog/ Dayalog

* Dating Kaalaman

* Modelong Dayalog

* Data Retrieval Chart

* Ugnayang Tanong at Sagot

* Rubric/ Tuntunin sa Pagsulat

* Graphic Organizer

* Data Retrieval Chart

* Thinking Map * Awtentikong Kagamitan * Ugnayang Tanong at Sagot

* Pangkatang Gawain * Dating Kaalaman

* Graphic Organizer (Sundan ang Tauhan) * Pangkatang Gawain

I.

LAYUNIN A. Pakikinig • Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa detalye ng balitang napakinggan

86

B. Pagsasalita • Nagagamit sa pagpapahayag/pagsasalaysay ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit C. Pagbasa • Nababasa nang mabilis ang mga salitang kaugnay ng iba’t ibang asignatura • Naibibigay nang malinaw ang mahahalagang detalyeng ipinahihiwatig ng balita D. Pagsulat • Nagagamit ang angkop na bantas para sa iba’t ibang uri ng pangungusap II. PAKSANG ARALIN A. Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Detalye ng Balitang Napakinggan B. Paggamit sa Pagsasalaysay ng mga Uri ng Pangungusap C. Garduce, Nakarating na rin sa Tuktok ng Mt. Everest • Pagbasa ng mga Salitang Kaugnay ng Iba’t Ibang Asignatura • Pagbibigay ng Mahahalagang Detalye sa Balita D. P a g g a m i t n g A n g k o p n a B a n t a s s a m g a U r i n g Pangungusap Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa pagiging Pilipino


Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikalimang Baitang; awtentikong kagamitan — pahayagan, balita; sipi ng awit “Ako ay Pilipino”; at tape recorder/cassette

A. Bago Makinig * Paggamit ng T-chart Paglalahad sa pisara ng T-chart. Mga Kilalang Pilipino

Palakasan

III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig

Pagtatanong ng guro kung anu-ano ang nalalaman nila tungkol kina Leo Oracion, Pastor Emata, at Romy Garduce.

Lunsaran sa Pakikinig

• Tatlong Pilipino, Inakyat ang Mt. Everest Matapos ang puspusang pagsasanay, narating na rin sa wakas ng tatlong Pilipino ang tuktok ng Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa mundo. Itinuturing na bagong inspirasyon ng mga Pilipino sina Heracleo “Leo” Oracion, Erwin “Pastor” Emata, at Romeo “Romy” Garduce sa tagumpay na kanilang tinamo. Sina Leo Oracion at Pastor Emata ang dalawa sa pinakarespetadong adventure athlete ng bansa. Kasapi sila ng First Philippine Mount Everest Expedition Team. Isa rin sa mga subok nang Pilipinong mountaineer si Romy Garduce. Ang matagumpay na pag-akyat ng tatlong Pilipino ay isa na namang patunay na ang mga Pilipino ay hindi pahuhuli sa anumang larangan, maging ito man ay pagakyat sa tuktok ng Mt. Everest sa Nepal.

Pagpapayaman ng Talasalitaan Ipabigay ang malalalim na salitang ginamit sa balita. Bigyang-kahulugan ang mga salita.

Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Pagpapabigay sa mga mag-aaral ng mga pamantayan sa pakikinig.

Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig * Paggamit ng Thinking Map May mga tanong kayong sasagutin tungkol sa detalye ng balitang inyong pakikinggan. Madali ninyong masasagot ang mga tanong kung gagamit kayo ng organizer na Thinking Map. Itala ang mga detalye sa ilalim ng mga cue card. Mga Tanong na Sumasagot sa Detalye Sino?

Halaw:

Saan?

Ano?

Kailan?

Paano?

Student’s Digest, June 2006

87


B. Habang Nakikinig * Paggamit ng Awtentikong Kagamitan Pagtatala ng mga mag-aaral sa mga detalyeng napapakinggan sa balita. (Maaaring gumamit ng napapanahong balita mula sa dyaryo/radyo o telebisyon na naka-tape.) C. Pagkatapos Makinig * Paggamit ng Ugnayang Tanong at Sagot Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Ang unang pangkat ay magbubuo ng tanong na nagsisimula sa Ano; ang ikalawang pangkat—Sino; ikatlong pangkat — Saan; ikaapat na pangkat — Kailan. Pasalitang pagtatalakayan sa pamamagitan ng estratehiyang Ugnayang Tanong at Sagot (Pagtatanong ng bawat pangkat). (Maaaring ang magtanungan at magsagutan ay Pangkat I at II; Pangkat III at IV.) Mga inaasahang tanong mula sa balitang “Tatlong Pilipino, Inakyat ang Mt. Everest:” 1. Ano ang pinakamataas na bundok sa mundo? 2. Kailan narating ni Romy Garduce ang Mt. Everest? 3. Sino ang Pilipinong unang nakarating sa Mt. Everest? ang ikalawa? ang ikatlo? 4. Ano ang dating hanapbuhay nina Leo Oracion at Pastor Emata? 5. Sino sa tatlong mountain climber ang unang nakarating sa Mt. Everest? 6. Kailan napatunayan na ang mga Pilipino ay hindi pahuhuli sa anumang larangan? 7. Saan matatagpuan ang Mt. Everest? 8. Saang larangan nakilala sina Leo Oracion, Pastor Emata, at Romy Garduce? 88

IV. PAGTATAYA * Paggamit ng Awtentikong Kagamitan Maaaring magparinig ng napapanahong balita. Magbigay ng limang tanong tungkol sa detalye ng balitang napakinggan. (Iparinig ang kasunod na balita.) Pinakamahabang Solar Eclipse Noong ika-22 ng Hulyo, taong 2009 ay nasaksihan ang solar eclipse. Sinasabing ito ang pinakamahabang solar eclipse ngayong ika-21 siglo dahil nahigitan nito ang haba ng eclipse na naganap noong ika-11 ng Hulyo 1991. Ang naganap na solar eclipse ay may oras na 6 na minuto at 39 segundo. Mauulit ang solar eclipse sa darating na Hunyo 2132. Ang naganap na solar eclipse ay pangalawa sa tatlong eclipse na naganap sa loob lamang ng isang buwan.

malinaw ito pagdating ng 9:43 at nagtapos ng 11:01 ng umaga.

Ang pinakamahabang solar eclipse ay nasaksihan mula sa India, tumawid patungong Nepal, Bangladesh, Bhutan, Myanmar, at China. Pagkagaling ng China, dumaan naman patungong Ryukyu Islands ng Japan at lumiko sa timog-silangan patungong Dagat Pasipiko. Nasaksihan naman ang partial eclipse sa ilang bahagi ng Silangang Asia, Indonesia, at Dagat Pasipiko.

May ilang bahagi pa ng Pilipinas na nasaksihan ang nasabing solar eclipse. Ang mga ito ay ang Calayan Island, Tuguegarao City, Angeles City ng Pampanga, Puerto Prinsesa sa Palawan, Lucena City, Naga City, Iloilo City, Zamboanga, Sulu, at General Santos City.

Sa Pilipinas naman ay nakita ang partial solar eclipse na ito. Nagsimula ang eclipse sa Kamaynilaan sa ganap na 8:33 ng umaga. Naging

Ayon kay Propesor Frederick Gabriana ng Astronomy Philippines, nakita sa Kamaynilaan ang 49.5 na porsyento ng pagtakip ng buwan sa araw. Ang iba pang bahagi ng Pilipinas na nakaranas ng partial eclipse ay ang sumusunod — Laoag City, 61.4% ng araw ang natakpan ng buwan. Sa Vigan City ay 59.2%, Baguio City ay 55.4%, Sorsogon 45.4%, sa Cebu City ay 36.6%, at sa Davao City 27.7%.

Halaw:

http://fil.wikipilipinas. org/index.php?title=Total_ Solar_Eclipse_(Hulyo_ 22%2C_2009) http://en.wikipedia. org/wiki/Solar_eclipse_of_ July_22,_2009


Para sa guro: Bumuo ng mga tanong na sasagot sa tanong na Ano, Sino, Kailan, Saan, at Bakit. V. TAKDANG-ARALIN Makinig ng isang napapanahong balita at humandang ibahagi ito sa klase. Itala ang mahahalagang detalye at bumuo ng mga tanong tungkol dito. Gawain B — Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Monolog/Dayalog Isahang pagpapabasa ng sumusunod na mga pahayag nang may damdamin (monolog). Magkaroon ng paligsahan kung sino ang pinakamahusay magpahayag ng damdamin. 1. Ano? Nauna pang nakarating sa tuktok ng Mt. Everest si Leo Oracion kaysa kay Romy Garduce! 2. Oo, siya ngayon ang ikatlong Pilipino na lumikha ng kasaysayan sa mundo makaraang magtagumpay na muling makapagtanim ng bandila ng Pilipinas sa tuktok ng Mt. Everest. 3. Sino kaya ang magiging ikaapat na Pilipinong makararating muli sa tuktok ng Mt. Everest? B. Paglalahad Maaaring gumamit ng projector (kung mayroon) o tsart. May iba’t ibang uri ng pangungusap na nagagamit sa pagpapahayag ng kaisipan o damdamin. Ito ay ang sumusunod: 1. Paturol o Pasalaysay – Nagpapahayag ng isang ideya o pangyayari.

2. Padamdam – Nagpapahayag ng masidhing damdamin. 3. P a t a n o n g – Nagpapahayag ng paghingi n g kasagutan. 4. Pautos o Pakiusap – Nagpapahayag ng pag-uutos o pakikisuyo. C. Paghahalaw * Paggamit ng Data Retrieval Chart Pagtatalakayan tungkol sa mga uri ng pangungusap ayon sa gamit. Mga Tanong ng Guro

Inaasahang Sagot ng mga Mag-aaral

Kapag nagsasalita ang kausap mo, paano mo makikilala na: 1. nagpapahayag siya ng isang pangyayari?

• Bumababa ang boses sa dulo ng isang nagpapahayag o nagsasalaysay.

2. nagtatanong o naghihintay ng kasagutan?

• Pataas ang boses sa pangungusap na patanong na nasasagot ng Oo o Hindi.

3. nagpapahayag ng masidhing damdamin?

• Pataas ang boses sa pangungusap na patanong na nasasagot ng Oo o Hindi. • Malakas at masigla ang tono ng boses sa pagkatuwa, pagkabigla, o pagkagulat.

89


4. a.

nakikiusap?

b.

nag-uutos?

• Mahina at nakikiusap ang tono ng boses sa pagbig kas ng pangungusap na pakiusap. • Katamtamang lakas at naguutos ang tono ng boses.

D. Paglalahat * Paggamit ng Graphic Organizer Pagbuo ng paglalahat sa pamamagitan ng Graphic Organizer. Tanong ng guro: “Anu-ano ang uri ng pangungusap ayon sa gamit?” Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit Uri

Gamit

Halimbawa

F. Pagsasanay Sumulat ng tiglilimang halimbawa ng mga pangungusap sa bawat uri mula sa tinalakay na lunsaran sa Pakikinig, “Tatlong Pilipino, Inakyat ang Mt. Everest.” IV. PAGTATAYA Obserbahan ang mga mag-aaral sa pagpapahayag gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit. Paano mo ipahahayag ang sumusunod na mga sitwasyon? 1. Nabalitaan mong sabay na sasabog o puputok ang Bulkang Mayon at Bundok ng Bulusan. 2. Ibinabalita mo na pinalilikas ang mga residenteng malapit sa paanan ng Bulkang Mayon at Bulusan. 3. Niyayaya mo ang kaibigan mo na makinig kayo ng balita sa radyo. 4. Tinatanong mo sa kaibigan mo kung anu-ano ang napapanahong mga balita. V. TAKDANG-ARALIN

E. Paglalapat * Paggamit ng Pangkatang Gawain Panuto: Gamitin sa pagpapahayag ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.

90

Gumawa ng usapan na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit tungkol sa paksang “Mga Dakilang Pilipino.” Gawain C — Pagbasa

(Maaaring pangkatin ang klase sa apat. Maghanda ng mga paksa. Bigyan ng tig-iisang paksa ang bawat pangkat. Hayaang bumuo ng dayalog na nagpapahayag gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.)

Lunsaran sa Pagbasa

Ang mga mungkahing paksa ay maaaring hanguin sa napapanahong balita mula sa radyo, telebisyon, o dyaryo.

Bagamat naging masungit ang panahon sanhi ng rain snow sa bansang Nepal, nagawa pa rin ni Romy Garduce na marating ang tuktok ng Mt. Everest.

Garduce, Nakarating na rin sa Tuktok ng Mt. Everest


Sinubok ni Romy Garduce na akyatin ang tuktok ng Mt. Everest noong Mayo 19, 2006. Dahil sa sama ng panahon, pinigilan si Romy Garduce ng tagagabay na Sherpa. Ang Sherpa ay isang pangkat etnikong nagmula sa pinakamabundok na rehiyon ng Nepal, na nasa taas ng Himalaya. Nasa Camp 4 na si Romy Garduce noon na may 26,300 talampakan ang taas nang biglang umulan. Sa pag-akyat ni Romy Garduce na sinuportahan ng GMA Network, ay kasabay naman niya sa ekspedisyong ito ang koponan ni Leo Oracion, ang First Philippine Mount Everest Expedition (FPMEE). Suportado ang huli ng ABSCBN Network. May kanya-kanyang balakid sa pag-akyat ang mga mountaineer na ito subalit determinado pare-pareho na makarating sa pinakamataas na bundok sa mundo. Naunang makarating sa summit ng Mt. Everest si Leo Oracion sa ganap na 3:30 ng hapon (Nepal time) o 5:30 ng hapon (Philippine time). Kinabukasan, sumunod naman kay Leo Oracion ang teammate niyang si Pastor Emata sa ganap na 5:34 ng umaga (Nepal time) o 7:34 ng umaga sa Pilipinas. Samantalang pumangatlo si Romy Garduce sa nakaakyat sa tuktok ng Mt. Everest. Dahil narating ni Romy Garduce ang tuktok ng Mt. Everest sa ganap na 11:15 ng tanghali (Nepal time) o 1:15 ng hapon sa Pilipinas. Lumikha at naitala sa kasaysayan natin ang tagumpay ng mountaineers na sina Leo Oracion, Pastor Emata, at Romy Garduce. Dahil dito, ipinahatid naman ni Sir Edmund Percival Hillary ang kanyang pagbati sa tatlong Pilipino sa kanilang determinasyon. Nagbigay-galang din siya sa koponan ng ekspidisyon. Si Sir Edmund Percival Hillary ay taga-Auckland, New Zealand, na kauna-unahang tao na nakarating sa tuktok ng Mt. Everest noong Mayo 29, 1953 sa ganap na 11:33 ng umaga. Halaw: http://tl.wikipedia.org/wiki/Romi_Garduce http://tl.wikipedia.org/wiki/Sherpa

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagpaparinig ng awiting “Ako ay Pilipino” habang nakalahad sa tsart ang sipi ng awit. Itanong: “Anu-anong katangian mayroon ang mga Pilipino?” •

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Sinu-sino ang tatlong mountaineers na naitala sa ating kasaysayan? *

Paggamit ng Ugnayang Tanong at Sagot May mga tanong kayong sasagutin batay sa babasahing teksto na napapangkat sa tatlong kategorya. Una ang mga tanong na NANDYAN NA o NAKIKITA kung saan ang mga sagot ay tuwirang nakalahad sa teksto. Ang pangalawang kategorya ay tanong na tatawaging PAG-ISIPAN o HANAPIN. Ang pangatlong tanong ay wala sa teksto ang sagot kundi nasa isipan ng bumabasa. Ito ay tatawaging BAHALA o SARILING SIKAP.

Pagpapalawak ng Talasalitaan Ibigay ang malalim na kahulugan na ipinahihiwatig ng bawat salita. Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Sundin ang halimbawa: determinasyon — minimithi at pinagsusumikapan Dahil na rin sa determinasyon na makarating sa tuktok ng bundok ay hindi naging hadlang ang panganib. a. masungit ang panahon b. tuktok ng bundok

c. nahuli

91


Musika, Sining, Agham, Kasaysayan, at iba pang babasahin.

Pagtatakda ng Pamantayan Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga pamantayan sa pagbasa nang pabigkas.

Halimbawa: Magtala ng mga salita mula sa binasang balita na kaugnay ng mga asignatura sa tsart.

B. Habang Bumabasa Pagsagot ng mga mag-aaral sa mga tanong ayon sa kategorya.

Hekasi/ Kasaysayan

Halimbawa: Nakikita

Pag-isipan

Sariling Sikap

Sino ang kaunaunahang Pilipino ang nakarating sa Mt. Everest?

Sang-ayon ka ba sa pagbibigay ng pantay-pantay na karangalan sa tatlong mountain climbers kahit na lumilitaw na nahuhuli si Romy Garduce?

Bakit nagbigay ng pagbati at paggalang sa koponan ng ekspidisyon si Sir Edmund Percival Hillary?

(Maaaring dagdagan pa ang mga tanong.)

Mt. Everest

Agham rain snow

Matematika 26,300 feet

(Maaaring dagdagan pa ang mga tanong.)

(Maaaring dagdagan pa ang mga tanong.)

C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa * Paggamit ng Data Retrieval Chart Paglalahad ng sagot ng bawat pangkat. Pagsagot sa pangganyak na tanong. Mabilis na pagkilala ng mga salitang kaugnay ng iba’t ibang asignatura. Sabihin: May mga salitang mabilis na nababasa sapagkat ang mga ito ay nabasa na sa mga aklat sa 92

Pag-unawa * Paggamit ng Graphic Organizer (Sundan ang Tauhan) Pagtalakay sa kasanayang “Pagbibigay nang Malinaw ng Mahahalagang Detalyeng Ipinahihiwatig ng Balita.” Sa pamamagitan ng organizer na “Sundan ang Tauhan,” hayaang ibigay nang malinaw ng mga mag-aaral ang mga detalyeng ipinahihiwatig ng balita.


IV. PAGTATAYA 2. Sino sa tatlo kina Leo Oracion, Pastor Emata, at Romy Garduce ang unang nakarating sa tuktok ng Mt. Everest?

1. Kailan narating ni Romy Garduce ang tuktok ng Mt. Everest?

Romy Garduce, Nakarating na rin sa Tuktok ng Mt. Everest.

5. Ano kaya ang iginawad ng pamahalaan sa tatlong mountaineers?

Mabuhay Ka, Manny! Tunay na magaling g g at matibay y na boksingero si Ricky Hatton, ngunit nahigitan siya ni Manny Pacquiao.

3. Kailan at anong oras nakarating sa tuktok ng Mt. Everest si Leo Oracion?

4. Ilang oras ang pagitan ng pagdating sa tuktok ng Mt. Everest ni Leo Oracion kay Romy Garduce?

•

A. Isulat sa tsart ang mga salitang sinalungguhitan na kaugnay ng iba’t ibang asignatura sa kasunod na balita.

Pagpapahalaga Itanong: 1. Dapat bang hangaan o kilalaning bayani ang tatlong nakarating sa ituktok ng Mt. Everest? Bakit? 2. Ano ang naramdaman mo sa kagitingang kanilang ginawa? 3. Ibig mo bang tularan sina Leo Oracion, Pastor Emata, at Romy Garduce? Sa anong larangan?

Hindi pumayag si Manny Pacquiao na mapahiya sa harap ng libu-libong manonood o live audience sa dinayong Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada noong Mayo 3, 2009 (sa Pilipinas). Milyun-milyon ring mga Pilipino at iba pang lahi ang nanood ng laban sa telebisyon. Nanalo si Manny Pacquiao nang pinatumba niya si Ricky Hatton sa ikalawang round pa lamang ng kanilang laban. Iginawad kay Manny ang Light Welterweight World Champion. Sa ngayon, si Manny Pacquiao ay mayroon nang anim at iba-ibang titulo sa kasaysayan ng boksing. Nangibabaw si Manny Pacquiao sa dalawang round at na-knock down si Ricky Hatton sa ikalawang round. Pinakawalan ni Manny ang kombinasyon ng mga suntok na ikinasadlak ni Hatton sa lona. Ang labanang Manny Pacquiao at Ricky Hatton ay tumagal lamang ng 2 minuto at 59 segundo. Halaw:

http://www.etravelpilipinas. com/philippine_news/manny_ pacquiao_knocked_out_ricky_ hatton_in_second_round.htm

93


Hekasi/ Kasaysayan

Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan

Buuin ang usapan sa sumusunod na sitwasyon. Filipino/Wika Hinahanap ni Lola Iska ang kanyang salamin sa mata. Inutusan ni Ate Joy ang mga kapatid na hanapin ang salamin ni Lola. Itinuro ni Nicole ang nakasabit sa leeg ni Lola Iska. Napatawa si Ada. LOLA ISKA: __________________________________ NICOLE: _____________________________________ ADA: _________________________________________ ATE JOY:_____________________________________

B. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 1. Sino ang kinikilalang Pinoy boxing hero? 2. Saan ginanap ang laban nina Pacquiao at Hatton? 3. Ilan ang tinatayang manonood o live audience sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada? 4. Kailan naglaban sina Pacquiao at Hatton?

2. Paglalahad * Paggamit ng Modelong Dayalog Pagpapakita o pagsulat ng ginawang dayalog sa pisara ng lider ng bawat pangkat. Maaaring ito ang magsilbing modelo. Pagsusuri sa modelo sa pamamagitan ng rubric o tuntunin sa pagsulat.

V. TAKDANG-ARALIN Gumupit ng napapanahong balita tungkol sa isports. Bumuo ng limang tanong tungkol sa detalye ng balita. Humanda sa pag-uulat sa klase. Idikit sa notbuk ang balita. Gawain D – Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda * Paggamit ng Pangkatang Gawain Pangkatin nang apatan ang mga mag-aaral. Ipagawa ang kasunod na sitwasyon. 94

(Maaari pang dagdagan.)

Mga Tanong 1. Sinimulan ba sa malaking titik ang simula ng bawat pangungusap? 2. Nilagyan ba ng wastong panapos na bantas ang hulihan ng bawat pangungusap? (.) tuldok sa pangungusap na pasalaysay at pautos;

Nasunod

Dinasunod


(?) tandang pananong sa pangungusap na patanong; at

(•) tuldok sa pangu ngusap na pautos;

(!) tandang panamdam sa pangungusap na padamdam?

(?) tandang pananong sa pagtatanong; at (!) tandang panamdam sa pangungusap na padamdam?

B. Habang Sumusulat Lagyan ng wastong bantas ang bawat pangungusap. 1. May mga natatanging Pilipino na kinikilala sa iba’t ibang larangan 2. Sa iyong palagay, sino ang tatanghaling kampeon sa darating na laban nina Many Pacquiao at Miguel Cotto 3. Kunin mo ang dyaryo at alamin natin ang petsa ng laban nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto 4. Yeheey Mapapanood ng lahat sa telebisyon ang laban nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto C. Pagkatapos Sumulat * Paggamit ng Rubric o Tuntunin sa Pagsulat Pagpalitin ng papel ang magkakatabing mag-aaral para iwasto ang isinulat. Ipasuri ang isinulat gamit ang rubric o tuntunin sa pagsulat. Mga Tanong 1. Ang bawat pangungusap ba ay sinimulan sa malaking titik? 2. Nilagyan ba ng wastong bantas ang hulihan ng bawat pangungusap: (•) tuldok sa pangu ngusap na pasalaysay;

Nasunod

Dinasunod

Pumili ng limang pinakamahusay na mga isinulat. Ipaskil sa bulletin board. IV. PAGTATAYA Panuto: Isulat nang wasto ang kasunod na usapan sa isang malinis na papel. Gamitin ang angkop na bantas sa bawat pangungusap. aba, kayraming taong pumunta sa munisipyo, nagtatakang wika ni Angelo. oo nga, sabi ni Liza Itay, ano po ang gagawin nila sa munisipyo magbabayad ng buwis sagot ni Mang Damian huling araw na ngayon ng pagbabayad ng buwis e, bakit po kayo tanong ni Angel hindi po kayo pupunta sa munisipyo nagbayad na ako, Anak noong unang araw ng bayaran naging panata ko na ang magbayad ng buwis sa unang araw pa lamang ng bayaran

V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng isang usapan na may iba’t ibang uri ng pangungusap. Isulat ang usapan sa speech balloon. 95


ARALIN

2

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan Pakikinig

Pagsasalita

Pagbasa

Pagsulat Paggamit ng:

C. Pagbasa • Nakabubuo ng mahahabang salita sa tulong ng mga panlapi •

D. Pagsulat •

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaala- * Dating man Kaalaman

* Paligsahan

* Graphic Organizer (Tree Diagram)

* Configurative Clues

Nakikilala ang batayan ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayaring ginamit sa kwento

Nagagamit ang panipi at kuwit sa tuwirang sinabi ng tauhan

II. PAKSANG ARALIN A. Paglalahad ng Ulat sa Balitang Napakinggan

* Discussion Web * Graphic Organizer (Sequence Organizer)

* Cooperative Learning

* Modelong Usapan

* Story Grammar * Interaksyon ng Guro Mag-aaral

B. Pagsasalaysay na Gamit ang Payak at Tambalang Pangungusap C. Pipigilin Ko ang Pasko •

Pagbuo ng Mahahabang Salita sa Tulong ng mga Panlapi

Pagkilala ng Batayan ng Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari sa Kwento

D. Paggamit ng Panipi at Kuwit sa Tuwirang Sinabi ng Tauhan I.

LAYUNIN A. Pakikinig •

Nailalahad nang malinaw ang ulat sa balitang napakinggan

B. Pagsasalita •

96

Nagagamit sa pagsasalaysay ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian tulad ng payak at tambalan

Pagpapahalaga:

Pagmamalasakit sa kapwa

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikalimang Baitang; pahayagan; tape recorder/cassette; kartolina; plaskard ng talasalitaan; plaskard ng kayarian ng mga pangungusap


III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig Lunsaran sa Pakikinig

Malaking suliranin din ang kawalan ng master’s degree ng mga guro sa kanilang itinuturong asignatura. May mga guro kasing pinapayagang magturo ng asignaturang hindi nila linya. Naniniwala si Kalihim Lapus na tataas pa ang antas ng edukasyon sa bansa kung makapagpapatupad ng bagong reporma ang Department of Education (DepED).

May Pagbabago Kaya? Naging balita ito noon pa mang taong 2006, nang bagong luklok pa lamang noon si Education Secretary Jesli A. Lapus. Subalit magpahanggang ngayon, kapansin-pansin pa rin sa ibang paaralan ang pagsasagawa ng mga programa sa paaralan na may kasamang mga pagsasayaw at pagkakanta ng mga mag-aaral. Hindi naman ipinagbabawal ang pagsama sa programa ng mga sayawan at kantahan kaya lamang dapat na ito ay limitahan. Hinihikayat ang mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya na pagtuunan ng pansin ang pag-aaral kaysa sa mga extra-curricular activities.

A. Bago Makinig *

Paggamit ng Dating Kaalaman

*

Pagkakaroon ng Paligsahan Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawang koponan. Papagtalain sa pisara ang Pangkat A ng katutubong sayaw at ang Pangkat B ng modernong sayaw. A. Katutubong Sayaw

B. Modernong Sayaw

1.

1.

Sinabi noon ni Kalihim Lapus na mas dapat ipagmalaki ng mga mag-aaral at guro sa pampublikong paaralan ang kagalingan sa iba’t ibang subjects gaya ng Science, Math, at English kaysa sa pagsayaw ng mga makabago at modernong sayaw.

2.

2.

3.

3.

4.

4.

Ikinuwento ni Kalihim Lapus na minsan ay dumalaw siya sa isang paaralan sa kanilang distrito na ipinagmalaki ng mga guro ang kanilang mag-aaral na magaling sumayaw ng mga nauusong sayaw.

5.

5.

6.

6.

Dapat hikayatin ang mga mag-aaral na mas pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral. Ilang mag-aaral aniya sa kanilang lalawigan ang kinapanayam niya na ang ambisyon ay magtungo na lang sa Japan paglaki nila.

Magkakaroon ng maiikling paliwanagan tungkol sa mga ipinalalabas na mga programa sa paaralan. Paksang Pagtatalunan: “Sang-ayon ka bang ipalabas ang mga modernong sayaw sa mga programa sa paaralan?” 97


*

Paggamit ng Discussion Web

T–1

Ilahad ang Discussion Web sa pisara. Sang-ayon

Paksa

Di-sang-ayon

Pagpapayaman ng Talasalitaan Ipapili sa loob ng panaklong ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. 1. Isang panukala ni Kalihim Jesli Lapus ng DepED na limitahan ang mga sayawan at kantahan sa mga pampublikong paaralan. (ayusin, bawasan, itaas ang uri) 2. Dapat hikayatin y ang mga mag-aaral na pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral.

98

(utusan, kumbinsihin, alukin) Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Pagbibigay sa mga mag-aaral ng mga pamantayan sa pakikinig. 1. Makinig nang mabuti. 2. Unawain ang pinakikinggang sanaysay. Magtala ng mahahalagang impormasyon kung kinakailangan. Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig * Paggamit ng Graphic Organizer (Sequence Organizer) r Ipaliwanag na mayroon silang sasaguting tanong sa ulat na pakikinggan. Ang mga tanong na ito ay nasa ilalahad na dayagram.

Ano ang dapat gawin ng mga mag-aaral upang mapag tuunan ng pansin ang pagaaral?

T–2

T–3

Anu-anong kagalingan ang dapat ipagmalaki ng mga guro at mga mag-aaral?

T–4

Ano ang ambisyon ng ilang mag-aaral na nakapanayam ni Kalihim Lapus?

Ano ang ipinagmamalaki ng guro nang minsang dumalaw sa paaralan si Kalihim Lapus?

T–5

Ano ang paniniwala ni Kalihim Lapus upang maitaas ang antas ng edukasyon sa bansa?

B. Habang Nakikinig Pagpaparinig ng balita ng dalawang mag-aaral na magmomodelo sa pagbasa ng balita. Maghahalinhinan sa pagpaparinig ang dalawang mag-aaral bilang newscaster o tagapagbalita. Pagsasagawa ng tambalang pagbasa ng balita, kalakip ang balitang iparirinig “May Pagbabago Kaya?” Newscaster 1: Talata 1 Newscaster 2: Talata 2 (Ipagpapatuloy ang pagpaparinig hanggang sa huling talata.) C. Pagkatapos Makinig Ilahad na muli sa pisara ang sequence organizer. Isa-isang ipasagot ang bawat tanong upang malinaw na mailahad ang ulat sa balitang pinakinggan: Ulat 1 = ______________

Ulat 2 = ______________


Ulat 3 = ______________

Ulat 5 = ______________

Ulat 4 = ______________ Talakayin ang kabuuang ulat. Ipasagot: “Sang-ayon ba kayo sa panukala ni Kalihim Lapus na limitahan ang kantahan at sayawan sa mga school program? Bakit?”

V. TAKDANG-ARALIN Magbasa ng dyaryo sa araw na ito. Bumasa ng pangunahing balita. Sumulat ng limang pangungusap na ulat tungkol sa binasang balita. Iparinig ito sa klase sa susunod na araw. Gawain B — Pagsasalita

IV. PAGTATAYA Iparinig ang balita at pasagutan ang kasunod na gawain.

A. Paghahanda *

Iugnay ang dating napag-aralan na nila – ang iba’t ibang uri ng pangungusap. Ipabigay ang katangian ng bawat uri ng pangungusap at ipagamit ito sa pangungusap.

Dumi sa Lawa, Gagawing Petrolyo at Abono Nilagdaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Laguna Lake Development Authority (LLDA), Mapecon–Green Charcoal Philippines Inc. (MGCPI), at National Commission on Urban Pest Control (NCUPC) kamakailan ang isang kasunduang mag-alis ng waterlilies sa Laguna Lake at Pasig River bilang pagtulong sa pagresolba sa pagbaha at gawin itong green charcoal fuel; at vermicast organic fertilizer ang makukuhang putik mula sa nasabing lawa. Isa sa mga lumagda, alinsunod sa RA9275 (Philippine Clean Water Act of 2004) si Gonzalo Catan Jr. na nakatuklas na ang putik mula sa lawa ay organic at murang source ng pataba o abono na ginagamit ngayon ng mga magsasaka. Halaw: Balita, Nobyembre 18, 2008

Sa limang sarili mong pangungusap, ibigay nang malinaw ang ulat sa napakinggang balita.

Paggamit ng Dating Kaalaman

a. pangungusap na pasalaysay b. pangungusap na patanong c. pangungusap na padamdam d. pangungusap na pautos/pakiusap Ang pangungusap ay may iba pang uri – ang kayarian gaya ng payak at tambalang pangungusap. Ito ang ating pag-aaralan ngayon. B. Paglalahad *

Paggamit ng Graphic Organizer (Tree Diagram) Maglahad sa pisara ng dalawang halimbawa ng pangungusap. Ipabasa ang mga pangungusap sa mga mag-aaral. Maglahad ng plaskard o isulat sa pisara ang dalawang uri ng pangungusap ayon sa kayarian. Ipasuri sa mga mag-aaral. 99


2. Tuwid at itim

Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian

Payak na Pangungusap

Tambalang Pangungusap

May simuno at may panaguri.

May dalawang sugnay na makapagiisa.

Halimbawa:

Halimbawa:

Ako ay isang Pilipino.

Ang Pilipinas ay isang kapuluan at ito ay sagana sa mga likas na yaman.

Pagsusuri: Isang simuno – Ako Isang panaguri – ay isang Pilipino

Pagsusuri: Isang sugnay – Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Isa pang sugnay – Ito ay sagana sa mga likas na yaman.

