Page 1

Walang “Ang nangyari sa Vegas ay lalong Bayad nagpaigting sa aking paniniwala na sagrado ang buhay.”- Saranggani Rep. Manny Pacquiao, MIYERKULES

DISYEMBRE 19, 2012

VOL. 1

nang pagbotohan ng Kongreso ang House Bill 4244 o RH Bill noong Disyembre 9

BLG. 3

PNoy, banta sa demokrasya – obispo

Nagpahayag ng pangamba ang isang mataas na opisyales ng Simbahang Katoliko na nagiging isang banta na sa demokrasya ng bansa si Pangulong Benigno Aquino III, matapos maipasa sa ikatlong pagbasa sa Senado at Kamara ang kontrobersyal na panukalang batas na Reproductive Health (RH) bill nitong Martes. Tahasang kinondena ni Bishop Gabriel Reyes ng Antipolo at chairman ng Episcopal Commission on Family and Life (ECFL) ang pakikialam ng palasyo, partikular ni Pangulong Aquino, na ayon sa ilang mambabatas, siya mismong tu-

mawag isa-isa sa mga mambabatas ng kamara upang pumabor sa RH bill. Ayon kay Reyes, “Sa mga nangyayari baka dumating ang panahon na talagang maging banta siya sa demokrasya. Kasi ang executive department ay kontrolado na ang legislative at judiciary, hindi malayong dumating ang panahon na iyon.” Aniya, gagawa daw ang ilang mga obispo ng hakbang upang payuhan ang mga mananampalataya sa darating na halalan patungkol sa mga kandidatong tumataguyod ng taliwas sa aral at turo ng Simbahang Katoliko. Nitong nakaraang Lunes natapos ang botohan sa ikatlong reading ng RH Bill sa Senado, 13 ang pabor at 8 naman ang tutol. Samantalang sa Kamara naman ay nagtalaga ng 133 na pabor, 79 na tutol at 7 na nag-abstain para sa panukala. Hindi na kataka-taka ito ayon sa obispo dahil na rin sa ‘pressure’ na ibininigay ng palasyo sa mga kongresista upang bumoto pabor sa panukala, kung hindi maaring hindi sila bigyan ng kanilang mga PNoy, banta sa demokrasya - page 3

PINOY NA PINOY ang dating ni Santa Claus dahil lulan siya ng isang pedicab tuwing sasapit ang makulay na Pastores Festival sa Tabaco, Albay.

p.16

Nakagigilalas na TKO ni Donaire kay Arce!

p.8 Pasyalang Patok sa Pasko 2012


BALITA

2

Disyembre 18, 2012

P-Noy, payag repasuhin ang APECO Ni NOEL SALES BARCELONA

Pilipinas (Pamalakaya), labag sa umiiral na batas sa repormang agraryo ang naturang proyekto na nilikha ng mag-amang Sen. Edgardo M. Angara at Aurora Rep. Sonny Angara, sa pakikipagtulungan ng kapatid ng matandang Angara na si Gov. Bellaflor J. Angara – Castillo. Ayon kay Pamalakaya vice chair Salvador France, bukod sa kakamkamin ng naturang proyekto ang kabundukan, baybayin at karagatan, pagkakaitan din ng karapatan ang mga magsasaka, katutubo at mangingisda sa kabuhayan at paninirahan, bukod pa sa epekto ng nasabing proyekto sa ecosystem ng karagatan at kagubatan ng Casiguran. Naganap ang diyalogo kasama ang 120 magsasaka, mangingisda at iba pang sektor na kritikal sa nasabing proyekto noong Disyembre 11 sa San Jose Seminary sa Ateneo de Manila University.

Pumayag si Pang. Benigno S. Aquino III na repasuhin ang pagpapatupad ng Aurora Pacific Economic Zone and Ports Authority (Apeco), matapos ang pakikipagdiyalogo nito sa representante ng 3,000 pamilyang apektado ng nabanggit na proyektong isinusulong ng pamilyang Angara. Hinamon naman ng presidente ang mga nagrereklamong residente na magharap ng ebidensiya hinggil sa isyu ng diumano’y panggigipit sa kanila para lisanin ang kanilang lugar para bigyang daan ang multimilyong pisong proyekto na naisabatas na noon pang 2007 at naamyendahan noong 2010. Reklamo ng mga residente ng Aurora, partikular sa Casiguran—mawawalan sila ng kabuhayan at makaapekto pa sa kalikasan. Samantala, giit ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng

Karamihan ng laruang binebenta, may lason – Ecowaste Ni ROMEO PANAHON Mahigit na 300 sa 518 na laruan sa mga pamilihan ay may lason, ayon sa ang environmentalist group na EcoWaste Coalition. Ilan sa mga laruang may lason: - Spongebob cup na may kutsara mula sa Divisoria (may 25,400 ppm ng lead) - upuan ng bata na Winnie the Pooh sa Divisoria na (may 15,200 ppm ng lead) - Wonderful Music Xylophone na (may 14,100 ppm ng lead) - Angry Birds cups na kay kutsara taglay (may 11,100 ppm ng lead) - squeezy cube and ball mula sa Libertad Pasay (may 8,284 ppm ng lead)

- green toy lizard (may 11,900 ppm ng antimony) - ceramic dog figurine sa Taft Pasay (may 698 ppm ng arsenic) - marble na may red design sa Bangkerohan Davao (may 4,236 ppm ng Cadmium) - fish coin purse sa Libertad Pasay (may 9,970 ppm ng chromium) - Pretty Girls makeup set na may flower case sa Divisoria (may 326 ppm ng mercury) Ayon kay Thony Dizon, ng Project Protect ng EcoWaste Coalition, batay sa isinagawa nilang pagbusisi sa mga nabiling mga

laruan sa iba’t ibang mga pamilihan, kanilang natuklasan na sa nasabing 518 laruan, 313 dito ay may kemikal na nakakalason. Ang mga laruang ito umano ay may halong heavy metals tulad ng lead na nakakalason sa utak . Ang mga laruang ito umano ay may halagang mula P2 hanggang P210 na nabibili sa mga tindahan ng laruan sa mga commercial hubs sa Baclaran, Divisoria at Monumento sa Metro Manila, sa mga palengke at mall stores sa Cabanatuan at Gapan gayundin sa Cebu City at Bangkerohan, Davao City.

4 trak, nagkarambola! 1 putol binti, 2 sugatan

Ni PAUL ANG Kalunos-lunos ang sinapit ng isang trak drayber makaraan itong maputulan ng binti habang matindi namang nasugatan ang dalawa pa, kabilang ang isang 9-anyos na bata nang magkarambola ang apat na dambuhalang 10-wheeler truck sa Tondo, Maynila. Agad namang naisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang mga sugatang sina Ernie Boy Go, na naputulan ng kaliwang binti; Rocky Limpiado, 46-anyos; at isang Celso Baltimar, 9-anyos. Ayon naman sa salaysay ng ilang mga nakasaksi, 10:55 na ng gabi nang tila nagkakarerahan umano ang trak na minamaneho nina Go na may plakang USZ-400 at Isidro Babon, na may plakang KDJ-960, habang binabagtas ang north bound ng R-10 nang mawalan ng control ang mga ito at saka nabundol ang isa pang trak. Sa kabila ng sinapit ay nakatakda pa ding maasunto ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury at damage to property sina Go at Babon.


BALITA Piyansa ng amo ng minaltratong katulong, pinababawi

Disyembre 18, 2012

3

26 sako ng materyales ng bomba, dinakma ng NBI Ni PAUL ANG

Aakalaing malaking pabrika ng bomba ang isang apartment na sinalakay ng mga Ni ROMEO PANAHON operatiba ng National Bureau of InvestiHiniling ng kampo ni Bonita Baran, ang katulong na minaltrato at inabuso ng kanyang gation (NBI) makaraan itong makasamamo na bawiin ng Quezon City court ang desisyon na pagpiyansahin sina Reynold sam ng 26 na sako ng mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng pampasabog sa Marzan kaugnay sa kasong serious illegal detention at serious physical injury. Noong nakaraang linggo, pinayagan ng QC court na makapagpiyansa para pansa- Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga, mantalang makalaya sa kulungan si Reynold dahil sa hindi naman daw ito ang nagmal- Disyembre 14. Hindi na nakapalag pa ang suspek trato at nagkukulong kay Baran kundi si Annaliza. na kinilalang si Joel Antonio nang arSi Annaliza lamang ang hindi pinayagan ng  korte na magpiyansa sa kasong ito. Sa ginanap  na hearing kamakailan, sinabi ni Atty. Ulric Badiola na hindi dapat pi- estuhin ito ng mga kawani ng NBI sa nayagan na makapag piyansa si Reynold dahil ang kasalanan ni Annaliza ay kasalanan apartment na tinutuluyan nito sa 2725 na rin nito dahil pinabayaan ni Reynold ang asawa na saktan at ikulong si Baran ha- P.Guevarra St., Sta.Cruz, Maynila, kung saan din nakuha ang nasabing mga pambang nasa kanilang poder bilang katulong. Bunsod nito, inutos naman ni QC RTC branch 77 Judge Germano Francisco Legaspi  pasabog base naman sa inisyal na ulat na sa kampo ng mga Marzan na magkomento hinggil sa mga pahayag na ito ng kampo inilabas ng NBI- Anti-Organized Crime Division (AOCD). ni Baran. Dakong alas 8:00 ng umaga nang Itinakda ni Judge Legaspi na muling dinggin ang kasong ito sa Disyembre 18,2012. sumugod ang mga operatiba sa nasabing apartment ng suspek kung saan umano

ginagawa ang ilang mga malalakas na pampasabog sa Sta. Cruz. Nang usisain naman ng NBI ang mga naturang sako, naglalaman ito ng mga ammonium nitrate na ginagamit na sangkap sa paggawa ng dinamita at iba pang uri ng pampasabog subalit “chick booster” ang nakalagay na label rito. Ayon naman sa salaysay ni Antonio , sa isang Willy Sanchez umano nanggaling ang nasabing mga kargamento na isa din umano sa subject ng warrant of arrest na bitbit ng mga operatiba sa isinagawa nitong pagsalakay sa apartment. Napag-alaman naman na kung susumahin ay kayang magpasabog ng isang gusali ang mga nasabat ng NBI na ammonium nitrate na hinihinalang gagamitin sa paggawa ng bomba na maaaring magdulot ng malaking pinsala sa tao.

