Page 1


2

PEBRERO 28 - MARSO 06, 2010

SORTEO FESTIVAL, DINAGSA CARMONA, CAVITE – Isang engrandeng parada ng mga karosa at mananayaw ang nagbukas sa kakaibang Sorteo Festival ng bayan ng Carmona noong ika-16 ng Pebrero na pinangunahan ng pamahalaang bayan sa pamumuno ni Mayor Roy Loyola at sinaksihan ng libu-libong katao. IKATLONG SORTEO FESTIVAL SA CARMONA, CAVITE - Makikita sa larawan si Cavite Gob. Ayong S. Maliksi (ikalawa sa kaliwa) , kasama sina Carmona Mayor Roy Loyola (kaliwa), PNPA Administrator Ting-Ting Coquangco (ikalawa sa kanan) at Sorteo Festival 2010 Chair Dahlia Loyola, MD habang ginagawa ang ceremonial “hampas palay” upang pormal na buksan ang Sorteo Festival 2010 ‘Gintong Butil, Ani ng Kinabukasan’ noong Martes, ika-16 ng Pebrero. Ang Sorteo Festival ay nagsimula bilang Sorteo ng Bukid ng Bayan, isang kaugalian na nag-umpisa pa noong itatag ang Carmona taong 1857 sa bisa ng kautusan ng kastilang gobernador heneral noon. Ang Sorteo, isang salitang Kastila na ang kahulugan ay “draw” o “raffle”, ay inilunsad bilang

demokratikong pamamaraan ng pagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga naninirahan sa Carmona upang makapagsaka sa mga lupang pampubliko. Ang Sorteo ng Bukid ay ginagawa lamang sa Carmona at upang pahalagahan ang tradisyong ito, naglunsad ang pamahalaang bayan

sa pamumuno ni Mayor Roy Loyola ng Sorteo Festival noong 2004 na isinasagawa kada tatlong taon. Ang pinaka-aabangan ng mga tao na kaganapan sa kapistahang ito ay ang pagbunot o raffle ng mga lupang pangsakahan na ibibigay sa kwalipikadong residente ng Carmona kung

saan ay binibigyan ng pagkakataon ang mananalo na sakahin ang partikular na lupa para sa produksyon ng palay at gulay at magkaroon ng ikabubuhay mula dito sa loob ng tatlong taon at pagkatapos ay muling magkakaroon ng bunutan. Ngayong taon, may kabuuang bilang na 190 parsel ng lupa (1-2 ektarya bawat parsel) ang nakatakdang i-raffle. Sa mga magwawagi, ang pamahalaang bayan ng Carmona ay magkakaloob ng suporta sa pagsasanay na pang-agrikultura at subsidiya sa patubig at pananim. Ayon kay Mayor Loyola, “simula noong ika-21 siglo, binago ng Carmona ang pagkilos tungo sa ikauunlad ng mga mamamayan. Bagaman ang Carmona ay naging industriyalisado sa pagpasok ng iba’t ibang pagawaan, hindi naman binalewala ang kaunlarang

pang-agrikultura. Ang pamahalaang bayan ay nangangako na poprotektahan ang mga natitirang lupang pangsakahan para ang mga susunod na henerasyon ay mayroon pa ring sasakahin at may dahilan pa rin upang ipagdiwang ang Sorteo kada tatlong taon. Dagdag pa ni Mayor Loyola, “ipinakikilala namin ang Carmona bilang “Center for Investment and Sports in CALABARZON,” at kasabay nito, layon namin na makahikayat ng mga turista at isa ang Sorteo Festival sa makakatulong dito. Ang isang linggong pagdaraos ng Sorteo Festival ay punong –puno ng ibat ibang kaganapan. Nagsimula ito sa makulay na “Ani ng Kinabukasan”, Bahay mo, Gayak Sorteo House Decoration Contest, Parada Sorteo kasama ang Sorteo floats, Bb. Sorteo finalists at Sorteo Mascot, (Super Teo), Hataw-Galaw,

Indak Sorteo Street Dancing Open Competition at Battle of the Bands. Sa ikalawa at ikatlong araw ng kaganapan, masasaksihan rin ang Drum and Lyre Band Competition ng mga mag-aaral ng Carmona Elementary school, Gintong Tinig, Gintong Himig Amateur Singing Contest Grand Finals, Sorteo Misa ng Pasasalamat, Karakol sa Sorteo, Gay and Lesbian Basketball Exhibition Game, Basketball kasama ang Kapamilya Stars, Parangal sa Gintong Butil Appreciation Dinner and Recognition sa 10 Outstanding Carmonians at Sorteo Bingo sa plasa. Sa ikaapat na araw naman ay magkakaroon ng local and overseas job fair para sa mga naghahanap ng trabaho . Kasunod nito ang pinakahihintay na Bb. Sorteo 2010 Coronation Night at ang Grand Opening ng Lottery – hatinggabi ng Pebrero 20, 2010, na siya ring ika153rd founding anniversary ng Carmona.

Masayang nagpakuha ng larawan si Cavite Gob. Ayong S. Maliksi (ikalawa sa kanan) kasama si Sen. Kiko Pangilinan, campaign manager ng Liberal Party at pangunahing tagapagsalita sa pagdiriwang ng ikaapat na taong anibersaryo ng Botika ng Lalawigan sa Cavite. Mula ng ilunsad ang botika noong ika-28 ng Pebrero 2006 bilang isang economic enterprise, umabot na sa mahigit 23 milyong piso ang kabuuang kita nito sa kasalukuyan. Makikita rin sa larawan sina (mula kaliwa) BM Aileen Beratio, BM Arlyn Arayata, BM Ver Ambion, BM Louie Pagtakhan, BM Recto Cantimbuhan, at BM Tabok Dilag.


PEBRERO 28 - MARSO 06, 2010

Lider ng kilabot na grupo, nalambat sa Cavite NI SHELLA SALUD

MAYNILA—Inihayag kamakailan ng kapulisan ng Maynila ang pagkakadakip sa lider ng Ampang-Colangco robbery group, kilabot na grupong nanloloob ng bangko sa Kamaynilaan at Pampanga. Sinabi ni Director Roberto Rosales, hepeng pulisya ng National Capital Region, na si Felimon Taghoy, alias Emong, ay naaresto sa Bacoor, Cavite noong ika18 ng Pebrero. Sinabi nito na si Taghoy ay isa sa mga lider ng Ampang-Colangco robbery group, na syang hinihinalang responsible sa serye ng panloloob sa bangko sa Metro Manila at Pampanga. Ilan sa kanilang biniktima ay ang Land Bank sa West Avenue, Quezon City noong Enero 2008; Banco de Oro armored van robbery sa San Dionisio, Paranaque City noong Hunyo 4, 2007; Banco de Oro sa San Fernando, Pampanga ng Pebrero 9, 2005; Country Rural Bank of Taguig noong Oktubre 15, 2004; Banco de Oro armored van robbery sa SM North Edsa, Quezon City noong Abril 5, 2004; BDO armored van robbery sa SM North Edsa, QC at Premier Bank sa Las Pinas City noong E-

nero 20, 2004; BPI Family Bank sa Molino, Bacoor, Cavite noong September 10, 2003; Asia Trust Ever Gotesco on Commonwealth, Quezon City noong Hulyo 2003; Prudential Bank sa Evacom, Paranaque City noong Pebrero 12, 2003; at Asia Trust in Ever Gotesco nong Hulyo 2002. Nadampot si Taghoy sa bisa ng arrest warrant na pinalabas ni Judge

Lorna Navarro ng regional trial court branch 201 ng Las Pinas City sa krimen ng pagnanakaw.. Binaggit ni Rosales na nakuhang pagtaguan ni Taghoy ang kapulisan dahil sa paggamit nito ng iba’t ibang alyas. Gayunman, inginuso ito ng isang impormante sa pamamagitan ng tattoo nito sa kaliwang kamay at dibdib. Dahil sa pagkakadampot kay Taghoy, sina-

bi ni Rosales na napigilan ang posibleng pananalakay mulin ng grupo nito rehiyon. Sa isang press conference, inamin ni Taghoy na nakikipagpulong na ito sa mga kasapi ng AmpangColangco robbery group para makapanloob uli. Binaggit din nito na natukoy na nila ang ilang poseibleng maging target

at nagre-recruit ng ilang security guard para makatulong sa kanilang operasyon. Dahi dito, pinakiusapan ni Rosales ang publiko na maging mpagmatyag at makipag-ugnayan sa pulisya sa pamamagitan ng pagtawag sa 117 o (02) 838-3354 para sa anumang kahinahinalang gawain.

Sa La Salle-Dasmariñas ang aksyon

PETRON BEACH VOLLEY SIMULA NA ANG unang ariba ng 2010 Petron Ladies’ beach volleyball tournament ay nagsimula na noong Huwebes na may mga bagong mukha na inaasahang maging bagong bayani sa buhanginan na kaunaunahang gagawin sa De La Salle-Health Sciences Institute sa Dasmariñas, Cavite. Sampung koponan ang maghahangad ng tagumpay sa gitna ng tag-init ngunit ang pares ng Philippine Christian University na sina Alyanna Marie Gorospe at Ana Adolfo ang mukhang dapat

ingatan dahil sa kawalan ng mga beteranong spikers sa novice leg. Bagamat first-timers gaya ng iba pa nilang makakalaban, malaki ang inaasahan kina Gorospe at Adolfo lalo na kung isasali ang naging laro ng mga ito sa Petron tournament, na ngayon ay nasa ika9 taon na. Ang pares ng PCU ang nakaungos sa anim na koponan ng NCAA-South beach volley competition ng taong ito nang talunin ang Perpetual Help. “Sana maging maganda ang laro namin kahit medyo hirap sa adjustment sa parte naming kasi mas malaking tournament ito,” wika ng 5-foot-3 na si Gorospe sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s U.N. Ave. branch. Kabilang ang mga manlalaro mula sa University of the East A’s na sina Francesca Cresini at Mary Anne Balmaceda, UE-B’s Jessica Paron at Aimee

3

Seniors tilt sa Southwoods PAPAGITNA ang mga Senior golfers ngayong linggo upang mapagwagian ang iba’t ibang dibisyon sa ikalawang Manila Southwoods Seniors Invitational Tournament ngayong ika- 24-25 ng Pebrero sa Legends and Masters courses sa Carmona, Cavite. Mahigit sa isandaang pares ang inaasahang magpakitang gilas sa two-man team event, na handog ng Yamaha at American Wire and Cable Co., Inc., Bawat koponan ay bubuuin ng isang Southwoods seniors’ chapter member at ang kanyang bisita na dpat ay 55 anyos pataas na may maximum handicap para sa guest pegged na 24, sang-ayon sa organizing committee na pinamumunuan ni Southwoods seniors board vice president Paco Gonzalez at president Jose Cedo.

dele Rosa, Ateneo-A’s Asia Urquico at Jessica Morado, Ateneo-B’s Shara So at Khryzette Oliver at Sundian Onishi, PUP’s Ferlyn Hermoso at Melanie Lumanlan, Philippine Women’s University’s Suzanne Navarro at Lucille Pael, San Beda Alabang-A’s Nicole Dela Cruz at Ana Villa Blanca, SBCA-B’s Joanne Castillo at Jaymie Yap and Philippine School of Business Administration’s Dyrene Benecio at Joan Morata. ERWELL PEÑALBA


