Page 1

Chapter 1

The Crazy Anonymous Love Matapos maibigay ang proposal kay Mr. Tan ay umuwi na si Saija. Nakita siya ng nag-iisang anak ni Mr. Tan na si Adrielle. Tinanong ni Adrielle sa aman ang pangalan niya at siya minanmanan ng ilang araw. Nang makitang nag-iisa si Saija sa mall ay agad nang nakipagkilala si Adrielle. “Hi!” Bati ni Adrielle kay Saija. “Hello!” Masiglang bati nito at may sarcastic na ngiti sa labi. “I’m. . .” Yun pa lang ang nasabi ni Adrielle nang sundan agad ni Saija ang salita niya. “Adrielle right? Wag mo akong tatanungin kung paano ko nalaman dahil alam mo ang dahilan.” Sagot nito. “Okay.” Yun na lang ang naisagot ni Adrielle. “Anyway, I’m Saija.” Sabi naman nito. “Saija? May kasama ka o hinihintay?” Tanong ulit nito. “Nakitang wala akong kasama eh, nagtatanong pa! Oo, may hinihintay ako. . . yung taxi kaya umalis ka na.” Naisip ni Saija pero hindi niya isinatinig. “Ahm. . . wala. . . nag-iikot lang.” Sagot niya. “Ah. . . ganun ba?” Pwede ba kitang samahan?” “Eh ano pa ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” “Hmm. . .” natahimik na lang si Adrielle dahil sa mataray na sagot ni Saija. Matapos ang ilang minute ng katahimikan ay biglang hinila ni Adrielle nag kamay ni Saija at mahigpit na hinawakan. “Ay, anong meron?” Tanong niya rito sabay bawi sa kamay niya. “Wala naman. Mukha kasing masarap hawakan yung kamay mo eh!” Sagot ni Adrielle.


“Ah ganun? Ano bang ginagawa mo rito?” Mataray na tanong niya. “Sinunsundan ka!” Nakangiting sagot nito. “Ah. . . stalker ka ba?” Tanong ulit niya. “Kung ganun man ang tawag dun at ganun ang pagkakaintindi mo, siguro, ganun na nga yun!” Nakakalokong sagot nito. “Makulit ka rin eh no? Eh kung tumawag na lang kaya ako ng pulis at ipahuli kang stalker ka?” Inis na sabi ni Saija. “Bakit? Tingin mo maniniwala silang stalker ako? Sa gwapo at yaman kong ‘to? Mas mukha ka pa ngang stalker kaysa sa kin eh!” Pang-asar na sagot ni Adrielle. “Bwisit ka talaga!” “Hahaha. . .! Ikaw kasi eh! Sinusungitan mo ko! Nakikipagkilala sayo ng maayos eh.” “Ano ba kasing gusto mo nang makalayas ka na agad dito!” “Ah. . . ikaw?” Tanong nito. “Anong ako?” Tanong niya ulit. “Ikaw ang gusto ko! Ayan. . . ibibigay mo ba sarili mo sa kin para makalayas na ko rito?” Pangaasar nito. “Bastos!” Sigaw niya. “Ikaw ang bastos! Hahaha. . .! Iba yang nasa isip mo! Ikaw huh! Ganyan ka pala ah. . .” Pangaasar nito. “Ah ganun? Sige maiwan na kita. Marami pa kong gagawin.” Sagot niya. Di pa siya nakalalayo nang may humintong sasakyan sa harap nila, nasa likod niya pa rin si Adrielle nang bigla siya nitong itulak papasok ng sasakyan. “Tara, Mr. Peter, uuwi na po kami ng asawa ko!” Sabi nito sa driver niya. “Pwede ba, Mr. Adrielle Tan, wala akong panahong makipaglaro sayo. Marami pa kong gagawin.” Sabi niya.


