Page 50

“Para-paraan” Mamahalin kita sa paraang alam ko. Hindi sa kung ano ang dapat o sapat, Hindi rin sobra o salat. Walang halong tamis at alat. Mamahalin kita sa paraang alam ko. Doon ka at dito naman ko. Espasyo sa pagitan nati’y sinliit ng mga bato. Buti nga, para malinaw sa akin ang mga baral sa puso mo. Mamahalin kita sa paraang alam ko. Walang libel, walang tayo-tayo. Sapat na ang nginingitian mo ako, Sa tuwing magkasalubong tayo. Mamahalin kita sa paraang alam ko. Lupa mo ang lupa ko, hangin mo ang hangin ko. Makita lang kita sa mga sulok ng aking mundo, Umaaliwalas, nagkakakulay agad ito. Mamahalin kita sa paraang alam ko. Sa paraang walang kanta ang maibabagay, Dahil mas pinipili kong ‘wag bigyan ng himig Ang isang kantang walang gustong sumayaw. Mamahalin kita sa paraang alam ko. Tahimik. Kalmado. Payapa. Walang gulo. Tulad ng dalampasigan bago ang isang bagyo. Mamahalin kita sa paraang alam ko. Na sa tuldok nagtatapos ang lahat ng kwento. At ikaw, ang kwento ko. Ikaw rin ang tuldok nito. Mamahalin kita sa paraang alam ko. Sa anong paraan nga ba? May paraan pa ba para mahalin ka? Alam mo ba na mahal kita?

50

POE T RY

Joust Volume 1  
Joust Volume 1  
Advertisement