Philippine Collegian Tomo 92 Issue 8

Page 6

LATHALAIN

6-7

CHILLING EFFECT

Huwebes 12 Pebrero 2015

BAKAS NG ALAALA

PAGWASAK

Aldrin Villegas

Gloiza Plamenco

Dominic Dayta “THAT WAS ALMOST THE END of my dream. Who wouldn’t be afraid?” Christian Reyes, a UP Diliman student and an aspiring journalist, recalls feeling threatened after hearing of the Ampatuan massacre in November 2009. He was only in his second year high school then, and was accepted as a feature writer for the school paper that same month. In the TV reports, he learned of 100 gunmen who murdered a convoy of 58 people on the way to register an opposition for the upcoming elections. Of the victims, 32 were journalists. The massacre shook the world that the Committee to Protect Journalists, an international nonprofit advocacy for press freedom, named it as the most atrocious attack against the press the world has known. The force of that grisly night was no less palpable on the smaller scale, especially in Christian’s case. The fear prevented him from applying for Journalism in college, and chose instead a bachelor’s in Architecture. “Maybe [I regret this decision] a little, but the fear never leaves. I’m sure for other aspiring journalists, and even those in the field, the fear will always be there.” Five years hence, justice remains elusive for the victims of the massacre. Atty. Harry Roque, a human rights lawyer assigned to the side of the prosecution, says the case has been stalled due to the government’s inaction. “Malacanang has not done anything – the whole case was implemented to fail,” he says. For instance, the government continuously fails to ensure witnesses are out of harm’s way for the case not to resolve with violence, as four witnesses have already been killed. The latest, Dennix Sakal, a former employee of the Ampatuans, was gunned down by unidentified men in Shariff Aguak. Sakal died instantly. Hazel Galang-Folli, a researcher for Amnesty International, condemns the killing as indirectly caused by the case’s slow crawl along the Philippine court system. “Justice delayed is justice denied,” she adds. Despite the fear, Christian still envisions himself as a journalist. With the numerous press conferences he has participated in, he has

built an attitude towards reporting, a passion that stayed with him even in college. Back in high school, he wrote a feature about the poor quality of the restrooms, pinning it on the school board’s incompetence. The article caused a backlash that reminded him of the Ampatuan massacre. Teachers gave him disapproving looks as if he had instead threatened to bomb the school. No doubt this reception justified his anxiety towards journalism. “But it was symbolic of power,” Christian reflects. Journalists reveal the dirty corners of society and this puts those in power at discomfort. The government can never silence the media, and taking into account recent developments in the Ampatuan case, Christian believes that justice will prevail. In December 2013, the Supreme Court mandated the “First In, First Out” (FIFO) system for the court hearing as proposed by Atty. Roque’s law firm. Under the FIFO, the court can convict defendants for whom evidence have already been heard, according to Atty Roque. He adds that with this system, justice can promulgate until next year: “This 2015, against the three Ampatuans; in 2016 against all Ampatuans.” Ultimately, to bring justice to the victims of the Ampatuan massacre will mean a milestone in the arduous fight against impunity. It will also mean better conditions for those who aspire to become the watchdog of the government, like Christian who plans to pursue his ambition to be a journalist after he graduates. He keeps on to his belief that “Journalists should not be afraid of their government; the government should be afraid of its journalists.”

SUNUD-SUNOD NA PUTOK ng mga baril ang umalingawngaw matapos ang marahas na pagbomba ng mga pulis ng tubig at tear gas sa mga magsasaka’t manggagawa ng Hacienda Luisita na may 6,435-ektaryang lupain na pag-aari ng angkan ng CojuangcoAquino sa Tarlac. Habang gumagapang palayo sa insidente, tinamaan ng bala sa hita si Jhaivie Basilio, 20 taong gulang. Nang damputin siya ng mga pulis, tinalian siya ng alambre sa leeg, isinabit ang katawan sa bakod, at saka binaril sa dibdib, kwento ni Nay Violeta Basilio, ina ni Jhaivie. Sampung taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ni Nay Violeta ang sinapit ng kanyang anak. Si Jhaivie ang pinakabata sa pitong napaslang sa tinaguriang “Hacienda Luisita Massacre” noong ika-16 ng Nobyembre taong 2004, kung kailan nagwelga ang mga magsasaka’t manggagawa ng asyenda bunsod ng kalunos-lunos nilang kalagayan. Ilang buwan bago ang masaker, namatay ang ama ni Jhaivie kaya napilitan siyang magtrabaho bilang isang tauhan sa tubuhan, kasabay ng kanyang pag-aaral. “Nung buhay pa ‘yung asawa ko, P9.50 lang kada linggo ang kinikita niya dahil sa mga kaltas, at sa pagpapatupad ng patakarang S t o c k Distribution O p t i o n (SDO),” ani Nay Violeta. Sa ilalim ng SDO,