“Tulad ng ano? Pagpapakain sa mga anak natin?” Pang-aasar nito. “Bwisit ka talaga! Bwisit! Bwisit! Bwisit!” Nanggagalaiting sabi niya. “Tayo na po Mr. Peter! Kanina pa po hinihintay nila daddy at ng mga anak naming ‘tong asawa kong si Saija eh!” nakangising sabi ni Adrielle. “Gago ka talaga ‘no? Pababain mo nga ako ritong walang hiya ka!!” sabi ni Saija ng mapansing pinatatakbo na ni Mr. Peter ang sasakyan. “Oh! Ano ka ba mahal ko? Masyado namang mainitin ang ulo mo eh! Sige ka papangit ka nyan!” pang-aasar pa ni Adrielle. “Hmf! Ewan ko sayo! Sinasabi ko sa’yo Mr. Adrielle Tan, makakarating ‘tong mga ginagawa mo sa ‘kin ngayon sa daddy mo.” “Eh di sabihin mo. Hahahah…” “Ibaba mo ko dito! Ibaba mo ko ditto! Ibaba mo ko!”sigaw ni Saija. “Tsk! Ang ingay mo naman! Mr. Peter, pakihinto nga po ang kotse.” Matapos ihinto ang kotse ay itinulak pababa ni Adrielle si Saija. “Ah…” “Oh! Ayan ah! Pinababa na kita!” “Bastos ka talaga!” “Oo na! Bastos na kung bastos! Sige bye!” pang – aasar ni Adrielle “Hoy! Hindi mo ko pwedeng iwan dito! Hoy! Hoy!”sigaw ni Saija “ Pero parang walang narinig si Adrielle at pinatakbo na ang sasakyan. Naiwan sa kalye si Saija at napilitang maglakad dahil sa walng dumadaang taxi sa lugar. Gabing – gabi na at wala pa ring taxi. “Bwisit talagang lalake yun!” maiyak – iyak na sabi niya. “Tama bang iwan ako sa gitna ng kalsada?” dugtong nya.


Maya – maya pa ay may nakasalubong siyang isang lalakeng lasing.. “Hi Miss! Pwedeng makipagkilala?” tanong nito. “Po? HINDI PO! Sigaw nya sabay takbo. Sa pagtakbo nya, di nya namalayang nakatawid sya sa hindi taman tawiran na sya naman pagdating ng MMDA “Hoy! Miss! ‘di mo ba nakikitang walang tawiran dito? Sita ng MMDA sa kanya “Naku! Pasensya na po! May humahabol po kasi sa ‘kin eh” paliwanag nya. “Nagpapaliwanag ka pa! Tingin mo, maniniwala ako?” tanong ulit ng MMDA. “Totoo po ang sinasabi ko” sagot nya. “Sa station ka na magpaliwanag.” Sabi ng MMDA Sa station: “Ang malas naman oh! Nakakilala na nga nag peste, nahabol pa ng lasing at nahuli pa ng MMDA!” bulyaw nya sa sarili. “Sir, pwede nap o ba akong umuwi?” tanong nya. “Hindi!” sagot ng MMDA. “Bakit naman po? Nagbayad na ‘ko sa inyo ah” sagot nya. “Magpasundo ka! Gabi na, kaya di kita papayagang umuwi mag – isa.”

“Ganun po ba? Matanda na naman po ako eh! Kaya ko na ang sarili ko!” sagot nya. “Sinabing hindi eh! Wag ka ngang makulit!” sigaw ng MMDA. “Ah! Okay!” sagot nya sabay dukot ng cellphone sa bag. Nagdial sya ng numero at: linya.

“Sagutin mo, sagutin mo, Please Takumi!” bulong nya habang hinihintay na sagutin ang kabilang Pagkalipas ng ilang Segundo.


“Hello! Saija, napatawag ka! Gabing gabi na ah.” Sagot ng nasa kabilang linya. “Takumi! Buti sinagot mo! Akala ko, tulog ka na eh!” sabi nya. “Ah ganun ba? Wala ka bang ibang sasabihin? Ibababa ko na ah! Natutulog na ‘ko eh!” sagot ni Takumi. “Oi! Teka! Sunduin mo naman ako oh!” biglang sabi nya. “Huh? Saan? Nasaan ka ba?” biglang pagbangon nito dahil sa pagkagulat. “Dito, sa station ng MMDA sa may Cubao” sagot nya. “Bakit napunta ka dyan? Ano na naman ang ginawa mo?” sermon nito. “Mamaya ka na magsermon. Sunduin mo muna ako dito. Please naman Takumi.” Pagmamakaawa nya. “Oh sige! Maghintay ka lan dyan” sagot nito habang nagbibihis. Pagdating ntio sa station. “Ano ba kasing pinag-gagawa mo” galit na tanong ni Takumi. “Wala….” Sagot nya na halos tutulo na ang luha. Napansin naman ni Takumi ang mga nangingilid na luha nya at niyakap sya nito. “Wag ka na nga magkwento. Magkwento ka na lang pag okay ka na. Tara na! umuwi na tayo.” Sabi ni Takumi. Inihatid sya nito sa bahay nila. “Mag – iingat ka sa susunod ah.”sabi ni Takumi sabay sara ng bintana ng sasakyan.