4

PEBRERO 28 - MARSO 06, 2010

Paano malalaman kung binobola ka ng kandidato (2) SA mayor pa rin-Tanungin natin ang ating sarili. Bakit ko siya kailangang iboto? Kung re-electionist o muling babalik sa pagkaalkalde, ano na ba ang kanyang nagawa sa panahon ng kanyang panunungkulan? Nagbago ba ang takbo ng buhay ng kanyang nasasakupan? Siya ba’y nakatulong sa mahihirap o naging pahirap? Kung bago naman, may kakayahan ba siya? Karapat-dapat ba nating ipagkatiwala ang kalagayan ng ating bayan sa loob ng tatlong taon? Board member o bokal. Sa madaling salita-- councilor the next level. Vice Gob. Bagamat maituturing itong next level naman ng vice mayor, ito naman ay may panglalawigang saklaw. Gobernador. Ang ama ng lalawigan. Lolo ng bawat bayan. Kongressman. Bagamat lehislatura ang kanyang trabaho, siya rin ang kinatawan ng kanyang distrito. Importanteng alam niya ang pangangailangan ng kanyang nasasakupan. Lagi niyang nakakasalamuha at madali siyang lapitan. Pero siyempre, dahil lehislatura ang kanyang papasukan, kailangan ay alam niya kung ano ang kanyang pinagsasabi sa plenaryo (kung may masasabi man). May presyo ang kanyang bawat pagtaas ng kamay, lalo na kung galing sa Malakanyang ang manda at nire-railroad pa ang isang proyekto. Mamahaling turon ang kinakain. Live manood ng boksing. Paminsan-minsan ay suma-sideline na bodyguard ng Speaker of the House, ng Pangulo at dati ay pati sa First Gentleman. SUNDAN SA P.12

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district

wilfredo generaga melvin ros circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Mula Pangako Hanggang Survey (T ag-ar aw, Tagtuy ot, Tag-a bot, Tag-ulan) (Ta g-ara gtuyot, g-abot, WHAT you do not understand, you cannot control (Ang hindi mo maunawaan, hindi mo marerendahan)- Herb Cohen Sing-init ng tag-araw ang takbo ng pulitika sa Lalawigan ng Cavite. Sindami ng mga nagsibaligtaran ang nagsipagbalimbingan. Halos lahat ng Kapitan ng Barangay, kapag sinuyo ng isang politiko, iisa ang pangako: “Sagot kita sa barangay ko!” kahit ibinigay na nito ang matamis na “oo” sa magkakabilang partido. Natural pangako rin ni romantikong politiko ang pagsagot sa ilang munting hiling at lambing ni Kapitan. Lalo na kapag nanalo, langit, buwan at bituin ang igaganti sa pagmamabuti ni Kapitan. Ang hindi alam ng mga politikong ito, napakaraming pag-aaral na ang isinigawa na HINDI NA GANOONG SINUSUNOD ng mga constituents ang politikong iniindorso ng isang kapitan. Pinatunayan na ito

ng napakaraming eleksyon. Ang hindi ko lang maintindihan, napakatitigas pa rin ng ulo ng ilang nagpapalagay na eksperto at kritiko ng eleksyon. Kung sabagay, sinu-sino ba naman ang magkakautuan kundi silasila ring nag-uutuan. oOo Nagbibitak-bitak na ang maraming bukirin at taniman dahil sa tagtuyot. Gaya rin ng ilang partido-politikal. Nagsisimula nang magbitakan. Paano kasi, may ilang tumatakbo at muling tumatakbong konsehales na nagsosolo-lakad. Naiinggit naman ang ilang mga katiket. E, ang kakapal naman kasi ng ibang kandidato sa pagkakonsehal. Gusto ng free ride. Ayaw gumastos. Ayaw mag-invest ng pagod at hirap. Gusto nila, kapag pumorma ang kasamahan, dapat kasama sila. Kapag sumisikat ang isa, gagawan ng intriga. Magsusumbong pa sa kanilang pambato sa pagka-Mayor. Bakit daw hinahaang magsolo si ganito at si ganya. E, kupal ka pala. Paano magsosolo e hindi pa naman pormal na araw ng kampanya. SUNDAN SA PAHINA 12

Sagot ni Kapitan, hinggil sa reklamo MATAPOS nating mailathala noong nakaraang isyu ang hingil sa reklamo laban sa isang kapitan ng Rosario ay mabilis itong inaksyunan ni Kapitan Andy Solis ng Barangay Muzon I. Sa isyung ating tinalakay ay ating kinalampag ang naturang kapitan dahil sa diumano’y mga illegal na nakikikabit ng kuryente sa kanilang barangay. Para sa patas na pamamahayag ating ilalathala ang panig ni kapitan Andy Solis. Nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap si kapitan Solis ng personal upang makuha ang kanyang panig hinggil sa usapin. Sa unang pagtatagpo, nakita ko ang galit at sintimyento ni kapitan. Syempre ikaw na ang madyaryo! Di bale nga sana kung papogi-points, kaso reklamo laban sa kanya ang nakalathala sa dyaryo. Hindi natin syempre sinalubong ang galit ni kap, hinayaan natin siyang magpaliwanag at pinakinggan ang kanyang panig. Ayon kay kapitan Solis, aminado siyang marami nga sa kanyang mga residente ang nakikikabit sa kanyang barangay dahil nga hindi sila makakuha ng sariling kuntador ng kuryente. Mayroong kabuuang labing-limang kabahayan ang nakikikabit sa linya ng kuryente sa kanyang barangay hall. Subalit ang ilan sa mga ito ay matagal na umanong nakikikabit sa panahon pa ng dating kapitan. Kanya na umanong inabutan ang mga kabahayang ito nang siya ay magsimulang manungkulan. Dahil sa reklamong ito, nagkaroon ng pagkakataon si kapitan na kausapin ang bawat isang kabaha-

yan na nakikikabit sa kanyang barangay. Maayos niya naman umanong kinausap ang mga ito at malugod itong tinanggap ng kanyang mga residente na tanggalin na ang mga nakakabit na kuryente. Matapos na ito’y mailathala sa diyaryo ay walang kagatul-gatul itong pinag-aalis ni kapitan. Hindi naman tayo nagdadamot ng usaping papuri, lalo na sa mga serbisyong-publiko. Kung kailangang kalampagin hindi tayo magdadalawang isip at kung kailangan namang purihin eh bakit ipagdadamot. Kaya naman, nasisiyahan tayo sa aksyong kanyang ginawa. Okay yan Kap! Aksyon kaagad! oOo Tulay sa Panamitan, Kawit ginawang paradahan ng sasakyan Masikip para sa mga dumaraang sasakyan noon ang tulay ng Panamitan kaya pinondohan ito ng gobyerno upang malaparan ang naturang tulay. Nang gawin ang tulay na ito upang malaparan ay marami ang nasagaang kabahayan. Subalit naging maganda naman ang resulta ng matapos ang proyektong ito. Lumapad ang dating makipot na tulay. Subalit ang hinaing ng ilang mga residente dito at maging ng mga nakakakita ay naghihimutok sa galit dahil sa mga nakabarandang sasakyan sa tagiliran nitong tulay. Dahil ang pinalapad palang tulay ay hindi upang lumuwag para sa mga motorista bagkus ay ginawang paradahan ng sasakyan. Masyadong delikado nga naman ang problemang ito, bakit sa ibabaw ng tulay ka nga naman magpaparada ng sasakyan? Hindi po ba ito nakikita ni Mayor o kahit ni kapitan? Ang tulay ay nilaparan hindi upang gawing paradahan. Mayor Tik Aguinaldo, paki-aksyon naman po! Maghihintay po kami ng inyong aksyon.

Uso sa ta g-Init tag-Init TAG-INIT na naman, patindi ng patindi ang nararamdamang init ng panahon dahil sa pananalasa ng El Niño. Karagdagang pagiingat mga kababayan lalo na sa traydor na heat stroke. Karaniwang nangyayari ito kung ang sinuman ay kinulang ng suplay ng tubig ang body system. Upang maiwasan ang kakulangan sa tubig ng ating katawan, 8 glasses a day ang dapat inumin o higit pa. Uso rin ang tigdas na napakadaling makahawa dahil ito ay airborne desease. Panatilihing malusog

ang pangangatawan. Kumain ng prutas at gulay na sagana sa bitamina tulad ng Vitamin C. In na in din ang sore eyes, bungang-araw, sipon at ubo, isama na rin sa listahan ang food poisoning. Dahil madaling mapanis ang mga lutong pagkain sa panahon ng tag-init. Ang pinakasikat sa lahat ang SUNOG na karaniwang nagmumula sa tahanan. Libu-libo ang nawawalan ng tahanan at mga mahahalagang kagamitan dahil sa sunog. Kung panahon na nang tag-init, ito na rin ang magandang panahon at pagkakataon ng akyat bahay gang para pag-initan nilang pasukin ang mga bahay na walang tao na kasalukuyang nagpapalamig sa mga beach at resort.


PEBRERO 28 - MARSO 06, 2010

5

Wetlands – Gamit sa K aunlar an Kaunlar aunlaran

ANG Wetlands ay binigyan ng maliwag na katuturan ng ‘Ramsar Convention on Wetlands of International importance’ idinaos sa Ramsar, Iran noong 1971 na tanggap sa buong daigdig: ‘Areas of marsh,fen,peatland or water, whether natural or artificial, permanent or temporary, with water that is static, Howing, fresh, brackish or salt, including areas of marine water, the depth of which, at low tide does not exceed six meters’. Ang nasabing pakahulugan ng Wetland ay sumasakop sa batuhan (reef flats) at damuhan (seagrass beds) sa dalampasigan, sa putikan (mudflats), bakawan (mangroves), wawa (estuaries), ilog, latian (marshes), kagubatan at lawa (lakes), at maalat na lati at dagat-dagatan (saline marshes and lakes). Mayroon ding makitid na pakahulugan ang Wetlands na tinaguriang ‘ecotones’ o pook na pagbabago ng kalupaan at tubigang kapaligiriran na kung saan ang babad na lupa ay sinisibulan ng likas na gulayan (characteristic vegetation). Dito ang lugar lamang ng lawa na may lumitaw na halaman (emergent vegetation) ang Wetlands at di kasama ang liyag na tubig (open water). Bihirang gamitin ang pakahulugang ito di tulad ng naunang malawakang

pakahulugan na sumasakop sa lahat ng lupon ng tubig (water bodies). oOo Kasama sa ‘Ramsar definition’ ang malawakang pagbubukod-bukod (classification) ng ‘Wetlands Habitats’. Ito ay ang ‘Salt Water, Fresh Water and Man-made Wetlands’. Ang ‘Salt Water ay nahahati sa ‘ Marine, Estuarine, Lagoonal and Saline (Internal Drainage)’. Ang ‘Marine’ ay binubuo ng ‘Subtidal’ (permanent unvegetated shallow waters, aquatic vegetation and marine meadows and corals reefs), and ‘Intertidal’ (rocky marine shores, mobile stones, unvegetated mud and sand flats, mangroves and vegetated sediments).

