Issuu on Google+

Wasak na wasak at halos walang natira sa Cathedral ng Palo, Leyte matapos mag land fall ang super typhoon na ‘Yolanda’ sa nasabing lugar.

NOBYEMBRE 12-18, 2013 VOL 1 NO 20

SIMBAHAN TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY

Binasbasan ni CBCP Media Office director Msgr. Pedro Quitorio III ang libo-libong mga rosaryo kahapon bago dalhin sa lungsod ng Tacloban. @tapatnews

MAGPAPADALA NG ROSARYO, BIBLIYA PARA SA ‘YOLANDA’ VICTIMS - Pahina 3

/tapatnews

tapatnews@gmail.com

www.tapatnews.com


balita

2

TAPATAN Question! Papalapit na naman ang pinakapaboritong selebrasyon ng mga Pinoy – ang pagdating ni Kristo sa mundo. Tinanong natin ang ilang mga netizens:

Ano ang pinakamagandang paghahanda para sa Pasko?

“For me, go to church or all churches to ask for blessings for Christmas sana maraming pasyente para maraming datung. Hehe..Biro lang.” ~ Louie Espino, doktor mula sa San Pedro, Laguna “Now sa nangyari [sa Samar at Leyte], kaysa buy ng bonggang gifts like before medyo simple nalang para ang ibang money madonate pra ma-feel din ng mga nasalanta ang spirit of Christmas pero much better kung kaya puntahan, go at mag prepare something para ibigay, mapahatid sa lahat ng tao ang spirit of Christmas despite of what happened.” - Rona Bornales, accountant mula sa Makati City

NOBYEMBRE 12-18, 2013

LIFE NEWS

‘Mga magulang dapat maging ehemplo sa anak’ - pro-life na doktor Ni FR. MICKEY CARDENAS JARO, Iloilo — HINIKAYAT ng isang layko na tumutulong sa pro-life ministry ang mga magulang na maging ehemplo ng Kristiyanong pamumuhay sa kanilang mga anak. Ani Dr. Dolores Octaviano, isang miyembro bg Human Life International and Doctors for Life, maaaring maging kapani-paniwalang ehemplo ng kababaang-loob at mabuting asal ang mga magulang sa kanilang mga anak. Ayon sa doktor, na mayroong programa sa radyo tuwing Linggo para sa Jaro Archdiocesan Commission on Family and Life, ang pinakadakilang halimbawa ng kababaang-loob na maaaring ipakita ng mga magulang sa kanilang mga anak ay ang pagluhod nila sa harap ng pari sa sakramento ng Kumpisal. Paliwanag ni Octaviano, ma-

Ayon kay Dr. Octaviano, mahalaga ang ehemplo na ibinibigay ng mga magulang sa mga anak, lalo na asepto ng pananampalataya at pamumuhay.

hirap magkumpisal ang isang taong hindi tinatanggap ang mga katuruan ng pananampalatayang Katoliko, na nasa Katesismo ng Simbahan, tulad ng pakikiapid, pamigil ng pagbubuntis gamit ang contraceptives at iba pa. Isang importanteng aspeto rin ng papel ng magulang ay

ang pangangaral sa mga anak. Diin ni Octaviano, hindi dapat kunsintihin ng mga magulang ang mga anak na nais mag “live-in” kasama ang kanilang kasintahan, halimbawa. Si Octaviano ay aktibong miyembro ng Jaro Archdiocesan Commission on Family and Life.

