Issuu on Google+


2

DISYEMBRE 20 -26, 2009

SINUNGALING SI HAYDEN KHO - SEN. BONG REVILLA NI WILLY GENERAGA

SILANG, CAVITE - Pinaiimbestigahan ni Senator Bong Revilla, Jr. kay Senior Superintendent Alfred Corpuz ang umano’y cover-up sa insidente na nangyari noong December 3, 2009, sa Lalaan 2nd, Silang, Cavite na kinasangkutan ni Hayden Kho, Jr.

SEN. REVILLA, JR. Si Sr. Supt. Corpuz ang provincial director ng

Cavite na ito mismo ang nagkumpirma kay Bong na totoo ang sinasabi ng mga residente ng Silang na tumulong kay Hayden nang matagpuan ito na wala sa sarili sa taniman ng mga pinya. Subalit ayon sa mga pulis ay walang insidenteng nangyari dahil walang file sa police blotter. Matatandaang isinugod si Kho sa Estrella Hospital, Gen. Emilio Aguinaldo Highway, Silang Cavite mata-

pos na ito ay matagpuang nakahandusay sa pananiman ng mga pinya. Tahasang sinabi naman ni Sen. Bong Revilla na sinungaling si Hayden Kho. HAYDEN IS LYING. “Idinenay ba ni Hayden? Sa madaling-salita, he’s lying. Kausap ko yung provincial director at sinasabi niya na may nangyari na ganoong insidente. So,merong ganoong insidente at huwag niyang palabasin na si-

nungaling ang mga kababayan ko sa Cavite,” nanggagalaiting lahad ni Senator Bong. Yun nga ang paiimbestigahan natin ngayon. Katulad ng nagkakaroon ng cover-up. Bakit, what for? “At kung wala naman dapat itago, bakit kailangan itago? Yun lang ang puntos natin diyan. Ako, nothing personal. Ako naman, naka-focus sa kaso ni Katrina Halili at yung mga nabiktima ni Hayden. This is a different case. Kumbaga, nothing personal sa pangyayari na ‘to pero huwag naman nating gawing sinungaling yung mga tao na nandoon. “Bakit kailangan nila na itago? According sa provincial director, totoong may ganoong insidente,” pagtatapos ni Revilla.

Kaarawan 3 patay nauwi sa patayan DASMARIÑAS, CAVITE – Dumanak ang dugo sa isang birthday party habang tatlo ang kaagad na namatay kabilang ang may kaarawan matapos na ito ay pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang salarin. Sa pakikipag-ugnayan ng Responde Cavite sa ilang mga residente at kapitbahay ng mga biktima nangyari ang pamamaslang noong Dis. 15, 2009 ng gabi. Kinilala ang mga nasawi na sina Joel Siervo, Jason Siervo, at Jayson Manota, mga pawing residente ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas, Cavite. Samantala sugatan naman ang isang bisita na nakilala lamang sa pangalang Michael na kasalukuyan ngayong ginagamot sa St. Paul

Hospital makaraang tamaan ng bala sa bahagi ng katawan. Masayang nag-iinuman ang mga magkakaibigan para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Joel Siervo sa kanilang bahay sa Blk 12, Phase 1 ng naturang Brgy ng bigla na lamang umanong may pumasok na tatlong hindi kilalang lalaki na armado ng baril. Doon nga ay walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima na matapos ang pamamaslang ay mabilis na tumakas sa di malamang direksyon. Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pa ring inaalam ang tunay na motibo ng pamamaslang sa mga biktima at ang pagkakakilanlan ng mga suspek. OBET CATALAN


DISYEMBRE 20 -26, 2009

3

PAMASKONG HANDOG NG SPECIAL CHILDREN!

ROSARIO, CAVITE – Isang natatanging selebrasyon para sa kapaskuhan na handog ng mga batang may kapansanan sa street children ang naganap sa SM Rosario kamakailan. Ang nasabing selebrasyon ay may temang “Maligayang Diwa ng Pasko ng mga Batang may K!” na handog ng Mayor Calixto D. Enriquez Memorial Foundation , Hope Outreach Foundation at kasama ang Munisipalidad ng Rosario, hindi lamang sa mga batang may kapansanan ngunit higit sa lahat ay sa mga batang kapuspalad mula sa iba’t ibang barangay ng Rosario.

Sa programa ay nagpakita ng kanikanilang mga talento ang mga natatanging bata. May kapansanan man sila ay kahangahanga naman ang kanilang mga talento, mula pag-awit hanggang pagsayaw. Nagpakitang gilas din sa kanilang mga natatanging bilang ang Tanghalang Rosario, San Isidro Band, GOLD Choir, Francis Dave Bumatayog, at Ayesa Defiesa na parehong kabilang sa Special

Education (SPED) ng Rosario Elementary School. Dito rin ipinakita ang bagong AVP ng Rosario Hymn. Dumalo naman sa selebrasyon ang mga punong-guro mula sa bawat paaralang pang elementarya at si Dr.

Consuelo Vidal na siyang district supervisor ng nasabing lugar. Kabilang pa sa mga dumalo si Chris Bulado ng Survivor Phillippines at ang buong pamilya ni Vice Mayor Jhingjhing Hernandez ng bayang nabanggit. Ang selebrasyon ay taunang isinasagawa ng pamilya Enriquez kabilang si Vice Mayor

NI SHELLA SALUD

Jhing-jhing Hernanadez na sadyang inihahandog para sa mga natatanging bata. Sa huling bahagi ng programa ay pinagkalooban ng Plaque of Recognition ang mga guro ng SPED ng Rosario Elementary School na sina Gng. Regina Marasigan, Bb. Ma. Fe Nepomuceno at

Bb. Nicomenda Uy para sa kanilang determinasyon sa pagtututro sa special children. Kasunod nito ay ang pagbibigay ng hamon ng special children sa street children na sumisimbolo sa diwa ng pasko na siyang pinakasentro ng selebrasyon.

Malig ayang P ask o!!! Maliga Pask asko!!!


4

DISYEMBRE 20 -26, 2009

Ang parol ni lolo NOONG maliit pa ko, tuwing sasapit ang kapaskuhan, lagi kong nakikita ang lolo ko sa tuhod na iniimporta ang isa sa aking mga tiyuhin upang gumawa ng parol. Kung tutuusin, noong mga panahong iyon, kayang-kaya bumili ng lolo ko ng magagara at mamahaling parol. Isa kasi siyang retired 2nd Lt. ng US Army. Naglingkod din sa Malakanyang noong panahon ni Pangulong Ramon Magsaysay at sa city hall ng Pasay noong panahon naman ni Mayor Ambo (Pablo Cuneta). Sa hilera ng mga kabahayan sa Bangkal, Makati, kahit maliit ang inuupahang bahay ng lolo ko ay hindi nagpapahuli sa mga kagamitan. Isa siya sa mga unang nagkaroon ng color tv, at portable na makinilya. Na noong mga panahong iyon ay status symbol. Pero iniisip ko talaga kung bakit kailangan pa niyang magpagawa ng parol? Hindi ekstra ordinaryo naman ang parol na pinapagawa. Isang simpleng tala lamang (‘yung bang estrella na apat lang ang dulo). Yari sa kawayan at babalutan ng papel de hapon na kulay dilaw. Sa nabibiling tagbebente singko sentimos na 5star tina, tutunawin sa tubig at leletrahan ng salitang PASKO NG MARALITA sa pamamagitan ng brotsa ng water color. SUNDAN SA PAHINA 9