Ang Estuarine ay ‘Subtidal’ (permanent water of estuaries and systems of deltas) at ‘Intertidal’ (mud, sand or salt flats with limited vegetations, salt meadows and freshwater marshes, forested wetlands, and fresh water swamps forest). ‘Lagoonal’ ang tawag sa maalat na lanaw na may makikitid na pagkakadugtong sa dagat at sa ‘Saline’ ay ang permanente o pana-panahong maalat na lawa at latian. oOo ‘Fresh water wetlands’ ay binubuo ng tatlong category na tinatawag na ‘Riverine, Lacustrine and Palustrine’. Ang ‘Riverine ay hinahati sa ‘Perennial’ (permanenteng ilog kasama

ang talon at deltas) at ‘Temporary’ (seasonal flowing rivers and streams, flood rivers basins and grassland, floodplains and river flats). Ang ‘Lacustrine’ ay ‘Permanent fresh water lakes including shores subject to seasonal inundation’ at ‘Seasonal water lakes including flood plain lakes’ Ang ‘Palustrine’ ay binubuo ng ‘Emergent permanent fresh water marshes and swamps, upland valley swamps, springs and oases with surrounding vegetation, peatlands and volcanic fumaroles and Forested shrubs swamps, peatlands and freshwater swamps forest’. oOo Ang huling categorya,’

Man-made Wetlands’ ay binubuo ng mga sumusunod: 1. Aquaculture/Mariculture (Aquaculture ponds (Including fish and shrimps ponds). 2. Aqriculture (Farm and stock ponds, irrigated land and irrigation canals including rice fields and ditches and seasonally flooded arable land). 3. Salt Exploitation (salt pans and evaporation ponds). 4. Urban/Industrial (excavations including gravel pits, borrow pits and mining pools and wastewater treatment areas including sewage farms, settling ponds and oxidation basins. 5. Water Storage Areas (Reservoirs holding water for irrigation and human consumption and

hydro-dams with regular fluctuations in water level on either a weekly or monthly basis). Malawakan ang ‘Classification’ itong inirekomenda ng Ramsar Convention na posibleng baguhin ng bawat bansa sang-ayon sa katangian at pangangailangan ng ‘ecosystem’. Kaya lamang mahalaga ang ganitong pagsusuri ng Wetlands upang maunawaan ng lubos ang kanilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga pamayanan. Ang mga kapakinabangan na dulot ng Wetlands ay mahalagang sangkap sa kaunlaran lalung-lalo na sa mga sektor ng Agricultura at Industriya. Ito ang ating tatalakayin sa susunod na karugtong ng ating corner.

LETTER TO THE EDITOR Ayaw bigyan ng right of way AKO po si VIC CATUBAY , nakatira Blk 77 Lot 31, Carissa Homes Tanza, Cavite. Ang property na nabili ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang developer ay Casa Regalia. Nag-umpisa ang problemang ito nang nag-apply po ako sa Meralco. Na isa sa mga require nila ung right of way na ayaw ako bigyan ng Casa Regalia o Camella na isang developer at ito raw ay property ng Bangko Central ng Pilipinas at ako ay tumatawag din sa naturang opisina ng BSP at itoy itinanggi rin ng kinaukulan dahil sila ay nagbebenta lamang daw. Sa malabong aksyon ng dalawang panig inilipat ko ang poste sa gilid ng bahay at ang remarks ng Meralco ay yung extention of facilities. Na sya ring nagpapalaki ng problema ko kc po ayaw tanggapin ng developer at yung vendor ung responsibilidad nila. Ayon sa Meralco kung di sila sasalo sa remarks na ito ng Meralco ako kasi ang gagastos na aabot kulang-kulang 100 libong piso. Kaya po ako dumulog sa tanggapan ng RESPONDE CAVITE para may pumapagitna sa usaping ito. Sir umaasa po akong may solusyon sa problema ko sa tulong nyo po. Gumagalang VIC CATUBAY ng Carissa, Tanza. 09292442465.. God Bless po more power to your newspaper....

TRIPLE R PR SPECIALIST For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501

Ang katotohanan sa STCAA fund AKO ay isa sa mga nakasaksi sa tunay na pangyayari sa pondo ng STCAA. Totoo pong ibinigay ni Mayor Totie ang allowance ng mga batang atleta, pero iyon po ay tinga sa dapat sanang pondong mailaan sa nasabing paligsahan. Hindi po totoong hindi kami sumunod sa proseso. Humarap po ang mga magulang, guro at mga organizer ng STCAA sa isang pulong kay Mayor Totie Predes, iyon po ay malayo-layo pa ang itinakdang petsa ng paligsahan. Ang sinasabi n’ya pong katwiran na dapat kaming sumunod sa patakaran ay ginawa po namin. Lahat ng mga papeles na kakailanganin ay ginawa namin. Lahat po ng proseso ay sinunod namin. At nang matapos na ito at oras na para ipost sa ineternet para sa bidding ay bigla n’ya po itong ipinahinto. Na alam namin sa

politikal na dahilan sa DepEd. Minsan na namin sinabi sa kanya na ito ay para sa mga bata at ang karangalan ng lunsod ang siyang nakataya. Ganunpaman, hindi talaga nai-post sa internet ang bidding. Minsan pa nga ay may isang empleyado ang nagpaalala kay Mayor. “Ilalagay na rin po natin ‘yung sa STCAA?” “Sige,” sagot ni Mayor “Para bukas wala ka ng trabaho.” Sa kabila po nito, hindi po kami nagsawa sa pakikipag-ugnayan sa kanyang tanggapan at i-follow-up ang pagpo-post sa internet. Pero wala pong nangayari. Katunayan po, inatake pa ang city administrator na si Atty. Sismaet sa pagkapahiya sa pangyayari. Pero wala pa rin pong aksyon. Hanggang sa labis na pong nag-alala ang mga magulang at sumugod sa city hall. Doon po ay panay ang pambobola sa

amin ni Engr. Danny Campo Santo. Maraming ikinakatwiran. Pero alam po naming pulos kasinunalingan lamang. Maging si Vice Mayor Ohmee Ramos na namagitan sa amin ay hindi pinakinggan. At nang tinatawagan si Mayor ni Engr. Campo Santo at Vice Ohmee ay nagpatay na ng cell phone. Narinig pong lahat ng dalawang opisyal ng munisipyo ang aming hinaing ng mga oras na iyon nang sugurin namin ang city hall. Pero panay po ang pagtatanggol ng kanyang apostol na si Campo Santo. Hindi lang po ito ang unang pangyayari na naipit ang pondo ng STACCA, at alam namin na ang puno’t dulo ng lahat ay pulitika! Ito po ang buong katotohanan sa pondo ng STACCA. Sana ay mailathala ito para sa kabatiran ng lahat!


6

PEBRERO 28 - MARSO 06, 2010

GINANAP noong ika-19 ng Pebrero 2010 ang isa sa pinakamakasaysayang tagpo sa politika na naganap sa San Sebastian College Recoletos-Cavite nang mapagsama-sama ang ilan sa posibleng maging lider sa Lunsod at Lalawigan ng Cavite matapos ang pinakaabangang Halalan 2010. Dumating ang mga kandidato sa pagka-Gobernador na sina Trece Martirez Mayor Jun de Sagun, dating Bise-Gobernador na si Jonvic Remulla at si Board Member Recto Cantimbuhan na kumatawan kay Vice-Governor Osboy Campana (dahil nagluluksa pa ang huli sa pagkamatay ng ina). Kasama sina Tito Angcanan, Resty Enriquez, Ohmee Ramos, Ben Rusit at Tim Encarnacion. Sa harap ng mga estudanyante, simpleng mamamayan, media at lider-pamayanan, sinagot ng mga nagsidalong kandidato ang ilan sa mga napapanahong isyung kinakaharap ng Lunsod at Lalawigan. Layunin ng nasabing gawain ang makilala at makilatis ng sambayanan ang mga tumatakbong kandidato nang sa gayon ay makatulong ang nasabing aktibidad para sa mas mabisa at impormadong pagpapasya. Narito ang ilan sa naging tampok na pagpapahayag. DR. ENRIQUEZ: Unang-una ako ay nagpapasalamat sa San SebatianRecoletos sa pag-organisa ng ganitong talakayan dahil sa pamamagitan lamang nito ay mapapahayag natin ang ating damdamin sa ating mga kababayan. Alam nyo po ang aking Programa de Gobyerno ay panglimang beses ko na itong isinisigaw sa bayan. Dahil hindi ako nabigyan ng pagkakataon na magwagi sa labanan. Kaya nga, ito ay pang-limang beses ko ng laban. Sa edad na sinkwenta pa lamang ay lumalaban na ako, ngayon ay sitenta-anyos na ako. Hindi ako nagsasawang lumaban sapagkat malinis ang aking hangarin. Ang aking plataporma de gobyerno ay panglimang beses ko na pong sasabihin sa lahat ng sulok ng Cavite. Pangkabuhayan para ULAT NINA sa lahat nang umalis dito ang Sangley SID SAMANIEGO, Point ay biglang bumagsak ang ekoOBET CATALAN AT nomiya ng lungsod ng Cavite. Kung ito LESLIE DEYPARIN lamang ay mabibigyang prioridad upang maging isang Industrial Zone. (DIYARYO PATROL) Pangkalusugan Ako ay isang manggagamot kailangan ay magkaroon ng sapat na pondo para sa gamot at sa kalusugan ng lahat ng mamamayan ng lungsod ng Cavite. Pang-Edukasyon Hindi na kailangan pa nating magkariton upang mabigyan lamang ng sapat na edukasyon ang lahat ng mahihirap. Ang kailangan natin ay ang iangat at paramihin ang lahat ng Daycare Center. Pangkatahimikan Dito sa lungsod ng Cavite simula pa lang ng buwan ng Enero ng taong ito ay labing-isa na ang nababaril. Mabuti na lang ang dalawa ay maswerteng nabuhay. Hindi mahuli kung sino ang pumatay. Nang kausapin ko ang hepe ng kapulisan ng Cavite, ang sabi nila, 30 litros lamang ang ini-isyu ng lokal na gobyerno sa amin kaya hindi kaagad kami makapag-responde. Kaya nga po ako ay hindi nagsasawa. Kahit ako ay talo ng talo, laban ako ng laban. Alam nyo po si dating pangulong Abraham Lincoln ay walong beses siyang natalo bago siya naging pangulo ng Amerika. Subalit huwag ninyo namang gawin sa akin ang ganito dahil ako ay matanda na. OMEE RAMOS: Sadyang nakalulungkot ang katotohanan na ang lungsod ng Cavite ay projected po ng 106,088 hectares. Ang 30% na nakatira pa sa baybaying dagat at ang iba dito ay nangunguha ng kanilang makakanin upang sila ay mabuhay. Ang ating lungsod ay napaka-liit. Wala na tayong maidadagdag sa lungsod ng Cavite sapagkat tayo ay napaliligiran ng dagat. Kailangan nating bigyan ng espasyo ang ating lungsod. Kailangan natin ng masusing pag-aaral para sa tumpak na pagpaplano at implimentasyon. Ano ba ang potensyal na kalakasan? Una mayroon tayong look na tinatawag nating Bacoor Bay, Manila Bay at Cañaco Bay na dapat nating gamiting sa pangisdaan, mapatupad natin ng modern, teknolohiya sa Aqua Farming sa Bacoor. Magtatayo tayo ng Commercial Import sa Manila Bay at sa ikalawa, sa makasaysayang Cañaco Bay ay gagawin nating tourism, historical at cultural kaakibat nito ay ang pagtatayo ng Replika ng Wall of Porta Vaga. Hindi ko man maitaas ang antas ng ating lungsod ng Cavite mula sa pagiging 1st Class city ay naging 4th Class City sa panahon ng aking panunungkulan. Subalit ako ay determinado na matupad ang aking pananaw. Naitaguyod ko ang kalinisan at kaayusan na muli nating ibalik ang dating imahe ng Cavite na isa sa pina-malinis na lungsod ng Cavite. Itataguyod ko rin ang kooperatiba sa bawat brgy. sa ating lungsod. Ang Fort San Felipe ay gagawin nating EP2A upang ang karamihan sa atin ay dito na lamang magtrabaho. Tayo ay nagkakaroon ng 10 libo hanggang 15 libong empleyado kung ating maitataguyod na maging Free Port ang Sangley Point. Sa limang pangunahing character bilang pinuno ng isang lungsod, sa palagay ko ako ay may sariling commitment. Kailangan ay mayroon tayong commitment pa sa ating sarili upang matupad nating ang ating mga pangarap sa pama-