Suportang counselling para sa pregnant teens kailangan – pro-life group

“Mend broken bridges with love ones...” ~ Diana Chua, housewife mula sa Baguio City “Normally kasi hindi talaga ako nakakapag prepare spiritually for Christmas. I just let it flow.” ~ Michelle Dela Cruz, business woman mula sa Malabon “The best thing to prepare Christmas is ourselves. We need to go to confession and ask for forgiveness. Another is an action to bring back our broken relationships with our families, friends, etc. because I believe na a pure, happy, and peaceful soul within us is the greatest gift we can offer to Jesus.”~ Clare Maristela Galone estudyante mula sa Cebi City

MANILA – ISA sa pinaka kailangan, ngunit madalas ay nakaliligtaang suporta sa mga pregnant teens ay ang pregnancy crisis counselling, ayon sa isang pro-life organization. “Minsan ang mga kababaihang ito ay wala nang mabalingan, kahit mga magulang nila o mga kaibigan. Gusto naming sabihin sa kanila na lagi kaming naririto para sa

kanila,” ani AJ Perez, editor in chief ng FYI, ang opisyal na pahayagan ng Pro Life Philippines Foundation, sa isang panayam.

pagkabalisa sa kinalalagyang sitwasyon, madali para sa mga pregnant teens na makulong sa kawalan ng pag-asa. Dagdag pa nito, maski ang body language ng mga nasaPag-aampon imbes na bing kababaihan na nagtutunaborsyon go sa mga counselling centers ng grupo ay nagpapahiwatig Ayon kay Perez, na siya ring ng pag-aagam-agam. pangulo ng grupong pro-life - Pahina 6 na Filipinos for Life, dahil sa


NOBYEMBRE 12-18, 2013

balita

3 Dinumog ng daan-daang biktima ni super typhoon ‘Yolanda’ ang Tacloban airport upang makalikas ng siyudad. [Photo credit: Roy Lagarde]

Simbahan magpapadala ng rosaryo, Bibliya para sa ‘Yolanda’ victims

What’s up in the Church?

Ni PAOLO DE GUZMAN MANILA -- Matapos ang mala-delubyong bagyo na tumama sa Eastern Visayas, magpapadala ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng 3,000 rosaryo at 1,100 na Bibliya upang punuan ang pangangailangang spiritwal ng mga biktima ni ‘Yolanda’ na tinaguriang pang-apat na pinakamalakas na naitalang bagyo sa buong mundo. Kaloob ng grupong ‘Rosary for Life’ ang mga naturang rosaryo sa CBCP na nakatakdang ipamahagi sa probinsya ng Tacloban upang maitaas ang moral at ispiritwalidad ng mga mananampalatayang Katoliko na biktima ng naturang sakuna. Ayon kay William Lorenzo, tagapagsalita ng grupo, “Alam naming na sa pamamagitan ng mga dasal maaari itong makatulong sa ikabubuhay ng mga nasalanta sa Tacloban. Ang pangunahing ispritwalidad ng ating mga kababayan ay dapat isaalaala ng mga biktima upang ‘di sila tuluyang mawalan ng pagasa.” Dagdag pa ni Lorenzo, “Alam natin ang kahalagahan

iBeLIVE: Diocesan Youth Day 2013 December 14, 2013, 8AM - 8PM BestLink College of the Philippines, Millionaires’ Village, Novaliches For more information, please contact Roselle Cortes at 0915-7143604.

ng pangangailangan ng katawan, ngunit ‘di natin dapat kalimutan ang pangangailangang ispiritwal ng mga tao. At itong mga rosaryo nawa ay makatulong upang makatulong sa kanila sa panahon ngayon ng trahedya at pagsubok.” Magpapatuloy naman ang naturang grupo sa kanilang panalangin maging ang kanilang pamamahagi ng mga relief goods, kasama ng mga rosary at Bibliya sa lungsod ng Tacloban at iba pang mga probinsya upang makatulong

sa pagpapanibagong buhay ng mga nasalanta. Nangako naman ang naturang grupo na magpapadala ng karagdagang mga rosaryo sa iba’t-ibang bahagi ng Eastern Samar at nakatakda na ang susunod na bugso sa probinsya ng Samar, isa sa mga grabeng nasalanta ni bagyong ‘Yolanda’. Samantala, ipinanawagan naman ni papaupong pangulo ng CBCP na si Archbishop So- Pahina 6

