Page 1

CMYK

AYON SA NSO

NASA P.6

Exodus sa Cavite NASA P.12

CAVITEテ前 PINAKAMARUNONG Kelot, patay SA PINOY dahil sa utang PAHINA 3

6 na kabataan, P.6 tiklo sa pot session NASA P.3


2

OKTUBRE 10 - 16, 2010 | TAON 2 | ISYU 3

Magsasaka, pinagbabaril GENERAL TRIAS - Wala nang buhay ng matagpuan sa kanyang bahay ang isang magsasaka nang pinagbabaril na walang awa na pinagbabaril sa kanyang kubo kamakailan sa Brgy. Pinagtipunan, General Trias, Cavite. Kinilala ang biktima na si Victor Villar, alyas Bay, 52anyos, isang magsasakang tubong Leyte. Kasalukuyang residente sa nasabing bayan. Batay sa imbestigasyon ni PO2 Jesse Soriano, bandang alas-11 ng gabi nang makatanggap ang

himpilan ng pulisya ng impormasyon ukol sa nangyaring insidente. Kaaga-

rang nagpunta ang pulisya sa nasabing lugar at natagpuan ang bangkay ng

biktima na tadtad ng tama ng bala sa ulo at katawan. Mabilis na nakatakas ang suspek na hindi pa rin nakikilala hanggang sa ngayon. OBET CATALAN

Trike driver, inutas GEN. TRIAS, CAVITE - Isang tricycle driver ang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek habang ito ay naglalakad papauwi. Kinilala ang biktima na sa Marlon Obero, 27-anyos, binata, tricycle driver, at residente sa Brgy. Purok 9, Bacao 2, General Trias, Cavite. Kaagarang nakatakas ang suspke na hindi pa rin nakikilala habang hindi pa rin natitiyak ang kalibre ng baril na ginamit nito na tumapos sa buhay ni Obero. Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Brendo Llanda, bandang alas 12 ng tanghali nang biglaang sumulpot ang suspek na naghihintay sa kanya. Sunud-sunod na pinaputukan ng baril ang biktima sa katawan nito. Nang tumumba na ang biktima, kaagarang tumakas ang suspek. Dali-daling isinugod ang biktima sa Divine Grace Medical Center ngunit idineklara itong dead on arrival. Patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang suspek habang hindi pa rin nalalaman ang motibo sa pagpatay sa biktima. ERWELL PEÑALBA

Nahalal kamakailan si CAVITE Topnotcher Board Member Dino Reyes-Chua bilang Presidente ng NMYL (National Movement of Young Legislatiors) Cavite Chapter, isang samahan ng nakababatang namumuno sa pamahalaan na may edad 35 pababa. Nahalal din sya bilang Co-Chairman of Philippine Board Members’ Laegue (Region-4A) Chapter. Si Dino Chua ang pinakabatang nahalal na kasapi ng sangguniang panlalawigan sa edad na 29.

MAMAMAHAYAG AT ARTISTA, NAGKAISA PARA SA PRESS FREEDOM SA BANSA BAYAN-NCR, Quezon City - Isang makasaysayang pagtitipon ng mga sektor ng media at artists ang naganap sa Quezon City para sa isang Forum on Press Freedom na may temang “UNREST Artists & Media Gathering Commemorating the 38th Year Anniversary of Martal Law” upang alalahanin ang madilim na panahon sa kasaysayan ng bansa sa ilalim ng Batas Militar. Isinabay na rin sa aktibidad na ito ang pag-alala sa 10th Month of the Maguindanao Massacre at 1st Month of the Luneta Hostage Crisis at maging ang kinalabasang resulta ng IIRC Report kung saan ang 3 higanteng TV network gaya ng ABSCBN 2, TV 5 at GMA 7 ay kasamang nakasuhan na isa umanong malinaw na banta sa press freedom sa Pilipinas. Ginanap ang aktibidad noong Setyembre 21, 2010 ganap na 8:00 ng gabi sa Leisure Lab’s Headstock Bar na dinaluhan ng mga kinikilalang pangalan sa haligi ng sining at pamamaghayag sa bansa katulad nina Dr. Roland Tolentino (Dean, UP College of Mass Communication at Professor, UP Film Institute), Mr. Joel Egco (National Director, National Press Club – Press Freedom Committee), Ms. Ilang-Ilang Quijano (Officer, National Union of Journalist of the Philippines at Executive Director, Pinoy Media Center), Mr. Iggy Rodriguez (Cultural Center of the Philippines 13th Artists Awardee at Chairman ng Sining Bugkos at Bayan Muna –National Capital Region). Ilan sa mga paksang tinalakay ay gaya ng mga sumusunod: Talk on Press Freedom, Talk on Philippine Press Freedom Before Martial Law, Talk on Philippine Press Under Martial Law, Talk on Philippine Press After Martial Law, Harrassment on Press Freedom at marami pang iba pa. Maraming grupo naman ng mga media outfit at cultural groups ang dumalo at nakibahagi katulad ng Manila Times, Tudla, Philippine Star, Journal Group, Remate, Pinoy Weelky, ABS CBN 2, TV 5, GMA 7, Concerned Artists of the Philippines, National Union of Journalists of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines, National Press Club, Gazera Underground, UGALahi Artists Collective, Defend Job Philippines, Imprison Arroyo Movement, Kilometer 54, Musicians for Peace, Kapisanan ng Mga Mandudula sa Marikina, samantalang ang kolumnista at reporter naman na si Rex Del Rosario ay nakiisa rin bitbit ang bandila ng pahayagang tagapamandila ng pagiging reponsable at risonable –ang Responde Cavite na naitala bilang pinakamaagang dumating sa nasabing pagtitipon. Dumalo rin ang ilang mga lider-estudyante at estudyanteng manunulat mula sa UP, PUP, UST, FEU, PCU, EARIST, PLM at iba pa. Sumuporta rin ang mga peoples organizations katulad ng BAYAN MUNA, ANAKPAWIS, KABATAAN, GABRIELA, ACT, COURAGE, KATRIBU, AKAP BATA, KADAMAY, KARATULA at MAKABAYAN. Ang Forum on Press Freedom na ito ay naisakatapuran sa pamamagitan ng Bagong Alyansang Makabayan – National Capital Region (BAYAN-NCR) at Sining Bugkos. REX DEL ROSARIO


OKTUBRE 10 - 16, 2010 | TAON 2 | ISYU 3

Kelot, patay dahil sa utang ROSARIO, CAVITE – Patay matapos pagbabarilin ng kanyang kapitbahay ang isang lalaki sa Brgy. Wawa III, Rosario, Cavite matapos nitong hindi makabayad sa kanyang pinagkakautangan. Kinilala ang biktima na si Pedro Gaspar, 40-anyos, walang hanapbu-

hay, at residente ng Little Baguio sa naturang lugar. Ang suspek naman ay

kinilalang si Ronaldo Mendoza, 44-anyos, kapitbahay ng biktima.

INK TRIBE REFILLING STATION & DIGITAL PRINTING 610 D. H. Del Trabajo St., San Roque, Cavite City (At the back of Goldilocks)

We are open for franchising For inquiries please

Just call (046) 504 -1179 / 09162052135 / 09352195393 and look for Mr. Llord Anthony Monreal Dumo or Ms. Shalimar Sanchez Dumo

Ni ERWELL PEÑALBA Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Jehiel Gonzales, bandang alas 11 ng gabi nang galit na galit na sinugod ni Gonzales si Gaspar. Napag-alamang umabot ng P11,000 ang utang ng biktima sa suspek na ilang buwan ng pumapalya sa pagbabayad ng kuryente. Nang walang maibayad ang biktima, pinagbabaril ito ng suspek ng kalibre .38 na baril. Dead on arrival na ng sinugod ang biktima sa St. Dominic Hospital. Kaagarang nadakip ang suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong murder at violation of gun ban.

