Page 1

I単igo Ed. Regalado

Jerelle Jeselle C. Villarruz 08-16177


Ang May-Akda   Isinilang noong Marso 16, 1888 sa Sampaloc, Maynila.   Kilala bilang Odalager   Ama: Iñigo Ed. Regalado y Corcuera – tanyag na makata at mamamahayag sa panahon ng Kastila.   Nakalikha ng humigit-kumulang sa 20 nobela, 400 na tula, 2 libreto, at mga sanaysay   Isang kritiko na nagsulat tungkol sa nobelang Tagalog sa kaniyang Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog (1939).   Naging patnugot ng mga pahayagang Ang Mithi, Pagkakaisa, Ang Pliegong Tagalog, at Watawat noong kaniyang kabataan.   Naging impluwensiyal na patnugot ng mga magasing tulad ng Sampagita at Ilang-Ilang sa panahon ng mga Amerikano.   Naging punong patnugot ng Liwayway Publications.   Pangulo ng Lupon ng Akademia ng Wikang Tagalog.   Nagsimula ang kaniyang pormal na edukasyon sa Escuela Municipal de Sampaloc. Nagaral siya roon ng wikang Kastila at Latin.   Noong 1895, namatay ang ama ni Regalado. Pagkatapos ng tatlong araw, iniutos ng kura paroko na alisin ang bangkay nito sa loob ng sementeryo at ilibing sa labas – sa libingan ng mga pulubi. Pinaghinalaan ng kura paroko na isang Mason at kaibigan ng mga kaaway ang kaniyang ama kung kaya’t ayaw ipalibing sa sagradong lupa. Ito ang naging gahilan ng matinding galit ni Regalado sa mga pari na bibigyan niya ng daan sa kaniyang mga nobela.   Ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa mataas na paaralan sa Sampaloc.


  Lumipat sa Liceo de Manila at naging guro ang tanyag na makatang si Fernando Maria Guerrero.   Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng kursong pintura sa ilalim ng isa ring tanyag na pintor na nagngangalang Fabian de la Rosa. Dito niya rin nakilala sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino na makikilala rin sa mga susunod na dekada sa sining ng pintura at eskultura. Nakilala ang tatlong magkakaibigan bilang Tres Mosquiteros. Likha ni Amorsolo ang kuwadro sa nobela ni Regalado na Madaling Araw. Likha rin ni Amorsolo ang ginamit ni Regalado na mga dibuho sa pabalat ng magasing Sampagita.   Napangasawa niya si Leonisa G. Bonus na anak ni Ladislao Bonus ng Pandacan, itinuturing na “Ama ng Opera.”   Nagkaroong ng anim na anak: Edgardo, Angelina, Edilberto, Leonisa, Remedios, at Iñigo Jr.   Namatay si Gng. Regalado noong 1963.   Isang matapat at marangal na opisyal - Naging konsehal ng Maynila ng 13 taon at naging pangulo ng hunta municipal.   Kilala siya bilang makata ng pag-ibig. Ang kanyang mga tula ay natipon sa isang aklat na pinamagatang Damdamin na nagtamo ng unang gantimpala sa Timpalak Komonwelt noong 1941   Naging propesor sa Centro Escolar University (CEU). Ipinagkaloob sa kaniya ng CEU ang Master of Arts, honoris causa noong 1966 bilang pagkilala sa kaniyang kahalagahan sa panitikan at wika.   Nakatanggap din siya ng Commonwealth Awards, Republic Cultural Heritage Award, at iba pang parangal mula sa Panitik Kababaihan at sa National Press Club.   Binawian ng buhay noong Hulyo 26, 1976. Binigyan siya ng pangwakas na memoryal sa Bulwagan ng Maynila ng kaniyang mga kapuwa manunulat at mga kasamahan sa Surian ng Wikang Pambansa.


Ang Nobela   Ang Madaling Araw ang kauna-unahang nobelang nilikha ni Iñigo Ed. Regalado. Ito ay inilathala noong taong 1909, sa panahon ng malawakang pagbabago sa kasaysayan at lipunan. Mahigit isang dekada pagkatapos itatag dito sa bansa ang pamahalaang Amerikano.   Ito ay isang romantiko at sosyo-politikal na akda. Ito ay nagpapakita ng iba’t ibang isyung panlipunan, personal man o sosyal. Sinasakop din nito ang malakihang tauhan na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng tao sa mga panahong iyon.   Sa unang bahagi pa lang ng nobela, makikita na isa sa mga paunahing tema ang impresyong pag-ibig. Sa loob ng akda, naglarawan si Regalado ng mga anyo ng pag-ibig at pagnanasa. - Mauro at Luisa: makikita ang pangamba at ligalig, ang poot at hinagpis na dala ng pag-ibig na nasa labas ng institusyong matrimonyo. - Daniel at Nieves: isang pag-ibig na nagkaroon ng katuparan ngunit nauwi sa - Sision at Roman: pag-ibig na winasak ng kamatayan.   Ang nobela bilang isang sosyo-politikal na akda ay inilarawan ang lipunan, politika at ekonomiya noong panahong iyon. Pinaksa rin dito ang pagbabago ginawa ng pamahalaan, kawalan ng hustisiya, at mga uri ng karahasan sa ilalim ng pamumuno ng mga Amerikano noong mga panahong iyon.   Ang kahulugan sa likod ng pamagat na Madaling Araw.

kawalan.


