Page 1

1

My lovely LUKRING! Medyo malayo ang byahe ni tinzz pauwi sa kanilang lugar kaya di niya na namalayang nakatulog na pala siya at napasandig pa ang kanyang ulo sa katabing lalaki. Samantalang si clyde naman na katabi ni tinzz ay di mapakali dahil kay tinzz na prenteng nakasandig sa kanyang balikat. Gigisingin na sana nito ang babae ng.... “Miss...� sabi ni clyde sabay tingin sa babaeng mahimbing na natutulog ng bigla siyang natigilan. Hmm.. ganda naman niya. Ano kayang pangalan niya? Ng bigla ay may naisip siyang gawing kalokohan. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at sinet ang camera nito. Inilapit niya ng dahan-dahan ang kanyang ulo sa babaeng tulog sabay tapat sa hawak na cellphone sa kanilang mga mukha. Maya-maya pa ay nagkukuha 1|Page


2

na siya ng litrato niya at ng walang kamalay-malay na babae. Sige miss tulog lang... bayad mo na lang ‘tong picture mo dahil sa paggawa mong unan sa balikat ko. Sabay ngiti sa sarili. Naalimpungatan naman si tinzz dahil sa kakaibang pakiramdam na parang may naglilitrato sa kanya ngunit di nya pa rin tinangkang bumangon at di rin naisip na nasa bus pala siya. Maya-maya pa ay nakaamoy siya ng kakaibang amoy. Amoy na para bang napanis na itlog. Kaya tuluyan na siyang bumangon. Agad-agad namang itinago ni clyde ang kanyang cellphone ng makitang nagising na ang katabing babae, sabay tingin niya dito at nakitang nagtakip ang babae ng ilong at salubong ang kilay na nakatingin sa kanya. Aba iniisip ata ng miss na ito na ako ang umutot a... sa gwapo ko bang itong, 2|Page


3

malamang pati hangin ko sa katawan gwapo din.. pagmamayabang niya sa sarili. Ang bastos naman ng lalakeng ito. Tsk tsk.. gwapo pa naman. Pero mukhang di ata nag cr ng ilang araw e. Bulong naman ni tinzz sa sarili. “A miss, gusto ko lang sab..” naputol ang tangkang pagtatanggol ni clyde sa sarili ng biglang sumigaw ang kundoktor at sabihing dumating na sila sa distinasyon nila. Kaya dali-daling bumaba ang babae sa bus at walang magawang habol tanaw na lang niya ito. “Anak buti at naisipan mong umuwi ngayong fiesta. Ipapasundo ka sana namin ng papa mo e, pero buti na lang at andito kana” mahabang litanya ng kanyang mama. “Ma, alam mo namang di ko kayo matitiis ng papa e.” Sabay halik sa pingi ng ina. 3|Page


4

Pagkaraan ng kamustahan at lambingan ay itinaboy na siya ng mga magulang para makapagpahinga. Tutal ay bukas pa naman talaga ang fiesta sa kanilang baryo. Kinabukasan ay agad-agad niyang pinuntahan ang matalik na kaibigan sa bahay nito upang may kasama siyang manood ng mga banda at sa pag-iikot sa kanilang lugar. “Tinzzzzzzzzzzzzzzzz......” mahabang tili ng kaibigan pagkakita sa kanya nito. “kailan ka pa dumating lukring ka? sana tinawagan mo na lang ako para ako na pumunta sa inyo.” Dugtong pa nito. “Weh.. di nga? Gusto lang kitang sorpresahin ano.” Sagot naman niya sa kaibigan.

4|Page


5

“Haizt, wala ka pa ring pinagbago. Akala ko nung una magbabago at kalilimutan mo na ako e nung mag-aral ka na sa maynila.” Sabi nito na may himig pagtatampo sa huling kataga. “Magtampo ba? Kaw pa makakalimutan ko, hindi no!” Sagot niya. “Sya nga pala mamaya na tayo magdrama at di na natin aabutan yung mga banda o.” Pag-iiba niya ng usapan. Masaya nga silang naglibot-libot at nanood na magkaibigan ng mga banda sa pagtugtug ng mga ito. Iba’t-ibang istilo ng damit at kanya-kanyang gimik. Ang lahat ay nagkakasayahan na para bang naging bata uli ang lahat. Ramdam na ramdam niya ang fiesta sa buong kapaligiran. Ng bigla sa isang tabi ay may nakita siyang batang babae at lalake na tila nagtatalo. Naalala niya tuloy ang kabataan niya. 5|Page


