Page 1

www.pinoyweekly.org

espesyal

na isyu

m a t a p a t, m a p a n u r i , m a k a b a y a n

v0l. 10

h u ly o 2 0 1 1

pagbabago para kanino? State of the Nation Address ni PNoy Detalye mula sa orihinal na artwork ni Christopher Zamora na pinamagatang “Scrutiny.� Pagbabago sa kulay ni Tom Estrera III, icons sa mikropono ni Darius Galang.

Pangalawang SONA na ni Noynoy Aquino. Isang taon na siya sa puwesto. Kumusta na ang mahahalagang isyung dapat niyang inaasikaso? Sundan mula pahina 3.


editoryal

sona special issue

Sa Pinoy, di kay PNoy

Noong 2010, sumakay si Noynoy Aquino sa isang penomenong nilikha ng mahabang paglaban ng mga mamamayan sa isang kinamumuhing rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo. Nasa rurok ng galit kay Arroyo ang bayan nang mamatay ang lideroposisyon na si dating pangulong Cory Aquino. Mula rito, mabilis na lamang na naitulak si Noynoy sa pagkapangulo. Iyun lamang ang dahilan kung bakit nasa poder si Noynoy: Tulad ng ina, may impresyong ‘malinis’ (sa kabila ng partisipasyon niya sa masaker sa Hacienda Luisita noong 2004), walang alam (pero mabuti raw na iyun kaysa tuso), walang gagawin para yurakan ang alaala ni Cory at amang si Ninoy. Kaya nang mapakinggan natin ang kanyang unang talumpati sa Luneta Grandstand, at nang ideliber na niya ang unang State of the Nation Address, nangangako na “puwede na muli tayong mangarap” dahil nakaupo na siya sa Malakanyang -- hindi tayo agad-agad nakumbinsi. Nangako siya ng kaunlaran, ng pagbabago, ng malinis na gobyerno. Pero simula’t sapul ay pinasilip na ni Noynoy sa atin ang magiging hitsura ng kanyang pagkapangulo: Kamukhang-kamukha ng dating mga umupo. Iyun ay dahil simula’t sapul, inihayag na niya ang kanyang framework sa paggogobyerno: ang pagpapatuloy ng neoliberal na mga polisiya sa ekonomiya, ang walang-kahihiyang-dependensiya sa gobyernong US (lalo na sa usaping militar) sa pulitika, at ang masmaamong-mukha-pero-kasimbangisdin-ng-dati na patakaran sa pagsugpo diumano sa insurhensiya. Wala nang mas bubuti pang ehemplo ng kabangisan ni Noynoy kundi ang pagpapatuloy ng

KENDRIK BAUTISTA

Patatawarin na sana natin ang pag-hijack niya sa pangalang “Pinoy” -- kung naging tapat lang siya sa pagtupad sa interes ng mga mamamayang gusto niyang kapangalan. Pero hindi.

ekstrahudisyal na mga pamamaslang at pagdukot sa mga aktibista at pinaghihinalaang sumisimpatiya sa armadong oposisyon. Walang kasingbangis ang bigwas sa mga maralitang komunidad na dinedemolis, winawasak, sinusunog, at puwersahang “nililinis” para bigyang daan ang mga proyektong “pangkaunlaran” na bunga ng private-public partnerships. Walang kasingbangis ang pagtapyas niya sa badyet ng serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, kalusugan, pabahay, serbisyo sa mga migrante at kababaihan, at iba pang serbisyo. Sa pamamagitan ng kanyang appointees sa mga kagawaran ng pinansiya, agrikultura, badyet at pangangasiwa, at iba pa, at sa kanyang nakapuwestong mga kaalyado sa Kongreso, nakaumang na ang pagsasapribado ng 14 ahensiya ng gobyerno na dapat naglilingkod sa mga maralita. Maiksing panahon lamang ang isang taon, pero mabilis namang nararamdaman ang resulta ng ganitong kabangisan. Nakita sa mga sarbey ngayong taon na mabilis na nahuhubaran si Noynoy sa dumaraming bilang ng mga mamamayan. Ang kadalasang persepsiyon ng mga nalulugmok sa disilusyon kay Noynoy: walang pagbabago, walang

nagagawa, inutil, ang Pangulo. Ngunit kung tutuusin, nakikita nating hindi ito totoo: hindi inutil si Noynoy, may nagagawa siya, at may pagbabagong nagaganap. Hindi inutil si Noynoy sa malalaking negosyante, dayuhan at lokal. Marami siyang nagagawa para lalong buksan ang bansa sa panghihimasok ng militar ng US at dayuhang mamumuhunan sa serbisyong panlipunan. May nagbago sa mga mamamayang Pilipino sa ilalim ni Noynoy: Sumahol ang kanilang kalagayan. Tumaas ang presyo ng mga bilihin at singil sa mga serbisyo, lalong bumaba ang halaga ng di-nadadagdagang sahod ng mga manggagawa at kawani. Dumarami ang nawawalan ng bahay, pagkain sa mesa, pag-asa. Pana-panahon, nakikita natin ang mga patunay: hindi sa mga pangulong may sikat na apelyido ang tunay na pagbabagong makabubuti sa natin. Isang kilusang protesta ang nagwakas sa rehimen ni Arroyo (nagkataon lamang na nasakyan ni Noynoy). Pagkakaisa, pinakamalawak na posibleng pagkakaisa ng mga mamamayan, ang kailangan. Kung kaya mainam sabihin: Para sa mabuting pagbabago, kailangang magkaisa ang sambayanang Pinoy at ilantad ang kabulukan ni PNoy.

weekly 57 P. Burgos St. Proj. 4, Quezon City Email: pinoyweekly@gmail.com

Published by

PinoyMedia Center Email: pmc.philippines@gmail.com

Editorial Pool Darius R. Galang Tarik Garcia Kenneth Roland A. Guda Macky Macaspac Ilang-Ilang D. Quijano Soliman A. Santos contributing artistS Kendrik Bautista Tom Estrera III


serbisyong panlipunan 3

sona special issue

MARTSA patungong Senado ng mga estudyante at guro kaalinsabay ng pangkalahatang welga ng kabataang estudyante sa State Colleges and Universities sa buong bansa, noong Disyembre 2010. darius r. galang / pw file photo

Samantala, sa kabila ng kakulangan ng sapat na abot-kayang tirahan para sa mga maralita, pinangunahan pa ng National Housing Authority (NHA) ang mga demolisyon at tangkang demolisyon sa mga lugar tulad ng North Triangle sa Quezon City at Diosdado Macapagal Tenement sa Tondo, Manila. (Basahin ang kaugnay na artikulo hinggil sa demolisyon.) Ipinagpapatuloy naman ni Aquino ang paglaan ng pinakamalaking bahagi ng badyet sa bayad-utang panlabas at militar. Aabot sa P823.27-B ang pambayad utang ng gobyerno, kung isasama sa pambayad-interes ang pinambabayad sa principal amortization ng mga utang. Ibig sabihin, aabot ng 38.9 porsiyento ng pambansang badyet nito ang inilaan ni Aquino sa pambayadutang.

Atake sa pondo sa serbisyo Habang papalaki ang inilalaan sa pambayad-utang at militar, papaliit naman ang pondong para sa serbisyong panlipunan. Ito ang dikta ng IMF-WB na sinusunod ni PNoy. Ni Darius Galang

P

inipilit ng mga administrador sa mga pampublikong pamantasan at kolehiyo tulad ni Presidente Alfredo Pascual ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na maging optimistiko hinggil sa badyet ng kanilang mga institusyon. “Kailangang makumbinsi ang pambansang gobyerno na mabuting maglaan ng pondo para sa UP,” sabi ni Pascual, sa isang diyalogong inilunsad ng administrasyon ng UP sa mga mamamahayag na dinaluhan ng Pinoy Weekly noong Mayo 2011. Gayunman, inamin ni Pascual na polisiya ng gobyerno ang pagkaltas ng badyet ng edukasyon at mga batayang serbisyong panlipunan. Pinagkakaitan ng pondo Nitong nakaraang Hunyo, naging isyu sa UP ang mas istriktong implementasyon ng isang iskema para sa tuition and financial assistance ng pamantasan na ayon sa mga estudyante ay dumudulo sa mistulang pagtaas ng matrikula sa UP. Isa lamang ito sa mga paghihigpit ng sinturon ng state universities and colleges (SUC), at pinaka-apektado ang mga estudyante. Bunsod ng patuloy na pagbaba ng subsidyo ng pamahalaan ang pagtaas ng matrikula, pati na rin ang pagdadagdag ng iba’t ibang bayarin. At kung ang UP ay nagtitipid sa batayang

serbisyo at nagdadagdag pa ng ibang bayarin, ano pa ang nararanasan ng ibang SUC? Naranasan ng iba pang mga SUC gaya ng Polytechnic University of the Philippines, Philippine Normal University at Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology ang pagkaltas sa subsidyong matatanggap nila sa pamahalaan. Kaya naman iba’t ibang paraan upang kumita ang ginagawa ng mga ito, tulad na lamang ng pagtataas ng matrikula sa mga ito. At sa gitna ng patinding krisis pangekonomiya, dinagdagan pa ito ng iba’t ibang mga bayarin sa paaralan. Kapos ang badyet hindi lamang sa mga SUC, kundi kahit sa dapat mas pinaprayoritisa na batayang edukasyon. Ngayong taon, inamin ng administrasyong Aquino na kulang ng 100,000 guro, 150,000 klasrum, 13.5 milyong upuan at 95.5 milyong teksbuk. Sa kabila ito ng implementasyon ng “programang K+12,” na naglalayong pahabain nang dalawang taon ang primary at secondary education sa bansa.

P40-Bilyon noong 2010 tungong P38.6-B ngayong taon. Kinaltasan din ang badyet sa agrikultura ng 26 porsiyento; badyet sa enerhiya ng 65 porsiyento; at badyet sa transportasyon ng 5 porsiyento. Bumaba rin ang badyet ng Department of Foreign Affairs na nakalaan para sa legal assistance sa Overseas Filipino Workers. Mahigit 50 porsiyento ang kinaltas sa badyet nito, mula P200-M patungong 109.3-M. P823.3-B

P207.2-B P173.9-B

Kapos panggastos sa kalusugan Hindi lamang edukasyon ang kinaltasan ng badyet para sa taong 2011. Kasabay ng pagkaltas ng 26 porsiyento ng badyet ng mga SUC, kinaltasan din ng 3.5 porsiyento ang badyet para sa mga serbisyong pangkalusugan, mula sa

P38.6-B

source: 2011 National Budget, DBM

Lumobo naman sa 81% (P104.5-B mula sa P57.67-B) ang badyet ng militar. Sa kabila ng masamang rekord ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagrespeto sa karapatang pantao sa pagkondukta nito ng programang kontra-insurhensiya, tinaasan naman ng badyet ni Aquino ang militar at pulisya. Bakit patuloy na kinakaltasan ng administrasyong Aquino ang badyet sa mga serbisyong panlipunan? Sa kabila ng mga pangako nitong “pagbabago” sa paggogobyerno, tali pa rin si Aquino sa programang neoliberal bilang landas para sa ekonomiya. Ang programang ito, siyempre, ay itinutulak ng mga institusyong tulad ng IMF at World Bank, na pumupuno sa kakulangan ng pondo ng gobyerno sa badyet nito. Kapalit ng pagpapautang ang structural adjustment programs na, sa kadulu-duluha’y papabor sa mga korporasyong gustong magnegosyo sa Pilipinas, o iyung tinaguriang monopolyo-kapitalista. Kongkretong manipestasyon ng pagpabor na ito ang tinagurang private-public partnerships na papasok sa pagnenegosyo ng mga serbisyong pampubliko. Sa madaling salita, hindi makakaasa ang mga tulad ni UP Pres. Alfredo Pascual, ang mga SUC, at ang kabataang Pilipino – at ang mamamayang Pilipino – na biglang gigising na lamang si Aquino at makukumbinsing paglaanan ng sapat na pondo ang serbisyong panlipunan.