GET WELL SOON

FROM YOUR RESPONDE CAVITE FAMILY

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1, 2 district coordinator chief reporter rex del rosario

nadia dela cruz

6, 7 district coordinator 3, 4, 5 district coordinator

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Walang Puwang Ang Karahasan sa Matino at Nag-iisip na Bayan YOU never need an argument against the use of violence, you need an argument for it. (Hindi mo kailangan ng argumento laban sa paggamit ng karahasan, kailangan mo ng argumento para dito)--- Noam Chomsky Sabi nga ni Harold Laswell (isang kilalang political theorist), ang politika ay kung kaylan, saan, paano, kanino at kelan matatamo ang isang bagay. Dahil sa paghahangad ng kapangyarihan, gagawin ng ilan ang lahat, maluklok lang sa pwesto. Kaya naman, hindi naihihiwalay ang politika sa karahasan. Nagkukubli ang karahasan sa iba’t ibang anyo. Maaring sa anyo ng pera, trabahong ibibigay, benepisyo, pisikal na proteksyon at pagkain. Sa panahon kasi natin ngayon, mas madaling mangusap ang wika ng karahasan kesa sa wika ng intelektwal. Matagal at paikot-ikot minsan ang diskurso. Samantalang sa karahasan, nanaig ang mas malakas at mas marahas. Pero ito ang pagkakatandaan natin, ang politikong higit na nananalig sa dahas, ang mas may kaunting kakayah-

ang kayang ipakita at ipadama sa mga mamamayan. Dating Mandarahas ng Empleyado, Tatakbong Konsehal Itong pukang amang kandidatong ito kapal din ng mukhang tumakbong konsehal ng Cavite City. Ano kaya ang layunin ng kumag na ito? Maglingkod sa bayan? E, paano nya mapaglilingkuran ang bayan kung noong araw na may mga manggagawa sya, halos isumpa sya ng mga ito. Itong dotaranta na kumag na ito, nanampal, nanadyak, nanapok at nagmumura ng mga empleyado. Kapag sinumpong ang abnoy na ito, nanunutok ng baril sa kanyang mga tauhan. Naku, iboto natin ito. Para naman masaya ang Cavite City. O, mahal na Patron ng Saint Anthony, patnubayan nyo po ang bayan namin. Ipag-adya nyo po kami sa hindi lang mukhang mongoloid kundi asal kriminal na politiko. Big Time na Gambling Operator, Tatakbong Konsehal Isa pang pukang amang Gambling Operator, tigasleeg na tatakbong konehal ng Imus. Sa pagmamayabang ng kups na ito, dahil daw sa kanyang mga pasugal, marami daw syang pamilyang natutulungan. SUNDAN SA P.12

ANG suliranin sa basura ay talamak sa buong kapuluan. Kahit na paglaanan ito ng pondo ng mga pamahalaang lokal, ang nagkalat na basura ay patuloy na nagbibigay ng masamang amoy sa kapaligiran at nagiging sanhi ng baha sa panahon ng mga bagyo at nagdudulot ng mga sakit lalo na sa mga pamayanan ng mga dukha. Kinakailangan nating magbawas ng basura upang maibalik at mapanatili ang kalinisan ng mga komunidad at kalusugan ng ating mamamayan. Marami ding teknolohiya o kaparaanan ang epektibo sa pagbabawas ng basura. Isa na rito ang tinaguriang ‘Zero Waste Management’ na ipinatupad sa ating mga barangay. Simple at di-magastos ang ‘Zero Waste Management System’. Kaya itong lahukan ng mga bata at matanda, kalalakihan at kababaihan at ng mga maykaya sa buhay o mahirap man. May katagalan na ang ugnayan ng ‘Department of Environment and Natural Resources’, ‘Recycling Movement of the Philippines’ at ’Presidential Task Force on Waste Management’ sa pagtulong at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa sistemang ito ng pagbabawas ng basura. Sa pinanggagalingan ay puwede nang paghiwalayin ang nabubulok at di-nabubulok na basura. Ang

mga nabubulok ay kinapapalooban ng mga pinagbalatan ng gulay at prutas, damo at tuyong dahon, dumi ng manok, baboy at iba pang hayop, tira sa kainan, marumi at basang papel, pinaglinisan ng isda,manok at buto ng halaman. Ang mga halimbawa ng di-nabubulok ay lata, bakal at bote, plastic, matigas na buto ng hayop at balahibo ng manok. Ang mga tirang pagkain at pinagbalatan ng prutas at gulay ng mga tahanan at restoran ay maaring gawing pagkain ng mga hayop. Ang mga dahon, dumi ng hayop, pagkatapos na tadtarin, haluan ng lupa at hayaang mabulok sa mga hukay ng ilang linggo, ay nagsisilbing pataba sa halaman. Ang mga di-nabubulok ay puwedeng gamiting muli o ibenta sa junkyard dealer at pabrika ng mga papel, karton at boteng buo.Tapos na pag-recycle ng mga basura. Malinis na ang paligid at napagkitaan pa ang basura. SUNDAN SA P.12

Pr ob lema sa Basur a Prob oblema Basura

Salaulang Brgy. Capt. ng Bacoor MAGANDA ang magiging simula bagong taon ng Bacoor, dahil ang dating munisipyo ay isang lunsod na ngayon. Subalit sa pag-uumpisa ng bagong Bacoor ay may maiiwang isang salaulang kapitan ng barangay. Isang kapitan del baryo na walang pakialam sa kanyang mga residente anumang sandamukal na reklamo ang tanggapin. Sa kanyang teritoryo, nagkalat ang maraming klaseng pasugalan tulad ng sakla, tupada, at jueteng, video-karera, at fruitgames. Kung bakit hindi niya ito sinisita, dahil sa nakatapal na makapal na tig-lilimang daang piso buwan-buwan sa kanyang bibig at mata. Sa kanya ring teritoryo, nagkalat ang mga babaeng bayaran. Kahit hindi Pasko sa kanyang lugar ay laging kumukutitap ito sa tuwing sasapit na ang takip-silim. Sa kalaliman ng gabi, rumarampa na ang mga kalapating mababa ang lipad upang maghanap ng mga parokyano na animo’y mga kalapating gubat na dumayo pa sa lugar na ito. Ang mga parokyano na ito ay hindi natin palalagpasin dahil sa mga sasakyan nilang pinarada sa tapat mismo ng bahay-aliwan na pula ang plaka. Sasakyan pa ng gobyerno ang ginagamit sa kanilang di mai-

wasang bisyo. Naku...alam mo ba ito Mayor? Sa kanyang teritoryo, naglipana rin ang gang-war na gabi-gabi na lang umaatake sa may bandang tulay. Sangkot ang mga pamangkin ni kapitan...kahit alam niyang pasimuno ng away sige lang sa pagbibilang ng intelihensya itong magiting na kapitan. Walang pakialam sa nangyayari sa kanyang nasasakupan. Sa kanyang teritoryo rin nagaganap ang pambabato ng mga kabataan sa mga dumaraang malalaking sasakyan tulad ng Saulog at Saint Anthony Transit. Marami nang reklamo ang ipinarating sa atin ng mga driver na ito dahil talagang nakakabahala ang mga ganitong senaryo sa tuwing mapapadaan ka sa lugar na ito. Paging Mayor Strike Revilla, marapat lang po na maaksyunan ninyo ang mga reklamong ito sa kapitan. Kung magsasawalang-kibo po tayo baka kung anu-ano na lang ang isipin ng mga tao ninyo. Naku malapit pa naman po ang eleksyon! Hoy...ikaw nga, salaulang kapitan del baryo! Aba may pakiramdam ka pa ba? Bakit wala ka man lamang ginagawang aksyon sa iyong mga nasasakupan? Anong silbi mo sa iyong barangay? Wala kang ibang ginawa kundi ang magbilang ng magbilang ng mahiwaga mong raket. Sa mga residente dito, huwag kayong mag-alala sa susunod na pagtakbo ni kapitan iparamdam ninyo sa kanya ang iyong galit. Ipakalat sa mga kaibigan ninyo ang katagang “Salaulang Kapitan Del Baryo” huwag iboto.


