Page 1

www.pinoyweekly.org

ESPESYAL

Ang Big Three sa Langis Oplan Bayanihan: PInatamis na lason

NA ISYU

M A T A P A T, M A P A N U R I , M A K A B A Y A N

NILALAMAN

H U LY O 2 0 1 3

Serbisyong publiko, negosyo na Sinu-sino ang mga nakapalibot kay PNoy?

SA SONA NI PNOY:

GERA

KONTRA MARALITA Sa kanyang papalapit na State of the Nation Address (SONA), inaasahang ipagyayabang ni Pang. Benigno Aquino III ang aniya’y “kaunlaran” na pinatutunguhan daw ng bayan. Pero kung pakikinggang mabuti ang magiging SONA ni Aquino, katulad ng iba niyang wika at gawi, malalamang mistulang deklarasyon na ng giyera--hindi kontra sa kahirapan, kundi kontra sa ating maralitang mga mamamayan. Sa isyung ito, tatalakayin ang mga estratehiya at polisya ng giyera ni PNoy -- at ang paglaban dito ng mga mamamayan.


EDITORYAL

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HULYO 2013

PPP: Planong Pagpapahirap ni PNoy

WEEKLY 57 P. Burgos St. Proj. 4, Quezon City | wwwww.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com

D

EDITORIAL POOL Leo Esclanda Cynthia Espiritu Darius R. Galang Kenneth Roland A. Guda Macky Macaspac Christopher Pasion Ilang-Ilang D. Quijano Soliman A. Santos King Catoy

Published by

PinoyMedia Center, Inc. www.pinoymediacenter.org Email: pinoymediacenterinc@gmail.com

ROMEL MENDEZ

ahil lalong naghirap ang taumbayan sa ilalim ng tatlong taon ni Pang. Benigno Aquino III, walang dahilan para asahan na magdudulot ng kaunlaran ang mga planong ibabandera ng pangulo pa ra sa nalalabing niyang termino. Sa darating na State of the Nation Address (SONA), siyempre’t susubukan ni Pnoy na kumbinsihin ang madla na bumuti ang ating kalagayan. Maaari niya itong gawin gamit ang piniling mga case study na hindi naman sumasalamin sa karanasan ng nakararami, o piniling mga estadistika sa ekonomiya na wala namang kinalaman sa tunay na pag-unlad ng bansa. Halimbawa, dulot lamang ng napakalaking gastos at panunuhol ng mga pulitiko noong kampanya sa eleksiyon ang ipinagmamalaki ni Pnoy na 7.8% porsiyentong growth rate noong unang kuwarto ng taon. Samantalang sa parehong panahon, lumago ang bilang ng mga walang trabaho--sumirit ang unemployment rate sa 7.5% ngayong Abril, ang pinakamataas sa ilalim ng administrasyon. Kung anu-ano ang paliwanag ng mga ekonomista ni Pnoy para sabihing pansamantala lamang ang kawalang trabaho at kahirapang nararanasan ng napakarami, na para bang aberya lamang ito ng panahon. At iyon na nga ang sinisi nila nitong huli: dahil daw sa tagtuyot (El Niño), maraming manggagawang-bukid sa kanayunan ang nawalan ng trabaho. Kasing-absurdo ito ng pagsabing kapag tag-ulan, bumabaha rin ang trabaho para

sa mga mamamayan. Gaya ng naunang mga administrasyon, ayaw kilalanin ni Pnoy ang tunay na sanhi ng kawalang trabaho: ang kawalan ng tunay na reporma sa lupa, ang kawalan ng mga pambansang industriya, ang kawalan ng pangekonomiyang pagpaplano na nakatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Ayaw kilalanin dahil ayaw naman talagang solusyunan. Sa halip, pilit niyang ipinatatanggap na mayroon lamang pag-unlad kapag nakasandig ang bansa sa malalaking lokal at dayuhang kapitalista. Mga kapitalista na lumikha at nagsamantala sa mura at disposable na lakas-paggawa,

sumira at dumambong sa likasyaman ng bansa, at ginawang negosyo ang dapat ay libreng mga serbisyo ng gobyerno: kuryente, tubig, pabahay, edukasyon, at kalusugan. Mga kapitalista na paglago ng tubo ang tanging habol, at hindi ang tunay na pagunlad ng bansa. Ang malalaking lokal at dayuhang kapitalistang ito ang kinakatawan at pinanggalingan ng marami sa economic team ni Pnoy. Sila rin ang nagpondo sa kampanya, kundi man galing sa hanay nila, ang mga pulitiko na nanalo noong eleksiyon at magiging katambal ng pangulo. Sa darating na SONA, inaasahang ihahayag ng pangulo ang mas marami pang mga

PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair) Bienvenido Lumbera Bonifacio P. Ilagan Luis V. Teodoro Leo Esclanda Kenneth Roland A. Guda Ilang-Ilang D. Quijano HINGGIL SA COVER: Spoof ng pelikulang “World War Z,” hindi zombies ang kalaban ni PNoy, kundi tayong mga maralita. At tayo rin, hindi siya, ang bida.

Public-Private Partnership (PPP). Hindi niya babanggitin na makikinabang ang mga kaanak niya at iba pang nakaupo sa puwesto, gaya ng MRT-7 na nakopo ng tiyuhing si Danding Cojuangco at mga Araneta, pamilya ni Mar Roxas. Hindi niya babanggitin na mapapalayas ang mga magsasaka. Hindi niya babanggitin na tataas ang singil sa mga serbisyo, halimbawa sa mga ospital na isasapribado. Hindi niya babanggitin na uutang muli sa mga dayuhan. Hindi niya babanggitin na ang mga trabahong lilikhain ay kontraktuwal lamang. SUNDAN SA PAHINA 8


LATHALAIN 3

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HULYO 2013 Kontrolado nila ang mayorya ng industriya ng langis—kung kaya kayang kaya, at walang hadlang, na naitataas nang ganun-ganun, ang presyo ng produktong petrolyo. Kilalanin ang tinaguriang “Big Three.” Ni Yanni Fernan

H

indi na bago sa pandinig ng mga mamamayan ang pagtaas ng presyo ng langis. Kasing-karaniwan na ito sa pagdating ng bagyo at baha. Dangan nga lamang, bayan-bayan o probi-probinsiya ang apekado ng kalamidad. Ang pagtaas ng presyo ng langis, buong bayan, mula Aparri hanggang Jolo, ang pinahihirapan. Ngayong 2013, nakaapat na ang pagtaas ng presyo ng langis, na umabot sa P54 bawat litro, nitong Hunyo. Muli, nagbabanta na ang panibagong pagtataas dahil diumano sa paggalaw ng foreign exchange rate, kaguluhan sa Middle East, partikular sa Syria, at pagkasira ng suplay. Ganito na rin halos ang takbo ng nakaraang mga taon. Mula nang ipatupad ang Oil Deregulation Law noong 1997 hanggang 29.7% 2012, tumaas nang Independent players 246 beses ang presyo ng langis. Noong 1997, nasa P12.50/litro pa Petron lamang kumpara sa 35.9% P53/litro noong 2012 ang presyo ng langis bawat litro. Di naman halos naramdaman ang sinasabing rolbak. Di hamak na mas mas madalas at mas malaki ang pagtaas kaysa pagbaba ng presyo. Pero ang tanong ng marami: Bakit nagagawa ng mga kompanya ng langis na magtaas ng presyo nang walang

KR GUDA

ANG BIG THREE SA LANGIS pakundangan, habang namimilipit sa hirap ang bayan? Di mawawalan ng dahilan ang mga kompanya ng langis. Pero ito ang tunay na sagot ayon sa progresibong sentro sa pananaliksik na Ibon Foundation: Una, nasa kontrol o monopolyo kasi ng iilan ang industriya ng langis. At Ikalawa, resulta ito ng patakarang deregulasyon at pribatisasyon ng gobyerno. Nitong 2012, may kabuuang 68% kontrol sa pamilihan ng langis 22.5% ang Big Three – Petron Shell (35.9%), Shell (22.5%), Caltex (9.6%). Kung sa laki ng tubo, Caltex benta, at pag-aari, 9.6% parating nasa Top 10 ng pinakamalalaking korporasyon ang mga ito. Ang natitirang 29.7%, pinaghahatian ng independent players tulad ng Total, Seaoil, Unioil, Flying V, atbp., na sumusunod din lang sa presyong itinatakda ng Big Three. Petron

Itinuturing na market leader sa industriya ng langis ngayon ang Petron.