Simbang Gabi, ikinasa na sa Luneta! Ni PAUL ANG Nagsimula na noong Sabado, Disyembre 15 ang simbang gabi sa Rizal Park malapit sa Central Lagoon, ayon sa pahayag ni National Parks and Development Community (NPDC) Executive Director Juliet Villegas. Dagdag pa ng opisyal, ito din umano ang pinakamagandang panahon upang magbond-

ing ang pamilyang Pilipino at magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Pablo sa Visayas at Mindanao. Maaari umanong magtungo ang mga nais magbigay ng kanilang mga donasyon sa tanggapan ng NPDC.

Libreng sticker para sa helmet

Nagbigay ng libreng International Code Council (ICC) Sticker para sa helmet ng mga rider ang Department Trade Idustry sa Quezon City Hall Quezon City kamakailan. [Mon Estabaya] - Mula sa page 1

PNoy, banta sa demokrasya – obispo

pork barrel. Sinabi pa ni Reyes na, “Pinakialaman na kasi ng Malakanyang ang botohan gaya na lang nung ikalawang pagbasa kung saan dumating ang mga taga palasyo.” Nakatakda din diumanong mag-petisyon ang ilang mga ‘di pinangalanang organisasyon sa Korte Suprema upang hilingin sa mataas na korte na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) upang mapigilan ang pagiimplementa ng naturang batas. Isiniwalat naman ni Zambales Representative Milagros “Mitos” Magsaysay ang utos diumano ng palasyo sa mga miyembro ng Liberal Party na huwag magpakita sa session ng Kongreso sa ikatlong pagbasa ng RH bill upang masiguro ang pagpasa ng naturang panukala.

Bagong uso? Orangutan Christmas party Nagpa-Christmas Party si Malabon Zoo owner Manny Tangco kasama ang isang orangutang para mapaligaya ang mga bata ngayong darating na Kapaskuhan sa Malabon Zoo. [Mon Estabaya]

ADVERTISE WITH US

contact 09275393683 or email us at porma@omnibusmediagroup.com


BALITA

4

NEWS BRIEFS Ni JANDEL POSION

Rally, isinagawa matapos ang matagumpay na rocket launch

Disyembre 18, 2012

Gulangan sa hatian ng jueteng, dahilan ng paglaglag kay Gov. Espino

“Gov. Espino, adik sa pera” Ni ELVIE LACARAN

KOREA—Nagbunyi ang mga taga North Korea noong Biyernes nang maisagawa nang matagumpay ang rocket launch laman ang isang satellite noong Miyerkules. Ang paglalagay ng satellite sa orbit ay isang teknolohikal na tagumpay para sa mapaglihim na rehimeng North Korean at isang tagumpay para sa pampublikong imahen ng kanilang lider na si Kim Jong Un.

Mas istriktong kontrol sa baril, dahil sa Newton shooting? UNITED STATES – Pinag-aaralan ngayon ng administrasyong Obama kung ang mas istriktong kontrol sa baril ang siyang pangmatagalang solusyon sa lumalalang gun violence sa bansa, matapos ang kagilagilalas na shooting sa Newton, Connecticut noong Biyernes na pumaslang sa 24 na katao, kung saan 20 ay bata. Lumilitaw din ang suhestyon na palawakin at ayusin pa ang database na ginagamit sa background checks bago makabili ng baril ang isang tao. Kasama sa pulong na pinatawag ni US President Barack Obama noong Lunes sina Vice President Joe Biden, Atty. Gen. Eric H. Holder Jr., Health and Human Services Secretary Kathleen Sebelius, at Education Secretary Arne Duncan.

Amerika, nagpadala ng military sa Syria UNITED STATES—Nagpadala ng 400 na military troops at Patriot missiles ang Estados Unidos sa Turkey sa pangunguna ni Defense Secretary Leon Panetta para tulungang bantayan ang naturang bansa mula sa bantang pag-atake ng Syria. Sampung Patriot missile batteries ang pinadala sa Tureky kung saan dalawa ay galing sa Estados Unidos, dalawa mula sa Alemanya (Germany) at dalawa sa Netherlands. Lahat ng batteries ay nasa ilalim ng NATO command at naka schedule na gamitin sa katapusan ng Enero. Ang Patriot system ay dinisenyo para harangin ang mga eroplano o missiles na umabot sa border ng Turkey mula sa Syria.

Lumutang ang mga whistle-blower sa Campo Crame, Quezon City nang magsagawa ng usapan tungkol sa mga jueteng lord kasama sina (mula kanan) DILG Secretary Mar Roxas, Boggalion Pangasinan Mayor Rodrigo Ordona, Brgy. Captain Fernand Alimagno at Archbishop Oscar Cruz. [Mon Estabaya] Tahasang inamin ni Mayor Rodrigo Orduna ng bayan ng Bugallon at Barangay Kapitan Fernando “Boy Bata” Alimagno na “walang utang na loob at gahaman sa pera si Pangasinan Governor  Amado Espino Jr.,” at ito ang tunay na dahilan ng kanilang tuluyang pagsisiwalat ng jueteng sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon ka Orduna, may untouchable na 2.5 milyong piso na payola si Gov. Espino kada Sabado na siya mismo ang nag-aabot kahit noong tuluyang humina ang operasyon ng jueteng sa Pangasinan. Sinabi din ni Alimagno na umaabot na din sa 500 katao noong panahong iyon ang kanyang tauhan para patakbuhin ang jueteng, labas pa ang mga tauhan ni Mayor Orduna kaya sobrang lugi na nila, gayong 2.5 milyong piso pa din ang dapat tanggapin ni Gov. Espino linggolinggo. Ayon din kay Alimagno, ang hatian nila nang magsara ang jueteng sa probinsya ay 8 milyong piso para kay Gov. Espino, at tig-kalahating milyong piso sina Mayor Orduna, Alimagno at Col.(Supt.) Wilson Lopez.

“Kung may adik sa droga, itong si Gov. Espino adik naman sa pera,” ito ang akusasyon ni Mayor Orduna sa gobernador, dahil wala umanong makakapagpigil sa pagtanggap ni Gov. Espino sa payola nito, kahit pa may unos, bagyo o bumisita pa ang Pangulo sa kanilang lalawigan. Ayon din kay Alimagno, siya naman aniya ang personal na kumakausap kay Gov. Espina at Charlie “Atong” Ang ukol sa sanib pwersa ng mga ito sa pagpapatakbo ng jai alai sa Pangasinan, pagkatapos mawala ang jueteng sa probinsya. Ibinunyag din ni Alimagno na mayroon silang 825,000 pesos kada buwan na ibinibigay sa kanilang protector sa Camp Crame at mga taga print media sa Pangasinan at Manila. Sa panig naman ni DILG Sec. Manuel Roxas, hindi magiging “pingpong” ang ibinunyag nina Alimagno at Orduna dahil tiyak na kanila itong aaksyunan at ang nangyari aniya sa sitwasyon noong ni Sandra  Cam na isa ding whistle-blower ay hindi aniya natugunan nang maayos kaya uambot ang usapin sa Senado.

Baha at landslide sa Bicol, pagkatapos ni ‘Pablo’ Ni GRACE CAJILES

Nagbababala na ang PAGASA sa posibilidad na magbaha at gumuho ang lupa sa Bicol region at ilang lugar sa Visayas at Soccsksargen sa Mindanao, matapos ang kalamidad na dulot ni ‘Pablo.’ Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito’y dahil sa anila ay tail-end of the cold front na na-

kaaapekto sa Bicol, at ang hanging amihan na nakaaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon. Makararanas ang Bicol, Soccsksargen at probinsiya ng Samar nang maulap na papawirin na may paminsan-minsang pagbuhos ng malalakas na ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at landslides.


BALITA ‘Pablo’, pinatotohanang walang total log ban Ni JUNE PEÑA

Isang patotoo na hindi pangkalahatan ang sinasabing total log ban ng administrasyong Aquino ang malawakang pananalanta at ang napakaraming kamatayang idinulot ng bagyong ‘Pablo’ sa Mindanao. Himutok ni Pedro “Pete” Montallana, OFM, patuloy pa rin ang illegal logging at lalo pa aniyang lumala ang situwasyon sa lalawigan matapos ang mga nasabing kalamidad. “We were happy with the logging moratorium but later on was disappointed because the implementation was not serious,” ani Montallana. “We have been calling on the Palace to replace DENR Secretary Ramon Paje and also implement a systematic cleaning of the agency from corrupt officials. But our calls fell on deaf ears,” dagdag pa ng pari. Naunang humanga ang pari at ng kanilang

Network sa polisiya ng Pangulong Aquino hinggil sa pagpuksa ng illegal logging subalit nadismaya makalipas lamang ang isang taon nang aprobahan ang moratorium. Nararapat lang aniya na solusyonan ng pamahalaan ang suliranin ng kahirapan na nagtutulak sa mga ito na ilegal na magputol ng puno at magmina para lang mabuhay. “Even the indigenous people are enticed to do it. Instead of giving them dole-outs through the Pantawid Pamilya program, why not give them tools to till their land and seeds to plant so eventually they can harvest?” pagtatapos ni Montallana. Tinataya namang nasa P10.3 bilyon halaga ang mga nasirang kagamitan, pangsakahang pasilidad, imprastraktura at pananim kagaya ng palay, mais, saging at niyog.