6

“Uy ilang isda ang nahuli mo?” sabay tawa ng labing tatlong taong gulang na bata sa nadapang si tinzz. “Teban..tot, paki mo gusto mo ikaw ang hulihin ko dyan at ingudngud dito e.” Sagot naman ng palabang si tinzz. “Ok lang kung ingungudngud mo ako sa lips mo.” Sabay kindat ng binatilyo sa dalagitang si tinzz. “A ganun! Halika dito ng matikman mo ang hinahanap mo.” Sabay amba ng kamao niya kay teban . Ngunit tumakbo naman ang huli. Kaya ang ending ay naghabulan sila nito ngunit dahil sa bilis ng binatilyong tumakbo ay di na ito naabutan pa ni tinzz. Ganun talaga si tinzz imbes na umiyak ay mas gugustuhin pa niyang lumaban sa nangaasar sa kanya, kaya lagi na lang 6|Page


7

silang nagkakabanggaan ng batang si teban. Napangiti siya sa naalala ngunit agad ding napakunoot ang noon g Makita kung sino ang lalaking titig na titig na nakatingin sa kanya. Samantalang sa kabilang banda naman ay natutuwa si clyde dahil nakita niya ang babaeng nakasakay sa bus. Di niya pa rin binubura ang litrato nila ng babae at kanikanina lang ay tiningnan niya pa yun. Gandang-ganda talaga siya dito. Kahit tulog ay mukha itong anghel sa kanyang paningin. Ngayon siya nagpapasalamat na nag commute siya sa pag-uwi dahil dinala niya ang sasakyan sa talyer ng may lokolokong bumato ng windshield niya. “Naku bes tara na, doon na lang tayo manood sa kabila� aya ni tinzz sa kaibigan.

7|Page


8

“Bakit naman bes? Di pa tapos yung banda o” nakalabing sagot naman ng kaibigan niyang si nina. “May masamang hangin kasi akong nakita at naamoy dito e.” biglang harap niyang kausap sa kaibigan at patalikod naman sa gawi ng lalaki. Kaya di niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanilang magkaibigan at ang malala pa ay narinig nito ang kanyang mga sinabi. “Miss, i just want to say na di ako yung salarin sa bus.” Sabat ni clyde sa magkaibigang naguusap. “Ay butiking toko!” Nabigla namang sambit ni tinzz dahil sa narinig. Kaya naasar na lumingon uli siya sa gawi ng lalaki. “Mister, pwede bang wag kang nanggugulat. “ mataray niyang sabi dito. “Di naman ako nanggugulat e. Gusto ko lang naman linawin sayo na di talaga ako 8|Page


9

yung bigla na lang nagpasabog sa bus.” Pagtatanggol niya sa sarili. “So what! Wag ka na mahiya mister. Lahat naman ng nilalang e ginagawa yun e.” Sabay ngisi na tila nangaasar. “Actually nakatulong pa nga yun e, dahil kundi dahil sa kakaiba mong perfume e di ako magigising at di makakababa sa bababaan ko. So, thanks anyway” patuloy pa din niya sa pangiinis dito. “Lets’ go bes.” Aya na ni tinzz sabay hila sa natutulalang kaibigan dahil sa pakikinig sa pinagtatalunan nila ng lalake. Naiinis naman si clyde dahil gusto nga niyang makilala ang babae at magpakitang gilas dito. Ngunit pansin niyang di ito naaakit sa kagwapuhan niya. Imbes tuloy na bumango siya dito ay tila bumabaho pa. Nasisi niya tuloy ang lalaking nasa harapan nila na walang awang nagpakalat ng masamang hangin. Kailangan niyang mabago ang tingin sa kanya ng babae, by 9|Page


