Issuu on Google+

n Isang Mukha ng Kasaysaya

noryden marie b. devora


mag-ipon ng kaalaman, ang tunay na kayamanan.


isang mukha ng kasaysayan


i

mukha ng pera


love letter

BAGO ANG LAHAT, isang love letter para sa’yo...

ii


nilalaman I. mga paunang salita: love letter ii bakit nga ba pera? kwento ng pera!

3

1

II. barya lang po sa umaga mukha ng barya

1, 5, 10, 25-sentimo 9

trivia sa barya

11

mukha ng barya 2

12 singko 19 sampu 23 piso


III. pabuo naman po

31 mukha ng 50 40 mukha ng 100 48 mukha ng 20

IV. making money

56 mukha ng 500 64 mukha ng 1000 72 mukha ng 200

paano ginawa ang perang papel?

barya naman po

83

81

V. disenyo ng pera 85 VI. trivia sa pera 87


1

mukha ng pera

bakit nga ba

?

Araw araw natin itong ginagamit— sa pagbayad sa jeep, pambingo, pangcaroling, at kung minsan (sana naman hindi) tisyu. Ilang beses sa isang araw nahahawakan natin ito, ngunit kahit minsan ba’y tinitigan o pinag-isipan natin kung ano nga ba para sa atin ang pera? Kung titingnan ang pera, hindi ba’t simpleng papel o barya lang ito? Kung iyan ang tingin mo sa pera, baka kailangang mag-isip ka uli dahil hindi lamang simpleng papel o bakal ang pera. Meron itong mukha. Mukhang maaaring kausapin at kilalanin. Mukhang maaaring makapagturo sa atin ng kasaysayan ng ating bansa. Dahil sa mga mukha at kwentong makikita sa pera, pinangalanang Mukha ng Pera ang librong ito. Dalawang klaseng mukha ang makikilala natin: una ay ang mukha mismo ng pera at mga simbolong nakalagay dito, ikalawa ang mga mukha ng kilalang bayani at mga pangulong may mahalagang ginawa sa kasaysayan. Ngunit bakit nga ba may nakalagay na mga simbolo sa pera? Sa pagdisenyo ng pera, hindi lamang halaga ang gustong ilagay sa mga ito. Ang mukha ng pera ay isang uri ng pagsasalaysay ng nakaraan at paghahangad ng maunlad na kinabukasan ng

bawat mamamayan. Ang mga simbolong nilagay sa pera ay masusing pinili upang maglahad ng mensahe. Ang mensaheng ito ay nagpapakita ng hiling na ipanatili ang mga mabuting katangian ng bansang Pilipinas at ng mga Pilipino. Ngunit hindi maisasantabi ang hindi kanais-nais na katangian ng mga Pilipino, kaya’t lakas loob ring ipapakita ng Mukha ng Pera ang mga tsismis at ‘di kagandahan sa mga tao at pangyayaring nakalapat sa pera. ‘Ika nga, there are two sides to every coin. Wala rin naman talagang perpektong tao sa mundo, kaya’t mahalagang isipin na lahat ng mga taong nilagay sa pera ay may kamalian din. Ngunit may ginawa sila na ikinaunlad ng bayan. Ipinapakita ng mga mukhang nasa pera na lahat ay may kakayahang maging isang bayani sa sariling paraan. Ang pera ng Pilipinas ay isang paglalarawan ng yaman ng kasaysayan ng bansa, kaya sana ang pagtrato natin dito ay katumbas sa yamang ipinapakita nila. Kaya’t sa susunod na iaabot niyo ang inyong barya sa mamang driver, o di kaya’t inisip na ipampunas ‘pag wala nang tisyu, isipin na lang natin ang halagang nakatago sa likod ng ordinaryong pera at ang tunay na halaga nito sa ating bansa.


an! ng pera??? ikawo nngaabam ginagamit a

bakit nga ba pera?

paano m

simula ka dito!

bukingan time!

Ano nga ba ibig sabihin ng una mong napuntahan sa puzzle?

ginagamit mo bang pampabigat ng sipa ang 5-sentimo? Ingat ingat lang, baka mawala ‘yan!

buti naman ginagamit mong pamasahe ang pera mo, pero kung gusto mo makatipid, try mo maglakad. :)

mabuting bata! tama ngang mag-ipon ng pera para meron kang magagamit ‘pag may kailangan kang bilhin!

birit king/queen, hinay hinay lang sa paglagay ng singko sa videoke, baka maubusan ka na ng pamasahe.

kung walang tisyu sa CR, ‘wag mo namang gamitin ang pera mo sa wallet. Bili ka na lang ng tisyu!

2


3

mukha ng pera

San nga ba galing ang pera?mahuhukay sa

ito Hindi ito galing sa puno, hindi rin ko, hindi lang to pun lupa (ay, pwede rin). Pero ang aan—dumaan ito basta lumilitaw ang pera kung saan-s sa isang ebolusyon! ormasyon)

ral ng Pilipinas sa pagbibigay imp

(salamat sa Museo ng Bangko Sent

bago dumating ang mga Kastila Kung sa tingin ninyo nadiskubre lamang ng mga Pilipino ang paggamit ng pera nang dumating ang mga Kastila, nagkakamali kayo! ‘Di rin sila nagnanakaw para makakuha ng kailangan nila! Bago pa dumating ang mga Kastila, meron nang paraan ang mga Pilipino ng pakikipagpalitan o trade. Dahil mayaman pa ang Pilipinas noon, dumadayo ang mga banyaga, katulad ng mga Tsino, para makipagpalitan ng mga produkto. Magdadala ang mga banyaga ng kanilang mga natatanging produkto at ipapalit ito sa mga produkto natin o di kaya sa ginto. Ang tawag naman sa gintong ito ay piloncitos, ang unang barya.

pananakop ng mga Kastila Nang dumating ang mga Kastila noong 1565, nagsimula ang Galleon Trade. Dahil dito, naging pangunahing trading center o lugar ng pagpapalitan ang Maynila, isipin na lang natin na parang isang malaking mall. Mga baryang pilak na tinawag na Macuquinas ang gamit na pambayad. Isa pang baryang ginamit ang dos mundos na tinuring na isa sa pinakamagandang pera nang panahong iyon.

Noong ika-18 siglo, pumayag ang hari ng Espanyang gumawa ang Municipalidad ng Maynila ng mga baryang gawa sa tanso na tinawag na barrillas. Ang pinakaunang perang papel, ang pesos fuertes, ay inilabas noong 1852. Nung taong 1861 naman lumabas ang mga baryang gawa sa ginto na may nakatatak na “Filipinas”. Ang tawag dito ay Isabelinas, at nang nagtagal, Alfonsinos.


kwento ng pera

noong panahon ng rebolusyon Nagsimula ang Rebolusyon na pinamunuan ni Andres Bonifacio noong Agosto 23, 1896. Nang naging presidente ng pinakaunang republika ng Pilipinas si Heneral Emilio Aguinaldo, ginawa ang dalawang uri ng 2-sentimong barya sa Malolos. Gumawa rin sila ng papel na pera, pero konti lang ang nagawa dahil maikling panahon lamang tumagal ang pamunuang ito.

nang dumating ang mga Kano Gumawa ang kongreso ng Estados Unidos ng batas na nagbibigay permiso sa paggawa ng baryang pilak noong 1903 hanggang 1912. Para makatipid sa paggawa ng mga baryang gawa sa pilak, muling binuksan ang Manila Mint noong 1920. Ang babaing nakalagay sa barya ay si “Lady Liberty� na may hawak na martilyo. Simbolo ito ng pagtulong ng Amerika sa Pilipinas. Sa likod naman ang imahe ng Bulkang Mayon. Disenyo ito ni Melecio Figueroa. (philmoney.blogspot.com)

mga Hapon naman... Sa panahong sinakop tayo ng mga Hapon, 2 klaseng papel na pera ang ginawa. Una ang Japanese Invasion Money na nilabas ng gobyerno ng Japan, ito ang tinawag na Mickey Mouse money. Ikalawa naman ang Guerilla Notes o Resistance Currencies na nilabas ng mga Pilipinong gerilya. (BSP Musuem, 2010)

ikaw naman!

y Mouse money ng

ura ng Micke sa tingin mo, ano ang its mga Hapon?

*lahat ng larawang ginamit ay hindi aktwal na mga bagay ngunit guhit at interpretasyon na ng ilustrador.

4


5

mukha ng pera

nasa pera ba si Mickey Mouse? O ano ba ang ginuhit mo sa likod na pahina? Nang nagpaguhit ako sa mga kaibigan ko, akala talaga nila nasa pera si Mickey Mouse. Sa kasamaang palad wala siya sa pera. Tinawag lang na ganun dahil sobrang liit ng halaga nito, kwento nga ng lola ko, kailangan pa ng bayong para bitbitin ang sobrang daming papel na pera. Ang tunay na itsura ng pera ay nasa kanan.

nung natatag ang republika... Enero 3, 1949, linikha ng Batas Republika blg. 265 ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ang BSP ang punong tagapamahala ng pera sa bansa. Ang unang ginawa ng Bangko nang ito’y itatag ay ang pagpapalabas ng “Victory notes” na tinatakan ng “Central Bank of the Philippines” noong taong 1949. Noong 1951, ang Bangko ay naglabas ng unang opisyal na perang papel, at tinawag na seryeng Ingles o “English series”. Ito’y sinundan ng seryeng Pilipino noong 1967, ng seryeng Ang Bagong Lipunan noong 1973, at ng “New Design Series” noong 1985. Naglabas naman ang BSP ng mga barya ng seryeng Ingles noong 1959, sinundan ng seryeng Pilipino noong 1967, at ng seryeng Ang Bagong Lipunan noong 1975. Naglabas din ito ng seryeng “Flora at Fauna” noong 1983. Ang lahat ng nasabing seryeng ito ay ipinawalang bisa noong 1997. (BSP Website)

bakit nga ba mahalaga ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP? Ang pinakamahalagang layunin ng BSP ay ang pagbigay ng katatagan sa mga presyo ng mga bilihin para sa isang malakas na ekonomiya. Tungkulin din ng BSP ang pagpapalabas at pamamalakad ng salapi ng bansa. Lahat ng perang inilalabas ng BSP ay garantisadong magagamit na pambayad. Ang BSP rin ang nagtatag ng patakaran sa palitan ng pera (Exchange Rates). Ang BSP ang nagpapasiya sa halaga ng palitan ng pera. Sa kasalukuyan, ang BSP ay sumusunod sa patakaran ng pandaigdig na palitan. (BSP website)


kwento ng pera

nung Disyembre 16, 2010... Inilabas ng BSP ang New Generation Philippine Banknotes. Makikita ang mas pinabatang larawan ng mga bayani at pangulo. Bukod pa rito, matatagpuan sa likod ang mga magagandang tanawin at mga pambihirang hayop na ipinagmamalaki natin. Makikita rin sa seryeng ito ang bagong sagisag ng BSP at ng Pilipinas. Dinagdagan ang mga bagong pera ng security features para mas mahirap kopyahin ang mga ito. (BSP website) Nang ipalabas ang mga larawan ng pera, marami ang agad na bumatikos dito.

Una na ang kulay ng Blue-naped Parrot sa likod ng 500. Hindi raw dapat dilaw ang tuka nito kundi pula. Sabi naman ng BSP, ito’y dulot ng kakulangan sa teknolohiyang makakalimbag ng ibang kulay. Isa pang isyu ay ang pagkasulat ng scientific names ng mga hayop. Dapat daw naka-italicize ang pagkasulat nito at ang ikalawang salita ay dapat na nakasulat sa maliit na titik lamang. (philmoney.blogspot.com) Halimbawa: Mali: Caranx Ignobilis Tama: Caranx ignobilis

Ngunit kahit marami ang bumatikos, marami rin ang natuwa at napahanga sa bagong disenyo ng pera. Ngunit para sa ibang tao, ang mas mahalaga pa rin ay ang kumita ng pera.

ikaw naman!

ano ang opinyon mo sa bagong pera ng ‘Pinas?

6


7

mukha ng pera

ikaw namakanna!sa kwento ng pera, hinahamon

kol dito! Ngayon na may alam gong kaalaman tung ba ng p na ha ag m naman kitang


sa atin ng i g in ih in h g n a a y Bakit nga ba bar Simple ? a g a m u g a p a k r pe mga mamang tsu sada nila a p g n g n la a p la simu lang naman, kasi g sobrang n u k ro e P . li k u n a p kaya’t wala pang ka mataa b , d a y a b a ib g n an a liit na barya nam bilang! a k a k a s r e p u ts g aman galan naman si m


mukha ng pera

ng 10-piso. Marami tayong barya, mula 1-sentimo hangga Ngunit meron sa kanilang masyadong maliit kaya nakakalimutan o mahirap nang gamitin.

At sila ang una nating kikilalanin—ang mga baryang walang mukha: ang 1, 5, 10 at 25-sentimo.

5-sentimo m

1-sentimo m

9

ha uk

“1-sentimo” marka ng taon

likod

ha uk

“5-sentimo” marka ng taon

likod

Bangko Sentral ng Pilipinas

dating logo ng BSP physical fitness test!

15.5 mm ang dyametro

{

gawa sa copper-plated steel kulay tanso

2 gramo ang bigat

15.5 mm ang dyametro 4mm na butas

{

gawa sa copper-plated steel kulay tanso

1.9 gramo ang bigat


mukha ng barya 10

ikaw naman!

butas!

sa tingin mo bakit may butas ang 5-sentimo???

Nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan ko kung bakit may butas ang 5-sentimo. Iba-iba ang nakuha kong sagot: Pangcaroling ‘pag pasko Panggawa ng sipa Pampagaan ng barya Sabi sa akin ni Ma’am Sharon ng BSP, Legazpi City office, may butas ang 5-sentimo para mas madali itong makilala lalo na kung maraming barya.

ha uk

25-sentimo

“10-sentimo” marka ng taon

m

m

10-sentimo likod

ha uk

“25-sentimo” marka ng taon

dating logo ng BSP

dating logo ng BSP

17 mm ang dyametro

{

gawa sa copper-plated steel kulay tanso magaspang, may maliliit na hiwa ang gilid

likod

20 mm ang dyametro

{

gawa sa brass-plated Steel kulay dilaw 3.8 gramo ang bigat

2.5 gramo ang bigat impormasyon mula sa http://www.bsp.gov.ph/bspnotes/banknotes_coin.asp


11 mukha ng pera

1

1 simple lang

2

3

2 ang gag

awin mo! 1. ipagtabi-ta bi ang mga b arya 2. hawakan a ng ikalawang barya 3. i-slide ang unang barya sa ikalawa. at ayun! map apagalaw mo na ang ikatlo !

mga pamahiin sa barya! Naniniwala ba kayo sa pamahiin at mga pampaswerte? Aba, maraming nagsasabi na maaari niyong gamitin ang barya para makahatak ng mas maraming pera! Kapag bagong taon, nilalagay ang mga barya sa bintana para raw hindi “lumabas” ang swerte sa pera sa bahay ninyo buong taon. Nilalagay din ang barya sa bulsa ‘pag pumalo na ang alas dose nang hatinggabi. Ito’y para palaging may “nakadikit” na pera sa’yo buong taon. Sinasabi rin na hindi ito dapat gastusin dahil ito ang magiging lucky money mo. Wala namang mawawala sayo kung maniniwala ka, pero ang alam ko, hindi napipigilan ng mga barya sa bintana ang paglabas ng pera, kaya’t pagtitipid at pag-iipon pa rin ang pinakamagandang pampaswerte pagdating sa dito.


mukha ng barya 2: piso 12

barya, Ngayong nakilala na natin ang mga maliliit na ani. tumungo naman tayo sa baryang may mga bay

Siyempre, mauuna ang pinakatanyag sa lahat—ang PISO!

physical fitness test!

mu

1-piso a kh

24mm mm ang dyametro

{

mukha ni Rizal marka ng taon likod

6.1 gramo ang bigat

impormasyon mula sa http://www.bsp.gov.ph/bspnotes/banknotes_coin.asp

Sa bansa natin, sino ba ang hindi pamilyar sa pangalang “Rizal”? Natatagpuan ito kung saansaan—sa pangalan ng kalye, posporo, eskwelahan at siyempre sa piso. Ngunit sino ba talaga ang nasa likod ng pangalang Rizal? Sa susunod na mga pahina, sana mas makilala natin si Mr. Rizal, ang ating tinatawag na pambansang bayani.

kulay abo

magaspang, may maliliit na hiwa ang gilid

dating logo ng BSP

sino nga ang nasa piso?

gawa sa nickel plated Steel

?

next page please


13 mukha ng pera

Dr. Jose Rizal

Walang pasok tuwing ika-30 ng Disyembre dahil Araw ni Rizal. Pero alam mo nga ba ang ginawa ng bayaning ito? Si Jose Rizal ang tinuturing na pambansang bayani ng Pilipinas. Ito’y dahil sa kanyang mga ideyang pangreporma na lumabas sa kanyang mga sinulat, lalo na sa Noli me Tangere at El Filibusterismo. Dito niya rin inihayag ang pananamantala ng mga Kastila. Naniwala siya na sa pamamagitan ng paraang mapayapa at hindi sa dahas makakamit ang kalayaan ng mga Pilipino. Ang kanyang mga obra ang pumukaw sa kamalayan ng mga mamamayan at ang kanyang kamatayan naman ang nagtulak sa mamamayang ipaglaban ang kanilang kalayaan sa pamamagitan ng rebolusyon. (101 Filipino Icons, 2007)

OES PHILIPPINE HER

ASSOCIATION

al Jose Protasio Riz o Realonda Mercado y Alons a.k.a. Pepe

g Bayani” “Ang Pambansan

June 19,1861 Calamba Laguna Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos Josephine Bracken Disyembre 30, 1896 Bagumbayan


mukha ng barya 2: piso 14

batang Rizal mula sa librong Mga Bayani at Pangulo ng Bansang Pilipinas nila Purita Madarang at Z.P. Calibuso

Siya ang ikapito sa 11 na makakapatid Tatlong araw pa lamang siya nang siya’y bininyagan!

Natutunan ang alpabeto noong tatlong taong gulang pa lamang siya mukhang sakitin si Pepe: laging naninigas ang kanyang leeg at nilalagnat. Nagkaroon din siya ng Tubercolosis (primary stage).

pag-aaral ni Pepe Kung tutuusin, marami ngang kahinaan si Pepe sa kaniyang panlabas na anyo, kaya’t bumawi na lang siya sa ibang mga bagay. Isa na rito ang kanyang pag-aaral! Alam mo bang nag-aral si Pepe sa Ateneo at pinagkalooban siya ng pinakamataas na karangalan? Nag-aral din siya sa UST (Unibersidad ni Sto. Tomas) at kumuha ng dalawang kurso: 1) Philosophy and Letters at 2) Medisina. Pumunta naman siya sa Espanya noong 1882 para mag-aral sa Universidad Central de Madrid, lumipat sa Paris noong Nobyembre 1885 at nagtrabaho bilang kawani sa klinika ni Dr. Louis de Weckert (isang tanyag na Doktor sa mata ng France). Pumunta rin siya sa Germany para magtrabaho sa ospital ng Universidad de Heidelberg at nagsilbi kasama ni Dr. Otto Becker. (Locsin, 1980)

Sinasabi pa ngang malaki ang kanyang ulo at sakang ang kanyang mga paa.

conclusion: buti na lang matalino ako!

talentadong Rizal! Hindi lang siya matalino ah, sobrang dami niya ring talento! Isa siyang manggagamot, makata, pintor, iskultor, manunulat, iskolar, at marami pang iba! (Madarang, Calibuso, 2001)

n! ikaw ngnnaatamtangaing talento? share naman!

ano ang iyo


15 mukha ng pera

kboy

Rizal the chic

al ang lita, mabilis napapakilig ni Riz na na pa na is tam ma g an ny Dahil sa ka mga babae, ‘di na dali niyang napapaibig ang Ma a. ny ka sa g ini kik na g a mg ayan, mayroong labingwalon tun ka Sa w! ga nli ma g an ng niya nga kaila morabilya at kasaad sa kanyang mga me na na a ny ka sa y na ug na g babaen talaarawan.

re na lovelife ni Rizal! tu en dv -a ala m g an tin na n Tingna

Si Segunda ang unang naging crush ni Rizal. Ayon kay Rizal, “(she’s) not the most beautiful woman I had ever seen, but I have not met another more alluring and beguiling…” (hindi siya ang pinakamagandang babae na nakilala ko, pero wala pa akong nakilalang kasing kaakit-akit niya.)

Si Seiko Usuwi ang naging kasintahan ni Rizal noong tumira siya nang 3 buwan sa Tokyo. Tinawag ni Rizal na O-Sei-San.

Ang pinsan ni Rizal na si Leonor Rivera, anak ng kanyang Tiyo Antonio, ay kanyang tunay na inibig. Naging nobya ni Pepe si Leonor nang siya ay 15 pa lamang pero patagongibigan lang dahil magpinsan sila. Niligawan ni Engineer Charles Kipping si Leonor, at sa kasamaang palad, mas nagustuhan ito ng nanay ng dalaga dahil sa makapal nitong kilay! Kaya ayun, pinilit si Leonor magpakasal kay Kipping. Pumayag naman siya, pero pakakasalan niya lang daw si Kipping sa dalawang kundisyon: 1. Hindi na siya magtutugtog ng piyano o kakanta. 2. Papagitnaan sila ng ina niya habang sila’y ikakasal sa simbahan.


mukha ng barya 2: piso 16

Anak ng may-ari ng bahay na tinirahan ni Rizal sa London noong 1888 hanggang 1889 habang nagsasaliksik siya tungkol sa kasaysayan ng mga Pilipino. Si Adelina at si Nellie ang magkapatid na parehong napaibig ni Pepe, pero siyempre, dapat one at a time lang, kaya pinili niya ang mas bata at mas masayahing si Nellie. Tinulungan pa naman sana ni Pepe si Antonio Luna kay Nellie, pero ayun, napamahal na rin sa dalaga. Niyaya niyang magpakasal, pero tinanggihan din naman siya dahil ayaw ni Pepe maging Protestante at ayaw (nanaman) sa kanya ng nanay. Pamangkin ng may-ari ng bahay na tinirahan ni Jose sa Belgium habang pinapaimprenta niya ang El Filibusterismo. Dumagdag sa bilang ng mga napaibig ni Pepe.

Foreigner na British-Chinese. Magandang 19-taong gulang na naging ka live-in ni Pepe sa Dapitan. Nagkaroon sila ng anak kaso hindi ito nabuhay. Pinangalan sana siya sa lolo ni Rizal na si Fransisco.

impormasyon mula sa mga aklat na ito:

The Poignant First Love of Pepe Rizal ni Danny Yson; RIZAL and Other Great Filipinos nila Gregorio F. Zaide at Sonia M. Zaide; at Rizal Without the Overcoat ni Ambeth R. Ocampo


17 mukha ng pera

pag-alala kay Rizal mga Rizalista Ang mga Rizalista ay isang grupo ng mga Pilipino na naniniwala at sumasamba kay Rizal bilang isang diyos. Binubuo sila ng maraming sekto sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ang mga rehistradong grupo ng mga Rizalista ay ang mga sumusunod: Samahan ng Tatlong Persona Solo Dios, Ciudad Mistica de Dios, Adamista, Bathalismo, Watawat ng Lahi, Iglesia Sagrada Filipina, at Spiritual Pilipino Catholic Church, at iba pa. Karamihan sa kanila ay nakabase sa Calamba, Laguna at sa paanan ng Mount Banahaw sa Quezon Province. Nabuo ang mga Rizalista sa paniniwala na si Rizal ay ang sugo ng diyos dahil sa pagkapareho nito ki Hesus sa maraming bagay. Dahil dito marami sa kanila ay naniniwalang si Hesus ay nabuhay muli sa katauhan ni Rizal. (Bowker, 1997)

Isang kwento mula sa mga Rizalista: Noong binaril daw si Rizal sa Luneta, binalot ang bangkay niya, pinasok sa karwahe at dinala sa sementeryo. Nang nakarating sila sa sementeryo, natuklasan ng mga sundalo na wala na ang bangkay ni Rizal! Ang natira na lang ay isang napakagandang manok na lumipad papuntang Cavite para samahan ang kaluluwa ni Padre Burgos (ng GOMBURZA). Naniniwala din sila na ang bangkay ni Rizal ay palipat-lipat sa loob ng sementeryo sa Paco! (Ocampo, 1990)


mukha ng barya 2: piso 18

Rizal, Rizal, puro na lang Rizal!

batas ni Rizal!

Sa sobrang katanyagan ni Rizal, napakarami nang ipinangalan sa kanya, konti lang ang mga nakalista dito! Ikaw na lang magdagdag sa lista, okay?

Nung nasa High School pa ako, palagi kong tinatanong kung bakit pinag-aaralan ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. ‘Di na rin naman tayo sakop ng mga Kastila!

mga lugar: Rizal Province, Rizal High School, Rizal Park/ Luneta Park, Rizal River, Rizal Library (silid aklatan sa Ateneo de Manila University), Rizal Memorial Sports Complex, Jose Rizal University, Rizal Technological University. Ang pangalan ng pangunahing daan sa halos lahat ng bayan at siyudad sa buong bansa ay Rizal. iba pa: USS Rizal (DD-174): isang Wickes class destroyer ng United States Navy na ginamit nuong World War I. Draco rizali: scientific name ng isang butiki. Apogonia rizali: scientific name ng isang maliit na salagubang Rhacophorus rizali: scientific name ng isang palaka

ikaw naman! Masayang manood ng pelikula, at mas masaya pa kung may bago kang matutunan! Kaya’t mag-enjoy sa panonood nitong mga pelikula na tungkol sa ating bayani! • Jose Rizal, the Movie – tungkol sa buhay ni Rizal na pinagbidahan ni Cesar Montano, sa direksyon ni Marilou Diaz Abaya. • Bayaning Third World – ginawa ni Direk Mike de Leon. Isa sa mga artista dito ay si Ricky Davao na siyang gumanap na Jose Rizal.

Ang dahilan nito ay ang Rizal Bill. Ang Rizal Bill (naging Republic Act No. 1425 noong Mayo 17, 1956) ay isang batas na nag-uutos na isama sa kurikulum ng mga pampubliko at pribadong paaralan ang buhay, mga ginawa at mga sinulat ni Jose Rizal. Ito ay naisakatuparan lamang noong taong 1956 sa pamamagitan ng Bill No. 438 na ipinasa ni Senador Jose B. Laurel matapos ang mahabang panahon na ‘di pinasa dahil sa pagtutol ng simbahang katoliko sa dahilan na halos lahat na kanyang mga isinulat na mga nobela ay laban sa mga prayle. (Rodis, 2010) Kahit na lumang isyu na ang hinarap ni Rizal, naisip kong mahalaga pa rin pag-usapan ang mga pinaglaban niya dahil sa kasamaang palad, parehas na mga problema pa rin ang hinaharap natin sa ngayon. (Napag-isipan ko yan dahil sa Noli at El Fili!)

Paalala lamang! Manood lamang ng orihinal na DVD/VCD ah! O di kaya imungkahi sa inyong guro para mapanood sa klase!


19 mukha ng pera

Ikalawang baryang may marka ng bayani ay ang SINGKO!

physical fitness test!

mu

5-piso a kh

27 mm ang dyametro mukha ni Aguinaldo marka ng taon

{

kulay dilaw

od

lik

gawa sa Nickel-Brass

dating logo ng BSP impormasyon mula sa http://www.bsp.gov.ph/bspnotes/banknotes_coin.asp

sino nga ba ang nasa singko? Siya ang tinawag na unang pangulo ng bansa. Pinaghirapan niyang makamit ang kalayaan ng ating bansa. Ngayon, handa na ba kayong malaman ang iba pang kwento sa likod ng heneral na ito?

may scallop sa loob 7.7 gramo ang bigat


mukha ng barya 2: singko 20

Emilio Aguinaldo

Lider kung lider si Emilio Aguinaldo! 17 taong gulang pa lamang siya nang maging kabesa de barangay (sa tulong ng kanyang ina) at ilang ulit pa siyang nahalal sa posisyon dahil sa kanyang kakayahan. Nang sumapi siya sa Katipunan, mas lumitaw ang kanyang kakayahan nang matalo ng kanyang hukbo ang mga nakasagupang mga Kastila. Dahil dito, nahalal siya bilang pangulo at namuno ng Republikang Malolos. Pero nang manakop ang mga Amerikano, pinadakip at pinasumpa siya ng katapatan sa mga Kano. Tiniis na lang niya ang pagsakop ng mga bagong kalaban. Pumasok uli siya sa pulitika at tumakbo bilang pangulo noong panahon ng Komonwelt pero natalo siya ni Manuel Quezon. (101 Filipino Icons, 2007)

March 22, 1869 Kawit, Cavite Carlos Aguinaldo y Jamir Trinidad Famy y Valero Hilaria del Rosario January 1, 1896 Pebrero 6, 1964 Manila, Philippines

ION

PHILIPPINE HEROES ASSOCIAT

Emilio Aguinaldo y Famy Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas

pag-aaral ni Emilio

Walong taon gulang si Emilio nang mag-aral sa Colegio San Juan de Letran. Ngunit hindi ito nakapagtapos dahil sa pagkamatay ng kanyang tatay. Kinailangan niyang umuwi sa kanilang lugar para tumulong sa pagsasaka ng kanilang bukid. (De los Santos, 2000)


21 mukha ng pera

HAPPY BIRTHDAY EMILIO! Isang mahalagang araw sa lahat ang kaarawan diba? Pero kahit kaarawan natin, hindi pa rin tayo nakakaiwas sa mga kamalasan, tunghayan na lang natin ang birthday ni Mr. 1st President!