Ipaliwanag ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian (nasa plaskard o pisara). Magbigay pa ng halimbawa. Ang payak na pangungusap ay binubuo ng simuno at panaguri. Halimbawa: Simuno

Panaguri

1. Ang mga Pilipino 2. Tayo

ay kulay kayumanggi. ay kabilang sa lahing marangal. Maaari ring mauna ang panaguri at mahuli ang simuno. Halimbawa: 1. Hindi gaanong matangkad 100

ang mga Pilipino.

ang buhok ng mga Pilipino. Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa o dalawang payak na pangungusap. Halimbawa: 1. Ang Pilipinas ay isang kapuluan at ang bansang ito’y tunay na maipagmamalaki. 2. Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas at ito ang pinagmumulan ng ikinabubuhay ng mga tao. C. Paghahalaw 1. Magkaroon ng talakayan tungkol sa katangian ng payak at tambalang pangungusap. Papagbigayin ng halimbawa ang mga mag-aaral. 2. Maglahad ng tatlong pangungusap na payak at tatlong pangungusap na tambalan na nasa plaskard. Ipasuri ang bawat pangungusap at ipasabi kung payak o tambalan ang pangungusap. D. Paglalahat Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat sa tulong ng pamatnubay na mga tanong. Itanong: “Ano ang natutuhan ninyo sa araw na ito?” Sabihin: “Ang pagkakaiba ng pangungusap na payak sa tambalang pangungusap.” E. Paglalapat * Paggamit ng Cooperative Learning Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng paksang susulatin nila. 1. Mga Katangian ng mga Pilipino 2. Ang Pilipinas, Tirahan ng Lahing Pilipino


3. Likas na Yaman ng Bansang Pilipinas Ipagamit ang dalawang uri ng pangungusap ayon sa kayarian sa paksang susulatin. F. Pagsasanay Ipagawa sa mga mag-aaral. Sumulat ng maikling salaysay tungkol sa mga bayaning Pilipino. Tiyaking ginagamit ang payak at tambalang pangungusap. IV. PAGTATAYA Kilalanin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay payak na pangungusap o tambalang pangungusap. Pagkatapos, gamitin ang mga pangungusap na ito sa pagsulat ng salaysay. Mga Bayaning Pilipino _____ 1. Sina Rizal, Bonifacio, at Mabini ay mga bayaning Pilipino at sila ay nagbuwis ng buhay para sa bayan. _____ 2. Marami pa ring bayani sa ating bansa ngayon. _____ 3. Itinuturing silang mga bayani at sila ay tunay na ipinagmamalaki ng mga Pilipino. _____ 4. Ang mga bayaning ito ay nagsakripisyo para sa kanilang pamilya at sa kanilang kapwa. _____ 5. Sila ang mga bagong bayaning Pilipino. V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng limang pangungusap na pasalaysay na gamit ang payak at tambalang pangungusap tungkol sa paksang “Ako ay Pilipino, Ikinararangal Ko.”

Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa Pipigilin Ko Ang Pasko Halos magkasabay kaming naupo ni Docia sa makitid na bangko upang pagsaluhan ang malalaking tinapay at mainit na kape na nasa sartin. Kinuha ko ang isang tinapay at kinagat iyon, Ngunit bakit ang pagnguya ko ay nawawalan na rin ng lakas? Sumapit na kaya ang huling araw ko sa daigdig? Huwag sana. Nilingon ko ang bintana. Naakit akong pagmasdan ang berdeng parol na idinuruyan-duyan ng mahalumigmig na hangin. “Naisabit mo na pala ang parol,” ang puna ko. “Oo, nilamay ko kagabi,” ang tugon ng aking asawa. “Higit sigurong gaganda iyan kung sa sanga ng punong mangga mo isasabit,” ang mungkahi ko. Noon din ay tumindig si Docia. Kinuha ang parol na nakasabit at lumabas ng pintuan. Nang mapag-isa ako’y tila tuksong umukilkil sa aking diwa ang nakaraan. Magpapasko rin noon nang umabot sa sukdulan ang aking kalapastanganan sa Diyos dahil sa sunud-sunod na kamalasang sinapit ko. Malimit kong sabihin sa aking asawa na ang Diyos ay bukambibig lamang ng tao. Ngunit ako’y mahigpit na tinutulan ng aking anak na noo’y maglalabindalawang taong gulang pa lamang. “Magkaiba rin lang ang paniniwala nating mag-ama kaya mabuti pang kay Padre Palencia ka na manirahan. Tutal, halos sa simbahan ka na nakatira,” ang sabi ko. Tumutol man ang aking mag-ina’y hindi nila magagawa. Ang bawat iutos ko’y batas nilang sinusunod. Pagkaraan ng maraming taon, nasaksihan ko ang maraming pagbabagong naganap sa aking sarili. Lumabo ang aking paningin. Pumuti ang aking buhok, kumulubot ang aking balat, at humina ang aking katawan.

101


Nauntol ang pag-iisip ko nang bumalik si Docia. May kasama siyang lalaking nakaabito.

“Pulo, ipinakikilala ko sa iyo ang hahalili kay Padre Palencia, si Padre Senador, ang ating anak.”

Pag-aralan ang mga pariralang sinalungguhitan buhat sa kwento. Unawain ang kahulugan ng mga ito ayon sa gamit sa pangungusap.

Pagkahalik ng kamay ay niyakap ko ang aking anak na isa nang ganap na alagad ng Diyos.

Hanapin ang sagot sa kahon.

“Pipigilin ko ang Pasko. Hindi pa ako dapat mamatay sa araw na ito upang makapiling ka ng buong araw. Ikukumpisal ko tuloy sa iyo ang aking mga kasalanan bago tuluyang mapikit ang aking mga mata,” ang naibulong ko sa aking anak. Sa labas, ang berdeng parol ay nalingunang kong idinuduyanduyan ng malamig na simoy ng hangin.

• •

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Ilahad ang pamagat ng kwentong babasahin — “Pipigilan ko ang Pasko.” Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga tanong tungkol sa babasahing kwento. Ipaliwanag na sa aralin sa Pagbasa ay isasagawa nila ang pagbuo ng mahahabang salita sa tulong ng mga panlapi at pagkilala ng batayan ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayaring ginamit sa kwento.

102

oras ng kamatayan sabay kainin

• •

bago mamatay bumalik sa alaala

1. Halos magkasabay kaming naupo sa makitid na bangko upang pagsaluhan p g ang nalalabing tinapay at mainit na kape. 2. S u m a p i t n a k a y a a n g h u l i n g a r a w k o sa daigdig? 3. Nang mapag-isa ako’y tila tuksong umukilkil sa aking diwa ang nakaraan. 4. Ikukumpisal p ko sa inyo ang aking mga kasalanan bago mapikit ang aking mga mata.

Halaw sa: Batayang Aklat sa Filipino, Sangay ng SEDP, Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports, Focus Philippines Publishing Co., Inc.

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman Iugnay ang karanasan ng mga mag-aaral sa babasahing kwento. Hayaang magkwento ang mga mag-aaral ng karanasan nila kung Pasko.

Pagpapalawak ng Talasalitaan Pagbibigay ng kahulugan ng salita/parirala ayon sa gamit sa pangungusap.

Pagtatakda ng Pamantayan Pagpapabigay sa mga mag-aaral ng pamantayan sa pagbasa nang tahimik. 1. Gamitin ang mata at di ang bibig sa pagbasa. 2. Unawain ang binabasa

B. Habang Bumabasa * Paggamit ng Story Grammar 1. Pangkatin ang klase sa tatlo. 2. Ipabasa ang kwento nang may pag-unawa. 3. Pasagutan ang mga tanong na nakatakda para sa bawat pangkat.


4. Ipabasa nang tahimik ang kwento.

Muling ilahad ang dayagram na gamit ang story grammar. Pasagutan sa bawat pangkat ang mga nakatakdang katanungan.

Pipigilin Ko ang Pasko

Ipabuo ang balangkas ng kwento. Pangkat 1

Pangkat 2

Pangkat 3

Tagpuan

Mahahalagang Pangyayari

Tauhan

1. Saan naganap ang kwento?

Unang Pangyayari

2. Ano ang panahon nang maganap ang kwento?

Ikatlong Pangyayari

Ikalawang Pangyayari Pangwakas na Pangyayari

Paggamit ng Interaksyong Guro – Mag-aaral Tagpuan

1. Sinu-sino ang tauhan?

a. Pagpapakilala ng mga panlapi na gagamitin sa pagbuo ng mahahabang salita: na-/-han, ka-/-an, i-/-in, pag-, nag-, mag-. Pagbibigay ng halimbawa. 1. salo = p pag gsalu gsaluhan h 2. wala = nawawal aw an a b. Ipabuo ang mahabang salita na gamit ang mga panlapi sa sumusunod: 1. kagat 3. kuha 5. saksi 2. sabit 4. tutol 6. pigil Pag-unawa Pagkilala ng mahahalagang pangyayari at pagsusunud-sunod nito ayon sa kwento.

Mga Pangyayari

Mga Tauhan/Katangian

1.

Una

1.

2.

Ikalawa

2.

Ikatlo

3.

2. Ilarawan ang katangian ng bawat isa.

C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Pagbuo ng mahahabang salita na gamit ang mga panlapi.

*

Pangwakas

Pagpapahalaga Itanong: 1. Anong katangian mayroon si Mang Pulo? 2. Ano ang napakalaking kasalanan ni Mang Pulo ayon sa kanya? 3. Sa iyong palagay, tama ba ang gagawing pangungumpisal o paghingi ng kasalanan ni Mang Pulo? Bakit? 4. Kung ikaw si Mang Pulo, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit? 5. Ano ang natutuhan mo sa kwento?

IV. PAGTATAYA Ang sumusunod na mga pangyayari ay hindi sunudsunod ayon sa kanyang talambuhay. Pag-ugnay-ugnayin at pagsunud-sunurin sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-6 sa bilog. Agosto 1, 1944 nang bawian ng buhay sa Saranac Lake, New York ang noon ay Pangulo ng Pilipinas na si Manuel Luis Quezon. 103


Ang isa sa mahalagang nagawa ni Quezon nang mahalal siyang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas noong 1935 ay ang pagtatakda ng kauna-unahang All-Filipino Supreme Court of the Philippines. Si Quezon ay kinilala bilang magaling magsalita at magtalumpati sa Español at sa Ingles. Gayunman, itinatag niya ang Surian ng Wikang Pambansa (Komisyon sa Wikang Filipino na ngayon) noong 1937 upang magsagawa ng hakbang sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Sa mga nakalipas na taon, ang Buwan ng Wika ay buong buwan ng Agosto. Tampok sa Buwan ng Wika ang mga timpalak-bigkasan ng tula, balagtasan, at paligsahan sa pagsulat at talumpati. Noong ika-15 ng Enero 1997, idineklara ni Pang. Fidel V. Ramos, sa bisa ng Proklamasyon 1041 ng Pangulo ng Pilipinas, itinakda ang Agosto 1 hanggang Agosto 31 taun-taon bilang Buwan ng Wika. Si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak sa Baler, Tayabas (ngayon ay Aurora). Iba’t ibang mahahalagang tungkulin sa bayan ang kanyang hinawakan at kinilala siyang pangunahing lider ng bansa noon. Halaw: http://en.wikipilipinas.org/index. php?title=Manuel_L._Quezon

V. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng talambuhay ni Manuel Luis Quezon. Itala ang mahahalagang pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod nito sa talambuhay. Humanda sa pag-uulat sa klase. Gawain D – Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman 104

Iugnay ang karanasan ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng usapan. Itanong kung ano ang ginagawa ng mga taong nag-uusap. Ipapili sa mga mag-aaral. (Ilahad sa pisara.) 1. Nagsisipagsalita ang mga tauhan sa usapan. 2. May nagtatanong. 3. May nagsasalaysay. 4. May nag-uutos. 5. May nagpapahayag ng kani-kanilang damdamin at opinyon. 2. Paglalahad * Paggamit ng Modelong Usapan Isulat sa pisara ang modelong usapan tungkol sa gaganaping educational trip ng klase. Ipakilala ang bantas na panipi (“ ”) at ang kuwit (,). Ipaliwanag na ginagamit ang panipi at kuwit sa tuwirang sinasabi ng tauhan sa isang bahagi ng usapan. Halimbawa: “Kailan po ang ating educational trip?” tanong ni Piolo. Masaya namang nagsalita ang isang mag-aaral. “Gustung-gusto ko pong sumama sa educational trip. Marami pong bago at magagandang lugar ang napupuntahan at nakikita,” sabi ni Nenet. Pagsusuri ng Modelong Usapan. Itanong: 1. Ilang bata ang nagsalita? 2. Ano ang sinabi ni Piolo? Anong bantas ang ginamit sa tuwirang sinabi ni Piolo? 3. Ulitin ang sinabi ni Nenet. Anong bantas ang ginamit sa tuwirang sinabi ni Nenet?


B. Habang Sumusulat Ilahad sa pisara ang maikling usapan. Ipasulat ito sa sulatang papel. Panuto: Gamitin nang wasto ang panipi at kuwit sa paghihiwalay ng tuwirang sinabi ng tauhan sa iba pang bahagi ng usapan. Nagbakasyon ang mag-anak ni G. Julius Laurio sa probinsya nina Lolo Lauro at Lola Lita. Sinalubong silang mag-anak ng kapatid ni G. Julius. Masayang nagkita-kita at nag-usap ang magpipinsan. “How are you, Anthony?” wika ni Jasper. “Lola Lita told us you will stay now in the Philippines.” “Yeah, Lola Lita told us about it long before you came. We’re glad to hear about it, my dear cousin, Anthony,” ang sabad naman ni Jazmin. “I’m very happy, Anthony. Because, we can now swim the river as long as we want to, climb up the guava tree, and pick ripe guava fruits. I know guava is your favorite, right?” Singit naman ni Mark. “Teka, teka. Sandali lamang mga apo. Papagpahingahin muna ninyo sina Anthony. Pagod pa sila mula sa pagbibiyahe,” ang masuyong pakiusap ni Lola Lita. “It’s okay lang, Lola Lita. Naiintindihan ko po ang mga pinsan kong iyan. Natural lamang na nasasabik ang mga iyan na makasama na nila ako dito nang palagian na,” ang magalang na sagot ni Anthony. “Nagsasalita ka sa wikang Filipino?!!” sabaysabay na tanong nina Jasper, Jazmin, at Mark. “Oo naman. Kasi kayo, dapat tinanong muna ninyo ako kung nagsasalita ako sa Filipino o Ingles.

Pareho naman akong nagsasalita ng dalawang wikang iyon. At ang sagot sa tanong ninyo, balak na nga nina Papa at Mama na dito na kami manirahan.” “Wow! Ang saya-saya na natin. E, bakit ba ang galing-galing mong magsalita sa Filipino?” ang sabaysabay na tanong ulit nina Jasper, Jazmin, at Mark. “Tagalog ang wikang gamit namin sa bahay kaya marunong akong magsalita ng ating wika,” sagot ni Anthony. At nagkatawanan at kulitan ang magpipinsan. Isang natatanging ugali ng mga Pilipino na naninirahan sa America ang di paglimot sa paggamit ng sariling wika.

C. Pagkatapos Sumulat Pagpalitin ng isinulat ang dalawang magkatabing magaaral. Ipasuri at ipawasto ang isinulat ng bawat isa. Pagwawasto sa pamamagitan ng pagsusuri o pagtatanong ng mga tuntunin sa paggamit ng panipi, kuwit, at panapos na bantas. Ginamit ba nang wasto ang: 1. panipi sa pagkukulong ng tuwirang sinabi ng nagsasalita? 2. k u w i t b i l a n g p a n a p o s n g p a g s a s a l a y s a y ng nagsalita? 3. mga panapos na bantas sa pangungusap? Sumulat ng isang maikling usapan sa inyong notbuk. Gamitin ang panipi at kuwit sa paghihiwalay ng tuwirang sinabi ng tauhan sa iba pang bahagi ng usapan. 105


ARALIN

3

II. PAKSANG ARALIN

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan Pakikinig

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Biswal

* Laro

* AGMN

* Grid

* Grid

* Graphic Organizer (Data Retrieval Chart)

* Graphic Organizer (Story Impression o Impresyon sa Kwento)

* Sociodrama

I.

Pagsasalita

* Modelong Pangungusap

LAYUNIN A. Pakikinig • Naisasagawa nang wasto ang tagubiling napakinggan B. Pagsasalita • Natutukoy ang mga payak na pangungusap/sugnay na makapag-iisa sa hugnayang pangungusap C. Pagbasa • Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasingkahulugan nito • Natutukoy ang talatang tuwirang nagsasaad ng paksang pangungusap D. Pagsulat • Nagagamit ang tuldok-kuwit sa paghihiwalay ng mga sugnay sa hugnayang pangungusap

106

A. Pagsasagawa ng Tagubiling Napakinggan B. Pagtukoy sa Payak na Pangungusap/Sugnay na Makapagiisa sa Hugnayang Pangungusap C. Walang Utang na Loob • Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Kasingkahulugan Nito • Pagtukoy sa Talatang Tuwirang Nagsasaad ng Paksang Pangungusap D. Paggamit ng Tuldok-kuwit sa Paghihiwalay ng Sugnay na Makapag-iisa sa Hugnayang Pangungusap Pagpapahalaga:

Pagtupad sa pangako

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikalimang Baitang; plaskard III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A – Pakikinig Lunsaran sa Pakikinig Masunuring mga Anak Ikaapat ng hapon, sa bahay ng pamilya Gonzales. May kinakausap si Jessa sa telepono. GNG. GONZALES: Jessa, ang Inay mo ito. Anak, baka umulan. Marami tayong sampay sa likod-bahay. Pakikuha mo ang mga tuyong damit at ilagay sa ibabaw ng kama ko. Ako na ang mag-aayos pagdating ko. TAGAPAGSALITA:


JESSA: Opo,

Inay.

GNG. GONZALES: Kunin mo rin sa sampayan ang mga basang

kumot. Ilagay mo naman ang mga puti sa plastik na lalagyan sa tabi ng washing machine. Ilagay mo ang mga kumot na de-kolor sa palangganang malinis na nakasabit sa tabi ng pinto. Ang mga plastik na sipit ay ilagay mo sa maliit na basket na nasa ibabaw ng kabinet. Maliwanag ba, Anak?

A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman * Pagkakaroon ng Laro Pagsasabi ng mensaheng napakinggan sa katabi. Bumuo ng dalawang koponan na binubuo ng limang mag-aaral sa bawat koponan. Papilahin sila sa unahan. Ibulong sa unang mag-aaral sa bawat hanay ang kasunod na mensahe, “Ano ang tagubilin sa iyo ng iyong ina kaninang umaga?” Sabihing ipasa ito sa katabi hanggang sa makarating sa ikalimang mag-aaral.

JESSA: Opo, Inay. Kaya lamang po, aalis ako. Magsasanay po

kami ng aking mga kamag-aaral sa pag-awit. Titingnan ko po kung magagawa kong lahat iyon. Nag-iisip nang mabuti si Jessa kung paano niya masusunod ang lahat ng tagubilin ng kanyang ina, nang makita niya ang kapatid sa kwarto.

Ipasulat sa pisara sa ikalimang mag-aaral ang tagubiling narinig. (Ipasabi sa unang mag-aaral kung tama ang isinulat na mensahe sa pisara.)

TAGAPAGSALAYSAY:

Ryan, baka naman pwedeng ikaw na ang gumawa ng mga tagubilin ni Inay, aalis ako, eh.

JESSA:

Eh Ate, hindi pa ako tapos sa aking takdang-aralin. Pero susubukan ko pagkatapos ng ginagawa ko. Mabuti pa’y pagtulungan na lamang natin.

RYAN:

JESSA: Oo nga. Pwede ko namang tawagan ang mga kaibigan

ko para sabihing maaantala ako nang kaunti. RYAN: Kapag

natapos na natin ang mga bilin ni Inay, saka ko na lang ipagpapatuloy ang paggawa ng aking takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan * Paggamit ng Grid Ipahanap sa grid ang kasingkahulugan ng mga salita. Bilugan ang mga ito. 1. 2. 3. 4.

tagubilin tiklupin maaantala takdangaralin 5. titingnan

A S S

I

G N M E N T

W T U T O S A S M B A K S U C D H N P Q C W U P Y P U H L O P T B

I

K

I

H S

J

Y

TAGAPAGSALITA: Nang dumating sa bahay si Gng. Gonzales,

U R U B W V U X R A

natuwa siya sa nakita na nagampanan lahat ng magkapatid ang tagubilin niya.

C H K C D D L S U B I

J

A G V

F

I

E Z

T

N A N Y B E S M A O

107


Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Pagpapabigay sa mga mag-aaral ng mga pamantayan sa pakikinig. 1. Makinig nang mabuti. Iwasan ang pakikipagusap sa katabi. 2. Unawain ang sinasabi ng nagsasalita. Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig Ipaliwanag sa mga mag-aaral na isasagawa nila ang tagubiling pakikinggan.

B. Habang Nakikinig * Paggamit ng Sociodrama 1. Ihanda ang klase sa isasagawang pangkatang pagsasadula ng pakikinggang tagubilin. 2. Piliin ang mga mag-aaral na gaganap bilang: Tagapagsalaysay, Gng. Gonzales, Jessa, at Ryan. 3. Ipaliwanag sa mapipiling kalahok ang tauhan na gagampanan. 4. Ihanda ang klase sa pakikinig sa mga mag-aaral na gaganap ng bawat tauhan at pagsusuri sa papel na ginagampanan habang nagsasadula ng sociodrama. C. Pagkatapos Makinig Magkaroon ng talakayan sa pagsusuri ng sitwasyon at sa tauhang ginampanan ng mga mag-aaral. 1. Tagapagsalaysay – Nagawa ba niya ang mabuting pagsasalaysay ng sitwasyon? 2. Gng. Gonzales – Malinaw ba niyang sinabi ang mga tagubilin? 3. Jessa – Nagawa ba niya ang mga tagubilin ni Gng. Gonzales?

108

4. Ryan – Nagawa rin ba ni Ryan ang mga pakiusap ni Jessa? 5. Anu-ano ang tagubilin ni Gng. Gonzales na naisagawa nina Jessa at Ryan? Isa-isahin ito. IV. PAGTATAYA Ipagawa sa mga mag-aaral ang tagubiling iparirinig ng guro. 1. Kumuha ng malinis na sulatang papel. 2. Sa unang linya sa gitnang bahagi ng papel, isulat ang salitang Pagsulat. 3. Sa ikalawang linya ng papel sa dakong kanan, isulat ang inyong pangalan at ang petsa ngayon sa kaliwang bahagi ng linya. 4. Sa natitirang mga linya, isulat ang inyong mga gawain sa umaga, tanghali, at gabi. V. TAKDANG-ARALIN Magpangkat nang apatan. Humanda sa pagpapakita ng sociodrama ng kwentong “Masunuring mga Anak” sa susunod na araw. Gawain B – Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman Iugnay ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pagkilala ng pangungusap at di-pangungusap. Pagusapan ang katangian ng pangungusap. Itanong: “Paano makikilala ang pangungusap? ang di-pangungusap?


Makabuo kaya kayo ng mga pangungusap na binubuo ng payak na pangungusap at di-pangungusap? Anong uri ito ng pangungusap? Ito ang bagong aralin natin.� B. Paglalahad * Paggamit ng AGMN (Alam Na, Gustong Malaman, Natutuhan) Ilahad ang dayagram sa pisara. Paksa: Ang Bumubuo ng Hugnayang Pangungusap Alam Na

Gustong Malaman

1. A n g p a y a k na pangungusap ay lipon ng mga salita na may buong diwa.

1. Ano ang hugnayang pangungusap?

Natutuhan

2. A n o a n g b u mubuo ng hugnayang pangungusap?

Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbabahagi/pagbibigay ng kanilang kaalaman. Itanong: “Ano ang paksa ng ating bagong aralin? Alin dito ang inyong alam na? Isulat sa kolum ng dayagram (A). Ano ang ibig ninyong malaman sa ating bagong aralin? Isulat sa kolum ng dayagram (B). Ilahad sa pisara ang pangungusap.

tatlong

hugnayang

Ipasuri ang mga bahagi ng hugnayang pangungusap.

*

Paggamit ng Graphic Organizer (Data Retrieval Chart) Payak na Pangungusap

Pangatnig

Sugnay

1. M a h a l a g a a n g wastong pagkain sa araw-araw

para

sa kalusugan ng mga batang katulad ninyo.

2. Itinuturo sa mga paaralan ang kalusugan at nutrisyon

upang

matiyak na wasto at sapat ang pagkain ng mga batang mag-aaral.

3. Ang kendi o minatamis ay nakakawalang gana sa oras ng pagkain

kaya

dapat lamang itong kainin bilang panghimagas.

C. Paghahalaw Magkaroon ng talakayan tungkol sa sinuring mga hugnayang pangungusap. Itanong: 1. Buo ba ang diwa ng pangungusap 1, 2, at 3? 2. Ibigay ang payak na pangungusap sa bawat bilang. Ano ang sinasabi sa bawat pangungusap? 3. Ipabigay ang mga pangatnig. Ipaliwanag na ang pangatnig ay mga kataga o salita na nag-uugnay ng payak na pangungusap at sugnay upang mabuo ang hugnayang pangungusap. Ang iba pang pangatnig na ginagamit sa hugnayang pangungusap ay ang sumusunod: dahil, sapagkat, na, kapag, nang, subalit, datapwat, bagkus, at iba pang kauri nito. 109


4. Ipabigay ang sugnay sa bawat pangungusap. Itanong kung buo ang diwa ng lipon ng mga salita. 5. Ipaliwanag na ang payak na pangungusap na may buong diwa ay tinatawag na sugnay na makapagiisa. Samantala, ang sugnay na hindi buo ang diwa ay tinatawag na sugnay na di-makapag-iisa.

E. Paglalapat Kilalanin ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian: Payak, Tambalan, at Hugnayan. 1. Kaawa-awa ang mahihirap na tao. 2. Hindi agad sila madala sa ospital kapag nagkasakit dahil walang pambayad sa doktor. 3. Sa mga pampublikong ospital nagpapagamot ang mahihirap na tao dahil maliit na halaga lamang ang babayaran nila.

D. Paglalahat Ilahad na muli ang dayagram ng AGMN. Ang Bumubuo ng Hugnayang Pangungusap Alam Na

Ang payak na pangungusap ay lipon ng mga salita n a m ay b u o n g diwa.

Gustong Malaman

Natutuhan

1. Ang hugnayang pangu ngusap ay isang uri ng pangungus a p ayo n s a layunin.

1. Ang hugnayang pangu ngusap ay pinag-uugnay ng pangatnig.

2. Ang hugnayang pangu ngusap ay binubuo n g p aya k n a pangungusap at sugnay.

2. Ang payak na pangungusap ay sugnay na makapag-iisa samantalang ang mga parirala ay sugnay na di-makapagiisa.

F. Pagsasanay Kilalanin ang bumubuo ng hugnayang pangungusap. Salungguhitan nang isang beses ang payak na pangungusap at dalawang beses ang sugnay. 1. Marami kaming dapat tapusing mga takdang-aralin dahil malapit na ang bakasyon. 2. Gawin muna ninyo ang proyekto nang maipasa ito sa inyong guro. 3. Gusto sana kitang tulungan subalit may tatapusin pa akong gawain. IV. PAGTATAYA Piliin sa hugnayang pangungusap sa ibaba ang sugnay na makapag-iisa at ang di-makapag-iisa. Isulat ito sa angkop na kolum sa data retrieval chart. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Sugnay na Makapag-iisa 1.

Sa tulong ng nilalaman ng dayagram AGMN, patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. 110

2. 3.

Pangatnig

Sugnay na Di-makapag-iisa


1. Ang global warming ay ang labis na pag-iinit sa daigdig kung kaya nagbabago ang panahon sa ilang panig ng mundo. 2. Ang tag-init at tag-ulan lamang ang panahon sa Pilipinas samantalang apat ang panahon sa mga kanlurang bansa. 3. Hindi gaanong malamig ang klima sa Silangang Asia dahil sa kaunti na ang mga kahoy sa kagubatan. V. TAKDANG-ARALIN

Ikatlong Pagbasa – Talata 3 Naglakad si Asong Bundok upang maghanap ng magaalis ng tinik sa kanyang lalamunan. Halos lahat ng mga hayop na kanyang makasalubong ay pinakiusapan niya na alisin ang tinik sa lalamunan niya. Kanyang pinangakuan na ang sinumang makapag-aalis ng tinik sa kanyang lalamunan ay bibigyan niya ng malaking gantimpala. 3

Ikaapat na Pagbasa – Talata 4

Bumuo ng tatlong hugnayang pangungusap tungkol sa magagandang pook sa inyong bayan. Isulat ito sa inyong notbuk. Humanda sa pagbasa nito sa inyong klase kinabukasan. Gawain C – Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa

Nahabag si Tangkad Tagak kay Asong Bundok at nahalina siya sa pangakong gantimpala. Ipinasok ang kanyang mahabang tuka sa lalamunan ng maysakit at binunot ang tinik. Pagkatapos na mabunot ay naginhawahan si Asong Bundok. Bagamat nahihiya si Tangkad Tagak ay ipinaalala niya kay Asong Bundok ang tungkol sa gantimpala. 4

Ikalimang Pagbasa – Talata 5 Nagalit si Asong Bundok at masasamang salita ang sinabi niya kay Tangkad Tagak na tumulong sa kanya. 5

Walang Utang na Loob Unang Pagbasa – Talata 1 Gutom na gutom si Asong Bundok. Naisipan niyang magpunta sa tabing-dagat. Isang malaking isda ang kanyang nakita at mabilis niya itong sinunggaban at kinain. 1

Ikalawang Pagbasa – Talata 2 Isang asong gubat ang nakita ni Asong Bundok. Lalo niyang binilisan ang pagkain ng isda. Sa pagmamadali ng pagkain, nabikig ng malaking tinik si Asong Bundok. Noon din ay nakaramdam siya ng ubod ng tinding kirot sa kanyang lalamunan. 2

“May lakas ka pa ng loob na humingi ng gantimpala. Hindi ba utang mo sa akin ang iyong buhay?” ang pasigaw na sabi ni Asong Bundok. “Kung ang iyong tuka na ipinasok sa aking lalamunan ay kinagat ko, namatay ka na sana. Ngunit hindi ko ginawa. Naisip mo ba na walang anumang hayop na pumapasok sa aking bibig ay nakakalabas pa. Ikaw lamang ang mapalad. Hindi ka pa ba nasiyahan na hindi kita pinatay?” Ikaanim na Pagbasa – Talata 6 Nagkunwaring galit na galit ang walang utang na loob na si Asong Bundok. Nang makaramdam siya ng ginhawa ay nalimot na ang pangako. Samantalang si Tangkad Tagak ay walang kibong umalis bagamat mabigat ang kalooban. 6

111


A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman Iugnay ang karanasan ng mga mag-aaral sa mga paraan ng pagpapahalaga/pasasalamat sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kapwa. Itanong: “Paano ninyo naipakikita ang pasasalamat sa taong nakagawa sa inyo ng kabutihan?” •

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Itanong: “May kilala ba kayong di-marunong magpahalaga o magpasalamat sa kabutihang nagawa sa kanya? Ang kwentong ating babasahin ay tungkol rito.” Ilahad sa plaskard ang pamagat ng kwentong babasahin. Sabihin: “Babasa tayo ng isang pabula o kwento na pinamagatang “Walang Utang na Loob.” Kwento ito ng isang asong bundok na hindi marunong magpasalamat sa tumulong sa kanya.” Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangganyak na mga tanong. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang pagbasa ng kwento ay baha-bahagi; at sa bawat bahagi o talata ay aalamin nila ang paksang pangungusap.

Pagpapalawak ng Talasalitaan * Paggamit ng Grid Panuto: Hanapin sa grid ang kahulugan ng sumusunod na mga salita.

Ipagamit sa pangungusap ang mga salitang binigyang-kahulugan. •

Pagtatakda ng Pamantayan K

R

M

N

A

T

I

N

I

K

P

R

T

N

B

K

N

A

G

P

A

N

G

G

A

P

T

A

S

G

D

P

A

Z

B

A

N

B

V

U

S

P

T

U

I

B

O

N

P

R

G

F

M

T

M

A

A

G

U

U

M

U

J

Z

L

V

Q

A

Q

K

Z

Y

R

Z

K

F

M

M

M

A

S

A

M

A

A

N

G

L

O

O

B

S

D

W

V

A

M

S

F

R

A

N

I

N

R

E

E

F

U

I

I

A

N

A

U

E

O

Q

S

R

D

D

Q

N

K

K

U

L

Q

P

V

L

T

N

S

N

A

A

S

I

N

S

Q

D

A

E

R

T

D

B

Y

U

D

T

U

R

F

G

H

I

J

K

I

L

M

N

O

P

N

Bumasa nang may katamtamang lakas ng boses. Basahin nang malinaw ang mga salita. B. Habang Bumabasa * Paggamit ng Graphic Organizer (Story Impression o Impresyon sa Kwento) Bilang ng Talata

112

mapalad nagkunwari

pahiwatig nabikig

ubod ng kirot

mabigat ang kalooban

Susing Pangungusap

Paksang Pangungusap


Tumawag ng mga mag-aaral na mahuhusay bumasa nang pabigkas. Ipabasa ang bawat bahagi/talata sa bawat tinawag na mag-aaral. C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Ipabasa nang tahimik ang bawat talata. Ipasagot ang pangganyak na tanong. •

Pag-unawa Ilahad na muli ang dayagram ng Impresyon sa Kwento. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Patnubayan ang mga mag-aaral sa bawat pangkat sa pagbuo ng nilalaman ng dayagram. Magbigay ng halimbawa at hayaan na ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga nilalaman ng impresyon sa kwento. Halimbawa: Talata

Susing Parirala

1

Isang mala king isda ang nakita ni Asong Bundok, sinunggaban at kinain.

