The Varsitarian P.Y. 2016-2017 Issue 01

Page 2

2 Balita

Patnugot: Alhex Adrea M. Peralta

IKA-30 NG AGOSTO, 2016

Doktorado sa medtech, inilunsad NAKATAKDANG ilunsad ng Graduate School ang kauna-unahang programang doktorado sa medical technology (medtech) sa bansa ngayong Taong Akademiko 2016-2017. Kinumpirma ni Marilu Madrunio, dekano ng Graduate School, na bubuksan ang programa sa ikalawang semestre para sa mga medical technologists na nagnanais pag-ibayuhin ang kaalaman sa programa. “All we need is constant upgrading of the programs to make them more recent and relevant, as well as [to] strengthen even more our research agenda and our community and extension programs,” ani Madrunio sa isang panayam sa Varsitarian. Samantala, ikalawa naman ang UST sa buong Timog-Silangang Asya na nag-aalok ng programang gradwado sa medtech, sumunod sa Unibersidad ng Mahidol sa Thailand. Dagdag ni Madrunio, ang pagkukusang ito ay isang inobasyon sa kabila ng matataas na karangalang natatamo ng Graduate School at ng Faculty of Pharmacy. “We cannot rest on our laurels. We need to be innovative. The Ph.D. in Medical Technology is one innovation,” aniya. Noong 2015, kinilala ng Commission on Higher Education (Ched) ang programang Medical Technology ng UST bilang Center of Excellence. Ginawaran naman ng Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation (Pacucoa) ang programang master’s degree sa Medical Technology ng ikaapat na antas sa akreditasyon noong Mayo. Sa kabuuan, 21 akademikong programa ng Graduate School ang nakapasa sa nasabing antas. Para kay Ruby Meim, katuwang na propesor mula sa Pharmacy, ang bagong kurso Medtech PAHINA 3

eLeap, hindi na gagamitin sa susunod na halalan ng CSC HINDI na gagamitin ng Central Commission on Elections ng UST (Central Comelec) ang e-Learning Access Program (eLeap), ang online learning system ng Unibersidad, bilang sistema ng pagboto para sa susunod na halalan ng Pamahalaang Pangmag-aaral. Ayon kay Arvin Carlo Bersonda, tagapangulo ng Central Comelec, iminungkahi ng kanilang dating tagapayo na si Antonio Chua na gawing manuwal ang pagboto o di kaya ay gumamit ng makinaryang makatutulong sa mabilisang pagbibilang ng boto para makaiwas sa maaring maranasang suliraning teknikal. “The problem is `yung nangyari nga last time na hindi pag-download ng mga boto sa tamang oras. `Di naman namin na-foresee na mangyayari `yun so this time naisipan namin if magmanuwal kami o `yung sinabi ni Attorney Chua na machine ba, which is pricey,” ani Bersonda sa panayam sa Varsitarian. Matatandaang naantala ang proklamasiyon ng mga nanalong kandidato sa Central Student Council (CSC) noong huling eleksiyon dahil sa hindi pag-download ng lahat ng boto sa eLeap sa nakatakdang oras. Dagdag ni Bersonda, hindi na dapat automated ang nakaraang eleksiyon dahil sa pagpalit ng server mula self-based management tungo sa cloud-based management, isang paraan ng digital data storage na may tulong ng computer networking para maging mas bukas sa mga gagamit ng mga kailangang datos. “Talagang ang plano ay hindi naman dapat tayo nag-automated last year. Pero parang tinulungan lang kami ng Educational Technology Center (EdTech) talaga para matapos `yung eleksiyon. [W] e were not prepared to go for manual last time pero ngayon marami namang pwedeng gawin,” aniya. Ani Bersonda, makatutulong ang paggamit ng scanner sa mga balota upang mapabilis ang manuwal na pagboto sa eleksiyon. Hindi magiging problema ang mga tauhan sa manuwal na botohan sapagkat tumatanggap na ang Central Comelec ng mga kinatawan para sa susunod na eleksiyon, dagdag niya. Para naman sa minungkahing paggamit ng makinarya, kasalukuyan pa ring naghahanap ng abotkayang makinarya ang Central Comelec. Nabawasan ang pondo ng Central Comelec resulta ng matinding pagbaba ng bagong mag-aaral sa Unibersidad. Taong 2009 nang unang gumamit ng automated na sistema sa pagboto ang Unibersidad. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang direktor ng EdTech na si Anna Cheryl Ramos at Chua Halalan PAHINA 3

HABAGAT. Naglalakad sa tapat ng Arch of the Centuries ang mga pedestrian habang binabaybay ang abot-binti na baha sa Kalye España, gabi ng ika-12 ng Agosto. ALVIN JOSEPH KASIBAN

Mag-aaral ng journalism, Graduate School pamumunuan ang ‘V’ sa ika-88 nitong taon PANGUNGUNAHAN ng isang journalism senior, journalism junior at isang Graduate School freshman ang Varsitarian, ang opisyal na pahayagang mag-aaral ng UST, sa ika-88 nitong taon. Itinalagang punong patnugot si Kathryn Jedi Baylon, dating manunulat ng balita, habang ang dating manunulat ng seksiyong Filipino na si Bernadette Pamintuan ang bagong tagapamahalang patnugot. Kabilang rin sa Editorial Board si Daryl Angelo Baybado bilang katuwang na patnugot. Samantala, ang journalism junior na si Alhex Adrea Peralta ang itinalaga bilang patnugot ng balita. Pangungunahan naman ni Delfin Ray Dioquino, isang journalism senior, ang Palakasan. Hinirang ang political science junior na si Lea Mat Vicencio bilang patnugot ng Natatanging Ulat habang ang journalism juniors na sina Maria Corazon Inay at Amierielle Anne Bulan ang bagong mga

