Page 1

THE QUEZON POST Lot 9, Blk.12, Peace St., Brgy. Iyam, Rosario Village, Lucena City TEL. NO. 727-6887 CP NO. 0939-9378675 quezon_post@yahoo.com

CHO, nagpaalala sa mga sakit na dala ng tag-ulan VOL. VIII NO. 27

JULY 11 - 17, 2012

P10.00

Basahin sa pahina 3

PROYEKTO SA SARIAYA. Hinawi ni Quezon Governor David C. Suarez ang telon na nakatakip ng billboard upang makita ang mga talaan ng mga proyektong hatid ng pamahalang panlalawigan sa ibat ibang barangay sa Sariaya, Quezon sa simpleng seremonya na ginanap sa barangay Mamala 1 noong Hulyo 4, 2012. Nasa larawan sina mayor Boyet Masilang, board member Bong Talabong, ABC president Victorio Luna at Water Works Supervisor Engr. Nelson Singson. (Danny Estacio)


2

JULY 11 - 17, 2012

PUNTONG QUEZON THE QUEZON POST ELEANOR C. MALALUAN, Publisher JAY FERDINAND C. MALALUAN, General Manager JANE ASENSI-MALALUAN, Editor-in-Chief NANCY C. ASENSI, Marketing/Advertising Manager JULIUS A. CABANGON, News Correspondent MAURENDIA AGUILA, Circulation Manager The QUEZON POST is published weekly by the Quezon Post Publisher, with editorial and business address at Lot 9, Block 12, Peace St., Rosario Village, Iyam, Lucena City, Telephone No.(042) 7276887; Cell Phone No. 0939-937-8675. Advertising Rates: Commercial .......................................P170.00/col. cm. Legal ..................................................P120.00/col. cm. Subscription Rates: One (1) year ................................................P520.00 Six (6) months ............................................P260.00 RE-ENTERED AS SECOND CLASS MAIL

at Quezon Capitol Post Office, Lucena City on April 06, 2011

EDITORYAL

Panahon na ng tag-ulan sa Pilipinas PANAHON na naman ng tag-ulan sa Pilipinas kasama na din ang malimit na pagbisita ng mga bagyo at siyempre pagbaha sa ilang mga lugar. Ang mga buwan ng tag-ulan ay isang panahong lubos na nagpapahirap sa mga eskwela at mga taong nakatira sa malalayong lugar. Nariyang masira ng hangin ang dala-dalang payong resulta ay basang basa ang damit at gamit pangpasok ng mag-aaral. Pwedeng paglusong sa baha ay mababasa ang paa na pagod sa maghapong pagtigil sa paaralan, pasma ang aabutin ng bata. Mahalaga sa bawat estudyante ang pagiging handa sa panahon ng tag-ulan. Nararapat na may nakahanda o baon siyang matibay na payong at kapote upang ipagsanggalang sa pagbuhos ng ulan. Kung hindi natin aalagaan ang ating katawan sa pagkabasa dala ng tag-ulan, pwede itong magresulta sa pagkakasakit. Mahal ang magkasakit kaya iwasan nating sumugod sa ulan nang walang anumang pananggalang. At dahil sa hindi naman natin hawak ang panahon, hindi rin natin syempre alam ang eksaktong oras o araw na uulan sa ating lugar. Umuulan man o hindi, siguraduhin nating may dala tayong payong pati ang mga anak natin. Mabuti ang laging handa. Dala din ng tag-ulan ang pagsungit ng panahon, minsan may kasama ang bagyo ng malakas na ulan at hangin, na sasabayan pa ng pagguhit ng kidlat at dagundong ng kulog. Sa panahong katulad nito, umiwas na muna sa paglabas ng bahay. Kung maabutan naman ng sama ng panahon sa labas, sumilong muna upang maiwasan ang sakuna. Sa bahay naman, manatili tayong handa sa pagdating ng bagyo. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng lente o flashlight, pagkain, bottled water, posporo at mga pangunahing pangangailangan. Ito ay upang huwag tayong kakapa-kapa pagdating ng sama ng panahon. Maging handa tayo sa panahon ng tag-ulan, para sa ating sariling kapakanan. Ang mga ganitong paghahanda ay nasa kamay na natin. Huwag na nating iasa pa sa gobyerno ang mga bagay na katulad nito. Maging maingat at mapangalaga tayo sa ating sariling kapakanan. Buhay natin, pag-ingatan natin.

Ni Sir MANNY CAMARA

Paalam, Ford...

ISA na namang foreign investor ang aalis sa Pilipinas, mga katoto. Noong isang linggo ay napabalita na isasara na ng Ford Motor Co. ang kanilang assembly plant sa Sta. Rosa, Laguna bago matapos ang taong ito. Ang pagsasara ng planta na siyang gumagawa ng Escape sport utility vehicle ay bahagi diumano ng pagtitipid na isinasagawa ng kumpanya. Susuplayan na lamang ng ibang planta, partikular ng planta sa Thailand ang market sa Pilipinas. “We could not make a strong enough business case for future manufacturing,” ayon kay Randy Krieger, Ford Group Philippines. Ang Ford ang tanging volume exporter ng mga sasakyan na nasa Pilipinas. Nakapag-export na ito ng 80,000 sasakyan na nagkakahalaga ng $1 bilyon sa iba’tibang bansa sa Southeast Asia. Mayroon itong investment sa bansa na nagkakahalaga ng $270 million. Nasa 250 ang mga empleyado nito. Mangyari pa, ang pag-alis ng Ford ay magdudulot ng pagkawala ng buwis na nakokolekta ng Philippine government at maging ng local government unit. Nawalan din ng kita ang mga empleyado at ang iba pang negosyo na nakikinabang din sa consumer spending ng Ford Philippines at ng mga empleyado nito. Umalis diumano ang Ford Philippines dahil nagtitipid. Bakit ba magastos mag-operate sa atin? Mahal ang kuryente sa atin at malakas sa konsumo ng kuryente ang assembly plant. Kapag Meralco lamang at ang mga kaalyado nito sa probinsiya ang aasahan sa supply ng kuryente ay masisingil nito kung ano man ang gusto nito. Sa Asya ay tinatayang isa ang Pilipinas sa pinakamahal sumingil ng kuryente. Ito ang hirap sa monopoly, mga katoto. Walang ibang power plant ang itinatayo sa bansa at hindi rin pinapayagan ang ibang kumpanyang foreign majority owned na mag-generate, transmit at distribute

