Page 1

THE QUEZON POST Lot 9, Blk.12, Peace St., Brgy. Iyam, Rosario Village, Lucena City TEL. NO. 727-6887 CP NO. 0939-9378675 quezon_post@yahoo.com

SM City Lucena, PWDFriendly Establishment VOL. VIII NO. 25

JUNE 27 - JULY 3, 2012

P10.00

Basahin sa pahina 3

PWD-FRIENDLY. Pinangunahan ni Lucena City Mayor Barbara Ruby C. Talaga (kaliwa) ang pagdidikit ng mga PWD stickers sa iba’t-ibang bahagi ng SM City Lucena kasama sina Maricel Alquiros, Mall Manager at Engr. Russell Alegre, Asst. Mall Manager para ipabatid sa publiko na ang mall na ito ay PWD-friendly establishment. Isa ang SM City Lucena sa 26 na awards na nakuha ng SM Supermalls sa pagiging PWD-friendly establishment noong 2011. (PIO-Lucena)


2

JUNE 27 - JULY 3, 2012

PUNTONG QUEZON THE QUEZON POST ELEANOR C. MALALUAN, Publisher JAY FERDINAND C. MALALUAN, General Manager JANE ASENSI-MALALUAN, Editor-in-Chief NANCY C. ASENSI, Marketing/Advertising Manager JULIUS A. CABANGON, News Correspondent MAURENDIA AGUILA, Circulation Manager The QUEZON POST is published weekly by the Quezon Post Publisher, with editorial and business address at Lot 9, Block 12, Peace St., Rosario Village, Iyam, Lucena City, Telephone No.(042) 7276887; Cell Phone No. 0939-937-8675. Advertising Rates: Commercial .......................................P170.00/col. cm. Legal ..................................................P120.00/col. cm. Subscription Rates: One (1) year ................................................P520.00 Six (6) months ............................................P260.00 Re-Entered as Second Class Mail

at Quezon Capitol Post Office, Lucena City on April 06, 2011

EDITORYAL

$ 1 Billion Pledge MAINIT na usapin ngayon sa kasalukuyan ang $1B IMF pledge na balak ng gobyerno na ibigay sa Internationa Monetary Fund (IMF). Ito ay magmumula sa dollar reserves ng bansa upang pakinabangan ng mga problemadong bansa sa Europa. Nauna nang inihayag ni Banko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr. na ang naturang $1billion pledge sa IMF ay aani ng interes at kasabay nito makatutulong pa ang gobyerno ng Pilipinas sa ibang bansa na nakararanas ng suliranin sa pananalapi. Kung lilimiin ang planong pagpapahiram ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa IMF, tiyak na marami ang magtataka. Bakit may kapasidad tayong magpahiram sa IMF nangangahulugan itong may pera ang ating gobyerno. Sumulong na nga siguro ang ating ekonomiya dahil mayroon tayong dollar reserved na pwedeng ipahiram. Ayon pa naman sa BSP ang naturang halaga ay hindi ayuda o tulong kung hindi sa porma ng loan o utang. Ang ating international reserves ay nasa $77 billion pa dahil hindi ang naturang pautang ay hindi mawawala at sa katotohanan ay kikita pa ng interes. Sa panahong ito mas higit na kailangan ng ating mga kababayan ang salapi. Sa halagang isang bilyong dolyares marami nang Pilipino ang kayang iangat ang kabuhayan sa pamamagitan ng mga proyekto at programang pangkabuhayan. Siguro nga ay dapat na ipaliwanag ng husto ng pamahalaan ang isyung ito sa mga mamamayan upang maunawaan ang naturang planong pagpapahiram na gagawin din naman ng ibang bansa sa IMF upang makatulong sa mga problemadong bansa sa pananalapi. Mahirap nga lamang maintindihan na ang bansang katulad natin ay kayang magpahiram ng dolyares sa ibang bansa ngunit nakararanas pa din ng kahirapan ang nakararami.

Ni Sir MANNY CAMARA

Hindi hiyang HULAAN ninyo kung ano ang tinutukoy ng modernong parabulang ito na sinulat ni Orion P. Dumdum sa Get Real Philippines. Pinamagatan niya itong “The Parable of the Mountain Bike.” Tungkol ito kay Felipe na isang batang nakatira sa isang liblib na barangay. Isang araw ay isang Amerikanong nagngangalang Sam na volunteer ng American Peace Corps ang nakitira kina Felipe. Nasa 6 feet 7 inches ang taas ni Sam at mahilig ito sa basketball. Mabait ito at mahusay makisama kaya napalapit ang loob ni Felipe rito at tinawag niya itong Uncle Sam. Naging idol ni Felipe si Sam. Mayroon itong mountain bike na pasadya sa laki at sukat nito. Pinangalanan ito ni Sam na “The American Way.” Humanga si Felipe sa mga stunts na nagagawa ni Sam sa mountain bike. Inasam niya na makasakay sa bisikleta ni Sam. Nang bumalik na sa Amerika si Sam ay iniwan nito kay Felipe ang mountain bike nito na si “American Way.” Sinubukan itong gamitin ni Felipe pero bahagya na niyang maabot ang manibela at pedal nito. Palagi lamang siyang natutumba at nagagalusan pagkatapos tumakbo ng ilang metro. Pinayuhan siya ng kanyang mga kapitbahay na gumamit na lamang muna ng mas maliit at kahit mumurahing bisekleta para matuto pero hindi sila pinakinggan ni Felipe. Regalo ni Uncle Sam sa kanya ang “The American Way” kaya ito ang gagamitin niya sa ayaw nila at sa gusto. Ang ibang bata sa kanilang barangay ay gumamit ng mas maliliit na bisikleta na may mga alalay na gulong sa hulihan. Nang lumipas ang mga taon ay natuto silang magbisikleta at nagamit na nila sa paghahanap-buhay ang kaalamang ito. Nang lumaon pa ay nakapag-upgrade na sila ng kanilang mga bisikleta. Pero si Felipe ay hindi natutong magbisikleta. Lagi la-