Donut Raffle for #DYD2013Baras

Sabi nila, “Love is sweeter the second time around.” Pero mas sweet syempre kung mananalo ka ng Donuts sa raffle! Bumili na ng raffle tickets for P10 each mula sa inyong PYM/Vicariate Coordinators and get a chance to win Donuts on 30th of November (DYD Preparatory Session) or on 27th of December (DYD Proper). For more information, contact Dani Villanueva at 0915-8269040.


editoryal

4

NOBYEMBRE 12-18, 2013

AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISE Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013

Editoryal

N

apakabilis ng pag responde ng international community sa kalagayan ng mga nasalanta dahil sa super typhoon ‘Yolanda’. Sa ngayon, umaabot na ng 3.8 bilyong piso ang halaga, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Magpasa hanggang ngayon, patuloy ang pagdating ng tulong mula sa mga private individuals, mga grupo, organisasyon at mga bansa, ngunit ang makikitang mainit na usap-usapan ngayon ay ang makupad at magulong sistema ng relief operations ngayon sa Leyte. Kung pagbabatayan ang isang ulat mula kay Anderson Cooper ng CNN na nagtungong Tacloban City, ni wala yatang sistemang maitatawag. Malipas ang 5 araw, walang temporary shelters para sa mga biktima na nagpapaulan na lamang dahil walang masilungan; wala ring sentro para sa food distribution; walang makikitang heavy equipment tulad ng mga bulldozer na maaaring magsimulang hawiin ang mga nagkalat

Litong pamumuno “Paano nga ba magiging matatag at klaro ang pamumuno, lalong lalo na sa oras ng kagipitan, kung ang inaasahang lider ay abala sa pagpapamalas ng magandang imahe?” na debris, sira sirang bahay, kahoy at nagdapaang puno. Ang nagkalat sa Tacloban at ay ang mga nabubulok na mga labi ng mga nasalanta. Ayon kay Cooper, isang batikang mamamahayag, ang nangyayari sa Tacloban ay isang “demolition, not a construction job.” Nakalulugmok. Nakakapanghina. Kung masaklap ang gumulat sa mga taga Samar at Leyte dahil kay ‘Yolanda’, tila isang napakasamang panaginip ang nangyayaring mabagal at walang pinatutunguhang relief operations sa Samar at Leyte. Ang

kasabihang “adding insult to injury” ay nagaganap ngayon sa mga nasalanta at ang salarin ay walang iba kung hindi ang pagkabigo ng pamumuno ni pangulong Aquino. Halata naman kung may malinaw na pinuno ang isang pagsisikap o isang proyekto: may direksyon ang paggalaw; mayroong accountability; may layuning batid ng lahat. Sa mga nagdaang araw, nakanganga ang karamihan ng mga Pinoy nang marinig ang mga pahayag ni Pnoy tungkol sa trahedya. Nariyan ang panayam ng

pangulo sa isa pang mamamahayag ng CNN na si Christiane Amanpour, kung saan idiin ni Pnoy na ang estimate na 10,000 kataong nasawi ay “too much” o sobrang dami at ayon pa dito, mas kapani-paniwala ang estimate na 2,000 o 2,500 na bilang para sa mga namatay. “So far 2,000 to 2,500 is the number we are working on as far as deaths are concerned,” ani Aquino kay Amanpour. “Working on”? Anong ibig sabihin nito? Tila naka downgrade na rin ang pangangailangan ng madaliang pagkilos dahil sa pinababang tantiya sa death

toll. Layunin ba ng administrasyong Aquino na ipakita sa international community na hindi kasing lala ng inaasahan ang pagkawasak sa Leyte at Samar? Inamin din naman ni Aquino sa nasabing panayam na may 29 na bayan pang hindi pa naaabot ng mga ahensiya ng pamahalaan upang magkaroon ng mas kumpletong bilang ng casualties. Kung gayon, bakit niya kailangang magpa-pogi points at sabihing aabot lamang ng 2,500 ang napaslang? Bakit hindi konkretong mga layunin ang ipahayag at panindigan ng pangulo sa isyung ito? Ilang araw ba ang target para sa pag-kolekta ng mga labi ng mga nasawi? Kailan magkakaroon ng mga temporary shelter para sa mga biktima? Sa linggong ito ba maaasahan ng mga survivors na may regular na food distribution? Paano nga ba magiging matatag at klaro ang pamumuno, lalong lalo na sa oras ng kagipitan, kung ang inaasahang lider ay abala sa pagpapamalas ng magandang imahe?


