One Mindanao - October 26, 2011

Page 20

ng produksyon ng soybean at ibang high value commercial crops. Aniya, may pondo ang DA-BAR na P600 milyon para tustusan ang mga research proposals. (DEDoguiles/PIA 12)

Cagayan 1st District Cong. Enrile nangako ng suporta sa mga magsasaka ng Koronadal KORONADAL CITY, Okt 26– Sa kanyang pagbisita sa Lungsod ng Koronadal noong nakalipas na linggo, ipinangako ni Cagayan 1st District Congressman Juan Ponce Enrile Jr. sa mga grupo ng mga magsasaka mula sa walong barangay ang pagpapalago ng sektor ng pagsasaka. Ayon kay Cong. Jack Enrile, mahalaga umano ang ginagampanang papel ng sektor sa pagtiyak sa seguridad sa pagkain ng mga residente. Binigyang diin din ni Enrile sa mga magsasaka ang kanyang paniwala na “walang Pilipino ang dapat magutom sa sariling

20

bayan” kung kayat kanya umanong isinulong ang House Bill No, 4626 o ang “Food for Filipinos First Act of 2011” sa kamara. Bilang pangunahing proponent ng Food for Filipino First Advocacy (FFFA), isinusulong ni Enrile ang sapat na pagkain para sa mga Pilipino ang una kaysa sa pag-eexport nito sa ibang mga bansa. Hiniling din nito sa Department of Agriculture (DA) ang pagbuo ng National Food Requirement Plan ng bansa. Ibinahagi din ni Enrile sa mga magsasaka ng Lungsod ng Koronadal ang mga eksperyensiya

Wednesday, October 26, 2011

sa agrikultura ng ibang mga bansa na kanyang napuntahan at naging matagumpay, kung kaya’t nais nitong ito ay gayahin din ng mga magsasakang Pilipino sa kanilang mga sakahan. Ayon sa nakakabatang Enrile, kung ang administrasyon Aquino ay naglalaan ng pondo para sa programang “conditional cash transfer” o (CCT), dapat din umano nitong pagtuunan ng pansin ang sektor ng agrikultura dahil karamihan umano sa mga magsasaka ay kabilang sa mga mahihirap. (ac agad PIA12)


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.