DISYEMBRE 20 -26, 2009

Reader s’ Cor ner eaders’ Corner Bakit po hindi na nagsusulat si Dr. Efren

Abueg? Matagal ko na po syang sinusubaybayan

sa Liwayway. Sana po maglagay din kayo ng babasahin na tulad sa Liwayway. Salamat po. Lydia Q. ng Salawag, Dasmariñas via e-mail Kagagaling lang po ni Dr. Abueg sa sakit. Susubukan nya raw pong makapagsulat uli sa Enero. Susubukan po naming makapaglagay ng babasahin gaya ng inyong request. Salamat po. -ed *** Totoo po na taaskamay kami sa kabaitan at kahusayan ni Mayor Ferrer. Pero totoo rin po na maangas ang ilang mga tauhan nya sa munisipyo. Salamat po at sinita nyo. Joel D., Buenavista, Gen. Triias, via text *** Mga idol, grabe ang dating ng dyaryo nyo. Bagyo talaga. Kayo lang po yata ang dyaryo sa Cavite na nakikita ko dito

5

sa Tagaytay. Pakibati naman po ang mga kamag-anak ko dyan sa Noveleta. Salamat po and more power. Edel Alvarez, Tagaytay City. *** Pwede po bang magpa-publish ng artikulo tungkol sa relihiyon ko? Isang maliit na grupo lang po kami na nagsisimula pa lang. Gusto ko po sanang maging instrumento ng Dyos sa pagpapalaganap ng salita Nya. At sana pati ang inyong pahayagan. Lucita M. Tagaytay via e-mail Pwede naman po. Basta wala kayong ibang relihiyong sasagasaan. Maglalahad lang kayo ng inyong doktrina. Syempre po, ie-edit naming yun para sa espasyo at kaayusan. Wala naman pong problema. -ed


6

DISYEMBRE 20 -26, 2009


8

DISYEMBRE 20 -26, 2009

Ang Organisado at Responsableng Barangay ng Bancod sa Indang BANCOD, INDANG, CAVITE – Naanyayahan ako ni Kagawad Juanito “Itoy” Escobido Sr. (Municipal President ng Samahang Magdalo – Indang Chapter) ng Brgy. Bancod sa kanilang isinagawang Barangay Assembly Meeting noong Oktubre 17, 2009. Sa aking pagdalo at pakikinig sa kanilang pag-uulat sa kapwa ka-barangay ay humanga ako sa magandang sistema at paglilingkuran ng kanilang pamahalaang barangay sa mga nasasakupan nito. Ang kanilang pamamahala ay tunay na nakasentro sa serbisyo sa mamamayan nito, (na siya namang tama at wastong nararapat na gawin ng pagbabarangay). Maging sa pamemera at mga gastos ay may malinaw na transparency at pag-uulat sa mamamayan kung magkano ang pondo at kung papaano ito hinahati sa mga proyekto at programa ng barangay. Isa sa ikinahanga ko sa mga bumubuo ng Barangay Officials ng Bancod ay ang responsableng pangangalaga at pagmamalasakit nila sa kapaligiran o sa kalikasan. Sa Bancod bawal ang pagtatapon ng mga basura kung saan-saan lamang, dito ay malinaw na ipinapatupad ang pagse-segregate ng mga basurang nabubulok sa hindi nabubulok at ang pamantayan sa wastong pagma-manage ng basura ang reduce, recycle at reuse. Hindi rin dito nagtatapos ang kanilang pagiging makakalikasan. Aktibo rin silang lumalahok at sumasama sa mga pagkilos at demonstrasyon kapag may banta ng pagkasira ng kalikasan sa ating lalawigan hanggang nasyunal. Malalim na ang ugat ng kanilang pagiging environmental activist. Iminumulat at tinuturuan nila ang kanilang mga ka-barangay sa wastong pangangalaga sa kapiligiran at pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang NGO's katulad ng Cavite Green Coalition, Cavite Green Consortium, Eco-Waste Coa-

lition, Greenpeace at iba pa. Hindi na pinapayagan sa Bancod ang pagsusunog ng mga basura. Sa ordinaryong tao na hindi mulat sa pangangalaga sa kalikasan ay maaaring akala na ang pagsusunog ng basura ay tama para maubos ito, datapwat hindi marahil alam ng marami na ang pagsusunog ng basura ay lalo lamang nagpapadagdag ng pagkasira ng kalikasan dahil sa ang usok na nalilikha nito ay sumasama sa hanging ating nalalanghap na nagiging lason at kumakapit sa ating mga baga, maging sa mga pagkain at inumin na nagiging sanhi ng pagkakaroon natin ng mga sakit. Bukod pa ang pagkapit nito sa hangin, ay dinadala ito sa himpapawid kasama ng iba pang mga usok na likha ng mga pabrika at sasakyan na magreresulta sa dagdag pang pagkasira ng nabutas na nating ozone layer kaya naman nagsasanhi ito ng matitinding init o global warming kaakibat ang abnormalidad na klima na resulta ng climate change. Ang pagmamalasakit ng Brgy. Bancod sa pagmamahal sa kapiligiran at kalikasan ay nagresulta para sila ay umani ng mga parangal at pagkilala mula sa pamahalaang bayan ng Indang, pamahalaang panglalawigan ng Cavite, antas rehiyon, antas nasyunal hanggang Malacañang. Ilan sa mga ito ay: 2004 National Awardee for Search for Outstanding Barangay for the Implementation of RA 9003 Waste Management Act, 2004 Cleanest and Greenest Barangay in the Municipality of Indang, and only barangay with operating Material Recovery Facility (MRF) within Municipality of Indang since 2004. Kaya naman maging ang mga dayuhan mula sa ibang bansa ay bumibisita sa kanilang barangay para lamang makita ang organisado at responsable nilang mga gawain at proyekto ng pangangalaga sa kapiligiran at pagmamalasakit sa kalikasan. Katuwang ang Cavite State University (CvSU) sa Indang sa tulong ni Dr. Lorenzo Lapitan ay ilan pa sa mga proyekto nila ay ang pagtatanim ng mga halaman at puno sa mga tabing ilog partikular na ang puno

Ang Makapag-iipon Ngayong Panahon ng Krisis, May Bonus

KABI-KABILA ang pagsusumamo ng gobyerno sa sambayanan na maging kampante kahit isaisa nang hindi nakakabayad ang mga preneed insurance at bangko sa kanilang obligasyon. Gayundin, cool lang daw tayo kahit walang LPG at tinataga tayo sa presyo ng mga local na distributor nito. Maging mahinahon daw dahil hindi totoong kakapusin tayo sa bigas, at ginagawa daw ang lahat ng gobyernong ito para hindi tayo madamay nang husto sa global financial crisis kahit na daan-daan araw-araw na OFw ang umuuwi mula sa ibang bansa dahil nasibak na sa trabaho.