4

balita

sona special issue

Sa unang taon sa puwesto:

‘PNoy bagsak’

Malalaking karatula ng mga letrang bumubuo ng salitang “FAIL” (bagsak) ang bitbit ng mga demonstrador na nagmartsa patungong Mendiola Bridge sa Maynila para markahan ang unang taon ng administrasyong Benigno Aquino III. Sa protestang pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), kinakatawan ng karatula ang grado ng militanteng mga organisasyon sa unang taon ni Aquino sa panunungkulan. “Binibigyan natin si Aquino ng gradong ‘4’, sa 5 bilang pinakamababa, para sa performance niya sa ekonomiya, karapatang pantao, polisiyang panlabas at governance,” pahayag ng Bayan. Kabilang sa mga dahilan ng “pagbagsak” ni Aquino: (1) Di pagtugis ni Aquino sa dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo; (2) Pagtaas ng kawalang empleyo, presyo ng mga bilihin, kagutuman; (3) 48 kataong biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa loob ng isang taon at kawalan pa rin ng pananagutan sa mga abuso sa karapatan noong nakaraang rehimen; (4) Di pagtulak ng tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon; (5) Pagkakaroon ng maraming problema sa panunungkulan na

sangkot ang mga appointee ni Aquino na tinaguriang “kakampi, kabarkada, kaklase at kabarilan”; (6) Di pagtupad sa pangako noong nangangampanya pa lamang siya na repasuhin ang RP-US Visiting Forces Agreement. Samantala, pesimistiko ang Bayan sa panawagan ni Aquino sa pambansang pagkakaisa na “Pilipinas Natin.” “Kakaiba na ipinagdiwang ni Aquino ang unang taon ng panunungkulan nito habang wala namang dapat ipagdiwang sa kalagayan ng bayan. Pinaglilingkuran lamang ng pagdiriwang na ito ang rehimen,” ani Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan. Samantala, umaga ng Hunyo 30, marahas na dinispers ng mga pulis ang protesta ng Kilusang Mayo Uno (KMU). “Sa unang taon niya sa poder, pinawi ni Aquino ang lahat ng pag-asang maaampat ang kahirapan, kahit di pa maaalis, sa kanyang termino,” sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.  Muling iginiit ng KMU ang P125 makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa. Iginiit naman ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ang P6,000 dagdag sa buwanang suweldo sa kawani.

Dagdag-pasahe sa LRT/MRT, pinababasura

Pista ng pakikibaka ng mamamayan ng daigdig ipinagdiwang sa Maynila

Nanawagan ang Anakbayan ng pagbabasura ng panukalang dagdag -pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) sa pagkakatalaga ni Manuel Roxas III bilang kinatawan ng Departamento ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC). Hinamon ni Vencer Crisosotomo, tagapangulo ng Anakbayan, si Roxas na tuluyang itigil ang taas-singil sa MRT at LRT. “Hindi magmistulang isda sa palengke na inilalako sa mga negosyante ang mga serbisyong transportasyon,” ani Crisostomo. Panawagan ng grupo na bahain ng reklamo sa text na may nakasulat na “No to LRT-MRT fare hikes” ang DOTC text complaint hotline ni Roxas. Umupo si Roxas sa opisina noong Hulyo 1.

Bilang paggunita ng mga pakikibaka sa gitna ng palalang krisis pandaigdigan, ginanap ang International Festival of People’s Rights and Struggles (IFPRS) noong Hulyo 4-6 sa Maynila. Naging layunin ng IFPRS ang paggunita sa nagdaang mga kaganapan sa iba’t ibang panig ng mundo na nagpakita ng palalang kalagayan ng pandaigidgang situwasyon, tulad ng mga naranasang food riot sa Algeria, Morocco, at Chile, at mga kilos protesta laban sa mga austerity measure tulad sa Pilipinas, at sa Greece, France, at iba pang bansa sa Europa. Naging pagkakataon din ang IFPRS para makapagpalitan ng kani-

Bagsak si Pang. Benigno Aquino III sa pagtaguyod sa karapatang pantao, pagkontrol sa presyo ng mga bilihin, at iba pang isyu, sa unang taon ng kanyang macky macaspac panunungkulan, ayon sa militanteng mga organisasyon.

kanilang karanasan ang mga kalahok na magmula sa iba’t ibang bansa, at upang bigyang-pugay din sa mga tagumpay at aral mula sa pakikibaka ng sambayanan sa iba’t ibang panig ng mundo. Inilunsad ang programa noong Hulyo 4 sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City. Pinangunahan ng tanyag na progresibong mga personalidad tulad ni Ramsey Clark ng US ang pambungad na mga talumpati kasama na rin ang panel ng mga eksperto sa karapatang pantao at pakikibaka. Susundan ito ng iba’t ibang mga kaganapan sa mga piling lugar sa naturang kampus. Kasama sa mga organisador ang

Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Concerned Artists of the Philippines, Habi Arts, Ibon Foundation, International Migrants Alliance (IMA), International Women’s Alliance (IWA), League of Filipino Students, Peace for Life, Peoples’ Action Network, People’s Coalition on Food Sovereignty (PCFS), People’s Movement on Climate Change (PMCC), RESIST, at ng UP College of Mass Communication. Halos kasabay naman ng IFPRS na naganap ang unang Agitprop International Film Festival, na pista ng mga pelikulang nagpapakita ng mga pakikibaka sa daigdig. Ginanap din sa naturang panahon ang makasaysayang mga asembliya ng IMA at IWA. Sumunod naman ginangap ang asembliya ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS).


repormang agraryo

sona special issue Naghihintay pa ring maipagkaloob sa kanilang mga magsasaka ang Hacienda Luisita na inaangkin ng pamilyang CojuangcoAquino. Ni Soliman A. Santos

Paglaya ng nagbungkal sa lupa Aquino para mapanatili sa kanila ang lupa. Kabilang dito ang compromise agreement na pinasok ng manedsment at umano’y pekeng mga lider-magsasaka na pumapabor sa SDO noong nakaraang taon. Matagal na ring ipinanawagan ng mga magsasaka ang pagpapaalis ng mga militar sa asyenda dahil naghahasik umano ng takot ang mga ito lalo na sa mga magsasakang nakikibaka para sa kanilang karapatan sa lupa. Kuwento ni Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union (ULWU), hindi lamang isang beses na may armadong tao na umaaligid sa kanilang bahay. Sa ngayon ay nananatili pa rin ang ilang detatsment ng militar sa loob ng asyenda.

Mga magsasakang nagtatanim ng palay sa Hacienda Luisita, Tarlac.

administrasyong Aquino. Ayon kay Ramos, dahil sa pagkabigo ng Korte Suprema na magdesisyon sa isyu hanggang ngayon, lalong magpapaapoy pa ang magsasaka sa pakikibakang agraryo. Matagal nang sinasabi ng mga magsasaka na kung paano mareresolba ang kaso ng Hacienda Luisita ay magiging halimbawa kung paano ireresolba ang iba pang usaping agraryo sa iba pang asyenda sa buong bansa na may katulad na iskema. Kabilang dito ang Hacienda Looc sa Batangas, Araneta properties sa hangganan ng San Jose Del Monte, Bulacan at Rodriguez, Rizal, Hacienda Yulo sa Laguna, Hacienda San Antonio at Sta. Isabel sa Isabela at sa mga asyenda ni Eduardo Cojuangco sa isla ng Negros. Kaya napakahalaga para sa mga magsasaka ang magiging desisyon ng korte.

kr guda

A

ng pamamahagi nang libre ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka ang tanging makatarungan at katanggap-tanggap na solusyon sa mahigit kalahating siglong usaping agraryo sa asyenda ni Pang. Benigno Aquino III.” Ito ang sabi ni Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Ngunit bago ang libreng pamamahagi ng lupain ng Luisita, kailangan munang pumabor ang Korte Suprema sa mga magsasaka at dati nang desisyon ng Presidential Agrarian Reform Council (PARC) at Department of Agrarian Reform (DAR) na ipamahagi ito. Para sa mga magsasaka, kung tanging katwiran at katarungan lang ang masusunod, walang ibang maaaring maging desisyon ang korte kundi pumabor sa kanila. Simula noong 2005, nakabinbin na sa kataas-taasang hukuman ang pagbabasura sa SDO o stock distribution option, ang iskema sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na ginamit ng mga Cojuangco-Aquino, sa halip na ipamahagi sa mga magsasaka ang lupa. “Pinalakas lamang ng CARP sa pamamagitan ng SDO ang kontrol ng mga Cojuangco sa Hacienda Luisita at lalong nagpahirap sa mga manggagawang bukid,” sabi pa ni Ramos. Pinagpasyahan ng PARC at DAR na kanselahin ang SDO mahigit isang taon matapos ang masaker sa nagwewelgang noo’y mga manggagawang bukid noong Nobyembre 6, 2004. Hinarang naman ito ng mga Cojuangco-Aquino sa Korte Suprema na nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) noong Hunyo 2006 na umabot na sa ikalimang taon ngayon. Muling binigo ng Korte Suprema ang mga magsasaka nang muli nitong ipagpaliban ang desisyon sa Luisita. At naganap ito sa panahon ng ika-23 anibersaryo ng CARP, ang sinasabing “palpak” at bigong programa sa pagrereporma sa lupaing agrikultural na pinasimulan ng dating pangulong Corazon Cojuangco Aquino, ina ni Pangulong Aquino, at pinalawig bilang CARP Extension With Reforms (Carper) ng nakaraang rehimeng Gloria Arroyo at sinuportahan ng kasalukuyang

5

“Ang laban ng Hacienda Luisita ay hindi lamang usapin ng mga magsasaka; ito ay laban ng mga mamamayang Filipino laban sa piyudal na sistema na pumipigil sa ating bansa para makausad at umunlad,” paliwanag naman ni Joseph Canlas, tagapangulo ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon. Taktika at maniobra Iginiit naman ni Ramos na ang matagal nang hinihintay na desisyon ng Korte Suprema ay lalong nagpapatagal sa paghihirap ng mga magsasaka sa Luisita. Nagiging daan din umano ito para makapagpatuloy sa pagmamaniobra ang mga Cojuangco-Aquino para lalong palakasin ang kanilang kontrol sa asyenda. Sa panahon ng pagkabinbin ng usapin sa SDO, sari-saring taktika na umano ang ginamit ng mga Cojuangco-

Kung pumabor o hindi Kung magdesisyon ang Korte Suprema pabor sa mga magsasaka, sinabi ni Jobert Pahilga, abogado ng mga manggagawang bukid sa asyenda, hindi pa tapos ang laban nila. Kailangang harapin: Sino ang kikilalaning benepisyaryo at ano ang batayan na gagamitin sa pagtukoy sa kanila at kung ilang ektarya ang ipamamahagi? Para kay Pahilga, ang dapat umanong maging basehan ng benepisyaryo ang listahan na ginamit noong 1989, kung kailan ipinatupad ang SDO. Nilinaw ni Pahilga na hindi dapat kilalaning benepisyaryo ang mga superbisor at mga empleyadong nakipagkompromiso at mga naging “tuta” ng mga Cojuangco. Sa halip, sasampahan pa nila ang mga ito ng diskuwalipikasyon. Sa usapin ng lupang ipamamahagi, sinabi ni Pahilga na lahat ng maaaring sakahin sa 6,000 ektarya, ito man ay naging sabdyek ng conversion o hindi ay dapat ipamahagi sa mga benepisyaryo. “Noong oral argument sa SC (Supreme Court), sabi ng HLI, 4,100 na lang ang natitira dahil nabawasan ng 500 na naibenta noong 1995 at ngayon ay may conversion order. Nabawas din ang lupang nasakop ng SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway). Ang tingin natin, dapat itong isama. “Ang conversion order kasi ay sa ilalim ng SDO scheme din. So nang ma-revoke ang SDO, dapat revoked na rin ito,” diin ni Pahilga. Pero kung sakaling magdesisyon ang Korte Suprema pabor sa HLI Management, magiging malaking usaping muli sa bansa ang Hacienda Luisita, ani Pahilga. sundan sa pahina 11