Pinakamalaki ang refinery nito sa Bataan, at may may 1,800 gasolinahan sa Pilipinas. Marami pa itong produktong petro-chemical. Kontrolado at pinangangasiwaan ang Petron ng San Miguel Corporation (SMC), na may 68% shares (saping puhunan). Noong diktadurang Marcos, binili na ng gobyerno ang Esso Philippines para maging Petron sa ngalan ng Philippine National Oil Company (PNOC). Ang Esso ay nagmula naman sa Standard Oil of New Jersey at Socono Oil of New York. Pero noong 1994, panahon ni Fidel Ramos at ng patakarang pribatisasyon, ibinenta ng Petron sa Saudi Aramco ang 40% sapi para akitin sa Pilipinas ang dayuhang mga namumuhunan at matiyak ang suplay ng langis ng Pilipinas mula sa Saudi Arabia. Hawak ang Aramco ng Exxon (US), Chevron (US) at Shell (British, Dutch). Muli pang nagbenta ang Petron ng 20% shares nito sa publiko o sa pribadong mga namumuhunan. Kaya bumaba sa 40% na lamang ang shares ng gobyerno sa Petron. Samantala, sa bisa ng Oil Deregulation Law, naging malaya ang

mga kompanya ng langis na magtaas ng presyo nang di kailangan ang pahintulot ng gobyerno. Kinatigan pa ito ng Korte Suprema. Hindi nagtagal, taong 2008 sa panahon ni Arroyo, ibinenta naman ng Saudi Aramco ang 40% shares nito ng Petron sa Ashmore Group, isang hedge-fund company, na nakarehistro sa London. May malakas na panawagan na bilhin na lamang uli (buy-back) ng gobyerno ang shares ng Aramco. Pero nagbingi-bingihan si Arroyo. Noong 2009, ibinenta na ng Ashmore Group ang 40% shares nito sa Petron sa SMC. Nakabili pa ang SMC ng dagdag na shares ng Petron noong 2010. Ngayon, controlling stockholder na ito, na may 68% shares. Litaw ang kamay ni Danding Cojuangco, tiyuhin at tagasuporta ni Aquino, kasama ang kanang-kamay na si Ramon Ang, para makontrol ang Petron. Shell at Caltex

Samantala, subsidyaryo ng Royal Dutch Shell (Anglo-Dutch multinational oil and gas company na nakabase sa The Hague, Netherlands pero nakarehistro SUNDAN SA PAHINA 5


4 LATHALAIN

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HULYO 2013

Oplan Bayanihan: Pinatamis na lason

Pakikipagnegosasayon ng isang miyembro ng fact-finding mission sa militar sa Baganga, Davao Oriental. INimestigahan ng mga grupong pangkarapatang pantao ang matinding militarisasyon sa lugar.

MACKY MACASPAC

Pakitang-tao sa mga komunidad ang “bagong mukha” ng kontra-insurhensiya. Pero luma na ang tunay na hitsura nito: pandarahas sa mga sibilyan at lumalaban. Ni Macky Macaspac

I

lang buwan na lang ang nalalabi sa unang yugto ng kontra-insurhensiyang programa ng administrasyong Aquino, ang Oplan Bayanihan. Ibinabalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na malaki na raw ang nabawas sa (kundi man nadurog na ang) makinarya ng itinuturing nilang sagka a “kapayapaan at kaunlaran”: ang Communist Party of the Philippines (CPP) at armadong puwersa nito na New Peoples Army (NPA). Target ng Oplan Bayanihan na maipasa sa pulisya ang internal na seguridad, at haharapin naman daw ng militar ang banta mula sa labas ng bansa. Kaya naman nagkukumahog ang militar sa pagkamit sa kanilang dedlayn. Marami raw silang nahuli, napatay o sumukong mga rebelde at nagtatagumpay raw ang Oplan Bayanihan. Pero kalauna’y napasubalian ang mga ito. Sunud-sunod ang atake ng

NPA sa mga yunit-militar, maging sa mga abusadong plantasyon at minahan partikular sa Mindanao. Kamakailan, naaresto sa checkpoint ng NPA ang limang sundalong kasapi ng 60th Infantry Batallion sa Paquibato District, Davao City. Ano talaga ang nakamit ng gobyerno at militar sa Oplan Bayanihan? Kapayapaan at kaunlaran?

Ayon sa Karapatan, taliwas sa ibinabanderang “kapayapaan at kaunlaran” ng Oplan Bayanihan ang nagaganap sa maraming lugar sa bansa. “Mas mabangis ito sa nakaraang Oplan Bantay Laya ni Gloria Macapagal Arroyo,” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng

Karapatan. Paliwanag niya, ginagamitan ng panlilinlang ang mga operasyong militar sa mga lugar na pinaghihinalaang malakas ang presensiya ng mga rebolusyonaryong puwersa. Ibinanbandera ng militar na iba ang Oplan Bayanihan sa nagdaang mga kontra-insurhensiyang programa. Ipinangunguna raw ng militar ang kahalagahan ng karapatang pantao para makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa mga komunidad. Kaya ipinaloob pa nito ang ilang organisasyong sibiko, akademiko at maging midya para maging katuwang sa pagpapatupad nito. Ilan sa mga programang ipinapatupad daw sa ilalim nito ang pagbibigay serbisyo-medikal, mass feeding sa mga bata, brigada-eskuwela, pagsagip sa mga tao sa panahon ng kalamidad, livelihood projects, at iba pa. Iwinagayway pa nga nila ito sa kanilang mga patalatas sa radyo at telebisyon, gayundin ang pagkuha sa isang sikat na mang-aawit na si Sarah Geronimo para maging poster

girl ng Oplan Bayanihan. Naglunsad ang militar ng mga aktibidad “para sa kapayapaan” tulad ng peace mural sa EDSA kamakailan. Pero pansinin: Lahat ng ginagawang humanitarian efforts ng militar sa mahihirap na mga komunidad ay batayang serbisyong dapat na ibinibigay ng gobyerno kahit wala ang militar. Para sa Karapatan, kahit ang pagpasa ng mga batas na pabor sa mga biktima ng karapatang pantao tulad ng AntiDisappearance Law, Martial Law Victims Compensation maging ang pagbubuo ng isang human rights body sa ilalim ng Administrative Order No. 35 ay pagpapabango lamang sa imahe ng militar. Ang patunay nito: “Walang napaparusahan hanggang sa ngayon,” sabi ni Palabay. Sinabi pa ni Palabay na mas masahol pa raw ngayon kaysa panahon ni Arroyo. “Kasi noon, alam ng lahat na naghahari ang impunity (kawalangpananatugan). Walang pagkukunwari. Ngayon, nakakapagtago ang bangis ng Oplan Bayanihan,” ani Palabay. “Maraming (Hen. Jovito) Palparan ang rehimeng ito. Maraming heneral sa panahon ni Arroyo na na-promote ngayon,” sabi pa niya. Kabilang sa pinatutungkulan ni Palabay ay sina Hen. Eduardo Ano, sangkot sa pagdukot kay Jonas Burgos, na hepe na ngayon ng Intelligence Service ng AFP (Isafp). Si Brig. Gen. Ricardo Visaya naman, na kumander ng 4th Infantry Division, ang inakusahang dumukot at nagpahirap sa magsasakang si Raymond Manalo. Si Hen. Aurelio Baladad ang komander ng 9th Infantry Batallion at Hen. Jorge Segovia ang kumander ng Eastern Mindanao Command – sangkot sila sa ilegal na pag-aresto sa mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang “Morong 43.” “High profile human rights violators ang mga heneral na ito,” ani Palabay. Papatinding paglabag

Dahil desperado ang militar na makamit ang target ago? 2014, tumitindi ang paglabag sa karapatang pantao. Sinabi ni Palabay na sa tatlong taon ni Aquino, nakapagtala na ang Karapatan ng 142 biktima ng extra-judicial killings. Karamihan sa mga biktima ay mga magsasaka at katutubo. Naaalarma sila na may 17 pang bata na pinaslang. Aktibong kasapi o lider ng mga organisasyong tutol sa pangangamkam ng lupa, laban sa mapagsamantalang pagmimina at iba pang kilusan ng