halaan. Subalit, marahil ako ay nangangailangan ng sapat at tugmang dibisyon upang magampanan kong lahat ang mga ito. BEN RUSIT: Hindi po ako pulitikong tao subalit may anak akong pulitiko. Mayroon po akong programa para sa ating lungsod ng Cavite. Para po sa akin, ang sukatan ng pagunlad ng isang munisipyo o lungsod ay nasa uri ng pagkatao ng mamamayan at hindi sa dami o populasyon ng lungsod. Naniniwala po ako, upang maibalik natin ang dating tikas ng ating lungsod ay dapat pagtuunan ng pansin ang mga sumusunod. Unang-una po, ekonomiya. Ako po ay isang negosyante kaya ako ay nagtitiwala sa pagpapahalaga sa lahat ng negosyong legal. Sinasabi nilang ang ating lungsod ay iisa lang ang pasukan at labasan. Ang karagatan po na nakapaligid sa ating lungsod ay isang malaking kalsada patungo sa kaunlaran. Ito ang advantage at disadvantage noong unang panahon ang dagat ang ginagawang daanan ng kalakalan. Kung nagawa ito noon ay mas lalong magagawa natin ito ngayon. Hindi rin sapat upang magbigay lamang tayo ng limos sa mga kababayan nating mahihirap, bagkus sila ay tulungan nating umunlad. Pangalawa ay ang Edukasyon ang susi sa pag-unlad ng isang bayan. Kaya kayong mag-aaral na naririto ay dapat maniwala sa kahalagahan ng edukasyon. Ang importante ay hindi maging mangmang ang mga tao sa Cavite City. Pangatlo ang kalusugan. Sisikapin po nating magkaroon ng Health Benefits Program o Health Insurance Program ang ating lungsod kung saan darating ang panahon ay hindi na sila mahihirapan kumuha ng gamot kung sakali mang sila ay magkakasakit. Pang-Apat, Kapayapaan Walang mamumuhunan sa lungsod kung walang kapayapaan. Mahalaga po ang kapayapaan, subalit kailangan magsimula ito sa ating sarili. DE SAGUN: Alam nyo ang San Sebastian ay mahal na mahal ko, dahil sampung-taon akong nag-aral dito, ang apat na taon dito ay naging working student ako. Alam nyo pokung ano ang ginawa ko sa lungsod ng Trece ay gagawin ko rin sa lalawigan ng Cavite. Walang sugal at droga. Dahil naniniwala ako na kapag walang sugal at droga ay maayos at tahimik ang bayan. Ang ugat ng paghihiwalay ng mag-asawa ay ang sugal at ang droga. Noong ako ay manungkulan sa Trece ang High School ay iisa. Ginawan ko na ng paraan upang ang mga mamamayan ang maayos na maka-pagaral kay Ginawa kong lima. Mayroon din po tayong CityCollege at Provincial Hospital. Sabi ko sa aking Chief of Police ang lahat ng nagkamali ay kailangang makulong. Kahit pa iyan ay kaibigan, kapatid o kumpare basta nagkamali dapat ikulong “Ako ay matagal ng Chief of Police, dito lamang ako nakaramdam ng tunay na pulis.” sabi sa akin ng aking hepe. Kaya po doon sa amin sa Trece ay maayos ang peace and order. Ako po ay nagpakulong ng Brgy. Captain. Dapat ay parehas, susunod ang tao kapag ang pamamalakad mo ay parehas. Wala pong nagagalit sa akin dahil walang sugal at droga sa Trece. Tingnan po niyo kung ano na ang Trece ngayon kumpara noon. Tingnan po ninyo ang ating dagat napakaraming illegal fishing kaya ang mga iyan ay akin ding patitigilin. Kapag malinis ang dagat, malinis din ang mamamayan. Nakikita na natin kung ano ang epekto ng global warming ngayon. Sobra ang init, sobra ang baha. Ang dating ilog ngayon ay tinirikan na ng mga kabahayan kaya tuloy nagbabaha. Kung sino man ang manalo dito sa Cavite City ay pupunta ako dito upang tulungan ang lunsod ng Cavite City upang bumalik ang sigla ng lunsod. Tingnan po ninyo kung ano na ang Trece ngayon kumpara noon. Tingnan po ninyo ang ating dagat napakaraming illegal fishing kaya ang mga iyan ay aking ding patitigilin. Kapag malinis ang dagat, malinis din ang mamamayan. Nakikita na natin kung ano ang nangyayari sa Global Warming ngayon sobra ang init, sobra ang baha. Ang dating ilog ngayon tinitirhan na, kaya nagbabaha. Kung sino man ang manalo dito sa Cavite City ay pupunta ako dito upang tulungan ang lungsod ng Cavite City, upang bumalik ang sigla ng Cavite City. JONVIC REMULLA: Pare-pareho lamang ang ating sinasabi dito sa entablado. Pare-pareho ang ating hangarin. Noong ako po ay nag-aaral sa UP-Diliman, sabi sa aking ng aking guro sa Philosophy: “You cannot love, what you do not know”. Ito ang kailangan nating mamamayan. Unang-una 320 libong ektarya ang buong lalawigan. Pangalawa, 3.1 bilyon tao, 1.6 milyon ang botante, 2.1 bilyon ang probinsyal badyet, 7.2 porsiyento ang paglaki ng ating lalawigan, 19 porsiyento ang mga walang trabaho. Iyan ang estado ng ating lalawigan. SUNDAN SA PAHINA 7


PEBRERO 28 - MARSO 06, 2010

7

Kumbirahan 2010 (Ika-3 General Assembly ng Cavite Young Writers Associations Inc. )

PAMBANSANG ALAGAD NG SINING SA PANITIKAN

NI WILLY GENERAGA

F. SIONIL JOSE, BINISITA ANG CAVITE

PANGUNAHING tagapagsalita ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na nobelistang si F. Sionil Jose sa ika-3 General Assembly ng Cavite Young Writers Association (CYWA) Inc. noong ika-20 ng Pebrero 2010 sa St. Dominic College of Asia. Binanggit ni Jose ang kahalagahan ng Cavite sa paghubog ng kasaysayan ng bansang Pilipinas sampu ng mga bayaning nagpalaya mula sa kamay ng mga dayuhan. Binanggit din nito ang pangangailangang pagsasaisip ng pagiging Caviteño ng mga Caviteño, pagiging Bicolano ng mga Bicolano, ng pagiging Ilokano ng mga Ilokano at iba pa ngunit pagkatandaan din na ang Caviteño, Bicolano, Ilokano at iba pang etno-linggwistikong grupo ay isa ring Filipino. Hinikayat ng pambansang alagad ng Sining ang kabataang Caviteño na magmahal ng panitikan, damhin at isulat ang karanasan/alaala ng bayan. Kabilang sa mga dumalo ay ang mga batikang manunulat na Caviteño tulad nina Prop. Joel Malabanan na kolumnista rin ng Responde Cavite, kwentita at isa sa mga taga-Agos sa Disyerto na si Rogelio Or-

doñez, makata’t progresibong lider na si Alex Pinpin at kritiko’t manunulat na si Elmer Ordoñez. Dumalo rin ang nobelistang si Abdon Jun Balde, makata na si Prop. Sonny Villafania, makata’t feminista (kolumnista rin ng Responde Cavite) na si Prop. Beverly “Ate Bebang” Sy.

Binigyang pagkilala at parangal din si Mr. Ronald Verso na naging pangulo ng nasabing samahan sa loob ng ilang taon at si Ms. Alda Lou Cabrera ng PICAD (sa ilalim ng tanggapan ng Gobernador ng Cavite) dahil sa walang sawa nitong pagsuporta sa mga proyekto ng samahan. Pinagkalooban

din ng munting alaala si Gob. Ireneo “Ayong” Maliksi ng mga batang manunulat dahil sa masiglang pagsuporta nito sa sining at kultura ng Lalawigan partikular sa mga kabataang manunulat. Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mahigit sa 100 estudyante’t guro mula sa iba’t ibang eskwelahan, kolehiyo at unibersidad na matatagpuan sa Lalawigan ng Cavite. Idinaos din ang eleksyon ng bagong set

SI Ms. Alda Lou Cabrera habang tinatanggap ang gawad-pagkilala mula sa Cavite Young Writers Asscoiation sa pamamagitan ni Prof. Eros Atalia, isa sa mga adviser.

DEB ATE SA B ASTE... DEBA BASTE...

MULA SA PAHINA 6

Ang Cavite City ang sentro ng ating lalawigan noon subalit ngayon ay panghuli na. Ang kailangan natin ay ang Education System upang mapaunlad ang isang lungsod. Pumunta kayo sa Bacolod, nagkalat ang mga call center, subalit dito sa atin ay apat lamang, kaya sa bawat maraming kabitenyo na nag-aantay sa call center ay lilima lang ang natatanggap dahil sa kakulangan ng Language Skills. Kapag may sapat na kaalaman ang tao siguradong may sapat ding trabahong naghihintay. RECTO CANTIBUGAN: Sa mga oras na ito ay nagdadalamhati ang ating Bise-Gobernador, kaya hayaan ninyong ipaalam sa inyo ang kanyang agenda. Una ang peace and order, traffic management, environmental management, entrepreneurship, health care services, housing development, youth and sport development. Ang Cavite ay malaki ang potensyal na maging una sa anumang kalakaran. Narinig na nating ang kung anu-anong pangako sa bawat eleksyon. Ang kailangan natin ay ang political will. Ang kailangan ay ang magaling na lider na magpapatupad ng mga platapormang ito, na may mahusay na katangian bilang isang lider. ATTY ENCARNACION: Hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang naging karanasan ko sa pakikihalubilo sa iba’t ibang samahan, ahensya at institusyon dito sa Pilipinas at sa iba pang bansa. Ang bayan natin ay kailangan ang sama-samang pagkilos ng mga mamamayan at pamahalaan, kasama ng iba’t ibang samahan at institusyon...ito ang natutunan ko. Ang halalan ay isang sagradong tungkulin ng mga mamamayan upang ipaglaban ang kanyang karapatan at kumatawan sa kanyang tinig. Sang-ayon ako sa sinasabi ng CBCP na magkaroon ng principled politics nang sa gayon ay magkaroon ng tunay na demokrasya. Kaya naman, alam ko, kasama ng mga kapwa ko kandidato, handa kaming tumugon sa hamon ng malinis na halalalan. Mas mahalaga ang pag-unlad sa ng tao kesa sa politika. Hindi ko lang inihahain ang aking sarili sa paglilingkod ngunit para na rin sa pagsusulong ng aking mga adbokasiya.

ng mga opisyales, board members at kinatawan ng iba’t ibang paaralan. Pinasalamatan ng mga kasama sa Council of Advisers na sina Prop. Efren Abueg at Prop. Eros Atalia ang lahat ng nagsidalo, pinarangalan at nahalal na bagong opisyales lalong lalo na ang St. Dominic College of Asia na nagbukas ng pinto para sa Cavite Young Writers Associations Inc. Bilang pangwakas, ipinabatid ng outgoing

President ng CYWA na si Ronald Verso na ikalat at ipaalam sa buong Lalawigan ng Cavite ang pagbubukas ng pinto ng samahan sa lahat ng batang manunulat na maaaring sumapi sampu ng kanilang samahan at paaralang kinabibilangan. Maaaring makipag-ugnayan sa nasabing samahan sa pamamagitan ng numerong 09151156738 at www.cavyoung.org o makipag-ugnayan sa Responde Cavite.

Mula kaliwa: Alex Pinpin, Prof. Sonny Villafania, Nobelistang si Abdon Balde Jr., Prof. Eros Atalia, National Artist for Literature na si F. Sionil Jose, Prof. Efren Abueg Phd, at Rogelio Ordoñez.

