Page 1

Unang Pag-ibig TÉCAG

Unang Pag-ibig TÉCAG | 2017

1


Tungkol sa Pabalat Gaya ng mga ibon ay inililipad tayo ng mga emosyon at ipinadadapo sa mga hindi inaasahang sanga-sangang pagkakataon. Kung saan natin piniling umawit ng bawat alaala- may saya at sakit. Ang ating mga sariling pakpak ang pumapagaspas ng kanya-kanya nating mga pangarap at dadalhin tayo sa bawat tangkay ng pag-asa. Na mayroon tayong matatagpuan na kapareha natin ng lipad at isasabay tayo sa iisang destinasyon. Bawat paglipad ay paglalakbay sa pagbuo ng isang kwento at ito ang simula, dito tayo mag-uumpisa.


TÉCAG

ANG OPISYAL NA VALENTINE FOLIO NG PIONEER


talaan ng mga nilalaman APRIL P14

SHOOTING STAR P32

APOLOGIZE P14

GRAVITATIONAL PULL P32

SA PAGSASABAY P15

BANGUNGOT P33

ANYONG TULA P15

TOL P34

KEROSENE P16

ULAN P38

WAG MONG ITANONG SA KANYA P17

EM-YU P38

SERYOSO P17

STICKY NOTE P39

CONS P20

MAYO-OTSO P40

SPACE BAR P21

WER NA U BEH? P40

CAUTION P21

I<3 NW P41

IV-AQUINO P22

PS P41

LABING-ANIM P22

SETYEMBRE LABINDALAWANG LIBO’T WALO P42

BAGYO P23

NUMBER ONE P42

PARA SA AKING HIRAYA P26

ISA PANG SANA P43

BUWAN P28

KALAHATING DEKADANG CLICHÉ P43

SULAT PATUNGONG KANLURAN P29


8

Unang Pag-ibig TÃ&#x2030;CAG | 2017


Mensahe Kung ang bolpen at papel ay makapagsasalita, marahil ay nasigawan ako sa mahigit kinse minuto nilang paghihintay upang sila'y magkalapit. Ang labinlimang minutong yaon, kung sisipatin, ay hindi ko rin mabibigyan ng konkretong dahilan kung paano lumipas. Marahil, ganoon ang pag-ibig. Hindi kailanman mabibigyan ng eksaktong depinisyon. Dahil puso ang nagtutulak sa sarili na iparamdam ang tunay na kahulugan nito. At dahil hindi masabi, maipaliwanag, maikanta o maihugot, baka naidadaan sa panulat at mga letra ang feelings na 'yan. Sa unang edisyon ng TĂŠcag, ang espesyal na isyu ng Pioneer para sa Buwan ng Pag-ibig, damhin ang iba't ibang anyo ng feelings na inilapat sa titik at mga salita. Nasuklian man o one-sided lang 'yan, aang mahalaga, nagmahal at nagmamahal ka. Sa tao man yan, alaga, halaman, o ang bayan, wala ng hihigit pa sa pag-ibig ng pusong pumipintig. Madamdaming pagbabasa!

Ingold Faye Arribe

Punong Patnugot


10

Unang Pag-ibig TÃ&#x2030;CAG | 2017


Mensahe Sa wakas!

Marahil inabot ng ilang pagtatangka bago tuluyang naihabi ang mga salita sa mga blangkong espasyo na hinugot sa iba’t ibang emosyon at kung anong ilusyon. Sa totoo, nakatatawang isang laro ng pakikipagtitigan ang bumuo ng isang mensahe. Tila tinatakbuhan ka ng damdaming hindi maisatitik. Mahihinto ka’t biglang mapapangiti, ganito nga rin siguro ang pag-ibig. Kaya sa unang edisyon ng Técag, hayaan nating maging makulay ang mundo ng pag-ibig. Huwag sumukong magmahal sa iba’t ibang paraan at pagkakataon. Ano mang aanihing sakit ay pabaon sa pag-usad. Maligayang pagbati sa lahat ng umiibig, inibig at umibig! Halika’t magkita tayo sa mga susunod pang pahina. Sa unang pag-ibig, ito ang ating simula.

Rachel Ganancial

Patnugot sa Panitikan


unang pag-ibig


April E.M.T.

