TO M O V I , B I L A N G I S E T Y E M B R E - P E B R E R O 2 0 2 2
U N I V E R S I T Y O F N U E V A C A C E R E S , C I T Y O F N AG A , B I CO L
RESBAK-UNCEANO. Sa kabila ng takot at kaba sa pagpapabakuna marami pa ring mag-aaral ng University of Nueva Caceres ang nabakunahan. Ang nasabing pediatric vaccination para sa mga 12-17 taong-gulang ay ginanap sa UNC Sports Palace, noong ika-26 ng Nobyembre taong 2022.
ANG OPISYAL N A PAH AYAGAN N G
03
EMPLEYADO
NG UNC VS. DISTANCE LEARNING ‘Ayusin ang pagpa-plano, pagbibigay ng sweldo, trabaho’
M
ala a . apagpalaya.
M A L AYA . M A PA G PA L AYA .
MAG-A AR AL N G UN C S EN IOR H IG H S C H OOL
09
MATAPOS ANG TUMINDIG MOVEMENT Malaya, iba pang pahayagan lumahok sa protesta kontra anti-terror law
187 empleyado, ilang estudyante bakunado na kontra COVID-19 FRANCINE IVANNA GABAY
Upang maprotektahan laban sa Coronavirus Disease (COVID-19) at sa nalalapit na pagbabalik sa face-to-face classes, 187 na empleyado ng University of Nueva Caceres (UNC) at ilan pang mga mag-aaral sa naturang paaralan ang nagpabakuna na. Matatandaang kasabay ng pagdiriwang ng World Teacher’s Day ay 187 empleyado ng UNC ang binakunahan sa ilalim ng Ayala Vaccine and Immunization Program (AVIP) noong ika-5 ng Oktubre, 2021 sa USI Mother Seton Hospital. Ayon kay Director of Talent Management of the Human Resource Department Divinagracia David, ang mga empleyadong nagpabakuna noong ika-5 ng Oktubre ay nabakunahan gamit ang AstraZeneca COVID-19 Vaccine samantalang ang mga ‘dependents’ umano ay binakunahan gamit ang Moderna Vaccine. “The second day [Oktubre 7] will be [on] Thursday for Moderna pero kasi limited lang ‘yung Moderna, 55 lang sila...for dependents’, saad ni David. Dalawa sa ilang mga learning facilitators (LFs) na nagpabakuna sina Ms. Junalyn Pupa at Mr. Judel Manuel na parehong nagsabing kailangan ito bilang mga empleyado ng naturang paaralan.
saad ni Pupa sa isang panayam kasama ang MALAYA noong ika-18 ng Oktubre. Samantala, isang araw namang nilagnat ang LF na si Manuel na nakadama ng pananakit ng katawan, ulo, at pagiging iritable. Gayunpaman ay parehong sumang-ayon ang dalawang guro sa pagbabalik ng face-to-face classes upang mas maisakatuparan ang wastong panuntunan. Nilinaw din ni David na wala pang magaganap na vaccination drive sa ilalim ng AVIP para sa mga estudyante ngunit mayroong ilang mga mag-aaral na tulad nina Tishana Maria Bertiz at Cris Paulo Josh Tolosa ang nagpabakuna na. Ayon kay Bertiz ng Grade 12 - STEM A, medyo kinakabahan umano siya bago siya nabakunahan ngunit naging mabilis lang naman ang pagturok at tanging pangangalay lamang ang kanyang ininda sa loob ng isa hanggang dalawang araw. “I don’t see this online learning setup being effective if we continue it... this can affect their grades, their motivation in doing good in school and it can also affect the graduates that schools are going to produce,” pagpapaliwanag niya. Patuloy pa ni Bertiz, nararapat lamang na buksan na ang mga paaralan kung nagagawang buksan sa publiko ang mga malls, resorts, at mga atraksyon. “Why can’t schools open as well? If we really want to go back to a face-to-face learning setup, we can do so gradually,” dagdag pa niya. Tulad ni Bertiz ay ang Sinovac o CORONAVAC din ang ginamit kay Tolosa na mula sa Grade 12 TVL ICTCP A na nagpabakuna noong ika-9 ng Agosto ng parehong taon.