Paglaban sa ‘human trafficking’ Ang 12th Annual Trafficking in Person (TIP) report ng state department ng Estados Unidos na nagpanatili sa Pilipinas sa Tier 2 category ay pagkilala sa mga masigasig na mga hakbang ng administrasyong Aquino na sugpuin ang human trafficking sa bansa. Ito ang pahayag ng Tagapagsalita ng Pangulo Edwin Lacierda pagkaraag ilabas ng US State Department ang nasabing TIP Report na nagbigay-diin sa mga nagawa ng pamahalaang Pilipino upang sugpuin ang human trafficking. Sinabi ni Lacierda na lalong puspusan ang ginagawa ng pamahalaan upang madakip ang mga illegal traffickers at recruiter na nagsasamantala sa ating mga kababayan. Bumalangkas ng mga programa ang Inter-Agency Council Against Trafficking in Persons (IACAT) upang matiyak na masusugpo ang human trafficking sa lahat ng sulok ng bansa. Kabilang sa mabubuting bagay na binanggit sa 12th annual trafficking in persons report ang pagkadakip at paghaharap ng sakdal laban sa mga kriminal at kasong administratibo naman ang iniharap sa mga tauhan ng pamahalaan na pinaghihinalaang kasangkot sa mga sindikato ng human trafficking, gayundin sa mga tumutulong sa kanila. Itinampok din sa report ng TIP ang patuloy na paguusig at paglalapat ng parusa ng gobyerno sa mga nagkasala sa trafficking, kaalinsabay ng pagtulong sa mga biktima. Pinuri rin ng US State Department ang halagang ibinigay ng pamahalaang Pilipino sa pagsasanay ng mga tauhan

mang siyang natutumba at nagagalusan. Nagpipilit siyang gamitin ang isang bisikleta na mamahalin nga pero hindi naman niya kasukat. Pero ayaw niya itong iwan. Ang katuwiran niya ay regalo ito sa kanya ng kanyang idolong si Uncle Sam kaya ito ang kanyang gagamitin sa ayaw nila at sa gusto. Marahil ay obvious na sa parabulang ito ay kumakatawan sa Pilipinas si Felipe at si Uncle Sam naman ay sa Amerika, pero ano naman ang mountain bike? Ito ang presidential system na siya nating ginagamit. Nasabi ko ito dahil mayroon ding ini-upload sa YouTube si Dumdum na isang segment mula sa political drama na “West Wing” kung saan isang karakter ang nagsabi na, “The presidential system is one of America’s dangerous exports.” Ang “West Wing” ay isang American TV series na ang pangalan ay hango sa isang section sa White House kung saan naroon ang opisina ng president at ng kanyang senior staff. Isa itong political drama na sinulat ni Aaron Sorkin. Ang segment ay mula sa Season 6, Episode 16 ng nasabing serye. Doon ay may isang eksena kung saan humuhingi ng tulong ang mga taga Belarus, isang bansa na nagdeklara ng soberanya nang bumagsak ang Unyong Sobyet, sa pagbabalangkas ng isang bagong konstitusyon. Gusto ng mga taga-Belarus ng presidential system na may mga kapangyarihang hawig sa president ng Amerika. Pero iminungkahi na karakter na si Toby Ziegler ang parliamentary system. “The presidential system is one of America’s dangerous exports responsible for wreaking havoc on over 30 countries around the globe! It is a recipe for constitutional breakdown!” Sa description ng video ay sinabi ni Orion Dumdum na ang dialogue na iyon ay halaw sa mga pag-aaral nina Dr. Fred Riggs, isang public administrator, at mga tanyag na international political scientist na kinabibilangan ni Dr. Juan Linz. Ayon pa sa komentaryo ay ipinahayag ng programa, sa pamamagitan ng karakter na si Toby Ziegler ang academic consensus sa kasalukuyan na ang parliamentary system ay mas matatag at mas flexible, hindi kagaya ng presidential system na madaling mag-breakdown at may tendency na mauwi sa authoritarianism. Kung inyong mapapansin ay palagi tayong may puna sa ating mga nagiging president. Baka naman sistema na (presidential system) ang may diperensya. Baka gumagamit tayo ng isang bagay na hindi naman hiyang sa atin. Ang tanong ni Dumdum: “Kailan natin matatanto ang mga aral sa ating kasaysayan na ang presidential system ay hindi epektibo sa atin?”

NGAYON Ni LITO M. GIRON

ng gobyerno, lalo na ang paglalagay ng human trafficking indicators bago paalisin patungo sa ibang bansa ang mga migranteng manggagawang Pilipino. Binanggit din sa ulat ang pagsisikap ng gobyernong Pilipino na puspusang pangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga overseas workers sa pamamagitan ng mga bilateral agreements, lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sa manggagawa sa ibang bansa. Kabuuang P65 milyon (halos US1.5 milyon) ang inilaan ng pamahalaang Pilipino na gugulin sa paglaban sa human trafficking, pag-uusig sa mga nagkasala at pangangalaga sa tao. Ayon kay Kalihim Leila de Lima ng Katarungan, ang Tier 2 status ay opisyal na kumikilala sa mahalagang pagsisikap ng bansa na umalinsunod sa mga tuntuning itinakda ng US State Department . Ang mga bansa sa ilalim ng Tier 1 ay lubusang nakaalinsuod sa minimum standards ng Trafficking Victims Protection Act, samantalang ang bansang nasa Tier 2 naman ay hindi lubusang nakaalinsunod, subali’t masigasig ang pagsisikap na ginagawa para sundin ang mga itinakdang tuntunin.


