Issuu on Google+

HAPPY NEW YEAR TO ALL!

CENTRAL LUZON

December 27 - January 2, 2013

Volume 2, No.50

TarlacPangasinanLa Union Expressway Bubuksan na sa Mayo. . . p.9 CONSUMER CORNER... p.9

E-TRIKES SUSUNOD NA SASAKYAN NG PINOY...p.9

VY D’ WORKING P.3 GOVERNOR


EDITORYAL BASURANG PROBLEMA NG SIYUDAD, NAIBASURA NA BA? Habang nagkakasayahan sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, nagkalat ang mga basura na pinagbalutan ng mga pagkain, inumin, mga paputok at iba pang nabubulok at di naubos na mga pagkain. Matapos ang mga pagdiriwang, tambak ang sako-sakong basura na naka-abang sa tabi ng mga kalsada sa Tarlac City. Maaaring ganun din ito sa ibang lugar. Tapos na ang kontrata sa basura at ibinasura ng Sangguniang Panlungsod ang kontrata sa isang kumpanyang iko-convert ang basura sa enerhiya sa siyudad ng Tarlac dahil sa pagsisimula at epekto ng pulitika. Sa mga basurang nagkalat at hindi agad mahakot ay katakut-takot na mikrobyo ang dala nito sa mga mamamayan. Maaaring magdulot ito ng sakit o epidemya. Hindi na matapos-tapos ang problemang ito kung hindi ito uupuan ng mga opisyal ng pamahalaan na sinasabing nagmamahal sa kapaligiran at mga mamamayan. Sino ang mag-uumpisa na siyang mag-trigger upang simulan ang layuning ito na mapabuti ang kapaligiran at maisaayos ang kalalagyan ng basura ng hindi ito pinagsasamantalahan ng ilang nagmamahal sa salapi. Kawawang Tarlac City dahil puro simula at panay pakitang tao lamang ang misyon nila na malinis ang siyudad ng totoo. Sino ang magsisimula ng kabayanihan, para sa pangkalahatan? Mayroon pa ba? Kung pinabayaan tayo ng mga nakalipas at kasalukuyang naglilingkod sa pamahalaan sana’y makapili tayo sa susunod na halalan ng tunay na mangangalaga at prayoridad ang kalinisan ng kapaligiran. May programa, at may pormulang maihahain at maipapatupad ng maayos para sa bayan. Sana may makita pa tayong bayaning lingkod-bayan na magmamalasakit para sa kapakanan ng lahat at hindi pansariling kagustuhan lamang ang iiral. 2013 na, sana mayroon pang titindig na nagmamahal sa kapaligiran at mamamayan! Pero sino? Manalangin tayo, sana meron pa.

OFF D’AIR NI JESS MALVAR

PULITIKA AT NEW YEAR’S RESOLUTION

2013 na, ang usap-usapan ngayon kahit saang sulok ay pulitika. Piliin naman natin ang mga uugit at mamumuno sa ating bayan sa susunod na tatlong taon. Ang pagpili ay suwertihan lang, para kang namimili ng itlog, iyong ina-alog-alog at inaalis ang bugok. Maraming nagsasabing sila daw ay maglilingkod sa bayan? Ano kayang kalseng paglilingkod? Una nating hanapin ay kung ito ba ay may track-record na maganda sa kanyang pinagdaanang buhay sa gobyerno man o sa pribadong sector o sa sariling buhay. Unang kuwalipikasyon; ang pipiliin mo ba ay yaong tapat sa bayan o sa pamilya, at higit sa lahat na dapat mong tingnan ay kung siya ba’y tapat sa Diyos? Noong nakaraang kolum natin nabanggit ko ang taong nagtanong sa akin kung sino raw ba ang mayorable na may takot sa Diyos? Sabi ko wala akong alam na kandidatong mayor na may takot sa Diyos ang alam ko may takot sila sa kanilang asawa. Ang kuwalipikasyong ito ay malaking bagay para sa kanya, sa paniwalang, kung ang pulitiko ay may takot sa Diyos hindi ito gagawa ng ano mang bagay na hindi naaayon sa batas ng Panginoon. Pero kung sa asawa lang daw takot ang pulitiko, nakakaawa na naman ang kabang bayan natin, dahil kapag sinabi nito na “BIGYAN MO AKO NG MILYONES!” lahat ng paraan ay gagawin nito, maibigay lang ang luho ng asawa, kahit na magnakaw pa ito sa pondo ng gobyerno. May tumatakbo ngayon sa pagka-Mayor, grabe ang takot sa asawa, di makakibo yung mama dahil hawak ng asawa ang pondo, takot itong layasan dahil madalas na ipinanakot sa kanya kapag nagagalit si babae. Sa nakikita ko, mas masahol pa ito kung ang asawa ang maupo sa trono, baka lalong tataob ang kaban ng siyudad. Sabagay baka hindi na rin ito sasadsad, maraming hangin lang nito sa katawan, lalo na yung babae. ooo000ooo Naaalala ko pa ang sinabi ng ninong ko sa kasal na naging Konsehal. Ang pulitika daw ay may MAGIC, dahil ang mortal niyang kaaway noon ay naging kakampi na niya at ka-line-up pa sa partido. Maaaring totoo ang sinasabi ng ninong ko. Pero saganang akin, hindi ako pabor sa tinuran niya, dahil kung ikaw ay taong may delikadesa o prinsipyo kahit kaunti ay hindi ka sasama sa dati mong binabatikos dahil lamang sa pulitika, o dahil sa kagustuhan mong makabangon sa pagkalugmok. Puwede ka pang makabangon sa sarili mong paraan ng pagtayo, ‘yon ay kung Sundan sa ...p.10