kinakaltasan ang kanilang sahod para sa rasyon ng bigas, asukal, at pautang para sa pangangailangang pang-edukasyon at medikal ng kanilang pamilya. Gayunman, hindi umano nila napakikinabangan ang nasabing mga benepisyo. Sa katunayan, napilitang mangibang bansa ang dalawang anak ni Nay Violeta, kaya naman tanging ang bunsong anak na lamang niya ang kanyang kapiling. “May sarili na silang pamilya doon. Hindi ko na nga maalala kung kailan umuwi yung mga anak ko, isa nasa California at ‘yung isa nasa Singapore,” pahayag ni Nay Violeta.

Matagal nang ipinapanagawan ng mga magsasaka na ipamahagi na ang lupang matagal na dapat nilang pagmamay-ari. Taong 1957 nang bilhin ng pamilya Cojuangco ang Hacienda Luisita at Central Azucarera de Tarlac mula sa Tabacalera, isang korporasyong Espanyol. Pautang mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Government Service and Insurance System ang perang ipinambili ng Cojuangco, sa kondisyong ipamamahagi sa mga

magsasaka ang lupain matapos ang sampung taon. Lumipas ang dalawang dekada ngunit hindi tumupad ang CojuangcoAquino sa kasunduan. Sa halip ginawa pang legal ang pag-angkin sa lupain nang isabatas ang 1988 Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino. Sa ilalim ng CARP, hindi maaaring ipamahagi sa mga magsasaka ang lupaing hindi

agrikultural kaya isinailalim ang asyenda sa “land use conversion” kung saan tinayuan ng mga komersyal at residensyal na gusali ang malaking bahagi ng tubuhan. Dahil dito, maraming mga magsasaka at manggagawa sa tubuhan ang nawalan ng trabaho. “Instead of seeking justice for the victims, Aquino continues to champion the interests of the landowning class and the coercive state apparatus that brought about the Luisita Massacre,” ani Renato Reyes Jr., Secretary General ng partidong Bagong Alyansang Makabayan. Dagdag ni Nay Violeta, karahasan ang sinalubong sa kanila ng mga pulis nang magprotesta sila sa harap ng bahay ni PNoy sa Time Street noong anibersaryo ng masaker. “Tumakbo ako sa sasakyan kasi pinagpapalo na ng mga pulis yung mga kasama ko.” Ani Nay Violeta hinarangan din ng bato ang sasakyan para hindi sila makaalis,

SAKSI ANG BUONG MUNDO sa pagbayo ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan noong Nobyembre 2013. Sa pananalasa ng bagyo, hindi lamang kabuhayan at kabahayan ang nasira, kundi maging ang buhay ng libu-libong mamamayan ng Leyte, Samar at iba pang bahagi ng Visayas. At para kay Gelleene Casino, isang mag-aaral ng BS Management sa UP Visayas Tacloban Campus (UPVTC), may dala pa ring lungkot ang pagbabalik-tanaw sa naranasan niyang trahedya. Nakaligtas man ang pamilya niya at ang kanyang mga kababayan sa Catbalogan, Samar, humagupit naman ang bagyo sa siyudad ng Tacloban, ang pangalawa niyang tahanan. “Umiiyak lang ako noong narinig namin ‘yung balita sa nangyari [doon]. Nag-alala ako para sa mga kaklase at schoolmates ko. Hindi ko sila noon ma-contact, lalo na’t walang balitang dumadating sa Samar,” kwento niya. Nagdulot ang bagyong Yolanda, isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng buong mundo, sa pagkasawi ng humigitkumulang 6,300 katao, at pagkawala ng mahigit 1,000 katao, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). “The devastation wrought by Typhoon Yolanda manifests the continuing failure of the government to adequately prepare the country for the worst challenges of climate change…a comprehensive failure that cost lives and livelihoods,” ayon sa pahayag ng grupong Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE). Nagkaroon man ng babala mula sa mga internasyunal na ahensya, hindi sapat ang naging pagtugon ng pamahalaan upang paghandaan ang pagdating ng bagyo at mailikas ang mga residente ng Tacloban at iba pang karatig-bayan. “Despite this chronic situation of disaster and climate vulnerability, no sufficient disaster riskreduction and climateproofing

