Philippine Collegian Issue 16

Page 6

6-7 • Kulê Lathalain Nagngingitngit ang buong kalangitan noong umaga ng Setyembre 27. Mabagsik ang paghambalos ng hangin sa mga bintana ng Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kanselado na ang ilang biyahe ng Cebu Pacific, Zest Air at iba pang airlines noong araw na iyon bunsod ng paghagupit ng Bagyong Pedring. Ngunit iba ang sitwasyon sa Philippine Airlines (PAL). “Hindi masamang panahon ang dahilan ng pag-cancel ng flights,”ani Danny Manlangit*, 38, empleyado sa Central Baggage Section ng PAL. Pagpatak ng alas siyete ng umaga, sabay-sabay na itinigil nina Danny at 400 miyembro ng PAL Employees’ Association (PALEA) ang kanilang pagtatrabaho bilang protesta sa napipintong pagtanggal ng pamunuan ng PAL sa mahigit 2,300 regular na empleyado. Determinado ang pamunuan ng PAL na tanggalin ang mga regular na empleyado upang magbigay-daan sa pagpapatupad ng bago nitong outsourcing scheme, kung saan ipauubaya na sa iba pang pribadong kumpanya ang pagpapatakbo ng catering, call center at ground services ng flagship carrier ng bansa. “For ten minutes, naparalisa namin totally ang operations ng PAL,” ani Danny, na 18 taon nang nagtratrabaho sa PAL. Bunsod ng tigil-paggawa, napilitan ang PAL na ikansela ang lahat ng biyahe nito, at mahigit 14,000 pasahero ang naapektuhan. Maya-maya pa, pinasok na ng mahigit 400 pinagsamang elemento ng pribadong grupong panseguridad ng PAL at pulisya ang lobby at checkin counter ng NAIA Terminal 2 upang paalisin ang mga nagpoprotestang empleyado. Walang nagawa ang mga kasapi ng PALEA laban sa mga pulis na pilit silang itinaboy palabas ng NAIA, kung saan patuloy na lumakas ang pagbuhos ng ulan, waring nagpapahiwatig ng higit pang paghihirap na kanilang haharapin. Ang istorya ng marahas na pagtaboy at pagtanggal sa mga empleyado ng PAL ay isa lamang sa maraming insidente ng banggaan ng interes ng mga pribadong kumpanyang nagmamay-ari sa kabuuan ng industriyang panghimpapawid sa bansa at ng kanilang mga empleyado. Sa patuloy na pagnanais ng mga negosyante na palakihin ang kanilang kita, walang pagsisisi nilang sinasakripisyo ang kapakanan ng kanilang mga kawani.

TAGILID NA

Kalagayan at kalakaran ng indus John Toledo at Kevin Mark Gomez

“Asia’s first, shining through”

Naitatag ang PAL noong 1941 matapos bilhin ng negosyanteng si Andres Soriano ang prangkisa ng Philippine Aerial Taxi Company, isa sa mga pinakaunang kumpanya ng transportasyong panghimpapawid sa bansa na namamahala sa mga eroplanong naghahatid ng mga pasahero, sulat at kargamento sa buong Luzon. Noong taon ring iyon, nagsimulang mamuhunan ang pamahalaan sa PAL kaya’t naging pag-aari ito ng bansa. Noong 1946, unang kinilala ang PAL bilang pambansang flag carrier o pangunahing kumpanyang panghimpapawid na may mga espesyal na pribilehiyo mula sa

Mga litrato nina Richard Jacob Dy at Airnel Abarra, at ilang ambag na litrato Disenyo ng pahina ni Kel Almazan


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.