MARSO 22, 1897/edad 28: nahalal na Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa “Tejeros Convention”. pagkatapos ng dalawang araw, namatay ang Kuya Crisipulo niya sa digmaan sa Pasong Santol

MARSO 22, 1900/edad 31: party party! kahit hinahabol na siya ng mga kalaban, naglaan pa rin siya ng panahon para magkaroon ng bonggang birthday party. Excited ata siya, kasi ika-19 ng Marso pa lang, nagpahanap na siya ng baboy para sa lechon. Nung ika-21 naman nagsimula magsidatingan ang mga bisita niya. Ang birthday party ay dinaos para sa 150 tao!

ikaw naman!

MARSO 22, 1901/edad 32: Birthday party ulit! kinabukasan, nahuli na siya ng mga Amerikano!

MARSO 22, 1957/edad 88: hindi niya ipinagdiwang ang kanyang kaarawan dahil sa araw na ito inilibing ang dating pangulong Ramon Magsaysay. Siguro nga medyo malas si Emilio sa kanyang kaarawan, pero isipin niyo rin ah, sa mga kilalang bayani/mahahalagang tao sa bansa, siya ang isa sa pinakamatagal na nabuhay at nakakita ng pagbabago sa Pilipinas! Kaya’t pwede rin nating sabihin na nabiyayaan naman siya sa haba ng kanyang buhay. research! Sa iba pang nakakatuwang kwento ng ating mga bayani, magbasa ng 101 Stories on the Philippine Revolution ni Mr. Ambeth Ocampo.

May naalala ka bang kamalasan o nakakatawang pangyayari sa mga naging birthday mo?


Pambansang Awit

bandila: Sa tahanan ni Aguinaldo nagpahayag ng kasarinlan noong Hunyo 12, 1898. Dito unang iniwagayway ang watawat na kilala natin ngayon. Habang nasa Biak na bato, dinisenyo ni Aguinaldo ang watawat; ginawa naman ito nina Marcela Agoncillo sa Hong Kong. (Garcia, 1991) Ano nga ba ang mga sagisag sa watawat? Sige, konting review tayo!

n, katapata , an makabay n ala at karang

gan

n katapa

Mayroon ding simbolo pati ang pagsabit ng watawat. Kapag nasa itaas ang asul, nangangahulugang mapayapa ang bansa; ngunit kung mayroong digmaan, ang pula naman ang ilalagay sa taas. Ito’y isang espesyal na simbolo ng bansa kaya’t malaking isyu kung baliktad mang isabit ang watawat. Katulad na lamang nang pumunta ang ating pangulong Benigno Aquino III sa Estados Unidos. Habang nasa pulong, nabiting patiwarik ang ating watawat. Humingi naman ng paumanhin ang Estados Unidos sa pagkakamaling ito. (Muskal, 2010)

Noong Hunyo 12, 1898 din narinig ang pambansang awit na sinulat ni Lorenza Agoncillo, Delfina Herbosa de Natividad at Jose Palma sa Kastila at kinalaunan isinalin sa Ingles. Noong taong 1940, isinalin ito sa Filipino nina Ildefonso Santos at Julian Cruz Balmaceda. Musika ito ni Julian Felipe. (Garcia, 1991) At ngayon araw-araw natin siyang naririnig. Kinakanta natin ito sa eskwelahan, pero alam niyo bang may tamang paraan ng pagkanta nito? At marami nang tanyag na mang-aawit na sinita sa kanilang maling pagkakanta: 1. Christian Bautista: hindi kumpleto ang pagkanta, ilang talata ang kanyang nakalimutan. (Antondy, 2007) “… Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta …. Ang mamatay ng dahil sayo.” 2. Arnel Pineda, ang lead singer ng Journey: kumanta ng pambansang awit sa laban sa boksing ni Manny Paquiao at Clottey sa Texas. Binago niya ang tono at tiyempo. 3. Martin Nievera: hindi sinunod ang musical arrangement ng orihinal na bersyon na likha ni Julian Filipe sa pagkanta noong laban ni Manny Paquiao at Ricky Hatton. 4. Lani Misalucha at ang “La Diva”: pinahaba ang kanta at binirit ang dulo nito. (Abella & Dedace, 2010) Kaya kung kakanta ka man ng Lupang Hinirang, siguraduhing tama ang tiyempo at tono. Tamang respeto lamang ang hinihingi!

22


23 mukha ng pera

Double trouble naman ang hatid ng 10-piso!

nga nung atat Bago pa lamang ang baryang ito, naalala ko pa aiba ito sa mga na atat makakuha ang mga tao ng sampu. Kak nito! barya dahil dalawa ang kumposisyon at bayani

physical fitness test!

mu

10-piso a kh

26.5 mm ang dyametro mukha ni Bonifacio at Mabini marka ng taon

{

od

lik

8.7 gramo ang bigat

impormasyon mula sa http://www.bsp.gov.ph/bspnotes/banknotes_coin.asp

Tapang at talino, dalawang matatag na katangian ng mga bayani sa sampung piso. Ngayon, alalahanin mo ang imahe ng dalawang bayani, at tingnan natin kung mababago yan pagkatapos ng bahaging ito.

kulay dilaw/abo

magaspang, may malilit na hiwa ang gilid

dating logo ng BSP

sino nga ba ang nasa diyes?

gawa sa: Labas: Cupro-Nickel Loob:Nickel Aluminum bronze

?


mukha ng barya 2: sampu 24

Andres Bonifacio

Dakilang Katipunero! Isang mahalagang tao si Bonifacio sa kasaysayan natin. Itinatag niya ang KATIPUNAN—ang organisasyong naghimagsik laban sa mga Kastila upang makamit ang kalayaan. Naniwala si Andres na hindi sapat ang mapayapang reporma kaya’t nagpasya siya na kailangan maging mas agresibo. Masasabing isang magaling na Supremo si Bonifacio dahil sa bilis ng pagdami ng mga miyembro ng Katipunan. Pero hindi niya pa rin napigilan ang pagkawatak nito na naghatid sa kanyang hukay. Kahit may mga kabiguan siya, hindi maisasantabi ang kanyang tapang at pagmamahal sa bayan. Kaya’t isang malaking pasasalamat sayo, Andres Bonifacio! (101 Filipino Icons, 2007)

ON

OES ASSOCIATI

PHILIPPINE HER

November 30, 1863 Tondo, Manila Santiago Bonifacio Catalina de Castro Gregoria de Jesus Marso, 1893 Mayo 10, 1847 Mt. Buntis, Maragondon

Andrés Bonifacio

y de Castro

agumbayan a.k.a Agapito B

ipunan “Supremo” ng Kat

buhay pamilya Nang mamatay ang kanyang mga magulang, kinailangang magtrabaho ni Andres kaya gumawa siya ng mga papel na pamaypay at kahoy na baston na binenta niya sa siyudad. Alam niyo ba na bago pa kay Gregoria de Jesus, ang Lakambini ng Katipunan, may pinakasalan siya sa Tondo? Ngunit namatay ito paglipas ng isang taon dahil sa ketong. (G. Zaide & S. Zaide)


25 mukha ng pera

pag-aaral ni Andres Sa imahe natin ngayon ni Bonifacio, aakalain nating wala siyang pinag-aralan (ang iba pa nga, ang alam nila hindi marunong magbasa o magsulat si Bonifacio) pero ang totoo, kahanga-hanga ang ginawa ni Bonifacio para matuto. Tunay nga na kulang ang kanyang pormal na edukasyon. Ang kanyang tiyahin na si Remegia Castro de Sanchez ang nagturo sa kanya ng alpabeto. Nag-aral siya sa paaralan ni Guillermo OsmeĂąa, isang guro na taga Cebu. Doon siya natutong mag-

basa, magsulat at ng aritmetika. Dahil sa magandang sulat, pinapagawa siya ng mga karatula para sa mga negosyo. Nagtrabaho din siya bilang mensahero at tindero. Pero kahanga-hanga na natuto siyang mag-Tagalog mag-isa at marunong din siyang mag-Espanyol at konting Ingles. Sa katunayan, mahilig siyang magbasa ng mga libro ni Jose Rizal katulad ng Noli me Tangere, El Filibusterismo, at La Solidaridad. (G. Zaide & S. Zaide)

imahe ni Boni? insert photo here

Dahil kakaunti lamang ang naisulat tungkol sa kanyang buhay, isa siya sa mga bayaning ‘di masyadong nakilala ang tunay na kaanyuan. Base sa mga nakikita nating mga larawan ni Bonifacio na halos lahat ay guhit kamay lamang, nakilala siya bilang isang mahirap, nakapaa, bihis pobre, may hawak na itak sa isang kamay at parang napakatapang na tao. Taliwas sa mga larawan na kadalasang nakikita kay Bonifacio, base sa iisang tunay na litratong niya na natagpuan, siya ay nakasuot ng amerikana at nakakurbata. Ibang-iba ito sa nakagisnan nating itsura niya na nakacamisachino at may nakataling panyo sa leeg. (Velasco, 2010)


mukha ng barya 2: sampu 26

hukay ni Boni Isang malaking kontrobersiya ang pagkamatay ni Andres pero ano nga ba ang naganap? Nagsumikap akong maghanap ng mga kwento tungkol dito at ito ang aking balita: Nang mahalal si Aguinaldo bilang pangulo ng Revolutionary Government, nagdulot ito ng hidwaan sa gitna nila Aguinaldo at Bonifacio dahil ayaw kilalanin ng huli ang legalidad ng bagong pamahalaan. Nagtayo si Andres Bonifacio ng sariling pamahalaan na naging dahilan para siya ay ipadakip ni Aguinaldo at iharap sa korte militar sa kasong pagtataksil.

ikaw naman!

Si Bonifacio ay nahatulan na mamatay ngunit hindi muna pinatupad ang hatol at pinag-aralan na itapon na lang siya sa malayong lugar. Subalit sa pangamba na baka magtayo ulit ito ng ibang pamahalaan, napagpasiyahan na ipatupad na lamang ang hatol na kamatayan. Binaril at napatay si Andres Bonifacio ng mga sundalo sa ilalim ng pamamahala ni Koronel Lazaro Macapagal sa Mt. Buntis sa Maragondon, Cavite noong Mayo 10, 1897. At hanggang ngayon, ‘di pa rin mahanap-hanap ang katawan ni Boni. (“Talambuhay ni Andres Bonifacio�, 2009)

Kung ikaw ang makikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas, ano ang sandata mo: panulat katulad ni Rizal o dahas katulid ni Bonifacio? Para mas masaya, hingin mo rin ang opinyon ng mga kaibigan mo at ilagay dito!


27 mukha ng pera

i n i b a M o i r a n i l o p A

Kapag nababanggit si Apolinario Mabini, pumapasok sa isip ko ang isang nakakaawang pilay. Pero nang napag-aralan na namin siya, ibang imahe na ang nabuo sa isip ko. Isang simbolo si Mabini ng pagsisikap kahit na may kapansanan siya. Bukod pa rito, namangha ang lahat sa kanyang angking talino na tumulong sa pag-usad ng rebolusyon sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Naging Pangulo siya ng Gabinete, kalihim Panlabas at naging Kataastaasang Hukom sa Kataastaasang Korte ng Pilipinas. (G. Zaide & S. Zaide) O diba, hindi niya kinailangan ng mga paa para maakyat ang isa sa pinakamataas na posisyon sa bansa!

N ASSOCIATIO S E O R E H E PHILIPPIN

i y Maranan in b a M io r a Apolin mpo” “Dakilang Lu olusyon” “Utak ng Reb

July 23, 1864 Talaga, Tanauan, Batangas

Inocencio Mabini (magsasaka) Dionesia Maranan (tindera) Mayo 13, 1903 Nagtahan, Manila dahil sa kolera


mukha ng barya 2: sampu 28

pag-aaral ni Apolinario Galing si Apolinario sa mahirap na pamilya kaya’t ang kayang nanay ang unang guro niya. Pero parang si Pepe na mahina rin ang katawan, nagtagumpay siya sa tulong ng kanyang katalinuhan. Nanalo siya sa isang paligsahan para sa isang iskolarsip noong 1881 kaya’t nakapunta siya ng Maynila at nakapag-aral sa Colegio ng San Juan de Letran. Noong nasa kolehiyo siya, sobrang galing niya at nanalo siya ng mga award. Seryoso, tahimik, mahilig mag-aral, at hindi mahilig sa mga party si Apolinario. Kumbaga, isa siyang nerd. Kahit salat sa pera, nakakuha siya ng Sertipiko ng pagtuturo at nakapagtapos ng abogasya noong 1984. (G. Zaide & S. Zaide)

DAKILANG lumpo? Dahil nakilala na siya bilang lumpo, karaniwang iniisip ng mga tao na buong buhay siyang pilay. Ang katotohanan, 1896 na siya nalumpo (32 taong gulang na siya!) dahil sa polio. Ngunit, may lumabas na tsismis noon na nalumpo siya dahil sa syphillis (isang Sexually-Transmitted Disease). Pero hindi ito napatunayan, kinalat lang daw ang tsismis na ito para siraan si Mabini dahil nasa isang mataas na posisyon siya sa gobyerno. (Ocampo, 1995) Kahit noon, magaling na talagang magkalat ng tsismis ang mga Pinoy!

ikaw naman!

o! p lum

“may STD yan!” “wala nga gf eh!”

nerd!

Isang bagay na hindi ko nahanap sa aking research ay kung nagkaroon ba ng lovelife si Mabini. Hinahamon kitang malaman kung meron nga!


29 mukha ng pera

ikaw naman!