Disyembre 18, 2012

5

PORMA HIRING EDITORIAL ASSISTANT - Graduate of Mass Communication , Journalism or any related course - Willing to Work under pressure - willing to extend hours to finish deadlines - Excellent oral and written communications skills - Good interpersonal skills - Team player - Computer Literate - Attentive to details GRAPHIC / LAYOUT ARTIST - Graduate of Fine Arts, Multimedia Arts or any related course - Highly Creative and artistic - Basic knowledge of Graphic/Publishing design program - willing to extend hours to finish deadlines - Excellent oral and written communications skills - Good interpersonal skills - Team player - Computer Literate - Attentive to details - Experience in a publishing company is an advantage ACCOUNT EXECUTIVE - Graduate of Mass Communication or any related course - Willing to Work under pressure and able to meet deadlines - willing to extend hours to finish deadlines - Excellent oral and written communications skills - Good interpersonal skills - Team player - Computer Literate - Attentive to details - Passionate , hard working and well organized professional with power to prioritize and multitask - with pleasing personality Email your resumes to: info@omnibusmediagroup.com

URGENT HIRING Bisaya Maids 09482245225 Office staff start asap 09332129232/09266556261 Direct hiring 09331811511 Job opening 09301202960 Job hiring - 09298475484 Mabait na Amo - 8T 09099451230 9T Maid Cook 4 British 09193493632 Yaya 09216493521/09089840456 Asap! hiring 09109426944 Gardener pasig stay in 09357871475 Need female maid w/ NBI clearance 09177913380 Yaya & Cook 09084228080 Job Opening call Ms. Lorraine 09099767394


6

EDITORYAL

Disyembre 18, 2012

OMNIBUS communications for asia foundation inc. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief Clarke Nebrao Managing Editor SKY ORTIGAS Online Editor

Alejandro MALAPO Art & Design Director

Porma is published on Tuesdays by the Omnibus Communications for Asia Foundation Inc. with business and editorial offices at 8-0 Park Place, N. Reyes St., Xavierville 2, Loyola Heights, Quezon City

Editoryal Naaprubahan na sa Kamara sa ikatlong pagbasa ang kontrobersyal na RH BILL. Ang panukalang batas na ito ay naglalayon na magbigay ng mas maraming serbisyong medikal sa mga babaeng buntis, prenatal care at sex education. Malawak ang programang RH BILL, ngunit bakit nga ba ito tinututulan ng simbahan, partikular, ang Simbahang Katolika? Una sa lahat, tayo ay may 21 na batas na naglalaman ng mga probisyon tungkol sa serbisyong medikal at mayroon ding batas na Magna Carta of Women o Republic Act No. 7190. Ang nilalaman ng RA 7190 ay siya din nilalaman ng RH BILL, dinagdagan lama ng mga probisyon para sa pagbili ng mga condom, pills at iba pang uri ng artificial contraception. Ang Magna Carta of Women ay may sariling ding budget. Bakit nga ba ito mariin na tinututulan ng Simbahang Katolika? Sapagkat naniniwala ang Simbahang Katoliko kailangan lamang ng pamahalaan na ipatupad ang mga batas tulad ng Magna Carta of Women at gamitin ang pondo nito sa tama. Ikalawa, matagal nang namimigay ng li-

You can reach us through the following: Number: (63) 927-539-3682 Email: info@omnibusmediagroup.com Website: omnibusmediagroup.com

Hindi pa huli ang lahat, ibasura ang RH BILL breng condoms ang pamahalaan noon pa man sa kapanahunan ni Pangulong Marcos. Kaya’t bakit bibili ang pamahalaan ng mga condoms at pills? Saan at sino ang mamamahala sa transaksyong nito? Ikatlo, ang pagkakaroon ng dalawang magkatulad na batas ay maliwanag na pagkakaroon ng dalawang magkaibang gastos para sa iisang resulta. Pera ni Juan de la Cruz na mula sa dugo niya at pawis. Ano na ang nangyari sa pondo ng mga batas na ito? Napakinabangan ba ng mga Pilipino o ng iilang nasa poder lamang? Ikaapat, ang RH BILL ay may maliwanag na masamang epekto sa bayang Pilipino. Tuturuan ang mga kabataan na gumamit ng condoms at iba pang artificial contraception sa edad na 11 taong gulang, na ayon sa amended RH BILL ay age-appropriate for sex education. Sa murang edad na onse aùos ay dapat

matutunan ng mga bata ay kalinisan sa puri at pagpapahalaga sa sarili. Sa RH Bill matututunan ng mga kabataang Pilipino ang maagang pakikipagtalik.Tignan na lang ang kabataan ng America at Europe. Maaagang namumulat sa sex, ngunit bumaba ba ang bilang ng may AIDS at STD? Hindi. Bangkus, sa mga bansang ito ay lalong tumaas pa angdatus ng mga taong may AIDS at STD. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may mababang bilang ng mga taong may AIDS. Layon ng RH BILL ang kontrolin ang populasyon ng Pilipinas. Mali! Ang Pilipinas ay may mayamang populasyon ng mga kabataan. Ang kabataan ay kayaman ng bayan. Ang kailangan natin ay isang magandang programa pang-edukasyon, at libreng gamot at kabuuang serbisyong pangkalusugan. Ang kabataang Pilipino angmagbibigay-lakas at buhay sa ekon-

amiyang Pilipinas. Ang Germany, Japan, Singapore, Russia ay nahaharap ngayon sa population crisis, sapagkat napakalawak ng agwat ng dami ng matandang populasyon at ng kanilang kabataan.Hirap ang gobyerno nila na sustentuhan ang mga pension ng kanilang mga senior citizen dahil kulang ang kabataan na magsusuporta sa kanila. Ang kailangan natin ay bayan na may integridad, moralidad at may paggalang sa batas ng Diyos. Hindi isinaalang-alang ng RH BILL na maraming Pilipino ay Katoliko na naniniwala sa kabutihan ng Diyos. Na ito ay labag sa karapatan nilang pangrelihiyon. Mas maraming mabigat at masamang idudulot ng RH BILL sa sambayanang Pilipino. Ang kailangan natin ay liderato na may tunay na pagmamahal sa bayan. Ang RH BILL ay hindi maka-Pilipino. Ang kulturang Pilipino ay maka-Diyos, maka-pamilya, malinis at may paggalang sa buhay ng tao.Hindi pa huli ang lahat para ibasura ang lason na papatay sa Pilipinas. Ibasura ang RH BILL.


OPINYON Ilang araw na lamang at magdiriwang na tayo ng Pasko, ang kaarawan ng ating Panginoong Hesukristo dito sa mundo. Para sa iba, punung-puno ang Pasko ng kulay, kaligayahan, at pag-asa. Nandiyan na ang magagandang parol na nagsisilbing palamuti sa madidilim at malamig na gabi, ang Noche Buenang pagsasaluhan ng pamilya. Mayroon pang mga regalong ipamimigay at tatanggapin. Ito ay iilan lamang sa mga bagay na nagbibigay-saya sa ating Kapaskuhan. Ngunit hindi lahat ay mapalad na magdiriwang ng Pasko sa ganitong paraan. Marami pa rin sa ating mga kapwa alagad ang nabubuhay sa kahirapan. Sila ang mga nakalimutan na ng gobyerno, at pinabayaan ng lipunan. Sila ang mga walang tirahan, unanguna sa lahat. Dapat ay nagdiriwang sila ng Pasko sa isang bahay kasama ang kanilang pamilya. Sa kasawiang palad para sa mga kapatid nating ito -- wala na ngang matuluyan, iniwan pa ng pamilya. Maaatim mo bang sabihin sa kanila na “Meri Krismas”? Mayroon namang iba, naninirahan sa ilalim ng tulay. Mabaho, mainit, kasula-sulasok ang kondisyon ng mga tirahan dito, kung matatawag pa itong tirahan. Bukod pa diyan ay ang peligro NANG HUMALIK sa lona ang Pambansang Kamao, marami ang nadismaya at nanghinayang dahil tila hindi magiging maganda ang pagreretiro ni Sarangani Province Rep. Emmanuel “Manny” D. Pacquiao. Subalit hindi katulad ni Pacquiao, humaharap sa kakaibang boksing ang sambayanang Pilipino. Tinatadyakan ang masa ng kahirapan. Kinakarate sila ng nakakakubang mga buwis. Hinahambalos sila ng kawalan ng hanapbuhay. Binubuntal sila ng kagutuman. Binabaliti sila ng kawalan ng hustisya at pagsasamantala. Binubugbog sila ng pagkadismaya dahil sa kabi-kabilang mga trahedyang naiwasan sana kung hindi pinapayagan ng gobyernong gahasain ng naglalakihang negosyo ng mina at troso ang mga kabundukan, ng mga empresa ng kasino at otel ang mga baybay-dagat, at hindi tinatabunan ng mga tagapagtayo ng mga subdibisyon at export processing zones ang kailugan at kabukiran. Araw-araw, sinasaktan at binubuntal sila ng mga patakarang pangkabuhayan at pampulitika ng gobyerno na nakasandig sa pangangalaga ng interes ng mga negosyo, ng mapepera, at mga pulitikong asendero at propitaryo.

Alagad

ANTHONY PEREZ

Pasko Para Sa Kanila sa kanilang buhay at kalusugan dahil sa paninirahan sa ilalim ng tulay. Paano na ang Pasko nila? Naiisip ko rin ang kalagayan ng ating mga OFW na nangungulila sa ibang bansa. Kung mayroon lamang trabaho sa Pilipinas na sapat ang kita para pangtustos sa kanilang pamilya ay hindi naman sila aalis. Ngunit nilalabanan nila ang lungkot at pangungulila para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya. Masaya ba sila sa Pasko? Paano naman ‘yung mga kababayan sa patalim kumakapit upang magkaroon lamang ng kakarampot na salapi: ang mga biktima ng human traffick-

