One Mindanao - October 18, 2011

Page 46

Special Task Force Tentorio binuo ng PRO 12 KORONADAL CITY -- Kinumpirma ni Police Regional Office 12 (PRO 12) director P/CSupt Benjardi Mantele na nagbuo na siya ng isang task force na tututok sa paglutas sa kaso ng pagpatay sa Italyanong pareng si Father Fausto Tentorio sa Arakan, North Cotabato kahapon.

Aniya ang special investigations task force ay pangunguluhan ni deputy director for administration P/ CSupt Lester Camba, Kasama sa naturang task force ang mga regional heads ng law enforcement agencies kabilang na ang crime laboratory, Criminal Investigation and Detection Group at ilang miyembro ng intelligence community. Ani Mantele, sisikapin nilang malulutas sa madaling panahon ang krimen. Matatandaang binaril ng hindi pa nakikilalang suspek si Father Tentorio sa mismong garahe ng kumbento ng Mother of Perpetual Help Parish sa bayan 46

ng Arakan mag-a-alas ocho ng umaga. Ayon sa inisyal na report ng mga pulis, mahigit sampung bala ng 9 mm pistol ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng pari. Sa ngayon blangko pa umano ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng suspek dahil nakasuot ito ng crash hel-

Tuesday, October 18, 2011

met nang binaril niya si Father Fausto. Mariin naman kinondena ng mga opisyal ang lokal na pamahalaan, ng simbahan at mga civic groups ang karumal-dumal na pagpatay sa Italyanong pareng misyonero na mahigit 20 taon nang nagsilbing misyonero sa Mindanao. (DEDoguiles/PIA 12)


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.