CENTRAL LUZON

Jess P. Malvar Publisher / Editor Malou P. Malvar Marketing Manager Col. Eduardo Robea Zenaida Robea Production/ Consultant Ruby Bautista Marcelo Candelaria Ad Consultants

2C

ENTRAL

Mark Jessel Malvar Layout Artist Charito Valencis Office Staff Atty. Edward Robea Atty. Christopher Basilio Legal Counsels

LUZON BANAT NEWSMAG DECEMBER 27-JANUARY 2, 2013

BANAT Newsmag is a Community NewsMagazine, Published in Taglish, circulated in Central Luzon with Editorial Business Office @ Tarlac City. For Subscription, Advertisement, Extra-Judicial Publication, etc. call or text 09473120452 or email @ diyaryobanat@yahoo.com / jessmalvar@gmail.com. website http://clbanat.webs.com


VY D’WORKING GOVERNOR Ilang Barangay Officials sa bayan ng Sta Ignacia at mga residente doon ang nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Governor Vic Yap dahil marami na umano itong naitulong sa kanilang barangay at bayan. Kaya sa kanyang huling termino ay ibibigay pa rin umano nila ang buong suporta sa working Governor. Naniniwala ang mga ito na hindi sasayangin ni Govic ang kanyang career sa mga tsismis na inilabas ng mga kalaban sa pulitika. Sa ngayon anya ay puwede pang mag-kampante si Governor Vic Yap na muli nitong makukuha ang mandato sa pagka -Governor ng Probinsiya ng Tarlac sa ikatlong termino nito. Nagpahayag din ng suporta ang mga barangay officials ng Gerona, Victoria, Capas, Bamban at iba pang bayan dahil subok na umano nila ang leadership at performance ni Governor Vic Yap. Malaki ang paniwala ng mga ito na matatapos ni Govic ang kanyang termino bilang gobernador. Mas kilala umano nila kung paanong magdesisyon at tumulong itong si Yap sa mga residente ng lalawigan. Sa dalawang terminong panunungkulan nito bilang Governor, marami nang proyektong naipagawa para sa Probinsiya ng Tarlac kaya’t walang dahilan na hindi siya mananalong muli sa pagkagobernador ng lalawigang Tarlac. Ito ang mariing pahayag ng mga barangay officials sa mga nabanggit na bayan. Patunay na may magandang performance si Govic, ng gawaran ng parangal ang lalawigan ng Tarlac bilang Outstanding Province at Outstanding in Governance na ibinigay ng Department of Interior and Local Government mula pa sa panunungkulan ni dating DILG Secretary Jesse Robredo at maging ang kasalukuyang DILG Secretary Mar Roxas. Ang mga parangal na ito ang nagbibigay sa kanya ng matinding inspirasyon upang lalong pag-ibayuhin ang kanyang panunungkulan. Tinanggap nito ang Most Outstanding Province in Region 3 at Seal of Good Housekeeping. Pinarangalan din ng Malakanyang ang probinsiya bilang Most business Friendly LGU na mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nag-abot mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, dagdag pa dito ang Gawad Pamana ng Lahi Award at best eGov Customer Award. Ilan lamang ‘yan sa mga pambansang parangal na natanggap ng probinsiya sa pamamagitan ng pamamahala ni Governor Vic A. Yap. Umani ng tagumpay ang kanyang programang “Sulong Tarlac” TAO ANG UNA. Binigyan niya ng prayoridad ang Pagkain, Trabaho, Kalusugan at Edukasyon. Ang mga matatagumpay na proyekto nito para sa mga mamamayan ay pagkain, inilunsad ni Govic ang Natural Tarlac, isinulong nito ang Organic Farming na ngayo’y ginagawa na rin sa ibang siyudad sa bansa tulad ng Davao. Sa Trabaho naman, nilikha ang IT Park na gumawa ng mahigit tatlong libong trabaho at patuloy na training sa Information Technology at computers. Ang provincial Employment programs na lumikha ng mahigit dalawampung libong manggagawa, mga pagsasanay sa pagnenegosyo at livelihood at libu-libong scholarship at training grants. Inilunsad din ang Community Based Training Program na lumikha ng mahigit 35 libong trabaho

Governor Vic Yap, nagbigay ng tulong pinansiyal sa mga may kapansanan nating kababayan.