Napatunayan ko na ang aking kakayahan sa ating bayan. Hangad ko pa rin ang mapayapa, maunlad, progresibong syudad. Kinilala at pinarangalan ang ating pagsusumikap na matupad ang dakilang misyon at bisyon sa Lunsod ng Cavite. Ngunit marami pa ring dapat gawin. At ito ang ating isusulong ngayon. Kaunlaran at hanapbuhay. Kapayapaan, kaayusan at katarungan. Kalusugan at palakasan. Kalinisan at kagandahan. Kaalaman at karunungan. Kasaysayan at kultura. Kasama dyan ang kumbersyon ng Sangley Point para magkaroon ng maraming trabaho ang mga taga-Cavite. Tulay at daan, Mula Kawit hanggang Sangley Point. Magkaroon ng commercial area upang lalong sumigla ang kalakakan at kabuhayan. Dagdagan ang kapulisan sa Cavite City, kasama dyan ang mga mobile vehicles at iba pang kakailanganin ng kapulisan upang matupad ang kanilang tungkulin. Maghanap ng pondo upang mapagawa ang Cavite Hall of Justice nang mapabilis at mapadali ang trabaho ng mga taga-Hall of Justice. Magpagawa ng mga overpass sa palengke at san Sebastian College. Magtalaga ng permanenteng tagapaglinis sa bawat barangay nang matiyak ang kalinisan ng bawat lugar. Paglikha ng sports commission at palagiang pagsasagawa ng palaro at palakasan. Magkaroon ng permanenteng lying-in at pagpaparami ng mga health centers. ANGCANAN: Sa tuwina lamang may eleksyon, ipinapangako na magkaroon ng international container port at pagawaan sa lunsod. Pero ano ba talaga ang kayang gawin sa loob ng 3 taon? Paano ba talaga mababago ang kalagayan ng ating mga kababayan? Kailangan ng mabilis at praktikal na solusyon. Kinakailangang magtayo ng maliliit na industriya sa palibot ng Lunsod ng Cavite gaya ng nangyayari ngayon sa Bulacan. Hindi lang ito mabenta sa lokal na merkado ngunit nailuluwas din ito sa ibang bansa. Kailangan lang turuan at tulungan ang mga kababayan nating lumikha at hukayatin ang mga kababayan at dayuhang mamumuhunan. Kayang kaya natin ito. Pinatunayan ng aking serbisyo ang kalidad ng aking trabaho. Tinuruan ako ng mahaba kong karanasan sa serbisyo publiko ng tapang at katapatan. Maraming sensitibong posisyon ang nahawakan ko sa serbisyo. At nabigyang pansin ang aking nagawa sa pamamagitan ng ilang plake at pagkilala. Ang pamumuno ay likas sa akin. Napatunayan ko na ito sa mahaba-habang paglilingkod sa bayan.


8

PEBRERO 28 - MARSO 06, 2010

Sa mga nakaka-miss kay lord

MAY ilang mga banal at nagpapakabanal ang nagsasabing “ano mang oras ako kuhanin ni Lord, ready na ako.” Ito yung mga taong perfect ang attendance sa misa, retreat, spiritual renewal at iba pang gawaing nagpapatatag at nagpapalakas ng kanilang ugnayan sa kanilang lord. Well and good. Pero bakit kaya kaunting sipon lang o simpleng sakit ng ulo ay inom na agad ng gamot ang mga

ito? O kaya makaramdam lang ng kati sa talampakan o kirot sa kuko ay magpapatingin na agad sa doktor. Paano kung kukuhanin na pala sila ni lord at ang simpleng sakit ng ulo na pala ang pasimula? Hindi kaya nila nilalabag ang kagustuhan ni Lord? Hindi ba’t kahit anong gamot ang inumin nila ay hindi na sila gagaling dahil kukunin na sila ni Lord? At kahit anong lala ng kanilang sakit kung wala pang balak ang kanilang Lord na petisyunin sila ay hindi naman sila mamamatay? Teka, teka, teka muna. Hindi ba’t gustong-gusto ng mga ito na makapiling si Lord. Hindi ba’t sa kanilang bibig mismo nang-

galing na anumang oras sila kunin ni Lord ay okay lang sa kanila? E, ba’t kaya nagkakanda-utot ang mga ito na gumaling? Hindi ba sila excited na makapiling ang kanilang Lord? Ano nga kaya, kapag nagtitipun-tipon ang mga ito at may isang praning na maglabas ng granada o uzi, hindi kaya magsiksikan ang mga ito sa lungga ng daga? Praning: Hindi ba’t mahal nyo si Lord? Hindi ba’t ready kayo na mameet sya? Hindi ba’t sya talaga ang gusto nyong makasama forever and ever, promise? Bait 1: Maawa ka, maliliit pa ang mga anak ko. Praning: Ang lord mo na ang bahala sa kanila. Bait 2: Wala akong gi-

nawang masama sa iyo. Praning: Wala nga. Pero tutulungan lang kitang ma-meet mo agad ang lord mo. Bait 3: Kapatid, maghunos dili ka. Kulang ka lang ng gabay ni lord. Ginagamit ka lang ng kampon ng kadiliman. Praning: E, paano kung ako pala ang ginamit na instrumento ng lord nyo para kunin ko na kayo? Saka kung talagang hindi nyo pa iskedyul kahit bitawan ko itong granada, hindi pa kayo mapepetisyon di ba? Testing! Ka-Booom! Hehehe... Kung may kakilala kayong katulad ng mga nabanggit ko, itanong nyo rin ang tanong ko. Sumalangit nawa.

Ang dakilang kapatirang Chevaliers; ang dakilang taong nagtatag nito at ang dakilang lungsod

CAVITE CITY – Bata pa lang ako noon ay iba na ang impresyon ko kapag nakakarinig ako ng salitang fraternity, pumapasok lagi sa isip ko na tanging karahasan at kaguluhan lamang ang hatid nito sa lipunan. Hindi ako masisisi kung noon ay hindi maganda ang pananaw ko rito dahil sa naglipanang balita sa pahayagan, radio at telebisyon na may nabugbog o namatay sa mga initiation rights, hazing at frat wars. Noon pa man iwas na talaga ako kapag may lumalapit sa akin para ako ay i-recruit. Marami na ang nagtangka datapwat bigo silang lahat na ako ay makabahagi sa kani-kanilang mga kapatiran. Datapwat tanging ang The Fraternal Order of the Chevaliers, Inc. (CHEVALIERS) lamang ang silang nakasungkit ng aking matamis na “OO”. Natatandaan ko noon na matagal ding panahon akong niligawan nina Bro. Rommel Atalia POC, Bro. Stephen Vargas, Bro. Roland Crespo , Bro. Ronald Viniegra, Bro. Crizaldy Aba-

ño, Bro. Rey Ramos at iba pa (noong magkakasama pa kami sa kabilang bakuran ng pahayagang Operation Expose), mahigit isang taon din ata akong kinantahan ng mga brads noon. Hanggang sa nakita ko na lamang ang aking sarili na dumalo sa presentation of applicants, hanggang sa maging official neophytes (naging spokesperson pa ng batch namin, na sa umpisa ay 5 kami sa batch at bago makatapos ay tanging kaming 2 na lamang ni Bro. Erwell Peñalba ang natira, ang 3 ay nagquit na), na dumaan sa 4 series ng indoctrination and sessions, hanggang sa mai-finals at mai-conferral bilang kasapi o kapatid na. Sa aking pagsasaliksik ay aking natutunan na marami sa mga fraternities ngayon sa kasalukuyang panahon ay hindi naman talaga fraternity, sapagkat ang fraternity ay matatawag lamang fraternity o brotherhood kung ito ay purong lalake lamang ang kasapian. Ang fraternity na pinagsamahan ng mga lalake at babae sa mga pagpupulong at aktibidades ay hindi matatawag na fraternity kundi ito ay isang organization, clan o di kaya ay gang lamang. Sapagkat ang kapatiran o fraternity ay may dalawang bahagi, brotherhood o fraternity para sa

mga lalake at bukod naman ang para sa mga babae na ang tawag ay sisterhood o sorority. Kaya sa amin sa Chevaliers ay may hiwalay o bukod na pagpupulong o aktibidades ang mga may bahay, kabiyak, asawa o esposa ng mga brads na kilala naman sa tawag na The Order of the Royal Ladies (ROYAL LADIES) at para naman sa mga anak ng Chevaliers at Royal Ladies na maituturing na mga dugong bughaw o royal blood ng kapatiran ay tinatawag na Bearer, The Shining Armour (BEARER). Tunay na tinitingala at hinahangaan ko ang Chevaliers at kaya naman sa bawat talumpati ko sa mga gawain ng aming kapatirang ito ay lagi kong sambit ang mga katagang “Ang Dakilang Kapatiran”. Tinawag ko itong dakila sapagkat para sa akin ay ito ang natatanging kapatirang isinilang sa makasaysayang lungsod ng Cavite, ito ang kapatirang nagsimula sa lalawigan ng Cavite at ito ang kapatirang ipinanganak sa puso ng mga Pilipino... sa madaling salita ay ito ang kapatirang Pilipino. Kapatirang Pilipino sapagkat hindi katulad ng ibang mga matatanda at tradisyunal na kapatiran na nagmula sa mga kanluraning bansa katulad ng imperyalistang Estados Unidos at kontinente ng Europa na pagkatapos ay

idinating lamang sa Pilipinas at tinanggap o inaniban na ng ilan sa ating mga kababayan. Samantalang ang Chevaliers ay ibang-iba o malayong-malayo sa mga ito sapagkat ito ay itinatag ng isang taong hinahangaan at tinitingala ko na si Atty. Tim Encarnacion o mas kilala sa aming kapatiran bilang si GOC Bro. Timoteo O. Encarnacion, Jr. Ang ranggong GOC ay nangangahulugang Grand Omnipotent Chevalier na siyang pinakamataas na katungkulan o pwesto ng kapangyarihan sa aming kapatiran. Kasama ang may mahigit sa 20 lider-kabataan ng Cavite City noong 1965, si GOC Timoteo Encarnacion Jr. at ang mga ito ang silang nagtatag ng dakilang kapatirang Chevaliers at sa magaganda at kumpletong katangiang sipag at tiyaga, at galing at talino ni Atty. Tim Encarnacion ay buhay na nakatindig at patuloy na lumalakas at lumalawak ang aming kapatiran na sa taong ito ng 2010 ay nagdiriwang na kami ng 45 years of aniversary. Samantala si GOC Encarnacion na mula sa dating kilalang lider-kabataan na naging makabayang aktibista na nakipaglaban sa interes, karapatan at kagalingan ng kanyang kababayan, siya rin ay nagtapos mula elementarya hanggang kole-