JUNE 27 - JULY 3, 2012

3

SM City Lucena, PWDFriendly Establishment Lucena City---Upang ipabatid sa publiko na ang SM City Lucena ay Persons with Disability (PWD) Friendly Establishment ay mismong si City Mayor Barbara Ruby C. Talaga ang inimbitahan nilang manguna sa pagdidikit ng sticker sa iba’t-ibang bahaging mall na inasistihan nina MaricelAlquiros, Mall Manager at Engr. Russell Alegre, Asst. Mall Manager. Ayon kay Mayor Talaga, ito ay nagpapatunay lamang na ang naturang mall ay nagtataglay ng mga pasilidad na kapaki-pakinabang at angkop sa mga may

kapansanan tulad ng mga daanan, elevator, parking space, comfort room at iba pa na nakalaan para sa mga PWD. Ayon naman kay Lilibeth Azores, PR Manager for South Luzon 2 & 3, hindi tumitigil ang pamunuan ng SM Supermalls sa pagiisip at pagpapatupad ng mga serbisyong nararapat ibigay sa mga PWD. Patuloy din umano ang pagbibigay nila ng kaalaman sa kanilang mga empleyado at mga tenant ng mga impormasyon sa taman gpag-handle ng mga PWD gayundin sa mga senior citizen.

Bahagi rin ng kanilang programa para sa kanila ay ang pagkakaroon ng mga proyektong makakapagpaunlad ng mga angking talento at kakayahan sa iba’t-ibang larangan ng mga PWD. Maliban dito, nakasuporta rin ang SM City Lucena sa mga aktibidad ng PWD na ginagawa sa loob ng mall tulad ng pagdiriwang ng mga National Disability Week at iba pang gawaing nakapagpapaunlad ng kanilang kakayahan. Matatandaang nakamit ng SM City Lucena ang Bronze Award para sa Apolinario Mabini Awards

Disabled Friendly Establishment noong taong 2011. Ang SM City Lucena ay isa sa 26 na awards na nakuha ng SM Supermalls sa pagiging PWD friendly establishment kung saan nakamit ng SM Tarlac ang Gold Award. Ang Mabini Awards ay ipinagkakaloob ng Philippine Foundation for the Rehabilitation of the Disabled (PFRD) sa mga PWD na nagtagumpay, gayundin ang mga indibidwal, grupo o samahan at establisimyento na tumutulong sa kapakanan ng mga may kapansanan. (PIO-Lucena)

Quezon PDRRMC conducts disaster response exercises

LUCENA CITY---The Quezon Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) conducted joint Quezon stakeholders’ disaster response exercises. This is to improve the rescue, relief, and search operations of the local rescue teams of the Municipal Disaster Risk Reduction Management Councils

(MDRRMCs) in the towns of Dolores, San Antonio, Tiaong, Candelaria, and Sariaya. According to Dr. Henry Buzar, Quezon PDRMMC officer, the exercises consisted of basic disaster management, trauma emergencies, patient stabilization, vehicular accident extrication, bomb detection and fire prevention that could

be used by the MDRRMCs in their disaster management operation. “Since this stakeholders disaster response exercises was first held in the first district of the province and become a successful one, the PDRRMC is planning to hold this in the entire province in order to mainstream the disaster preparedness program in the far

flung barangays,” Buzar said. He added that this will help the MDRRMCs prepare the communities in the rescue, relief, and search operations in the event of disaster. The activity was supported by Regional Community Defense Group (RCDG) and Task Force Lucena. (Joselito M. Giron- PIA Quezon)

Atimonan to receive P1-M performance challenge fund ATIMONAN, Quezon---The municipality of Atimonan is set to receive P1 million performance challenge fund from the Department of the Interior and Local Government (DILG). Municipal Tourism Officer Cecilia de Torres said the fund will be used for the improvement of Pinagbanderahan Park in the Quezon National Forest Park to promote

local tourism in Atimonan. The promotion of local tourism is one of the priority programs of the municipal government under the leadership of Mayor Atty. Jose Mendoza, Torres added. According to DILG-Quezon Provincial Office, the performance challenge fund (PFC) aims to help stimulate local government units to put premium on transpar-

ency and accountability to enable them to avail of financial support to jumpstart and sustain local economic development initiatives supportive of national government goals and priorities. The Fund also aims to encourage convergence of local development projects with the present administration’s priority programs that would achieve the

millennium development goals; tourism and local economic development; the objectives of the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 and the Ecological Solid Waste Management Act of 2000; and to recognize LGUs which exhibit good performance in internal housekeeping. (Ruel M. Orinday -PIA Quezon)