At syempre, ang pinakapatok sa lahat ng sinabi ng gobyerno (maliban sa pagtitipid of course) ay ang matutong mag-ipon o mag-impok. Pagkahuhusay ng mga henyong ito, ano po? Parang ganoon na lang kadali sa Pinoy ang magipon o mag-impok. Hmmm, sige nga… 1. Paano ka mag-iipon o mag-iipon ng pera kung ni trabaho ay mailap pa sa pusang lampong sa madaling araw? 2. Paano ka makapagtatrabaho kung ang ibinibigay lang ng kumpanya ay kung hindi man mababa sa mimimum ay 3 days a week ka lang magtatrabaho at half day pa? 3. May mga kumpanya na 3 days a week na nga lang, half day pa. 4. Half day na nga lang, may bawas pa ang agency. 5. May bawas na nga ang agency, sasabihan ka pa ng manager mo na hanggang 4 months contract lang ang kaya ibigay sa iyo at saka na lang irerenew ang contract mo kapag nakita ka nilang

walang absent, walang late at walang reklamo kahit sinsalaula na ang pagkatao mo. 6. 4 months na nga lang ang contract, sangkatutak pa ang holiday at dahil di ka pa permanent o regular, no work no pay. 7. Kapag natanggap mo na ang sweldo, hindi mo alam kung paanong magic ang gagawin mo sa pera para maipambayad sa 5-6 na inutang para sa pamasahe, pagkain at pinang-ayos na requirements sa kung ilang linggo (dahil bago ka pa lang sa kumpanya, mga 2-3 months na delayed ang sweldo mo, ang katwiran ng agency ay inaayos pa ang papers mo). 8. Kung sakaling idedeposito sa bangko ang natitirang barya, baka pagkagising mo kinabukasan, sarado na ang bangkong pinaglagakan mo ng pera. Dekada pa ang hihintayin bago mo mabawi ang pera mo. 9. Kung itatago sa bahay, baka matiktikan ng adik mong kapatid, pinsan o kamag-anak, baka maipansakla ng kuya o

tatay, baka maipantaya sa huweteng o lotto ni nanay at baka maipang-computer pa ni bunso. 10. O baka naman, maamoy ng kapitbahay nyong ilang linggo nang nagpipiyesta sa lugaw kung saan mo tinatago ang sweldo mo at mapagtripang hiramin muna nang hindi mo nalalaman at ibibili lang nila ng noodles. 11. At kapag nahuli mo ang kapibahay mo at sinumbong mo sa pulis, hihingian ka muna ng pangmiryenda o pansigarilyo bago gumawa ng imbestigasyon kunwari. 12. Suma total, mas malaki pa ang ginastos mo sa pamasahe papunta sa istasyon, pampamiryenda sa pulis at pambili ng gamot sa sakit ng ulo at tyan kesa sa aktwal na naitabi mong pera. Kaya, sa panahon ngayon, may pera man o wala, paano ka mag-iipon. Hmmm, kung may sobra kayong pera dya, patago nyo sa akin. Pangako, after 100 years, dodoblehin ko ang halaga noon. Peksman!

ng irok o kaong na siyang produkto ng Indang kaya naisasagawa kada tatlo hanggang apat na taon ang Irok Festival sa Indang. Bagaman at batayan at tatak na ng Bancod ang pagmamahal sa kalikasan ay hindi pa rin nila nalilimutan ang lahatang serbisyo sa ka-barangay maging sa usapin ng mga medical & dental projects, livelihood programs, peace and order situations, youth and sports developments, feeding activities for the children at mga infrastructure o proyektong pangbaranggay katulad ng paglalagay ng canal linings, street lightings at Barangay Hall Extension o Annex sa Sitio Quarry sa ibayo malapit sa Brgy. Mataas na Lupa. Tunay na hinahangaan ko ang maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabayang pamantayan ng mga namumuno sa Bancod sa pangunguna nina Brgy. Captain Natalio Escalante, mga Kagawad na sina Rosendo Austral, Felix Flores, Estelita Molina, Delfin Digma, Joselito Atas, Felipe Austral, SK Chairwomen Nelda Nuestro, Brgy. Secretary Antonio Cuevas, Brgy.Treasurer Criselda Ebio, Chief of Brgy. Tanod Ernesto Alano ( Active Member ng Samahang Magdalo - Indang Chapter) at lahat ng bumubuo ng Barangay Staff, Lupon at Tanod dito. Saludo po ako sa inyong demokratiko at naka-sentro sa mamamayan na pag-gogobyerno sa pamahalaang barangay. Mabuhay po kayo!

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN - Layuan mo muna ang kaibigan na nagiimpluwensya ng masama dahil tiyak na mapapasama ka at magsisisi sa darating na panahon. Lucky Days/No/Color: Tue/Thur 14-25-27-30-35-40 Blue AQUARIUS - Maaari kang maakit sa mas bata sa iyo. Kakaibang lakas ng loob ang maipamamalas mo dahil sa bugso ng iyong damdamin. Lucky Day/No/Color: Mon/Tue 6-8-27-32-35-44 White PISCES - Maging maingat sa pagpasok sa isang kasunduan kung walang panghahawakang garantiya o kasunduan. Maaaring mabiktima ng panloloko kung iiral ang kalambutan ng puso. Lucky Days/No/Color: Wed/Fri 10-18-21-33-40-42 Red ARIES - Magtiwala sa sariling kakayahan at maging sa mga kasamahan upang maging maayos at magbunga ang mga ginagawa. Hindi dapat maging negatibo ang takbo ng kaisipan. Lucky Days/No/Color: Thur/Sat 1-4-22-25-27-30 Yellow TAURUS - Darapo sa’yo ang isang maliit o munting swerte. Subalit sa maniwala ka o sa hindi, tulad ng isang binhing buto ng halaman, ito ay magiging malaking punongkahoy. Lucky Days/No/Color: 6-9-19-29-31-35 Pink GEMINI - Tatalunin ka ngayon ng awa! Ibig sabihin, pansamantalang makakalimutan mo ang mga materyal na bagay at matutuon ang isip at kalooban mo sa pagtulong sa mga nangangailangan. Lucky Days/No/Color: Fri/Sun 1-10-15-24-34-44 Purpple CANCER - Mapapalitan ng pag-ibig ang galit mo sa mundo. Dahil ang mismong dahilan ng pagkainis mo ay maiin-love sa’yo at ang kanyang pag-ibig ay walang katulad. Lucky Days/No/Color: Mon/Wed 7-17-29-39-40-42 Beige LEO - Siya pa din ang inspirasyon mo sa buhay. Mananatili ang pag-ibig mo sa kanya magkalayo man kayo. Wagas ang pagmamahal mo. Lucky Days/No/Color: Tue/Sun 2-22-26-36-41-44 Violet VIRGO - Malaking gantinpala ang maghihintay sa iyo dahil na din sa katapatan mo ay magandang buhay ang naghihintay sa iyo. Lucky Days/No/Color: Sat/Sun 1-6-20-33-36-39 Peach LIBRA - Swerte ka ngayon at ang mga swerteng sasayo ay mananatiling hanggang sa malubos ang iyong tuwa, wag na wag mong kalilimutan na magpasalamat sa nasa itaas. Lucky Days/No/Color: Mon/Tue 15-26-28-38-39-40 Cream SCORPIO - Marami sa mga ihuhulog ng langit na mga swerte ay matatagpuan sa iyong mga palad. Kapag nagkawang-gawa ka ngayon, lalo ka pang susuwertehin. Lucky Days/No/Color: Wed/Fri 6-16-21-24-34-40 Green SAGITAURUS - Hanapin mo ang isang higit na matalino kaysa sa’yo. Di mahina ang ulo mo, kundi siya ang magiging sanhi upang madoble ang mga swerteng ibibigay sa’yo ng langit. Lucky Days/No/Color: Thur/Fri 1-8-18-38-39-41 Black


