Page 1

Ang Katutubong Wika sa Mata ng mga Dayuhan Ni E.S. GODIN

TAYONG mga Pilipino o ang bansang Pilipinas, ayon sa tagasaliksik, ay mayroong mahigit isang daan at pitongpung (170) kanya-kanyang mga wika— mga wika na siyang matibay na batayan na tayo ay binubuo rin ng iba‟t ibang pangkat-etniko o etnobanay (ethnokinship) na may kanya-kanya ring espesipikong lupang kinagisnan (homeland).

Ngunit napakalungkot isipin na sa halip na masipat ito bilang natatanging yaman ng bayan, ay tila pa nagiging ugat ito ng masalimuot na hidwaan at pagkawatak-watak. Bakit nga ba, Kuya? Ano ba ang dahilan? Ayon sa sanaysay na pinamagatang “Balik sa Balangay” o “Back to the Community” na sinulat ni Macario D. Tiu para ibahagi sa taunang kumperensiya ng PEN na ginanap sa Dumaguete (Nob. 30-Dis. 1, 2001), at ayon na rin sa di iilang awtoridad, “nagkataon lang na ang mga Kastila ay natapilok rito sa ating mga isla at sa isang iglap ay napailalim na tayo sa isang kolonyal na administrasyong walang pakialam o pagpapahalaga sa maliliit at malalaki nating mga balangay (lalo’t higit sa kanya-kanyang mga kakanyahan nito, wika, kultura, atbp.) “Nang pumalit ang mga Amerikano, lalo pa nilang pinagtibay ang kolonyal na estruktura (gambalay) kungsaan tayo ngayon ay napailalim bilang isang bansa”.

Sa makatuwid, ang kolonyal na pamamahala at pananaw ang siyang matutukoy na dahilan ng lahat. Ang kolonyal na mga patakarang lagi‟t lagi nang may kaakibat na lihim na layon? “Wala na ang mga Amerikano, ngunit masasabi ba nating tuluyan na tayong nakalaya o dikolonya (decolonized)?” diin pa ni Tiu.

Kayo sa pananaw nyo, malaya na nga ba tayo sa impluwensiya ng kolonyal na pamamalakad? Sa wari ko, tama ang tinalakay nang premyadong manunulat at manunuri na si Tiu. Di nga ba‟t ang sistema o frame ng ating edukasyon ay hango pa sa idinuldol ng ninong-ninongan nating si Uncle Sam?

1


Ang estriktong English policy, di nga ba‟t may idinulot itong negatibong resulta lalong-lalo na sa ating mga katutubong wika at kultura? Labis-labis ang pagkahumaling natin sa English na ultimong kasisilang na supling ay pinag-i-English natin. Inilalayo natin ang ating mga sarili sa pagiging tayo bilang yunik na Pilipino. Dagdag pa nito, sobra-sobra ang pagbelib natin sa mga produktong imported na tila ba langit na ang makatikim ng ika nga‟y esteytsayd. Ang tanong, kinikilala ba tayo sa ating kagalingan sa pag-English? Of course, kahit paano‟y nakilala din naman tayo kungkaya‟t in demand kuno ang Pinoy sa abroad. Pero may mga Pinoy bang nagiging malalaking kapitalista sa ibang mga bansa? “Yon ang mapakla. Pagkat kung meron man, malamang kakaunti lang. Dahil ang katutuhanan, dumadayo tayo sa ibayong dagat para maging mga manggagawa pa rin kung di man alila. Dumadayo tayo para mangamuhan, di para maging mga boss dahil tila wala tayong kakayahan at karapatan na magiging mga amo. Buti pa nga itong mga Koreano, Intsek, o di kaya Hapon, kadalasa‟y di marurunong mag-English pero dumadayo sa atin para magtayo ng mga pabrika o negosyo. Itong mga Bombay nga, eh, kahit papa‟no, business pa rin ang ipinunta, bi ba?

Kung sa bagay, unti-unti na din naman tayong namumulat sa katutuhanang ito. Heto nga at kinakaharap na natin ang malaking reporma ng edukasyon— ang K to 12 kungsaan kalakip na ang tinatawag na mother-tongue based education o paggamit ng mga katutubong wika natin bilang medyum sa pagtuturo (hanggang grade III nga lang, sa ngayon). Ang tanong ko ulit, tuluyan na nga ba tayong nakahulagpos sa talikala at mga anino ng kolonyal na mga pananaw? Ano sa tingin nyo?