3

Helper sa palengke sinaksak, patay CAVITE CITY Nasawi ang isang delivery boy ng karne matapos itong pagsasaksakin sa dibdib ng kasama trabaho sa Brgy. San Roque, Cavite City. Nakilala ang biktima na si Rene Boy Beran, 38anyos, binata, helper na naninirahan sa 806 Inocencio, San Roque, sa nasabing siyudad. Kinilala naman ang suspek na may alyas na Bong na kaagarang tumakas matapos isagawa ang naturang krimen. Ayon sa imbestigasyon, bandang 3:25 ng umaga ng maganap ang insidente habang

inaayos ng biktima ang mga panindang karne sa slaughter house. Biglaang sinugod at sinaksak sa dibdib ng suspek si Beran na naging sanhi ng kaagad na pagkalagot ng hininga ng biktima. Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Rizal Calle, ang motibo ng suspek na nagtulak sa kanyang gawin ang karumaldumal na pagpaslang ay dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan. Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek upang sampahan ng kaukulang kaso hinggil sa pagpatay. MICHELLE VALE CRUZ


4

OKTUBRE 10 - 16, 2010 | TAON 2 | ISYU 3

Pandaigdigang paggunita sa Araw ng mga Guro

HATI ang aking pananaw at damdamin sa araw na ito ng Pandaigdigang Paggunita sa Araw ng mga Guro. Una, sa mahigit labingwalong taon kong pagtuturo ay ito ang unang pagkakataon na naranasan kong magunita ang “araw ng mga guro” sa petsang Oktubre 5. Sa mga paaralang pinanggalingan ko, kalimitang isinasabay nila ito sa Valentines Day. Masaya ako dahil kahit papaano ay kinikilala ang kahalagahan ng mga guro bilang tagapagpanday ng karunungan. Pero iniisip ko kung may katuturan ba ang lahat nang ito. Halatang sapilitan at pilit ang selebrasyon lalo pa sa panig ng mga magaaral na sapilitang ring pinagawa ng cards para lang masabing may pagbati sila sa kanilang guro. May programa sa aming paaralan ngunit sa aking pakiramdam ay minadali at hindi gaanong pinaghanda-

an. Sa madaling sabi, hindi ko madama ang katapatan ng pagdiriwang. Artipisyal at panlabas lamang. Maaaring sabihin ng iba na masyado akong mapaghanap. Pero ang tunay na pagkilala sa mga guro ay maipapadama lamang kung tuluyang natutugunan ang mga pangangailangan ng guro na may kinalaman sa pasahod, benepisyo at seguridad sa trabaho. Habang mababa ang pasahod sa mga guro at habang hindi nagagarantiyahan ng gobyerno at ng DepEd ang karapatan ng mga guro, ang lahat nang mga pagdiriwang ay mananatiling hungkag at artipisyal.Sa panig ng mga estudyante, kung talagang nirerespeto at minamahal nila ang kanilang mga guro, ito ay makikita hindi lamang sa minsanang pagdiriwang kundi sa buong taon na kasama nila ang kanilang guro. Ang pag-aaral nang mabuti ang tunay na repleksyon ng pagpapahalaga nila hindi lamang sa guro kundi sa edukasyong sinusugalan nila ng pera at panahon. SUNDAN SA P.5

TAYONG GURO AT MAG-AARAL NG BUHAY “Sa bawat bagong iyong natutuklasan Ika’y natututo, kay rami-rami pa palang di mo alam.” — Madaling Araw Na by Gary Granada Kahit saan ako magpunta kapag naimbitahan upang magsalita, magbigay ng workshop, lecture o panayam, lagi kong sinasabi na utang ko sa mga teacher ko kung ano man ang ibabahagi ko sa mga oras na iyon. Maging sa mga estudyante ko sa undergrad at graduate school sa UST, sinasabi ko na kung ano man kahit paano ang narating ng aking panulat, utang ko sa mga nagging teacher ko. Maging sa mga librong isinusulat ko, pinasasalamatan ko ang impluwensya ng mga teacher ko sa paghihikayat sa akin sa pagsusulat. Kulang ang espasyo ng kolum na ito para isa-isahin ko ang nagawa nila sa akin. Kayat sa mga naging teacher ko sa Manuel S. Rojas Elementary School, Cavite National High School, Philippine Normal University at De La Salle University- Manila... salamat uli. oOo Pero sa pakiramdam ko, andami-dami ko pang hindi nalalaman. Sa kabila ng pagsusumikap na muling mag-aral at abalahin ang sarili sa pagbabasa, parang kapos at kapos pa rin ako. Madalas pa rin akong pumapalpak sa maraming salik ng buhay. Parang estudyante ba na sa kalagitnaan ng pagsusulat at kapag napag-isipan nyang puro mali ang ginagawa o sinusulat, bigla

na lang nilalamukos ang papel. Kumbaga sa computer, rebooth, kumbaga sa laro, restart. Kaya’t muling pinag-aaralan ang buhay. Inihahanda nga pala tayo ng classroom para sa mas malaking paaralan ng buhay... ang buhay mismo. Kaya nga lang, sa classroom, lesson muna bago test. Sa totoong buhay, test muna bago ang lesson. Sa isang discussion ng propessor ko sa graduate school, sabi nya sa akin, ang bisa daw ng isang mahusay na guro ay wala sa panahong nag-aaral ang estudyante. Kundi kapag ang estudyante ay wala na sa buhay-eskwela. Na, kapag nakagagawa na ng desisyon ang mga magaaral na sa inanaakala nyang tama at makabubuti sa higit na nakararami, iyon ang panahong hindi na kailangan ng mag-aaral ang prisensya ng teacher, doon, masasabing may bisa ang itinuro ng teacher. At sa ilan (o marami) nating kapalpakan sa buhay, pakiramdam ko, hindi ako masyadong natuto. Siguro ito yung parting ako naman pala ang dapat maghanap ng ikatututo. oOo Kaya naman, sa laki ng utang na loob ko sa mga teacher ko (at alam kong imposible ko na itong maibalik sa kanila), magagantihan ko lang sila kung magawa ko sa iba ang nagawa nila sa akin. Kayat ang hangad ko, mahigitan ako ng mga estudyante ko. oOo Sa lahat ng mga teacher sa buong mundo... Happy Teachers’ Day!

Proteksiyon sa Appellations of Origin

NAKAINOM ka na ba ng Tequila? Oo? Napatumba mo ba ang bote nito o ikaw ang napatumba nito? Sikat ang inuming ito sa maraming bars sa iba’t ibang panig ng mundo. Lingid sa kaalaman ng mga manginginom, ang Tequila ay isang lugar sa Mexico na pinagmumulan ng halamang agave na siyang pangunahing sangkap ng nasabing alak. Ang Tequila ay isang uri ng Intellectual Property na binibigyang-proteksiyon ng gobyerno. Ito ay nakapailalim sa Industrial Property bilang appellation of origin. Ibig sabihin, ang lugar na pinagmulan ng produkto ang siyang madalas na binabangit ng nagbebenta at mamimili kahit ang tinutukoy nila ay ang mismong produkto. Dahil ang lugar na pinagmulan o lugar kung saan ginagawa ang isang produkto ang siyang kilala ng mamimili, ito na rin ang kanyang tatak. Ang lugar at ang tatak ay nagiging isa.

Sa gayon, hindi maaaring maglagay ang sino man ng tatak na Tequila sa kanilang inumin kung hindi naman talaga ito galing doon. Kaya naman appellations of origin ang tawag sa IP na ito. Pero sa mga produktong alak at may alcohol lang ginagamit ang appellation of origin. Geographical indication pa rin ang tawag kapag ang mga produktong galing sa isang partikular na rehiyon o bansa tulad ng Marikina shoes at Swiss watch ay nakikilala na sa pangalan ng lugar na pinagmulan ng produkto. Paalala, mga mambabasa: ang paggamit ng tatak ng iba nang walang pahintulot ay ili- gal at lumalabag sa karapatan ng mga tunay na may-ari ng tatak. Panloloko sa mamimili ang paglalagay ng tatak na may appellation of origin kung hindi naman pala totoo ang nakasaad dito. Kaya sa susunod na hihingi ng regalong inumin ang biyenan mo ay tunay na inuming Pinoy ang ibigay mo tulad ng lambanog. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.


OKTUBRE 10 - 16, 2010 | TAON 2 | ISYU 3

May nakilalang hot na chiks Ate Bebang, Meron akong nakilalang babae. Si Candy. Ang hot niya. Sa tuwing lalabas kami, ito ay laging gabi. Hindi ko iniintindi ‘yon kasi ang astig naman niya, e. Isang araw, nakita ko siya sa isang parlor, naggugupit ng buhok. Alam naman natin na

BANGHAYARALIN MULA SA PAHINA 4 MINSAN ay may isang magulang na nagwika sa akin na “Kung hindi dahil sa perang ibinabayad namin ay wala ka diyan!” Totoo naman ang sinabi ng magulang na mula sa kanilang bulsa nagmumula ang sahod na kinikita ko sa pribadong paaralang kinabibilangan ko. Ngunit ang hindi naiintindihan ng magulang na ito ay hindi ko naman hiningi sa kanya ang sinasahod ko kundi ito ay bunga ng pawis na pinaghirapan ko. May mga magulang na mababa ang pagtingin sa mga guro na itinutulad nila sa mga swelduhan nilang katulong sa bahay. Iba ang propesyon ng pagtuturo kaysa sa mga manwal na gawain. Hindi ko minamaliit ang trabaho ng mga kasambahay, ng