LATHALAIN 5

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HULYO 2013

Hulyo 1, 2010 hanggang Abril 30, 2013

142

EXTRA-JUDICIAL KILLINGS

Illegal Arrest without Detention 247 Illegal Arrest and Detention 293 Illegal Search and Seizure 214 Physical Assault and Injury 208 Demolition 8,856 Violation of Domicile 397 Destruction of Properties 7,724 Divestment of Property 282 Forced Evacuation 30,678 Threat/Harassment/Intimidation 31,417** Indiscriminate Firing 7,012** Forced/Fake Surrender 54 Forced Labor /Involuntary Servitude 172 Use of Civilians in Police and/or Military Operations as Guides and/or Shield 297 Use of Schools, Medical, Religious and Other Public Places for Military Purpose 27,029 Restriction or Violent Dispersal of Mass Actions, Public Assemblies and Gatherings 2,781 * Lahat ng biktima ay menor-de-edad ** Karamiha’y komunidad sa militarisadong mga lugar Batay sa mga ulat na natanggap at nakalap ng Karapatan

164 16 76 3*

FRUSTRATED EXTRA-JUDICIAL KILLINGS

SAPILITANG PAGKAWALA / PAGDUKOT

TORTYUR

RAPE

Rali sa Mendiola noong Hunyo 26, pandaigdigang araw ng paggunita sa mga biktima ng tortyur.

KR GUDA

mamamayan ang kalakhaan sa mga pulitikal ang gobyernong Aquino. pinaslang. Itinatanggi pa nga nila ang pagkakaroon Sa halip na kapayapaan, takot nito. Pero nasa 432 sila, at 138 sa kanila umano ang dala ng peace and development ang inaresto ngayong panahon ni teams ng militar. Kamakailan, walang Aquino. habas na binomba ang isang komunidad “Out of desperation ng militar, sa Malibcong, Abra na naging sanhi ibinabaling nito ang militaristic approach ng pagkakatulala ng dalawang bata ng Oplan Bayanihan sa buo-buong na nangunguha ng kuhol sa palayang komunidad,” ani Palabay. Nagaganap binagsakan ng bomba. Gayundin ito sa ilang rehiyon tulad ng Kordilyera. noong 2012 sa ilang lugar sa Agusan del Di rin ligtas sa operasyong militar ang Sur, na naging sanhi ng paglikas ng mga mga rehiyong sinalanta ng bagyong residente. Pablo sa Mindanao. Maliban dito, tuloy ang atake sa mga Samantala, sa pagmamatigas ng aktibista sa pamamagitan ng pagsampa administrasyon na di-tupdin ang ng gawa-gawang mga kaso sa kanila. naunang mga kasunduan, tigil ang Tampok ang kaso nina Randy Vegas usapang pangkapayapaan sa pagitan ng at Raul Camposano, mga organisador gobyerno at rebolusyonaryong kilusan. sa sektor ng kawani ng gobyerno, na Umaasa sila sa Oplan Bayanihan para nakapiit sa Camarines Sur matapos sa pamamagitan ng dahas, makamit ang silang ilegal na arestuhin. May mga lider- “kapayapaan.” PW aktibista at -obrero ring sinampahan ng kung anu-anong kaso sa Pantao National sa Paglabag sa Karapatang Capital Region at iba pang probinsiya. panahon ng administrasyong Aquino Walang pinapalayang bilanggong

ANG BIG THREE SA LANGIS

MULA SA PAHINA 3

sa London) ang Pilipinas-Shell. May operasyon ito sa 90 bansa at teritoryo sa mundo, at nagsimula sa Pilipinas noon pang 1914. Liban sa refinery sa Batangas, nagbebenta rin ito ng oil-based products, may imbakan (22 oil depots) sa buong bansa, at 960 retail stations. Marami pang kompanya ang Shell sa Pilipinas liban sa pagbebenta ng petrolyo. Nariyan ang Shell Philippines Exploration, na nagmimina ng langis sa Malampaya kasama ang Department of Energy, PNOC at Chevron. Mayroon din itong Shell Business Center para sa mga serbisyong pinansiya, human resources, procurement at customer service. Sa katunayan, nagbibigay ng mura, matipid at episyenteng suportang serbisyo para sa mga negosyo ng Shell sa Europe, North America at Asia ang Shell Business Center sa Manila. Brand name naman at subsidyaryo ng Chevron Texaco Corp ng US ang Caltex. Saklaw ng Chevron ang 180 bansa at panglima sa pinakamalalaking kompanya sa enerhiya sa mundo. Sa Pilipinas, liban sa refinery nito, mahigit 500 ang retail stations, maraming imbakan ng langis at convenience stores, at ngayo’y pumapasok hindi lang sa pagmimina ng langis kundi alternative fuels tulad ng biodiesel. Kamakailan, sinarhan nito ang refinery sa Batangas, pero ang ipinalit naman dito’y isang world-class import terminal na may 2.7 milyong bariles na storage capacity. Ngayong 2013, umabot sa 77 taon na ang Caltex sa Pilipinas. Tinawag na itong Caltex nang magsanib ang Texaco at Standard Oil of California (1936). Sa matagal na panahon, naging numero unong oil company ito sa Pilipinas. Hindi lamang sa pag-aangkat, pagrerepina, at pagbebenta ng langis makikita ang Big Three. Nasa eksplorasyon at pagmimina rin sila ng langis sa Pilipinas. Nais din nilang kontrolin ang iba pang pinagmumulan ng enerhiya tulad ng geothermal energy. Pagkakaisa ng bayan

Kung nasa kamay ng monopolyong dayuhan at malalaking burgesyakomprador sa Pilipinas ang industriya ng langis, at pinapaboran pa ito ng mga batas ng gobyerno, ano nga naman ang laban ng karaniwang mga mamamayan sa pagtaas ng presyo ng langis? Kaya naman malakas ang panawagan ng militanteng mga organisasyon na magkaisa ang bayan. Sa simula, laban sa profiteering, overpricing, o pagbabasura sa oil deregulation, o pagtanggal ng Expanded Value-Added Tax sa langis. Pero lumalakas ang panawagan sa pagsasabansa ng industriya ng langis. Sabi ng Ibon, may kailangang baguhin sa sistemang pulitikal ng bansa para maisabansa ang industriya ng langis sa Pilipinas. Mangangailangan ito ng isang tunay na gobyerno ng mga mamamayan na mangangalaga sa interes ng bayan. Magagawa kaya ito ni Aquino? Sa takbo ng mga pangyayari, malayo pa ito sa panaginip. PW


6 LATHALAIN

PINOY WEEKLY ESPESYA

SERBISYONG PUBLIKO, NEGO

P

inakasentro ng mga patakaran sa ekonomiya ni Pang. Benigno Aquino III ang pagsasapribado sa maraming serbisyo at pag-aari pa ng gobyerno.

Sinasabi ni Aquino, at inaasahang sasabihin niya uli sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22, na “partnership” daw sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor (malalaking lokal at dayuhang kompanya) ang magpapaunlad sa mga serbisyong panlipunan. Ito ang mga serbisyong inaasahan ng pamilyang Pilipino na libreng ibigay sana ng gobyerno: edukasyon, kalusugan, pabahay at mga yutilidad (kuryente at tubig). Kasama pa rito ang tinatawag na assets o pag-aari ng gobyerno, tulad ng mga lupain— na tinitirhan ngayon ng maraming maralita. Kung kaya, matapos ang tatlong taon, gusto ni Aquino na itodo na ang pribatisasyon, o ang PublicPrivate Partnerships (PPP). Pero may mahabang karanasan ang mga Pilipino na lalong hindi naaabot ng mahihirap ang mga serbisyong ito kung napapasakamay ito ng mga negosyante. Simple ang dahilan: Sa negosyo, layunin ng negosyante ay hindi lang kumita, kundi kumita nang malaki. Nakita natin ito noong nakaraang mga rehimen, nang isapribado sa Metro Manila ang distribusyon ng kuryente at tubig, gayundin sa MRT at LRT (na natakdang magtaas ng singil). Lalala pa ito sa pagtodo ni Aquino sa PPP. Inaasahang lalong maghihirap ang karamihan, habang lalong yayaman ang iilan. Silipin natin ang pribatisasyon sa ilalim ni Aquino: sa serbisyo sa tubig at sa mga ospital.

