04 NEWS
Volume 29 Number 10 February 25, 2016 | Thursday
PAG-ALPAS
ISKOTISTIKS
Pagsuri sa patuloy na pagtaas ng matrikula sa mga kolehiyo
Talaan 1. Kita ng mga nangungunang unibersidad sa mga taong 2010 at 2015
ARTHUR GERALD BANTILAN QUIRANTE AND SOFIA MONIQUE KINGKING SIBULO
Kinondena ng mga lider-estudyante at ilang progresibong grupo mula sa iba’t ibang pamantasan, sa pangunguna ng Rise for Education (R4E) Alliance at National Union of Students of the Philippines (NUSP), ang hindi makatarunang pagtataas ng matrikula sa naganap na Consultative Forum on Regulation of Tuition and Other School Fees na isinagawa ng House Committee on Higher and Technical Education (CHTE) katuwang ang Kabataan Party-list noong February 3, 2016 sa House of Representatives, Batasang Pambansa Complex. Ayon sa mga nasabing grupo, ang patuloy na pagtaas ng matrikula ay bunga ng lumalalang deregulasyon sa parte ng Commission on Higher Education (CHED). Buwan ng pagmamahalan Ayon sa mga progresibong grupo, ang Pebrero ang itinuturing na buwan ng pagmamahal ng tuition dahil ito ang huling buwan ng pagsusumite ang mga paaralan at unibersidad ng kanilang mga proposal sa CHED ukol sa pagtataas ng kanilang matrikula at pagpapaabruba sa karagdagang paniningil ng Other School Fees (OSF). Kaugnay nito, binigyang-diin ng hanay ng mga estudyante na tinatayang aabot sa 400 ang mga unibersidad at kolehiyo, kasama ang ilang state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa ang magtataas ng matrikula at OSF sa darating napasukan na panahihintulutan mismo ng CHED. “Dahil sa umiigting na deregulasyon ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas, ginagawang malaking negosyo ang edukasyon sa kolehiyo sa bilyong-bilyong piso na tinutubo nito. Ipinapakita nito na ang sistemang pagkakamal ng malaking halaga mula sa mga mag-aaral at magulang ay lumalala sa ilalim ni Aquino,” ani Sarah Elago, Pambansang Pangulo ng NUSP at R4E Convenor. Kaakibat nito, inilahad din ng R4E na halos 130 student councils, mga progresibong grupo, at organisasyon na ang nagreklamo tungkol sa mga illegal at labis-labis na pangongolekta ng paaralan sa mga estudyante, ngunit nanatiling bulag at bingi ang CHED sa mga pagtututol na ito. “CHED is merely a stamp pad of school administrators that illegally impose tuition and school fees increases. We have heard it right from the CHED horses’ mouths: their admission of the illegal collection of fees and their failure to monitor and take appropriate actions regarding our complaints,” dagdag ni Elago. Bukod pa rito, inulat na naglalaro mula 5 hanggang 15 porsiyente ang nasabing pagtataas ng matrikula. Ayon kay Charisse Bañez, pambansang tagapangulo ng League of Filipino Students (LFS), na naging talamak sa ilalim ni Aquino ang pagtataas ng matrikula na mas nagpapalaki lamang ng tubo sa mga paaralan at unibersidad na nabibilang na nga sa Top 1,000 Corporations sa bansa.
School Kabilang sa mga pamantasang na nasa listahan ng mga pinakakumikitang korporasyon sa bansa ay ang Far Eastern University, University of the East, at Lyceum of the Philippines University kasama din ang patuloy pang kumukita ng malaki ang mga Katolikong institusyon na Ateneo de Manila University, De La Salle University, at University of Santo Tomas.
University of Sto. Tomas
Profit in 2010 Profit in 2015
M aling pagmamahal
De La Salle University
University of the East
Lyceum of the Philippines University
Far Eastern University
914 Million 381 Million 352 Million 272 Million 713 Million 1.3 Billion
734 Million 463 Million 657 Million 1.08 Billion
Talaan 2. Kita ng mga SUCs mula sa mga estudyante sa 2016
Dagdag rito, natuklasan ng KPL sa isang bagong pag-aaral na mula sa taong 2010 ay halos dumoble ang kita ng mga pinakamalalaking unibersidad sa Pilipinas.
Year
Tuition
Ayon sa kinatawan ng KPL na si Rep. Terry Ridon, “Aquino, and his alter ego in the Commission on Higher Education, Chairperson Licuanan, has allowed college education to become more unaffordable and inaccessible. This administration virtually did nothing to stop these increases”.