10

hook or by crook. Kaya dali-dali niyang hinabol ang magkaibigan na bahagya ng nakakalayo sa kaniya. “Miss.. wait.” Hawak at pigil ni clyde sa kamay ni tinzz upang huminto na ito sa paglalakad. “Ano nanaman?” medyo pasigaw at mataray niyang sagot dito. “Bakit ba yaw mong maniwala sa akin? Kahit amuyin mo pa ako ngayon mabango ako.” taas noo at nakangising sabi ni clyde. “Duh! Hinabol mo ba ako just because of that freakin’ fart?” nanlalaki ang matang tanong ni tinzz. “Teka-teka. Pwede bang tigilan nyo muna yan. Para yan lang pagaawayan nyo pa, hanggang ngayon pa rin ba ganyan pa rin kayo?” natatawang awat ni nina sa pagtatalo ng dalawa. 10 | P a g e


11

“Bakit bes, kilala mo ba ang lalakeng yan?” nagtatakang tanong ni tinzz sa kaibigan. “Haizt. Madalang na lang kasi kayo umuwi dito kaya di na rin kayo nagkita ng matagaltagal na panahon. Para na tuloy kayong alien sa isa’t-isa.” Umiikot ang matang sagot nito sa tanong niya. Samantalang si clyde ay napapangiti na lang habang nakikinig sa paguusap ng magkaibigan. Kaya pala parang pamilyar ang babae sa kanya at magaan ang loob niya dito sabihin pang medyo iba ang pakitungo nito sa kanya ngayon. Nalilito namang nakatingin lang si tinzz sa kaibigan. “Hay!.. bes di mo na ba talaga maalala si clyde o Theo Van Clyde a.k.a TEBAN?.” Nakangiti nitong sabi. Tuloy nabibiglang napatingin si tinzz sa lalaki. 11 | P a g e


12

------------**---------------Nakahiga na sa kama si Tinzz ngunit di pa rin niya makalimutan ang natuklasan kanina. Siya na ba talaga si Teban? Tanong ni Tinzz sa sarili. 1st year HS kasi sya ng huli nya itong makita. Infairness ang gwapo niya ngayon at mas kumisig pa. Napapangising kausap niya sa sarili. TEBAN ang ipinangalan ni tinzz kay clyde dahill minsang asarin siya nito at makigaya sa kaibigan niyang si nina sa pagtawag sa kanyang lukring ay naisipan niyang guamanti. “May nalalaman ka pang Theo Van, e kung tutuusin pag tinagalog mo naman yang mabaho mong pangalan ay Teban lang yan.� Naalala niyang ganti niya sa pangaasar nito. 12 | P a g e


13

Gandang-ganda siya noon sa pangalan ni clyde ngunit di naman siya makakapayag na hindi makaisa dito kaya pinapangit niya ang maganda nitong pangalan. Kinuha niya ang ‘TE’ sa Theo at ‘BAN’ sa Van kaya naging TEBAN ito para sa kanya. Ngunit kahit lagi silang ganoon ay may nararamdaman na ang dalagitang si tinzz sa binatilyo. Napapangiti na lang si tinzz sa pagbabalik tanaw at tila dalagitang kinikilig na mag isa sa kanyang kwarto. -------------**---------------Kinabukasan, maagang nagising si tinzz at inaya agad ang kaibigang si nina na maglibot. Dahil di pa tapos ang selebrayon ng fiesta ay gusto niyang i-enjoy yun habang andito pa siya sa kanilang nayon. Ngunit sa kaloob-looban niya ay may nais siyang makita, kahit pa sabihing posibleng asarin na naman siya nito. 13 | P a g e


14

“Hi girls!” bati sa kanila ni clyde. “Hi clyde, ang gwapo natin ngayon a! May pinopormahan ka ba?” nakangiting tukso ni nina kay clyde sabay tingin kay tinzz na napaismid naman sa narinig. “Parang ganun na nga, pero ang problema mukhang di ako makalapit e.” Sagot naman nito kay nina. Dahil sa di maintindihang nararamdaman ay nagkunwaring walang naririnig si tinz kaya bahagya nya pang itinagilid ang katawan sa dalawang naguusap. At dahil doon ay pasimpleng sinenyasan ni nina si clyde na aalis na muna ito at ibinilin na lang ang kaibigan sa lalaki. “Ahm... Tinz pwede ka bang makausap?” maya’t maya ay sabi ni clyde sa nakatalikod na si tinz.