Usapang Uste SA PAGITAN ng mga pahina ng kasaysayan ng Unibersidad, matatagpuan ang mga sagisag na naging mukha nito sa loob at labas ng institusiyon sa mga nagdaang siglo. Ang insigniya ng Unibersidad ang nagsisilbing pagkakakilanlan nito sa mga opisyal na dokumento

patnugot ng Tampok at Mulinyo, ayon sa pagkakabanggit. Pinangalanan ang journalism seniors na sina John Gabriel Agcaoili, Paul Xavier Jaehwa Bernardo at Kirsten Jamilla bilang mga bagong patnugot ng seksiyong Pintig (relihiyon), Online at Dibuho. Tumatayong hepe ng Potograpiya ang Fine Arts senior na si Alvin Joseph Kasiban. Ang mga bagong manunulat ng Balita ay mga mag-aaral ng journalism na sina Hannah Rhocellhynnia Cruz, Mia Arra Camacho, Christian Deiparine, Theodore Jason Patrick Ortiz at Maria Crisanta Paloma, at ang Graduate School freshman na si Roy Abrahmn Narra. Kabilang naman sa Palakasan ang mga mag-aaral ng journalism na sina Jan Carlo Anolin, Philip Martin Matel, Randell Angelo Ritumalta, Ivan Ruiz Suing at Ralph Edwin Villanueva. Kasama nila ang Graduate School freshman na si Carlo Casingcasing. Para sa Natatanging Ulat, kasapi ang mga

estudyante ng journalism na sina Ma. Angela Christa Coloma, Ma. Consuelo Marquez at Neil Jayson Servallos, kabilang si John Paul Corpuz, estudyante ng Civil Engineering. Kasama naman sa Tampok ang mga mag-aaral ng communication arts na sina Ma. Czarina Fernandez at Alyssa Carmina Gonzales. Kasama nila ang Fine Arts sophomore na si Daniella Cobarde. Para sa Panitikan, kabilang ang medicine sophomore na si Paula Danika Binsol at mga mag-aaral ng literatura na sina Nikko Miguel Garcia at Cedric Allen Sta. Cruz. Ang Filipino naman ay binubuo ng journalism juniors na sina Jolau Ocampo at Winona Sadia habang ang Pintig ay binubuo nina Fine Arts junior Joel Sebastian Cristobal at journalism juniors na sina Sigrid Garcia at Kathleen Therese Palapar. Kabilang sa Agham at Teknolohiya ang accountancy sophomores na sina Karl Ben Mag-aaral PAHINA 3

Iba’t-ibang insigniya ng Uste at transaksiyong kinabibilangan nito. Bago pa man ang kasalukuyan nitong bersyon, dumaan na sa labintatlong pagbabago ang mga sagisag na pumapaloob dito. Taong 1619 nang ilunsad ang unang selyo ng Unibersidad. Binubuo ito ng mga sagisag ng tala, araw at krus na Dominikano,

na mas simple kung ihahambing sa mga simbolong taglay ng mga sumunod na bersyon. Matatagpuan ang ilan sa mga halimbawa nito sa ikalawang bersyon na nagtagal mula 1775 hanggang 1854, kung saan nakalapat ang imahe ng anghel bilang sagisag ng Diyos at aklat na nagpapahiwatig ng mga larang na itinataguyod ng Unibersidad. Sa bersyon namang ginamit mula 1828 hanggang 1856, nakapailalim sa sagisag ng araw ang imahe ng aso na sumisimbolo sa katapatan. Bilang pag-alala sa natatanging paggawad ng titulong Pontifical sa Unibersidad, taglay naman ng selyong ginamit noong 1868 hanggang 1935 ang sagisag ng Vatican. Makikita sa gawing kanan nito ang simbolong Royal na nagpapahiwatig ng pagkasailalim ng Unibersidad sa mga Kastila. Sa nakaraang selyo na sinimulang gamitin noong 1983, matatagpuan ang sagisag ng

Papal Tiara sa kanang itaas para muli sa titulong Pontifical ng UST, imahen ng leon sa gawing kaliwa na hango sa sagisag ng Espanya, sea lion sa ibabang kaliwa na hango sa lumang sagisag ng Maynila at rosas sa kanang baba bilang simbolo ng Birheng Maria. Taong 2011 nang huling baguhin ang selyo, kung saan dinagdagan ng titulo ng Unibersidad ang nakaraang bersyon matapos magpulong ang Council of Regents noong ika-18 ng Hunyo hinggil dito.. Naging mainit na paksa sa pagitan ng mga Tomasino ang naturang pagbabago sa selyo. Nagsimula ito nang ipaskil sa Facebook page na “UST Quadri” ang bagong disenyo. Mungkahi ng ilang Tomasino, mas simple at kaiba ang nakaraang bersyon kung saan walang nakalapat na titulo ng Unibersidad sa paligid ang selyo. Usapang Uste PAHINA 5 UST PAHINA 5


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Varsitarian P.Y. 2016-2017 Issue 01 by The Varsitarian - Issuu