Ang Miron

NOEL SALES BARCELONA

Si Pacquiao at ang Istorya ng Sambayanang Pilipino Sa umiiral na kalakaran, malinaw na walang pakialam ang gobyerno sa kalagayan ng anakpawis na kung tutuusin ay ang sektor na nagpapayaman at nagpapabundat sa kanila. Agad na sinasaklolohan ng estado ang negosyo kapag may problema sa ekonomiya samantalang iniiwang dilat at gutom ang manggagawang Pilipino. Kung hindi’y

ing, prostitusyon, at pangangalakal ng droga. Sila na nasa kuko ng kadiliman at kasalanan -- ang dahilan kung bakit nagkatawang-tao ang Diyos, upang sa Kanyang pagkamatay sa krus ay mabiyayaan tayo ng bagong buhay. Sa dami ng parol na kanilang nakikita, kadiliman pa rin ba ang kanilang hinaharap? Ang libo-libong biktima ng bagyong ‘Pablo’ na rumagasa sa Mindanao. Daan-daang pamilyang nagluluksa dahil kinitil ni ‘Pablo’ ang buhay ng kanilag mga minamahal. May Pasko pa ba para sa kanila? Bakit kailangang may magdusa, at may masaktan, at may mamatay? Mahirap sagutin ‘yan, dahil tanging ang Maykapal lamang ang may kasagutan. Ang tanging alam ko ay pinanganak ng tao ang Diyos, nakisama sa hirap natin, naramdaman ang ating mga pighati at pagdadalamhati, at nagdusa rin sa kamay ng tao. Lahat ng ito ay dahil si Kristo pa rin ang naghahari sa mundo at sa buong sanlibutan. Ikaw na nakakaluwag at may kaunting maibabahagi para sa kapwa nating nangangailangan o nangungulila, ang Pasko ay isang okasyan para matulungan ang katulad nila. Ang tawag diyan, Bayanihan. People Power. Paskong Totoo. matagal nang matiwasay ang kabuhayan ng mga manggagawa, mangingisda at magsasaka na halos 24 oras na napapagal para lamang makakain at madamtan ang sarili nang maayus-ayos. Sa Kongreso at Senado patuloy na natatambakan ang panukalang mga batas na nauukol sa pagtataas ng suweldo at pagtatanggol sa karapatan ng mga manggagawa sa kalusugan, sa katiyakan sa trabaho, at iba pang lehislasyong nagsusulong ng kapakanan ng malilit at kakaning-itik na patuloy nang binubuntal ng sistemang katig sa kapital, samantalang kontra naman sa kapakanan ng mga manggagawa. Higit pa sa naagaw na korona ni Juan Manuel Marquez kay Pacman ang lagay ngayon ng sambayanan. Lungayngay sila sa kahirapan ngayon, lungayngay pa rin sila sa karalitaan at kawalang pag-asa bukas. Kumbaga sa boksing, knockout na’y tinatadyakan pa hanggang sa hindi na makatayo at hindi makagulapay. Ang tanong natin ngayon, kailan kaya natin maririnig ang batingting na magwawakas sa pagbuntal ng kasalukuyang sistema sa naghihingalo nang masa? Sana’y malapit na… sana’y malapit na…

Disyembre 18, 2012

7

Nag-81 kamakailan Palara si Mommy. At tulad ng mga taong lumipas, nag-isip ako kung ano ang magandang iregalo sa isang espesyal na tao. Sa loob ng aking 58 na taon, malamang ay naibigay ko na sa nanay ko ang lahat ng klase ng regalong sa aking ERNIE MAIPID JR. palagay ay magugustuhan niya. Sa taong ito, minabuti kong ibahagi kay Mommy, ang pasasalamat mula sa aking puso na idinaan ko sa isang card. Nagpasalamat ako kay Mommy para sa tatlong bagay: para sa kanyang pag-aalaga, para sa pagturo niya sa akin kung paano magmahal, at ikatlo para sa pagpapayag nila ni Daddy, na lumipad ako at gawing totoo, ang buhay na kaloob sa akin ng Diyos. Ano ba ang lumipad? Paano ba ang isang anak na tulad ko, napapayagang lumipad ng magulang? Sa lahat ng bagay na ‘di pangkaraniwan sa relasyon ng magulang at anak, pinakaimportante na yata ang payagang lumipad ang anak. Maraming ibig sabihin ito. Nagsasaad na, “Naniniwala akong kaya mo, kaya, sige, lumipad ka!” Nagsasabing, “Sige, humayo ka; nandito lang kami kung mapagod ka at gusto mong magpahinga.” Nagpapahiwatig, “Hinanda ka namin para sa buhay. Kaya’t kaya mo ‘yan!” Kinasal kamakailan ‘yung pangalawa kong anak. Naunang ikasal ‘yung panganay noong isang taon. Pareho silang lalaki. Babae ang aking bunso.Sa pagpapasalamat ko, winika ko sa Diyos na tunay niya akong pinagpala, dahil binigyan niya kaming mag-asawa ng pagkakataong makapagpalaki ng mga anak na nagdedesisyong italaga ang buhay sa pagmamahal. Makahulugan ito, lalo na sa panahong bihira na ang nagdedesisyong magpakasal. Kung hindi ako pinayagang lumipad ng aking mga magulang, at patotohanan ang buhay na handog sa akin ng Diyos - malamang, hindi ko nagampanan nang buo ang pagiging ama sa mga anak ko. Salamat sa pamilya. Sa ama’t ina. Mga kapatid. Kasal. Asawa’t mga anak. Mga manugang at apo. Salamat sa mga simula. At sa mga katapusan. Salamat sa buhay na walang hanggan!

Lipad, Anak, Lipad!


TAMPOK

8

Disyembre 18, 2012

Affordable pero masarap na Noche Buena.. Ni RESTY S. ODON

‘Di kailangang maging magastos ang inyong handa sa Noche Buena. Maaaring maghanda nang hindi luhaan ang inyong wallet. Kailangan lang ng kaunting imahenasyon at tiyaga sa pag-uusyoso sa pinakamalapit na talipapa, grocery, o mall. Narito ang ilang stratehiya para sa mesa sa Pasko: 1. Mag-isip ng putaheng espesyal – Gumamit ng ingredients na ‘di laging kinakain ng pamilya, subalit tiyak na papatok sa panlasa. Hindi lahat ng highend food ay magastos gawin. Puwede ring gumawa ng sarili mong bersyon ng onion soup, mushroom soup, o squash soup. Kaunting research lang sa Internet at puwede mo nang i-try! 2. Importante rin ang presentation - Halimbawa, sa halip na ihain ang soup sa pangkaraniwang mangkok, maaari itong iserve sa matigas na tinapay na ginawang hugis bowl. Makakabili ng ganitong uri ng tinapay (sourdough) at iba pang tinapay tulad ng baguette, pretzel, at croissant ng mura sa French Baker o Le Coeur de France sa mga mall. Abangan lang ang 50% sale araw-araw ‘pag malapit nang magsara. 3. Barbecue party! - Tiyak na kaaaliwan at memorable para sa buong mag-anak ang pagluto

ng putahe na involved ang lahat. Sa halagang ‘di aabot ng Php100 kada kilo, makakabili na sa meat shop ng chop-chop na tenga at ulo ng baboy para sa barbecue. Pakuluan lang ito sa baga at ibabad sa spices, toyo, kalamansi, kaunting asin at asukal hanggang lumambot. Siyempre, may taga-tuhog sa stick at may magpapaypay ng uling sa ihawan. Presto, barbecue party na! Pwede n’yo pang imbitahin ang kapitbahay. Dagdagan ng marshmallow ang barbecue stick para mas mukhang pang-party.

itan nga lang ang hiwa ng mga ito para magmukhang maramirami. 5. Extra special fruit salad Para sa dessert, maaaring bumili ng isang malaking lata ng canned fruits, yung pinakamura, at gawin itong espesyal sa pamamagitan ng pagdagdag ng ‘di karaniwang prutas, tulad ng pira-pirasong peras, red apple, o kiwi. Pwede ding mag-abang ng buy 1-take 1 sale ng mga prutas sa

Shopwise, SM Hypermart o Puregold. Agahan lang ang pagsugod upang ‘di maabala sa pila at mauna sa pilahan. Subukang gawing juice o shake ang mga ito o i-slice o i-arrange nang mas festive na presentation.

4. Kumpletos rekados - Kung ayaw n’yong mag-eksperimento, maaaring mag pochero o nilagang buto-buto ng baka o baboy sa halagang Php120/kilo para sa main course na mukhang marami at masabaw, imbes na sopas. Para magmukha naman festive, lagyan ng kumpletong rekado, kahit na tig-isa o maliit na piraso lang ng saba, repolyo, pechay o Chinese pechay, patatas, at bichuelas para menos gastos. Lili-

Maaari ring gumawa ng ‘refrigerator cake’ gamit ang graham crackers at condensada at inislice na canned peaches o matamis na mangga. 6. Noche Buena pack – ‘Pag wala na talagang oras at kung tinatamad namang mag-isip, meron ding mga Noche Buena pack sa mall sa halagang Php500. Karaniwa’y andun na lahat – pasta, keso, canned fruits, atbp. Huwag gawing dahilan ang kawalan ng maraming pera para ‘di magsaya. ‘Pag tingin mo nahihirapan ka sa buhay, mas lalo pa ngang mas may karapatan kang magsaya. Ipaglaban ang iyong karapatang maghanda sa hapag-kainan!

Pamaskong Regalong pasok sa budget mo! Ni RUTH M. SOLITARIO

Marami ka bang inaanak, o sadyang salat sa datung habang ang lahat ay nagsho-shopping na ng mga panregalo? Huwag kang mag-alala dahil may solusyon diyan. Basahin ang mga ideas sa ibaba at tiyak makakakita ka ng mga panregalong pasok sa budget mo. Hindi mauubos ang lahat ng naipon mo kung magiging wais ka sa pamimili. 1. Isang bag ng mabangong Benguet coffee, o ‘di kaya naman ay mga katutubong produkto na mabibili mo sa mga local producers at small and medium enterprises (SMEs). Mura na, marami ka pang pagpipiliang produkto mula Luzon, Visayas at Mindanao. Sa pagtangkilik sa mga lokal na produkto, makakatulong ka upang iangat ang kalagayan ng ating mga kababayan. 2. Isang kopya ng Pride and Prejudice ni Jane Austen, Pilgrim’s Progress ni John Bunyan o anumang mga klasikong aklat na makikita mo sa mga book shops

na nagbebenta ng mga second-hand na titulo kesa sa mga bago na umaabot ng libo. Kung magtiyaga ka sa pangangalkal, makakakita ka ng mga librong bagongbago pa. Mayroon ding pambata na maaari mong ibigay sa iyong inaanak at makukuha mo nang mura. 3. Wind chimes o mga bagay na sinasabit na nagbibigay musika o ilaw, tulad ng isang Japanese lantern. Maaari kang bumili sa mga tiyangge o ‘di kaya naman ay gumawa ka kung mahilig ka sa arts and crafts.