Paksang Pangungusap Isang malaking isda ang nakita ni Asong Bundok at mabilis niya itong sinunggaban at kinain.

Ipagpatuloy ang pagbuo ng dayagram. Ibigay ang mga susing parirala sa bawat pangkat. Ipabuo ang bawat paksang pangungusap. Talata 2: ___________________________________ Paksang Pangungusap:_______________________ ___________________________________

Talata 3: ___________________________________ Paksang Pangungusap:_______________________ ___________________________________ Talata 4: ___________________________________ Paksang Pangungusap:_______________________ ___________________________________ IV. PAGTATAYA Basahin ang sanaysay. Piliin sa bawat talata ang paksang pangungusap.

Kalinisan ng mga Pilipino — Noon at Ngayon Likas na kaugaliang Pilipino ang pagiging malinis sa loob at labas ng tahanan. Noong panahon ng ating mga ninuno, naging ugali nila ang pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang paligid. Tunay na kawili-wiling tingnan ang malinis na kapaligiran noon. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbabago ang ugaling pagiging malinis ng mga Pilipino. Naging pabaya na ang mga tao. Ngayon, wala na silang pakialam kung marumi man ang paligid nila. Karaniwang tanawin na ngayon ang gabundok na mga basurang tirahan na ng mga langaw, ipis, lamok, at daga. Ito ang mga hayop at insektong tagapaghatid ng mga sakit tulad ng dengue, diarrhea, kolera, at iba pa.

113


V. TAKDANG-ARALIN Magbasa ng balita o sanaysay na binubuo ng tatlo hanggang limang talata. Basahin ang bawat talata. Gamitin ang dayagram ng Impresyon sa Kwento sa pagtatala ng paksang pangungusap. Bilang ng Talata

Susing Parirala

Paksang Pangungusap

2. Paglalahad * Paggamit ng Modelong Pangungusap Ilahad sa pisara ang dalawang set ng hugnayang pangungusap.

A. 1. Nagbabago ang panahon sa ilang panig ng daigdig dahil sa global warming o sobrang init ng panahon. 2. Dalawa lamang ang panahon sa Pilipinas samantalang apat na panahon sa kanluraning kontinente tulad ng America at Europe. B. 1. Nagbabago ang panahon sa ilang panig ng daigdig; global warming o sobrang init ng panahon. 2. Ang tag-init at tag-ulan lamang ang panahon sa Pilipinas; apat ang panahon sa kanluraning kontinente tulad ng America at Europe.

Gawain D – Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda * Paggamit ng Biswal Paglalahad ng mga pangatnig na nasa plaskard sa pisara. Paggamit sa pangungusap ng mga pangatnig. Pagsulat sa pisara ng mga hugnayang pangungusap. 114

Ipasuri ang hugnayang pangungusap sa Pangkat A at B. Itanong: “Paano ginamit ang tuldok-kuwit (;) sa ibinigay na mga halimbawa? Ano ang pinalitang pangatnig ng tuldok-kuwit?� Ipaliwanag: Ginagamit ang tuldok-kuwit (;) sa pamamagitan ng paghihiwalay ng payak na pangungusap sa tambalang pangungusap. Ginagamit din ito sa hugnayang pangungusap sa pamamagitan ng paghihiwalay ng sugnay na makapag-iisa at sugnay na di-makapag-iisa.


B. Habang Sumusulat Panuto: Gamitin nang wasto ang tuldok-kuwit(;) sa paghihiwalay ng sugnay na makapag-iisa at sugnay na di-makapag-iisa. Pagtambalin ang mga sugnay sa hanay A at hanay B upang makabuo ng hugnayang pangungusap gamit ang tuldok-kuwit (;). A

B

1. Ang El NiĂąo ay ang pagkilos ng mainit na tubig mula sa kanluran-pasilangan sa Pasipiko.

a. Patuloy na nagpapainit ito sa mundo.

2. Pinipigil ng carbon dioxide ang paglabas ng init sa himpapawid.

b. Nagbabago ang direksyon ng hangin at panahon sa mahigit na kalahating panig ng mundo.

3. Mahalaga ang pagsunod sa mga paalaala sa pagiingat sa kalsada.

c. Nagbubunga ito ng mabuting ugnayan, pagmamahalan, at pagkakaisa.

4. Mabuti ang sumusunod lagi sa mga paalaala ng ating mga mahal sa buhay.

d. Nagpapakita pa tayo ng pagiging mabuting mamamayan.

5. Kaligtasan ang dulot sa atin sa pagtawid sa tamang tawiran.

e. Makakaiwas tayo sa aksidente.

C. Pagkatapos Sumulat Pagpapasuri sa mga isinulat kung nagamit nang wasto ang tuldok-kuwit (;) sa paghihiwalay ng malayang sugnay sa di-malayang sugnay sa hugnayang pangungusap. IV. PAGTATAYA Bumuo ng hugnayang pangungusap. Dugtungan lamang ang mga sugnay na di-makapag-iisa at sugnay na makapagiisa. Gumamit ng tuldok-kuwit (;) sa paghihiwalay ng sugnay na di-makapag-iisa. 1. Marami pa ang mga labahing damit ni Gng. Gonzales 2. Katatapos lamang makuha ng magkapatid ang mga sinampay sa likod-bahay 3. Matutuyo agad ang mga sinampay 4. Natutuwa ang ina sa mga anak. 5. Lalong sinipag ang mga anak sa papuri ng ina. 6. May dala si Neil ng iba’t ibang kagamitang pangmekaniko. 7. Lumapit siya sa ama. 8. Kapapalit lamang ng gulong ng kanilang sasakyan 9. Kukumpunihin din nila ang makina 10. Mamamasyal ang mag-anak bukas. (Dagdagan pa ang pagsasanay.) Pagwawasto: Hayaang magpalitan ang magkatabi upang iwasto ang mga isinulat ng mga mag-aaral. V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng tatlong hugnayang pangungusap sa inyong notbuk na gamit ang tuldok-kuwit (;). 115


ARALIN

4

Mga Mungkahing Estratehiyang Makrong Kasanayan Pakikinig

Pagsasalita

Ginamit sa Bawat

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Palaisipan/ Puzzle

* Graphic Organizer (Venn Diagram)

* Pahulaan

* Modelong Patalastas at Anunsyo

* Tree Diagram

* Awtentikong Kagamitan (Artikulo)

* Ugnayang Tanong at Sagot * Habing Semantika * Awtentikong Kagamitan (Balita)

* Pangkatang Gawain

* AGMN * Cloze Test

* Rubric/Tuntunin sa Pagsulat

* Larong Pangwika

* Graphic Organizer (Data Information Chart)

I.

MGA LAYUNIN A. Pakikinig • Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa detalye ng ulat na napakinggan

116

B. Pagsasalita • Napag-uuri-uri ang pangngalan ayon sa tungkulin: pantangi, pambalana, lansakan C. Pagbasa • Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pahiwatig na salita • Napipili ang mga detalye na sumusuporta sa bawat pangunahing diwa • Nakabubuo ng balangkas na may dalawang bahagi D. Pagsulat • Nakasusulat ng anunsyo/patalastas II. PAKSANG ARALIN A. Pagsagot sa mga Detalye ng Ulat B. Pag-uuri-uri ng mga Pangngalan Ayon sa Tungkulin C. Mga Pagkaing Makolesterol • Pagkilala ng Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pahiwatig na Salita • Pagpili ng mga Detalyeng Sumusuporta sa Pangunahing Diwa • Pagbuo ng Balangkas na may Dalawa o Higit pang Bahagi D. Pagsulat ng Anunsyo/Patalastas Pagpapahalaga:

Ang kalusugan ay kayamanan.

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikalimang Baitang; mga kagamitan; mapa ng Pilipinas; plaskard ng mga salitang hiram


IV. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman * Pagkakaroon ng Palaisipan/Pagsagot sa Puzzle Sinu-sino ang kilala ninyong newscaster? Hanapin sa puzzle. I

P

A

B

L

O

D

E

N

R

I

C

O

E

E

M

A

S

S

E

S

E

N

R

I

Q

U

E

Z

O

L

A

S

M

O

R

A

L

E

S

A

L

I

A

C

O

T

A

T

A

N

A

A

Q

N

N

K

B

E

R

R

H

N

O

T

B

Z

U

I

R

O

A

S

I

A

I

A

C

N

I

O

E

A

O

M

L

L

S

E

H

S

S

H

B

E

P

D

R

I

P

I

I

A

T

I

E

N

E

J

N

E

T

A

S

E

A

N

N

E

O

M

U

Z

L

Z

S

K

Y

C

M

F

G

T

V

E

B

A

M

D

A

O

Z

D

I

R

A

O

O

L

0

R

A

H

O

N

T

I

V

E

R

O

S

S

I

L

A

C

L

A

V

I

O

G

A

V

I

M

O

S

E

N

I

A

L

I

C

K

S

O

H

O

N

T

A

O

C

G

N

A

I

T

O

E

L

I

L

I

K

U

Y

A

K

T

I

A

N

G

C

O

S

Sagot Pababa • Sembrano

Pahalang • Enriquez

Sanchez

Morales

Atienza

Hontiveros

Santos

Clavio

Soho

Itanong: “Saan ninyo narinig ang pagbabalita ng ulat ng panahon? Sino sa mga newscaster ang kilala ninyong nag-uulat ng panahon?” •

Pagpapayaman ng Talasalitaan Pagbibigay ng kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap. 1. Ang PAG-ASA ang nagpapahayag gp p y g ng ulat ng panahon sa radyo at pahayagan. 2. Ang Kamaynilaan ay paminsan-minsan nakararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. 3. Katamtaman ang lakas ng hangin sa tabingdagat kaya maganda ang panahon.

Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Itanong: “Anu-ano ang dapat tandaan habang nakikinig ng ulat?”

Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig *

Paggamit ng Ugnayang Tanong at Sagot

L

*

Paggamit ng Habing Semantika

M

P

A

K

Sabihing sasagutin nila ang mga tanong tungkol sa ulat sa lagay ng panahon noong Abril 14, 2009 ayon sa PAG-ASA sa iba’t ibang bahagi ng bansa. 117


C. Pagkatapos Makinig * Paggamit ng Graphic Organizer (Data Information Chart) Ilahad na muli ang mga tanong na nasa tsart ng Habing Semantika. Ipasagot ang mga tanong at isulat ito sa Data Information Chart.

2. Mindanao

1. Hilagang Luzon

Ano ang lagay ng panahon noong Abril 14, 2009?

3. Natitirang bahagi ng bansa

Sabihin: “Basahin ang tanong at ang lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Isulat sa angkop na kolum ang itinalang kasagutan sa bawat tanong.” Ulat Panahon — Abril 14, 2009

B. Habang Nakikinig * Paggamit ng Awtentikong Kagamitan (Balita) Tumawag ng isang mag-aaral na mahusay magbalita. (Maaaring gumamit ng napapanahong ulat-balita kung mayroon.) Iparinig sa klase ang kasunod na balita. Ulat Panahon Ang Hilagang Luzon ay makararanas ng maulap na papawirin na may pabugsu-bugsong pag-ulan sa hapon hanggang gabi. Samantalang ang Mindanao ay makararanas din ng maulap na papawirin na may pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat. Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap at minsan ay may kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat lalo na sa dakong hapon at gabi. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay 24.2 hanggang 33 antas ng sentigrado. Ang araw ay sisikat sa ganap na 5:43 ng umaga at lulubog naman bandang 6:10 ng gabi. Halaw: Tempo, Abril 14, 2009

118

Tanong Ano ang lagay ng panahon sa sumusunod na mga lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa?

Lugar

Sagot

1. Hilagang Luzon

1. ______________ ______________ ______________ ______________ ______________

2. Mindanao

2. ______________ ______________ ______________ ______________ ______________

3. Natitirang bahagi 3. ______________ ng bansa ______________ ______________ ______________ ______________


IV. PAGTATAYA

Gawain B — Pagsasalita

Iparinig ang kasunod na ulat. Ipasagot ang kasunod na mga tanong.

Sa Lahat ng Myembro ng SSS SSS pensyon tataas ng 10%. Madaragdagan ng 10 porsyento ang pensyon ng mga myembro ng Social Security System (SSS). Inaprubahan ni Pang. Arroyo ang maagang pamaskong handog ng SSS at epektibo ito sa Setyembre 1. Ayon kay Chairman Thelmo Cunanan, malaki ang itinaas ng kita ng SSS ngayong taon kung saan umabot ang koleksyon sa 51.6 bilyon. Sakop ng increase ang mga pensioner, retirees, at disability pensioner. (Lilia Tolentino)

A. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Graphic Organizer (Venn Diagram) Iugnay ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paguuri-uri ng mga napag-aralan na nila. Papagbigayin ang mga mag-aaral ng mga pangngalan ayon sa konsepto: Kongkreto — bagay na nakikita at nahahawakan. Di-kongkreto — katangian, gawain, o di-materyal na bagay. Tumawag ng mga mag-aaral at ipauri ang mga pangngalan sa talaan. bata lapis

aklat tuwa

pag-aaral

papel paaralan kagandahan

Kongkreto

1. Para kanino ang ulat na inyong napakinggan?

Di-kongkreto

1.

1.

2. Ano ang paksa ng ulat?

2.

3. Ilang porsyento ang itataas ng SSS pensyon?

3.

4. Sino ang nag-uulat?

4.

4.

5.

5.

5. Kailan magiging epektibo ang napakinggang ulat?

awit kalinisan

2 Uri ng Pangngalan

2. 3.

V. TAKDANG-ARALIN Makinig sa radyo o manood ng ulat-panahon sa telebisyon. Iulat sa klase ang napakinggang ulat sa susunod na araw.

Itanong: “May alam pa ba kayo na uri ng pangngalan? Ito ngayon ang ating bagong aralin.”

119


B. Paglalahad 1. Ipakilala ang tatlong uri ng pangngalan ayon sa tungkulin. * Paggamit ng Tree Diagram

Agosto 18, 2010

Tanong: Anu-ano ang uri ng pangngalan ayon sa tungkulin?

Pantangi

Pambalana

Lansakan

1. Tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari

1. K a r a n i w a n g ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari

1. P a n g n g a l a n g nagpapakilala ng pangkat ng tao, hayop, bagay, at pook

2. Nagsisimula sa malaking titik

2. Nagsisimula sa maliit na titik

2. Nagsisimula sa maliit na titik

Mga Halimbawa

Mga Halimbawa

Mga Halimbawa

1.

1.

1.

2.

2.

2.

3.

3.

3.

2. Ilahad ang liham sa pisara. Ipasuri sa mga magaaral ang nilalaman nito. Ipapili ang tatlong uri ng pangngalan ayon sa tungkulin at idagdag sa Tree Diagram. 120

Republika ng Pilipinas Lungsod ng San Pablo Tanggapan ng Punong Lungsod

Dr. Ester C. Lozada Tagapamahala ng Paaralang Lungsod Kagawaran ng Edukasyon Rizal Avenue, Lungsod ng San Pablo Mahal na Dr. Lozada: Tuwing huling Linggo ng buwan ng Agosto ay ating ipinagdiriwang ang Pambansang Araw ng mga Bayani. Alinsunod dito, ang ating pamahalaan ay magdaraos ng maikling palatuntunan bilang paggunita at pagbibigay-pugay sa ating mga bayani. Kaugnay nito, kayo po ay inaanyayahang makilahok sa nasabing palatuntunan na gaganapin sa darating na Lunes, Agosto 30, 2010, sa ganap na ika-7:30 ng umaga sa harap ng bantayog ni Gat Andres Bonifacio, Kalye Trece Martires. Inaanyayahan din po namin ang buong personnel ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagdalo sa nasabing palatuntunan. Maraming salamat at pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal. Sumasainyo, Vicente B. Amante Punong Lungsod


C. Paghahalaw 1. Magkaroon ng talakayan sa inilahad na bagong aralin. Tanong: “Ano ang katangian ng uri ng pangngalan ayon sa tungkulin: pantangi, pambalana, at lansakan?” 2. Ano ang paksa ng liham ni Mayor Amante sa Tagapamahala ng Paaralang Lungsod ng San Pablo?

F. Pagsasanay Maghanda ng plaskard ng tiglilimang pangngalang pantangi, pambalana, at lansakan. Sabihin: “May mga pangngalang nakasulat sa plaskard na ipakikita ko sa inyo. Ikaway ang kamay kung ang pangngalan ay pantangi; pumalakpak kung pangngalang pambalana; at ipadyak ang paa kung pangngalang lansakan. Mga Pangngalan sa Plaskard

3. Isa-isahing piliin ang tatlong uri ng pangngalan. a. pantangi c. lansakan b. pambalana

magkakamag-aral Paaralang Elementarya ng Atimonan Republika ng Pilipinas

Idagdag ito sa Tree Diagram. D. Paglalahat Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat sa tulong ng pamatnubay na mga tanong. “Ano ang natutuhan ninyo sa aralin natin sa Pagsasalita? Anu-ano ang uri ng pangngalan ayon sa tungkulin? Ibigay ang katangian ng bawat uri ng pangngalan. E. Paglalapat *

Paggamit ng Pangkatang Gawain

*

Pagkakaroon ng Larong Pangwika Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay magtatala ng sampung halimbawa. Ang Unang Pangkat ay magtatala ng pangngalang pantangi; ang Ikalawang Pangkat ay pangngalang pambalana; at ang Ikatlong Pangkat ay pangngalang lansakan. Ang pangkat na maraming tamang naitala ang siyang mananalo.

guro at mag-aaral batalyon ng sundalo kumpul-kumpol na bulaklak lapis, papel, at krayola

IV. PAGTATAYA Piliin ang mga pangngalan sa dayalog. Itala sa tatlong kolum ang bawat uri ng pangngalan sa inyong sulatang papel. A: 1. Ano ang ibig sabihin ng “Malakanyang”? B: 2. “May Lakan diyan.” Ang unang naging pangalan nito ay “Posesion de Malacan.” A: 3. Ano ang ibig sabihin ng “Maynila”? B: 4. “May Nilad.” Ang Nilad ay isang uri ng halamang namumulaklak. Laganap ang Nilad sa pook na ito noong panahong itatag ng mga Español ang lungsod.

121


A: Gaano karami ang mga kawal na namatay sa Digmaang Pilipino-Amerikano mula noong 1899 hanggang 1902? B: Bata-batalyong kawal na Pilipino ang nangamatay.

Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa

V. TAKDANG-ARALIN Mga Pagkaing Makolesterol

Gawin sa inyong notbuk ang takdang-aralin. 1. Nasa loob ng kahon ang mga pangngalang lansakan. Piliin ang angkop na pangngalan sa kahon upang mabuo ang dayalog. Isulat sa papel. ol

p kum

tangkas

a

n dose

buwig

ok tump

Naku, Lola ang daming bunga ng kamyas. 1 _____ sa bawat sanga. LOLA: Manguha ka na. Heto ang basket. Marami rin tayong saging. Tutulungan ko ang lolo ninyo sa pagkuha ng mga 2_____ ng saging. Heto si Jem. Tutulungan ka niya. JEM: Hannah, pagkatapos nating manguha ng kamyas, tingnan natin ang mga itlog sa pugad. 3_____ yata sa dami. HANNAH: O sige, mamaya. Naku, makapagbibili pa tayo ng kamyas! Magkano kaya natin ipagbibili ang isang 4 _____? 2. Itala sa bawat kolum ang mga pangngalang ginamit sa dayalog. HANNAH:

Pangngalang Pantangi

Pangngalang Pambalana

Nakikinig sa ulat si Nica. Ito ang napakinggan niya. “Mataas sa kolesterol ang mga pagkaing mamantika tulad ng mantekilya, bacon, karne, mayonnaise, keso, at itlog.” “Ate Lydia, ano nga ba ang kolesterol at talaga bang masama ito sa ating katawan?” ang tanong ni Nica. “Bakit may taong napakataba?” “May magasin ako tungkol sa kolesterol. Eto, basahin mo,” ang sabi ni Lydia. May dalawang uri ang kolesterol. Ang isa ay ang g High Density Lipoprotein. Mabuting kolesterol ito sapagkat, kapag mataas ang lebel nito sa katawan, ibinababa nito ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Ang ikalawa ay ang Low Density Lipoprotein. Ito ay masama dahil kapag mataas ang lebel nito sa katawan, nauuwi ito sa sobrang pagtaba ng isang tao o obesity, sakit sa puso, pagliit at pagtigas ng mga arteryang daluyan ng dugo. Saan nakukuha ang kolesterol? Ang kolesterol ay mga tabang nakukuha sa mga karne. May mga kolesterol namang nakukuha sa margarina, keso, itlog, bacon, at mga salad dressing. Exogenous cholesterol ang tawag dito. Mayroon ding kolesterol na nalilikha ang ating katawan. Tinatawag itong endogenous cholesterol. Ginagamit ito sa normal na metabolismo ng ating katawan. May mga taong mataas ang lebel ng kolesterol sa katawan dahil sa sobrang taba, may diabetes na di makontrol o kaya’y may abnormal na aktibidades ang thyroid glands.

122


Alam Na

Paano ang dapat gawin upang hindi tumaas ang lebel ng kolesterol sa dugo?

1. Mataas daw sa kolesterol ang mga pagkaing mamantika.

Mag-ehersisyo at pamalagiin ang tamang timbang. May angkop na timbang sa bawat gulang at taas ng tao. Kumain ng mas maraming isda, gulay, prutas, at manok. Bawasan ang pagkain ng mamantikang pagkain tulad ng lamang-loob. Halaw: Lalunio, Lydia P. et.al, 1999, Hiyas sa Pagbasa, Batayang Aklat, Baitang 5, LG&M Corp., Q.C.

Paggamit ng Dating Kaalaman

*

Pagkakaroon ng Pahulaan

Hulaan ang tinutukoy ng kasunod na pahayag. Sagot: kolesterol Itanong: “Bakit kailangan ng mga bata ang kolesterol?” Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Paghihinuha kung bakit ito ang pamagat ng aralin: “Mga Pagkaing Makolesterol.” Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangganyak na tanong. Pagtukoy sa Alam Na at Gustong Malaman tungkol sa kolesterol.

Pagpapayaman ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa pahiwatig na salita sa pangungusap. 1. Bawasan ang pagkain ng mga lamang-loob g ng baboy at baka gaya ng bituka, atay, puso, at iba pa. 2. Kumain ng maraming gulay at prutas upang maiwasan ang mamantikang g pagkain p g . 3. Ang mataas na lebel ng kolesterol sa katawan ay nakapagpapaliit at nakapagpapatigas ng arteryang daluyan ng dugo.

Mga tabang nakukuha sa mga karne.

1. Talaga bang masama ang kolesterol sa ating katawan?

Sabihin: “Aalamin natin ang mga kasagutan sa mga tanong na gusto ninyong malaman. Itala sa sulatang papel ang inyong sagot.”

Panimulang Gawain *

Natutuhan

2. Saan nakukuha ang kolesterol?

A. Bago Bumasa •

Gustong Malaman

Pagtatakda ng Pamantayan Pagbibigay ng mga mag-aaral ng pamantayan sa pagbasa nang pabigkas.

B. Habang Bumabasa Pagtatala ng mahahalagang impormasyong makukuha sa teksto. 123


1. Ang kolesterol ay mga (tabang g nakukuha) sa mga karne, margarina, keso, itlog, bacon, at mga salad dressing.

C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Pagpupuno ng mga impormasyong natutuhan sa ikatlong bahagi ng tsart ng AGMN.

2. Bawasan ang pagkain ng mga (lamang-loob g ) gaya ng bituka,, atay, y, puso, p , at iba p pa. 3. Kapag mataas ang lebel ng Low Density Lipoprotein sa katawan, nauuwi ito sa obesity y o (sobrang g p g pagtaba ).

Natutuhan • •

May masama at may mabuting kolesterol sa katawan ng tao. May dalawang uri ang kolesterol: 1. High Density Lipoprotein — mabuting kolesterol ito sapagkat mataas ang lebel nito sa katawan; ibinababa nito ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso. 2. Low Density Lipoprotein — masama dahil pag mataas ang lebel sa katawan, nauuwi ito sa sobrang pagtaba, sakit sa puso, at pagtigas ng arteryang daluyan ng dugo. (Ipagpapatuloy ang pagtatala ng mga bagaybagay na nalaman.)

Pagbibigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pahiwatig na salita. *

124

4. Mayroon ding kolesterol na nililikha ang g ating g katawan at tinatawag itong (endogenous g cholesterol).

Paggamit ng Cloze Test Punan ang patlang ng salitang nagpapahiwatig ng kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

Pag-unawa Pagtukoy sa angkop na detalyeng sumusuporta sa pangunahing diwa. Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang pagpapangkat ng pangunahing ideya. Ngayon nama’y tutukuyin natin ang mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya. Balikan ang teksto at punan ang balangkas. Ang g Totoo sa Kolesterol I. Uri ng Kolesterol A. High Density Lipoprotein 1. Mabuting kolesterol 2. Ibinababa ang panganib ng sakit sa puso. B. Low Density Lipoprotein 1. __________________________________ 2. __________________________________


II. Pinanggagalingan ng kolesterol A. Exogenous 1. __________________________________

IV. PAGTATAYA Igawa ng balangkas ang sumusunod na impormasyon tungkol sa sipon.

2. __________________________________ 3. __________________________________ B. Endogenous 1. __________________________________ 2. __________________________________ 3. __________________________________ III. Mga Dapat Gawin Upang Maiwasan ang Pagtaas ng Kolesterol A. ______________________________________ B. ______________________________________ C. ______________________________________ Tatlong punto ang balangkas na ating ginawa. Basahin ang paksa sa I, II, III. Ang mga detalye ay nasa ilalim ng bawat paksa. •

Pagpapahalaga Itanong: 1. Ano ang pagkakaiba ng dalawang uri ng kolesterol? 2. Saan nakukuha ang kolesterol? 3. Paano maiiwasan ang pagtaas ng Low Density Lipoprotein sa katawan? 4. Paano mapapahalagahan ang kalusugan? 5. Paano mo pinapahalagahan ang iyong kalusugan?

“Ang sipon ay impeksyon na sanhi ng bakterya na nagiging dahilan ng pananakit ng lalamunan at ng pag-ubo. Ang taong may sipon ay maaaring lagnatin o kaya naman ay manakit ang mga kasu-kasuan o joints.” “Madaling makapasok ang mga virus ng sipon sa katawang may mahinang resistensya. Ang kakulangan sa pagtulog ay maaaring maging isa pang dahilan kung bakit madaling kapitan ng sipon.” “Ang pagkakaroon ng malusog na katawan ang pinakamahalaga upang maiwasan ang sipon at iba pang uri ng sakit. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkain ng mga prutas, gulay, at pag-inom ng maraming tubig. Mahalaga rin ang ehersisyo ng katawan, sapat na pahinga, at pagtulog. Higit sa lahat, panatilihing malinis ang ating katawan.”

125


V. TAKDANG-ARALIN *

Gawain D — Pagsulat

Paggamit ng Awtentikong Kagamitan (Artikulo) Ang sumusunod ay isang artikulo tungkol sa dyip na tatak-Pinoy talaga. Maigawa mo kaya ito ng balangkas sa papel? Subukin mo. Ang Dyipning Pinoy Bunga ng mapanlikhang-isip ng Pilipino ang dyipning Pinoy. Sa Pilipinas lamang matatagpuan ang isang uri ng sasakyang pambansa na tulad ng dyipning Pinoy. Bahagi na ito ng pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino. Halos mapuno ang harapan nito ng iba’t ibang uri ng dekorasyong gaya ng salamin, makikintab na laruang kabayo, at mga banderitas. Kung minsan ay may mga kurtina pa ito. Mababasa rin sa loob ng dyipni ang iba’t ibang kasabihang Pilipino o dili kaya’y mga pamagat ng awitin. Kung minsan naman ay larawan ng magagandang tanawin ng ating bayan ang nakasabit dito. Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming iniwang mga dyip ang mga sundalong Amerikano. Mula sa mga ito at iba pang mga patapong bagay, ang mapanlikhang isip ng mga Pilipino ay nalinang upang humubog ng kung anu-anong bahagi ng sasakyan. Sa gayong paraan nalikha ang dyipning Pinoy. Sa kasaysayan ng dyipning Pinoy, tiyak na kasama ang ngalan ni Leonardo Sarao – siya ay kilalang hari ng mga dyipning pampasahero sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang kutsero, naging mekaniko hanggang sa maitayo niya ang Sarao Motors noong 1953. Halaw: Lalunio, Lydia P. et.al, 1999 Hiyas sa Pagbasa, Batayang Aklat, Baitang 5, LG&M Corp., Q.C.

126

A. Bago Sumulat 1. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman Muling ipagawa ang wastong pagsulat ng mga pangngalang pantangi. Tumawag ng dalawang magaaral na pasusulatin sa pisara. Idikta ang kasunod na patalastas. Mag-ingat sa pagkain ng tahong. May babala na naman tungkol sa red tide na ipinatutupad sa mga baybayin ng Manila Bay, Cavite, at Bataan. Lahat ng mga mamamayan ay binabawalang bumili at kumain ng tahong, talaba, at iba pang lamang-dagat na nahuhuli sa mga baybaying ito. Mayor Florante Veranga

Ilahad sa pisara ang ipinasulat na patalastas. Ipasuri ang isinulat ng dalawang mag-aaral sa pisara. Itanong: “Alin sa dalawang mag-aaral ang nakapagsulat ng mga salita na may wastong baybay at nagamit ang malaking titik sa mga pangngalang pantangi?” 2. Paglalahad * Paggamit ng Modelong Patalastas at Anunsyo Ilahad ang modelo ng isang patalastas, anunsyo, o paunawa. Maaari ring paramihin ang sipi upang mabigyan ang bawat mag-aaral. Ipasuri ang pormat/ anyo at nilalaman ng anunsyo. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang paunawa ay isang anyo ng anunsyo o patalastas.


Ipaliwanag na sa pagsulat ng patalastas o anunsyo, may mga tuntunin na dapat tandaan gaya ng sumusunod:

Republic of the Philippines Office of the President

1. Tiyakin ang paksa ng susulatin. 2. Gawing maikli ang mensahe. 3. Ilagay lamang ang mahahalagang impormasyon na sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino, Kailan, at Saan. 4. Isulat nang maayos ang patalastas na gumagamit ng malaking titik at mga bantas. 5. Isulat nang malinaw at madaling basahin ang patalastas.

Housing and Land Use Regulatory Board Region III, 2nd Floor David Bldg., Dolores City of San Fernando, Pampanga Tel. Nos. (045) 963-7376 to 77 * e-mail:hlurb3@mozcom.com

PAUNAWA Ipinauunawa na ang/si Robinson Homes, Inc. ay nagharap sa lupon na ito ng aplikasyon para sa pagpapatala at pagbibili ng mga lote sa ROSEWOOD PARKHOMES (118 na lote) na matatagpuan sa Brgy. Cutcut, Angeles Ciy at sakop ng aprubadong planong subdibisyon Pcs-03-014931. Ang mga kasulatang kaugnay nito ay maaaring suriin ng sinumang tao na nagtataglay ng legal na interes doon pagkaraan ng wastong aplikasyon at kaukulang bayad. Sinumang tao na may kapani-paniwalang pagtutol sa pagkatala ng proyekto ay maaaring magbigay ng nilagdaang pagtutol sa HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD, R-III 2nd Flr., David Bldg., Dolores, City of San Fernando, Pampanga, na may telepono bilang (045) 936-7376 at 77 na hindi hihigit sa sampung (10) araw mula sa petsa ng pagkatala. Bayan ng San Fernando, Pampanga, ika-2 ng Oktubre 2010. EDITHA U. BARRAMEDA Regional Officer

B. Habang Sumusulat Panuto: Basahin ang kasunod na patalastas o anunsyo. Paikliin ang anunsyo sa sampung pangungusap. Isulat ito sa inyong sulatang papel. Duque, Tiniyak ang 50% Bawas sa Presyo ng mga Mamahaling Gamot

T

iniyak ni Health Secretary Francisco T. Duque III ang pagpapatupad sa Maximum Drug Retail Price (MDRP) sa Agosto 15, taong kasalukuyan. Ipinahayag niya ngayon ang mga tala ng mga gamot na sasailalim sa 50% ng boluntaryong pagbaba ng presyo nito simula sa Agosto 15. “Labis naman kaming na t u t u w a s a ma b i l i s a t

masiglang pagtugon ng industriya sa apela o panawagan ng pamahalaan sa boluntaryong pagbaba ng 50% sa mga presyo ng gamot. Sa katunayan, higit pa sa inaasahan namin ang kinalabasan ng apela sapagkat bukod sa orihinal na talaan ng mga gamot na inapela naming babaan ang presyo, ang ibang mga kompanya ng gamot ay boluntaryong mag-

127


bababa ng presyo sa iba pa nilang pangunahing produkto,� ang pahayag ni Duque. Ipinahayag din ni Duque na walong pharmaceutical companies ang sumang-ayon sa boluntaryong pagbaba ng presyo sa 31 pang produkto na wala sa talaan ng MDRP. Sa ngayon, may kabuuang 72 gamot ang bababa ang presyo. Ang mga gamot na ito ay panlunas sa hypertension, diabetes, influenza, hypercholesterolemia, cancer, r arthritis, goiter, r allergies, at infections. S a re s o l u s y o ng i na prubahan ni Health Secre-

tary Duque, kasama ang ilang myembro ng Advisory Council for Medicine Price Regulation, isinasaad na ang implementasyon o pagpapatupad ng boluntaryong pagbaba ng presyo ng mga gamot ay sisimulan sa Agosto 15, 2009. Ang mga botikang nasa malalayong lugar at hindi pa computerized ay sa Setyembre 15 pa ipatutupad ang MDRP. Ito ang tinatawag na smalll at medium drug store ngunit hindi kabilang dito ang maliliit na botikang nasa Kamaynilaan. Hango sa: www.doh.gov.ph

Ibigay ang pamatnubay na mga tanong para sa susulating anunsyo. 1. Sa inyong susulatin at paiikliing anunsyo, sa anong titik dapat isulat ang pamagat? 2. Ilang talata ang bumubuo ng anunsyo? Ano ang mahahalagang impormasyon sa (a) talata 1, (b) talata 2, (c) talata 3, (d) talata 4? 3. Paano ninyo susulatin ang pinaikling anunsyo? C. Pagkatapos Sumulat * Paggamit ng Rubric/Tuntunin sa Pagsulat Pagpalitin ng papel ang mga mag-aaral sa katabi. Ipasuri at ipawasto ang hawak na papel. Gamitin ang rubric sa pagwawasto ng isinulat na anunsyo. 128

Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagwawasto ng isinulat na anunsyo. Palagyan ng tsek (✓) ang angkop na kolum. Tuntunin sa Pagsulat ng Anunsyo

Oo

Hindi

A. Anyo o Pormat 1. Nasa gitna ba ng papel ang pamagat? Ginamit ba ang malaking titik sa pagsulat ng pamagat? 2. Nakapasok ba ang unang salita sa bawat talata? 3. Higit bang malaki ang margin sa dakong kaliwa ng papel kaysa sa dakong kanan? 4. Wasto ba ang baybay ng mga salita? 5. Nagsisimula ba sa malaking titik ang simula ng pangungusap at nagtatapos ba ito sa wastong bantas? B. Nilalaman 1. Angkop ba ang pamagat ng anunsyo sa nilalaman nito? 2. Ang mga pangungusap ba na bumubuo sa bawat talata ay naaayon sa paksa?