Chapter 2

The Biggest Joke in Saija’s Life

Kinabukasan, sobrang lalim ng mga mata ni Saija dahil sa puyat at pagod sa nangyari kagabi. Halos wala siya sa sarili. “Saija, dalhin mo nga ang mga papeles na ‘to kay Mr. Mendoza” Utos ni Mr. Racelis sa kanya. “Opo.” Sagot nya. Habang naglalakad sya sa pasilyo ay may namataan siyang isang lalakeng hindi nya malilimutan sa buong buong buhay nya. Agad nyang tinakpan ng dala nyang folder ang mukha nya ngunit huli na ang lahat. Nakatitig na ito sa kanya. “Naku! Ang peste! Nakangisi pa ang demonyo! Parang walang nangyari oh!” naisip ni Saija “Hi! Miss Mercado.” Bati nito na tila ba nang – aasar. “Hello!” inis na ganti nya rito. “Oh bakit ang lalim ng mga mata mo?” tanong nito.


“Aba! Nagtanong pa?! Nasapak kasi ako ng boyfriend ko eh.” Sarkastikong sagot nya. “Oh? Nasan na yung boyfriend mo nang maibawi kita.” Sagot nito “Wala na eh. Pwede bang sarili mo na lang ang suntukin mo?” inis na sagot nya. “Naku! Hindi pwede! Masisira ang gwapo kong mukha.” Sagot nito. “Ah ganun? Sige! Aalis na ‘ko ah!” sagot nya. “Teka!” habol nito. “ANO BA? BAKIT KA BA NANDITO?” sigaw nya. “Eto, inaayos ko ang kontrata ng company namin dito sa company nyo.” Sagot nito. “Ah.. ganun ba? Eh di ayusin mo na lang yan nang makaalis ka na di ba? “Ayoko nga! Saka makakapaghintay pa naman ‘to eh!” “Okay. Bahala ka! Sige, Mr. Adrielle, alis na po ako!” “Sandali lang! magkape naman muna tayo!” “Pasensya napo pero sapat nap o ‘ata yung kamalasang dinanas ko kahapon dahil sa inyo!” at mabilis na ngang umalis si Saija patungo sa opisina ni Mr. Mendoza. 11:30 na nang bigla siyang ipinatawag ni Mr. Racelis sa opisina nito. Doon ay nakita nya si Adrielle, maayos na nakaupo at pormal na pormal, parang hindi ito yung lalakeng nakausap nya kanina. “Oh.. Ms. Saija, nandyan kan na pala! Please come in!” “Yes Sir!” “Sit down Ms. Saija. I would like you to meet Mr. Adrielle Tan, ang vice president ng Tan Group of Companies. “Nice meeting you Mr. Adrielle Tan!” “Nice to meet you too, Ms. Saija Jae Mercado!” sabay ngiti sa kanya ng napakatamis, parang nang – aasar na naman. “Hmmn…”


“Ahm.. Ms. Saija, gusto kong makilala mo si Mr. Adrielle dahil sa tinanggap na nila ang proposal natin sa kanila. Ngayon, dahil sa napakalaking project nito, gusto kong ikaw ang humawak nito.” “Ako po?” “Oo, Ms. Saija!” “Sigurado po ba kayo diyan? Naku! Salamat po!” “Wala yun. At isa pa nga pala, makakasama mo si Mr. Adrielle sa project na yan dahil sya ang may hawak nyan.” “What?!” “Why Ms. Saija? Is there a problem?” “Ahm… none sir…” “Okay! Please accompany Mr. Tan on his way..” “Ahm.. Yes sir!” Habang palabas ng opisina ni Mr. Racelis ay hindi nya malaman kung anong dapat maramdama. Kung matutuwa ba siya dahil sya ang may hawak sa isang malaking project o maaasar dahil kasam niya si Adrielle. “Saija! Wait!” tawag ni Adrielle habang hinahabol siya. “Saija!” sigaw ulit nito “Saija ano ba?” “Sandali lang sabi eh!” sabi nito sabay hawak sa kamay niya upang mapigilan syang tumakbo. “Bakit ba kasi?!” inis na sabi nya. “Saka pwede ba bitiwan mo ang kamay ko!” galit na sabi nya. “Lunch break mo na di ba? Tara! Kain tayo!” yaya nito. “Ayoko!” mabilis na sagot nya. “Bakit naman? Tara na! libre na kita.” “Pwede ba, may pera ako!”


