Page 1


Ang DATOS ay inilathala ng EILER simula 1981 bilang tulong babasahin sa mga pagaaral, talakayan at pagsasanay sa mga manggagawa. Ang EILER ay isang non-stock, non-prot na institusyon para sa edukasyong manggagawa. Nakikipagtulungan ang Eiler sa mga samahang manggagawa sa pagpapalaganap ng edukasyon at pagsasanay tungo sa pagsulong ng tunay, palaban at makabayang unyonismo. Ipinamamahagi ang DATOS sa mga grupo’t indibidwal na makamanggagawa. Apat na beses sa isang taon ito inilalathala. Maaaring gamitin ang nilalaman nito kahit walang pahintulot basta’t kilalanin lamang ang pinagkunan. Inaanyayahan ang lahat na magpadala ng komentaryo at kontribusyon sa pagpapaunlad ng DATOS.

11

Mayor na Isyu ng 2011: Suma, Pagsusuri at Hamon Laban para sa makabuluhang dagdag-sahod at ang barya-baryang COLA

2

Malawakang tanggalan sa PAL at higit na pleksibilisasyon sa paggawa Kalunus-lunos sa trahedya sa Eton, Hanjin at Keppel

4 5

Higit na paglabag sa karapatang pangmanggagawa sa Dolel at iba pang pabrika

7 Saudization at iba pang kinaharap ng mga Pilipino sa ibayong dagat

9 OPISINA Ecumenical Institute for Labor Education and Research, Inc. (EILER, Inc.) No. 15 Anonas St., Unit D-24 Cellar Mansion, Barangay Quirino 3-A, Project 3, Quezon City Telefax: +63 2 4339287 E-mail: eiler.inc@gmail.com Website: www.eiler.ph

30 ulit na taas-presyo sa langis at ang patakarang deregulasyon

10 Ang pag-ani ng tagumpay ng mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita Pagharap sa mga kalamidad at matinding epekto nito sa mga manggagawa at mamamayan

13

Hindi sapat na budget sa edukasyon at serbisyong panlipunan

15

PATNUGUTAN Anna Leah Escresa Soleil Erika Manzano Carlos Maningat Marian Santos

12

Higit na pagsadsad ng lokal na ekonomiya

17

Pag-igting ng pandaigdigang resesyon at paglaban ng mamamayan ng daigdig

18


|1| Mensahe ng Patnugot

Nagbabadyang Alon, Panibagong Paghamon Sa nagdaang taon, naging saksi ang

pambubusabos, piniling magkaisa ng kasaysayan sa pagbalikwas ng mga iba’t ibang uri at sektor para bawiin ang manggagawa at mamamayan sa iba’t lansangan at isigaw ang pagbabagong ibang panig ng daigdig – mula Estados panlipunan. Unidos, Greece, Spain, Egypt hanggang Tunisia. Sumambulat ang galit sa Pinatingkad ng mga dambuhalang mismong pusod ng mga kapitalistang protesta ang pagkabangkarote ng bayan at sa mga bansang pinaghaharian sistemang monopolyo kapitalismo at ng mga papet na diktador. Iisa ang ang malaking disbalanse sa yaman sigaw sa mga pagkilos: ibagsak ang na nalikha sa ilalim ng sistemang ito. bulok na sistemang pinaghaharian ng Lalong nalantad ang konsentrasyon ng trilyun-trilyong dolyar sa iilang iilan lamang. pampinansyang institusyon habang Malinaw na iginuhit ng mga pagkilos bilyun-bilyong mamamayan ng daigdig na ang tunay na biktima ng matagalang ang nagdurusa sa kahirapan. Naging pandaigdigang resesyon ay hindi ang tampok ang “We are the 99 percent” mga malalaking bangko at korporasyon na islogan – na tumuturol na paghahari – na binuhusan ng bilyun-bilyong ng iilang malalaking kapitalista at bailout – kundi ang mga mamamayan pampinansyang oligarkiya. mismo. Biktima ng papatinding krisis ang mga nawalan ng bahay, tinanggal Nakita rin natin noong 2011 ang sa trabaho, binawian ng benepisyo, pagputok ng debt crisis at ang kinaltasan ng sahod, mga kabataang pagpapatupad ng mas mahihigpit na n ati g il sa pag-aaral, at mga austerity measures sa maraming bayan m a g s a s a k a n g sa Europa. Bunsod ang mga ito ng todoinagawan ng bigay na pagsalba ng mga Europeong lupa. Sa harap estado sa mga malalaking bangko higit na at korporasyon gamit ang pondo ng mamamayan at pampublikong pautang. Dahil dito, mabilis na kumalat ang mga higanteng protesta at welgang bayan sa Europa. Sa Pilipinas, lumarga ang papatinding atake sa kabuhayan at karapatan ng mga manggagawa at mamamayan sa iba’t ibang porma, pangunahin ang

walang-patid na pagsirit ng presyo ng pretrolyo at iba pang bilihin. Sa harap nito, nalantad ang pagka-inutil ng rehimeng Aquino at ang sagad-sagaring pagtataguyod nito ng mga neoliberal na patakaran. Nahubaran ng tabing ang nag-aastang maamong Pangulo at nakita ang paggamit ng pasismo sa mga manggagawa at kabataang nagtangkang i-okupa ang Mendiola sa bandang huli ng taon. Sa pagpihit ng taon, nahaharap ang mga manggagawa at mamamayan sa mas matinding pambubusabos, lalo pa’t tinatayang higit na lulubha ang pandaigdigang krisis. Mismong ang World Bank ang nagsabi na patuloy na sasadsad ang pandaigdigang ekonomiya na binibigyang mukha ng papabagsak na eksport, manupaktura at pagkonsumo. Tinatayang 2.5% lang ang magiging paglago ng pandaigdigang ekonomiya ngayong taon sa harap lumulubhang euro zone crisis. Marami ang nagsasabing higit pang mahihinog ang kasalukuyang krisis ngayong taon – na maaring pumantay sa lala at lawak ng pinsala kumpara sa nakita ng mundo noong 2008. Bitbit ng bagong taon ang maiitim na ulap ng ibayong krisis. Subalit kasabay nito, lumilinaw ang pag-asa sa papalapad na pag-aalsa ng mga manggagawa at mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Sama-sama nating harapin ang mga panibagong hamon ng panahon! Nasa ating nagkakaisang pagsusuri at pagkilos ang pag-asa para malampasan ang mga unos!

Anna Leah Escresa Executive Director, EILER


|2| Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

11 Mayor na Isyu ng2011 Suma, Suri, at Hamon

1

Laban para sa makabuluhang dagdag-sahod at ang barya-baryang COLA

Minarkahan

ang unang hati ng 2011 ng madagundong na panawagan ng kilusang paggawa sa bagong administrasyong Aquino para sa makabuluhang dagdag-sahod. Sa pangunguna ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno (KMU) at ng Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM), bumuhos sa lansangan noong nakaraang Mayo Uno ang mahigit 17,000 manggagawa at maralita para igiit ang makabuluhang dagdag-sahod. Nagsagawa rin ng malalaking pagkilos ang mga manggagawa kasama ang ibang sektor sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa. Malinaw kasi ang batayan ng panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod: sabayan at walang humpay ang pagsirit ng presyo ng halos lahat ng bilihin – mula de lata, gulay,asukal, hanggang sa presyo ng langis. Sa pagbubukas pa lang ng 2011, bumulaga ang pagtataas sa singil sa North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX) at iba pang tollway. Sa SLEX, mahigit 300% ang itinaas ng singil sa toll. Sinundan ito ng ratsada ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo, at ang pagtataas ng minimum na pasahe sa dyip ng piso patungong P8.00. Sunund-sunod din ang pagtataas ng singil sa kuryente at tubig simula pa lang ng nakaraang taon. Bunga nito, mabilis na dumausdos ang tunay na halaga ng sahod ng obrero. Sa pag-alingawngaw ng panawagan sa midya at sa mga pagawaan, nagpahayag ng pangamba at pagtutol ang mga ekonomista at malalaking negosyante. Naglabas pa nga

ang Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) ng detalyadong position paper kontra sa panukalang P125 dagdag-sahod ng Anakpawis party-list na nakahain sa Kongreso. Maging si Pangulong Noynoy Aquino ay natulak na magsalita ukol sa panukalang makabuluhang dagdag-sahod. Subalit sa huli, pinili ni Aquino na depensahan ang tubo kahit pa patuloy na lumolobo ang yaman ng mga malalaking negosyante. Noong 2010, nagtala ng 16.2% na pagtaas patungong P6.9 trilyon ang tubo (gross revenues) ng top 1,000 na korporasyon sa bansa – pinakamataas mula 2006. Sa tangkang pahupain ang protesta ng mga manggagawa at mamamayan, inaprubahan ang mumong P22 dagdag sa Cost of Living Allowance (COLA) para sa mga manggagawa sa Metro Manila, at barya-baryang dagdag-sahod sa iba pang rehiyon. Umalma ang mga manggagawa sa mumong dagdag


|3| Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) Pinagsamang net worth ng Forbes 10 richest Filipinos (2010 & 2011)

