Page 1

konting pahinga.. konting patawa, sa aking pag-iisa. noong (medyo :-)) bata pa ako, pinangarap ko na ang mapunta sa ibang bayan.. sabi ko noon, makasakay lang ako ng eroplano, kahit saan papunta basta lalabas ng Pilipinas, okey na. pinilit kong makatapos ng kolehiyo sa sariling pagsisikap.. nagtrabaho habang nag-aaral, pinalad akong makapasok sa jollibee, at naging regular sa loob ng 3 taon. kumuha ako ng kursong "political science" sa PUP.. medyo mahirap, pero sa tulong ng mabubuting kamag-aral at kaibigan, syempre konting tyaga at dibdibang pagsisikap, nakatapos din naman. hindi ko nagamit ang aking pinag-aralan.. sa dahilang mas naging malapit sa aking puso ang mga kainan, kita rin naman sa hitsura kong medyo may katabaan (hehehe). taong 2003 nang una akong makarating dito sa kuwait.. ito ay sa tulong ng aking ate, nag-aplay, marami namang tumanggap, pero fuddruckers (kainan na naman) ang aking nahanap. umuwi.. naghintay ng bisa, pero 2004 na ng nakabalik at nag-umpisa. haaayyy ngayong ako'y nandito na.. hmmmm marami palang hindi alam noong ako ay (medyo :-)) bata pa, ang hirap pala! maraming bawal sa bansang ngayo'y kinalalagyan ng mukha kong maganda.. bawal ang alak, ang party, at marami pang iba na tiyak kong alam nyo na, di ko na lang sasabihin baka ako ay mabagansya hehehehe. marami kang makikita na talaga namang minsan ay nakakatawa.. pero marami ka ring makikita na hindi kaaya-aya, ganon pa man, ingat ka sa pag-iisa, doble ang bilis ng sasakyan sa kalsada. maraming pagsubok.. sa pilipinas man o sa bansa ng mga kuwaitia,


kailangan lang ay tatag ng puso, isip at pananampalataya. tanong ko sa sarili ngayong nandito pa.. "kaya ko pa ba?", sagot naman ay iisa, "syempre basta't ito ay para sa aking pamilya!". July 18, 2010 at 10:30 pm

konting pahinga.. konting patawa, sa aking pag-iisa (marjzpalma)  

This is a test upload :-) Originally composed on July 2010 for Pinoy Boomer site.

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you