“Eh hindi ko naman sinabing wala eh” “Bwisit ka talaga eh no?” “Tara na! sabi ni Mr. Racelis ikaw yung makakasama ko sa project, so ibig sabihin dapat magbonding tayo para magkakilala tayo.” “Kilalanin mo mukha mo!” “Okay.. Sige na.. Sorry na dun sa ginawa ko kagabi!” “Hmm..” “Hindi na mauulit.. Please?” “Sinong niloko mo? Gago!” Tama namang pagdating ni Takumi. “Saija!” “Takumi, nandyan ka na pala!” “Sino yan?” “Ahm.. Wala! Tara! Alis na tayo.” “Sige! Sabit ka na!” sagot ni Takumi. “Weh! Talagang sabit Takumi?” pabirong sabi nya rito sabay upo sa likuran ng motor nito. “Ganun talaga.. Saan tayo kakain?” tanong nito. “Kahit saan” Nakangiting sagot nya sabay sulyap kay Adrielle. “Okay! Sige! Ingat na lang..” sabi ni Adrielle na halatang dismayado sa nang yari. Habang kumakain ang dalawa ay biglang nagsalita si Takumi. “Hmm.. Saija, sino yung lalakeng kasama mo kanina?” “Ah.. yun ba? Wala yun! Kliyente lang namin.” “Ganun? Eh bakit parang nalukot bigla ang mukha nung makita ako?”


“Hmmn.. inaaya nya kasi akong kumain eh, kaso ayoko.” “Ah.. Yun nga lang ba? Mukhang badtrip na badtrip ka sa kanya eh.” “Napansin mo pala.. hmm.. Sige na nga! Ikwekwento ko na sayo..” “O Sige na, simulan mo na..” “Siya si Adrielle Tan, vice president ng Tan Group of Companies at kliyente namin. Siya yung makakasama ko para sa isa naming malaking project.” “O tapos?” “Tapos, alam mo kagabi nung sinundo mo ko, kasalanan nya yun eh. “Huh? Kasalanan nya?” “Oo..” “Bakit? Ano bang ginawa nya?” “Nakikipagkilala kasi sya sa kin eh. Eh! Tinarayan ko, ayun binuwisit nya rin ako. Tapos tinulak ako papasok ng kotse nya. Tapos syempre nag – ingay ako sa sasakyan para mapilitan syang pababain ako.” “O! tapos?” “Pinababa naman nya ako, dun nga lang sa may madilim na kalye. Tapos hindi niya na ko binalikan. Muntik na tuloy akong mapagtripan ng lasing nun.” “Ano? Bakit hindi mo agad sinabi sa kin?” “Eh kasi, pagod na pagod na talaga ako nun eh..” “Tsk.. Gago yun ah!” “Ui.. Tama na yan.. Okay lang naman ako eh!” “Anong okay? Pano kung hindi ka nakatakbo ng mabilis palayo dun sa lasing na yun? Ano sa tingin mo ang nangyari sayo?” “Hmm..”


nya.

“Yun nga eh! Nakatakbo na nga ako di ba? Yun nga lang na jay – walking ako.,” natatawang sabi “Hays! Mag – ingat ka sa susunod. Wag ka na ring lalapit dun ah.” Nag aalalang sabi nito. “Opo! Takumi! Hindi na!” sagot nya. “Ay! Teka! Hindi pala pwedeng hindi ako lalapit dun.” Sabay bawing sabi nya. “Bakit?” tanong ni Takumi. “Eh kasi, kasama ko nga sya sa project na gagawin ng company namin eh.” Sagot nya.

“Ganun ba? Eh di mag –ingat ka na lang sa kanya at hangga’t maaari, lumapit ka lang sa kanya pag kailangan lang.” bilin ni Takumi “Okay” sagot nya. Yun lang at inihatid na siya nito sa kompanya.