IV. PAGTATAYA Pagsulat ng sariling patalastas tungkol sa paligsahan sa pagtula na gaganapin sa ika-31 ng Agosto tungkol sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng patalastas tungkol sa isang basketball tournament na gaganapin sa inyong barangay.


ARALIN

5

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan Pakikinig

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Pahulaan

* Laro

* Modelong Balita

* Pinatnubayang Pakikinig at Kritikal na Pag-iisip

* Wheel Chart

* Graphic Organizer (Memory Bubble Chart)

* Balangkas

I.

Pagsasalita

* Cluster Chart * Data Information Chart

C. Pagbasa • Naibibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa ginamit na panlapi • Nasasabi ang mga pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga sa seleksyong binasa D. Pagsulat • Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangngalan sa pagsulat ng balita II. PAKSANG ARALIN A. Pagbuo ng Balangkas Tungkol sa Napakinggang Teksto B. Pag-uuri-uri ng Pangngalan

* Rubric/ Krayterya

* Graphic Organizer (Cluster Chart)

C. World Meteorological Day • Pagbibigay ng Kahulugan ng mga Salita Batay sa Ginamit na Panlapi • Pagsasabi ng Pangyayaring may Ugnayang Sanhi at Bunga

* Payak na Habi

D. Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangngalan sa Pagsulat ng Balita

LAYUNIN A. Pakikinig • Nakabubuo ng banghay o balangkas tungkol sa napakinggang teksto B. Pagsasalita • Napag-uuri-uri ang pangngalan ayon sa kayariang payak, maylapi, inuulit, tambalan

Pagpapahalaga: Pangalagaan ang kagubatan ng bansa

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikalimang Baitang; plaskard ng mga pangngalan; dyaryo

129


Gawain A — Pakikinig A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman * Pagkakaroon ng Pahulaan Pahulaan kung anong hanapbuhay ang mabubuo sa simulang titik ng mga salita sa loob ng kahon. mangga abokado

guyabano aratiles

saging anonas

alugbati

kamatsili

santol

Sagot: magsasaka •

130

Pagpapayaman ng Talasalitaan Pagbibigay ng kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa loob ng pangungusap. 1. Siya ay naging eksperto p sa paghahalaman. (natatangi, dalubhasa, kilala) 2. Boluntaryo y niyang pinamamahalaan ang pagsasanay sa mga magsasaka para magkaroon ang mga ito ng masaganang ani. (Puspusan, Palagi, Kusang-loob)

Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Pagbibigay sa mga mag-aaral ng pamantayan sa pakikinig.

Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig Sabihin na pakikinggan nila ang isang balita nang baha-bahagi. Pagkatapos ay may mga tanong silang sasagutin.

B. Habang Nakikinig * Paggamit ng Pinatnubayang Pakikinig at Kritikal na Pag-iisip 1. Pagpaparinig ng dalawang mag-aaral na gaganap bilang newscasters. Maghahalinhinan sila ng pagpaparinig sa bawat talata. “Kapag may tiyaga, may nilaga” Ito ang napatunayan ni Mang Loloy “Romulo” Gilbolingo Davide nang makatapos siya ng pagaaral at maging eksperto sa paghahalaman. Ito rin ang naging panuntunan niya sa pagtulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatayo ng Farmer Scientist Program (FSP) sa University of the Philippines (UP) sa Los Baños, Laguna.

1. Sino si Mang Loloy? 2. Paano niya napatunayan ang kasabihang “Kapag may tiyaga, may nilaga.” Isang retiradong propesor at Professor Emeritus ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) at tinaguriang Father of Plant Nematology dahil sa introduksyon nito sa Pilipinas. Balikan natin ang ilang sulyap sa buhay ni Dr. Romulo G. Davide. Boluntaryo niyang pinamamahalaan noon ang pagsasanay at pagbibigay ng kaalaman sa mga magsasaka para magkaroon ang mga ito ng masaganang ani. Katunayan, may 2,000 magsasaka ang sinanay ng FSP sa Cebu at tumaas ang kita ng mga magsasaka ng mais mula sa 520,000 sa 5100,000 taun-taon. Ganito rin ang nangyari sa 14 na bayan sa Region 7 at dalawang bayan sa Mindoro.


1. Magkano ang itinaas na kita ng mga magsasaka ng mais bawat taon sa Cebu? 2. Bukod sa Cebu, ilang bayan pa ang natulungan ni Mang Loloy?

Ikalima si Mang Loloy sa pitong anak nina Hilario P. Davide, Sr. at Josefa Gilbolingo ng Argao, Cebu at kapatid ni Chief Justice Hilario Davide. Halaw:

Sa kabila ng maraming gawain sa pagiging propesor, masaya rin si Mang Loloy na pumunta sa mga liblib na lugar sa bansa. Personal niyang minomonitor ang kanilang mga ginagawa at tulungan ang mga ito sa kanilang mga problema sa pagsasaka. Ang lahat ng ito ay ginagawa niya nang libre. Para makapag-aral sa UP sa Los Baños, Laguna, kinakailangan niya na magtrabaho bilang janitor sa nasabing paaralan. Dahil matalino at masipag, nakatapos siya ng Bachelor of Science in Arts sa UP at nakuha ang kanyang Master of Science noong 1962 sa Oklahoma State University at ang kanyang doctoral noong 1965 sa North Carolina State University.

1. Paano nakapagtapos ng pag-aaral si Mang Loloy sa UP sa Los Baños, Laguna? 2. Saan-saan pa siya nag-aral? Dahil sa walang sawang pagtulong at walang hinihintay na kapalit, isa si Mang Loloy sa pitong binigyan ng parangal noong Disyembre bilang Volunteer Worker ng buong bansa ng Philippine National Volunteer Service Coordinator Agency at ng National Volunteer Month Steering Committee. Ipinagdiriwang ang National Volunteer Month tuwing Disyembre mula pa noong 1988.

• Kabayan, 2003 ni Manto-Beltran, Lea • http://www.businessmirror.com. ph/06232008/special_feature01.html

1. Anong parangal ang iginawad kay Mang Loloy? 2. Karapat-dapat bang tumanggap ng parangal si Mang Loloy? Bakit? C. Pagkatapos Makinig • Pagtalakay sa Binasa * Paggamit ng Balangkas Pagbuo ng balangkas tungkol sa napakinggang teksto na makatutulong sa pagbuo ng lagom ng binasa na papangkatin ang mga ideyang nakalahad sa teksto. Sabihin: “Gumawa ng balangkas tungkol sa pangkat ng mga ideya ayon sa sumusunod na mga paksa.” I. Mga Magulang A. Ama B. Ina II. Lugar ng Kapanganakan III. Mga Kurso at Lugar na Pinag-aralan 1. __________________________________ 2. __________________________________ 3. __________________________________ IV. Mga Hanapbuhay 1. __________________________________ 2. __________________________________ 131


V. Mga Karangalang Natamo 1. __________________________________ 2. __________________________________ IV. PAGTATAYA Sabihin: “Pakinggan ang talambuhay ni Manuel Luis Quezon. Magtala ng mahahalagang pangyayari habang nakikinig. Makatutulong ito sa pagbuo ninyo ng balangkas.”

Nonong. Tinuturuan niya ang mga internong Español na mahina sa pag-aaral. Ang mga pumapasok na tagapagturo ay binibigyan ng walang bayad na pagtira, pagkain, at libreng matrikula. Naging kamag-aral niya sa abogasya sina Sergio Osmeña, Emilio Jacinto, at Juan Sumulong. Noong Abril 1903, sa gulang na 25, naipasa niya sa bar ang abogasya. Isa siya sa nakapasa na kabilang sa unang limang may pinakamataas na marka. Halaw:

Hindi na mabilang ang mga pangyayari sa buhay ni Manuel Luis Quezon na nalathala na ngunit mayroon pa ring mga pangyayaring hindi nababatid. Narito ang ilan sa mga iyon. Ang batang si Nonong, ang tawag sa kanya, ay isinilang noong Agosto 19, 1878 sa liblib na bayan ng Baler sa lalawigan ng Tayabas (Aurora ngayon). Si G. Lucio Quezon ang kanyang ama at si Gng. Maria Molina ang kanyang ina. Kapwa guro ang mag-asawa. Sa paaralang pinamamahalaan ng mga pari sa Baler nagtapos ng elementarya si Nonong. Naipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa elementarya bilang katulong sa kumbento ng simbahan ng Baler upang maturuan siya nang libre ni Padre Teodoro Fernandez. Sumama siya kay Padre Teodoro Fernandez sa Maynila. Sa Colegio de San Juan de Letran ay pinagkalooban siya ng libreng pag-aaral sapagkat handa siyang maging katulong ng mga Paring Dominikano. Dito niya natapos ang sekundarya noong 1893. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng batas sa Pamantasan ng Sto. Tomas. Kamamatay lamang noon ng kanyang ina kaya wala silang pera. Tinanggap na tutor si

132

http://en.wikipilipinas.org/index. php?title=Manuel_L._Quezon

Manuel Luis Quezon I. Mga magulang A. Ama: ______________________________________ B. Ina: _______________________________________ II. Kapanganakan A. Lugar : ____________________________________ B. Petsa : ____________________________________ III. Pag-aaral A. Elementarya : ______________________________ B. Sekundarya : ______________________________ C. Tersyarya

: ______________________________

V. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng mga naging hanapbuhay at katungkulan ni dating Pang. Manuel Luis Quezon. Igawa ito ng balangkas.


*

Gawain B — Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman * Pagkakaroon ng Laro Pagbabalik-aral sa mga uri ng pangngalan sa pamamagitan ng laro. Ikaway ang kamay kung ang ipakikitang salitang nasa plaskard ay pantangi; pumalakpak kung pambalana; makipagkamay sa katabi kung lansakan. Halimbawa: Mang Loloy

magsasaka

Los Baños

mais

bayan

Mindoro

Itanong: “Ilan ang anyo o paraan ng pagbuo ng pangngalan? Ito ang ating pag-aaralan ngayon.” B. Paglalahad Ipakilala ang apat na uri ng pangngalan ayon sa kayarian. Paggamit ng Wheel Chart M m a hal ag-ay am

a k la ra aho n lan y

u b l it pu ahay lo

b Tamung a punsilid-

Apat na Uri/ Anyo ng Pangngalan Ayon sa Kayarian

pi la nak an an

ak y s ta

P g ay pr ula u

*

u In ya bah pulu

Itanong: “Anu-ano ang uri ng pangngalan ayon sa kayarian?” Ipaliwanag ang bawat uri sa tulong ng mga halimbawa na nasa wheel chart.

Paggamit ng Cluster Chart Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tingnan sa tsart ang mga pangngalan at anyo nito kung payak, maylapi, inuulit, o tambalan. 1. Sa pamamagitan ng pagtitiyaga, nakatapos siya ng pag-aaral. 2. Naging eksperto siya sa paghahalaman. 3. N a g b i g a y s i y a n g k a a l a m a n s a m g a magsasaka. 4. Tinulungan din niya ang bayan-bayan sa Rehiyon VII. 5. Ikalima siya sa pitong anak nina Hilario P. Davide, Sr. at Josefa Gilbolingo. 6. Nagiging matagumpay ang matitiyagang anakpawis. Anyo ng Pangngalan Pangngalan Payak

Maylapi

1. pag-aaral

pag-aaral

2. paghahalaman

paghahalaman

3. magsasaka

magsasaka

6. anak-pawis

Tambalan

bayanbayan

4. bayan-bayan 5. anak

Inuulit

anak anakpawis

133


C. Paghahalaw 1. A n o n g u r i n g p a n g n g a l a n a n g g u m a g a m i t ng panlapi? 2. Anong uri ng pangngalan ang inuulit? 3. Anong uri ng pangngalan ang dalawang salitang pinagtambal? 4. Anong uri ng pangngalan ang di-ginagamitan ng panlapi, di-inuulit, at walang katambal? D. Paglalahat Anu-ano ang apat na uri o paraan ng pagbuo ng pangngalan? E. Paglalapat * Paggamit ng Data Information Chart 1. Basahin ang kasunod na patalastas. Itala ang mga pangngalang ginamit sa talata. Isulat ang uri nito ayon sa kayarian. Ipinababatid sa lahat ng mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang na ang patimpalak AwitanSayawan ay gaganapin sa susunod na Lunes sa awditoryum ng paaralan. May awdisyon para sa mga sasali sa Huwebes sa silid-aralan blg. 201.

Pangngalan

Anyo ng Pangngalan

F. Pagsasanay 1. Maaaring ipagawa ang mga pagsasanay na nasa batayang aklat. 2. Basahin ang sumusunod na patalastas. Piliin ang mga pangngalan. Isulat sa kolum ang uring kinabibilangan nito.

Tinatawagan ang lahat ng mga batang may 8-12 taong gulang na lumahok sa timpalak-bigkasan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na gaganapin sa Bulwagang Rizal ng Paaralang Sentral sa darating na Biyernes, Agosto 27, 2010 sa ganap na ika-3:00 ng hapon. Hinihiling na magsuot ng barong-tagalog at baro’t saya ang mga kalahok sa paligsahan.

IV. PAGTATAYA Suriin ang mga pangungusap. Itala ang mga pangngalan. Isulat sa tabi nito ang anyo nito. 1. Ipinababatid sa lahat ng mga mamamayan sa Barangay Sikap na ang trak ng basura ay darating tuwing ika-6 ng gabi araw-araw. 2. Pinaaalalahanan ang lahat na ilagay sa plastik na lalagyan ang inyong mga basura at ilabas sa oras ng paghahakot ng basura. Ang araw-araw na gawaing ito sa kalinisan ng bayan-bayan ay proyekto ng mga namumuno ng barangay. V. TAKDANG-ARALIN

2. Ipaliwanag ang sinagutang Data Information Chart tungkol sa iba’t ibang uri ng pangngalan. 134

Kumopya ng maikling balita. Isulat ang mga pangngalan at isulat sa tapat ang anyo ito.


Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa

World Meteorological Day Ang World Meteorological Day ay ipinagdiriwang tuwing Marso 23 ng bawat taon. Sa taong 2009 Weather, Climate, and the Air We Breathe ay naaangkop na tema. Sa panahong ang mga komunidad sa palibot ng mundo ay naghihikahos na matamo ang Millenium Goals of United Nations lalo na sa larangan ng kalusugan, pagkain, kakulangan ng tubig, at pagbawas ng karukhaan, gayundin sa pagpapaangat ng pagkaepektibo ng pagpigil at pagbawas sa mga natural na kalamidad. Siyamnapung porsyento ng mga ito ay direktang may kaugnayan sa lagay ng panahon, klima sa hangin na ating hinihinga, at ang mga epekto nito sa kalusugan ng tao. Ang iba’t ibang klima ay nagresulta sa iba’t ibang uri ng pamumuhay roon. Ang latitude, land features, lagay ng panahon, at distansya mula sa malaking bahagi ng tubig ng isang lokasyon ay nagdedetermina ng kanyang klima. Tinutulungan tayo ng mga siyentista at mga enhinyero na makapamuhay sa lahat ng uri ng klima, sa pagdisenyo ng mga tirahan, teknolohiya sa lagay ng panahon, at malinis na sistema ng patubig. Ang mga siyentista ay maaaring gumamit ng meteorological models para sa bentahe ng pagsusuri at paghuhula sa pattern ng polusyon sa hangin. Kapag ang temperatura ng mundo ay tumaas, nagiging mas matitindi ang mga heatwaves at malalakas ang pag-ulan. Ang tema ng World Meteorological Day 2009 ay humihiyakat sa mga myembro at katuwang ng World Meteorological Organization na makisangkot sa mga pagsisikap na magpoprotesta sa buhay at propyedad at bagayan ang mas tradisyunal na meteorological forecasts. Halaw:

Balita March 23, 2009

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Graphic Orgnizer (Memory Bubble Chart) Iugnay sa mga mag-aaral ang kaalaman tungkol sa determinasyon ng klima. Ilahad sa Memory Bubble Chart. Ipasulat sa mga lobo ang sagot sa mga tanong. latitude land features

lagay ng panahon

altitude

Anu-ano ang nagdetermina sa klima?

distansya mula sa malaking bahagi ng tubig ng isang lokasyon

Sabihin: “Ang mga siyentista/siyentipiko ay gumagamit ng meteorological models. Ano kaya ang ibig sabihin nito?” •

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa pagbasa Isang sanaysay ang ating babasahin tungkol sa ating klima na nagresulta sa iba’t ibang uri ng pamumuhay ng tao. Ano ang ibig ninyong malaman sa babasahing sanaysay? Isulat sa pisara ang mga tanong na ibibigay ng mga mag-aaral. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na aalamin nila ang mga salitang maylapi at ang kahulugan ng salita ayon sa mga panlapi. Aalamin nila ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari sa babasahing teksto. 135


Pagpapalawak ng Talasalitaan Ilahad sa pisara ang pangungusap. Ipabigay ng kahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito sa pangungusap. 1. Ang meteorological models ay ginagamit ng mga siyentista/siyentipiko sa pagsusuri at paghuhula sa pattern ng polusyon sa hangin. 2. Ang klima ay nagresulta sa iba’t ibang uri ng pamumuhay ng tao dahil iba-iba ang temperatura ng lugar sa mundo. 3. Ang kalamidad ay direktang may kaugnayan sa lagay ng panahon. Pagtatakda ng Pamantayan Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik. 1. Itikom ang labi at gamitin lamang ang mga mata sa pagbabasa. 2. Unawain ang binabasa.

B. Habang Bumabasa * Paggamit ng Graphic Organizer (cluster chart) Sabihin: “Habang kayo’y bumabasa, gawin ninyo ang ____________________:” 1. Pagkukumpol ng mga salitang may panlapi na— A. inuulit ang pantig Halimbawa: susuriin B. -an sa hulihan ng salita Halimbawa: karukhaan C. maka- sa simula ng salita Halimbawa: makapamuhay 136

2. Aalamin din nila sa sanaysay na babasahin ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari. Isusulat nila ang sagot sa kasunod na payak na habi. World Meteorological Day

Ipasa nang tahimik ang sanaysay. 1.

sanhi

bunga

2.

sanhi

bunga

3.

sanhi

bunga

C. Pagkatapos Bumasa • Pagtatalakay sa Binasa Ipasagot ang pangganyak na tanong. Ilahad na muli ang Cluster Chart. Ipaulat ang hinihinging mga salitang may panlapi. Ipaliwanag ang ginawang pagkukumpol ng mga salita. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga salita batay sa ginamit na panlapi. 1. Salitang inuulit ang pantig Pagsasabi kung ang gawain ay nasa kasalukuyan o gagawin pa. Halimbawa: Kasalukuyan

Gagawin pa

nagdedetermina

aangat

2. Salitang nagsisimula sa ma-. Nagsasabi ito ng pagkamayroon. Halimbawa: malinis (mayroong linis)


3. Salitang nagtatapos sa -an o -han (nagsasabi ito ng pook o lugar) Halimbawa: kapaligiran, kabundukan Pag-unawa Muling ilahad ang payak na habi. Ipasulat ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Padagdagan pa ang ibinigay na halimbawa: Sanhi Ipinagdiriwang ang World Meteorological Day tuwing Marso 23 ng bawat taon.

Bunga 1.

2. 3.

Pagpapahalaga Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang paksa ng binasang editoryal. Magkaroon ng paliwanagan kung bakit kailangang ipagdiwang ang World Meteorological Day. Itanong din ang mga kahalagahan ng pagdiriwang na ito.

V. TAKDANG-ARALIN Ipabasa ang isang ulat ng pananaliksik tungkol sa sakit sa puso. Alamin ang mga pangyayari at magtala ng sanhi o dahilan at ang resulta o bunga ng pangyayari. Dagdag Kaalaman sa Sakit sa Puso Narito ang ilang kaalaman na makatutulong para maiwasan ang sakit sa puso o ang tinatawag na cardiovascular disease. Kailangan ng ating katawan ang mga pagkaing sagana sa potassium. Dahil sa taglay na potassium, nahahadlangan nito ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Napananatili nito ng balanseng tubig na kailangan ng katawan, wastong heart rhythm, muscle contraction, at nerve function. Nakatutulong din ito para mapanatili ang maayos na blood pressure. Ilan sa mga pagkaing sagana sa potassium ay ang raisins (pasas), saging, melon, beans, at patatas. Natuklasan din na ang virgin coconut oil ay may taglay na saturated fat na mabisang panlaban sa sakit sa puso, stroke, paninigas at pagbabara ng mga ugat na nagiging sanhi ng poor blood circulation. Halaw: • http://www.naturalnews.com/020128. html • http://www.naturalhealthweb com/articles/vandenbrekel1.html

IV. PAGTATAYA Ibigay ang sanhi o bunga ng sumusunod na mga pangyayari. 1. Kumain ng maraming kendi si Luis kaya ___________. 2. Nag-aral nang mabuti si Rosemarie kaya ___________. 3. Diniligan ni Ana ang nalalantang halaman kaya _______________. 4. _______ kaya lumakas at lumusog ang katawan ni Piolo. 5. _______________ nag-aani ang tatay ng marami at iba’t ibang gulay.

Gawain D – Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda Ipaulat sa ilang mag-aaral ang tungkol sa balitang napakinggan. 137


2. Paglalahad * Paggamit ng Modelong Balita Ilahad ang balita. Ipasuri sa mga mag-aaral ang pagkakasulat nito. Ipatukoy ang mga pangngalang ginamit rito.

Kampanya vs TB Pinaigting

M

ahigit 500 residente ng Caloocan City ang sumuporta sa kauna-unahang Citywide Convention of Tuberculosis Task Force para gunitain ang Lung Month. Sinabi ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” E c h i v e r r i , ma y 2 4 T B task forces ang dumalo sa pagtitipon para mapaigting ang impormasyon at kampanya hinggil sa sakit na TB at programa nito para ito ay malabanan. Binuo naman ito ng Caloocan Health Department, Department of Health at World Vision para mapakinabangan ng mga residente ng lungsod kung saan ito ay may temang

“Ingatan ang mga baga para mabuhay nang mas mahaba”. Dito ay pinarangalan ni City Administrator Russel Ramirez ang mga outstanding Directly Observed Treatment Strategy (DOTS) facility, treatment partners at mga gumaling na biktima ng TB dahil sa libreng gamot na ipinamimigay ng city government. Sa naturang pagtitipon, iminulat ang mga residente sa kahalagahan ng baga ng tao bilang supplier ng hangin sa katawan, nagaalis ng dumi, at nagbibigay proteksiyon laban sa mga virus, bacteria, at iba pang nakahahawang sakit.

Halaw sa: • Pilipino Star Ngayon Agosto 17, 2009 http://www.philstar.com/ArticlePrinterFriendly.aspx?articleId=496570

138

Talakayin ang nilalaman ng balita. 1. Ano ang pamagat ng balita? 2. Ano ang sinasabi sa unang talata? 3. Sinu-sino ang pinarangalan ni City Administrator Russel Ramirez? 4. Ano ang layunin ng kampanya laban sa TB? 5. Bakit kailangang paigtingin ang kampanya laban sa TB? 6. Gaano kahalaga ang baga sa katawan o buhay ng bawat tao? 7. Kaya bang mabuhay ng tao kung walang baga? Bakit? Talakayin ang anyo ng balita. 1. Maikli ba ang balita? 2. Tiyak ba o maligoy ang mga pangungusap sa balita? 3. Ilang talata ang bumubuo sa balita? 4. S a a n g t i t i k n a g s i s i m u l a a n g m g a pangungusap? 5. Maliwanag ba ang mensahe ng balita? Paglalahad ng mga tuntunin sa pagsulat ng balita. 1. Isulat ang pamagat ng talataan sa gitna ng sulatang papel. 2. Isulat sa malaking titik ang: a. s i m u l a n g m a h a h a l a g a n g s a l i t a sa pamagat; b. simula ng pangungusap; at c. simula ng mga pangngalang pantangi


3. May pangunahing diwa ang bawat talata. 4. Ipinapasok ang mga salita ng talata. 5. M a y a n g k o p n a b a n t a s a n g b a w a t pangungusap.

5. Naisusulat sa malaking titik ang: a. simula ng mahahalagang salita sa pamagat;

B. Habang Sumusulat Pagsubaybay ng guro sa isinusulat na balita ng mga mag-aaral.

b. simula ng mga pangungusap; at

C. Pagkatapos Sumulat * Paggamit ng Rubric/Krayterya Hayaang magpalitan ng papel ang magkatabi upang iwasto ang burador sa tulong ng sumusunod na rubric. Mga Tuntunin

Hindi

Minsan

c. simula ng mga pangngalang pantangi. 6. M a y a n g k o p n a bantas ang bawat pangungusap.

Oo

1. N a i s u s u l a t a n g pamagat ng talataan sa gitna ng sulatang papel. 2. Nasa unang pangungusap ang pangunahing ideya ng balita. 3. Ang iba pang pangungusap sa talata ay sumusuporta sa pangunahing ideya. 4. Ipinapasok ang mga salita ng talata.

7. Wasto ang pagkakagamit sa bawat bantas.

IV. PAGTATAYA Sumulat ng sariling balita tungkol sa pamayanan o sa narinig sa radyo o telebisyon. Salungguhitan ang mga ginamit na mga pangngalan. V. TAKDANG-ARALIN Makinig ng balita sa radyo. Habang nakikinig, itala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa balita. Gamitin ang itinalang mga impormasyon sa pagsulat na muli ng napakinggang balita. Tandaang gamitin ang iba’t ibang uri ng pangngalan. 139


• MGA BANGHAY-ARALIN IKAANIM NA BAITANG ARALIN

1

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan Pakikinig

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Puzzle

* Triad/ Dayalog

* Puzzle

* Bar Graph

* Circle Graph

* Pictograph

* T-chart

* Pie Graph

* Pagbabalita/ Newscasting * Pinatnubayang Pakikinig

I.

Pagsasalita

* Pangkatang Gawain

* Bar Graph

LAYUNIN A. Pakikinig • Nakapagbibigay ng tamang reaksyon sa mga balita/ impormasyong napakinggan B. Pagsasalita • Nasasabi ang sariling palagay o kuru-kuro sa isyung pinag-uusapan

140

C. Pagbasa • Nakapagbibigay ng kasalungat na kahulugan ng salita • Nagagamit ang mga grapikong pantulong sa pag-unawa sa teksto D. Pagsulat • Naisasalin (translate) nang pasulat ang mga impormasyong ipinahihiwatig ng mga grapikong pantulong sa teksto II. PAKSANG ARALIN A. Pagbibigay ng Tamang Reaksyon sa mga Balita/ Impormasyong Napakinggan B. Pagsasabi ng Sariling Palagay sa Isyung Pinag-uusapan C. Himalayas-Guimaras • Pagbibigay ng Kasalungat na Kahulugan ng Salita • Paggamit ng mga Grapikong Pantulong sa Pag-unawa sa Teksto D. Pagsasalin nang Pasulat ng mga Impormasyong Ipinahihiwatig ng mga Grapikong Pantulong Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa likas na yaman

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikaanim na Baitang; graphing paper, mapa ng Pilipinas


III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig Lunsaran sa Pakikinig

Magarbong graduation, bawal Muling nagpaalala ang Department of Education (DepED) sa mga guro na bawal ang magarbong graduation rites sa mga estudyante sa elementarya at high school sa mga pampublikong paaralan na magtatapos ngayong taon. Ayon kay DepED Secretary Jesli Lapus, naging polisiya na ng kanilang kagawaran na maging simple ang gagawing graduation ng mga estudyante upang hindi maging masakit sa bulsa ng mga magulang ang anumang gastusin para rito. Iginiit ng kalihim na marami sa bawat pamilya ng mga estudyante ang dumadaing sa hirap ng buhay kung kaya kailangang tingnan ito ng kagawaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng simple ngunit maayos na pagtatapos nang hindi na kailangang gumastos ng malaking halaga. Bukod dito, hindi rin aniya kailangang mangolekta ng kahit ano ang mga principal o mga guro para lamang maging magarbo ang graduation dahil matagal na niyang ipinag-utos ang pagbabawal na gawin ito. Magkagayunman, nilinaw ng kalihim na kahit may pagtutol ang kanilang kagawaran, depende pa rin umano ito sa napapagkasunduan ng mga magulang ng mga estudyante kung nais nilang gumastos tulad ng paggamit ng toga sa araw ng graduation, basta hindi ito manggagaling sa mga guro o principal. Ayon pa kay Lapus, kailangan umanong magpakita sila ng simplicity dahil hindi magandang tingnan na

dumadaing tayo sa kahirapan ngunit nakikita naman na magarbo ang ating ginagawa na hindi umano angkop sa ating mga hinaing. Kinabukasan sa paaralan, kausap ni Nicole ang kanyang kamag-aaral. Pinag-uusapan nila ang narinig na impormasyon sa radyo. NICOLE: Narinig ba ninyo ang impormasyong ibinigay sa radyo kagabi? Hindi natin kailangan ang magarbong graduation. NIÑO: Oo nga. Mabuti nga na uniporme na lang ang gamitin natin sa graduation para wala nang gagastusin ang ating mga magulang. JOY: Naku, gusto ni Mama maski paano mag-toga tayo kasi isang beses lang naman daw tayong ga-graduate sa hayskul. NIÑO: Oo nga ano? Siguro, pag-ipunan natin para makatulong tayo sa ating mga magulang kung gusto nating mag-toga sa graduation. Halaw:

http://www.philstar.com/ArticlePrinterFriendly.aspx?articleId=444377

A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman * Pagsagot sa Puzzle Pagtatanong kung ano ang pinakahihintay na okasyon ng mga nasa ikaanim na baitang. Ipasulat ang sagot sa loob ng maliliit na kahon. G

O

N

Itanong: “Bakit graduation ang pinakahihintay na okasyon ng mga nasa ikaanim na baitang?” 141


Pagpapayaman ng Talasalitaan Pagtukoy sa salitang tinutukoy ng pahayag. Ang labis na paghahanda sa isang okasyon ay tinatawag na __________ handaan.

• •

Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Itanong: “Anu-ano ang pamantayan sa pakikinig?” Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig * Paggamit ng Pinatnubayang Pakikinig Sabihing pakikinggan nila ang balita nang bahabahagi sa pamaraang pinatnubayang pakikinig. Bibigyan sila ng isang minuto para sa pagsulat ng kanilang reaksyon sa bawat bahagi ng balitang napakinggan.

B. Habang Nakikinig * Paggamit ng Pagbabalita/Newscasting / Pagpaparinig ng balita ng isang mag-aaral na gaganap na newscaster o tagapagbalita. Magarbong graduation, bawal – DepED Muling ipinaaalala ng Department of Education sa mga guro na bawal ang magarbong graduation rites sa mga estudyante sa elementarya at high school sa mga pampublikong paaralan na magtatapos ngayong taon. 1

Pagsulat ng mga mag-aaral ng kanilang reaksyon. Ayon kay DepED Secretary Jesli Lapus, naging polisiya na ng kanilang kagawaran na maging simple ang gagawing graduation ng mga estudyante upang hindi maging masakit sa 2

142

bulsa ng mga magulang ang anumang gastusin para rito.