Profit in 2010 Profit in 2015
5.3 Billion
Income from Other School Fees 2.6 Billion
Total
7.9 Billion
8.1 Billion
4.7 Billion
12.8 Billion
Higit pa rito, patuloy na lumolobo ang dami ng mga drop outs sa bansa. Walo mula sa sampung estudyante sa mataas na paaralan ang hindi na nakakapagtuloy patungo sa kolehiyo. Samantala, para sa mga nakakapasok naman ng kolehiyo, 20% lamang ang nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral. “At the heart of this issue is the extant policy of education deregulation – or that of allowing private school owners to set their own rates. It’s an act of surrender on part of the national government, since it lets private groups and individuals set how much education should really cost,” dagdag ni Rep. Ridon. Ang NUSP, kasama ang iba pang mga progresibong mga samahan, ay naki-isa para manawagan sa kabataan na tutulan ang darating na pagtaas ng tuition. Sa darating na Pebrero 24 at Marso 11, magkakaroon ng pambansang walkout ang mga eskwelahan upang ipa-basura ang pagmahal ng matrikula at mga iba pang bayarin. “Hindi matatakot ang kabataang Pilipino para ipanawagan at igiit ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa edukasyon.Liliban tayo sa klase at lalabas ng lansangan upang sama-samang ipaglaban ang ating karapatan sa dekalidad at abot-kayang edukasyon,” iginiit ni Jose Mari Callueng, ang pambansang pangalawang pangkalahatang kalihim ng CEGP. Nagkaroon rin ng mga protesta noong Pebrero 11 at 12 sa iba’t ibang unibersidad sa bansa na pinamagatang #AyokoMagmahal bilang paghahanda para sa nalalapit na pambansang walk-out. Sa patuloy na pagiging komersyalisado ng edukasyon, lalong nalulugmok sa kahirapan at kawalan ng kaalaman ang mga kabataan. At sa paninindigan ng CHED at ng administrasyong Aquino na magbulabulagan at magbingi-bingihan sa panawagan ng sambayana, tanging pagkilos at paglaban ang natatanging paraan upang makaalpas sa kulungang ito.
Mga kababaihan, lumahok sa OBR 2016 NIÑA KEITH MUSICO FERRANCOL
Sa pangunguna ng grupong GABRIELA, isinagawa ang One Billion Rising (OBR) noong Pebrero 14 sa Bantayog ni Lapu-Lapu, Rizal Park, Maynila. Ikaapat na taon nang ginaganap ang OBR sa Pilipinas.
Dinaluhan ng daan-daang kababaihan, kalalakihan, at maging mga kabataan mula sa University of the Philippines Manila, Universidad de Manila, Polytechnic University of the Philippines, Kilusang Mayo Uno, at iba pang paaralan at grupo ang OBR na may temang One Billion Rising: Rising for Revolution 2016. Panawagan sa programa ang paglaban sa abuso laban sa kababaihan at kabataan. Ayon kay Joms Salvador, punong kalihim ng GABRIELA, ang OBR ay bahagi ng sama-samang pagtindig laban sa karahasan sa kababaihan at mga bata. “Ito ay paglaban para wakasan ang matinding kahirapan at kawalang pananagutan ang mga nasa kapangyarihan at pwesto, na may pananagutang tiyakin ang kapakanan ng kababaihan at mamamayan,” pahayag ni Salvador. Ayon naman kay Eve Ensler, ang sumulat sa librong “Vagina Monologue”, kasabay ng paglaban sa abuso ng kababaihan, tumitindig din siya para sa mga manggagawa, magsasaka, at mga katutubo. Nagpahayag rin si Ensler patungkol sa isyu ng mga Lumad. “This government should stop and militarizing, killing, harrasing and exploiting these indigenous peoples who carry the future of the people and the Earth,” ani Ensler. Naging bahagi rin ng programa ang mga tinaguriang “V-men” na sina Representative Neri Colmenares, Teddy Casino, Art Acuña, at iba pa.
Panawagan para sa pagbabago Naging
bahagi
ng
programa
ang
mga
pagtatanghal-sayaw, tula, awit at dula. Isa sa mga nagtanghal ang satirist na si Mae Paner bilang “Congresswoman Gara Pal”, isang karakter na pumapanig sa administrasyong Aquino at nambabara sa mga grupong lumalaban para sa pagbabago ng lipunan. Kasama niya sa pagtatanghal si Gabriela Women’s Party List Representative Emmi de Jesus na kumontra kay “Congresswoman Gara Pal”. Tinalakay ni de Jesus ang polisiya para sa Lupa para sa magsasaka, abot-kayang presyo ng pagkain, tubig, at pamasahe, badyet para sa basehang serbisyo, kalayaan at kasarinlan, at anti-diskriminsayon o LABKA. Ayon pa kay de Jesus, ito ang mga alternatibong polisiya at programa na dapat ipatupad ng gobyerno upang mapabuti ang kalagayan ng kababaihan sa iba’tibang sektor.
Patuloy na paglaban Ayon kay Monique Wilson, Global Director ng OBR, hindi lang pagtigil ng pang-aabuso ang hangarin ng OBR. “Kahit na ang ating panawagan ay labanan ang pang-aabuso, kelangan tawagin din natin ang ating gobyerno sa kanilang accountability sa ginagawa nilang karahasan sa ating kababaihan at kabataan.” “Ipagpapatuloy pa rin ang laban sa mga susunod na araw hanggang sa sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa Marso 8 at sa buong taon hangga’t marinig ng gobyerno ang hinaing ng mga kababaihan,” dagdag pa ni Wilson.