Kabayan Weekly - UAE

Page 4

4

June 19 - June 25, 2011 www.kabayanweekly.com

Balitang Lokal Dubai

Special Report

Inaabandonang mga sanggol dumarami Ni Kabayang Henri Abenis-Macahilo LUBHANG nakababahala at nakalulungkot ang mga naibabalitang inabandonang mga sanggol sa UAE. Mas higit na nakababahala ang tumataas na bilang nito ayon sa talaan ng pulis at sa mga lumalabas sa mga balita. Sa talaan ng pulisya, mula 2004 hanggang 2009, 154 ang bilang ng mga inabandonang mga bata ng kanilang mga magulang. Noong nakaraang taon, sampung kaso ng mga iniwang sanggol ang naitala. May pagkakataong natatagpuan at nahuhuli ng mga awtoridad ang mga magulang ng mga iniwang sanggol, ngunit kadalasan ay hindi na matagpuan ang mga ito. Hindi pa man natatapos ang taong ito, anim na sanggol na ang natagpuan sa labas ng mga mosque. Ang mga pinakahuling kasong naitala ay ng mga tatlong sanggol – isang babae at dalawang lalaki. Ang unang natagpuan ay isang batang babae, na pinaniniwalaang wala pang isang linggo nang ipinnanganak, ang natagpuan ng mga construction workers sa isang abandonadong gusali sa Al Zubair, Sharjah. A-uno ng Hunyo nang ito’y matagpuan. Nanginginig at dehydrated umano ang pobreng anghel

nang ito’y itakbo sa ospital. Dalawang araw ang nakalipas, isang lalaking sanggol naman ang natagpuan sa Azra, na may di kalayuan sa lugar kung saan natagpuan ang babaeng sanggol. Pagkaraan ng isang linggo, isang sanggol na lalaki naman na tinatayang wala pa isang buwan, ang natagpuan sa isang open area sa Al Ramla, sa Umm Al Quwain. Isang Emirati ang tumawag ng mga pulis nang siya ay makarinig umano ng iyak ng sanggol malapit sa kanyang tinitirhan. Ang mga bata ay pansamantalang inalagaan ng Al Qassimi Hospital, kasama ng tatlong iba pang unang natagpuan sa pagpasok ng taon. Ayon sa mga huling ulat, marami ang mga gustong umampon sa mga naiwang sanggol, na hinihinalaang ipinanganak sa labas ng matrimonyo ng kasal. Dito sa Middle East, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng anak sa labas ng matrimony ng kasal. Ayon kay Ginang Lelita Pangilinan, ng tanggapan ng Konsulada ng Pilipinas sa Dubai na siyang nagpaproseso sa mga “boyfriend case” at “children born out-of-wedlock

case”, ang sinumang mahuli ng mga awtoridad na gumagawa ng ganitong pagkakamali ay makukulong ng mula tatlo hanggang limang buwan bago ipadeport sa Pilipinas. Maliban sa sanggol, hindi na rin makakabalik kailanman ng UAE ang mga lumabag sa batas na ito. Kung kaya’t pinapayuhan ni Pangilinan ang mga babaeng nakikipagrelasyon habang sila ay nasa bansang ito, na mag-ingat at kung maaari ay huwag magpabuntis nang hindi ikinakasal, upang hindi sila mapilitang gawin ang mga bagay na hindi tama, gaya ng pagdedesisyong ipalaglag ang sanggol sa kanilang sinapupunan o di kaya’y iabandona ang mga ito pagkapanganak. Ayon kay Pangilinan, bagama’t hindi palagian, umaabot sa apat na kaso ng “boyfriend case” ang kanilang kinakaharap sa loob ng isang buwan. Nagiging komplikado pa aniya ang mga ito, dahil sa pagkakaroon ng anak na walang birth certificate. Sa UAE ang isang sanggol ay mabibigyan lamang ng birth certificate kung ang mga magulang nito ay magpapakita ng Marriage License. Karamihan din umano sa mga

Pilipinang nasasangkot sa ganitong problema ay mga runaway o mga kasambahay na tumakas mula sa kanilang mga amo at mga overstaying. Madalas ay nagkakarelasyon ang mga ito sa mga lalaking ibang lahi at nabubuntis. Dahil walang shelter ang konsulada para sa mga runaways na nagkaka-anak, kinakailangang i-endorse ng tanggapan ang mag-ina sa tanggapan ng pulisya, kung saan sasampahan ng kaso at ikukulong ang ina kasama ang anak, at pagkatapos ng tatlo o apat na buwan, ay idedeport ang mga ito. Bago mailabas ang bata mula sa bansa, ay kailangang gawan ito ng konsulada ng papeles na magsisilbing kanyang birth certificate, na siya namang ipapasa sa tanggapan ng National Statistics Office (NSO) sa Pilipinas, para sa authentication. Pagkatapos, ay maaari nang i-proseso ang kanyang travel documents upang siya ay mailabas ng bansa. Dahil sa hirap na dadanasin ng sinumang mapasok sa ganitong gusot, pinapayuhan ni Pangilinan ang mga kababaihang nagtatrabaho sa bansa huwag padalos-dalos sa pagdedesisyon, lalo na sa paki-