Sana may natutunan kang bago tungkol sa mga bayaning si Rizal, Bonifacio, Aguinaldo at Mabini. Ngayon, kung may bago kang natutunan, o may nakuha kang trivia, ilagay mo na rito at ipasa rin sa iba! Okay?


Tutungo naman ta yo sa makulay na mundo ng perang papel. No ong Disyembre 2 010 pinakita ang bagong disen yo ng 6 na papel na pera. At sino nga ba ay aw ng bagong pe ra—malutong, ‘di lukot, at may p anlaban pa sa ba cteria!


ISANG MUKHA NG KASAYSAYAN

G PISO HALAGA BENTE! DALAWAMPUN

HARAP

Manuel L. Quezon

Palasyo ng Malakanyang Filipino bilang Wikang Pambansa 1935 sagisag ng bangko at sagisag ng pangulo

LIKOD

Banaue Rice Terraces (UNESCO World Heritage Site) Palm Civet Paradoxurus hermaphroditus philippinens

nant!e? mu ikaanw g mabibili mo sa be Ano

KULAY

Orange

TRIVIA

Kahit di mo titigan, alam mong mas bata na si Quezon sa bagong bente.


mukha ng 20 32

Quezon City, Quezon Province, Quezon Ave... Marami nang naipangalan sa taong ito ngunit ano nga ba ang ginawa niya para makakuha ng ganitong atensyon?

mukha

Si Manuel L. Quezon ang ikalawang presidente ng Pilipinas (una si Mr. Aguinaldo) at ang unang nailuklok sa pamamagitan ng eleksyon. Siya rin ang unang Pilipinong Presidenteng namuno sa Palasyo ng Malakanyang. Taun-taon nagkakaroon ng Buwan ng Wika, sa eskwelahan pa nga lang, marami nang nangyayari—mga sabayang pagbigkas, mga dula, at kung anu-ano pa. Pwedeng sabihin na dahil ito kay Quezon. Ginawa niyang opisyal na wika ng bansa ang Wikang Filipino kaya tinawag siyang “Ama ng Wikang Pambansa” pero hindi lang naman ‘yan ang ginawa niya nung pangulo siya ah! Bukod pa rito, sa kanyang pamumuno rin natupad ang pangarap ng kababaihang makaboto. Pero ang matuturing na pinakamalaki niyang ambag sa kasaysayan ay ang pagtataguyod ng kasarinlan (Independence) ng bansa mula sa mga Amerikano. Naisip na ng ating mga lider na handa na tayo magsarili at kaya na natin pamunuan ang bansa.. Sana ‘pag narinig ang Quezon, hindi lang basta lugar ang maaalala, sana pati na rin ang kanyang pagiging unang nahalal na presidente, Ama ng Wikang Pambansa, paglalakad ng kasarinlan at pagbibigay karapatan sa babaeng bumoto. Oo, napakataas ng kanyang naabot noong nabubuhay pa siya, pero ngayon, tingnan naman natin ang ibang parte ng buhay ng lalaking ito. (BSP website, n.d.)

ASSOCIATION PHILIPPINE PRESIDENTS

Manuel Luis Quezon “Ama ng Wikang Pambansa”

August 19, 1878 Baler, Tayabas (Aurora, Quezon na ngayon) Lucio Quezon Maria Molina Aurora Aragon Quezon Agosto 1944 New York , USA dahil sa Tubercolosis


33 mukha ng pera

pag-aaral ni Manuel Nag-elementarya si Manuel sa Baler at nanguna siya sa kanyang klase. Nagkolehiyo naman siya sa San Juan de Letran at sa Pamantasan ng Sto. Tomas naman siya kumuha ng abogasya. Nang nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano, napilitang tumigil si Manuel sa pag-aaral at nakipaglaban sa mga Amerikano. Sumuko naman siya nang mahuli si Heneral Aguinaldo. Nang lumaya, ipinagpatuloy niya ang pagkuha ng abogasya. Siya ang ika-7 sa bar exam (talo siya ni Osmeña na nasa ikalawa). Bilang isang abogado, hindi pinagbayad ni Quezon ang kanyang mga mahihirap na kliyente. (Madarang, Calibuso, 2001)

kwentong Quezon Alam na natin ang samu’t saring kontribusyon ni Ginoong Quezon sa kasaysayan ng bansa. Pero palaging sumasagi sa aking isipan kung sino nga ba ang lalaki sa likod ng katanyagang ito. Kaya’t hatid ko ngayon ay sari-saring kwentong kahit papaano’y bubuo sa imahe ng lalaki sa bente. Enjoy!

1.

Gerilya Man

Panahon ng pananakop ng mga Kastila nang makita ni Manuel ang pananamantala ng mga dayuhan sa kanyang mga kababayan kaya’t di siya nag-atubiling sumali sa mga gerilya at lumaban sa mga Kastila. Muli, nang dumating naman ang mga dayuhang Kano, lumaban din si Manuel! Pero napasuko din ang ating Gerilya Man nang madakip na si Mr. Aguinaldo. (Cortes, 1999) O diba, ‘di lang gwapo si Manuel, matapang din siya!

2.

Manuel Aurora

Isa sa pinagkakaguluhang isyu ang lovelife ng ating mga pangulo. Tingnan natin ang kwentong pag-ibig ni Quezon. Ang salaysay na ito ay buhat sa kwento ni Jorge Vargas. Noong December 1918, pumunta sina Quezon sa Amerika para sa First Philippine Independence Mission. Kasama niya ang kanyang private secretary, malapit na kaibigan, ang kanyang paboritong kusinero, stenographer, at si Jorge Vargas na secretary ng presidente. Kasama rin nila ang housekeeper na si Aurora.


mukha ng 20 34

Isang araw, sinabihan ni Quezon si Jorge na may meeting siya sa Obispo kinabukasan. Doon palang may mga kumalat nang tsismis na ikakasal daw ang presidente, at ang sabi raw, ikakasal siya sa Amerikanang si Bb. Thomas. Pero pagkatapos ng pagkikita ni Quezon at ng Obispo, dumiretso ang pangulo sa kwarto ni Aurora at sinabing bibili sila ng damit. Nang malapit na sila sa American Consulate, saka pa lang sinabi ni Quezon kay Aurora na ikakasal na sila! Ang konsul ng Amerika ang nagkasal sa kanila. Ang gusto sana ni Quezon ay ang Obispo ang magkasal kanila, pero ‘di ito pumayag dahil mason si Quezon at kadugo niya si Aurora. (Pinsan niya ito!) Pero, nang nalaman ng Obispo na nagpakasal na ang dalawa, pinatawag niya sila at ikinasal din sa simbahan. (Rivera, 1979)

4.

Papa Manuel

Punta naman tayo sa isang mahalagang bahagi ng buhay ni Manuel—ang kanyang pagiging tatay. Ang salaysay namang ito ay mula kay Araceli Salazar, anak ni Manuel Quezon. Strikto raw si Quezon sa mga anak niyang sina Nini at Baby. Sabi ni Nini, ‘di raw sila pinapayagang makipag-date, pero pwede sila magkaroon ng kahit sinong bisita sa bahay. Hindi rin gusto ni Quezon na sila’y lumabas para magparty. Pero bilang pamilya, maliban na lamang kay Mrs. Quezon, mahilig silang sumayaw. Minsan, lumalabas silang mag-aama kasama ang mga kaibigan ng mga dalaga para sumayaw.(Rivera, 1979)

3.

To vote or not to vote?

Hindi nangingialam si Mrs. Aurora Quezon sa mga ginagawa ng kanyang asawa, ngunit nang lumabas ang isyu ng pagboboto ng mga babae, hindi na niya napigilang hindi magsalita. Malinaw ang kanyang opinyon—dapat mabigyan ng karapatan ang kababaihang bumoto. Hindi pumayag si Quezon sa simula, dahil sa tingin niya, ang mga babae ay ‘di dapat payagang sumali sa pulitika. Pero makulit talaga si Aurora. Kaya ayun, pumayag na si Manuel, pero itutupad lang niya ito kung pipiliin ito ng kababaihan. At ganun na nga ang nangyari, tumugon ang kababaihan at ginusto ang karapatang bumoto. (Rivera, 1979)


35 mukha ng pera

iba pang simbolo

1.

Palasyo ng Malakanyang Ang Palasyo ng Malakanyang na malapit sa ilog Pasig ay bahay at opisina ng mga pangulo ng Pilipinas. Si Quezon ang unang presidente na tumira sa palasyong ito.

kasaysayan sa likod ng pangalan: Noong bandang huli ng ika-18 siglo, may magandang “Villa” na nakatayo sa isang maliit na isla na pinupuntahan ng mga prominente at kilalang panauhin. Dahil dito, kapag pinag-uusapan ang lugar palaging nasasabing “May lakan diyan”, na ang ibig sabihin ay “maraming pinuno diyan”. At ‘dun nabuo ang pangalan nito! (Mga Alamat ng Pilipino, 1986)

2.

Pilipino bilang Wikang Pambansa 1935

Noong 1937, ang National Language Institute ay ginawa para magkaroon tayo ng isang opisyal na wika sa Pilipinas. Paano nga ba napagdesisyunan ang wikang pambansa?

Disyembre 30, 1937

Dineklara ni Pangulong Quezon na Tagalog ang wikang pambansa ng Pilipinas.

Abril 1, 1940

Binigyang pahintulot ang paglilimbag ng diksiyunaryo at libro ng gramatika ng wikang pambansa. Sinimulang ituro ang wikang pambansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa.

Marso 26, 1954

Inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika taun-taon. Nagsisimula ito sa ika-13 hanggang sa ika-19 ng Agosto.

Agosto 13, 1959

Pinalabas ni Kalihim Jose E. Romeo ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na tatatawaging PILIPINO ang wikang pambansa. (Fideles, n.d.)


mukha ng 20 36

3.

Hagdang-hagdang Palayan (UNESCO World Heritage Site)

Ang Hagdang-hagdang Palayan ng Cordillera ay iniukit ng ating mga ninuno 2000 taon nang nakalipas. Simpleng kagamitan lamang ang ginamit nila sa pagbubuo ng palayan. Ibang klaseng kagandahan din ang angkin nito dahil sa galing ng pagkakagawa ng ating mga ninuno. Dahil dito, tinawag itong isang World Heritage Site ng United Nations. (BSP website, n.d.)

payyó ang katutubong pangalan nit o!

Palm Civet

Paradoxurus hermaphroditus philippinensis Ang palm civet o alamid ng Cordillera ay tanyag sa paggawa ng isa sa pinakamahal at pinakamasarap na kape sa mundo—ang Kapeng Alamid. Ngunit nakakatawa ang proseso ng paggawa nila nito: kumakain sila ng coffee bean at inilalabas nila bilang ipot. (BSP website, n.d.)


37 mukha ng pera

ikaw naman! Whew! Dami nating napag-usapan no? Trivia time muna tayo! Pero dapat ikaw naman ang maghanap. Hinahamon kitang magsaliksik tungkol sa Palm Civet ai ilarawan ang proseso ng paggawa ng Kapeng Alamid sa 3 hakbang! Enjoy!

1. 2.

3.


ISANG MUKHA NG KASAYSAYAN

HALAGA SINGKWENTA HARAP

Sergio Osme単a Leyte Landing

First National Assembly 1907 sagisag ng bangko at sagisag ng pangulo

LIKOD

Taal Lake Maliputo Caranx ignobilis

KULAY

Pula

TRIVIA

O diba, nagmukhang mas bata rin si Osme単a!

ikaw muna! Ano ang mabibili mo sa

singkwenta?


41 mukha ng pera

Si Sergio Osmeña ang pangulo natin pagkatapos ng World War II at noong naghahanda ang bansa para sa kalayaan.

mukha

Siya ang bise-presidente nang mamatay si Manuel Quezon. Noong 1944, kasama niya ang liberation forces na pinamunuan ni Heneral Douglas McArthur ng Estados Unidos nang bumalik ito sa Pilipinas. Tinawag itong “Leyte Landing”. Nang panahon ng kanyang pamumuno, sumali ang Pilipinas sa United Nations, International Monetary Fund at International Bank for Reconstruction and Development o ang World Bank. (BSP website, n.d.) PHILIPPINE PRESIDENTS

ASSOCIATION

Sergio Osmeña Sr. “the first speaker of the Philippine Assembly”

September 9, 1878 Cebu City Juana Suico Osmeña Undisclosed Father* Estefania Chiong Velasco Esperanza Limjap** Oktubre 19, 1961 Quezon City

Sa panahon ng paninilbihan ni Osmeña bilang pangulo, maraming pagbabago ang naganap at dahil ito sa kanyang kasipagan, estilo ng kanyang pamumuno, at pagmamahal sa bayan. (Cortes, 1999)

*14 pa lang si Juana nang ipanganak niya si Sergio. Hindi pinagkalat kung sino ang tatay. Dahil dito, si Sergio ay nakilala bilang isang ‘outsider’ sa mayaman at makapangyarihang angkan ng mga Osmeña. Ang mga Osmeña ay isang Chinese-Mestizong pamilya na kilala sa Real Estate, Agrikultura at Shipping. (Cortes, 1999) **Nagpakasal siya kay Estefania Chiong Velasco, anak ng isang mayamang Tsino. Namatay ito habang pinapanganak ang kanilang ika-13 anak. 2 taon makalipas ng pagkamatay ng kanyang unang asawa, pinakasalan ni Osmeña si Esperanza Limjap at nagkaroon pa ng 3 anak na sina Ramon, Rosalina at Victor. (Cortes, 1999)


mukha ng 50 42

pag-aaral ni Sergio Naging prominente si Sergio Osmeña dahil masipag siya mag-aral at planadong planado na ang karera. Nang nag-aral siya sa Seminario-Colegio de San Carlos, Cebu Siya’y binigyang markang SOBRESALIENTO/EXCELLENT sa lahat ng kanyang subject—lahat ng subjects ah! Pumunta naman siya ng San Juan de Letran sa Maynila para makuha ang kanyang Bachelor of Arts, dito nakatanggap uli siya ng rating na SOBRESALIENTE! Dito niya rin nakilala sina Manuel Quezon. ‘Di pa siya tumigil dito ah, kumuha pa siya ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas habang nagtatrabaho. Dito nakilala rin niya ang isa pang tanyag na tao—Emilio Jacinto. But wait, there’s more! Kumuha siya ng English lessons sa dating asawa ni Jose Rizal, si Josephine Bracken. May all-star cast ang edukasyon ni Sergio! Nang kumuha siya ng bar exams noong 1903, siya ang ikalawang may pinakamataas na marka—95.66%. At natalo niya pa si Manuel Quezon na pampito sa lahat at may markang 87.83% (Cortes, 1999)

pamilya Osmeña

Ang angkan ng Osmeña na ata ang pinakamatanda at pinakaprominenteng political dynasty sa bansa. Political dynasty ang tawag sa mga pamilyang pasunod-sunod na nahahalal sa posisyon sa pamahalaan. Si Sergio Osmeña Sr. ang pumalit kay Manuel Quezon bilang pangulo sa gobyernong Komonwelt nung panahon ng gera. Ang anak niya namang si Osmeña Jr. ay naging senador, tapos si Osmeña III ang sumunod. Si John Osmeña na dating alkalde ng Cebu ay naging senador din. Si Lito Osmeña naman na matagal naging gobernador ng Cebu ay tumakbo sa pagiging presidente noong halalaan ng 1988. Si Tomas Osmeña ay naging alkalde ng Davao. (Do You Know, n.d) Makikita pa rin ang lawak ng impluwensiya ng pamilya Osmeña sa pamahalaan natin ngayon.

kwentong palusot

Nang sumabog ang digmaan sa gitna ng mga Kastila at mga Pilipino, tumakas si Sergio. Paano? NAGSOOT BABAE siya. Oo. Nag-crossdress si Osmeña . Pumunta siya sa Borbon, Cebu kung saan natagpuan daw niya ang kanyang ama na si Antonio Sanson. (Cortes, 1999)


43 mukha ng pera

iba pang simbolo

1.

