Issuu on Google+

“Foreign forces pour money into the Philippines for population control, but the Filipino and the Filipina feel that their baby is worth more than money.� --ani Fr. James Reuter, SJ, isang haligi ng media at komunikasyon sa bansa, na tuluyang pumanaw noong Disyembre 31 pagkatapos ng isang mild stroke.

Matapos ang kasiyahan sa pagsalubong sa 2013, nagmistulang tuyong dahon sa mga kalsada ng Metro Manila ang labi ng mga paputok at firecrackers.

Nora Aunor, wagi sa Metro Manila Film Festival

p12

Enero 1 - 7, 2013

Vol. 2

No. 1

Tubig sa Metro Manila, mas mahal na sa tubig ng Australia! Ni Noel Sales Barcelona

Happy 2013: Year of the Water Snake

Donaire, Fighter and Boxer of the Year 2012 p14

Sa maniwala kayo o sa hindi, ang water rate sa Metro Manila ngayon ang isa sa pinakamataas sa Asya at mas mahal pa sa tubig ng Sydney, Australia. Ito ang pagbubunyag ng Water for the People Network (WPN) matapos na ianunsiyo ng dambuhalang mga water concessionaire ang plano nitong taasan pa ang singil sa tubig sa Metro Basahin sa Pahina 3 Manila, ngayong taon.


2

PORMA Enero 1 -7 , 2013

Balita

Online stores, buwisan – Malacañang Ni Paul Ang Desidido ang Malacañang na tuluyang patawan ng buwis ang patuloy na dumaraming online stores sa tulad din ng naunang panukala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil naaayon pa din ito sa saligang batas. Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang mga nagkalat na online stores sa internet ay wala umanong pinagkaiba sa mga negosyo sa kalsada na mayroong pisikal na tindahan dahil nagkakaroon din ito ng kanya kanyang kita o profits. Paliwanag pa ng tagapagsalita, karapatan din umano ng pamahalaan, higit lalo ng BIR, na habulin ng buwis o ng tinata-

wag na Value Added Tax (VAT) at mga income tax ang mga nasabing online stores dahil saklaw din ang mga ito ng batas. Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Valte na hindi umano kasama sa papatawan ng income tax at VAT ang mga taong nagbebenta ng kanilang mga personal na gamit sa Facebook o mga tinatawag na second-hand at pre-owned goods. Samantala, naniniwala naman ang palasyo na hindi na kinakailangan pa ng bago o karagdagang batas upang pormal na mahabol ng pamahalaan at ng BIR ang mga online sellers dahil wala pa din itong nakikitang pinag-iba ng mga ito sa mga negosyanteng may pisikal na tindahan.

46 na puganteng foreigner, timbog ngayong 2012 Ni Grace Cajiles Umabot sa 46 na puganteng dayuhan na nagtatago sa Pilipinas ang naaresto ng Bureau of Immigration sa taong 2012. Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., naaresto ang nasabing mga dayuhan ng fugitive search unit (FGU) ng ahensiya sa iba’t ibang lugar sa bansa. Mayorya sa mga ito ay naipatapon na sa kani-kanilang mga bansa upang harapin ang mga kasong kriminal tulad ng rape, sexual assault, child molestation at child pornography habang iba sa kanila ay wanted sa murder, robbery, narcotics distribution, fraud, at swindling ang karamihan sa kanila. Sa naturang bilang, pinakamarami ang Americans sa bilang na 21, kasunod ang Koreano, 7 at pumapangatlo ang Chinese, 5.

#6 most wanted, tiklo Ni Elvie Lacaran Arestado ng pinagsanib na pwersa ng 302nd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army (PA) at Philippine National Police (PNP) ang isang miyembro ng New People’s Army na siya ring top 6 most wanted person sa buong bansa sa kanilang operasyon kahapon ng umaga sa Brgy. Tubod, Manjuyod, Negros Oriental. Kinilala ni chief 3rd Division public affairs office Major Enrico Ileto ang nadakip na NPA member na si Felimon Mendrez, alyas ‘Tatay’, na may mga kinakaharap na kasong robbery at rebellion. Ayon kay Ileto, si Mendrez ay ang bagong nadagdag sa Department of Interior and Local Government (DILG)Department of National Defense (DND) reward list na may patong sa ulong 5.25 million pesos Tiniyak naman ni Major General Jose Mabanta Jr., ang Commander ng 3rd Infantry Division ng Phil Army, na ipagpapatuloy lamang aniya ang kanilang operasyon para madakip ang mga miyembro ng NPA at magbalik-loob ang mga ito sa gobyerno.

Ipinakikita ni Manny Tangco, ang may ari ng Malabon Zoo, ang mga sawa o ahas sa mga namamasyal sa nasabing zoo bilang pagdiriwang sa pagpasok ng Snake Water year ayon sa Chinese Calendar [Mon Estabaya]

DA, may revalidation sa halaga ng pinsala ni ‘Pablo’ Ni Romeo Panahon Magsasagawa ng revalidation ang Department of Agriculture (DA) sa kabuuang halaga ng pinsala ng bagyong ‘Pablo’ sa sektor ng agrikultura. Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, dapat ma-balanse ang ulat ng mga magsasaka sa datos ng ahensya para matiyak na hindi sumobra o kumulang ang halaga ng pinsala ng naturang bagyo, lalo na sa industriya ng saging na higit na sinalanta ni ‘Pablo’. “Katulad po sa banana, meron tayong report ng nasira na idinedeklara ng industriya. So iginagalang po natin yun, but we have to revalidate that doon naman po datos na hawak-hawak natin, ayon din naman sa ating iniluluwas.” Nilinaw ng kalihim na dalawang teams ng ahensiya ang nag revalidate sa mga pinsala ni ‘Pablo’

Mga bahay sa Compostella Valley na ibinuwal ng nakaraang bagyong “Pablo.

upang tama ang lahat ng impormasyon na ihahayag sa publiko. Sa ngayon, nasa P29 bilyon ang naiulat na halaga

ng pinsala ng bagyo sa agriculture sector. Sinabi din ni Alcala na aabutin pa ng isang taon bago makapagsimulang

muli ang mga magsasaka mula sa pagkakalugi mula sa epektong dinulot sa kanilang kabuhayan ng bagyong ‘Pablo’.

P1.1 bilyong pekeng gamit, kumpiskado Ni Grace Cajiles Umabot sa P1.1 bilyong halaga ng pekeng gamit at mga produkto ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa nakalipas na 11 buwan mula Enero hanggang Nobyembre 30, 2012. Ayon kay Atty Ricardo R. Blan-

caflor, director general ng National Committee on Intellectual Property Rights o NCIPR ng Department of Trade and Industry (DTI), ito ay maituturing na pinakamalaki sa rekord. “The performance of BOC as of November 30, 2012 is 22.05% of the total confiscation of the NCIPR

(P4,988,645,292.00). In this regard, we would like to commend the officials and personnel of the Intellectual Property Unit of the Bureau of Customs (IPU-BOC) for this excellent performance”, ani Blancaflor kasabay nang papuri sa pamunuan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon.


Balita

3

PORMA Enero 1 -7 , 2013

Sunog sa San Juan, pinaiimbestigahan sa bungad ng komunidad kaya’t hindi na nakapasok ang mga parating pang bumbero. Nagpahayag din ng pangamba ang mga residente hinggil sa posibleng pagpigil sa kanila ng lokal na pamahalaan na bumalik sa komunidad dahil sa matagal ng banta ng demolisyon sa kanilang lugar. Liban sa mga taga-San Juan, mahigit sa 100 pamilya rin mula sa BIR Road at barangay Del Monte sa Quezon City ang nagdaos ng Pasko sa tabing kalsada na pawang biktima ng demolisyon noong Oktubre at Nobyembre na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin na maayudahan ng programang pabahay ng gobyerno.