Mapayapang paglutas sa gusot sa West Philippine Sea Mapayapang paglutas sa gusot sa West Philippine Sea INULIT ng Malacanang na nananatili ang paninindigan ng Pilipinas na lutasin sa mapayapang paraan ang sigalot sa West Philippine Sea at mali ang naging pakahulugan sa pahayag ng Pangulo tungkol sa spy planes ng Estados Unidos para subaybayan ang mga hanggahan. Salig sa ulat ay naglabas ang Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Tsina na huwag maglabas ng mga mapaghamong pahayag na magpapalala pang lalo sa kalagayan. Ang tinutukoy ng mga pinunong Tsino ay ang naging pahayag ng Pangulong Benigno S. Aquino III tungkol sa maaaring maging tulong ng Estados Unidos tungkol sa paggamit ng spy planes ng Estados Unidos sa West Philippine Sea upang subaybayan ang mga hanggahan ng bansa. “Ang nasabing pahayag ng Pangulo ay sagot lamang sa mga tiyakang tanong ni Thompson ng Reuters, “ sabi ni Kalihim Ramon Carandang ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDPSPO) sa pulong-balitaan sa Malacanang. “Ang isa sa mga tanong ay kung papayagan ng Pilipinas ang flyovers ng mga surveillance planes o ang Orions ng Estados Unidos at kung payag o hindi ang pamahalaan na magpalipad ng eroplano para subaybayan ang teritoryo ng Pilipinas,” wika ni Carandang. “Sinabi ng Pangulo na iyon ang isa sa mga pinagpipilian. Huwag nating kalimutang mayroon tayong saguting

ng elektrisidad. Kapag ikinarga ang gastos sa kuryente sa presyo ng mga produkto ay tataas ito at hindi na magiging competitive. Kung hindi naman nila ito gagawin ay masyado namang liliit ang kanilang kita. Isa pang problema ang mababang purchasing power ng mga Pinoy. Kakaunti lamang ang puwedeng maka-afford ng Ford. Isa sa mga sukatan ng kaunlaran sa isang bansa ang tinatawag na per capita GDP (value of goods produced per person). Ang per capita GDP ng Pilipinas ang sinasabing isa sa pinakamababa sa ASEAN. Naglalaro ito sa $2,000 hanggang $3,000 (kumpara sa Thailand na nasa $8,553.78 noong 2010). Walang gaanong mapasukang trabaho sa Pilipinas. Ito ay dahil kakaunti ang naaakit nating foreign investment kumpara sa ating mga karatig-bansa. Mababa ang pasahod kaya mababa rin ang purchasing power ng mga tao. Hindi kayang bilhin ng mga Pinoy ang kotseng Ford na nare-retail sa halagang $15,000. Kung isa ka namang manufacturer na nahihirapang makabenta ng produkto dahil mababa ang kita ng mga tao, at napupunta lamang sa bayad sa tubig, kuryente, pagkain, edukasyon at load ng cell phone ang kanilang kinikita ay ano pa ba ang magagawa mo? At bakit ka naman magtitiyaga sa Pinas gayung ang ibang mga bansa sa Asia na bukas at liberalized ang ekonomiya ay mas matataas ang per capita GDP. Sinasabing $5,000 per annum ang itinuturing na nakaririwasang ekonomiya. Noong 2008 ay may $49,754 ang Singapore at $13,385 ang Malaysia. Malayo pa sa mga pigurang ito ang Pilipinas. Kung ikukumpara natin ang Thailand sa Pilipinas ay mas mataas ang kanilang per capita GDP; $7,907 ito noong 2007 at naging $8,553.78 noong 2010. Ang Pilipinas ay $3,383 noong 2007. Ang Thailand ay walang restriksyon sa pagpasok ng foreign investment hindi kagaya ng Pilipinas na may 60/40 na restriksyon na isinasaad sa Saligang Batas. Dahil dito ay mas maraming napapasukang trabaho ang mga Thais, hindi kagaya sa Pilipinas na limitado ang mga trabaho para sa mga Pilipino. Ano pa ba ang magagawa ng Ford Philippines? Kapag nanatili ito sa bansa ay tataas lamang ang presyo ng kanyang produkto at liliit ang kita. Hindi rin makakayang bilhin ng mga Pinoy ang mga ito. At nariyan pa ang kung anu-anong restriksyon, pulitika at kurapsyon. Kung tutuusin ay gumaya lamang ang Ford sa maraming Pinoy na lumalayas sa bansa upang pumunta sa mga bansang may open economy. May dapat talaga tayong baguhin sa ating sistema, mga katoto. Dapat nating iwasto ang ating ekonomiya.

NGAYON Ni LITO M. GIRON

bantayan ang teritoryo natin upang matiyak na walang papasok dito at sukat. Kaya nga inulit niya na wala pang pasiya at ang pangunahing pananagutan ay nasa pamahalaang Pilipino,” dugtong ni Carandang. Sakaling payagan ng pamahalaang Pilipino ang surveillance flights na mga spy planes ng Estados Unidos ang gamit, hindi ito dapat ituring na paghahamon sapagka’t ito ay para lamang pangalagaan ang kapakanan ng teritoryo ng Pilipinas, wika ni Carandang at idinugtong na wala pang pasiya ukol dito at ang pamahalaang Pilipino ang may pananagutan dito. “Walang masamang ibig sabihin dito at hindi dapat ituring na isang paghahamon,” dagdag ni Carandang. Ipinaliwanag din ni Carandang na ang US spy plane flyover sa West Philippine Sea ay hindi na mangangailangan ng ano mang kasunduan sa Estados Unidos sapagka’t mayroon tayong umiiral na mga kasunduang militar sa pamahalaang Amerikano. Nagpahayag din ng pag-asa ang pinuno ng Palasyo na ang iringan ng Pilipinas at ng People’s Republic of China ay malulutas sa madaling panahon sapagka’t patuloy naman ang ugnayang pandiplomasya ng dalawang bansa.