Karanawing (average) arawang sahod sa iba’t ibang sektor

sa COLA at ipinanawagan ang pagbuwag sa mga regional wage board na likha ng Wage Rationalization Act of 1989. Anila, bale-wala ang dagdag sa COLA sa harap ng walang-patid na pagtaas ng presyo ng langis at pagkain. Matapos na aprubahan ang kakarampot na COLA, nagpatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin pangunahin ng petrolyo. Sa paghagupit ng mga bagyong Pedring at Sendong, noong huling kwarto ng taon, nagtaasan naman ang presyo ng gulay at iba pang pagkain - na higit na humila pababa ng tunay na halaga ng napakababa nang sahod ng mga manggagawa. Noong Agosto, iniulat na pangalawa ang Maynila sa may pinakamababang pasahod sa buong mundo sunod sa Mumbai (India) at pangatlo sa mga syudad kung saan pinakamababa ang kakayahang bumili (purchasing power) ng mamamayan batay sa 2011 UBS Price and Earnings report. Naging dagdag na batayan ito para sa panawagang makabuluhang dagdag-sahod. >> Hamon sa gobyernong Aquino ngayong 2012: Sa harap ng walang-ampat na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at nakaambang mas malupit na hagupit ng pandaigdigang krisis ngayong bagong taon, nararapat lamang na tugunan ng gobyernong Aquino ang panawagang makabuluhang dagdag-sahod. Kasabay nito,

Nominal vs. Real wage (2009-2011)

*based on preliminary 2011 ination data

kailangang tigilan na nito ang pag-apruba ng kalat-kalat at mumong dagdag-sahod gamit ang regional wage boards at sa halip ay ituon ang suporta sa panukalang makabuluhang dagdag-sahod sa pambansang saklaw ng Anakpawis partylist na nakabinbin pa rin sa Kongreso. Dapat mabatid na ang makabuluhang dagdag-sahod ay direkta at kagyat na tugon sa lumalalang kahirapan at kagutuman, at madarama ang epekto nito hindi lang ng mga sahurang manggagawa kundi maging ng impormal na sektor.


|4| Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

2

Malawakang tanggalan sa PAL at higit na pleksibilisasyon sa paggawa ang negosyo ni Tan, na malaking contributor sa kampanya ni Noynoy Aquino. Patungpatong din ang desisyon ng Palasyo at DOLE na nagpapatibay sa patakarang outsourcing. Pangalawa, ayon sa ilang manggagawa ng PAL, hindi epektibong napamunuan ang paglaban ng mga manggagawa dahil sa pakikipagsabwatan ng mga dilawang lider sa manedsment.

Mula sa : www.arkibongbayan.org

Tampok na usapin sa paggawa ng 2011 ang malawakang tanggalan ng mahigit 2,600 empleyado ng Philippines Airlines (PAL) bunga ng outsourcing ng catering, airport services at call center reservations units na ipatupad noong Oktubre 1. Ginamit na palusot ng PAL ang pagkalugi para ipatupad ang outsourcing kahit pa kumita ito ng $15.1 milyon sa huling kwarto ng 2010 at top 2 billionaire sa bansa ang may-ari nito na si Lucio Tan. Lumalabas din na dalawa sa outsourced service providers, ang Sky Logistics at Sky Kitchen, ay pag-aari ni Manuel Osmeña – na matagal na business partner ni Tan. Dahil sa tanggalan, libu-libong pamilya ang naapektuhan at mahigit kalahati ang nabawas sa kasapian ng lokal na unyon. Sa kabila nito, lantaran ang naging pagsuporta sa tanggalan ni Pangulong Noynoy Aquino, na nag-isyu pa ng desisyon na dumedepensa sa “managerial prerogative” ng PAL management. Sa pag-isyu ng desisyon ng Palasyo, binibigyang laya nito ang iba pang kumpanya na magpatupad ng iskemang outsourcing at iba pang porma ng pleksibilisasyon para higit na tipirin ang mga manggagawa at mapalobo ang tubo. Bago ang mismong tanggalan, nagsagawa ng work stoppage noong Setyembre 27 ang ilang miyembro ng Philippine Airines Employees Association (PALEA) para tutulan ang planong outsourcing tatlong araw bago ang implementasyon nito. Epektibong naparalisa ang operasyon ng PAL, subalit nabigo sa pangkabuuan ang laban kontra tanggalan. Una, malakas ang pagblackmail ng Palasyo sa isinagawang protesta para saklolohan

Noong Mayo 24, tinanggal ang 200 manggagawa ng Mustad, dayuhang kumpanya na gumagawa ng kawitan o “shing hooks”, kahit hindi nagsampa ang kumpanya ng notice of closure sa DOLE. Ayon sa unyon ng mga manggagawa, taktika ang pagsasara para durugin ang nakatayong unyon at mag-hire ng bagong mga manggagawa na kontraktwal at di-unyonisado. Nanawagan ang unyon ng Mustad na i-boycott ang mga produktong gawa ng nasabing kumpanya. Walang naging aksyon ang gobyernong Aquino sa iligal na tanggalang ito. Higit na pleksibilisasyon at tanggalan sa economic zones Naramdaman din ng mga manggagawang Pilipino sa mga empresang pag-aari ng mga Hapon ang epekto ng magkakambal na trahedyang tumama sa Japan noong nakaraang taon. Partikular na naapektuhan ang mga manggagawa sa mga kumpanyang gumagawa ng kotse at car parts tulad ng Honda na nagpatupad ng “scheduled shutdown” ng planta. Nagresulta ang iskemang ito higit na pleksibilisasyon sa porma ng “forced leaves” at “temporary layoffs” na pangunahing nakaapekto sa libu-libong kontraktwal na manggagawa. Inilantad nito ang bulnerableng kalagayan ng manupaktura sa bansa na nakaasa sa mga dayuhang supplier. Samantala, naitala ang ika-anim na buwang


|5| Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

Labor Force Trends (2010-2011)

Employed by class of worker (Oct 2011)

Source: BLES

3

tuluy-tuloy na pagbagsak ng eksport ng bansa noong Oktubre na hindi naitala kahit noong kasagsagan ng pampinansyang krisis noong 2007-2008. Indikasyon ito ng higit na paglubha ng epekto sa lokal na ekonomiya ng krisis sa Estados Unidos at sa Europa. Mas malawak na tanggalan at iba’t ibang porma ng pleksibilisasyon pangunahin sa mga special economic zones (SEZs) ang nagbabadyang epekto ng papadausdos na bolyum ng eksport. >> Hamon sa gobyernong Aquino ngayong 2012: Nagbabadya ang mas malubhang krisis sa empleyo sa bansa bunga ng papalubhang kalagayan ng mga malalaking ekonomiya ng US at Europa. Sa kabila nito, nanatiling nakaasa sa dayuhang pamumuhunan ang patakaran ng gobyernong Aquino para makalikha ng trabaho, habang agresibong ini-engganyo ang mga manggagawa na mangibang-bansa. Hamon sa ngayon na ibasura ang ganitong istratehiya sa paglutas sa matinding kawalan ng trabaho, at sa halip ay seryosohin ang panawagang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon bilang magkatuwang na makina na lilikha ng tiyak at disenteng trabaho.

Kalunus-lunos sa trahedya sa Eton, Hanjin at Keppel

Saksi ang nagdaang taon sa serye ng malalagim na trahedya sa mga pagawaan na naglantad ng mapanganib na kalagayan partikular sa sektor ng konstruksyon at ship-building. Nalantad din ang mga desperadong hakbangin ng mga kumpanya para pagtakpan ang trahedya at linisin ang kanilang pangalan. Noong Enero 27, sampung manggagawa sa itinatayong Eton Residences sa Makati ang nasawi habang isa ang lubhang sugatan matapos mahulog ang sinasakyan nilang gondola mula sa ika-32 palapag ng gusali. Pag-aari ang itinatayong condominium ng Eton Properties Philippines Inc. (EPPI), ang BYAHENG KAMATAYAN. Resulta ang malagim na trahedya sa Eton Residences ng real estate arm ni Lucio Tan. Dahil sa sobra-sobrang pagtitipid ng kumpanya sa kaligtasan ng mga manggagawa


|6| Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

aksidente, nalantad ang kakulangan sa gamitpangkaligtasan, sapin-sapin na outsourcing sa mga empleyado, at napakabarat na pasahod sa mga biktima (P260 kada araw). Bunga ng sagarang pagtitipid sa mga manggagawa ng Eton, lumobo ng 20 percent ang tubo (gross revenues) ng kumpanya sa unang siyam na buwan pa lang ng 2011 patungong P3.13 bilyon. Habang nakaburol ang mga biktima, pinilit ng mga kinatawan ng Eton na papirmahin ang mga kaanak ng waiver na nagtatanggal ng pananagutan ng Eton sa trahedya. Nag-alok

toneladang stern ramp sa Keppel Subic Shipyard Inc., kumpanyang pag-aari ng Singaporean. Lasug-lasog ang katawan at mukha ng mga biktima habang ang iba’y naputulan pa ng mga binti at kamay. Pito naman ang malubhang nasugatan sa naganap na aksidente. Maagap ang pagkukubli na ginawa ng kumpanya sa aksidente. Pinagbawalang makapasok agad sa shipyard kahit ang mismong alkalde ng Subic at ang mga imbestigador. Ayon sa mga manggagawa, maaring mahigit sa anim ang nasawi sa trahedya. Sa katabing pagawaan ng Hanjin shipyard sa Subic, isang manggagawa ang nadagdag sa mahabang listahan ng mga

