Page 7

  Juan Galit – isang mahalagang tauhan sa nobela. Nakaranas ng pait ng tadhana. Sa una ay nananahimik lang sa mga nagaganap sa lipunan ngunit sa huli ay naging aktibo sa pakikipaglaban. Ang tauhan niya’y nagbigay ng ibayong kulay at sigla ang nobela. Siya ay mahiwaga, matatag ang loob, kawangis ng mga mandirigma sa epiko, at nagsasalita na parang propeta sa Bibliya.   Pendong – ang tauhang naglalarawan ng kalabisan ng pag-ibig na naging mapangwasak. Sa una’y isa siyang kaibigan nila Mauro at Daniel ngunit noong nagkagusto siya kina Luisa at Nieves at ang mga dalaga’y pinili pa rin ang mga binatang kanilang minamahal, naging sukab at taksil itong si Pendong. Siya ang nakalat na ipapakasal sa kaniya si Luisa dahil sa pagkakautang. Siya rin ang nagbigay ng liham kay Daniel na nagsasabing hindi ito ang ama ng dinadala ni Nieves.   Mercedes – kinakapatid ni Luisa; anak ng nasirang si Don Leodegario Adelfina sa Batangas; kilala bilang Nendeng; ipinagbili ng amahin sa bahay ng masasamang babae.

presentation2  

presentation panpil 12