NOBYEMBRE 12-18, 2013

opinyon

TABI PO

Melo Acuña

N

“Di-duster brigade”

oong kapanahunan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, pinasigla ang kalakaran ng mga barangay. Bukod sa may mga t-shirt na may marking na “Barangay Tanod,” may mga t-shirt na ibinibigay sa mga kasama sa iba’t ibang brigade. Tiniyak ng pamahalaan na mayroong papel ang halos lahat sa barangay. Bukod sa mga barangay tanod, mayroong mga kinilalang “water brigade” na siyang nangangasiwa sa pangangailangan sa tubig ng mga taga barangay kung mayroong mga malawakang pagtitipon o emergencies.

Mayroon ding “fire brigade” na siyang may tungkuling maglagay ng buhangin at tubig sa mga drum sa mga matataong lugar. Ang pinakamahalaga ang tungkulin tuwing may bagyo ay ang “disaster brigade” na nangangasiwa sa paglilikas at paghahatid sa mga taga barangay sa mga kilalang ligtas na evacuation center. Hindi naman nangangahulugan na kung walang bagyo o anumang posibleng trahedya ay hindi magsasanay ang mga brigadang ito. May dalawang uri ng pagtingin sa mga briga-

THE DREAMER

dang ito sa iba’t ibang barangay. Una ay nasasanay ang mga tao na kumilos at gumamit ng kanilang sentido komon sa oras ng kagipitan. May mga taong nangangasiwa at mamumuno sa mga mamamayan. Nakikilala ang mga taga barangay na mayroong creativity at initiative na maglingkod kahit pa kulang ang resources, napatitibay ang “self-help.” Sa kabilang dako, ginamit din daw ang barangay at ang mga brigada upang pagtakpan ang kakulangan ng pamahalaan. Sa halip na pamahalaang pambansa ang mangasiwa ay mga taga barangay at pamahalaang lokal na lamang ang nagpapatakbo at tumutugon sa bawat pangangailangan ng madla sa oras na may naka-ambang panganib tulad ng bagyo at pagpu-

5 tok ng bulkan. Nakalulungkot na tila iniaasa na lamang ng madla sa pamahalaan ang lahat kung may trahedya. Nakapagtataka kung bakit nabura at nawala ang pagkilala sa tao sa kanyang responsibilidad sa sarili at sa kanyang pamilya. Hindi kailanman krimen ang maging mahirap. Ang krimen ay nagaganap kung mayroong kapabayaan sa sarili, sa pamilya at sa komunidad. Dumarating tuloy ang pagkakataon na higit na naghihirap ang mahihirap, sapagkat nawala na ang kahalagahang ibinibigay sa pakikipagkapwa-tao. Nasaan na ang mga brigadang pinakikinabangan noong dekada sitenta at otsenta? Kung - Pahina 6