Tarlac Governor Victor Yap, together with the Department of Heath [DoH] Assistant Secretary Eric Tayag, Second District Representative Susan Yap and DoH Region III Director Rio Magpantay led the soft opening of the eye center

Nagkaroon ng maraming trabaho sa pagpasok ng turismo sa Tarlac sa pamamagitan ng Eco Tourism at Recreational Park sa Bayan ng San Jose kung saan ginanap dito ang Palarong Pangrehiyon CLRAA at Palarong Pambansa. Sa Kalusugan, inilunsad ang Early Child Care and Development, dinagdagan ang kuwarto ng Provincial Hospital ng 500 bed capacity, inilunsad ang Tarlac Provincial Eye Center, Regular na Blood Letting Projects para magkaroon ng sapat na supply ng dugo sa probinsiya sa pakikipagtulungan ng Tarlac RedCross, nag donate din ng Redcross Mobile Clinic kaya’t sunodsunod na parangal ang inani ng probinsiya, sa pamamagitan ni Governor Yap sa PNRC National Office bilagn Sandugo Awardee. Bukod sa Trainings, pinagana rin ni Yap ang Infrastructure and maintenance program sa pagtatayo ng mga paaralan, tulad ng ng bagong gusali sa TSU sampu at iba pang paaralan sa lalawigan, mga daan, irigasyon. farm to market roads upang mapabilis maibiyahe ang ani ng mga magsasaka sa kalunsuran. Inilunsad din niya ang pangangalaga sa kapaligiran upang mapayabong ang turismo sa lalawigan sa kanlurang bahagi ng lalawigan. Ilan lamang ‘yan sa mga nabanggit nating accomplishments ni Governor Victor Areno “VY” Yap. Madali siyang lapitan at makausap. Madali ring hanapin sabi nga “isang text lang” at tutugon si VY.- (Banat) CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG DECEMBER 27-JANUARY 2, 2013

3


“GIVE ME A CHANCE” - ERNIE GALANG Si Ernie Galang ay 13 taong nanungkulan bilang barangay Captain, 3 taon siyang barangay kagawad sa Barangay Maliwalo, Tarlac City. Naging ABC President ng Liga ng mga Barangay. Mga karanasang sapat upang siya'y pagtiwalaan ng ating mga kababayan. Isa siyang masipag at responsableng padre de pamilya, tapat na public servant at magaling makisama. Simpleng tao lang siya, subalit may malawak na karanasan. A man of few words pero mas maraming gawa kaya naman iginagalang siya ng mga kakilala at kaibigan. Pangarap din ni Ernie Galang na mapabilang sa konseho ng siyudad upang makatulong sa ating pamahalaan. Marami siyang gustong gawin at ipanukala upang magkaroon ng tunay na pagbabago sa ating siyudad. Kung mabigyan siya ng pagkakataon nang ating mga kababayan na maupo sa konseho, ibibigay umano niya ang kanyang buong lakas at talino upang makatulong na mapaunlad ang ating siyudad. Umaapela siya sa ating mga kababayan na sana'y bigyan siya

Si Joji David ay nanungkulan na nang mahabang panahon bilang City Councilor, naging Ex-Officio Member ng Sangguniang Panlalawigan subalit ngayon ay pinangarap niyang mapabilang sa regular na miyembro ng Provincial Board. Dahil sa magandang performance nito bilang public servant, walang duda na susuportahan din si Board Member Joji David ng mga kababayan natin sa Segundo Distrito. Ang sigaw ng masa “JOJI DAVID ang aming Board Member!” ERNIE GALANG ng pagkakataon, upang mapatunayan ang kanyang sinseridad sa panunungkulan. Ayon pa kay Galang; “WALA MAN AKONG PERANG I PA N G TATA PAT, MAGSERBISYO NAMAN AKO NG TAPAT!” CITY COUNCILOR ERNIE GALANG PO SA 2013 dala niya ang battlecry na “SULONG TARLAC CITY, TULOY ANG SIGLA KUNG MAGSISIKAP; MAY PAGBABAGO AT WALANG IWANAN TUNGO SA IKAUUNLAD NG S A M A B A Y A N G TARLAKENYO.”let us give him a chance!

MASAGANANG BAGONG TAON! SA LAHAT...