Dear Charlson O., Ke babae siya o bakla (tulad ng hinala mo), kailangan mo pa rin siyang layuan. Dahil emotional

blackmail ang ginagawa niya sa ‘yo. Ibig sabihin, ginagamit niya ang damdamin mo: guilt at awa, para makuha niya ang gusto niya. At masama ‘yon kasi tina-trap ka niya. Tuloy, sumasama ang loob mo, nagiiba ang tingin mo sa sarili mo at naiinis ka sa nangyayari dahil patuloy mo pa ring ginagawa ang isang bagay kahit ayaw mo na itong gawin (‘yon ngang makipagkita

panday o ng iba pang mga manggagawa. Ngunit higit na mabigat ang responsibilidad ng guro sa paghuhubog ng kaisipan at pagkatao ng mga mag-aaral. Hindi bagay ang hinahawakan ng guro kundi ang buhay at kinabukasan ng mga kabataan. Sa sandaling may ginawang mali ang kanilang anak ay gasgas na ang linyang bibigkasin ng ibang magulang “Iyan ba ang natutunan mo sa paaralan?”. Ang mga guro ang sumasambot ng sumbat kapag ang mga estudyante ay naliligaw ng landas. Nalilimutan ng mga magulang na hindi solong responsibilidad ng mga guro ang paghubog sa ugali at pagkatao ng kanilang mga anak. Masalimuot ang papel ng guro sa lipunan. Istrikto ang pamantayan sa isyu ng moralidad sapagkat ang bawat aksyon at salita ay dapat na maging

modelo nang kung ano ang matuwid at nararapat. Umaani ng pansamantalang papuri ang guro ngunit butas naman ang bulsa at guwang ang sikmura. Madaling tanggalin at itapon ng kapitalistang paaralan ang isang guro pag hindi na kailangan lalo at tumatanda na. Nababalewala ang katapatan ng guro sa isang institusyon kapag ang nakataya na ay ang imahe ng paaralan o ang paghahangad nang higit pang ganansya. Hanggang hindi naibabalik ang tamang pagrespeto sa mga guro, ang alinmang pagdiriwang ng Araw ng mga Guro ay pakitang tao lamang. Baka idinagdag lang ang araw na ito upang madagdagan rin ang kita ng mga kapitalista sa bawat araw ng pagdiriwang na iniimbento sa ngalan ng tubo.

ang mga nagtatrabaho sa parlor ay mga tagilid. Ayaw ko nang makipagkita sa kanya pero umiiyak siya sa tuwing nire-reject ko siya. Ano po ang dapat kong gawin? Charlson O. ng Enriquez Compound, Ligtong 3, Rosario, Cavite

Come and experience La Piel! located at 5530 A Paterno St. Caridad Cavite City

pa sa kanya). Kahit umiyak siya ng bato sa harap mo, magpakabato ka. ‘Wag kang magpapatinag. Talikuran mo siya at go na bago ka pa maawa at ma-guilty. At, sorry talaga pero magtataas ako ng kilay nang konti, sa susunod naman, Charlson O., kilalanin mo nang husto ang mga ide-date mo. Hindi porke hot, hahayo ka na at makikipag-date. Konting background research naman diyan. Siyempre, unahin mong alamin ang tunay na gender kung talagang ayaw mong makipag-date sa homosexual. Madali

namang magtanong. Kapag inamin niyang hindi siya babae, mag-sorry ka at magtapat na tunay na babae lang ang gusto mong i-date. Kapag hindi siya umamin pero may duda ka, mag-ala-NBI agent ka na. Investigate. Magtanongtanong. Puntahan siya sa eskuwela. Sa trabaho. Sa bahay. Kilalanin ang mga kaibigan niya. Diyan pa lang, marami ka nang malalaman. Nawa’y hindi na maulit ang Candy-experience mo. Hangad ko ang mas matamis na love life para sa ‘yo. Siyanga pala, hindi lahat ng naggu-

5

gupit ng buhok o nagtatrabaho sa parlor ay “tagilid.” Marami pa ring tunay na babae at tunay na lalaki ang naglilingkod sa mga ganyang establishment. Hindi naman importante ang gender sa ganyang klase ng trabaho kaya bukas ito sa kahit na sino basta’t mahusay at may skills. O, ikaw, baka gusto mong mag-apply. Puwede naman. Tambay ng parlor noon, Ate Bebang oOo Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverly siy@gmail.com. / para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 /bebang_ej @yahoo.com


6

OKTUBRE 10 - 16, 2010 | TAON 2 | ISYU 3

Ayon sa National Statistics Office

CAVITEÑO PINAKAMARUNONG SA PINOY IMUS, Cavite — Ang literacy rate ng Cavite ay nanatiling pinakamataas sa buong Pilipinas bagaman ang karamihan sa naninirahan sa Cavite ay naghihirap. Isa rin ang Cavite sa mga probinsya na mayroong pinakamataas na porsiyento ng mga may trabaho ayon sa impormasyon na mula sa National Statistics Office

(NSO). Ayon sa report na inilabas ni Gob. Jonvic Remulla ang literacy rate ng Cavite ay 96.52%, na naitalang pinakamataas sa lahat ng probinsya sa

bansa. Ayon kay NSO Admin. Carmelita Ericta batay sa datos ng NCR o ng buong Metro Manila ang may pinakamataas na porsiyento ng mga taong marunong bu-

6 na kabataan, tiklo sa pot session NI JUN ISIDRO

HULI sa akto ng paggamit ng ipinagababawal na gamot ang anim na kabataan sa isinagawang operasyon ng Philippine National PoliceCavite City sa Barangay Calumpang ng nasabing lunsod bandang 4:30

n.h. noong ika-6 ng Oktubre, 2010. Nahaharap ngayon sa kasong Violation ng Sect. 11, Sect. 12 at Sect. 15 ng Article II ng Republic Act 9165 sina many Netilla y Buenaflor, Efren Columna Jr. Y

2 Bangka Sangkot sa Illegal

Fishing sa Cavite City, timbog NAAKTUHAN ang 2 bangkang ilegal na nangingisda sa baybayin ng Cavite City sa magkahiwalay na operasyon-kontra illegal fishing ng Cavite City PNP sa pangunguna ni PSI Angelica Starlight Lacson Rivera noong ika8 ng Oktubre, 2010. Nasakote ang F/B Margarito noong bandang 6:00 n.u na nasa humigit kumulang na 1.8

nautical miles ng baybayain ng nasabing lunsod samantalang 6:30 n.u. naman nahuli ang F/B Princess Diana na nasa humigit kumulang na 1.9 nautical miles. Kapwa may tig-10 crew ang dalawang bangkang hinihinalang illegal na nangingisda. Samantala, kasalukuyang inihahanda ng pulisya ang kaukulang kasong isasampa sa mga suspek.

Miranda, Marvin Icayan y Urbi, Marc Jon Fernandez y Acon at Denny Laine Garcia y Tampoc. Kasalukyang nakapiit ang mga supek habang isinusulat ang balitang ito habang inihahanda ang isasampang kaso.

Mister Nagbigti TINAPOS ng isang lalaki ang sarili nitong buhay matapos itong magbigti sa loob ng sariling tirahan sa 930 P. Burgos St. San Roque, Cavite City noong ika-6 ng Oktubre, 2010 bandang 6:30, n.h. Kinilala ng Cavite City PNP ang biktimang si Ronel Niebres common law husband ni Michelle Vitan y Lacquiao, 30 anyos. Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang dahilan ng pagpapakamatay. E. PEÑALBA

masa at sumulat ay 94% at sinundan ito ng Region 4-A o CALABARZON area na may 93.5% at Central Luzon na may 92.1%. Mula dito idineklara na ang lalawigan ng Cavite ang nangunguna sa literacy rate sa

bansa. Bagaman isa rin ang lalawigan na ito sa may pinakamataas na populasyon sa bansa may 3 milyong tao ngayon ang residente ng Cavite ayon sa latest national at provincial census na surveys.

Mula sa report sa inilabas ni Girlie Garcia, Cavite Planning and Development Office (PPDO), project evaluation officer mayroong 1,700 na pampubliko at pribadong mga paaralan sa nasabing probinsya.