kipagrelasyon sa mga ibang lahi. “Isipin muna [nila] na nandito tayo sa isang Islamic country. Magpakasal muna [sila bago magpabuntis]. Kung nabuntis ka bago ka ikinasal, hindi yan puwede rito. Kung kasal naman tapos nabuntis, wag na tayong maghintay ng matagal. Umuwi na sa pilipinas para doon na manganak para hindi na sila mahirapan,” payo ni Pangilinan. May payo rin si Pangilinan para sa mga kumukupkop ng mga inabandonang mga bata. “Kailangan i-surrender nila ang bata sa pulisya para malaman nila kung ano ang gagawin,” paliwanag ng ginang. Aniya, hindi hinuhuli ng mga pulis ang mga kumukupkop ng mga abandonadong bata, taliwas sa paniniwala ng iba. Sa UAE, ang mga batang naulila o inabandona ay hindi maaaring ipaampon dahil walang legal adoption sa bansa. Subalit maaari silang kupkupin ng mga pamilyang Emarati. Bagama’t hindi maaaring dalhin ng mga bata ang apelyido ng pamilyang kumupkop sa kanila, maaari sliang maging Emarati national sa kanilang paglaki.

Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz earlier presided over the launching of the DOLE’s newest reintegration project for overseas Filipino workers, the Balik Pinay! Balik-Hanapbuhay! Project, a skills training intervention intended to bring about improved socio-economic well-being of returning women OFWs. The launching, held at the DOLENational Capital Region Office in Malate, Manila, was attended by Rep. Rosenda Ann Ocampo of the 6th District of Manila; DOLE-NCR regional director officer-in-charge Cathy Parado; National Reintegration Center for OFWs executive director Vivian Tornea; DOLE-NCR field directors; and DOLE Undersecretary Lourdes Trasmonte, head of the Workers’ Welfare and Social Protection cluster. The Balik-Pinay! Balik Hanap-

buhay! Project was established through DOLE Administrative Order No. 77 Series of 2011 and aims to enable women beneficiaries to be multi-skilled through access to training services/assistance by training institutions like the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry, Technology Resource Center, and the Agricultural Training Institute. “With the Balik Pinay! Balik Hanapbuhay! Project, we aim to enable displaced women OFWs to plan, set-up, start, and operate a livelihood undertaking by providing them with ready-to-go roll-out selfemployment package of services, consisting of short-gestation training, start-up kits, business counseling, and technical and marketing assistance services,” Baldoz said during the launching.

“We also aim to equip returning women OFWs with skills that are highly in-demand in the local market so as to increase their chances of finding better job opportunities,” she added. The Balik Pinay! Balik Hanapbuhay! Project’s main beneficiaries are returning women OFWs, particularly those displaced by the hostilities and conflicts in Arab countries and other distressed and displaced women household service workers. The project aims to prioritize about 2,400 women household service workers, or 58 percent of the whole population of women household service workers all over the country as of 31 March 2011, based on OWWA data. As a component of the National Reintegration Program for OFWs, the project has been allotted P24 million budget, for which each ben-

eficiary could benefit a maximum of P10,000 in livelihood package. Health and wellness business undertakings, such as reflexology, massage, home spa, cosmetology and production of bath soap, scented oils, herbal medicine, skin/health care products; house repairs, such as plumbing, welding, electrical servicing, appliance repair; food processing, such as native snack preparation and other food and beverage preparation; personal accessories repairs and maintenance, such as cellular phone and bag repairs; and handicraft, such as souvenir items, fashion jewelry, native slippers, bags and accessories production, are the priority businesses under the Balik Pinay! Balik Hanapbuhay!Project. Beneficiaries can avail of the following services under the Project: (1) short-period training on

production skills with entrepreneurship and business management; (2) provision of continuing marketing linkage and networking services, business advisory, and consultancy services; (3) access to existing social protection services (SSS, PhilHealth, and other alternative social protection schemes as soon as the business cycle allows it; and (4) job referral system covering local labor markets to ensure the employability of target women beneficiaries. The DOLE’s regional Offices, Regional Coordinating councils, NRCO, Overseas Workers Welfare Administration, TESDA, Bureau of Workers’ with Special Concerns are jointly implementing the Balik Pinay! Balik Hanapbuhay! Project in cooperation with relevant government agencies and local governments.

‘Balik Pinay! Balik Hanapbuhay! Project’ for women OFW repatriates launched


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.