may karapatan na kumitil ng buhay. Hindi ang mga doktor na gumagawa ng abortion o ang mga Paul Edward Sison kababaihan na nagdedesisyon na gawin ito dahil sa kanilang mga maling paniniwala tungkol sa gender equality o karapatan nilang mag desisyon kung ano ang gagawin “Wala ka bang napapan- pinaka-ikinagagalit ng nila sa katawan nila dahil sin sa ating mga kapali- Diyos ay ang abortion. kanila ito. giran?” Milyun-milyong bata na Hindi po natin lubos na ‘Yan ang isang linya raw ang pumanaw sa mula sa isang Hindi naman malayong mangyari ‘yan dahil maisip kung bakit kailangan mankanta ng grupong “Asin” noong kasama ‘yan sa mga turo sa atin at nakasaad gyari ang ganito. Bakit kailangan kapanahunan ang namin. Si Loli- pa mismo sa Bibliya ang mga kuwento ng pag- madamay ta Carbon ang paparusa ng Panginoon sa isang lugar dahil sa n a p a k a r a m i n g inosenteng businger. Para sa kasalanan ng mga naninirahan dito. hay? Ngunit taiba, naaakma ang tanong na ‘yan sa mga buong mundo dahil sa wag dito. Ito raw ang par- lagang nangyayari po nangyayari dito sa atin kademonyohang ito. Mas aan ng Diyos para linisin ito ng paulit ulit pa kung ngayon. matindi pa raw ngayon muli at i-purify ang sang- ibase natin sa mga pahina Zamboanga siege, kaysa noong panahon ng katauhan. Ngunit bakit ng kasaysayan. Kung totoo man ito – Bohol earthquake, Su- “Sacrificing of the Inno- kailangan madamay ang per typhoon Yolanda… cents” ni Herodes kung mga inosenteng buhay? lalong may saysay ang Sunod-sunod na delubyo saan iniutos niya ang ‘Yung mga walang kama- pagkakabunyag ng Napoles scam at ang pagat kalamidad na tila may pagpatay sa lahat ng mga lay-malay na mga bata? nais ipaabot at idiin sa at- sanggol sa kanyang kaha- Ayon kay Auring Pas- gamit ng PDAF at DAP cual na aming kapitba- sa maling paraan. Kung ing mga Filipino. Ngunit, rian. ano kaya ito? Paano kung pinaruru- hay, marahil paraan ito inyong maaalala, may Ayon sa mga vision- sahan tayo ng Diyos dahil ng Diyos para ipamukha - Pahina 6 aries, ang kasalanan na sa pagpasa ng RH Bill sa sa atin na Siya lang ang

‘Yolanda’ at Napoles pork barrel scam, magkaugnay?

ating bansa? Hindi naman malayong mangyari ‘yan dahil kasama ‘yan sa mga turo sa atin at nakasaad pa mismo sa Bibliya ang mga kuwento ng pagpaparusa ng Panginoon sa isang lugar dahil sa kasalanan ng mga naninirahan dito. Tulad ng Sodom and Gomorrah, Noah’s Ark, at iba pa. “Chastisement” ang ta-

LIVE FREE Samantha Manuel

Hoping for God’s best Have you ever wanted something so badly only to realize that it isn’t as good as you hoped it would be? Are you currently waiting for something to happen in your life and are already getting impatient? Have you ever hoped for one thing, but received something else instead? Do you desire something that’s not really meant for you? We can easily fall into the trap of aspiring for the most beautiful, most famous, wealthiest, most expensive, most prestigious things, the perfect relationship, the comfortable life, the best job, the easiest way out…We are made to perceive that the best things in life can only be fulfilled by vanity, money, fame, power, ultimate perfection. But God’s best is beyond what money can buy or what power can acquire. In fact, God’s best is far better than ours for it guarantees a lifetime of happiness, fulfillment and satisfaction. God wants us to see life beyond this world. His desires for us are those we can enjoy even beyond this life. Many times I have doubted, been stubborn, too proud to let go and trust in God. But time and again, He has proven to me that His plans are indeed perfect! The first step to experiencing God’s best is to free ourselves completely. It means to be free from our personal desires. It entails us to surrender the things

God doesn’t want for our lives. It means letting go of our fears, trusting that God has the best plans for us. Surrendering to God doesn’t mean that we are deprived of wanting things for ourselves -- things we love and enjoy. God’s best is, in fact, all about living our lives to the fullest. Most of the time however, what we think would make our life worthwhile can only provide temporary fulfillment and satisfaction -- an unrighteous relationship, using my position to power-trip, spending beyond my means, waiting for that “perfect” man, sacrificing the needs of my family to enjoy my social lifestyle. If we think that these are the best in life, then we are truly depriving ourselves of the life that is meant for us. We can only fully enjoy God’s best once we realize that the things we hope for are meant to: 1. Give us the opportunity to fulfill our purpose. Everything that goes on in our life happens for a reason. All our sufferings and joys, sorrow and happiness, failures and success are meant to teach us something. 2. Allow us freedom to do what we ought to do. To be free is to live a life untainted by sin. God wants us to be free to enjoy life even if it means going against what is acceptable to the world. - Pahina 6


6

NOBYEMBRE 12-18, 2013

IDOLONG Tapat!