Ni Romeo Panahon Pinaiimbestigahan kay DILG Secretary Mar Roxas ng NGO na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang naging mabagal na pagresponde ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa sunog sa San Juan City nitong nagdaang Pasko. Ayon sa Kadamay, nagsimula ang sunog ng ala 1 ng madaling araw, ngunit ala 2 na nang dumating ang fire truck, kahit na wala pang 50 metro ang layo ng San Juan City Fire station sa nasabing komunidad. Ani Arnold Repigue ng Kadamay, wala rin umanong lamang tubig ang mga fire truck na naunang nagresponde sa kanila, na nagawa pang humarang

Special permit sa mga bus, pinagkaloob ngayong holiday season

Umaabot sa 500 Metro Manila buses ang napagkalooban ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang makabiyahe sa mga probinsiya nitong Pasko at bagong taon. Ayon kay LTFRB Chairman Jaime Jacob, ang special permits na epektibong nagsimula noong December 18, 2012 ay magtatagal hanggang Enero 6, 2013 ay may layuning mapunan ng mga Metro Manila buses ang kakulangan sa mga provincial buses na maghahatid sundo sa mga mananakay na tutungo sa kani-kanilang mga lalawigan para doon ipagdiwang ang holiday season. Bago mabigyan ng special permnit, dumaan muna sa pagbusisi ang mga bus kung intact ang kanilang franchise at sumailalim sa roadworthiness check ang mga sasakyan. [Romeo Panahon]

Palengke sa QC, naabuhan ng P6 milyon sa sunog

Malungkot na bagong taon ang bubungad sa mga tindera sa palengke sa Sariaya, Quezon City matapos silang masunugan ng P6 na milyong halaga ng paninda at ariarian. Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog alas-5:30 ng hapon at naapula makaraan ang dalawang oras. Kabuuang 25 stalls ang natupok at nagdulot pa ng matinding trapiko ang sunog. [Grace Cajiles]

Sky lantern, nais ipagbawal

Isang covered court ang naging pansamantalang bahay ng higit kumulang 1,500 na pamilyang nasunugan sa San Juan City.

Nais ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ipagbawal ang paggamit ng sky lantern sa bansa dahilan sa mga hinalang isang pumalpak na sky lantern ang naging sanhi ng isang sunog sa Quezon City noong Pasko. Sinabi ni BFP-NCR Chief Supt. Santiago Laguna na napaka-delikado ng sky lantern dahil bukod sa lumilipad ito ay hindi natin makokontrol ito kapag nasa himpapawid na. Gayunman, nilinaw ni Laguna na hindi sky lantern ang dahilan ng sunog sa QC kamakailan, kundi ang overloading sa kuryente at ang paggamit ng “jumper”. [Romeo Panahon]

Kelot, dedo sa riding in tandem

Tubig, Mula sa Pahina 1 Pagsipi ng WPN sa 2011 external survey ng Japan External Trade Organization, panglima ang Metro Manila sa may pinakamahal na presyo ng tubig, kahilera ng Singapore, Jakarta (Indonesia), at Metro Cebu. “Ang panibagong taas presyo sa tubig ay lalong makapagpapakuba sa mga mamamayan, na nagbabayad na nang labis sa kanilang konsumo,” ayon sa press statement na inilabas ng grupo, kasabay ng anunsiyo ng dambuhalang mga kumpanya ng tubig, ang Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company na itataas nila ang kanilang presyo sa darating na taon.

1,000% taas grabeng serbisyo

METRO NEWS BRIEFS

presyo,

Ayon sa IBON Foundation, indipendiyenteng ahensiya sa pananaliksik, umabot na sa 1,000% ang itinaas sa presyo ng tubig sa Kamaynilaan at sa kalapit-lalawigan buhat nang ipagkatiwala ng Metropolitan Waterworks and

Sewerage System (MWSS) ang pagseserbisyo sa dalawang kumpanyang nabanggit. Taong 1997 nang ipagbili ng MWSS ang ilang sapi (shares) sa dalawang kumpanya, sa paniniwalang pabababain at pagagandahin ang serbisyo ng tubig sa Kamaynilaan at sa ilang probinsiyang malapit sa Metro Manila. Ngunit, ayon sa IBON, bukod sa lalong pinamahal nito ang presyo ng tubig kada kubiko (cubic meter), lalo pa nitong pinasama ang serbisyo sa tubig mababa pa sa 60% ng 790,000 kabahayan sa Metro Manila ang may 24oras, kada linggo, na access sa tubig. Samantala, 74% naman ng nabanggit na bilang ang may 24/7 water access subalit napakahina naman ng presyur nito.

Pribatisasyon ng serbisyo = taas presyo Samantala, isinisisi ng WPN sa pagsasapribado ng serbisyo sa tubig ang

pagmahal ng presyo ng tubig sa Metro Manila. Kaya nga ang payo ng grupo sa mga mambabatas: pag-isipan ang plano nitong ipasa ang mga batas na nagsusulong naman sa pribatisasyon ng mga water district sa mga probinsiya. Ayon sa grupong WATER [Water System Employees Response], dapat na iurong ni Senator Edgardo Angara ang Senate Bill 2997 o ang Water Sector Reform Bill dahil pasisiritin nito ang presyo ng tubig sa mga probinsiya sa bansa at magreresulta rin ito sa tanggal-trabaho naman sa mga manggagawa at empleyado sa daan-daang water district sa bansa. Dahil dito, hinihimok ng grupo si Pang. Benigno S. Aquino III na tantanan na ang pagpapatupad ng publicprivate parternship sa mga proyekto ng gobyerno, partikular sa public utilities dahil patataasin lamang nito ang presyo samantalang hindi naman ganoong kaganda ang magiging serbisyo.

Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang lalakeng negosante matapos itong pagbabarilin ng dalawang suspek na riding in tandem noong Disyembre 27 sa Marikina City. Kinilala ang biktima na si Nicasio Gamboa, residente ng Better Living subdivision, Parañaque city. Ayon sa pulisya, sakay ng itim na Toyota Fortuner na may plakang ZPC-709 ang biktima nang tambangan ng dalawang suspek sa kahabaan ng JP Rizal, sakop ng Brgy. Malanday, Marikina City. [Elvie Lacaran]

Presyo ng tubig sa Metro Manila, pinakamataas sa Asya

Sa maniwala kayo o sa hindi, ang water rate sa Metro Manila ngayon ay isa sa pinakamataas sa Asya. Ito ang pagbubunyag ng Water for the People Network (WPN) matapos na ianunsiyo ng dambuhalang mga water concessionaire ang plano nitong taasan pa ang singil sa tubig sa Metro Manila, pagsapit ng taong 2013. Pagsipi ng WPN sa 2011 external survey ng Japan External Trade Organization, panglima ang Metro Manila sa may pinakamahal na presyo ng tubig, kahilera ng Singapore, Jakarta (Indonesia), at Metro Cebu. Ayon pa sa nabanggit na survey, mas mataas pa kaysa sa singil sa Sydney, Australia ang tubig ngayon sa Metro Manila. [Noel Sales Barcelona]


4

PORMA Enero 1 -7 , 2013

Balita

Biktima ng gang-rape sa India, nakatakdang magpakasal sa Pebrero Ni Jandel Posion Ang babaeng biktima ng gang-rape sa India noong Disyembre 16 na namatay noong Sabado ay nakatakda sanang magpakasal sa kanyang nobyo itong darating naPebrero. “Inaayos na nila ang kanilang mga preparasyon para sa kanilang kasal at nagpaplano namagsagawa ng wedding party sa Delhi,” sabi ng isa niyang kaibigan. Sa panayam sa kanyang mga kaibigan, nabanggit nila na engaged na ang babaeng tinatawag na “Amanat” sa news reports, na ang ibig sabihin ay “Treasure” at nagpaplanong magpakasal sa susunod na taon. Ang kanyang nobyo ang lalaking kasama niya sa bus noong nangyari ang insidente. Sa kanyang pagkamatay, pinaigting na ngayon ng gobyerno ng India ang pagpapalawig sa proteksiyon para sa kababaihan laban sa mga insidente ng sexual harassment na hindi binibigyang-halaga ang reklamo.

