Katitikan - June 2012

Page 10

―Saan naman?‖ ―Ewan ko. Ikaw?‖ ―Sa amin nalang.‖ ―Ay! Ay! Hindi puwede.‖ ―Ba‘t ‗di puwede?‖ ―Basta. Doon na lang tayo sa may kanto. May building doon. Walang tao roon.‖ Grabeng pawis ang dumadaloy sa katawan ni Amado. Hindi siya makapaniwalang nakaakbay sa kanya ang taong puwedeng pumatay sa kanya kapag nalaman nitong alam niya ang nangyari. Kinakabahan. Gusto niyang tumakbo, ngunit naaamoy niya ang alak sa kanyang hininga na nagpapaalala sa kung anong klaseng tao siya. Sa abandonadong gusali, inilabas ni Waldo ang walumpung gramo ng Mahiwagang Pulbos, isang lighter, at isang palara. Sinimulan ni Waldo. Sinaksihan ni Amado ang kagandahan ng ginagawa niya na parang bawat segundo‘y hindi dapat malaktawan. ―Ahhhh! Buhay nga naman. Ikaw naman Mado.‖ Ang pagkakataon. Walang alinlangang tinugunan ni Amado ang kanyang pangangailangan. Ang panandaliang kaligayahan. Sa pangalawang pagkakataon, sinundan kaagad ito ni Waldo. ―Alam mo, may sekreto ako. Pero secret lang natin ‗to ha! Nabalitaan mo na ba na pinatay si Thelma kaninang madaling araw?‖ ―Hindi. ‗Di ko alam.‖ ―Ba‘t ‗di mo alam, eh, magkapitbahay lang kayo?‖ ―Hindi pa ako umuuwi sa bahay.‖ ―Itong si Thelma, napakatsismosa! Tsismosa! Eh, pinagkalat lang naman niyang may iba raw akong gelprin. Ayun, nagalit si Stella, nakipag-break.‖ ―Ilan ba‘ng girfren mo?‖ ―Dalawa! Pero ‗di ko naman talaga ‗yun gelprin ang isa, nilalaro ko lang ‗yun. Alam mo? Pampalipas oras.‖

7 | KATITIKAN

―…‖ ―E, dahil sa galit ko, ayun, pinatay ko ang tsismosa.‖ ―…‖ ―Pero may problema, eh. May nakakita sa akin. Isang bata. ‗Yung anak ni Loring ba ‗yon.‖ Tumigil muna sa pagsasalita si Waldo para lumanghap sa pangatlong pagkakataon. ―Kailangan ko rin siyang patayin. Ngayong hatinggabi. Ano pang masabi nun. Sa kulungan ang bagsak ko. Atin-atin lang ito, Mado, ‗wag mong ipagsabi. Alam mo ako.‖ Oo, alam ni Amado kung paano magalit si Waldo. Mabagsik. Lahat ng salitang dinudura niya‘y ginagawa niya. Mabilis ang tibok ng puso ni Amado. Gusto niya ang ganitong pakiramdam, pero ibang klaseng pagtibok ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Sobrang pangit. Gusto niyang tumakbo, pero nakatitig si Waldo sa kanya. ―Kailangan mo ‗kong samahan ngayong hatinggabi.‖ Nagulantang siya sa sinabi ni Waldo. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. Uminit ang paligid. Naging pula ang kulay ng kanyang paningin. Hindi siya makagalaw. Hanggang humarurot sa kalsada ang isang motorsiklo na nakapagpanumbalik sa kanyang matinong kondisyon. At siya‘y kumaripas ng takbo . Dumulog si Amado sa istasyon ng mga parak. Pero bago pa man siya pumasok ay itinago muna niya ang pakete ng Mahiwagang Pulbos sa kanyang kalsonsilyo. Pagkatapos, lumapit siya sa matabang pulis na nasa front desk. ―O, parang naliligaw ka ‗ata!‖ ―Alam ko kung sinong pumatay kay Aling Thelma.‖ ―May ebidensya ka ba?‖ Saglit napatahimik si Amado. ―Wala.‖ ―Eh ‗di wala tayong magagawa d‘yan.‖


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.