4. Flower pots. Isang paso na natamnan ng poinsettia o halamang namumulaklak, tulad ng orchid. Makakapamili ka nito sa mga orchidarium o nursery. Kung madalas ubuhin ang iyong reregaluhan, bigyan mo siya ng oregano. Siguraduhin mo lang na ang mabibili mo ay iyong hindi katatanim lang. Bumili ka na rin ng isang supot ng pataba bilang extra. Ang halaman bilang panregalo ay hindi na kailangang balutin. O diba, nakatipid ka pa sa gift wrapping!

6. Facial o sleep mask or pampering set na mabibili mo sa mga personal care shops. Mura na, gaganda pa ang iyong reregaluhan. Lahat ng tao ay nais maging maganda o pogi tuwing Disyembre, diba? Kung gusto mo, bumili ka sa isang supplier ng mga spa products, bumili ng cute na containers, at magprint ng sticker label sa iyong colored printer kung saan nakasaad ang iyong Christmas and New Year’s wish para sa iyong kaibigan. Personalized na, matipid pa!

5. Movie tickets o isang DVD, samahan mo na rin ng popcorn. Kung magbibigay ka ng ticket, mas maganda kung hindi kinabukasan ang showing, lalo na kung ipapadala mo pa sa koreo ang mga ticket. Kung DVD naman, bumili ka na rin nung hindi pirated para itago ng pagbibigyan mo.

Bago lumusob sa mga pamilihan, huwag mong kalimutang gumawa ng listahan. Magtakda din ng limitasyon sa iyong gift shopping (baka maglakad ka nang pauwi n’yan) at maghanap ng kaibigang makakasama sa pakikipagsiksikan kung saan may murang bilihin. Ho! Ho! Ho! Maligayang Pasko!


TAMPOK Pasyalang Patok sa Pasko 2012 Ni MAE ANN REGINALDO

Naisip mo na ba kung saan ka gagala kasama ng iyong pamilya at kaibigan ngayong Pasko? Depende ‘yan sa trip mo.

Sa Ayala Triangle sa Makati, instrumental ang medley ng “Pasko Na Naman”. Kulay-kahel at dilaw ang tila pumapatak na Christmas lights na maya-maya’y magiging asul, puti at lila. Umiindak kasabay ng medley. Maaaring maghapunan sa mga restawran na nasa tapat ng display o nasa Ayala o Paseo. Ang palabas ay mula 6:00-9:00, gabi-gabi. Samantalang sa Christmas Forest sa Eastwood Citywalk 2, Libis, Lungsod Quezon, kada treinta minutos ang palabas tuwing Biyernes at Linggo at oras-oras naman kung Sabado, 6:00-11:00 n.g. Ipinagpapatuloy ng COD sa Greenhills, San Juan ang tradisyon ng pagkukuwentong gamit ang gumagalaw na display na sinaliwan ng awiting Pamasko. Ang tema ngayong Pasko ay medyo futuristic – may spaceship at mga alien sa mala-planetang Greenhills. Gabigabi, 6:30-11:30, ang palabas hanggang Enero 6. Haharanahin ka ng awiting Pamasko ng mga choir tuwing Biyernes hanggang Linggo hanggang Disyembre 23, 6:00-7:00 n.g. sa Ali Mall, Farmers’ Plaza at Quadrant C Araneta Center sa Cubao. Paboritong puntahan din ang Policarpio St. sa Mandaluyong, lalong-lalo na ang bahay ng kolektor ng iba’t ibang dekorasyong pang-Pamasko na kinolekta niya mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at ang ancestral

house ng mga Cruz sa Mark St., Filinvest, Cainta para sa magarbo nitong palamuti ng mga ilaw, parol, at belen. Pwede ring pumunta sa Grand Holiday Bazaar sa BF Homes QC Clubhouse sa Disyembre 22-23, 10:00 n.u. hanggang 9:00 n.g. at sa New Intramuros Village Clubhouse, Commonwealth, Lungsod Quezon sa Disyembre 19-21, 10:00 n.u. hanggang 9:00 n.g. May mga Christmas bangketa din sa iba’t ibang Robinson’s Malls, at sa Greenhills Shopping Center hanggang Enero 7, 2013. Madaming maaring puntahan at ikutan ngayong holidays. Ready lang sa lakaran at baka mahilo ka sa sobrang daming puwedeng makita, isuot at matikman. Habang 2012 pa, puntahan na ang dapat puntahan!

Disyembre 18, 2012

9


Paano bumoto ang mga kongresista para sa House Bill 4244, “The Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development Act of 2012” o ang RH Bill: ABSTENTIONS

“NO” TO RH BILL 1. Abayon, Daryl Grace J. 2. Alcover, Pastor Jr. M. 3. Almario, Thelma Z. 4. Almonte, Jorge T. 5. Alvarez, Antonio C. 6. Angping, Ma. Zenaida B. 7. Antonino, Rodolfo W. 8. Apacible, Tomas V. 9. Aquino, Jose II S. 10. Arenas, Ma. Rachel J. 11. Arnaiz, George P. 12. Arroyo, Diosdado Macapagal 13. Asilo, Benjamin DR. 14. Bagasina, Catalina C. 15. Bagatsing, Amado S. 16. Bataoil, Leopoldo N. 17. Bichara, Al Francis DC. 18. Bonoan-David, Ma. Theresa 19. Cabaluna, Salvador III P. 20. Cabilao Yambao, Jonathan

21. Calimbas-Villarosa, Ma. Amelita A. 22. Castro, Jane T. 23. Crisologo, Vincent ‘Bingbong’ P. 24. Cua, Dakila Carlo E. 25. De Venecia, Ma. Georgina P. 26. Del Mar, Rachel Marguerite B. 27. Dimaporo, Fatima Aliah Q. 28. Durano, Ramon VI H. 29. Ejercito, Joseph Victor G. 30. Ferrer, Antonio A. 31. Fortuno, Salvio B. 32. Fua, Orlando B. 33. Garbin, Alfredo Jr. A. 34. Garcia, Albert Raymond S. 35. Garcia, Pablo P. 36. Golez, Anthony Rolando Jr. T. 37. Gomez, Lucy T. 38. Gullas, Eduardo R. 39. Javier, Paolo S. 40. Labadlabad, Rosendo S.

41. Lico, Isidro Q. 42. Macapagal Arroyo, Juan Miguel 43. Magsaysay, Ma. Milagros H. 44. Malapitan, Oscar G. 45. Mandanas, Hermilando I. 46. Marañon, Alfredo III D. 47. Mendoza, Mark Llandro L. 48. Mercado-Revilla, Lani 49. Noel, Florencio G. 50. Nograles, Karlo Alexei B. 51. Obillo, Reena Concepcion G. 52. Pangandaman, Nasser C. 53. Panotes, Elmer E. 54. Paras, Jesus Emmanuel M. 55. Payuyo, Ponciano D. 56. Piamonte, Mariano Jr. U. 57. Puno, Roberto V. 58. Rivera, Michael Angelo C. 59. Rodriguez, Isidro Jr. S. 60. Rodriguez, Maximo Jr. B.

61. Rodriguez, Rufus B. 62. Romualdez, Ferdinand Martin G. 63. Romualdo, Pedro P. 64. Romulo, Roman T. 65. Salimbangon, Benhur L. 66. Singson, Ryan Luis V. 67. Socrates, Victorino Dennis M. 68. Suarez, Danilo E. 69. Syjuco, Augusto Boboy, Ph.D. 70. Teves, Pryde Henry A. 71. Tiangco, Tobias ‘Toby’ M. 72. Ting, Randolph S. 73. Ty, Arnel U. 74. Unabia, Peter ‘Sr. Pedro’ M. 75. Unico, Renato Jr. J. 76. Valencia, Rodolfo G. 77. Vergara, Bernardo M. 78. Violago, Joseph Gilbert F. 79. Yap, Arthur C.

1. Briones, Nicanor M

28. Cagas, Marc Douglas IV C. 29. Cajayon, Mary Mitzi L. 30. Calixto-Rubiano, Emi G. 31. Canonigo, Ranulfo P. 32. Casiño, Teddy A. 33. Castelo, Winston ‘Winnie’ 34. Catamco, Nancy A. 35. Celeste, Jesus ‘Boying’ F. 36. Cerafica, Arnel M. 37. Chipeco, Justin Marc SB. 38. Cojuangco, Enrique M. 39. Cojuangco, Kimi S. 40. Colmenares, Neri J 41. Cortuna, Julieta R. 42. Cosalan, Ronald M. 43. Cruz-Gonzales, Cinchona 44. Datumanong ,Simeon A. 45. Defensor, Arthur Jr. R. 46. Del Rosario, Anthony G. 47. Del Rosario, Antonio A. 48. Dimaporo, Imelda Quibranza 49. Duavit, Joel Roy 50. Dy, Napoleon S. 51. Ebdane, Jun Omar C. 52. Enverga, Wilfrido Mark M. 53. Eriguel, Eufranio ‘Franny’ C.,M.D. 54. Espina, Rogelio J.,M.D.

55. Estrella, Robert Raymund M. 56. Evardone, Ben P. 57. Fernandez, Danilo Ramon S. 58. Ferriol, Abigail Faye C. 59. Flores, Florencio Jr. T. 60. Avance-Fuentes, Daisy 61. Garcia-Albano, Mylene J 62. Garin, Janette L. 63. Garin, Sharon S. 64. Gatchalian, Rex 65. Gatchalian, Weslie T. 66. Go, Arnulfo F. 67. Gonzales, Neptali II M. 68. Guanlao, Agapito H. 69. Haresco, Teodorico T. 70. Hataman-Salliman, Jim S. 71. Herrera-Dy, Bernadette R. 72. Ilagan,Luzviminda C. 73. Jalosjos, Cesar G. 74. Jalosjos, Romeo Jr. M. 75. Jalosjos, Seth F. P. 76. Joson, Josefina M. 77. Kho, David L. 78. Lacson-Noel, Josephine Veronique R. 79. Lagdameo, Antonio Jr. F. 80. Lagman, Edcel C. 81. Lapus, Jeci A.