JULY 11 - 17, 2012

3

CHO, nagpaalala sa mga sakit na dala ng tag-ulan LUCENA CITY---NAGPAALALA ang City Health Office (CHO) sa mga magulang na gawing ligtas ang mga anak sa mga sakit na dala ng tag-ulan tulad ng diarrhea, trangkaso, leptospirosis at dengue. Ipinapayo ni Dr. Vin-

cent Martinez, assistant city health officer na palakasin ang katawan at bigyan ng mga tamang bitamina ang mga bata upang lumakas ang pangangatawan para ma-proteksiyunan ang kalusugan ng mga ito na mada-

las ma-expose sa dumi at ulan, lalo na iyong mga pumapasok sa eskuwela. Karamihan sa mga nabanggit na sakit ay madaling makuha tuwing tag-ulan dahil sa ang mga dumi at ihi ng hayop na sumasama sa baha.

Nagkakaroon umano ng diarrhea ang mga bata kapag nakakainom ng tubig na kuntaminado ng dumi na dahil minsan ay napapasukan ang daluyan nito. Karamihan din sa madaling maapektuhan at

dapuan ng mga sakit sa tagulan ay ang mga bata at matatanda kaya’t dapat na dobleng pag-iingat ang gawin upang hindi magkasakit. Bukod dito, ipinayo din ni Martinez na gawing regular ang paglilinis ng kapali-

giran upang makaiwas din sa mga mikrobyong dala nito. Gayunman, ang pinakamahalaga umano ay kalinisan sa sariling tahanan at sa sariling katawan upang hindi tamaan ng sakit. (Aida C. Dapula, PIO-Lucena)

Wastong pamamahala ng basura PDRRMC to award sa Lucena, patuloy ang kampanya 8 best MDRRMs LUCENA CITY---PATULOY ang kampanya ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng general services office (GSO) sa programa ukol sa wastong pamamahala ng mga basura sa lungsod. Simula noong Enero hanggang Hunyo 2012, may 22 toneladang mga nabubulok na basura ang nakolekta sa public market na kinabibilangan ng mga tuyong gulay, prutas at galing sa wet market. Mula sa koleksyong basura na nabanggit, nakapag-prodyus na ng 1,300 kilo ng compost at 225

kilos ng vermin compost na ipinamamahagi sa mga magsasaka bilang pataba sa kanilang mga pananim. Inilahad ni Manuel Lacerna, hepe ng GSO na nagkakaloob sila ng solid waste management orientation at seminar sa mga barangay at paaralan pribado man o pampubliko upang maturuan sila ng tamang pamamaraan ng pagsisinop ng basura na maari nilang pagkakakitaan at maging pondo para sa isang proyekto. Sa kasalukuyan, may apat na barangay na sa lungsod ang may materials

recovery facility (MRF) na sa pagtatapos ng taon ay target ng GSO na umabot sa 50 porsyento ang bilang ng mga barangay na maglagay o magtayo ng MRF. Sa pamamagitan ng MRF mababawasan ang mga basurang itatapon sa disposal facility dahil mapaghihiwahiwalay dito ang basurang maaaring ibenta, irecycle at hindi nabubulok. Ilan sa hanay ng mga programang nakatakdang isagawa ng GSO ay ang pagsasa-ayos ng MRF sa Barangay 10, pagsasagawa ng ecological exhibit, livelihood training sa paggawa ng

iba’t ibang fine crafts mula sa waste materials at dialoge sa mga business establishments upang unti-unting maipatupad ang probisyon ng City Ordinance 2367. Ang ordinansa ay ukol sa regulasyon at pagbabawal ng paggamit ng plastic sa lungsod kung saan itinakda ang phase out period sa Marso 2013. Gayunman, nilinaw ni Lacerna na kahit ilang buwan pa ang hihintayin para sa phase out period ay sisikapin na unti-unti ng ipatutupad ang pagbabawal sa paggamit ng plastic. (Aida C. Dapula, PIO-Lucena)

45 mga pulis na babae nagsanay sa pag-iimbestiga ng kaso LUCENA CITY---MAY 45 babaeng pulis mula sa Batangas Police Provincial Office (PPO), Rizal PPO, at Quezon PPO ang dumalo sa 10 araw na pagsasanay o “Specialized Course for WCPD Officers Class” sa Camp Nakar sa lungsod na

ito noong Hulyo 6. Ayon kay Police Senior Inspector Lalaine Malapascua, course coordinator, ang nasabing specialized course ay ginawa upang paghusayin ang kakayanan ng mga babaing pulis na nakatalaga sa Women and

Children Protection Desk (WCPD) sa pag-iimbestiga ng mga sensitibong kaso tulad ng may kinalaman sa Republic Act No 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. Sinaksihan nina Alona V. Obispo na board mem-

ber ng unang distrito ng Quezon at PSInsp. Grace Yerro-Naparato na hepe ng Regional WCPD ang nasabing pagtatapos kung saan sila nagpahayag ng suporta sa nasabing kurso. (Ruel M. Orinday/PIAQuezon)

Mahigit 40 kawani ng lungsod, nagtapos sa ERT

LUCENA CITY---IPRINISINTA ng Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamamagitan nina LCDRRMC Action Officer Radzma Umilin at Secreatariat Emmie Madla ang mahigit 40 kawaning pamahalaang panglunsod na nagtapos ng Emergency