at nakalabas lamang sila nang dumating na ang midya, Nobyembre 2011 pa nang sangayunan ng Korte Suprema ang pamamahagi ng lupain sa mga magsasaka subalit hanggang ngayon hindi pa rin ito naipatutupad ng administrasyon ni PNoy. “Aquino cannot ensure justice for the victims because he himself is one of the main perpetrators and staunchest defenders of the Hacienda Luisita massacre,” ani Ranmil Echanis, Punong Kalihim ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura. Sa pagbabalik ni Nay Violeta sa lugar kung saan pinaslang ang kanyang anak, napansin niya ang malaking pagbabago — nakatindig na ang mga gusali’t bakod at wala na rin ang bakas ng dugo ng mga manggagawa’t magsasaka. Subalit kahit tila nilimot na ng panahon ang alaala ng karahasan, umaasa si Nay Violeta na ang bawat pagkilos niya ay hakbang tungo sa pagkamit ng hustisyang patuloy na mailap para kina Jhaivie at sa iba pang magsasaka ng asyenda.

-

-

B A H I D N G PA N L I L I N L A N G

o ny

ise

D

n

an aw bey n i al Co a C rei s Y nd ni o an A h bu i J Di na n i ah gp

measures are seen to be implemented across the country's hazardous and climate-sensitive areas,” ayon sa Kalikasan PNE. Maging ang mga relief operations pagkatapos ng bagyo, tila napabayaan din ng pamahalaan. “One year after, thousands of our kababayans in Yolandahit areas find it difficult to recover from the tragedy, receiving little or no aid from government,” ani Suyin Jamoralin, convenor ng Climate Change Network for Community-Based Initiatives, sa isang forum na ginanap sa UP Diliman. “May mga pagkakataon talagang napapaisip ako kung saan ba napunta ‘yung bilyon-bilyong tulong mula sa ibang mga bansa, lalo na kapag nakikita ko ‘yung mga pamilyang nakatira pa rin sa mga tent hanggang ngayon,” ani Gelleene. Hanggang ngayon, humigit-kumulang 250,000 pamilya ang nakatira pa rin sa mga evacuation centers, tent cities, at bunk houses, ayon sa IBON Foundation, isang institusyong pananaliksik. Ilan pang malalakas na bagyo ang tumama sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao matapos ang bagyong Yolanda, subalit tila hindi pa rin natuto ang pamahalaan sa nagdaang trahedya. Kamakailan lang nang tumama ang bagyong Seniang at 59 katao ang nasawi dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa, ayon sa tala ng NDRRMC. Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, bumida naman sa mga pahayagan si Pangulong Benigno Aquino na nakikisalamuha sa kasalan ng sikat na mga artista. Tila sinasalamin nito hindi lamang ang mapagpanggap na paghahanda ng gobyerno sa mga kalamidad na nananalasa sa mahihirap na mga komunidad sa bansa, kundi maging ang pagsasawalang-bahala ng mismong lider ng bansa. “We don’t want to experience another Yolanda tragedy. We must demand accountability from the Aquino government for abandoning its responsibility to prepare people for disasters, rehabilitate communities after the destruction, and help people to recover from tragedies,” pahayag ni Dr. Efleda Bautista, tagapangulo ng People’s Surge, isang alyansa para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Para kay Gelleene, nagsisilbing instrumento ang pag-alala sa trahedyang dinanas ng kanyang mga kababayan upang pagtibayin ang kanyang paniniwalang makakamit din ang hustisya hindi lamang ng mga nasawi noong bagyong Yolanda, kundi maging ng mga biktima ng pagpapatuloy na kapabayaan ng pamahalaan.

MAHIGIT DAL AWANG DEKADA NA ANG DUMAAN MUL A NANG MAGANAP ANG

SUBALIT HINDI L AMANG SA MGA BIKTIMA NG MENDIOL A MASSACRE NAGING

MENDIOL A MASSACRE, KUNG SAAN 13 MAGSASAKA ANG ANG NAPASL ANG SA

MAIL AP ANG HUSTISYA. KAUGNAY NG PAGGUNITA SA NAGANAP NA MGA

ISANG KILOS-PROTESTA NA NANANAWAGAN NG TUNAY NA PAGBABAGO SA

MASAKER SA BANSA ANG PAIGTINGIN ANG PANAWAGANG PANAGUTIN ANG

IL ALIM NG PANUNUNGKUL AN NI DATING PANGULONG CORA ZON AQUINO.

MGA TAONG RESPONSABLE SA LIKOD NG BAWAT TRAHEDYA.

-