Laguna Copperplate Inscription is Jubilee Year of Yahweh

Page 55

SABWATAN SA GOLGOTHA ANG BULAANG PROPETA NA SI CAIPAS: YahYah 11:51 ‘sinabi niya ito hindi sa ganang kanyang sarili lamang, bilang punong Seserdote ng panahong iyon, hinulaan niyang mamamatay si Yahweh-shu’a dahil sa bayan’. YeremiYah 23:31-32 ‘ako’y laban sa mga propetang kumakatha ng sariling pangitain saka sasabihing iyon ay ang sabi ni Yahweh. Ako’y laban sa propetang nagsasalaysay ng kasinungalingan upang dayain ang aking bayan, hindi ko sila sinugo at wala silang kabuluhang idudulot sa bayang ito’. Deuteronomo 18:21-22 ‘upang matiyak ninyo kung ano ang sinasabi ng propeta ay kung galing kay Yahweh o hindi, ito ang palatandaan: kapag hindi nagyari o hindi nagkatutoo ang sinabi niya, yaon ay hindi mula kay Yahweh, sariling katha niya iyon, huwag ninyo siyang paniwalaan’. Si Caipas ay isang bulaang Propeta at hindi karapat-dapat na maging punong Seserdote dahil hindi siya nanggaling sa lahi ni Aaron na Levita. Samakatwid hindi mula kay Yahweh ang kanyang inihula. Bakit ang mga tigapagturo ng Jesús ay naniniwala sa hula ng bulaang propetang si Caipas, at pati na ang mga naniniwala sa tunay na pangalan ni Amang Yahweh at Yahweh-shu’a Messiah ay pinaniwalaan din ang hula ng bulaang propetang si Caipas at naniniwala sa Hindi Seserdote ni Amang Yahweh.

PINANGGALINGAN NG BULAANG SESERDOTE NA KAGAYA NI CAIPAS 1 Hari 12:31 ‘nagtayo pa sila ng mga sambahan sa burol at naglagay ng mga Seserdote na hindi mula sa lipi ng Levita, kundi pangkaraniwang tao lamang (NehemiYah 7:63-65)’. 1 Hari 13:33 ‘sa ginawang kasamaang ito ni Yeroboam, hindi siya tumigil sa paggawa ng kasamaan, patuloy parin siyang nagtatalaga ng mga Seserdote na hindi lahing Levita kundi pangkaraniwang tao lamang’. Si Caipas ay hindi nanggaling sa lahi ni Aaron na Levita, samakatwid si Caipas ay hindi tamang Seserdote.

ANG TAMANG SESERDOTE Lukas 1:5 ‘Nang si Herodes ang hari ng Judea, may isang Seserdote na ang pangalan ay ZechariYah sa pangkat ni Abias, at mula rin sa lipi ni Aaron ang kanyang asawa na si Elizabeth’. NehemiYah 12:4 ‘mga Seserdote’ na Levita, ‘Iddo, Ginetoi, Abias’. Exodus 29:1 ‘Ganito ang gagawin mo sa pagtatalaga kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki bilang Seserdote’.

SINO ANG NAGPLANO NA IPAPATAY ANG MESSIAH? YahYah 11:45-54 ‘marami sa mga Hudyong dumalaw kay Maria ang nakakita sa ginawa ni Yahweh-shu’a at nanalig sa kanya. Ngunit ang ilan sa kanila’y pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa ni Yahweh-shu’a, kaya’t tinipon ng mga punong Seserdote at ng mga Pariseo ang mga Kagawad ng Sanhedrin. ‘Ano ang gagawin natin’? Wika nila, gumagawa ng maraming kababalaghan ang taong iyon, kung siya’y pababayaan natin mananampalataya sa kanya ang lahat, paparito ang mga Romano at wawasakin ang Templo at ang ating bansa. Ngunit ang isa sa kanila si Caipas ang pinaka-punong Seserdote noon ay nagsabi ng ganito, ‘Ano ba kayo, hindi ba ninyo naiisip na mas mabuti para sa atin na isang tao lamang ang mamatay alang-alang sa bayan, sa halip na mapahamak ang buong bansa. (sinabi niya ito LCI - LAGUNA COPPERPLATE INSCRIPTION

Page 54


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.