OKTUBRE 10 - 16, 2010 | TAON 2 | ISYU 3

7


8

OKTUBRE 10 - 16, 2010 | TAON 2 | ISYU 3

ANG BABAING IYON…

2 SA 15 KABANATA

Ni Efren R. Abueg Nagtapos ng Ph.D in Translation sa UP Diliman ang batikang nobelista at kwentista si Abueg. Ang kanyang mga pelikulang naisulat, nalikhang sanaysay, pitak sa dyaryo at iba pang obra ay umukit sa kamalayan ng mga Pilipino. Nagturo si Abueg sa UP, PUP, MLQU, UPH-Las Pinas at nagretirong Puno ng Kagawaran ng Filipino ng De La Salle University Manila. Naging Resident Writer si Abueg sa Cavite Studies Center, De La Salle Univeristy-Dasmariñas Hindi na mabilang ang parangal na natanggap ni Abueg sa kanyang mga panulat at aklat. Nakaraan: Namatay ang asawa ni Marisse—si Fidel Rilloza na isang human rights lawyer. Sa lamay nito, may nakiramay sa kanyang isang babae na “kaibigan” ng kanyang asawa. Ngunit kapansin-pansin na waring laging kasama ito sa mga memento ni Fidel. “BAKIT parang lagi kang may iniisip, Marisse?” Nagitla siya. Nakapasok na pala sa silid na inilaan sa kanya ang bunso niyang kapatid na si Ruby. “Talagang may iniisip ako, Ruby. Magkano ko pauupahan ang bahay? Kaninong kamag-anak ko ibibigay ang ibang gamit na di kailangan doon ng uupa? At sino ang titingin-tingin doon kapag may umuupa na? Paano ang mga repairs?” Natawa si Ruby. “Parang hindi ka realtor. Ipamahala mo sa bangko. May services sila ganyan… doon idedeposito sa kanila makokolektang upa. Kikita sila sa iyo, kikita ka rin naman… savings, kahit maliit!” Ang totoo, alam niya iyon. Ngunit kailangang mabilis siyang makaisip ng idadahilan sa kapatid. Magmula nang umuwi siya’t ilibing niya si Fidel, nakaalalay ito sa kanya. Doon siya pinatira dahil ibig naman nitong gumanti ng utang na loob. Siya ang nagbibigay dito ng baon at ng mga kailangan sa iskwela noong ito’y nag-aaral. Ibig nga nitong matagal siyang magbakasyon sa Pilipinas. “E, ano naman ang reliable bank dito? Di ba pati sa Filipino Channel, may balita tungkol sa malaking scams dito sa atin. Ilang bangko na ba ang nasara!” “Naku, ang Ate, gaano ba namang kalaking kabuhayan ang bahay n’yo? Pauupahan mo lang, di ibebenta!” Huminga siya nang malalim. Ipinakita niya kay Ruby na

siniseryoso niya ang pag-aasikaso sa bahay. “Ate, ‘yong dinala mong mga gamit dito ni Fidel, nakalkal ko na rin. Nabasa ko ang ilang kaso ng human rights na naipanalo niya. Alam mo, napaka-humble n’yang asawa mo. Panalo na’y isinisikreto pa sa amin. Ni ayaw mababanggit ang mga argumento niyang kinilalang brilliant ng kung ilang awtoridad. Balewala ‘yon, sasabihin niya. Pero isang araw na lang, may announcement sa Supreme Court na tinatanghal sa field of jurisprudence ang kanyang panalo sa kaso dahil bagong development iyon sa larangan

n g batas, at pakikinabangan ng bayan, lalo na ng maliliit!” Napatawa siya. “’Yung bayaw mong ‘yon, sasabihin, ‘wag na ‘yang papuri-puri, I need cash!” Nagkibit-balikat si Ruby. “Pro bono kasi siya nang pro bono. Lalo na ‘yung maliliit na kliyente, libre sa abugado!” “Paborito niya ‘yung sabi ni Magsaysay: Those who have lesser in life, should have more in laws!” “’Yun nga ang problema, Ate. E, pwede naman siyang maging corporate o celebrity lawyer!” “Hindi niya masisikmura na nagkakamal siya ng salapi sa mga kaso, pero walang nagtatanggol sa mga kaso ng mahihirap!” Mayamaya, tumabi si Ruby sa pagkakaupo niya sa isang sopa, habang nag-aayos ng kung anu-anong abubot ni Fidel. Inihilig nito ang ulo sa kanyang

balikat. “Ate, noon nga, sabi ni Ruben, tanungin kita. Nako-concern ang asawa ko. Baka kailangan mo daw ang financial help!” Bumaling siya kay Ruby. “Mabuti, di mo itinuloy. Magagalit sa akin si Fidel. Conscious lang sa badget si Fidel. Matipid. Kasya sa amin kahit papaano ang kanyang kinikita!” “’Yon nga, Ate, matipid, baka kinakapos. Sasabihin ni Ruben, baka naman kawawa ang mga pamangkin ko. Alukin ko raw si Kuya Fidel to join Ruben

na maging counsel sa mga kaso ng City Bank dito sa atin.” “Mabuti’t di mo rin inalok,” agaw niya. “Baka masaktan lang ang kalooban ninyo ni Ruben kung tanggihan niya’t sasabihing wala na lang kayong inatupag kundi ang kumita ng salapi!” Sinalo agad ni Ruby ang kanyang sinabi. “ Narinig ko’ng sinabi niya iyon sa kumperensya ng Integrated Bar of the Philippines!” “Ni ang Tatay at Nanay niya, di nakikialam sa diskarte ni Fidel. Sasabihin na lamang ng mga biyenan ko, pag-aralan mo na lamang magtiis!” At tumawa siya. “Nakatatawa ba ‘yon, Ate?” “Oo, naman… hindi naman kami nagtitiis. On the side, kumikita si Fidel. ’Yon ang isinusustento sa amin. Nang mag-

umpisa akong magrealty dito, para sa akin ‘yon. Sayang ang marketing studies ko at ayokong malosyang sa bahay. Hindi ‘yon para additional income for the family!” Nalingunan niyang lumabi si Ruby. “ Oo na…pare-pareho kayong mangatwirang mag-asawa!” Nagkatawanan silang magkapatid. Hindi tumigil sa pagkukwento si Ruby. Ganoon sila noong maliliit. Palibhasa’y dalawa lamang sila, kaututang-dila niya ito. “Pero alam mo ‘yung kaso ng aktres na binugbog ng boyfriend nito. Papatayin daw dahil humihiwalay sa lalaki. Kung

ang libo. Bale wala ‘yon kay Bayaw.” Hindi rin niya alam iyon. “Tinawagan ko siya. ‘Kako, mag-file siya ng libel laban sa movie press people. Kikita pa siya. Nagtawa lang si Bayaw. Naghahanapbuhay lang daw ‘yung mga tao. Nang sabihin ko na paano kung mabalitaan mo ‘yon?” Tuluyan na bumaling siya kay Ruby. “E, ano ang kanyang sagot!” “Masyado mo raw siyang love at napakaedukada mo para di maintindihan na munting collateral damage ‘yon sa kanyang propesyon!” Tama naman si Fidel. Maunawain siya. Nagyakag magmiryenda si Ruby. Sa kitchen sila nagpalipas ng oras. “Nabaguhan ako, Ruby…sa m g a

sino naman ang nakapagsabi na lumapit kay Atty. Rillosa! Isang gabi, bigla na lamang sumulpot sa bahay ninyo, takot na takot, nilalagnat at di pa kumakain. Nagkataon namang maagang umuwi si Bayaw. ‘Ayun kinupkop agad niya!” Hindi niya alam iyon. “Ba’t hindi natsismis sa Filipino Channel o sa GMA?” usisa niya. “Ano ba’ng hindi? All over nga, pero nablind item lang. Ipinakiusap ni bayaw sa media. Kaawawa daw ang babae. Pati pangalan niya, di na rin binanggit. Hindi siya naging hero!” Nagpatuloy si Ruby. “Ang kaso, itong movie press, nagkalat ng tsismis. Naging girl friend daw n’ung lawyer ‘yung aktres na binugbog ng boyfriend. Humati pa raw sa nakuhang damages, da-

kaibigan at kakilala ni Fidel. Parang wala na akong matandaan… di pa naman ako ulyanin.” “Di mo na matandaan si Atty. Mac Hernandez?” “Siya nga lang ang natandaan ko, pero ‘yung iba?” “Si Ate naman, explore his computer file. Ngayon, ang lahat ng activities ng isang tao, pati leisure, nairerekord sa computer. Me nalilimutan din tayo sa dami ng impormasyong ibinababa sa atin ng teknology. Malay mo, baka si Bayaw e nagsusulat sa journal, lalo na ang mga karanasan niya sa field. Baka nag-blog din siya, nag-face book o kaya nag-twitter.” “ Mas gusto ko, tao muna ang kausap, tulad ni Atty. Hernandez. First hand.” Saglit na nag-isip si Ruby. “Si Senador Mad-

