Issuu on Google+

PANUKALANG PAGTATAYO NG TUNASAN HIGH SCHOOL PASADO NA! Ipinasa ng mga Konsehal sa kanilang IkaDalawampu’t Apat na Regular na Pulong ang “Kapasiyahan Bilang 11–034 na hinihiling sa Kgg. Cong. Rodolfo Biazon na mag-Sponsor ng isang Bill sa Kongreso kaugnay ng pagtatayo ng Bagong National High School sa Tunasan, Lungsod ng Muntinlupa. Batay sa inihaing Panukala ng Majority Floor Leader, Kgg. Kon. Mggl. Raul Corro, napapanahon na para magdagdag ng Bagong Gusali para sa Public Secondary School, dahil sa patuloy na paglago ng bilang ng mga magaaral sa kasalukuyang taon mula sa Muntinlupa National High School sa Bilibid; Muntinlupa National High School, Annex sa NHA Katarungan; Muntinlupa Science High School sa Tunasan; Pedro E. Diaz High School sa Alabang; Muntinlupa Business High School sa Buli; at Sucat Annex na may kabuuang 21,827 na estudyante. Ayon kay Kon. Corro, may tinatayang 2.4% karagdagang mag-aaral para sa Secondary Education partikular na sa Barangay Tunasan, Poblacion at Putatan, kaya minabuti ng Sangguniang Panlungsod na magpanukala ng pagtatayo ng Tunasan National High School na ititindig sa lupang kinalalagyan ng Environmental Sanitation Center (ESC) sa Tunasan malapit sa Muntinlupa Sports Complex.

Idinagdag pa ng Majority Floor Leader na maraming mag-aaral na nakatira sa baybayin ng Laguna Lake ang matutuwa dahil hindi na sila magagastusan ng malaking pamasahe, gayun din, malaking tulong sa mga kasalukuyang Public High School ang mabawasan sila ng estudyante sakaling mailipat ang ibang mag-aaral sa nasabing bagong paaralan dahil na rin sa over-populated sila sa kasalukuyan. Binigyan diin ni Kon. Corro na ang pagtatayo ng karagdagang Secondary School ay kaluwagan ng bawat magulang at estudyante, ito rin ang maaaring pasimula para maitaas ang antas ng edukasyon ng mga mag-aaral at kalidad ng pagtuturo ng mga Guro sa Lungsod ng Muntinlupa.

Iniaabot ni Kon. Nep ang sipi ng Ord. No. 10-109 sa Kgg. Rafael A. Tanjuatco, Mayor ng Tanay,Rizal.


SORPRESANG PAGBISITA NG TANAY MAYOR Sorpresang bumisita sa Tanggapan ng Sangguniang Panlungsod Secretariat ang Punongbayan ng Tanay, Rizal, na si Kgg. Rafael A. Tanjuatco, kasama sina Kon. Nelson M. Ocampo at Kon. Ronald Marc Calolos at iba pang mga kawani nang nasabing Lalawigan para kumuha ng sipi ng ipinagmamalaking Ordinance No. 10-109, hinggil sa pagbabawal ng paggamit ng Plastic sa Lungsod ng Muntinlupa na ipinukala ng Kgg. Kon. Joselito V. Arevalo.

QUOTE OF THE WEEK “Makinig po ang lahat. At kung maaari po iyung inyong mga cellphone ilagay sa Silent Mode para po hindi magulo ang ating pag-uusap. Bakit kinakailangang kayo ay tumahimik at makinig para maintindihan nyo ang pag-uusap ng sa ganun hindi tayo tatagal. Maraming salamat, G. Tagapangulo.” -Kon. Bal Niefes

TRIVIA ALAM NYO BA? Malugod na hinarap ng Kgg. Kon. Neptali Santiago ang mga bisita kasabay ng pag-abot ng sipi nito noong Pebrero 16, 2011. Naki-isa din ang SP Staff na tumugon sa kanilang mga pangangailangan bilang suporta sa maganda nilang hangarin na malinis ang kalikasan sa lugar ng Tanay Rizal. Marami nang mga Local Government Units ang humiling ng sipi ng ordinansa upang gawing halimbawa sa kanilang ipapasang kahalintulad ng ordinansa ito gaya ng Probinsiya ng Laoag, Ilocos Norte; Vigan, Ilocos Sur; Bacoor at Tanza, Cavite; Sta. Cruz, Laguna; Antipolo, Rizal; Bacolod; at gayun din ang mga Lungsod sa Metro Manila gaya ng Caloocan, Navotas at Quezon City. Nauna rito ay marami na ring mga magaaral mula sa IETI Alabang na nag-interview kay Kon. Arevalo at humingi ng kopya ng Ordinansa sa Tanggapan ng Sanggunian para umano’y makatulong sila sa kampanya ng Environmental Sanitation at Ecological balance. 2

Ni Puly

Na ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Muntinlupa ang Kapasiyahang Bayan Blg. 94-140 na nagpapahayag ng kagustuhan ng Bayan ng Muntinlupa na maging “Highly Urbanized City” at hiniling na magpasa ang Kongreso ng isang Batas para sa pagpapatibay ng “City Charter” ng Muntinlupa. Sa pamamagitan ng Republic Act No. 7926 na pinagtibay ng Kongreso noong Marso 1, 1995 ay naging ganap na Highly Urbanized City ang Muntinlupa. At noong Pebrero 21, 2003 nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroya ang Republic Act No. 9191 na idinideklara ang Unang Araw ng Marso (March 1) bawat taon na isang Special Non-Working Holiday sa Lungsod ng Muntinlupa.


Mayor at Temy sa kasalang Bayan.

Temy bumisita sa BJMP Tunasan.