Pagsasapribado sa Philippine Orthopedic Center: Una sa ipinaplano ni PNoy na mga proyektong PPP sa sektor pangkalsuguan. BOY BAGWIS

Kalusugan mo—sa mahal na presyo S a serbisyong pangkalusugan, patatakbuhin ang mga ospital ng gobyerno “kasama” ang pribadong sector. Pero sinabi ng Alliance of Health Workers (AHW) na magiging negosyo lang ito, at lalong maglalayo ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan. “Kahit paano pa pagandahin ang pangalan na korporatisasyon, pribatisasyon pa rin ’yan. Ngayon pa lamang, mayroon nang mga porma ng pribatisasyon na nagaganap sa (pampublikong) mga ospital,” ayon kay Robert Mendoza, secretary general ng AHW. Ayon sa AHW, isang porma ng pagsasapribado ang build-operate-transfer (BOT). Pribadong kompanya ang magtatayo ng pasilidad gaya ng gusali ng ospital, at

patatakbuhin ito ng nasabing kompanya sa takdang panahon, bago ibalik sa gobyerno. “Sa ganitong paraan pribadong sektor ang siyang namumuno sa ospital at nagtatakda ng mga patakaran at bayarin dito. Publiko ang pangalan, pero pribado na ang siyang mamumuno. Hindi na ito serbisyo publiko kundi negosyo,” ani Mendoza. Ito ang pinangangambahang mangyari ngayon saPhilippine Orthopedic Center na dumadaan sa bidding para mapasok ng pribadong mga negosyante, dagdag ni Mendoza. Direktang pagbebenta o outright sale ang inaasahang gagawin naman sa Welfareville. Ito ang lugar sa Mandaluyong kung saan nakatayo ang National Center for Mental Health (NCMH). Tinatayang P20.6 Bilyon

ang halaga ng 110 ektarya ng Welfareville. Umabot sa P45,000 kada metro kuwadrado naman ang halaga ng lupa ng naturang mental hospital. “Dito buong ibebenta ang NCMH, kasama ang komunidad sa paligid nito.Isang prime lot ang lugar para sa mga negosyante,” ayon kay Mendoza. Samantala, sa ilalim ng integration (isa ring porma ng pagsasapribado) ang Jose Reyes Hospital, San Lazaro Hospital, at Dr. Jose Fabella Hospital. Pag-iisahin ang sinasabing mga ospital, kaya magiging isa na lang ang badyet na makukuha ng mga ito sa gobyerno. Dito na papasok ang pribadong sektor para sa mga serbisyo medikal tulad ng x-ray at ibang laboratory services para magnegosyo. Ganito na ang nangyayari sa Tondo Medical Center na pribado ang nagbibigay ng serbisyo tulad ng x-ray sa mga pasyente. Gayundin, pribado rin ang pagpapadialysis sa National Kidney and Transplant Institute, ayon kay Mendoza. SUNDAN SA PAHINA 8


LATHALAIN

AL NA ISYU | HULYO 2013

OSYO NA

PPP sa sistema ng edukasyon

L

iban pa sa programang Kindergarten to 12 years (K12) sa batayang edukasyon, meron pang ikinakasa ang administrasyong Aquino para patindihin ang pagnenegosyo sa edukasyon. Sa taun-taong pagkaltas ng administrasyon sa badyet sa edukasyon, taun-taon ding pinapapasok ang pribadong sektor sa sistema ng pampublikong edukasyon. Ang isang iskema: ilipat sa pribadong mga paaralan ang dumaraming estudyante na di na maipasok sa mga pampublikong eskuwela na lumiliit ang badyet. Sa plano ng Department of Education (DepEd) ngayong taon, maglalaan ang pamahalaan ng P7 Bilyon (na tinawatag na Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o Gastpe) para “i-decongest” o alisin sa siksikang public high schools ang aabot sa isang milyong (1M) estudyante. Napakalaki ng badyet na ito, at mas malaki pa sa badyet ng Universal Kindergarten at Alternative Learning System. Pinangangasiwaan ng DepEd at Fund Assistance to Private Education (FAPE) ang Gastpe. Nakapailalim sa Gastpe ang eskemang Education Service Contracting o ESC, ang pinakamalawak at pinakamahabang anyo ng PPP sa kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas. At dahil may K-12 na, may dahilan ang DepEd para ipasok ang pribadong mga kapitalista-edukador sa dalawang taon na senior high school. Tutol dito, siyempre, ang militanteng mga guro sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). “Labag ito sa itinatadhana ng Saligang Batas na libreng high school para sa kabataang Pilipino,” ayon sa ACT. Gayunman, pansin ng naturang grupo na kadalasang maliit pa rin ang subsidyong ibinibigay ng Gastpe na P10,000 kada grantee. “Halos kalahati (ito) ng mga matrikula sa pribadong mga paaralan,” sabi pa ng ACT. Kung kaya, tiyak daw na mga estudyanteng may kaya lamang o mga nasa middle class ang maaaring maging grantee. Kahit ang kalahati ng mga matrikula sa pribadong mga eskuwelahan ay di kaya ng maralitang pamilya, ani ng ACT. Halos 80% ng pribadong mga paaralan sa bansa ngayon ang nakikinabang sa Gatspe. PW

7

Bumubuhos na bayarin sa tubig

S

a serbisyo ng tubig, ramdam na ramdam natin ang epekto ng pribatisasyon: ang laging pagtaas ng bayarin. Hindi biro ang panibagong taas-singil naitinutulak ngayon: P5.83 kada cubic meter (cu.m.) para sa Manila Water Co. (East Zone), at P8.58/ cu.m para sa Maynilad Water Services (West Zone). Ito pa lamang ang pagtaas sa basic charge ng tubig. Kung isasama ang iba’t iba pang singil na nakapaloob sa bill ng tubig gaya ng Value-Added Tax at environmental fee, maaaring umabot ng P7.81/ cu.m (Manila Water) at P11.41/ cu.m (Maynilad) ang dagdagsingil. Kung susumahin, posibleng madagdagan ng P234.30 ang babayaran kada buwan sa Manila Water, at P342.30 naman sa Maynilad, para sa pamilyang kumokonsumo ng 30 cu.m kada buwan.

kanila para sa mga proyektong hindi natupad, inamin ng MWSS na walang mekanismo para rito. Wala ring maiprisintang detalyadong plano sa negosyo ang Maynilad at Manila Water, na dapat pagbabatayan ng taassingil.

Pribatisasyon at taas-singil

Sa nakatakdang pagdedesisyon ng Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) sa petisyon ng taas-singil ngayong Hulyo, malinaw na walang napala ang mga mamamayan kundi ang mas malaking mga bayarin sa pagsasapribado (o Public-Private Partnership, sa termino ngayon ng gobyernong Aquino) ng serbisyo sa tubig. Dulot ng rate rebasing ang panibagong taassingil. Ayon sa 40-taong kontrata sa gobyerno ng KR GUDA dalawang concessionaire (Manila Water at Maynilad), maaari silang magpatupad ng rate rebasing o pagtaas sa basic charge kada limang taon. Kaya mula nang isapribado ang MWSS noong 1997, lumobo na ang basic charge sa tubig nang halos 585% sa Maynilad at halos 1,120% naman sa Manila Water. (Tingnan ang graph) Sa rate rebasing, nirerepaso ng MWSS at mga concessionaire ang itinakbo ng negosyo at mga plano sa negosyo ng huli. Ito ang magiging batayan ng taas-singil sa tubig. Pinupuna ito ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) bilang isang iskema para tiyakin ang tubo ng mga kompanya. “Paniningil [ito] hindi lamang sa mga nakaraang ipinuhunan ng mga ito kundi para rin sa kanilang mga planong puhunan sa darating na limang taon,” ayon sa grupo. Kabilang dito ang mga proyektong di naman natupad, gaya ng P732 Milyong Wawa Dam, P52-M Laiban Dam Feasibility, P100-M Laguna Lake Water Supply, P5-B Angat Reliability Project, P45-B Laiban Dam, at P4-B Earthquake Contingency Project. Siningil ito sa mga konsiyumer noong 2003 at 2008 na rate rebasing. Nang tanungin sa konsultasyon sa Quezon City kung maaari bang i-refund ng mga konsiyumer ang sinigil sa