langsakay, kakilala niya!” “Sus ka naman. Makikipagkwentuhan ba naman sa akin ‘yon?” “Bakit naman hindi? Dumating ‘yon sa wake ni Bayaw! Paborito niya ang asawa mo!” “Ayokong makipagkwentuhan sa kanya.”Sino ba ang babae niyang kaibigan?” Nag-isip si Ruby. At nagitla siya sa sinabi nito. “Dinig ko sa mga kaibigan niya na best friend niya si Atty. Monette Decena!” “Kilala mo ‘yon?” “Minsan ko lang nakita, pero sikat ‘yon noong araw. Provincebased siya, tagapagtanggol ng mga api roon. Madalas, sa Metro ang trial ng mga kaso niya dahil may mga banta sa Davao o kaya sa Cagayan de Oro o Maguindanao. Ngayong medyo umeedad na siya, di na siya nadidiyaryo. Baka wala siyang human rights cases ngayon!” “Paano mo naman nasabing best friend siya ni Fidel?” “Di iilang kaso ang hinawakan niya kasama si Bayaw. Tandem sila!” “Saan mo siya nakita?” “Dito sa Manila. Nagkaroon ng malaking pa-benefit sa mga retirado at disabled lawyers ang Integrated Bar of the Philippines. Daan-daang abugado sa probinsya ang lumuwas. Isinama kaming dalawa ni Ruben ng asawa mo sa grand ball sa Manila Hotel. Nag-enjoy kami!” “At doon ninyo nakilala ang Atty. Monette Decenang ‘yon?” “Hanga nga ako sa babaing ‘yon. Low profile sa kabila ng malalaking publicity sa kanya.” Nagbuntong hininga na lamang siya. Ayaw na niyang magusisa kay Ruby. Edukada siya, gaya ng sabi ni Fidel. Ayaw niyang sirain iyon sa alaala ng kanyang asawa . HINDI mahirap matunton ang pangalan at tirahan ni Atty. Mac Hernandez. May direktoryo si Fidel at nakalista ang pangalan ng mga kapwa abugadong kakontak nito. Ang problema lamang niya—sino sa napakaraming pangalan sa direktoryo ang mga kaibigan ng kanyang asawa. SUNDAN SA P.10


OKTUBRE 10 - 16, 2010 | TAON 2 | ISYU 3

Ganito ka-showbiz ang showbiz sa Pinas

Bukod sa arawaraw natin nakikita ang pagmumukha ng mga artista mula sa telebisyon hanggang sa dyaryo, mula sa pabalat ng kung anu-anong produkto hanggang sa naglalakihang billboard, naririnig din natin sila sa radio (buti na lang at matumal o halos namamatay na ang pelikulang Pinoy, kundi malamang pati doon ay babandera ang kanilang mga pagmumukha). Pero nakapagtatakang hindi nagsasawa ang sambayanan sa mundo ng mga artista. Kahit na: 1. Kapag birthday ng artista at gagawin ng live sa TV, asahang may kakanta. Pero recorded na yung kanta. Tapos, lip sync na nga, hindi pa makasabay yung mga kumakanta. At ang matindi sa lahat, alam na nga ng sambayanan na lip sync, pero kapag kumakanta yung celebrant, may biglang papasok na kakanta rin, magugulat yung celebrant. E, heneral pala ng mga tungaw ang mga ito. Bat sya magugulat e recorded na nga yung kanta. Kasama nya syempre yung ibang nagrecord ng kanta. Di alam nya kung sinosino ang kakantang kasama nya sa b-day nya. E, ba’t kunwari ay magugulat pa sya. Lokohin nyo ang mga manager yung gaya nyo ring uto-uto. Ay oo nga pala, naloloko rin pala ang sambayanan. 2. Kapag premiere night, naku, ipapakita sa TV na nagkakagulo ang lahat. At sasabihing certified box office hit. Natural, eh, isang pelikulang Pinoy isang buwan, natural na kahit paano ay kumita yan sa 1st day o premiere night. Di gaya dati na 20-30 pelikula isang bu-

wan. Tapos, after one week, sasabihin nila “Watch bla bla bla, now it’s first week” Pagkaraan ng ikalawang linggo, “Watch bla bla bla, now it’s second week” Pagkaraan ng ikatlong linggo, “Watch bla bla bla, now it’s third week” Ang nakapagtataka lang, yung bida o magpartner na mga bida, sasabihin na “Now on its 1st, 2nd, 3rd week…” bakit iisa ang kanilang damit? Iisa halos ang background o back draft. Ibig sabihin kaya noon, tatlong lingo nilang hindi hinubad ang kanilang damit simula ng premiere night? Hindi sila umalis sa lugar na iyon ng 3 linggo. A, alam ko na. Ni-record nila yung “Now on its 1st, 2nd, 3rd week…” sa premiere night/first showing day. Tapos palalabasin ng mga ito nandoon sila kada linggo. E, sinong paglolokohin nyo? Ang sambayang pipol? Ay, naloko na nga pala. Hehehe. 3. Kapag may tumaba, nabuntis. Kapag may pumayat, nagda-drugs. Kuntodo tangging bading kahit mas makapal pa ang make ng actor sa actress. Kuntodo ang tangging tumatalbog ang tseke kahit nasa loob na ng kulungan. Kuntodo tangging wala silang relasyon ni ganito kahit may anak na sila ni ganoon. Kuntodo tangging hindi sya lilipat ng ibang network pero kinabukasan nandoon na sya at panay ang pagsira sa pinanggalingang network. Kuntodo tangging hindi sya nagdadrugs kahit kasinlaki ng limampisong bagol ang mata at parang pinaet at kinatam ang panga sa lalim. Kapag nagbreak up, ang unang sasabihin, career muna bago love life. Ay naku, ganyan talaga ang buhay showbiz. Kaya ako, never akong papasok sa buhay showbiz. Uy, sandali lang ha? May taping pa ako. Ako? No? Never naging kami. We’re just friends… watch our movie na lang!

9

Ser ve the people Serv NCR, Philippines – Minsan ko ng naibahagi sa pitak kong ito na may mga nagnanais na sumira sa aking maayos na paglilingkuran sa mamamayan at sa panglalawigang pamahalaan sa Kapitolyo. Sa pagpasok ng bagong administrasyon ng mahal na Gobernador na si Kgg. Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla, Jr. ay buong pag-asa rin na makapagtrabaho ako sa kanyang pamamahala. Sa basbas naman ng aking boss na si Hon. Cong. Jesus Crispin “Boying” C. Remulla at sa tulong naman ng Chief of Staff namin sa opisina ni Congressman na si Mr. Louiefredo “Louie” Rolle ay nailakad niya at naipakiusap niya ako na mapapasok bilang Staff ng Provincial Information and Community Affairs Department (PICAD) sa Kapitolyo na pinamumunuan ng mabait na si Mrs. Jo-Anne Nazareno-Loyola. Dito ay maayos kong ginampanan ang aking mga gawain at trabaho. Maaga akong pumapasok tuwing araw ng Lunes para dumalo ng linggugang Flag Raising Ceremony at i-cover ang mga messages, speeches at ulat sa bayan ng mahal na Gobernador at pagkatapos ay gawan ko ng writeups, news, articles, press releases at para sigurado ay ipinapasa ko sa dakilang pahayagang responsable at risonable -ang Responde

Cavite upang siguradong lumabas ang aking mga sinulat. Mula Hulyo hanggang Agosto 2010 ay dalawang buwan akong pumasok at nagtrabaho sa PICAD sa Kapitolyo, datapwat laking gulat ko naman ng sabihin sa akin ni Ma’am JoAnne na sa hindi malamang kadahilanan ay sa ipinasa o ini-apply niyang 12 job orders ng PICAD kung saan kasama sa 12 ang papel ko ay kataka-takang 11 lamang ang naaprubahan at ang papel ko ay hindi napasama. Nalaman ko ito ng lumabas ang resulta noong 1 st week ng Setyembre 2010. Sadya nga palang may mga inggitera o inggitero na naglipana kahit saan at ultimo pati papel ko ay nagawang mapakilaman, masulot, maitago at masabotahe ng sa gayon ay hindi na ako mapasama sa job orders ng Kapitolyo. Ngayon wala na… hindi na ako pumasok pa ng Kapitolyo. Hindi ko na rin nakuha pa ang anumang kabayaran o sweldo sa tinarabaho ko ng may dalawang buwan sa Kapitolyo. At kahit na yaong mga pinagtetext, pinagtatawagan at nilapitan kong tao at mga tinuring kong kaibigan (vice mayors, mayors, board members, executives etc. na mabait at magaling lamang pala noong panahon ng kampanyahan..mga pwe, pwe at pwe pa…) ay hindi man lang ako nagawang matulungang muling

makalapit sa mahal na Gobernador. Bayaan na lang, may Diyos ng Kasaysayan namang nakasaksi sa ginawa sa akin. Sa kasalukuyan ay wala na akong trabaho at wala along kita o kabuhayan…as in wala talaga. Kung kaylan malapit na ang birthday ko (October 22) at kung kaylan papalapit na ang Pasko ay saka pa nawalan ng hanapbuhay. Wika nga ng iba ay… tambay at palamunin na lang muli sa bahay ng mahal kong pamilya… huhuhu… pasensiya na po sa inyo mga mahal kong kapamilya kung ako ay pabigat muna ngayon. Babawi na lamang po ako kapag muling nagkatrabaho. Sa mga nangangailangan po ng trabahante sa inyong kompanya, nandito po ako, nag-a apply po ako (sorry po Editor’s ginawa pang panawagan ang kolum ko... hehehe). Sa kabilang banda ay naisipan kong sumadya sa Batasang Pambansa (Kongreso) sa tanggapan ng aking boss na si Cong. Boying Remulla, rito ay maayos kong nailahad sa kanya ang bawat detalye ng nangyari sa akin. Nakakita naman ako ng panibagong pag-asa ng tinuran niya sa akin na siya mismo ang maglalakad sa akin para makabalik at makapagtrabaho ako sa Kapitolyo. Hihintayin lang daw muna na maalis ang election ban sa Nobyembre. Salamat naman