Chapter 3 A Revengeful Day Matapos ang isang buong araw na pagtratrabaho ay uuwi na si Saija. Nagulat siya ng makita ang isang lalakeng nakaupo sa may hagdanan sa harap ng kompanya nila. “Hmm.. sino naman tong lalakeng ito?” nagtatakang tanong ni Saija sa sarili. “Ahm.. Excuse me po..” “Hmm. Saija!” “Tsk. Ikaw na naman! Bakit nandito ka pa?” inis na sabi ni Saija. “Obvious ba?! Eh di hinihintay ka!” “At bakit mo ko hinihintay aber?” “Gusto lang sana kitang makausap…” “Ayoko! Wala akong oras para sayo.. Uuwi na ko!” hinila.

Pababa na sana siya ng hagdan ng biglang hinawakan ni Adrielle ang kamay niya at bigla siyang

“Hoy! Ano ba? Bitiwan mo nga akong manyakis ka!” galit na sabi ni Saija at bigla syang binitawan ni Adrielle. “Ako? Manyakis? Hahahah..! nagpapatawa ka ba?” “Hindi! Manyakis ka na! Stalker ka pa! Bastos!” “Tsk! Para namang ang ganda mo para manyakin! Hahaha! Ambisyosa ka huh! Ano ako? Walang taste? “Ang walang hiyang to!” “hahaha..!”


“Hmf! Ewan ko sayo!” paalis n asana sya ulit nang pigilan na naman siya ni Adrielle. “Oh! Sorry na! wag ka na magalit..” “Pwede ba? Tigilan mo na nga akong baliw ka! Gabi na, kailangan ko nang umuwi!” “Okay. Sige. Pero, pwede bang samahan mo muna kaong magdinner? Hindi pa kasi ako kumakain eh!” “Ayoko! Kumain ka mag – isa mo!” “Gusto ko, kasama ka eh!” pang – aasar nito. “Ah! Ganun?! Sige na nga sasamahan na kita.”biglang sabi nya. “Talaga?” tanong nito. “Oo nga!” sagot nya. Ngunit pagdating sa parking lot: “Oh! Tara na Saija!” bati ni Takumi sa kanya. “Oh! Takumi! Nandito ka pala! Di mo man lang sinabing susunduin mo ‘ko.” Sabi niya sabay kindat sa kaibigan. “Ah! Sorry ah! Biglaan lang kasi eh!” sakay naman nito sa kalokohan nya. “Pasensya na ADRIELLE, may lakad pala kami.” Sulyap sabay ngiti sa lalake. “Pero di ba, sabi mo, sasamahan mo ‘ko?” tanong ni Adrielle. “Oo nga! Sinamahan naman kita ah! Yun nga lang.. hanggang dito lang.. pero at least, sinamahan kita di ba?” pang – aasar nya pa rito. “Ah! Ganun? Eh di sasama na lang ako sa inyo!” sagot ni Adrielle. “Ganun? Hmm. Sandali lang ah… Tatanungin ko lang si Takumi kung pwede kang sumama..” sabay harap kay Takumi at kumindat. “Ahm.. Takumi, pwede bang sumama sa atin si Adrielle?” “Hmm. Sige ba!” “Oh! Adrielle! Sabay ka na daw!”


“Sige, susundan ko kayo ng kotse..” “Wag na! Dun ka na rin sumakay!” “Talaga?” “Oo!” “Sige! Salamat ah!” Habang binabaybay ang isang kalye ay biglang pinahinto ni Saija kay Takumi ang kotse. “Oh! Bakit mo pinahinto?” “Tara! Baba na tayo!” “Bababa na? Bakit malapit na ba dito yung kakainan natin? “Oo..” Pagkababang – pagkababa ni Adrielle ay biglang sumakay sa sasakyan si Saija at inutos na paandarin na ito. “Hoy! Sandali lang! hoy!” “Bye Adrielle! Bhee!” “Tsk!” “Hahaha!” Iniwan nila Takumi at Saija si Adrielle sa kalye, gutom at walang sasakyan na dumadaan. “Gantihan pala huh? Maghintay ka Saija!” nasabi na lang ni Adrielle habang dinadial ang number ng kanyang driver na si Mr. Peter. Nang sagutin nito ang cellphone: “Hello! Mr. Peter, pakisundo naman po ako dito sa may bandang Quezon Avenue.” Sabi ni Adrielle. “Sige po young master. Hintayin mo lang ako diyan.” Sagot naman ni Mr. Peter. Nang masundo na sya ni Mr. Peter:


“Mr. Peter, wag po muna tayo umuwi, may hahanapin potayong tao.” Seryosong sabi ni Adrielle. “Po? Masusunod po.” Sagot naman ng matanda. Habang binabaybay nila nag kalyeng natandaan niyang dinaanan nila Saija at Takumi ay namataan niya ang sasakyan ni Takumi. “Ahuh! Nandito pala ang prinsesa ko.” Nakangiting sabi ni Adrielle. “Mr. Peter, ihinto mo sa tabi, mukhang nakita ko na yung hinahanap ko.” Sabi ulit ni Adrielle. Inihinto naman nito ang sasakyan. Samatala, sa loob ng isang fast food, masayang nagkukwentuhan si Saija at Takumi. “Hahahaha! Nakita mo yung mukha ng tukmol nung iniwanan natin?” tuwang – tuwang sabi ni Saija. “Oo! Ikaw talaga! Yang mga kalokohan mo, ayus – ayusin mo sa susunod ah! Tsk!” sagot naman ni Takumi sa kanya. “Opo! Opo! Gumanti lang naman eh!” paliwanag niya. “Ayan! Nakaganti ka na, tama na ah!”sabi ulit ni Takumi. Sasagot pa sana si Saija ng makita niya kung sino ang pumasok sa fastfood.. si Adrielle, madilim ang mukha nito. Lumapit ito sa kanila at: “Saija! Yan ba ang lalake mo? Huh?” sigaw nito sa kanya. “Huh? Ano bang pinagsasabi mo dyan” galit na sagot ni Saija. “Wag ka nang magmaang – maangan!! Minahal naman kita ah! Bakit lagi mo pa rin akong sinasaktan?!” patuloy nito. “Pwede ba ah! Itigil mo nay an! Di na nakakatuwa Adrielle! Marami ng tao ang nakatingin!” galit na sagot niya. “Bakit? Nahihiya kang malaman ng iba na niloloko mo ko? Na niloloko mo ang asawa mo?” sigaw ulit nito. “Ano bang nangyayari dito?” singit ni Takumi.


“Wag kang makialam dito! Usapang mag – asawa to!” sigaw ulit ni Adrielle sabay hila sa kamay ni Saija palabas ng fastfood. “Ano ba Adrielle? Bitiwan mo nga ako! Ano ba?” sigaw ni Saija. “Wag ka ngang maingay! Pwede ba? Naririndi ako sa ingay mo!” galit n autos nito at ipinasok sya sa loob ng sasakyan. Pagkapasok nila sa sasakyan ay biglang tumawa ng malakas si Adrielle. “Hahaha! Nag – enjoy ka bas a palabas, sweety?” pang – aasar nito. “Baliw ka! Ipinahiya mo ko sa harap ng marami!” sigaw niya. “Quits na tayo, sweety.. Sobrang pagpapahirap na ang ginawa mo sa ‘kin.” Sagot nito na tila nang – aasar pa rin. “Anong quits dun? Hoy! Adrielle Tan! Kahit saan mo dalhin, lugi pa rin ako!” mataray na sagot niya kahit maiiyak na. “Oh! Sweety, bakit parang iiyak ka na? hahaha…” “Gago ka talaga Adrielle! Ano bang ginawa ko sayo para guluhin mo ang buhay ko ng ganito huh?!” inis na inis at malapit nang umiyak na sinabi ni Saija. “Hmm.. Gusto mong malaman kung anong ginawa mo para guluhin kit ang ganyan?” nakangiting sabi ni Adrielle. Tinignan lang siya ni Saija ng masama. “Pinana mo kasi ang puso ko sweety eh…” pang – aasar na sabi ni Adrielle. “Gago! Pwede ba! Ayoko na!” bababa na sana si Saija ng sasakyan nang biglang inutos ni Adrielle na paandarin na ang sasakyan. “Ano ba Adrielle?!” “Sweety, hindi ka pa pwedeng umalis. May pupuntahan pa tayo.” “Bwisit ka talaga! Bwisit! Sana hindi na lang kita nakilala!” “Sweety naman.. wag ka namang magsalita ng ganyan. Alam mo namang mahal kita eh!” “Heh! Gago ka! Ulol!” “hahaha..”


Chapter 4 Who’s the Real Takumi Sa sobrang inis ni Saija ay naiyak na lang sya at nakatulog. Nang magising siya ay nagulat sya nang mamalayang wala na siya sa kotse ni Adrielle kundi nasa isang napakalaki at napakagandang kwarto sa tabi ng dagat. “Oh! Gising ka na pala sweety!” narinig niyang sabi ni Adrielle habang nagbabasa ng Diyaryo. “Sweety mo mukha mo! Gago! Kapal mo!” bulyaw nya rito.