Tubong lugaw

Sa pagtatanong ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, inamin ni Ferdinand dela Cruz, group director ng Manila Water, na tinatayang kumita ang kompanya ng P30Bilyon mula noong 1997. Ngunit hindi niya masabi kung magkano ang magiging tubo nito sa panibagong taassingil. Ayon sa pag-aaral ng Bayan, nasa 14% ang return of rate base o kabuuang tubo ng dalawang concessionaire. Lampas ito sa 12% lamang na tubo na pinapayagan ng batas para sa mga nagnenegosyo sa pampublikong yutilidad, ayon sa grupo. Patuloy pang lumalaki ang kanilang tubo. Sa unang kuwarto ng 2013, halimbawa, lumaki ang tubo ng Maynilad sa P1.76-B, mula sa P1.64-B sa parehong panahon noong 2012. Tubong lugaw ang malalaking lokal at dayuhang negosyanteng kumokontrol sa dalawang concessionaire. Ang Maynilad ay pagmamay-ari ng Pacific Investments Corp. (MPIC) ni Manny Pangilinan (43%); DMCI Holdings ng pamilyang Consunji (25%); MCNK JV Corp. (16%) na subsidyaryo ng Marubeni Corp., isang higanteng korporasyong Hapon; at Lyonnaise Asia Water Limited (16%), na bahagi ng Suez ng France, isa sa mga pinakamalaking kompanya sa tubig sa mundo. Pagmamay-ari naman ng Ayala Corporation (43%) ang Manila Water kasama ang Mitsubishi Corp. (8%), korporasyong Hapon; International Finance Corp. (6%), ang investment arm ng World Bank; First State Investments ng UK (10%); at Philwater Holdings Co. Inc. (33%), isang korporasyon ng Ayala Corp. (60%) at United Utilities (40%) ng UK. SUNDAN SA PAHINA 8


8 LATHALAIN

BUMUBUHOS

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HULYO 2013 EDITORYAL...MULA PAHINA 2 PAHINA 7

Sa halip, kukumbinsihin niya tayong magdudulot ang mga PPP ng kaunlaran. Pero hangga’t patuloy na nangingibang-bansa ang libulibong manggagawang Pilipino dahil sa kawalan ng trabaho, hangga’t pataas nang pataas ang

presyo ng batayang mga bilihin at PPP sa kanayunan, serbisyo, at sa kanayuna’y walang pagkakakitaan ng sariling lupa ang mga magsasaka, mahihirapan ang taumbayan na kaanak, kroni ni PNoy? paniwalaan siya. Mas kapani-paniwala na ang ga kamag-anak at kroni ibabanderang mga PPP ay mga ni Pangulong Aquino ang posibleng kumita sa mga “rural Planong Pagpapahirap ni Pnoy, development program” na inanunsiyo ng na dapat labanan at pigilan. PW

Demolisyon sa ‘waterways’, para sa PPP?

Nangangamba ang Bayan dahil nasa gabinete ngayon ni Pangulong Aquino ang dalawang dating mataas na opisyal ng mga kompanya ng tubig. Si Jose Rene Almendras, hepe ng Presidential Management Staff, ay dating chief executive officer ng Manila Water. Si Rogelio Singson, kalihim ng Department of Public Works and Highways, ay dating chief operating officer ng Maynilad. Itinanggi na ng Malakanyang na may impluwensiya sina Almendras at Singson sa pagdedesisyon ng MWSS. Pero hindi naman inaasahang pipigilan ng gobyernong Aquino ang taas-singil, maliban na lamang kung mapepresyur ng malakas na kilusan ng mga mamamayan laban dito. Kasama sa mga kumikilos laban sa taas-singil sa tubig ang mga kawani ng gobyernom nagbabala laban sa planong PPP sa water districts sa buong bansa. “Ang dinaranas ngayon ng Metro Manila at kalapit na probinsiya na sineserbisyuhan ng dalawang pribadong kompanya ay sasapitin din ng ibang probinsiya dahil sa [mas pinatitindi pang pribatisasyon],” sabi ni Ferdinand Gaite, tagapagsalita ng alyansang Water is Life, Stop Privatization. Sinabi ni Gaite na noong nakaraang Kongreso, may panukalang batas na naglalayong ibenta ang mahigit 800 water districts sa buong bansa. Pero napigilan ang pagpasa nito dahil sa paglaban ng mga unyon sa distrito at mga mamamayan. Kaya naman sa paglaban din lamang maaaring mapigilan ang napipintong pagbuhos ng bayarin sa tubig. PW

K

akaibang bagyo ang mananalasa sa 20,000 pamilya sa Metro Manila ngayon. Sa ilalim ng programang Daang Matuwid ni Pangulong Aquino, sunud-sunod na demolisyon ang isasagawa sa mga bahay na nakatirik sa mga estero at sinumang “magmatigas” na bumalik ay aarestuhin. Nagpahayag ang Malakanyang ng “ultimatum” sa mga pagpapalayas ngayong katapusan ng Hulyo. Nagbabala ang mga maralitang lungsod ng militanteng mga paggiit sa kanilang kabahayan para labanan ang naturang demolisyon nang walang relokasyon sa loob ng lungsod. Kamakailan, nakipagdiyalogo ang mga grupo ng maralitang tagalungsod kabilang ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa Department of Interior and Local Government (DILG). Pero salungat ang ipinatutupad ng gobyerno. Bibigyan ng PhP18,000 na “rental subsidy” ang bawat pamilya kapalit ang paglikas nila sa kasalukuyang tinitirhan. Kinakailangan din na makapag-alsa-balutan ang mga apektadong pamilya bago sumapit ang ika-30 ng Hulyo. Ang mga demolisyong isasagawa ay bahagi ng “three-year relocation plan” ng gobyerno na may layuning “linisin” ang mga estero ng Maynila bilang paghahanda sa tag-ulan. Itinuturing ng gobyerno na dahilan ng matitinding pagbaha ang mga informal settler sa mga estero. Pero taliwas ito sa matagal nang sinasabi ng maraming eksperto. Kabilang dito ang mga propesor ng UP na sina Kelvin Rodolfo at Fernando Siringan. Anila, ang sobrang paggamit ng groundwater ang pangunahing nagdudulot ng baha sa Metro Manila at paglubog ng ilang lupain. Samantala, maaaring gawing “ligtas at maayos” na tirahan ng maralita ang mga tabing-estero kung isasailalim ito sa rehabilitasyon, ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus. Nananawagan ang Gabriela at iba pang grupo ng maralita ng on-site na rehabilitasyon sa mga tabing-estero at in-city na relokasyon para sa mga maralita, na naroroon ang kabuhayan. Inihalimbawa ni de Jesus ang pagsisikap ng ilang mga maralitang komunidad sa Quezon City na ayusin ang mga tabing-estero. Sa Brgy. Bagong Silangan, na matinding sinalanta ng Bagyong Ondoy, isang plano para magtayo ng riprap sa mga estero na kumokonekta sa Marikina at Montalban ang inihain ng mga residente sa lokal na gobyerno ng QC. Ipinunto pa ni de Jesus na kapag napalayas na ang mga maralita sa tabingestero, inaalok din naman ng gobyerno ang parehong lokasyon sa malalaking negosyo sa ilalim ng Public-Private Partnership o PPP, matapos tayuan ng mga imprastruktura para maging ligtas. Nina Kate Panis at Ilang-Ilang Quijano

M

administrasyon sa ilalim ng PublicPrivate Partnership. Sinabi ito ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) matapos ang nasabing anunsiyo ng Malakanyang. Magiging pokus daw ng tatlong sunod na taon ng Malakanyang ang “pagpapaunlad” sa agrikultura. Titindi lamang ang kawalan ng lupa at dislokasyon ng mga magsasaka, mangingisda at maralita sa kanayunan,” sabi ni Antonio Flores, pangkalahatang kalihim ng KMP. Kasama sa mga proyektong PPP sa kanayunan ang Php53-Bilyong proyektong Metro Rail Transit Line 7 mula North Edsa, Quezon City patungong San Jose Del Monte, Bulacan at PhP 11.2- B proyektong Jalaur River Mega Dam sa Iloilo. Inaasahang magbebenepisyo sa mga proyekto ang tiyuhin ni Aquino na si Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr., gayundin ang pamilya ni Interior Sec. Mar Roxas sa proyektong MRT-7. “Habang pinagpipiyestahan ng mga Cojuangco at Araneta ang mga proyekto, mahigit 1,000 pamilya ng mga magsasaka ang maddidisloka mula sa mga lupain nila, habang papasanin ng mga mamamayang Pilipino ang utang ng gobyernong Aquino para sa MRT-7,” ani Flores. PW