Training ukol sa coastal management plan, isinagawa Lucena City---Isang napakahalagang training ang isinagawa ng City Planning and Development Office katuwang ang City Agriculturist Office para sa mga barangay officials upang magbalangkas ng coastal management plan ng lungsod na ginanap kamakailan sa Church of Jesus Christ the Latter Day Saint sa barangay Gulanggulang. Sa ginawang pagpapaliwanag ni OIC CENRO Ramil Gutierrez mahalaga ang papel na gagampanan ng mga namumuno sa barangay sa bubuuing plano na uumpisahan sa kabundukan hanggang karagatan. Sa matataas na lugar umano nanggaling ang mga dumi at basurang napupunta sa karagatan na siyang pinagkukunan ng marine resources. May malaking papel din ang mga ito sa pangangalaga ng bakawan at ang bawat isa sa mga dumalo ay may mahalagang ambag upang maayos na mabuo ang plano. Ayon naman kay City Agriculturist Jose Canlas Jr. na siyang nagpakilala sa mga participants ang pagbubuo ng plano para sa

baybaying dagat ay nararapat gawin upang manatiling maganda ang karagatan. Binanggit naman ni OIC PENRO Alfredo Palencia na nagbabago na ang panahon at hindi dapat mangyari sa lungsod ng Lucena ang nangyari sa Marikina at iba pang lugar na biglang nakaranas ng pagbaha. Ang pagbubuo ng plano para sa Integrated Coastal Management (ICM) ay isang kautusan ng pamahalaan at dapat na naaayon sa batas ng kalikasan. Matapos ang presentasyon ng profile ng Lucena ay tatalakayin din ditto ang Executive Order no. 533, ang status ng ICM para sa Tayabas bay at ang pagbubuo ng plano na angkop sa lungsod. Dumalo rin sa seminar ang mga Bantay-Dagat na katuwang sa pagbabantay sa karagatan, PNP Maritime at representative ng St. Anne College na nag-adopt ng mangrove area sa barangay Barra. Sa ikalawang araw ng seminar ay pinag-usapan naman ang Coastal and Marine Waters Zoning, Resource Mapping, Identification of Coastal habit at at sa huli ay nagkaroon ng open forum. (Aida C. Dapula, PIO-Lucena)


Contributing Editor: OLEN DELA ROMA 4

l l l l

JUNE 27 - JULY 3, 2012

Coco Martin sobrang hinangaan ni Mother Lily Monteverde! Marian Rivera kukuning ninang ni Katrina Halili para sa kanyang baby! Sarah Geronimo concert ang regalo sa mga fans sa kanyang birthday celebration! At iba pang hot na hot na showbiz news!

MARIAN RIVERA: Pinanood ang teleserye ni Coco Martin para makita kung paano ito umarte.

ISANG malaking achievement para sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ang mapagsama sa isang pelikula ang dalawa sa biggest artists ng GMA-7 at ABS-CBN na sina Marian Rivera at Coco Martin. Ang pelikula ng dalawa ay ilan lamang sa mga pasabog na pelikula ng Regal Entertainment ngayong taon under the direction of Maryo J. delos Reyes. Humahanga nga raw si Mother Lily kay Coco.”I really admire Coco’s acting talents! Ang galing niya! Kaya naman gusto ko nang masimulan na ang kanilang movie at handa kong gastusan nang malaki ito dahil hindi ko alam kung malalambing ko pa ang ABS-CBN na gumawa uli ng movie sa Regal si Coco!” At maging ang leading actress na si Marian ay hindi nagdalawang-isip na purihin ang acting prowess ni Coco kahit pa nga sabihing during the airing ng My Beloved ay magkatapat ang show (Walang Hanggan) nila ng actor. Sinabi nga ni Marian that she was impressed by the acting ability of her future leading man. “Siguro tinatanong nila, bakit si Coco Martin [ang next lead-

ing man ko]? Sige, sasagutin ko ‘yan. Uhm, ayoko na ng itsura, e, given na, na guwapo si Coco, okey siya. Ang galing niyang umarte. Nata-challenge ako sa kanya. Kasi naku, ‘wag magalit ang Channel 7… wala lang, minsan nakikita ko. Siyempre, ang ano naman, taga-7 ako, tapos manonood ako [ng ABSCBN]. Na-curious lang ako sa kanya nang sinabi sa akin na magpa-partner kaming dalawa. Sabi ko, okey. Tiningnan ko lang one time ‘yung show niya [referring to the primetime series Walang Hanggan]. “Sabi ko, ‘Wow, magaling nga talaga at may puso talaga siyang umarte. Tapos sabi ko sa sarili ko, ‘yung movie, gusto ko heavy drama. Gusto ko magdramahan kaming dalawa. Kasi na-challenge ako na parang ang galing niya talagang umarte. ” At bilang suporta ni Marian kay Coco, nag-attend siya sa contract signing nito. Nagkahiyaan man nang pormal na ipakilala sila sa bawat isa, kalaunan ay naging magaan na ang loob nila sa isa’t isa. hg SPEAKING of Marian pa rin, isa pala siya sa napi-

pisil na kuning ninang ni Katrina Halili sa paparating nitong baby. Nasa 7 months na nga tiyan ng sexy actress at ilang buwan na lamang ay makikita na nila ni Kris Lawrence ang batang bunga ng kanilang pagmamahalan. Kaya naman, ngayon pa lang ay may nakalatag na silang mga plano para sa kapakanan ng baby nila. Inamin din ni Katrina na bago nagtapos ang My Bleoved ay nagkausap sila ni Marian. Napag-usapan na rin daw nila ni Kris kung kailan bibinyagan ang kanilang baby at kung sinusino ang mga kukuning ninong at ninang. Ayon kay Katrina, nadagdagan siya ng ten pounds kaya naglalakad pa rin daw siya minsan o kaya nagtitreadmill para medyo mabawasan siya ng timbang. Pero masaya siya kahit na sabihing tumataba dahil mas excited daw siya sa nalalapit na panganganak. Ayon pa sa kanya, “Kagagaling ko lang po sa check-up, okey naman po. Kaya lang, baligtad ang baby. Kailangang mabago ang posisyon para hindi raw ako ma-CS [caesarean section]. Gusto ko talaga sanang normal delivery para ma-feel ko raw talaga ang panganganak. Sa January siguro ang binyag kasi ‘yun ang dating ng mommy ni Kris galing States.” Isa si Marian sa kukuning ninang ni Katrina dahil oky na raw sila talaga bago natapos ang taping ng pinagsamahan nilang primetime series, ang My Beloved. “Nagkausap kami mga months na. Last taping day namin, dalawa na lang kasi kami, e. Medyo okey na kami. Nagyakapan kami, medyo napaiyak lang.” Sa katunayan, may komunikasyon na raw sila ngayon ni Marian. Nagtatawagan at nagte-text daw sila minsan. Ilan pa raw sa mga kuku-