6

kapayapaan

Hindi kapayapaan ng sementeryo, kundi kapayapaang nakamit dahil may panlipunang hustisya -- iyan ang dapat na pakay sa usapang pangkapayapaan. Ni Kenneth Roland A. Guda

H

sona special issue

Tunay na kapayapaang hangad ng karamihan

angarin ng lahat ang kapaypaan. Hangad ito kahit ng rebolusyonaryong National Democratic Front of the Philippines (NDFP), kabilang ang armadong New People’s Army (NPA). Iginigiit nilang hindi sila nag-aalsa laban sa gobyerno ng Pilipinas nang walang dahilan. Kagustuhang baguhin ang bansang lugmok sa kahirapan at pagsasamantala ang nagtulak sa kanilang mag-alsa. Kung kaya mahalaga at kailangang suportahan ng publiko ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at gobyerno ng Pilipinas (GPH). Pagpapatuloy sa usapan Pinakahuling kabanata sa negosasyon ang pormal na pag-uusap ng dalawang panig noong Pebrero 2011. Matapos ang limang taong pagkabalam, muling nagkaharap sila sa Oslo, Norway. Sa susunod na mga buwan,

Sa punto-de-bista ng NDFP: Kapayapaang batay sa hustisya Kapayapaan ang pakay ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Pero hindi “kapayapaan ng sementeryo” ang hiling nila, kundi kapayapaang “batay sa katarungan.” Ito ang kapayapan, anila, para sa mga mamamayang pinagsasamantalahan sa kasalukuyang sistema. Ayon sa NDFP, makakamit ito kapag naagaw na nito ang kapangyarihan mula sa mga naghaharing uri, ang “imperyalistang US, at ang mga burges kumprador at panginoong maylupa.” Malaking hakbang sa pagkamit nito ang usapang pangkapaypaan – kung papayag ang gobyerno ng Pilipinas (GPH) sa mga reporma sa ekonomiya at pampulitika. Isang koalisyong gobyerno ang maaaring buuin ng GPH at NDFP. Isa itong “anti-imperyalistang koalisyong gobyerno,” ani Rafael Baylosis ng NDFP, dahil wawakasin nito ang matagal na pagkatali at pagkayupapa ng bansa sa “imperyalistang interes,” pangunahin ng gobyerno ng US. Ngunit, ani Baylosis, kung hindi tatanggapin ng gobyernong Aquino ang alok ng “anti-imperyalistang koalisyon,” handa silang maghintay sa susunod na mga adminstrasyon. Handa rin umano ito sa ipagpatuloy ng armadong paglaban para makamit ang kapayapaan para sa mga mamamayan.

ritwal ng “bagawas” na nilahukan nina Ednar Dayanghirang ng GPH at Rafael Baylosis ng NDFP para sa pagbibigkis ng dalawang panig na sundin ang pangakong tuparin ang kasunduan hinggil sa kapayapaan. Ayon sa mga katutubo ng Kordilyera, ang sinumang hindi tutupad sa kasunduan ay makakaranas ng iba’t ibang sakit tulad ng pigsa. Naganap ito noong ika-27 Araw ng Kordilyera sa Lacub, Abra noong Abril. macky macaspac

ipagpapatuloy ang nabalam na adyenda: mga repormang sosyal at pang-ekonomiya. Matapos lagdaan ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (Cahrhihl) noong 1998, pag-uusapan na ang mga reporma sa ekonomiya na ugat ng digmaan. Pinangunahan ni Alexander Padilla ang negotiating panel ng GPH, samantalang pinangunahan ni Luis Jalandoni ang panel ng NDFP. Miyembro ng GPH panel sina Pablito Sanidad, Ednar Dayanghirang, Maria Lourdes Tison, at Jurgette Honculada. Samantala, nasa panel naman ng NDFP sina Fidel Agcaoili, Julieta de Lima-Sison, Asterio Palima, at Coni Ledesma. Sa adyendang ito, pinangunahan ni Dayanghirang ang reciprocal working committee (RWC) ng GPH, samantalang pinangunahan ni de Lima-Sison ang para sa NDFP. Layunin nilang bumuo ng isang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser). Pagbabago sa ekonomiya Ayon sa GPH Panel, kasalukuyang nakikipagdiyalogo sila sa “stakeholders” hinggil sa dapat daw lamanin ng mga repormang iaalok ng GPH. Sa nakaraang mga pampublikong pagtitipon hinggil sa Caser, lumalabas na wala pang buong plano ang gobyerno hinggil dito.

Sa Second National Assembly ng Pilgrims for Peace noong Mayo 14, inilahad ni Dayanghirang ang pagtingin sa loob ng gobyerno na “pagkasira ng kalikasan” ang ugat ng kahirapan sa bansa. (Tingnan ang flow chart sa ibaba) Ngunit matapos iprisinta’y binawi ito ni Dayanghirang. Aniya, nagbabago kasi ang pagtingin nila sa ugat ng kahirapan. Samantala, taong 1995 pa inihanda ng NDFP ang una nitong burador ng Caser. Batayang mungkahi ng rebolusyonaryong kilusan ang

pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa bilang sangkap ng pagbabago sa ekonomiya. Kailangan nito, ani Rafael Baylosis, miyembro ng RWC-Caser ng NDFP, ang pagtatatag ng isang makabayang (at “kontra-imperyalistang”) koalisyong gobyerno ng NDFP at GPH na sabay na magpapatupad ng mga reporma. Iniuugat ng NDFP sa kawalan ng sariling lupa ang mga mayorya ng magsasakang Pilipino ang pagkaatrasado ng agrikultura ng bansa.

GPH RWC-Social and Economic Reforms Draft Framework Genuine Peace

Sustainable Development and Human Security

Social Protection (Preferential policies and programs for the poor and marginalized sector) POVERTY

Efficient,effective and responsive delivery os social and economic services especially for the disadvantaged sector POOR DELIVERY OF BASIC SERVICES

Recognition and protection of the IP’s right to selfdetermination EXPLOITATION OF INDIGENOUS PEOPLE

Asset Reform (Wealth Creation & Redistribution,& Human Capital Formation) INEQUITABLE DISTRIBUTION OF WEALTH AND RESOURCE BASE

Inclusive economic growth, Industrial polocy and agricultural development UNEMPLOYMENT AND UNDEREMPLOYMENT

Conservation, Protection and Rehabilitation of Environment and Natural Resources (Environmental damage due to natural causes and misuse and abuse of environment and natural resources which leads to scarcity and unjust distribution of resources.)

Flow chart ni Ednar Dayanghirang bilang framework ng GPH para sa Caser


karapatang pantao

sona special issue

Bara sa usapan Noong Hunyo 2, nagsulat si Jalandoni kay Padilla na nagtatanong hinggil sa pangako ng gobyerno na magpalaya ng

mga konsultant ng NDFP na kinulong ng GPH. Nakatungtong ito sa Enero 18 Joint Communique na nagsasabing “[t]he GPH Panel agreed to work for the expeditious release of detained NDFP consultants and other Jasig-protected persons in compliance with the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig) and in the spirit of goodwill.” Minaliit ni Teresita Deles, presidential adviser on the peace process ng GPH, ang Jasig. Sinabi niya noong Hunyo 3 na “non-substantive issue” ito. Kinuwestiyon din ng GPH kung sakop ng Jasig ang detinidong mga konsultant ng NDFP nina Alan Jazmines at Tirso Alcantara. Sinabi ni Jalandoni na mahalaga sa usapang pangkapayapaan ang pagpoprotekta sa mga konsultant at miyembro ng NDFP na sangkot sa usapan at para maglikha ng atmosphere para sa walang-hadlang na makapagtrabaho sundan sa pahina 13

Concise Agreement na ipinanukala ng NDFP Noong Agosto 2005, iminungkahi ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang isang concise agreement para mawakasan ang armadong tunggalian. Binuo ito matapos kuwestiyunin ng gobyernong Arroyo ang adyenda ng usapang pangkapayapaan na napagkasunduan sa The Hague Joint Declaration noong 1992. Layunin nitong sakupin ang lahat ng mahahalagang repormang pag-uusapan sa bawat adyenda ng negosasyon. 1. Unite the Filipino people through a broad alliance of patriotic and progressive forces and a clean and honest coalition government for genuine national independence and democracy against any foreign domination or control and against subservience. 2. Empower the toiling masses of workers and peasants by respecting their democratic rights and providing for their significant representation in organs of the coalition government and for assistance to the organizations, programs and projects of the toiling masses. 3. Uphold economic sovereignty, carry out Filipino-owned national industrialization and land reform and oppose imperialist plunder and bureaucratic and military corruption in order to develop the national economy. 4. Cancel the foreign debt and reduce the appropriations for the military and other armed organizations of the GPH in order to provide adequate resources and savings for economic development, improvement of the means of livelihood, the alleviation of poverty, the realization of gender equality, promotion of children’s rights and welfare and healthy environment. 5. Promote and support a patriotic, scientific and pro-people culture through the educational system, mass media and mass organizations, cherish the cultural heritage of the Filipino nation and all the ethno-linguistic communities in the country. 6. Recognize the right to self-determination and autonomy of national minorities, ensure proportionate representation in organs of the coalition government and institutions and provide for affirmative action to countervail longrunning discrimination and wrongs. 7. Investigate and try government officials who are liable for treason, corruption and human rights violations. 8. Carry out a truly independent foreign policy for world peace and economic development, oppose imperialist acts of plunder and foreign aggression and intervention, and prevent the basing and stationing of foreign troops and weapons of mass destruction in the country. 9. Maintain normal trade and diplomatic relations with all countries and develop the closest of relations with other ASEAN countries, China, South and North Korea, Japan and Russia, emphasizing equable exchange of goods, acquiring goods for industrialization and guaranteeing energy supply. 10. Inaugurate a truce between the warring forces of the GPH and NDFP for the purpose of alliance and other constructive purposes as stated above.

Paglaya ng bilanggong pulitikal, iginiit kay PNoy

H

inamon ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda) si Pang. Benigno Aquino III na palayain ang mahigit 300 bilanggong pulitikal na kasalukuyang nakapiit sa 63 piitan sa buong bansa. Isang magpapatunay umano ang mga paglaya sa ipinangangalandakan ni Aquino na “daang matuwid” at pagrespeto sa karapatang pantao. Panawagan ng grupo ng “general, unconditional and omnibus” na amnestiya para sa mga bilanggong pulitikal. Pero sinabi ng Selda na kaiba ito sa amnestiyang ipinagkaloob sa mga rebeldeng sundalong kasapi ng Magdalo, na kailangang aminin ang kanilang pagkakasala bago mabigyan ng amnestiya. Usaping pulitikal Sa diyalogo sa Department of Justice (DOJ) ng Selda at Karapatan, sinumite nila kay Justice Sec. Leila de Lima ang listahan ng 336 na bilanggong pulitikal, kalakhan sa listahan ay inaresto sa panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at 29 naman sa panahon ni Aquino. Sinabi naman ni de Lima sa midya na mahirap daw ang kahilingang palayain ang mga bilanggong pulitikal. Kailangang isa-isahin daw ang mga indibidwal na kaso upang tikayin kung kuwalipikado ba ang mga ito sa anumang amnestiya, at sinabing pagaaralan ang listahan ng Presidential Committee for Bail, Recognizance and Pardon, na pinamumunuan ni de Lima. Isang usapin rin ang depinisyon ng katawagan na bilanggong pulitikal,dahil wala umano sa domestic law ang naglilinaw kung ano ang depinisyon nito, ayon sa kalihim ng DOJ. Sinabi pa ni de Lima na maaaring isaalangalang ng gobyerno na magkaroon ng depinisyon na katanggap-tanggap sa magkabilang panig. Ngunit inilinaw ng Selda na mga bilanggong pulitikal ang mga taong sinusupil dahil sa kanilang

kr guda

Monopolisado ng iilang panginoong maylupa ang mga lupaing agrikultural ng Pilipinas. Solusyon ng malawakang karalitaan sa kanayunan ang pagbuwag ng monopolyong ito at sustenidong suporta sa mga magsasaka. Kailangang isabay umano ito sa pambansang industriyalisasyon. Imumungkahi ng NDFP sa administrasyong Aquino ang pagtukoy ng 20 mayor na proyektong pangindustriyalisasyon. Ayon sa NDFP, matatagpuan sa Pilipinas ang halos lahat ng batayang rekursong kailangan para maging industriyalisado ang bansa. “Mayaman sa rekursong mineral ang bansa,” ani Baylosis. “Kabilang tayo sa top producers ng copper, nickel, chrome, zinc, gold at silver sa mundo.”