Pagsulat ng mga mag-aaral ng kanilang reaksyon. Iginiit ng kalihim na marami sa bawat pamilya ng mga estudyante ang dumadaing sa hirap ng buhay kung kaya kailangang tingnan ito ng kagawaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng simple ngunit maayos na pagtatapos nang hindi na kailangang gumastos ng malaking halaga. 3

Pagsulat ng mga mag-aaral ng kanilang reaksyon. C. Pagkatapos Makinig Pagtalakay sa pagbibigay ng tamang reaksyon sa mga balita/impormasyong napakinggan. Iba-iba ang paraan ng pagbibigay-reaksyon sa napakinggan. Maaaring gawin ang ilan sa sumusunod: 1. Ipahayag ang pagsang-ayon o pagsalungat. 2. Magbigay ng puna o mungkahi. 3. Ibigay ang kahalagahan ng narinig. Paglalahad ng mga mag-aaral ng kanilang reaksyon. Maaaring ganito ang maging reaksyon sa bawat bahagi o talata ng balitang napakinggan. I. Lagi palang ipinaaalala ng DepED sa mga guro na bawal ang magarbong graduation rites sa elementarya at hayskul. II. Sapat na ang uniporme upang gamitin sa araw ng graduation. III. Minsan lamang tayo ga-graduate kaya ____________ _______________________________________________.


IV. PAGTATAYA Makinig sa sumusunod na mga impormasyon na babasahin ng guro sa klase. Magbigay ng sariling reaksyon tungkol dito. Noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay nakarating na sa malayong lugar sa pamamagitan ng paglalakad. Ngunit nang dumating sa kanilang buhay ang gulong at ibang sasakyan tulad ng karwahe, kotse, trak, at dyip, nabawasan o nawala ang paglalakad. Magbalik sana ang gawaing paglalakad upang hindi tayo matrapik sa daan. Wala pang polusyon sa umuusok na sasakyan. Makatitipid pa tayo sa pamasahe.

Gawain B — Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagbalik-aralan ang pagsasabi nang tuwiran ng pagsang-ayon sa mga impormasyong narinig. Itanong: “Naniniwala ka ba na ang pamahiin ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad?” B. Paglalahad * Paggamit ng Triad/Dayalog Pagtawag sa tatlong mag-aaral na gaganap sa dayalog. Nag-uusap ang mga mag-aaral tungkol sa pinakinggang talumpati.

1. Ipahayag ang pagsang-ayon o pagsalungat. 2. Ibigay ang puna o mungkahi. 3. Ibigay ang kahalagahan ng narinig. V. TAKDANG-ARALIN Basahin ang sumusunod na mga impormasyon. Isulat ang inyong reaksyon.

Makisakay o magpasakay. Ang pakikibahagi ay pinagmumulan ng pagkakakilala at pagkakaibigan. Ito’y nakatitipid pa sa gasolina na ngayo’y tumataas ang halaga. Mahigit sa kalahati ng 250,000 sasakyan sa Maynila ay nagbibiyahe araw-araw; kung minsan ang sakay lamang ay isa o dalawa. Kung maraming tao ang sasakay sa iilang sasakyan, ang konsumong sasakyan ay kakaunti. Kaya makisakay tayo at magpasakay.

MAG-AARAL A: Sang-ayon

ako sa sinabi ni Prop. David. Dapat nga na tayo ang unang tumangkilik sa mga bagay na gawa sa atin. MAG-AARAL B: Nagustuhan ko rin ang sinabi niya tungkol sa pagiging isip-kolonyal nating mga Pilipino. MAG-AARAL C: Para sa akin, hindi naman masama ang bumili ng mga bagay na gawa sa ibang bansa. Lalo pa kung mura at matibay ang mga ito. C. Paghahalaw 1. Ano ang pinag-uusapan ng mga mag-aaral? 2. Paano sila nagbigay ng reaksyon sa narinig na talumpati? D. Paglalahat Mahalagang bahagi ng pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ang pagbibigay ng sariling palagay sa mga bagaybagay o paksang pinag-uusapan. 143


Maaaring ang pagbibigay ng sariling palagay ay pagpapahayag ng pagsang-ayon o pagtutol sa narinig tulad ng: Sumasang-ayon ako… Tutol ako sa sinabi… Nais ko lamang magbigay ng puna… Payag ako, pero sa palagay ko ay dapat… E. Paglalapat * Paggamit ng Pangkatang Gawain Hayaang magpangkatan nang apatan ang mga mag-aaral. Basahin ang sanaysay. Tukuyin ang mahahalagang kaisipan na inilahad. Ibigay ang sariling palagay.

mga bagay at pasyang may kinalaman sa iyong sarili at kapakanan. Tungkulin ng iyong mga magulang at ng lipunan na ito’y kanilang pakinggan. May karapatan kang makapag-aral at magkaroon ng oras upang mapaunlad ang iyong kakayahan at pagkatao. Ang mga gawaing tulad ng paglalaro ay bahagi nito. May karapatan ka sa isang buhay na maligaya, maganda, at malaya sa karahasan at pang-aabuso. Kailangan itong maibigay sa iyo ng iyong mga magulang sa tulong ng pamahalaan. Limitasyon y

Likas na mapamahiin ang mga Pilipino. Isa siguro itong dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad sa siyensiya. Ilan sa pamahiing ito ang sumusunod: Ang mga taga-Polilio, Quezon ay naniniwala na ang isang taong nagtatanim ng saging ay kailangang busog na busog upang mapipintog, matataba, at malalaki ang magiging bunga ng mga saging.

F. Pagsasanay Ipabasa ang sanaysay. Papagbigayin ng sariling palagay tungkol sa binasa. Ipasulat ito sa sagutang papel. Karapatan Mo, Batang Munti! Ang g Iyong y g mga g Karapatan p Pangunahin mong karapatan ang maipahayag ang iyong mga saloobin. May sarili kang opinyon sa

144

Hindi naman ibig sabihing dahil ika’y may karapatan, malaya ka nang gawin ang anumang iyong nais. Lahat ng karapatan ay mayroong hangganan. Pangunahing batayan nito ay kung tama ba o mali ang iyong paggamit dito. Naririyan ang iyong mga magulang upang gabayan kang gamitin ito nang wasto. Kagalingan g g Kung sapat ang iyong kamalayan at iyong mga karapatan at sa tamang paggamit nito, matitiyak ang kagalingan ng iyong pagkatao. Sa pamamagitan nito, matututo ka rin sa mga responsibilidad na kaakibat nito. Mauunawaan mo rin ang karapatan ng iba at matututuhan mo ang mga itong igalang, hindi ba? Halaw: Karapatan at Tungkulin Mo, Student’s Digest, Vol. 19 No. 04, 1998-1999


IV. PAGTATAYA Basahin ang kasunod na sanaysay. Ibigay ang iyong sariling palagay. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang bayanihan ay ang sama-samang pagtutulungan ng maraming tao upang maisagawa ang isang mabigat na gawain nang walang bayad o kapalit. Nagpapamalas ito ng pagtutulungan ng mga Pilipino — magkakamaganak, magkakapitbahay, magkakaibigan, at maging hindi magkakakilala. Karaniwan itong nasasaksihan kung may pamilyang nasunugan at nangangailangan ng tulong, nagpapatanim o nagpapaani ng palay, kung may ginaganap na okasyon o pagdiriwang sa bahay, at iba pa.

V. TAKDANG-ARALIN Makinig sa radyo ng isyung napapanahon. Ibigay ang iyong sariling palagay. Isaalang-alang ang paggamit ng sumusunod na mga pahayag. Sumasang-ayon ako.... Tutol ako sa sinabi..... Nais ko lamang magbigay ng puna.... Payag ako, pero sa palagay ko ay dapat..... Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa Himalayas – Guimaras Nagbakasyon ang mga pinsan ni Lydia na tagaLaguna. Ipinasyal niya ang mga ito sa kanilang bahaypamahalaan. Nakita nila roon ang malaking mapa ng

Guimaras. Ito ang kwento ni Lydia. Ang Guimaras ay dating kalalawigan ng Iloilo. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na noong araw, ang Guimaras ay dating bahagi ng Panay. Magkasinggulang ang dalawang isla. Dating kilala sa tawag na Himal-us, ang Guimaras ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Panay at hilagang kanluran ng Negros. Ang lalawigang ito ay may magagandang aplaya, talon, at bukal. Ang klima nito ay kasiya-siya. Sagana ang pulo ng Guimaras sa mga likas na kayamanan. Ito ay nagtutustos ng lahat halos ng kahoy na panggatong at uling sa Lungsod ng Iloilo. Marami itong deposito ng bakal, silica, luwad (clay), at apog. Ang Isla ng Naburot ay pook-pasyalan sa Guimaras. Ito ay isang islang koral sa kanlurang baybayin ng Pulo ng Guimaras na may mapuputing buhangin, mayaman sa mga makukulay na korales, at buhay-dagat (marine life). Di rin pahuhuli ang Isla ng Nagarao na matatagpuan sa dulong Timog ng Guimaras. Nasa pagitan ito ng Panay at Negros Occidental kung ang pag-uusapan din lamang ay pinong buhangin at makukulay na korales. Isa rin ang Puerto del Mar sa kilalang pook-pasyalan. Tinatawag na “Mooring Cleat” ang lugar dito na kung saan nagpipiknik ang maraming turista. Dinarayo naman ng mga Katoliko ang Bala-an Bukid (banal na bundok) – ang mala-higanteng krus at kapilya sa itaas ng Bundalan Point. “Napakaganda talaga ng ating bansa! Napakaraming likas na yaman!” ang paghanga ni Julius. “Kaya talagang nararapat lamang na tumulong tayo sa pangangalaga ng mga likas na yaman,” ang sabi naman ni Ada.

145


A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Puzzle Ipabuo ang puzzle mapa ng Rehiyon VI.

Pagpapalawak ng Talasalitaan * Paggamit ng Circle Graph Paglalahad sa pisara ng Circle Graph. Pagpapasulat sa katapat na puwang sa loob ng bilog ang kasalungat na kahulugan ng mga salita. Pagkatapos, ipaliwanag ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng katuturan.

Sabihin na habang nakikinig ay magtatala sila ng mga impormasyong malalaman nila mula sa teksto. Maaari silang gumawa ng tsart. 146

e nt

itaas

ga -h i ala m

a

Pagtatakda ng Pamantayan Pagpapabigay ng pamantayan sa pagbasa nang pabigkas.

B. Habang Bumabasa Pagtatala sa tsart habang nakikinig sa bumabasa ng teksto. C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Paglalahad ng mga mag-aaral ng kanilang tsart. Maaaring ganito ang halimbawa ng tsart. Guimaras

Halimbawa: Kung ang gp pulo ay anyong lupang pinaliligiran ng karagatan, ang lawa ay anyong tubig na pinaliligiran ng lupa.

law

n

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Pagkatapos mabuo ang mapa, itanong kung ano ang pinakamaliit na lalawigan sa Rehiyon VI.

i

uput

map

imika

ana

h kata

a. Ipagawa ang puzzle sa pamamagitan ng pagbuo ng mapa ng Rehiyon VI – Kanlurang Visayas. (Maghanda ng dalawang set ng puzzle o ginamit na mapa ng Rehiyon VI.) b. Pagbuo ng dalawang koponan. Hayaang mag-unahan sa pagbuo ng mapa ng Rehiyon VI.

sag

Likas na Yaman

Pook-pasyalan


Pagbibigay ng kasalungat na kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap.

Rehiyon VI — Kanlurang Visayas Lalawigan

Kabisera

Lawak ng Lupain (Km2)

Aklan

Kalibo

1,821.4

495,122

Antique

San Jose de Buenavista

2,729.2

515,265

Negros Occidental

Lungsod ng Bacolod

7,965.2

Capiz

Lungsod ng Roxas

2,594.6

701,664

Guimaras

Jordan

604.6

151,238

Iloilo

Lungsod ng Iloilo

4,899.4

2,110,588

Halaw:

Populasyon 2007

IV. PAGTATAYA *

Paggamit ng Bar Graph Pag-aralan ang sumusunod na grap na tumatalakay sa konsumo ng kuryente ng pamilya Gonzales. 200 150

http://en.wikipedia.org/wiki/Provinces_ of_the_Philippines#List_of_Province

100 50

Dis

Nob

Okt

Set

Agos

Hul

Hun

May

Abr

Mar

Peb

25 Ene

2,869,766

Kilowatts

1. Ang klima sa Guimaras ay kasiya-siya y y . 2. Ang mga likas na yaman sa Guimaras ay sagana g . 3. Ang Bala-an Bukid ay dinarayo y ng mga Katoliko. Pag-unawa * Paggamit ng T-chart * Paggamit ng mga grapikong pantulong sa pag-unawa sa teksto. Sa pamamagitan ng tsart na nakalahad, igawa ng interpretasyon o paliwanag sa anyong talata ang mga datos sa tsart.

1. Anong lalawigan ang may pinakamalaking sukat ng lupain? 2. Anong lalawigan ang may pinakamalaking populasyon? 3. Ano ang may pinakamaliit na sukat ng lupain? 4. Ano ang may pinakamaliit na populasyon? 5. Ilan ang kahigitan o difference ng sukat ng Negros Occidental sa Guimaras? 6. Pagsunud-sunurin ang lalawigan ng Rehiyon VI ayon sa lawak ng lupain. Pagpapahalaga Itanong: “Paano natin mapapanatili ang likas na yaman sa ating bansa?”

1. Sa anong mga buwan pinakamababa ang kinonsumong kuryente ng pamilya? 2. Ilang kilowatts ang nagamit ng pamilya noong buwan ng Setyembre? 147


Gawain D — Pagsulat

150

140

130

120

110

100

90

80

Tandaan na ang line graph ay ipinakikita ang impormasyon o datos sa pamamagitan ng mga tuldok na pinagdurugtongdugtong ng tuwid na linya. Maaaring gumamit ng graphing paper.

70

Isalin sa anyong line graph ang bar graph na ginamit sa pagtataya.

Tala ng Bilang ng mga Mag-aaral na Kumukuha ng Computer Course sa Saint Paul School 60

V. TAKDANG-ARALIN

5. Pagsunud-sunurin ang mga baitang mula sa pinakamarami hanggang sa may pinakakaunting bilang ng mga mag-aaral na kumukuha ng computer course.

0

3. Sa anong buwan umabot sa pinakamataas ang konsumo ng kuryente ng pamilya? 4. Bakit kaya bigla ang naging pagtaas nito? Ipaliwanag.

Unang Baitang Ikalawang Baitang Ikatlong Baitang Ikaapat na Baitang

A. Bago Sumulat 1. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman P a g t a t a n o n g k u ng p a a n o a n g p a g s u l a t ng talata. 2. Paglalahad * Paggamit ng Bar Graph Basahin at suriin ang bar grap sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakatala. 1. Ilang mag-aaral sa unang baitang ang kumukuha ng kurso? 2. Ilan ang kumukuha ng computer course sa ikalawang baitang? 3. Aling baitang ang may pinakamaraming bilang ng kumukuha ng computer course? 4. Aling bahagi ang may 130 mag-aaral na kumukuha ng computer course? 148

Ikalimang Baitang Ikaanim na Baitang

Ang bar graph ay nagpapakita ng paghahambing ng dami. B. Habang Sumusulat Sabihing naisasalin nang pasulat ang mga impormasyong ipinahihiwatig ng mga grapikong pantulong sa teksto. Pagsasalin nang pasulat ng mga impormasyong ipinahihiwatig ng bar graph. Muling balikan ang mga tanong na inilahad. 1. Ilang mag-aaral sa unang baitang ang kumukuha ng computer course? 2. Ilan ang kumukuha ng computer course sa ikalawang baitang?


3. Aling baitang ang may pinakamaraming bilang ng kumukuha ng computer course? 4. Aling baitang ang may 130 mag-aaral na kumukuha ng computer course? 5. Pagsunud-sunurin ang mga baitang mula sa may pinakamarami hanggang sa may pinakakaunting bilang ng mga mag-aaral sa computer course? C. Pagkatapos Sumulat Hayaang magpalitan ang magkatabi ng ginawa para iwasto.

V. TAKDANG-ARALIN *

Paggamit ng Pie Graph Pag-aralan ang graph sa ibaba. Sagutin ang mga tanong kaugnay nito. Buwanang Badyet ng Mag-aaral na nasa Ikaanim na Baitang Isulat nang patalata ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

IV. PAGTATAYA *

Pag-aralan ang pictograph sa itaas. Ayusin ang bilang ng baitang mula sa pinakamarami hanggang sa pinakakaunti at sabihin din ang bilang. Isulat ito nang patalata.

Paggamit ng Pictograph Ang pictograph ay naghahambing ng dami sa tulong ng mga larawan.

ipon 5% damit 15%

Narito ang talaan ng bilang ng mga mag-aaral sa bawat baitang sa paaralang Elementarya ng San Gregorio. Bilang ng Mag-aaral sa Bawat Baitang

mga gamit sa paaralan 40%

libangan 10%

mga gamit sa paaralan 40%

Ang bawat tao = 10

1. Ano ang paksa ng pie graph? 2. Anong badyet ang may malaking bahagdan? 3. Ilang bahagdan ang nakuha ng mga gamit sa paaralan? 4. Ilang bahagdan ang nakuha ng pagkain? 5. Anong badyet ang pinakamaliit? 149


ARALIN

2

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan Pakikinig

Pagsasalita

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Modelong Balangkas

* Puzzle

* Dayalog

* Cluster Chart

* Modelong Salaysay

* Graphic Organizer

* Scoring Rubric/ Cooperative Checking

* Pangkatang Gawain * Ugnayang Tanong at Sagot

* Story Grammar

* Susing Salita

* Pamaraang AGMN * Modelong Balangkas

B. Pagsasalita • Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang mga panghalip panao C. Pagbasa • Natutukoy ang mga salitang magkasalungat • Naigagawa ng balangkas ang akdang binasa sa anyong papaksa o papangungusap D. Pagsulat • Nakasusulat ng isang salaysay sa tulong ng balangkas II. PAKSANG ARALIN A. Pagsasalaysay Ayon sa Wastong Pagkakasunud-sunod B. Paggamit nang Wasto sa Pangungusap ng mga Panghalip Panao C. Maria Ylagan Orosa •

Pagtukoy sa mga Salitang Magkasalungat

Paggawa ng Balangkas ng Akdang Binasa

D. Pagsulat ng Salaysay sa Tulong ng Balangkas

Pagpapahalaga: Pagiging matiyaga

I.

LAYUNIN A. Pakikinig • Naisasalaysay ayon sa wastong pagkakasunudsunod ang mahahalagang pangyayari ng kwentong napakinggan

150

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikaanim na Baitang; mga susing salita sa cut-out strips; plaskard ng panghalip panao


III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig Lunsaran sa Pakikinig

Siyentipikong Pilipino Kapwa magsasaka ang mga magulang ni Pedro Escuro na sina Lucio at Aurea. Isinilang siya sa Nabua, Camarines Sur noong Agosto 2, 1923. Natapos niya ang elementarya at sekundarya sa Camarines. Nag-aral siya sa University of the Philippines College of Agriculture sa Los Baños sa sariling pagsisikap. Nagtapos at nagkamit ng titulong Bachelor of Science degree in Agronomy, magna cum laude. Nagpatuloy ng Master of Science (M.S.) in Plant Breeding sa Cornell University sa New York sa tulong ng U.S. grant noong 1954. Nakamit niya ang doctorate degree in plant breeding and genetics sa University of Minnesota sa tulong ng Rockefeller Foundation Fellowship. Matapos ang kanyang pag-aaral, nagtagumpay siya sa pagpaparami at pagpupunla ng magandang uri ng palay tulad ng Milpa 14, HBD-2, Azmil 26, C-22, C-18, C4-63, C4-137, C-168, at C-12, at marami pang iba. Matibay sa mga sakit at mga pesteng sumisira sa mga palayan ang mga uring ito ng palay na resulta ng kanyang pag-aaral. Malaking tulong ito upang magabayan ang mga magsasaka sa mga uri ng palay na kanilang itatanim. Naging sukatan ng mataas na uri ng bigas ang magagandang uri ng bigas na resulta ng matiyagang pananaliksik at plant breeding ni Escuro. Si Pedro Escuro ay pinarangalan ng dalawang Presidential Awards. Ito ang Presidential Plaque of Merit 1967 para sa

natatanging nagawa para sa pagpapaunlad ng palay at ang Rizal Pro Patria Award para sa kanyang kontribusyon sa rice breeding at genetics. Noon namang 1973, tinanggap ni Escuro ang University of the Philippines Distinguished Professorial Award sa agrikultura o pagsasaka at ang Doctor of Science Honoris Causa noong 1974. Noong taon ding iyon ay nanalo si Escuro ng Ayala Award para sa agricultural science. Pinagkalooban siya ng parangal bilang “Pambansang Siyentipiko” noong 1994 ni dating Pang. Fidel V. Ramos bilang papuri sa kanyang kahanga-hangang ginawa para sa pag-unlad ng agrikultura ng bansa. Halaw: • http://en.wikipilipinas.org/indexphp?title=Pedro_Escuro • http://investors.about.com/od/filipinoscientists/a/Pedro_Escuro.htm

A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Puzzle Pagkakaroon ng pahulaan. Hayaang mag-unahan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong sa puzzle. Pag-alam sa salitang tinutukoy ng kasunod na mga pahayag. Pahalang 1. Taong may kasanayan, kakayahan, at karanasan sa agronomi o pagsasaka.

1

a

g

r

o

n

o

m

o

g r o n o m i

151


Pababa 1. Sangay ng agrikultura na nauukol sa simulain, gawain sa pagpaparami ng ani sa bukid o pagsasaka.

B. Habang Nakikinig * Paggamit ng Ugnayang Tanong at Sagot Pagsagot ng mga mag-aaral sa mga tanong na nasa kwadro.

Itanong: “Sinu-sino ang kilala ninyong agronomo?”

1. Kailan at saan isinilang si Pedro Escuro? Sino ang kanyang mga magulang? 2. Sa anong pag-aaral nagpakadalubhasa si Pedro Escuro? 3. Ano ang kanyang naging tulong at kontribusyon sa pag-unlad ng agrikultura ng bansa? 4. Ano ang parangal na iginawad sa kanya ni Pang. Fidel Ramos?

(Dagdagan pa ang pagsasanay.) •

Pagpapayaman ng Talasalitaan Pagbibigay ng kahulugan sa salita ng higit sa isang kahulugan ayon sa gamit sa pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng salitang kinahunan sa pangungusap. A. 1. Mapagmahal at responsable ang magulang ni Pedro. 2. Magulang na nang pitasin niya ang mangga. B. 1. Itinuro ni Dr. Pedro Escuro ang wastong pagpupunla ng binhi. 2. Ang silid-aklatan ay itinuro ni Nica sa bagong kamag-aral.

Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Pagpapabigay sa mga mag-aaral ng pamantayan sa pakikinig.

Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig * Paggamit ng Pangkatang Gawain Sabihin na habang nakikinig sila ay may mga tanong silang sasagutin na nasa loob ng kahon. Sa pamamagitan ng mga tanong na nasa kwadro, sila’y makapagsasalaysay. Pagpangkat-pangkatin ang mga mag-aaral nang apatan. Hayaang pumili ng kani-kanilang kahon na sasagutan.

152

C. Pagkatapos Makinig Paglalahad ng mga mag-aaral ng kanilang sagot. Pagsasalaysay ng wastong pagkakasunud-sunod ng mahahalagang pangyayari sa kwento. *

Paggamit ng Susing Salita Sa pamamagitan ng mga susing salita na nasa istrip ng kartolina o cut-out strips, hayaang isalaysay ang tekstong pinakinggan ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mahahalagang pangyayari. pampublikong paaralan ng Naipitan kamag-anak sa Naga

magna cum laude Senior Scientist, Philippine Rice Research Institute


Departamento ng Agronomi sa UPLB C4-63 1994 Pambansang Siyentipiko

Maaaring ipasulat sa sagutang papel ang pagkakasunud-sunod ng mahahalagang pangyayari sa kwento. IV. PAGTATAYA Pagpaparinig ng guro ng isang kwento. Pagkatapos, ipasulat sa sagutang papel ang pagkakasunud-sunod ng mahahalagang pangyayari. Isalaysay sa limang pangungusap ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Leandro V. Locsin nang may wastong pagkakasunud-sunod.

Siya ang nagtayo ng halos lahat ng gusali sa sentro ng Kulturang Pilipino sa may Roxas Boulevard tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, Philippine International Convention Center, at Westin Philippine Plaza Hotel. Ang pinakamalaki at pinakamagandang proyekto niya ay ang Palace of Religious Light ni Sultan Bolkiah sa Brunei. Ito ay may kabuuang sukat ng sahig na 200,000 metro kwadrado (sqm). Siya rin ang nagpasimula ng makabagong disenyo sa arkitektura na makikita sa Makati tulad ng Ayala Museum, Mandarin Hotel, at Hyatt Regency Hotel. Maraming parangal ang naigawad kay Locsin at ang pinakamataas sa mga ito ay ang pagiging Artist ng Bayan sa Arkitektura bilang tanging Pilipinong Arkitekto na hindi nag-aral ng kanyang sining sa ibang bansa. Nilinang ang talino batay sa kulturang Pilipino, para sa Pilipino. Halaw: CCP Encyclopedia of the Philippine Art , Vol. III, Philippine Architecture, Manila, Cultural Center of the Philippines

Iparirinig ng guro ang seleksyon. Unang natuklasan ang talino ni Leandro Locsin nang lapitan siya ni Fr. John Delaney upang gawin ang disenyo ng kapilya ng University of the Philippines sa Diliman. Ang Chapel of the Holy Sacrifice na ipatatayo ay pinamamahalaan ni Fr. Delaney. Ipinanganak noong Agosto 15, 1928 at panganay sa pitong anak nina Guillermo at Remedios Locsin. Nagtapos siya sa Mataas na Paaralan ng De La Salle College noong 1947. Pumasok siya sa Conservatory of Music ng Unibersidad ng Sto. Tomas para sa kursong Musika. Ngunit nanaig ang kanyang hilig sa arkitektura kaya noong 1949, lumipat siya sa School of Architecture sa parehong unibersidad at nagtapos noong 1953.

V. TAKDANG-ARALIN Kumopya ng isang talambuhay. Pagsunud-sunurin ang mahahalagang pangyayari. Gawain B — Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagbalik-aralan ang mga uri ng pangngalan: pantangi at pambalana. Anong bahagi ng pananalita ang inihahalili sa pangngalan? 153


B. Paglalahad * Paggamit ng Dayalog Sitwasyon: Nag-uusap sina Ryan at Jessa tungkol sa kanilang proyekto sa Filipino. RYAN:

1

Ano ang masasabi mo tungkol sa proyekto ng ating klase sa Filipino?

JESSA:

Sa palagay ko, maganda ang proyektong iyon.

RYAN:

Talagang sang-ayon ako sa magandang layunin ng nasabing proyekto. 4Kailangangkailangan ng ating pamayanan ang aklatang pangnayon. 5Malaking kabutihan ang maiaambag ng proyektong ito sa paghubog ng wastong pagbabasa at pagpapalipas-oras ng mga kabataan.

2

3

JESSA:

6 Napakaganda ng sinabi mo, Ryan. 7Sang-ayon din ako sa napag-usapan nating proyekto. 8 Nais ko ngang mag-volunteer na maging librarian kung Sabado at Linggo.

RYAN:

9

O, sige ikaw na ang gagawin naming librarian. 10Pero ang problema natin ay wala pa tayong sapat na aklat at magasing ilalagay doon. Kanino tayo manghihingi ng donasyon?

C. Paghahalaw Sagutin ang tanong kaugnay ng binasang dayalog. Ipapansin na ang bawat pangungusap sa dayalog ay may bilang. Kaugnay nito ang kanilang gagawin. Kanino inihahalili ang sumusunod na mga salita sa pangungusap __________? 154

bilang 1? = a) mo b) atin bilang 2? = a) ko

bilang 9? = a) ikaw b) naming bilang 10? = a) natin

bilang 3? = a) ako

b) tayo

D. Paglalahat Ano ang tawag sa mga panghalili sa pangngalan? Panghalip ang tawag sa mga salitang inihahalili sa pangalan ng tao, bagay, at pook. E. Paglalapat Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga panghalip panao. 1. ako 2. akin 3. niya

4. ikaw 5. tayo

F. Pagsasanay Buuin ang dayalog. Gamitin ang angkop na panghalip panao. Isulat ang mga ito sa patlang. NICA:

Nabasa 1_____________ ba ang talambuhay ni Dr. Pedro Escuro?

REUS: Oo, bilib 2___________ sa 3___________ pagtitiis.

Hindi 4_________________ akalain na kahit wala 5 _____________ tsinelas ay nagagawa 6___________ pumasok sa paaralan. NICA:

Pinatunayan lang 7___________ sa 8___________ na hindi hadlang ang kahirapan sa pagtatamo ng pangarap sa buhay.

REUS: 9______________ kaya 10_______________ ba ang

ginawa niya?


IV. PAGTATAYA Gamitin sa pangungusap ang mga panghalip panao. 1. siya 2. tayo

3. kayo 4. namin

5. kanya

V. TAKDANG-ARALIN Gamitin ang mga panghalip panao sa pagbuo ng mga pangungusap tungkol sa iba pang dakilang Pilipino. Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa Maria Ylagan Orosa Ipinanganak si Maria sa Taal, Batangas noong ika-29 ng Nobyembre, 1893 kina Simplicio Agoncillo Orosa at Juliana Ylagan. Sa mga paaralang pampubliko sa Batangas siya nag-aral. Noong 1915, pumasok siya sa University of the Philippines upang mag-aral ng parmasya. Ipinadala siya ng pamahalaan sa America upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng parmasya. Natapos ni Maria ang kursong ito noong 1918. Nag-aral din siya ng food chemistry. Ngunit hindi madaling mag-aral sa America kahit pa sabihing scholar o libre sa matrikula. Naging tagahugas ng pinggan sa restawran si Maria, nagbunot ng sahig, namitas ng prutas, at nagtrabaho sa pagawaan ng de-lata. Matapos niyang mapag-aralan ang iba’t ibang pamamaraan ng pag-iimbak ng pagkain at prutas ng ibang bansa, bumalik siya ng Pilipinas. Dito, tinuruan niya ang kababaihan sa kaalaman niya sa pag-iimbak ng pagkain at prutas na maaaring magamit sa bahay o dili kaya’y ipagbili sa bansa.

Pinarangalan si Maria dahil sa kanyang naituro sa pag-iimbak ng pagkain. Nagturo si Maria ng Home Economics sa Centro Escolar University. Sa Kawanihan ng Agham (Bureau of Science) isinakatuparan niya ang kaalaman sa pag-iimbak ng mga katutubong pagkain tulad ng adobo at mechado. Nagawa rin niyang jelly ang mga prutas tulad ng bayabas at mangga. Hinikayat ni Maria ang kababaihan na magtatag ng mga samahan para sa pagpapaunlad sa mga pook-rural. Layunin ng mga samahang ito ang pag-aralan at magturo ng: 1) tamang paghahanda at pag-iimbak ng pagkain 2) pag-aalaga ng manok 3) paghahardin 4) at marami pang iba Habang nagtatrabaho si Maria sa Bureau of Plant and Industry sa San Andres sa Maynila, isang bomba ang bumagsak at siya’y nasugatan. Dinala siya sa Remedios Hospital sa Malate subalit nabagsakan din ng bomba ang ospital at isa siya sa mga nasawi. Halaw: Student’s Digest

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Cluster Chart Pagpapabigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang pag-iimbak p g . pagiimbak

155


Ipagamit sa pangungusap ang mga magkakaugnay na salita. •

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Itanong: “Bakit mahalaga ang pag-iimbak ng pagkain?” Sabihin na habang bumabasa sila nang tahimik ay may mga tanong silang sasagutin at susuriin nila ang kayarian ng kwento.

Pagpapalawak ng Talasalitaan *

Paggamit ng Graphic Organizer Pagpapangkat ng mga salitang kalimitang ginagamit ayon sa asignatura. Taal

University of the Philippines

a siy

niya

jell

y

m

n ng Agha

Kawaniha

Wika

pag-iimbak ng

Hekasi

Pagtatakda ng Pamantayan Pagpapabigay sa mga mag-aaral ng pamantayan sa pagbasa nang tahimik. Pamagat

Tagpuan

Tauhan

Banghay

Wakas

Panimula Suliranin Reaksyon

pook

hado adobo at mec

-rur

al

pagkain

Edukasyong Pantahanan

Layunin Ginawa Kinalabasan

B. Habang Bumabasa * Paggamit ng Story Grammar Pagsusuri ng kayarian ng akda at pag-unawa sa akda sa tulong ng story grammar. Pagbasa nang tahimik ng mga mag-aaral sa akda habang sinusuri ang kayarian ng akda. Maaaring pangkatin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay may bahaging sasagutin. (Maaaring ganito ang kalabasan ng pagsusuri.) 156


Pangkat I

Pangkat II

Pangkat III

Pangkat IV

Tagpuan

Tauhan

Banghay

Wakas

Panahon ng Ikalawang Digmaan

Sa Maynila

Maria Ylagan Orosa

______ 3. Masayang y g nagdiriwang ng kaarawan si Mayla at nagagalak g g ang kanyang magulang sa okasyong ito. ______ 4. Mas marami ang nagnanais tumira sa p y p g probinsya sapagkat tahimik payapang at mas ligtas ang pamumuhay doon.

Panimula: Suliranin:

g ang dati’y nagkakanya-kang y ______ 5. Nagkaisa y g mga residente ng Barangay Mayang ligaya na linisin ang bakanteng lote sa kanilang tahanan at taniman ito ng mga halamang gulay.