“Masyado namang mainit yang ulo mo! Dinala nga kita rito para magrelax eh! Gusto mo, maligo ka muna diyan sa dagat.” Natatawang sagot nito. rito.

“So, feeling mo, maliligo ako diyan sa dagat nay an, eh alam kong pag – aari mo yan!” sagot niya

“’to naman! Ang laki ng galit mo sa ‘kin ah! Ano bang gusto mong gawin ko para di ka na magalit?” tanong nito. “Ah! Ganun? Gagawin mo ba lahat?” tanong niya rito. “Oo naman!” sagot nito. “Kung ganun.. sipsipin mo yung dagat, at pag naubos mo na yan, tsaka lang kita papatawarin!” inis na sagot nya rito. “Sobra naman ata yun.. Pwede bang iba na lang..” lumapit ito sa kanya halos magkadikit na ang mukha nila. “Pwede bang eto na lang..” sabay halik sa mga labi niya. “Bastos!” sigaw niya sabay sampal sa lalake. “Aray! Masakit yun huh!”nabiglang sabi ni Adrielle “Masakit ba? Kulang pa yun noh! Ang kapal ng mukha mong nakawin ang first kiss ko!” galit na galit na sabi ni Saija. “Oh! Talaga? Ako ang first kiss ng sweety ko? Wow! Ang saya ko naman!” pang – aasar pa lalo ni Adrielle. “Gago ka talagang walang hiya ka!” sabay habol kay Adrielle upang sapakin sa mukha. “oh! Ano na namang gagawin mo sweety? Hahaha.” “Gusto mong malaman? Papatayin kita sa bugbog. Gago ka! Humanda ka sa kin.” “Weh? Hindi nga, baka naman gusto mo lang mahalikan ulit? Bakit? Masarap ba akong humalik sweety? Hahaha.” “Oo! Sobrang sarap gusto kong pasabugin yang mukha mo!” Masasapak na sana ni Saija si Adrielle sa mukha nang mahuli nito ang kamay niya. Pagkahawak sa isang kamay niya ay mabilis din nitong nahuli ang isa pa at mabilis siyang kinabig palapit rito.


“Hoy! Mr. Adrielle Tan! Bitiwan mo nga ako!” “Paano kung ayoko? Anong magagawa mo?” seryosong sabi ni Adrielle habang nakatingin sa mga mata ni Saija. “Pwede ba! Tigilan mo na nga ‘to! Kung hindi… Naputol ang sinasabi ni Saija nang muli siyang halikan ni Adrielle sa labi. “Hahaha! Two- points.” Sabay bitiw kay Saija. “Hmmf! Walang hiya ka talaga!” “Nagbabalak ka pa ba ng pangatlo? Kung ako sayo, wag mo na ituloy.” Nagulat ang dalawa ang dalawa ng malaman kung kanino nanggaling ang tinig na iyon.. kay Takumi.. na nakasandal sa pintuan. “Takumi? Pano mo nalaman na nandito ako?” tanong ni Saija. “Naramdaman ko lang..” seryosong sagot nito. “Ganun? Hahaha. Kung ganun, wala palang alam ‘tong si Ms. Mercado, Mr. Takumi Igarashi..” sabat ni Adrielle. “Huh? Ano bang pinag – uusapan nyo?”tanong ni Saija. “Kung ako sayo Mr. Tan, wag kang magkakamaling magsalita ng mga bagay bagay.”seryosong sabi ni Takumi. “haha! Bakit? Natatakot ka bang malaman niya kung sino ang isang tunay na Takumi Igarashi?”panunudyo ni Adrielle kay Takumi. “Shut up! Tara na Saija! Umuwi na tayo.” Sigaw ni Takumi sabay hila sa kamay ni Saija. “Ui.. Takumi! Sandali lang!” “Tayo na..” “Ano ba Takumi? Sandali nga lang sabi eh!” “Pwede mamaya na Saija? Umalis na muna tayo dito okay?” “hmmn.”