po boss ng marami kung ganoon. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng isang Rex Del Rosario ngayon? Sa dahilang ayaw kong maaksaya ang aking mga oras sa walang kuwentang pagtambay lang sa bahay ay naisipan kong muling umugnay sa mga kapatid ko sa parliyamentaryo ng lansangan. Ibinubuhos ko ang aking mga oras sa paglahok sa pakikibakang-masa sa pagsisilbi sa masa, sa kilusan at sa bayan. Masarap makisama at makipamuhay sa mga taga-maralitang-lungsod, sa mga mangggagawa at sa mga magsasaka. Dito muling nabubuhay ang pintig at tibok ng pagmamahal sa bayan. Dito muling nagigising ang matagal ko ng tulog na diwa ng paglilingkod sa masa. Dito muli akong natututo at nawawala ang matagal ko ng pagkabobo sa usapin at isyung kinakaharap ng lipunan at masa. Ayon nga kay dakilang Mao Tse Tung ng Pulang Tsina, “Ang tunay na aklat ng mamamayan ay ang lipunang kanyang ginagalawan.” Kaya sa mga kaibigan ko, huwag na kayong magtaka pa kung minsan magalayan ako ng lente ng mga cemera ng TV networks kasa-kasama ng mga aping sektor ng lipunan… expected nyo na iyon sa akin ngayon. Huwag ng mabibigla pa, masanay na sa akin. Dito sa kalunsuran ng Metro Manila ako’y kikilos kasama ng mga magsasakang ngayon ay rito namamalagi at nakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa sa ilalim ng administrasyong ito. Sa bagay dito naman talaga ako nagsimula kaya rito rin ako magbabalik. Serve the people! Ayon nga sa isang linya ng pelikukang Sigwa, “Ang isang tunay na aktibista ay mananatiling aktibista hanggang sa kanyang pagtanda.”


10

OKTUBRE 10 - 16, 2010 | TAON 2 | ISYU 3

ANG BABAING IYON… Mula sa pahina 8 “Marisse, ok ka na ngayon? Pwede ka nang maimbitahan namin ni Misis sa bahay? Dinner lang. Magsama ka.” Namangha siya. Ang pangalan na hinahanapan niya ng impormasyon sa isip tungkol kay Fidel ay kausap niya ngayon, tuwang-tuwang iniimbitahan siya sa isang hapunan. Isasama ko si Ruby, naisip niya. “Ano? Baka naman magdahilan ka pa. Kinukulit ako ng asawa ko na tawagan ka. Sabi ko lang, di ka pa uuwi. Hayaan ka munang magayus-ayos sa bahay ninyo ni Fidel. Alam kong marami kang aasikasuhin!” Nangyari ang dinner ilang araw lamang ang lumipas. Isinama niya sina Ruby at ang asawa nitong si Ruben. Namangha siya. May ilang abugadong inimbitahan din si Atty. Mac Hernandez. Tatlong lalaki at dalawa pang babae. “Sorry, Marisse. Di na kita naabisuhan na may inimbitahan din akong iba sa dinner. Naisip ko lang, bakit hindi ko naman i-share sa mga kaibigan ni Fidel ang pagho-host ko sa ‘yo. Di ba the more na maraming bisita, masaya tayo!” Halata niya ang kanyang kasiyahan . Ang hinahanap niyang mga kaibigan ni Fidel ay nasa kanyang harap ngayon. “Si Atty. Charee Mejan…Char ang tawag sa akin ni Fidel,” pakilala ng isang babaing tabain, magsisingkwenta, maikli ang buhok at masaya ang mga mata. Hinagkan niya ito sa pisngi. “Si Atty. Arabella Sangre,” pagpapakilala naman ni Atty. Hernandez sa babaing inilapit nito agad sa kanya nang dumating. “ Nagkakalaban sila paminsan-minsan ni Fidel sa ilang controversial cases.” Kinamayan siya ng isang kayumangging babae, makislap ang mga tambok ng pisngi, mahaba ang nakalaylay na buhok, pandak, ngunit laging nakataas ang baba. “We celebrate together naman sino man ang manalo sa amin sa kaso!” Hinagkan din niya ito sa pisngi. Hanga siya. Magkalaban sa korte. Nagiging magkaibigan. Mga lalaki naman. “Risse na lang ang tawag ko sa ‘yo, at ako, tawagin mong Dadoy..Atty. Diosdado Ronquillo, tubong Kawit, Cavite!” Matangkad sa 5’11 si Dadoy. Maputi. Maliliit ang mga braso. Masigla at palangiti. Hinagkan agad siya nito sa pisngi. “Yan ang jolliest friend namin ni Fidel. Pag talo kami sa kaso, dami n’yang anecdote tungkol sa mga trial,” pagmamalaki pa ni Atty. Hernandez. At isinunod pang ipinakilala nito ang dalawa pang di palakibo, ngunit magiliw na kinamayan siya’t magalang na inayos ang upuan para sa kanya. Gayundin ang ginawa ng dalawang ito nang magdinner na sila. Hinilang palabas ng mesa ang silya, saka pinaupo siya nang maingat. Sina Atty. Luis Camaclang at Atty. Ven Josue. “Ewan ko, Risse kung nabuksan mo na ang e-mail ni Fidel. Tuwing mananalo ‘yan sa kaso sa human rights, dumadaing. Hindi na niya mabuksan ang lahat ng nasa in box ng mga komento at papuri. Di na raw siya makagagawa ng brief ng kanyang mga kaso kung papatulan niya ang mga congratulatory messages sa kanya!” “Minsan, nasa opisina niya ako,” sabi ni Atty. Luis Camaclang. “Naki-e-mail ako. Sabi ko pagkatapos, basahin ko ‘yung mga papuring hindi niya mabasa. Binigay ‘yung password niya. Oo nga naman, aksaya ng panahon kapag nagbabad ka sa kanyang inbox. Pero, sabi ko sa kanya, mula sa mga data na naroon, pwede nang sumulat ng libro tungkol sa kanyang buhay!” “Hindi ko alam ang password niya sa e-mail,” palipad hangin niya. “ Simple, binaligtad lang…sollir ledif!” “Ha, ha! Madaling mapasok ang e-mail niya,” sabad ni Atty. Ven Josue “E, ano naman, wala namang itinatago!” sudsod pa ni Atty. Charee Mejan. Nagkatawanan ang lahat, pati siya Hindi pa siya nakararating sa e-mail file ni Fidel, ang inbox. My Document ang kanyang tanging nabuksan. Wala pa siyang panahon noon. Ngayong natawag na ang pansin ng kanyang utak, bubuksan na niya ang inbox.

Bangk eta ng bar ang ay Bangketa barang anga

ILANG tulog na lang at eleksyon na naman ng SK at Barangay. Muli na naman nating isasabuhay ang ating karapatang mamili ng kakatawan sa atin. Isa sa mga kabutihang dulot ng kahit-papaano’y-demokratikong bansa ay nabibigyan ng pantay na kapangyarihan ang mga mahihirap at mayayaman, malalakas at mahihina, nakapag-aral at hindi dahil isa lang ang boto ng bawat mamayan (wag lang mauso muli ang dagdag-bawas). Kung ang barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan, nangangahulugan na ang eleksyon ay representasyon ng uri ng pamamahala at pamahalaan ang nais ng mga mamamayan. Kaya, kung ano man ang kahinatnan ng eleksyon, wala ta-

yong ibang dapat sisihin kundi ang ating mga sarili. ‘Yun nga lang, nakakalungkot minsan na pati barangay na dapat sana ay hindi political, nagiging puntirya ng mga politico. Ang paniniwala kasi na ang politico o kandidatong may kontrol o kaalyado ang mga kapitan ng mga barangay, may mas malaking tsansang manalo sa eleksyon. Nagagamit na makinarya. Nagagamit ang impluwensya. Yun ay kung may magandang ipinakitang halimbawa at liderato ang mga kapitan. Paano kung hindi? Baka sa halip na makatulong ay lalo pang ikapahamak ng politico/kandidatong aalyado kay kapitan. Isa pa nga palang dapat nating masilip ay ang labis na pakikialam ng mga matatanda sa SK election. Sa murang edad, binabahiran agad natin sila ng dungi at bangis ng politika. Malapit sa puso natin ang paksang ito. Dati kasi tayong napagkatiwalaang

maging kapitan ng barangay. Ang barangay ay parang mga pwesto sa bangketa. Nasa loob ng palengke ang establisadong pamamahala. Mga nasa bangketa ang representasyon ng mas maliit at mas organisadong hanay ng iba’t ibang sektor. Patuloy ang pakikibaka ng iba’t ibang batayang sektor ng lipunan sa buhay. At inaasahan na ang

halalang pambarangay ay makatutulong sa pagbabantay, pagsasaayos ng maliliit na representasyon ng lipunan. Sa naatang na katungkulan sa ating balikat ngayon na organisahin ang mga kasama nating sidewalk vendor, nawa’y makatulong natin ang barangay sa paghahatid ng paglilingkod sa mas malawak na lipunan. Tuloy ang laban!