WORLD NEWS BRIEFS Dalawa patay sa pagsalpok ng eroplano sa main road RUSSIA—Dalawa ang patay at may mga sugatan matapos lumagpas ang isang Russian passenger plane sa runway at sumalpok sa main road. Tinatayang labing-dalawang katao ang sakay ng Tupolev-204 na may flight number RWZ9268 ang lalapag sana sa Vnukovo airport, pero ito’y lumagpas. Base sa mga kuha sa eroplano matapos ang crash, makikita na nahati ito sa maraming piraso kung saan ang cockpit ay nasa may daan at ang fuselage naman ay nasa may perimeter fence ng nilagpasang paliparan.

Kastilang Espanya

nahatulan

sa

Cuba,

balik

SPAIN—Balik Espanya na muli ang isang Kastilang political activist matapos mahatulan sa Cuba dahil sa pagkamatay ng isang prominenteng Cuban dissident na si Oswaldo Paya sa isang car crash sa Cuba noong Hulyo. Si Angel Carromero, pinuno ng youth wing ng ruling People’s Party ng Espanya, ay nahatulan ng reckless driving sa aksidente na kinamatay ng isang opposition community leader sa Cuba. Siya ang nagmamaneho noong kasama niya si Paya kung saan ay nawalan siya ng control sa manibela at nabangga sa isang puno. Makukulong si Carromero ng apat na taon sa kanyang sariling bansa matapos na mapagkasundo ng Espanya at Cuba na makulong ang kanilang mga mamamayan sa sarili nitong bansa.

Pagbomba sa Karachi, anim patay

PAKISTAN—Isang bomba ang sumabog sa loob ng isang bus sa may Karachi City noong Sabado na ikinasawi ng anim katao at nag-iwan ng mahigit apatnapung sugatan. Walo naman sa mga sugatan ang nasa malubhang kalagayan sa ngayon.

Ibinurol sa House of Representatives ang labi ni Bohol Tagbilaran City Rep. Erico Aumentado na binawian ng buhay noong araw ng Pasko kamakailan dahil sa sakit na pheumonia [ Mon Estabaya]

Nilinis ang konsensya bago ang Pasko, testigo sa krimen lumutang Tao pagkain na ngayon ng aso Ni Elvie Lacaran

Dalawang araw bago ang araw ng Pasko, lumutang ang isang testigo na nakasaksi sa brutal na pagpaslang sa isang doktora sa bayan ng Bombon, Camarines Sur. Inihayag ng nasabing testigo na sa kalapit barangay lamang nakatira ang mag-isang salarin, na aniya, may personal na galit kay Dra. Ofelia

Panganiban na nagtamo ng 13 na tama ng saksak na kanyang kinamatay nito lamang nakalipas na linggo. Pinaniniwalaang inggit ang motibo sa pagpaslang sa babaeng manggagamot dahil kilala itong tumutulong sa mga residente ng naturang bayan. Ngayon ay subject to operation na ang tinukoy na suspek.

Fish kill sa Pangasinan Ni Romeo Panahon Libo-libong mga isdang bangus ang nabiktima nang naganap na fish kill sa mga fishpen sa Pangasinan, lalo na sa Bolinao, Alaminos at Anda, Pangasinan. Ayon kay Director Asis Perez ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) , ang sobrang stock ng mga isdang bangus sa bawat fish pen ang dahilan kung bakit nagkaroon ng fishkill. Nakipag-ugnayan na din ang BFAR sa mga lokal na pamahalaan sa nabanggit na mga lugar na pigilin ang pagbenta ng mga bangus vendors na maibenta ang mga isdang na nabiktima ng fish kill. Malalaman aniya kung ang isang bangus ay mula sa fish kill kung ang hasang nito ay maputi at walang permit ang mga bangus vendor na nagbebenta nito.

Pinagpiyestahan ng asong kalye ang isang bangkay na pinagsasaksak at iniwan lamang sa lungsod ng Cagayan De Oro kamakailan. Ayon kay Scene of the Crime Operatives (SOCO) chief Sr. Insp Neil Sedaka Villanueva, ang bangkay ay hindi lamang puno ng saksak ng ‘di matiyak na

patalim, kundi nawawala ang isa sa mga paa nito na pinaniwalaang pinapak ng asong kalye. Dagdag pa ni Villanueva, nakuha rin sa pag-iingat ng biktima ang cellphone nito na mayroong nakasulat na text na ‘condolence’ na siya ngayong sentro ng kanilang imbistigasyon. [Elvie Lacaran]


Tampok

5

PORMA Enero 1 -7 , 2013

Mga Inaasam sa 2013 Ni Clarke Nebrao Usong-uso ang pagplano para sa Bagong Taon at karamihan sa atin ay patuloy na nangangarap at may inaasam sa taong 2013. Minabuti nating tanungin ang ilang mga kaibigan tungkol sa inaasam nila ngayong taon:

Llamanzares, “Inaasam-asam kong makita ang pagtulong ng ating mga kababayan sa pagluklok ng mga kandidato na may integridad, may kabutihang loob at may kauliranan nang sa gayon ay tuloy-tuloy ang reporma sa ating gobyerno at bansa nang ating makamit sa wakas ang hustisya at kasaganahan sa ating lipunan.”

Fr Andrew Recepcion, kura paroko ng Nuestra Señora de Peñafrancia sa Naga, “Inaasam ko ang deeper conversion to the Lord.” Edric Mendoza, home schooling advocate at ANC TV Host - “More miracles and the grace to achieve greater things for God’s glory!”

Alemberg Ang, award-winning indie movie producer - “Na mas tangkilikin ng mga Pilipino ang iba’t ibang mga sining, mapa-pelikula, dula, konsiyerto, sayaw o ano pa man, nang lalong umusbong pa ang sining at galing ng mga Pilipino.”

Carlo Ople, Editor ng NewMedia.com.ph at senior manager ng social media marketing ng Kapatid Network TV 5 - “Magkaroon ng baby!”

Most Rev. Gilbert Garcera, Bishop of Daet - “I always pray for holy, prayerful and discerning priests. And all things will be seen from the perspective of FAITH.”

Harvey Keh, Convenor ng Kaya Natin Movement - “Para sa ating bayan, sana hindi na mahalal muli ang mga kurakot at tiwaling mga pulitiko. Sana maisabatas na rin ang Freedom of Information Bill para mas lalo pang tumatag ang ‘Matuwid na Daan.’”

Sandra M. Martinez-Ching, division chief ng Intramuros Administration Tourism, Marketing at Promotions - “Mas bumuti ang estado ng aking mga anak sa trabaho at sa pagaaral. Mas dumami pa ang turistang dumayo sa Pilipinas lalo na sa Intramuros”

Jay Jaboneta, Founder ng Yellow Boat Project - “Peace, Love and Hope!”