CITY COUNCILOR - CANDIDATE

4C

ENTRAL

JOJI DAVID TATAKBONG BOARD MEMBER

LUZON BANAT NEWSMAG DECEMBER 27-JANUARY 2, 2013

Masaganang Bagong Taon sa Inyong Lahat... Mensahe Mula kay;

TYRONE AGANON City Councilor Candidate Former Board Member-2nd District


MARK MARTINEZ

TINIG NG MGA KABATAAN SA KONSEHO Si Kagawad Mark Martinez ay kilalang pamilya sa Barangay San Rafael, Tarlac City. Self made man, masipag, negosyante at programmer. Iniidolo ng mga kabataan, dahil sa kanyang clean living style. Sakaling siya'y palarin na manalo bilang City Councilor, bibigyan umano niya ng panahon at attention ang mga kabataan na matuto sa larangan ng computer programming upang maging globally competitive ang mga kabataang produkto ng ating siyudad. Tuturuan umano niyang mangarap at gumawa ng sariling pangalan ang mga ito upang maipagmalaki hindi lamang ng kanyang mga magulang kundi ng buong siyudad. "Tulad n'yo ay nangarap din ako, nagsikap upang marating ang aking kinalalagyan ngayon, ang maging GAME PROGRAMMER." Kung nagawa ko ito, alam kong magagawa rin ng ating mga kabataan.. Sa gabay na rin ng mga taong may kaalaman hinggil dito.” "Kaya't hinihiling ko po sa inyo mga kababayan, ang buong suporta upang ako'y maluklok sa konseho, para matulungan ko

SINO SI...

JOSE LORENZO Wala man akong perang ipangtatapat, Magserbisyo ako ng Tapat! “JELO”namanHONRADO

Mahal Kong mga Kababayan, Ako

po

si

JOSE

ERNIE GARCIA

MARK MARTINEZ ang mga batang may pangarap na umasenso sa buhay sa larangan ng computer programming at magbago tungo sa kanilang tagumpay.” Ang pangarap ko'y pangarap din ng mga makabagong kabataan.. Kaya't kung ako po ay inyong susuportahan sa pulitika, para n'yo na rin pong sinuportahan ang ating mga kabataang mangarap na makilala sa kanilang sariling paraan. SERYUSO PO AKO PARA SA PAGBABAGO! “KAGAWAD MARK MARTINEZ PO ANG INYONG ABANG LINGKOD. SAMAHAN N'YO PO AKO SA AKING MGA PANGARAP.”

MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!!! MULA KAY

ROY MAGBAG CITY COUNCIL OR - CANDID ATE COUNCILOR CANDIDA

LORENZO "JELO" TAPISPISAN HONRADO isinilang noong Setyembre 25, 1987 at kasalukuyang naninirahan sa DPCH, Barangay Central, Tarlac City. Ako po ay nag-aral ng elementarya sa College of the Holy Spirit at High School naman sa Don Bosco Technical Institute (DBTI) Tarlac. Nagtapos ng kursong BS-HRIM sa Dela Salle College of Saint Benilde at kumuha ng diploma at Masters Degree in Public Administration sa Tarlac State University. Anak po ako nina JOSE DANILO (Dan) HONRADO na Director ng Clark Development Corporation (CDC) at dating Chief of Staff ni President Noynoy Aquino at MA. PERPETUA TAPISPISAN HONRADO empleyado sa isang Private Company sa Makati. Panganay akong anak, at ang mga kapatid ko ay sina Ma. Isabella, 23 taong gulang, empleaydo ng JP Morgan Chase, Jose Paolo 18 taong gulang, 2nd year college sa USST at Jose Miguel Carlo 16 taong gulang, 4th year High School sa Tarlac Montessori School. Sa pamamagitan ng liham na ito ay gusto ko pong ipaalam sa inyo na ako po ay lalahok sa darating na halalan sa May 2013 bilang Konsehal ng Siyudad. Makakaasa po kayo na isasaisip at isasapuso ko ang tapat na paglilingkod sa sambayanang Tarlakenyo. TARLAC BAGO AKO! Ito ang gusto kong iparamdam sa inyo mga mahal kung kababayan. Lubos na Gumagalang,

JELO HONRADO

BE A DONOR DONATE

BLOOD TODAY CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG DECEMBER 27-JANUARY 2, 2013

5


KAMPANYA NI DRA. MENCHU BUCAD LUMALAKAS Sa kasalukuyan ay patuloy na lumalakas ang kampanya ni Dra. Menchu Bucad matapos itong mag-deklarang tatakbong City Councilor.

Madali nitong nakuha ang kumpiyansa ng taong bayan dahil mula pa noon ay may nagawa na itong kabutihan sa mga residente ng Tarlac City sa pamamagitan ng mga Medical at Dental Mission, pamamahagi ng mga tsinelas sa mga kabataan tuwing school opening,

MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON SA AKING MGA KABABAYAN SA GERONA DRA. BUCAD at libreng salamin sa mata, lalo na sa mga mahihirap nating kababayan, kaya naman nang magpahayag ito ng paglahok sa pulitika sa darating na 2013, agad itong sinuportahan ng mga residente. Si Dra. Menchu Bucad ay isang Optometrist at matagumpay na negosyante, kaya hindi na nito kailangang maghanap-buhay sa pulitika dahil noon pa man ay matatag na ang kanyang kabuhayan, totoong tao, madaling lapitan, masipag at may pagmamahal sa kapwa. Hanggang ngayon ay patuloy pa siyang tumutulong sa mga taong higit na nangangailangan, dahil sa paniwalang umaapaw din ang mga biyayang binibigay ng Panginoon sa kanyang pamilya. Marami ang nagbuluntaryong tumulong kay Dra. Bucad dahil nakita nila na ito’y maaasahan sa lahat ng panahon. MULA NOON HANGGANG NGAYON AY PATULOY NA TUMUTULONG SI DRA. MENCHU SA KANYANG MGA KABABAYAN SA TARLAC CITY. ANG KATULAD NIYA ANG DAPAT NATING IHALAL.