DISYEMBRE 20 -26, 2009

9

ANG PASKO AT ANG IMPERYALISMONG US SA PILIPINAS

MALIMIT nating naririnig sa mga rally ang salitang imperyalismo na ayon sa mga aktibista, ay dapat ibagsak o tuluyang sirain. Ang imperyalismo ay ang pananakop ng isang maunlad na bansa sa mahirap na bansa sa pamamagitan ng pagkontrol sa pulitika, ekonomiya at kultura. Sa Pilipinas, mahigit isandaang taon nang kontrolado ng mga Amerikano ang ating pamahalaan, industriya at sistema ng pamumuhay. Ang mga patunay nito ay ang Military Bases Agreement noong 1947 at ang 1998 Visiting Forces Agreement na nagbibigay karapatan sa mga sundalong Amerikano na gamitin ang ating mga paliparan, daungan at karagatan sa ngalan ng mga programang kontraterorismo. Isa pa ay ang Parity Rights na nagbigay karapatan sa mga Amerikano na angkinin ang ating mga likas-yaman at naglatag ng pundasyon upang makontrol ng mga kompanyang Amerikano ang ating ekonomiya hanggang sa kasalukuyan. Tuwing sumasapit

ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ay damangdama ang lalim at lawak ng impluwensiya ng mga kulturang Amerikano sa ating lipunan. Noong panahon nina Andres Bonifacio at Dr. Jose Rizal ay hindi naman uso ang paggamit ng Christmas tree at Christmas lights pati na rin ang konsepto ng paniniwala tungkol kay Santa Claus. Mga Amerikano ang siyang nagpauso ng mga ito bilang bahagi ng kanilang pangkulturang pananakop sa kamalayan ng ating mga ninuno noong pang 1900. Tungkol kay Santa Claus, ang Father of American Cartoon na si Thomas Nast (18401902) ang unang gumawa ng imahe ng matabang Santa Claus noong 1863. Mula naman 1931 hanggang 1964 ay ginamit naman ng kompanya ng Coca-Cola ang mataba at masayahing imahe ni Santa Claus sa kanilang taunang mga advertisements at nakatulong ito nang malaki upang lumakas ang benta ng Coke sa buong mundo. Sa Pilipinas, nagsimulang makilala ng mga

Pilipino ang Coke noon pang 1927 kasabay nang paglaganap ng konsepto ni Santa Claus. Ang presensiya ng mga billboards at posters ng Coca-Cola sa bawat tindahan sa kasuluk-sulukang mang bahagi ng Pilipinas ay patunay ng pagkontrol ng mga Amerikano sa kultura ng ating mga mamamayan. Sa bawat paginom natin ng Coke, bahagi ng kabayaran natin ay umuuwi sa kabang yaman ng Amerika. Si Thomas Nast din ang isa sa unang lumikha ng imahe ni Uncle Sam na kahawig ni Abraham Lincoln. Ang imaheng ito ang karaniwang sinusunog ng mga nagra-rally bilang simbolismo ng pagdurog sa imperyalismo. Dahil sa kartunistang si Nast, lumilitaw na iisa ang may likha ng mga imahe ni Uncle Sam at ni Santa Claus. Samakatuwid, sa usapin ng imperyalismo, matibay ang ebidensiyang si Uncle Sam bilang mananakop at si Santa Claus bilang simbulo ng Pasko ay IISA. Ang kulay pulang suot ni Santa Claus ay ang

sagisag ng dugo ng pangaalipin ni Uncle Sam sa ating lahi. Ang mga regalong ipinamamahagi ni Santa

Claus ay ang ang mga foreign aids gaya ng mga lumang eroplano, helicopter at armas na ibinibigay ng US sa ating mga militar. Totoong nakakautang ang bansa natin sa US contolled na IMF-WB ngunit ang mga utang ding ito ang sanhi ng paghihirap ng sambayanan. Ang Amerika ang isa mga pangunahing bansa na nakikinabang sa ating likas-yaman at siyang nagtatambak ng mga surplus products na tinatangkilik naman ng ating mga kababayan. Kung sabagay, hindi lamang US ang may hawak ng ekonomiya natin sa ngayon kundi ang China, Japan, Korea at iba pang bansang Asyano na mas maunlad kaysa sa atin. Ang konspeto ni Santa Claus na ginagamit ng mga magulang upang “pabaitin” ang kanilang mga anak sa panahon ng Kapaskuhan ay isang uri ng panunuhol at hindi wastong motibasyon upang hubugin ang pag-uugali ng mga bata. Dapat ba magpakabait ang mga bata dahil may kapalit na laruan? Hindi ba dapat maging mabuti ang isang tao sapagkat mabuti at tama ang gumawa nang mabuti kahit na ito ay walang inaasahang kapalit? Sa Mall of Asia ay may malaking atraksyon na kinatatampukan ng mga estatwang napapagalaw at nagpapakita ng pagdiriwang ng Pasko sa buong mundo. Sa tuktok ng

mga estatwa ay makikita si Santa Claus bilang pangunahing bida. Wala ang imahe ni Hesus sa sabsaban. Samakatuwid, si Santa Claus na talaga ang sentro ng pagdiriwang ng Pasko. Ang imperyalismong US ay nangingibabaw sa materyalistiko nating pagdiriwang ng Pasko na pinatitingkad ng mass media at produkto ng Amerikanisasyon ng ating lahi sa loob ng mahigit isandaang taon. Sa Noli Me Tangere, sinabi ni Pilosopo Tasyo kay Don Filipo na “ang magsaya ay hindi ang paggawa ng kabaliwan!” patungkol sa mga taong naghahanda nang labislabis para sa kapistahan. Sana ay alisin natin ang ating mga kahangalan sa pagdiriwang ng Pasko. Ang Pasko ay paggunita sa pagkakatawang tao ni Kristo at ang pagbibigay niya ng sarili para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ibigay naman natin ang ating sarili sa pagpapalaya ng ating isipan at ng ating bayan. Ang solusyon ay ang unti-unting pagbaklas at pagwasak sa imperyalismong US sa pamamagitan ng edukasyon at pagmumulat sa ating kabataan. Pag-aralan natin sa kasaysayan ang kabayanihan nina Macario Sakay, Teodoro Asedillo, Faustino Guillermo, Luciano San Miguel, Felipe Salvador at marami pang iba. Ngayong Pasko, bisitahin nyo ang banlaw kasaysayan.multiply. com at iregalo sa iyong sarili ang pagpalaya ng isipan. Mapagpalayang Pasko at Mapayapang Bagong Taon sa lahat!