Belated happy birthday to ROSEZAIDA S. LABASBAS last October 9, 2010. We wish you more bdays to come and good health. Greetings from your Mama, Brothers and Mama Lubie. Binabati ang lahat ng dumalo sa isang masaganang salosalo ang inihandog ni Capt. Sendong Escober sa kanyang mga kagawad bilang pasasalamat sa suporta sa kanyang mga proyekto sa kanyang natapos sa Barangay 7 kasama sina Edwin Ambior, soly Noble, ramon Olaes at Alan Cepalopo (from Rudy lupa)

HUNTAHAN SA CAVITE

ANG HUNTAHAN na isang di-pormal na talakayan tungkol sa copyright, intellectual property at pagsusulat ay magaganap sa 16 Oktubre 2010, 1:00 ng hapon sa Espasyo Siningdikato, Blk. 11 Lot 9 Barangay Sta. Fe, Dasmariñas City, Cavite. Handog ng FILCOLS, ang Huntahan ay libre at bukas sa mga mananaliksik,

manunulat at publisher ng Cavite. Naroon upang magbahagi ng kaalaman si Atty. Louie Calvario ng Intellectual Property of the Philippines at si G. Alvin Buenaventura, ang Executive Director ng Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. o FILCOLS, isang organisasyon ng mga manunulat at publisher na nagtataguyod sa copyright bilang isa

sa karapatang pantao ng mga awtor. Ang Huntahan ay ikalawa sa buwanang serye ng pakikipanayam at talastasan sa mga manunulat ukol sa kanilang mga suliranin, hinaing, suliranin, komento at/o mungkahi ukol sa copyright at intellectual property. Magbibigay ang FILCOLS ng sertipiko para sa mga kalahok na mangangaila-

ngan ng katibayan ng pagdalo. Para sa dagdag na detalye, makipag-ugnayan kay Bb. Ainne Frances dela Cruz sa cellphone number: 0915-6957727. Kailangang magparegister bago sumapit ang event. Bukas ang FILCOLS sa mga panukala para sa Huntahan sa hinaharap sa iba pang lugar. BEVERLY W. SIY


OKTUBRE 10 - 16, 2010 | TAON 2 | ISYU 3

11

Hasaan 2010: UST Pambansang Seminar Worksyap sa Wika at Panitikang Filipino Pambansang Seminar-Worksyap sa Pagpapaigting ng Kadalubhasaan sa Wika at Panitikang Filipino Oktubre 18 – 20, 2010 (Lunes – Miyerkules) Benavides Auditorium, High School Department, Unibersidad ng Santo Tomas, España, Maynila Iniimbitahan ang lahat ng mga nagpapakadalubhasa, nagtuturo at nananaliksik sa wika at panitikang Filipino gaya ng mga guro sa lahat ng antas, mag-aaral na di-gradwado at gradwado, mga mananaliksik at mga tagapamahala at kawani ng mga ahensyang nauugnay sa Filipino sa: “HASAAN 2010: Pagpapalalim ng Kahusayan sa Pagtuturo, Pagsasalin at Pagsulat Tungo sa Pagpapataas ng Pansariling Kadalubhasaan at Pagpapayabong ng Disiplinang Filipino” RASYUNAL: Upang matugunan ang pangangailangang maitaas ang antas ng kadalubhasaan sa Filipino sa bansa, itinatampok ng Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas ang isang seminar-worksyap na tatalakay sa mga sumusunod na larangan: · pagpaplano ng kurikulum; · pagsasalin; · pagsulat ng mga akdang iskolarli at paglilimbag; ·pagkatha ng mga malikhaing akda; at ·paglahok sa mga samahan, palihan o timpalak-pampanitikan. MGA LAYUNIN: 1. Malinang ang kahusayan ng mga delegado bilang guro ng wika at panitikang Filipino, tagaplano ng kurikulum, tagasalin, iskolarling manunulat at malikhaing manunulat sa pamamagitan ng intensibong talakay at worksyap o pakitang-turo; 2. Mapataas ang

antas ng pagkatuto ng Filipino sa mga paaralan at makapagbunga ng mga bagong saliksik, salin at literatura na magpapayabong sa larangan ng Filipino sa mga lokalidad at sa bansa, sa pangkalahatan; 3. Maipakilala ang Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas sa kaguruang nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa at mapatatag ang tayo nito bilang isa sa mga panguna-

hing institusyong nagtataguyod ng kapakanan ng wika at nag-aambag sa pagpapataas ng kalidad nito. LUGAR NG SEMINAR-WORKSYAP: Sa Benavides Auditorium, High School Department, Unibersidad ng Santo Tomas, España, Maynila magaganap ang seminar worksyap. Kinikilala ang Unibersidad ng Santo Tomas bilang pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas. Dito matatag-

puan ang tatlong national heritage sites tulad ng Main Building, Arch of the Centuries at UST Seminary. Para sa detalye basahin ang balitang ito: http://lifestyle. i n q u i r e r. n e t / a r t sandbooks/artsandbooks/view/ 20100125-249246/ UST-landmarks-declared-NationalTreasures PROGRAMA AT PORMULARYO NG PAGPAPATALA: Para sa kabuuang programa at pormularyo ng paglahok,

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Hindi siya magagawang iwanan lalo na sa pagkakataong ito. Patuloy siyang susuportahan sa panahaon ng kanyang dagok sa buhay. Lucky days/ nos. / color= Monday/ Wednesday=4-1527-32-40-46=red AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Masaya ka sa magandang kapalaran niya. Sa kabilang banda ito ay lubos na pinaghihirapan niya. Suportahan na lamang siya. Lucky days/nos./color= Tuesday/Friday=29-15-29-33-42=yellow PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Hindi sa lahat ng panahon ay kailangan maibigay. Isipin din ang ginanagawa ay para

makatulong hindi para turuan silang maging tamad. Lucky days/nos./color= Wednesday/Thursday= 10-18-22-29-3639=purple ARIES ( Marso 21 – Abril 19) – Matutong magtiyaga sa trabaho. Gaganda din ang career kung marunong magsumikap sa buhay. Hayaang lumabas ang tunay na kakayahan. Lucky days/nos./color= Tuesday/Friday= 117-21-35-3847=green TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) – Susuwertihin ka ngayon! Anumang sandal, handing handa na ang langit na utusan ang maga swerte na ikaw ay samahan hanggang sa iyong puso ay mapuno ng kasiyahan. Lucky days/nos./color= Monday/Tuesday=6-

9-18-25-31-40= cream GEMINI (Mayo 21 – Hunto 21) – May mga bagay na dapat paglaanan at pag-ipunan. Mag tipid-tipid ka sa mga araw. Gamitin ito sa mga kapaki-pakinabang. Lucky days/ nos./color= Friday/ Saturday=1-10-24-2938-39=white CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Sunod-sunod man ang mga problema ay hindi pa rin kikitaan ng kalungkutan. Patuloy na magiging matatag sa kabila ng lahat. Lucky days/nos./ color=Thursday/Sunday=6-15-19-24-3944=purple LEO ( Hulyo 23 – Agosto 22) – pag-usapan ang problema. Huwag hayaan na lumipas ang magdamag na hindi kayo nag-uusap at nagkakaayos. Lucky days/

bisitahin ang sumusunod na website: h t t p : / / www.scribd. com/ doc/36890323/Pambansang-SeminarWorksyap KOPYA NG DEP ED MEMO BLG. 340 S.2010: Maaaring makakuha ng kopya ng memorandum ng Departamento ng Edukasyon sa sumusunod na link: http://www. deped.gov.ph/cpanel/ uploads/issuanceImg/DM%20No.% 2 0 3 4 0 s . % 202010.pdf ANG TAGAPAMAHALA: Ang pambansang seminar worksyap ay pinapangasiwaan ng Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila. Ang gawaing ito ay bahagi ng pagdiriwang ng UST ng ika-400 taon ng kanyang pagkakatatag. Ito rin ay malugod na ineendorso ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng DepEd Order No. 340 s. 2010 at ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukas-

yon. REHISTRASYON: Ang bayad sa rehistrasyon ay PhP 2, 800.00 para sa tatlong (3) pananghalian at anim (6) na meryenda, lugar na pagdarausan ng gawain, seminar kit, honoraria ng mga tagapagsalita, mga sertipiko at iba pang kaugnay na gastos. Bukas ang pagpapatala hanggang sa unang araw ng pambansang seminarworksyap bagamat makatitiyak ng slot ang maagang makapagpapasok ng kanilang mga pangalan. MGA KATANUNGAN AT KARAGDAGANG DETALYE: Para sa karagdagang mga detalye, maaaring makipagugnayan kina Prop. Alvin Ringgo C. Reyes (0917 8621216), Prop. Zendel M. Taruc (0919 5667779) o G. Ronald Manalastas (749 9779) o lumiham sa alvin ringgoreyes @gmail. com., maaari ring bumisita sa facebook account na: UST Pambansang Seminar-Worksyap 2010.