KALUSUGAN MO

PAHINA 6

Sa Philippine General Hospital naman, itinayo ang University Physicians Medical Centerna pinapatakbo ng pribadong sektor para magbigay ng serbisyo gaya ng mga laboratory test. Mayroon din itong sariling pharmacy na pribado rin ang nagmamay-ari. Ayon kay Mendoza, kaya nangyayari ang mga ito ay dahil kinakaltasan ng badyet ang mga pampublikong serbisyo gaya ng kalusugan. Ito ang esensiya ng PPP ni Aquino. Bahagi ito ng mga polisiyang mga dayuhang institusyon tulad ng World Bank at World Trade Organization: ang polisiya na pagkakitaan ng iilan ang pampublikong serbisyo sa karamihan. PW


LATHALAIN 39

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HULYO 2013

S

ila ang pangunahing koponan ni Pang. Benigno Aquino III sa mga usaping pang-ekonomiya. Sa mga negosasyon hinggil sa pangangalakal, sa pakikipagsosyo sa pribadong sektor (lalo na para sa Public-Private Partnerships), sa pangkakatawan sa Pilipinas sa ibang bansa. Makikita, sa kanilang rekord at background, na lahat sila’y nanggaling sa uri ng malalaking burgesya komprador, o iyung lokal na negosyanteng kasosyo ng malalaking monopolyo kapitalistang dayuhan. Bihasa sila sa negosyo at matagal nang niyakap ang lohika ng pagkamal ng tubo. Sinasabi ni Aquino, samantala, na winawaksi na niya ang korupsiyon sa kanyang administrasyon. Pero, sa ating palagay, korupsiyon ding maituturing ang pagpabor ng kanyang mga polisiya—at ng kanyang economic team—sa malalaking lokal at dayuhang negosyante, sa kapahamakan ng mayorya ng mga mamamayang Pilipino.

Sinu-sino ang nakapalibot kay PNoy? Kilalanin ang economic team ni Aquino—mga malalaking negosyante, malalapit na alyado, mga malalapit sa dayuhang interes. Tinipon ng PW Reportorial Team

PAQUITO OCHOA JR. Executive Secretary

M

alayo na ang narating ni Atty. Paquito N. Ochoa Jr., mula sa pagiging city administrator ng Quezon City noong 2001, hanggang executive secretary ni Pangulong Aquino noong 2010. Magkaututang-dila ang mga angkan ng Aquino at Ochoa. Makaibigan sina Sen. Benigno Aquino Jr at Ochoa Sr. na noo’y meyor ng Pulilan, Bulacan. Nang mapunta sa Kongreso, naging tauhan sa legal affairs ni Aquino III si Ochoa Jr. Suportado ni Ochoa ang pananahimik ni Aquino sa reporma sa lupa, dagdag-sahod, at iba pang isyu. Sinuportahan naman ni Aquino si Ochoa nang maipit ang huli sa pagpaslang sa umano’y 13 kriminal sa Atimonan, Quezon noong Enero 6. Tagapangulo si Ochoa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission

JERICHO PETILLA Kalihim, Dept. of Energy

I

pinanganak sa Palo, Leyte, nagmula si Jericho Loreto-Petilla sa angkan ng mga pulitiko sa kanilang probinsiya. Dating gobernador ng Leyte ang kanyang ama, habang ang kanyang ina ang kasalukuyang meyor ng Palo, na dati ring gobernador at kinatawan ng unang distrito ng Leyte. Si Petilla mismo ay naging gobernador

(PAOCC), na inaakusahang iniutos ang rubout. Dati ring nakuwestiyon si Ochoa sa P40Milyong mansiyon na titirhan umano niya sa Teachers Village, Quezon City. Napag-alamang ang mansiyong ito ay pagaari ng Hedgerow Retain Holdings Inc., kompanya na isa sa mga may-ari si Theresa OchoaAcuzar, kapatid ng executive secretary. Asawa naman si Theresa ni Jerry Acuzar, ang may-ari ng New San Jose Builders. Binili ng Hedgerow ang property noong 2009 gamit ang isang law firm, Marcos Ochoa Serapio Tan Law Firm, na bahagi si Ochoa. New San Jose Builders naman ni Acuzar ang isa sa debeloper ng mga relocation house sa Montalban, Rizal at iba pang lugar, na binabayaran at tinitirhan ng mga maralitang dinemolis ang bahay sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan. PW

din ng Leyte sa tatlong magkakasunod na termino, mula noong 2004. Ang ilan pa sa kanyang mga kamag-anak ay mga pulitiko rin sa naturang probinsiya. Noong eleksiyong 2007, tatakbo sanang senador si Petilla sa ilalim ng Unity Ticket ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, pero nagbago siya ng isip isang linggo

CESAR PURISIMA Kalihim, Dept. of Finance

I

tinuturing na isa sa pinakamaimpluwensiyang miyembro ng economic team ni Aquino si Cesar Purisima. Ayon sa ilang nakakaalam, si Purisima ang pangunahing pointman sa malalaking pakikipag-kontrata ng gobyerno sa pribadong sektor. Nag-aral ng accountancy sa De La Salle University at business administration sa Kellogg School of Management sa Illinois, USA, matagal na naglingkod si Purisima sa malaking auditing firm na Sycip-Gorres-Velayo (SGV). Noong Hulyo 1, 1999, naging managing partner siya nito, hanggang 2003 nang kunin siya ni Gloria Macapagal-Arroyo bilang kalihim ng Department of Trade and Industry.

matapos magsampa ng kandidatura. Nagtapos ng management engineering sa Ateneo de Manila si Petilla. Naging presidente siya at chief executive officer ng International Data Conversion Solution Inc. sa Mandaluyong City, at Accudata Inc. sa Tacloban City. Isa rin siya sa mga may-ari at konsultant ng DirectData

Isang multimilyonaryo (ayon sa 2012 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN niya, mahigit P270-M ang yaman niya), naging pinuno ng board ng National Power Corporation (Napocor) si Purisima. Naging pinuno rin ng board ng Land Bank si Purisima, gayundin ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (Psalm), National Transmission Corporation at Philippine Deposit Insurance Corporation. Naging bahagi din ng board si Purisima ng malalaking kompanya ng pagmimina (Benguet Corp.), semiprocessed na microelectronics (Integrated Microelectronics, Inc.), at iba pa. Nasangkot naman si Purisima sa kontrobersiya nang akusahan siya sa Commission on Appointments (COA) na may di-binayarang buwis. Nakita rin ng COA ang ilang discrepancy sa kanyang isinumiteng SALN. PW

Capture, na may tanggapan sa United Kingdom (UK) at New York, gayundin ng Datahold na nasa UK din. Nagsilbi rin siyang konsultant sa Meralco, Security Bank at Philpos at naging pinuno ng Regional Development Council at ng Regional Peace and Order Council sa Silangang Bisaya. PW NAKAPALIBOT KAY PNOY | SUNDAN SA P.10


10 LATHALAIN

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HULYO 2013

NAKAPALIBOT KAY PNOY MULA SA PAHINA 9

FLORENCIO ABAD Kalihim, Dept. of Budget & Management

M

ula rin sa angkan ng mga pulitiko sa Batanes si Florencio Abad. Limang beses naging kongresista ng Liberal Party ang kanyang ama na si Jorge Abad na naging kalihim ng Department of Public Works, Transportation and Communication noong panahon ni Pang. Diosdado Macapagal. Naging gobernador at kongresista din ang kanyang ina na si Aurora Abad sa Batanes. Kinatawan ng Batanes ang kanyang asawa na si Henedina Abad. Nagsisilbi naman ang kanyang anak na si Julia Abad bilang chief presidential management staff. Si Julia din ang naging chief of staff ni Noynoy Aquino noon sa Senado. Nasa gabinete rin ni Aquino ang kanyang anak na si Pio Emmanuel Abad. Chief of staff naman ni Finance Sec. Cesar Purisima ang kanyang anak na si Luis Andres Abad. Nakapagtapos si Abad ng hayskul at kolehiyo sa Ateneo De Manila University, sa kursong business administration noong 1985. Nag-aral din