Dos por Dos mula sa p.4 iilawan ng bombilyang de-singko sa loob at isasabit na. Natutuwa akong pagmasdan ang parol na yun tuwing gabi. May mga parol na umiilaw na rin noon, pero parang kay gandang pagmasdan para sa akin ng parol na iyon. Sa dilaw na papel de hapon ay litaw na litaw kasi ang salitang PASKO NG MARALITA na nakaletra sa kulay asul. Pero teka muna, ano nga ba ang maralita?... tanong ko sarili ko. Aliw na aliw ako sa salitang maralita na hindi ko naman alam ang

ibig sabihin. Pakiramdam ko ba ay napakalaking bagay sa lolo ko ang salitang ‘yun. Namatay siya. Hindi ko na nakita ang parol na iyon ng aking lolo. At hindi pa uli ako nakakakita hanggang sa ngayon ng ganoong uri ng parol. Hanggang sa unti-unti akong magkaisip at ngayon ay alam ko na at nauunawaan ko ang salitang maralita. Hindi ko na nga nakikita ang parol ni lolo, pero marami pa rin akong nakikitang maralita. Paano na nga kaya ang kanilang Pasko?


10

DISYEMBRE 20 -26, 2009

MGA KILALA AT LIMOT NA PANTYON

MGA PANTYON SA KABITE NOONG IKA-19 NA DANTAON Inilarawan ang anyo at kinalalagyan ng mga pantyon sa Kabite noong ika-19 na dantaon sa aklat na Cavite en Siglo 19 ni Michael C. Francisco, ang batayan na nasabing pag-aaral ay mga lumang dokumento (primaryang batis) mula sa Pambansang Sinupan ng Pilipinas, narito ang tala ng mga pantyon sa iba’t ibang bayan ng Kabite ayon sa aklat. Ang La Caridad ay mayroong isang pantyon na pinagsasaluhan din ng San Roque at ng Kabite (kabisera ng lalawigan). Ang nasabing pantyon ay napapalibutan ng makakapal na pader at dito’y maraming mga maayos na nitso, museleo, at isang kapilya; Ang bayan ng Noveleta ay walang sariling pantyon, ito’y nakaugnay sa parokya ng Cavite el

Viejo (Kawit); Rosario, ang pantyon ay napapalibutan ng kawayan at may layong 200 brazas (katumbas ng 1.671 metro ang bawat braza) sa direksyon ng tabing-dagat. San Francisco De Malabon (Heneral Trias), ang pantyon ng bayan ay napapalibutan ng bato at mayroong mga nitso, ito’y matatagpuan nang may layong 100 brazas mula sa simbahan; Cavite el Viejo, ang pantyon ay napapalibutan ng kongkreto at may layong 230 brazas mula sa simbahan; Bacoor, ang pantyon ay napapalibutan ng kongkreto at may layong 300 brazas mula sa simbahan; Ymus, ang pantyon ay napapalibutan bato, mayroong mga nitso at museleo, may sapat na sukat at ito’y katabi ng simbahan;

Perez Dasmariñas (Dasmariñas), ang pantyon ay napapalibutan ng bato; ito’y walang mag nitso at mayroon itong 200 brazas ang layo mula sa simbahan; Carmona, napapalibutan ng kawayan ang pantyon at mayroon itong 50 brazas na layo mula sa simbahan; Silan (Silang), ang pantyon ay napapalibutan ng bato at mayroong mga nitso at museleo at may layong 150 brazas mula sa Simbahan; Amadeo, ang pantyon ay napapalibutan ng kahoy at may layong 100 brazas mula sa Simbahan; Yndan (Indang), ang pantyon ay napapalibutan ng bato at mayroong mga nitso at may layong 150 brazas mula sa Simbahan; Medez nuñrz (Mendez), ang pantyon ay napapalibutan ng kawayan walang mga nitso at matatagpuan sa layong 200 brazas mula sa Simbahan; Alfonso, napapalibutan ng bakod na yari sa kahoy at may dalawang nitso, matatagpuan sa layong 200 fathoms (katumbas ng anim na talampakan ang bawat isang fathom) mula sa Simbahan;

Bailen (Heneral Emilio Aguinaldo), nababakuran ng kawayan at may layong 250 brazas mula sa bayan; Magallanes, napapalibutan ng kawayan ang pantyon, walang mga nitso at may layong 100 brazes mula sa Simbahan; Maragondon, napapalibutan ng bato, mayroong mga nitso at museleo at mayroong layong kalahating kilometro mula sa Simbahan; Ternate, matatagpuan ang pantyon sa labas ng sentro ng bayan na may layong 200 metro mula sa Simbahan, ito’y mayroong bakod na kawayan; Naic, napapalibutan ng mga bato, mayroong mga nitso at museleo at may layong 200 brazas mula sa simbahan; Santa Cruz (Tanza), napapalibutan ng bato at mayroong mga nitso,

malawak ang espasyo at may layong 100 brazas mula sa Simbahan. MGA PALIPAT-LIPAT NA LIBING Nabibilang ang mga sumusunod sa mga kilalang tao sa Kabite na inilipat mula sa dating pantyon patungo sa kanilang kasalukuyang kinalalagyan: Ladislao Diwa, mula sa pantyong pambayan ng Lungsod ng Kabite (Caridad) inilipat ang kanyang mga buto sa isang museleo sa may harap ng tahanan ng mga Diwa; Mariano C. Trias, dating napalibing sa Sementeryo del Norte sa Maynila ngunit inilipat ang kanyang mga buto sa kanyang munumento na matatagpuan sa bayang ipinangalan sa kanyang alaala. Pinasinayaan ito noong ika-23 ng Mayo 1923;

Julian Felipe, namatay sa Maynila, nakalagak ang kanyang mga buto sa isang munumento na ipinatayo bilang parangal sa kanyang kabayanihan sa Lungsod ng Kabite; Olivia Salamnca, isa sa mga kauna-unahang babaing doctor ng medisina sa bansa. Namatay sa sakit na tuberculosis, unang inilibing sa pantyong pambayan ng Lungsod ng Kabite (Caridad), ngunit inilipat ang kanyang mga labi sa MUSELEO NG PAMILYA Salamanca sa Sementeryo del Norte, Maynila noong 1939.

Belated happy birthday to WENG OZAR last December 17, 2009. Greetings coming from GSO Cavite City Family

Congratulations to TROPANG CALLE MARINO (Brgy. 42-C) for winning the 1st Place in “Higante at Bangenge Making Contest” held last December 15, 2009. And the people of Calle Marino would like to extend their gratitude to all the people who helped and support in making this Jimmy Neutron Bangenge (No. 1).


DISYEMBRE 20 -26, 2009

ILANG TULA NI ALEJANDRO G. ABADILLA

Na titiy ope Natitiy titiyope

JOSE GARCIA VILLA Ako’y mag,bi, Vi,lla, Umawit si Villa Sa,pa,ra, ang a’kin, At ako’y umawit Sang, ka,ter,bang, ko,ma’y Ngunit nagkakontra A,king, tu,tu,la,in. Ang sa aming tinig.