Si Ginoong Artemio Marquez, 43 ay isang kutsero. Isang malaking karangalan para sa kanya ang magmaneho ng kalesa na ang sakay ay mga turista. Dito ay nabibigyan siya ng pagkakataon na ipakilala ang kasaysayan ng Pilipinas sa ibang mga lahi. Ang pagiging Tapat kay G. Artemio ay ang pagpapakita at pagsasabi ng tunay na kasaysayan, kagandahan at kasarinlan ng bansang Pilipinas. (YO/TapatNews)

“Di-duster brigade”....

mula sa pahina 5

nawala ang pagmamalasakit ng tao sa kanyang sarili, maituturing na lamang silang kabilang sa mga “di-duster brigade”, sapagkat disaster na ang nakaamba sa kanila dahilan sa kanilang kapabayaan.

‘Yolanda’ at Napoles ....

mula sa pahina 5

paratang na ginagamit ang pera bilang papremyo sa pagpasa ng RH Bill. Ngayon, itinatanggal na ito ng Diyos bilang bala sa mga darating na laban tungkol sa RH Bill. Tandaan ninyo, ang ating Panginoon ay hindi lamang isang “God of Mercy” – Siya rin ay isang “God of Justice.”

Hoping for God’s best....

mula sa pahina 5

3. Inspire us to love selflessly, unconditionally. God blesses the people whom He trusts to also be a blessing to others. God’s blessings are meant to be shared. In the process, we learn to grow more in loving others. 4. Teach us to have faith. We need to place our life and our future, even our loved ones in God’s hands. Trust that He has the best plans, which can only happen in His ideal time, and through His perfect way. 5. Lead us ever closer to God. We detach ourselves from all things which can hinder us from fully experiencing His love. By completely abandoning ourselves to His will, we are letting Him be in full control of our lives. Through this, we will learn to depend only on Him. God’s best is guaranteed to be far beyond what we can ever imagine for our lives. “For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” (Jeremiah 29:11). As we anticipate His plans, let’s continue to hope, to trust, and to surrender. For God’s best is truly worth waiting for.

Suportang Counselling...

mula sa Pahina 2

Maliban sa counselling services, tumutulong din ang Pro Life Philippines sa maternity home referral o pagpapa-aampon ng mga sanggol na galing sa mga hindi plinanong pagbubuntis upang matanggal din ang posibilidad ng pagpapalaglag sa bata. Mula Enero hanggang Setyembre ng 2013, may 1, 259 counselees na tumungo sa apat na ProLife Philippines counselling centers sa bansa. May 188 na babaeng pumunta sa Legarda, Manila office; 494 naman ang tumanggap ng counselling services mula sa St. Gerard Family Life Center sa Baclaran; 169 sa Baguio office; at 408 naman sa San Juan de Dios center sa Quiapo. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tawagan ang (02) 733-7027; telefax (02) 734-9425; at 0919-2337783. Maaari ring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email sa life@prolife.org.ph o prolifephil@ gmail.com. Ang website ng Pro Life Philippines ay www.prolife.org.ph [NED]

Simbahan magpapadala ng rosaryo..