Brian Poe-Llamanzares, nag-iisang lalaking apo ng Hari at Reyna ng Pelikulang Pilipino (Fernando Poe Jr at Susan Roces) at anak ni dating MTRCB Chairman Grace Poe-

Atty. Alexander Lacson, author, philanthropist at nation-builder, - “A little more of good things for everyone. A little more of blessings. A little more of prosperity. A little more of happiness. A little more of peace and contentment for everyone in our country and the world. ‘Yan ang dasal at inaasam ko.”

Dr. Candida B. Adalla, Chief ng Department of Agriculture, Biotechnology Program Office, “Malaking business opportunity para sa aking pamilya at para sa mga mahihirap na magniniyog lalong-lalo na sa mga nag-aalaga ng niyog na dumedepende lamang dito.”

Dr. Rainier Villanueva, Founder at President ng Rainier Research Development Institute - “ A Philippines free of man-made and natural calamities.”

Kaibigan, ating harapin ang bagong taon nang may galak sa ating mga puso, sapagkat ito ay bagong panimula na may dalang biyaya basta tayo ay maniwala sa Maykapal at ipagdasal ang Kanyang presensya na manahan sa ating buhay.


6

PORMA Enero 1 -7 , 2013

Editoryal

omnibus communications for asia foundation inc. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief Clarke Nebrao Managing Editor SKY ORTIGAS Online Editor Alejandro MALAPO Art & Design Director Porma is published by the Omnibus Communications for Asia Foundation, Inc. You can reach us through the following: Mobiile number: +639275393682 Email: info@omnibusmediagroup.com Website: omnibusmediagroup.com

Editoryal

Political will at ang Pagbaluktot sa ‘Matuwid na Daan’ Kung magbabalik-tanaw tayo sa nagdaang taon, sadyang naging matunog ang tinatawag na political will ni Pangulong Benigno Aquino III – mula pa noong impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona noong Mayo 2012, sa “Walang wang-wang” noong SONA 2010, hanggang sa nakakalulang pag fast-track sa dating RH Bill sa huling mga araw ng sesyon sa Kamara at Senado. Simula’t sapul pa lang ng panunungkulan ni PNoy, itong political will niya na tahakin ang “Matuwid na Landas” ang naging tila manibela na may angking kapangyarihang umugit sa bansa patungo sa inaasam na kaginhawahan at justisya. Ito ang tinatawag na political will, “Matuwid na Landas” o samakatuwid, kung gusto, may paraan, kung ayaw, maraming dahilan. Ano nga ba ang malinaw na prayoridad ng administrasyon

Kaya kung kaya, gusto kung gusto. Isang malaking tanong sa marami: pano nangyari na halos tumambling ang Pangulo maipasa lang ang RH Bill, ngunit ang FOI na siya sanang magiging isang higanteng Truth Commission para sa kanya ay matamlay niyang sinusuportahan? dati pa? Hindi ba ang paglupig sa korupsyon na tila isang lintang sumisipsip sa yaman ng taong-bayan na nakalaan para sa mga programang karapat-dapat sa atensyon at political will ng Pangulo tulad ng seguridad sa suplay ng pagkain, paglipol sa kahirapan, pagtaguyod ng agrikultura at iba pa? Tanda pa ng ilaan – dahil sadyang malilimutin ang marami sa ating kababayan – ang pagbuo ng isang Truth Commission upang malaman ang

puno’t dulo ng mga anomalyang naganap sa nagdaang administrasyon. Nasaan na ang “truth” na hinahanap ngayon? Nagkaamnesia na ang lahat sa pangako ni PNoy. Totoong nagkaroon ng ruling ang Korte Suprema noong 2010 na labag sa Konstitusyon ang Truth Commission, ngunit hindi ba dapat maghanap ng ibang paraan ang administrasyon upang bigyan ng tunay na bangis ang paghabol sa mga nagnakaw sa bayan? Ang sagot dito ay maliwanag – ang Free-

dom of Information (FOI) Bill na sasaklaw, hindi lang sa naunang administrasyon, kundi sa lahat ng mga nanunungkulan sa gobyerno at sa mga palakad nito. Kaya kung kaya, gusto kung gusto. Isang malaking tanong sa marami: pano nangyari na halos tumambling ang Pangulo maipasa lang ang RH Bill, ngunit ang FOI na siya sanang magiging isang higanteng Truth Commission para sa kanya ay matamlay niyang sinusuportahan? So kung titingnan natin, isa

bang mito ang political will ni PNoy o isang pagbaluktot na nga ng “Matuwid na Daan”? Nakatitig ang marami sa mga ratsada ng Pangulo nitong nagdaang taon. Ang political will niya ba ay isang manibela o sadyang gumagana sa guni-guni lang ng mga milyun-milyong bumoto sa kanya na marahil magpasahanggang-ngayon ay lugmok parin sa hirap? Huwag na nating pag-usapan pa kung papaano tuluyang naipasa ang RH Bill bilang batas. Dito pa lamang ay mas baluktot pa sa dila ng bulol – pasintabi sa mga kababayang bulol – ang ginawang pagmamaniobra ng Palasyo para maisulong ang dating RH Bill. Dito pa lang, nakikita natin ang political will ng Pangulo na ayon sa marami, naging tahasan nang panunuhol. Sa taong 2013, ano pa kaya ang mahihita ng sambayanan sa political will ng Pangulo?


Opinyon Kung walang TV o mga pelikula, matatawa ka ba ‘pag nakakita ka ng matabang taong naglalakad sa kalye? Kung walang mga magasin tungkol sa fashion at beauty, iisipin mo bang kahali-halina ang mga payat at matatangkad na babae? Kahit saan tayo magpunta, basta may dumaang babaeng sobra ang taba sa katawan, pihadong may ilang mga matang susunod sa kanya. At hindi nakakagulat kung magbubulungan o kaya’y magbubungisngisan tungkol sa kanyang lapad at bigat. Tapos ‘yung matataba naman mismo, iba-iba ang pagtingin sa sarili. Merong komportable sa ayos nila, merong walang pakialam, pero sa tingin ko ang karamihan ay naiilang sa kanilang anyo. Sa mga magkakaibigan na matagal nang hindi nagkita, may babati ng “Uy! Pumayat ka!” at kitang-kita naman ang ngiti ng binati—hanggang magkabilang tenga at parang nahihiya pa. Pero kung ang puna ay “Uy! Tumataba ka yata!” naku…isang linggo na siguro ang nakalipas, naghihimutok pa rin. Parang ang lahat ng tao, gustong maging payat at nandidiring tumaba. Bakit kaya? Kahit nga sa pag-order sa restawran, tumatagal dahil sa pagkilatis kung ano ‘yung hindi nakakataba eh. Kung sa bagay, mainam naman talaga ang low-fat diet. Kahit mga doktor sasabihin ‘yon sa atin. Pero naman, halos lahat na ng maririnig mo ‘pag oras na ng dessert: Bagong taon, bagong pag-asa para sa mga Pilipino. Subalit sa pagsapit ng eleksiyon sa Mayo, ano nga bang pag-asa ang mayroon ang bansang mayaman nga sa puntos ng GDP (gross domestic product), subalit namumutiktik ang nakatira sa ilalim ng mga tulay, sa gilid ng mga estero, sa kalsada, sa ilalim ng fly-over, walang trabaho, walang makain, maysakit ngunit walang maipampagamot at maipampaospital (at balak pa ng isang senador na gawing korporasyon ang mga ospital ng gobyerno), at marami rin ang walang matinong hanapbuhay at suweldo. Ay, buhay alamang, paglukso sa pampang—patay! *** Hindi maiwasan ng mirong ito na magtanong kung ano nga ba ang mali sa Pilipinas dahil bagaman mayaman ito sa mineral, matataba at mabunga ang mga lupain, punung-puno sa yaman ang mga katubigan, at maraming mahihita sa ating mga kagubatan ay nananatili pa ring salat na salat ang karamihan ng ating mga kababayan? Ang sagot ay iisa: Hindi pantay ang distribusyon ng yaman ng bansa at kapus na kapos ito, bagaman napakarami at napakayaman, sa kasuwapangan ng iilang nagpapatakbo ng ekonomiya, pulitika, at kultura ng bansa. Sino nga ba ang makapagkakaila? Iilang pangalan lamang ang may-ari ng naglalakihang lupaing agro-industriyal, komersiyal at residensiyal. Iilan din lamang ang may-ari ng industriya at kapital. Iilan din lamang na pangalan ang