HOROSCOPE

NI MIDNIGHTJT nos./color=Friday/ 4-19-21-40-42=pink SCORPIO (OktuSaturday=1-7-19-21bre 25 – Nobyembre 30-45=brown VIRGO (Agosto 23 22) – Walang bagay – Setymbre 23) – Mga sa mundo na di mo banal na bagay ang makukuha kapag magpapaswerte sa ang ginagamit mo iyo ngayon. Hindi lang ay ang napakalakas proteksyon ang ma- mong karisma. Ito kukuha mo, kundi ang ang kapangyarihan magi to rin ay magpa- mo. Nawa lakipan paganda sa kapala- mo ang malinis na ran mo. Lucky days/ puso at kalooban. nos./color= Wednes- Lucky days /nos/ coday/Friday=6-22-29- lor= Tuesday/Wed36-38-46=red nesday=9-16-21-33LIBRA (Setyem- 34-39=black bre 24 – Oktubre 23) SAGUITARIUS – Iihip ang sariwang (Nobyembre 23 – 21)hangin at makaka- Disyembre darama ka ng pag- Huwg mag-alala. dating ng bagong Magkakaayos din pag-ibig. Ang pau- kayo. Ang mahalaga nang balita ay mag- ay bukas ang isipan sasabing malilimot mo sa anumang pamo ang iyong mga liwanag. Lucky days/ kalungkutan. Lucky nos./color= Monday/ d a y s / n o s . / c o l o r = Tuesday=10-12-19Thursday/Sunday=3- 31-34-45=beige


CMYK

Alay sa Pista ng Nstra Sñra De Porta Vaga

LIBRENG SAKAY SA CHUBIBO!

MGA MAGSASAKA SA BANSA MAMALAGI SA METRO MANILA DAR, QUEZON CITY - Daan-daang magbubukid mula Timog Katagalugan ang may dalawang buwan ng nagkakampuhan sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City upang iprotesta ang mga usapin sa problema sa palupa ng mga magsasaka sa Hacienda Looc sa Batangas at Quezon. Sumuporta rin ang iba’t ibang grupo ng mga magbubukid partilukar sa Cavite, Laguna, Rizal at Mindoro. May ilang beses bak ng Cagayan, ila-100 araw ng parin silang nagpaba- Hilagang Luzon, Ka- nunungkulan ni PNoy balik-balik sa may bikulan at Gitnang bilang Pangulo ng paanan ng Mendiola Luzon partikular ang bansa. upang igiit kay Pa- mga taga-Hacienda Ayon kay Nestor ngulong Benigno Luisita sa Tarlac na Villanueva ang Simeon “Noynoy” pagmamay-ari ng Spokessssssperson Aquino III ang pagpa- angkan ng mga Co- ng Katipunan ng Mga patupad ng tunay na juangco ni PNoy. Magsasaka sa Tireporma sa lupa sa P i n a k a t a m p o k mog Katagalugan ilalim ng sinasabing naman sa kanilang (KASAMA-TK), ” Itlog administrasyon nito pagkilos ang malak- o zero ang nagkakaina nagsusulong ng ing martsa-rali ni- sang grado na ibinimga reporma at pag- tong nakaraang Bi- bigay ng sektor ng babago sa pamaha- yernes (Oktubre 8) magbubukid kay laan. mula DAR sa Quezon PNoy sapagkat maSumuporta rin City hanggang paa- rami sa kanyang mga ang mga magbu- nan ng Mendiola u- naipangako noong bukid mula sa Lam- pang tuligsain ang kampanyahan, inau-

Alay sa Kapistahan ng

Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga de Cavite Puerto

Sa pakikipagtulungan ng

Lumagui Amusement Park at Responde Cavite

populasyon ng Cavite ay maaaring tumaas mula 3 milyon ay magiging 9 milyon sa taong 2015. Maaaring ang murang pabahay at ang napakaraming job sites, paaralan at iba pang mga imprastraktura sa Cavite ang nakapagpapaisip sa mga tao na manirahan dito. JUN ISIDRO

3 coupons= 1 ride

umaalis upang magtrabaho at ang 1.2 milyon naman ay nananatili sa Cavite. Sa laki ng populasyon ng Cavite maituturing na ito ang pinakamataas sa buong bansa. Dagdag pa ni Samson mula sa 3 milyon na populasyon ng Cavite maaari pa itong matriple sa susunod na 5 taon. “Ang

(Vol. 2 issue 3)

CAVITE, – Mahigit sa kalahati ng populasyon ng Cavite ay nagiging residente ng Metro Manila at mga kalapit na lugar nito ayon kay Provincial Population Development Office (POPDev) Filipina V. Samson kamakailan. Ayon kay Samson mayroong 3 milyong populasyon ang Cavite, 1.8 milyon sa mga ito ay

Maaari lamang gamitin sa Oct. 12, 2010.

Exodus sa Cavite

gural speech at SONA ay napako. Maging ang pagpapatupad sa tunay na reporma sa lupa para sa aming mga magasasaka ay wala pa ring malinaw na kasagutan matapos ang 100 days ng kanyang panunungkulan.” Ayon naman kay Axel Pinpin na lider ng Kalipunan ng Mga Magsasaka sa Kabite (KAMAGSASAKAKA), “Hindi kailangan ang matatamis na pangako ng pagbabago sa pamamahala at gobyerno, ang kailangan mismo ng mamamayan ay ang matibay na kongkretong programa at serbisyong panlipunan na nakabatay sa mga pangunahing serbisyo na kinakailangan ng mamamayan katulad ng trabaho, edukasyon, karapatan, kalusugan, sahod at lupa. Kung ang mga ito pa lamang ay di nararamdaman ng mamamayan, ay nasaan na ang pangako niya para sa isang landas ng matuwid na daan ng pagbabago.” Samantala, sa susunod pang dalawang linggo ay muling babalik ang mas malaki pang hanay at pwersa ng mga magsasaka sa bansa sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) para naman sa isang mahabang Lakbayan ng Mga Magsasaka mula kanayunan pabalik ng Metro Manila upang patuloy na igiit sa pamahalaan ni PNoy ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa para sa mga magsasaka at para gunitain na rin ang Peasants Week at International Food Week. –REX DEL ROSARIO

BILANG alay sa nalalapit na kapistahan ng patron ng lunsod ng Cavite na Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga de Cavite Puerto, bilang bahagi ng anibersaryo ng Responde Cavite at pasasalamat ng Lumagui Amusement sa mamamayan ng Lunsod ng Cavite ay inilunsad ang programang ‘Libreng Sakay sa Chubibo’. Ang libreng sakay ay magkatuwang na binuo ng Responde Cavite at Lumagui Amusement para sa pagtangkilik ng mamamayan ng Lunsod ng Cavite sa dalawang kompanya. Ang isyu ng Responde na Vol. 2 issue 1, Vol. 2 issue 2 at Vol. 2 issue 3 ay maaring gamitin sa Oct. 12, 2010. Samantalang ang Vol. 2 issue 4, Vol. 2 issue 5 at Vol. 2 issue 6 ay magagamit sa Nov. 04, 2010. Kinakailangang makaipon ng tatlong (3) coupon para magamit bilang passes sa isang (1) sakay lamang. Na-kasulat sa coupon kung anong petsa ito maaaring gamitin. Kaugnay nito, nanawagan ang Lumagui Amusement at Responde Cavite na kung hindi rin lang naman gagamitin ang mga kupon na matatagpuan sa Responde Cavite o may kakayahan naman ipasyal ang kanilang mga anak, maaaring nilang ipamigay o ipamahagi ang kupon sa kung sinumang nais nila lalong lalo na sa mga kapos palad na pamilya upang kahit minsan sa isang taon ay makaranas ng simpleng kaligayahan para sa mga bata alay sa Mahal na Patron.

vol2_cavite_3  

Cavite News, Balita, Pahayagan, Tabloid, newspaper, Opinion, Politics