Pinsalang idinulot ng bumagsak na stern ramp sa Keppel shipyard

din ang kumpanya ng scholarship sa mga anak ng biktima at napakaliit na tulong pinansyal. Sa kabila nito, patuloy na nanawagan ang mga pamilya ng katarungan para sa kanilang mga mahal sa buhay. Dalawang linggo matapos ang trahedya sa Eton Residences, gumuho naman ang ikalawang palapag sa ginagawang Eton Centris sa Quezon City na pag-aari rin ni Lucio Tan. Walang naging sapat na impormasyon sa aksidente dahil sa pagbabawal ng kumpanya na makapasok ang midya sa construction site. Trahedya sa Keppel at Hanjin Noong Oktubre naman, anim na manggagawa ang nasawi matapos na madaganan ng tone-

Kuha ng aksidente sa Eton Centris (Quezon City) kung saan gumuho ang 2nd oor ng tinatayong gusali

nasawi sa aksidente sa nasabing kumpanya nang bumangga ang sinasakyan niyang forklift sa kongretong harang ng kanal. Batay sa mga lokal na grupo, nasa halos 40 na ang namatay na manggagawa sa Hanjin mula nang magsimula ang operasyong nito noong 2006. Pinatunayan ng mga serye ng aksidente ang pagkabigo ng gobyernong Aquino na proteksyunan ang mga manggagawa, gayundin ang pagbalewala ng mga kapitalista sa buhay at kaligtasan ng mga manggagawa para mapalaki ang tubo. >> Hamon sa gobyernong Aquino ngayong 2012: Matindi ang pangangailangang higpitan at tutukan ng gobyerno ang pagbibigay ng prayoridad sa karapatan sa ligtas na paggawaan ng mga manggagawa at sa pagsunod sa mga patakarang pangkaligtasan ng mga kumpanya lalo na iyong


|7| Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

ILO: Empleyado sa BPO, bulnerable sa mga isyung pangkalusugan Ayon sa ulat ng International Labor Organization (ILO) na “Offshoring and Working Conditions in Remote Work” noong 2010, tinatayang halos kahalati o 47.7% ng mga empleyado sa Business Process Outsourcing (BPO) sa mga bansang Brazil, Argentina, India, at Pilipinas ang nakararanas ng insomnia. Ilan din sa kanilang nararanasan ay eye strain, fatigue, neck and back pains, at voice problems.

4

mga nasa SEZ. Isang mahalagang hakbang na dapat nitong gawin ngayong 2012 ay ang pagbasura sa DOLE Department Order No. 57-2004, na nagbibigay-laya sa mga pagawaang may mahigit 200 empleyado na magsagawa ng self-assessment kapalit ng opisyal na inspeksyon, at siguraduhin ang lahat ng mga lugar paggawa ay ligtas para sa mga manggagawa.

Higit na paglabag sa karapatang pangmanggagawa sa Dolel at iba pang pabrika

Sa kabila ng pagpapakilala ng gobyernong Aquino bilang tagapagtanggol ng karapatang pantao, nagpatuloy ang pamamaslang, pananakot at paglapastangan sa karapatang pangmanggagawa sa iba’t ibang empresa at piketlayn noong 2011. Nagpatuloy ang kampanya ng mga kumpanya kasabwat ang militar at pulisya laban sa mga militanteng unyon. Noong Marso 8, pinaslang si Celito Baccay, lider-manggagawa at organisador ng independyenteng unyon sa Maeno Giken sa Dasmariñas, Cavite matapos pagbabarilin ng dalawang suspek. Si Baccay ang unang biktima ng pampulitikang pamamaslang sa Cavite sa ilalim ng gobyernong Aquino. Ayon sa Workers Assistance Center (WAC), may kaugnayan ang pagpaslang kay Baccay sa papel niya sa pagkakatayo ng unyon sa nasabing kumpanyang pag-aari ng Hapon. Dagdag pa rito, tinakot ng manedsment ang mga manggagawa na lumahok sa libing ng biktima. Samantala, pinaslang si Santos “Ricky” Manrique, presidente ng Federation of Miners’ Association in Pantukan (FMAP) sa Compostela Valley noong Abril 12. Kilalang lider si Manrique ng alyansa kontra sa pagmimina sa Pantukan, kung saan 28 ang nasawi at halos

Sa ilalim ng bagong programang panseguridad ng rehimeng Aquino na Oplan Bayanihan , nagpapatuloy ang pamamaslang at pananakot sa mga progresibo at makabayan.

50 pa ang nawawala sa naganap na landslide kamakailan lang. Aktibo si Manrique sa pagtutol sa pagmimina ng mga malalaking korporasyon sa nasabing lugar. Union election sa Dolel Pinakamalaking produsyer ng pinya ang Pilipinas sa buong mundo. Subalit ang katayuang ito ay nakatungtong sa papatinding paglabag sa mga batayang karapatan ng mga manggagawa sa plantasyon at pabrika ng pinya. Sa ginanap na union election noong Pebrero 22 sa Dolel, malaking eksporter ng pinya na nakabase sa South Cotabato, litaw ang maduduming taktika ng manedsment kasabwat ang militar para mapatalsik ang militanteng unyon ng Amado Kadena-NAFLU-KMU. Kinaharap ng mga manggagawa


|8| Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

ng Dolel ang mas matinding pananakot at pandarahas na sistematikong ipinatupad simula pa taong 2006 sa pamamagitan ng paninira sa integridad ng unyon. Tahasang itinalaga ng gobyerno ang mga elemento 27th Infantry Batallion (27th IB) sa Dolel para umano mangasiwa sa eleksyon. Pero ang totoo’y sinuyod ng mga militar ang bahay ng mga manggagawa para tiyaking hindi iboboto ang Amado Kadena ng mga manggagawa. Nag-alok pa ng suhol ang manedsment sa manggagawang hindi iboboto ang Amado Kadena. Nag-imbita rin ang militar ng mga anti-unyon at anti-komunistang mga pag-aaral at pilit na iniugnay ang Amado Kadena sa New People’s Army. Nagkampo rin ang mga miyembro ng Barangay Self-Defense system (BDS) sa day care center malapit sa erya ng botohan. Bunga ng matinding kampanya kontra militanteng unyon, nagwagi ang pekeng unyon na binuo ng manedsment sa idinaos na eleksyon – bagay na inakong tagumpay din ng militar at ng Dolel mismo. Sa ngayon, nagpapatuloy ang pananakot at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga miyembro ng Amado Kadena kahit pa minoryang unyon na ito. Malinaw na paglabag ang mga insidenteng ito sa kalayaan ng mga manggagawa makapili ng unyong sasaniban. Paglabag sa karapatang pang-manggagawa sa BPO industry Noong 2011, ipinagmalaki ng gobyernong Aquino na top 1 ang Pilipinas sa global call center (voice BPO) industry habang nagbulagbulagan ito sa mga paglabag sa karapatang pang-manggagawa ng mahigit 500,000 empleyado sa industriya. Isang matingkad na katotohan ang kawalan ng unyon sa industriya sa loob ng isang dekadang pag-iral nito sa bansa. Dagdag pa rito, padausdos ang kalidad ng trabaho sa call center industry dahil sa pababang antas ng pasahod, pagbawas sa mga benepisyo, paghihigpit sa quota at breaks, at mga panganib na pangkalusugan.

>> Hamon sa gobyernong Aquino ngayong 2012: Para patunayang sinsero ang administrasyong Aquino sa pagpapahalaga sa karapatang pantao at pangmanggagawa, nararapat na itulak nito ang pagpapanagot sa mga salarin sa pagpaslang at pandarahas sa mga progresibong manggagawa. Kailangang iutos ng gobyerno ang pull-out ng mge elemento ng militar at pulisya mula sa mga pagawaan at katabing komunidad. Dagdag pa rito, kailangang kilalanin ng gobyerno ang mga unyon bilang mga demokratikong organisasyon sa halip na bansagan ang mga itong grupo ng mga terorista at komunista. Kailangang ipatupad ang mga internasyunal na kumbensyon na gumagalang sa karapatang mag-unyon ng mga manggagawa, sa halip na magkasya na lang sa mga umano’y tripartite mechanisms tulad ng labor management councils (LMCs). Kung hindi matutugunan ng gobyernong Aquino ngayong taon ang mga paglabag sa mga karapatang pangmanggagawa, lalo lamang titimo sa mamamayan na wala itong pinag-iba sa mga nakaraang rehimen sa pagsupil sa mga demokratikong karapatang ng mga manggagawa.

Unionism rate, nasa 6.6% lang noong 2011 Bumagsak ang unionism rate noong 2011 patungong 6.6 percent mula 6.9 percent sa nakaraang taon. Sa mahigit 20.5 milyong “Wage and Salary workers,” 1.36 milyon lang ang may unyon sa kasalukyan. Samantala, sa 1.36 milyong unyonisado, nasa 225,000 lang ang nasasaklaw ng Collective Bargaining Agreements.


|9| Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

5

Saudization at iba pang suliraning kinaharap ng mga Pilipino sa ibayong dagat

Sa mga suliraning kinakaharap ngayon ng mga migranteng manggagawa, ilan lamang ang usapin hinggil sa pagiging drug mules at ang nakaambang tanggalan dahil sa Saudization sa mga matinding kinaharap ng mga OFW nitong 2011. Inilantad ng mga kaganapang ito ang kawalang seguridad sa trabaho at kaligtasan na hinaharap ngayon ng ating mga kababayan sa ibayong dagat. Sa kabila nito, aktibo pa ring itinutulak ng gobyernong Aquino ang labor export policy sa halip na lumikha ng trabaho rito sa bansa, alinsunod pa rin sa neoliberal na patakaran nito sa ekonomiya. Drug mules Naging napakahalaga ng 2011 para sa pagbibisto ng usapin hinggil sa pagiging drug mules ng ating mga kababayang nasa ibang bansa at iba pang mga nakapiit na tila ipinagwawalang-bahala ng gobyerno.