First National Assembly 1907 Ang pinakaunang Batasang Pambansa ay itinatag noong taong 1907. Ito ay binubuo ng dalawang grupo, ang Philippine Commission at Philippine Assembly. Ang una o Philippine Commission ay ang mataas na kapulungan at karamihan sa mga kasapi nito ay mga Amerikano. Samantala ang huli o Philippine Assembly naman ay nasa mababang kapulungan at binubuo ng mga Pilipino. (Diaz, 2009)

2.

Leyte Landing

Ang Leyte Landing ay ang makasaysayang pagbabalik ni General Douglas MacArthur sa Pilipinas noong October 20, 1944. Sa araw na ito nagsimula ang pagtatapos ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas. Si General MacArthur, kasama sina Sergio Osme単a, General Carlos P. Romulo at daan-daang libong mga tropang Amerikano, sakay sa daan-daang barkong pandigma ng Amerika ay lumapag sa baybayin ng Palo, Leyte. Dahil dito ginawang parke ang nasabing lugar. Tinawag itong MacArthur Park kung saan makikita ang malalaking istatwa nina MacArthur, Osme単a, Romulo at iba pang mga tropang Amerikano. Sa kasalukuyan, ang parke na ito ay tinatawag nang Leyte Landing Memorial. Ipinagdiriwang tuwing ika-20 ng Oktubre ang pagbabalik nila MacArthur. (Leyte Landing Memorial, 2007)


mukha ng 50 44

3.

Taal Lake

Sa Batangas matatagpuan ang Taal lake, ang pinakamalalim na lawa sa Pilipinas. Dito rin matatagpuan ang Taal Volcano, ang pinakamaliit na bulkan sa mundo. (BSP website, n.d.)

4.

Maliputo

Caranx ignobilis Ang maliputo ay isang uri ng isda na matatagpuan lamang sa Taal Lake. Ito ay tinatawag ng mga taga-Batangas na muslo. Ang isdang ito ay isang napakasarap na putahe na ipinagmamalaki ng mga taga-Batangas. Ito ay bumibigat hanggang tatlong kilo at may kulay na pilak o itim. (BSP website, n.d.)


45 mukha ng pera

ikaw naman!

Mahilig ka bang kumain? Well, dapat matuto ka ring magluto. Kaya’t heto ang isang recipe ng Maliputo na pwede mong gawin kung pupunta ka ng Batangas!

Steamed Maliputo 1 medium-size maliputo 1 tbsp. asin 1 tsp. sesame oil 1 tbsp. lambanog (coconut wine) 1 luya (kasinlaki ng hinlalaki) spring onions/sibuyas toyo

kung makapagluto ka, ilagay mo rito ang pictur e ng iyong Maliputo delicacy!

Paraan ng Pagluto 1. Tangalin ang laman loob ng isda, linisin ang isda nang maayos. Gumawa ng maliliit na hiwa sa gilid ng isda. 2. Lagyan ng asin ang isda at pahiran ng sesame oil. Isantabi muna ito. 3. Ihalo ang toyo, luya at lambanog. 4. Lagyan ang steamer ng dahon ng saging at ilagay ang isda sa taas nito. Buhusan na ito ng hinalo mong toyo, luya at lambanog. 5. I-steam na ito at hintayin maluto. recipe mula sa: http://lutongpinoy.info/steamed-maliputo/


ISANG MUKHA NG KASA YSAYAN

HALAGA SANDAANG PISO

HARAP

LIKOD

Manuel A. Roxas Central Bank of the Philippines 1949 Inauguration of the Third Republic 4 July 1946 sagisag ng bangko at sagisag ng pangulo Mayon Volcano Whale Shark (Butnding) Rhincodon typus

KULAY

ikaw muna! Ano ang mabibili mo sa

100?

Violet/kulay ube


49 mukha ng pera

Roxas? Pamilyar siyang pangalan sa atin ngayon, kilala niyo ba si Mr. Palengke, si Mar Roxas? Apo siya ng ating pag-uusapan ngayon!

mukha

Si Manuel Roxas ang ating unang pangulo nang nakamit natin ang kasarinlan mula sa mga Amerikano. Nanumpa siya noong ika-4 ng Hulyo 1946. Namana ni Pangulong Roxas ang mga problemang idinulot ng World War II. Kaya’t gumawa siya ng isang plano na tumulong sa pagsasaayos ng ‘Pinas. Tinawag siyang “Nation Builder” dahil dito. PHILIPPINE PRESIDENTS

ASSOCIATION

Manuel Acuña Roxas “Huling Pangulo ng Komonwelt”

Enero 1, 1892 Capiz, Capiz (Roxas na ngayon) Gerardo Roxas Sr.* Rosario Acuña Trinidad de Leon April 15, 1948** Clark Field, Pampanga

Siya ay isa sa pinakabatang naging Gobernador sa edad na 27. At siya rin ang Speaker of the House sa loob ng 12 taon. Siya rin ang tumulong magtatag ng bangko sentral bilang paraan patungo sa kasarinlan. Pero ‘di niya natapos ang kanyang termino dahil maaga siyang binawian ng buhay. Si Elpidio Quirino ang sumunod sa kanya at ito na rin ang pumirma ng Republic Act 265 o ang The Central Bank Act na nagtatag sa Central Bank of the Philippines. (BSP, n.d.)

*Pinatay ang kanyang tatay ng mga Guardia Civil noong nasa sinapupunan pa lamang si Manuel ng kanyang nanay. ** Habang nagsasalita siya sa Clark field (base ng mga sundalong Americano dito sa Pilipinas), bigla na lang siya hinimatay. Dinala siya ng mga Amerikanong doctor sa hospital kaso di na siya nasagip. Dahil sa kanyang kamatayan, 2 taon lang siya naging presidente. (Romulo, 1988)


mukha ng 100 50

pag-aaral ni Manuel R. Nakapagtapos si Manuel ng elementarya sa Capiz Elementary School noong 1904. Ang nagturo sa kanya ng alpabeto ay isang mabait na Amerikanong sundalo na si Private First Class George Shoena, ang pinakaunang Amerikanong guro sa paaralan nila. Pinadala naman siya ng lolo niya ng isang taon sa Hong Kong para mag-aral sa St. Joseph’s college. Pagkabalik niya noong 1905, pumasok siya sa Manila High School (ngayon ay Araullo High School), at nakapagtapos na may highest honors noong 1905. Nagsimulang mag-aral ng abogasya si Roxas noong 1910 sa isang pribadong paaralan na sinimulan ng assistant solicitor general na si Dr. George A. Malcolm sa Young Men’s Christian Association (YMCA). Ito rin ang naging college of Law ng Unibersidad ng Pilipinas (UP). Sa panahong iyon, may 2 lang na paaralang nagtuturo ng abogasya: Unibersidad ng Santo Tomas (UST) College of Law at ang Escuelade Derecho de Manila. Ang YMCA law school ang pangatlong naging paaralan na nagtuturo ng abogasya. Noong 1911, lumipat si Roxas sa bagong UP College of Law. Nagtapos siya noong 1913 at siya rin ang valedictorian ng klase nila. Nakapasa siya agad sa bar exam na 92 percent ang nakuha. (Cortes, 1999)

ikaw naman!

Si Roxas ang pinakaunang presidenteng mahilig mag-exercise. Naglalaro siya ng golf sa may Malakanyang kapag may oras siya. Katulad ni Quezon, mahilig din siyang sumayaw. (Romulo, 1988) Ikaw, ano ba ang mga exercise routines mo araw-araw?


51 mukha ng pera

iba pang simbolo

2.

1. Central Bank of the

Inagurasyon ng Ikatlong Republika Pagkalipas ng 48 taon na pananakop ng Amerika sa Pilipinas, noong ika-4 ng Hulyo 1946 isinakatuparan ang pagbibigay sa ating bansa ng kalayaan. Sa araw ding ito ang inagurasyon ng ikatlong Republika ng Pilipinas na pinamunuan ni Manuel Roxas, ang naging unang Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Ito ay ginanap sa Luneta park. Dito din nasaksihan ng halos 300,000 tao ang pagbaba ng bandila ng Amerika at siya ring pagtaas ng bandila ng Pilipinas. (BSP website, n.d.)

Philippines 1949

tumungo sa pahina 5 pa ra makilala ang BSP

3.

Whale Shark/BUTANDING! Rhincodon typus Ang “butanding� naman o whale shark ang pinakamalaking mammal sa mundo na matatagpuan sa Donsol, Sorsogon. (BSP website, n.d.)

4.

Bulkang Mayon Tanyag ang Legazpi City, Albay dahil sa Bulkang Mayon, ang pinakaaktibong bulkan sa bansa at isa sa pinakamaganda sa mundo. (BSP website, n.d.)


mukha ng 100 52

kwento ni Daragang Magayon Alam nating sadyang napakaganda ng Bulkang Mayon, pero sa likod nito, may isang kwento ng pagmamahal at kabiguan na nagbigay buhay sa Mayon. May isang napakagandang dilag na kilala sa buong Kabikolan—si Magayon. Niligawan si daragang Magayon ng napakaraming lalaking nagmula pa sa iba’t ibang lugar, ngunit dahil sa tradisyon, pinagbawalan si Magayong magpakasal sa mga lalaking hindi nagmula sa kanilang nayon. Sa utos na rin ng kapalaran, nahulog ang loob ng dalaga kay Ulap, anak ng pinuno ng ibang nayon. Nang sinabi ito ni Magayon sa kanyang ama na si Tiong Makusog, tinanggap at inintindi niya ang anak. Subalit ang masugid niyang manliligaw—si Pagtuga ang nagpumilit na ikasal si Magayon sa kanya. Nang tumanggi si Magayon, dinukot ni Pagtugat si Tiong Makusog at pinilit niyang magpakasal si Magayon. Nakarating ang balitang ito kay Ulap, kaya’t sumugod ito sa nayon ni Magayon. Sa araw ng kasal ni Magayon at Pagtuga, nakipaglaban si Ulap kay Pagtuga. Pagkatapos ng isang matinding laban, napatay ni Ulap si Pagtuga. Sa sobrang saya tumakbo si Magayon sa kanyang mahal, pero siya naman ang tinamaan ng palasong mula sa tauhan ni Pagtuga. Napatigil si Ulap sa pakikipaglaban at kinarga si Magayon. Siya naman ang inatake ng kalaban sa likod. Sabay namatay ang magsing-irog. Inilibing ni Tiong Makusog ang anak sa lugar ng kanyang kamatayan. Pagkatapos ng ilang araw, umumbok ang lupang pinaglibingan ni Magayon. At pagkaraan ng mahabang panahon, ito’y lumaki at naging isang bulkan. Ito ngayon ay ipinangalan kay Magayon. Kapag ang bulkan ay sumasabog, sinasabing ang kaluluwa ni Pagtuga ay bumabalik upang agawin ang kanyang mga niregalo kay Magayon. Sa galit, ang bulkan ay bumubuga ng abo at kumukulong putik. Kapag may ulap namang dumadaan sa bulkan, sinasabing hinahalikan ni Ulap si Magayon. (101 Filipino Icons, 2007)


53 mukha ng pera

ikaw naman!

Nakilala mo na ang lolo ni Mar Roxas, ngayon, hinahamon naman kitang kilalanin ang iyong lolo o lola at isulat sa baba ang pinakapaborito niyong kwento tungkol sa kanila!


ISANG MUKHA NG KASA YSAYAN

HALAGA DALAWANGDAANG PI SO

HARAP

Diosdado P. Macapagal EDSA People Power II January 2001 Independence House Barasoain Church

LIKOD

sagisag ng bangko at sagisag ng pangulo Bohol Chocolate Hills Tarsier Tarsius syrichta

KULAY

ikaw muna!

Pangulong hanapin ang dating

rroyo! Gloria Macapagal-A

Green


Oo, siya ang ama ng dating pangulong Gloria-Macapagal Arroyo! Pero ngayon, siya naman ang ating main topic!

mukha

Isa siguro si Diosdado sa mga pulitikong nagsimula sa baba. Mulat siya sa kahirapan ng buhay kaya’t bilang pangulo napamahal siya sa masa. Dahil dito, nakilala si Pangulong Diosdado Macapagal sa kanyang reporma sa lupa at sosyo-ekonomikong agenda na nakatulong sa mahihirap ng bansa.