ning Godparents ng kanilang baby ay sina Jennylyn Mercado at Cristine Reyes, at si Sunshine Dizon. Balak din daw ni Katrina na kuning ninong si Mark Herras, pero hindi pa raw niya ito nakakausap. Tiyak daw na kukunin naman ni Kris si Jay-R na ninong. Dagdag pa niyang kuwento, pagkatapos niyang manganak ay magpapapayat agad siya para makabalik na siya sa trabaho. Medyo babawasan lang niya ang pagtanggap ng trabaho dahil gusto naman daw niyang personal na maalagaan ang kanilang baby ni Kris. Although alam na nila ang gender ng magiging baby, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin daw nila napagkasunduan kung Katrence o Kristine ang ipapangalan nila sa bata. hg KUNG hindi pa ibinalita ng ina ni Sunshine Dizon na si Mommy Dorothy Laforteza na muling nanganak ang actress ay hindi pa malalaman ng marami. Ayon sa ina ng actress, isinilang ni Shine ang second baby nito via caesarean section noong Mayo 2 pa. Lalaki ang second baby nila ng asawang si Timothy na pinangalanan

nilang Antonio (na kinuha mula sa lolo ni Timothy)at may palayaw na Ton Ton. Matatandaang isinilang ni Sunshine si Doreen Isabel noong April 18, 2011 kung kaya’t wala pang isang taon ang pagitan ng panganay at pangalawang anak nila. Tuwang-tuwa nga si Mommy Dorothy sa kanyang bagong apo. “Napakacute ng apo ko, kamukhangkamukha ng daddy niya. Ang guwapu-guwapo at ang hahaba ng biyas, kaya pag nakita mo, alam mong malaki ‘yung bata. Gusto kong makuha ni Ton Ton ‘yung kaguwapuhan at magandang height ng daddy niya. Kasi pag nakuha niya ‘yun, artistahing-artistahin din ang hitsura niya.” Matagal-tagal na ring hindi active sa showbiz si Sunshine at mukhang matatagalan pa bago muling makabalik sa kanyang career. Ang huling teleseryeng ginawa niya sa GMA7 ay ang Tinik Sa Dibdib, ngunit hindi niya ito natapos dahil sa kanyang kalusugan. Pinalitan siya ni Nadine Samonte pagkatapos ng tatlong linggo. Ayon kay Mommy Dorothy, “Alam kong namimiss na rin ni Sunshine ang pag-arte. Hindi naman kasi basta-bastang tatalikuran

KATRINA HALILI: Baby girl ang ipinagbubuntis niya.

na lang ni Sunshine ang pag-arte na naging parte na ng buhay niya. Pero sa ngayon, mukhang malabo kasi medyo tumaba si Sunshine, kaya kailangan niyang magpapayat ulit. “Siguro pag payat na siya, doon na siya babalik sa pag-arte. Sa ngayon kasi kapapanganak pa lang niya, hindi pa namin napaguusapan ‘yung tungkol sa pagbabalik-showbiz niya.” hg SARAH Geronimo will be turning 24 this July 7 at dahil doon may handog siya para sa kanyang mga tagahanga via a birthday concert na 24/SG. And since hayagan na ang pagkakamabutihan nila ng actor na si Gerald Anderson, marami ang nag-e-expect na lulutang ito sa mismong araw na iyon upang sorpresahin ang dalaga. Ayon sa binata, “Sana [makapunta ako] sa July 7. Tingnan natin.” Hindi pa sigurado si Gerald na makakapunta sa araw ng concert dahil nga raw abala siya sa mga showbiz commitments niya. Gayundin, natutuwa siya na kahit wala na silang proyekto ni Sarah, patuloy pa rin daw ang pagkakaibigan nilang dalawa. “Okey naman kami. We’re good. Kumbaga, ‘yong friendship namin, sobrang malalim na. Marami na rin akong alam tungkol sa kanya at gano’n din siya. Sobrang inspirasyon siya sa akin. I’m actually happy sa development ng friendship namin, kung paano ko po siya nakilala.” Grateful rin ang binata sa mga magulang ni Sarah dahil pinayagan siya ng mga ito na bumisita sa kanilang tahanan paminsanminsan. “Nakakadalaw ako. Pero bihira lang kasi busy. ‘Yun nga, kaya po ako nagpapasalamat sa kanila, sa Geronimo family, kasi kahit papaano ay nagtiwala sila sa akin.” Maging kay Sarah ay ENTERTAINMENT... p. 6


JUNE 27 - JULY 3, 2012

Ika-20 na Labas KINABUKASAN din ay may inihanda ng plano si Rico kung paano kakausapin si Innah at hihingin ang kooperasyon nito. Absent si Don. Mukhang hindi nga papasok.