7

PORMA Enero 1 -7 , 2013

Manila Girl

Diana uichanco

Hebigat! Eh ano kung mataba? “That’s fattening!” “Naku, ang daming calories niyan!” “Pa’no na ang diet ko?” Tapos ‘pag kumain nga ng cake o ice cream o iba pang matamis, makokonsensya na parang may ginawang mabigat na kasalanan. Bakit kaya ganito na lang ang pananaw ng lipunan hinggil sa hugis at lapad ng tao? Bakit ang pagiging mataba ay nagiging dahilan ng tuksuhan? Naisip mo na ba na may kinalaman

Ang Miron

ang image ng mga matataba na pinalalabas sa TV at pelikula, sa pananaw natin sa mga matataba sa totoong buhay? Ano kaya kung ang mga sobrang payat ang tampulan ng mga biro sa mga TV sitcom at comedy na mga pelikula? Tapos ang mga babaeng naglalakihan ang braso at bilbil ang silang palaging leading lady, kagalang-galang ang hitsura at papel sa istorya, at kinagigiliwan ng mga guwapo! Kung beauty contest naman ang panonoorin, lalong gugustuhin ng mga babae ang magmukhang katulad ng mga contestant—slim. At yung mga advertisement ng sari-saring klase ng makeup, gamit sa buhok at damit, panay slim din ang mga modelo. Kaya siguro ang mga payat ang nagiging batayan ng kagandahan sa lipunan natin. At di lang ‘yon—naging napakaimportante na rin sa mga tao ang panlabas na anyo kaysa sa kalusugan, galing o ugali. Kung tutuusin, ang panlabas na anyo ay isang bahagi lang ng pagkatao. Pinakamababaw pero unang napapansin dahil panlabas nga. Siguro dapat nating kilatisin kung tama ang pananaw natin sa pagkakaiba-iba ng mga anyo ng tao. Kung “hebigat,” eh ano ngayon? Tama bang gawin nating tampulan ng biruan? Mainam na tuwing manonood tayo ng TV o sine, pansinin natin kung anong klaseng pananaw hinggil sa mga matatabang tao ang pinaiiral ng mga program at pelikulang pinalalabas. ng ating lipunan. Ito ay kung matututuhan lamang nila ang tunay na kahulugan ng demokrasya: ang gobyerno ng bayan, para sa bayan, at pinatatakbo ng bayan. ***

Noel Sales Barcelona

Bagong Taon namamayagpag sa ngalan ng pamumuhunan. At ang gobyerno, patuloy ang pagpapasok ng dayuhang puhunang kung tutuusin ay puhunang laway lamang. *** Gayunman, mayroon pa rin namang nababanaagang pag-asa ang mga Pinoy ngayong bagong taon. Kung magkakaroon lamang sila ng panahong magsuri at magbulay-bulay sa pinakaugat ng kanilang aba at patuloy na pinahihirap na kalagayan, may pag-asa pang magbago ang takbo ng kanilang buhay at ang galaw

Dahil ilang buwan na lamang at eleksiyon na, gusto nating ipabatid sa kapwa nating nagbabayad ng buwis at botante na dapat matuto na tayo sa karanasan: Huwag na papormahin ang mga pulitikong husto lamang sa yabang subalit wala namang magawa para sa kapakanan ng bayan. Ang mga proyekto ay pampapogi lamang at pampaganda lamang ng, kung tutuusin, inaamag at nag-uukok nang pangalan dahil mula sa ninuno hanggang sa kasalukuyan, ang serbisyong nalalaman para sa bayan ay ang lamnan ang sariling bulsa at tiyan. Suriing mabuti ang isusulat ninyo sa balota sapagkat hindi lamang P500 at ilang grocery at t-shirt ang kailangan natin para mabuhay. Tiyakin natin na ang mailuluklok natin sa puwesto, sa munisipyo man, o sa provincial government, sa Kongreso man o Senado, ay yaong makalilikha ng pagbabago sa bayang ito. Siyangapala, hindi natin nabati noon ang Kaniyang Kabunyian Arsobispo Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa kaniyang pagkakaluklok sa Kolehiyo ng mga Kardinal. Mabunying pagbati po sa kanila! At sa bago nating santo, kay San Pedro Calungsod: nawa’y ipanalangin mo ang bayan nating lagi na lamang api at salat. Manigong Bagong Taon po sa inyong lahat!

Magmahal Hanggang sa Huling Hininga Ilang gabi na lang, magpapaalam na naman tayo sa nagdaang taon, para salubungin ang Bagong Taon. Samantala, tumatanda tayo! Kababasa ko nga lamang ng mensahe sa akin noong isang high school classmate. Binabati niya ako sa kaarawan ko kamakailan. Ang sabi niya, “Enjoy your last year on the junior team!” Paalala na Ernie E. Maipid, Jr. sa susunod, senior citizen na kami. Ano nga ba ang katuturan ng pagiging 60? Minumunimuni ko nga ‘yan, kamakailan. Bukod sa mga bagay na ‘di mo na magawa, tulad noong mas bata ka pa, at mag-anak na nadadagdagan ng mga manugang at apo, inaanunsyo ng pagtanda ang panibagong yugto ng buhay. At nakaka-excite ito, depende sa pinanggalingan at sa pananaw. Nangyari na ang pinanggalingan. Mangyayari pa lamang ang pananaw. Makakapamili pa tayo, sa siguro’y huling pagkakataon na maging makabuluhan ang buhay. O sa huling pagkakataong ito, bitiwan na lamang ang hawak pang pagkakataon, at maging talunan dahil sa galit, hinanakit, at pagkadesperado sa mga bagay na hindi naituwid. Hawak natin ang hinaharap. Maaari pa nating sagipin ang sarili, sa paggamit ng natitirang panahon. O sumuko dahil sa panhihinayang, takot, o pagkabigo. Sumisidhi sa kalooban ko ang maaari ko pang gawin sa susunod na yugto ng aking buhay. Oo nga’t mas mahina na ako. Siguro nga, mas mapurol at mabagal. Pero, hangga’t nangangarap at kinakaya ng puso, bata pa ako at may pag-asa. ‘Yan ang aking pananaw! Kaya’t aalamin ko kung ano ang kalagayan ng katawan ko. Aalagaan ko ang aking sarili, dahil may pinagagawa pa ang Diyos sa akin. Maghuhudyat naman Siya, kung tapos na ang panahong ibinigay Niya sa akin. Siya lang ang nakakaalam. Siya ang lumikha sa akin. Gagawa pa ako ng mabuti. May nalalabi pa sa talino at biyayang ipinagkaloob sa akin para magmahal at tumulong. Bawat pagsikat ng araw ay may dalang bagong pag-asa. Bago ang halimuyak. Bago ang direksyon. Bago ang pananaw. Higit sa lahat, magdadasal ako. Kikilalanin ko pa ang Diyos na naglalakbay kasama ko. Naghihintay, habang abala ako sa maraming bagay. Nagpapatawad sa mga pagkukulang ko at mga kabaliwan. Nagpupuno sa aking mga kakulangan at kasalanan. Nagmamahal! Kaya’t sa pagpasok ng Bagong Taon, maganda sigurong gawing New Year’s resolution -- tulad ng madalas nating ipangako sa sarili -- na sundan ang Kanyang ehemplo ng pagmamahal. Ang buhay na ginugugol sa pagseseguro sa kasiyahan ng kapwa, ay buhay na hindi nasasayang, buhay na puno ng biyaya, at buhay na hindi natatapos, kahit pumanaw na tayo sa mundong ibabaw! Isang Manigong 2013 sa ating lahat!