7

mga pampulitikang paniniwala, at sinasampahan ng mga kasong kriminal upang itago ang paglabag sa kanilang karapatan. Ganito, halimbawa, ang nangyari sa mga gawa-gawang kaso sa Morong 43, Bicol 5, ST 72 at sa mga matagal ng nakakulong na Basilan 73 (ordinaryong mga Moro na ilegal na inaresto sa Basilan noon pang 2001). Kasama rin sa hinihiling ng grupo ang pagpapalaya sa mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na inaresto kahit protektado sila ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees ( Jasig), kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas (GPH) at NDFP para tuluyang makalahok ang mga rebolusyonaryong negosyador sa usapang pangkapayapaan. Sinabi ng mga tagataguyod ng karapatang pantao na dapat umano ipakita ni Aquino ang sinseridad sa pamamagitan ng pagsunod niya sa pamana ng ina na nagpalaya sa mga bilanggong pulitikal ng walang kondisyon noong 1986 at nagbigay daan sa pagbubukas ng usapang pangkapayapaan. Wala pa rin umanong ipinapakitang malinaw na direksiyon ang gobyernong Aquino sa paglutas sa mga paglabag sa karapatang pantao. Sa loob ng halos isang taon ng panunungkulan nito, sa tala ng Karapatan noong Hunyo 18, 2011, mayroon nang 48 biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang at limang kaso ng sapilitang pagkawala. Ni Macky Macaspac


H

abang pinanonood ang demolition team na ginigiba ang mga istruktura sa Diosdado Macapagal Tenement sa Vitas, Tondo, Maynila, mahigpit ang hawak ng 84-anyos na si Elena Pagayon sa lumang litrato ng kanyang bahay. Isa si Nanay Elena sa pinakaunang mga benepisyaryo ng programang pabahay noong 1937 ni Pang. Manuel L. Quezon. “Gusto mo ipakita ko ang titulo?” aniya. May kaugnayan umano ang demolisyon sa pagsasapribado ng Manila North Harbor—pauupahan ang lupa sa mga shipping company, sa halip na sa mga maralita. Minarkahan ng mga demolisyong gaya nito ang unang taon ni Pang. Benigno Aquino III. Sino ang makakalimot sa tangkang demolisyon at depensa ng mga maralita sa North Triangle, Quezon City? Dahil napahiya sa naisapublikong karahasan sa kahabaan ng EDSA habang nasa Estados Unidos, nagdeklara noon si Aquino ng moratoryo sa demolisyon. Pero nagpatuloy ang mga demolisyon. Sa Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan noong Enero. Sa Brgy. Kadiwa, Navotas noong Marso. Sa Laperal Compound sa Guadalupe noong Mayo. Nagtapos ang moratoryo sa demolisyon noong Abril. Pero ang problema ng maralitang lungsod sa ilalim ni Aquino, nagsisimula pa lang. DILG: Problema ang relokasyon Sabi ni Kal. Jesse Robredo ng Department of Interior and Local Government (DILG), isa sa apat na pamilya o 556,526 na pamilya sa National Capital Region (NCR) ang tinataguriang informal settlers. Si Robredo ang namumuno sa Technical Working Group (TWG) para sa problema sa pabahay. Naninirahan ang mga maralita sa

Demolisyon sa lupaing para sa negosyo

mapanganib na mga lugar, pribadong lupain, o pampublikong lupain kabilang na ang nakatakdang tayuan ng mga proyektong pangkaunlaran. Malinaw na kulang ang pabahay ng gobyerno. Sa 18 relocation sites ng National Housing Authority (NHA) para sa mga maralita sa NCR, nasa 32,762 na lamang ang natitirang mga yunit. Ibig sabihin, may mahigit sa kalahating milyong pamilya pa ang walang pabahay. Inamin pa ni Robredo na kontramahirap, kaya’t hindi nagtatagumpay, ang paglilipat ng mga pamilya sa malalayong relokasyon kung saan walang trabaho: “Ito ang dahilan kung bakit hindi sila makapagbayad ng buwanang amortisasyon… Bumabalik din sila sa pinagmulang mga komunidad.” Sa Sitio San Roque sa North Triangle, halimbawa, bumalik na ang karamihan sa mga pamilyang nag-relocate sa Montalban, Rizal. Sa pagdinig ng Kamara

noong Mayo, iniulat ng Presidential Commission on the Urban Poor (PCUP) ang pagbalik ng relocatees dahil hindi disente ang relokasyon—walang ospital at eskuwelahan, walang regular na tubig at kuryente, walang trabaho. Isa sa naunang mga relocatee sa Montalban si Carlito Badion, tagapagsalita ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay). Dati siyang nakatira sa gumuhong bahagi ng Payatas noong 2000. Sa 525 pamilya na inilipat noon, tinatayang 200 na lamang ang natitira sa Montalban. “Karamihan, bumalik na sa tambakan o sa probinsiya,” aniya. Pinatitibay ng ulat ng DILG ang paniniwala ng Kadamay na hindi lamang pabahay ang kailangan, kundi serbisyong panlipunan at trabaho. Tinalikurang pangako sa maralita Trabaho’t serbisyo ang kabilang sa ipinangako ng pangulo noong

nangangampanya pa lang siya. Saksi ang mga maralitang lungsod sa Tondo, pumirma si Aquino sa Covenant with the Urban Poor noong Marso 2010. Ipinangako niya na walang demolisyon hangga’t walang disenteng relokasyon, relokasyon sa loob ng lungsod (in-city resettlement), serbisyo at trabaho. Tila tinalikuran na ng pangulo ang mga pangakong ito. Inatrasan na niya maging ang in-city resettlement, sa kabila ng paborableng rekomendasyon dito ng TWG. Ayon kay Robredo, mas matipid ang pagpapatayo ng mga mediumrise building (MRB) sa lungsod kaysa malalayong relokasyon kung ikukuwenta ang mga ospital at eskuwelahan na kailangang ipatayo sa relokasyon, at ang masamang epekto ng inilalayo ang mga pamilya sa trabaho. Subalit sa halip na kilalanin ito, inilunsad ni Aquino ang programang “Balik-Probinsya.” Nangako siyang bibigyan ang 500,000 maralitang pamilya ng tig-isa at kalahating ektaryang lupain sa kanayunan. Panlilinlang ito, ayon sa Kadamay. “Halos lahat ng lupa sa kanayunan, kontrolado ng mga panginoong maylupa at malalaking negosyante. Sino ang magbibigay ng lupa? Maniniwala pa ako kung mauna niyang ipamigay ‘yung lupain ng pamilya niya sa Hacienda Luisita,” ani Badion. PPP at demolisyon Bakit pinaaalis ang mga maralita sa puso ng lungsod? Paalisin, halimbawa, sa North Triangle, na pinauupa ng NHA sa Ayala Land Corp. bilang bahagi ng itatayong sentro ng komersiyo o QC Central Business District? Sa naunang mga negosasyon, nangako ang NHA at Ayala na halos kalahati ng 10,000 pamilya doon ang bibigyan ng kapirasong lupain na patatayuan ng MRB, at magiging prayoridad sa lilikhaing mga trabaho. Pero inamin ni Froilan Kampitan, asst. general manager ng NHA, na hindi ito natupad dahil “masyadong mataas” ang halaga ng lupa sa North Triangle, nasa P21,000 kada metro kuwadrado. “Kung tutuusin, puwede naman talagang idebelop ‘yung komunidad.

Giyera ni PNoy kontra sa mga maralitang lungsod Kahit na nagdeklara ng moratoryo si PNoy, walang patid ang demolisyon sa iba’t ibang maralitang komunidad sa Kamaynilaan. Ito ang ilan sa mga komunidad na dinemolis o tinangkang North Triangle, Quezon City idemolis. Setyembre 2010 Litrato nina Macky Macaspac, KR Guda, Ilang-Ilang Quijano at Tudla Productions

Pinaglabanan, San Juan Enero 2011

Kadiwa, Navotas Marso 2011

Laperal Compound, Makati Mayo 2011

Macapagal Tenement, Tondo, Manila Hunyo 2011

Ang problema lang, mas pumapabor ang gobyerno sa mga negosyante,” ani Badion. Sa ganitong balangkas ng paggamit sa pampublikong lupain, lumalabas na sangkap ang demolisyon sa Public-Private Partnerships (PPPs). Ito’y mga proyekto ng gobyerno na katambal ang pribadong sektor, ang sentro ng programang pangkaunlaran ni Aquino. Kabilang dito ang pagtayo ng mga imprastruktura at sentro ng komersiyo. Sa NCR, tinataya ng DILG na may 35,602 na maralitang pamilya ang nakatira sa mga lugar na may proyektong imprastruktura at “Areas for Priority Development.” Tinataya naman ng mga grupong maralita na mas malaki pa ang aktuwal na bilang ng mga pamilyang apektado sa mga proyekto gaya ng QCCBD, pribatisasyon ng Manila North Harbor at Navotas Fishport, konstruksiyon ng MRT 7 at C-5 Extension, at R-1 Expressway Extension. Kaunlaran sa lugar ng panirahan Hinamon ng Kadamay si Aquino na magdeklara ng moratoryo sa demolisyon nang walang taning, hangga’t walang maayos na plano ang gobyerno sa pabahay at sa pag-ahon ng mga maralitang lungsod. Sa paglikha ng trabaho, di umano maaasahan ang PPPs. “Ang lilikhaing trabaho, sa konstruksiyon na tatagal lamang ng anim na buwan hanggang dalawang taon. Mabuti sana kung mga pabrika at batayang industriya ang itatayo. Pero mga shopping mall at call center ang itatayo,” ani Badion. Sinalubong ng Kadamay ang rekomendasyon ng DILG na on-site development at in-city resettlement. Pero nagbabala sila na baka magkaproblema sa implementasyon dahil sa probisyon ng Urban Development and Housing Act na nililimita ang kwalipikadong benepisyaryo ng pabahay sa mga naninirahan sa isang lugar simula noong 1992 lamang. Dahil patuloy ang migrasyon sa lungsod bunga ng kahirapan sa kanayunan, maraming pamilya pa rin ang madedemolis. Sa huli, lumalabas na pansamantala at pampalubag-loob lamang ang mga programa ni Pangulong Aquino para sa maralitang lungsod: Conditional Cash Transfer sa halip na trabaho at serbisyong panlipunan, relokasyon sa halip na gawing bahagi ng tunay na kaunlaran sa lugar ng panirahan. Kaya’t kahit pa may hawak na titulo at tinuring na benepisyaryo ng pabahay, may dahilang mangamba ang mga gaya ni Nanay Elena. Walang puwang ang maralita sa mga lungsod na pinauupahan ng gobyerno sa malalaking negosyo.