May mga salitang nasabi Ngunit hindi napakinggan Mga damdaming hinayaang lumipad At mawala sa kawalan May mga bagay na natapos Kahit ‘di pa nasisimulan Mga pangarap na kailanman Ay ‘di na maisasakatuparan. Ngunit ang mga alaala natin Ay mananatili sa paraisong nilisan Sa panahon hindi man lang natin Nakasundo ang kapalaran Ang bulong ng ating nakaraan Na hindi na pwedeng balikan Ay katotohanang hanggang ngayon Ay ‘di ko nais paniwalaan.

14

Unang Pag-ibig TÉCAG | 2017

APOLOGIZE

arrow

Sa lahat ng ‘di ko dapat ginawa Tuwing nasasaktan kita Noong mga panahong ulila Aking nagugunita Sa tuwing umiiyak ka Patawad. Kung hindi ko natumbasan Ang bawat tibok Na paulit-ulit mong pinagkaloob Patawad. Sa pagsasawalang-bahala Ng ating samahan At sa lahat ng kasinungalingan Na paulit-ulit mong pinaniwalaan Patawad. Dahil hinayaan kitang lumayo At tuluyang mawala Pagkat mapaglaro ang tadhana Singgulo ng marami nating pangarap Hindi pa marahil iisa Ang landas na ating tahak. Ngunit umaasa na bukas o sa makalawa, Papanaw din ang hapdi Pati ang sugat hihilom At ako’y mapapatawad.


Sa Pagsabay PeeBeeWan

Sa bawat pagdaan ng bagyo, ang damdaming di basta mababago. Kasabay ng pagluha, ang bawat piraso ng pusong nasira. Kasabay ng pagkadapa, ang sugat na natamo. Kasabay ng pagbangon, ang aral na napulot. Sa pagsabay ng oras sa takbo ng buhay, ang alaalang kailanmaâ&#x20AC;&#x2122;y di malilimot.

ANYONG TULA Hindi kita mabasa sa bawat linya Bawat taludtod ay bago ang iyong anyo Gayunpaman, nahuhulog ako sa bawat salita Kada titik sa akin ay ngumingiti Malayang tugmaan ay may hinahabi Mga bilang ay buo at walang kahati oo nga, isa kang tula patuloy na aking ibig Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017

15


Kerosene aladi

Ikaw lang naman ang sadya ko sa kanto. Kung bakit kahit mainit, tiniis kong tumayo para lang sa pagdating mo. Alam kong matagal pa kung sa looban pa kita hihintayin, maiiwanan na ako ng oras. Masaklap pa kung walang anino mo ang magparamdam. Sige, may ilan pa akong minuto. Maghihintay ako. Sigurado naman akong marami na namang makikipag-unahan sa kakarampot kong parte. Pipilitin ko na namang makipagsiksikan sa iyo, na wala akong matatawag na akin. Wala akong maipaglaban na ako ang nauna o ako ang lagi mong kanlong. Wala akong mapanghawakan sa pakikipagsikisikan ng kakarampot na tinatawag na bakante. Nasa gilid mo lang ako, medyo malayo na rin mula sa kantong pinaghintayan ko sa pagkrus ng ating mga anino. Hindi ko alam kung napansin mong nawisikan ko ng likido ang braso mo mula sa nunuyo kong emosyon. Minsan, binalak kong sabihin ang ilang bagay. Pero katulad ng dati, pinili kong manahimik. Patuloy lang din naman ang paglayo mula sa ating hintayan, di mo rin maririnig. Aayawan mo ring intindihin. Maiiwanan na ako ng oras, kulob pa rin sa nanigas na pakiramdam. Ito na ata ang baul ng kawalan. Siguro, hihintayin ko na lang ang isa na namang bukas doon uli sa kanto. Baka may ilang minuto, masasabi ko na rin saâ&#x20AC;&#x2122;yo. Sana sa bukas na iyon, magalit ang panahon patuloy lang na lumuha. Maaaring dahil sa ingay ng ulan kaya di mo ako maririnig, maaaring sa wisik ng ulan, may masisi na ako sa likidong dadampi saâ&#x20AC;&#x2122;yo. Kung sa baryang ito may huling hiling, sana may otso pesos din ang kwento natin- hanggang sa tabi na lang po. Hindi kita iiwan, kailangan ko lang bumaba.