Naku! Parang andyan pa rin, di ba? Ramdam pa rin at tila mas umiigting na naman ang politikal na angkla nito. Sa tingin ko, simple lang naman ang magiging basehan sa pagwari nito. At ito ay masisipat sa katanungang, “kumusta na nga ba ang pagtanggap at implementasyon ng K to 12?” Kung ang tugon ay masalimuot pa rin, sa tingin ko, „yon na ang ibig sabihin nu‟n. Well, di ko sinasabing okey na okey ang K to 12, pero malamang na maganda naman ang layon nito.

Sa aspeto ng pagpapahalaga ng mga katutubong kaalaman, kultura, literatura at wika, talagang nakatataba ng puso na sa wakas ay naipaloob na ito sa basic education sa ilalim ng programang K to 12. Ngunit nakakapanlumo ring isipin na magpahanggang sa ngayon (na nasa ikatlong taon na ng implementasyon) ay napakasalimuot pa rin ng kinakaharap nito.

2


Hindi ko na nasubaybayan ang aktuwal na implementasyon ng mother-tongue based education sa mga silid aralan. Marahil ang mga guro na ang makakapagsabi kung ano na ang mga nagyayari sa ngayon. Pero hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang iilang kaganapan hinggil sa pagbuo o paggawa ng mga textbook para sa mother tongue— o ang BinisayaSinugboanon— na siyang medyum para sa Rehiyon Siyete at iba pang mga rehiyon na gumagamit din ng nabanggit na lengguwahe.

Sa maikling salita, kasama nga kami ng isa ko pang katuwang sa editoryal ng magasing Bisaya sa mapalad na naimbitahan upang tumulong bilang mga language consultant sa ginagawang mga textbook para sa Grade III. Bale 10-days close-door conference „yun na ginanap sa Tagaytay City. Medyo nakompromiso pa nga ako noon dahil may nauna na akong natanguang pagtitipon din sa Subic. Mabigat yun kasi taunang komperensiya yun ng mga manunulat sa bansa. Ayan si Ma‟am Hope, isa yan sa mga nag-coordinate at hanggang ngayon ay masama yata ang loob sa akin, biro lang po. Sa totoo lang, ito po kasi ang nangyari nu‟n: Tinawagan kami ng DepEd wala nang isang linggo bago gaganapin ang pagri-review. Biglaan talaga. Pero naisip ko lang na dahil mga textbook „to, napakahalaga ng maiiambag namin sa gawain. Ilang henerasyon ng kabataan ang gagamit nito, at seguro naman, dahil kami ang nairekomendang tumulong, ibig sabihin may tiwala din sila sa kaunti naming kakayahan bilang mga editor ng kaalamang Sugboanon. Ito na ngayon ang siste.

Nang matingnan ko ang mga materyal, tinanong ko ang team kung anu ang mga batayang estandard sa pagsusuri partikular na sa otrograpiya at gramatika. Ang sabi nila, mayroon nga daw pambansang ortograpiya na pagbabatayan. Dito ko na ililahad ang nakikita kong problema dahil sa totoo lang, hindi kami handa sa ganun. Una, hindi ko maintindihan kung bakit isinasali ang sinasabing pambansang ortorapiya sa usapin ng mga katutubong wika. Pangalawa, paano kami makapagtatrabaho gayong wala naman kaming kasanayan sa nasabing pambansang ortograpiya. Ang tanging alam at baon namin ay ang nakagisnan naming orto na binuo ng Akademiya sa Dilang Bisaya noon pang early 60’s.

(Show slide)

3


(Sa mga di pa nakakaalam, meron na pong ortograpiya sa Binisayang Sinugboanon na ginawa nga noong early 60’s sa pamumuno nina dating Presidente Carlos P. Garcia (nakaupo, gitna) at dating Bise Presidente Emmanuel Pelaez bilang mga patron; kasama ang batikang mga editor na sina Francisco Candia (ng Bisaya magazine), Diosdado C. Mantalaba, Laurean Unabia (ng Silaw magazine) atbp. At ang academic council ay binubuo nina Atty. Tomas V. Hermosisima (ng Bisaya), Atty. Napoleon Dejoras, Atty. Filomeno C. Kintanar, Atty. Fausto Dugenio, Flaviano P. Boquecosa at Dr. Jesus E. Perpiùan.)

Dahil ibang orto nga daw ang gagamitin, sabi ko sa grupo, eh di, uuwi na lang kami. Sabi naman ng pinuno ng team, subukan na lang daw muna. Kungbaga, titingnan na lang kung anu ang aming maiambag. Samakatuwid, sa pag-usad ng trabaho, unti-unti naming nailahad sa kanila ang mga batayang estandard na ginagamit namin o alam namin.