Tatlong Pilipino ang sabay-sabay na binitay sa China noong Marso 30 dahil sa kaso ng ilegal na pagtataglay ng malalaking halaga ng heroin na mahigpit na ipinagbabawal sa bansang China. Bago rin matapos ang taon, isang Pilipino ang binitay muli sa China noong Disyembre 8 sa katulad ding kaso ng ilegal na droga. At ilang araw bago pa tuluyang hatulan ng kamatayan ang nasabing OFW, naritong nanawagan si Pangulong Aquino sa ating mga kababayan na huwag nang maging drug mules sa mga dahilang mahigpit ang bansang China pagdating sa drug trafď€ cking at sa dahilang bumubuti na rin di umano ang ekonomiya ng Pilipinas. Ngunit makikitang hindi sinsero ang pamahalaan sa panawagan nitong huwag maging drug mule. Maliban sa panawagang ito at mga hakbang upang humingi ng clemency mula sa korte sa China, walang kongkretong manipestasyon ng pagbibigay kabuhayan o empleyo sa mga Pilipino upang hindi na mangibang-bansa. Ayon sa tala ng IBON, nadagdagan ng halos 343,000 ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho at umabot na sa 11.5 milyon ang bilang ng unemployed nitong 2011.

Sanggunian: POEA

Sa kaso ng drug mules, maliban sa pagiging biktima ng kahirapan, maituturing ding biktima sila ng illegal recruitment at maging ng human trafď€ cking. Bunsod ng kakulangan sa pagsubaybay sa ganitong mga mapanganib na kalakaran, hindi maiiwasan talagang malagay sa alanganin ang karapatan at kapakanan ng mga OFW bilang mga manggagawa. Sa tala ng Migrante nitong


| 10 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

2011, mayroong 195 naitala na mga kasong may kinalaman sa droga. Manipestasyon din ang mga trahedyang ito ng aktibong pagtutulak ng gobyerno sa labor export policy. Nitong 2011, tinatayang nasa 1.5 milyong mga OFW ang nilisan ang bansa upang makipagsapalaran sa ibayong-dagat. Saudization Maliban sa pagsiklab ng kaguluhan sa Libya at ang sapilitang pagpapauwi sa mga OFW na naipit doon, nagdulot din ng matinding pangamba at pagkabahala sa libu-libo nating mga kababayang OFW na nasa Middle East ang polisiyang Saudization ng gobyerno ng Saudi Arabia. Ang pagbabawas na ito sa pag-eempleyo ng mga migranteng manggagawa ay pagbibigay prayoridad naman sa empleyo para sa kanilang kapwa Arabyano. Bagamatnakikitang solusyon ito sa lumalalang disempleyo sa Saudi, tiyak na kalakhang bilang ng mga OFW ang matinding mapipilayan nito dahil sa Middle East ang konsentrasyon ng populasyon ng mga migranteng Pilipinong manggagawa. Sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA, mula sa kabuuang bilang ng Overseas Filipino Workers o OFW

6

noong 2010 na 684,060 na nasa Middle East, nasa 293,049 o 43% ang matatagpuan sa Saudi Arabia. Itinuturing ang bansang ito na pangunahing destinasyon ng mga Pilipino sa nasabing rehiyon. Masasabi ring nadagdagan ang bilang na ito kung ihahambing noong 2009 kung saan nasa 669,042 ang mga OFW na naitala na nasa Middle East at 291,419 o 44% nito ang nasa Saudi Arabia. Sa kabila ng krisis na nararanasan sa Saudi Arabia at pagbagal ng deployment rate noong 2010, nanatiling malaki ang bilang ng mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa nasabing bansa. Kung magpapatuloy ang polisiyang ito ng Saudization, tiyak na dadagdag sa mga darating na buwan at taon ang kanilang bilang sa mga walang hanapbuhay. Kakatwang redeployment sa ibang bansa ang solusyong inialok ng gobyernong Aquino sa mga nawalan ng trabaho sa Saudi. Subalit sa kasalukuyan, nahaharap na rin sa krisis ang mga bansang pinupuntahan ng iba pang mga OFW lalo sa Gitnang Silangan na maaari ring maghigpit sa pagpasok ng mga migranteng manggagawa. Hamon sa gobyernong Aquino ngayong 2012: Sa pagpasok ng 2012, nararapat na bigyang diin ng gobyerno ang kapakanan ng OFWs at mga manggagawa sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho upang hindi na sila mangibangbansa pa, makabuluhang pagtaas sa sahod, at pagpapababa ng presyo ng langis at mga bilihin upang makaagapay at mga pamilyang Pilipino. Sa pamamagitan lamang din ng pagsasabansa ng mga industriya at pagsusulong sa tunay na reporma sa lupa makalilikha ng kabuhayan para sa mga mamamayan.

30 ulit na taas-presyo sa langis at ang patakarang deregulasyon

Kung susumahin mula sa pagbubukas hanggang sa pagsasara ng taong 2011, nagkaroon ng 30 ulit na oil price hike at sa kaparehong taon din, 18 beses lamang ini-rollback ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng kanilang mga produktong petrolyo. Sa sunud-sunod na pagtataas na ito, hindi lamang mga tsuper at nasa sektor ng transportasyon ang nakadadama

ng perhuwisyong dulot nito. Nariyan ang mga manggagawa na haharap sa dagdag-pasahe sa kabila ng kawalan ng makabuluhang dagdag sahod, mga estudyante na pilit pinagkakasya ang kanilang kapos na allowance, mga magsasaka at mangingisda na papasanin din ang dagdag gastos sa krudo para sa kanilang kagamitan sa hanapbuhay


| 11 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

matagumpay na transport caravan noong Marso na nananawagan para sa pagbaba ng presyo ng langis na pinangunahan din ng mga miyembro ng PISTON. Hamon sa gobyernong Aquino ngayong 2012:

Mula sa www.arkibongbayan.org

Sa nakaraang taon, idinadahilan ng mga kumpanya ng langis ang malawakang krisis pampulitika sa Libya bilang pangunahing salik sa pagmahal ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. Di umano, ang nagaganap na digmaang sibil dito ang pumipigil sa suplay ng langis na nagreresulta naman sa pagtaas ng presyo nito. Ngunit sa ating bansa, tiyak at lantad na ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay krisis na dulot ng deregulasyon. Sa ganitong lagay, hindi mapipigilan ang mga kumpanya ng langis kung gugustuhin nilang itaas ang presyo ng mga produktong petrolyo anuman ang kanilang maging mga batayan. Binibigyang laya ng Oil Deregulation Law ang mga kumpanya ng langis na ipatupad ang overpricing, na pilit na itinatanggi ng gobyernong Aquino. Bilang tugon sa walang hanggang pagkagahaman sa tubo ng mga kumpanya ng langis, kabi-kabila ang mga inilunsad na protesta ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor na pinangunahan naman ng PISTON. Kasama ang mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, kabataan, kababaihan, maralita, at mga kawani ng gobyerno, ipinanawagan ang pagpigil sa pagtaas ng presyo ng langis, VAT sa langis, at ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law. Naging matagumpay din ang malawakang tigil-pasada na kanilang inilunsad noong Setyembre 19 sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Mula NCR, nagtigil-pasada rin sa Timog Katagalugan, Bicol, at halos kalakhan ng mga lungsod sa Mindanao.

Ngunit sa kabila ng mga panawagang ito, nananatiling hindi natitinag ang gobyerno at sa halip ay nagpatupad lamang ng programang nagbibigay ng barya-baryang pang-agapay sa mga tsuper, ang “Pantawid Pasada.” Ipinatupad ito matapos ang

Sa panibagong taong ito, nararapat na tugunan na ng gobyerno ang panawagan hindi lamang ng mga tsuper kundi pati ng lahat ng mamamayan na alisin ang VAT sa langis at tuluyang pagbasura sa Oil Deregulation Law upang matigil ang walang-ampat na pagtataas ng presyo nito. Nariyan ding dinggin ang panawagang isabansa ang industriya ng langis upang hindi na umasa pa sa pag-angkat sa pandaigdigang pamilihan na lalong nagbibigay-ganansya sa mga mapangabusong kartel ng langis sa bansa. Pambansang welga sa Nigeria laban sa pagsirit ng presyo ng langis

Sampu-sampung libo ang nagprotesta sa iba’t ibang panig ng Nigeria (West Africa) matapos bumirit ang presyo ng petrolyo nito lamang bagong taon. Dumoble ang presyo ng langis patungong $3.50 kada galon noong nakaraang buwan sa naturang bansa matapos alisin ng gobyerno ang subsidyo sa langis. Mabilis na kumalat ang protesta bilang tugon. Inokupahan ng mga mamamayan ang mga mayor na lansangan para igiit ang ibaba ang presyo ng langis. Matapos ang ilang araw ng welga, napilitan ang gobyerno na ibalik ang subsidyo sa langis para pansamantalang ibaba ang presyo ng mga produktong petrolyo.


| 12 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

7

Ang pag-ani ng tagumpay ng mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita ng paraan upang hindi matuloy ang pamamahagi. Ayon sa DAR, ligal umano ang hinihingi ng pamilya Cojuangco na kabayaran para sa just compensation dahil nakasaad ito sa CARP. Bagamat nagdesisyon na ang Korte Suprema hinggil sa pamamahagi ng lupa sa mga manggagawang bukid, nananatiling bukas ang posibilidad na maniobrahin ng pamilya Cojuangco-Aquino ang desisyong ito kaya’t hindi pa rin napapanatag ang mga magsasaka at manggagawang bukid sa kanilang nakamit na tagumpay.