Response Training (ERT) na isinagawa noong July 4-6 sa Churcjh of Jesus Christ Latter- day Saints. Ayon kina Umilin, ang mga nabanggit na kawani ay makakatulong ng LCDRRM sa panahon ng kalamidad at hindi inaasahang mga pangyayari. Hindi rin anya sa lungsod

ng Lucena sila maaaring makatulong kundi maging sa mga tanggapan. Idinagdag pa ni Madla na sila rin ang bubuo ng Lucena Disater Rescue Team at hindi lamang dito natatapos ang kanilang pagsasanay. Maraming nakahanay pa anyang mga aktibidad na mas makakapagbigay sa kanila ng kaala-

man kung paano makakapaghanda at makakatulong sa mga mangangailangan sa panahon ng kalamidad. Ang tatlong araw na emergency response training ay naging matagumpay sa pamamagitan ng naging tulong ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection na umaktong mga trainors ng na-

LUCENA CITY---THE Quezon provincial disaster risk reduction and management council (PDRRMC) will host a flag-raising ceremony and other activities on July 16 at the Provincial Capitol Compound, Perez Park, in this city. This is in line with the celebration of National Disaster Month in compliance to Executive Order No. 137 declaring the month of July as National Disaster Consciousness Month. Prior to the flag-raising ceremony, there will be a motorcade at the city proper to be participated in by PDRRMC members, employees of the provincial government and volunteers of PDRRMC-Quezon. Other activities include the awarding of best municipal disaster risk reduction and management councils (MDRRMC) and awarding of best barangay disaster risk reduction and management council in Quezon province. The best MDRRMCs to be awarded are the municipalities of Pitogo, Tiaong,

Mauban, Tayabas, Lucban, General Nakar, Mulanay and Infanta, Quezon. Barangay Pinaglapatan in Infanta, Quezon will also be awarded as best barangay disaster risk reduction and management council in Quezon. Kabalikat 888 on the other hand will receive a plaque of recognition. Dr. Henry Buzar of PDRRMC-Quezon said the eight MDRRCs are most active. “They have disaster equipment to be used in time of disaster,” Buzar added. PDRRMC members will conduct a static display of rescue equipment at the provincial capitol compound in this city from 9 a.m. to 4 p.m. on July 16. Expected to attend are Office of the Civil Defense Regional Director Vicente F. Tomazar who is also the executive officer of RDRRMC-4A; Quezon Gov. David C. Suarez, chairman of PDRRMC-Quezon and Dr. Henry Buzar, provincial disaster risk reduction and management officer. (Ruel Orinday,PIA- Quezon)

sabing aktibidad. Ilan sa mga itinuro sa kanila ay kaugnay sa Personal Protective Management, Patient Assessment, Dressing, Bandaging & Splinting, Cardio Pulmonary Resuscitation o CPR- RB, Foreign Body Airway Obstruction o FBAO, Lifting & Moving Techniques, Triage at Mass Casualty Management System. Bago matapos ang training, isinailalim muna sa Field Training Exercises ang mga

participants kung saan sinukat ang mga natutunan nila kung paano reresponde sakaling magkaroon ng insidente. Isinagawa ito sa ilalim ng Pleasantville Bridge kung saan may mga umaktong biktima ng isang vehicular accident. Sa kabuuan, bagama’t ito anya ang unang pagkakataon na sumabak sa nasabing senaryo ang mga kawani, nai-apply nila ng mahusay ang kanilang mga natutunan sa training. (FPBM/PIO- Lucena)


Contributing Editor: OLEN DELA ROMA 4

l l l l

JULY 11 - 17, 2012

Rhian Ramos at KC Montero umamin na sa kanilang relasyon! Richard Gutierrez sobrang hinangaan ni Sarah Lahbati! Kim Chiu at Xian Lim nakikitang magkakasama sa pagsimba! At iba pang hot na hot na showbiz news!

DAHIL madalas na makita na magkasama at nakikitang super close sina Rhian Ramos at KC Montero, idagdag pa ang mga Twitter messages nila sa isa’t isa, hindi maiwasang mapagisipang may namamagitan na talaga sa kanila. Hanggang sa finally ay umamin na ang dalawa na they are “exclusively dating. Ayon kay Rhian, “We go out. So, we date.Tapos wala rin naman akong ibang idine-date. So, I would say it’s exclusive. At wala rin naman akong ibang balak ding i-date. So, exclusive na.” Ikinuwento rin ng dalaga na nabasa mismo ni KC ‘yung lumabas na interview niya. “Ang nakakatawa , nabasa niya ‘yung interview ko.Tinawagan niya ako. Sabi niya, ‘Sinabi mo?’ Sabi ko, ‘Oo. Mali ba?’ Sabi niya, ‘Hindi, hindi. Okay, okay.’ Siguro okey. So, feeling ko nagulat siya.” Nang si KC naman ang ma-interview ay nagpahayag ng katuwaan ang TV and radio host sa ginawang pag-amin ni Rhian sa tunay nilang estado. “Happy na she said it sa presscon ng music video niya. I’m happy, I’m flattered. I’m happy that it’s kinda out and about. Who wouldn’t fall in love with Rhian? Yes, I have strong feelings for her.” Bagama’t pareho na silang umamin na they had a special feelings with each other, hindi naman daw sila nagmamadali na magkaroon ng seryosong relasyon. Ayon kay KC, “For now, we just take it slow. No need to jump into anything very serious. I don’t know… right now I’m just parang on cloud 9 ako. I’m really happy. It’s like I’m floating. Everyone notice that I’m a much happier person nowadays.” Maging ang dating karelasyon ni KC na si Geneva ay naging maganda ang pagtanggap sa sta-

RHIAN RAMOS: Ang ex pa ni KC ang nag-approach sa kanya kaya masaya siya sa development ng kanilang relasyon.