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN: Kung single, malilito ka sa dami ng may gusto sa iyo. Ang iba’y nagpaparamdam pa lang. Hindi problema ang pag-ibig basta hindi naaakit sa panglabas na anyo. Kung may partner ka na, bantayan mo dahil baka naglalaro na siya ng apoy. Lucky days/nos/color: Tues-Wed. 16-22-28-36-4041 Black AQUARIUS: May mga bumabagabag sa iyong damdamin, una ay pera. Ikalawa ay kung paano mo ito sasabihin sa mahal sa buhay na ikaw ay na-inlove sa isang taong may pananagutan na sa buhay. Lucky days/nos/color: Mon-Thurs. 2-8-14-30-39-44 Peach PISCES: Magpakatatag ka! Sa kabila ng maraming pagsubok sa inyong relasyon ay umaasa ka pa din na muling manunumbalik ang inyong nakaraan. Lucky days/nos/color: Thurs-Sun 1-11-2026-36-39 Red ARIES: Hindi sapat para sa iyo ang ipinapakita niyang kabutihan. Batid mo na may binabalak pa siyang hindi mo inaasahang gawain. Lucky days/nos/ color: Fri-Sat 3-9-29-33-38-40 White TAURUS: Ito ang araw na nagpasya ang langit na bigyang-katuparan ang isang kahilingan mo na matagal mo ng gustong mangyari. Magpasalamat at magpapuri sa nasa itaas. Lucky days/nos/color: Mon-Tues 3-8-15-39-30-34 Pink GEMINI: Susuwertihin ka at ito ay tiyak! Dahil sa pag-ikot ng gulong ng kapalaran, makikitang naguunahang sumaiyo ang mga naglalakihang mga swerte sa buhay. Lucky days/nos/color: Fri-Sat 1-920-33-39-45 Violet CANCER: Ito ang araw na kung sino ang magpapasya sa’yo. Siya ang maaaring makarelasyon mo, ibig sabihin dumating na ang mga araw para sa iyong bagong pag-ibig. Lucky days/nos/color: TuesFri 10-14-25-36-39-46 Blue LEO: Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa komunikasyon, pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa, kung may usok ay may apoy kaya’t kung may sikreto malamang matuklasan. Lucky days/nos/color: Wed-Fri 4-16-28-39-41-44 Purple VIRGO: Sino ang higit na maswerte sa hanay ng mga taong likas na mapapalad? Walang iba kundi ikaw, dahil higit sa nasa kanila ay ipanagdag sa’yo, magpasalamat kay Bro. Lucky days/nos/color: 1-1019-25-26-42 Biege LIBRA: Kung nasaan ang saya at katuwaan, doon ka pumunta nang lalo kang suwertihin! Kung nasaan ang kalungkutan at nag-iipon ang mga pala-daing lumayo ka ng di ka mahawa. Lucky days/nos/color: Fri-Sun 3-12-23-32-42-43 Cream SCORPIO: Gumaganda ka at ikaw ay lalo pang gaganda! Ganun din ang mismong buhay mo. Papaunlad nang papaunlad hanggang sa malubos ang iyong galak. Lucky days/nos/color: Mon-Wed 1-1928-39-40-43 Peach SAGITTARIUS: Maawa ka at mahabag! Kusang kikilos ang iyong mga kamay at ikaw ay magkakaloob ng tulong at alalay. Ang iyong kinaawaan ay mamahalin ka higit sa kanyang mga minahal. Lucky days/nos/color: Wed-Tues 4-9-15-17-29-44 Pink hiyo ng may mga karangalang banggit at nakapagtapos ng kursong abogasya at naging mahusay na abogado. Sa aking personal na pagkilala sa aking hinahangaan at tinitingalang lider na si Atty. Encarnacion ay bukod sa siya ay makadiyos, makatao, makakalikasan at may matayog na mithiing makabayan ay siya ay tunay na mabait, maunawain, matulungin at maginoo.

Dahil sa pagiging makadiyos, makatao, makakalikasan at makabayan na siya niya ring itinuturo niya sa aming lahat na mga kasapi ng Chevaliers bilang kabahagi ng doktrina ng kapatiran, si GOC Encarnacion ay naluklok sa pinakamataas na pwesto sa lungsod bilang Ama ng Lungsod ng Cavite o Mayor ng sunodsunod na 3 termino o mahigit sa 9 na taon. SUNDAN SA PAHINA 9


PEBRERO 28 - MARSO 06, 2010

ANG HALIMAW

SA isang malayong bayan na pamilyar sa ating lahat ay may isang mapaminsalang halimaw na pumapatay at kumakain ng tao. Winawasak din ng halimaw ang pananim, palaisdaan at anumang hanapbuhay ng mga tao. Ang halimaw na ito ay may ulo ng isang buwaya, makapal na balat na kulay luntian, pakpak na tulad ng sa isang higanteng paniki, anim na malalaking galamay at mahabang buntot na may kakayahang dumurog ng matitigas na bagay. Kapag nakatayo, ang halimaw ay may taas itong pitong talampakan at higit na malaki kaysa ordinaryong tao. Marami nang mandirigma ang nagtakang labanan ang halimaw ngunit silang lahat ay nangabigo. Sa tatlumpong taon, sunud-sunod at walang humpay ang pahirap na ginagawa ng halimaw sa sambayanan at saglit lamang na humihinto ito tuwing buwan ng Mayo ng bawat ikaanim na taon. “Nanghihina ang halimaw tuwing ikaanim na taon at maaari lamang itong mapaslang kapag buwan ng Mayo!”, ang sabi ng walumput anim na albularyong si Manong Johnny na matagal nang saksi sa delubyong idinudulot ng halimaw sa sambayanan. “Paano po matatalo ang halimaw?”, ang tanong ni Nonoy sa matanda. Matagal nang nagsasanay si Nonoy bilang mandirgma. Nais

niyang ipaghiganti ang kanyang ama na pinatay ng halimaw at ang kanyang kuyang si Manuel na hindi na nakabalik pa sa kanilang bayan sapul nang magtangka rin itong labanan ang halimaw may anim na taon na ang nakalilipas. “Narito ang mahiwagang espada ng panday! Tanging ito lamang ang sandatang tatalab sa makapal na balat ng halimaw.!” ang tugon ni Manong Johnny. “Kung hindi lamang lubhang matanda na ako, ako na sana ang pupuksa sa halimaw. Ikaw Nonoy, bata ka pa at malakas, marahil nga ay ikaw ang nakatakda para puksain ang halimaw kung kaya sa iyo ko na ipinagkakaloob ang espadang ito!”, ang dagdag pa ng matanda. “Manong Johnny, nasaan na po ang panday na siyang may-ari ng espadang ito?”, ang tanong ni Nonoy habang iwinawasiwas ang mahiwagang espada. “Namatay siya dahil nalinlang siya ng halimaw. Tuso ang halimaw na nagpapahirap sa ating bayan kaya mag-iingat ka.”, ang sabi ni Manong Johnny. “ Ngayon ang pag-ulit ng ikaanim na taon ng pagpapahirap sa atin ng halimaw at sa darating na buwan ng Mayo, kailangang samatalahin mo ang kahinaan ng halimaw. Itarak mo sa puso ang halimaw ang espada upang magwakas na ang kanyang kasamaan!”, ang dagdag pa ng matanda.

At nagsanay si Nonoy sa larangan ng pakikidigma bilang paghahanda sa napipintong paghihiganti sa halimaw. Ang pagkamatay ng kanyang ama at kapatid ay ay magkakaroon na ng hustisya sa sandaling mapatay niya ang halimaw. Ngunit higit sa lahat, ang pagtatagumpay niya ay buong puso niyang ihahandog sa bayan na malaon nang nabaon sa pagdurusa at kahirapan dahil sa mapaminsalang halimaw. Dumating na sa wakas ang panahong inaabangan ni Nonoy. Nabalitaan niyang sumalakay sa karatig bayan ang halimaw. Noon ay ikasampung araw ng buwan ng Mayo at maagang-maaaga pa lamang ay nag-aabang na si Nonoy sa lugar kung saan posibleng lumitaw ang halimaw. Hindi siya nabigo sapagkat sa katanghaliang tapat ay nakita niya ang paparating na halimaw. Mabagal at mababa ang paglipad nito na parang may hinahanap. Napatunayan niyang tama si Manong Johnny, mukhang mahina nga ang halimaw dahil hapung-hapo ito nang dumapo malapit sa kanyang kinaroroonan. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Nonoy, inihanda niya ang espada ng panday at dahan-dahang lumapit sa nakatalikod na halimaw. Isang malakas na taga ang ibinigay niya sa nabiglang halimaw. Tanggal ang isang pakpak nito at umaringking sa sakit. Galit na hinarap nito si Nonoy at inihampas ng mahabang buntot na muntik nang tumama sa balikat ng mandirigma. Isang matinding bigwas ang ibinigay ni Nonoy at naputol ang dalawang galamay ng halimaw. Nang makatiyempo ay ubod lakas na itinarak ni

Nonoy ang espada sa tapat mismo ng puso ng halimaw. Bumulwak ang masaganang dugo at agad na nangisay ang halimaw. Maging si Nonoy ay nagulat dahil hindi niya inakalang napakadali niyang matatalo ang halimaw. Subalit laking pagkagulat ni Nonoy nang makitang nagbabago ng anyo ang agaw-buhay na halimaw. Sa pagkabigla ni Nonoy ay nakita niya ang kanyang kuya Manuel sa katauhan ng halimaw. Di yata’t ang nawawala niyang kapatid ang halimaw? Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang pagkagimbal ni Nonoy. Unti-unting nanginig ang kanyang katawan at may kung anong pagbabagong nagaganap sa kanya. Dalawang animo pakpak ang tumubo sa likod niya at ang mukha niya ay humaba sa anyo ng isang buwaya. At sa dakong likuran niya ay tumubo ang isang mahabang buntot. Nadgdagan din ng dalawa pa ang kanyang mga kamay.

“Hindi! Ano ang nangyayari sa akin! Hindi totoo ito!” , ang sigaw ni Nonoy na ngayon ay isa nang ganap na halimaw. Huli na nang mapagtanto ni Nonoy ang katotohanan na ang sinumang makapatay sa halimaw ang siyang susunod na magiging halimaw. Sumigaw si Nonoy ngunit ibang tinig na ang lumabas sa kanya— tinig na nakakasindak. Siya na ang bagong halimaw! Lumipad ang bagong halimaw patungo sa kalawakan. Buwan ng Hunyo. Pinulot ni Manong Johnny ang espada ng panday. “Nabigo si Nonoy! Anim na taon na naman ang aking hihintayin bago mapuksa ang halimaw. Sino kaya ang makakapuksa sa halimaw na siyang salot ng sambayanan?”. Malungkot na iniwan ng matanda ang lugar na iyon upang muling maghanap ng bagong bayani. Sa dako pa roon, patuloy sa paghahasik ng lagim ang bagong halimaw — mas mabagsik, mas matakaw at mas malupit.

PANA WAGAN Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipag-ugnayan kay dating Kapitan Roberto ‘Obet’ Catalan sa numero 504-0872 /0932-5567612

9

SULONG-BAYAN Mula sa pahina 8 Sapagkat malapit sa puso ng mga Kabitenyo ay hindi kataka-takang mahalin siya at laging inihahalal ng kanyang mga kababayan ng walang katalo-talo. Sa mahabang taon ng makabuluhang panunungkulan ni Atty. Encarnacion ay nagkaroon ng bagong mukha ang lungsod na ito, nagsimulang magsipasukan ang maraming mamumuhunan at negosyante. Umunlad ang pamilihan at komersyo. Nagsipasukan ang iba’t-ibang kilalang establisyimento at bangko sa Cavite City. Nagkaroon ng makukulay at masasayang mga pagdiriwang at kapistahan sa lungsod bilang handog sa mamamayan nito at bilang pasasalamat sa Dakilang Amang Lumikha na siyang Diyos ng Kasaysayan. At nang mabalitaan ko na muling lalahok sa pakikibakang elektoral si Timoteo “TIM” O. Encarnacion, Jr. para ipagpatuloy at higit pang pag-ibayuhin ang tunay at tamang serbisyo, pagbabago at paglilingkuran sa mamamayan ng lungsod na ito ay nakadama ako ng saya at higit pang pagasa para sa isa at panibago na namang yugto ng kaunlaran, kalinisan at katahimikan ng Cavite City tungo sa isang pagpapanibagong kabanata ng kasaysayan nito. Sabi ko nga, “This City of Cavite will be a great city again”.


