Page 18

Special permit ng mga quarry operators hanggang sa katapusan na lamang KORONADAL CITY -- May hanggang sa Enero 31 pa ang mga quarry operator sa South Cotabato para gamitin ang kanilang special permit.

Ayon kay Gov. Arthur Y. Pingoy Jr. pinagbigyan nila ang kahilingan ng mga negosyante na pahabain ng ilang linggo ang ibinigay na special permit. Subalit binigyangdiin ng gobernador na hindi na magbibigay ng karagdagang special permit ang pamahalaang panlalawigan matapos ang deadline sa susunod na linggo. Paliwanag ni Pingoy pinayagan niya ang pagpagpapalawig ng special permit upang makompleto ng mga quarry operators ang mga kinakailangang dokumento tulad ng Commercial Permit at Environment Compliance Certificate. Ang special permit ay ibinigay ng mga ng pamahalaan ng probinsiya sa mga quarry operators habang pinoproseso nila ang kanilang mga kinakailan

18

gang dokumento para sa commercial operation . May bisa ito na anim na buwan at isang beses lang maaaring ma-renew. Matatandaang noong Oktubre nagdesisyon ang pamahalaang panlalawigan na ititigil na ang paglalabas ng special permit to quarry kasunod ng aksidente sa isang quarry sa bayan ng Polomolok na ikinamatay ng isang menor de edad. Kasabay rito sinabi ng gobernador na tanging regular permits

ONE MINDANAO Sunday, January 22, 2012

na lang ang kanilang ibibigay na may kaakibat na mas mahigpit na mga kondisyon at regular na monitoring. Pinag-aaralan din ng pamahalaang panlalawigan ang pagtatalaga ng kumon na quarry area sa bawat bayan sa halip na payagan ang mga quarry operators na maghukay sa iba’t- ibang lugar at ilog upang mas madaling ma-monitor at maiwasan ang tuluyang pagkasira ng paligid. (KJNavecis)

One Mindanao - January 22, 2012  

An Electronic News Magazine of PIA Mindanao

One Mindanao - January 22, 2012  

An Electronic News Magazine of PIA Mindanao

Advertisement