tus ng dalawa. Ayon kay Rhian, “You know what, Geneva’s really nice kasi parang usually pag may mga ganitong sitwasyon, ine-expect ng tao na magkaroon ng konting tensyon. Pero wala. Nag-tape ako ng Pare & Pare [show nina Ogie Alcasid at Michael V sa GMA-7] na pareho kami [ni Geneva] ng episode. “Ayun, siya pa ‘yung lumapit sa akin. Siya ‘yung nag-introduce ng sarili niya. Siya pa ‘yung nag-hi sa akin, bineso niya ako.Actually, parang nahiya ako, e, kasi hindi ko… ako dapat ‘yung mauna, di ba? Pero hindi ko siya nakita, e. Nasa side siya ng room. So, nilapitan niya pa ako. Sobrang nice niya lang. Wala akong negative feelings na naramdaman.” hg DAHIL sa mga Instagram photos ni Richard Gutierrez kung saan madalas na makitang kasama ng binata ay ang co-star niya sa Makapiling Kang Muli na si Sarah Labhati, marami ang nagtatanong kung nililigawan na ba ng binata ang leading lady niya. Bagay na pinabulaanan kaagad ng actress. Ayon kay Sarah, “Wala.

Work muna ngayon!” Gayundin ang naging pahayag ni Richard. “Dapat huwag munang bigyan ng kulay. Siyempre kami ni Sarah, we’re just having fun. And ngayon nagtatrabaho kami together and talagang nagiging close kami, so doon muna. ‘Yun muna.” Gayunman, di niya ikinakailang humahanga siya kay Sarah “Si Sarah, she’s very talented. She’s very passionate about her craft

and mararamdaman mo talaga na gusto niyang magimprove. She’s very fun to be with and beautiful.” Pareho namang walang commitment ang dalawa kaya walang masama kung magkagustuhan sila. Sa katunayan, nakilala na raw ni Richard ang mga magulang ni Sarah. Ayon sa dalaga, “Si Mommy naman alam niyang close [kami ni Richard], we’re friends. Sabi ni Daddy, ano raw… mabait daw si Chard.At saka nakarelate agad si Dad kasi ano ‘yun mahilig sa sports, adventure, sa diving, so, ayun nang nagkita sila ang dami na nilang pinag-usapan.” At dahil sa closeness nila, mas kilala na raw ni Sarah si Richard. “Masasabi ko na mas kilala ko siya talaga [ngayon] kasi compared to before na wala akong idea kung sino ba talaga siya. Ang alam ko lang is that mabait, palabati, pero ngayon mas nakilala ko siya. He is such a gentleman. ‘Yun ang isang bagay na talagang kinakahangaan ko sa kanya—‘yung pagiging gentleman niya at saka pagiging caring sa co-actors niya. Alam n’yo po ‘yung talagang focus [siya] sa ginagawa namin, but at the same time nag-e-enjoy kami.” hg

RICHARD GUTIERREZ: Mas nakilala ni Sarah Lahbati nang magkatrabaho sila.

XIAN LIM: Excited sa muli nilang pagtatambal ni Kim Chiu.

ALTHOUGH walang pagamin na ginagawa sina Xian Lim at Kim Chiu sa real score between them, patuloy naman silang nakikitang magkasama. Sa katunayan, kamakailan lamang ay nakita ang dalawa na nagsimba sa Baclaran Church, kasama ang ate ng young actress. Bagay na hindi naman ikinaila ng binata. “Oo, nagpunta kami sa Baclaran. Napag-usapan lang namin na punta kami ng Baclarankasama naman ang ate niya. Oo naman, mas gusto ko ang ganoon. Talagang mas okey pag family bonding, di ba? And nagpapasalamat naman kami sa Diyos sa lahat ng nangyayari. We’re going to the church kasi nagdadasal tayo palagi for the things we don’t have. Pero ako, nagpapasalamat ako sa maraming blessings na ibinibigay Niya sa akin.” Tuluy-tuloy pa rin ang panunuyo niya kay Kim upang patunayang malinis talaga ang intensyon niya sa young actress lalo’t matagal nang natapos ang soap nilang My Binondo Girl. “Ang masasabi ko sa kanila, mabuti naman akong tao, wala naman akong ginagawang masama. Sana they take time na mas makilala pa nila ako nang mas mabuti.” Excited naman ngayon si Xian dahil may bago na naman silang soap na pagtatambalan ni Kim at iyon ay ang

Ina, Kapatid, Anak kung saan makakasama nila sina Enchong Dee at Maja Salvador. “Super excited ako dito sa Ina, Kapatid, Anak kasi after My Binondo Girl, heto na. I’m happy and I’m proud na nandito ako sa show na ito. Ang bibigat pa ng mga kasama ko kaya exciting, marami akong matututunan sa kanila. Nag-start na akong magtaping, nakaisang taping day na ako. Nagkaroon na kami ng eksena ni Kim, pero sandali lang, hindi pa tumutodo talaga. Siyempre may mga workshops, sigurado ‘yun, and siyempre ibang Xian ang mapapanood nila. Hindi ‘yung Andy Wu na napanood nila sa My Binondo Girl.” Masaya niyang ibinalita na patapos na rin ang shooting ngThe Reunion, ang pelikulang pinagsasamahan nila nina Enrique Gil, Enchong Dee at Kean Cipriano. “Malapit na rin, may sinasabing date pero sometime in August yata. Ang saya ng shooting, natigil kami kasi nagbakasyon si Enchong pero ngayon balik na uli. Maganda ang samahan namin, iba-iba sila, e. Si Kean, nakaka-relate kami sa music; sina Enchong at Enrique para sila ‘yung mga barkada kasi hindi naman ako masyadong palalabas noong bata ako.” hg LUBUS-LUBOS ang pasasalamat ni Anne Curtis sa mga biyayang natatamo ENTERTAINMENT... p. 6