14 | P a g e


15

“Bes, pwede ba tara na. Ayaw kong masayang ang oras at araw ko.” Sabi ni tinz na di pansin ang tanong ni clyde sa kanya. At dahil walang sumagot sa kanya ay humarap na rin si tinz para hilahin ang kaibigan ngunit ang nakangiting si clyde lamang ang nakita niya. “Wala na si nina, iniwan ka na niya sa akin.” Nakakalokong sabi ni clyde sa palingalingang si tinz. “So? Pati kaibigan ko sinasali mo na rin sa kalokohan mo?” sabi ni tinzz sabay hakbang ngunit mahigpit siyang nahawakan ni clyde sa braso. “Sandali lang! I want to talk to you. Pwede bang mag-usap tayo ng mahinahon kahit ngayon lang?” dinig niyang sabi ng lalake. At dahil sa di niya pag-imik ay dinala siya nito sa may puno di kalayuan sa plazang kintatayuan nila. 15 | P a g e


16

“Ano nanaman bang kalokohan ang naiisip mo?” naisipan na lang sabihin ni tinzz paghinto nila sa puno. “Tinzz, gusto ko lang kasi sanang...” tila kinakabahang sabi ni clyde. “gustong ano?” naiinip namang tanong ni tinzz. “hay naku! mahanap na nga lang si bes.” “gusto kong sabihing MAHAL KITA!.”sa wakas ay nasabi din ni clyde. Para namang natutulalang napatitig si tinzz sa lalake. Hinintay niyang magtawa ito ngunit senseridad ang nakita niya sa mga mata nito. At dahil sa di malaman kung anong gagawin at magiging reaksyon ay nag walkout na lang siyang bigla. ------------**----------------“Bes, musta na? Ano na nangyari? May sinabi ba sayo si pareng teban?” kalabit ni 16 | P a g e


17

nina sa kaibigan sabay tanong ng sunodsunod. “Bakit mo naman ako iniwan dun? Bes ha ganyan ka na pala ngayo ha.” Kunwaring pagtatampo niya dito. “E kasi gusto ka ngang makausap nung tao, ano na ngang nangyari?” pangungulit pa rin nito sa kanya. “Wala, walang nangyari at kung meron man ay walang iba kundi inasar lang ako nun. Tara na nga at maglibot na lang tayo uli.” Sagot niya sa kaibigan. Habang naglilibot ay di pa rin mawala-wala sa isipan ni tinzz ang nangyari sa kanila ni clyde kanina. Bakit umaasam siyang sana totoo na lang ang nararamdamang iyon ng lalake para sa kanya. Ng mapagod ay nagpasya silang magpahinga na muna sa bahay ng kaibigan. 17 | P a g e


18

Kinagabihan. “Bes, tara punta tayo sa plaza. Sisimulan na yung pakontes doon ngayon.” Aya sa kanya ng kaibigan. “Pass na muna kaya tayo dyan. Parang wala ako sa mood ngayon e.” Tinatamad nyang sagot. “Naku exciting yun bes. Hindi ko ito mapapalampas, promise pagsisihan natin itong dalawa kung sakali.” “Ang OA naman bes, parang darating naman si beyonce sa singing contest na yan a.” Natatawa niyang sagot sa kaibigan. Ngunit dahil sa patuloy nitong pamimilit ay napahinuhod na rin siyang pumunta ng plaza para makinood. Umupo silang magkaibigan sa may harapan ng ginawang stage. Gusto sana niyang pumuwesto sa likuran ngunit di ito 18 | P a g e