Palara


10

PORMA Enero 1 - 7, 2013

Tampok

2013: Taon ng mga Gadgets Samsung Galaxy Note 10.1

Ni Guillian Geronimo

Ito ang may pinakamalaking sukat sa 10.1 inches, at marahil ay pinaka-magiging mabili dahil sadyang popular ang Samsung ngayon. Ito rin ang pinakasiksik dahil pwede siyang makabitan ng USB at ang processor niya’y pinaka-malapit sa laptop. Mayroon din siyang features na pwedeng makipagsabayan sa iPad Mini at Nokia Lumia. Mayroon din itong Photoshop, na pang-edit ng mga pictures, at mabilis ang processor nito. Mabibili ang Samsung Galaxy Note 10.1 sa mula sa halagang Php 20,700. Pero paalala lang, mas mainam pa din bumili ng gadget na magagamit mo sa trabaho mo o sa iyong pag-aaral para hindi naman sayang ang inyong binili. 2013, hi-tech kung hi-tech!

Sa panahon ngayon, mabilis nang magpalit ng gadgets. Naririto na rin tayo sa panahon kung saan ang iba’t-ibang tech companies nagiging magkakakampi at magkakalaban na rin sa negosyo. Kaya tayo ay nag ikot-ikot sa mga malls para tignan ang praktikalidad ng mga bagong labas na gadgets.

iPad Mini

Sa pangalan palang, nakakasindak ang tunog ng “i” sa gadget na ‘to na Apple ang may gawa. Kasing-sulit din ang iPad Mini sa mga kasabayan niyang mga tablets dahil sa sukat na 7.9 inches, pwede na siyang gamitin bilang computer. Magagamit na siya hindi lang sa Facebook,Twitter o Instagram, kundi pati narin ang pag-download ng mga attachments na MS Office® tulad ng Word, Excel at Powerpoint. Mabibili ang iPad mini mula Php 15,990 (16GB); Php 20,990 (32 GB); at Php25,990 (64GB). Kung gagamitin bilang cellphone, magdagdag ng Php 5,000 upang magkaroon ka na ng cellular unit kaya’t mula halimbawa Php 15,990 ay magiging Php 21,990 ang 16 GB na iPad Mini.

Nokia Lumia 900

Marahil ito ang pinaka-beterano sa mga nasuri kong gadgets ngunit dahil Nokia, kilala na ito bilang “user-friendly” na gadget. Gumagamit siya ng Windows 8 kaya hindi gaanong kahirap gamitin lalo kung sanay ka sa paggamit ng computer. At dahil naka-Windows 8 na, wala na ring magiging gaanong sabit sa compatibility ng mga files na MS Word©, MS Excel at MS Powerpoint. Pwede ding mag-download ng Skype sa gadget na ‘to. Ang problema lang nito’y hindi siya pwedeng malagyan ng memory card. Ito rin ang pinakamaliit na nakita ko; 4.3 inches. Mabibili ang Nokia Lumia 900 sa halagang Php 22,990. Maidagdag ko lang din, maasikaso din ang mga taga Nokia.


Tampok

PORMA Enero 1 - 7, 2013

Ang bagong taon para kay Juan Ni Resty S. Odon Ano kaya ang ibig sabihin ng Bagong Taon para kay Juan dela Cruz? Sa aming pag-uusisa, napag-alaman namin na mahirap sagutin ang katanungan ito. Kung ito’y itinanong sa beauty contest, malamang na kailangang mag-isip pa ang kandidato bago makasagot ng matino. Ganyan mismo ang reaksiyon ng halos lahat ng aming nakapanayam. Nang sila ay magsipagsagot, may mga pabirong sagot at may mga seryoso rin naman. Kapansin-pansin din na ang mga naisip na sagot ay nakadepende ng malaki sa pagkatao ng mga napagtanungan, sa kanilang konsepto ng kaligayan o fulfillment, at sa attitude nila sa buhay. Napatawa lang sa tanong ang IT professional na si Gelo Ancheta, sabay namilosopo. ”Ang Bagong Taon ay walang ibang kahulugan sa akin kundi ang pagsapit ng isa na namang taon. Unless ito ay kasabay ng isang bagong liturgical season o ng iba pang espesyal na pagdiriwang. Bukod diyan, wala itong ibang ibig sabihin sa akin,” sabi niya. Pabiro rin ang sagot ng elementary teacher at school administrator na si Waldy Ferrer, subalit napaka-praktikal at nagpapakatotoo lang. “Bagong Taon? Ito’y naghuhudyat na naman ng umpisa ng pag-iipon para sa susunod na Pasko!” Ang mga relihiyoso, iba naman ang tim-

pla ng kasagutan. Sabi ni Randy Ramos, isang computer salesman, “Ang Bagong Taon ay parang isa na namang palatandaan na ang Panginoon ay mayroon pang bagong gustong iparating sa akin tungkol sa Kanya.” Sabi naman ni Oyence de Leon, bank officer, “Ito ay panahon para pasalamatan ang Panginoon sa lahat ng blessings niya sa akin sa nagdaang taon. Ito rin ay panahon para i-review ko ang lahat ng planong naumpisahan ko last year,” aniya. “Ordinaryong araw lang para sa ‘kin ang Bagong Taon,” wika naman ni Joop Kalambakal, isang PR man, pero may dagdag ito: “Ito’y isa sa mga piling araw na kapiling ko ang aking pamilya.” “Wala. Wala lang!” pabirong habol ni Mike Gareza, isang seminarista. “Depende na sa iyo kung ano ang gusto mong ipakahulugan dito,” sabi niya. Para naman kay Mimi Paterno, isang BPO employee, ang Bagong Taon ay isang “fresh start.” “Di na natin mabubura ang ating mga nagawang palpak last year, pero pwede tayong magkaron ng panibagong simula: bagong oportunidad, bagong mga kaibigan, bagong mga bagay na matututunan,” dagdag niya. Kung ang panayam na ito ay isang joke contest, ang winner ay si Junrey Puertollano, isang computer programmer. “Bagong Taon? Isang bagong kalendaryo lang ito para sa akin. Hahaha.” At sabay bati ng “Happy New Year!”