Serbisyong ninenegosyo

Kunyari pagsugpo sa korupsiyon, yunpala pagtupad sa utos ng World Bank at US, ang pakay ni PNoy sa pagsasapribado sa mga ahensiyang dapat naglilingkod sa bayan. Ni Kenneth Roland A. Guda

P

agsasapribado ang solusyon ni Pang. Benigno Aquino III sa mga ahensiyang aniya’y lugmok sa korupsiyon noong nakaraang administrasyon. Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong 2010, pinuruhan niya ang National Food Authority (NFA): Bangkarote na umano ito dahil sa korupsiyon. Ang solusyon, ayon sa Department of Finance (DOF): pagpasa sa pribadong sektor ng mga tungkulin ng mga ahensiyang tulad ng NFA. Pero sa likod ng deklarasyong pagsugpo sa korupsiyon, ayon sa NFA Employees Association (NFAEA), ang pagbitiw ng gobyerno sa tungkulin nitong iregularisa ang suplay at presyo ng bigas – sa madaling salita, ang pagbitiw sa tungkuling paglingkuran ang mga mamamayan, laluna ang mahihirap. Ito ang isa sa mga preskripsiyong ipinupuwersa ng dayuhang pampinansiyang mga institusyong dominado ng gobyernong US, tulad ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank. Plano sa pagsasapribado Naniniwala ang NFAEA na kung naging seryoso lamang ang administrasyong Aquino, marami itong maaaring gawing hakbang para parusahan ang mga maysala. Sinabi sa SONA ni Aquino noong nakaraang taon na umangkat daw ang NFA noong panahon ni Pang. Gloria Arroyo ng 900,000 metrikong toneladang (MT) bigas noong 2004, kahit na 11,7000 MT lamang ang kulang sa suplay ng bigas sa bansa. Sinabi ni Aquino na maiuugat sa anomalyang ito ang pagkabangkarote ng NFA ngayon. Sa badyet ng administrasyong Aquino sa 2011, wala itong inilaang pondo para sa NFA. Umalma ang mga kawani, ilang mambabatas at ang mismong NFA kaya naibalik ang badyet nito – pero inawas sa maliit na ngang badyet ng Department of Agriculture. Para kay Roman Sanchez, pambansang pangulo ng NFAEA, indikasyon ito na seryosong itinutulak ni Aquino ang pagsasapribado ng isang mahalagang serbisyo tulad ng pagbenta ng murang bigas. At hindi pagsugpo sa korupsiyon ang pakay ng administrasyong Aquino, ani

Sanchez. Kasi, sa kabila ng pagkabangkarote ng NFA, nagawa pang italaga ni Aquino na sekretaryo ng pinansiya ang isa sa council members at tagapayo ni Arroyo sa usaping pang-ekonomiya na si Cesar Purisima. Nakapagpadagdag pa sa pagkabangkarote ng NFA ang pangungutang nito sa mga bangko ng gobyerno tulad ng Land Bank of the Philippines, Philippine National Bank at Development Bank of the Philippines. Napag-alaman ng NFAEA na hanggang Pebrero 28, 2011, umabot sa 40 porsiyento ng utang ng NFA na P133-Bilyon ay mula sa mga bangkong ito. Ang mga pinuno ng mga bangkong ito na nakaupo rin sa NFA Council ang siyang pangunahing nagtutulak din ng malawakang importasyon ng bigas. “Ang mainam na gawin sana, maghanap ng direktang pagpopondo na walang interes para sa NFA, sa halip na malugmok ang ahensiya sa imoral at magastos na mga utang,” sabi pa ni Sanchez. Sa madaling salita, madali sanang naiwasan ang pagkabangkarote ng NFA. Ngunit itinulak ito ng mga opisyal ng nakaraang administrasyon, ang ila’y nasa poder pa rin, tulad nina Purisima at Bangko Sentral Gob. Amando Tetangco Jr. Malinaw na pakay ng pagtulak sa NFA sa pagkabangkarote ang planong pagsasapribado nito. Epekto ng pagsasapribado Ano ang epekto ngayon ng pagsasapribado sa mga ahensiyang tulad ng NFA? Para sa Solidarity to Oppose Privatization (STOP Privatization), alyansa ng mga kawani ng gobyerno na tutol sa pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo at ahensiya, kung itutuloy ang pagsasapribado sa mga tulad ng NFA at National Housing Authority, “lalong lalayo sa kamay ng mahihirap na mga Pilipino ang batayang mga serbisyong panlipunan tulad ng pabahay at kaseguruhan sa pagkain.” Malinaw ito sa kaso ng NFA, na sa limitadong kapasidad ngayo’y siyang

kr guda

Malls, parke, negosyo, sa halip na bahay para sa mahihirap: iyan ang prayoridad ni PNoy, kung kaya panay walis siya sa mga komunidad ng mga maralita. Ni Ilang-Ilang D. Quijano

kawani 9

pinoy weekly sona special issue

macky macaspac

8 maralitang lungsod

nagbebenta ng murang bigas para sa mga mahihirap. Inaprubahan ni Aquino ang pag-angkat ng pribadong sektor ng 660,000 MT ng bigas ngayong taon. Hinayaan din ang pribadong sektor na malayang magtakda ng presyo sa mga bigas na ito. Kung tuluyang isasapribado ang NFA, buung-buong ipauubaya ng gobyerno sa pribadong sektor ang pagbili ng bigas sa lokal na mga magsasaka. Sigurado, ayon kay Sanchez, na babaratin ng pribadong trader ang lokal na mga magsasaka. Kasabay nito, itinutulak din sa Kamara ang mga panukalang batas tulad ng House Bill 4284, tinaguriang NFA Reorganization Act of 2011, na magbibigay daan sa “decoupling” o pagbabawas ng tungkulin ng NFA. Pagsasapribado rin ang magiging dulo nito, ani Sanchez. At hindi lamang NFA ang nahaharap sa pagsasapribado. Nahaharap din sa pagsasapribado ang National Housing Authority (NHA). Noong Pebrero, itinakda ni Aquino ang panukalang pagtatag ng Department of Housing and Urban Development (DHUD) bilang nangunguna sa 12 priority bills sa Kamara. Sa House Bill 384 na isinumite ng mag-inang Gloria at Mikey Arroyo, ipagsasama ang iba’t ibang ahensiyang tulad ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Mutual Fund Development Corporation (PAGIBIG fund), Home Guarantee Corporation, Housing and Urban Land Use Regulatory Board (HLURB), National Home Mortgage and Finance Corporation at NHA. sundan sa pahina 13


10 kababaihan

sona special issue

Gusto ni Aquino ang RH Bill dahil paniwala siyang dulot ng paglobo ng populasyon ang kahirapan, hindi para bigyang-akses sa serbisyong pangkalusugan ang mga maralitang kababaihan. Ni Ilang-Ilang D. Quijano

I

buck pago

naasahang ibibida ni Pang. Benigno Aquino III sa darating na State of the Nation Address ang kanyang patuloy na pagsuporta sa Reproductive Health (RH) Bill, hindi pa man naipapasa ng Kongreso ang kontrobersiyal na panukalang batas. Paborable sa kababaihan ang pagkakaroon ng batas para sa kanilang reproduktibong kalusugan. Pero ang nagtutulak sa pangulo sa RH Bill ay hindi para pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng kababaihan, kundi para kontrolin ang kanilang matris.

Debateng RH: Sa likod ng postura ni PNoy Kasaysayan ng pagkontrol

sa populasyon Simula’t sapul, ang mga hakbang ng gobyerno para kontrolin ang paglaki ng populasyon ay nakapaloob sa mga programa nito ng pagpaplano ng pamilya (family planning). Maaga pa, itinatakda na nito ang dahilan at pamamaraan sa pagplano ng pamilya. Subalit ang pagplano ng pamilya ay dapat nakabatay sa malayang pagdesisyon ng mag-asawa laluna ng babae kung kailan at ilan ang kanilang magiging anak. Karapatan, partikular ng kababaihan, na tinatawag ding reproductive right, na desisyunan ang kanyang pagbubuntis batay sa tamang

impormasyon. Pero binabaluktot ng gobyerno ang karapatang ito para itulak ang pagkontrol sa populasyon, na sinasabi nitong sagot sa kahirapan. Noong 1970, binuo ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang Commission on Population (Popcom) matapos pumirma sa Declaration on Population na inihain sa United Nations. Ipinasa ni Marcos ang Population Act na ipinaloob ang pagkontrol sa populasyon sa mga estratehiya para makamit ang “kaunlaran.” Ibig sabihin, kokontrolin ang paglobo ng populasyon para raw malutas ang kahirapan. Panahong ito inilabas din ng

US ang National Security Study Memorandum 200. Nakasaad sa dokumentong ito na dapat kontrolin ang populasyon sa mga bansang may mataas na potensiyal ng civil unrest o pag-alsa ng mga mamamayan. Kabilang sa 13 prayoridad na bansang tinukoy ang Pilipinas. Noong panahon ni dating Pang. Corazon Aquino, inilagay ang Popcom sa ilalim ng Department of Health (DoH) at isinabay ang family planning sa mga programa sa pangangalaga sa kalusugan ng bata at kababaihan. Ngunit nagpatuloy pa rin ang Popcom sa balangkas ng kontra-kahirapan. Bago umalis sa puwesto, ipinailalim ito ni Aquino sa

Kapabayaan ng gobyerno sa kalusugan ng kababaihan • Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na mortality rate sa Asya. Sa bawat 100,000 kababaihang nanganganak, 230 ang namamatay; kumpara sa 110 sa Thailand, 62 sa Malaysia at 14 sa Singapore. Pangunahing mga dahilan nito ang labis na pagdudugo; impeksiyon; hypertensive disorder; at kakulangan ng wastong pangangalaga sa panahon ng pagbubuntis. • High-risk o delikado ang mahigit 60% ng panganganak sa Pilipinas, subalit kapos ang

pasilidad para rito. Wala pa sa kalahati o mahigit 40% ang nanganganak sa mga pasilidad pangkalusugan; ang iba’y nangangak lamang sa bahay, lalo na sa kanayunan. • Nasa 75% ng buntis, na galing sa pinakamahihirap na saray, ang walang akses sa skilled birth attendant, kumpara sa 20% ng buntis na mayayaman. • Mababa ang responsableng impormasyon

hinggil sa sex ng mga kabataan. Mula 1994 hanggang 2002, tumaas ang seksuwal na aktibidad ng kabataang nasa edad 15-19. Nagreresulta ito sa pagbubuntis ng 10% ng kababaihan, na kalakhan ay mahihirap. • Dahil sa kawalan ng edukasyon at serbisyo hinggil sa karahasan sa kababaihan, nasa halos 25% ng kababaihang nasa edad na 1519 ang nakaranas ng pisikal o seksuwal na karahasan.