6C

ENTRAL

Mensahe Mula kay;

HON. POL TRIVINIO Incumbent Municipal Councilor

May the New Year brings bountiful blessings to all... Message from;

HON. FRED R. ISLA Incumbent Municipal Councilor Gerona, Tarlac

LUZON BANAT NEWSMAG DECEMBER 27-JANUARY 2, 2013


TULOY ANG TUNAY AT TAPAT NA PAGLILNGKOD!

HON. EMY LADERA

FACUNLA CITY COUNCILOR

A Prosperous New Year to all! Greetings From:

HON. NOEL SOLIMAN City Councilor

Happy New Year ... From;

HON. PEY SANTOS Barangay Captain Poblacion, Tarlac City Manigong Bagong Taon sa Lahat! Greetings from:

FERDS/VLAD RODRIGUEZ City Councilor Candidate

A Prosperous New Year to all.. Message From;

Hon. Paz Manalang Cupcupin Municipal Councilor Candidate Gerona, Tarlac CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG DECEMBER 27-JANUARY 2,2013

7


KILALANIN SI...

ABEL ‘TORRES’

BASANGAN Si Abel Torres Basangan ay anak ng magsasaka, nagsikap at nakilala sa sariling paraan, naging kaagapay ng mga manggagawa at lider ng barangay. Nagmula siya sa pamilya ng mga lingkod bayan (public servants) sa Barangay Culipat, Tarlac City. Isinilang noong Mayo 21,1959 at pangatlo sa walong anak nina Felipe Samson Basangan at Natalia Sese Torres. Ang kanyang ama ay naging barangay Kapitan ng Culipat noong 1972 hanggang 1989. Ang may-bahay ni Abel ay si Ginang Sylvia Echalar Basangan, may apat silang anak, sina; Peejay (nagtapos ng Physical Therapy), Alexis (Licensed Civil Engineer), Angelica (Registered Nurse) at Star, nagtapos din ng kursong Nursing sa CLDH. Nag-aral ito sa Matatalaib Buno Elementary School noong elementarya, nag-high school sa Osias Colleges at kumuha ng kursong B.S. Commerce sa Columban College, Olongapo City. Naging katuwang si Abel ng kanyang mga magulang sa bukid hanggang sa ito’y makapagtrabaho sa Tarlac Electric Inc. noong 1981, naging huwarang manggagawa at lider ng union sa TEI, naging Vice President ng Tarlac Electric Workers Union (TEWU) mula noong 1984 hanggang 1990 at naging Presidente ng union mula 1990 hanggang sa kasalukuyan. Tulad ng kanyang ama, ginugol din ni Abel ang kayang panahon sa paglilingkod sa

8

BASANGAN kanyang mga kabarangay, naging konsehal ng Barangay Culipat mula 1989 hanggang 1994, nahalal na Barangay Chairman noong 1997 at nanungkulan hanggang 2010. Natapos nito ang kanyang tatlong termino bilang kapitan, patunay na malaki ang tiwala ng kanyang mga kabarangay kaya patuloy siyang sinusuportahan ng mga ito, naging Vice President ng LIGA ng mga Barangay (ABC Vice President) hanggang 2010. Anak ng magsasaka, kaagapay ng manggagawa, lider ng barangay, ito ang larawan ni ABEL BASANGAN, ang kanyang likas na kaalaman sa pagsasaka na kanyang kinamulatan, ang kanyang mabungang karanasan bilang lider ng mga manggagawa at ang kanyang mahabang panunungkulan bilang lider ng barangay ang mga katangiang nais niyang ihandog sa mga mamamayan ng lungsod ng Tarlak. Nais nitong ipagpatuloy, palawakin at pagtibayin ang mga dating programa sa agrikultura at kooperatiba sa ilalim ng MAGSIKAP-MAGSAKA ng ating lungsod. Isa din sa kanyang programa na nais isulong at maprotektahan ay ang mga lehitimong karapatan ng mga manggagawang Tarlakenyo.