11


12

PORMA Enero 1 - 7, 2013

38th MMFF Winners: Nora Aunor, Best Actress; Dingdong Dantes, Best Actor; One More Try, Best Picture Ni Lourdes Oreta Nagwagi sa Metro Manila Film Festival si Nora Aunor bilang Best Actress sa kanyang pagganap sa pelikulang “Thy Womb” at Best Actor naman si Dingdong Dantes sa “One More Try” sa katatapos na MMFF Awards Night na ginanap sa Meralco Theater sa Pasig City noong Disyembre 27.Ang pelikulang “One More Try” ang nanalo bilang Best Picture pati ang kauna-unahang Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence. Ang gabi ng parangal ay nagbigay ng walong awards para sa “El Presidente” sinundan ng “Thy Womb” at “One More Try” na parehong nagkamit ng anim na awards. Ang “Sisterakas” at “Shake, Rattle and Roll 14” ay ginawaran rin ng dalawa at isang awards. Si Cesar Montano naman ang itinanghal na Best Supporting Actor para sa pelikulang “El Presidente” at ang Best Supporting Actress ay napagwagian ni Wilma Doesnt ng pelikulang “Sisterakas.”

Showbiz

Mga nagwagi sa 38th MMFF: Major Awards Best Picture: “One More Try” 2nd Best Picture: “El Presidente” 3rd Best Picture: “Sisterakas Best Actress: Nora Aunor Best Actor: Dingdong Dantes Best Director: Brillante Mendoza (“Thy Womb”) Best Screenplay: “One More Try” Best Original Story: “Thy Womb” Best Supporting Actress: Wilma Doesnt (“Sisterakas”) Best Supporting Actor: Cesar Montano (“El Presidente”) Best Editing: Vito Kahili (“One More Try”) Best Cinematography: “Thy Womb” Best Production Design: “Thy Womb” Best Visual Effects: “Shake, Rattle, and Roll 14: The Invasion” Best Make-up: “El Presidente” noypistuff Best Theme Song: Apl De Ap and Jamir Garcia of Slapshock (“El Presidente”) Best Musical Score: Jessie Lasaten (“El Presidente”) Best Sound Engineer: Albert Idioma (“El Presidente”) Best Child Actor: Miguel Vergara (“One More Try”) FPJ Memorial Award: “One More Try” Most Gender-Sensitive Film Award: “Thy Womb” Youth Choice Award: “El Presidente” Best Float: “El Presidente” New Wave Category Best Full-length Feature: “The Grave Bandits” Most Gender-Sensitive Film Award: “In Nomine Matris” Best Director: Tyrone Ancierto (“The Great Bandits”) Best Actress: Liza Dino (“In Nomine Matris”) Best Actor: Allan Paule for (“Gayak”) Special Jury Prize: Quantum Films Student Short Films Category Best Short Film: “Pukpok” (DLSU) Most Gender Sensitive Film Award: “Manibela” (FEU) Special Jury Prize: Daniel Bautista of University of San Carlos Special Awards Male Star of the Night: Joseph Estrada Female Star of the Night: Nora Aunor Five Star Male Celebrity of the Night: Zanjoe Marudo Five Star Female Celebrity of the Night: Bianca King


Showbiz

13

PORMA Enero 1 - 7, 2013

Pelikulang aabangan sa 2013 Ni Lourdes Oreta Hindi mapagkakaila na tayong mga Pinoy ay mahilig manood ng sine. Noong isang taon, nakitaan natin ng sigla muli ang ating mga pelikula na siyang ating dasal. Ilan sa mga pelikulang aabangan natin sa 2013: Seduction - Mainit na pagsa-

lubong ng Regal Films sa 2013 mula sa galing ng direksyon ni Peque Gallaga. Ito ay ang kaunaunahang pagsasama nila Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Solen Heusaff. Forever’s Not Enough - Pinagbibidahan ni Coco Martin, Julia Montes, Cherry Gil at Gabby Conception sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina

The Bride and The Lover - Isang romantic comedy sa direksyon ni Joel Lamangan at pagbibidahan nila Lovi Poe, Jennylyn Mercado, Paulo Avelino at Hayden Kho Maybe This Time - Ang unang tambalan ni Marian Rivera at Coco Martin na nasa magkatunggaling network. Itong romantic drama ay pamumunuan ng batikang direktor

na si Maryo J. Delos Reyes Basement - Isang horror thriller sa direksyon ng kilalang pinoy horror expert na si Topel Lee. Pagbibidahan nila Sarah Lahbati, Chynn Ortaleza, Louise Delos Reyes at si Sef Cadayona Feng Shui Master - Isang comedy drama kasama ang komedianteng si Vhong Navarro at aktress na si Angel Locsin

My Lady Boss - Pagbibidahan ni Richard Gutierrez at Marian Rivera na isang pelikulang romantic comedy ang tema sa ilalim ng baguhang direktor na si Jade Castro Dyosa - Tiyak na ito ay pipilahan ng ating mga kabataan sa 2013 dahil sa pagsasama ng mga teen stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Pumormang Showbiz Balita ng 2012 John Lloyd at Shaina Magdayao, ang pinag-usapang biteran ng Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Ang ending rin naman pala eh si John Lloyd at Angelica ang magkasama sa kakalipas na Pasko.

Ni Carlos Aleixo Sa pagtatapos ng 2012, ito ang mga pumormang showbiz balita na ating sinundan, iniyakan, kiniligan, tinawanan at pinag-usapan. Ating balikan ang iba’t ibang mukha at emosyong nakalakip sa mga ito.

Ipinagmalaki

Star na maituturing ang pag-angat sa kasikatan noong 2012 ni teen heartthrob Daniel Padilla, pamangkin ni Binoe. Napag-uusapan na ang kasikatan ni Daniel ay hango sa pagiging nakababatang bersyon ni Robin Padilla. Ang kanyang kasikatan ay pumutok ng ipareha kay Kathryn Bernardo. Patok na patok

Pighati

Sino ba ang hindi naluha at naantig sa pagpanaw ng ating Comedy King na si Dolphy? Halos isang buwan din nating sinundan ang kalagayan ni Pidol at sabay-sabay tayong nagluksa sa pagpanaw ng Hari ng Komedyang Pilipino. Maaalala rin na sa taong 2012 ay siyang pagpanaw ng tatlo sa pinakamagagaling na direktor ng bansa: Marilou Diaz-Abaya, Celso Ad Castillo at Mario O’Hara.

Nadaya

Sumiklab ang damdamin natin sa muntik ng pagkapanalo ni Jessica Sanchez sa American Idol Season 11 na kung saan siya ay naging runner-up lamang sa grand champion nitong si Philip Philips. Alam na alam natin na mas magaling si Jessica at mas deserving na manalo. Ito marahil ang parehong damdamin natin sa pagkatalo ni Miss Philippines Janine Togonon kay Miss USA Olivia Culpo na kinoronahang Miss Universe 2012 sa Las Vegas, Nevada. Si Janine ang may pinakamahusay na sagot sa interview portion ng Top 5 na mga kandidata. Nadaya man o hindi, parehong nagbigay-pugay sa buong mundo si Jessica at Janine na ang talento at kagandahan ng Pilipino ay angat sa ano mang lahi.

Kinilig

Pinakilig naman tayo ng walang humpay ng kasalang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Ito ay pinag-usapan buong buwan at sa kahit anong kanto ay namayagpag ang mga kababaihan na mangarap na may isang Zoren pang naghihintay sa kanila. Hindi rin natin makakalimutan ang makasaysayang kasal ni Congressman Roman Romulo kay Valenzuela Councilor at TV Host na si Shalani Soledad at ang pagpapakasal nila beauty queen Precious Lara Quigaman at actor na si Marco Alcaraz. Mainit na sinubaybayan ang kwento ngayon ni Senador Chiz Escudero at ang aktres na si Heart Evangelista.