Sa totoo lang, napakaliit lang ang pagkakaiba ng ortograpiyang Filipino sa ortograpiyang gamit namin. Sa isang sipat ay halos magkakaparehas lang ito. Alam nâ€&#x;yo ba ang kaibahan? Ang medyo malaki-laking pagkakaiba, sa tingin ko, ay ito:

(Show slide) Gamit ng U at O

4


FIL

: “U” ang gagamitin sa mga una at loob na pantig, salitang ugat man o

nalalapian.

Hal.

KAtapusAN mula sa “tapos” KAtalinuHAN mula sa “talino”

(nagbabago ang baybay ng salitang ugat)

BIS

: “U” ang gagamitin sa mga una at loob na pantig, sa mga salitang ugat

lamang.

Hal.

KAtaposAN mula sa “tapos” KAutokAN mula sa “utok”

maging sa himoON mula sa “himo” na nahulapian ng ON (nananatili ang baybay sa salitang ugat, at ito‟y nakakatulong sa pagtukoy sa etimolohiya ng salita)

Talagang napakaliit lang ang pagitan at kung wala ito ay baka tuwiran nang masasabing magkakambal ang dalawang wikang ito. Ngunit gahibla mang kaibahan, masasabi ko pa ring napakahalaga nito sa kakanyahan (identity) ng wikang Binisayang Sinugboanon. Ayaw kong gamitin muna ang salitang Cebuano sapagkat napakasalimuot din ang hatid nito sa usaping pangwika. Ito nga‟ng “Sebwano” ay napakahirap ding maarok. Ang sabi ng iba, para daw hindi Cebu ang tinutukoy at mapagkamalan na mga katutubo at wika ng mga taga Lake Sebu. Kung papatulan, may punto ang komentong ito dahil kung ang Cebuano ay derivative ng Cebu, bakit ginawang “S”? Di ba‟t sa binagong ortograpiya, idinagdag na ang mga titik na C, F, J, Q, at V para magamit sa mga salitang hiram lalo na sa mga pangalang pantangi?

At batid nyo ba, maging ang salitang Cebuano ay halaw sa kolonyal na pananaw? Bakit kamo? Eh, kitang-kita naman sa anyo pa lang, di ba? Ang Cebuano ay aakma lamang sa 5


pakahulogan nito kung ang gagamiting lente ay ang pananaw na dayuhan. Gaya ng lagi ko nang binabanggit, Cebuano can be booth understood as people and language. Pero sa konteksto ng wika ng mga Cebuano, ito ay tumutukoy sa mga tao o mga mamamayan lamang, hindi sa wika. Tayong mga Cebuano, sa pagtukoy ng wika o pananalita natin, ginagamitan natin ng gitlaping IN—tINnagalog, sINnugboanon, bINisaya.

Moingon ta: “Magbinisaya ra god ta. Aw, kamao man ta moiningles ba, kamao pa man gani ta mohinapon, moininsek. Pero da, magbinisaya ra ta, uy!” Dili ta moingon, “mag-ingles ta, o maghapon ta, o mag-insek ta”. Laging ginigitlapian natin ng IN— Iningles, Hinapon, Ininsek. Kung sa bagay, may marami-rami na ring moingon og, “magbisaya ra ta, uy!” Oo, tama. Ganyan na ang gamit o pananalita ng ilan. Ang di nila alam, na sa pananalitang „yan ay „pananaw na dayuhan‟ o „sensibilidad na dayuhan‟ ang gamit nila. At di biro ito. Mantakin nyo „yan, sa ganyan kasimpleng pagbabago, akalain nyo bang di ka na pala nagsasalita ng katutubo mong wika? Halos wala tayong kamalay-malay na nangingibabaw na sa ating kamalayan ang impluwensiya ng ibang wika o ang wikang di katutubong atin.

Ngayon, ang tanong: masama ba ang ganitong kaganapan? Masama bang magkakaroon ng hybrid na wika o pananalita? Ang sagot ko dyan, “Aba, talagang masama kung… di natin alam.” Ang ibig kong sabihin, hindi masama ang paghihiraman, pero dapat alam natin o nasa buong kamalayan natin na iyan ay hiram. Dahil kung hindi, eh, malamang na wala tayong kamalay-malay na puro na pala tayo hiram at mamumulat na lang tayo isang araw na wala na diay tay matatawag na sariling atin. Siguro ang iba sa atin nag-iisip na: mangyayari ba „yan? Napakaimposible naman yata! Naku! Sinasabi ko sa inyo, walang halong madyik „to. Gusto nyo ba ng ilan pang sampol?