PHILIPPINE PRESIDENTS

ASSOCIATION

apagal Diosdad.a.oDaMdoac ng

Binago niya ang araw ng pagdiriwang sa Kalayaan ng Pilipinas mula ika-4 Hulyo 1946 at linipat sa ika-12 Hunyo 1898. Ito ang araw na idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Kastila. (BSP, n.d.)

a.k “Poor boy from Lubao”

Setyembre 28, 1910 San Nicolas, Lubao, Pampanga Urbano Macapagal Romana Pangan

buhay pa siya... ...sa mga lugar na naipangalan sa kanya: Diosdado Macapagal International Airport Diosdado Macapagal Boulevard

Dr. Evangelina Macaraeg* April 21, 1997 Manila, Philippines

*Siya ang ikalawang asawa ni Diosdado, ang mga anak nila ay sina Maria Gloria (dating PGMA) at Diosdado, Jr. May dalawa pa siyang anak sa dating asawa: si Maria Cielo at si Arturo (Valenzuela, 1966)


mukha ng 200 58

pag-aaral ni Diosdado Nagtapos siyang valedictorian ng elementarya sa Lubao Elementary School at Salutatorian naman nang nagtapos siya sa Pampanga High school. Kumuha siya ng pre-law course sa Unibersidad ng Pilipinas. Namangha ang kanyang guro sa Ingles kaya’t pinakilala si Diosdado sa asawa niya baka sakaling kunin siya bilang isang cub reporter. Nung 1930, nakapasa siya sa civil service examination at dahil dun, napasok siya bilang isang klerk sa Bureau of Lands. Nag-aral siya ng abugasya sa tulong ng isang iskolarship sa Philippine Law School (ngayo’y Philippine College of Criminology). Pagkatapos ng 2 taon, lumipat siya sa Unibersidad ng Santo Tomas at dun tinapos ang abugasya. Iskolar siya ni Honorio Ventura na dating Interior Secretary at estudyante din ng UST. Noong 1935, naging topnotcher sa bar exam si Diosdado na may gradong 89.95. (Cortes, 1999)

kailan ba talaga lumaya ang ‘Pinas? Kilala si Diosdado bilang pangulong nagbago ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Pero bakit niya kaya ginawa ito? Naniwala si Diosdado na ang dapat na gunitaing paglaya ng Pilipinas ay ang araw na idineklara ni Heneral Aguinaldo ang kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Hindi masyadong natuwa ang mga Amerikano sa pagpasyang ito. Ngunit nakumbinsi pa rin sila ni Diosdado na ang pasyang ito ay nagbibigay respeto pa rin sa Amerika. Ipinarating pa nga niya na ang Araw ng Kalayaan—Hunyo 12, 1898 ay kunektado sa Amerika sa dalawang paraan.

Una, na ang pagdeklara noon ni Hen. Emilio Aguinaldo ng Kalayaan ay may proteksyon at pagsangayon mula sa nasyon ng America. Ikalawa naman ay ang pagkakatulad ng kulay ng ating watawat sa watawat ng Estados Unidos na nagpapakita ng pasasalamat ng mga Pilipino sa pag-abot ng tulong sa kanila. Simula noon, ika-12 ng Hunyo na ang Araw ng Kalayaan at ang ika-4 ng Hulyo naman ang FilAmerican Friendship Day. (Ocampo 2009)


59 mukha ng pera

iba pang simbolo

1. EDSA People Power II

2.

January 2001

Ang People Power 2 ay isang mapayapang pagaaklas na naganap sa EDSA. Pinatalsik nito ang dating Pangulong Joseph Estrada. Nasa kalagitnaan ng paglilitis kay Pangulong Estrada (Impeachment trial) noong ika-17 ng Enero, 2001 nagkaroon ng ingay sa hukuman nang 11 sa 21 na senador ang bumoto na huwag buksan ang pangalawang envelope na pinaniniwalaang naglalaman ng mga ebidensya na magpapatunay ng sala ni Estrada sa kasong ibinibintang sa kanya. Ang desisyon ng mga senador ay pinaniwalaang pagpapawalang sala dito. Ang pangyayaring ito ang nag-udyok sa maraming Pilipino na pumunta sa EDSA Shrine para ikondena ang nangyari at ipaglaban ang pagpapatalsik kay Pangulong Estrada. Ika-20 ng Enero taong 2001, mapayapang nilisan ng pamilya ni Pangulong Estrada ang Malakanyang. Sa araw ding iyon nanumpa bilang Pangulo ng Pilipinas sa EDSA si Gloria Macapagal-Arroyo. Ang mga taong sumali sa EDSA II ay nabibilang sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Madaming kilalang tao ang sumali sa EDSA II, iilan na lang dito ay sina Cardinal Sin, mga dating Pangulong Cory at Fidel Ramos, mga pinuno ng oposisyon. Andun rin ang magkakaibang grupo ng Gabriela, Bagong Alyansang Makabayan, Bayan Muna, Sanlakas at maraming iba pa. (Crisostomo, 2002)

tumungo sa pahina 67 para sa EDSA

I.

Independence House

Ang bahay ni Aguinaldo sa Cavite ay tinawag ni Diosdadong “Independence House” nang binago niya ang Araw ng Kalayaan. Tumungo naman tayo sa mismong Araw na idineklara ni Hen. Aguinaldo ang kalayaan. Malinaw ang imaheng ibinibigay ng mga libro ng kasayaayan—isang balkon kung saan iwinawagayway ang watawat natin, puno ng mga taong nagsisitalon sa tuwa. Pero meron palang mga pangyayaring hindi natin alam! Salamat na lamang sa sinulat ni Mr. Ambeth Ocampo, nakasilip ako sa kung ano talaga ang nangyari nung araw na iyon. Akala natin si Emilio Aguinaldo ang nagbasa ng deklarasyon ng kalayaan mula sa mga Kastila, ang totoo, ang nagbasa nito ay ang kanyang tagapayong si Ambrosio Rianzares. Akala natin, sa balkon din idineklara ang kalayaan; ang totoo wala pang balkon ang bahay ni Aguinaldo noon, bintana lang pala ang ginamit. Kilala rin nating “Unang Pangulo” si Emilio Aguinaldo, ang totoo, siya ay unang pinangalanang “diktador” ng pamahalaang diktatoryal mula Mayo 24, 1898 hanggang Hunyo 23, 1898. Naging “pangulo” lamang siya noong Hunyo 23, kung kailan nabuo ang pamahalaang rebolusyonaryo. (Ocampo, 2009) Ang daming pinag-iba ng totoong nangyari sa kung ano ang na-iimagine natin diba?


mukha ng 200 60

Ang Indepe ndence Hou se o mas kilala b ilang Aguin aldo Shrine

4.

Bohol Chocolate Hills

Sa Bohol matatagpuan ang tanyag na Chocolate Hills. Kapag tag-ulan, ang mga burol ay kulay luntian o green, ngunit nagiging brown kapag tagtuyot. Mayroong 1,268 na burol na may taas na 30-50 metro. (BSP, n.d.)

3.

Barasoain Church Itinalaga ang Unang Republika ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan (BSP, n.d.)

5.

Tarsier

Tarsius syrichta

Ang tarsier ang isa sa pinakamaliit na ‘primate’ sa mundo at matatagpuan lamang ito sa Bohol, Samar, Leyte at Mindanao. Kasyang-kasya ito sa isang kamay. (BSP, n.d.)


61 mukha ng pera

ikaw naman!

Sobrang sayang maglibot sa Pilipinas, at isa ang Bohol sa pinakatanyag na lugar sa atin. Kung ikaw ay makakapunta nang libre sa 3 lugar sa Pilipinas, anu-ano ang ma ito? Maglagay din ng picture para mas maganda!

1.

2.

3.


YSAYAN ISANG MUKHA NG KASA

AANG PISO HALAGA LIMANGD mocracy: HARAP Icons of De C. Aquino

President Corazon Senator Benigno S. Aquino, Jr. EDSA People Power | February 1986 Benigno S. Aquino, Jr. Monument g sagisag ng bangko at sagisa ng pangulo

LIKOD

KULAY

an Puerto Princesa Subterrane River National Park (UNESCO World Heritage Site) Blue-naped Parrot Tanygnathus lucionensis Dilaw

kwento muna! Pansin naman nating kung gaano ka-seryoso ang mukha ni Ninoy sa dating 500 diba? Nag-survey ako sa mga estudyante ng high school at may nagsabi sa akin na malungkot daw si Ninoy dahil ‘di niya katabi si Cory. Well, ‘yun nga talaga siguro ang rason kasi sa bagong 500 nilagay na si Cory Aquino at kitang-kita ang saya sa Mukha ni Ninoy.


65 mukha ng pera

mukha

N

ENTS ASSOCIATIO

PHILIPPINE PRESID

Cory Aquino “Unang Babaing Pangulo ng bansa”

Enero 25, 1933 Tarlac Jose Cojuangco Sr. Demetria Sumulong Benigno “Ninoy” Aquino, Jr Agosto 1, 2009

Si Corazon Cojuanco Aquino na mas kilala sa palayaw na CORY ay ang ikalabing-isa at kaunaunahang babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986 – Hunyo 30, 1992). Siya ay nailuklok sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon (EDSA I) noong Pebrero 25, 1986. Ito rin ang araw kung kailan napatalsik sa puwesto ang dating Pangulong Ferdinand Marcos. Si Cory ay unang nakilala bilang asawa ng dating Senador Benigno Aquino (Ninoy). Si Ninoy ay isang kritiko ng dating Pangulong Marcos. Nakulong siya matapos ideklara ang Batas Militar noong September 21, 1972 at ipinapatay nang bumalik sa Pilipinas. Dumating siya mula Estados Unidos noong Agosto 21, 1983, pagkalapag ng eroplanong kanyang sinasakyan, siya’y binaril. Dahil dito ay nakilalang isang martir si Ninoy ng mga Pilipino. Si Pangulong Cory ay maalala bilang isang Pangulong tapat sa kanyang hangarin na maibalik ang demokrasya sa bansa. Siya rin ang nagpatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP, subalit hindi ito gaanong naging matagumpay sa maraming kadahilanan. Halos siyam na pag-aaklas militar ang kanyang dinanas. Ang ilan pa sa mga ito’y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya. Ngunit natapos niya ang kanyang termino hanggang Hunyo 30, 1992 matapos ang mapayapang halalan na nagluklok kay Fidel V. Ramos na sumunod sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas. Ang pinakamalaking ambag niya sa ating kasaysayan ay ang pagbabalik ng demokrasya, paggawa ng bagong Konstitusyon na bumawas sa kapangyarihan ng pangulo, pagtatag ng kongreso, at pagbigay diin sa kalayaan at karapatan ng tao. (Corazon Aquino Biography: Political Leadership for the Filipino People, 2010)


mukha ng 500 66

Senador si Ninoy nang magdeklara ng batas militar ang pangulong Ferdinand Marcos. Ang kanyang pagkakakulong, pagpapaalis sa bansa nang 7 taon, at kanyang pagkapatay sa kanyang pagbabalik ang nag-udyok sa lahat na magsamasama at alisin sa kapangyarihan ang diktador. Ito ang naging People Power Revolution. Noong June 30, 2010 ang anak nila, si Benigno S. Aquino III ang naging ika-15 pangulo ng bansa. Si PNoy ang ating kasalukuyang pangulo. (BSP, n.d.)

pag-aaral ni Ninoy San Beda High School, 1948 Ateneo de Manila University College of Liberal Arts (Pre-Law), 1950 University of the Philippines, College of Law (4th year) Harvard University Center for International Law (Fellow) Massachusetts Institute of Technology Center for International Studies (Fellow)

Natapos niya ang high school sa loob lamang ng dalawa at kalahating taon sa pagkuha niya ng klase sa Far Eastern University at National University tuwing bakasyon. Inaamin niya naman na hindi siya ganoong kahusay sa eskwela, nasa gitna lang siya kumbaga—may markang 80-85, pero hindi rin siya bumabagsak. (Aquino, 1993)

buhay pulitika

Maaga nagsimula ang karera ni Ninoy. Isipin ninyo, naging mamamahayag siya nung 17 taong gulang lamang siya at ipinadala sa Korea noong Korean War. Siya rin ang nahalal na pinakabatang Mayor ng Concepcion, Tarlac at pinakabatang bise-gobernador ng Tarlac. Siya siya rin ang pinakabatang nahalal na senador sa bansa. (Aquino, 1993)

CIATION

PHILIPPINE HEROES ASSO

Benigno S. Aquino Jr. a.k.a. Ninoy

Nobyembre 27, 1932 Concepcion, Tarlac Benigno S. Aquino Sr. Aurora A. Aquino Maria Corazon Sumulong Cojuangco August 21, 1983


67 mukha ng pera

iba pang simbolo

1.

EDSA People Power February 1986

Ang People Power I ang pinakaunang mapayapang rebolusyon ng mga Pilipino sa EDSA kung saan napatalsik ang diktador na si Ferdinand Marcos at naluklok si Corazon “Cory” Aquino bilang pangulo. Bunga ito ng pagpatay kay Benigno “Ninoy” Aquino sa Manila International Airport. Ang pagkamatay ni Ninoy ay pinaniniwalaang pakana ng kampo ni Marcos na kilalang kalaban nito. Bilang isang naulilang asawa, si Corazon Aquino ang naging pag-asa ng mga Pilipinong ayaw na sa pamumuno ng mga Marcos, na mahigit dalawang dekadang tuloy-tuloy na namuno ng bansa. Dahil dito, kinumbinsi si Cory na tumakbo laban kay Marcos noong Pebrero 7, 1986. May pag-alinlangang tinanggap ni Cory ang hamon matapos makatipon ng isang milyong lagda na sumusuporta sa kanya. Nanalo si Cory sa nasabing halalan subalit ayaw tanggapin ang pagkatalo ng mga Marcos. Ang pag-lipat ng mga kaalyado ni Marcos na sina Juan Ponce Enrile (Defense Minister) at Heneral Fidel V. Ramos sa panig ni Aquino ang nag-udyok sa mga tao na pumunta sa Epifancio Delos Santos Avenue (EDSA) para isagawa ang rebolusyon na nagpatalsik kay Marcos. Ika-25 ng Pebrero, 1986 nang manumpa bilang pangulo si Cory sa harap ni Senior Justice Claudio Teehankee. Nang araw ding iyon umalis ang pamilya ni Marcos sa Malakanyang papuntang Hawaii. (E. Malaya & J. Malaya, 2004)

2.

monumento ni Benigno S. Aquino, Jr.

Makikita rin sa pera ang bronze memorial ni Ninoy sa Makati City. Ang lugar ding ito’y ginagamit para sa mga kilusan o rally. (BSP, n.d.)


mukha ng 500 68

3.

Puerto Princesa Subterranean River National Park Ang Puerto Princesa Subterranean River ay matatagpuan sa loob ng kwebang puno ng mga nakakahangang mineral na nabuo sa taas nito. Ito ay idineklara na bilang isang UNESCO World Heritage Site. Ang lugar na ito rin ay tahanan ng Philippine Cockatoo at ng Palawan mouse deer. (BSP, n.d.)

4.

Blue-naped Parrot

Tanygnathus lucionensis

Ang Blue-naped Parrot, na kilalang mabait, palakaibigan at matalino, ay matatagpuan sa kagubatan ng Palawan at Mindoro. (BSP, n.d.)