MARX, AMADO V. HERNANDEZ Si Hernandez V. ay Galit sa mayaman E, pa’no kung siya Ang magkamal naman? Nakabiting diwa Ay ibinaba mo Sa tuntungang lupa: Ay, oy Tula ako! Sambeles na kalam Ng iyong sikmura, Ang lagi nang laman Niyang mga akda. Kay Karl Marx ang sining Sa kalam nagmula, Kaya natapos ding Kalam sa sikmura. Tutol kay Monleon Si A. V. Hernandez: Isa kayang hamon? Ay, kagaw ng galis! Kami ni Amado Ay may unawaan, Sa pag-aamigo’y Buting may sikmatan. Si A. V. Hernandez Ay kampon ni Marx. Tingting naging walis Na pagkabagbag! Si A. V. Hernandez, Sosyalista lamang, At hindi communist Na tulad ng bintang. Lipunang bathala Ay iyong sinamba: Ngayon, ikaw’y wala Ng sama-sama niya! Si Andres Bonifacio’y pinatimpalak,

Ang sabi’y Kurakot ang premyong pilak. Nanalo na naman Si Amado ko, Doble seguro raw, Ani Agoncillo. Ang timpa-timpalak Ng mga Tagalog, Sadya pong masarap: Pirming pansit-luglog! Ang kaletsihan mo’y Di ako kaletsihan: Ikaw’t saka ako? Laking kabalbalan! Humuli ng purges Si A. V. Hernandez, Purges ng masiyak, Ako’ng nagkagalis! Kolektribisasyon! Ang sigaw ni Karl Marx, Sama-samang gutom— Puwe!... kayong lahat! Si Lawat si Freud Nagkakahidwaan, Sabi sa tagalong Di raw masasakyan. Ditso ka ng ditso Sa mga lansangan, Sino’ng malolokong Ibig paglidiran? Iyang manggagawa’y Pinaglidiran mo. Ang iyong napala’y Ibayong pang-iyo. Awtor pagsabihang Yumakap sa ismo Na makalipunan: Ay esSPi, Amado!

Sabi mo’y wala kang Ibig na sabihin, Jose Garcia Villa: Henyo ka ngang tambing!

Sa pula sa puti Ikaw ay pumusta: Bakit mo lunggating Villahin si Villa?

Ayaw mong usapan Ay aking babuyin: Ano’ng kailangan, Akin bang Villahin?

Kamot, kislot, kamot Jose Garcia Villa, Kamot ka pa’ng kamot E’ng kati’y wala na?

Si Drey Garcia Villa Ay tula, Walang inyaabla Sa mga pangawa

Kung comma’y may tungkol Sa mga tula mo, Villa kong maragol, Di ba iya’y thought mo?

Kay Villa ang tula’y Basta grace daw lamang, Bulaklak ng dilang Walang ni anuman!

Ditso ka ng ditso Ayaw kang umamin, Ngawa doon, ditto Ke-tuso mong matsing! ANG AKO Mga kalangitan Ang ako’y mahirap Ay nilunggati mo, Matakal niyang salop Nguni walang hanggan Na nililikwad-likwad Ang ako sa iyo, Sa pamumusabos. Ang ako sa akin Ang Diyos sa tao’y Ay gumandang ganap Buong katauhan, Nang ikaw’y maangking Sa akin ang ako’y Isang munting hiyas, Walang labis-kulang, Duling iyang mata Ang ako sa akin Na itinitingin, Ay buhay na buhay, Pa’no magagawang Bakit iisiping Ang ako ay sukatin? Ako’y mamamatay? Ang ako sa akin Dinadaigdig ko’y Ay isang hiwagang Pagkaliit-liit, Hindi maaangkin Datap’wa ang ako’y N’yang kawalang laya. Malaking daigdig! Walang hanggang tula Ako’y walang dala Sa iyo ang ako: Kariting ma’y wala: Bakit ka tulala Hubad na’y hubo pa Sa kaakuhan ko? Ang akong sagana. Ang ako ay ako Si Mellor, si Constance, Lusiper ang ako, Ay ang akong payak: Ang tula ay ako’t Isang kagandahang Ako ang budhi mo! Ke-tapang, e muslak! Ang ikaw mo’y akin, Ang id ay ang ako, Akin ang ako ko, Ang ego’y ang ikaw; Sino ka sa aking Silang super-egong Anyong disipulo? Ganid ng Lipunanan. Lagi nang katagang— At, inibig ni Freud Sabi ang sabi mo, Na habuging-putik Ba’t di magawang Ang akong tibobos Sinsayina ang ako? Sa kamay ng isip!

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Miss Bebang, Nahihirapan akong mag-umpisa ng conversation. Gustong-gusto ko pa naman siyang kausapin. Natitiyope yata! Papa Bon ng Barangay Bayan Luma, Imus, Cavite Mahal kong Papa Bon, Dalawang approach ang naiisip ko: ALL ABOUT YOU Approach Maaari mong paghanguan ng paksa ang sumusunod: 1. Ang kanyang estilo ng buhok, pananamit at sapatos 2. Ang kanyang daladalahan (halimbawa ay aklat sa Biology o keychain o cellphone) 3. Ang kanyang paraan ng pakikipagkapwa Kaya mainam na pagmasdan mo siya. Magobserba. Mas mahusay din kung puro magaganda lang ang pansinin mo. Kung maalikabok ang sapatos niya, utang na loob, huwag mo nang banggitin. Pero kung bumagay sa kanyang masayang mood ang kulay ng suot niyang blouse, agad mong sabihin ito sa kanya. Manaliksik din. Tanungin ang kanyang mga kaibigan o kapamilya.

11

Narito ang ilan sa mga puwedeng alamin: 1. Paboritong ulam 2. Paboritong babasahin 3. Paboritong pasyalan 4. Saan nagsisimba o sumasamba 5. Elementary o high school na pinasukan Maaari mo ding tingnan ang kanyang Friendster o Facebook account para mas madali. PA-CURRENT EVENTS Approach Maaari mong paghanguan ng paksa ang sumusunod: 1. Maaliwalas at malamig-lamig na klima ngayong Disyembre 2. Nalalapit na proyekto ng barangay ninyo ngayong Pasko 3. Ang kabubukas lamang na tindahan ng aklat na malapit sa inyong kanto 4. Pagkapanalo ng Pinoy na si Efren Peñaflorida bilang CNN Hero of the Year. Magbigay ng komento sa mga positibong bagay. Hangga’t maaari ay iwasan ang ukol sa politika, pag-ibig, pera at seksuwalidad. Masyado iyang seryoso bilang conversation-opener. Baka wala pang limang minuto ang inyong pag-uusap e, nag-aaway na kayo. Kung sinubukan mo na ang dalawang approach at nahihirapan ka pa rin, huminga nang malalim at mag-relax. Chill out, Papa Bon. Kung tensyonado at masyado kang trying hard, mas mahihirapan kang makapagbukas at makapagpatuloy ng pakikipag-usap sa kanya. At ang masaklap diyan, baka kumorni ka pa. Ayaw mo iyon. Ayaw ko din iyon. Malamang, ayaw din niya iyon. Iyon lang, Ate Bebang.


Lalaki, tiklo sa modus operandi CAVITE CITY – Isang lalaki ang kinasuhan dahil sa pamemeke ng illegal na dokumento hingil sa panghihingi niya ng pera sa isang Kapitan Del Baryo kamakailan sa lunsod na ito. Kinilala ni P/Supt. Simnar Gran, hepe ng pulis, ang suspek na diumano’y may kakaibang istilo ng panlolo-

ko na si Henry Medina y Ydaniela, 45 taong gulang , binata, residente ng Ligtong 3, Rosario, Cavite.