Narito:

(Show slide) 6


Ngayon, seguro maitatanong natin, “Bakit nga ba nagkaganito?” Ano ba ang dahilan? Ang sagot ay napaka-obvious. Dahil sa loob ng mahabang panahon, di natin pinag-aralan ang nakagisnan nating sariling wika. Ni hindi natin inalam kung anu ang kahalagahan nito bilang tayo. Eh, ang iba nga d‟yan, pinaggagastosan mai-preserba lang ang nagkakaubosan nang mga ibon at mga insekto, ang wika pa kaya natin? Ang wika na siyang kailhanan (identity) natin ng pagiging tayo, bilang mga Bisaya. Di ba? Tika, mabalik nga muna tayo sa kuwento ko kanina. Ano na nga ba „yon? Okey, balikan natin yu‟ng istorya tungkol sa textbook. Sa awa ng Diyos, natapos din naman namin „yun. At malamang na ginagamit na ng mga bata dahil nakatakda itong gagamitin na nga sa pasukan ng taong „yon.

Samantala, noong mga panahon ng kasagsagan ng paghahanda para sa implementasyon ng mother tongue, ilang mga akademisyan at mga lider dito sa Cebu ang nagtitipon upang makatulong. Ang una‟y sa ilalim pa ng Akademyang Bisaya Inc. na pinamumunoan nina Atty. Adelino Sitoy, Atty. Jesus Garcia, Atty. Cesar P. Kilaton, ubp. at di nagtagal nabuo ang Komisyon Probinsiyal sa Sinugboanong Pinulongan (KPSP) sa ilalim ng Provincial Government of Cebu. Natuwa naman kami dahil ang ortograpiyang gamit namin ang napupusoan nilang iendorso sa DepEd-7. At noon nga‟ng ika-20 ng Hunyo, 2014 ay pormal na iprenisenta ng KPSP ang nabanggit na orto sa isang pagpupulong na dinaluhan ng mga division supervisor ng DepEd Region 7. Ako mismo ay napakiusapan ng mga opisyal ng KPSP na dumalo para makatulong sakaling bayuhin ng mga tanong ang presentasyon. Sinuwerte yata, wala ni isang kumwestiyon, kung kaya wala akong naging trabaho doon. Hayahay ang buhay!

Gayon pa man, hindi pa rin malinaw ang lahat. Lumalabas na tila nalilito lalo ang mga titser kung anu ang dapat sundin. Imbes na magkaagapay, lumilitaw na mas nakagambala pa sa implementasyon ng MTB-MLE ang sitwasyon.

Kamakailan lang, may isinusulong na namang pambansang gramatika daw. Medyo malayo pa sa katotohanan pero maliwanag na ang layon. Balak yata nitong pagbigkis-bigkisin ang lahat ng mga wika sa bansa. Kumbaga ang mahigit 170 na mga wika ay tatahiin sa iisa. Sa 7


pandinig, parang bago ito at ambisyoso. Pero sa totoo lang, matagal na itong nangyayari sa aktuwal na kaganapan. Ito‟y naganap na at ngayo‟y tinatangkang tuluyang bigyan ng daan. Ili-legalize, kumbaga.

Bale ganito yata ang kalalabasan nyan. Sipatin nyo: Sa diksiyonaryo, ang salitang pukaw, ay may pakahulogang “Paggising sa natutulog.” Tama, di ba? Pukaw— paggising sa natutulog. Kaya siguro nu‟ng minsan, narinig ko sa radyo, maagang-maaga, umaatungal na yung DJ: “Pukaw na mo! Pukaw na mo!” Kung pakinggang maigi, halatang nagbinisaya yung DJ. Pero parang iba din, dahil sa totoo lang, hindi naman ganun ang totoo o tamang paggamit ng salitang “pukaw” para sa ating mga Bisaya.

Pero isang araw, narinig ko, nakaganti rin ang mga Bisaya. Ewan, pero mukhang bagong salta sa Maynila ang mama. Sabi pa nang mama sa isang tindera: “Ale, pabili ng gitnang kaha ng sigarilyo at isang maginaw na softdrink.”

Sa bagay, ganun lang naman talaga. Sa una mali-mali, pero nagiging tama din naman kalaonan.

Sa kabilang dako, di rin natin masisisi ang KWF dahil sumusunod lang din naman sila ayon sa mandato ng batas.

Ang maidadagdag ko lang, bilang pagtatapos, panahon na siguro na pukawin natin ang ating mga kamalayan na medyo matagal nang humimbing sa pananaw na kolonyal. Gisingin natin at gamitin ang ating mga mata— yung mga mata na nakakakita kung ano man ang meron tayo bilang mga Pilipinong may pagkakaiba at kanya-kanyang mga wika, kultura at paniniwala. Dahil sa ganitong paraan lang siguro natin makakamit ang respeto ng isa‟t isa.—

DAGHANG SALAMAT!

8

Edgar godin ang katutubong wika sa mata ng mga dayuhan  
Edgar godin ang katutubong wika sa mata ng mga dayuhan  
Advertisement