19

pumayag. Maya-maya pa ay nagsimula ang contest. At nagsisimula na ring magenjoy uli si tinzz. Tatawagain na sana ang ikatatlong contestant ng biglang namatay ang lahat ng ilaw sa kapaligiran. Maya’tmaya pa ay pumailanlang ang magandang bose sa ere. Kasabay noon ang pagliwanag sa bandang stage. “I'm alone yeah I don't know If I can face the night I'm in tears and the cryin' that I do Is for you I want your love Let's break the walls between us Don't make it tough I'll put away my pride Enough's enough, I've suffered and I've seen the light You're Come You're 19 | P a g e

and

my save my

me

angel tonight angel


20

Come and make it alright...................” Gulat na napatitig na lang si tinz sa kumakanta at titig na titig din ang kumakantang si clyde sa nakaupong si tinz. Ng di makayanan ni tinz ang pagtitig na ginagawa ng lalake ay bigla na lang siyang tumayo at naglakad paalis sa plazang iyon. “LUUUUUUUUUUUUUUKKKKKSSSSSS!” mahabang sigaw ni clyde na nagpagulat at nagpatigil naman kay tinz. “Luks, sana pakinggan mo naman ako. maniwala ka din sana sa mga sinasabi ko.” Patuloy ni clyde. At dahil sa narinig ay humarap si tinzz sa gawi ng lalake upang sitahin sana ito dahil nakakaramdam na siya ng hiya sa paligid. Ng muli na lang siyang magulat dahil nasa harapan na pala uli niya ito. Kaya’t naitikom na lamang niya nag kanyang bibig. 20 | P a g e


21

“Tinzz, sawang-sawa na ako magpapansin sa manhid mong puso. Pagod na rin akong magpacute sa harapan ng tila may katarata mong mata. Sana mapansin mo naman ako, maramdaman mo na sana na mahal kita. Mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang ‘Lukring’ na nagpapagulo ng buhay ko.” Mahabang litany nito. “Ako ba niloloko mo?” kinakabahang tanong na lang ni tinzz dito. Di na pansin ang mga taong kanikanina lang ay kinararamdaman niya ng hiya. “Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka? halos araw-araw na nga akong napapagalitan ng mama kakapitas ng tanim niya noon may mailagay lang na bulaklak sa locker mo e at yung pagpapahirap kong gumawa ng pang essay na love letter kahit may cellphone naman. Pati na rin ang mga email ko sayo 21 | P a g e


22

hanggang ngayon. naman!”

Tinz, maniwala ka

“You mean.. ikaw yung laging naglalagay ng kung anu-ano sa locker ko?” Pa OA niyang sagot sabay laki ng mata. “Uhuh” maikling sagot ng binata sabay tango. “E, paano kung ayaw kong maniwala.” Kunwaring pataray pa niyang sagot. “Itatanan na kita. Tutal nagpaalam nanaman ako kina tita agnes e, sa mama mo.” Nakakaloko nitong sagot. “What! Weh, di nga?” pigil ang ngiting sagot niya. “OO nga. So, ano na? Kukuhanin ba kita sa santong dasalan o santong paspasan?” nakangising tanong ng lalake sa kanya. 22 | P a g e


23

“E para saan pa at ninakawan kita ng picture noon para pagpantasyahan?” nakangiting sagot ni tinzz. “You mean....?” namimilog matang tanong nito.

ang

mga

“Opo Teban..tot, mahal din po kita.” Pag amin na din niya sa lalake. At dahil sa tuwa ay bigla na lang siyang kinabig at hinalikan ng lalaki. Dahil sa emosyong nararamdaman ay tinugon din niya ang matatamis nitong mga halik. Isang masigabong palakpakan na lang ang nagpatigil sa kanila sabay tingin sa paligid at narealize na napapalibutan pala sila ng mga tao. Napapahiya at namumula ang mga pisnging nagyuko ng ulo si tinz. Natutuwa namang iniangat muli ni clyde ang mukha ng babae sabay bulong dito ng ‘i love you’ at ganun din naman si tinzz sa lalake. 23 | P a g e


24

Maya-maya pa ay muli syang hinalikan ng lalake ngunit sa pagkakatong iyon ay nawala na ang nararamdamang hiya ni tinz at buong pagmamalake na tinugon ang mga halik ng minamahal. “Kaloka kayo! Clyde, believe din naman ako sayo a. Talagang may mikropono ka pa sa page-emote mo.� Putol uli ni nina sa moment nila. Sabay nagkatawanan naman ang mga tao sa kanilang paligid. FIN First time ko pong magsulat bahala napo kayo sa reaksyon ninyo .. haha! Gusto ko lang pong ipakilala ang nawawalang boyfriend ni tinzz na si Teban..tot! ^^

24 | P a g e

SStory#3  

shorty story

Advertisement