10

PEBRERO 28 - MARSO 06, 2010

SINASABI NILA TUNGKOL KAY ALEJANDRO ABADILLA

Sit…Sat SI AGA Ni Teodoro A. Agoncillo (mula sa Tanagbadilla) NAGKUKUMAHOG si AGA. Nasa tarangkahan pa lang ay inilabas na sa bulsang pangrelo ang isang matigas na lilimahin. “Tayo na.” ang wika sa akin. “Saan?” ang pamaang na sagot ko. “Gasatahin natin ito. Wala akong mapaglagyan nito.” At sumingasing ng ilang ulit. Noo’y 1937 at ang lahat ay madaling bilhin, palibhasa’y may halaga pa ang salapi. At sa loob ng maghapon ay “Nilustay” naming ang limang piso ni Andoy. Hindi pa nasisiyahan, ako’y inanyayahan sa kanila at samantalang naghuhuntahan kami ay pinarurusahan naman ang mabait na si Tinang, ang magandang may bahay ni Andoy, sa pagbili ng gayon at ganitong pagkain na mapagiinutuan habang lumalim ang gabi.

Panahon ng Hapon. Dumalaw sa amin si Andoy na may dalang sambalilok. Nang makaalis siya ay napansin ko ang sambalilok niya sa sabitan. Dumalaw pang muli. Nang umalis ay naiwan ang kuwako. Saying at hindi ipinagpatuloy ang madlaas na pagdalaw sa amin kung hindi’y tiyak na iiwan sa amin ang lahat ng ariarian nilang magaanak. Panahon pa rin ng Hapon. Sa daang Almeda, Tundo, nakatira noon ang mga Abadilla. Isang aaw na dumalaw ako sakanila ay sinabi sa akin ni Tinang na wala si Andoy. “Nasaan?” ang aking usisa. Ngumiti si Tinang. “Ku,” aniya, “alam mo na ang taong iyan. Umaalis ng walang paalam. Mabubulok yan sa talian ng Hapon ay hindi ko malalaman. Paano’y hin-

di sinasabi sa akin kung saan tutungo.” Sa kalipunan naming panitikeo noong bagong magkadigma ay kinikilalang henyo si Andoy. Wala pang gaanong naisusulat na mga akdang maaring makipagtagalan sa panahon, ngunit ang kanyang mga gawi ay waring mga palatandaan ng kanyang pagigigng henyo. Iyan ang palagay ng nakararami sa amin. At bakit nga hindi? Pagkaraan ng digmaan noong 1945 ay inanyayahan kami ni Andoy na mamista sa Rosario, Cavite. (Ang “Kami” ay tumutokoy sa akin, kay Panyong Matute, at kay Mensio Garcia) kinaumagahan n gaming pagdating sa kanilang bahay sa Rosario ay dinala kami sa kanilang baklad. Pagkaraan ay pinaghubad kami. “Kalsonsilyo sando na lamang ang isuot ninyo,” ang wika sa amin pagkatapos ng agahan. “maghahanap tayo ng bangkang masasakyan natin sa pagsama sa pagoda,” ang dugtong pa. Si Panyong, si Mensio, at ako ay kaagad na sumunod sa mungkahi ni Andoy. Nakakalsunsilya sando lamang kaming tatlo, samantalang si An-

doy ay nakapolo shirt at pantalong hindi anhihipan ng hangin. Dinala kami kung saan-saan duon sa bayan, sa gitna ng mga taong bihis na bihis. Nagngingitngit kami, ngunit wala kaming magawa: naroon na, wika nga, at hindi na kami makaurong. Pinagtangkang ipanhik kami ni Anfoy sa isang malaking bahay sa bayan na punong-puno ng maraming babae at lalaki magagarang bihis. Tumutol ako. Tumutol si Panyong. Tumutol si Mensio. Patuloy ang paglalakad naming na walang tiyak na tinutungo hanggang sa magbalik kami sa nayon ni Andoy. Ang lahat ng kakuwanan ni Andoy ay pinalalampas naming. Naririyan ang sikreto ni Andoy: maaari kang saktan at tiyak na masasaktan ka, ngunit malilimot mo ang lahat dahil sa kanyang ugaling lantay at walang pagpapanggap. Buka ang kanyang dibdib kung may nalalbi pang dibdib at dito’y makikita mo ng buong liwanag ang isang puso na may sugat. May humahalakhak naman sa samu’t saring katunggakan ng daigdig. SUNDAN SA P.11

NAKAUSAP KO ANG IYONG TATANG KAHAPON ni Lester Dimaranan GAYA kahapon, nag-uubos ng oras si Ronald sa talpukan. Nakaupo sya sa pampang, nagmumuni-muni, iniisip kung itutuloy pa ang pagaaaral sa darating na pasukan, habang pinagmamasdan ang lumulubog na araw. Lumapit si Kaka Isko bitbit ang isang sako ng mga nakulektang plastik. “Ronald, kamusta ang Tatang mo?” ang nakangiting bati ni Kaka Isko, habang pinupulot ang isang basag na tabo sa may harapan nya. Gustuhin mang sumagot ni Ronald ay di na nya ginawa. Alam nya kasing ulyanin na si Kaka Isko. At maaring gaya kahapon magulat ito pag sinabi nyang apat na taon ng patay ang kanyang ama, na naroon ang Kaka noong

basagin ng malakas na alon ang bangkang ipinalakaya nila. Tahimik si Kaka Isko. Nakatitig ito sa hawak na tabo na parang nagtataka, “Ronald, aanhin ko nga ba itong basag na tabo?” “Ibebenta nyo po yan, Kaka Isko, ilagay nyo po dyan sa sako nyo,” kakamot-kamot nitong sagot. Napatawa si Kaka Isko sa sarili, “Oo nga pala, naging malilimutin na talaga ako,” sabay tingin sa direksyong tinitingnan ni Ronald. “Ang ganda ng araw ano, iho? Alam mo bang ganitong oras kami lagi nalaot ni Tatang mo. Doon kami pumupunta sa may parola. Ang ama mo ang pinakamagaling na maninisid sa lugar natin, at sa tingin ko’y namana mo iyon, ayon sa

mga naririnig ko,” sabi ni Kaka Isko. Isa pa yan sa gumugulo sa isip ni Ronald. Gusto nyang pantayan ang nagagawa ng kanyang Tata Dionisio—ang pagiging magaling na maninisid. Kaya gusto nyang tumigil sa pagaaral. Tutulong na lang sya sa kanyang ina at bunsong kapatid imbes na igapang nila ang kanyang pag-aaral sa pagdadaing. Mahal daw ang matrikula sa kolehiyo. Ang mahalaga’y tapos na nya ang hayskul. Nakapamewang si Kaka Isko sa lumulubog na araw sa harapan ni Ronald, “Hindi lang yata isang libong beses kong napagmasdan ang paglubog ng araw. Hindi ako nagsawa kailanman,” kwento ni Kaka Isko. “Itaga nyo po sa bato, magiging mahusay akong maninisid gaya ni Tatang,” may bakas ng

poot ang kanyang tinig. Napatawa si Kaka Isko. Isinampa nito sa kulubot at sunog-saaraw na balikat ang dalang sako, at umusad palayo kay Ronald, pabalik sa lugar kung san ito nanggaling. Nakakailang hakbang pa lang ito palayo nang muli itong magsalita, “Nakausap ko kahapon ang iyong Tata, dito rin sa lugar na ito, habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Sinabi nya sa akin na gusto raw nyang maging marino. Ang sabi ko nama’y walang imposible.” Napatalhak si Ronald. At napatingin sa natitirang silahis ng liwanag ng lumubog na araw. “Bukas ng umaga magkwentuhan tayo, doon naman tayo sa Silangan,” nakangiting sabi nito kay Ronald, “Saan ba ako nanggaling, Dionisio?”

Ayaw pagsuotin ng tawagpansin na damit Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@ gmail.com. Dear Ate Bebang, Ayoko nang nagsusuot ng maiikli or revealing na damit ang GF ko. Naasiwa akong talaga. Nestor ng Paliparan 3, Dasmariñas, Cavite Mahal kong Nestor, 1. Bakit ayaw mo siyang magsuot ng ganyan? 2. Naiinis ka ba kapag pinagtitinginan kayo ng iba? Lalo pa ng mga lalaki? Bakit? 3. Naiinis ka ba dahil maski ikaw ay hindi makapagpokus ng atensiyon sa kanya kundi sa kanyang mga pribadong bahagi na lang ng katawan? Bakit kaya? 4. Naiinis ka ba dahil naiisip mong dapat ay ikaw lamang ang makakita ng mga ipinapakita niya? Bakit? 5. O ayaw mo siyang magsuot ng ganyan dahil hindi bagay sa kanya? Kapag handa ka na sa mga sagot mo, kausapin mo siya. Siyempre mas maganda kung nasa good mood kayong dalawa. Kung pinagalitan siya ng kanyang boss kahapon o di kaya ay naramdaman mong inaatake siya ng menstrual cramps, quiet ka na muna. Okey, once na nasabi mo na ang iyong saloobin tungkol sa kan-

yang outfit, sigurado namang magmumunimuni iyan. At kung matatanto niyang may problema nga sa kanyang isinusuot, huwag naman siyang apurahing magbagong-anyo. Bigyan mo siya ng sapat na panahon para makapag-adjust sa mas mahahaba at konserbatibong fashion style. Kung pinakinggan ka nga niya ngunit hindi naman siya gumawa ng paraan para baguhin ang kanyang estilo ng pananamit, ibig lang sabihin niyon ay komportable na siya doon at gusto niya talaga ang kanyang sariling estilo. Huwag mo na siyang pilitin. Pumapangit ang lalaking makulit. Hindi rin magandang pagbawalan siyang magsuot ng maiikli or revealing na damit, dahil sa relasyon, Nestor, dapat may kalayaang magdesisyon para sa sarili ang bawat isa lalo na sa maliliit na bagay tulad na lang ng pagpili ng susuotin. I-try mo rin ang tip na ito: kung may ekstra kang pera, magregalo ka ng mga damit na gusto mong isuot niya. Matutuwa si GF kasi ipinag-shopping mo siya. How thoughtful, di ba? Tapos saka mo lambingin na isuot ang mga iyon sa mahahalaga ninyong araw o okasyon. Sumasaiyo, Ate Bebang


PEBRERO 28 - MARSO 06, 2010 SA BAGWIS NG SINING... Marami ang tumatanda ng walang tinatandaan, palibahasa’y hindi maalam magimok ng mga karanasan at kung marunong naman ay hindi maalam magpahayag sa isang paraang matapat at makasining. Sa tinagal-tagal ng pagbabantiti ni Andoy sa daigdig ay nakuha niyang tipunin ang mga karanasan ng buhay, at sakanyang mga huling tula, lalo na sa Tanagabadilla, ay nabigyan niya ng hugis at kahulugan ang kaakuhan ng buhay. Nabasa ako ang orihinal ng Tanagabadilla kinuha ko ang orihinal na ito upang maragdagan ng karangalan ang kanyang mga tula at doon ko lalong nakilala

GREETINGS

MULA SA P P.10 .10

si Andoy. Sapagkat napapaloob sa mga Tanaga ang iba’t ibang anyo, kulay, simoy at katauhan ni Andoy. Nariyan maging malasentimental, nariyang maging mapanudyo, nariyang maging malambing, nariyang maging maharot. At nariyan, higit sa lahat ang buod at kaluluwa ng pagkamakata ni Andoy.

Nakarating na si Andoy humahanga ako. Ngunit lalo kong hinahangaan ang kanyang katauhan. Minsan pa. inanyayahan ako, isang araw noong 1939, na pumasok sa sine ideal. Nang malapit na kami sa sine ay bigalang kumarimot ng walang sabi-sabi at kapasipasintabi. Nakita kong sumakoay sa isang trak na patungo sa Rosario, cavite. Napai-

11

ling ako. Ngunit anong magagawa ko. Nag-iisa akong pumasok sa sine. At sa gitna ng palabas na hindi naman nakakatawa ay bigla akong humalakhak! Nagtinginan sa akin ang mga katabi ko. Anu man ang nasa isip nila ay hindi ko naman mapaliwanag sa kanila ang kakuwanan ni Andoy. Lungsod ng Quezon.

