Page 1

Kabataan “Kabataan ang pag-asa ng bayan” Dr. Jose P. Rizal Siyam na buwan dalang-dala ng ina sa sapupunan. Maraming sakripisyo ang ibinigay, hindi makakakain ng maayos, hindi makatulog, palaging puyat alang- alang sayo kabataan. Dugo’t pawis inalay alang-alang lang na mabuhay at mabigyan ng magandang kinabukasan. Ngunit kalaunan kabataan, anong ginawa? Pinag-aral sa magagarang paaralan, ibinigay lahat nangluho kahit katiting wala ng matira alang-alang sayo kabataan. Nalulong sa bisyo. Barkada dito, barkada doon. Bisyo dito, bisyo doon. Waldas dito, waldas doon. Kaya naman ng ikaw ay nalugmok sa rehas na bakal. Pagsisisi mo’y hanggang langit. Mata mo’y hindi makatingin sa inang lumuluha at nagmamakaawa. Yan ba ng pag-asa ng bayan? Hindi man lang inisip ang mga sakripisyo ng mga magulang. Kung hindi dahil sa kanila wala ka sa mundong ginagalawan. Kaya kabataan, hindi pa huli ang lahat, mahalin, igalang at alagaan ang mga magulang. Hindi pa huli ang lahat na magbago. Hanggat may umaga may pag-asa. Laging tatandaan Tanging magulang lamang ang hindi nag-iiwanan kahit halos lahat ng tao sa mundo ay tatalikod sayo. Laging isasaalang- alang marami kamang masasalimuha na kaibigan o barkada sa mundo, maari ka nilang iwanan sa bandang huli makakahanap ka din ng iba. Hindi katulad ng magulang nag-iisa lamang, na kung ito’y mawawala walang makakapalit sa mga sakripisyong ibinigay alang-alang sayo


kabataan. Saka na ba magsisisi kung huli na ang lahat. Kahit gaano pa kalakas ng iyong hagolhol hinding-hindi na maririnig. Kabataan ang pag-asa ng bayan.

Kabataan  

Tungkol sa kabataan

Kabataan  

Tungkol sa kabataan

Advertisement