mula sa Pahina 3

crates Villegas ng Lingayen-Dagupan na ‘magtulungan’ at sinabing ‘ang mga gustong tumulong ay dapat makipagtulungan’. Itinakda naman sa Nobyembre 23, ika-6 ng gabi ang ‘National 3-minute of Silence’ sa buong bansa upang ipagdasal ang mga yumaong biktima ni bagyong ‘Yolanda’. Ani Villegas, “Tayo ay huminto at manalangin para sa mga patay, para sa mga nakaligtas, humingi ng tawad sa ating mga kasalanan. At mangako sa Diyos na tayo ay tutulong sa Samar at Leyte sa kanilang pagbangon. ” Nakiusap din si Villegas na ipalaganap ang panawagan at sinabing ‘matagal na rin tayong hindi nagdadasal bilang isang bansa’ at mariing ipinaalala na maging tanda nawa ang mga kalamidad upang tayo ay magising sa katotohanan na ang bayan ng tao ay lumilipas. Pagtatapos ni Villegas, “Ang dalangin ay epektibo. Hindi natin maaaring muling buuin ang isang bansa na wala ang Diyos. Hindi tayo maaring bumuo ng walang dasal.”


NOBYEMBRE 12-18, 2013

Katoliko

7

Unapologetically Catholic

Bibliya nga lang ba ang batayan ng pananampalataya? Ni PAOLO DE GUZMAN

M

arami sa ating mga Katoliko ang nahihikayat sa mga bagong sekta kung saan bukas-kamay ang pagtanggap, masasayahin, at pala basa ng Bibliya ang mga tao. Sinasabing lahat ng kaalaman sa pananampalataya at dapat sundin ng isang Kristiano ay nasa Bibliya. Kung wala sa Bibliya, hindi dapat ginagawa. Nagsimula ang doktrinang ‘Bibiliya Lamang’, na hango sa Latin at tinatawag na ‘Sola Scriptura’, kay Martin Luther isang monghe na noong ika-labing anim na siglo ay humiwalay sa Simabahang Katolika. Dahil sa pagkadismaya ni Luther sa mga maling gawain ng Simbahan, unti-unti niyang inakusahan ang Simbahang Katolika na nagtuturo ng walang batayan, hanggang sa ideklara niyang lahat ng katuruan na dapat sundin ay makikita lamang sa Bibiliya. Totoo nga bang ang lahat ng turo ay matatagpuan sa Bibliya? Sinasabing ang pangunahing dahilan ay matatagpuan sa 2 Timoteo 3:16-17 na sinasabing, “Kinasihan ng Diyos ang bawat kasulatan. Ang mga ito ay mapakikinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagsasanay sa katuwiran. Ito ay upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, na naihandang lubos sa mga mabubuting gawa.” Ngunit sa kaunting pagsisiyasat ang mga katagang ‘mapakikinabangan’ ay hindi nagpapatunay ng kalahatan o pagkatangi. Sa katotohanan, pinatutungkulan ni San Pablo ang Lumang Tipan dahil nang kanyang sinambit ito ay hindi pa nasusulat at nalilimbag ang Bagong Tipan. Wala sa Bibliya ang maaaring magpatunay na ang Bibliya lamang ang batayan ng pananampalatayang Kristiyano. Sa mga Katoliko ang mga batayan ng pananapalataya ay ang Bibliya, ang mga tradisyon at ang Mahisteryo o ang Pamunuan ng Simbahang Ka-

tolika. Sa katunayan mababasa sa Bibliya ang pagpapahalaga sa mga tradisyon na naipasa, “ S a m a ka t u w i d mga kapatid, manatili at kumapit kayo sa mga tradisyong inyong natutunan mula sa salita maging sa mga kasulatan” (2 Mga TagaTesalonica 2:14 – Douay Rheims Version). Matatagpuan din naman sa 1 Timoteo 3:15 na sinabing ang Iglesia o Simbahan ang haligi at saligan ng katotohanan, “Ngunit kung ako ay maaantala sa pagpariyan sa iyo, alam mo ang paraan kung paano ang dapat na maging asal mo sa bahay ng Diyos na siyang iglesiya ng Diyos na buhay. Ito ang haligi at saligan ng katotohanan”. Isang importanteng paalala ng Banal na Kasulatan ay ang pagpapasailalim sa Simbahan o Iglesia. Sa Mateo 18:15 hanggang 18 ipinapakita dito na iniuutos ni Kristo sa kanyang mga disipulo kung paano itama ang kasamahang mananampalataya. Sa mga nasabing talata ipinakikilala mismo ni Kristo na ang Simabahan at hindi ang kasulatan ang kapangyarihang malalapitan hinggil sa nagkamaling kapatid. “Kung ayaw niya silang pakinggan, sabihin ito sa iglesiya,” sambit ni Kristo. Dagdag pa ni Kristo ang pagturing na Hen-