16

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017


Wag mong itanong sa kanya Joax

Wag mong itatanong sa kanya kung may forever ba o wala, Kasi tiyak di sya dyan maniniwala katulad ng sinabi niya noong huli kaming mag-usap sa telepono ika-labindalawa ng Hunyo

Seryoso Sana mahintay mo ako sinta Huwag mong uunahan ang panahon Ano man ang ating distansya Hindi naglalaho aking pag-asa

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017

17


Cons chi

Natatakot akong iwan ang aking sarili sa mundo ng iyong mga panagko. Sa buong laksa ng iyong mundo. Natatakot akong mauna mo akong iwan at kirot lamang ang aaliw sa aking pag-iisa. Nangangamba akong hindi ko na naman maalala ang isang panaginip sapagkat di ko maaninag ang mga tauhan sa loob nito. Natatkot, nangangamba â&#x20AC;&#x2DC;pagkat tuluyan na ata akong nabitag.

20

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017


space barâ&#x20AC;&#x2122; Magkalayo man ating pagitan Iisang langit lamang ang ating tinitignan

Caution

Kung dumating man ang araw na pagkagusto moâ&#x20AC;&#x2122;y maglaho, sa akin ay magbago. Ang pagpapalayang gagawin ko ay di pagbitaw sa ating kwento bagkus isang huling pag-ibig na kaya kong wgas na maialay. Kung ikaliligaya mo ang paglisan sa aking tabi, sige hahayaan kita. Mas gugustuhin kong makita ang huli mong paalam kaysa patuloy mong iparamdam ang iyong pagkagusto sa anyong mapanlinlang nang di ko nalalaman. Maaaring malason mo ako sa mga salita pero kaya kong pumatay ng sistema at alaala.

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017

21


IV-Aquino KwentoNiBrader

Gasgas na ang ating simula Kwentong mundo ng iilang drama Sa eskwela’y magkatabi Habang mga alaala’y tinatagpi Yumabong na ang panahon sa ating upuan Pagkakaibiga’y lumago ng tuluyan Ngunit iisang tanong ang pinag-ugatan Nang lason sa pinunlang samahan Nadaya yata tayo ng panahon Pagtatapos natin ay isang kalokohan Sana naitanong ko noong maaga pa Mas maaga bago sa iba pa nagmula Landas natin ngayo’y nag-iba Sa malayo mo piniling magkadiploma Maaaring dyan na rin may makikilala Habang ako’y naiwan na panghihinayang ang kasama Sana mabilis lang ang limang taon Apat na taon ay sapat na muli kang abangan Kung pwede pa o wala na; malaman mo lang Na minsang naging isa ang tibok ng ating kwento

22

Unang Pag-ibig TÉCAG | 2017

Labing-anim

Joax

Pasensya na sinta, pero ikaw pa rrin pala talaga Ikaw pa rrin aang aking nakikita Tuwing naliligaw aang aking gunita Ikaw pa rin ang tinig sa musika Ng bawat pagitan ng mga liriko sa kanta Ikaw pa rin ang nadarama Sa depinissyon ng lungkot at saya At kahit nawawala ang halaga Ng mga paulit-ulit na salita Hindi ako magsasawang Gawan ka ng mga tula Maniwala ka aking sinta Na kahit tumatawid ako sa kabilang kalsada Upang iwasan kang makita Ikaw pa rin at ikaw pa rin talaga At aking itatangi sa madla


Bagyo A4

Nang tinangay ako ng daluyong Akala kong panandalian langAlon ng kawalan Hagupit ng katotohanan Tanong na kung kalian Itoâ&#x20AC;&#x2122;t naging hanggang kailan