MS. JUNALYN PUPA
UNC SHS naabot ang 700 na target enrollees, datos ibinahagi SHIARA MAE HOSMILLO AT SARAH CARINAN
Sa kabila ng pandemya at ilang beses na pagpahaba ng mga araw para sa enrolment, nakapresenta ng datos at natupad din ng departamento ng University of Nueva Caceres (UNC) na Senior High School (SHS) ang kanilang layunin na maabot ang higit na 700 target enrollees. Ayon sa nakapanayam ng Malaya na si Arvin Sibulo, isang kawani para sa punong-guro ng SHS, isa sa mga rason kung bakit napalawig ang mga araw ng enrolment ay dahil sa pagsasaayos ng araw ng pagbubukas ng klase. Matatandaang unang inanunsyo noon sa UNC Facebook page na magsisimula ang klase sa ika-16 ng Agosto para sa elementarya at hayskul. Subalit, agad din itong binawi at isinaayos dahil sa pag-anunsyo ng Department of Education (DepEd) na magsisimula ang klase ng mga pampublikong paaralan sa ika-13 ng Setyembre. Ayon pa kay Sibulo, buhat sa pagpahaba ng mga araw ng enrolment, nagkaroon ng sapat na oras at panahon ang mga magulang ng mga enrollees na iproseso ang kanilang pagpapalista o pagpapa-enroll sa UNC SHS. Naging mabuti rin ang epekto nito para sa mga guro dahil nagkaroon sila ng sapat na panahon para maghanda sa paparating na pagbubukas ng mga klase sa parehong modaliti, mapaonline o modular man.
19
UNC SHS, pinagtibay ang mga patakarang pangakademiko DEXTER RICAFORT AT FRANCINE IVANNA GABAY
Upang matamo ang mabuti at dekalidad na edukasyon para sa lahat, pinaigting ng University of Nueva Caceres (UNC) ang sistema ng paaralan sa pamamagitan ng pagpapaalala sa mga mag-aaral ng mga patakarang pang-akademiko at pagpapahusay ng pagpapatupad ng mga alituntunin at regulasyon. Para sa New Attendance Policy Ayon sa Parent-Student Handbook ngayong School Year 2021-2022, mahalaga ang pagtatala ng ‘attendance’ ng mga mag-aaral. Ito ay alinsunod sa DepEd Order no. 14 s 2021 kung saan ang mga mag-aaral na naka-enroll sa online modality ay
kailangang dumalo sa bawat synchronous at asynchronous sessions. Samantala, ang mga nasa modular modality naman ay kinakailangang pag-aralan ang kanilang mga modules na naka-install sa tablets. “Based on DepEd order no. 14, s 2021, there must be “communication/contact efforts being made by the learner or parent/guardian with the teacher.” Learners must also make an effort in contacting the adviser/learning facilitator to ensure that communication is open,” nakatala sa handbook. Para sa mga online learners, ang pagliban sa isang asignatura ay katumbas ng pagliban sa buong araw. Nakadepende naman sa pagpapadala ng mensahe sa lahat ng kanilang Learning Facilitators ang attendance ng mga nasa modular modality.
MR. ARVIN SIBULO
Bagaman mas mababa ang kasalukuyang bilang ng mag-aaral ngayon sa talang 797 kumpara sa naitalang bilang na 1,029 mag-aaral noong nakaraang taon, naabot pa rin ng departamento ng SHS ang 700 na target enrollees kahit nagkaroon nang pang-ekonomiyang krisis ang bansa at kahit na maraming mga pamilya ngayon ang naghihirap sa kalagitnaan ng pandemya.
02 OPINYON | 12 EDITORYAL | 11
BATA BATA Paano ka Gumawa?
PAGTANAW
sa Panahong Walang Tanglaw
BALITA | 04 LATHAIN | 14
PAGTAKBO
ng Isang Unceana
PANSAMAN -TALANG
listahan ng mga kandidato, ilabas ng COMELEC
Pinakamataas sa lahat ng mga strands ng SHS ay ang Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM) na binubuo ng halos 56 na porsyento ng total na populasyon ng mga mag-aaral. Sunod naman dito ay ang General Academic Strand (GAS) kung saan ay binubuo ng halos 19 na porsyento samantalang ang Accounting, Business, at Management (ABM) ay 14 na porsyento at ang Technology, Vocational, at Livelihood (TVL) naman ay 12 na porsyento.