Page 1

Noyskele Ano ang Noyskele? Ano ang mabuti at masamang naidudulot nito? Isang salita ngunit malaking ginagampanang papel sa buhay ng tao. Maaring makakasira ng isang relasyon: relasyon sa pamilya, sa kaibigan o barkada. Na kahit makasagasa o makasakit ng iba ay gagawin ang lahat magtagumpay lamang. Maraming naghahangad na makamit ang tagumpay ng noyskele. Ngunit iilan lamang ang biniyayaan ng pagkakataun na magtagumpay. Ang Noyskele ay isang pagpipili o halalan na mayroong mga kandidado sa iba’t ibang posisyon. May dalawang uri ang Noyskele sa ating bansa: Lokal at Nasyonal. Pagsinasabing lokal, ito ay nagaganap lamang sa mga Barangay. Kinakailangan ang mga nasa lipunan ng isang barangay ay pipili kung sino sa mga kandidato ang kanilang iboboto na siyang mamumuno. Na kinasasangkutan ng Punong Barangay, 7 kagawad, Punong Sangguniang Kabataan at 7 Sk kagawad. Pagsinasabing Nasyonal, naman isang Noyskele na pagpipili na kinasasangkutan ng Sangguniang bayan, konsehal, 6 Senador at Pangulo ng bansa. Ang noyskele ay mayroong magandang naidudulot binibigyan ang mga bawat mamamayan na pumili ng kanilang napiling kandidato upang mamuno sa naturang lugar. Kung may magandang naidudulot mayroon naman itong masamang naidudulot, isa na nito ay ang pagiging sakim sa kapangyarihan sa iilang kandidato na kahit makaapak ng karapatan ng iba ay gagawin alang-alang lang sa kapangyarihan. At maraming relasyon na nawasak dahil sa noyskele, lalo nasa Pamilya, kahit kadugo handang ilaglag para lang manalo. Noong May 14, 2018 matagumpay na naidaus ang Lokal noyskele na nagaganap sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Na kinasasangkutan ng bawat mamamayang Pilipino. May nasiyahan sapagkat nanalo mayroon namang nagluluksa sa pagkat natalo. Ang noyskele ay parang isang laro na may nananalo at may natatalo. Kaya kung natalo man, dapat buong puso itong tatanggapin. Bilang isang mamamayan may karapatang pumili, huwag masilaw sa salapi, huwag magpadikta. Pipili ng kandidato na may paninindigan, may malasakit, buong pusong handang tumulong at higit sa lahat may malaking paniniwala sa Poong Maykapal.

NOYSKELE  

Tungkol sa pagpipili o halalan.

NOYSKELE  

Tungkol sa pagpipili o halalan.

Advertisement