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017

23


Para sa aking Hirarya Joax

Niluma na ng isa’t kalahating taon ang mga alaala ko sayo. Aaminin ko, sampu sa mga sinabi ko noon ay hindi ko na rin matandaan. May mga pailan-ilan namang minsa’y kusang bumabalik upanng ipaalala na kahapon ay may isang ikaw at ako. Ang pinakakonkretong alaala ko na lamang ay yong mga sumpang ipininta natin sa karagatan, sumpang wari’y mga batang hindi nag-iisip sa maaaring kahinatnan ng mga salitang pinalalaya. Oo nga pala, bata pa naman talaga tayo noon kaya nga hindi natin napanindigan ang mga bagay na akala natin ay kaya natin. Sa halos dalawang taon ng walang hiblang ugnayan sa ating dalawa, naging saksi ako sa paaglawak ng karagatang pumapagitna sa atin. Nakita ko kung paano ka naglayag kasama ang mga pangarap mo ayon sa direksyon ng hangin samantalang ako ay nanatili sa pampang na may paniniwalang balang-araw ay magtatagpo tayo sa iisang daungan. Uunahan na kita, hindi ko nais maghintay. ginusto rin kitang makasabay. Sinubukan ko ring buksan ang pakpak ng aking layag ngunit hindi ko nakayanang lumisan, mabigat ang angklang nakaipit sa pusod ng aking pinagmulan. Kasabay ng paglisang walang paalam aay ang pagtanggap sa katotohanang parehas man aay magkaiba tayo ng nakatadhanang tahakin. Naibubulong din sa akin nng hangin ang paminsan-minsang pagbabalik mo; aat Amihan na rin mismo ang nagpadama sa lamig na hindi lahat ng bumabalik ay may binabalikan. Hindi ko na hiniling ang pagtatagpo natin, alam kong isa ako sa mga araw na ipagpapasaamat mo at lumubog. Sa paglisan ng liwanag ko ay mas mapayapang gabi ang tumanggap sayo at alam ko kung gaano mo minahal ang mga bituing ibinigay nya sayo, dahil di tulad n araw, naisakatutuparan ng bituin ang anumang hilingin mo. Ngunit nakita kita at bumalik lahaat ng alaalang hindi ko matandaan kasabay ng mga damdaming wala nang babalikan. Mahabang panahon ang halos dalawang taon ng taliwasang paglalakbaay, kaya’t kilala ko mang ikaw yun ay hindi ko pa rin alam kung ikaw ba ang kilala kong ‘ikaw’.

26

Unang Pag-ibig TÉCAG | 2017


Hindi ko alam kung ikaw pa rin ba ang ikaw na dahilan kung bakit ko pinilit maging tulad mo. Hindi ko alam kung ikaw pa rin ba ang ikaw na inaasahan kong makakasabay ko sa aking paglalakbay. Hindi ko alam kung ikaw pa rin ba ng ikaw. Pero alam kong may parte sayo ng ikaw na minsang ako, tulad ng pananatili ng parte kong ikaw sa akin. Wala na rin naman akong balak humukay ng mas malalim na nakaraan, hindi sumisikat ang araw hangga’t panahon pa ng mga bituin at hindi na rin naman ako ang araw na saalubong sayo bukas. Kahit na ikaw ang unang araw na inikutan ng mundo ko, kahit na liwanag mo ang unang gumabay para makita ko ang iba’t ibang kulay sa mundo, kahit na akala ko ikaw ang una, huli at nag-iisang paksa ng reboluyon ko. Kahit na mali pala ako, ikaw at ikaw pa rin ang mga pinakamagagandang alaalang nalimot ko. Kung sakaling maaga kong nabasa aang liham o di kaya’y naglakas-loob akong buhatin ang aangkla masundan ka lamang, hindi ko alam kkung may mas gaganda pang bersyon ng ikaw at ako. Dahil ito, ang ngayong ikaw at ako, ang magiging pinakamatagumpay na tayo. Tayo ngunit hindi dlawa, tayo na napag-iisa. Alam kong lilisan kang muli upang ipagpatuloy ang paglayag samantalang ako aay maiiwang muli sa walang kasiguraduhang paagtigil. Hindi mantayo magtagpo sa iisang daungan, mananatili kang dahilan kung bakit ko pinili maging tulad mo. At hindi man ako ang pakasang isusulat mo sa susunod na isang libo tatlong daan at siyamnapung pagpanaog ng araw, matatagpuan mo pa rin ako sa lugar na pinangakong tagpuan ng mga batang minsa’y nagsulat ng damdamin sa buhanging kusang tinangay ng alon. Wag kang mag-alala, mananatili ka pa rin bilang aking Hiraya.

Unang Pag-ibig TÉCAG | 2017

27


Buwan Habang ang liwanag nitoâ&#x20AC;&#x2122;y nakabibihag Gabi-gabi ko itong hahanapin Sa dilim man kumikinang ito sinta Ganda nito ay umiibig

28

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017

Tulad ka ng sa mga tulang paulit-ulit akong nahuhulog- sa pirasong liwanag mo ang kahulugan. O buwan