National Economic and Development Authority. Naging tagapagpatupad ang Popcom ng Philippine Population Management Program ni dating Pang. Fidel Ramos. Ginamit ng sumunod na mga administrasyon ang mga terminong “responsible parenthood” at “reproductive health,” na sa esensiya ay programa na pagkontrol sa populasyon. Nauwi ang Popcom sa paglalako ng artipisyal na mga kontraseptibo mula sa dayuhang mga institusyon gaya ng USAID, World Bank, Asian Development Bank, at Ford Foundation. Kasabay nito, hindi naman pinangalagaan ng gobyerno ang kalusugan ng bata at kababaihan, na pinatunayan ng kalunus-lunos nilang kalagayan. Sa badyet ng lokal na gobyerno na ipinaaako ang serbisyong RH sa halip na magmula sa pambansang badyet. Katunayan, binawasan ni Aquino ng P318-M ang badyet ngayong taon ng 12 mayor na pampublikong ospital, kabilang ang Jose Fabella Memorial Hospital na nag-iisang maternity hospital sa bansa. Binawasan din niya ng P503-M ang badyet ng DoH


11

para sa kalusugan at pagpaplano ng pamilya. RH Bill labas sa population control Para sa militanteng kababaihan ng Gabriela, hindi dapat pagkontrol sa populasyon ang RH Bill o House Bill 4244 sa Kamara. Sa pamamagitan ng party-list nito, inilalaban ng Gabiela na alisin ang RH Bill sa balangkas ng pagkontrol sa populasyon at tanggalin ang mga panukala hinggil dito. Pinakamatindi ang Sek.12 na lantarang nagsabi na ipapaloob ang family planning sa lahat ng programang kontrakahirapan ng gobyerno. Gayundin ang Sek.25 na nag-aatas sa PopCom na tumayo pa ring pangunahing ahensiya sa pagpapatupad ng RH Bill kapag naisabatas na ito. Gayundin, bagaman tanggal na sa panukalang batas ang pagtakda ng gobyerno na dalawang anak lamang ang ideal family size (hanggang dalawang anak lamang ang mabibigyan ng suporta ng gobyerno), sinasabi pa ring “hihimukin” ang mga mag-asawa na ilimita ang anak sa dalawa. Kahit saan pa tingnan, hindi kailanman naging matagumpay ang pagkontrol sa populasyon bilang sagot sa kahirapan. Simula pa nang ipatupad ang programa sa population control noong dekada ’70, bumaba na ang fertility rate, mula anim na anak kada babae, sa 3.2 anak kada babae na lamang noong 2006. Sa kabila nito lalo pang lumala ang kahirapan sa Pilipinas. “Matris ng babae ang sinisisi sa paglobo ng populasyon,” sabi ni Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela. “At matris din nila ang pinupuntirya sa paglutas diumano ng kahirapan.” Sa gayo’y hindi umano napapanagot ang may tunay na kasalanan sa kahirapan ng bayan. “Nakakapagtago sa likod ng pagkontrol sa populasyon ang malalaking asendero-komprador sa bansa, kasama ang mga kasabwat nitong mga dayuhang monopolyo kapitalista, sa deka-dekadang pagsasamantala sa bayan,” ani Linaban. Kalusugan ng anakpawis Isang komprehensibong reproductive health bill na papabor laluna sa kababaihang anakpawis ang nais ng Gabriela na mangibabaw sa Kamara. Sa nakasalang na RH Bill, naipasok ng Gabriela Women’s Party ang positibong mga panukala kaugnay nito. Ilan sa mga ito ang: (a) libreng serbisyo ng mga doktor at iba pang manggagawang pangkalusugan, lalo na para sa mahihirap at walang trabahong

kababaihan, at mga buntis na dalagita; (b) pagtatayo ng mobile health clinics; (k) sex education sa eskuwelahan para sa kabataan; (d) proteksiyon ng kababaihan laban sa nakalalason na mga kemikal; (e) kalahating araw na bayad na pre-natal leave sa kababaihang manggagawa; at (g) pangangalaga sa mental na kalusugan, HIV-AIDS, at mga kanser sa suso at sistemang reproduktibo. Kaya hindi limitado sa family planning ang RH Bill. Kaugnay naman ng family planning, nililinaw ng Gabriela na dapat naaayon ito sa matalinong pagpaplano sa pagpapamilya ayon sa kahandaan ng babae, mag-asawa, at pamayanan. Ibig sabihin, dapat mayroong akses ang mga pamilya sa tamang impormasyon at sapat na pasilidad at serbisyong pangkalusugan, kapwa sa natural at sa artipisyal na mga kontraseptibo. Dapat ding ligtas at walang panganib ang mga kontraseptibo bago ipalaganap sa publiko. Ani Linaban, “Dapat maging mapagbantay ang kababaihan. Magiging katanggap-tanggap lamang ang mga kontraseptibo kapag nagsusulong ng kalusugan at kagalingan ng kababaihan at hindi para sila takdaan, kontrolin ang kanilang katawan, magdulot ng panganib, pag-eksperimentuhan sila o pagkitaan ng malalaking dayuhang kompanya ng gamot.” Gayunman, mahaba pa ang laban. Matindi ang pagtutulak ng US funding agencies at pharmaceutical companies na maipasa ang RH Bill sa balangkas ng pagkontrol sa populasyon. Kaya naman di rin tumitigil ang Gabriela sa paglalantad ng tunay na layon nila at ng administrasyong Aquino sa pagsuporta sa RH Bill. Samantala, magkapareho ang pananaw ng Gabriela at ng Simbahang Katoliko sa pagtutol sa population control. Subalit inaayawan ng simbahan ang RH Bill dahil sa artipisyal na kontraseptibo, at itinuturing na ang mga pabor dito ay mga kriminal o mamamatay-tao. Hindi naman ito sinasang-ayunan ng Gabriela, sa paniwalang may reproduktibong karapatan ang kababaihan para magpasya sa sarili. Pero sa debateng ito sa RH Bill, kinakailangang mangibabaw ang tinig ng kababaihan. Kalusugan at katawan nila ang nakasalang, subalit hindi nila mapairal ang malayang paggamit ng kanilang reproduktibong karapatan. Panahon na para kilalanin ito ng gobyerno, bigyan ng karampatang badyet at palawakin ang serbisyo laluna sa kababaihang anakpawis, na ngayo’y ginagamit lamang na sangkalan laban sa kababaihan at sa buong mamamayan.

kr guda

sona special issue

Paglaya ng nagbungkal sa lupa mula sa pahina 5

Tiyak, igigiit pa rin ng mga magsasaka ang kanilang karapatan sa asyenda, sa pamamagitan ng mga protesta man o kahit muling magwelga. Nilinaw ni Pahilga na kung hindi maging pabor sa mga magsasaka ang desisyon ng korte, hindi nangangahulugan na mapapasakamay muli ng mga Cojuangco ang lupa dahil saklaw pa ito ng land reform program. “Ang usapin lang kasi ngayon sa SC ay kung ipagpatuloy pa ba ang SDO sa Luisita o dapat tuwirang ibigay ang lupa sa mga magsasaka?” ani Pahilga. Kung mangyayari nga ito, siniguro ng abogado na iaapela nila ang naturang desisyon. Para naman sa mga magsasaka, paiigtingin pa nila ang kanilang protesta at pagkondena sa administrasyong Aquino at pamilyang CojuangcoAquino. Para sa kanila, kung di sa kanila papabor ang Korte Suprema – sa kabila ng katwiran at katarungan – lalong malalantad ang kasalukuyang administrasyon sa pagiging kontra-magsasaka at maka-panginoong maylupa nito. Malayo ito sa “matuwid na daan” na ipinagmamalaki ni Aquino.

Ayaw sa Carper Nakasaad sa CARP na kailangang bigyang kompensasyon pa rin ang mga Cojuangco kung mababawi ang asyenda ng mga magsasaka. Ang nais siyempre ng mga magsasaka, ipamahagi sa kanila nang libre ang lupa. Kasi kung tali sila sa pagbayad, muling mababawi lamang ito ng mga Cojuangco. Kung kaya nanawagan sila sa pagbasura ng Carper: Palalalain lamang daw nito ang pangangamkam ng lupa, pagpapalayas sa mga magsasaka at pagpapalit gamit ng lupa. Kasabay nito, itinutulak ng KMP ang House Bill 374 o ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). Sa pagbasura ng Carper, bibigyang daan ang tunay na repormang agraryo. Isang paraan para makamit nito ang pagbigay-suporta sa GARB. “Maaaring gamitin ng Estado ang kapangyarihan nito na hawakan at ipamahagi ang Hacienda Luisita at bigyan ng katarungang panlipunan ang mga magsasaka na matagal nang pinagkakaitan ng bunga ng kanilang paggawa,” ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano, awtor ng GARB sa Kamara. Nilinaw ni Mariano na tanging isang radikal at tunay na repormang agraryo ang makababasag sa kontrol ng mga panginoong maylupa sa malalawak na lupain tulad ng Hacienda Luisita. Kung hindi sa GARB, sa ibang radikal na paraan ito makakamit.


12 ofw

sona special issue

M

apangahas na tinalakay ni Pang. Benigno Aquino III sa kanyang inaugural speech ang nagaganap na puwersahang migrasyon sa bansa dulot ng kahirapan. Nangako siyang reresolbahin ito, gayundin ang kawalan ng proteksiyon at serbisyo para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Pero para sa mga OFW at pamilya, walang idinulot ang unang taon ni Aquino kundi bangungot at pahirap. Kapabayaan Sa unang taon ni Aquino tumampok ang kawalang-aksiyon nito sa mga OFW na naipit sa kaguluhan sa Libya at iba pang lugar sa Middle East-North Africa, gayundin sa mga naging biktima ng lindol sa New Zealand at Japan. Sa Libya, wala pa sa 10 porsiyento ng mga OFW ang napapauwi. Ang mga nakauwi pa’y sa mga employer at recruitment agency nagpapasalamat, hindi sa gobyerno. Sa halip na proteksiyon, ipinangalandakan ng gobyerno na “limitado ang kanilang kakayanan.” Sa loob din ng unang taon ni Aquino, tatlong Pilipino ang nagawaran ng parusang kamatayan sa Tsina. Umakyat na sa 122 mula 108 ang bilang ng mga OFW nasa death row sa ibang bansa. Tinatayang 7,000 ang nakakulong sa iba’t ibang dako ng mundo. Patuloy rin ang panawagan ng mga OFW na biktima ng trafficking at iba pang mga pang-aabuso sa ibang bansa na makauwi sa bansa. Ayon mismo sa DFA, mahigit-kumulang 20,000 OFW, babae at bata ang istranded at nagnanais na makabalik mula sa Middle East. Kita Kinaltasan ang badyet sa mga OFW gayong napakalaki ng halagang kinikita at hinuhuthot ng gobyerno at mga kapitalistang kasapakat nito mula sa sektor. Hindi pa man tapos ang taon, inaasahan na ng administrasyong Aquino na aabot sa $20-B ang papasok na OFW remitans sa pagtatapos ng 2011. Pumapalakpak ang rehimen gayong katumbas ito ng ibayo pang pagsasamantala sa murang lakas

P7,600 76 na pirma (mula sa iba’t ibang dokumento)

P7,500 POEA Fee (new hire)

P1,300 OWWA Fee ($25)

P900 Medicare

paggawa ng mga OFW, pagpapahirap at pangaabuso sa kanila.

Remitans ng OFW sa GNP

Growth Rate

Kotong Napakalaki rin ng kinikita ng gobyerno mula sa mga bayaring sinisingil sa mga OFW. Sa isang taon ni Aquino, hindi man lamang nabusisi ang mga anomalya at mga samu’t saring bayaring ipinapataw. Walang mapagpasyang pagrebyu, ebalwasyon at pagimbestiga ang rehimen sa paglustay sa OWWA funds at sa iba pang singil at bayarin. Sa unang taon ni Aquino, nag-alsa ang mga OFW sa ibayong dagat at aplikante sa loob ng bansa sa patuloy at panibagong dagdagsingilin at bayarin para sa e-Passport, Pagibig mandatory contribution, at iba pa. Kabilang na rito ang $25 OWWA membership fee, mga processing fee ng POEA, Medicare, at iba pa.

% ng GNP na mula OFW remitans

Ibinawas mula sa assistance to nationals (ATN) at legal assistance fund (LAF), ang dalawang item na pinakamahalaga para sa mga OFW, sa 2011 National Budget ng gobyernong Aquino.

P32.8-B

Halaga ng remitans ng OFW in million US$

Kapalpakan Sa loob ng isang taon, makailang beses ding napahamak ang mga OFW sa mga kapalpakan ng gobyerno. Maaalalang lubhang nangamba para sa kanilang seguridad ang may 150,000 OFW sa Hong Kong matapos humantong sa trahedya

Suma

Source: Bangko Sentral ng Pilipinas

Kabuuang halaga ng kinikita ng gobyerno mula sa samu’t saring mga bayarin sa OFW taun-taon na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P20,000 bawat OFW. May 4,500 OFW ang lumalabas ng bansa bawat araw at 1.6M OFW kada taon.

1,600,000 Bilang ng mga Pilipino na nangingibang bansa para makapagtrabaho, sa kabila ng mga panganib, pangungulila at hirap, taun-taon.

Sulyap sa migranteng Pinoy sa panahon ni Aquino ang hostage-taking ng Hong Kong nationals sa Maynila. Gayundin, tila hindi inisip ng gobyerno ang kapakanan ng mahigit-kumulang 80,000 OFW sa Taiwan nang ideport nito ang 14 Taiwanese sa Tsina sa kabila ng pagprotesta ng gobyerno ng Taiwan.