Nang makarating sila sa kotse ay tinanong agad ni Saija si Takumi tungkol doon sa nangyari kanina. “Takumi…” “hmm?” “Salamat sa pagdating mo..” “Wala yun…” “Pwede bang magtanong?” “Ano yun?” “Ano yung sinasabi ni Adrielle? Anong sinasabi niyang tunay na Takumi Igarashi?” “Wew! Si Takumi Igarashi?? Well, ako yun. At kung ano ako, yun ako!” seryosong sabi nito. “Takumi.. kas.. “ di na nya natuloy ang sasabihin ng bigla itong magsalita. “Si Takumi ay si Takumi! Okay? Wala nang dapat pag – usapan diyan!” seryoso pa rin sabi ni Takumi. “Ah.. Eh.. sige.. okay.. sabi mo eh.” Sagot naman ni Saija. Hinatid ni Takumi si Saija sa bahay nito. “Pasensya na, kung di kita naipagtanggol kagabi nung nasa fastfood tayo. Nagulat din kasi ako sa sinabi ng Adrielle na yun.” Mahinahong sabi ni Takumi. “Okay lang yun Takumi. Nailigtas mo pa rin naman ako sa kamay ng halimaw na yun eh. Salamat talaga!”sagot naman nya. “Sinabihan na kasi kita na mag – ingat di ba?” sagot nito nya.

“Nag – iingat na nga ako di ba? Kasama pa nga kita nung kinidnap nya ko eh” pabirong sagot

“Pasensya na talaga. Napakawalang kwenta ko kasi eh!” sagot nito na halata namang nagdamdam sa sinabi niya. “hahaha! Ikaw naman oh! Nagjo joke lang ako! Di mo naman dapat isisi sa sarili mo yung mga nangyari eh.”bawing sagot nya.


“wala lang. nakokonsensya lang ako.”sagot nito. “Sige, umuwi ka na! kagabi ka pa ata walang pahinga eh!”paalam nya rito. “Okay! Ikaw din, magpahinga ka na! wag ka ngmagpapagutom huh?”sagot nito at umalis na. “hmmn. Ang tunay na Takumi Igarashi.. ano kayang ibig sabihin ni Adrielle dun? Hmmn. Di bale na nga!” bulong ni Saija sa sarili.

Chapter 5

Is This Really Happening? Kinabukasan ay pumasok na sa opisina si Saija. Ipinatawag sya agad ng kanyang boss upang umattend sa isang meeting at nandun din si Adrielle. Sa meeting na yun ay ibang – ibang Adrielle Tan ang nakita at nakaharap niya. Napakapormal nito, seryoso at halatang – halata ang pagiging matalino at galling sa negosyo. “Miss Saija, you, together with Mr. Tan will go to the project site this Wednesday.” “This Wednesday Sir?” “Yes Miss Saija.” “But Sir, if I’m not mistaken, the project according to our proposal will stard on the first week next month..” “Precisely Miss Saija!” pagsingit ni Adrielly sa usapan.


“However, our company decided to change its staring inorder to catch up with the demand of the industry with the competition.”dugtong pa nito. “Okay Sir.” “Ahm.. Miss Saija.. I would like you to be meticulous with this project and keep on eye on these. Okay?” “Yes Sir. You can count on me.” “I know Miss Saija. I know.” Matapos ang meeting ay lumabas an ang lahat ngunit parang wala sa sariling nakaupo pa rin si Saija. “O.. Miss Saija, bakit nakaupo ka pa diyan? Hahaha”pansin sa kanya ni Adrielle. “Tsk. Wala! Pwede ba, iwan mo na lang ako?” inis na sabi nya. “Okay. Matagal naman kitang makakasama simula sa Wednesday eh.” Nakangiting sabi ni Adrielle. “”Ewan ko sayo! Lumayas ka nga sa harap ko! Panira ka ng araw!” sabay irap sa sabi ni Saija. “Itong gwapo kong ‘to? Panira ng araw? Baka naman kabaliktaran niyan ang gusto mo talagang sabihin? Hahaha” pang – aasar pa ni Adrielle. “Alam mo? Ang kapal talaga ng mukha mo! Feeling mo ikaw na ang pinakagwapong lalake dito sa mundo. Grabe ka talaga..” inis na sabi ni Saija. “Hays! Naku! Alam mo Saija, kung gusto mong sabihin na “Adrielle ang gwapo mo ang gwapo – gwapo mo talaga!” sabihin mo na lang. Papansinin naman kita eh. Wag ka mag –alala may pag-asa ka naman sa kin eh. SWEETY!” lalo pang pang –aasar ni Adrielle.

For the Love of Saija  

Love Story with anime touch.

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you