Page 48

Poems by Keanu Joseph P. Rafil

Lumot Lumot. Lumot na ang nakabalot, Sa apat na kanto ng sementong kinatatayuan ko: Dumi, basura, at alikabok na pilit tinatakpan ng bulaang kinang. Lumot. Lumot na ang simyentong, Daan ko patungo sa sabi nilang kalidad na pagkamaalam at pagkamabuti. Pero, ito nga ba’y daang may patutunguhan? Lumot. Lumot ang kulay Ng unipormeng taon kong naging pagkakakilanlan At naging sagisag ng pagiging tuta sa Among Walang Mukha. Lumot. Lumot ang ulam ng mga taong nakaupo Sa mga silyang gawa sa pananampalatayang tagilid. Gamit ang hapag na kay tagal nang basag. Lumot. Ito ang naglalarawan Sa institusyong alagang-alaga ang maskara nito. Mukha’y natatakpan man, ngunit ang langsa nito’y umaalingasaw. Lumot. Ito ang babalot sa medalyang isasabit sa’kin sa pagtatapos. Bitbit ang apoy na pilit pinasisilaban Para sa pagbabagong noon pa ma’y walang pagkakakilanlan.

48

POE T RY

Joust Volume 1  
Joust Volume 1  
Advertisement