69 mukha ng pera

ikaw naman!

Ikaw naman ang maghanap ng iba pang trivia tungkol sa mukha ng 500-piso! ‘Wga kalimutang ikwento sa iyong mga kaibigan!


ISANG MUKHA NG KASAYSAYAN

HALAGA SANLIBONG PISO HARAP

Josefa Llanes Escoda Jose Abad Santos Vicente Lim Centennial of Philippine Independence 1998 Medal of Honor sagisag ng bangko at sagisag ng pangulo

ikaw muna! ilista ang mabibili mo sa

1000!

LIKOD

Tubbataha Reefs Natural Park (UNESCO World Heritage Site) South Sea Pearl Pinctada maxima

KULAY

Blue/Asul


73 mukha ng pera

mukha

CIATION

PHILIPPINE HEROES ASSO

Escoda Josefa Llanes pa a.k.a Pe

isa sa mga tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines

Setyembre 20, 1898 Dingras, Ilocos Norte Gabriel Llanes Mercedes Madamba Antonio Escoda* 1945**

Si Josefa Llanes Escoda ay isang matatag na Pilipina! Isa siyang social worker, guro, editor ng pahayagan, at tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihang bumoto, Siya rin ay nabibilang sa mga taong nagtatag ng Girl Scouts of the Philippines. Nagpakita siya ng tapang noong panahon ng gera laban sa Hapon sa pamamagitan ng pagtulong sa mga preso ng gera. Dahil dito, pinatay siya kasama ang asawang si Antonio Escoda ng mga Hapon. (BSP, n.d.)

Antonio Escoda * Si Antonio Escoda, isang guwapo at magaling na reporter ng Philippine Press Bureau, ang naging asawa ni Josefa. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Maria Teresa at Antonio Jr. (Mga Pilipino sa Kasaysaan, 2008)

pag-aalay ng buhay ** Noong Agosto 1944, dinakip si Josefa at ikinulong sa Fort Santiago. Papalayain na sana siya ng mga Hapon, ngunit pinili niyang makulong kasama ng kanyang asawa. Huling nakita si Josefa Llanes Escoda noong Enero 6, 1945 sa isa sa mga gusali ng Far Eastern University kaya inisip ng iba na siya ay pinapatay na ng mga Hapon. (Madarang & Calibuso, 2001)


mukha ng 1000 76

4.

South Sea Pearl Pinctada maxima

Kinakanta natin araw-araw na ang Pilipinas ay ang “perlas ng silanganan” pero meron nga talagang perlas ng silangan, at ito rin ay pinagmamalaki natin! Ang karagatan ng Sulu ay bahagi ng South Seas, na natural na tirahan ng talabang gumagawa ng pinakamalalaking perlas sa mundo. Ang perlas na matatagpuan sa atin ay ang Pinctada Maxima. Ang kulay nito ay maaaring puti, pilak o ginto. (BSP, n.d.)

3.

Tubbataha Reefs Natural Park (UNESCO World Heritage Site)

Ang Tubbataha Reef National Marine Park ay isang santuwaryong-dagat na binubuo ng mga kural o batong-bulaklak. Ito ay matatagpuan sa gitna ng Dagat Sulu, sa Bayan ng Cagayancillo, Palawan, 181 kilometro timog-silangan ng Puerto Princesa. Ito ay itinatag noong ika-11 ng Agosto, 1988 sa ilalim ng Proclamation No. 306. Ito rin ay protektado ng Presidential Decree No. 705 (Forestry Reform Code). Ang Tubbataha Reef Marine Park ay kasama sa “Palawan Biosphere Reserve”, ito ay kinilala ng UNESCO noong taong 1990 bilang isang World Heritage Site, isang lugar na kailangan ipanatili para sa mga darating na henerasyon. (Tubbatahareef.org)


77 mukha ng pera

ikaw naman!

Ang tatlong bayani sa 1000-piso ay lumaban sa mga Hapon, pero marami pang mga bayaning hindi kilala ang nagbuwis ng buhay para sa kalayaan. Maghanap ka ng mga kwento tungkol sa mga bayaning ito. Maganda kung gawan mo rin sila ng profile katulad ng mga bayani sa librong ito.

buhay ni

CIATION

PHILIPPINE HEROES ASSO

a.k.a


mukha ng 1000 74

pag-aaral ni Josefa Bata pa lamang, likas nang masayahin, aktibo at mabilis matuto si Josefa. Sa panahon ng kanyang pag-aaral, hindi siya pumapayag na matapos ang araw na hindi siya nag-aaral o nagbabasa ng libro. Noong nasa elementarya siya, tinamaan ng bagyo ang kanyang bayan. Kahit binigyan ng babala ang mga tao sa nalalapit na kalamidad, nagpilit pa rin si Josefa na makapasok sa paaralan. Pinigilan siya ng kanyang ina pero hindi talaga siya pumayag. Sabi niya, “Hindi ko papayagang pigilan ako ng bagyo na pumasok sa paaralan.” Nakapagtapos siya ng elementarya na valedictorian. Mula Dingras, pumunta siya sa Laoag at dito na nagtapos ng sekondarya. Matapos ang kanyang pag-aaral sa mataas na paaralan sa edad na 16, pinakiusapan niya ang kanyang mga magulang na pag-aralin siya sa Philippine Normal School (ngayon ay Philippine Normal University). Dahil sa kanyang kasiglahan at kagalingan, nakilala siya dito. Pagkaraan ng dalawang taon, nagtapos siya nang may karangalan. Noong 1918, namatay ang kanyang ama nang magkaroon ng epidemya ng influenza sa Pilipinas. Naging napakahirap para sa kanyang ina na magalaga ng anim na anak kaya dinala sila ni Josefa sa Maynila. Nag-aral siya sa gabi upang makakuha ng sertipiko sa pagkaguro sa mataas na paaralan. Nakamit niya ito noong 1922 sa Unibersidad ng Pilipinas. Sandali siyang nagturo sa Jose Rizal College, University of Manila, Far Eastern University, at Philippine Women’s University. (Mga Pilipino sa Kasaysaan, 2008)

CIATION

PHILIPPINE HEROES ASSO

Vicente Lim

Heneral ng Philippine Army

Pebrero 24, 1888 Calamba, Laguna Jose Lim Antonia Podico Pilar Hidalgo* 1944**

Si Brigadier General Vicente P. Lim ang unang Pilipinong nagtapos sa United States Military Academy o West Point, isa sa pinakatanyag na institusyong nagsasanay sa mga hukbong militar. Dahil sa kanyang sipag at tapang, siya ang naging pinakapinuno ng Hukbong Pilipino. Nang siya ay maaksidente nung Ikalawang Digmaang Pandaigdigan, tinulungan pa rin niya ang mga gerilya kahit nasa ospital siya. Nadakip at pinatay siya ng mga Hapon dahil sa kanyang ginawa. (BSP, n.d.)

*Pilar Hidalgo

Guro ng matematika mula sa Unibersidad ng Pilipinas si Pilar Hidalgo. Mula siya sa isang mayamang angkan sa Boac, Marinduque. Nagbabakasyon siya noon sa Baguio nang makilala si Vicente. lkinasal sila noong Agosto 12, 1917 sa simbahan sa Quiapo. Ito ang unang kasalang militar sa nasabing simbahan ng lungsod.

**family matters

Si Vicente ay isang mapagmahal na ama. Mahilig din siyang magluto at kumain, at malakas magtabako. Tuwing mananalo siya sa larong baraha, bumibili siya ng tela o iba pang gamit para sa kanyang asawa.

pag-aaral ni Vicente Sadyang pilyo sa pagkabata, matipuno ang katawan, magaslaw at mahilig maglaro ng baril-barilan, patintero at iba pang larong pisikal si Vicente (Kaya ‘di ka magtataka kung bakit siya naging sundalo) Nagtapos siya ng elementarya sa Calamba, intermedya sa Tanauan, Batangas at mataas na paaralan sa Sta. Cruz, Laguna. Nagpalista siya sa Licea de Manila noong 1908 bago pumasok sa Philippine Normal School (Philippine Normal University ngayon). Nang makapagtapos, kumuha at nakapasa siya sa pagsusulit para sa mga kadete ng US Military Academy sa West Point Ipinadala siya doon bilang iskolar ng pamahalaan noong 1910 at tinawag siyang “Kanibal” habang nag-aaral doon. Nagtapos siya noong 1914.

***kanyang pagkamatay Papunta sana si Heneral Lim at ang kanyang mga kasama sa Samar upang magtago bago pumunta ng Australia nang siya ay nadakip at napaghinalaang gerilya. Dinala sila sa Fort Santiago sa Maynila, kinulong at pinahirapan. Dinala naman sila noong 1944 sa Bilibid sa Kalye Azcarraga bago pinatay ng mga Hapones sa Chinese Cemetery nang taong iyon. Ang huling mensahe niya ay: PAKISABI SA AKING PAMILYA NA HINDI KO DINUNGISAN ANG KREDO NG WEST POINT: TUNGKULIN, DANGAL, BAYAN. (Mga Pilipino sa Kasaysaan, 2008)


75 mukha ng pera

Kilala mo ba kung sino ang tao sa likod ng Abad-Santos station ng LRT? Si Jose Abad Santos ay isang Punong Mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas . Nakumpleto niya ang kanyang Bachelor of Laws degree sa Northwest University at ang kanyang Masters of Laws sa Georgetown University bilang isang iskolar.

CIATION

PHILIPPINE HEROES ASSO

ntos Jose Abad Sa ng a.k.a Seng Se

dente ng pansamantalang naging Presi Pilipinas noong WWII.

February 19, 1886 San Fernando, Pampanga Vicente Abad Santos Toribia Basco Amanda Teopaco May 2, 1942*

Pinatay siya dahil ayaw niyang makipagtulungan sa mga Hapon. Bago siya pinatay, sinabihan niya ang kanyang anak na kasabay na dinakip, “It is a rare opportunity to die for one’s country.” (Isang bihirang pagkakataon ang mamatay para sa bayan.) (BSP, n.d)

kwentong pamilya • • • •

Ang pamilya nila Abad Santos lamang ang pamilya sa Pilipinas na may dalawang apelyido. 45 na ang kanyang tatay nang pakasalan nito ang 15-taong gulang niyang ina. ‘Di nagkasundo si Jose at ang kanyang kuya Pedro dahil sa pilosopiya at ideyolohiya ni Pedro sa pulitika. Lolo siya ni Jamby Madrigal.

*kanyang kamatayan Kinuha si Jose at ang kanyang anak ng mga Hapon at dinala sila sa Parang, Cotabato ng Abril, 1942. Dinala sila sa Malabang, Lanao at pagkatapos ng tatlong araw na pagkulong, pinatawag si Abad Santos sa istasyon ng mga Hapon. Pinatay si Abad Santos ng ika-2 ng Mayo, 1942, alas-dos ng hapon. (Aquino, 1985)

iba pang simbolo

1. Centennial of Philippine Independence 1998

Ang taong 1998 ang ika-100 anibersaryo ng kalayaan ng ating bansa. Idineklara ng unang pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Heneral Emilio Aguinaldo ang pagiging malaya mula sa pamamahala ng mga Kastila noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Ang pagdeklarang ito ni Aguinaldo, gayunman, ay ang pinakaunang hakbang sa maraming mga kaganapan para sa kalayaan ng ating bansa sa mga dayuhan. Ito ang tinatawag ngayon na Philippine Revolution of 1896, na sinimulan matapos patayin si Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan noong ika 30 ng Disyember, 1896. (“Philippine Centennial Celebration”, n.d.)

2. Medal of Valor Ang “Medal of Valor” ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Pangulo ng Pilipinas sa mga miyembro ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Ito ay binibigay sa mga sundalong nagpakita ng kagitingan at katapangan sa pakikipaglaban sa mga kaaway. Binibigay ito sa sandatahang walang takot na magbubuwis ng kanilang buhay habang tumutupad sa kanilang tungkulin. Sa pamamagitan ng Republic Act No. 9049 na pinagtibay noong March 22, 2001, ang sino man na nagawaran ng karangalang ito ng Pangulo ng Pilipinas ay habangbuhay na tatanggap ng karagdagang buwanang benepisyo na nagkakahalaga ng dalawampung libong piso at maraming iba pang mga pribelehiyo. (AFP, n.d.)


81 mukha ng pera

t Complex, sa Ginagawa ang pera natin sa Bangko Sentral Plan t noong 1978, ang Quezon City. Bago binuksan ang Security Plan pera natin ay ginawa sa ibang bansa.

Una nating titingnan ang mga papel na pera natin!

kwento sa akin! Salamat kay Ate Sharon Moyano ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagku

1. design

2.

plate mixing

Nagtutulungan ang mga eksperto sa kasaysayan at mga artists para makapili at makadisenyo ng pera. ‘Di lang sila madaliang naglalagay ng mga simbolo, masusing pinipili ang mga bagay na linalagay sa mukha ng pera.

Maraming bagay ang makikita sa pera, at kumplikado ang mga patterns, kaya’t kapag maglilimbag(print) ng pera, kailangan unti-unti ang paglimbag. Para maging detalyado ang lahat ng bagay, iba-ibang plates ang ginagawa para dito.

Kapag napayagan na ang mga disenyo, magsisimula na ang proseso ng paggawa ng pera.

*isipin na lang natin na parang iba’t ibang stamps o tatak na isa-isang pinapatong sa papel hanggang mabuo ang imahe sa pera.

ang mga larawan ay pawang simplifikasyon at interpretasyon ng proseso para mapaliwanag nang maayos


making money 82

3.

ink mixing

4.

printing!

Ang mga eksperto sa tinta ng BSP naman ang naghahalo ng mga tinta para makuha ang tamang kulay para sa pera. Iba’t ibang kulay ang ginagamit para mas mahirap gayahin ang pera.

Para sa paglimbag, gumagamit ng malaking papel na may security fibers at threads na nag-iiba iba ayon sa pera. Ang security fibers ang makikitang manipis at maliit na parang buhok sa papel.

Kapag handa na ang plates at ang mga tinta, magsisimula na ang paglimbag ng pera.

(Alam mo ba na maaari mong malaman kung peke ang pera kapag di mo kayang sungkitin ang security fibers nito?)

5.

offset printing

Sabay na nililimbag ang harap at likod ng papel sa pamamagitan ng off-set printing. 15-20 na kulay ang kayang ilimbag ng mga makina.