KATESISMO, MISMO! Sino ang tanging nagpapatawad ng mga kasalanan? Tanging ang Diyos lamang ang nagpapatawad ng mga kasalanan. Dahil si Kristo ang Anak ng Diyos, at ang sinambit ni Kristo, “Ang Anak ng tao ay may kapangyarihan sa lupa upang patawarin ang mga kasalanan”. Pagpapakita din ito ng Kanyang banal na kapangyarihan: “Ang iyong mga kasalanan ay napatawad.” Higit pa, sa pamamagitan ng kabutihan ng kanyang lubos na kapangyarihan siya ay nagbibigay ng karapatan sa tao gaya ng pari upang magpatawad sa kanyang ngalan. Ngunit kaakibat nito ang panalangin upang tuluyang hingiin ang pagpapatawad ng Poong Maykapal. 1 Marcos 2:07 2 Marcos 2:05, 10; Lucas 7:48 3 Juan 20:21-23

til sa mga ayaw makinig sa Simbahan, “At kung ang iglesiya man ay ayaw niyang pakinggan, ituring mo na siyang Hentil o Publikanong maniningil ng buwis.” Kinikilalang makasalanan at mga ligaw noong panahon ni Kristo ang mga Hentil at publikano. Bukod dito, idinidiin ng Panginoon na hindi maaaring magkamali ang Iglesia sa pagtuturo na siyang awtoridad sa pamamagitan ng kanyang naunang pahayag tungkol sa kapangyarihan nitong magbigkis at magpakawala (Mateo 16:18-19). Kanyang iniutos sa mga apostol bilang isang grupo na kasama si San Pedro, “Amen sinasabi ko sa inyo, kung ang inyong itali sa lupa, ay nakatali din sa langit; at kung sino ang inyong mapakawala sa lupa, ay pakakawalan din sa langit.” Ang pinakasimpleng dahilan kung bakit ang Simbahan at hindi ang Bibliya ang batayan ng pananampalatayang Kristiyano ay sa kadahilanang naisulat ang Bagong Tipan matapos lamang ang unang siglo. Isang daang taon na kung susumahin ay may 65 taong agwat mula ng Sumalangit si Kristo noong 33 AD. Samakatuwid, ano ang nagsilbing huling awtoridad upang ipasa ang mga katuruan kung wala pang Bibliya? Ang Iglesia ang nagsilbing tagapagturo bago pa man nalimbag ang Bagong Tipan. Isang makasaysayang katotohanan na nagpapatunay ng lubos sa Simbahan bilang tagapagturo ng paniniwalang Kristiyano ay ang paglilimbag ng mga kasulatan upang maging Bibliya. Noong ika-apat na siglo lamang nalimbag ang Bibliya matapos maglipana ang ibat-ibang uri ng kasulatan hinggil sa Kristiyanismo at magkaroon ng pagtatalo kung ano ang mga tama at orihinal na libro mula sa mga disipulo. Sa katunayan nagsimula lamang ang paniniwalang ang Bibliya lamang ang batayan ng mga Kristiyano noong ika-labing apat na siglo at hindi pa ito lubusang kumalat hanggang ika-labing anim na siglo, kung saan naimbento na ang pag-iimprenta sa papel. Ang mga ito ay patunay na ang doktrinang “Bibliya lamang” ay walang batayan, gawang-tao lamang at nararapat talikuran.

From the Saints... The person of the priest is, for Me, only a screen. Never analyse what sort of a priest it is that I am making use of; open your soul in confession as you would to Me, and I will fill it with My light.

St. Faustina, Divine Mercy in My Soul



Tapat vol 1 No 20