Halimbawa ng mga Awit sa Araw ng Pangangaluluwa sa mga bayan ng Cavite SILANG PANGANGALULUWA Kaluluwa kaming puro Nanggaling sa purgatoryo Kaya kami naparito Dinadalaw naming kayo. Kung kayo po’y maglilimos Dali-dalian po lamang Baka kami mapagsarahan Ng pinto ng kalangitan.

Mahal Kaluluwa’y dumadalaw. Paalam na kami ay dadalaw Sa iba naming may bahay Marami pang paroroonan At baka sikatan na ng araw Kami po ngayon ay paalam At kami ay dadalaw Sa ibang may bahay At sampo ng mga kapatid at Magulang May bahay po kami adios paalam.

TERNATE

Happy 72nd Birthday to NANAY YOLLY on February 26, 2010. Greetings from your loving son Kapitan Penchie Consigo and Family.

Testamento Karren Renz Seña Kung ikaw ay isang bituing Nakahandusay sa pinakamatayog Na palapag ng langit At ako, isang buwang Nakasabit sa pinakamababang Sampayan ng kalawakan, Paano tayo nagkatagpo? Paanong ang mga masisigabong mong sinag At ang mga malalamig kong liwanag Ay nagkasalubong, nag-krus, at hindi na muling bumitaw? Paanong nagmahalan Ang araw at gabi, kung ang dinikta ng tadhana’y Kailanman ay hindi maaaring Magsama sa iisang langit ang Araw at buwan? Kung gayon, maihahambing Ang pagibig natin sa Bukang liwayway at dapithapon, Ang mga maiilap na sandali Kung saan ang araw at buwan Ay nagsasalubong, nagpupumiglas na mag-pangabot

GET WELL SOON

UNANG BATI Unang bati magandang gabi Amang may bahay Kami po’y lawitan ng habag O Magulang O Bathalang Amang Maykapal

FROM YOUR RESPONDE CAVITE FAMILY

Dinggin ang kaluluwa Sa inyong harapan Kami po ay bigyan ng grasyang

MAGANDANG GABI Magandang gabi Kami po’y bigyan Ng oras ng lubhang katahimikan Kami po ay inyong dungawan Mga kaluluwa’y sawing dumaratay. Kami po ay galing sa purgatoryo Kami po ay bigyan ng grasya Mahal O Amang may bahay.

Bago tuluyang maghiwalay. Bukang liwayway, kung kailan Tatangkain ng buwan na humalik Sa araw bago ito tuluyang lumubog patungo sa kabilang dako ng mundo. Dapithapon, Kung saan ang haring araw ay Numanakaw ng kakaunting Panahon para masilayan Ang kanyang reynang buwan; Mga panahong naghahalo, nagsasama, at nagkakaisa ang lahat ng kulay ng kalawakanBughaw, kahel, ginto, pula at putiHanggang sa hindi na matukoy Kung saan nagtatapos ang liwanag At kung saan nagsisimula ang dilim. Kung ganon, ang pag-ibig natin Ay nagsisilbing testamentong Nagpapatunay na wala Kailanman ang pwedeng humadlang o magdikta Sa tinitibok ng pusoKalikasan man, tadhana, o sarili. Kung nagagawang mag-sama Ng araw, na para sa araw, At buwan na para sa gabi; Kung nagagawang magsabay At maghalo ng liwanag at dilim, Wala sa mundong ito ang hindi kayang gawin o hamakin, Para sa pag-ibig na wagas. dasuperhero@gmail.com http://orewatensai.wordpress.com Si Seña ay graduate ng AB Major in Literature sa University of Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng Master of Arts in Comparative Literature sa UP Diliman.


Tangway at Tagaytay, tinatahak

ISANG pagawaan ng Personal Computer (PC) na pagaari ng Filipino ang gumawa ng panibagong pangalan: ang magluwas ng laptop sa Tsina, na kilala sa pagiging factory ng mundo. Ang Redfox na inaakala ng mga Filipino na isang dayuhang tatak, ay sa Rosario, Cavite pala ginagawa, na kung saan ang mga laptop ay binubuo para ibenta sa lokal na pamilihan at iba pang mga bansa gaya ng Taiwan, Singapore at Tsina. Ang kumpanya na pinasimulan ni Andy Te, ay nagsimula sa paggawa ng motherboard at video card sampung taon na ang nakalilipas. Kamakailan, sinubukan na rin nito ang pagagawa ng PC at laptop. Si Te rin ang nasa likod ng Asia Tech na IT distributor, ang lokal na partner ng gumagawa ng chip na AMD. Sa tulong ng mga nalikhang parte gaya ng microprocessor, motherboard, at video card –tinangka nitong lumikha ng PC. Binanggit ni Michael Mondragon, vice president for sales and marketing ng RedFox, sa isang panayam na ang kump-

anya ay nagbukas kamakailan ng concept store sa Guangzhou, China na kung saan, naka-display dito ang ilang piling modelo ng mga laptop. “Kadalasan naming inaangkat ang ilang parte, tapos, binubuo naming dito saka naming iniluluwas sa Tsina at iba pang mga bansa.” sabi ni Mon-

dragon, dinagdag pa na ilang bahagi ng Tsina ay nagsabi na na gusto ng mga ito na mag-distibute ng RedFox sa pinakamalaking pamilihan sa mundo ng mga produktong panteknolohiya. Habang umuunlad ang negosyo, sinabi ni Mondragon na ang kumpanya ay nakatakdang

doblehin nag kapasidad ng planta nito sa Cavite. Kasalukuyan ngayong may 300 empleyado na nakalilikha ng 500 computer sa isang araw. “Malamang lumaki ang pangangailangan sa lokal at pandaigdigang na pamilihan kaya kailangan kaming nakahanda.,” wika pa ni Mondragon, dinagdag pa na malamang ang RedFox ay ang unang pagawaan ng computer na pag-aari ng Filipino na maging computer firm sa Tsina.

SUNDOT-LAPIROT

yang pangako. Maramirami rin ang sa kanya ay papako. oOo Umuulan ngayon ng kung anu-anong resulta ng survey dito sa Lalawigan ng Cavite. At ang pinakamasaya sa lahat, silang lahat ang # 1. Hahaha! Para sa kapakanan ng mga mambabasa at sa ikagugulat ng mga hunghang na palkups na PR at kunwari think thank... ganito ang dapat itanong sa resulta ng survey: 1. Sino ang nag-commission ng survey? 2. Ilan ang sample population?

3. Paano ang ginawang sampling? 4. Ilan ang margin of error? 5. Paano ang sampling at representation ng universe? 6. Ilan ang confidence level? 7. Open ended ba o suggested ang options at choices? 8. Kailan ginawa ang survey? At higit sa lahat, pwede nyong hingin ang tabulation. Kapag hindi ito kayang ilabas ng mga nagpapalabas ng survey, asahan nyong imbento lang ang resulta.

○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ Mula sa pahina 4

Saka ba’t ayaw mo ring dumiskarte para kahit paano ay mapag-usapan ka naman? Gusto mong mapag-usapan ka? Umatras ka na sa pagtakbo! oOo Isang tumatakbo sa pagka-Bokal (Board Member) ang kadudaduda ang katapatan sa kanyang partido. Naku, balita ko, nakikipag-sweetheart deal din ito sa iba pang partido na dalhin din sya sa susunod na eleksyon. Marami-rami ang kan-

TAONG 2010 ang pinakamakabuluhang taon sa kasalukuyang kasaysayan ng panitikang Kabitenyo. Ilulunsad ng Cavite Young Writers Association, Inc. (CYWA) ang Tangway at Tagaytay, isang kalipunan ng akda ng mga batang manunulat na isinilang, nagmula, o di kaya ay naninirahan ngayon sa lalawigan. Ang pangalan ng kalipunan na Tangway at Tagaytay ay mula sa dalawang bayang nagsisilbing bakod sa magkabilang dulo ng buong lalawigan ng Cavite. Ayon kay Alessandra Rose Miguel, kasapi ng CYWA at isa sa mga patnugot, “in the old Spanish era, the land mass was referred to as “Tangway,” roughly translated in English as peninsula.” Samantalang ang Tagaytay naman ang siyang pinakamataas na bahagi ng lalawigan. Tulad ng kahulugan ng pangalan, nangangarap na maging komprehensibo rin pagdating sa saklaw na mga manunulat at paksa ng mga akda ang kalipunan. Sa pamumuno ni Efren R. Abueg, ang proyektong aklat ay nagsimula noong 2003. Agad itong binuno at binuo upang tumugon sa mga pagbabago sa sining at kultura ng lalawigang hitik din sa mga makasaysayang pangyayari. Isa sa ipinagmamalaki ng proyektong aklat ay ang maging lunan at lunsaran ng panitikang mula at para sa lalawigan partikular na nga sa Cavite. Hangad ng Tangway at Tagaytay na makatulong sa pagdidiin sa halaga ng pagsulat mula sa punto de bista ng “tagaloob” o sa ganitong kaso, ng tubong Cavite at ng mga indibidwal na piniling manahan dito. Ayon pa kay Miguel mula sa isinulat niyang pambungad ng aklat, “the anthology, however, wishes to simply illustrate Cavite from the eyes of its inhabitants.” Naniniwala ang mga nagtaguyod ng Tangway at Tagaytay na ito ay magdudulot ng mas masigla pang pag-aaral sa sining at kultura ng lalawigan. Sa pamamagitan ng mga ito ay magiging mas malaki at makabuluhan ang ambag ng Cavite sa pagbuo ng pambansang kasaysayan at panitikan. Itinatampok sa aklat ang mga likha nina Jose Marte Abueg, Mesandel Arguelles, Nestor Barco, Jimmuel Naval, Axel Pinpin, Joel Toledo, Jose Victor Torres, Santiago Villafania, at iba pang mga batang manunulat ng Cavite, ang mga propesyunal at baguhan, lalaki at babae, nakapag-aral at iyong walang pormal na edukasyon. May bahagi itong magsasalaysay ng kasaysayan ng panitikang Cavite, iyong mula sa panahon ng pananakop tulad ng makatang pari na nagsulat sa wikang Cantonese noong ikalabing-anim na siglo at hanggang sa kasalukuyan tulad ng ilang kasapi ng CYWA. Ito ang kauna-unahang gawaing pampanitikan na pinondohan ng kasalukuyang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Gobernador Erineo Maliksi. Ayon pa kay Maria Pamela Maranca, kasapi ng CYWA at isa rin sa mga patnugot, nakatakdang makatanggap ng mga sipi ang mga paaralan ng lalawigan. Kaya’t abangan, dahil ngayong 2010, ang mula sa Kabitenyo ay para sa Kabitenyo lalong lalo na sa larangan ng malikhaing pagsulat at panitikan.

DOS POR DOS Mula sa pahina 4 Sa trabahong itinalaga ng batas na gumawa ng batas, parang kinatamaran na ng mga kongresista. Parang sakit na lang ng tiyan sa kanila. May katwiran din naman. Ang dami na kasi nating batas. Sa Sampung Utos lang ng Disyos, bihira na

ang may makasunod. Mayroon pa tayong Kontitusyon, may Republic Act, may revised penal code, executive order, civil code at kung anu-ano pa. Tapos may ordinansa pa sa bayan, may ordinansa pa sa barangay. At ang pinakamabigat sa lahat ng batas-- ang batas ni misis. Kaya hindi na nga namang makatwirang dagdagan pa ng kung anuanong batas.

Responde Cavite Issue 26  

Cavite News, Balita, Pahayagan, Tabloid, newspaper, Opinion, Politics

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you