Krisis Lubhang napakabigat ng pasanin ng OFW at pamilya sa ilalim ng unang taon ng panunungkulan ni Aquino. Ipagpalagay nang tumataas ang remitans sa mga pamilyang OFW, pero mabilis naman itong nilalamon ng kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng mga biligin at serbisyo. Direkta ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at Total (Kotong sa kada OFW): kawalang-trabaho sa mga OFW. Walang ibang tutunguhin ito kundi ang pairalin at palalain ang labor export policy, Average sa kabila ng mga Iba pang iskema ng pango-ngotong: Mandatory pang-aabuso, insurance coverage | E-passport application sa ibayong dagat - $60 (minimum) | Affidavit of support (AOS) sa kapabayaan at UAE, Macau at ilang bansa sa Europa | Panukalang social security coverage | Panukalang mandatory Pagibig pag-abandona contribution ng gobyerno at kawalang respeto sa kanilang mga P1,000++ P600 P1,200 karapatan.

P20,000

Pagibig

50%

Kita ng gobyerno mula sa OFW

Iba pang bayarin sa aplikasyon

Passport (minimum) Source: migrante international

(Mula sa Migrante International)

Case Studies: Pamilya ng OFWs Ang isang remittance-dependent na pamilya sa Culiat, QC na may pitong (7) miyembro ay gumagastos ng mahigit P10,000 kada buwan. Hatian ng kanyang gastos:

Sa isang OFW na may tatlong anak na nag-aaral at isang nanay na sinusuportahan, kulang na kulang na ang mahigit P15,000 na buwanang padala. Kinailangan niyang magdagdag ng trabaho para mapunan ang depisito sa remitans:

Puwede na muling mangarap. Aquino, SONA 2010. Ibig sabihin niya ang ibayong pangingibangbansa para “matupad ang pangarap.”

Source: migrante international


13

sona special issue

Serbisyong ninenegosyo Nangangahulugan lamang ito, ayon sa Consolidated Union of EmployeesNHA, ng lalong pagbawas ng badyet sa serbisyong pabahay at pagabandona sa tungkulin ng gobyerno sa direktang produksiyon ng abotkayang pabahay. Hindi pa kasama riyan ang matinding epekto sa seguridad sa trabaho ng libu-libong kawani sa mga ahensiyang nanganganib na ma-merge at/o ma-abolish. Ayon sa Dept. of Finance, maliban sa NFA at NHA, nanganganib ding ma-abolish ang National Printing Office, PTV-4, at iba’t ibang ahensiya sa ilalim ng Department of Agriculture tulad Quedan Credit Corp., Agricultural Credit Policy Council, Philippine Crop Insurance Corporation, at Livestock Development Corporation. Ipinapanukala ring ibenta ang mga farm at nursery ng Bureau of Animal Industry at Bureau of Plants Industry. Nangangambang maisapribado ang Metro Rail Transit at Light Rail Transit. Ayon sa STOP Privatization, trabaho ng mahigit 20,000 kawani ng gobyerno ang nanganganib sa kanilang trabaho dahil dito. (Tingnan ang table) M a a a l a l a n g malawakan din ang naging tanggalan matapos isapribado ang Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) at ang serbisyo ng tubig noong 1997, gayundin nang isapribado ang serbisyo-kuryente sa Electric Power Industry Reform Act (Epira) of 2001. “Maliban sa mga tanggalang kaalinsabay ng pagpalit ng pag-aari, napapasailalim din ang mga empleyado sa pana-panahong assessment at samu’t saring kontraktuwalisasyon sa paggawa, matinding pagkaltas sa kanilang mga benepisyo, at pagregularisa at paghigpit sa kanilang karapatang mag-unyon,” ayon sa STOP Privatization. Malinaw din sa mga konsiyumer ng kuryente at tubig ang matinding epekto ng pagsasapribado sa mga serbisyong

kr guda

mula sa pahina 9

Maraming panukalang batas ang isinumite sa Kongreso para isapribado ang iba’t ibang ahensiyang dapat nagbibigay-serbisyo sa publiko.

ito: ang pagtaas ng singil at lalong kakulangan ng akses sa tubig at kuyente para sa mga maralita. Lalong pagbubukas sa negosyo Sa Public Expenditure Review ng World Bank sa Pilipinas noong 2007, binatikos ang gobyerno sa kakulangan pa rin ng “reporma” sa pagbawas ng gastos nito sa mga serbisyong publiko. Ang mga “repormang” nais nila ay ang lalong pagbubukas ng bansa sa dayuhang negosyo. Panahon pa ng unang Aquino (si Pang. Corazon Aquino), agresibo nang itinutulak ang pagsasapribado sa mga serbisyong publiko at assets ng gobyerno, gayundin ang liberalisasyon at regulasyon sa mga susing industriya. “Kinakitaan ang administrasyon ni (Corazon) Aquino matapos ang pag-aalsang EDSA ng malawakang pagbenta ng non-performing assets ng estado, gayundin ng government operated and controlled corporations, tinagurang white elephants ng rehimeng Marcos, at pagbenta sa bahagi ng big tickets tulad ng Philippine Airlines at Philippine National Bank,” sabi ng STOP Privatization. Nang matapos ang unang rehimeng Aquino, di bababa sa 466 na assets na dating pag-aari ng gobyerno ang naisapribado

na. Ipinagpatuloy ng administrasyong Ramos, Estrada at Arroyo ang mga polisiyang pagsasapribado, liberalisasyon at deregulasyon. Pinatitindi ng bagong gobyernong Aquino ang polisiyang ito. Maliban sa mga planong pagsasapribado sa mga ahensiya na nabanggit, pinatutupad din ni Aquino ang Executive Order 366 ni Arroyo na nakatuon sa lalong pribatisasyon. Tampok din sa 2011 pambansang badyet ni Aquino ang matinding pagbawas ng alokasyon sa mga batayang serbisyong panlipunan. (Basahin ang artikulo sa pahina 3.) Samantala, naghahanda ang mga mga kawani ng gobyerno, at iba’t ibang sektor ng lipunan, na bumuo ng pagkakaisa laban sa mga polisiyang ito. Isang hakbang na ang pagtatag ng STOP Privatization, pinangunahan ng Confederation for Unity, Recognition

Tunay na kapayapaan... mula sa pahina 7

ang mga kawani ng NDFP para sa negosasyon. Nabalam ang muling paghaharap ng dalawang panig noong Hunyo para pag-usapan ang mga panukala para sa Caser. Samantala, iginigiit ng mga tagasuporta ng usapang pangkapayapaan tulad ng Pilgrims for Peace at Promotion for Church People’s Response (PCPR) na kailangang igalang ng dalawang panig ang nakaraang mga kasunduan tulad ng Jasig para magtagumpay ang usapan.

and Advancement of Government Employees (Courage) at sinusuportahan ng iba’t ibang organisasyon ng mga manggagawa, maralita, magsasaka, kababaihan, kabataan at iba pang sektor. Nakiisa rin sa laban ang progresibong mga mambabatas para tutulan ang mga panukalang batas sa Kongreso na nagtutulak ng malawakang pribatisasyon sa gobyerno. Binuo noong dekada ’90, pinangunahan na nito ang paglaban sa malawakang tanggalan at pagsiwalat sa korupsiyon at mga masasamang epekto ng pagsasapribado sa serbsiyong panlipunan. Ani Sanchez, handa ang mga kawani para sa labang ito. Higit pa sa kanilang kaseguruhan sa trabaho, nais ng mga kawani ang isang gobyerno na tunay na tumutugon sa batayang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Tinukoy din ng PCPR na problema ang pagsasalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng usapang pangkapayapaan. Ayon kay Nardy Sabino, pangkalahatang kalihim ng PCPR, hindi nakakatulong sa usapan ang pagkuwestiyon ng AFP sa sinseridad ng NDFP. Hinihikayat nila ang publiko na suportahanangusapangpangkapaypaan. Layunin ng usapan na wakasan ang “isang siglong pagpapahirap at pagsasamantala sa ating mga kapatid.” Ito rin naman ang hangad ng mayorya sa mga mamamayan.


14 paggawa

sona special issue

Bakit minsang humina ang kilusang paggawa? Paano ito bumangon at patuloy na lumalakas? Ni Elmer Labog

ilang-ilang d. quijano

M

arami sa mga sumisimpatya sa kilusang paggawa sa bansa, kasama ang mga aktibistang namulat sa panahon ng gobyernong Arroyo, ang natuwa sa laki at militansiya ng protesta ng mga manggagawa at mamamayan nitong Mayo Uno. Higit 30,000 sa Kamaynilaan at lampas 100,000 sa buong bansa ang nagmartsa sa panawagang “Sahod, itaas! Presyo, ibaba!” Pero alam ng may mahabang memorya at pag-aaral sa kasaysayan na malayo pa ito sa inabot na lawak at lakas ng kilusang paggawa noong dekada ’80. Isang panandang bato ang pagtitipon ng mahigit 100,000 manggagawa sa Luneta noong Mayo 1, 1986 upang pagtibayin sa pamumuno ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pangangailangang ituloy ang pakikibaka para sa saligang pagbabagong

Pagkilos ng mga manggagawa noong Mayo 1, 2011: Indikasyon ng papalaking hanay at pag-igpaw sa ilang kahinaan.

Kilusang paggawa:

Paglakas, paghina, pag-ahon panlipunan matapos ibagsak ang diktadurang US-Marcos. Sa pagitan ng dekada ’80 at ngayon – kung kailan tumindi ang pagpapahirap at pambubusabos sa mga manggagawa at sa gayo’y dapat ay lumakas at lumawak ang paglaban – ano ang nangyari? Bakit

Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Susi rito ang kilusang welga, na pinatampok ng makasaysayang welga sa La Tondeña noong 1975. Binasag nito ang “katahimikan” ng batas militar, itinaas ang kamulatan at militansiya ng uri sa panahon ng diktadura, at nagsilbing inspirasyon sa paglawak ng kilusang welga sa sumunod na mga dekada. Ang kilusang welga sa ganitong balangkas ay nakapagpalawak at nakapagpalakas sa kilusang paggawa. Naalpasan ang iba’t ibang klase ng panunupil na pinawalan ng diktadurang US-Marcos. Makailang ulit na ikinulong at nakalaya para magpunyagi ang mga lider-manggagawa. Makabuluhan ang ambag ng kilusang paggawa sa pagpapatalsik paglaon ng naturang diktadura. Simula ng gitna ng dekada ’80, gayunman, tulad ng iba pang organisasyong makabayan at