6.

intaglio printing

Intaglio printing ang tawag sa proseso ng paglilimbag na nagbibigay umbok sa mga detalye ng pera. Ilang araw ang kailangan para matuyo ang tintang ginagamit dito.

7. numbering at crating Dumadaan sa dalawang pagsusuri ang mga nalimbag na pera. Kapag pumasa na, lalagyan na ang mga ito ng serial numbers. Pagkatapos lagyan ng numero, dadaan ulit sa isang pagsusuri. (grabe ang check up nila no?) Saka lamang puputulin ang mga malalaking papel, at igugrupo ang pera tapos dadalhin na sa BSP Cash Department.

Mukha bang madali ang proseso ng paggawa ng pera? Ang totoo, 300 araw ang kailangan para makumpleto ang buong proseso. Halos isang taon!


83 mukha ng pera

Ngayon, tingnan naman natin kung papaano ginagawa ang mga barya!

1.

design

Katulad ng perang papel, nagtutlungan ang mga artists at mga eksperto sa pagdisenyo ng barya. Una nilang gagawin ang prototype at papaaprubahan.

3.

coin stamping

Ang coin die cast ang iipit sa metal para matatak ang imahe sa harap at likod. Parang stamp uli, pero metal ang huhulma at ihuhulma. Ang tawag sa prosesong ito ay coin stamping.

2.

coin die cast

Gagawa muna ng coin die cast (ang hulmahan ng metal) para mabuo ang mga larawan sa harap at likod ng barya.

4.

coin inspection at bagging

Oras nanaman para magsuri! Dadaan ang mga natatakan na metal sa inspeksyon at kung maayos na ang pagkatatak sa mga ito, bibilangin na, igugrupo at dadalhin na sa BSP cash department.


making money 2 84

Paalala lang ng BSP!

o, 5-sentimo, at 10-senim ent 1-s ang sa ban ng rin pa a per na al isy Op seso ng paggawa ng timo. At alam niyo bang mas mahal pa ang pro aga pa ring ingatan mga sentimo kesa sa halaga nila? Kaya’t mahal mabuti pa kung ibabaat ‘wag lang itapon ang mga baryang ito. Mas a institusyong gagamit lik natin ito sa bangko o di kaya ibigay sa mg ng maliliit na barya. pera ng bansa. HuPinapaalala rin sa atin ng BSP na ingatan ang at huwag itapon ang wag lukutin at basain ang mga papel na pera in ang pera, hindi na mga barya. Kung iniingatan at ginagamit nat wa ng bagong pera. ma gu a par rno bye go ang s sto ma gu gan lan kai


85 mukha ng pera

Maraming elemento ang nagpapaganda sa ating pera, pero may mas mahalaga pa silang misyon: ang pahirapan ang mga namemeke ng pera! Sa ating panahon, mayroon nang teknolohiya para makagaya ng pera na walang pahintulot galing sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Kaya’t para pahirapan ang mga gumagawa nito, dinagdagan ng BSP ang mga security features ng bagong pera. At para hindi ka rin mabiktima, heto ang mga mahahalagang elemento ng ating pera.

embossed prints

serial number

Ito ang tawag sa mga umbok sa papel na magaspang kung hawakan. Hawakan mo ang mga salitang “REPUBLIKA NG PILIPINAS” at mararamdaman mo na medyo magaspang ito. Nakaumbok din ang mga larawan, mga pirma ng bayani at pangulo, at ang halaga ng pera.

Merong 1 o 2 letra at 6 o 7 mga numero na dumadagdag ang laki.

optically variable device

optically variable ink

Matatagpuan lamang sa 500 at 1000. Ito ay ang reflective foil na nagpapakita ng imahe ng Blue-naped Parrot at South Sea Pearl.

Matatagpuan lamang sa 1000-piso. May nakaumbok na “1000” sa ibabang kanang bahagi ng pera. Nagbabago ang kulay nito kapag tinitingnan sa ibang anggulo.

concealed value

watermark

Makikita ang halaga ng pera sa kaliwang bahagi ng pera kapag inikot ng 45 degrees at ibinabang kaunti.

Makakakita ng anino ng tao at ng halaga ng pera sa blangkong parte kapag tinapat sa ilaw.

3456

halimbawa: AA12


disenyo ng pera 86

security thread

security fibers

Mukha itong tinahing metal na sinulid na nagbabago ng kulay. Mababasa rin dito ang halaga ng pera sa harap at ang “BSP� naman sa likod.

Makakakita ng pula at asul na hibla sa papel na lumiliwanag kapag tinapat sa ultraviolet na ilaw.

see through mark Ang salitang PILIPINO ay nakasulat sa Baybayin, ang paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno, at makikita lamang na kumpleto kapag nakatapat sa ilaw.

ikaw naman!

Ayan, alam mo na ang iba’t ibang elemento ng pera natin, ngayon kung ikaw ang magdidisenyo ng pera sa Bangko Sentral, iguhit mo ang gusto mong itsura ng pera natin. Ilagay din ang naisip mong mga security features na lalaban sa pamemeke ng pera!


pinakamaliit, pinakamalaki, pinakamatanda, pinakamaganda... Tingnan natin ang iba pang mukha ng perang hindi pa masyadong kilala.


trivia sa pera 88

ano ba ang...

y? commemorative mone Ito ang mga natatanging perang ginawa para maalaala ang mahahalagang pangyayari sa bansa. Kadalasan itong ginagawang collector’s item dahil sa kakaunti lamang ang ginagawa nito.

papel na pera! two-thousand piso commemorative banknote

one hundred thousand piso commemorative banknote

Sa harap ng P2000, makikita ang panunumpa ng dating Pangulong Joseph Estrada sa harap ng Barasoain Church. Sa likod naman ay ang paggunita ng Kalayaan ng Pilipinas sa Aguinaldo Shrine.

Ang ating 100,000-piso ang pinakamalaking perang papel sa mundo. Kasing laki nito ang longbond paper natin. Ginawa ito noong 1998 para gunitain ang kalayaan ng Pilipinas. Makikita sa baba ang sagisag ng ika-100 taon ng kalayaan ng Pilipinas.


89 mukha ng pera

100-piso UP banknote

dating 200-piso

Para sa ika-100 taon ng Unibersidad ng Pilipinas, gumawa ng 100-piso perang papel na may imahe ng UP Oblation. Ang oblation ay isang mahalagang simbolo ng UP na nagpapakita ng pag-aalay ng sarili sa bansa.

Oo, commemorative money ang dating 200-piso! Ginugunita nito ang pagpalit ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ni Diosdado Macapagal. Ipinapakita rin dito ang Aguinaldo Shrine sa harap at ang EDSA II sa likod. Kontrobersyal ang perang ito dahil nakikita sa likod ng pera ang ating dating pangulo, ang anak ni Diosdado Macapagal na si Gloria Macapagal Arroyo. Sabi ng oposisyon, ang pera ay para sa mga namatay nang bayani o pangulo.

barya!

10,000 commemorative coin (1992) Ginugunita nito ang ika-6 na anibersaryo ng pagbabalik ng demokrasya ng bansa sa ilalim ng dating Pangulong Corazon C. Aquino. Ito ang may pinakamalaking halaga sa lahat ng barya natin.


trivia sa pera 90

50 peso silver proof coin Ginawan din ng barya ang paggunita ng International Year of The Child (1979). Ito ay para bigyang atensyon ang mga problema ng kabataan sa ngayon katulad ng kakulangan sa edukasyon at kakulangan sa tamang nutrisyon.

50 peso commemorative coin (1981) Isang malaking pangyayari ang pagbisita ni Pope John Paull II sa Pilipinas, kaya’t gumawa ng barya para alalahanin ito. 10,000 piraso lamang ang ginawa.

Alam mo ba... Na noon may sariling pera ang Culion Leper Colony ng Pilipinas? Pero ano nga ba ang Culion Leper Colony? Ito ay ang grupo ng taong may sakit na ketong. Nagmula ito sa isang grupo ng mga ketonging Hapon na pinadala ng emperador ng Japan sa mga Kastilang misyonaryo. Tinanggap naman sila nga mga misyonaryo. Sila ang nagdala ng sakit na ketong sa ating bansa at noong 1904, ginawan sila ng kolonya sa isla ng Culion. *Sanggunian: Philmoney.blogspot.com


91 mukha ng pera

ikaw na!

Ayan, nakilala mo na ang Mukha ng Pera! Ngayon, ikaw naman maghanap ng dagdag na trivia tungkol sa pera natin at dapat ibahagi mo rin ito sa iyong mga kaibigan, kapatid, bf/gf, mga magulang, katabi mo sa jeep o kung sino man. Okay?

pledge pin! Gamitin ang “mukha ako ng pera� pin bilang iyong pangako na: 1. Irespeto ang pera natin, 2. Ipasa ang mga bagong kaalaman sa iba, at 3. Maging bayani sa iyong sariling paraan! Malay mo, balang araw, mukha mo’y nasa pera na rin!


sanggunian Abella, J. & Dedace, S. (2010, March 14). Arnel Pineda’s Version of RP Anthem Criticized. Retrieved from http://gmanews.tv Antondy. (2007, September 16). Christian Bautista Sings the National Anthem Like a Pirated CD. Retrieved from http://www.videos.es Aquino, C. (1993). Ninoy. Hong Kong: Benigno S. Aquino Jr. Foundation, Inc. Aquino, Ramón C. (1985). Chief Justice José Abad Santos 1886-1942: A Biography. Quezon City: Phoenix Publishing House. Armed Forces of the Philippines. Medal of Valor. Retrieved from www.afp.mil.ph/otaghomesite/ mov.html Bangko Sentral ng Pilipinas Museum, BSP (2010). Discover the World of Money. Manila: Bangko Sentral ng Pilipinas. Bangko Sentral ng Pilipinas, BSP (2010). Overview of Functions and Operations. Retrieved from http://www.bsp.gov.ph/about/functions.asp Bangko Sentral ng Pilipinas, BSP (2010). The New Generation Philippine Banknotes. Retrieved from http://www.bsp.gov.ph/publications/media.asp?id=2471 Philippine Banknotes and Coins (2010). Error in Scientific Names on New Generation Banknotes. Retrieved from http://philmoney.blogspot.com/2010/12/problem-with-scientificnames-in-new.html Bangko Sentral ng Pilipinas, BSP (2010). Coin Design and Production. Retrieved from http:// www.bsp.gov.ph/bspnotes/banknotes_coin.asp Bowker, J. (1997). Rizalistas. Retrieved from http://www.encyclopedia.com/doc/1O101-Rizalistas.html Children’s Communication Network. (1986). Ang Tao sa Malakanyang: Mga Pangulo ng Pilipinas. Mga Alamat ng Pilipino. Manila: National Bookstore.


sanggunian Cortes, R.M. et. Al. (1999). Philippine Presidents 100 Years. Quezon City: New Day Publishers. Crisostomomo, I. (2002). The Power and the Glory—Gloria Macapagal-Arroyo and her Presidency. Quezon City: J. Kriz Pub. Enterprises De los Santos, E. (2000). The Revolutionists. Ermita Manila: The National Historical Institute. Diaz, C. (2009). The Other Philippine History Textbook: The American Period to the Present. Pasig City: Anvil Publishing. Fernandez, J.B. (1980). Jose Rizal: Filipino Doctor and Patriot. Metro Manila: M.L. Morato. Fideles, N.K. (2009). Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Retrieved from http://www.scribd.com/ doc/17222947/Kasaysayan-Ng-Wikang-Pambansa Garcia, L. (1991). Mga Pangulo ng Pilipinas. Metro Manila: Anvil Publishing, Inc. Mabuhay! Philippine Pavillion. (2000). Philippine Centennial Celebration. Retrieved from http://park.org/Philippines/centennial/centennial.html Madarang, P. & Calibuso Z. (2001). Mga Bayani at Pangulo ng Bansang Pilipinas. Quezon City: ZPC Printer and Publisher. Malaya, E. & Malaya, J. (2004). Regaining Liberties in the Full Light of Day. ‌So Help Us God (The Presidents of the Philippines and their Inaugural Addresses). Metro Manila: Anvil Publishing, Inc. Mighty. (2010, March 8). Corazon Aquino Biography: Political Leadership for the Filipino People. Retrieved from http://www.transformationalleadershiphq.com/corazon-aquinobiography/ Muskal, M. (2010, September 26). U.S. Apologizes for Upside-Down Display of Philippine Flag. Retrieved from http://articles.latimes.come/2010/sep/26/news/sns-philippine-flag National Historical Institute, NHI. (2008). Mga Pilipino sa Kasaysayan. National Historical Institute.


sanggunian Ocampo, A. (2009). 101 Stories on the Philippine Revolution. Metro Manila: Anvil Publishing Inc. Ocampo, A. (1995). Cholera: Mabini’s Ghost. Mabini’s Ghost. Pasig City: Anvil Publishing. Ocampo, A. (2009). Revolution Made Twists on Aguinaldo’s Birthdays. 101 Stories on the Philippine Revolution. Metro Manila: Anvil Publication. Ocampo, A. (1990). Rizal Without the Overcoat. Pasig, Metro Manila: Anvil Publication. Pinoy Edition. (2009). Talambuhay ni Andres Bonifacio. Retrieved from http://www.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/andres-bonifacio/ Pinoy Henyo. (2010). What are the Things Named after Rizal? Retrieved from http://www. pinoyhenyo.com/what_are_the_things_named-20090103194922660.html Rivera, J. (1979). How Quezon Got Married. Quezon: Thoughts and Anecdotes about Him and His Fights. Quezon City: Kayumanggi Press Inc. Rodis, R. (2010, July 1). The Rizal Bill. Retrieved from http://globalnation.inquirer.net/columns/ columns/view/20100107-246031/The-Rizal-bill Romulo, B.D. (1998). The Philippine Presidents Memoirs of Carlos P. Romulo with Beth Day Romulo. Quezon City: New Day Publishers. Tubbataha Management Office. (2009). Tubbataha Reefs Natural Park. Retrieved from http:// www.tubbatahareef.org/ Valenzuela, W. (1966). Know Them A Book of Biographies. Manila: Dotela Publications. Velasco, O.N. (2010, November 30). Sa Marmol at Tanso: Ang Pag-Ukit sa Imahen ni Andres Bonifacio. Retrieved http://www.thepoc.net Yson, D. (1998). The Poignant First Love of Pepe Rizal. Manila: Dannyson and Associates. Zaide, G. & Zaide, S. (1988). Rizal and Other Great Filipinos. Metro Manila: National Book Store.


mga tala


Mukha ng Pera: Isang Mukha ng Kasaysayan