82. Leonen-Pizarro, Catalina G. 83. Limkaichong, Jocelyn S. 84. Loong, Tupay T. 85. Lopez, Carlo V. 86. Lopez, Carol Jayne B. 87. Loyola, Roy M. 88. Magsaysay, Eulogio ‘Amang’ R. 89. Maliksi, Erineo S. 90. Maranan, Zeny 91. Marcoleta, Rodante D. 92. Mariano, Rafael V. 93. Miraflores, Florencio T. 94. Mirasol, Alejandro Y. 95. Nava, Joaquin Carlos Rahman A. 96. Ocampo, Rosenda Ann 97. Ortega, Francisco Emmanuel IIIR. 98. Ortega, Victor Francisco C. 99. Padilla, Carlos M. 100.Paez, Cresente C. 101.Palatino, Raymond V. 102.Palmones, Angelo B. 103.Pangandaman, Mohammed Hussein 104.Pichay, Philip A. 105.Ponce Enrile, Juan Jr. C. 106.Primicias-Agabas, Marlyn L. 107.Quimbo, Romero Federico ‘Miro’ S. 108.Sacdalan, Jesus N.

109.Sahidulla, Nur-ana I. 110.Sakaluran, Raden C. 111.Salvacion, Andres Jr. D. 112.Sambar, Mark Aeron H. 113.Sarmiento, Mel Senen S. 114.Sema, Bai Sandra A. 115.Singson, Eric Jr. G. 116.Sy-Alvarado, Ma. Victoria R. 117.Tañada, Lorenzo III R. 118.Teodoro, Marcelino R 119.Tinga, Sigfrido R. 120.Tinio, Antonio L. 121.Tomawis, Acmad M. 122.Treñas, Jerry P. 123.Tugna, Sherwin N. 124.Tupas, Niel Jr. C. 125.Umali, Reynaldo V. 126.Ungab, Isidro T. 127.Vargas-Alfonso, Baby Aline 128.Villar, Mark A. 129.Villarica, Linabelle Ruth R. 130.Yap, Susan 131.Yu, Victor J. 132.Zamora, Ma. Carmen S. 133.Zubiri, Jose III F.

2. Ferrer, Jeffrey P. 3. Golez, Roilo S 4. Gunigundo, Magtanggol T 5. Osmeña, Tomas R 6. Relampagos, Rene L. 7. Remulla, Jesus Crispin C.

“YES” TO RH BILL 1. Abad, Henedina R. 2. Aggabao, Giorgidi B. 3. Aglipay, Emmeline Y. 4. Agyao, Manuel S. 5. Albano, Rodolfo B. 6. Alvarez, Mercedes K. 7. Amante-Matba, Angelica M. 8. Amatong, Rommel C. 9. Angara, Juan Edgardo M. 10. Antonio, Patricio T. 11. Apostol, Sergio F. 12. Arquiza, Godofredo V. 13. Bag-ao, Kaka J. 14. Brawner Baguilat, Teddy Jr. 15. Balindong, Pangalian M. 16. Banal, Jorge ‘Bolet’ 17. Barzaga, Elpidio Jr. F. 18. Batocabe, Rodel M. 19. Bautista, Franklin P. 20. Bello, Walden F. 21. Belmonte, Feliciano Jr. R. 22. Belmonte, Vicente Jr. F. 23. Benitez, Alfredo ‘Albee’ B. 24. Biazon, Rodolfo G. 25. Binay, Mar-Len Abigail S. 26. Biron, Ferjenel G. 27. Bulut-Begtang, Eleanor C.

Ganito ang boto ng ating mga senador para sa Senate Bill 2865 “An act providing for a national policy on reproductive health and responsible parenthood” o ang RH Bill. “NO” TO RH BILL 1. Juan Ponce-Enrile 2. Jose “Jinggoy” Estrada 3. Vicente “Tito” Sotto III 4. Gringo Honasan

“YES” TO RH BILL 5. Aquilino “Koko” Pimentel III 6. Manuel “Manny” Villar 7. Ramon “Bong” Revilla Jr. 8. Antonio “Sonny” Trillanes IV

1. Joker Arroyo 2. Alan Peter Cayetano 3. Pia Cayetano 4. Edgardo Angara 5. Francis Escudero

6. Miriam Defensor-Santiago 7. Ralph Recto 8. Ferdinand Marcos Jr. 9. Loren Legarda 10. Teofisto Guingona II

11. Franklin M. Drilon 12. Francis Pangilinan 13. Panfilo Lacson


A CBCP Pastoral Letter on the latest decision on the Reproductive Health Bill

Ang Kontrasepsyon ay Katiwalian! Paghahanap ng Liwanag at Patnubay sa Isyu ng RH Bill “Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?” (Lk. 3:10)

Sa pagsisimula ng ating siyam na araw ng Misa de Gallo, ang ating pansin ay nakatuon kay Juan Bautista, ang siyang nagtuturo patungo kay Hesus, ang Kristong Sanggol. Lumapit ang mga tao sa kanya upang itanong, “Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?” dahil ang kanilang mga puso ay puspos ng pananabik para sa Mesiyas. (Lk. 3, 15) Kailangan nila ng dahilan para umasa. Sinabi naman sa kanila ni San Juan Bautista na ibahagi ang kung anong mayroon sila, na kumilos ng may katarungan, at iwaksi ang pangingikil. Sa araw na ito. ang ating katanungan bilang Bayan ng Diyos, hinggil sa kontrobersyal na RH bill, ay maaaring gayon din. Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin? Sa ngalan ng Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), akin pong inuulit ang iisang pananaw ng mga Obispo ng Pilipinas na ang RH Bill, kapag naisabatas, ay maaaring magpahamak sa ating bayan. Ang Kontrasepsyon ay sumisira sa kaluluwa. Ang RH Bill ay isinasabalot na tila baga isang regalo na mangangalaga sa kagalingan ng katawan ng mga ina. Hindi totoong ganon iyon. Ito’y magbibigay daan pa sa lalong malalang krimen laban sa mga kababaihan. Ang mga mahihirap ay pinangangakuan ng mas mainam na Buhay sa pamamagitang ng RH Bill. Hindi iyan magkakagayon. Ang mga mahihirap ay makaaangat sa kanilang pagkalunos sa pamamagitan ng mas abot-kayang edukasyon, mas maaayos na mga ospital, at kabawasan ng katiwalian sa gobyerno. Ang pera para sa mga kontraseptibo ay mas makabubuti pa kung gagamitin para sa edukasyon at tunay na pangangalaga ng katawan. Ang mga kabataan ay pinaniniwala na ang pakikipagtalik sa labas ng kasal ay katanggap-tanggap kung alam mo kung paano iwasan ang pagbubuntis. Ito ba ay moral? Ang mga taong sumisira sa isip ng mga kabataan ay nag-aanyaya ng Paghuhusga ng Langit sa kanilang mga buhay. Ang Reproductive Health Bill, kapag naisabatas sa kasalukuyan nitong anyo, ay magpapahamak sa kapakanang moral ng ating bayan. Tulad nga ng sinabi naming mga obispo noon pa, ang kontraseptibong mentalidad ang ina ng mentalidad ng aborsyon. Ang malawakan at libreng pamamahagi ng kontraseptibo, kahit sa mga kabataan, ay magbubunga ng pagkasira ng buhay pamilya at ng mas malalang karahasan sa mga kababaihan.

“Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?”

Amin pong binabati ang isang daan at apat (104) na kongresista na bumoto ng negatibo laban sa RH Bill. Kayo po ay bumoto ng may tapang ng loob, sa kabila ng mga puwersang lumalaban, upang manindigan sa kung ano ang tama at totoo. Kayo po ay gugunitain ng Simbahan bilang mga bayani ng ating bansa, kayong mga kumontra sa katiwalian at kayong mga nangalaga sa tunay na kapakanan ng mga tao, lalo na ng mga mahihirap. Nawa’y magpatuloy kayong maging matatag at hindi matinag sa inyong paninindigan laban sa katiwalian.

“Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?”

Kami po ay nagsusumamo sa mga animnapu’t apat (64) na kongresista na hindi pa bumoboto, nawa kayo po’y maliwanagan at manindigan para sa Katotohanan. Tulad ng pagtuturo ni San Juan Bautista sa mga tao tungo sa katarungan, nananawagan po kami sa inyo upang hanapin din ang hustisya para sa mga Pilipino. Tinuturuan tayo ng Simbahan na sundin ang ating konsensiya, ang kaloobloobang santuario kung saan tayo ay nag-iisa kapiling ang Diyos (Gaudium et Spes #16), ngunit ang konsensiyang ito ay kinakailangang hubugin at bigyang kaalaman ayon sa pangkalahatang moralidad na umiiral sa lahat ng tao. Ang katotohanan ay ang pagiging maka-bata, maka-ina at maka-mahirap, at dapat nating labanan ang lahat ng banta laban sa kanila. Ito ang katarungan. Manindigan kayo para dito; ipagtanggol ninyo ito; huwag kayong magpapadala sa mga makamundong puwersa, at kayo’y maging bayani ng mga taong bumoto sa inyo. Batid ng Diyos ang lahat ng inyong gawain. “Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?” Kami ay nakikiusap sa mga Pilipino Katolikong nananampalataya na magbahagi sa ibang kapatid nating salat ngayong Pasko; makibahagi rin tayo sa pananalangin na ang ating mga kongresista ay manatiling tapat sa kanilang panunungkulang maglingkod sa tunay na kapakanan ng mga Pilipino. Ito’y nangangahulugan ng pagtataguyod sa buhay, pagtanggi sa mga kontraseptibo na isang katiwalian, at pananatiling tapat kay Kristong Sanggol na maka-babae, maka-bata, at maka-mahirap. Mula sa Ketedral ni San Juan Ebanghelista, Lungsod ng Dagupan, ika-15 ng Disyember 2012. Sa ngalan ng Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na wala sa bansa ngayon,

+SOCRATES B. VILLEGAS, D.D. Archbishop of Lingayen-Dagupan and Vice President, CBCP