Nainis

Marami sa atin ang nainis sa engkwentro ni Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto sa airport. Rambulan ang beauty ng tatlo ng kinunan ni Tulfo ng video ang pagtatalak at pagaalipusta ni Claudine sa mga tauhan ng airport. Ito marahil ay malayo pang matuldukan kung ano ang ending. Hiwalayan Taon-taon na lang may mga kontrobersyal na hiwalayan. Pumorma ang natuldukan nang annulment ng kasal ni Queen of All Media, Kris Aquio, kay basketbolistang si James Yap. Andyan ang relasyong hiwalay-balikan na

ang love team ng dalawa! Hindi rin mapagkakaila ang talentong Pinoy nang igawad kay batikanong aktor na si Eddie Garcia ang tanyag na Best Actor Award sa kanyang pagganap sa “Bwakaw” sa 55th Asia Pacific Film Festival sa Macau. Ang pelikulang “Bwakaw” sa direksyon ni Jun Robles Lana ay siyang pambato natin sa Foreign Language Film Category ng Oscars Academy Awards sa Hollywood itong taon. Higit sa pagtaguyod ng realidad ng buhay sa Pilipinas, naghakot ng iba’t-ibang karangalan para sa ating bansa ang pelikulang “Thy Womb”

na siyang pinagsamahan ng Cannes Best Director Awardee, Direk Brillante Mendoza, at ng ating nag-iisang Superstar, Nora Aunor. Kinilala ang galing at ganda ng pelikula sa 69th Venice International Film Festival sa Italia kung saan binigyan ito ng special awards: La Navicela Award for Best Director kay Mendoza, P. Nazareno Taddei Award Special Mention para sa pelikula at Bisato D’Oro: Premio Della Critica Indipendiente Best Actress para kay Nora Aunor. Naulit ang pagbigay parangal kay Mendoza bilang Best Director sa 6th Asia Pacific Screen Awards sa Australia kung saan ginawad din kay Nora ang Best Actress. Isang pagpatunay sa ganda ng pelikula ay ang pagkilala ng Metro Manila Film Festival sa “Thy Womb” sa kanyang paghakot ng mga award tulad ni Henry Burgos sa Best Original Story, Best Cinematography ni Odyssey Flores, Best Production Design ni Brillante Ma. Mendoza, Best Director para kay Brillante Ma. Mendoza, Best Actress para kay Superstar Nora Aunor at ang mga importanteng pagkilala sa mismong kabuuang pelikula sa pagkamit nito ng Most Gender Sensitive Film at pagkilala bilang pinakamahusay at prestiyosong pelikula na natatangi para sa Gatpuno Villegas Cultural Award. Ang tagumpay sa sining ng pelikulang “Thy Womb” na siyang pinagmamalaki nating mga Pilipino sa buong mundo ay siyang hamon sa ating mga manonood na supportahan sa takilya ang pelikula.


14

PORMA Enero 1 - 7, 2013

Sports

Donaire, tinanghal na ‘Fighter and Boxer of the Year ng 2012’ Ni CSN Sinalba ni “The Filipino Flash” Donito Donaire Jr. ang imaheN ng boksing sa bansa nang ideklara siya bilang “Fighter of the Year 2012” ng Boxing Scene at Sports Illustrated at siya rin namang pinangalanang “Boxer of the Year 2012” ng ESPN. Walang dudang nakamit ni Donaire ang parangal dahil sa apat na malalaking panalo niya nitong nakalipas na 2012, at sa kanyang pagiging kampeon sa apat na division pati na rin ang kanyang dedikasyon para sa adbokasiya ng drug-free sport. Nilarawan ng Sports Illustrated si Donaire: “In a sport starved for new superstars, Donaire, 30, is emerging as one. He is fast, with power in both hands. He deserved the title, how-

ever, not because he won all of his 4 bouts in 2012, but because he has been winning “bigger” battles in his life, having risen to a comfortable spot in boxing amid challenges that almost led him to end his life when he was just 10 years old.” “He can box you from the outside --- see the lopsided beating he gave Jeff Mathebula last July --and punish you when you come to fight. He blasted out Jorge Arce in the third round earlier this month, sending the rugged Mexican star into retirement.” pag-analisa naman ni Chris Mannix na tanyag na boxing writer sa America. Magandang panimula ito sa taong 2013 na tuloy ang bakbakan sa lakas at tikas ng Pilipinong Boksingero.

PaquiaoMarquez maghaharap ulit! Ni Carlos Aleixo Buong pagmamalaking inanunsyo ni Top Rank promoter na si Bob Arum na tuloy na tuloy na ang muling paghaharap ni Pacman at Marquez na maaaring mangyari sa darating na Abril 2013. “Manny Pacquiao ain’t retiring. He will fight Juan Manuel Marquez for a fifth time,” pagkumpirma ni Arum. Nabanggit ni Arum na nakatakdang mag-usap sila ni Pacman pagkatapos ng bakasyon nito sa Israel at maikasa na ang detalye ng pinakahihintay na labang ni

Pacman at Marquez saikalimang pagkakataon. Sa tanong kung maaari pang magka rematch si Floyd Mayweather Jr at si Manny, ito lang ang nasambit ni Arum, “Probably not but you know life goes on.” Matatandaang pinabagsak ni Marquez ang ating Pambansang Kamao sa huling laban nito noong Disyembre 8 sa Las Vegas na siyang pinangalanang “Knockout of the Year 2012” ng ESPN Sports at dineklarang “Fight of the Year 2012” rin ng nasabinhg ahensya ng palakasan.


Sports

15

PORMA Enero 1 - 7, 2013

Djokovic Kampion Muli! Ni Carlos Aleixo Nanatili si World No. 1, Novak Djokovic, bilang kampeon sa pagkapanalo niya laban kay Nicolas Almagro 6-7 (4/7), 6-3, 6-4 sa kampeonato ng Mubadala World Tennis Championship na ginanap sa Abu Dhabi International Tennis Complex, Zayed Sport City. Nilampaso ni Djokovic si David Ferrer para maka-usad sa finals at nahirapan sa kanyang laban sa Espanyol na si Almagro na pang 11th sa ranking.

PBA Semi-Finals:

Rain or Shine 3 vs 2 San Mig Coffee; Talk ‘N Text 3 vs 2 Alaska Acers Ni CSN

Apat na koponan na lamang ang nakatayo para sa semi-finals ng PBA Philippine Cup. Ang bakbakan ay nag-umpisa na at sa pagbukas ng bagong taon ay mahahatulan na kung sino ang maghaharap para sa korona. Sa best of seven series ng mga koponan, umangat sa laban ang Rain or Shine Elasto Painters laban sa San Mig Coffee (3-2); at Talk ‘N

Text Tropang Texters laban sa Alaska Acers (3-2). Sa lapit ng labanan at sa init ng pagsagupa ng mga koponan, tumitindi ang tensyon ng torneo. Ang game six ng Rain or Shine laban sa San Mig Coffee ay gaganapin sa Huwebes, Enero 3, sa SM Mall of Asia Arena. Ang game six naman ng Talk ‘N Text at Alaska Acers ay gaganapin sa Biyernes, Enero 4, sa Cuneta Astrodome.

Si Nicolas Almagro, na siyang pumalit kay Rafael Nadal sa torneo, ay naging masigasig na bumangon mula sa 3-1 na pagkatambak sa tiebreaker upang manalo sa unang set ng laban. Bumalik si Djokovic at lumamang ng 3-1 sa second set at inangkin ito para itabla ang laban at banatin sa winner-take-all na pangatlong set. Tunay ngang napakahigpit ng engkwentro sa third set hangang nakamit ni Djokovic ang 5-4 na lamang at tuluyan ng idepensa nito ang kanyang korona.



Porma Vol. 2 No. 1