Matapos ang paggunita sa ika-pitong anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre noong Nobyembre 17, ipinagutos ng Korte Suprema sa botong 14-0 noong Nobyembre 24 ang pamamahagi ng 4,916 ektarya ng lupain nitona kotrolado ng Hacienda Luisita Inc. sa mga manggagawang bukid nito . Iniutos din ng Korte na bayaran ng Hacienda Luisita ang mga manggagawang bukid ng nagkakahalagang P1.3 bilyon bilang kanilang bahagi sa halos 580 ektarya ng lupang hacienda na naipagbili na. Ang nakamit na tagumpay na ito ng mga magbubungkal ng Hacienda Luisita ay patunay ng tagumpay ng sama-samang pagkilos at paggigiit ng kanilang karapatan sa lupa. Subalit natapos ang 2011 na hindi naipamahagi ang libu-libong ektaryang lupain. Di umano, hindi libreng makukuha ng mga magsasaka ang bahagi ng kanilang lupa. Bagkus, kailangan nila itong bayaran bilang “just compensation” para sa dating mga may-ari, ang pamilya ng panginoong maylupa na mga Cojuangco-Aquino na kinabibilangan ni Pangulong Noynoy Aquino. Ang kanilang inangking taniman ng tubo sa Tarlac ay ilang henerasyon nang pinakikinabangan ng mga miyembro ng kanilang pamilya at mula rito ay nagkakamal ng limpaklimpak na kayamanan hanggang sa kasalukuyan. Tiyak na hindi papayag ang pamilya Cojuangco na mabawasan ang kanilang inangking lupa at tiyak na patuloy silang gagawa

Malakas ang paniniwala ng mga progresibong grupo na ang desisyon ng Korte Suprema sa Luisita ang dahilan ng agresibong pagtutulak ng Palasyo sa kasong impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona – na ngayon ay nahaharap sa paglilitis sa Senado. Ayon sa KMU, nais na mapatalsik ni Noynoy Aquino si Corona hindi dahil sa kagustuhan nitong maparusahan si Gloria kundi dahil sa pag-uutos nito na ipamahagi na ang hacienda ng kanyang pamilya. Dagdag pa ng grupo, sinasamantala ng Palasyo ang pagpupursigi ng mamamayan na panagutin si Gloria para pigilan ang pamamahagi ng Luisita.


| 13 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

Hamon sa gobyernong Aquino ngayong 2012: Sa kagyat, dapat na ipatupad ng Palasyo ang kautusan ng Korte Suprema hinggil sa Luisita sa halip na pagkaabalahan ang pamumulitika sa impeachment ni Corona. Ang pagpipilit nito sa “just compensation� ay higit lamang maglalantad sa pagsaklolo nito sa interes ng mga CojuangcoAquino sa hacienda. Upang tuluyang maipamahagi nang libre ang lupa

8

sa mga manggagawang bukid ng hacienda, nararapat na ipatupad ang Genuine Agrarian Reform Bill o GARB na tunay na tutugon sa suliranin sa lupa ng mga magsasaka at manggagawang bukid. Layunin ng GARB na libreng maipamahagi ang lupa sa mga may kakayahang magbungkal nito at pawiin ang dominanteng kontrol ng mga panginoong maylupa sa kanayunan. Bilang katuwang ng pagsasabansa ng mga industriya, ang pagpapatupad sa tunay na reporma sa lupa ang sagot din sa paglikha ng sapat trabaho sa bansa para sa mga Pilipino.

Pagharap sa mga kalamidad at matinding epekto nito sa mga manggagawa at mamamayan

Triple whammy: lindol, tsunami, trahedyang nukleyar sa Japan

at

Tiyak na hindi malilimutan ng buong daigdig ang pagbayo sa Japan ng tatlong magkakaugnay na sakuna noong unang kwarto pa lamang ng 2011: ang pinakamalakas na naitalang lindol sa kasaysayan ng bansa na umabot sa halos 9.0 magnitude tsunami na kumitil ng maraming buhay. Nagbunsod ito ng nukleyar na panganib mula sa nabulabog na Fukushima Nuclear Power Plant. Sinira ng mga trahedyang ito ang pangunahing kalsada, riles, imprastruktura, tirahan, at mga pabrika na tiyak na mararamdaman ang epekto sa mga ekonomiya at kabuhayan ng mga industriyang nasasaklawan nito at nakaasa rito sa Timog Silangang Asya, lalo ang Pilipinas. Maraming Pilipinong manggagawa ang nakasandig sa bansang Japan para sa kanilang kabuhayan. Sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA nitong 2010, nasa 5,938 ang naitalang bilang ng mga OFW na nagtratrabaho sa Japan. At sa tala ng embahada ng Pilipinas sa Japan, nasa 2,000 ang mga Pilipinong naninirahan sa loob ng mga napinsalang lugar ang sapilitan at boluntaryong umuwi

KILLER TSUNAMI SA JAPAN (Mula sa National Geographic)

sa Pilipinas upang makaiwas sa trahedya at sa nakaambang panganib na maaari pa nitong idulot. Hindi lamang ang mga Pilipinong nasa Japan ang nakadama ng epekto ng trahedyang ito. Ramdam din ng mga manggagawa sa Pilipinas ang epekto nito sa kanilang kabuhayan. Sa planta ng Toyota sa Laguna, nagbawas ang management ng araw ng pasok ng mga manggagawa. Mula anim na araw kada linggo, ginawa itong apat na araw na lamang sa loob ng anim na buwan. Di umano, dulot ang pagkaantala sa produksyon na ito ng suliranin ng pagbiyahe ng mga eksport na materyales mula Japan na siya namang kailangan nila sa produksyon dito. Sa kabilang banda, apektado ang mga manggagawa dahil liliit ang kanilang sasahurin dahil sa pagbawas ng araw sa kanilang pasok. Pansamantala ring


| 14 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

inalis ang double shift at ginawang isa na lamang kada araw. Malawakang pagbaha sa Bangkok Tinamaan naman ng malawakang pagbaha ang malaking bahagi ng Thailand kasama ang kabisera nito (Bangkok) noong 2011. Partikular sa mga matinding naapektuhan ng baha ang industriya ng pagmamanupaktura na may kinalaman sa automobile at electronics spare parts. Bilang pangunahing prodyuser ng spare parts at mahalagang bahagi ng supply chain lalo ng mga kumpanya ng automobile at electronics sa mga kumpanyang nakabase sa Japan, tiyak rin ang naging epekto nito sa mga manggagawang Pilipino. Halimbawa na rito ang Toyota na nakaranas ng pagkaantala sa produksyon dahil nalubog ang mga pabrikang gumagawa ng spare parts na kakailanganin naman sa pagbubuo ng kanilang mga sasakyan dito sa Pilipinas. Nito lamang Oktubre at kasagsagan ng pagbaha sa Bangkok, mula double shift kada araw ay ginawa na lamang na single shift ang kanilang trabaho sa pagawaan na nagtagal ng isang buwan. Ang pagbagal na ito sa produksyon bagamat maaaring sabihin na panandalian lamang ay tiyak na nakaapekto sa seguridad sa sahod at kabuhayan ng mga manggagawa nito. Sa tala ng POEA, mayroong 5,133 na mga OFW nitong 2010 na nagtratrabaho sa Thailand. Maging ang mga ito ay hindi nakaligtas sa pinsalang dulot ng pagbaha. Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Thailand, umabot sa 450 mga Pilipino ang naapektuhan at kinailangang lumikas. Sendong at ang trahedya sa Hilagang Mindanao Ilang araw bago sumapit ang Pasko ng 2011, humagupit ang matinding bagyo na “Sendong� sa bansa partikular sa bahaging Hilagang Mindanao. Apektado ng malawakang pagbahaang Cagayan de Oro, Iligan City, ilang bayan sa Misamis Oriental, Lanao del Sur at Lanao del Norte, at Bukidnon. Mahigit 1,400 ang nasawi, 1,000 ang nananatiling nawawala, at mahigit 600,000 indibidwal ang nasalanta.