Sulat patungong Kanluran

Hi beh (in all forms and all perspectives), Binuo ko na ang liham na ito matagal na panahon na. Bago ako bumili ng ballpen, pagsakay sa tricycle, pagbaba sa kanto, habang naglalakad paliko sa amin. Noon ko pa tinipon ang mga salita at tagal ko ng ginawa ang pagtatagpi. Hindi totoong wala akong imbakan ng salita pagkat una sa lahat, sa iyo nagmula ang mga ito. Dapat pa ba kitang kumustahin? Gusto mo bang malaman kung ilang sulat na ang naimbak ko sa kwarto? Kada taon minamahal ko ang mga kalyo ko pagkat binubuo ko ang taunang mga lliham kong di naman nakaaabot sa iyo. Isang maiksing liham lang ang mababasa mo. Malapit na sana kitang kantahan ng â&#x20AC;&#x2DC;Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa iyo di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt koooooo~â&#x20AC;&#x2122; Hindi lang tatlong oras ang ginugol ko, taon. Tatlong taon. Lahat ginawa at nagawa ko. Tawa ang isinuporta nila sa akin; ituloy ko raw at bumitaw na ako. Ngunit hindi ko ginawa ang mga iyon para lingunin mo akoâ&#x20AC;&#x2122;t gustuhin. Nagawa ko sapagkat utos ito ng bawat tibok sa kaliwang dibdib. Hindi ko namalayang nahulog ako sa pagsunod dito. Alam kong may dahilan ang pagkrus ng ating mga landas kahapon, sapagkat ang bunga nito ay ang sabay nating pagtahak sa iisang landas sa bukas. Kaso blangko ako sa ngayon, ayaw kong punuin ng mga salita ang di ko pa nakikita. Walang kasiguraduhan kung ikaw nga ba talaga ang kasama kong magsusulat ng kwentong ito o baka kasama ka lamang sa mga ikukwento ko. Habang naiisip ko ito, nabibiak ako. Malapit na akong maging halaman, buti sinalba mo ako. Isa na sana akong ganap na halaman, matinik na halaman sa tuktok ng adobe. Buti na lamang ay kinausap ka ng mga tinipon kong salita mula sa mga binuo kong tula. Sabi ng kaibigan ko, mas maswerte ang lalaking tinutulaan kaysa tinitilian. Kaya hindi ako magpapakapaos para sumigaw ng mga salitang inuusal din ng ibang babae. Magpapakapaos ako para basahin sayo lahat ng tulang mula lamang sa mga salita ng iisang babae. Hindi ko na muna ilalagay dito ang kwento natin, hindi pa tayo maaaring maikwento. Kasabay kong minamahal ang bayan sa pag-ibig ko sa iyo. Kung pula nga ang tunay na kulay ng pag-ibig, alam kong sa iyo galing ang tingkad nito. Higit pa sa halaga ng singkwenta pesos kaibigan. Inaabangan pa rin kita sa bukas. Kung pagkatapos kong abutin ang diploma ay ikaw ang aabutan sa harap ng altar o baka sasalo na lamang ng bulaklak na ihahagis ng babaeng nakaputi na sya palang pinilli mong hintayin sa harapan. Nagmamahal, manawari PS. Sana isama mo naman ako sa mga plano mo, kasi ikaw, kasama ka sa mga pangarap ko.

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017

29


shooting Star arrow

Ngayong gabing masaya Ang mga bituin sa langit Umaasa akong may mahuhulog na isa O kaya’y dalawa o tatlo Kung maswerte pa, Hihilingin ko lang na sana Muling maulit pa, Ang mga sandaling hindi inakala Noong hindi pa binibili ang oras Gayundin ang tibok ng puso Noong kalmado ngunit masigla Ang pintig ng ating pulso Noong mga pagkakataong masaya ang hapag Tuwing nabubusog ng alaala Ang bawat isa Sana, Maiparating ng mga bituin Ang mga letrang ‘di nabigyang buhay At sabihin sayo na lagi’t-lagi parin Buhay ang pag-asa At naniniwala ako doon Kahit pa langit at lupa Ang layo natin sa isa’t isa.

32

Unang Pag-ibig TÉCAG | 2017

Gravitional Pull

joax

Para kang dagat Na hinihila pabalik ng alon Para kang araw Sisikat ngunit lulubog rin At tulad ng dagat at araw Alam kong babalik ka Ngunit iiwan akong muli.