Reaksyon: Layunin: Ginawa:

______ 6. Mabagal g kumilos si Anna Liza habang mabilis namang magsalita ang kaibigan niyang si Flor de Luna.

Kinalabasan:

C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Pagtalakay sa binasa/Paglalahad ng mga kasagutan sa ginawang pagsusuri sa kwento ng bawat pangkat. Pagsagot sa pangganyak na tanong. Ipaliwanag na mapapalawak natin ang ating talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala ng mga salitang magkasalungat. Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap ay magkasalungat. ______ 1. Sa pampublikong p p g paaralan kami nagaaral sapagkat may kamahalan sa p p pampribadong g paaralan. ______ 2. Nagpaplano ang aming barangay na ipagpapatuloy p gp p y ang programang pangkabuhayan at ititigil g ang pagbibigay ng mga rasyon sa ibang tahanan.

Pag-unawa Paggawa ng balangkas sa anyong papaksa/ papangungusap.

*

Paggamit ng Pamaraang Alam Na, Gustong Malaman, Natutuhan Alam Na

Gustong Malaman

Natutuhan

Ang pagbabaPaano ang paglangkas ay isa sa gawa ng balangkas? mga paraang nakatutulong upang maging malinaw sa mambabasa ang mga kaisipang inilalahad sa isang babasahin.

157


*

Paggamit ng Modelong Balangkas Ipasuri ang anyo ng balangkas sa tsart.

Pagtalakay sa pagbuo ng balangkas. Maaaring isulat sa kahon na Natutuhan. 1. Buuin ang balangkas ng mga pangunahing kaisipan sa binasa. Isulat sa gitnang bahagi ng papel ang pamagat ng akda. 2. Balikan ang akdang binasa. Kilalanin ang pangunahing diwa ng unang talata. Isulat sa patlang sa tapat ng bilang Romano I ang pangunahing diwa ng unang talata. Ipahayag ito sa anyong parirala. 3. Sa ilalim ng pangunahing paksa sa bilang Romano I, isulat ang tatlong detalyeng nagpapatunay o sumusuporta sa pangunahing paksa. 4. Basahin ang pariralang nakasulat sa tapat ng bilang Romano II. Ito ang kaisipang nakapaloob sa ikalawang talata. Isulat sa ilalim nito ang mahahalagang detalyeng nakapaloob dito.

Pamagat I.

Kapanganakan 1. Lugar 2. Petsa 3. Mga Magulang: a. Ama: _________________________________ b. Ina: __________________________________

II. Pag-aaral 1.

_________________________________________

2.

_________________________________________

3.

_________________________________________

(Ipagpatuloy ang pagsulat ng pangunahing diwa ng bawat talataan. Isulat sa ilalim nito ang detalyeng sumusuporta dito.)

III. Mga Tungkuling Hinawakan 1.

_________________________________________

2.

_________________________________________

3.

_________________________________________

4.

_________________________________________

5.

_________________________________________

IV. Kamatayan 1. Lugar 2. Petsa

158

•

Pagpapahalaga Itanong: “Paano mo maipakikita ang iyong pagkamakabayan?�

IV. PAGTATAYA Basahin ang talambuhay. Igawa ito ng balangkas. Noong Agosto 19, 1878, sa liblib na bayan ng Baler sa lalawigan ng Tayabas, (tinatawag na ngayong Aurora) ay may batang isinilang. Ang mga magulang niya ay sina G. Lucio Quezon at Gng. Maria Dolores Molina. Sa paaralang


Gawain D — Pagsulat pinamamahalaan ng mga pari sa Baler, nagtapos siya ng elementarya. Mula sa Baler ay nagpatuloy ng pag-aaral sa Maynila sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893. Dito niya natapos ang kursong pansekundarya. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng batas sa Pamantasan ng Santo Tomas (University of Sto. Tomas). Noong 1903, kumuha siya ng pagsusulit ng pamahalaan para sa pagiging manananggol. Isa siya sa limang may pinakamataas na grado. Nagsimula siyang manungkulan sa pamahalaan noong 1904. Naging piskal siya sa Mindoro. Nahalal siyang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, Aurora (Quezon ngayon). Noong 1907, nahalal siyang kinatawan ng Tayabas sa Unang Pambansang Asambleya sa Washington. Nahalal din siyang Senador. Noong Marso, 1934, pinagtibay ng Kongreso ng United States ang Batas Tydings-McDuffie. Nagtatadhana ito ng pagtatag ng Pamahalaang Komonwelt at nahalal siyang pangulo. Pinagtuunang-pansin ng pamahalaan noon ang pagpapaunlad ng kabuhayan, pamahalaan, edukasyon, at kultura ng bansa. Sa kanyang panahon, pinasimulan ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Tinawag siyang “Ama ng Wikang Pambansa.” Siya si Manuel Luis Quezon. Halaw: Aragon, Angelita C. et.al, 1987, Mga Dakilang Pilipino sa Iba’t Ibang Larangan, Tru-Copy Printing Press, Inc., Valenzuela City

V. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng iba pang talambuhay ng kilalang Pilipino. Igawa ito ng balangkas.

A. Bago Sumulat 1. Paghahanda *

Paggamit ng Modelong Balangkas Pagtalakay sa talambuhay ni Dr. Jose Rizal. Pagbalangkas ng talambuhay ni Dr. Jose Rizal. Si Dr. Jose Rizal at ang Kanyang Pag-aaral I. Ang mga magulang ni Rizal A. Ama – Don Francisco Mercado Rizal B. Ina – Doña Teodora Alonzo Realonda II. Kapanganakan A. Petsa – Hunyo 19, 1861 B. Lugar – Calamba, Laguna III. Ang Pag-aaral A. Elementarya Sa gulang na siyam na taon, nag-aral siya sa Biñan, Laguna. B. Sekundarya Nag-aral siya sa Ateneo. C. Tersyarya

1. Nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. 2. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Madrid. 2. Paglalahad Sabihin na sa tulong ng balangkas, madaling makasusulat ng salaysay. 159


*

Paggamit ng Modelong Salaysay Mga Tanong sa Pagsulat ng Talata o Salaysay Si Dr. Jose Rizal at ang Kanyang Pag-aaral Ang mga magulang ni Dr. Jose Rizal ay sina Don Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Do単a Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jose Rizal noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Nag-aral si Jose Rizal sa Bi単an, Laguna ng elementarya noong siyam na taong gulang pa lamang. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng sekundarya sa Ateneo Municipal de Manila. Natapos naman niya ang kursong panggagamot sa Pamantasan ng Santo Tomas (University of Sto. Tomas). Nagpakadalubhasa siya sa ibang bansa lalo na sa Madrid. Halaw: http://talambuhay-joserizal.webs.com/

Pag-usapan kung paano nabuo ang salaysay batay sa balangkas. B. Habang Sumusulat * Paggamit ng Scoring Rubric/Cooperative Checking Pangkatang pagsulat o dugtungang pagsulat ng bawat pangkat ng salaysay sa manila paper batay sa balangkas ng talambuhay ni Maria Ylagan Orosa. C. Pagkatapos Sumulat Pagsusuri ng isinulat batay sa sumusunod na mga tuntunin sa pagsulat ng salaysay o talata. 160

Sagot Nasunod

Di-nasunod

Nasunod ba ang sumusunod na mga panuntunan sa pagsulat ng talata o salaysay? 1. Pagsulat ng pamagat sa gitna sa gawing itaas ng sulatang papel. 2. P a g l a l a g a y n g e s p a s y o sa pagitan ng pamagat at mga talataan. 3. Paggamit ng malaking titik sa simula ng mahahalagang salita ng pamagat/simula ng bawat pangungusap at simula ng mga pangngalang pantangi. 4. Paggamit ng wastong bantas sa hulihan ng bawat pangungusap? 5. Pagpasok ng unang pangungusap sa talataan.

Maaaring ilahad ng bawat pangkat ang natapos na salaysay na nasa manila paper o blackboard.


IV. PAGTATAYA 1.6. 1.7. 1.8. 1.9.

Sa tulong ng kasunod na balangkas, sumulat ng isang salaysay.

Atang dela Rama I. Kapanganakan: A. Petsa: Ika-11 ng Enero,1902 B. Lugar: Pandacan, Maynila

Sa Bunganga ng Pating (1921) Ararong Ginto (1925) Ang Kiri (1926) Alamat ng Nayon (1927) at marami pang iba

III. Asawa Ikinasal kay Amado Hernandez noong 1932

2. Mga Pinasikat na Awiting Kundiman noong 1920 at 1930 2.1. Bituing Marikit 2.2. Madaling Araw 2.3. Mutya ng Pasig 2.4. Anak Dalita 2.5. Kundiman ng Luha 2.6. Kundiman ni Abdon

IV. Mga Gawain A. Sa Gulang na Pitong Taon 1. Napasama sa mga sarswelang Español 2. Gumanap sa entablado

3. Mga Sarswelang Isinulat 3.1. Bulaklak ng Kabundukan 3.2. Anak ni Eba 3.3. Puri at Buhay

II. Pinag-aralan Kurso: Parmasyutika

B. Sa Gulang na Labindalawang Taon 1. Nag-aral ng pagtugtog ng byulin at nagpakadalubhasa sa pyano. 2. Nagsanay sa pag-awit. C. Sa Gulang na Labing-apat Hanggang Apatnapu’t walong Taon 1. Mga Ginampanang Sarswela at Ilang Pagtatanghal 1.1. Dalagang Bukid (1917) 1.2. Sundalong Mantika (1920) 1.3. Ang Mestiza (1920) 1.4. Paglipas ng Dilim (1920) 1.5. Anak ng Dagat (1921)

V. Mga Karangalang Natamo A. 1919-1950 – Reyna ng Kundiman B. Mayo 18, 1987 – National Artist for Theater and Music VI. Kamatayan Hulyo 11, 1991 Halaw:

http://fil.wikipilipinas.org/index. php?title=Atang_dela_Rama

V. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng talambuhay ng paborito mong mang-aawit. Humanda sa pagsasalaysay nito sa klase. 161


ARALIN

3

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan Pakikinig

Pagsasalita

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Pahulaan

* Tambalang Pagbasa

* Clustering

* Pagsulat ng Reaksyon

* Pinatnubayang Pakikinig at Pag-iisip * Ugnayang Tanong at Sagot

* Dayalog

* Fact Storming Web * Dimensyonal na mga Tanong * T-chart

* Dugtungang Pagsasalaysay

I.

LAYUNIN A. Pakikinig • Nasasagot ang mga tanong tungkol sa mga detalye ng seleksyon/impormasyong napakinggan B. Pagsasalita • Nagagamit nang wasto ang mga panghalip bilang paksang pangungusap at pinaglalaanan sa mga pangungusap

162

C. Pagbasa • Nakikilala ang mga salitang magkasingkahulugan • Nakikilala ang opinyon at katotohanang mga pahayag sa mga akdang binasa D. Pagsulat • Nakabubuo ng isang sulatin tungkol sa isang reaksyon sa binasa II. PAKSANG ARALIN A. Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa mga Detalye ng Seleksyon/Impormasyong Napakinggan B. Paggamit nang Wasto ng mga Panghalip Bilang Paksang Pangungusap at Pinaglalaanan sa mga Pangungusap C. Araw ng mga Ama at Ina • Pagkilala ng mga Salitang Magkasingkahulugan • Pagkilala ng Opinyon at Katotohanan sa mga Pahayag D. Pagbuo ng Isang Sulatin Tungkol sa Isang Reaksyon

Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa paggamit ng mga kagamitang panteknolohiya sa pamamagitan ng pagiging maingat at matipid

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikaanim na Baitang; tsart na kinasusulatan ng mga tanong; mga babasahing pang-editoryal


III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig Lunsaran sa Pakikinig

Maunlad nga Pala! Tuwang-tuwa si Joan nang isama siya ng kanyang Lola Juanita sa Maynila. Mula sa Cagayan de Oro ay sumakay sila sa Superferry. Noon lamang siya nakasakay sa ganoong kalaking bapor. Noon din lamang siya nakalabas ng kanilang lungsod. Noon pa niya gustung-gustong makarating ng Maynila. JOAN: Salamat po, Panginoon! Nagkaroon ako ng magandang pagkakataon na makasakay sa Superferry at makarating sa Maynila. Lola, mabuti po at isinama ninyo ako sa biyaheng ito. LOLA JUANITA: Walang anuman iyon. Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na mag-aral kang mabuti, sapagkat may premyo ako sa iyo? Ito iyon. TAGAPAGSALAYSAY: Ang bawat araw na itinigil ni Joan sa Kamaynilaan ay bagong karanasan ang nadaragdag sa kanya. JOAN: Lola, kaysarap palang sumakay rito sa MRT. Mabilis na, maginhawa pa. Ano nga pala ang ibig sabihin ng MRT, Lola? LOLA JUANITA: Ang MRT ay Metro Rail Transit. Isa lamang ito sa mga pagbabagong dala ng modernisasyon sa ating bansa. Ito ay itinatag upang malutas ang problema sa transportasyon. JOAN: Iyon po bang dinaanan nating overpass, underpass, at flyover ay tugon din sa problema sa pagbibiyahe? LOLA JUANITA: Oo, ipinagawa ang mga ito upang lumuwag ang trapiko. Hindi lamang iyan, nariyan pa rin ang North TAGAPAGSALAYSAY:

Luzon Expressway at South Luzon Expressway. Malaki ang naitulong sa mabilis na pagbibiyahe ng malapad at mahabang diversion road na ito. Gayundin ang Coastal Road, ang C-5, at iba pang kalyeng ginawa sa hangaring lumuwag ang trapiko. TAGAPAGSALAYSAY: Nang sumunod na araw ay pumunta si Joan at Lola Juanita sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sinalubong nila ang kapatid ni Lola Juanita na nanggaling sa Canada. Pinasalubungan siya ng cellphone na may kamera. Sa pamamagitan ng cellphone, kinausap niya ang kanyang Ate Gina na nasa Cagayan de Oro. JOAN: Alam mo, Ate, nagtataasan pala ang mga gusali rito at marami palang shopping malls. Ang lahat ng ito’y palatandaan ng isang bansang mabilis na umuunlad. Narating ko na rin ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, at ang Philippine International Convention Center. Dinala rin ako ni Lola sa Rizal Park, Fort Santiago, Nayong Pilipino, at Manila Zoo. Ang marami sa mga ito ay nakunan ko ng larawan sa aking bagong kamera. Marami rin akong ikukwento sa mga kababata ko sa Cagayan de Oro sa pag-uwi ko riyan. TAGAPAGSALAYSAY: Marami pang pook-pasyalan ang pinuntahan nina Lola Juanita at Joan.

A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman * Pagkakaroon ng Pahulaan Pagtatanong kung ano ang ulong-lungsod ng sangkapilipinuhan. Ito ay galing sa dalawang salitang “maynilad” na ang kahulugan ay mga halamang tumutubo sa tabing-dagat. Sagot: Maynila 163


•

Pagpapayaman ng Talasalitaan Pagkilala sa mga katawagang Ingles na palasak nang ginagamit. Bigkasin ang katawagang Ingles sa mga pangungusap. 1. Mula sa Cagayan de Oro ay sumakay sila sa Superferry. 2. Kaysarap palang sumakay sa Metro Rail Transit. 3. Tugon po ba sa pagbibiyahe ang overpass, underpass, at flyover? 4. Ang North Luzon Expressway at South Luzon Expressway ay ginawa upang lumuwag ang trapiko. 5. Sinalubong nila ang kanilang lola sa Ninoy Aquino International Airport.

•

Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Pagbibigay ng mga mag-aaral ng pamantayan sa pakikinig.

•

Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig Sabihin na habang nakikinig ay susuriin nila ang tekstong pakikinggan sa tulong ng pakwadrong pagsasalaysay. Sabihing may mga tanong silang sasagutin na nasa loob ng bawat kahon. Sabihing magpangkat sila nang apatan.

B. Habang Nakikinig * Paggamit ng Tugunang Tanong at Sagot Pagsagot sa mga tanong na nasa mga kahon o kwadro. 164

K-1

Tagpuan

1. Saan naganap ang kwento? 2. Ano ang panahon nang maganap ang kwento?

K-2

Tauhan

1. Sinu-sino ang tauhan? 2. Ilarawan ang ugali ng bawat isa.

3. Ilarawan ang pamumuhay noon. K-3

Banghay

1. Paano nagsimula ang kwento?

K-4

Wakas

Paano nagwakas ang kwento?

2. A n o a n g s u l i r a n i n n g pangunahing tauhan? 3. P a a n o n a l u t a s a n g suliranin?

C. Pagkatapos Makinig * Paggamit ng Dugtungang Pagsasalaysay Paglalahad ng bawat pangkat ng kasagutan sa mga tanong sa pamamagitan ng dugtungang pagsasalaysay. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga detalye ng impormasyong napakinggan. Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Anu-anong pagbabagong dala ng modernisasyon ang nakita ni Joan sa lungsod? 2. Bakit masayang-masaya si Joan? 3. Anong mga karanasan ni Joan ang naranasan mo na rin? 4. May maganda bang bunga ang paglalakbay? Anu-ano ito?


5. Paano nilulutas ang problema sa masikip na trapiko sa Kamaynilaan? IV. PAGTATAYA Pagpaparinig ng guro ng tape ng isang seleksyon. Pagsagot sa mga detalye ng impormasyong napakinggan. World Diabetes Day: Diabetes in Children and Adults Humaharap ang daigdig sa lumalagong epidemya ng diabetes. Ngayon ay may mahigit 171 milyong katao sa buong daigdig ang may diabetes at ang bilang na ito ay inaasahang dodoble pagsapit ng taong 2030. Nangyayari ang diabetes kapag ang pancreas ay hindi na nagbibigay ng sapat na insulin. Ang mga kalagayang ito sa metabolism ng katawan ay maaaring mauwi sa seryosong pagkasira sa marami pang sistema ng katawan, lalo na sa mga ugat at mga daluyan ng dugo. Bilang resulta, ang mga komplikasyon na kaugnay ng diabetes tulad ng cardiovascular diseases, diabetes neuropathy, at diabetes foot disease, ang dahilan kung bakit ang diabetes ay mapanganib at nakamamatay na karamdaman. Sa maagang diagnosis at paggamot, ang diabetes sa kabataan ay maaaring maiwasan. Bawat bata ay may karapatan sa mahaba at malusog na buhay. Sa harap ng lumalagong insidente ng diabetes sa kabataan, naging mahalaga ang pagkakaroon ng multidisciplinary approach upang masuri at magamot ang mga batang may diabetes. Halaw: Balita, Nobyembre 14, 2008

Tanong: 1. Anong sakit ang may kinalaman sa produksyon ng insulin?

2. Anong sakit ang hinaharap ng daigdig ngayon? 3. Ano ang pinakamalaking mangyayari sa mga may sakit na diabetes? 4. Sinu-sino ang may karapatang magkaroon ng mahabang buhay? 5. Bakit nagkakaroon ng diabetes? V. TAKDANG-ARALIN Sumipi ng maikling balita. Humanda sa pagpaparinig nito sa klase. Gawain B — Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagbalik-aralan ang kaayusan ng pangungusap. Itanong: “Paano natin madaling malalaman ang mga nangyayari sa ibang bansa o sa malayong lugar?� B. Paglalahad * Paggamit ng Tambalang Pagbasa Pagtawag sa dalawang mag-aaral na magsasagawa ng tambalang pagbasa ng liham. Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang lumipat kami sa Zamboanga. Ang aking ama, bilang superbisor ng pabrika ay naipadala o napalipat ng trabaho sa Zamboanga. Dahil ang aming ikinabubuhay ay nakadepende sa hanapbuhay ng aking ama, kailangan naming sumama kung saan naroon ang kanyang hanapbuhay. Kaya, narito kami ngayon sa lalawigang daang milya ang layo sa aming bahay sa Maynila.

MARIE:

165


Ang aking kaibigang si Kristina at ako ay laging nagbabalitaan sa pamamagitan ng g e-mail.

C. Paghahalaw Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Ano ang paksa ng liham ni Marie kay Tina? 2. Anu-ano ang ibinalita ni Tina kay Marie? 3. Papaano sila madaling nagbabalitaan? Indikasyon ba ito ng mga pagbabago na may kaugnayan sa teknolohiya? 4. Bakit nagpapalipat-lipat ng tirahan ang mga tao? 166

Lagi kong sinasabi ang mga nangyayari sa akin simula nang mapalipat kami ng tirahan.

5. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit sa pangungusap sa ibaba? Paano ginamit ang mga ito sa pangungusap? a. Okey din naman ako dito sa Zamboanga. b. Nakatira kami sa isang subdibisyon. c. Nais ko palang ibalita sa iyo y na lumipat na sa Batangas ang mag-anak na Dimayuga. y g lahat. d. Kumusta na lamang sa inyong


D. Paglalahat Ang panghalip ay maaaring gamitin bilang: 1. Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap. Halimbawa: Okey din naman ako dito sa Zamboanga. 2. Layon ng pang-ukol – Ang panghalip na gumaganap na pinaglalaanan sa kaukulang pang-ukol. y g lahat. Halimbawa: Kumusta na lamang sa inyong E. Paglalapat Punan ang bawat patlang ng wastong panghalip ayon sa nakasaad na gamit nito sa loob ng panaklong. (paksa)

1. Maglalakbay ________ patungong Maynila.

(layon ng pang-ukol)

2. Para sa ____________ ba ang mga pagkaing iyon?

(layon ng pang-ukol)

3. Hindi lamang ito para sa ________.

(paksa)

_____ 2. _____ 3. _____ 4. _____ 5. _____ 6.

IV. PAGTATAYA A. Punan ng angkop na panghalip ang usapan sa telepono. Ibigay ang gamit nito sa pangungusap. Sagot lamang ang isulat sa sagutang papel. Pinag-uusapan ng magkaibigan kung paano maiiwasan ang typhoid fever.

4. Ito ay para sa ____________ lahat. 5. Mapalad _______________ sapagkat nakapaglakbay-aral tayo sa makasaysayang pook sa Maynila.

F. Pagsasanay * Paggamit ng Dayalog Kumuha ng kapareha. Maghalinhinan sa pagsagot sa mga tanong.

ARIES:

Hello, Juvy. Kumusta ka na?

JUVY:

Hello, Aries. Salamat at tumawag ka. Mabuti na ang __________ pakiramdam. Wala nang lagnat.

ARIES:

Mabuti naman kung gayon. Kung hindi ka pa nagkasakit ng typhoid fever, hindi ka pa madadala.

JUVY:

Oo nga e. Hindi kasi __________ nag-iingat. Pangako ko nga sa __________ sarili ay hindi na __________ basta-basta bibili ng mga pagkaing inilalako sa daan.

ARIES:

Tama iyon. Maaaring ikamatay __________ ang typhoid fever, akala mo ba?

Panuto: Palitan ng angkop na panghalip ang pangngalang may salungguhit. Isulat ito sa patlang. Sabihin ang gamit nito pagkatapos. _____ 1.

Ang dengue g fever ay dulot ng kagat ng lamok. Si Marie ay nagkaroon ng sakit na dengue fever. Dapat mag-ingat ang g mga g mamamayan y upang hindi magkasakit ng dengue. Ang brochure tungkol sa dengue ay nakatulong kay y Nanay y upang higit na maunawaan ang sakit na ito.

Ayon sa mga manggagamot, gg g , ang dengue fever ay isa sa mga sakit na mapanganib.

167


JUVY: ARIES

Narinig ko nga sa usapan nina Nanay. Inaalagaan nila __________ mabuti. O, sige na. Magpahinga ka na. Magpalakas kang mabuti at sa susunod nang Linggo ang first periodical test natin.

B. Sumulat ng pangungusap ayon sa nakasaad na gamit ng panghalip. 1. amin (layon ng pang-ukol) 2. ito (paksa) V. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng dayalog na ginagamitan ng iba’t ibang gamit ng panghalip. Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa

EDITORYAL Araw ng mga Ina at Ama Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan at ang ina at ama ang mga haligi ng pamilya. Ang matalinong pagpapatupad ng kanilang awtoridad ang magsisiguro ng pagdebelop ng matapat at maka-Diyos na mga mamamayan. Ang bansang pinamumuhayan ng matatapat na mamamayan ay nagiging isang matatag at kagalang-galang na nasyon.

168

Simula noong panahon bago ang pananakop, binigyanghalaga na ng ating mga ninuno at mga pinuno ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga ina at ama sa pagbuo ng ating bansa. Matalino nilang ibinukod ang isang panahon sa isang taon para bigyang-pugay at parangalan ang mga ina at ama ng ating bansa. Ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay binigyang-diin ang mahalagang papel ng ating mga magulang, lalo na ang ating mga ina sa pagpapalaki ng mga kabataan. “Ang kaganapan ng pag-iisip ay bunga ng kabataan,” sulat niya, “at ang kabataan ay nakasalalay sa pag-aaruga ng isang ina.” Pinahalagahan ni Presidente Manuel Luis Quezon ang tradisyon ng pagpupugay sa mga magulang nang pinagtibay niya ang Presidential Proclamation na nagdedeklara sa Araw ng mga Ina na ipinagdiriwang ng bansa tuwing unang Lunes ng buwan ng Disyembre. Pinagtibay naman ni Presidente Corazon C. Aquino ang Presidential Proclamation No. 266 na nagdedeklara ng ikalawang Linggo ng Mayo bilang “Araw ng mga Ina” at ang ikatlong Linggo ng Hunyo bilang “Araw ng mga Ama.” Noong Disyembre 11, 1998, ipinalabas ni Presidente Joseph Ejercito Estrada ang Presidential Proclamation No. 58 na nagdedeklara ng unang Lunes ng Disyembre bilang “Araw ng mga Ina” at “Araw ng mga Ama.” Ngayong “Araw ng mga Ina at Ama,” ang pagpaparangal sa ating mga ina at ama ay isang napakagandang paraan upang ipahayag ang ating pagmamahal at pasasalamat sa lahat ng sakripisyong ibinigay nila sa ating buhay. Halaw: Balita , Disyembre 5, 2005

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman


*

Paggamit ng Clustering Pagpapabigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang nasa loob ng mga bilog. Ipagamit ang mga ito sa pangungusap.

Ina

ginagampanan

pinahahalagahan

Literal na mga tanong

Ikalawang Dimensyon –

Interpretatib na mga tanong

Ikatlong Dimensyon

Kritikal na mga tanong

Ikaapat Dimensyon

pinamumuhayan

Ama

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa * Paggamit ng Dimensyonal na mga Tanong Sabihing may iba’t ibang antas ng mga tanong sa pang-unawa ang kanilang sasagutin tulad ng: Unang Dimensyon

pagpapatupad

– –

Mga tanong sa paglikha

Pagpapayaman ng Talasalitaan * Paggamit ng Fact Storming Web Pagpapabigay ng kilalang salita mula sa mahahabang salita.

Pagtatakda ng Pamantayan Pagpapabigay sa mga mag-aaral ng mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik.

B. Habang Bumabasa Pagsagot ng mga mag-aaral sa dimensyonal na mga tanong: A. Unang Dimensyon – Literal na mga tanong 1. Ano ang itinuturing na pundasyon ng lipunan? 2. Sino ang nagbigay-diin ng mahalagang papel ng ating mga magulang, lalo na ang ating mga ina sa pagpapalaki ng mga kabataan? 169


B. Ikalawang Dimensyon – Interpretatib na mga tanong 3. Paano pinahalagahan ni Pang. Manuel Luis Quezon ang tradisyon ng paggalang sa mga magulang? 4. Paano nailipat ang “Araw ng mga Ina” tuwing ikalawang Linggo ng Mayo at “Araw ng mga Ama” tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo? C. Ikatlong Dimensyon – Kritikal na mga tanong 5. Ayon kay Dr. Jose Rizal, “Ang kaganapan ng pag-iisip ay bunga ng kabataan at ang kabataan ay nakasalalay sa pag-aaruga ng isang ina.” Ano ang ibig sabihin nito? D. Ikaapat na Dimensyon – Mga tanong sa paglikha 6. Paano mo pahahalagahan ang Araw ng mga Ina at Ama? 7. Ano ang nais ipabatid ng editoryal?

_____ 1. Ang matalinong pagpapatupad ng kanilang awtoridad ay magsisiguro ng pagdebelop ng matapat at maka-Diyos na mga mamamayan. _____ 2. Ang bansang pinamumuhayan ng matatapat na mamamayan ay nagiging isang matatag na nasyon y . _____ 3. Binigyang-diin ang mahalagang g g p papel p ng ating mga magulang. _____ 4. Nagmumula sa pamilya ang ikatatatag ng p pundasyon y ng isang papaunlad na bansa. _____ 5. May mga magulang na labis ang pagp g sasakripisyo p y alang-alang sa ikabubuti at kinabukasan ng minamahal na mga anak. _____ 6. Ang pinagtibay p g y na Presidential Proclamation No. 266 ay talaga namang kumikilala sa kahalagahan ng ating mga ama at ina.

C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Pagbibigay ng kasingkahulugan ng salita. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. a. b. c. d. e. f. g.

170

karapatang magpasya o mamahala tungkulin bansa o bayan henerasyon pagpapakasakit inaprubahan saligan

Pag-unawa Pagkilala ng katotohanan at opinyon sa binasa. Pagtalakay sa katuturan ng katotohanan at opinyon. Sa pagbasa ng teksto, kailangang maging mapanuri ang mambabasa upang mataya niya kung ang binasa ay katotohanan o opinyon. Ang opinyon ay palagay na maaaring totoo o hindi. Bawat isa ay may pinaniniwalaan o palagay tungkol sa paksa. Iba-iba ang paniniwala ng tao. Samantalang ang katotohanan ay hindi nagkakaiba-iba.


*

Paggamit ng T-chart Pagsusuri ng binasa sa pamamagitan ng paggamit ng graphic organizer na T-chart.

IV. PAGTATAYA Basahin ang balita. Kumopya ng tigalawang pahayag na katotohanan at opinyon.

Sa binasang editoryal, alin ang katotohanan at alin ang opinyon lamang? Isulat sa T-chart ang sagot. Katotohanan

Opinyon

Nilagdaan ni PGMA ang Food and Drugs Act ng 2009 Nilagdaan na ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Food and Drugs Administration Act (FDA) ng 2009 para sa repormang panlipunan at mabawasan ang karalitaan sa bansa. Ang bagong batas na ito ay agapay sa RA 9502 o Universally Accessible Cheaper Medicines Act ng 2009. Upang palakasin ang regulatory powers at kakayahan ng dating BFAD o Bureau of Food and Drugs na ngayon ay FDA, na magiging regulatory agency upang mabisa at maayos na maisagawa ang tungkulin nito. Sa ilalim ng bagong batas, dinagdagan ang kapangyarihan ng FDA na wala sa dating BFAD tulad ng recall at pag-aalis ng ano mang produktong pangkalusugan na natuklasang naging sanhi ng kamatayan, malubhang sakit, o malaking pinsala sa sino mang tao, kabilang ang mga natuklasang malamang makapinsala, hindi ligtas, mapanganib, o may panlilinlang sa madlang gagamit nito.

•

Pagpapahalaga Itanong: Bakit mahalagang ipagdiwang ang Araw ng mga Ama at Ina?�

Sinabi ni Kalihim Francisco Duque III na sumaksi sa paglagda na binibigyan ng bagong batas ang FDA na hawakan ang lahat ng kinita nito bukod sa taunang badyet kaya ang ahensiya ay makatutugon sa mga lokal na pangangailangan, bukod pa sa madaragdagan ang mga laboratory equipment at mga pasilidad at makapagdaragdag ng tauhan.

171


Gawain D — Pagsulat Magkakaroon din ng kapangyarihan ang FDA na samsamin at itago nang hindi na kailangan ang pagdinig o utos ng hukuman ng mga produktong pangkalusugang natuklasang labag sa mga batas o tuntunin at mga patakaran habang hinihintay pa ang karagdagang ‘ ‘proceedings .’ Mahalagang bahagi rin ng bagong batas ang pagtatayo ng makabago at kompletong testing laboratory facilities sa Luson, Kabisayaan at Mindanaw, bukod sa laboratoryong nasa punong tanggapan na para mabilis na makuha ang resulta. Si Kint. Arthur Pingoy, isang doktor, tagapangulo ng Lupon sa Kalusugan sa Kongreso, ay nagsabing ang nilagdaan ng Pangulo na FDA Act ng 2009 ay ‘isa sa pinakamahalagang pamanang maiiwan ng Pangulo sa sambayanang Pilipino.’ Idinugtong niya na ang higit na malakas na FDA ay magiging daan para mabisang masubaybayan at matiyak na mataas na uri, abot-kayang pagkain at mga gamot lamang ang makapapasok sa bansa. Sinabi ni Pingoy na hindi lubos na maipatutupad ang Cheaper Medicines Law kung hindi sa bagong FDA ng 2009.

A. Bago Sumulat 1. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagbalik-aralan ang binasang editoryal na “Araw ng mga Ina at Ama.” 1. Ano ang paksa ng editoryal? 2. Anu-ano ang mahalagang bagay na inilahad ng editor? 3. Ano ang iyong reaksyon sa inilahad ng editor, sumasang-ayon ka ba o hindi? 2. Paglalahad Ang pagsulat ng reaksyon ay isang mabuting kasanayan dahil naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinyon, o pananaw hinggil sa mga kaisipang inilahad. Ang pagsulat ng reaksyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o ng sumulat. Sikapin lamang na maging magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa. Pagbasa nang tahimik sa kasunod na editoryal.

Halaw: http://www.news.ops.gov.ph/balitang_malacanang.htm

Kailan Lilinisin ang Manila Bay?