Bagamat sanay na ang bansa bilang daanan ng bagyo, tila lubhang hindi naging handa ang bahaging ito ng Mindanao kung saan bihira naman ang pagdaan ng bagyo. Ngunit hindi ang kakaibang lakas ng pag-ulan na ito ang mauugat na dahilan ng matinding pagbaha. Bunga lamang ang sakuna ng matagal nang pagwasak ng mga malalaking dayuhang kumpanya sa mga kagubatan at kabundukan sa rehiyong ito. Talamak ang legal at illegal logging para magbigay-daan sa pagmimina na nagresulta sa pagkakalbo ng kagubatan ng Misamis Oriental at Bukidnon, pagkasira ng mga likas na daanan ng tubig gaya ng ilog at lawa, conversion ng lupa upang maging malalawak na plantasyon tulad ng Del Monte, at iba pang mga plantasyon tulad ng saging at tubo. Ilang araw lamang din matapos ang pagsalanta sa Cagayan de Oro at Iligan, sumunod na nakaranas ng malawakang pagbaha ang lungsod ng Valencia sa Bukidnon. Disyembre 27 nang umapaw ang Lumbayao Dam at Pulangui River. Walang naitalang nasawi ngunit daan-daang pamilya rin ang nalubog sa baha at nawalan ng tirahan. Ang mga kumpanyang nasa likod ng pagtrotroso at malalawak na plantasyon, bagamat hindi nararapat pahintulutan, ay matagal nang pinapayagan ng gobyerno at maging ng mga lokal na yunit ng pamahalaan ang pagpapatuloy ng mga gawain ng mga kapitalista na nakasisira sa kalikasan. Tinatayang mayroong mahigit 50,000 ektarya ng kabundukan kung saan pinapahintulutan ng gobyerno ang pagtrotroso ng mga pribadong kumpanya sa Hilagang Mindanao. Samantala, kalakhan ng mga bayan naman sa Bukidnon ay okupado ng mga plantasyon ng Del


| 15 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

Monte Philippines, na patuloy sa pangangamkam ng lupa upang magpalawak ng kanilang taniman ng pinya at saging.

nararapat na isulong at tugunan ang panawagan para sa pagsasabansa ng mga industriya at hindi na umasa sa mga dayuhang kapitalista na nananamantala.

Hamon sa gobyernong Aquino ngayong 2012:

At para sa kapakanan ng mga mamamayan at ng kalikasan, ngayong lantad na ang malagim na epekto ng pagtrotroso at kumbersyon ng gamit ng lupa at patuloy na pang-aabuso sa kalikasan sa pamamagitan ng pagmimina at pagsira sa mga anyong tubig, nararapat lamang na ipagbawal na ang ganitong mga gawain ng malalaking korporasyon. Marapat na itigil na ng gobyerno ang pagbibigay ng permit sa mga kumpanya ng pagtrotroso, minahan, at monopolyong pagtatanim. Marapat na unahin ng gobyerno ang pag-iisip sa kapakanan ng mga mamamayanan nito at hindi ng iilang kapitalistang nagpapakasasa sa ating mga likas na yaman.

Maliban sa mga hindi mapipigilang trahedya tulad ng lindol at tsunami na maaaring kaharapin ng iba pang mga bansa, hindi maiiwasan na maapektuhan ang kalakhan ng mga manggagawa rito sa ating bansa na ineempleyo ng mga kumpanyang pagmamay-ari ng mga dayuhang kapitalista. Mananatiling malapit sa kawalan ng seguridad sa sahod at kabuhayan ang mga manggagawa maliban pa sa mga trahedyang maidudulot ng pagkasira ng kalikasan: nariyan ang patuloy na tanggalan, kontraktwalisasyon, at iba pang porma ng pleksibilisasyon sa paggawa na masasabing mas malalang trahedya na kinakaharap ngayon ng sektor ng paggawa. Ang mga ito ay alinsunod pa rin upang lalong magkamal ng malaking tubo ang mga kapitalista. Upang tuluyang wakasan ang ganitong pananamantala sa mga manggagawang Pilipino,

9

Ang pagsusulong sa pagkakaroon ng pambansang industriyalisasyon ang tutuldok sa pananamantala ng mga dambuhalang dayuhang korporasyon na sumisira sa kalikasan. Ang pagsusulong din sa tunay na reporma sa lupa ang magwawakas sa monopolisadong mga taniman at plantasyon. Kailangang makawala sa kontrol ng mga panginoong maylupa at mga dayuhang kapitalista ang paggamit sa lupa at likas na yaman upang tuluyang maiwasan ang ganitong mga trahedya.

Hindi sapat na budget sa edukasyon at serbisyong panlipunan

Nanatiling mababa at hindi sapat ang badyet para sa edukasyon at mga serbisyong panlipunan sa kabuuan para sa taong 2011 sa kabila ng 77.7 pagtaas ng taunang badyet mula noong 2010. Ipinagmalaki ng administrasyong Aquino na sa P1.645 trilyon na kabuuang budget ng 2011, ang Department of Education ang may pinakamataas na budget (o P207.3 bilyon) sa lahat ng ahensya ng gobyerno. Subalit nanatili ang katotohanang ang pagbabayad utang ang pangunahing prayoridad sa usapin ng budget sa halagang P357.1 bilyon para lamang sa pambayad sa interes ng kabuuang utang. Sa primaryang edukasyon, naging mainit na usapin ang panukalang pagpapaganda ng

‘PLANKING’ SA MENDIOLA. Libu-libong estudyante ang nagplanking sa Mendiola para kondenahin ang kaltas sa 2012 badyet sa edukasyon. (Kuha ng STAND-UP CMC)


| 16 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

kalidad ng edukasyon sa ilalim ng tinatawag na K + 12 na programa kung saan dadagdagan ng 2 taon ang primaryang edukasyon, may Kindergarten, Grade 1-6, Grade 7-10 (junior high school), at Grade 1012 (senior high school). Ang pagpapahaba ng taon sa primaryang edukasyon ay lubhang napakahirap para sa mga maralita na hindi na makayanang makapagpatapos sa kasalukuyang programa. Dagdag pa rito, ang sistematikong kakulangan sa budget sa edukasyon ay hindi matutugunan sa ilalim ng programang ito katulad ng kakulangan sa klasrum (152,000), upuan (13 milyon), libro (32 milyon) at mga guro (103,000). Sa katunayan, ang idudulot ng K+12 na programa ay ang pagtataas sa “employability” ng mga kabataang nagtapos ng K+12 dahil sila ay nasa wastong gulang na at hindi na kinakailangang magtuloy pa sa kolehiyo o tertiaryong antas ng edukasyon. Samantala sa mga state universities at colleges, ipinagpapatuloy lamang ng administrasyon ni Pnoy ang komersyalisasyon at pribatisasyon ng edukasyon, kung saan layuning tuluyan nang maging self-sufcient ang mga pamantasan. Ito ay pinalala pa ng zero-based budgeting ng administrasyon. Nakaranas ng malaking pagbabawas sa budget ang mga pampublikong pamantasan, at itinulak na maglikom ng sariling kita sa pamamagitan ng pagtaas ng matrikula, mga bayarin, at tuluyang i-komersyalisa ang edukasyon. Nanatiling maliit ang pondo para sa kalusugan, P33.3 Bilyon lamang para sa Department of Health. Samantalang P21.2 bilyon na pondo ang inilaan para sa itinatawag na “dole out” na programang Conditional Cash Transfer (CCT) sa ilalim ng kabuuang P34.3 Bilyong budget para sa Department of Social Welfare and Development. Mariin ang pagtutol ng mga progresibong mambabatas sa alokasyon ng malaking pondo para sa CCT dahil hindi naman nito tunay na mabibigyang lunas ang laganap na kahirapan, ang pondo ay bulnerable sa korupsyon at ang programa ay dagdag sa utang ng gobyerno mula sa ADB ($400 M). Samantala, kulang na ang serbisyong panlipunan, patuloy pang hinagupit ng malawakang demolisyon

ang mga maralitang tagalungsod. Ayon sa Karapatan, noong 2011, may naganap na isang demolisyon bawat buwan, o katumbas ng di bababa na 3 pamilyang nadedemolis araw-araw. Ang ilan sa mga komunidad na nakaranas ng mararahas na demolisyon ay ang Barangay Corazon de Jesus sa San Juan City (100 pamilya, Enero 2011), Brgy. San Roque sa Navotas (466 pamilya), Pangarap Village sa Caloocan, Laperal Compound at Old Balara sa Quezon City, Sitio Manggahan, at Moonwalk sa Paranaque City, sa Sitio Looban sa Tondo, at Brgy. Welfareville sa Mandaluyong City. Patuloy naman ang mga clearing operations matapos ang mga “aksidenteng sunog” sa mga maralitang komunidad na nasa banta ng demolisyon katulad ng mga nasasaklaw ng planong Quezon City Business District. Para sa taong 2012 patuloy ang pagbibigay ng prayoridad sa pagbabayad utang sa budget ng gobyerno na may P333.1 bilyong nakalaan sa P1.816 Trilyong kabuuang budget para sa taon. Samantala naglaan lamang ito ng P49.9 bilyon para sa kalusugan at P309 bilyon sa edukasyon. Ito ay nangangahulugan ng P1.25 bawat araw para sa kalusugan ng bawat Pilipino, at P6.55 bawat araw naman para sa edukasyon. Hamon sa Gobyerno sa 2012: Kinakailangang bigyan ng prayoridad ng gobyerno ang pagbibigay ng batayang serbisyo sa mamamayan sa halip na paglalaan nito sa pambayad utang. May ilang panukala nang baguhin ang batas (Automatic Appropriations Act) na binibigyan ng seguridad ang pagbabayad utang sa taunang paglalaan ng budget. Ang pagiral ng Automatic Appropriations Act kasabay ng Zero-based budgeting ng gobyerno ay nangangahulugan lamang ng pagbabawas sa budget para sa mga batayang serbisyong panlipunan samantalang hindi nababawasan ang pambayad utang. Itinutulak nito ang mga ahensya ng gobyerno sa serbisyo na maglikom ng sariling pondo upang matugunan ang pangangailangan ng ahensya. Nangangahulugan ito ng bayarin para sa mga serbisyo ng mga ospital, paaralan at pabahay. Tungkulin ng gobyerno ang pagbibigay batayang serbisyo para sa mamamayan lalo na sa panahon ng krisis pang-ekonomiya.