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG DECEMBER 27-JANUARY 2, 2013

TARLAC CITY POPULARITY SURVEY 2013 MAYOR GENARO MENDOZA 4,532 GELACIO MANALANG 3,126 DAN ASIATEN 2,998 JEROME LAPEñA 2,969 UNDECIDED 451 VICE MAYOR MIGUEL TAñEDO 4,528 ANA AGUAS 2,641 TOP 20 CITY COUNCILORS 1. JOJO BRIONES 4,529 2. EMY LADERA FACUNLA 4,498 3. NOEL SOLIMAN 4,329 4. RICKY DIOLAZO 3,859 5. WENG QUIROZ 3,680 6. MENCHU BUCAD 3,596 7. ABEL BASANGAN 3,567 8. ERNIE GALANG 3,565 9. JUN TANJUAKIO 3,439 10. ATTY TURING SERRANO 3,439 11. JELO HONRADO 2,783 12. MARK MARTINEZ 2,781 13. NAP FERRER 1,988 14. ROY MAGBAG 1,934 15. TOPEY DELOS REYES 1,923 16. GLENN CARITATIVO 1,922 17. MADING DE LEON 1,758 18. DEXTER REGALA 1,757 19. TYRONE AGANON 1,146 20. FERDS RODRIGUEZ 1,125

Masaganang Bagong Taon sa mga kababayan ko sa 2nd District! Ang Mensahe mula kay;

HON. HARMES SEMBRANO Board Member 2nd District


Tarlac-Pangasinan-La Union E-TRIKES SUSUNOD Expressway Bubuksan na sa Mayo NA SASAKYAN NG PINOY Inihayag ngayon ng mga opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mabilis na progreso ng multi-billion piso expressway na nag-uugnay sa Tarlac , Pangasinan at La Union na siyang magpapalakas ng ekonomiya sa gitna at northern Luzon. Ang bahagi ng Tarlac Carmen section na umaabot sa 88.15 kilometro, TarlacPangasinan-La Union Expressway (TPLEX) ay inaasahang bubuksan sa Mayo 31, 2013. Ang biyahe sa gitna at northern

Luzon ay iigsi at tinatayang magpapalakas sa ekonomiya at turismo sa mga nabanggit na lugar. Kung ang nasabing expressway ay operational na mapapadali ang biyahe sa Ilocos, Cordillera at Central Luzon Regions na mag-uugnay naman sa North Luzon at Subic-Clark-Tarlac Expressway. Ang nasabing Expressway ay magkakaroon ng dalawang lane at lalaparan ito kung umabot na sa 25 libong sasakyan kada araw ang dumaraan.

CONSUMER CORNER

Masuwerte ang Tarlac City dahil nakatala ito sa listahan ng Department Of Energy (DOE) sa 15 Key Cities na mababahaginan mula sa 100 libong electric bicycles (e-trikes). Sa unang bahagi mula 2012-2013 ang pamamahagi ng 20,000 units ng e-trike ay nakasentro sa 12 siyudad sa gitnang Luzon. Ang second phase mula 2014-2017 ay 15 siyudad kabilang ang Boracay sa Aklan. Anim na siyudad sa Kamaynilaan ang unang bahaginan na may bilang 12,500 units. Ang karamihan ay sa Quezon City na may 7 libong units; Caloocan na may 1,500 units, Makati City 1, 100 units, Manila Para単aque, 1 libong units at Mandaluyong 900 units. Sa labas ng Metro Manila ang mababahaginan ay ang Puerto Prinsesa City sa Palawan; at Cabanatuan City na may tig 1,500 units; Lipa City 2,000 units; Tarlac at Dagupan na may tig 1 libong units at Davao City 500 units. Sa ikalawang bahagi, 80 libong e-trikes units ang ipamamahagi, 27 libo nito ay sa mga siyudad sa Kamaynilaan kasama na ang Quezon City, 15,000 units; Caloocan City 5,500 units, Makati 1,500 units; Manila 1,500 units; Ang Cabanatuan City ay nangangailangan pa ng 22,000 units; Antipolo City 10,000 units; Puerto Princesa 2,500 units; Tarlac 9,000 units; Lipa City 3 libong units; Los Ba単os, 2,500 units; Davao at Dagupan 1,500 units bawat isa at Boracay 500 units. Ang Department of Energy sa ilalim ng Aquino administration ay itinalaga ang e-trikes bilang flagship agenda upang simulan ang alternatibong transportasyon sa bansa na gumagamit lamang ng koryente. Ang Asian Development Bank (ADB) ay magbibigay ng $300 milyong pautang upang matugunan ang proyektong ito ng pamahalaan.

2013 National and Local Elections Pursuant to Section 2 of Republic Act No. 7166, the next National and Local Elections is scheduled to be held on the second Monday of May 2013, which falls on May 13th. Pursuant further to Republic Act No. 10153, said elections will also be held simultaneously with the elections for the regional officials of the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). The COMELEC is now making preparations for an automated election process pursuant to Republic Act No. 9369.

