One Mindanao - December 3, 2011

Page 26

pagtatanim hanggang sa post-harvest. Ani Dillera, siniguro sa kanila at sa mga magsasaka ng Sultan Kudarat ng mga kinatawan ng Nestle Philippines ang mas malaking produksyon at magandang presyo sa produktong kape ng mga magsasaka.

Ang plano ng Nestle ay inihayag kasabay ng 1st Region 12 Coffee Congress sa Isulan, Sultan Kudarat kamakailan na dinaluhan ng 400 na mga magsasaka ng kape, lokal na opisyal, may-ari ng mga cafĂŠ, mga negosyante at iba pang may taya sa industriya. Isa ang kape

sa pinakamahalagang produktong tinututukan ngayon ng DTI at iba pang ahensiya para sa pagsulong ng ekonomiya ng lalawigan at ng Soccsksargen Region. Ang Sultan Kudarat ang may pinakamalawak na taniman ng kape sa buong bansa. (DEDoguiles)

Programang pangkapayapaan ng AFP sa North Cotabato may positibong resulta KORONADAL CITY – May positibong resulta ang programang pangkapayapaan ng militar at ng pamahalaan sa isang bayan sa North Cotabato. Nitong nakalipas na Huwebes, ipinakilala nina Lt. Col. Marceliano Teofilo, commanding officer ng 68th Infantry Battalion at Col. Cesar Sedillo, commander ng 602nd Brigade kay Tulunan Mayor Lina Candolada ang aabot sa 60 gerilyang Moro Islamic Liberation Front (MILF). Paliwanag ni Teofilo, ang mga MILF members ay nagpasailalim sa re-integration program ng pamahalaan dahil nais na rin nilang mamuhay ng tahimik. 26

ONE MINDANAO

Kasabay din nilang isinurender ang may 36 na armas. Sa isang hiwalay na panayam sinabi ni Col. Leopoldo Galon, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, na ang mga sumukong MILF members pawang nagtatrabaho bilang mga manggagagawa sa mga pribadong sakahan sa lugar. Aniya, sa pagbalik-loob ng mga gerilya, maasahan ng mga ito ang tulong ng pamahalaan na muli silang makipamuhay na

Saturday, December 3, 2011

produktibo kasama ang iba pang mamamayan sa kanilang lugar. Humiling din siya sa iba pang sektor na makipagtulungan sa militar at pamahalaan para sa ikabubuti ng buhay ng mga sumukong MILF gerilya. Dagdag ni Col. Sedillo, mas paiigtingin pa nila ang programa sa paghihikayat sa mga rebelde na magbalik –loob sa pamahalaan at mamuhay na mapayapa at produktibo. (DEDoguiles)


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.