SENIOR... mula sa p.4 Malaki at malawakan ang mga gawaing sinimulan ng grupo ni Ginang Luz Sabas at Dr. Metodio Palaypay ng UP. Posible ding gamitin ang ‘Zero Waste’ sa larangan ng politika at pamamahala ng bayan. Ibasura na ang gawaing baluktot sa gobyerno katulad ng korapsyon, panloloko, pagbubulaan at pangongotong. Isama na rin ang mga tiwaling namumuno sa bayan at mga politikong gagastos tuwing eleksyon at babawi, may kasama pang tubo, sa mga kontratang paglalaanan ng hanggang dalawanpung por siento ng kabuuang halaga para sa katiwalaan. Huwag na sanang paulit-ulit pang maganap ang mga di-wastong gawain sa gobyerno. Ang karapatang pumili ng mga lider tuwing eleksyon ay pagkakataon ng mamamayan upang simulan na ang kinakailangang pagbabago sa pulitika. Basura ng pulitika ay iwaksi na upang maalis na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang nakalugmok sa kahirapan dulot ng korapsyon. ‘Ako ang simula’ wika nga ng ABS-CBN,’ sa pagbabago at paglilinis ng basura ng ating lipunan’. Ibasura ang mga walang silbing tauhan ng pamahalaan upang umunlad na ng husto ang Pilipinas.

Sa inisyal na report na ipinarating ni PO1 Nick Balberan sa Responde Cavite nakatanggap ng tawag noong Dis. 16, 2009 dakong alas 6:15 ng gabi si Brgy. Capt. Bayani Bilang galing kay Brgy. 27 Capt. Michael Lu upang beripikahin kung may residente siya na nangangalang Henry Medina na ng mga oras na iyon ay may dalang pekeng certification na galing sa Brgy. 11 na humihingi ng pinasyal. Nang puntahan ni Bi-

lang ang nasabing lalaki ay sinabi niyang hindi niya kilala ang lalaking iyon at hindi niya ito residente at peke ang pirma nito. Nang sabihin ni Bilang na peke ang dokumento at pirma nito ay kaagad na kumaripas ng takbo ang lalaki na kaagad din namang nadakip ng mga brgy. tanod. Kaya kaagad itong dinala sa himpilan ng pulisya upang sampahan ng kaukulang kaso. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong falsification of public documents. JUN ISIDRO

ANO? PATINGIN NG DUGO – (BLOOD CHEM.) ·FBS ·BUN ·CRETININE ·URIC ACID ·TRIGLYCERIDE ·CHOLESTEROL KAILAN?

Chairman’s Charity Cup, idinaos! CARMONA, CAVITE – Idinaos ang taunang Chairman’s Charity Cup ng The Manila Southwoods sa nasabing lugar kamakailan. Sinasabing naiiba daw sa mga nakaraan nilang tournament ang naganap nitong Disyembre 19 (Sabado) hanggang Disyimbre 20 (Linggo), dahil nagkaroon ng fund-raising tournament

ang mga miyembro ng nasabing club kabilang din ang kanilang mga panauhin na mapupunta ang naipon para sa mga lokal na paaralan na nawasak dahil sa pananalasa ng bagyong Ondoy. Mahigit 400 naman na manlalaro ang lumahok sa tournament at ang awarding ng mga nagsipanalo ay ginawa nitong Linggo. Samantalang ilan naman sa mga naging premyo sa raffle ang isang bagong kotse na Mitsubishi, Royal Caribbean cruises, Korean Airline tickets, golf vacations sa Malaysia, Boracay, Baguio, getaways, El Nido Resorts, Mactan Island, SYM Motorbike, golf sets, LCD TVs.

WALANG ‘PRIVATE ARMIES’ SA CAVITE – PNP

SUNDO T... m ula sa p .4 SUNDOT mula p.4 Ang mga wala raw trabaho, mula sa sakador, balasador, polly at boy ay nabibigyan nya ng pagkakakitaan. Hindi lang daw yun, maging yung pwestong paglalagyan nya ng saklaan, nakikinabang ang barangay, mga tanod at ang mga pulis na umoorbit. Ipinagmamalaki ng bosstsip na operator na ito, na sya ang nagpapagasolina sa mga sasakyan ng barangay at pulis. Kaya naman, iboto natin sya sa susunod na eleksyon. Malaki ang magiging tipid ng gobyerno sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga bara-barangay na mayroon syang pwesto ng sakla. Oo nga naman, may trabaho na ang mga tao, may pagyosi’t miryenda pa ang mga tanod pati si Kapitan. May visibility pa ang barangay at police mobile patrol. Pwe! Mga Dyaristang (Hao Siao) Haw Shaw, Umaray! Nang ipagsigawan natin sa buong mundo (talagang mundo… naka-upload kasi ang dyaryo natin sa ating website na www.respondecavite.com na mababasa sa buong mundo) na hindi tayo nakatanghod at nakapayola sa mga munisipyo at kapitolyo (particular sa Gen. Trias), maraming umaray! Sensya na po mga kapatid sa hanapbuhay. Hindi naman kayo ang tinutumbok ko sa kolum ko noong nakaraan. Ayoko lang na inaalipusta ang mga tao ko sa dyaryo at sabihing nanraraket kami sa munisipyo ng Gen. Trias. Nagsasabi lang kami ng totoo. Hindi kami nakapayola at tumatanghod. Amen! Pasko na Kasi… Maligayang Pasko sa ating lahat. Sa mga politiko, public servant at mga nagmamalasakit sa Bayan ng Cavite, lalung-lalo na sa mamamayan ng dakilang Lalawigan ng Cavite… isang mapagpalaya, progresibo at makabuluhang Pasko!

·TUWING UNANG SABADO NG BUWAN (6AM – 9AM) SAAN? CARIDAD LABORATORY NG HEALTH CENTER ***350.00 ONLY***

ALANG-ALANG sa diwa ng kapaskuhan kusang-loob na nagsadya sa tanggapan ng Responde Cavite sina Roberto Doñes, Ph. D. at dating barangay Captain Boy Purificacion upang ayusin sa labas ng korte ang namagitan sa kanila.

Walang banta sa Trece Martirez ngayong eleksyon! TRECE MARTIREZ CITY – Ipinahayag kamakailan ng Provincial Commission on Elections (COMELEC) na walang banta sa Trece Martirez o kahit saan pa man sa Cavite sa darating ng eleksyon. Sa pahayag ni Juanito V. Ravanzo Jr. na siyang supervisor ng Provincial Comelec, ayon sa kanya, siguradong maayos at mapayapa ang ma-

giging eleksyon dito sa probinsya ng Cavite sa pakikipagtulungan na rin ng mga kandidato sa darating na eleksyon. Dagdag pa niya ay base sa listahan ng mga kandidatong tumatakbo ay malabong magkaron ng kaguluhan. Ang lungsod ng Trece Martirez ang itinuturing na pinaka binabantayan sa tuwing sasapit ang eleksyon.

Ito di umano ang “hot spot” ng Cavite dahil na rin sa mga nauulat na pagkamatay ng mga kandidato dahil sa iringan sa politika. Nitong nakaraang eleksyon 2004 ay mayroong naitala na 7 kataong namatay dahil sa engkwentro ng pamamaril at dahil dito ay pinaigting ang seguridad sa lugar na ito. JUN ISIDRO

IDINEKLARA kamakailan ng Police Provincial Office (PPO) na walang “private armies” dito sa probinsya ng Cavite. Ito ay ayon sa surveillance at police report ni Chief Inspector Milagros Sanchez, public information officer. Ayon pa kay Sanchez, “yung surveillance at reports ang magpapatunay na walang private armies o arms cache sa Cavite. Wala talaga kaming makita,” Ito ay isinagawa ng Philippine National Police (PNP) upang makatiyak sa mga kumakalat na balita na mayroong mga grupong may hawak na “illegal firearms”. At ngayon ay pinagiigting pa nila ang pagbabantay ng seguridad laban sa mga “private armies”. Ewel Peñalba


RESPONDE CAVITE 16