V. TAKDANG-ARALIN Magbasa o basahin ang isang seleksyon sa batayang aklat. Sumipi ng limang pahayag na katotohanan at gawing opinyon ang mga pahayag na ito. 172

Nawala na nga ang dating ganda ng Manila Bay. Nawala na ang kislap at linis. Sa halip na ang magandang sunset, ngayon ay basura ang masisilip. Kahapon, kakadiri ang mga basurang nakatambak sa kahabaan ng Roxas Blvd. Isinuka nang malala-


king alon ang basurang nanggaling sa mga bayan na nakapaligid sa dating magandang dagat. Mabuti na lang at nang iluwa ang mga basura ay tapos na ang mahabang funeral procession ni dating Presidente Corazon Aquino na dumaan mismo sa Roxas Boulevard. noong Miyerkules. Kung hindi kahiya-hiya sa yumaong Presidente na nangarap ding linisin ang dagat. Ang dilaw na kapaligiran sa Roxas Boulevard ay napalitan ng pangit na tanawin. Tambak ng basura ang sumungaw. Kahiya-hiya sa mga makakakita lalo na sa mga turista o dayuhang bisita. Karaniwang sa mga hotel sa kahabaan ng Roxas Boulevard nakatuloy ang mga dayuhan. Sa mga restaurant din sa lugar na nabanggit nagsisikain ang karamihan ng mga tao. Paano sila gaganahan kung mga basura na iniluwa ng dagat ang kanilang makikita? Nagkalat ang plastic na botelya ng tubig, tsinelas, plastic na supot, pira-pirasong yero, balat ng sabon, at kendi, mga sanga ng kahoy at water lily, at marami pang iba. Tantiya ng mga nagdadakot ng basura, baka abutin ng anim na trak o mahigit pa. Nang manalasa ang bagyong Milenyo ilang taon na ang nakararaan, maraming basura rin ang iniluwa ng alon sa Roxas Boulevard. Hinakot din ng trak ang mga basura. Naulit muli ang nangyari at tila mas matindi pa sapagkat anim na trak iyon. Minsang magsalita sa isang pagtitipon si Presidente Arroyo, nabanggit niya ang tungkol sa paglilinis ng Manila Bay. Naalala pa niya, noong ang kanyang ama — si Pres. Diosdado Macapagal ang nasa Malacañang, maraming nahuhuling isda sa Manila

Bay. Malinis na malinis umano ang dagat at marami rin ang naliligo. Nabanggit din niya ang kalinisan noon ng Pasig River. Ngayon, sa halip na isda ang mabingwit sa Manila Bay at Pasig River, mga basura ang mahuhuli roon. Sampung buwan na lamang sa puwesto si Mrs. Arroyo. Nakapagdududa kung maisasalba pa ang magandang Manila Bay at Pasig River sa pagkalason dahil sa basurang itinapon ng mga walang pakialam na mamamayan. O ipamamana pa sa susunod na administrasyon. Hango sa: http://beta2.philstar.com/ ArticlePrinterFriendly. aspx?articleId=494305

B. Habang Sumusulat Pagpapaalala ng mga tuntunin sa pagsulat ng reaksyon. Isulat ang iyong reaksyon sa editoryal na “Kailan Lilinisin ang Manila Bay?” C. Pagkatapos Sumulat Pagtatalakayan ng kani-kanilang reaksyon. IV. PAGTATAYA Sumulat ng reaksyon sa balitang “Scrabble, Kasama sa English Subject sa Public School.” V. TAKDANG-ARALIN Isulat ang inyong reaksyon sa paksang “Maraming Pilipino ang di-alam mag-Filipino.” 173


ARALIN

4

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan Pakikinig

Pagsasalita

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Ugnayang TanongSagot

* Graphic Organizer

* Pahulaan (Sino Ako?)

* Modelong Panayam/ Dayalog

* Dula-dulaan

* Graphic Organizer (Sundan ang Tauhan)

* Dula-dulaan * Pictomap

* Cooperative Learning/ Pangkatang Gawain

C. Pagbasa • Nakapagbibigay ng kasingkahulugan ng salita • Napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento at naisasantabi ang di-kailangang detalye D. Pagsulat • Nakabubuo ng isang talatanungan para sa isang panayam II. PAKSANG ARALIN A. Pagpapakahulugan sa Iba’t Ibang Huwarang Intonasyon B. Paggamit ng mga Sugnay na Pang-abay na Pamanahon, Panlunan, at Pamaraan C. Carlos P. Romulo, Isang Talambuhay •

Pagbibigay ng Kasingkahulugan ng Salita

Pagsusunud-sunod ng mga Pangyayari sa Kwento at Pag-iisantabi ng Di-kailangang Detalye

D. Pagbuo ng Talatanungan Para sa Isang Panayam

Pagpapahalaga: Pagkamatapat

I.

LAYUNIN A. Pakikinig • Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng kahulugan ng mga pahayag sa tulong ng iba’t ibang huwarang intonasyon B. Pagsasalita • Nagagamit ang mga sugnay na pang-abay na pamanahon, panlunan, at pamaraan

174

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikaanim na Baitang; istrip ng kartolina na kinasusulatan ng iba’t ibang uri ng pangungusap; istrip ng kartolina na kinasusulatan ng iba’t ibang uri ng pangatnig


IV. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Kailangang may magtanggol sa ating bansa laban sa mga kaaway ng demokrasya upang mapanatili ang kapayapaan sa mga bansa.

G. MARIO GONZALES:

Gawain A — Pakikinig

Malaking papel ang ginagampanan ng United Nations.

JESSA:

Lunsaran sa Pakikinig

ERICK:

Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa

Natutulungan tayo ng mga umuunlad na bansa sa mahahalagang kabatiran tungkol sa populasyon, karunungan, kalakal, industriya, at agham.

JESSA:

(Dula-dulaan)

Mga Tauhan:

— 39 taong gulang, guro ng isang pampublikong paaralan

JESSA

— 12 taong gulang, nasa ikaanim na baitang

ERICK

— 9 na taong gulang, nasa ikatlong baitang

mag-asawa

GNG. GRACIELA GONZALES

Nasa sala ang mag-anak na Gonzales. Nag-aaral ng leksyon sina Erick at Jessa sa kanilang sala. May takdang-aralin si Erick.

TAGAPAGSALAYSAY:

Papa, ano po ba iyong Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa?

ERICK:

G. MARIO GONZALES:

Anak, iyon ang tinatawag na United

Nations. Samahan ito ng tagapangalaga ng katahimikan at kapayapaan ng ating bansa at ng iba pang mga bansa sa buong mundo.

GNG. GRACIELA GONZALES:

Mama, maaari po bang ikwento ninyo kung paano naging kasapi ang Pilipinas sa United Nations?

ERICK:

mga anak |___________|

— 40 taong gulang, kawani ng isang bangko

|_____________|

G. MARIO GONZALES

Tulad ng ano, Ate?

Nabuo ang Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa o United Nations matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Limang magkakaanib na bansa ang nagkasundong magbuklod ng organisasyong ito. Ang mga ito ay ang China, France, Soviet Union, England, at United States.

GNG. GRACIELA GONZALES:

Napakahabang panahong naranasan ng ating bansa ang hirap na dulot ng mga digmaang pandaigdig. Ayaw na nang Pilipinas na madamay pang muli sa anumang kaguluhan, kaya lumagda ito sa UN Charter, na pinagtibay noong ika-24 ng Oktubre, 1945. Kasabay ito ng opisyal na pagpapahayag ng pagkakatatag ng United Nations. Nang pagtibayin ang Charter ay opisyal ding tinanggap sa UN ang Pilipinas.

G. MARIO GONZALES:

JESSA:

Ano po ang layunin ng samahang ito?

Ang mga layunin ng Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa ay ang mga sumusunod: Una, mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan at kaligtasan; ikalawa, linangin ang mabuting pakikipagkaibigan ng

G. MARIO GONZALES:

175


Gawain A — Pakikinig mga bansa; ikatlo, pagtulungang mapaunlad ang mga suliraning pangkabuhayan at panlipunan; ikaapat, pairalin ang pandaigdigang batas; at ikalima, itaguyod ang paggalang sa karapatan ng tao na walang pinipiling lahi, kasarian, wika, at relihiyon. May idadagdag ako riyan. Naging masigasig ang Pilipinas sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang myembro. Dahil sa masidhing pakikiisa ng ating bansa ay nahalal noong 1949 si Hen. Carlos P. Romulo bilang kauna-unahang Pilipino na naging pangulo ng United Nations General Assembly.

GNG. GRACIELA GONZALES:

JESSA:

Sagot: Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa

ng UN General Assembly?

G. MARIO GONZALES: Oo.

Ganyan kagaling ang mga Pinoy!

Samantala, mayroon ding ibang kababaihan na humawak ng mataas na tungkulin sa samahan.

GNG. GRACIELA GONZALES:

Sinu-sino naman po sila?

•

Pagpapayaman ng Talasalitaan Piliin sa hanay B ang malapit na kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa hanay A. A

B

Ilan sa kanila si Gng. Estefania Aldaba-Lim na naging pangalawang kalihim ng International Year of the Child. Si Leticia RamosShahani ay naging panga lawang kalihim ng Social Development and Humanitarian Affairs.

1. tagapag-alaga ng kapayapaan p y p

a. inaprubahan

Noong Hunyo 1, 2004, ginampanan ni Lauro L. Baja ang isang buwang panunungkulan bilang pangulo ng Security Council ng UN. Ito ang unang pagkakataong napabilang ang Pilipinas sa Security Council.

2. mahalagang kabatiran

b. katauhan (babae o lalaki)

3. p pinagtibay g y noong 1945

c. katahimikan

4. walang pinipiling kasarian

d. impormasyon

5. 9 na taong gulang g g

e. aralin

6. matapat na kawani

f.

7. nag-aaral ng leksyon y

g. edad

GNG. GRACIELA GONZALES:

G. MARIO GONZALES:

ERICK:

Ang galing naman ng ating mga kababayan!

Syempre naman, pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan at pangangalaga sa kapwa, maaasahan tayong mga Pilipino.

GNG. GRACIELA GONZALES:

176

Binubuo ito ng mahigit na 50 bansa. Ilan sa mga ahensya nito ang UNICEF, WHO, at ILO. Ipinagdiriwang natin ito tuwing ika-24 ng Oktubre.

Romulo?

ERICK: Pangulo

ERICK:

A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagtatanong kung anong samahan ang tinutukoy ng kasunod na pahayag.

kalaban


8. mga bansa sa buong mundo

h. negosyo

9. laban sa mga kaaway y ng demokrasya

i.

10. masigla ang kalakal sa bansa •

daigdig

A. Nakikita j.

empleyado

Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Pagbibigay ng mga mag-aaral ng pamantayan sa pakikinig. Unawain ang sinasabi ng nagsasalita.

Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig * Paggamit ng Ugnayang Tanong at Sagot (Question and Answer Relationship) Sabihing sa pamamagitan ng Ugnayang Tanong-Sagot (Question and Answer Relationship), may mga katanungan silang sasagutin na napapangkat sa tatlong kategorya: A. Nakikita: Mga literal na tanong B. Pag-isipan: Di-tuwirang nasasaad sa teksto C. Sariling Sikap: Mga kritikal na tanong Pagpapangkat-pangkat ng mga mag-aaral nang tatluhan.

1. Ano ang layunin ng pagsapi ng Pilipinas sa Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa? 2. Kailan itinatag ang Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa? 3. Sino ang kauna-unahang Pilipino na naging pangulo ng United Nations General Assembly? B. Pag-isipan Magbigay ng hindi kukulangin sa 20 bansang kasapi ng Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa. C. Sariling Sikap Makabubuti kaya para sa daigdig kung lahat ng bansa ay maging kasapi ng UN? Pagtukoy ng pagkakaiba sa kahulugan ng mga pahayag sa tulong ng iba’t ibang intonasyon. Ang intonasyon y o tono ay ang pagtaas o pagbaba ng tinig o tono sa pagsasalita. Ang pagbabago ng tono ay nagpapahayag ng sari-saring damdamin o nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan. May kahulugan ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita.

B. Habang Nakikinig * Paggamit ng Dula-dulaan Pagbasa nang may wastong intonasyon. Pagsagot sa mga tanong ayon sa tatlong kategorya: A. Nakikita B. Pag-isipan

C. Pagkatapos Makinig Paglalahad ng bawat pangkat ng kanilang mga sagot sa sumusunod na mga katanungan.

C. Sariling Sikap

1. Hindi nakatitiyak — Ang ganitong tono ay nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan ng nagsasalita sa kanyang narinig. Halimbawa: United Nations?

177


2. Nakabitin – Ang tono ay nagsasabing mayroon pang karagdagang sasabihin ang nagsasalita.

3. Binubuo po ba ito ng maraming bansa? 4. Oo, mayroon nang 192 na mga bansang kasapi. 5. Kasama po ba ang Pilipinas sa nagtatag ng UN? 6. Hindi, pero may mga Pilipinong humawak ng matataas na tungkulin dito. 7. Pilipino? 8. Pilipino… Si Hen. Carlos P. Romulo. 9. Romulo? 10. Siya ang kauna-unahang Pilipino na naging pangulo ng UN General Assembly noong 1949.

Halimbawa: Pilipino… 3. Katiyakan – Tiyak ang isinasaad ng ganitong tono ng pagsasalita, lalo pa kung ginagamit sa pagsagot sa tanong. Halimbawa: Oo 4. Pataas – Kapag ang pangungusap na patanong ay hindi nagsisimula sa panghalip na pananong at nasasagot ito ng Oo o Hindi. Halimbawa: Kasama po ba ang Pilipinas sa pagtatag ng UN? 5. Pababa – Kapag ang itinatanong ay hindi nasasagot ng Oo o Hindi. Halimbawa: Ano po ba ang Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa? Pagsusuri/Pagtukoy ng mga mag-aaral sa kahulugan ng mga pahayag sa tulong ng intonasyon.

(Dagdagan pa ang mga pagsasanay kung kinakailangan.) IV. PAGTATAYA Sabihin ang kahulugan ng tono ng mga pahayag.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga pahayag na iparirinig ng guro. A — nagpapakita ng katiyakan B — humihingi ng katiyakan C — nakabitin o mayroon pang karugtong D — kung nasasagot ng Oo o Hindi E — kung hindi nasasagot ng Oo o Hindi 1. Ano po ba ang Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa? 2. Iyan ang tinatawag na United Nations. 178

1. 2. 3. 4. 5.

A — nagpapakita ng katiyakan B — humihingi ng katiyakan C — mayroon pang karugtong D — nasasagot ng Oo o Hindi E — hindi nasasagot ng Oo o Hindi Ang layunin ng Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa ay mapanatili ang kapayapaang pandaigdig. Namayapa na ba si Hen. Romulo? Kasapi? Kailan itinatag ang Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa? Oo.


V. TAKDANG-ARALIN *

Halimbawa:

Paggamit ng Pictomap Sa pamamagitan ng pictomap, suriin kung tama o mali ang mga tono ng pahayag.

Lagyan ng ang patlang kung tama ang tono ng pangungusap at naman kung mali.

_____ 1. Saan ka mag-aaral sa high school? · _____ 2. Ikaw ba ay dito pa rin? ‚ _____ 3. Sa University of the Philippines? · _____ 4. Huwag kang sasali sa fraternity o sorority. ‚ _____ 5. Mahirap… ·

A. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagbalik-aralan ang tatlong uri ng pang-abay. Paggamit ng Graphic Organizer Pagpapangkat-pangkat ng mga pang-abay sa tsart. Pamanahon ika-24 ng Oktubre, 1945

Panlunan

Pagtatanghal ng Dula-dulaan Ipasadula ang tinalakay na dula-dulaan ng “Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa.”

C. Paghahalaw Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:

Gawain B — Pagsasalita

*

*

Sugnay na pang-abay na pamanahon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig Sugnay na pang-abay na panlunan sa ating bansa Sugnay na pang-abay na pamaraan nagkasundong magbuklod

Pamaraan

sa ating lalawigan

nang marahan

sa ibang bansa

gustung-gustong mag-aral

B. Paglalahad Ang sugnay na pang-abay ay lipon ng mga salitang may paksa at panaguri ngunit hindi nagpapahayag ng buong diwa. Nagbibigay-turing ito sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ginagamitan ito ng mga pangatnig sa unahan.

1. Kailan nabuo ang Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa? 2. Paano nabuo ang magkakaanib na bansa? 3. Saan-saan matatagpuan ang limang bansang magkakaanib? 4. Ano ang tawag sa sumusunod na mga sugnay? a. matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig b. dahil sa masidhing pakikiisa ng ating bansa c. sa China, sa France, sa Soviet Union, sa England, at sa United States D. Paglalahat Itanong: “Ano ang inyong natutuhan ngayon? Paano nakikilala ang sugnay na pang-abay?” Magbigay ng halimbawa ng tatlong uri ng sugnay na pang-abay.

179


E. Paglalapat Suriin ang dayalog. Sipiin ang mga sugnay na pangabay na pamanahon, panlunan, at pamaraan at itala ang mga ito sa tsart. F. Pagsasanay Basahin ang kasunod na seleksyon. Itala sa sulatang papel ang mga sugnay na pang-abay.

Palabasa si Arnold. Kahit mga lumang babasahin, binabasa niya. Ito ang isa sa mga nabasa niya “Si Pag-asa.” Diola Pag-asa. Ito ang pangalan ng isang agila na kumakain ng matsing na matatagpuan sa kagubatan ng Pilipinas. Si Diola ay nahuli sa panahon ng kanyang pangingitlog. Namatay siya sa sakit sa puso. Naiwan niya ang kanyang dalawang anak na sina Pag-asa at Pagkakaisa. Si Pag-asa ay ipinanganak noong Enero 1992, samantalang si Pagkakaisa ay noong Oktubre 1992. Ang mga agilang sisiw na ito ay naipanganak sa pamamagitan ng artificial insemination. Dito lang sa ating bansa makikita ang mga agilang tulad nito. Ang mga uri ng ibong ito ay nanganganib nang mawala. Mayroon na lang limampu’t apat na nabubuhay sa buong bansa. Ang tatlumpu’t anim ay naninirahan sa kalawakan ng ating kagubatan. Ito ang uri ng ibon na gustung-gustong manirahan sa kakapalan ng ating kagubatan. Ang ating pamahalaan ay dapat na kumilos nang maaga para mapangalagaan pa ang mga natitirang ibong agila sa ating bansa.

180

“Buhay pa kaya sina Pag-asa at Pagkakaisa?” ito ang naitanong ni Arnold sa kanyang sarili. “Buhay pa kaya sina Pag-asa at Pagkakaisa?” ang tanong ni Arnold sa kanyang Ate Mila. Ito ang sagot ng kanyang Ate Mila, “Ayon sa nabasa ko, labing-anim (16) na taong gulang na si Pag-asa, ang unang Philippine Eagle na ipinanganak sa pamamagitan ng artipisyal na pamamaraan. Tinagurian siyang kuya ng mga Philippine Eagle. Noong bata pa, akala ng mga nag-aalaga sa kanya ay babae si Pag-asa ngunit napagalaman nila na isa pala itong lalaki. “Naku, Ate Mila, lalo akong naging interesadong malaman sa ngayon kung buhay pa siya, ilan na kaya ang naging anak niya?” ang tanong ni Arnold. “Oo. Buhay pa si Pag-asa. Nasa Philippine Eagle Foundation (PEF) siya sa Davao City. Kasama niyang tahimik na nabubuhay ang ilan pang agila sa PEF. Mayroon nang 22 mga agila na lumaki sa pangangalaga ng foundation. Noong Pebrero 24, 1999, nagpalabas ang dating Pangulong Joseph Estrada ang Presidential Proclamation No. 79 na idinedeklarang Philippine Eagle Week ang Hunyo 4 hanggang 10 ng bawat taon. Inaasahang tutupad nang maayos ang mga mamamayan sa lahat ng panig ng bansa. Hangad nitong mapangalagaan ang mga agilang nanganganib nang maubos at tuluyang mawala,” ang mahabang paliwanag ni Ate Mila. “May isinasagawa bang pagdiriwang kaugnay ng Presidential Proclamation No. 79, Ate Mila?” tanong ni Arnold.


“Mayroon. Sa patuloy na pagsusumikap na mapangalagaan sa lahat ng oras at panahon ang ating pambansang ibon, nagkaisang magdaos ng pagdiriwang na ang paksa ay “Kaligtasan ng Agila at Kalikasan, Kasaganaan ng Sambayanan.” Halaw sa: • SD Vol. 19 No. 08, 1999 • http://www.philstar.com/ArticlePrinterFriendly.aspx?articleId=475110

IV. PAGTATAYA Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga sugnay na pang-abay. 1. sa ating bansa

4. noong nagdaang taon

2. sa panahon ng anihan

5. sama-samang naghandog

3. gustung-gustong tumulong V. TAKDANG-ARALIN Kumopya ng isang napapanahong balita. Tukuyin dito ang mga sugnay na pang-abay at gamitin sa pangungusap. Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa Carlos P. Romulo, Isang Talambuhay Noong ika-14 ng Enero, 1899 sa Camiling Tarlac, isinilang si Carlos Peña Romulo.

Nagtapos ng Bachelor of Arts noong 1918. Nagpakadalubhasa sa Columbia University noong 1921. Nagtapos ng Doctor of Laws sa Notre Dame University, Indiana noong 1935; Doctor off Literature sa Rolins College, Florida noong 1946; Doctor off Philosophy sa Athens, Greece noong 1948. Nang bumalik si Carlos P. Romulo sa Pilipinas, naging propesor siya sa Ingles sa University of the Philippines noong 1923-1928. Naging editor-in-chieff ng TVT Publications noong 1931 at publisher/editor ng Philippine Herald noong 19331941. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1944, si Carlos P. Romulo ay naging tagapagbalita ng hukbo ni Hen. Douglas MacArthur. Noong 1943 hanggang 1944, naging Kalihim ng Impormasyon ni Pang. Quezon at noong 1944 ay naging Brigadier Heneral. Isa ang Pilipinas sa limampu’t isang (51) bansang lumagda sa Karta ng Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa na pinagtibay noong Oktubre 24, 1945. Ito ang ipinagdiriwang na United Nations Day. Ang Pilipinas ay kinatawan ni Hen. Carlos P. Romulo bilang tagapangulo. Dahil sa ipinakitang masidhing pakikiisa ng Pilipinas at naging masigasig sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang kasapi, nahalal si Hen. Romulo na maging pangulo ng Pangkalahatang Kapulungan (General Assembly) ng United Nations noong 1949 at naging ambasador hanggang 1956. Pagkatapos maging pangulo ng University of the Philippines at Kalihim ng Edukasyon noong 1963-1968, itinalaga siya ni dating Pang. Ferdinand E. Marcos bilang Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Foreign Affairs) noong 1968-1984. Dahil sa kanyang matapat na paglilingkod sa UN at pagtataguyod niya ng kalayaan at pandaigdig ang kapayapaan, tinawag siyang “Mr. United Nations” noong 1980.

181


Ako ang Pangulong nagtalaga kay Carlos P. Romulo bilang Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas noong 1968-1984.

Sumakabilang-buhay si Carlos P. Romulo sa Maynila noong Disyembre 15, 1985 sa gulang na 86. Bilang paggunita sa kanyang ipinamalas na dedikasyon sa kanyang tungkulin, inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani. Pinarangalan din siya bilang pinakadakilang Pilipinong diplomatiko ng ika-20 siglo at maaaring maging sa kasaysayan.

Sagot: Pang. Ferdinand Marcos. E A

Halaw: http://www.answers.com/ topic/carlos-p-romulo

Ito ang tawag kay Carlos P. Romulo noong 1980. Sagot: Mr. United Nations

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman * Pagkakaroon ng Pahulaan (Sino Ako?) Pagpapalaro ng “Sino Ako?” — Pagkilala sa ilang Pilipinong nagkaroon ng tungkulin sa Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa.

R

S

Naging pangulo ako ng komperensya ng Pandaigdig na Samahan sa Paggawa (International Labor Organization o ILO). Sagot: Blas Ople B

Ako ang kauna-unahang Pilipinong naging pangulo ng Pangkalahatang Kapulungan (General Assembly) ng Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa. Sino ako? Sagot: Carlos Romulo S

182

O

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Bakit tinawag na Mr. United Nations si Carlos P. Romulo? Sabihin na habang bumabasa ay may mga tanong silang sasagutin tungkol sa tauhan. Ang mga tanong ay nasa Grapikong Sundan ang Tauhan.

• O

U

Pagpapayaman ng Talasalitaan Paghanap sa kahon ng malapit na kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Ase rter pag-alaala uno mbl cha pam e ya alay marubdob obligasyon

taga

1. dahil sa masidhing g pakikiisa 2. Pangkalahatang Kapulungan p g 3. Lumagda sa karta


4. bilang paggunita p gg 5. dedikasyon y sa kanyang tungkulin g •

Pagtatakda ng Pamantayan Pagpapabigay sa mga mag-aaral ng mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik.

C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Paglalahad ng bawat pangkat ng kanilang mga nakalap na impormasyon batay sa mga katanungan. Pagpapabigay ng kasingkahulugan ng mga sinalungguhitang salita sa parirala. A B

1. Unawain ang binabasa. 2. G a m i t i n a n g m a t a a t h i n d i a n g b i b i g sa pagbabasa.

1. editor ng mga pahayagan 2. reporter p ng tanggapan ng pahayagan 3. publisher p ng mga aklat-pambatas 4. sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig 5. sumakabilang g buhay y siya noong Disyembre 15, 1985 6. diplomatiko p

B. Habang Bumabasa * Paggamit ng Cooperative Learning/Pangkatang Gawain Pagpapangkat-pangkat nang tatluhan upang paghati-hatian ang pagsagot sa pangkat ng mga tanong. *

Paggamit ng Graphic Organizer (Sundan ang Tauhan) Pagsagot ng mga mag-aaral sa mga tanong na nasa Graphic Organizer. 1. Anu-ano ang natapos na kurso?

2. Anu-ano ang naging gawain?

Carlos P. Romulo

3. Bakit naging Mr. United Nations?

4. Saan-saang unibersidad nagpakadalubhasa?

•

a. publisista o manunulat tungkol sa pandaigdigang batas b. patnugot at tagawasto c. tagapagbalita d. taong matalino at mahusay sa pakikipagunawaan e. nagsimula f. namatay

Pag-unawa Pagsasaisantabi ng di-kailangang detalye sa pagkakasunud-sunod ng kwento. Pagbibigay-katwiran sa mga kilos o gawi ng mga tauhan sa akda. Sabihin kung nauunawaan ang binasa, maibibigay ang katwiran, o dahilan ng ikinilos ng tauhan. Halimbawa: Bakit pagkatapos ng apat na taong kurso noong 1918, nagpakadalubhasa pa at nagtapos ng Doctor of Law noong 1935 sa Notre Dame University si Carlos P. Romulo? 183


Sagutin ang mga sumusunod: 1. Bakit naging ambasador (pinakamataas na pinunong diplomatikong hinirang at binigyang kapangyarihan bilang kinatawan ng pamahalaan ng isang bansa sa ibang bansa) si Carlos P. Romulo? 2. B a k i t s i y a t i n a w a g n a “ M r . U n i t e d Nations”? (Dagdagan pa ang pagsasanay.) •

Basahing mabuti ang bawat talata. Isulat sa sagutang papel ang hindi kailangang detalye sa mga ito.

184

4.

Mahilig ka ba sa larong basketball? Sino ang hinahangaan mong manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA)? Maaaring hindi mo na napanood ang mga laro ng playing-coach na si Robert Jaworski. Matatawag na isa sa mga haligi ng PBA si Jaworski. Kilala siya bilang “the Big J” noong panahon ng kanyang kasikatan sa paglalaro sa PBA. Isa siya sa 25 Best PBA Players of All Time. Disiplinado ang mga mag-aaral ng Holy Trinity Academy.

5.

Ang ating bayaning si Dr. Jose P. Rizal ay isang mahusay na manunulat. Bakit ka nga ba sasama sa amin? Ang isinulat niyang dalawang nobela noong Panahon ng Español ang nagpamulat sa mga mata ng mga Pilipino upang maging makabayan. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin) at El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman). Bukod sa mga nobela, ay sumulat din si Dr. Jose Rizal ng mga tula. Ang tulang “Ang Huling Pahimakas” ay isinulat niya bago siya barilin sa Bagumbayan (Luneta na ngayon).

Pagpapahalaga Itanong: “Bakit mahalaga ang pagiging matapat sa gawain?”

IV. PAGTATAYA

1.

Ang larong bilyar ay pinagkakaabalahan ng mga kabataan ngayon. Marami nang larong pinanalunan si Efren “Bata” Reyes kaya tinagurian siyang The Magician. Noong 2007 napanalunan niya ang 2007 Derby City Classic Master of the Table, 2007 Derby Classic One-Pocket. Pumangalawa rin siya sa 2007 Pool & Billiard Magazine Fan’s Top 20 Favorite Players.

2.

Si Rafael “Paeng” Nepomuceno ay tinanghal na pinakamahusay na manlalaro sa kasaysayan ng bowling sa buong daigdig. Naitala siya sa bantog na Guiness’ World Records sapagkat siya’y may pinakamaraming kampeonato sa bowling. Siya ay may asawa at tatlong anak. Siya ay anim na ulit nang naging pandaigdigang kampeon sa larangan ng bowling.

3.

ay sina Justo Felipe at Victoria Reyes. Bunso si Felipe sa labindalawang magkakapatid. Sumama kaming mamasyal at makinig ng tugtugan ng rondalya sa plasa. Kinikilala si Julian Felipe bilang may-katha ng ating pambansang awit — ito ang Lupang Hinirang.

Ipinanganak si Julian Felipe noong ika-28 ng Enero 1861 sa Lungsod ng Cavite. Ang kanyang mga magulang

V. TAKDANG-ARALIN Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. Ilagay sa kahon ang bilang 1-3 para sa magkakaugnay na pangyayari. Lagyan ng ekis (✘) ang kahon ng hindi kailangang detalye. Levi Celerio ❏ Tanyag na kompositor ng mga awiting kundiman. ❏ Naitala sa Guinness World Records dahil sa kanyang pagtugtog na ang gamit lamang ay dahon.


❏ Ang kundiman ay awitin tungkol sa isang tao, bagay, o bayan. ❏ Hinangaan dahil sa kanyang mga likhang gawain.

Dumating nang maaga sa itinakdang araw at oras ng panayam. 7. Magpakilala agad nang buong pitagan. Sabihin kung ano ang pakay sa kinaroroonan ng taong kakapanayamin. 8. Maging masigla at magkaroon ng tiwala sa sarili. Maging tiyak at tuwiran sa pagtatanong. 9. Maging sensitibo sa sinasabi ng kinakapanayam. 10. Magtala ng mahahalagang impormasyon habang nakikipanayam. 11. Para hindi maging kabagut-bagot, paminsanminsan ay ibaling ang pag-uusap sa mga hilig at mga nagawa ng kinakapanayam. 12. Kung maaari ay gawing payak at mabilis ang ginagawang panayam. 13. Ipahiwatig sa kinakapanayam na sana’y pahintulutan ka pang makabalik sa hinaharap. 14. Pasalamatan nang buong lugod ang kinapanayam. 6.

Gawain D — Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda Pagtatanong kung paano nalaman ni Erick ang mga impormasyon tungkol sa Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa. Sagot: Sa pamamagitan ng pagtatanong. 2. Paglalahad Ang pakikipanayam ay sistematikong pangangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pakikipagusap sa mga tao — propesyunal man o hindi; bata man o matanda. Ang proseso nito ay hindi simpleng pagtatanong at pagsasagot. Nangangailangan ito ng paghahanda upang maging makabuluhan, kasiya-siya, at kapaki-pakinabang ang panayam.

Pagtalakay sa mga gamitin o inaasahang mga tanong sa pakikipanayam.

Mga Dapat Tandaan sa Pakikipanayam 1. 2.

Tukuyin ang iyong kakapanayamin. Magtakda ng araw at oras ng gagawing panayam. 3. Ihanda at balangkasing mabuti ang mga tanong bago magtungo sa taong kakapanayamin. 4. Magsuot ng angkop na damit. 5. Magdala ng mga kagamitang kakailanganin tulad ng bolpen, papel, lapis, maliit na notbuk, tape recorder, at iba pa.

*

Paggamit ng Modelong Panayam/Dayalog Ipasuri ang pagbuo ng talatanungan para sa isang panayam. Kinakabahang kumatok sa isang bahay si Mayah, isang mag-aaral sa ikaanim na baitang ng Paaralang Elementarya ng Magcaseville. Sa kanya iniatas ng tagapayo ng pahayagan ng kanilang paaralan na kapanayamin ang isang mag-aaral sa sekundarya na nagwagi ng ikaapat na pwesto sa Pambansang Tagisan ng Talino sa Filipino. 185


Magandang umaga, Isabel. Maraming salamat sa iyong pagpapaunlak.

MAYAH:

Walang anuman. Karangalan kong ibahagi ang aking karanasan sa nasabing patimpalak.

ISABEL:

MAYAH: Maaari mo bang isalaysay sa akin kung anu-

ano at paano ang ginawa mong paghahanda sa nasabing patimpalak? Hindi ko masabi na puspusan ang aming paghahanda kasi, sa ikli ng panahon ng paghahanda ay kaunti lamang ang oras namin para maghanda. Nag-review lang kami. Tinandaan ko ang lahat ng sinabi ng aking titser na tagasanay. At higit sa lahat, nanalangin sa Panginoon na kasihan at gabayan, nawa ako upang magwagi at saka lagi akong nagbabasa kahit walang pagsusulit.

ISABEL:

Tunay na ang pananalig sa Panginoon ay malaki ang naitutulong at ang pagiging palabasa. Ngayon naman, pwede bang malaman ang karanasang nangyari sa iyo noong lumalaban na?