Bangungot chi

Ang pag-ibig ay isang ilusyon Patuloy na tumatangay sa ibang direksyon Daluyong na humahampas sa kawalan Tanging manhid lang di kakapitan Walang emosyon, merong damdamin Walang meron, merong kawalan

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017

33


Tol ricko

Marco calling… “Tol?” “Saan ka na? May attendance daw.” Oo nga pala college week namin ngayon. “Paki-attendance mo nalang ako Tol, gayahin mo lang pirma ko please? Haha, wag ka lang pahalata. May usapan kami ni Tina na magkita ngayon eh. Sige na naman alam mo namang miss ko na yung tao.” “Ayiee! Sige Tol, ingat.” Kailan pa nauso ang ganitong traffic sa Puerto, kung kailan pa nagmamadali. Mas mabilis pa ata lakad ko kesa dito, kaso sayang rin ang binayad ko. Kinakabahan ako ah, bakit kaya? Nakakainis kasi ‘tong babaeng ‘to eh, isang linggong walang text tapos nagtext kagabi pagkaikli naman. Aba, nakakakaba naman yun. “Kita tayo sa food court bukas, 9 am. I love you.” Nagkandarapa lang naman ako sa paghahanap ng mapa-loadan kagabi, nagmakaawa sa ale na magpa-load kahit sarado na sila, kako emergency lang. Tapos noong nag-text ako di na nag-reply, tinawagan ko wala ring sagot. Nakatulog na ata. Sabagay pagod nga naman sa thesis niya. Nagpaalam naman na buong linggo siya busy kaya ok lang sa akin. Nakakalungkot pero wala na ngayon, napalitan na ng excitement, babawi yun sigurado. Ayon na pala siya! Nakaupo sa paboritong sulok. Hindi ko napigilan, niyakap ko, sabay

34

Unang Pag-ibig TÉCAG | 2017


halik sa noo. Bahala na kahit ayaw nya ng PDA. “Na-miss kita!” “Ikaw rin.” “Ba’t parang namumutla ka?” “Ha? Wala ah, wala lang akong lipstick tsaka makeup.” Sus. Kailan pa ba to nag-lipstick at nag-makeup? “Puyat ka no? ayos lang yan bumawi ka ng tulog. Di ka na rin masyadong busy diba?” Hindi ata narinig ang sinabi ko, may kung anong dinukot siya sa bag saka kinuha ang kaliwang palad ko at inipit ang puting strip. “Ano to? PT ba to? Kanino to?” Anlabo, joke ba to? Sa dalawang taon namin wala namang nangyari ayaw niya pa eh, nirerespeto ko yung desisyon niya. Conservative ako pero mas lalo si Tina, kung may rally sa anti-PMS malamang front-liner siya. Kaya nga nagkaroon kami ng vow not to have sex until marriage. Alam yan ni Marco kasi walang araw na tumambay ako sa boarding house ni Tina ng di ko yun kasama, komportable din daw kasi siya sa presence ni Marco di gaya ng iba kong barkada kaya ayos lang sa kanya. Isa pa, hanggang sala lang kaming tatlo. Never kaming nagkulong sa kwarto nun uy! So ano to, she was conceived by the Holy Spirit? Haha. Tae, ibang klase talaga mga trip ng babaeng to. Saan naman kaya niya ito nadampot? Hahagalpak na ako sa tawa nang biglang matigilan. Seryoso na to. Umiiyak si Tina. “I…I…I’m sorry,” ani niya sa pagitan ng paghinga at paghikbi. Anak ng! Di na biro ‘to. “Anong problema? Sa iyo ba to? Teka papaanong? Wala tayong ginawa alam mo yan… sinong…” “Si Marco.”

Unang Pag-ibig TÉCAG | 2017

35


Ulan aladi

Sabi mo, tubig ang kailangan ko Pero marami pa pala akong dapat at gusto Di lang likdo para mabuhay Ang pait ay bitamina Ang sakit ay serkulasyon Masyado pa pala akong mura para magmahal Mas pipilin ko pang masaktan araw-araw Ikasasaya ko pang maging sawi kada segundo Kung darating din ang buwang sasaya ako Kung minutoâ&#x20AC;&#x2122;y pipiliin ako para saâ&#x20AC;&#x2122;yo Mamahalin ko muna pangarap ko Mamahalin muna ako ng barkadaâ&#x20AC;&#x2122;t magulang ko At pagtapos mo ng mahalin diploma mo Nandito lang ako Kung may sunod ka mang minahal sa diploma Nandito lang ako- hanggang nandito pa ako

38

EM-YU Mag-isang umiibig kasi Manhid-u Move-un teh Mahirap umasang May uusbong at mamagitang Malanding ugnayan kahit Masayang umpisa nauuwi rin sa Malabong usapan kung sa una pa lang Maling universe pala ang napasukan