Alas nuwebe ng umaga, habang minamadali niya ang trabaho para tsikahin man siya ni Innah ay tapos na siya, lumapit naman sa kanya ang babae. “Mr. Tibayan,” anito

5 sa boses na naglalambing, “puwedeng makaistorbo?” “Sure,” aniya at tumunghay sa babae. “Ano ba ‘yon?” “Hindi ako familiar sa command ng program na ito.” Ipinakita nito sa kanya ang dala-dalang mga output ng computer files. “Can you be of help?” Tiningnan niya ang files. Napangiwi siya. “Si Don ang expert diyan. Kaya lang ay absent,” aniya. “Ay,” lumabi si Innah. “Si Suplado? Naku, hindi bale na lang!” “Bakit? Ang bait-bait

no’n, eh!” “Mabait ba iyon?” Paseksing naupo si Innah sa table niya. “Sa totoo lang, Rico, cute siya. Kaya lang, mukha siyang weird.” Sesegundahan sana niya ang komento ng babae kay Don para i-boost ang personality ng bayaw niyang hilaw nang mapa-mulagat siya. Dumating si Don. Awtomatikong umasim ang mukha nito nang mapuna ang pagkakaupo ni Innah sa table niya. Nagda-dabog itong nagtungo sa desk nito. Ibinagsak ang silya at tinadyakan ang waste can.

Napatili ang mga babae. Si Innah na noon lang yata nakasaksi ng tantrums ni Don ay hilakbot na nagbalik sa computer. Pakiramdam ni Rico ay maiihi siya sa salawal dahil sa tensiyon. Pero iginiit niya sa sarili: Malinis ang kanyang konsensiya. Hindi doon natapos ang pagsusungit ni Don. Kinagalitan nito ang janitor nila dahil hindi napunasan ang kanyang mesa. Sinita ang ilang kasamahan na hindi nag-bibigay ng output sa kanya sa proseso ng trabaho. As if ito ang ka-

nilang depart-ment head. Nasa ganoong mood ito nang lumabas ang kanilang boss. Inalis nito ang salamin sa mata nang makita ang mga nagkalat na basurang galing sa waste can na tinadyakan ng ‘nagrurum-ping’ empleyado. “Nag-init ang ulo ko, Sir,” anitong masama pa rin ang mukha. “Wala ho kasi akong makitang kooperasyon sa iba.” Tumingin ito kay Rico. “Kung minsan, puro paglalampungan lang ang ginagawa ng iba rito sa opisina.” “Is that enough para WALANG SAYANG... p. 6

Republic of the Philippines Regional Trial Court Fourth Judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City

Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region OFFICE OF THE CLERK OF COURT Lucena City

Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region OFFICE OF THE CLERK OF COURT Lucena City

NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE NO. 2012-77

NOTICE OF EXTRA JUDICIAL FORECLOSURE EJF Case No. 2012-78

NOTICE OF EXTRA JUDICIAL FORECLOSURE EJF Case No. 2012-92

Upon petition for sale under Act 3135 as amended by Act 4118, filed by Balikatan Property Holdings, Inc., with address at 24th Flr. BPI Buendia Center, Sen. Gil Puyat Ave., Makati City, Mortgagee, against Sps. Bernardo & Remedios Ranas, with addresses at #10 Leon Guinto St., Lucena City & Lot 7 Blk. 39, Ph. 2, Diamond St., Pleasantville Subd., Iyam, Lucena City & D. J. PEREZ AND COMPANY INC AS ORIGINATING INSTITUTION, Mortgagor, to satisfy the mortgage indebtedness per statement of account dated May 9, 2012 which amounts to Five Hundred Sixty Three Thousand Three Hundred Thirty Two Pesos & 68/100 (P563,332.68), including interest and penalties and other charges. The undersigned or any of his lawful deputies will sell at public auction on July 16, 2012 at 10:00 in the morning at the Office of the Provincial Sheriff, Regional Trial Court Bldg., Lucena City to the highest bidder, for cash and in the Philippine currency or Manager’s Check, the following property/ies with all its improvements to wit:

Upon Petition for Extra-Judicial Foreclosure under Act 3135 as amended by Act 4118 filed by BALIKATAN PROPERTY HOLDINGS, INC., with principal office address at 24th Floor, BPI Buendia Center, Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City 1200 against SPS. MAURICIO E. MACAHASA AND TERESITA G. ALCALA MACAHASA, with postal address at 2334 ARGON St., St. Peter II, Lucena City and Lot 4, Blk. 4, Yakal corner Molave Streets, Lucena Green Meadows Subd., Bo. Ibabang Mayao, Lucena City to satisfy the mortgage indebtedness per statement of account which as of May 9, 2012 amounts to FOUR HUNDRED TWENTY NINE THOUSAND ONE HUNDRED PESOS AND 16/100 CENTAVOS (P 429,100.16), inclusive of interests claimed, the undersigned or any of his lawful deputies will sell at public auction on July 16, 2012 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the Office of the Provincial Sheriff, Regional Trial Court, Lucena City, to the highest bidder for cash and in Philippine Currency the following property/properties located at Lucena City with all its improvements to wit:

TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-62019

TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-53695

Upon Petition for Extra-Judicial Foreclosure under Act 3135 as amended by Act 4118 filed by UCPB SAVINGS BANK, INC., with principal office address at 18th Floor, UCPB Building, Makati Avenue, Makati City against SPS. NEIL MEYNARD B. LEZARON and ANNABEL S. LEZARON with postal address at 1264 Quezon Avenue, Employees Village, Brgy. Gulang-gulang, Lucena City to satisfy the mortgage indebtedness per statement of account which as of May 30, 2012 amounts to THREE MILLION SIX HUNDRED TWENTY SEVEN THOUSAND FOUR HUNDRED TWENTY THREE PESOS AND 70/100 CENTAVOS (P 3,627,423.70), inclusive of interests due, penalties, cancellation fee and Pre-Termination Fee, the undersigned or any of his lawful deputies will sell at public auction on July 30, 2012 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the Office of the Provincial Sheriff, Regional Trial Court, Lucena City, to the highest bidder for cash and in Philippine Currency the following property/properties located at Lucena City with all its improvements to wit:

A parcel of land (Lot 7 Blk. 39 of the subd. plan (LRC) Psd-145888, being a portion of land described on plan (LRC) Pcn-509, LRC CAD Rec. No. 220), situated in the District of Iyam, City of Lucena, Island of Luzon. Bounded on the NE., points 1 to 2 by lot 8, Blk. 39 of the subd. plan; on the SE., points 2 to 3 by lot 2198, Lucena Cadastre; on the SW., points 3 to 4 by lot 6 blk. 39 and on the NW., points 4 to 1 by road lot 12, both of the subd. plan x x x Containing an area of One Hundred Eighty (180) sq. m., more or less. x x x

A parcel of land (Lot 4, Block 4 of the consolidatedsubdivision plan, Pcs-04-003145, being a portion of the consolidation of Lot 3648-8-4-C (LRC) Psd-15600 & Lot 3648-B-7, Psd-45997, L.R.C. Rec. No. ), situated in the Barrio of Ibabang Mayao, City of Lucena, AREA: ONE HUNDRED FORTY NINE (149) sq. mtrs., BOUNDARIES: SW., NW: along lines 1-2-3-4 by Road Lot 2, on the NE: along line 4-5 by Lot 37; on the SE: along line 5-1 by Lot 5, both of Block 4, all of the consolidation and subdivision plan. Including all other improvements constructed thereon.

A parcel of land (Lot 3, Block 2 of the subdivision plan, (LRC) Psd-82907, being a portion of Lot 3207, of the Cadastral Survey of Lucena, LRC (GLRO) Cad. Rec. No. 202.), situated in the Barrio of Gulang-gulang, City of Lucena, Island of Luzon. AREA: FOUR HUNDRED TWELVE (412) sq. mtrs.; BOUNDARIES: NE: points 2 to 3 by Road Lot 4, on the SE: point 3 to 4; on the SW: points 4 to 1 by Lot 23 & on the NW., points 1 to 2 all of Blk. 2, of the subdivision plan.

All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date of auction.

All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date.

All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date.

In the event the public auction should not take place on the said date, it should be held on July 23, 2012, without further notice.

In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on July 23, 2012 without further notice.

In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on August 6, 2012 without further notice.

Lucena City, Philippines, June 5, 2012.

(Sgd.) ERIC O. QUERUBIN Sherif IV

Lucena City, Philippines, June 6, 2012.

(Sgd.) SHEILA N. CAMPOSANO Sheriff-in-Charge

(Sgd.) EMILIO A. PE AGUIRRE Clerk of Court and Ex-Officio Provincial/City Sheriff

NOTED: (Sgd.) ELOIDA R. DE LEON-DIAZ Executive Judge

TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-144836

Lucena City, Philippines, June 13, 2012.

(Sgd.) SHEILA N. CAMPOSANO Sheriff-in-Charge

(Sgd.) EMILIO A. PE AGUIRRE Clerk of Court and Provincial/City Sheriff

NOTED BY: (Sgd.) ELOIDA DE LEON DIAZ Executive Judge

(Sgd.) EMILIO A. PE AGUIRRE Clerk of Court and Provincial/City Sheriff

NOTED BY: (Sgd.) ELOIDA DE LEON DIAZ Executive Judge

Date raffled: June 4, 2012

DATE RAFFLED: May 28, 2012

DATE RAFFLED: June 11, 2012

The QUEZON POST Lucena City June 13, 20 & 27, 2012

The QUEZON POST Lucena City June 13, 20 & 27, 2012

The QUEZON POST Lucena City June 27, July 4 & 11, 2012


3rd Gawad Alcala launched for High School students LUCENA CITY–In his desire to hone the writing skills of the young, Quezon vice governor Vicente ‘Kulit’ Alcala has launched last week Gawad Alcala 2012, a short story writing contest involving high school students in the entire province of Quezon. Last week, Alcala sent a letter to the new Quezon schools division superintendent Tolentino Aquino informing the latter about the launching of the contest which is now on its 3rd year and is a part of the vice gov-

ernor’s educational project for the youth in the province. The theme for this year’s short story contest in Filipino is “Dangal at Katapatan Susi sa Pag-unlad ng Bansa’ which Alcala wants the young high school students of the province to instill in themselves following the impeachment of former Supreme Court chief justice Renato Corona. “Mahalagang maitanim sa puso’t isipan ng mga kabataan ang halaga ng dangal at katapatan sa tungkulin at sa iba pang gawain

bilang patnubay sa tuwid na daan na pinupursige ni Pang. Aquino sa kanyang pamahalaan at ako’y naniniwala na ito’y susi sa pagangat ng ating bansa,” said Alcala about the theme of the contest. The contest - conceptualized by John Bello, a news correspondent for Business Mirror - requires participants - from 1st year to 4th year high school, in public and private school - to write a short story in Filipino which should be no more than 3,000 words

long and should submit their entry via email to tumbasmanipis@yahoo.com. ph until July 30. Cash awards for 1st, 2nd and 3rd places are P10,000 P8,000 and P5,000 plus trophy each along with P3,000 P2,000 and P1,000 for the teacher-adviser of the first 3 winners. There will also be cash prizes for 4th, 5th and 6th places at P4,000 P3,000 and P2,000 each. Awarding will be on Aug. 30 at a venue still to be determined. (John Bello)

