Dispatch for august 5 , 2013 monday , 5 pia calabarzon prs , 11 weather watch,

Page 6

A. QUEZON

B. CAVITE

C. LAGUNA 1. Tagalog news: Iba't ibang parangal, iginawad sa pamahalaang panlalawigan ng Laguna By Alan C. Ortillano Friday 2nd of August 2013 STA. CRUZ, Laguna, Agosto 2 (PIA) -- Iba't ibang parangal ang iginawad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna na ginanap kamakailan sa lingguhang pagtataas ng watawat sa Panlalawigan Sentro ng Laguna, bayang ito. Tumanggap ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng plake ng pagkilala mula sa OXFAM, isang pandaigdigang organisasyon na tumutulong sa mga nagiging biktima ng mga kalamidad at sakuna hindi lamang sa Filipinas kundi maging sa ibang bansa. Ang pagkilalang ito ay ipinagkaloob dahil sa pagkilos at pagsuporta sa mga gawaing makatutulong upang makabawas sa panganib na dulot ng mga kalamidad, dahil sa pagsisiguro na ang mga gawaing pangkahandaan ay maisasakatuparan upang ang buhay ay mailigtas at mabawasan ang paghihirap sa oras ng kalamidad at sa pagsuporta sa mga pag-aaral na may kaugnayan sa paghahanda sa mga panganib ng nasabing tanggapan. Mula naman sa Philippine National Red Cross (PNRC Laguna), tumanggap si Laguna Gov. Jeorge E.R. Ejercito Estregan ng plake ng pagkilala sa pagiging Samaritano ng Dugo sa mga mahihirap na mamamayan ng lalawigan, isang gawain na naglalayong makapagpagaan ng paghihirap at makapagligtas ng buhay. Ang plake ay ipinagkaloob nila Gng. Cirila D. Jorvina, M.D., MPH (Chairman,


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.