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017


Sticky note selah

11:19. Huli na ako ng walong minuto sa paasang sandali, na baka ang sana ay mangyayari rin. Siguro sapat na ang huling poste para ipagsiksikan ko ang nakaw na sulyap. Dito na lang muna ako magiging tao habang nagiging anino sa pagdaan mo. Sapat nang manigas sa ilang sandali, sapat ng alam kong di muna ako gagalaw. Di ko alam kung lalapit pa ako at patuloy lang din na nalalayo. Sana kahit sa malayo, pag-ugnayin ng tubig ang ating paningin at baka doon ko na masabi lahat ng di ko pa at di ko na masasabi. Sana mawisikan din ang ugat ng puso mo at padaluyin ito, oo ito. Di ko alam kung bukas ba o sa sunod darating ang tamang panahon, baka naunahan nya na ako kahapon o nong nakaraan pa. Pero huhlihin ko ang tamang pagkakataon, oo dito lang ako. Hindi ko pa naririnig ang loob ko, di pa sapat ang tapal ng hiya ko. Tatanawin na lang muna kita habang tinatanaw mo siya-na higit na malayo sa akin. Hindi ako magiging tigang hanggang maging puti ang berde. Hanggang walang pormyula ng siyensya ang mahika ng sining.

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017

39


Mayo-otso Langit Ang nais abutin Di malaman Paano ba mararating? Sa aking pagtingala, Pag-asa nga ba ang hatid? O isang pighati Na daramhing dala ng hanging mahalumigmig. Lililimutin ko nalang ba ng pilit?

wer na u beh? AIL

Ang sabi sa Census, mahigit 100 million ang tao sa buong Pilipinas. Sa dami ng tao ngayon, pano mo kaya malalaman kung sino sa kanila yung para sayo? Paano kung nakasalubong mo na siya? Kaya lang di mo pinansin. Dumaan na pala sa harap mo, kaso yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Nakatabi mo na pala! Kaya lang lumingon ka para tignan yung traffic light. Baka nandun na siya, may humarang lang na sasakyan. Sa dinami-dami ng tao, may mga nakahanap na, may mga naghahanap pa, yung iba sumuko na. Pero yung pinakamasaklap sa lahat, yung nasayo na, pinakawalan mo pa. Tsss. Pero paano nga kaya ano, kung isang beses lang dumating yung para sayo? Palalampasin mo pa kahit nasa harap mo na?

40

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017


I<3 NW Jehugraphy

Tara, libre kita Sa Rob tayo, Basta sama ka saâ&#x20AC;&#x2122;kin Sa tindahan na ang produkto ay tao

PS chi

May inukit ako sa cactus, sana madaanan mo May vinandal ako sa mesa, sana makita mo May ginawa akong sulat, sana mabasa mo May iniwan ako sa jeep, sana makuha mo May sinigaw ako, sana marinig mo May pakiramdam ako, sana damhin mo May sinabi ka sa akin, sana maalala mo May gusto ako, sana malaman mo May gusto siya, sana hayaan mo May ako at ikaw, sana makwento mo.

Unang Pag-ibig TĂ&#x2030;CAG | 2017

41


Setyembre Labindalawang Libo’t Walo Tabatinting

Paalam sa alaala na ikaw at ako ay para sa isa’t isa Tanda mo pa na ikaw at ako ang sagot sa bawat pagdududa Ngunit dumating sa punto ng pagkalito Aking pagkasawa’y nagtulak upang limutin ka Pansamantala Hanggang sa hindi ko namamalayang sumasaya ka na Masaya ka na Masaya ka na nga ba? Kasi handa na akong agawin ka, baka bumalik ka pa Na bawat luhang dadaloy sa pisngi ay ako lang ang papahid Masaya ka na nga ba? Nahuli na nga ata ako at bawat pakiusap ay hindi mo na narinig Masaya ka na Nang sabihin mo na may minamahal ka na gaya ng minahal mo ako Na kirot at pagsisi lang ang aking nakapitan Wala ng ako ng mapagtanto ang pitong taong sinayang Na sa puso’y ikaw ang nag-iisa Ngayon ay ako ang naiwang mag-isa At habang sa imahinasyon na lamang matutuloy ang hindi na madugtungan Tatanawin muna kita Kapiling ng sakit habang hinihintay ka

42

Unang Pag-ibig TÉCAG | 2017

number one

PnJ

Ang totoong pagsinta, parang rebolusyon ng daigdig sa araw. Hindi napapgod. Hindi sumusuko. Tuloy lang. Dahil ang bawat araw, pinagpupunyagian.Ipinaglalaban.