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG DECEMBER 27-JANUARY 2, 2013

9


DEED OF EXTRA-JUDICIAL PARTITION AND ADJUDICATION WITH WAIVER OF RIGHTS with SPECIAL POWER OF ATTORNEY NOTICE IS HEREBY GIVEN TO THE PUBLIC that JESUS DAYAN-PASCUA, CRISOLOGO DAYAN-PASCUA, NOMER DAYAN-PASCUA, BERNARDINO DAYAN-PASCUA, FERDINAND DAYANPASCUA and JEORGE DAYAN-PASCUA all of legal ages, Filipinos and residents of Barangay Bularit, Gerona, Tarlac, all legal heirs and children of ELMER DAYAN-PASCUA who died intestate on May 15, 2010 and SALUD A. DAYAN who died intestate on January 10, 2005. SALUD A. DAYAN executed a last will and testament that all properties, claims, interest and parcel of lands was given to the late ELMER DAYANPASCUA, described as follows: TCT No. 31987 with an area of 4,306 sq. meters more or less; TCT No. 31986 with an area of 6,778 sq. meters more or less; TCT No. 85651 with an area of 4,172 sq. meters more or less; TCT No. 85895 with an area of 4,052 sq. meters more or less; and TCT No. 9933 with an area of 42,020 sq. meters 2/3 share more or less. That all legal heirs executed voluntarily a DEED OF EXTRA-JUDICIAL PARTITION AND ADJUDICATION WITH WAIVER OF RIGHTS with SPECIAL POWER OF ATTORNEY in favor of JEORGE DAYAN-PASCUA, legal age and resident of Barangay Parsolingan, Gerona, Tarlac and appoint him as their Attorney-In-Fact in any court proceedings, sign and received documents, on the matter of TPLEX project. That all legal heirs signed the DEED OF EXTRA-JUDICIAL PARTITION AND ADJUDICATION WITH WAIVER OF RIGHTS with SPECIAL POWER OF ATTORNEY on November 28, 2012 in Tarlac City, Philippines. That the DEED OF EXTRA-JUDICIAL PARTITION AND ADJUDICATION WITH WAIVER OF RIGHTS, appearing in the Notarial Registry of Atty. Edward L. Robea, Notary Public, under Document No. 20; Page No. 4; Book I, series of 2012. Published in CENTRAL LUZON BANAT issues of December 20-26; December 27-January 2, 2013 & January 3-9, 2013.

10 C

ENTRAL

LUZON BANAT NEWSMAG DECEMBER 27-JANUARY 2, 2013

OFF D ...mula p.2 naniniwala ka sa sarili mong kakayanan! Marahil nawala na ang delikadesa at prinsipyo sa ninong ko dahil ang mga sumunod na pangyayari ay dumami na ang kanyang ariarian at lalo siyang yumaman, di tulad noong nakalaban pa niya ang incumbent. Madali ang mamulitika, subalit mahirap patunayan at tindigan ang sinasabing prinsipyo at delikadesa sa panahon ngayon. Dati ipinaglalaban ng ating mga bayani ang prinsipyo, paninidigan at delikadesa kahit na ang maging bunga nito ay kamatayan sa mga kamay ng kaaway. Kaya pala wala nang Sundan sa kabila...p.11


OFF D...mula p.10 nagiging bayani ngayon! Sa salita na lang ang meron. ooo000ooo Hindi ko naman sinasabing ma-prinsipyong tao ako, pero

kahit papaano, nagtira ako ng kaunti, mahirap na kasi kung wala man lang natirang katiting na prinsipyo, parang wala ng saysay na nabuhay ka pa sa mundo. Ang katuwiran ko kasi, hindi ka lang naman nabubuhay

para sa pagkain, dapat ilaban mo rin ang natitira mong prinsipyo sa buhay. Para kang isang aso na hagisan lang ng maliit na buto humihinto na, at nakakalimutan nang gawin ang kanyang

trabahong magbantay sa bahay ng kanyang amo. Inasikaso na ang pag-ngatngat sa maliit na piraso ng buto. ooo000ooo Sa tuwing sumasapit ang bagong taon, may nakaugalian tayong gawin, ang isang New Year’s Resolution. Sa palagay ko hindi ito totoo. Wala kasing gumagawa ng totoong New Year’s Resolution dahil kung meron lang, wala na sanang problema ang ating lipunan dahil lahat ng tao matitino na. ooo000ooo Merong isang trying hard na sumikat sa broadcasting, hindi naman niya kabisado ang mga isyu na tinatalakay, sinabihan ako na; alam mo ba sikat na sikat ka na! Agad ko naman siyang sinagot; “hindi ko ata ramdam ‘yun” kasi ang alam ko trabaho lang ito! Hindi komo kilala ka at sikat ka, ilalagay mo sa utak mo ang kasikatan, dahil lalaki’ ang ulo mo, baka di mo na makayanang dalhin. Sa trabaho kong ito, na mahigit pa sa kalahati ng buhay ko ang inilaan ko dito, hindi ko feel na sikat ako, o kung sino ako. Ang alam ko madalas akong kinukuhang talent, at lahat ng hinawakan namin ay sumisikat naman! Karamihan sa kanila ay matagumpay na pulitiko na, kaya lang kapag naka-upo na sila ay nakakalimutan na nila ako, kasi hindi ako marunong magsip-sip sa pulitiko. Pero umaasa ako na sila ang magdadala noon dito sa lupa o sa kabilang buhay. Sabi ko nga, ang lahat ng nagdemanda sa akin noon ng libel sa kabubulgar ko ay natalo lahat sa eleksiyon pagkatapos. Ibig sabihin, kakampi ko ang Diyos, ikaw na nagpapaka-baba ay itinataas ang nagmamataas ay ibinababa. Ang mga umargabyado sa akin ay ipinanalangin ko na. Bahala na ang nasa taas. Kung matatalo sila, mas malakas ako sa itaas kesa sa kanila. 2013 na, manalangin tayong lahat para sa pambansang pagkakaisa. RECONCILIATION!