MAYAH:

ISABEL :

Kinakabahan ako, kasi nga ay walang masyadong paghahanda. Sa unang round ay nakasama ako sa 25 kalahok na nakaabot sa krayterya ng Tagisan ng Talino. Limampu kaming lahat na nagtagisan ng talino.

MAYAH: Paano

ba ang Tagisan ng Talino?

Katulad din ito ng Quiz Bee. Magtatanong ang quiz master at isusulat naman namin ang sagot sa illustration board.

ISABEL:

Ano naman ang sumunod na pinaglabanan ninyo?

MAYAH:

186

ISABEL: Pagsulat

naman ng sanaysay.

Ilan naman ang kailangang manalo sa sanaysay?

MAYAH:

Sampu naman ang dapat manalo sa sanaysay.

ISABEL:

Ano ang naramdaman mo sa ikalawang round?

MAYAH:

ISABEL: Noong hindi pa natatawag ang pangalan ko’y

kabadung-kabado ako. Napasigaw ako sa tuwa nang tawagin ang pangalan ko. MAYAH: Ano naman ang paglalabanan ninyo sa ikat-

long round? ISABEL: Talumpati!

Biglaang Talumpati.

MAYAH: Anu-ano ang tanong na ginamit sa Biglaang

Talumpati? ISABEL: Ang mga tanong ay tungkol sa mga napapa-

nahong isyu tulad ng: “Kailangan bang ituro sa paaralan ang g sex education?� Dapat bang English ang maging medium ng pagtuturo ng Araling Panlipunan? at marami pang iba. MAYAH:

Anong isyu ang nabunot mo?

Ang lumalalang kalagayan ng ating ekonomiya ang ginawan ko ng biglaang talumpati. Sa awa ng Panginoon, nakamit ko ang ikaapat na pwesto.

ISABEL:

Hanggang ilang pwesto ba ang binigyan ng gantimpala at anu-anong gantimpala?

MAYAH:

Nagkamit ako ng 52,000.00 cash, tropeo, at sertipiko.

ISABEL:


Muli, maraming salamat. Makasusulat na ako ng artikulo hinggil sa pagkakapanalo mong ito.

MAYAH:

Walang anuman. Karangalan kong makapaglingkod at makatulong kaninuman. Sana maging inspirasyon ako sa makakabasa ng panayam na ito.

ISABEL:

ARALIN

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Bawat Makrong Kasanayan Pakikinig

Talakayin: 1. 2. 3. 4.

5

Bago ang panayam, ano ang unang pangyayari? Paano nabuo ang panayam? Anu-ano ang itinanong ni Mayah kay Isabel? Sa iyong palagay, natural lamang ba ang daloy ng panayam ni Mayah kay Isabel? Paano mo ito nasabi?

B. Habang Sumusulat Pagsulat ng talatanungan para sa isang panayam tungkol sa iba’t ibang paksa.

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman

* Modelong Talumpati

* Pag-uugnay ng mga Salita/Word Network

* Komik Istrip

* Word Network

* Pangkatang Gawain

* Pangkatang Pagkatuto (Inside-Outside Circle) * Pangkatang Gawain/Cooperative Learning

1. Nanalong Manlalaro 2. Nanalo sa Paligsahan sa Pagtula 3. Nanalo sa Pagtatalumpati

Pagbasa

Paggamit ng:

* Cloze Test

C. Pagkatapos Sumulat Pagpaparinig ng talatanungan tungkol sa:

Pagsasalita

* Pictomap * Interaksyong Guro-Magaaral

* T-chart

* Interaksyong Mag-aaralMag-aaral

IV. PAGTATAYA Sumulat ng talatanungan tungkol sa isang mag-aaral na nagwagi sa pagsulat ng editoryal.

I.

LAYUNIN A. Pakikinig

V. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng mga panayam. Kopyahin ito at iparinig sa klase.

•

Natutukoy sa mga pahayag na napakinggan ang nagpapayo, nagbababala, nanghihikayat, nagbibigay ng magandang intensyon, at iba pa 187


B. Pagsasalita • Nagagamit ang mga pang-abay na ingklitik gaya ng pa, raw/daw / , yata, nga, rin/din / , muna C. Pagbasa • Naibibigay ang iba’t ibang kahulugan ng salita • Naibibigay ang hinuha sa mga pangyayaring binanggit sa tekstong binasa D. Pagsulat • Nakasusulat ng isang talumpati sa tulong ng mga ideya/ tala na binuo sa klase

III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig Lunsaran sa Pakikinig Isang Paalaala Mula sa MWSS-Regulatory Office MWSS-Regulatory Office, 3/F Engineering Bldg. MWSS Compound Katipunan Road, Balara, Quezon City Tel.No. 435-8900

Unti-unting Naglalahong Likas na Yaman

II. PAKSANG ARALIN A. Pagtukoy sa mga Pahayag na Napakinggan B. Paggamit ng Pang-abay na Ingklitik C. Disiplina • Pagbibigay ng Iba’t Ibang Kahulugan ng Salita • Pagbibigay-hinuha sa mga Pangyayari D. Pagsulat ng Talumpati

Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng disiplina kahit saan

Ang tubig ay buhay. Dapat nating isalba ito bago pa man mahuli. Narito ang ilang mga tips o paalaala kung paano makakatipid sa tubig. Ang Karaniwan Laging tiyakin na lahat ng gripo ay nakasara. Ang isang patak na napabayaan ay nakakapag-aksaya ng 200 litro ng tubig bawat limang minuto. Laging suriin ang mga tumutulong gripo at kaagad ipakumpuni. Gamitin ang tubig na nagamit na. Gamitin ang pinagbanlawan mula sa paglalaba ng mga damit o mga plato para pambuhos sa inidoro, panlinis ng kotse at garahe, pandilig ng mga halaman, o panlaba ng mga basahan. Sa Paglalaba

Sanggunian/Mga Kagamitan Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Ikaanim na Baitang; mga pictomap/ mga ekspresyon ng mukha; mga plaskard ng ingklitik; sipi ng talumpati 188

Kapag naglalaba sa kamay: Ibabad ang maruming mga damit sa sabon upang madaling maalis ang dumi. Gumamit ng batya o lababo na may sapat na dami ng tubig. Huwag hayaang umapaw ang batya sa isang tumutulong gripo.


Kapag gumagamit ng washing machine: Maglaba na puno ito tuwing ikalawang araw. Gumamit lamang ng sapat na kailangang sabon upang sa ganoon ay hindi gaanong maaksaya sa pambanlaw. Sa Banyo Sa paggamit ng kubeta, iwasan ang madalas na pag-fl - ush. Ang isang pang-flush ay gumagamit ng 20 litro ng tubig. Sa paliligo, gumamit ng timba at tabo sa halip na shower. Kung gagamitin ang shower, isara ito habang nagsasabon at nagsa-shampoo. Huwag magpatagal sa shower kapag nagbabanlaw. Kung gagamitin ang bathtub, huwag paaapawin. Isara ang gripo habang naghuhugas, nag-aahit, o nagsisipilyo ng ngipin. Sa pagmumog, gumamit ng isang basong tubig. Gumamit lamang ng kaunting tubig kapag lilinisin ang toothbrush o labaha. Dito ay makatitipid ng 80% ng tubig sa karaniwang gamit. Sa Hardin Diligin ng tubig ang mga pananim, hardin, at bakuran sa umaga, sa hapon, o sa panahong malamig ang araw. Huwag magdidilig kapag mahangin o tanghaling tapat.

Huwag ilagay ang frozen food sa tumutulong gripo. Ilabas ang frozen food nang maaga upang maalis ang pagka-frozen nito sa tamang temperatura ng silid bago lutuin. Gumamit lamang ng sapat na tubig para maluto ang pagkain. Sa Garahe Kapag naglilinis ng inyong kotse, gumamit ng timba at isang basahan (cotton rag) sa halip na isang water hose at isang sponge. Bukod sa makatitipid ng tubig, mas magandang gamit ang isang basahan (cotton rag) sa pintura ng iyong kotse. Huwag linisin ng hose ang inyong driveway. Gumamit ng timba at isang walis.

A. Bago Makinig • Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Pag-uugnay ng mga Salita/Word Network Pagpapabigay ng mga salitang may kaugnayan sa tubig g.

Huwag gumamit ng water sprinklers sa panahon na mainit ang araw. Ang kalahati ng tubig ay mag-i-evaporate o sisingaw lamang. Huwag laging nagdidilig. Hindi kailangan ng damo ng maraming tubig. Iwasang ibabad ang inyong bakuran, dahil ang lupa ay hindi makatitipon ng sobrang tubig.

tubig

Sa Kusina Ibabad ang mga mamantikang plato sa mainit na tubig. Unahing hugasan ang mga kubyertos na kakaunti lamang ang mantika kaysa sa maraming mantika. Gumamit ng palanggana o maglagay lamang ng kalahating tubig sa lababo. Saka lamang buksan ang gripo kapag magbabanlaw na.

•

Pagpapayaman ng Talasalitaan * Paggamit ng Cloze Test Pagpupuno ng angkop na salita sa pangungusap upang mabuo ang sumusunod na mga pahayag. 189


Piliin ang mga salita sa loob ng kahon upang mabuo ang pangungusap. g

tubi

litro

kubeta

labab

190

Pagtatala ng impormasyong nakuha sa teksto.

o

1. Ang isang patak ng tubig na napapabayaan ay nakapagkakasya ng 200______ ng tubig bawat limang minuto. 2. Kapag naglalaba, gumamit ng batya na may sapat na dami ng ______. 3. Sa paggamit ng _____, iwasan ang madalas na pag-flush. •

B. Habang Nakikinig Pakikinig ng teksto habang sinasaliwan ng angkop na musika (tape recorder).

Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Pagbibigay ng mga mag-aaral ng pamantayan sa pakikinig.

C. Pagkatapos Makinig Pagsagot sa mga tanong. Pagtatala ng mga nalaman o natutuhan sa tsart. Nalaman o Natutuhan

Pagtukoy sa mga pahayag na napakinggan kung nagpapayo, nagbababala, o nanghihikayat. •

Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig Sasabihin na itatala nila ang bagong kaalaman na makukuha sa mapapakinggang teksto at aalamin ang mga kasagutan sa mga nabuo nilang mga tanong. Alam Na

Gustong Malaman

1. A n g t u b i g a y isang unti-unting naglalahong likas na yaman.

1. Paano makapagtitipid sa paggamit ng tubig:

2. Ang tubig ay buhay. Dapat nating isalba ito bago pa man mahuli.

– sa hardin?

Natutuhan

Halimbawa: Ang maipapayo ko sa iyo para lumakas ang iyong katawan ay kumain ka ng gulay.

– sa paglalaba? – sa banyo? – sa kusina?

Ang pagbibigay ng babala ay isang pagpapaunawa o pagbibigay ng impormasyon upang maiwasan ang maaaring masamang mangyari. Ilang mga pariralang makatutulong upang magalang na maipahayag ang panghihikayat ay ang mga sumusunod: malaki ang gp pangangailangan g g g sa, kaya y kailangan g ng g, malaki ang g maitutulong g, makabubuti kung g, at iba pa. p p y Maaaring gumamit ng katagang ang maipapayo ko sa unahan ng mga pahayag na nagpapayo.

*

Paggamit ng Pangkatang Pagkatuto “Inside-Outside Circle” Pagpaparinig ng mga pahayag at pagsagot sa tulong ng inside-outside circle.


Panuto: Tukuyin ang mga pahayag na napakinggan kung nagpapayo, nagbababala, o nanghihikayat sa tulong ng inside-outside circle.

4. Makabubuti kung gagawa tayo ng mga anunsyo o tips kung paano makatitipid sa tubig. 5. Huwag gumamit ng water sprinklers sa panahon na mainit ang araw; ang kalahati ng tubig ay mag-i-evaporate o sisingaw lamang. (Dagdagan pa ang mga pagsasanay kung kinakailangan.) IV. PAGTATAYA Tukuyin kung nagpapayo, nagbababala, o nanghihikayat ang bawat pahayag na nasa istrip ng kartolina na iparirinig ng guro. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagpangkat-pangkatin nang waluhan ang mga magaaral. Ang bawat isa ay may hawak na mga pahayag na babasahin para ipasagot sa kausap. Magpapalitan ng kapareha at ang mag-aaral na nasa labas ang lilipat ng posisyon. 1. Laging tiyakin na lahat ng gripo ay nakasara. Ang bawat patak ng tubig na napabayaan ay nakapag-aaksaya ng 200 litro bawat limang minuto. 2. Gamiting pambuhos sa inidoro o panlaba sa mga basahan o panlinis ng garahe ang pinagbanlawan mula sa paglalaba ng mga damit. 3. Huwag ka nang malungkot kung sinira ng mga kulisap ang dahon ng iyong mga halaman. Ang maipapayo ko sa iyo ay gumamit ka ng organikong pamatay-kulisap tulad ng katas ng dahon ng madre kakaw. Ihahalo mo ito sa tubig para i-spray sa dahon ng mga halaman.

1. Mag-ingat sa pagkain ng lamang-dagat. May red tide sa mga baybayin ng Manila Bay, Cavite, at Bataan. Lahat ng mamamayan ay binabawalang kumain ng tahong, talaba, at iba pang lamang-dagat na hinuhuli sa mga baybaying ito.

2. “Baka gusto ninyong magpakuha ng larawan sa may Cagsagwa, ang lumubog na simbahan noong unang pumutok ang Bulkang Mayon. Mula rito, makikita ang pinakamagandang Bulkan sa Pilipinas,� ang sabi ng potograpo.

3. Ugaliing magdala ng payong at kapote sa tuwi-tuwina kapag panahon ng tag-ulan.

4. Ugaliing sundin ang batas-trapiko. Malalayo na tayo sa aksidente, matatawag pa tayong mabuting mamamayan.

191


V. TAKDANG-ARALIN *

Paggamit ng Pangkatang Gawain/Cooperative Learning Pagpangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral at ipagawa ang sumusunod na gawain: Pangkat I

— Gumawa ng poster na nanghihikayat na magtanim ng mga gulay sa bakanteng lote o malalaking basyo ng lata.

Pangkat III — Gumawa ng patalastas o babala na dapat gawin upang maiwasan ang pagtaas ng konsumo ng kuryente. Pangkat IIII — Gumawa ng liham na nagpapayo sa mga batang nawawalan ng sigla sa pag-aaral o para makakuha ng mataas na marka.

(Maaaring ipadrowing ang mga larawan at idikit sa pisara. Ipatapat ang mga pahayag na nasa speech balloon.) Pagtatanong kung ano ang ipinahihiwatig ng bawat pahayag. Pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga ito. Ipakilala ang ingklitik. Magbigay ng halimbawa ibigay ang gamit nito sa pangungusap. Totoo ba?

Totoo raw.

Nariyan na si Bata?

Gawain B — Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman Pagbabalik-aral sa mga uri ng pangatnig.

Totoo sana.

Totoo yata!

Totoo kaya?

Pagbibigay ng pangungusap na ginagamitan ng mga uri ng pangatnig. *

Paggamit ng Komik Istrip

*

Paggamit ng Pictomap Pagpapasuri ng ipinapahayag na ekspresyon ng mga mukha sa larawan. Anu-ano ang ipinapahayag na ekspresyon ng mga sitwasyon: Balitang-balita na dumating na sa Pilipinas ang “The Magician” na si Efren “Bata” Reyes na nagwagi ng humigit-kumulang na 525,000,000.00 sa larong bilyar sa Nevada.

192

B. Paglalahad Ang mga ingklitik ay maiikling kataga na walang kahulugan subalit nakapagpapabago ng kahulugan ng pangungusap. Halimbawa ng mga ingklitik ay ba, nga, yata, pala, kaya, daw/raw / , pa, na, lang, at iba pa.


Gamit ng ingklitik sa pangungusap. 1. Darating nga ba ang ating mga panauhin ngayon? 2. Hindi yata. Masama nga pala ang panahon. *

Paggamit ng Komik Istrip Bawat Pahayag, May Kahulugan Nag-uusap sa cellphone ang magkamag-aral. BONG:

Matutulog ka na ba, Cristy?

CRISTY:

Hindi pa naman. Bakit, Bong?

BONG:

May ibabalita ako sa iyo. May kompetisyon ng bilyar na gaganapin sa SM City North EDSA sa Setyembre 1-6, 2009.

CRISTY: Talaga? Manood kaya tayo? Naaalaala ko pa

nga noong talunin niya si Morris sa International Pool Tour’s World Open 8-Ball Championship. BONG:

Oo nga, e. Di pa rin nawawala ang galing ni Efren “Bata” Reyes sa bilyar! Sabi niya sa interbyu, malaki raw ang tsansa na manalo ang mga manlalarong Pilipino. Bukas nga pala ay daraanan ka namin. Sige, bye!

CRISTY:

Bye!

C. Paghahalaw * Paggamit ng Interaksyong Guro –Mag-aaral Pagtatalakayan ng nilalaman ng komik istrip na inilahad. 1. Tungkol saan ang pag-uusap ng magkamagaral?

2. Anu-ano ang kahulugang ipinapahayag ng mga kataga sa bawat pangungusap? a. Matutulog ka na ba, Cristy? b. Hindi pa p naman. c. Talaga? g d. Manood kaya y tayo? e. Di p pa rin nawawala ang galing ni Efren “Bata” Reyes sa bilyar! f. Bukas nga pala p ay daraanan ka namin. D. Paglalahat Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat. Itanong: “Ano ang mga ingklitik? Magbigay ng mga halimbawa.” E. Paglalapat * Paggamit ng Interaksyong Mag-aaral-Mag-aaral Pagbibigay ng angkop na ingklitik na bubuo sa bawat pangungusap. Kumuha ng kapareha at maghalinhinan sa pagsagot. 1. Kasama mo (na) (ba) ang bisita? 2. Hindi (pa p ). Mamaya (pa p ) _____ e. 3. E, sino (ba) ang kasama niya mamaya? MAG-AARAL B: 4. Susunduin (nga g ) (pala p ) siya nina Nora kaya huwag na kayong mag-alala. (Dagdagan pa kung kinakailangan.) MAG-AARAL A: MAG-AARAL B: MAG-AARAL A:

F. Pagsasanay Gamitin sa sariling pangungusap ang sumusunod na mga ingklitik. 1. pala 3. sana 5. pa 2. nga 4. muna 193


IV. PAGTATAYA Pagpupuno ng nawawalang kataga sa pangungusap. Buuin ang talata. Punan ng wastong ingklitik ang mga patlang. Tiyaga ang daan sa tagumpay upang makamit 1 _________________ ang hinahangad ng bawat isa sa atin. May kasabihang daig 2_______________ ng taong matiyaga ang isang taong marunong lalo 3_______________ at tamad ito. Kung magkakasama ang dunong at tiyaga, ano 4________________ kaya ang magiging suliranin upang hindi magtagumpay ang isang tao? V. TAKDANG-ARALIN Pahabain ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng ingklitik. Isulat ang mga ito sa iyong notbuk. 1. Dumating ang tatay? 2. Nasa pulong ang mga tao. 3. Kumain ang mga bisita.

4. Narito ang ate mo. 5. Sasama ka?

Gawain C — Pagbasa Lunsaran sa Pagbasa Disiplina Unang Bahagi Tanong: Saan kaya naganap ang tagpuan ng seleksyong “Disiplina”? Bagong salta sa Maynila, promdi, ito ang tawag sa akin ng lahat. Mula sa Butuan, isinama ako ni Itay sa Maynila. Bakasyon kasi noon at nilalakad ni Itay ang

194

pagtatrabaho niya sa isang kilalang hotel sa Roxas Boulevard. Nakitira kami pansamantala sa bahay ni Tiya Flor, ang nakatatandang kapatid ni Inay. Ikalawang Bahagi Tanong: Anu-ano kaya ang nakita ng tauhan sa seleksyon? Ang laki pala ng Maynila! Ang tataas ng mga gusali. Ang daming hotel. Ang daming restawran. Ang daming mga sasakyan – sasakyan sa itaas at sasakyan sa ibaba. Ang dami-rami pang magagandang tanawin – sasakyan, parke, museo, at iba pa. Kaylaki ng mga paaralan – may pang-elementarya, may panghayskul at pangkolehiyo. Sa kabila ng mga ito, mainit sa Maynila at mausok – usok na mula sa pabrika; usok na mula sa mga sasakyan; mga nakakaubong usok! Higit sa lahat ang dami-raming tao – lakad nang lakad; takbo nang takbo; nagkakasalubong; nagkakabanggaan. Ikatlong Bahagi Tanong: Tungkol kaya saan ang mga babalang nakita ng tauhan? Nagkalat sa lansangan ang maraming babala at patalastas – Bawal manigarilyo, Bawal umihi, Bawal magkalat, Bawal magtapon ng basura, Bawal tumawid, Bawal pumitas ng bulaklak, Bawal huminto at magsakay. Ay, alin kaya ang hindi ipinagbabawal? “Para sa kaayusan at kaligtasan kaya maraming bawal,” ang sabi ni Itay. Ikaapat na Bahagi Tanong: Anu-ano kayang disiplina ang natutuhan ng tauhan sa tahanan? sa paaralan? Disiplina ang kailangan. Sa tahanan, disiplina sa oras ang natutuhan ko kina Itay at Inay. May oras ng paggising, ng pagtulog, ng pagkain, ng pag-aaral, at ng paglalaro.


Sa iyong palagay, bakit “Disiplina” ang pamagat ng seleksyon?

Sa paaralan, disiplina rin ang itinuro ng aking mga guro. May oras para sa ibang asignatura. May oras sa pagpasok, sa pagsusuot ng I.D at uniporme, at sa paggamit ng silid-aklatan. Para sa akin, hindi lang disiplina ang inilarawan ng lahat ng ito, kundi pagmamahal sa sarili at pagpapakita ng pagkakakilanlan. Bagong salta man ako sa Maynila, alam ko na kung paano makibagay sa mga tao dahil may disiplina ako sa sarili.

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman * Paggamit ng Word Network Pagpapabigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang Maynila y at Disiplina p .

Disiplina

Maynila

Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Anu-anong disiplina ang ginagawa mo para sa iyong sarili? Ibig ba ninyong malaman ang iba’t ibang uri ng disiplina? Ito ang babasahin natin ngayon. Paano nakatutulong sa tao ang pagkakaroon ng disiplina?

Sa babasahin ninyong seleksyon, alamin ang mga pangyayari nito. Magbigay rin ng hula sa mga bahabahagi ng seleksyon. •

Pagpapalawak ng Talasalitaan * Paggamit ng T-chart Pagtukoy sa mga salitang-ugat at panlapi mula sa mahabang salita.

Pagtatakda ng Pamantayan Pagbibigay ng mga mag-aaral ng pamantayan sa pagbasa nang pabigkas. Salita

Salitang-ugat

Panlapi

1. magaganda 2. nagkakabanggaan 3. kaligtasan 4. ipinagsusumikapan 5. pagtutulungan

B. Habang Bumabasa * Paggamit ng Pangkatang Gawain Pagbasa ng seleksyon nang baha-bahagi. (Maaaring ang bawat pangkat ng mag-aaral ay magsama-sama at magtulung-tulong sa pagbibigay ng palagay.) C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Paglalahad ng bawat pangkat ng kasagutan sa mga tanong. 195


Pagkilala ng mga salita sa iba’t ibang kahulugan. Pagbibigay ng iba’t ibang kahulugan ng salita at paggamit sa pangungusap. Halimbawa: 1. Bagong salta ako sa Maynila. (bagong dating o baguhan) 2. Sumalta ako sa bubong. (umakyat)

nilalakad

a. Nilalakad ni Itay ang pagtatrabaho niya sa isang kilalang hotel sa Roxas Boulevard. b. Nilalakad namin ni Itay ang kahabaan ng Roxas Boulevard.

sasakyan

a. A n g d a m i n g s a s a k y a n – sasakyan sa itaas; sasakyan sa ibaba! b. Alin kaya ang sasakyan y ko – sasakyan sa itaas o sa ibaba?

Pag-unawa Ipaliwanag na kung nauunawaan ang binasang teksto, makapagbibigay tayo ng hinuha sa mga pangyayari. Sa binasang tekstong “Disiplina,” ano ang maaaring mangyari sa tauhan batay sa kanyang sinabi: “Bagong salta man ako sa Maynila, alam ko kung paano makibagay sa mga tao dahil may disiplina ako sa sarili.”

Pagpapahalaga Itanong: “Paano mo maipakikita na may disiplina ka sa iyong sarili?”

196

IV. PAGTATAYA Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa iyong katwiran, paliwanag, o interpretasyon. Dapat bang gawing Hunyo at Hulyo ang mahabang bakasyon ng mga mag-aaral? Bakit? V. TAKDANG-ARALIN Pangatwiranan ang sumusunod na tanong. Dapat bang g gawing Ingles ang medium ng pagtuturo ng Hekasi? Gawain D — Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda Pagpaparinig ng guro ng isang talumpati na maaaring naka-tape. 2. Paglalahad • Paggamit ng Modelong Talumpati Ilahad sa pisara/tsart ang ipinarinig na talumpati. Maaari ring paramihin ang kopya ng talumpati para magkaroon ng sipi ng modelong talumpati ang g bawat mag-aaral. Ang Wikang Filipino Magandang umaga sa inyong lahat! Dakila para sa akin ang araw na ito sapagkat sa araw na ito’y sisimulan natin ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Itatanghal natin sa buong buwan ang wikang Filipino na siyang salamin ng ating lahi at kultura.


Pagbibigay ng pamantayan sa pagsulat ng talumpati.

Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng iisang wika na magbubuklod sa ating mga isip, puso, at adhikain. Ito ay nabigyan ng katuparan dahil sa pagpupunyagi ng Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel Luis Quezon. Sa kasalukuyan, ang ating bansa ay nahaharap sa isang malaking hamon tungo sa pagkakaisa’t kaunlaran. Paano nga ba matatamo ang ganap na pagkakaisa kung ang patuloy na isinusulong ay wikang banyaga? Paano nga ba aakyat ang pamumuhay sa bawat rehiyon kung hindi nagkakaunawaan? Bakit hindi natin hayaang pumailanlang ang kariktan ng ating sariling wika? Gamitin natin ang wikang Filipino sapagkat ito ang tanging susi na magbubukas ng pinto ng pagkakaunawaan na siyang daan tungo sa pagunlad. Itaguyod natin ang wikang magbibigkis at magpapatatag ng diwa’t damdamin ng pamilya, ng pamayanan, at ng buong bansa. Maraming salamat po! Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang Pilipino!

Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagtatalakayan tungkol sa inilahad na modelo. A. 1. Ano ang dulot ng pagkakaroon ng wikang pambansa? 2. Paano nagiging kasangkot sa pagsulong ang mga kabataan? B. Paano ang pagsulat ng talumpati?

1. Gumamit ng 250-300 na salita sa pagbuo ng talumpati. 2. Gumamit ng matatalinghagang salita. 3. Gumamit ng mataas na antas ng wika. 4. Iwasan ang pag-uulit ng mga salita. *

Paggamit ng Pangkatang Gawain Pangkatang pagbuo ng talumpati. Pagbuo ng talumpati sa pamamagitan ng pagtatala sa pisara ng mga ideya mula sa klase na may temang “Ang Kabataan sa Makabagong Panahon at ang Paggalang” o “Ang Paggalang ng mga Kabataan, Mayroon Pa Kaya?” o “Magagalang Pa Kaya ang mga Kabataan sa Makabagong Panahon?”

B. Habang Sumusulat Pagpapaalaala ng guro sa pamantayan sa pagsulat ng talumpati. C. Pagkatapos Sumulat Paglalahad ng bawat pangkat ng isinulat na talumpati habang sinusuri ng ibang pangkat kung nasunod ang pamantayan. IV. PAGTATAYA Muling pagsulat ng talumpati mula sa mga ideyang binuo ng klase. V. TAKDANG-ARALIN Kumopya ng ibang talumpati. Suriin kung paano ang wastong pagsulat ng talumpati. 197


BIBLIOGRAPI Agno, Lydia N., 2007. Principles and Strategies of Teaching, C. & E. Publishing, Inc., Quezon City Alcantara, Rebecca., 1996. Teaching Strategies I. Katha Publishing Co., Inc. Badayos, Paquito B., 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika, Mga Teorya, Simulain at Istratehiya. Manila. Grandwater Publication and Research Corporation Batayang Kurikulum sa Edukasyon (BEC), 2001 Departamento ng Edukasyon, Pilipinas BEC 2002 – Kagawaran ng Edukasyon, Metro Manila Belvez, Paz M., 2000. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila. Rex Book Store Breen, Michael, 1987. Learner Contribution to Task Design. Prentice Hall Calamlam, Josephine M. et al., 2006. A Reviewer for the Licensure Examination for Teachers. Philippine Normal University, Manila. Carrell, Patricia L. and Eisterhold, Joan C. 1988. Schema Theory and ESL Reading Pedagogy. Interactive Approaches To Second Language Reading. Cambridge – Cambridge, University Press Diksyunaryo ng Wikang Filipino, Sentinyal Edisyon. Quezon City. Komisyon ng Wikang g Filipino, 1998 Espiritu, Clemencia C., 1986. Papel na inihanda ni Espiritu, Mga Pamamaraan at Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika sa Sangguni. Philippine Normal University Espiritu, Clemencia C., 1986. Sangguni, Vol. VIII No. 2. Philippine Normal College. Manila Espiritu, Clemencia, 2004. Majorship: Paraan/Pamaraan ng Pagtuturo Esponilla, Emy Flor S., 1990. Bantayog. Mga Piling Sanaysay sa Wika at Panitikan. Phoenix Publishing House, Inc. Finochiaro, Mary, 1974. English as a Second Language: From Theory to Practice. New York: Regent Publishing Giron, Paraluman, 2003 Literasi… Sandigan ng Kalinangang Pangwika sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Hadley, Alice O., 1993. Teaching Language in Context. Heinle and Heinle Publishers, Boston, USA Hasik, Bolyum 1 Blg. 1 Samahan ng mga Edukador sa Pilipinas, Mayo 1996 Jocson, Magdalena O., 2005. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Lorrimar Publishing Co., Inc. Quezon City Johnson, K. and K. Morrow, 1980. Communication in the Classroom. London, Longman Group Ltd. Kagan, Slavins, Allport, 1985. New Cooperative Learning, Multiple Intelligences and Inclusion. InJ. Putnam Cooperative Learning and Strategies for Inclusion. Paul H. Brookes, Baltimore M.D. 1998 Lalunio, Lydia P., 1985. Ang Pagtuturo ng Pagbasa sa mga Guro at Magiging Guro. Manila. Rex Book Store Lalunio, Lydia P. 1993. Tinig ng KAPIL. Balik-sulyap sa Pagtuturo ng Pagbasa Lalunio, Lydia P., 1996. Research Insight on Emergent Literacy. Sangguni Vol. XII No. 3 Philippine Normal University. Manila

198

Lalunio, Lydia P., 2000. Manwal ng Guro – Ikalimang Baitang. Hiyas sa Wika at Pagbasa. Quezon City. LG & M Corporation Lalunio, Lydia P., 2005. Kalikasan at Development ng Panimulang Literasi Liwanag, Lydia B., 2002. Mga Hulwarang Teorya sa Pagbasa (binasa sa panayam) Liwanag, Lydia B., 2003. Ang Wika sa Edukasyon (papel na binasa sa Forum ng Komisyon ng Wikang Filipino) Liwanag, Lydia B., 2003. Paghahanda ng mga Banghay-Aralin Ayon sa Bagong Kurikulum para sa Antas Elementarya Liwanag, Lydia B., 2004. Sangguni Vol. XIX No. 1. Philippine Normal University. Manila Liwanag, Lydia B., 2004. Sangguni Vol. XIV No. 1 October 2004 Liwanag, Lydia B., 2006. Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa Ayon sa Interaktibong Pananaw (binasa sa panayam) Mallilin, Gabriel F. et al., 2002. Patnubay ng Guro sa Paglinang ng Kasanayan sa Wika at Literatura. Manila. Rex Book Store Manzo, A.V., 1969. The ReQuest Procedure, the Journal of Reading Martinez, Mary Ann I., 2005. Filipino: Wika at Pagbasa 4. Makati City. Diwa Publishing House Inc. Pagkalinawan, Leticia C., 2004. Filipino Para sa Iskolarling Pagpapahayag. Makati. Inkwel Publishing House PELC – Philippine Elementary Learning Competencies in Filipino. Bureau of Elementary Education, DepED, Metro Manila Papa, Nenita P. 2000. Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Booklore Publishing Corporation Raphael, Taffy E., 1982. “Teaching Question-Answer Relationship, Revisited”” The Reading Teacher Ril, Francisca et. al. 2003. Handbuk sa Pagtuturo ng Pagsulat sa Filipino. Bookwise Publishing Salandanan, Gloria G., 2005. Teaching and the Teacher. Lorimar Publishing Co., Inc. Quezon City Salandanan, Gloria G., 2006. Methods of Teaching. Lorimar Publishing Co., Inc. Quezon City Smith, Frank, 1983. Psycholinguistic and Reading. New York: Holt, Rinehar and Winston Stein N. and Glen C., 1979. An Analysis of Story Comprehension in Elementary School Children. In K.O. Freedle (Ed.), Advances in Discourse Processing (Vol. 2). Norwood, NJ: Albex Tatlonghari, Melchor A., 2006. Kaalaman at mga Paniniwala Tungkol sa Pagbasa at Pagsulat Villamin, Arceli M., 1990. Bantayog. Mga Piling Sanaysay sa Wika at Panitikan. Phoenix Publishing House, Inc. Widdowson, H.G., 1978. Teaching Language as Communication. London: Oxford University Press Wright, Andrew, 1978. Visual Materials for the Language Teacher


2010-03-22-14.17.05