12

Disyembre 18, 2012

Let Us Move On My dear people of God in the Church in Lingayen Dagupan: Conscience attempted to speak but it has been stifled! The Reproductive Health Bill has been passed by the Senate and Congress through a majority vote. They might have won through the tyranny of numbers but it does not mean that they are right. It is only a matter of time and then we will see more violations of “Thou shall not kill” and “Thou shall not commit adultery” among our families, our youth and children. If the President will sign this into law, he will give us a moral time bomb wrapped as a gift to celebrate Christmas. This law will open more doors to abortion and more crimes against women. In the Archdiocese of Lingayen Dagupan, let us intensify the moral spiritual education of our youth and children so that they can stand strong against the threats to their moral fibre. Let us use all the means within our reach to safeguard the health of expectant mothers in our communities. Let us make available the sacrament of matrimony to our poor couples so that they may be guided in the right path in living out their duties as husbands and wives and as Catholic parents. Let us disseminate through organized pre-wedding seminars the teachings of the Church on natural family planning at the same time warning our people about the hazardous effects of contraceptive pills on the health of women. Let us conduct our own sex education of our children insuring that sex is always understood as a gift of God. Sex must never be taught separate from God and isolated from marriage. This is also a time for soul searching and prayers. This is a time for peacemaking. We might not see eye to eye but we can work hand in hand for the real progress that your people so richly deserve. It is a progress with God, in God and through God. Daang matuwid without God is a dead end street. Only with God can we see real progress of peoples. From the Cathedral of Saint John the Evangelist, Dagupan City, December 18, 2012 +SOCRATES B. VILLEGAS Archbishop of Lingayen Dagupan December 18, 2012 Read

ONLINE!

@ http://omnibusmediagroup.com


Itanong kay Ate Rootelaz Medyo nakakaluwag ako sa buhay dahil na rin sa pagsusumikap ko. Tuwing Pasko, nakasanayan ko ang magbigay ng regalo sa mga kamag-anak ko na nagpupunta sa bahay. Dito, nagkakaroon din kami ng konting salu-salo at kasiyahan. Dahil nagbago ng relihiyon ang isa kong kapatid at ang kaniyang pamilya at nasabi niyang hindi sila naniniwala sa kapanganakan ni Hesus ng Disyembre, hindi na ako naghanda ng regalo para sa kanila. Hindi ko rin inasahan na darating sila sa bahay dahil hindi naman niya sinagot ang imbitasyon ko. Pero dumating sila sa bahay at humingi ng aginaldo para sa kaniyang mga anak. Napatutsadahan ko siya ng “Akala ko ba hindi kayo naniniwala sa Pasko?” Napikon yata siya at sa kalagitnaan ng kasiyahan, hindi ko namalayan na umalis sila. Hanggang ngayon, hindi pa kami nag-uusap nang matino, hanggang kamustahan lang. Sigurado akong may galit pa rin siya sa akin, pero ano ba ang kasalanan ko? Bilang mas nakakatandang kapatid, ano ba ang dapat kong gawin? Pedring, 65, Antipolo Bilib ako sa ‘yo ser, ikaw pala ang Santa Claus ng inyong pamilya. May ilang bagay lang akong gustong sabihin: Tuwing Pasko, lahat ay gustong tumanggap ng regalo, pramis, kahit yung hindi nagbibigay at puro lang tanggap. Pero sa tingin ko hindi ang kawalan ng regalo ang naging problema ng utol mo. Feeling ko, na-

LIBANGAN babae. Minahal ko naman sila. Ngayon, may nililigawan ako at parang may gusto naman sa akin, kaya lang natatakot na ako baka kasi maulit na naman ang nangyari dati. Magpapasko na naman ngunit malamig pa rin ang gabi ko. Ano bang dapat kong gawin para hindi na ako masawi sa pagibig? Good Boy, 28, Baguio

out-of-place sila. Diba, hindi na nga sila naregaluhan, biniro mo pa? Siguro nga hindi sila nagcecelebrate ng Pasko, pero hindi naman siguro nangangahulugan na dapat silang maitsapuwera sa kasiyahan ng inyong pamilya, diba? Nitong darating na Pasko, bakit hindi mo kaya siya imbitahan ng kaniyang pamilya at maghanda na rin ng regalo para sa kanila? Tiyak na matutuwa sila at mararamdaman na bahagi pa rin sila ng pamilya kahit iba ang kanilang pananampalataya. Dito, maganda na ring makapag-usap kayo at magpatawaran kung kinakailangan. Iyon naman talaga ang puso ng pasko eh, ang pagmamahal. Kung paanong minahal tayo ng Diyos kaya’t binigay ang kaniyang Anak bilang regalo sa sanlibutan, mahalin din natin ang ating kapuwa, lalo na ang ating mga kapamilya. May regalo man o wala, in na in tayo sa pagdiriwang kapag alam nating may nagmamahal sa atin.

Oops, teka lang, huwag mo namang ibunton ang lahat ng sisi sa mga girls. Bakit ‘di mo muna pag-aralan kung may naging pagkukulang ka rin sa mga ex mo bago ka pumasok uli sa isang relasyon? ‘Wag kang mag-alala, walang taong perpekto, lahat tayo ay nagkakamali. Ang mga relasyon ay marupok din lalo na kung ginagamit natin ang pakikiboypren/pakikigirlfiend upang punan ang mga pansarili nating pangangailangan nang hindi iniisip ang kapakanan ng ating karelasyon. Naiintindihan mo ba talaga ang ibig sabihin ng “pag-ibig” na ‘to? Ang tunay na pag-ibig ay handang magparaya at handang magpatawad, gaya ng pag-ibig ng Diyos na binigay ang kaniyang anak na si Hesus sa sanlibutan upang iligtas tayo sa kasalanan, kahit kasawian sa krus ang kapalit. Ang tanong: Handa ka na naman bang masaktan? Kung oo, eh di sige, ipagpatuloy mo ang panliligaw mo at huwag kang matakot magmahal muli. Hangad Ilang beses na akong nasawi sa ko ang Paskong punong-puno ng pag-ibig. Hindi ko alam kung pag-ibig para sa iyo, may kayakap bakit ako laging iniiwan ng mga ka man o wala sa pagsapit nito!

Banatan Kita Dyan Eh!

Ni BEM ABALOS

Disyembre 18, 2012

13

Movie Review: Supremo

Ni ANTHONY PEREZ Ang pelikulang Supremo na tungkol sa kasaysayan ng ating pambansang bayani na si Andres Bonifacio, ay napapanahon dahil sa tema nito na pagmamahal sa bayan. Gumanap bilang si Andres Bonifacio ay ang makisig na si Alfred Vargas. Mahilig ako sa kasaysayan kaya naisip ko na panoorin ang Supremo. Interesado rin ako kung paano nila bibigyan ng hustisya ang bayaning halos nakalimutan na ng panahon. May mga magagandang aspeto pero mayroon din namang mga dapat pagsikapan pa. Bilib ako sa: · Costume at set design. Hindi madali para sa isang period film ang gumawa ng mga kasuootan at set na babagay sa panahong iyon. Bagamat 70% ng pelikula ay nai-shooting sa labas, kuhangkuha ng director ang itsura at pakiramdam ng sinaunang Maynila. Pati ang style ng buhok ng mga babae at lalaki ay gayang-gaya nila. · Paglapat ng musika. Napakaganda ng kalidad ng musika sa pelikulang ito. Hindi OA, hindi masyadong malakas na nasasapawan na ang usapan ng mga bida na laging nangyayari sa mga telenovela. · Effects at props. Iilan lang naman ito. Ang pagsabog ng mga bala ng kanyon sa lupa, ang tunog ng mga bala, dugo kung dugo. Marurungis ang mga rebolusyonaryo. Hindi pa-pogi ang role ni Alfred Vargas dito, hindi pa-cute.

Ang hindi ko nagustuhan ay: · Walang lalim ang karakter ni Bonifacio. Pinakita nga sa pelikula ang umaalab na pagmamahal niya para sa Inang Bayan, ngunit hindi ipinakita kung bakit. Ano ang dahilan ng kanyang pagkamuhi sa mga Kastila, halimbawa? Ano ang pinanghuhugutan niya? Hindi ito sapat na naipaliwanag sa Supremo, kung kaya hindi rin naipahiwatig ni Alfred Vargas ang totoong saloobin ng ating bayani. Hiling ko ay sana nag-research pa ang mga script writer para lalong makilala ang untold story ng ating bida. · Ang pagbibigkas ng mga artista sa kanilang mga linya. Lumang tagalog ang ginamit sa script ng pelikula, at nararapat lang din naman. Pero halos magkabulol-bulol ang mga artista natin sa kakabigkas ng kanilang mga linya at halatang pilit at hindi sanay. Isa pang dapat nilang ginawa ay magsaliksik kung ano ang punto ng kanilang Tagalog noon. Lumalabas tuloy na walang dating ang tinatawag na voice acting o pagbibigkas ng mga artista. Para ka lang nanood ng skit ng mga nasa high school. Para lang binasa sa harap mo, na may konting acting. Ganun siya katabang. · Nakakatamad ang daloy ng kwento. Maganda na sana ang pelikula kung hindi lang napaka-boring panoorin. Isang oras pa lang gusto ko nang umalis sa sobrang bagal ng pacing. Nakatulog nga ako kahit sa mga action scenes. Ganun kalala. Ang Supremo ay may ambisyon at ‘di tulad ng mga sineng linggo-linggo makikita sa takilya. Mapapahanga ka sa matayog na intensyon ng pelikula na maikwento ang buhay ng isang bayaning Pilipino, ngunit sa tingin ko, marami pa ang maaring gawin para talagang maging mas “supremo” ang dating ng film na ito.


SHOWBIZ

14

Disyembre 18, 2012

Bantayog Para Kay FPJ Ni CARLOS ALEIXO

tema ng paggunita ng annibersaryo ni FPJ ay “Ituloy ang Bagong Umaga sa ating Bagong Pag-Asa” Hindi rin pinalampas ng dating Pangulong Erap, na kilalang matalik na kaibigan ni Da King, na dumalo at makiisa sa selebrasyon. Nagpang-abot din si Erap at si Mayor Lim sa programa at nagkamayan pa. Ang dalawa ay mortal na magka-away sa pagka-alkalde ng Maynila sa darating na eleksyon.