JULY 11 - 17, 2012

5

Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City

NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE E.J.F. CASE NO. 2012-102 Upon petition for extra-judicial foreclosure sale under Act 3135, as amended by Act 4118, filed by BALIKATAN PROPERTY HOLDINGS, INC., with address at 24th Floor, BPI Buendia Center, Sen. Gil Puyat Ave., Makati City, mortgagee/assignee, against SPS. ROBERTO S. REYES and CORAZON A. REYES, with known address at No. 20 M. H. del Pilar Street, Lucena City and Lot 9, Blk. 35, Ph. 2, Topaz Street, Pleasantville Subd., Bo. Iyam, Lucena City to satisfy the mortgage indebtedness which per Statement of Account as of June 8, 2012, amounts to FOUR HUNDRED EIGHTY TWO THOUSAND PESOS (482,000.00), Philippine currency, inclusive of interests, penalties and other charges, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on August 20, 2012 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter, at the Office of the Provincial Sheriff, Regional Trial Court, Lucena City to the highest bidder, for cash and in Philippines currency, the following property/ies with improvements, to wit:

SI Rico na mismo ang nag-initiate ng move para magkausap silang dalawa ni Innah at masabi rito ang totoo. Pumayag naman ang babae. Sa isang ice cream parlor sila nagtuloy.

Doon ay nagsimula siyang magla-had dito. “’Yun ang totoo, Innah. The guy is in love with you,” wika ni Rico. “At iniisip niyang may relasyon tayo.”

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region

TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-62615

OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City

A parcel of land (Lot 9, Block 35 of the subdivision plan (LRC) Psd-145888, being a portion of the land described on plan (LRC) Pcn-509, LRC Record No. 202)

NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE E. J. CASE NO. 2012-107

LOCATION : Iyam, Lucena City AREA : One Hundred Eighty (180) Sq. M.

BOUNDARIES: NE : points 4 to 1 by Lot 10 SE : points 1 to 2 by Lot 24 SW : points 2 to 3 by Lot 8, a all of Block 35 NW : points 3 to 4 by Road Lot 13, all of the subdivision plan All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. Should the public auction not take place on the said date, it shall be held on August 27, 2012, without further notice.

Ika-22 na Labas

Lucena City, June 28, 2012.

SAY NO TO DRUGS

NOTICE OF EXTRA JUDICIAL FORECLOSURE EJF Case No. 2012-92

TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-144836

A parcel of land (Lot 6, Block 9, of the cons. & subd., plan Pcs-04-001974, being a portion of consolidation of Lots 1394, 1395, 1425 Psc-7, Pagbilao, Cad. Lot 5361- B, 5361-C (LRC) Psd- 78429 & 2 (LRC) Pcs-9152, LRC Rec. No. 1013), situated in the Barrio of Bukal, Municipality of Pagbilao, Prov. of Quezon. x x x Containing an area of ONE HUNDRED FIFTY (150) SQUARE METERS.

A parcel of land (Lot 3, Block 2 of the subdivision plan, (LRC) Psd-82907, being a portion of Lot 3207, of the Cadastral Survey of Lucena, LRC (GLRO) Cad. Rec. No. 202.), situated in the Barrio of Gulang-gulang, City of Lucena, Island of Luzon. AREA: FOUR HUNDRED TWELVE (412) sq. mtrs.; BOUNDARIES: NE: points 2 to 3 by Road Lot 4, on the SE: point 3 to 4; on the SW: points 4 to 1 by Lot 23 & on the NW., points 1 to 2 all of Blk. 2, of the subdivision plan.

(Sgd.) ELOIDA R. DE LEON-DIAZ Executive Judge

The QUEZON POST Lucena City/July 4, 11 & 18, 2012

Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region OFFICE OF THE CLERK OF COURT Lucena City

TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-240977

NOTED:

Notice is hereby given that the property left by the late BENJAMIN ROSA who died on June 19, 1999 at Candelaria, Quezon containing of a MOTOR VEHICLE under Certificate of Registration No. 44115287, Make & Type: Isuzu Closed Van, Motor No. 101362, Chassis No. CMC1111110-C, Plate No. DHV-494, File No. 0452-17547-91, Model 1991 was the subject of setllement by all of his heirs which was ratified before Notary Public Atty. ANTONIO BORJA MAGTIBAY as per Doc. No. 30; Page No.48; Book No. 909; Series of 2012.

WALANG SAYANG... p. 6

Upon Petition for Extra-Judicial Foreclosure under Act 3135 as amended by Act 4118 filed by UCPB SAVINGS BANK, INC., with principal office address at 18th Floor, UCPB Building, Makati Avenue, Makati City against SPS. NEIL MEYNARD B. LEZARON and ANNABEL S. LEZARON with postal address at 1264 Quezon Avenue, Employees Village, Brgy. Gulang-gulang, Lucena City to satisfy the mortgage indebtedness per statement of account which as of May 30, 2012 amounts to THREE MILLION SIX HUNDRED TWENTY SEVEN THOUSAND FOUR HUNDRED TWENTY THREE PESOS AND 70/100 CENTAVOS (P 3,627,423.70), inclusive of interests due, penalties, cancellation fee and Pre-Termination Fee, the undersigned or any of his lawful deputies will sell at public auction on July 30, 2012 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the Office of the Provincial Sheriff, Regional Trial Court, Lucena City, to the highest bidder for cash and in Philippine Currency the following property/properties located at Lucena City with all its improvements to wit:

(Sgd.) EMILIO A. PE-AGUIRRE Provincial Sheriff

NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL PARTITION OF MOTOR VEHICLE

he. Maton. Butangero. Pero pagdating sa babae, tiyope. Ang usapan, tutulungan ko siya sa panliligaw sa iyo. Pero ang siste, ang akala niya, tayo ang nagkagustuhan.” “Excuse me, ha? Hindi kita type!” Ngumiti si Rico. “Alam ko naman ‘yon, e. Anyway, ‘yun na nga iyon. At marami akong problema dahil sa nangyari.” “Anu-ano naman?” “One, my love life is in trouble.” “Ano naman ang kina-