Mga Tauhan Aling Minang

Kabisang Leon

Mang Marcos

Luisa

Mauro

Ines

G. Antonio Sision

Nieves

Daniel

Roman


  Juan Galit – isang mahalagang tauhan sa nobela. Nakaranas ng pait ng tadhana. Sa una ay nananahimik lang sa mga nagaganap sa lipunan ngunit sa huli ay naging aktibo sa pakikipaglaban. Ang tauhan niya’y nagbigay ng ibayong kulay at sigla ang nobela. Siya ay mahiwaga, matatag ang loob, kawangis ng mga mandirigma sa epiko, at nagsasalita na parang propeta sa Bibliya.   Pendong – ang tauhang naglalarawan ng kalabisan ng pag-ibig na naging mapangwasak. Sa una’y isa siyang kaibigan nila Mauro at Daniel ngunit noong nagkagusto siya kina Luisa at Nieves at ang mga dalaga’y pinili pa rin ang mga binatang kanilang minamahal, naging sukab at taksil itong si Pendong. Siya ang nakalat na ipapakasal sa kaniya si Luisa dahil sa pagkakautang. Siya rin ang nagbigay ng liham kay Daniel na nagsasabing hindi ito ang ama ng dinadala ni Nieves.   Mercedes – kinakapatid ni Luisa; anak ng nasirang si Don Leodegario Adelfina sa Batangas; kilala bilang Nendeng; ipinagbili ng amahin sa bahay ng masasamang babae.


BUOD Kabanata 1 -Luneta -Siyudad – “lambat ng mga matang dilis” -Karnabal -lahat ay nagtatawanan gail sa mga disfrazados o nagbabalatkayo. -Mga tauhang pumunta sa paanyaya at pangunguna ni G. Antonio -paapapakilala at paglalarawan sa mga pangunahing tauhan -Ang pag-uusap nina Mauro at Luisa.


Kabanata 2 -Ang dahilan ng sa likod ng inasal ni Luisa at sa pagkabagabag ng kaniyang loob ukol sa relasyon nila ni Mauro. -Ang pananakit ni Aling Minang at Mang Marcos -Ang mga naisip ni Aling Minang -Ang mga gunita ni Luisa


Kabanata 3 -Ang lagay ni Mauro habang nagpipighati ang kasintahan. -Inilarawan ang tahanan ng Kabiling -Ang usapan ng mag-amain tungkol sa kalakal at sa ibang isyung panlipunan. -Ang pagtitipon sa bahay nila Mauro at ang mga nagsidalo.


Kabanata 4 -Ang kalagayan na ni Luisa -Ang pagbisita ni Nieves sa bahay ng mga Gatmaitan. -Sa pagupitan.. -Ang panukala ni Kabisang Leon: magtatag ng isang malaki at matibay na Samahan ng Ganap na Filipino. -Nagkainitan si Tomas Barbero st Juan Galit. -Ang biruan at kaguluhan sa pagitan ni Pendoy, Mariano at Daniel.


Kabanata 5 -Linggo ng hatinggabi, sa maybaybaying ilong ng bayang P.. ..ang pagkikita ni Mauro at Luisa. -Emo: ang lalaking kasama ni Mauro nung gabing iyon sa pagsasagwan. -Ang pagtakas pag-uusap ng dalawang magkapatid at pagtakas ni Luisa. -Ang pangyayari sa ilog sa pagitan ng dalawang magkasintahan.


Kabanata 6 -Mayo, isang araw ng Miyerkules.. -Ang paglathala ng kapisanang Maligayang Araw -Mga usapan: Baka sa una lang masigla ang kapisanan. *ang pagtatalo ng babae at lalaki -Ang pag-uusap nni Pendoy at Nieves -Ang kapistahan kinabukasan, Huwebes, Mayo 28. -Ang piging kila Sision -Ang pag-eksena ni Aling Minang sa piging.


Kabanata 7 -Ang pangyayari sa patapos na piging sa kusina.. -Kinabukasan, pagkatapos ng piging, nagmuni-muni si Mauro tungkol sa nangyari kagabi. -Ang huling pasiya ni Mauro. -Ang pag-uusap ng dalawang ama. -Ang usapan sa kasalang Nieves at Daniel *reaksiyon ni Pendoy


Kabanata 8 -Ang mga naiisip at hinain ni Mauro ukol sa kalagayan ng bayan. -Liham galing kay Luisa -Ang usapan ng mag-amain sa pananghalian. *nagkaproblema si Mauro -Ang pagdating ni Juan Galit kila Mauro