Nailatag ang batayan para pagaralan at labanan ang atake ng malalaking kapitalistang dayuhan at lokal at ng gobyerno. humina ang kilusang paggawa? Makikita ang sagot sa pagbaybay sa kasaysayan nito, partikular sa kung paano nito hinarap ang mga pahirap at pagsupil sa mga manggagawa at mamamayan. Kilusang Welga sa Mali at Tama Mula sa kadiliman ng batas militar nailuwal ng militanteng kilusang paggawa ang paglakas na walang kaparis sa kasaysayan ng bansa matapos ang

demokratiko, nalasing sa tagumpay ang militanteng kilusang paggawa. Inakala nitong sapat na ang lakas para ipagwagi ang pagbabagong panlipunan. Pinaigting nito ang kilusang welga – pero sa kakaiba nang balangkas. Ang dating pambansang demokrasya at sosyalismo, natali sa kanin at isda. Ang dating pagpapalawak, huminto. Nabirit ang naipundar na lakas. Nagbayad nang mahal ang militanteng kilusang paggawa sa pagkalustay ng mga naipundar na kasapi at unyon. Samantala, mula sa pagkatuto sa karanasan ng batas militar, naghanda ang malalaking kapitalistang dayuhan at lokal at ang gobyernong Cory Aquino ng kontra-opensa sa militanteng kilusang paggawa. Nilayon nilang paigtingin ang batas militar sa kilusang paggawa kahit sa ilalim ng nanumbalik na “demokrasya.” Dahil sa mapurol na kamalayang pampulitika, hindi matalas na nagagap at malakas na nalabanan ng militanteng kilusang paggawa ang naturang atake. Ni hindi nito kinontra nang malakas ang pagpasa sa Labor Code noong 1989 – na nagpapahirap

pa rin sa mga manggagawa hanggang ngayon. Pagwawasto, Atakeng Neoliberal Natuto sa mapait na karanasan ang kilusang paggawa. Sa maagang bahagi ng dekada ’90, nagbalik-aral ito sa mga batayang prinsipyo ng pambansang demokrasya at sosyalismo. Pinuna ang kaliwa’t kanang pagkakamali na dulot ng makitid at nagmamadaling balangkas ng pagsusulong ng kilusang welga. Umalis sa organisasyon ang mga ayaw magwasto ng malulubhang pagkakamali at ayaw nang yumakap sa batayang mga prinsipyo. Tumanaw ito ng ibayong pagpapalawak. Nailatag samakatwid ang batayan para malalim na mapag-aralan at malakas na labanan ang atake ng malalaking kapitalistang dayuhan at lokal at ng gobyerno. Sa panahong ito, nananalasa na ang nasabing atake – na matatawag na “neoliberal.” Hinawi ang lahat ng balakid sa pagkamal ng mga kapitalista ng dambuhalang tubo at pagsasamantala sa mga manggagawa. Binawi ang mga nakamit nang tagumpay ng mga manggagawa sa usapin ng sahod, trabaho at karapatan. Pinalaganap, halimbawa, ang kontraktuwalisasyon sa hanay ng mga manggagawa. Pero nakapagwasto man ng malulubhang pagkakamali ang militanteng kilusang paggawa, hindi pa rin nito kagyat na napag-aralan nang malalim at nalabanan nang malakas ang mga atakeng neoliberal. Hindi


paggawa 15

sona special issue

Hakbang Pasulong “Itaas ang sahod, P125, across-the-board, nationwide!” ang tampok na panawagan sa kakatapos na Araw ng Paggawa. Bahagi na ito ng paglaban sa atakeng neoliberal. Makabuluhang dagdag-sahod ito, kontra sa grabeng neoliberal na pagbarat sa sahod. Across-the-board para matamasa ng maraming kontraktuwal. Nationwide dahil tinatanggihan ang paghati sa mga manggagawa batay sa rehiyon. Kasama nito ang panawagan ng pagbasura sa kontraktuwalisasyon bilang atake sa seguridad sa trabaho at sa antas ng pasahod sa mga manggagawa. At pinakamahalaga: layunin ng kampanya na ibayong palawakin ang kilusang paggawa at mga pakikibakang manggagawa. Maliwanag ang hinaharap ng pakikibaka, sabi ng isang paham, pero hindi ito diretsong landas, may mga liko’t ikid. May pag-atras at pagbagal man ang pakikibaka ng kilusang paggawa, patuloy na itong naglalagom ng karanasan, patuloy na itong nag-aaral ng atakeng neoliberal ng mga kalaban, at sumusulong kasama ang sambayanan. Sa harap ng matindi at pinatitindi pang atake ng gobyerno at malalaking kapitalista, handa nitong iugnay at isanib ang galit at paglawak ng paglaban ng uring manggagawa sa pakikibaka ng buong sambayanan para sa tunay at radikal na pagbabagong panlipunan. Si Elmer “Ka Bong” Labog kasalukuyang tagapangulo ng KMU.

ay

Maraming sakripisyo sa pag-oorganisa nina Eva at Gilberto. Pero sa pagkakaisa, walang hindi magagawa. Ni Macky Macaspac

O

rdinaryong mga manggagawa sila. Pero nang maging bahagi ng sama-samang pagkilos, napakita nila ang lakas para magtagumpay sa mga laban. Bagamat nagtatrabaho at nag-oorganisa sa magkahiwalay na lugar, bahagi sina Eva Victorino at Gilberto Dumalanon ng pagoorganisa sa mga maralita. Kapwa nila naipamalas na marami ang kayang magawa kung nagkakaisa lamang ang mga maralita para militanteng ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Mula dilawan tungong palaban Manggagawa sa Hansson Paper Corporation si Gilberto, 55. Mahirap ang

inorganisa ni Gilberto ang mga manggagawa, sa pakikipag-ugnayan sa Anglo-KMU. Dahil malakas pa ang dilawang unyon, paisa-isang nilalapitan ni Gilberto at iba pa ang mga manggagawa: kinausap, pinaliwanagan, iminulat. Hanggang sa mabuo nila ang lineup ng opisyales na hindi dilawan. Samantala, maraming eskima ang pinatutupad ng manedsment sa shifting, kaya mahirap tipunin sa pag-aaral ang mga manggagawa. Kinailangang pang makipagrelyebo ang mga manggagawa para makakuha ng Kurso sa Tunay, Palaban at Makabayang Unyonismo (KTPMU). Sa kabila ng higpit ng manedsment at pamamayagpag ng dilawang unyon, matagumpay na naihalal ang bagong independiyenteng unyon, ang Lakas Manggagawa ng Hansson Paper Philippines Corporation (LMHPPC) sa tulong ng AngloKMU. Umalis ang unyon sa dilawang pederasyon noong 2009. Habang kakuwentuhan niya sa pabrika ang Pinoy Weekly, pinipirmahan nila ng mga

Nagkakaisa sa Marikina (Samana-Marikina). Anim na tao ang unang naorganisa nila. Naging isang organizing team ito sa komunidad na siyang nagtayo ng adhoc committee na nagpapatuloy ng pagoorganisa sa komunidad, hanggang maging ganap na tsapter ng Samana. Umikot ang organizing teams sa iba pang komunidad. Dahil sa paglalako nila nang bahay-bahay, maraming lugar ang naiikutan nina Eva sa isang araw. Nagkakaroon sila ng mga kontak sa ibang komunidad. Isang pangyayari ang nagpabilis sa pagoorganisa. “Tinulungan naming magsampa ng kaso ang isang tinderang tinutukan ng baril ng isang opisyal ng city hall,” kuwento ni Eva. Inilapit nila ito kay Mayor Del de Guzman at nasuspinde ang opisyal. Matapos nito, kusang lumapit ang mga tindera. Nakita nilang kumikilos talaga ang grupo sa kanilang interes. Lumaki ang Samana-Marikina. Nagkaroon ng sariling ID at uniporme. Pero patuloy pa rin ang mapanupil na mga ordinansa na tinutulan ng mga manininda.

Nagwawagi kung sama-sama kalagayan sa pabrika. Umabot sa 26 taon siyang nagtatrabaho sa pabrikang ito. Ngunit may iba pa siyang trabaho. Bago naging manggagawa, organisador na si Gilberto sa maraming komunidad ng Pasig. Kasapi siya ng Samahan ng Demokratikong Kabataan (SDK), isang organisasyon ng kabataan na na lumaban sa diktadurang Marcos. Nang mapasok sa Hansson, inabutan niyang “dilawan” o maka-manedsment ang unyon dito, ang Tupaz-February Six Movement o Tupaz-FSM. Dahil sa nanggaling sa community organizing, nahirapan noong una si Gilberto. “Kakaiba ang dilawang pederasyon. Walang pag-aaral o seminar na ginaganap para sa mga unyonista,” kuwento pa niya. Iba rin ang taktika sa negosasyon sa collective bargaining agreement o CBA. Grabe umano magkompromiso pabor sa manedsment. Tulad na lang sa welga nila noong 2005. Pinagkasunduang hihilingin ng unyon ang dagdag-sahod na 15/15/15 sa loob ng tatlong taon (P15 pesos kada taon). Ayaw pumayag ng manedsment. Natapos ang welga sa kahilingang 8/7/5, ang pabor sa manedsment. Wala umanong naitulong ang pederasyong kanilang kinaaniban, nasaid rin ang pondo ng unyon. Sa panahong ito rin muling naugnayan ng Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations-Kilusang Mayo Uno (AngloKMU) si Gilberto. Patapos na rin ang termino ng pamunuan ng unyon at masasalang ulit sa certification election. Paunti-unting

opisyal ng unyon ang pag-anib ng unyon sa Anglo-KMU. Sa kasalukuyan, sila ang kaisa-isang tunay na unyon ng manggagawa sa loob ng compound ng mga pabrika at pagawaan. Kung kaya may bagong mga gawain pa sina Gilberto: ang pag-oorganisa sa labas ng sariling pabrika. Mula pabrika tungong komunidad Dati ring manggagawa si Eva, 45. Miyembro siya ng unyon sa Illustrazio, pabrika ng bag. Nang tanggalin siya sa trabaho, humantong sa pagtinda ng isda sa Marikina si Eva. Dito, nakita niya ang hirap ng buhaytindera. Di kalakihan ang puhunan para magkapuwesto sa palengke. Samantala, nakapuwesto sa pulitika ang pamilyang Fernando sa Marikina. Kung walisin na lamang ni Bayani Fernando ang mga maralita, akala mo’y hindi sila tao. Nang matalaga ni Pang. Gloria Arroyo na mamuno ng Metro Manila Development Authority (MMDA), lalong naging mabangis si Bayani sa vendors. Gipit sina Eva. Pinaghahabol sila ng mga awtoridad at ikinukulong. Daig pa nila ang mga kriminal kung ituring. Kasama ang dalawang kaibigan, nagbuo sila ng grupo ng manininda sa ilalim ng Anakpawis Party-list. Nangausap sila ng mga tindera, hanggang maitayo ang Samahan ng mga Maninindang

pw file photo

nito nalubos ang mga hakbanging kailangan para sa ibayong paglawak at pagpapanibagong-lakas. Nakapanalasa kung gayon ang neoliberal na atake: ang kilusang paggawang pinahina na ng mga naunang pagkakamali ay nabawasan pa ng marami-raming unyon at kasapi. Nakapanalasa ang atakeng neoliberal dahil sa mga kahinaang internal sa kilusang paggawa. Malupit man ang atakeng neoliberal, panlabas na salik ito sa kilusang paggawa. At ang internal na kakayahan ng kilusang paggawa ang mapagpasya sa kanyang muling paglawak at paglakas. Nakapanalasa man ang neoliberal na atake, maraming pagkakataon ding inalpasan at dinaig ito ng mataas na kamalayan, mahigpit na pagkakaisa, at pleksibilidad sa taktika ng mga manggagawa sa iba’t ibang antas. Mapaniil man ang kalagayan, nakapagtayo ng mga unyon. Marami man ang kontraktuwal, nakapagpanalo ng mga welga. Matindi man ang panunupil, nakapagkamit ng mga tagumpay.

Naging tuntungan din nina Eva ang grupo para makapag-organisa labas ng komunidad. Nagkakabuo sila ng mga unyon sa RC Cola, isang garments factory, isang pabrika ng foam at sa HiCore Corporation, pabrika ng roller para sa barko. Sila ang bumubuo sa Manila East Labor Alliance o Mela. Inamin nina Gilberto at Eva na sa kagustuhang mapabuti ang kalagayan at pagmamalasakit sa kapwa mahihirap nagsisimula ang hangaring mag-organisa. Maraming hirap ang nadaanan nila, pero napagpunyagian ito ng pagkakabukludbuklod sa mga kapwa maralita. Napakita nila ang lakas sa mahigpit na pagkakaisang ito at nakakamit ng ilang tagumpay. Pero hindi raw tapos ang laban, ani Gilberto at Eva. Kailangan ding isanib ang lakas nila sa lakas ng iba pang aping sektor. Kailangang aktibong lumahok din ang kanilang mga organisasyon sa pambansang mga pagkilos. Hindi na lamang mga pabrika at komunidad ang kailangang baguhin, kundi ang lipunang Pilipino rin.


16

Dibuho ni Darius Galang


PW Special Issue SONA 2011  

Special issue of Pinoy Weekly for State of the Nation Address of Pres. Benigno Aquino III (July 2011)

Advertisement
Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you