| 17 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

10

Higit na pagsadsad ng lokal na ekonomiya

Pinatunayan ng patuloy na pagsadsad ng ekonomiya noong 2011 ang kawalan ng signipikanteng pagkakaiba ang Philippine Development Plan 2011-2016 sa mga pang-ekonomiyang programa ng mga nakaraang rehimen. Sa ikatlong kwarto ng nakaraang taon, bumagsak sa 3.2% ang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) – pinakamababa mula noong 2009. Napakalayo nito sa target na 4.5% GDP growth rate para sa buong taon ng 2011. Pangunahing dahilan ng higit na pagsayad ng ekonomiya ay ang epekto ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. Bumagsak ang eksport at agrikultura, at pangingisda. Ang eksport ay bumaba ng 19.4% sa Nobyembre 2011, kumpara sa antas nito noong 2010. Ang sektor ng electronics ay lumiit ng 34.5% kumpara sa nakaraang taon. Ang epekto ng krisis ng pandaigdigang ekonomiya ay makikita sa pagliit ng bilang ng mga nakarehistrong indibidwal na pagmamayari na mga negosyo (MSME), sa eksport- mula 245 bilang noong 2009, naging 126 na lamang sa taong 2010, sa manupaktura- mula 7,033 sa 2009, 4,517 bilang na lamang sa 2010 (NSCB, 2010). Noong Oktubre 2011, ang output ng mga paggawaan sa bansa ay bumaba ng 6.5% kumpara sa nakaraang taon ayon sa NSO dahil sa paghina ng produksyon sa mga mayor na sektor ng bakal, makinarya, electrical machinery, pagmanupaktura ng pagkain, footwear, at kasuotan. Ayon sa mga ekonomista, nahihirapan ang mga nasa manupaktura sa kumpetisyon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis habang ang kabuuang demand (domestic at internasyunal) sa kanilang kalakal ay mababa.

GDP growth rates (2009-2011)

Philippine export performance (2010-2011)

Sa survey ng NSO, 60.7% ng mga empresa ang may operasyon na 70%-89% lamang ng kanilang kapasidad, habang 24.1% naman ang may operasyon na mas mababa pa sa 70% na kapasidad. Ito ang nagpapatunay na matamlay sa kabuuan ang manupaktura noong nakaraang taon. Ang tantos ng karaniwang kawalan ng empleyo (unemployment rate) noong 2011 ay 7% o 2.814 milyong Pilipino, at 19.3% o 7 milyon ang underemployed o kulang ang trabaho. Ito ay nangangahulugan na mahigit isa sa bawat apat na Pilipino sa labor force ang walang trabaho o kaya ay naghahanap ng dagdag na trabaho. Samantala, mas malaki ang pagtataya sa unemployment ng SWS survey kung saan ang bilang ng unemployed ay umaabot sa 27.2% (Marso, 2011) o 11.3 milyong walang trabaho. Ang krisis sa empleyo ay lalong pinatitingkad ng datos na halos kalahati (45%) ng kabuuang may trabaho noong 2011 ay own-account at unpaid family workers, o iyong mga nasa impormal na sektor. Patuloy na lumaganap ang kahirapan, 52% ang itinala ng SWS survey sa bilang ng mga Pilipinong ikinategorya ang sarili bilang mahirap. Binago ng NSCB ang kalkulasyon sa


| 18 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

antas ng kahirapan noong 2011, dulot nito, mula sa 26% na poverty incidence batay sa lumang pamamaraan, naging 21% na lamang ang poverty incidence sa ilalim ng bagong pormulasyon ng ahensya. Hamon sa Gobyerno ngayong 2012: Labas pa sa pagbibigay serbisyo, kailangang ituon ang programa ng gobyerno sa kung paano makakalikha ng mga disenteng trabaho para sa mamamayan at hindi nakaasa lamang sa programang dole outs sa ilalim ng CCT, at pagbibigay ng dagdag na oportunidad, insentibo at akses ng pribadong mga kumpanya sa pampublikong pondo sa ilalim ng Public-Private Partnership o PPP. Sa katunayan, ang mga programang ito ay hindi na bago sa mga programa ng administrasyon ng dating Pangulong

11

Gloria Arroyo. Lalong hindi sasapat ang dalawang agship program na ito ng gobyerno upang paunlarin ang ekonomiya ng bansa. Sa halip ay pinapalaki lamang nito ang utang panlabas ng gobyerno dahil ang mga programang CCT at PPP ay nakaasa pa rin sa dayuhang pautang. Higit sa lahat, hindi matutugunan ng mga programa sa ilalim ng Philippine Development Plan 2011-2016 ng adminstrasyon ang matinding epekto ng pandaigdigang resesyon sa ating ekonomiya. Pinananatili lamang na bulnerable ang ekonomiya ng bansa sa maselang kalagayan ng pandaigdigang ekonomiya.

Pag-igting ng pandaigdigang resesyon at paglaban ng mamamayan ng daigdig

Tumatak ang taong 2011 sa kasaysayan bilang taon ng kaliwa’t kanang pag-aaklas sa lansangan sa iba’t ibang panig ng daigdig – mula Amerika hanggang Greece at Tunisia – bunga ng papatinding epekto ng pandaigdigang krisis na sumambulat noong 2008. Niyanig ang mga naghaharing rehimen ng pagbalikwas ng mga mamamayan nito sa harap ng malawakang kawalan ng trabaho, mababang pasahod, pagsirit ng mga presyo ng bilihin, at pagkaltas sa badyet para sa serbisyong panlipunan at mga benepisyo.

Sa Europa, daang libo ang nagprotesta sa Spain at sa Greece upang labanan ang austerity measures ng kanilang mga

Occupy protest sa Estados Unidos na nilahukan ng libu-libong mamamayan

Pag-aalsa ng mga mamamayan ng Egypt laban sa maka-US na diktador na si Hosni Mubarak. Matapos ang ilang araw, napatalsik ang diktador.

«

Naging makasaysayan ang tinawag na “Arab Spring”, ang sunud-sunod na pag-aaklas ng mga mamamayan sa Gitnang Silangan at Timog Aprika para sa demokratiko at ekonomikong reporma sa kanilang bansa. Unang sumambulat ang higanteng protesta sa Tunisia at Egypt, kung saan napatalsik ang mga rehimeng tuta ng imperyalismong US.


| 19 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

pamahalaan bilang tugon umano sa krisis pang-ekonomiya. Kinondena nila ang pagtapyas sa pension at pondo para sa serbisyong panlipunan. Pinangunahan ng mga malalaking unyon at pederasyon ang mga pangkalahatang welga na nilahukan ng iba pang sektor at pumaralisa sa operasyon ng mga daungan, paliparan at iba pang pangunahing transportasyon. Malinaw na aktibo ang mga rehimen sa Europa sa pagtutulak ng austerity measures dahil sa higit na pagkabaon sa utang bunga ng paglustay nito sa pondo ng mamamayan para i-bailout ang mga malalaking bangko at korporasyon. Sa mismong pusod ng imperyalistang US, pumutok ang serye ng kilusang protesta sa ilalim ng islogang “Occupy Wall Street” nitong huling kwarto ng 2011 sa pangunahing mga lungsod. Dala-dala nito sa pangunahin ang paglalantad at paglaban sa mga neoliberal na patakaran at paghahari ng pinansyal na oligarkiya na nagdulot ng malawakang disempleyo at kahirapan sa daigdig. Ito ay nilahukan ng libu-libong mamamayan at kumalat sa iba’t ibang bansa. Iginuhit ng kilusang Occupy ang paghamon ng mamamayan o ang “99 percent” sa umiiral na sistemang dominado ng mga pampinansyang oligarkiya. Gayunpaman, nanatiling ispontanyo at di-organisado ang mga pagkilos na ito. Ang lumalalang pang-ekonomiko at sosyal na kalagayan sa lahat ng bansa ang naging matabang lupa para sa pagdami ng mga pag-aalsa at kilos protesta. Laganap ang kawalan ng trabaho saan mang panig ng daigdig. Ayon sa International Labor Ofce (ILO), tinatayang 20 milyon na ang nawalan ng trabaho mula nang pumutok ang krisis noong 2009. Inaasahang aabot ang datos ng aktwal na nawalan ng trabaho sa 40 milyon ngayong 2012. Sa Estados Unidos, mayroong 13 milyong walang trabaho na bumubuo sa 8.5% unemployment rate para sa taong 2010. Sa 27 kasaping bansa sa European Union (EU-27), may itinalang 23.6 milyon ang walang empleyo, tumaas ito ng 55,000 kumpara sa taong 2010. Habang ang Spain (22.9%) at Greece (18.8%) ang may pinakamataas na unemployment rate sa rehiyon. Ayon sa ILO, sa inilabas nitong Global Employment Trends 2012, ang tindi ng krisis sa empleyo ay nagdulot ng 200 milyong walang empleyo sa buong mundo, at kinakailangang lumikha ng 600 milyong trabaho sa loob ng sampung (10) taon upang makabawi sa krisis at manatili ang panlipunang kaayusan.