Upon petition for extra-judicial sale under Act 3135 as amended by Act 4118, filed by BALIKATAN PROPERTY HOLDINGS, INC., with office address at 24th Floor, BPI Buendia Centers, Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City, against SPS. FLORANTE R. GLORIOSO AND FLOSERFIDA T. GLORIOSO, with residence Washington Subd., Pagbilao, Quezon, and Lot 6, Blk. 9, Ph. I, Bayabas St., Intertown Homes, Bo. Bukal, Pagbilao, Quezon, to satisfy the mortgage indebtedness with per statement of account as of June 8, 2012, amounts TWO HUNDRED NINETY THREE THOUSAND SIX HUNDRED SEVENTEEN PESOS AND 65/100 (P293,617.65) inclusive penalties, charges, attorney’s fees and expenses of foreclosure the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on AUGUST 20, 2012 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the main entrance of the Regional Trial Court, Bldg., Lucena City, to the highest bidder for CASH or Manager’s Check and in Philippine Currency the following property with all its improvements to wit:

(Sgd.) NIELSON R. RAMOS Sheriff IV

The QUEZON POST Lucena City July 11, 18 & 25, 2012

Napahalakhak si Innah. Bahagyang nawala ang poise. “In love with me? Ang akala ko pa nama’y insecure siya sa akin.” “Bakit naman siya maiinsecure sa iyo?” “May chika kasi.” “Na ano?” “That he’s gay. Naisip ko nga, baka kaya laging masama ang tingin sa akin at parang papatay ay dahil naiinggit sa get up ko. Well, puwede ko siyang pahiramin.” “Hindi bakla ‘yon. Si Boss, oo. Si Don ay salba-

All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. In the event public auction should not take place on said date, it shall be held on AUGUST 27, 2012 without further notice.

Lucena City, June 26, 2012.

(Sgd.) ARTURO T. QUERUBIN Sheriff IV (Sgd.) EMILIO A. PE AGUIRRE Provincial Sheriff

All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on August 6, 2012 without further notice.

Lucena City, Philippines, June 13, 2012.

(Sgd.) SHEILA N. CAMPOSANO Sheriff-in-Charge (Sgd.) EMILIO A. PE AGUIRRE Clerk of Court and Provincial/City Sheriff

NOTED: (Sgd.) ELOIDA R. DE LEON-DIAZ EXECUTIVE JUDGE

The QUEZON POST Lucena City July 4, 11 & 18, 2012

Go green! lOVE THE WORLD YOU ARE IN

NOTED BY: (Sgd.) ELOIDA DE LEON DIAZ Executive Judge

DATE RAFFLED: June 11, 2012 The QUEZON POST Lucena City June 27, July 4 & 11, 2012


Quezon 2-in-1 project, successful nga ba? “NASAN ang certified documents ng Quezon 2-in-1 Project para masabi nating successful ang isinagawang mangrove planting at nahit ang target na 2 million mangrove propagules?” Ito ang mariing tanong ni Vice Governor Vicente J. Alcala kay Board Member Rachel Ubana sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong nakaraang Lunes ng hapon matapos ang pagpasok ng panukala na ideklara ang Hunyo 30 bilang “ Quezon Mangrove’s Day” at pagkalooban ng komendasyon ang punong panlalawigan na si Governor David “ Jayjay” Suarez ng sertipiko na nagpapatunay na matagumpay ang isinagawang pagtatanim ng mga punong bakawan sa ilang munisipalidad na malapit sa coastal area ng Tayabas Bay, Lamon Bay at Ragay Gulf. Ano ang katunayan na nagpapatunay na matagumpay ang 2-in-1 project? Maari ba nating maimbitahan si Manny Calayag?, dagdag pang tanong ni VG Alcala matapos ma-name drop ni BM Alona Obispo na nagpapatunay umano na na-hit ang target base

sa isinagawang presentasyon kaugnay sa nasabing proyekto. Dagdag pa ni VG Alcala hindi naman siya sa tila bumabalakid sa anumang naising mangyari ng gobernador subalit kinakailangan din naman na tingnan at dumaan sa masusing proseso, ni wala umano pa siyang natatanggap na supporting documents kaugnay sa naturang proyekto. Ang commendation certificate mula sa Sangguniang Panlalawigan ay ipinagkakaloob sa karampatang nagawa ng isang indibidwal, grupo o organisasyon, marginalized sectors o non-government organization na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa pangkalahatang interes para sa pamahalaang lalawigan. Bago umano pagkalooban ng ganitong sertipiko ay kinakailangan umanong tinitindigan at iprini-presenta ang mga dokumentasyon sa harap ng mga respetadong bokal na inihalal ng mamamayan. Bagama’t unanimously approved ang naturang rekomendasyon ni BM Ubana, mula sa Komitiba ng Environment hiningan pa rin ng punong ehekutibo ng

Sangguniang Panlalawigan na magbigay ng mga talang datos o pirmadong dokumento na na-itanim ang 2 million mangrove tree saka bigyan ng karampatang komendasyon si Gov. Suarez. May mga nakarating umanong balita na kinulang ang mga pananim sa ibang lugar katulad sa parte ng Sariaya at Tayabas Bay. Naging saturated naman sa bahagi ng Jomalig at di naman kinulang ang pananim dito. Ayon pa sa source aabot lang umano na 50,000 mangrove propagules ang nakalap mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) subalit ang konklusyon na ito ay kontradikta sa datos na inilabas ng pamahalaang lalawigan. Sa report ng provincial government mayroon umano 1, 356, 496 propagules ang naitanim sa 89 na barangay. Noong ika-14 ng Hunyo, ginanap ang magarbong launching sa Queen Margarette Hotel ng “Quezon 2 in 1” na nakapaloob sa environment agenda ng provincial government “Securing Quezon’s Future”. Ito ay dinaluhan