Ginunita nuong Biyernes ang ika-8 na anibersaryo ng pagkamatay ni Da King, Fernando Poe Jr, na pinangunahan ng kanyang pamilya sa pamumuno ni Susan Roces, Grace Poe Llamanzares at ni Sheryl Cruz. Nagtipon-tipon ang mga pamilya, kaibigan at mga Pagkalipas ng misa at maikling programa ng pasasalatagahanga ni FPJ sa museleyo nito sa Manila North Cem- mat, tumungo ang lahat sa Plaza Ferguzon sa harap ng etary at nag-alay ng misa na pinangunahan ng Obispo ng Embahada ng Estados Unidos sa Roxas Boulevard para sa Kalookan na si Bishop Deogracias Iniguez. Ang naging paghahawi ng tabing sa bantayog ni FPJ.

Ayon sa anak ni FPJ na si Grace Poe Llamanzares, na tatakbong Senador, ang bantayog ni Da King ay magsisilbing pagkilala na si FPJ ay tunay na anak ng Maynila, kampeon ng masa at tunay na Pangulo sa puso ng nakararaming Pilipino.

Silver Take or Silver Rewind Ni LOURDES ORETA

Nakakuha tayo ng impormasyon na itong darating na Linggo ay malalaman na ang detalye ng concert ni Songbird, Regine Velasquez-Alcasid. Ayon sa ating bubwit, ang concert ni Regine ay magaganap sa Enero 5, 2013 sa SM MOA arena parin ngunit hindi pa alam kung ang magiging titulo ng show eh Silver Take 2 or Silver Rewind. Makukumpirma rin kung sino na ang mga final na guests sa concert. Alam naman natin na hindi na mapipigilan ang pagbalik ni Lani Misalucha na pauwing Las Vegas sa Enero 3 kaya hindi na ito makaka kanta with Regine. Si Michael “Bitoy” V ay may previous engagement na rin sa Estados Unidos sa Enero kaya mawawala rin ito sa line-up. Nalalaman din natin kung may katotohanan ang mga balita na si

Martin Nieverra at Sarah Geronimo ang makakasama niya sa conert kapalit ni Bitoy at Lani. Patunay na maganda ang kondisyon ng boses ni Regine, bumibirit-birit na muli ito. At napag-alaman din natin na pagkatapos ng kanyang Enero 5 na concert eh may Valentine’s Concert rin ito na hinahandaan. Sa Valentine’s concert ni Regine ay kasama niya si hubby Oggie Alcasid at and dating mag-asawang si Martin Nievera at Pops Fernandes. Kung hindi mapapalitan, ito ay may titulong Foursome. Hindi pa lang alam ang takdang date ng kanilang Foursome. 


Pacman, tumulong sa mga biktima ni ‘Pablo’

SPORTS

Disyembre 18, 2012

15

Ni CSN

Naghatid si Saranggani Cong. Manny “Pacman” Pacquiao ng mga relief goods bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong ‘Pablo’ sa Davao Oriental at Compostela Valley kamakailan. Kasama ni Manny Pacquiao sa paghatid ng mga relief goods sa bayan ng New Bataan si Saranggani Governor Miguel Rene Dominguez at ginamit ni Pacquiao ang kanyang

chopper upang mas madaling marating ang mga lugar na matumal ang relief operations at mahirap maabot ng sasakyan. Apat na ten-wheeler truck ang sinakyan ng mga donasyon ni Pacquiao na nagkakahalaga ng dalawang (2) milyong piso. Nagdagdag din si Pacman ng walong (8) milyong piso para pambili ng mga yero, semento, plywood at mga hollow block upang may magamit ang mga residente sa muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay. Tinungo rin ni Manny Pacquiao ang barangay Andap na siyang may pinakamaraming namatay at personal na nakita ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga residente. Ang pagtulong at pagbisita ni Pacman ay naghandog ng panandaliang saya sa mga residente at naramdaman nila ang pagmamahal at pag-alala nito.

Pinas, pinagdiwang ang tagumpay ng The Filipino Flash Ni CARLOS ALEIXO

Ang pagkapanalo ni Nonito Donaire Jr sa kanyang pagdepensa ng korona ng WBO Super Bantamweight ay muling nagbigay sigla sa buong bansa matapos ang nakalulunos na pagkatalo ni Pacman at ng Azkals, sabay pa ng paghihinagpis ng mga kababayan nating naapektuhan ni bagyong ‘Pablo’. Sunod-sunod na pagbati ang natanggap ni Donaire sa kanyang pagkapanalo na siyang nagpapatunay na ang Pilipino ay babangon mula sa kahit anong unos at krisis. Pinangunahan ni PNoy ang pagbati mula sa statement na binasa ni Sec. Abigail Valte, na siyang tagasalita ng Pangulo, “Donaire showed the entire world

the strength and resilience of the Filipino. This shows our people we can face and defeat any challenge that confronts us. Whatever challenge, we will join together for the good of the nation.” Pinagmalaki rin ni VP Jejomar Binay and pagkapanalo ni Nonito, “He will bring pride to the Filipinos and to the nation for many years to come.” Matatandaang ipinangako ni Donaire na patutumbahin si Arce upang makabawi sa ating pagkabigla sa pagkatalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, sa Mexicanong si Juan Manuel Marquez noong Disyembre 8. Patuloy nating ipagbunyi at ipagmalaki si Nonito. Salamat, The Filipino Flash!


SPORTS

16

Disyembre 18, 2012

Nakagigilalas na TKO ni Donaire kay Arce! Ni CALVIN DAVID

Buong bansa ay napatayo sa kani-kanilang upuan nang napatumba ni “The Filipino Flash”, Nonito Donaire Jr, ang Mexicanong si Jorge Arce sa kanyang nakagigilalas na pagdepensya sa korona ng WBO Super Bantamweightsa Toyota Center, Houston, Texas noong Linggo. Tinumba ni Donaire si Arce sa maikling kanang suntok sa panga sa pangalawang round pa lamang at tu-

luyang tinapos ang laban na may 26 seconds pang natitira sa pangatlong round. “Marami sa ating mga tagahanga ang nagsabing kailangan

kong talunin si Arce para sa ating bangsang Pilipinas,” ika ni Donaire na inunat ang kanyang record sa 30 pagkapanalo na walang bahid ng pagkatalo sa

11 taon na labanan. Sa tanong na naiganti ni Nonito si Pacman sa laban niya, “I don’t know if that’s how they feel. I just did my best out here. I’m hoping they can enjoy this victory and be proud. I wish everybody in the Philippines happy holidays.” “My career is over. I lost to the best man. I have a family to take care of. I have my children. I promised them that if I lost, I will retire.

I lost ang I’m a man of word,” sabi naman ni Arce sa kanyang pagkatalo at paganunsyo ng pagreretiro. Ang panalo ni Donaire ay pang-apat na sa taong ito na pinanalo niya lahat. Ito marahil ay ang magdadala sa kanya bilang 2012 Fighter of the Year.

PHL Water Polo Team, wagi sa Bangkok Ni CSN

Buong pagmamalaking nakamit ng National Water Polo Team and tansong medalya sa Phuti Anan Water Polo Cup na ginanap sa Bangkok, Thailand. Lumaban nang buong puso ang koponan laban sa mga matitikas na manlalaro ng water polo sa rehiyon kabilang ang Thailand, Malaysia, Indonesia, Myanmar, Laos, Vietnam at Singapore. Ang kanilang lakas ay umani ng tagumpay sa likod ng koponan ng Singapore at Thailand na siyang nagkamit ng ginto at pilak. Ang ating pambansang koponan ay ginabayan ni Coach Reynaldo Galang at assistant mentor na si Dale Evangelista.

Ang mga manlalaro ay sina Team Captain Edwin Raganit, Romark Johnson Belo, Juan Paolo Serrano, Tani Gomez Jr., Andrei Lorenzo Manzo, Adan Gonzales, Iman Rashid Hamsain, Michael Christain Advincula, Teohdy Gavino, MacGyver Reyes, Mark Jerwin Valdez, Wilfredo Sunglao, Francis Mark Serrano at si Reynaldo Salonga Jr.

PHL Jins nagwagi ng 2 ginto sa Asean University Games Ni CARLOS ALEIXO Nagkamal agad ng dalawang ginto ang Pilipinas para sa 16th Asean University Games na ginaganap ngayon sa Vientiane, Laos. Pinangunahan nila taekwondo jins na sina Christian Al Dela Cruz at Ernest John Mendoza ng Unibersidad ng Santo Tomas ang pagkapanalo sa kani-kanilang dibisyon sa torneong nakalaan sa mga manlalarong estudyante ng Asean University Sports Council. Napatumba ni Dela Cruz sa Men’s Welterweight Division si Pham Huu Son ng Vietnam sa desisyon na 8-4 para sa unang ginto ng bansa sa torneo. Sinundan naman ni Mendoza ang umaalab na panalo sa pagsugpo kay Sawatvilay Phimmasone ng Laos sa Men’s Middleweight Division sa pamamagitan ng disqualification. Patuloy na nagbigay ng dangal sa ating bansa

ang mga estudyanteng manlalaro nang nadagdagan ng dalawa pang tanso ang ating medal tally sa pamamagitan ni UST Women’s Welterweight Division player Jane Narra. Ang isa pang ginto ay nakamit ni diver Rebecca Pahoyo, sa Women’s 10-meter platform. Umusad ang Pilipinas sa medal standing sa pang anim na pwesto na may 2 ginto, 3 pilak at 3 tanso. Sa nalalabing apat na araw ng laro, mukhang mahihirapan lampasan ng ating mga manlalaro ang panglimang pwestong ang Thailand na may 5-ginto, 4-pilak at 24-tanso. Nangunguna ang Malaysia sa overall medal tally na may 15-ginto, 12-pilak at 16-pilak. Sinundan ito ng Vietnam (14-13-9), Thailand (1012-15), Laos (10-7-15) at Singapore (3-8-21), ang top five sa nasabing torneo.

PORMA VOL. 1 No. 3  

PORMA. Balitang May Dating

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you