ROSALINDA BALDOZ Kalihim, Dept. of Labor & Employment

A

bogado bago nagsilbi sa Department of Labor and Employment, si Rosalinda Dimapilis-Baldoz ay isang commissioned na Lieutenant Colonel sa Reserve Force, Philippine Army. Nag-aral siya sa Australia at Cornell Univ., New York, sa scholarship ng US Agency for International Development (USAID) sa Cornell University sa New

GREGORY DOMINGO Kalihim, Dept. of Trade & Industry

siya sa Harvard University, USA. Malapit din sa malalaking negosyo si Abad. Nagsilbi siya bilang direktor ng Psalm at Napocor. Ang Psalm ay nangangasiwa sa pagbebenta ng iba’t ibang nalalabing generation assets ng Napocor, mga kontrata ng independent power producer (IPP), real estate, at iba pang disposable assets, kabilang ang transmission. Naging bahagi siya ng paghahanda para sa pagsasapribado ng Napocor. Naging kongresista si Abad sa Batanes noong 1987. Naging tanyag siya noong panahong ito dahil sa adbokasiya niya para sa Comprehensive Agrarian Reform Program. Nagsilbi din siya bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform noong panahon ni Corazon Aquino, pero hindi siya nakumpirma. Taong 2004, itinalaga si Abad bilang kalihim ng Department of Education sa ilalim ni Gloria Macapagal-Arroyo. Nang pumutok ang eskandalong “Hello Garci”, isa si Abad sa sampung nagbitiw. Naging kampanyador siya ng Liberal Party noong 2010 halalan. Pagkapanalo ni Aquino, itinalaga siya nito bilang kalihim ng Department of Budget and Management. York. (USAID ang isa sa mga ahensiya ng gobyerno ng US na nagtataguyod ng neo-liberal na adyenda sa ibang bansa.) Noong 1988, naging DOLE Undersecretary for Labor Relations and Management si Baldoz. Naging administrador siya ng Philippine Overseas Employment Admi-nistration (POEA) sa ilalim ni Pangulong Arroyo. Nang maupo si Benigno Aquino III, naging pinuno si Baldoz ng DOLE. Sa kanyang panunungkulan sa POEA, binatikos si Baldoz ng Migrante International sa kanyang mga posisyon tulad ng pagbasura sa mga kasong

I

sa sa naunang mga appointee ni Aquino noong Hulyo 1, 2010 si Gregory Domingo sa DTI. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila, Asian Institute of Management at University of Pennsylvania. Pero tila hindi lang dito ang pagpapakadalubhasa niya sa negosyo. Naging direktor siya ng SM Investments Corp., Banco de Oro (pag-aari ng bilyonaryong si Henry Sy ang SM at BDO), Pico de Loro Beach and Country Club, Pampanga Sugar Development Company, Carmelray, JTCI Corp. at Manila Electric Corp. (Meralco). Naging bahagi rin siya ng pagpapatakbo ng malalaking bangko, tulad ng Chase Manhattan, Chemical

ARSENIO BALISACAN

Bank, First Boston, Drexel Burnham Lambert atbp. Dikit ang interes niya sa malalaking dayuhan at lokal na negosyo: naging bahagi rin siya ng board sa Foreign Exchange Association of the Philippines noong ’90s, at miyembro ng Open Market Committee ng Bankers Association of the Philippines. Panahon ni Pangulong Arroyo, napunta ng gobyerno si Domingo. Naging undersecretary siya ng DTI – bilang tagapag-areglo ng investments ng mga negosyanteng dating kasamahan niya. Naging managing head din siya ng Board of Investments ng DTI mula Mayo 2001 hanggang 2004. Bago siya naging kalihim ng DTI sa gabinete ni Aquino, executive director siya ng SM Investments Corp. Ngayong panahon ni Aquino, lalong namayagpag at yumaman ang kompanyang ito. PW

ang italaga ni Aquino bilang kalihim ng National Economic Development Authority, dekano si Balisacan ng University of the Philippines School of Economics, na kilalang nagtataguyod ng neo-liberal economics. Nagsimula ang karera ni Balisacan bilang ekonomista ng World Bank (1986-1987). Sa pagpasok sa gobyerno bilang Agriculture Undersecretary (2001-2003), naging punong negosyador siya ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) at iba pang bilateral na kasunduan. Naging adviser din siya para sa WB, Asian Development Bank

(ADB) at United Nations. Sa WTO itinutulak ang ibayong nagbukas ng ekonomiya ng bansa sa pagdagsa ng mga dayuhang produkto, na ikinalugi ng mga lokal na magsasaka. Samantala, ang malalaking bangko gaya ng WB at ADB ang nagtatali ng bansa sa mga dayuhang pautang at neo-liberal na mga polisiya sa ekonomiya. May PhD sa Economics mula sa University of Hawaii, naging research fellow din si Balisacan sa East West Center (EWC) sa Honolulu, institusyong itinayo ng gobyernong US para sa umano’y mas mahigpit na kolaborasyon sa pagitan ng mga Silangan at Kanlurang bansa. Marami sa mga sinanay ng EWC ay nasa liderato ng mga gobyerno, unibersidad, at korporasyon sa Asya Pasipiko. PW

isinampa ng 31 overseas health workers laban sa Sentosa Recruitment Agency sa paglabag sa kontrata at pagpasa ng memorandum na nagbabawal sa direct hiring ng mga dayuhang employer. Isininangkot naman ng Kilusang Mayo Uno sa maanomalyang ang P258-M dagdag na badyet para sa DOLE na ilalaan umano sa mga mobile device at iba pang gaheto. Depensa ni Baldoz, pangmonitor umano ito ng

mga paglabag sa batas-paggawa. Pero maaari lamang umano itong mapunta sa korupsiyon, ayon sa KMU. Sa panahon ng panunungkulan ni Baldoz, patuloy pa rin ang mga polisiya tulad ng kontraktuwalisasyon, assumption of jurisdiction, kawalan ng pagtaas ng sahod, paglabag sa karapatang mag-unyon at iba pang iskema na nagpapahirap sa mga manggagawa. PW

Kalihim, NEDA

N


LATHALAIN 11

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | HULYO 2013

JOSE RENE ALMENDRAS

Hepe, Pres. Management Staff

B

ilang pinuno ng Presidential Management Staff, mas masaklaw na ang impuwensiya ni Jose Rene Almendras kaysa noong kalihim siya ng Department of Energy (DoE). Diretso siyang nag-uulat sa pangulo, at may kapasidad na ipatupad ang iba’t ibang aspekto ng Philippine Development

Plan ni Aquino. Naging chief executive officer ni Almendras sa Manila Water Co., pribadong concessionaire na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila na pagmamay-ari ng mga Ayala. Naging managing director din si Almendras ng Ayala Corp. at vice president ng Ayala Land, Inc. (Ang mga Ayala ang isa sa mga masugid na sumuporta sa kampanya ni Aquino.

Ventures, mga kompanyang nasa industriya ng kuryente sa Visayas at Mindanao. Hinawakan niya ang kalihiman ng DOE nang tatlong taon. Namuno rin si Almendras sa iba’t ibang kompanya: Cebu Holdings Inc., City Savings Bank, Cebu Property Ventures & Development Corporation, Avida Properties, Cebu Insular Hotel, Inc., Ayala Greenfield Golf and Leisure Club, at Anvaya Beach Club. Kapatid siya ni Cebu Vice Governor Agnes Almendras-Magpale, at galing sa angkan ng mga pulitiko sa Cebu. PW

ALBERT DEL ROSARIO

Makikita, sa kanilang rekord at background, na lahat sila’y nanggaling sa uri ng malalaking burgesya komprador, o iyung lokal na negosyanteng kasosyo ng malalaking monopolyo kapitalistang dayuhan