Temy nag pose sa Muscle man.

Kap. Ador at Temy sa Eco Inagural.

Teacher’s Awarding sa Tunasan.

Feeding Program sa Poblacion.

TAOS -PUSONG SERBISYO

Makikita sa mga larawan sa kanan ang pagiging abala ni Kgg.Vice Mayor Artemio A. Simundac sa mga sunod-sunod na imbitasyon sa kanya bilang pangunahing panauhin sa iba’t -ibang aktibidad at proyekto ng Muntinlupa. Talaga nga namang BISENG-BISE magsilbi ang ating magiting na Vice Mayor.

“GINOONG KABABAIHAN 2011” TAGUMPAY!!! Tagumpay na naman ang inani ng ating Vice Mayor Temy Boyet Espina Simundac nang ilungsad ang Editor-in-Chief kauna-unahang Ginoong KabaLyn G. Aporongao baihan 2011 sa Sto. Niño, Managing Editor Poblacion, noong ika-18 ng Elo Rendar Pebrero, 2011. Layout/Graphics Artist Anim ang napili na tinaguriJeff Zaballero ang Magic 6 mula sa Labing Photographer Tatlong kalahok na nagtagisan Jun Delfin/Eder Marmeto simula sa Casual Wear, Talent, Circulation Managers Formal Attire, at ang Question SP Staff / Contributors: and Answer Portion. Nora Marcelo Athan Salamat Pinarangalan nina Vice Temy Nory Olarve Jojo Francisco at ng isa sa mga hurado na si Belle Pasahol Rey Ramirez Liezel Dela Pena Noel Solema Lyn Aporongao, si G. Desiree Ahvic Gonzales Jhojo Bambao G. Quigtar bilang “Ginoong Cecil Lazarte Kababaihan 2011” kasabay nang Adviser pagtanggap ng P10,000.00 cash

EDITORIAL BOARD

at trophy mula sa Tanggapan ng Pang. Punonglungsod. Kasama ang mga Runner-Up na sina G. Anna Charina Argana (1st runner-up) at si G. Jennalyn Adrino (2nd runner-up) Ang STI ay naghandog ng Scholarship sa 13 kalahok. Naging Hurado din sina: Roger John Smith, Rolando Cañete, at Ellen Esguerra.

3


AKREDITASYON NG GABRIELA AT AMAZING GRACE WELCOME SA

SANGGUNIAN Malugod na tinanggap ng Joint Committee on Rules, Ethics and Privileges at Committee on Livelihood and Cooperatives ang aplikasyon para sa akreditasyon ng General Assembly of Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership Action (GABRIELA) Inc., at Amazing Grace Multi-Purpose Cooperative sa naganap na Public Hearing kamakailan. Ayon kay Gng. Marivic Villanueva, Pambansang kinatawan ng GABRIELA na pangunahin nilang isinusulong ang Violence Against Women (VOW) desk o paglalagay ng isang sangay ng opisina bawat Barangay ng Muntinlupa na siyang tutugon, mangangalaga at gagabay sa mga karapatan ng kababaihan at magtatanggol sa mga umaabuso sa kanila. Sinabi pa ni Villanueva na sa kasalukuyan ay abala ang kanilang 57 Chapters na may 11,000 miyembro sa buong Lungsod sa pagpo-promote ng 4

Samahan para pag-ibayuhin ang pangkabuhayan, kalagayan at pagtuturo ng kabutihang loob sa lahat ng kababaihan sa buong Muntinlupa. Kabilang din sa mga programang pinagkakaabalahan ng samahan ay ang pagsasagawa ng Feeding at Medical Mission, Education at Counselling na may kaugnayan sa moral values. Hangad din ng GABRIELA na mag-conduct ng mga trainings and seminars sa bawat sulok ng Lungsod kaugnay ng mga karapatan ng kababaihan at pagtatanggol bilang suporta sa Pamahalaang Lokal sa pagsugpo sa mga hindi inaasahang krimen tulad ng mga pangaabuso sa mga bata at kababaihan. Ikinatuwa nina Committee Chairman Kgg. Kon. Raul Corro, Kon. Raffy Sevilla, Kon. Nep Santiago, Kon. Ador San Pedro at Kon. Robert Baes ang magagandang hangarin ng Samahang

GABRIELA partikular na ang paglalagay ng VOW desk sa bawat Barangay kaya anila ay makakaasa ang samahan na bibigyan nila ng pansin aplikasyon paea sa akreditasyon nito sa Sanggunian. Samantala, namangha ang komite nina Kon. Corro sa iniulat na profile at performance record ng Amazing Grace Multi-Purpose Cooperative na matatagpuan sa Men’s Quarter Evangelical Church sa 94 Rizal St. Poblacion, kaugnay ng kanilang renewal para sa akreditasyon ng samahan. Ipinagmalaki ni G. Emil Familiar, pangulo ng Kooperatiba sila ay nagsimula sa 48 na miyembro, may P114,500.00 na panimulang capital, ngunit ngayon ay umabot na ng P8M ang kanilang hinahawakang pondo na pinakikinabangan ng kasalukuyang 210 na miyembro. Pinapurihan ni Engr. Alejandro Labrador, Dept. Head ng City Cooperative Office ang pamunuan ng Kooperatiba dahil sa kahangahangang pamamalakad. Ayon kay G. Labrador ang Amazing Grace ang ginawang modelo ng Muntinlupa Cooperative Congress hindi lamang dahil sa galing ng management at katapatan ng pamunuan kundi dahil na rin sa kanilang mga proyekto ng pagpapautang sa mga miyembro na siya na rin ang naging dahilan ng paglaho ng 5-6


issue7