Page 1

Dear Friend, Friend, kumusta ka na? Ang tagal nang panahon ang nagdaan simula noong huli tayong nagkita? Hindi ka man lang tumatawag o mag-text sa akin. Ano nang nangyari sa’yo? Kailan ka ba babalik? Nami-miss ka na namin. Sa huli kong tingin sa Facebook profile mo, ang daming lugar na rin pala ang napuntahan mo; iba’t-ibang bansa na rin ang napagtrabahuhan mo. Ang ganda pala ng display picture mo? Saang bansa ba ‘yan? US ba? Ang dami mo rin photo albums ng mga nabisita mo. Siguro, sobrang successful mo na no? Satisfied ka ba sa working conditions mo? Paano naman ang bulsa mo, puro dollars na ba? Kailan ka babalik sa atin? Nabasa ko rin ang mga status at posts mo. Wow! In English, pre! Pero, bakit ganoon, halos puro reklamo tungkol sa kaganapan dito sa atin? Sabi mo pa nga, puro traditional politics ang pinapairal dito, puro korapsyon, puro siraan; na ang tatamad pa ng mga kababayan natin kaya sabi mo ri na “we deserve the hell where we are.” Naalala ko iyong huli mong pasyal dito sa atin. Ang sakit sa tenga hanggang ngayon lahat ng pagkukumpara mo sa mga bansang napuntahan mo at sa atin? Bakit ganoon? Sana naman lahat ng reklamo mo ay maging konkretong aksyon. Sana hindi ka sumuko. Hangad ko rin naman ang magandang buhay para sa’yo pero masakit para sa akin na minanhid na ng kolonyalismo ang pagmamahal mo sa lugar natin; pinalaki na masyado ng dolyar at pangarap ang ulo mo; at pinurol na rin ng kawalang pag-asa ang pag-iisip mo. Hindi rin kita masisisi, friend. Kaibigan pa rin naman kita, di ba? Tama ang obserbasyon at maramig komento mo na ang gulo dito sa atin. Nakakalungkot na hindi naman ganito karumi ang pulitika sa atin dati. Iyong iba nga ay hindi na nakikialam; hindi na rin sila bumoboto kasi wala naman daw magiging pagbabago. Pare-pareho lang naman ang tumatakbo- mga trapo. Naglipana sila ngayon. Mahilig silang magpakuha ng litrato kasama ang mga maralita, mga bata at madalas habang kumakain at nagbubuhat ng kung anuman kasama sila. Magkano kaya ang binayad nila sa mga advertisements nila? Marami sa kanila ang myembro ng mga pamilyang matagal nang naghahari sa pulitika- political dynasty kumbaga. Iilan lang silang nasa pwesto; sila-sila rin. Clingy ata sila sa posisyon kaya ayaw nilang iwan. Kanino kaya talaga sila nag-lilingkod? Sa bank account nila o sa masang Pilipino?


Sa atin alam mo ba, ang daming hindi na nakakapag-aral. Nagtataasan ang mga tuition and other fees sa mga unibersidad. Nagdagdag pa sila ng dalawang taon sa primary education pero hindi naman nadagdagan ang classroom, libro, teachers, at syempre eskwelahan. Nakakatawa nga na ipinipilit nilang itaas ang kalidad ng edukasyon sa atin sa pamamagitan ng pagdagdag ng taon tulad ng isa bang bansa; sa totoo lang, prayoridad kasi ng gobyerno nila ang pag-aaral ng kanilang mamamayan kaya naglalaan sila ng malaking porsyento ng badyet para rito. Kabaligtaran ang nangyayari sa atin; binawasan pa nga ng sabjek at oras ang pagtuturo rito. Narinig mo ba iyong nangyari doon sa UP student na nagpakamatay dahil hindi nakapagenrol? Sobrang lungkot ko noong nabalitaan ko ‘yon. Wala raw ginawa iyong bata at mga magulang niya para matugunan ang pangagailangan niya. Hindi naman daw siya pinilit na mag-leave of absence. Hello? Tinanggal kaya siya sa masterlist ng mga estudyante; naglabas ang memo ang admin nila na huwag raw papasukin sa silidaralan ang mga di bayad. Nakakalungkot. Pinatay siya ng sistema. Nakakalungkot. Ang edukasyon ay pribilehiyo na lang ng iilan, ng may pera at hindi na karapatan ng lahat. Ibig sabihin ba na ang dapat lang mag-aral ay ang may pera, dib a karapatan ang mag-aral, kesyo mahirap ka o mayaman, dapat may access ka ditto, dahil tinuturing kang tao ng estado. Friend, alam mo ba na marami na ring OFW na katulad mo sa maraming bansa? Araw-araw, libong-libong kababayan mo ang umaalis sa atin upang mangibangbansa at magtrabaho para sa mga dayuhan. Araw-araw may lumuluhan sa pag-alis ng kanilang kapamilya. Hindi ko naman sila masisi kung kailangan nilang umalis ng bansa. Maraming nakapagtapos ng pag-aaral pero hindi makahanap ng trabahong akma sa kanila kursong tinapos. Marami raw trabaho sabi ng gobyerno, pihikan lang daw ang mga kababayan mo. Ano ba kasing trabaho iyon? Kahit may trabaho ka sa atin, kung hindi naman sapat ang suweldo sa pang-araw-araw na gastusin, mas gugustuhin mo rin namang mag-abroad dib a? Kailan kaya kayo babalik? Lalo ka na, friend? Alam mo ba na sobrang haba ng pila ng mga pasyente sa Philippine General Hospital araw-araw? Silang lahat ay naghihintay matugunan ang kanilang pangangailangan sa kalusugan. Ang iba nga sa kanila ay nakatambay sa paligid ng ospital, gumawa ng higaan, duyan sa puno, nakahilata sa daan, habang naghihintay sa pila. Buti nga sila nakakapunta sa ospital pero yung iba namamatay na hindi man


lang nakakakita ng doktor. Friend, mas maliit pa sa piso ang inilaan ng gobyerno para sa bawat Pilipino sa usapin ng kalusugan. Ganoon lang kamura at kababa ang tingin nila sa buhay ng tao? Nakakalungkot na sa panahong ganito, marami na ang nawalan ng pag-asa. Marami na rin ang ayaw nang makialam. Pinabayaan na nila ako sa iilang tao. Sa haba ng tinakbo ng kasaysayan, nakalimutan na nilang tumawag sa Panginoon at nagkanya -kanya na lang. Marami sa inyo ang nakulong sa inyong simbahan, sa inyong paaralan, sa inyong trabaho. Nakalimutan na ako ng ibang kaibigan natin, sana huwag ka nang tumulad sa kanila. Nakakasawa rin ang ganito. Balik ka na friend, tulungan mo ako.

Nagmamahal, Pilipinas

Dear Friend  

Ano na bang nangyari sa kaibigan natin? Eh doon sa sumulat?

Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you