Kalihim, Dept. of Foreign Affairs

M

ROGELIO SINGSON

Kalihim, Dept. of Public Works & Highways

C

hief executive officer naman ng Maynilad Water Services si Rogelio Singson bago italaga ni Aquino sa DPWH (Department of Public Works and Highways), isang susing ahensiya sa pagpapatupad ng mga Public Private Partnership (PPP). Namuno siya sa pagsasapribado ng pampublikong mga yutilidad gaya ng tubig at kuryente, gayundin ng mga expressway, paliparan, at daungan, na nagresulta sa mamahaling mga singil para sa mga konsiyumer. Nagsimula ang karera ni Singson sa gobyerno sa gabinete ni Corazon Aquino. DIBUHO NI KENDRIK BAUTISTA

atagal n a n g dikit sa mga Aquino si Albert del Rosario, kalihim ng Department of Foreign Affairs. Matagal na rin siyang point man ng mga Aquino at gobyerno sa pakikipag-usap sa Amerika. Sa mga state visit ni Pang. Corazon Aquino noon, laging kasama si Del Rosario. Panahon ni Gloria MacapagalArroyo, naging embahador siya ng administrasyon para sa US. Matagal na naging kinatawan ni Del Rosario ng interes ng malalaking kompanyang kasosyo ng mga Amerikano at iba pang dayuhang monopolyo kapitalista. Mahigit apat na dekada siyang nasa malalaking dayuhan at lokal na korporasyon. Pinakarurok nito ang pamumuno niya sa mga kompanyang sangkot sa real estate, telekomunikasyon, industrial chemicals, at iba pa. Kabilang sa mga pinamunuan niya ang Metro Pacific Corp., Philippine Indocoil Corp., Fort Bonifacio Development Corp., Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), Philex Mining, at marami pang iba. Noong Mayo 2012, pinakita ni Del Rosario ang loyalty niya sa US nang hilingin niya rito na makialam sa sigalot ng Pilipinas sa China, sa usaping panteritoryo sa South China Sea. Hiniling ni Del Rosario sa US na aktibong suplayan ang Pilipinas ng mga kagamitang militar. PW

Ngayon, nangunguna itong bidder sa Public Private Partnerships; ito ang nakakuha ng unang mga PPP na Daang Hari – SLEX Link Road Project at LRT Line 1 Extension Project. Samantala, nakaamba ang taas-singil sa tubig ng Manila Water.) Makikita rin ang conflict of interest ang pagiging treasurer ni Almendras ng Aboitiz & Co. and Aboitiz Equity

Sa sumunod na mga taon, nagsilbi siya sa Subic Bay Metropolitan Authority, Bases Conversion Development Authority, Napocor, at Metropolitan Waterworks & Sewerage System. Umupo rin siya sa maraming kompanya na masasabing nakinabang sa kanyang mga posisyon sa gobyerno. Bukod sa Maynilad, direktor siya ng Citadel Holdings Inc., Metro Pacific Investments Corp., Clark Development Corp., Fort Bonifacio Development Corp., John Hay Poro Point Development Corp., at North Luzon Railways Corp. (Pagmamay-ari ang Maynilad ng Metro Pacific, na kontrolado naman ni Manny Pangilinan. Ang Metro Pacific ay isa ring nangungunang bidder sa mga PPP

ni Aquino.) Kilala si Singson sa pangunguna ng pagconvert ng mga dating base ng US (Clark, Subic, Camp John Hay, Villamor Air Base, Fort Bonifacio) sa mga special economic zone para sa mga negosyo. Itinulak niya ang pangungutang ng gobyerno sa Japan para sa Subic Clark Tarlac Toll Road at pagiging “national priority” ng pagbelop sa Subic at Clark. Siya rin ang namahala sa pagbukas ng Fort Bonifacio sa malaking mamumuhunan. Noong 2010, nasangkot si Singson sa isang eskandalo bilang CEO ng Maynilad. Isang midnight deal sa Pagcor ang umano’y sinubukan niyang ilusot para makalibre ang nasabing kompanya ng P3.6 Bilyong halaga ng concessionaire fees sa gobyerno. PW

DILG SEC. MANUEL “MAR” ROXAS III Laman ng balita ngayon ang talunang vice-presidential candidate noong 2010 at kasalukuyang kinatawan ng Dept. of Interior and Local Government na si Mar Roxas sa mga pahayag niya hinggil sa mga maralitang nakatira malapit sa tinaguriang “waterways” o mga daaanan ng tubig sa Kamaynilaan. Sinabi niyang sisikapin ng administrasyon na alisin ang mga maralita sa naturang mga lugar ngayong buwan ng Hulyo, panahon ng tag-ulan (at mga baha). Tulad din ng inaasahan, naging tampulan ng sisi ang mga maralita sa usapin ng baha -- bagay na nagbibigay-katwiran sa di makataong pagtataboy ni Roxas at ng administrasyong Aquino sa mga maralita, mula sa tinaguriang danger zones tulad ng waterways tungo sa death zones tulad ng mga relokasyon sa Montalban, Rizal kung saan bulnerable ang mga maralita sa landslides at pagbaha. Samantala, “development” sa pamamagitan ng Public-Private Partnerships ang ipapalit ng gobyerno sa dating tahanan ng mga maralita. Si MAR ROXAS, ngayong Hulyo, ang ating (KONTRA) BIDA SA BALITA!


MGA NUMERO SA REHIMEN NI NOYNOY 12

KAUNLARAN DAW, O MULA SA MURAL NOONG MAYO UNO, NI ORLY CASTILLO

Tumitinding kawalan ng empleyo (unemployment) Kulang na empleyo (underemployment)

7.3% 7 2010

2011

6.9 2012 (ABRIL)

7.5 2013 (ABRIL)

18.7 19.3 19.3 19.2 2010

2011

2012 (ABRIL)

2013 (ABRIL)

PAGTATRABAHO SA IBANG BANSA

PPP: Pribadong sektor ang nasa puso ng Pangulo

“L

ahat ng bidding lalabanan natin ‘yan,” sabi ni Ramon Ang, presidente at CEO ng San Miguel Corp. Tuwang tuwa siya sa programang PPP ni Aquino. Inaasahan umano niya na aabot sa $50-Bilyon ang magiging kita ng SMC sa sunod na limang taon, o 150% mas mataas kumpara noong nakaraang taon -- salamat sa PPP. Samantala, tuluy-tuloy ang PPP. Kabilang dito ang pagbigay ng kontrata sa SMC para sa NAIA Expressway Project, DaangHari SLEX road project (na sumagasa sa mga bahay ng Daang-Hari-SLEX project ng Ayala mga maralita) na binigay sa Ayala Corporation, LRT-1 Extension para sa SMC at siyempre ang inaasahang pagkopo ng Megawide Corp. sa “modernisasyon” ng Phil. Orthopedic Center. Sa magiging kontrata sa POC, aabot sa 25 taon na patatakbuhin ng pribadong kompanya ang Orthopedic Center bago i-turnover sa gobyerno.

Isa pa rin sa inaasahang pag-empleyo ng administrasyong Aquino ang deployment ng OFWs. Sa kabila ng hirap, panganib at pagkasira ng pamilya, patuloy at tumitindi pa ang labor export policy.

OFWS (DEPLOYED)

2010 2011 2012

1,470, 826 1,687, 831 1,802, 031

7.8%

Paglago ng Gross Domestic Product o GDP, ngayong unang kuwarto ng 2013

PERO RAMDAM BA ITO NG KARANIWANG MAMAMAYANG PILIPINO? “Sa kabila ng pagmamalaki ng gobyerno sa pinakabagong datos ng GDP, walang senyales na nakawala na ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa padron (pattern) ng pagiging mabagal... Mas mahalaga, walang senyales na di para sa iilan lang ang paglagong ito, at nakikita ito sa mismong datos ng gobyerno hinggil sa mababang bilang ng trabaho, di nagbabagong sitwasyon ng kahirapan at matinding di-pagkakapantay-pantas sa lipunan.” IBON Foundation “Isang nakikitang pagbabago sa karamihang mga lipunan ang pagtindi ng di-pagkakapantay-pantay (inequality). Ibig sabihin, may lumalaking pagkakaiba sa pagitan ng average (mean) income at median income (income ng karaniwang tao, na nasa gita ng lahat ng income). Kung yumayaman ang iilang banker, tataas ang average income, kahit na bumababa ang income ng karamihang tao. Kaya maaaring di-sinasalamin ng estadistika sa GDP per capita ang nagaganap sa karamihang mamamayan.” JOSEPH STIGLITZ, burgis na ekonomista na kritikal sa GDP at ilang patakarang neoliberal sa ekonomiya

Pinoy Weekly Special Print Issue July 2013  
Pinoy Weekly Special Print Issue July 2013  

Gera kontra maralita PNoy at ang kanyang State of the Nation Address Ang Big Three sa Langis Oplan Bayanihan: Pinatamis na lason Serbisyong...

Advertisement