Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Dalisay at Wagas na Debosyon Agosto 4, 2017 Mabuhay si Śrī Guru at si Śrī Gauråíga
Ang Ipanganak at Mamatay sa Pamilyang Kinagisnan Turong-aral nang Kanyang Banal na PagpapalaOm Viṣṇupād Śrīla Bhakti Nirmal Āchārya Mahārāj
Tanong: Kanina lamang po ay kausap ko ang mga kapatid ko at ang sabi malubha na po daw ang lagay ng aking lola, at malapit nang mamatay, samantalang ang tatay ko naman po ay na stroke at paralisado na ang kalahating katawan… Gusto po nilang bumalik na po daw ako dahil baka hindi ko na sila abutan na buhay pa. Śrīla Āchārya Mahārāj: Nasa iyo ang pagpapasya. Kung anoman ang gusto mo bahala ka. Alam mo sa totoo lang, ang lahat ng ito’y nasa iyong mga kamay. Lahat tayo ay may kanya-kanyang kamulatan, at hindi pare-pareho nang takbo ng isipan. Hindi ba’t ang sabi, ang tunay na kamag-anak ay, ‚Kù£òa mata, Kù£òa pita, Kù£òa dhana-pråò. Si Kù£òa ang nanay ko, Siya din ang tatay ko, at Siya din ang buhay at kaluluwa ko.” Ibig sabihin, tanging si Kù£òa lamang talaga ang tunay na kamag-anak natin. Alam ba ninyo noong mamatay ang nanay ko, siguro halos isang buwan ang nakaraan bago ko ito malaman, alam ba ninyo kung bakit? Ito po ay dahil talagang hindi ko na sila kinontak pa, kahit sino sa mga kamag-anakan ko. Dahil ito ang naging pasya ko. Naaalala ko, noo ng ako’y brahmachåri pa lamang,sa loob ng labinlimang taon, ni isa man sa mga kamag-anak ko, wala akong pinagsabihan kung nasasaan ako, kung saan ako nakatira. Nalaman na lang nila noong ako’y nag-sannyås na. Kaya lamang, tulad ng sinabi ko, lahat tayo’y hindi magkakatulad. Pero Ang Ipanganak at Mamatay sa Pamilyang Kinagisnan
1