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG DECEMBER 27-JANUARY 2, 2013

11


KILALANIN NATIN SILA PARA SA TARLAC CITY DIOSDADO “JOJO” BRIONES

SUBOK NA LINGKOD BAYAN AT MAY PINATUNAYAN NA! JOJO BRIONES

Sa pagpili ng mga kandidatong iluluklok natin sa konseho kailangan ay kilalanin muna nating mabuti kung sila bay karapatdapat na maihalal. Ang kailangan ng taong bayan sa ngayon ay yaong may good performance tulad ni former City Councilor Jojo Briones. Sa kanyang muling pagbalik sa pulitika marami ang natuwa dahil alam nilang marunong magtrabaho ang pulitikong ito at hindi magbubutas ng bangko sa konseho. Sa kasaysayan ng mga City Councilors sa Tarlac City isa si Jojo Briones sa may pinaka-maraming nagawang Ordinansa at Resolusyon, ibig sabihin si Jojo Briones ay

JUN TANJUAKIO DUMALO SA PGBI CHRISTMAS PARTY

nagtatrabaho at hindi nasayang ang sinahod ng gobyerno sa kanya bilang konsehal. Marami sa mga residente ang nagpahayag ng suporta sa kanyang kandidatura upang muli nilang makita ang kanilang idolo sa konseho.

Ilan sa mga mahalagang Ordinansa na ini-akda ni Councilor JOJO BRIONES ( Taon: 2001-2004, at 2007-2010 ) 1. Ordinance 01-014. Nagtatatag ng libreng pag-aaral (Scholarship) sa kolehiyo para sa mga maralita ngunit karapat-dapat at matatalinong mga estudyante. 2. Ordinance 01-015. Naguutos sa paglalagay ng mga silencer, muffler o katulad na aparato, sa lahat ng motorcycle at de motor na traysikel, upang masugpo ang ingay na dulot ng mga ito bago makapag “operate” sa Tarlac City, at nagpapataw ng kaukulang multa sa paglabag dito. 3. Ordinance 02-11. Nagtatakda ng kaukulang bayad pasahe sa mga paupahang traysikel na pumapasada sa Tarlac City at nagpapataw ng kaukulang multa sa paglabag dito. 4. Ordinance 03-06. Nagbabawal sa pag-ihi at pag dumi ng lantaran sa lahat ng pam-publikong lugar. 5. Ordinance 03-007. Nag-uutos sa mga “business establishments “ na may “amusement”, kagaya ng video game machine, computer internet games at iba pang katulad na aparato, na huwag magpapasok at pagamit ang mga ito sa mga batang edad labing anim pababa mula 7 AM hanggang 5 PM sa mga araw na may pasukan sa mga paaralan. 6. Ordinance 03-009. Paglalaan ng halagang limang milyon piso (P5,000,000.00) sa taunang badyet ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac para ipambili at pag-paayos ng lupa, para sa relokasyon ng mga iskuwater na na-giba ang tirahan. 7. Ordinance 08-05. Nag-aatas ng kusang loob na pag-hahandog ng dugo sa Philippine National Red Cross bilang alternatibong multa sa paglabag sa mga Batas Trapiko ng Tarlac City. 8. Ordinance 08-07. Nag-uutos sa mga “business establishments” sa Tarlac City na dapat sa kabuuan ng mga empleyado nila, animnapung porsiyento (60%) man lamang, ay galing sa mga residente ng Tarlac City. 9. Ordinance 08-22. Nagbibigay ng kaluwagan sa pagbayad ng multa, patong at patubo sa mga “real property” (amelyar) at “business taxes” na hindi bayad sa takdang panahon.

Isa si City Councilor Jun Tanjuakio sa mga pulitikong inimbitahan sa Christmas Party ng mga Guardians sa Tarlac City, patunay na malakas ang hatak nito sa mga Tarlakenyo. Ayon sa ilang opisyales ng Phil. Guardians, maganda umano ang ipinakitang galaw ng political career ni Tanjuakio kaya susuportahan nila ang k a n y a n g kampanya para sa 2013 bilang konsehal ng Tarlac City. Ta n g i n g si Ta n j u a k i o a n g hindi nagtatago sa mga b a g u h a n g pulitiko nitong nakalipas na kapaskohan, kaya siya ang naalala ng mga taong puntahan. Si Tanjuakio ay isang Engineer at dating konsehal ng barangay San Sebastian, Tarlac City.


BANAT NEWS MAGAZINE