DILG awards P7-M to each waterless municipality in Quezon LUCENA CITY---Nine identified waterless municipalities in Quezon Province will soon receive P7 million each from the national government through the, “Sagana at ligtas na tubig para sa lahat” or “Salintubig Project” of the Department of the Interior and Local Government (DILG). According to DILG Quezon Director Pedro Mendoza, the program is designed to provide water supply systems to 455 waterless municipalities, barangays, centers, and resettlement sites nationwide. It also aims to enhance the capacity of the local government units/ water ser-

vice providers in the planning, implementation and operation of water supply facilities. In Quezon, nine municipalities - Buenavista, Candelaria, Catanauan, Dolores, Lucban, Perez, Sariaya, Tiaong, and Unisan will benefit from the project. These municipalities are required to submit to the DILG Quezon Provincial Office - certification of compliance on full disclosure policy; creation of Municipal Water Sanitation Council; Memorandum of Agreement (MOA); project proposal; detailed engineering design and memorandum of agreement with

DILG, National Anti-poverty commission, and DOH regarding capacity building. The program has two major components: the infrastructure investments for water supply systems which covers the following: rehabilitation/ expansion and upgrading of level III water supply systems including appropriate water treatment systems; construction of level II water supply systems including appropriate water treatment systems and in areas where only level I system is feasible and construction and rehabilitation of level I systems. Another component is

institutional capacity development, a provision of training for existing and newly organized water user associations and community-based organizations. The fund will be released to said municipalities by DILG Regional Office 4-A upon submission of requirements. In December 2010, the DILG entered into a memorandum of agreement (MOA) with DOH and the National Anti-Poverty Commission (NAPC) for the implementation of the provision for water supply, also known as the Sagana at ligtas na tubig para sa lahat Program. (Ruel M. Orinday -PIA Quezon)

WALANG SAYANG... Mula pahina 5

mutok na lang sa ginagawa. Ang senaryong susunod ay malinaw na para sa kanya. Naging balido iyon dahil sa nakita niyang pagiwas ni Don na malapitan niya ito at makausap. Ayaw nitong mapadikit siya rito at makapag-initiate ng communication. Sa madaling sabi, galit ito sa kanya. Nagbigay ito ng sariling interpretasyon dahil sa mga nakita. Gusto tuloy niyang sabunutan ang sarili dahil sa inis.

Unti-unti ay may naram-daman siyang paghihimagsik sa nakikitang kakitiran ng isip ni Don. Kung makakasal sila ni Judy ay habambuhay na rin siyang may bond sa lalaki. Paano kung ganoon pa rin ang takbo ng isip nito sa mga panahong iyon? Nailing siya. Ngayon pa lang yata niya makikilala nang lubusan ang kaibigan. Naalala niya ang pagkaka-gulpi nito sa kanya kasama ang mga kamag-

magbarumbado ka? You should act like a decent employee at hindi siga sa kanto. Opisina ito, Don. I’ll give you credit sa mga napupuna mong mali rito but it’s my duty to check them, not yours!” talak dito ng kanilang boss. Napayuko si Don. “Sorry, Sir.” “It’s okay. Isasama ko ‘yan sa agenda natin next meeting. Ang gusto ko’y harmonious

ang working relationship dito. Hindi ganyan. Ayoko nang maulit ito, okey?” “Yes, Sir.” Pumasok na sa private office nito ang kanilang boss. Bubulung-bulong namang nagbalik sa trabaho si Don. Napansin ni Rico, pasul-yap-sulyap sa kanya si Innah na kaga-kagat ang daliri. Mukhang takot. Hindi na niya pinansin ito at tu-

6

JUNE 27 - JULY 3, 2012

ENTERTAINMENT... natutuwa siya dahil hindi na ito nahihiyang sabihin ang anumang nararamdaman, maybe because she’s at the right age na. “It’s about time na siguro.Si Sarah, nandoon na rin siya sa edad na ‘yon, e. Hindi po kailangang itago ang nararamdaman mo for one person. She’s blooming into a very beautiful wom-

Mula pahina 4

an, inside and out. Someday mas magiging matured pa.” Sa ngayon nga raw ay kuntento na muna siya sa pagiging mabuting magkaibigan nila. “Ako, personally, ayaw ko namang pumasok sa isang relasyon na kailangang itago pa. Hindi po ako nagmamadali and masaya naman po ako ngayon.”

FOR SALE KOBUNDO OFFSET PRINTING MACHINE 18” X 25” (Running Condition) For inquiries: DIAL (043) 722-2678 or Text 0920-259-0973 anak nito noon. May pait na nagbangon sa kanyang dibdib. Hindi na puwede ngayon ‘yon. Kung sakali man at magplanong muli ang mga ito sa kanya ay lalaban na siya. Masyado na naman yatang tinatapakan nito ang pagkalalaki niya. Narinig niyang nagtapon ng kung anong matigas na bagay sa basurahan si Don. Naroon ang galit. At parang sinasadyang ipaalam sa kanya.

Tumingin siya rito. Matalim. Kakaiba kaysa kanina, ngayon ay wala na siyang nararamdamang kaba sa dibdib sa mga ginawi nito. Inis siya at gusto rin niyang maprovoke. Suntukan na kung suntukan. Kahit matanggal sa trabaho kung kinakailangan. Salamat na ring hindi ito tumingin. Kahit paano, nasubhan ang ningas na nagsimulang bumangon sa kanyang dibdib. SUBAYBAYAN

Read The Quezon Post Make it a habit!

The Quezon Post June 27 Issue  

June 27 Issue of The Quezon Post. A weekly newspaper published by The Quezon Post publisher.

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you