SARO 2: PAMPANITIKANG DIYORNAL NG SAMAHANG LAZARO FRANCISCO

Page 25

DAGLI

Kabado

Arnel Bien Francisco Buntis ako. Received 20:12 06/13/18 Wala pa ring maisagot si Jomar sa tila pasabog na mensahe ni Trixie sa kaniya kagabi. Hindi pa ‘ko handa. Mali. Mali ang lahat. Paubos na rin ang baterya ng kaniyang cellphone sa walang humpay na kakavibrate mula sa mga tawag ni Trixie sa kanya. Trixie - 36 missed calls Totoo, mahal ni Jomar ang dalaga subalit wala pa silang tatlong buwan na magkasintahan. Hindi rin planado ang nangyari sa kanila. Wala ang lahat sa plano. “‘Langya ka Brad, sigurado ka ba dito?” tanong ni Jomar habang itinatago niya ang maliit na lanseta sa loob ng kanyang jacket. Nang naglalabas kasi ng sama ng loob ang binate sa kaniyang mga kaibigan ay napagdesisyunan nilang dumilehensya kasama si Kiko, ang notoryus sa kanilang lugar pagdating sa panghoholdap sa dyip. Maya-maya pa ay sumakay na sila sa dyip na napili ni Kiko. Tulad nga nang napag-usapan, sumakay siya katabi ng drayber. Wala pang limang minuto at habang puno ang laman ng dyip ay sumenyas na si Kiko. “Holdap to!” sigaw ni Enok, halatang kabado dahil pumiyok pa ito, mula sa may pinto ng dyip. Agad namang itinutok ni Jomar ang dala niyang patalim sa drayber at mabilis nitong sinimot ang laman ng kahon ng pinamasada ng matanda. Paghinto nila sa stop light, dali-dali silang tatlong tumalon at kaniya-kaniyang tumakbo palayo ang grupo bitbit ang kaunting pera at barya mula sa lalagyan ng pasada. Habang tumatakbo ay nagpadala siya ng mensahe sa kasintahan: To: Trixie Nasaan ka? Magkita tayo. Sent 19:15 06/14/18

{23}


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.