ni Former Senator Juan Miguel “Migz” F. Zubiri at ilang opisyales mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, lokal na paaralan at indigenous group. Sa “Quezon’s 2-in-1 project”, layunin nito na makapagtanim ng 2.2 million mangrove propagules sa mga coastal area ng lalawigan sa loob ng 24 oras o isang araw. Ang malawakang pagtatanin ay isinagawa noong Hunyo 30, 2012, mula ala-6 ng umaga hanggang ala-una ng hapon. Ito ay nakabalangkas din sa proyektong nasyunal ng Departmen of Environment ang Natural Resources (DENR) na napapaloob sa National Greening Program (NGP) sa direktiba ni Secretary Ramon Paje sa lokal na opisyal ng naturang ahensyan upang magkaroon ng proyektong balangkas sa pagsagip sa Inang Kalikasan. May 30 million pondo para sa cleen ang green project na ito ang ini-request at naka-allocate para sa probinsya. Nauna na umanong ipinagkaloob ang 15 million para sa inisyal at kasalukuyan for liquidation ang naturang aktibidades. (Michelle Zoleta)

WALANG SAYANG... Mula pahina 5

Napatingin sa kanila ang ibang kumakain doon. Alarmadong nilapitan ni Rico ang nobya para sansalain ito sa anupamang gustong sabihin. Ngunit hindi pa siya nakapagsasalita’y lumagapak na sa pisngi niya ang palad nito. Malakas ang impact. Nabiling nang husto ang kanyang mukha. Hindi napigil ng ilang kababaihang naroon at kumakain ang impit na expression ng pagkabigla. Maging si Innah ay hindi napigilang mag-react. Napanganga ito. Pagkasampal naman ni Judy kay Rico ay walang lingon-likod na itong umalis. Iniwanan siya nito ng isang nagbabantang tingin. Hindi na niya naga-

wang habulin ito. Naiiling na lang na nagbalik si Rico sa upuan. Sumubo agad siya ng ice cream sapagkat pakiramdam niya’y nanunuyong mabuti ang lalamunan. “Masyadong selosa ang kid sister mo, brod,” anang isang lalaking may partner din na kumakain doon. Ang intention marahil ay magpatawa para maalis ang tila pagdaan ng anghel sa lugar na iyon dahil sa biglang pagtahimik. “Ayaw pa sigurong magasawa ka.” Walang naging sagot si Rico. Ngumiti lang siya at kunwa’y binaril ng hintuturo ang lalaki. Gesture na ina-appreciate niya kung joke man o seryoso ang sinabi nito. SUBAYBAYAN

laman no’n?” “Kapatid ni Don ang syota ko.” “Really?” Bahagyang kinilig si Innah. “Wala yatang nakapagkuwento sa akin niyan. Well, where is she working?” “Nag-aaral pa lang.” “Nag-aaral?” nakaangat ang isang kilay na ulit ni Innah. “Then how old is she?” “Eighteen.” Muling sumambulat ang hagikhik ni Innah. “Disiotso?” bulalas nito matapos magtawa. “Aba’y halos anak mo na ‘yon, Enrico! Ano ka, pedophile?” Nangiti si Rico. Pangalawang beses na niyang narinig iyon. “Of course not,” wika niyang kakam-

ut-kamot sa ulo. “Ano’ng magagawa ko, e, siya ang nagpatibok dito?” Tinapik niya ang dibdib. “Sabagay.” Itinapat ni Innah ang kamay sa kanya. Nagbigayan sila ng high five. Halos katatapos lang ng lagapak ng kanilang apiran ay sumunod naman ang sound ng palakpak. Napalingon sila sa pinanggalingan niyon. Ganoon na lamang ang pagkagilalas ni Rico. Si Judy! Nang-uuyam ang tingin nito sa kanya. “Kaygandang eksena,” anitong naroroon ang galit. “Parang Kim Chiu at Gerald Anderson. Nakakainggit naman kayo!”

6

JULY 11 - 17, 2012

ENTERTAINMENT... niya, lalo na sa kanyang showbiz career. Hindi raw kasi inaasahan ng actress-TV host na hanggang ngayong taon ay patuloy ang blessings na dumarating sa kanya. “That’s why I did take a moment when I was on the plane and I just said, ‘Lord, thank you. I didn’t expect because I always said na just hope that things will come your way. Then, hope and dream, and have a goal. I think it’s just important that, as a person, you have personal goals that you want to achieve. Parang huwag kang maging kampante sa kung ano’ng meron ka kasi it could just disappear just like that. I think it’s important to keep on working on yourself. Parang kung ano ‘yong gusto mong ma-achieve, ‘yung goals, may matututunan ka. Hindi naman lahat ay given to you on a silver platter so you have to work hard. I’m so happy that it wasn’t an easy climb for me to get here. It took me 15 years.” Ang isa pa sa mga ipinagpapasalamat ni Anne ay ang

Mula pahina 4

kanyang pagiging bahagi ng isang independent movie sa Hollywood na pinamagatang Blood Ransom. “You actually take time to think pa rin na I’m actually going to shoot an indie film. I was just, ‘Lord, thank you so much for giving me this opportunity.’ It’s not something that… yeah, you joke around about it. But, di ba, it just fell into my lap? I’m happy and I just have to be grateful. Yes, it’s good to dream but you also have to be thankful for everything.” Matagal na rin palang wish ni Anne ang makagawa ng isang indie film at hindi niya inakalang sa Hollywood pa siya gagawa ng ganitong klase ng pelikula. “Well, I’ve always been open to it na sana makagawa ako ng indie film. Like, you know, sana may magpadala sa Viva ng script. It just so happened, di ba, hindi pala dito ‘yong indie film! I’m just so happy that I got it, I auditioned for it. Alam mo ‘yon, parang iba ‘yong feeling na nag-audition ka and you get it.”

FOR SALE KOBUNDO OFFSET PRINTING MACHINE 18” X 25” (Running Condition) For inquiries: DIAL (043) 722-2678 or Text 0939-937-8675


July 11 2012 issue - The QUEZON POST  

The QUEZON POST July 11, 2012 issue

Advertisement
Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you