Subalit sa kasalukuyang itinatakbo ng pandaigdigang ekonomiya, mismong ang mga multilateral na pinansyal na institusyong katulad ng International Monetary Fund (IMF) ang nagsasabi na tatagal pa ang pandaigdigang resesyon at wala pang kasiguruhan kung ang

krisis ay maaalpasan. Patuloy na bumaba mula 5.1% ang output ng pandaigdigang ekonomiya kumpara noong 2010 sa antas na 4% na lamang ng 2011. Ang real GDP, o aktwal na paglago ng ekonomiya, ng mga imperyalista at abanteng kapitalistang bansa ay bumaba ng halos kalahati ng antas nito mula 3.1% noong 2010 patungong 1.6% noong 2011, habang patuloy ang pagkitid ng kanilang real total domestic demand mula 2.9% noong 2010 ay naging 1.4% na lamang sa 2011. Ang patuloy na pagtumal ng ekonomiya kumpara sa taong 2010 ay nagpapatunay na hindi kayang resolbahin ng mga bailouts at pagsalba ng gobyerno sa mga naluging mga bangko sa pamamagitan ng paggamit ng pampublikong pondo ang krisis na idinulot ng pinansyalisasyon. Dagdag pa ang hagupit sa pandaigdigang ekonomiya na idinulot ng lindol at tsunami sa Japan noong Marso 2011, at ang pagtaas ng presyo ng langis dulot ng political instability at pag-aalsa sa mga bansang nagpoprodyus ng langis. Ang trahedya sa Japan ay nagdulot ng pagbaba ng ½ porsyento sa world output, ang pagmanupaktura sa mga kotse ay bumaba ng 30% sa buong mundo. Ang halos


| 20 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

25% na pagtaas ng presyo ng langis ay nagpababa ng ¼ hanggang ½ porsyento sa global output. Sa katunayan para sa taong 2012, mayroong prediksyon ng muling pagsambulat ng panibagong krisis dahil sa kinakaharap na sovereign debt crisis ng mga imperyalista at abanteng kapitalistang bansa. Dahil sa paggamit ng pampublikong pondo para sa bilyun-bilyong dolyar na ginamit ng mga gobyerno sa pag-bail out sa mga dambuhalang korporasyong naapektuhan ng krisis sa pinansya noong 2009, ang karaniwang utang ng mga gobyerno ay tumaas mula 66% hanggang 84% ng kanilang GDP sa panahon mula 2009 hanggang 2010. Ang sovereign debt crisis sa Europa at Estados Unidos ay nangangahulugan ng kawalan ng kakayahang magbayad ng mga gobyerno sa kanilang mga utang. Dagdag pa rito ay ang patuloy na pagiral ng mga nancial risks sa mga nancial derivatives. Ang matumal na produksyon at aktibidad ng ekonomiya ay may kaakibat na pagbaba ng Real Total Domestic Demand sa pamilihan ng mga abanteng kapitalistang bansa, mula sa 2.9% noong 2010 tungo sa 1.4% sa 2011. Ito ay dahil sa malawakang disempleyo at pagbaba ng tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa. Ang ganitong kalagayan ay lalo lamang nagpapalala sa pandaigdigang resesyon. Sa patuloy na pagsadsad ng pandaigdigang resesyon at kawalan ng tunay na solusyon para matugunan ang krisis ng monopolyo kapitalismo, nagiging mas makabuluhan ang panawagan ng uring manggagawa na magkamit ng tunay at radikal na pagbabago sa sistemang panlipunan. Hamon sa gobyerno para sa 2012 Pinatunayan ng kasalukuyang matagalang pandaigdigang resesyon na ang pundamental na batayan ng neoliberal na polisiya at globalisasyon ay lalo lamang nagpalala sa krisis ng monopolyo kapitalismo. Sa dalawang dekada ng pagpapatupad ng neoliberal na polisiya, walang benepisyong natanggap ang mayorya ng mamamayan ng daigdig. Ito ang panahon upang magpatupad ang gobyerno ng mga radikal na programa at polisiya na nakatuon

sa pagtatayo ng pundasyon para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa nang hindi nakaasa sa globalisasyon at external na pamilihan. Sa pamamagitan ng paglalatag ng mga salik upang makamit ang tunay na pambansang industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo, ang pag-unlad ng ekonomiya ay nakasalig sa pagpapalakas ng sariling industriya at agrikultura at pagbibigay prayoridad sa pangunahing pangangailangan ng mamamayan. Ang pagpapasigla ng lokal na pamilihan sa pamamagitan ng paglilikha ng mga trabaho, pamamahagi ng lupa, suporta sa magsasaka, pagtatayo ng mga batayang industriya, at pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa, serbisyo sa mamamayan, ang ilan sa dapat na bigyang prayoridad upang pasiglahin ang lokal na ekonomiya. #

eton... ang buwan sa banig ng mga bituin. Pagbuksan nyo kami. Ngunit kung ayaw kaming patuluyin kami’y magiging ligaw na hangin, bibikig sa inyong paglunok at lalamunan; hihiwa’t pupuwing sa inyong nakamulagat na pagmamasid at titig. Kung kami man ay maligaw, hindi kami matutulad sa dilang lansangan ng Babel. Ihahatid kami pabalik ng aming kabataan. Dahil sa bisig nito, nakadugtong ang aming apdo at likaw, nakasingkaw din sa mapa ng aming hinagap: tulad ng mga kalyehon na sa lansanga’y nakaugat pumipintig sa aming kalyuhing palad. #

Sa ika-31 anibersaryo ng EILER: “MANGGAGAWA, LIKHAIN ANG KASAYSAYAN!” Porum hinggil sa istorikal na papel ng uring manggagawa sa panahon ng imperyalismo Feb. 17, 2012, 1 p.m. Venue: to be announced


| 21 | Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)

buhat. ay maging matibay na gusali sa Huwag kaming kalimutan. bulsa ng kapitalista. Tisoy Perez, Hindi aksidente Vicente Piñion, na tayo’y bumulusok sa ating William Bañez, Para sa kanila, ang araw na iyon, libingan. Jaykie Legada Enero 27, 2011, ay isang aksidente Tisoy Perez, Jeffrey Diocado. lamang; Vicente Piñion, Dahil dugo namin ang nagpapatibay isang buhol na napigtas sa William Bañez, sa muhon karaniwang Jaykie Legada sa pader pagbabanat ng araw. Jeffrey Diocado. at kisame ng nagtatayugang gusali at Napatid ang gondola at bumulusok Hindi aksidente kondominyum. tayo o kapritso ng kasaysayan ang ating Buhayin ang aming alaala sa mga sa sanga-sanga ng iskapolding tadhana panawagan: na gulugod ng itinatayo nating kundi itinatakda, pinahihigpit ng sakal Itaas ang sweldo! lunsod. ng makina at pihit ng granahe. Katatagan sa paninirahan! Joel Avecilla, Kalayaang mabuhay nang marangal! Michael Tatlonghari, Kung kaya dahil hindi tadhana, Huwag nyo kaming kalimutan dahil Celso Mabuting, nasa atin ang pagguhit; ang muli kaming babalik. Kevin Mabunga, pagtukoy sa krokis. Benbon Cristobal. Sinusukat natin sa balikat at biyas Joel Avecilla, Ngunit hindi aksidente na tayo’y ang lawak ng lungsod Michael Tatlonghari, ganito: at kahit ang kanyang sinisinok na Celso Mabuting, tinatakal ng orasan, buntonghininga Kevin Mabunga, kinukutsara ng tanghalian ang ating tulad ng mga umaga na nagkakape Benbon Cristobal. lakas tayo pinapalitadahan ang ating katauhan at nakatanghod Dahil tulad ng abo na nakalagda sa ngunit laging kulang ang salop. aming noo, Dahil itinutulak tayo tinatanaw ang paghahatid sa yapak papagaspas ang uwak na sa pagmamadali’t dupikal ng kung saan muli hahantong ang apak nakahapon sa aming balikat; batengteng; upang pagbalik sa bahay, at sa tutukain ang kawayan habang hindi nila inireremit ang ating SSS; minamahal, pasingkad sa alapaap at ang 404 piso dapat ay may ngiti -- kasingkalansing ng upang magtiyap at bumalik ang na arawang sahod ating hawak na barya – heograpiya ng lawas ay tinitipid, ang ngiti nating ipapasalubong. tulad ng kung paanong inuumit Kahit nasa ating balikat ang bigat ng ang mga nawala’t ninakaw sa amin upang tulad ng syudad, ay makikita namin sa takdang araw bloke-blokeng gumagaan ito dahil sa anak na na kumakatok sa aming tarangkahan semento naghihintay ng kalong at -nakahain sa lamesa’t kusina o nakasuksok sa malambot na unan ng aming himbing sa pagtulog at paghabi ng dakilang panaginip laluna’t hugis singkaw

eton ni Richard Gappi

[sundan sa p. 20]


Ekonokomiks

Enero 2012 Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)


EILER Datos (January 2012 issue)  

Datos is the quarterly magazine of the Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER), www.eiler.ph

Advertisement
Read more
Read more
Similar to
Popular now
Just for you