Kabanata 9 -Huwebes, Corpus Christi, naglakbay ang kapisanan sa bayang SF. -Ang pagbabalik ni Pendoy -Ang pag-uusap ni Nieves at ni Luisa -Pagkatapos ng sayawan.. -Ang matalanghigang MENU: MININDAL I Mga kaloobang pinaghalo-halo Niluto sa init ng pagkakasundo II Katulad ng puti ng buwan sa langit Hango sa dalawang pusoni Pag-ibig


Kabanata 10 -Nung Huwebes ding iyon, sa bahay ng mga Kabiling, may kasamang babae si Mauro at hindi ito si Luisa.. -Ang mga haka-haka at kasaysayan ni Juan Galit -Ayaw na bumalik ni Ines sa kolehiyo. -Ang pagdating ni Sision kila Mauro -Ang pagdating ni Roman kila Mauro. -Ang paghahanda sa bahay nila Sision. -Ang masamang balita.


Kabanata 11 -Hatinggabi, sa ilalim ng ilang-ilang, nag-usap sina Mauro at Luisa.. -Kinabukasan, araw ng Linggo.. *nasa liwasan ng simbahan si Mauro, balisang balisa. *ang pag-uusap nila ni Daniel. -Ang huling pasiya ni Mauro.


Kabanata 12 -Sa bahay ng mga Gatmaitan, nanirahan ang Luha at Lungkot *ang balisang si Mang Marcos *ang naghihinagpis na si Luisa -Ang pag-uusap ng magkapatid na sina Luisa at Nendeng -Ang malupit na sinapit ni Nendeng.


Kabanata 13 -Ang mga kampanang bumabatingaw na nagsasabing may namatay.. -Ang pag-amin ni Daniel kay Mauro -Ang pakikipag-usap ni Pendoy sa isang lalaki -Pag-uwi ni Daniel.. -Ang Los Dramas del Anarquismo -Ang pasiya ni Daniel


Kabanata 14 -Kinaumagahan, sa bahay nila Daniel… -Ang pag-uusap nina Daniel at Juan Galit -Sa simbahan, ang mag-aling nagpipighati… -Ang kalagayan ni Mang Marcos… -Ang pagdadamayan ng mag-ali


Kabanata 15 -Ang kalagayan ni Mauro sa Bayang X. -Agahan kasama ni Impong Endo -Binasa ni Mauro ang liham ni Luisa -Ang pag-uusap nina Mauro at Impong Endo -Ang pagkikita ni Daniel at Mauro -Ang paglalahad ni Daniel ng kanyang pagpaparoon.


Kabanata 16 -Si Impong Endo bilang guro nila Mauro at Daniel -Ang talastasan ni Impong Endo at Daniel -Ang buhay ni Impong Endo -Ang panunuluyan ng Amerikanong si F.D. Saxers kila Impong Endo.


Kabanata 17 -Ang kaguluhan noong gabi sa bayang P. -Sino nga ba ang babaeng iyon? -Ang malubhang kalagayan ni Luisa -Ang mga nalaman ni Galit tungkol sa mga nangyayari. -Ang planong paghihiganti ni Galit


Kabanata 18 -Naisip ni Daniel ang kalagayan ni Nieves -Ang pagbabalik sa kalagayan ni Nieves ng umalis ang asawa. -Ang pagsasaya ng dalawang may masamang budhi -Ang paghaharap ni Galit at ni Pendoy


Kabanata 19 -Biglang gustong umuwi ni Mauro -Ang manukala ni Impong Endo -Ang liham galing kay Juan Galit -Ang paglisan ng dalawang binata sa bayang X -Ang malubhang karamdaman ni Luisa -Ang panganganak ni Nieves -Ang paguwi ni G.Antonio upang makita ang anak. -Ang pagdating nina Mauro at Daniel sa sariling bayan -Ang mga nabalitaan ni Mauro -Ang pagkikita ni Mauro at ni Juan Galit -Ang pagdadalamhati ni Daniel sa puntod ng habag na asawa


Kabanata 20 -Si Luisa sa pangangalaga ni Ines -Si Pendoy nung hatinggabing iyon -Si Galit at isa pa niyang kasama na naghihintay sa baliti -Ang pagdating ni Mauro sa datibng tinitirahan -Ang muling pagkikita ng magsing-irog -Ang pagsulpot ni Juan Galit -Ang pagsulpot ng bukang-liwayway


Tunggalian   Uri: - Mayaman vs. Mahirap - Magulang vs. Anak   Ari – Lalaki vs. Babae   Lahi - Filipino vs. Amerikano   Pari – Pari vs. Mamamayan


QUIZ 1.  Ano ang tawag sa samahan nina Inigo Ed. Regalado, Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino? 2.  Ano ang isa pang itinatawag sa “siyudad”? 3.  Ano ang totoong pangalan ni Nendeng? 4.  Sino ang Amerikanong “kaibigan” raw ng mga Pilipino na nakituloy sa pamamahay ni Impong Endo? 5.  Gaano katagal ang pagkakakulong ni Mang Marcos sa Bilibid?

presentation2  

presentation panpil 12

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you