Isa pang Sana Pey

Hindi tulad ng naglalahong tanglaw ng mga bituin at napapagod na hampas ng alon sa dalampasigan, sana ang alaala natin ay naiiba.

Kalahating Dekadang Cliché’ PnJ

Ayaw na ayaw niya ng cliché. Cliché na tula, kwento, dahli, hugot o kahit ano. Pasaw na, panitik na walang pinagkaiba sa sinaunang panlasa. Ngunit sa sarili niyang kwento- cliché ding mga titik ang nagbunyag ng damdaming busilak at buo.

Unang Pag-ibig TÉCAG | 2017

43


patnugutan Editor-in-Chief INGOLD FAYE ARRIBE “Ang pusong tumitibok, wala pala talagang pinipiling panahon, walang iniiwasang pagkakataon. At sa katulad na dahilan, alam ko, na sampung taon mula ngayon o higit pa, ay itatangi rin kita.” Associate Editor REZIE DEN HANNAH USOP “Pag-ibig ang dahilan kung sino at ano ka ngayon.”

Managing Editor JOHN CLARK BUNGAY “Masaya ka kapag kasama mo siya, mas masaya siya ‘pag may kasama siyang iba.”

News Editor ELEANA MARIE TABANG “Ang mabuhay at magmahal sa’yo Pilipinas. Laging para sa’yo.”

Literary Editor RACHEL GANANCIAL “Malalayang salita, tanging ipinipinta ay ikaw, ang pag-ibig.”

Features Editor JESSETH NEZ PASAGAD “Love is the currency by which all nice things are sold.”

Sports Editor ALBERT VILLAMOR “Love is like my scream for dreams that remain unattained.”

Staff Writer JOHN PAUL FAVILA “Love is the most overused word ever conceptualized.”

Staff Writer RYAN ARAÑA “Wala nang hihigit pa sa sarap ng tamis ng pag-ibig at ChocoMonds ng Pan de Manila.” Staff Writer JAMAICA PEDERE “Love is tired. Its tired of being blamed when everything falls apart.Tired of risking until it lose. Love cares but labelled cruel. Love is tired.”


Staff Writer DEVORAH CLAIRE USOP “Love is the reason why we keep going on.”

Staff Writer ALZARA OMANDAM “I wrote crap when I thought we’re in wish-granting factory. At times when I thought having you could be possible. I was wrong.” Staff Writer REGINA CATBAGAN “Nothing is sweeter than a faithful romance that gives you wings to success.”

Staff Writer NOEMI CAMASO “Love filled my blank pages and burned it at the same time.”

Staff Writer JOMAR CASIMINA “Those we love the most, may hurt us the most and even with that, our love for them keeps getting deeper.”

Staff Writer BRITTNY TRINIDAD “Love yourself. That’s the most important love. For how can you learn to give love when you aren’t even capable of loving yourself and how do you expect others to love you when you don’t even know how to love the person you are.” Staff Writer ELYSSA GENE VASQUEZ “Love is built. It costs.”

Staff Writer ALEXIS FERNANDEZ “Love makes you YOU!”

Staff Writer TIMOTHY FAGUT “Once upon a time, in a galaxy far, far away, there was love-- I felt it get stronger and stronger the nearer I was to you.” Staff Writer CHARMAINE BALISONG “Love is eternal. It’s either you love staccatto and legato, or you did not love that person at all.”


Staff Writer JP JAVAREZ II “Kung tayo ay magmamahal hindi lang dapat natin tingnan ang mga positibong mayroon sa kanya. Tayo’y tumingin sa iba’t ibang anggulo.” Chief Illustrator RYAN JUSTINE MANREAL “Love, like fine wine and spirits, some things are better left to age.” Layout Artist/Illustrator MILCAH LAGUMBAY “There’ll always be those people who are good at remembering those who couldn’t love them and forgetting those who could.”

Layout Artist/Illustrator DIANA CADION “When my eye impinged with yours I knew, Fate collided us when he passed by”

Layout Artist/Illustrator JAYCEL ESPADON “Love is an unconditional commitment to an imperfect person.”

Photojournalist KARL MICHAEL NIERVA “Hearts on fire but I’ve always got cold feet.”

Tecag (Filipino)  
Tecag (Filipino)  
Advertisement